You are on page 1of 314

Volume 1 • Chapter 1: Pilot

ILANG ORAS din ang itinagal bago ako nakaluwas patungong Pampanga. Dahil sa sobrang bigat ng daloy ng traffic
sa EDSA at sobrang bagal ng pag-usad ng mga sasakyan, mapapaniwala kang meron talagang forever kahit gaano ka
pa ka-bitter. Nagkataon pang may naaksidente sa Cubao kaya lalong tumagal ang paggalaw ng kotseng sinasakyan ko.

Mag-a-alas-singko ng hapon nang makarating kami sa probinsya. On our way to Angeles City, medyo mabigat din
ang traffic sa McArthur Hi-way, pero hindi gano'n kalala kumpara sa Maynila. Ang unang mapapansin mo sa siyudad
na 'to, wala masyadong gusaling halos maabot na ang kalangitan sa sobrang taas.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang apartment na may tatlong palapag. Tinulungan ako ng driver na kunin ang mga
gamit ko sa trunk at dinala ang mga 'yon sa tabi ng kulay itim na gate.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
"Walang anuman, ma'am," tugon niyang may kasamang pilit na ngiti. Ilang oras din ang biyahe kaya seguradong
napagod ang driver namin lalo't na-stuck kami sa traffic kanina. "Mag-iingat ho kayo."
Muli siyang pumasok sa kotse at nag-drive paalis. For sure, gagabihin na siyang makabalik sa Maynila dahil sa
sobrang haba ng biyahe. Sana'y hindi na siya maipit sa traffic.
Ilang segundo pagkapindot ko sa doorbell, bumukas ang gate at bumungad sa 'kin ang isang babaeng may abot
hanggang balikat na buhok at may wrinkles sa noo, marahil dulot ng katandaan. Siya si Martha Henson, ang tita kong
may-ari ng apartment na titirhan ko sa mga susunod na buwan.
"Oh, Lorelei! Kanina pa kita hinihintay!" Niyakap niya ako nang mahigpit, sa puntong halos hindi na ako makahinga,
at nakipagbeso sa 'kin. "Kumusta ang biyahe? Hinatid ka ba ng papa mo?"
Napangiti ako sa tanong niya. Parang hindi niya kilala kung anong klaseng tao si papa. Ni hindi man nga siya
nagpaalam sa 'kin dahil medyo "busy" raw siya.
"May meeting kasi sila kanina kaya hindi na niya ako naihatid. Gusto nga niya kayong makita e," pagsisinungaling ko.
Wala namang sinabing gano'n si papa.
"Halika, ituturo ko sa 'yo kung saan ka mag-i-stay. Nilinis ko kanina ang kwartong tutuluyan mo." Binitbit ko ang
isang bag habang tinulungan niya akong buhatin ang isa pa. Pinauna niya akong pumasok bago niya isinara ang gate.
May kalakihan ang apartment na ipinapaupa nitong si Tita Martha, siguro nasa sampung unit. At malamang, may
kamahalan ang renta dahil malapit ito sa university. Halos mga estudyante raw ang nangungupahan dito, lalo na 'yong
mga taga-malayong lugar na ayaw mag-commute araw-araw.
"Okay lang ba sa 'yo kung meron kang kasama sa unit?" lumingon siya sa 'kin at bahagyang kumunot ang noo. "Lahat
kasi ng mga unit dito, may nangungupahan na. Isang unit na lang kasi ang may bakante pang kwarto."
"Babae ho ba ang kasama ko sa unit?"
Tumingin siya sa 'kin na parang nagdadalawang-isip siyang sagutin ang tanong ko bago niya buksan ang pinto
papasok sa apartment. "Lalaki."
Napalunok ako ng laway. Walang problema sa 'kin kung kay kasama ko sa unit... basta hindi lalaki.
"Alam kong may isyu ka sa kanila, pero ibahin mo itong sinasabi kong magiging roommate mo." Napansin siguro ni
Tita Martha ang pagkadismaya sa aking mukha kaya napilitan siyang magpaliwanag. "At saka magkahiwalay kayo ng
kwarto. Magkikita lang kayo sa sala at kusina. Kung gusto mo, palagyan natin ng tatlo o apat na lock ang kwarto mo."
Pare-pareho lang ang mga lalaki. Kapag nagpakita ka ng kahinaan, aabusuhin nila. Mga natural predator sila na
naghahanap ng kanilang prey sa masukal na kagubatan. "Paano ho naiba ang roommate ko?"
Nauna sa pag-akyat sa hagdanan si tita at maingat na naglakad. "Kasing tahimik siya ng bato kapag kasama mo siya.
Hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Misteryoso, parang may sariling mundo. At hindi rin siya mahilig sa
babae. Noong isang araw, naitanong ko kung may girlfriend na siya. Ang sagot niya, wala raw siyang oras para sa
gano'ng kahibangan."
"Kung gano'n, bakla ho ba siya?"
Napatawa nang mahina si tita kahit seryoso ang isinagot ko sa kanya. "Wala rin siyang interes sa mga lalaki. At
mukhang wala rin siyang interes sa mga tao. Dalawang taon na siya rito pero ni minsan, wala siyang dinala ni isang
kaibigan o kaklase."
"Pero may mga kasama ho ba siya dati sa unit?"
"Oo, may mga nangungupahan sa mga kwarto pero makalipas ang isa or dalawang buwan, bigla silang aalis. Ang sabi
nila, may multo raw na nanggugulo sa kanila gabi-gabi. Kapag naliligo sila sa banyo, may nakikita raw silang mga
matang nakatitig sa kanila mula sa bintana. Kapag nasa kwarto, may naririnig silang tumatawag sa pangalan nila."
Creepy. Pang-horror film pala ang isa sa mga unit ni tita. Mabuti't hindi naisipan ng lalaking lumipat ng apartment.
Kung ako sa kanya, mag-aalsa-balutan na ako bago pa ako dalawin ng mga multo sa panaginip ko.
"Huwag kang mag-alala. Wala naman daw multo, sabi ng roommate mo." Mukhang naramdaman ni tita ang
pagkatakot ko sa ikinuwento niya. "Baka raw may tinitira ang mga kasama niya noon kaya nakakakita raw sila ng mga
bagay-bagay. Wala pa raw siyang nakita o naramdamang ibang elemento sa unit."
Dapat bang mapanatag ang loob ko sa sinabi ni tita at maniwala sa testimonyo ng lalaking 'yon?
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa third floor, sa tapat ng Room 302. Kumatok muna si Tita Martha bago niya
ipinasok ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto.
Eksakto lang ang laki ng unit at mukhang kumpleto na rin sa gamit. Pagpasok mo palang, bubungad na sa 'yo ang
dalawang couch at maliit na mesang gawa sa kahoy sa sala. Sa bandang likuran sa kusina, may pabilog na mesang
pinalilibutan ng tatlong monobloc chairs. May lalagyan naman ng mga plato't baso, gas stove at water dispenser sa
may kitchen sink. Sa gawing kanan ng apartment, may dalawang pintong nakasara-'yon siguro ang mga kwarto-
habang may bahagyang bukas na pinto sa bandang likuran, ang comfort room.
Ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakahiga sa sahig at tila binubuo ang isang malaking jigsaw
puzzle. Nakakalat ang mga piraso sa paligid niya. What's weird is that those pieces have no design or color. Blangko
sila.
"Excuse me, Loki?" Tita Martha let out a forced cough to get his attention. What an odd choice of name, by the way.
Kapangalan niya ang Norse god of mischief. "Gusto kong ipakilala sa 'yo ang bago mong roommate."
Humarap siya sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I did the same to him.
Ang unang napansin ko kay Loki ay ang buhok niyang halos takpan na ang kanyang mga mata sa haba ng bangs. It
seemed he was trying to hide his jet black, lackluster eyes from anyone's sight. Payat ang kanyang mukha kaya
kapansin-pansin ang mga nakausli niyang cheekbone.
Kumaway ako sa kanya at ipinakilala ang sarili ko. "Hi, I'm Lorelei Rios. Pleased to meet you."
"Loki Mendez," tugon niya, walang kabuhay-buhay ang kanyang boses. "Sorry, I'm in the middle of solving a puzzle
here so do you mind if you won't disturb me for another five minutes?"
Muli siyang humiga sa sahig at itinuon ang atensyon sa jigsaw puzzle. Great. Napakalamig ng pagtanggap niya sa 'kin.
And I will be sharing this unit with this guy for a couple of months. Ang akala ko noong una, exaggerated lang ang
description sa kanya ni Tita Martha.
Nagkatinginan muna kami ni tita at saka siya napakibit-balikat. Sanay na siguro siya sa gano'ng kalamig na reaksyon
ni Loki tuwing may ipinapakilalang roommate.
"Bale ang magiging kwarto mo ay 'yong pangalawa." Tita Martha led the way to my room. Habang naglalakad kami
patungo roon, napansin ko ang mga post-it note na nakadikit sa flatscreen TV. May mga numerong nakasulat sa mga
'yon na parang codes o trigonometric equations. Meron ding dartboard sa pader kung nakatusok ang larawan ng isang
lalaki gamit ang darts.
Kung si Loki man ang naglagay ng mga 'yon, he's really weird... and a bit mysterious.
Inilapag ni tita ang mga bag ko sa kama at iniabot sa 'kin ang susi. "Make sure na laging naka-lock ang kwarto mo
kapag matutulog ka. Tiwala naman ako sa roommate mo na wala siyang gagawing masama habang nandito ka. Kung
kailangan mo ako, nasa Room 101 lang ako."
"Salamat po, tita." Muli ko siyang niyakap na tumagal ng ilang segundo. She also embraced me warmly, and it felt
like my mother was also hugging me.
"Sana'y bumisita rito ang papa mo para kumustahin ka," sabi niya nang magkahiwalay na kami. "Seguradong
mamimi-miss niya ang kanyang unica hija."
Paglabas ni Tita Martha sa aking kwarto, hindi ko maiwasang mapangiti. It wasn't the usual broad and genuine smile;
it was a wry smile. Kung umalis man ako o hindi sa bahay namin sa Manila, it wouldn't make a pennyworth
diffference to my father.
Pasado ala-sais ng gabi nang matapos kong ilagay sa cabinet ang mga damit ko. Mula sa suot kong pantalon, pinalitan
ko ito ng shorts na abot hanggang tuhod.
Lumabas ako sa kwarto, dala-dala ang aking MacBook at umupo sa gilid ng bakanteng couch. Nabuo na ni Loki ang
jigsaw puzzle kaya nakaupo siya sa kabilang couch at nagbabasa ng librong may pamagat na And Then There Were
None.
Gusto ko sanang manood ng TV. Ang kaso, dahil sa mga post-it note sa screen, I gave up the idea. Baka kasi para sa
assignment ng roommate ko ang mga 'yon.
Instead, I logged in my Facebook account and checked the inbox. A number of my classmates-former classmates-from
my high school in Manila sent me personal messages. Habang tsine-check ko isa-isa, tumayo si Loki at dumaan sa
likod ko para pumunta sa banyo.
Kinumusta ako ng mga dati kong kaklase at tinanong kung saan ako magta-transfer. I closed the messages without
replying to them. Tiyak na mapapansin nilang na-seen ko ang mga mensahe nila. Maging sa phone ko, nagte-text din
ang ilan sa kanila. Like what I did sa mga Facebook message, hindi ko na sila ni-reply-an.
Wala akong galit sa kanila. Ayaw kong muling magkaroon ng koneksyon sa nakaraan dahil gusto ko nang kalimutan
ang nangyari noon.
For me to move on, I guess I have to cut my ties with the past.
Lumipas ang ilang oras pero ni minsan, hindi kami nagkausap ni Loki. Kagaya ng sabi ni Tita Martha, hindi siya
nagsasalita kung hindi kailangan. Masyado siyang abala sa pagbabasa ng libro o pagbuo ng puzzle. Mukhang wala
talaga siyang balak na makipagkilala sa 'kin.
The same situation went on the next day. Pagkagising ko sa umaaga, binati ko siya ng "good morning" pero hindi man
siya tumugon. Nakatutok pa rin siya sa binabasa niya at nandoon pa rin siya sa puwesto kung saan ko siya huling
nakita kagabi bago ako natulog. Teka, natulog na kaya ang lalaking 'to o nag-marathon siya magdamag para tapusin
ang kanyang binabasa?
Pagdating ng hapon, muli akong umupo sa nakagawain kong pwesto sa couch. Si Loki, hayun, nagsusulat ng mga
numero sa papel, tila may sino-solve na mathematical problem. Habang nanonood ako ng mga nakatutuwang cat
video sa YouTube, napapasulyap ako sa ginagawa niya.
And then, a miracle happened.
"Kanina ka pa tumitingin-tingin sa 'kin. You probably have a couple of questions or you just want to start a
conversation with me." Sa unang pagkakataon, kinausap niya ako. Mukhang may something sa ulam na inihatid ni
Tita Martha kaninang tanghalian kaya nagsasalita na ang kasama ko.
Tiningnan ko muna kung may kausap siya sa phone, baka kasi hindi para sa 'kin ang remarks na 'yon. Nang masiguro
kong ako nga ang kausap niya, isinara ko ang aking laptop at napatitig sa kanya.
"Naisip ko lang na bilang rooommates, kailangan medyo kilala natin ang isa't isa lalo na't ilang buwan din tayong
magkakasama sa iisang bubong," sabi ko sa kanya. "Aside from our names, we don't know a single thing about each
other."
Tumigil siya sa pagsusulat ng numero at napatingin sa direksyon ko. "Oh, I disagree."
Bahagyang naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon. "Excuse me?"
"Alam kong galing ka sa Manila at napagdesisyonan mong lumipat dito sa Pampanga," paliwanag niya, nagpatuloy sa
pagsusulat ng mga numero sa papel nang hindi lumilingon sa 'kin. "It's also probable na you will also be attending the
same high school as I do."
"Sinabi ba sa 'yo ni Tita Martha?"
"Nope," may diin ang pagkakasabi niya sa "p". "I deduced it based on how you were dressed yesterday. Kumpara sa
aming mga taga-probinsya, mas sophisticated ang fashion sense n'yong mga taga-Manila. How about the school?
Most, if not all, tenants here are going to the same high school-which is Clark High School. Of course, that deduction
relies on a probability, not on an absolute certainty."
Bahagyang napabuka ang bibig ko habang pinakikinggan ang mabilis niyang pagsasalita. Kaya pala kahapon, parang
X-ray niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. He tried to read a bit about me through my appearance.
"But that's not all," pagpapatuloy niya, ang akala ko'y tapos na siya sa kanyang deduction show. "If my deduction is
correct, may tinatakasan ka mula sa 'yong nakaraan. That's why you went here, to seek refuge and solace."
Napalunok tuloy ako ng laway at napakurap ang mga mata ko sa kanya. There's no way for him para malaman niya
ang tungkol sa problema o nakaraan ko. Ni wala akong sinabi sa kanya mula nang magpalitan kami ng pangalan
kahapon. Posible kayang naikwento ako ni tita sa kanya?
"You're mistaken. Walang sinabi ang landlady sa 'kin tungkol sa 'yo." Parang nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko.
"And if she did, I was probably not listening."
"Kung gano'n, paano mo nalaman na may tinatakasan ako?"
"Simple lang." Muli siyang tumigil sa pagsusulat at umayos ng upo. "You were ignoring your friends' messages on
Facebook and probably on your phone. Disconnecting yourself with people from your past is an indication that you
want to escape, if not forget, about it."
"At paano mo nalaman na nag-message sila sa 'kin sa Facebook?"
"Noong tsine-check mo ang inbox mo kahapon at kanina, napadaan ako sa likod mo at napansin ko ang ginawa mong
pag-seen sa mga message nila," paliwanag niya habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa laptop ko. "They were
concerned about your well-being and yet, you chose to ignore them."
Hindi lang siya sumilip, binasa pa niya ang mga message ko. Where's his respect for my privacy?
"A new question emerged: What are you trying to escape from?" Gusto kong sumabat pero parang machine gun ang
bibig niya na walang tigil sa pagsasalita. "May nangyari siguro sa dati mong school sa Manila. You were probably
involved in a big issue or scandal kaya siguro naisipan mong mag-transfer dito."
Napakapit ako sa mga tuhod ko habang patuloy na nakikinig sa kanya.
"The mystery now is why would you transfer here in the province? Judging by your MacBook and iPhone, your
family is quite well-off. You can afford to study anywhere in Manila. Why not go to those prestigious universities?
Marahil dahil ang insidenteng kinasangkutan mo sa dati mong school ay seryoso kaya kinailangan mong
magpakalayo-layo para mawala ito sa atensyon mo at hindi ka na gambalain pa nito. If you stay in the vicinity, it
might trigger a tragic memory."
Hindi ko naiwasang mapatingin palayo. May lahing manghuhula kaya ang lalaking 'to? He sounded as if he really
knew something about me, especially about that incident. Hindi ko alam kung paano magre-react lalo't tama ang mga
pinagsasabi niya.
"I can only think of three probable scenarios na nangyari," itinaas niya ang kanyang tatlong daliri. "Una, posibleng
witness ka sa isang karumal-dumal na krimen. Pangalawa, posibleng may nagtangkang-"
"ENOUGH!"
I couldn't take his nonchalant remarks anymore. Sumigaw ako para huminto na siya sa pagsasalita. Kung may ideya
siya na seryoso ang kinasangkutan kong insidente, bakit hindi na lang niya itikom ang kanyang bibig at sarilihin na
lang 'yon? Did he really have to show off how good he is in deducing people's life history?
"May nasabi ba akong mali?" tanong niya, ni hindi man siya natinag sa reaksyon ko. Gusto niya pa yatang ituloy ang
pag-e-enumerate sa mga possible scenario.
Dala-dala ang aking laptop, tumayo ako't nagtungo sa aking kwarto nang hindi nagpapaalam sa kanya. Pero bago ko
pihitin ang doorknob, muli akong humarap kay Loki at saka bumanat.
"Alam ko na ngayon kung bakit walang nagtatagal na roommate sa 'yo. Mas masahol ka pa kasi sa multong
nanggugulo rito."
Ni-lock ko ang pinto ng aking kwarto at humiga sa malambot na kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit
na huminga nang malalim.
Whatever happened back then, I don't wanna remember anymore.
###
A/N: Bagong story na naman?! Sorry kung pabago-bago ako ng isip. I decided to write a detective story after
observing some of the trending stories in the "Mystery" section. Some don't do justice to "detective fiction."
Sa mga reader ng The Art of Manipulation, I will integrate its storyline here. Laurel and Charlotte have been renamed
to Loki and Lorelei and the premise of the story has changed entirely.
Just so you know, Sherlock Holmes is the biggest inspiration of this on-going work.
Please let me know about your thoughts in the pilot chapter. Thank you!

Volume 1 • Chapter 2: The Case of the Secret Admirer

SA MGA sumunod na araw, hindi ko na kinausap si Loki. Kahit magkasalubong kami sa sala o kusina, hindi kami
nagpapansinan. Parang hindi siya nag-e-exist sa paningin ko. And I guess the feeling was mutual.
At dahil hindi ako makapanood ng TV, naisipan kong gumawa ng blog at i-post doon ang mga new experience ko rito
sa Pampanga. Kasama na roon ang unang pag-uusap namin ni Loki kung saan naasar ako sa kanya.
Nitong Lunes, nagsimula na rin akong pumasok sa Clark High School. Doon din daw nag-aaral ang roommate ko.
Fortunately, paggising ko sa umaga, wala na siya sa apartment kaya hindi kami nagkakasabay pumasok. Baka ano
pang tsismis ang kumalat kapag may nakaalam na sa parehong unit kami nakatira.
There's nothing remarkable sa unang linggo ko sa bago kong high school. Bilang isang transferee, I was greeted with
welcoming smiles and friendly gestures. Pakiramdam ko, talagang belong ako sa Class 2-A dahil parang nakababatang
kapatid ang turing nila sa tulad kong bagong salta. May iilang gustong makipagkaibigan sa 'kin. But I still try to
distance myself from them.
Tuwing lunch time, mag-isa akong kumakain sa isang table sa cafeteria, savoring every spoonful of my sumptuous
meal in my mouth. Then bigla akong lalapitan ng mga kaklase ko at itatanong kung bakit hindi raw ako sumasabay sa
kanila. Ngumiti lang ako sa kanila sabay sagot na "Medyo naninibago pa kasi ako e."
I admit that I have trust issues when it comes to friends. Kapag nakikita ko ang mga kaklase kong gustong
makipagkaibigan sa 'kin, hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko: Sino kaya ang mga magiging tunay kong
kaibigan sa kanila at sino ang makikipagplastikan lang?
Pero may isa talaga na pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa 'kin-si Rosetta Rodriguez. Permanente na yatang nakapinta sa
kanyang labi ang isang matamis na ngiti. She seemed like a people person who loves to befriend other students. Abot
hanggang baywang ang straight niyang buhok, medyo bilog ang mukha at nakaumbok ang magkabilang pisngi. Kung
pagtatabihin mo kaming dalawa, mapapansin ang ilang pulgadang agwat namin sa height dahil mas matangkad siya sa
'kin.
"Mamaya, sumabay ka na sa 'min, ha?" paalala niya nang nagpapalit na kami ng damit para sa PE class namin.
Nasa locker room kaming dalawa, kasama ang iba pa naming kaklaseng babae. Ipapasok ko na sana 'yong susi ko sa
keyhole, pero bigla akong napatigil nang may mapansin akong kakaiba rito.
"Hmm? May problema ba, Lori?" tanong ni Rosetta na katabi ko ng locker. Medyo naaasiwa ako sa tawag niyang Lori
pero mas magandang pakinggan na 'yon kaysa sa Lei-Lei. "Hindi ba gumagana 'yang susi mo?"
Lumingon ako sa kanya at saka itinuro ang bukasan. "May mga gasgas sa paligid ng keyhole. Sa pagkakatanda ko
kasi, walang ganito noong huli kong nakita kahapon."
Nilapitan niya ang aking locker at sinuri ang susian. Nanliit pa ang kanyang mga mata habang nakatingin dito.
"Segurado ka bang hindi ikaw ang may gawa nito?"
"Maingat kong ipinapasok ang susi kaya imposibleng magkagasgas 'yan."
"Baka naman may nagkamali ng locker at ipinilit na ipasok ang maling susi riyan?"
That's impossible. Nakadikit ang buong pangalan ko sa locker kaya kung sakaling may naligaw man, mapapansin niya
kaagad na hindi sa kanya 'to. Mangyayari lang 'yon kung hindi marunong magbasa ang sinumang nagkamali.
Napakibit-balikat na lamang ako, ipinasok ang susi at dahan-dahang binuksan ang locker. Pagbukas ko, tumambad sa
'kin ang isang box ng Ferrero Roche na chocolate. May nakalakip pang sulat na "For you, Miss Gorgeous. From your
secret admirer."
"May nagpumilit ngang buksan ang locker ko," komento ko habang hawak-hawak ang maliit na box ng chocolate. Sa
halip na kiligin ako sa gano'ng sweet gesture, nanindig pa ang mga balahibo ko.
"Sa ganda mong 'yan, talagang magkakaroon ka ng secret admirer," sabi ni Rosetta, sinusuri ang nakasulat sa papel.
"May lalaki yatang tinamaan ng charm mo, Lori."
Tss. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay atensyon. Okay na para sa 'kin ang mabuhay nang naka-incognito mode sa
paningin ng iba basta hindi nagugulo ang buhay ko.
Sa pag-aakalang minsan lamang mangyayari ang pagbubukas sa aking locker, ipinagwalang bahala ko 'yon. Pero sa
sumunod na araw, muling nag-iwan ang secret admirer ko ng isang bagay na nagpangilabot sa 'kin.
Napalunok ako ng laway habang pinagmamasdan ang larawan kung saan nakadungaw ako sa bintana ng aming
classroom. May kasama pa 'tong pulang rosas at nakasulat sa likod ng litrato: "Please smile for me. From your secret
admirer."
This was getting creepier. Hindi na yata secret admirer ang nasa likod ng mga misteryosong regalo. Mukhang may
"stalker" na ako.
"May kilala ka ba sa mga lalaki nating kaklase na interesado sa 'kin?" tanong ko kay Rosetta na abala sa pagpapalit ng
damit. Naka-ponytail na ang kanyang buhok at sumusunod sa bawat paggalaw niya.
"Mukhang lahat sila e interesado sa 'yo. Gusto ka nilang makilala. May nagpapatulong nga sa 'kin kasi nahihiya sila.
Bakit? Sa tingin mo ba, classmate natin ang may gawa niyan?"
Ipinakita ko sa kanya ang iniwang photo. "Nakunan ang shot na 'to habang nasa classroom ako kahapon kaya mataas
ang posibilidad na kaklase nga natin ang nagbubukas sa locker ko at nag-iiwan ng kung ano-ano."
"Ayaw mo bang nakakatanggap ng mga ganyang bagay?"
Muling nabaling ang tingin ko sa loob ng aking locker. "Hindi naman sa ayaw ko, pero nagiging creepy na kasi.
Walang masama kung humahanga ka sa isang tao. Pero kung gusto mong i-express ang feelings mo sa kanya, huwag
naman sa ganitong paraan. Kung interesado siya sa 'kin, bakit hindi siya magkaroon ng lakas ng loob para ipakilala
ang sarili niya?"
Naisuot na ni Rosetta ang kanyang puting shirt at jogging pants samantalang ako, binabagabag pa rin ng misteryo. It's
so bothersome that I can't focus on what I was supposed to do.
"Kailangan ko na yatang i-report ito."
"Matatagalan sila bago nila matukoy kung sino ang nasa likod niyan," komento ni Rosetta. "Kung gusto mong
mabilisang malaman ang identity ng stalker mo, may kilala akong makatutulong sa 'yo."
"Huh?" Napataas ang kaliwa kong kilay. "Sino naman?"
"Kapag may problema ang mga estudyante, meron silang isang lugar na laging pinupuntahan. Basta kapag may
misteryo kang gustong lutasin, maaasahan mo ang club na 'yon. Pwede mo silang konsultahin diyan sa kaso mo."
"Parang detective club?"
"Parang gano'n. Kung bukas, hindi pa titigil ang sinumang nag-iiwan ng regalo sa locker mo, humingi ka na ng tulong
sa kanila. Pumunta ka sa third floor, sa pinakadulong room ng hallway at makikita mong nakadikit ang sign na 'QED
Club' sa pinto."
Tila itinadhanang ibigay sa 'kin ni Rosetta ang advice na 'yon. Dahil kinabukasan, pagbukas ko ng aking locker, may
nakita akong maliit at cute na teddy bear. May nakadikit pang larawan mula sa mga profile picture ko sa Facebook.
Maging sa social media yata, ini-stalk na ako ng secret admirer ko.
The fact that he went through the trouble of lock picking my locker and stalking me in person and online was probably
an indication of his obsessive nature. I think I'm no longer dealing with someone creepy. I'm dealing with someone
dangerous.
Hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing detective club. Noong lunch time, umakyat ako sa third
floor at nagtungo sa pinakadulong bahagi ng hallway. Bawat room na madaan ko, tinitingnan ko ang mga pinto at
hinahanap ang sign na "QED Club."
After less than five minutes, I found myself standing in front of Room 315. Hindi ko kaagad binuksan ang pinto.
Napaisip ako kung dapat ko silang guluhin sa ganitong klaseng problema. Well, nandito na rin naman ako kaya mas
mabuti kung itutuloy ko na. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto at tumuloy sa loob.
Kapansin-pansin kung gaano kaliit ang kanilang clubroom. Halos one-fourth yata ang laki nito kumpara sa isang
regular classroom. Sa tantiya ko, nasa limang katao lang ang pwedeng pumasok dito dahil sa sobrang sikip.
Bumungad sa 'kin ang parihabang mesa kung saan nakapatong ang mga papel na may nakasulat na random number.
Teka, parang pamilyar ang ganitong senaryo.
Inasahan kong may tatlo o apat na estudyanteng babati sa 'kin pagpasok ko. Usually, gano'n ang mga scenario sa
clubs. Pero wala akong nakita sa loob maliban sa lalaking nakatalikod habang nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Excuse me, dito po ba ang QED Club?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para hindi ko maistorbo sakaling may
ginagawa siya.
"Kung kabisado mo ang English alphabet at nakita mo ang sign sa pinto, alam mo na ang sagot sa tanong na 'yan."
Nanlaki ang mga mata ko at parang nanigas ang aking katawan nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako pwedeng
magkamali. That annoying, monotonous voice could only come from one person whom I have had the misfortune of
meeting.
Humarap sa 'kin ang walang emosyon na mukha ni Loki. Hindi man siya nasorpresa na makita akong nakatayo sa
kanyang harapan. Bahagyang naningkit ang mga mata niyang halos takpan ng kanyang bangs at nagtanong, "Teka,
ikaw ang roommate ko, 'di ba? What's your name again? Lorraine? Lorena?"
Wow. I don't know kung inaasar niya ako sa pag-astang nakalimutan na niya ang pangalan ko. Napaka-unique nga ng
pangalan ko para makalimutan ng iba. "Hindi mo na kailangang malaman pa. Sorry pero mukhang nagkamali ako ng
room na pinasukan."
Of course, that's a lie. Tumalikod ako't nagsimulang naglakad palabas ng kanyang clubroom. Kung alam kong siya
pala ang dadatnan ko rito, hindi na sana ako nagsayang ng oras.
"Oh, don't you lie. Nasa tamang lugar ka," he said in his toneless voice. I could sense his eyes shooting daggers at me.
"Tinanong mo kanina kung ito ba ang QED clubroom. That means you really are looking for this club."
Yeah, I'm looking for this club, but not for him. Inirapan ko siya at pabalang na sumagot, "You are the last person that
I want to see today. Kaya kung okay lang sa 'yo, mauuna na ako."
"That's another lie," muli siyang humirit nang nasa pintuan na ako. "The last person you want to see is that secret
admirer of yours, isn't it?"
With furrowed eyebrows, I once again turned to him and asked curiously, "At paano mo nalaman ang tungkol doon?"
Hayan na naman siya sa kanyang mala-ESP na paraan upang malaman ang mga bagay-bagay.
Tumayo siya't nilapitan ako, nakahalukipkip sa bulsa ang kanyang mga kamay. "Let's say that I have the power to
know if someone's in trouble or not."
"May nagsabi sa 'yo?"
Sa halip na simpeng "meron" o "wala," isang nakakairitang ngiti ang itinugon niya sa 'kin. "Alam kong hindi naging
maganda ang unang pag-uusap natin pero interesado akong marinig ang problema mo. I have nothing on my plate at
the moment so I can help you out. I'm not forcing you though. You have two options: You can walk away and be
bothered by your secret admirer or you can tell me the details of your problem and I can expose the identity of the
mystery man."
Gusto kong matuldukan na ang "secret admirer" case bago pa ito magpatuloy sa mga susunod na araw. Ang kaso,
hindi ako nakasisiguro kung dapat kong pagkatiwalaan ang lalaking 'to. After our brief exchange noong isang araw,
how I wish our paths will never cross again.
"Don't worry. Once your problem is solved, we can return to playing strangers again." Hinila niya ang isang monobloc
chair at inalok sa 'kin. "So why don't you take a seat and tell me more about your case?"
That sounded like a great deal. I'm on the process of playing stranger. Kahit may boses sa utak ko na nagsasabing
hindi ako dapat magtiwala sa kanya, umupo pa rin ako at hinandang ikwento ang aking problema. Umupo siya sa
aking harapan at ipinagkrus ang kanyang mga daliri. Pakiramdam ko, para akong ini-interrogate ng mga pulis.
"Go ahead, I'm listening."
Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita. "Nitong Lunes, napansin kong may bumukas sa locker ko at
nag-iwan ng isang box ng chocolate. Kahapon, naglagay siya ng rosas at picture ko na may note na 'Please smile for
me.' Kanina, nag-iwan siya ng maliit na teddy bear na may nakadikit na profile picture ko mula sa Facebook."
Napatingin siya palayo, tila nabagot sa kwento ko. He said he's listening but his attention seemed to be elsewhere.
"The typical secret admirer case. Nothing unusual. May ideya ka ba kung sinong nasa likod nito?"
"I think isa siya sa mga classmate ko. 'Yong iniwan niya kasing picture kahapon, nakunan habang nasa classroom
ako."
Medyo nanliit ang mga mata niya at napatitig sa 'kin. "Interesting observation and deduction. Anong oras mo usually
binubuksan ang iyong locker?"
"Umaga tuwing PE class namin."
Napakurba ang gilid ng kanyang labi, isang ngiti na nangangahulugang may sagot na siya sa misteryo. "Consider your
problem solved. Kung gusto mo, ipapakilala ko sa 'yo mamayang hapon ang taong nasa likod ng mga misteryosong
regalo."
"Kilala mo kung sino siya?"
"We will find out later," he answered with a wide grin plastered on his face. He then extended his right arm as if he's
begging for alms. "For now, can you lend me your locker key? I wanna ask the locksmiths around the vicinity kung
may nagpa-duplicate niyan."
Dahil wala namang importanteng nakatago roon maliban sa rubber shoes ko, hindi na ako nag-alinlangang iabot 'yon
sa kanya.
"Until what time ang pasok n'yo ngayong araw?" sunod na tanong niya sabay bulsa ng susi.
"Hanggang four o'clock. Bakit?"
"Meet me at exactly five o'clock sa rooftop. I will unmask the identity of your secret admirer and put an end to your
problem."
He's oozing with extreme confidence. Hindi ko alam kung puro hangin at yabang lang ang lalaking 'to o talagang kaya
niyang lutasin ang kaso. Base sa kwento ni Rosetta sa 'kin, this club can close cases so rest assured na
masosolusyunan ang problema ko.
For once, I decided to trust this guy. My fingers are crossed na 'yon na ang una at huling pagkakataon na hihingi ako
ng tulong sa kanya.
***
Pagkatapos ng huling klase namin sa hapon, nag-stay muna ako sa cafeteria habang hinihintay ang pagpatak ng ala-
singko. Halos lahat ng mga kaklase ko'y nakauwi na samantalang ako, narito pa rin at nag-aabang sa pagkikita namin
ni Loki.
Five minutes before five o'clock, umakyat na ako patungong rooftop para makipagkita sa roommate-slash-detective
wannabe. Pagtuntong ko roon, walang akong nadatnan ni anino niya. Tanging tatlong malalaking cardboard box at
mga mahahabang dos-por-dos na kahoy ang nandoon.
Siya pa ang naglakas-loob na nagsabing five o'clock sharp, e siya pala ang late.
Nagtungo ako sa bandang dulo ng rooftop, malapit sa mga cardboard box at tumingin pababa. Halos wala nang tao sa
campus. Usually, sa mga ganitong oras daw, mga club na may after-class activity ang nandito pa.
Sumilip ako sa orasan ng aking phone. It's already five-ten. What's taking him so long? Posible kayang pinagti-trip-an
niya ako kanina? Baka gumaganti siya matapos akong mag-walk out noong isang araw sa apartment. Kapag hindi pa
siya dumating sa loob ng limang minuto, uuwi na ako.
Dinarama ko ang sariwang bugso ng hangin at ang katahimikang naghahari sa rooftop nang biglang bumukas ang
pinto sa likuran ko. Lumikha ito ng kaluskos at sinundan ng mga mababagal na yabag ng sapatos. Sa wakas, nandito
na siya.
Ngunit nagulat ako nang hindi mukha ni Loki ang bumati sa 'kin. Pero kahit paano, pamilyar sa 'kin ang itsura ng
lalaking dahan-dahang lumalapit sa kinatatayuan ko.
"Aaron? Anong ginagawa mo rito?" Kitang-kita ko sa malawak na ngiti ng aking kaklase na natutuwa siyang makita
ako rito sa rooftop. "May nakalimutan ka ba?"
"Ang sabi mo, gusto mo akong makita." Ipinakita niya sa 'kin ang isang kapirasong papel na may sulat na hindi ko
malinaw na mabasa. "Kaya nagmadali akong pumunta rito."
My eyes narrowed into slits as I watched him approach me. "Sorry pero hindi ko maalalang may sinabi akong gano'n
sa 'yo. Baka nagkakamali ka lang. May iba akong hinihintay rito."
Puminta sa kanyang mukha ang pagtataka, napataas ang kanang kilay habang nakamasid sa 'kin. "Pero nag-iwan ka ng
mensahe para sa 'kin sa loob ng locker mo. Ang sabi mo, gusto mo akong makita ngayong ala-singko dito sa rooftop
para makilala ako at magpasalamat sa mga regalong ibinigay ko sa 'yo."
A realization dawned upon me. Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang paatras. "Ku-Kung gano'n, i-ikaw ang secret
admirer ko?"
Yumuko siya na parang magician matapos ang kanyang pagtatanghal. "Yours truly. O, bakit namumutla ka diyan?
Hindi mo ba in-expect na ako ang makikita mo rito?"
Paulit-ulit akong umiling. Hindi ko matandaang may iniwan akong note sa locker ko. Wala pa naman akong amnesia.
"Pa-Pasensya na pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo."
Doon ko napagtanto kung sino ang posibleng naglagay noon. Isa lang naman ang taong binigyan ko ng susi sa locker-
walang iba kundi si Loki.
"Noong first day mo pa lang dito, gusto na kitang makilala." Habang lumalapit siya sa 'kin, patuloy ako sa
paghakbang paatras. Gusto kong tumakbo palayo pero biglang nanghina ang mga binti ko. Halos hindi ko sila
maigalaw. "Lagi kong pinagmamasdan ang ngiti mo at kung paano ka tumawa. Minsan nga, natanong ko sa sarili ko
kung ano kayang lasa ng mga labi mo."
"S-Stay away from me!" sigaw ko sa kanya. Ang malawak niyang ngiti kanina, naging ngising demonyo na. His
brown eyes gleamed with lustful joy habang nakatitig sa 'kin. Napakagat pa siya sa kanyang labi na parang natatakam
sa isang pagkain.
Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kanang kamay ko. Pinilit kong magpumiglas pero todo-kapit ang kamay
niya sa 'kin. "Ganyan mo ba pasasalamatan ang secret admirer mo? Well, mahilig ako sa mga palabang babae kaya
seguradong magugustuhan talaga kita. Hehe~"
"TULON-" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at bumulong sa aking tenga.
"Sssshhh... Huwag kang maingay. Ang akala ko ba gusto mo pa akong makilala nang lubusan? Kapag sinubukan
mong sumigaw ulit, baka matulak kita mula sa rooftop. Ayaw kong masayang 'yang ganda mo."
Tumayo ang mga balahibo ko habang hinahaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi. Damang-dama ko ang paghinga
niya nang inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin.
Muling sumagi sa isip ko ang nangyari noong isang gabi, ilang buwan na ang nakararaan. Parang bumalik ako sa
madilim na lugar kung saan nagwawala ang liwanag na may iba't ibang kulay sa paligid. Maraming taong sumasayaw.
Halos nakakabingi ang ingay at hindi magkaintindihan ang mga tao. May mga basong binubuhusan ng alak at wine.
Pagkatapos...
Pagkamulat ng mga mata ko, wala na si Aaron sa aking harapan at hindi na nakahawak ang kamay niya sa braso ko.
Nakita ko siyang nakadapa sa sahig habang nakapatong sa kanyang likuran ang sapatos ni Loki. Pinipilit niyang
bumangon pero hindi siya pinahihintulutan ng roommate ko.
Salamat at dumating siya para iligtas ako! Nanlumo ang mga binti ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Napahawak
ang mga kamay ko sa magkabilang braso. Nakaramdam ako ng panginginig ng laman at tila natulala ang mga mata ko
sa kawalan.
"Pasensya na kung hindi ako kaagad na umaksyon," paumanhin ni Loki at saka ipinakita ang hawak niyang phone.
"Kinailangan ko kasing kunan ng video ang pagtatangka niya sa 'yo para may matibay akong ebidensya laban sa
lalaking 'to."
Iniangat ko ang aking ulo at napatingin sa kanya. "Te-Teka, kanina ka pa nandito?"
Itinuro niya ang mga cardboard box at sumagot, "Nagtago ako sa mga kahon na 'yan habang hinihintay ko kayong
dalawa. If he will see you alone here, he would lower his guard and take advantage of the situation. And it worked."
Nanlisik ang mga nakatitig kong mata sa kanya. My shaking fists clenched as I felt the urge to punch that guy in the
face. Kanina pa pala siya nandito at nanonood pero hindi man niya kaagad pinigilan si Aaron. Wala akong pakialam
sa rason niya. He almost let me unlock a memory that has been sealed away forever inside my head.
"You bastard," I muttered with gritted teeth. Sinubukan kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko at lumapit
sa kanya.
Saktong susuntukin ko na siya sa mukha nang biglang tumayo si Aaron at tumakbo patungo sa hagdanan. Hindi na
siya sinubukang habulin ni Loki na nanatiling kampante sa sitwasyon.
"Don't worry about him. May ebidensya na tayo laban sa kanya." Ibinulsa niya ang kanyang phone at ngumiti sa 'kin
na parang okay na ang lahat. "From now on, wala nang secret admirer na manggugulo sa buhay mo."
PAK!
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinampal ko siya sa mukha. Namula ang kanang kamay ko at bahagyang
sumakit ang aking palad dulot ng impact. His head snapped to the side. Pulang-pula ang kanyang pisngi at
mapapansin ang marka ng aking kamay sa mukha niya.
Hinaplos niya ang kanyang kaliwang pisngi. Wala man siyang reaksyon, parang wala lang sa kanya ang sampal ko. "Is
this how you say thank you? If yes, you're welcome."
Nangilid ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko 'yon mula sa pagtulo. Ayaw kong umiyak sa harapan ng lalaking
'to. He doesn't deserve to see my tears.
"You have no idea on what you've put me through today," I told him, my voice was fierce but wobbly. "You lied to
me and you used me as a bait to lure out that creepy guy. Ngayon, hindi ko alam kung sinong mas masahol sa inyong
dalawa."
"The end justifies the means, Lorelei," may paninindigan niyang sagot sa 'kin. Proud pa siya't walang pagsisisi sa
kanyang ginawa. Nasorpresa ako dahil naalala niya ang aking pangalan.
Still I can't quell the rage boiling through my body. Bago ko pa siya masampal ng isa pang beses, nagmamadali akong
naglakad patungo sa hagdanan at iniwan ko siyang mag-isa sa rooftop.
That day, I realized that crossing paths with him is the worst mistake I had ever done.
###
A/N: No actual mystery here except for Loki showing off. By the way, there's a mystery manga entitled Q.E.D. If you
like solving mysteries, I recommend it for reading (though I'm no longer updated).
Volume 1 • Chapter 3: The Suicide Attempt of Liza

"May malay pa ba 'yan?"

"Mukhang malakas ang tama ng inilagay natin sa inumin niya, ah."


"Kahit ba ano'ng gawin natin sa kanya, hindi na niya matatandaan paggising niya bukas?"
"Oo naman. Oh, sino ang gustong mauna?"
NAPABALIKWAS AKO sa aking kama, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa paulit-ulit at malalalim kong
paghingal. Tumatagaktak din ang malamig na pawis sa buong katawan ko na parang nag-swimming sa kalagitnaan ng
gabi.
Napahawak ang kamay ko sa aking noo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dahil sa nangyari kahapon, muling na-trigger
ang alaalang gusto ko nang kalimutan. Salamat sa magaling na si Loki, mukhang babangungutin ako ng ilang araw.
I took my phone and looked at the time. It's five-thirty already. Oras na para maghanda ako sa pagpasok ko sa school
kaya bumangon na ako at lumabas ng aking kwarto.
Hindi pa man sumisikat ang araw, nasira na ang araw ko. Bakit? Ang unang taong nakita ko ay si Loki na nakaupo sa
couch at nagtitipa sa kanyang laptop. It's really unusual to see him in the early hours of the morning. Sa ganitong oras
kasi, wala na siya sa apartment.
Nagkasalubong ang mga mata namin. Agad akong napatingin palayo at nabaling ang aking tingin sa teacup sa mesa. I
can't stand looking at him for another second.
Bigla niyang ibinaba ang kanyang laptop at lumapit sa 'kin. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero he maintained a
one meter distance from me. Laking pagtataka ko kung ano ang nakain ng lalaking ito at parang gusto niyang
makipag-usap sa 'kin. After what he did yesterday, I chose to ignore him.
I turned around and walked toward the kitchen sink. Hindi pa man ako nakakalayo, narinig ko ang kanyang boses. But
unlike yesterday, it sounded sincere and apologetic.
"I'd like to say sorry," sabi niya. "Aminado akong mali ang ginawa ko."
Napalingon ako sa kanya, bahagyang napakunot ang aking noo. Nananaginip pa ba ako o talagang sinabi ng lalaking
'to ang salitang "sorry"? Kahit sinong nakakakilala sa kanya, tiyak na hindi makakapaniwala. Para kasing wala sa
vocabulary niya ang salitang 'yon.
"Sa tingin mo ba mapapatawad na kita dahil nag-sorry ka na? Pagkatapos ng nangyari kahapon?" Napalagay sa
baywang ang mga kamay ko, para tuloy akong gurong sinesermon ang estudyanteng nakagawa ng kalokohan.
Nagkatitigan kami nang ilang segundo, tila hindi siya makapaniwala sa reaksyon ko.
"Wala na akong magagawa kung hindi mo matatanggap ang sorry ko," sagot niya nang nakakibit-balikat. "I just felt
compelled that I need to say that magic word."
"Compelled? Napipilitan ka lang humingi ng paumanhin?"
"That's what ordinary people do, don't they? Kapag nakagawa sila ng mali sa isang tao, ang natural reaction nila ay
mag-sorry."
Kumurap nang ilang beses ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Kung makapagsalita siya, parang hindi siya
kabilang sa mga tulad kong mortal. Ano, pinaninindigan niya ang kanyang pangalan na Loki, isang Diyos na hindi ka-
level ng mga tao?
"Kapag nakagawa ka ng kasalanan, dapat na humingi ka ng sorry. Pero kailangang bukal sa puso mo 'yon, hindi dahil
napipilitan ka." Hindi ko inakalang sasabihin ko 'yon sa isang teenager na halos kasing edad ko lang.
"Oh, talaga? I thought you need to say 'sorry' para makagawa ka ulit ng kasalanan sa kakilala o kaibigan mo."
Bahagyang naningkit ang mga mata niya at napahimas ng baba. "Parang 'thank you.' You're expressing your gratitude
to someone so you can ask them for further favors. This is news to me. Really."
Halos magsalubong ang magkabilang kilay ko dahil sa paliwanag niya. Saang diksyunaryo niya kaya hinugot ang
kanyang konsepto ng sorry at thank you? Ilang taon ba siyang nakatira sa kweba para hindi niya malaman ang gano'ng
kasimpleng bagay?
"Your face tells me you're wondering where I got those notions." Hindi na niya kailangan ng superb deduction ability
para mabasa sa mukha ko ang pagtataka. "Nakuha ko 'yon sa mga kaklase ko. Napapansin ko kasing kapag nagkamali
sila, hihingi sila ng sorry. The next day, gagawa ulit sila ng kasalanan. And the cycle repeats endlessly."
"How about sa mga kaibigan mo?"
Parang may dumaang anghel sa pagitan namin. Hindi siya kaagad nakasagot at nakatitig lang sa 'kin.
Itinaas niya ang kanyang daliri at tumugon. "Before I answer that question, pareho ba tayo ng depinisyon sa salitang
'kaibigan'? Baka kasi magkaiba ang diksyunaryong binabasa natin."
Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ko ang sagot niya. "That's a line someone without any friends would
say."
"Interesting deduction!" Tumalikod siya't muling umupo sa couch. "Who needs friends anyway? They're nothing but
excess baggage in our lives."
"Your life, not mine," I countered. At last, may nalaman na rin akong katiting na impormasyon tungkol sa kanya: Loki
Mendez is someone without peers. Kaya siguro nang bumisita ako sa club niya kahapon, siya lang mag-isa ang
nandoon. Tama nga si Tita Martha, hindi interesado ang lalaking 'to sa mga tao.
Then something came to mind. Lumapit ako sa kinauupuan niya at napatingin sa kanya habang nagtitipa sa keyboard.
"Tatanggapin ko ang sorry mo but you will owe me a favor."
His eyes narrowed, staring at me curiously. "And why do I owe you a favor? Just to remind you, ako ang tumulong sa
'yo para hindi ka na guluhin ng secret admirer mo. In retrospection, you're the one who owes me a favor. Speaking of
which."
Iniharap niya sa 'kin ang kanyang laptop at ipinakita ang Tumblr post ko kagabi. Teka, paano niya nahanap ang blog
ko?
"It's not difficult to search stuff on the Internet as long as you know the right keywords." I didn't say anything out loud
but he answered the question in my mind. "Dineactivate mo ba ang Facebook account mo? Bakit hindi ko na makita?"
"You're stalking me online?"
"You piqued my curiosity so I decided to run an online background check on you," nagpatuloy sa pagtitipa sa kanyang
laptop si Loki nang hindi tumitingin sa direksyon ko. "Naninigurado lang ako na hindi isang serial killer ang kasama
ko sa apartment."
Wow, talagang sa kanya pa nanggaling 'yon. Siya nga dapat ang paghinalaan kong psychopath dahil sa twisted niyang
paningin sa buhay at bagay-bagay.
"Back to my favor, I want you to revise this blog post. Your prose is good, your descriptions are vivid and you can
keep your readers at the egde of their seats. Kaso pinagmukha mo akong kontrabida rito kahit ako ang tumulong sa
'yo. Kung gagawin mo 'yon, I will consider us even."
Tss. Napairap ang mga mata ko sa kanya at nagtungo na ako sa kusina. Kahit anong sabihin niya, hinding-hindi ko
pagbibigyan ang hinihingi niyang pabor.
***
Kung dati, si Loki ang nauunang umalis ng apartment, ngayo'y ako naman. Iniiwasan ko pa rin siyang makasabay
patungong school dahil baka may makakita sa aming dalawa at gumawa ng tsismis.
Inasahan kong magiging ordinaryong araw lamang ito para sa 'kin. Pero nang makita ko ang lupon ng mga tao sa open
area malapit sa high school building, naramdaman kong hindi gano'n magiging normal ang araw na 'to.
Lahat sila'y nakatingala at nakatingin sa rooftop. Karamihan sa mga mukha nila'y nababalot ng pag-aalala. Dala ng
kuryosidad, napatingin din ako sa taas. Baka kasi may nakita silang bulalakaw na pabagsak sa mundo o baka dumaan
si Superman sa himpapawid.
I was surprised to see a female student standing on the edge of the rooftop. Mukhang balak niyang tumalon mula roon.
Kahit malayo ang agwat namin, parang namumukhaan ko siya.
Saktong-sakto naman, nagkasalubong kami ni Rosetta na isa rin sa mga nakikiusyoso. Nakikisama siya sa mga
sumisigaw na "Please, huwag kang tatalon!"
"Rosetta, anong nangyayari dito? Kaklase ba natin ang babaeng 'yon?"
"Ikaw pala, Lori!" Hindi pa rin mabura-bura ang pagkabahala sa mukha niya. "Balak yatang magpakamatay ni Liza.
Kinakausap na siya ng mga prof sa rooftop na huwag siyang tatalon."
"Huh? Bakit daw? May mabigat ba siyang pinagdaraanan?"
"Nabalitaan kasi niya na in-expel si Aaron mula sa school dahil sa isang serious offense. Ngayon, gusto ni Liza na
pabalikan nila si Aaron kundi, magpapakamatay raw siya. Super close kasi nila kaya hindi niya matanggap ang
desisyon sa kaibigan niya. Balita ko, may feelings si Liza para kay Aaron kaya..."
Napalunok ako ng laway nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. Kung gano'n, talagang ginawa ni Loki ang
lahat para masigurong hindi na ako guguluhin ni Aaron? Ipinakita niya kaya ang video sa mga prof o sa principal?
Wala na nga akong problema sa secret admirer ko, dumagdag naman itong kaklase namin. Kung matutuloy sa
pagtalon itong si Liza, parang cargo de konsensya ko ang mangyayari sa kanya. Kahit kasalanan ni Aaron kung bakit
siya na-expel, ako naman ang naging daan para doon. Now, one thing led to another.
May boses na bumulong sa tenga ko na kailangan kong pigilan si Liza. Nagmadali akong tumakbo papasok sa school
building at nagtungo sa hagdanan. Dahil nasa labas ang mga estudyante, wala akong nakasalubong sa hallway...
maliban sa isang lalaki. Sa dinami-dami ng pwede kong makita, bakit siya pa?
"O, tapos ka na bang manood ng shooting?" nakangiting bati niya sa 'kin nang mapatigil ako sa paanan ng hagdan.
"Anong klaseng movie ang sinu-shoot nila sa labas? Is it an action, drama or comedy film?"
Teka, kung iisipin, parang kasabwat ko na rin itong si Loki sa pagpapa-expel kay Aaron kahit hindi ako gano'n ka-
aware sa ginawa niya. Seguradong siya ang nagsumbong sa mga school official tungkol sa binalak gawin sa 'kin ng
lalaking 'yon kahapon.
"Loki! Kailangan ko ang tulong mo," hinila ko ang kamay niya at halos hilain ko siya paakyat ng hagdanan.
"Wait a minute. I told you earlier that I owe you nothing. So why are you dragging me around?"
"Dahil pina-expel mo si Aaron, balak ngayong magpakamatay ng kaibigan niya," paliwanag ko sa kanya. "Ngayon,
kailangan nating pigilan ang babaeng nasa rooftop mula sa pagtalon."
"So it's my fault now? There's nothing wrong with eliminating a scum like him from this school." Pinilit niyang
tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya, mabuti't mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso. "Kapag ba pumatay ka ng
ipis, kailangan mong ma-guilty sa ginawa mo?"
"Sabihin na nating makatarungan ang ginawa mo. But because of what happened, an innocent life is at stake here! We
should help her-I mean-we should stop her from committing suicide."
"Not my cup of tea," nababagot niyang sagot. "Besides, what will I gain from helping you out?"
Tumigil muna kami sa harap ng vending machine sa fourth floor. "Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may
nangyari sa kanya. Kung tutulungan mo ako, I will be in your debt."
He put his hands inside his pockets and leaned closer to me. "Pardon?"
"Ang sabi ko, kung tutulungan mo ako, I will be in your debt."
Nagkakamali siya kung iisipan niyang seryoso ako sa sinabi ko. Nagbaka-sakali ako na kakagat siya kapag ginawa
kong pain ang pagkakaroon ko ng utang sa kanya.
"Hmm..." Napakrus ang kanyang mga braso at napatingin sa taas. "So you will owe me a favor?"
"Oo, gagawin ko ang pinapagawa mo kanina. Ire-revise ko 'yong blog post."
"That's a tempting deal..." bulong niya. "But if you are willing to be indebted to me, I guess I have to take it. PERO
hindi 'yong pagre-revise sa blog post ang hihingin kong pabor sa 'yo."
Whatever, Loki. Hindi na importante kung ano ang pabor na 'yon. Hindi ko rin naman pagbibigyan kapag tapos na ang
problemang 'to. "Kahit ano gagawin ko basta hindi labag sa prinsipyo at moral ko."
"Sige, tutulungan kita. But that doesn't guarantee na mapipigilan ko ang balak na pagtalon ng babaeng 'yon. I'm no
hero or wizard who can save her from a tragic ending."
"I never said that you are a hero." I don't know why I felt like he could really resolve the situation. If he was able to
lure out my secret admirer through a cunning method, I have high hopes na magagawan niya rin ng paraan ang suicide
attempt ngayon.
"Before that, I need some moment of privacy to think of a way to stop her. You can go ahead. Just make sure na hindi
pa siya tatalon hangga't wala pa ako roon."
Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdanan habang iniwan ko si Loki sa harap ng vendo. Sinabi ko na sa sarili kong
hindi ko na siya kakausapin o at least, hindi na ako hihingi ng tulong sa kanya. Pero dahil desperado ako, kinailangan
kong lumapit sa kanya at magsinungaling. Well, kasalanan din naman niya kung bakit may eksena sa school ng ganito
kaaga.
Nang makarating ako sa rooftop, kapansin-pansin na parang may shooting ng pelikula dito gaya ng sinabi ni Loki
kanina. Maraming estudyanteng nakapalibot, may mga gurong nanonood at may mga guwardyang nakaabang. All
eyes were focused on the young woman who's standing over edge.
"Bumaba ka na diyan, miss!" paulit-ulit na sigaw ng mga taong nasa paligid niya. "Huwag mong sayangin ang buhay
mo!"
"P-Para saan pa?!" sagot ng babae, nadungisan ng mga luha ang kanyang pabilog na mukha. Hindi rin tumitigil ang
kanyang pagtangis. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa inyo? Gusto kong pabalikin n'yo rito si Aaron! I-lift n'yo ang
expulsion sa kanya!"
Napahakbang ang isa sa mga guro at iniabot ang kanang kamay nito. "Medyo mahirap 'yang hinihingi mo kasi isang
serious offense ang ginawa niya. Pero mapag-uusapin natin 'yan. Kaya umalis ka na riyan at lumapit ka na rito."
"Huwag kayong lalapit!" Parang dagundong ng leyon ang boses niya. Humakbang siya patalikod, ilang pulgada na
lamang bago siya tuluyang mahulog mula sa limang palapag na gusali. "Pag-uusapan? Ang akala n'yo ba, maloloko
n'yo ako? Gusto n'yo lang akong paalisin dito kaya sinasabi n'yo 'yan!"
Napalinga-linga ako sa paligid, hinahanap si Loki na dapat ay nandito na. Gaano ba katagal bago siya makaisip ng
solusyon sa problemang ito? Kapag hindi pa siya umakyat, baka duguang katawan na ni Liza ang maabutan niya.
"Isa pang may humakbang sa inyo, talagang tatalon na ako rito!" banta ng babae, dahilan para umurong ng isang
hakbang ang mga taong nasa paligid niya. "Kung ayaw n'yo akong tumalon, pabalikin n'yo si Aaron!"
"Go ahead, jump!"
All heads turned to the door of the rooftop kung saan kakapasok lamang ng lalaking mukhang nag-e-enjoy sa
atensyong nakukuha niya. Diretsong nakatingin ang mga kulay itim niyang mata sa harapan. Nakahalukipkip pa ang
mga kamay niya sa kanyang bulsa habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan namin.
Sa wakas, nandito na siya.
"Bakit ba ang tagal mo, Loki?"
"Uminom muna ako ng canned coffee sa may vending machine. Nauhaw kasi ako," paliwanag niya. Napaka-kalmado
pa ng ekspresyon niya na parang walang krisis. Hindi ko alam kung dapat ko siyang sikmuraan o batukan.
"Aware ka ba kung gaano ka-sensitibo ang nangyayari ngayon? Pasalamat ka't hindi pa siya tumalon habang wala ka."
Bahagyang nanliit ang mga mata niya, inobserbahan ang kanyang paligid at tila napaisip. "Uhmm... Oo. Kaya nga
nandito na ako para tapusin ang dramang 'to."
Nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa babaeng pansamantalang natikom ang bibig.
"Huwag kang lalapit kundi tatalon ako!"
"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sige, tumalon ka na." Sa halip na kumbinsihin niyang sumuko ang babae,
kinukunsinti niya pa 'to. "Let's stop this nonsense drama right here, right now. I'm getting bored already."
Everyone around him gasped, wondering what in the world did he say.
Batuhin ko yata ng sapatos ang lalaking 'to. Ano bang pinagsasabi niya? He was supposed to save the soul of the poor
girl! That's what I asked him. Gusto niya ba talagang magpakamatay si Liza?
"Hi-Hindi mo ako pipigilan?" Pati ang nagtatangkang tumalon, naguluhan sa sinabi niya.
Marahang umiling si Loki at bahagyang natawa na parang biro ang tinanong sa kanya. "Bakit kita pipigilan? This is a
free country, you can do what you want. Unlike these lowly buffoons here, I don't have the intention to play the hero
just to save a selfish bitch. Gusto mong magpakamatay dahil in-expel ang isang lalaki sa school? How lame."
"Se-Selfish bitch? How dare you!"
"Totoo naman, 'di ba?" tugon niya. Kung makikita n'yo kung gaano kalawak ang ngiti niya, seguradong maaasar kayo
sa kanya. "Masyado kang makasarili. Hindi mo iniisip kung ano ang mararamdaman ng pamilya mo, ng mga kaibigan
at kaklase mo, pati ng ibang nakakakilala sa 'yo kapag nawala ka na sa mundong 'to. You want them to grieve over
your death, you want them to feel the pain of loss habang ikaw, nasa kabilang mundo na't pa-chill-chill. If that's not
selfish, I don't know what to call it."
"I-I'm not selfish!" Napahakbang papalapit kay Loki ang babae, labas ang mga mapuputi nitong ngipin na parang
asong mangangagat. "You don't have the right to judge me! You didn't know me. You don't know me. You have no
idea about who I am!"
Loki made a waving gesture as if he didn't give a damn to whatever the young woman had said. "Meh, not really
interested about who you are. Just jump already when you feel like it. Huwag mo nang pahabain ang drama. To be
honest, I'm more worried about the mess that the housekeepers will have to clean up once your brains splatter on the
pavement."
Kitang-kita ko sa noo si Liza ang tumitibok-tibok niyang ugat. Nanggagalaiti na siya galit dala ng mga insensitibong
tugon ni Loki. Kahit sino naman siguro, maiinis sa mga pinagsasabi niya.
"Akala ko bang tatalon ka na? What's with the delay? Go ahead, jump!" patuloy na pang-aasar niya. "Huwag ka nang
umasa na ire-reverse ang expulsion kay Aaron. Just so you know, I was the one who filed the serious offense
complaint laban sa kanya."
"You son of a bi-!"
Parang tigreng tumalon sa direksyon ni Loki ang babae, nakalabas ang mga kuko para kalmutin at galusan ang
kanyang balat. Mabuti't mabilis na umaksyon ang mga guwardiya at kaagad nilang pinigilan at hinawakan sa braso si
Liza.
"Let me go! Let me go!"
Kinailangan pa siyang buhatin ng mga guwardya palayo sa lalaking nang-insulto sa kanya. Hindi nagtagal ay in-escort
na siya pababa ng rooftop, patuloy pa rin ang pagsigaw sa kasama ko.
At dahil tapos na ang drama, unti-unting nagsialisan ang mga manonood. Daig pa yata nito ang screening ng
pelikulang tumabo sa takilya.
"Muntikan na 'yon, ah." Kinapa ni Loki ang kanyang pisngi para damhin kung may kalmot siya sa mukha. Ang akala
ko, tinutukoy niya ang naudlot na pagtalon ng babae.
I don't know if I should be amazed by the method he used to stop the troubled girl from committing suicide. Kung
hindi mo kilala kung anong klaseng tao si Loki, iisipin mong gusto niya talagang mauwi sa madugong katapusan ang
eksena rito sa rooftop.
"At ano'ng tawag sa ginawa mo kanina?" I asked.
"Reverse psychology," sagot niya habang naglalakad kami patungo sa pintuan pababa ng rooftop. "I expected her to
do the opposite of what I suggested."
"Paano ka nakasigurong gagawin niya ang kabaligtaran ng sinabi mo?"
"Kinailangan ko munang tapakan nang kaunti ang pagkatao niya para matuon sa 'kin ang atensyon niya,"
pagmamalaki niyang sagot, may kasama pang pagmumuestra ng kamay. "I provoked her a bit and voila! Instead of
jumping, she attempted to assault me."
Kung may award siguro para sa pinakamahusay na underhanded tactics, malamang ay napanalunan na 'yon ni Loki.
Only God knows kung ano pang "trick" ang nakasilid sa kokote niya.
"Now that I kept the end of the bargain, it's time for you to do the same." He flashed a wide grin to me which spelled
doom. "You now owe me a favor."
"What favor?" may pagtatakang tanong ko sa kanya. "Wala akong matandaang may pinagkasunduan tayong gano'n.
You agreed to help me without anything in return."
Pinipigilan ko ang pagkurba ng aking labi. It's payback time, Loki, for what you did. You tricked me yesterday and
used me as a bait. Ngayon, ako naman.
Napabuntong-hininga siya bago niya inilabas at iniharap sa 'kin ang kanyang phone. "I thought you might say that
so..."
"Kung tutulungan mo ako, I will be in your debt... Kahit ano gagawin ko basta hindi labag sa prinsipyo at moral ko."
Oh, crap. Ni-record niya ang mga sinabi ko kanina! Nanigurado talaga siyang may ebidensyang nagkaroon kami ng
deal. Kainis, I thought I already got him.
"Did you fall down on the stairs and smack your head? Or did you have an episode of selective amnesia?' dagdag niya
habang nakangisi. "It's time to pay your debt."
Mukhang wala na akong magagawa kundi bayaran ang utang na loob ko sa kanya. "Okay, so ano ang kapalit ng
pagtulong mo sa 'kin? Gusto mo ba akong kumanta o sumayaw sa harap ng maraming tao? O baka gusto mo akong
gawing alipin sa loob ng isang araw?"
"No, nothing of that sort." He looked at me directly in the eyes and paused for a few seconds.
"I want you to join my club."
###
A/N: Pagbibigyan kaya ni Lorelei ang pabor na hinihingi ni Loki?
Sa mga nakabasa ng The Art of Manipulation, in-integrate ko sa kabanatang ito ang pilot chapter no'n.

Volume 1 • Chapter 4: The Haunting at Room 302


LORELEI
BUONG ARAW kong iniwasang makasalubong si Loki saan mang sulok ng campus. Hindi ko pa kasi naibibigay ang
sagot ko kung payag ba akong maging miyembro ng kanyang Q.E.D. Club.

Oo, sinabi kong gagawin ko kung anumang pabor ang hilingin niya sa 'kin. But the favor he asked of me was not that
easy. Mukhang simple, mukhang walang kahirap-hirap kung ikukumpara sa ibang pabor na pwede niyang hingin. Ang
kaso, kapag sumali ako sa kanyang club, I would be compelled to join him in his club activities every now and then. It
will be an academic year-long commitment. Kasama ko na nga siya pag-uwi ko sa apartment, kasama ko pa siya
hanggang sa school.
"My club needs to have another member or else they will dissolve it," naalala kong sabi niya kanina. "The vice
president wants to bully me. He knew it would be difficult for me to persuade someone to join my club."
Hindi ko alam kung anong isyu niya at ng vice president, kung meron man. Kung sanang may kaibigan siya, hindi
niya poproblemahin ang pagre-recruit ng club members. It sounded as if he has hard time dealing with people. Kahit
sinong makakilala sa kanya, tiyak na mahihirapang maki-connect sa tulad niya. Magda-dalawang linggo pa lamang
kaming magkasama sa apartment pero hindi gano'n kaganda ang impression ko kay Loki.
"Hey, Lori! May club ka na bang sasalihan?" tanong sa 'kin ni Rosetta habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.
Hindi na magkamayaw ang mga estudyante sa dami ng nanananghalian dito. Masyadong maingay kaya kinailangang
lakasan ang boses namin.
Napayuko ako at napabuntong-hininga. Thanks for reminding me, Rosetta. Kapag naririnig ko ang salitang "club,"
naaalala ko 'yong pabor ni Loki. I don't wanna hear about it at the moment.
"Wala pa e," tugon ko. Sa totoo lang, wala akong interes sa pagsali sa mga club. Hindi ko alam kung bakit
ginagawang mandatory ang club membership. 'Yong iba, sumasali para sa incentives. 'Yong iba, dahil gusto talaga
nila ang kanilang ginagawa. "Ikaw, meron na ba?"
"Balak kong sumali sa Paranormal Club. Gusto kong sumama sa mga ghost hunting activity nila every week,"
nakangiting tugon ni Rosetta, she seemed to be looking forward to it. Knowing na babae siya, mukhang hindi siya
takot sa mga multo kung nag-e-exist man sila.
Ano bang meron sa school na 'to at bakit may mga kakaibang club? Una, 'yong problem-solving club ni Loki. Ngayon,
isang club na dedicated para sa paranormal activities? Doon sa dati kong high school, ang pinaka-weird sigurong club
ay 'yong para sa mga Otaku na mahilig mag-cosplay tuwing may school event.
"Mahilig ka ba sa mga paranormal stuff?"
Iwinagayway niya ang hawak na tinidor na parang magic wand. "Ayaw ko kasi ng mga masyadong ordinaryong club,
'yong paulit-ulit ang ginagawa. Walang excitement, walang thrill. Mas gusto ko ng adventure."
"Totoo naman bang may hina-hunting na ghost ang club na 'yan?" nababagot kong tanong habang ipinapaikot sa
tinidor ang spaghetti sa aking plato. "Baka wala naman talaga kayong hinahanap na kahit ano."
"Minsan wala, minsan meron. Ang main quest ng Paranormal Club ay ang thirteen otherwordly mysteries ng Clark
High School," paliwanag ni Rosetta. "Simula nang mabuo ito noong nakaraang taon, nakakaisang mystery pa lang
sila."
Lahat yata ng school, merong a certain number of mysteries. Urban legend kumbaga. Sa amin noon, meron din silang
tinatawag na "otherwordly mystery" kaso hanggang pito lang.
"Bago sumabak ang club sa main quest, susubukan muna nilang mag-dry run sa isang haunted apartment daw." Pasok
sa isang tenga at labas sa kabila ang mga salita ni Rosetta habang nakatitig ako sa kanya. "Merong isang member ng
Paranormal Club na nag-suggest ng isang hunting spot. Dati raw, nakatira siya sa isang apartment three blocks mula
rito. Napilitan siyang lumipat kasi may gumugulo raw na multo sa kanya."
Three blocks from here? Doon din matatagpuan ang apartment ni Tita Martha. Pero parang wala akong napansin na
ibang apartment o dorm doon maliban sa tinutuluyan ko.
"Nakakakilabot kasi kapag daw naliligo siya, may maririnig siyang bumubulong sa tenga niya. Tapos... biglang may
isang pares ng mata na magpapakita sa kanya! Heto pa! Kapag natutulog siya, may naririnig siyang boses ng
matandang lalaki na tumatawag sa kanya at humihingi ng tulong! Creepy, 'di ba?"
Teka, bakit parang pamilyar ang kwentong 'yan? Parang narinig ko na noong isang araw.
"Anong pangalan ng apartment na 'yan?" I curiously asked her.
"Henson Apartment yata. Basta 'yong three-story apartment doon."
Sabi ko na nga ba. Tinutukoy niya kung saan ako kasalukuyang nakatira, doon mismo sa unit na tinutuluyan ko.
Nakakagulat malaman na may tsismis na kumakalat sa apartment ni tita. Kapag kumalat 'yon kahit hindi totoo, baka
magsialisan ang mga tenant.
"I'm sorry to tell you pero walang multo doon."
"Hmm? Paano mo nasabi?"
"Doon kasi ako nakatira, sa mismong unit kung saan meron daw ghost. Almost two weeks na ako roon pero wala pang
nagpaparamdam sa 'kin."
"Eh? Talaga?"
Tumango ako't nagpatuloy sa pagkain. "Kahit ang roommate ko, walang sinasabi na may nararamdaman siyang multo.
Baka guni-guni lang ng sinasabi mong member ng Paranormal Club 'yon."
Sa katunayan, hindi multo ang dapat katakutan sa bahay na 'yon kundi isang tao.
Nang matapos na kaming kumain ng lunch, bumalik na kami sa aming classrooom para sa afternoon period.
Throughout the day, wala namang nangyari kakaiba. Ang akala ko nga'y biglang magpapakita si Loki para kulitan
ako. Pero ni anino niya, hindi ko nasilayan.
Naisipan kong pumunta sa kanyang clubroom pagkatapos ng class hours. Ang kaso, hindi ko kayang sabihin sa kanya
ang desisyon ko. I hate breaking promises and this dilemma is bothering my conscience. Kung sanang ibang bagay
ang hiningi niya, hindi ako magkakaproblema.
Dumiretso na akong umuwi sa apartment. Usually, tuwing gabi na siya nakakauwi kaya mas mainam kung mauuna
ako sa kanya. Maybe he will take my non-appearance sa kanyang club as a "No" to his favor.
Pero nagkamali ako.
"As expected, you will come home early and not meet me in the clubroom," bati niya sa 'kin pagbukas ko ng pinto ng
apartment. May hawak-hawak siyang darts na akala ko noong una'y ibabato niya sa 'kin. Inihagis niya ito ng diretso sa
dartboard kung saan isang larawan ng lalaki ang marami nang butas sa mukha dahil sa paulit-ulit na pagtusok ng darts.
Napansin kong maraming papel na may mga numero at wirdong simbolo ang nakakalat sa aming sala. Ang TV,
hayun, puno pa rin ng post-it notes.
"In case you're wondering, I have decided to transfer my workload here," paliwanag niya bago muling inihagis ang
darts. Tumama ito sa mata ng lalaki. "Since I will be evicted from the clubroom, mas mabuting masanay na akong
magtrabaho rito. Thanks to you, by the way."
Right, gini-guilt trip niya na ako ngayon.
"Galit ka ba? Kaya ba 'yang litrato ng inosenteng lalaki ang pinagti-trip-an mo?"
Humarap siya sa direksyon ko, pansamantalang tumigil sa kanyang ginagawa. "No, no, don't use the word 'innocent' to
describe that man. He's anything but innocent or any pleasant adjective that you may think of. The word 'despicable'
would best suit him."
So it's safe to assume na ang lalaking nasa larawan ay walang iba kundi ang vice president na nabanggit niya kaninang
umaga. Mukhang may isyu nga sa pagitan nilang dalawa.
"In case you meet this man along the hallway, you better hide, run or turn yourself into a puff of smoke," payo niya
bago ipinagpatuloy ang paglalaro ng darts.
Dumiretso na ako sa kwarto at humiga sa aking kama. Nagpahinga muna ako nang ilang minuto bago muling
bumangon at lumabas. Napagod na yata si Loki kaya naisipan na niyang umupo at mag-laptop na lang.
Dala-dala ang tuwalya, nagtungo ako sa banyo, ini-lock ang pinto at hinubad ang aking damit. It's time for my
afternoon shower. Sa ganitong oras ako usually naliligo.
Hinayaan kong umagos sa katawan ko ang tubig mula sa shower. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakawala nang
stress ang lamig ng tubig.
Saktong-saktong kalalagay ko ng shampoo sa aking buhok nang biglang...
"Lorelei... Tulungan mo ako..."
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng matandang tila naghihikahos. Nanindig ang mga balahibo
ko. Madali kong binalot ng tuwalya ang katawan ko at lumabas ng banyo kahit hindi pa nakakapagbanlaw.
"O, naputulan ba tayo ng tubig? You still have some shampoo on your hair," komento ni Loki na nailipat sa akin ang
tingin mula sa screen ng kanyang laptop. "Should I call the landlady?"
Napaturo ako sa banyo na iniwan kong bukas. "May narinig ako sa banyo... boses matanda... tinawag niya ang
pangalan ko... humihingi ng tulong."
Ito na ba ang sinasabi ni Rosetta kanina? Totoo nga kayang merong multo sa unit na 'to?
Tumayo si Loki at nagtungo sa loob ng banyo. Ilang minuto rin siyang nanatili roon bago siya lumabas. "I heard
absolutely nothing. Baka pagod ka lang kaya kung ano-ano ang naririnig mo?"
Paulit-ulit ang aking pag-iling. Hindi pa ako gano'n kapagod para magkamali ng dinig. Segurado ako sa kung ano ang
narinig ng tenga ko.
"You know what? You're like my former roommates," komento ni Loki na bumalik sa couch at nagpatuloy sa kung
anuman ang ginagawa niya sa laptop. "You're fond of imagining stuff. Ghosts don't exist, okay?"
Dahan-dahan akong pumasok ulit sa loob ng banyo at itinuloy na ang pagbabanlaw sa ulo at katawan ko. Hindi tulad
ng dati, sa loob ng ilang kisap-mata, natapos na ako.
Kinagabihan, hindi ko na narinig ang boses ng matanda. Siguro nga, guni-guni ko lang 'yon. Baka dahil sa ikinwento
sa 'kin ni Rosetta kaya biglang pumasok sa isip ko na may tumatawag sa pangalan ko kahit wala naman.
Pagkatapos ng hapunan, dumiretso na ako sa kwarto at iniwan si Loki sa sala. Ni hindi pa siya kumakain magmula
nang madatnan ko siya rito kanina. Ini-lock ko ang pinto at ipinahinga ang aking katawan sa malambot na kutson ng
kama.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang beses na huminga nang malalim. Hindi pala gano'n kahirap mag-adjust dito sa
probinsya. Parang wala masyadong pinagbago kumpara sa buhay ko noon. Ang tanging pinagkaiba: new environment,
new faces at wala si papa. So far, hindi pa ako nasasangkot sa kahit anong gulo o insidente.
Kinuha ko ang aking laptop na nakapatong sa cabinet at binuksan ito. Oras na para sa aking daily blog post. Ginawa
ko na itong hobby para ma-record ang mga experience ko rito sa Pampanga.
Mabilis na nagtipa sa keyboard ng laptop ang mga daliri ko. Walang tigil ang tunog ng takatak... hanggang sa may
tumawag sa pangalan ko.
"Lorelei... tulungan mo ako... Maawa ka na..."
Muntik na akong mapatalon at mahulog sa kama nang muli kong marinig ang nakakapangilabot na boses na 'yon.
Madali akong lumabas sa kwarto, iniwan ang lahat ng ginagawa ko sa loob, at umupo sa couch. Bigla akong
pinagpawisan kahit hindi gano'n kainit dito.
Nagtatakang nagpukol ng tingin sa 'kin si Loki. "O, binangungot ka ba?"
Itinuro ko ang aking kwarto sabay sabing, "Narinig ko ulit 'yong boses ng matanda sa kwarto ko! Bakit tatawa-tawa ka
riyan? Totoo ang sinasabi ko!"
Napatingin si Loki sa wallclock sa kanyang likuran. "Mag-aalas-onse na. You must be really tired and sleepy kaya
kung ano-ano ang naririnig mo. Itulog mo na kaya 'yan? Baka ano pa ang marinig mo mamaya."
"Talaga bang wala kang nakikita, naririnig o nararamdamang kakaiba rito?"
"I told you, I don't believe in such irrational things," sagot niya matapos muling ibaling ang tingin sa laptop. "Kayo
kasi mahilig n'yong takutin ang mga sarili n'yo. It's mind over matter. Kapag inisip mong may white lady na nakatayo
sa likuran mo, talagang mararamdaman mong may nakatayo riyan. O, huwag kang lilingon sa likod, baka kung ano
ang makita mo at hindi ka na makatulog."
Kahit gusto ko pang mag-stay sa sala, nilakasan ko na ang loob ko at bumalik na sa kwarto. Maingat akong naglakad
na parang iniiwasang makatapak ng landmine. This time, hinayaan kong nakabukas ang kwarto para mas madali
akong makakatakbo kapag narinig ko ulit ang boses at nanatiling naka-on ang ilaw para maitaboy ang mga pwersa ng
kadiliman.
Paupo na ako sa aking kama nang may napansin ako sa sahig. Yumuko ako at pinulot ang mala-sinulid na bagay na
kulay itim.
"Buhok?" bulong ko habang pinagmamasdan ang maikling hibla ng buhok na nasa kamay ko. Normal na makakita
ako ng mga hibla sa kwarto. Ang kataka-taka lang doon ay ang haba nito. Nasa two to three inches. Ang buhok ko
nama'y umaabot ng anim hanggang pitong pulgada.
There's something suspicious with this strand of hair... as if it's a sign that someone has been in my room. No, it's not
from a ghost. Hindi naman siguro nagkaka-hairfall ang mga multo.
Habang nakatuon ang atensyon ko sa hibla ng buhok, muli kong narinig ang boses ng matanda.
"Lorelei... tulungan mo ako... Parang awa mo na..."
Imbes na kumaripas ng takbo palabas ng kwarto, napalingon lang ako sa aking likuran. The voice sounded exactly the
same as the one I heard earlier. Same intonation, same stress in the syllables. Parang recorded. At saka napansin kong
tila nanggaling sa ilalim ng kama ang tunog.
Naglakas-loob akong sumilip sa ilalim ng kama. Bahala na kung may makita akong matandang lalaking nakahiga rito
at nakatitig ang mga mata sa 'kin.
Fortunately, there's nothing beneath my bed maliban sa namuong alikabok. Naisipan kong kapain ang ilalim nito.
"What's this?" tanong ko sa sarili nang may makapa akong parihabang bagay. Naka-tape pa ito kaya hindi ko kaagad
natanggal. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang tape recorder na naka-play pa. Ni-rewind ko nang kaunti
ang tape at pinindot ang play button.
"Lorelei... tulungan mo ako... Parang awa mo na..."
Now it all made sense. The hairstrand and this tape recorder. I can think of only one man who can possible do it.
Lumabas ako ng kwarto at ibinato kay Loki ang recorder. Napa-Ouch! Siya sabay kamot sa ulo matapos tamaan.
"What the hell was that for?" tanong niya, hinahaplos ang bumbunan habang nakatingin sa 'kin. "Have you gone mad?'
"Don't play with me, Loki." Nagkukunwari pa siyang walang alam sa nangyayari. "Tama nga ang sinabi mo. Ghosts
don't exist lalo na sa unit na 'to."
"See? I told-"
"Pero 'yong narinig kong boses habang naliligo at kani-kanina lang, ikaw ang may pakana no'n, 'di ba?"
Nagkapalitan kami ng tingin, ang mga mata ko'y puno ng pagkainis habang ang sa kanya'y kalmado.
"Can you please enlighten me? Basta-basta ka nagbabato ng akusasyon sa bagay na posibleng hindi ko ginawa."
Ipinakita ko sa kanya nag maikling hibla ng buhok. "I found this strand of hair on the floor just now. It's only two to
three inches long. Imposibleng galing sa 'kin 'to dahil mahaba-haba ang buhok ko. Hindi rin pwedeng kay Tita Martha
dahil kulot ang buhok niya. Sa ating tatlo na may access sa unit, ikaw lang ang pwedeng magmay-ari nito."
His eyes narrowed into slits. "Okay. So what does that have to do with the ghostly voices?"
"Ebidensya ito na nanggaling ka sa kwarto ko at inilagay sa ilalim ng kama ang recorder na ibinato ko sa 'yo." Itinuro
ko ang inihagis na bagay na nasa sahig na ngayon. "You recorded your voice and distorted it para magtunog matanda
at hindi ko makilala. Gusto mo akong takutin kaya ginawa mo 'yon, tama?"
Napakurap ang mga mata niya. Wala ring emosyon ang kanyang mukha. Parang kinakausap ko ang isang pader.
"Come to think of it, your former roommates here experienced the same thing. Posibleng ginawa mo rin ang prank na
'to sa kanila para paalisin sila dati at masolo mo ang buong unit. Tama ba ako, Loki?"
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago ito binasag ng kanyang mabagal na pagpalakpak.
"Bravo! I never thought you would figure it out in a matter of hours," nakangisi niyang komento. "I intentionally left a
strand of my hair on the floor. I want to know if you will be able to notice it and come up with deductions. You failed
to disappoint me."
"Bakit? Bakit mo ko gustong takutin, ha? Dahil ba hindi ko pinagbigyan ang pabor na hinihingi mo?"
"A part of it, yes." Tumayo siya't nilapitan ako. "I just want to confirm if my hunch about you is correct."
"Hunch?"
"That you have a remarkable observation skill. Noong binasa ko ang blog mo, napansin ko kung gaano kadetalyado
ang bawat eksena. Lahat ng mga importanteng detalye'y inilagay mo roon, halos wala kang pinalampas."
"And why do you have to confirm it?"
"Like what I said early this morning, I want you to join my club," muling paalala ni Loki. "And the result of your test
here made me want to recruit you more."
Hindi ko napigilang mapangiti. That's probably the highest compliment he can give to anyone. But the smile
immediately faded when I heard about his favor again. "Ibang pabor na lang ang hingin mo sa 'kin, huwag na 'yang
pagsali sa club. Kung ipipilit mo, sorry talaga pero hindi ko mapagbibigyan."
Tumalikod na ako't humakbang patungo sa aking kwarto.
"It seems that you are leaving me with no other choice but to use my last resort," narinig kong sabi niya bago ko
pihitin ang doorknob. Lumingon ako sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"If you will still refuse to join my club, I will upload a photo of your sleeping face and make it viral on social media."
Ipinakita niya sa 'kin ang isang larawan sa kanyang phone kung saan hindi flattering ang itsura ko habang natutulog.
"Teka, paano mo nakunan 'to? Talagang pumasok ka sa kwarto ko kahit naka-lock?" That was a stupid question. Of
course, he did. Kaya nga niya nailagay sa ilalim ng kama ang recorder at nakapag-iwan siya ng hibla ng kanyang
buhok.
"Did I mention to you that I have a Master's Degree in lockpicking?" biro niya. "You should have followed the
landlady's suggestion to put three or four more locks."
Tss... Bakit ba laging siya ang may advantage sa ganitong sitwasyon?
"I see. So you are blackmailing me?" Napakrus ang mga braso ko habang pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "You
think that unflattering photo of mine can threaten me?"
He flashed a wicked smile which gave me a worrying feeling. "Not at all. But I can also upload the video I took
yesterday if you will continue to be defiant."
Napabuka ang bibig ko nang ma-gets ko kung anong video ang tinutukoy niya.
"Don't worry, I'm not in a hurry to know your answer. I will let you sleep on it. Kung ayaw mong kumalat ang video
na 'yon pati ang photo mo habang natutulog, pumunta ka sa clubroom ng lunch time. Kapag nag-ring ang bell saktong
ala-una at hindi ka pumunta, expect yourself to be a social media sensation. The choice is yours."
Kinuha niya ang kanyang laptop at pumasok sa kwarto niya, iniwan akong tila natulala sa sala. He's no different from
his namesake God. He loves to play pranks and pull tricks to get what he wants. Wala na talagang makakatalo sa
kanya pagdating sa underhanded tactics.
That Loki. He's really getting on my nerves...
###
A/N: Next chapter will be Lorelei and Loki's first official case as partners. Stay tuned!

Volume 1 • Chapter 5: The Unnatural Chemistry


A/N: This is a must-read chapter. 'Nuff said.
LORELEI
KA-DISMISS NG morning period namin kinabukasan, madali akong nagpunta sa third floor kung saan matatagpuan
ang Q.E.D. Clubroom.

Just to clarify: Hindi ako sasali sa club dahil natatakot ako sa posibleng gawin ni Loki sa mga hawak niyang baraha
laban sa 'kin. I hate breaking promises and not giving what's due to someone. Kaya para sa ikatatahimik ng konsensya
ko, pagbibigyan ko na ang hinhingi niyang pabor.
Inaasahan kong madadatnan ko siya roon na nakaupo, nakapatong ang mga siko sa mesa't nakakrus ang mga daliri
habang pinapanood na maubos ang buhangin sa hourglass. Pagbukas ko ng pinto, ang tanging nakita ko ay mga papel
sa mesa at ang kanyang nakabukas na laptop.
Tiningnan ko ang bawat sulok ng clubroom pati ang ilalim ng mesa at sa loob ng bookshelf. Baka kasi may naisip na
naman siyang prank para sa 'kin. It's either he will surprise or scare me with the trick up his sleeves. Mabuti't wala
akong nakitang bakas niya rito. That means I'm safe from whatever trickery he has in store.
Umupo ako sa isang monobloc chair. Nakalimutan niya bang may inaasahan siyang bisita ngayong lunch time? O
baka may humingi ng tulong niya kaya wala siya ngayon?
No. Kung may pinuntahan siyang importante, hindi niya iiwan dito ang laptop niya at hindi naka-lock ang pinto.
Speaking of laptop, I was curious as to what's displayed on its screen. Noong una'y pasulyap-sulyap pa ako. Hindi rin
ako nakatiis kaya tuluyan ko nang tiningan ang naka-display roon. Baka may malaman pa ako tungkol sa misteryoso
kong roommate.
He was typing an email before he left this room. It was addressed to someone named Rhea. May kahabaan ang email
niya at nakasulat sa English. Mabilisan kong binasa ang laman nito.
How are you doing?
It's been three weeks since I sent my last email to you. You haven't got back to me yet which probably means that you
are either busy or you don't check your email every now and then. Knowing that you take your life too seriously, it's
more likely the former.
In any case, I'm writing to express how bored I am with the status quo. Without you, this world lacks the color it once
had when you were around. It became dull, monotonous and grey. Of all the people who know me, you are aware of
how much I abhor the dismal routine of existence. Everyone's so boring, everything's so ordinary. I have been looking
for a challenge, but it has always escaped my grasp ever since you left.
You will surely agree with me if I say that I need to find a distraction, an escape from this mind-numbing reality. If
only you were still here, it would still be a lot fun and challenging. Now I'm in a constant pursuit of diversion that will
keep my mind stimulated. It might be an endless chase, and I don't know if it's a worthwhile quest. But this is the best
alternative I've got so far.
I look forward to hearing your stories. Please get back to me as soon as you can.
Reading that email disproved the idea that he is friendless. Whoever this Rhea is, mukhang importante siya kay Loki
base sa tono ng kanyang email. Kahit sino siguro'y masosorpresa sa development na 'to.
"Your curiosity will kill you."
Halos mapatalon ako sa upuan nang bulungan niya ako mula sa likod. Dahil nakapokus ang atensyon ko sa kanyang
laptop, hindi ko narinig ang mga yabag ng sapatos niya o ang tunog ng pagbukas ng pinto. Pwede ring may
supernatural powers siya at kaya niyang mag-teleport o maging invisible.
"I don't remember giving you permission to read my personal correspondence." May kinuha munang papel si Loki sa
bookshelf bago lumapit sa 'kin at isinara ang laptop. "Alam mo bang invasion of privacy ang ginawa mo?"
"Right," I nodded as I remembered something from what he said. "And that's coming from someone who peeked at
my Facebook messages while I'm reading them."
Iniabot niya sa 'kin ang club membership application form. "I gather that you went here to be part of my club so
kindly fill out that form. "
Inilabas ko ang aking bolpen at sinimulang sagutan ang mga required field. May dalawang pahina ng terms and
conditions na hindi ko na pinagtiyagaang basahin. Nang matapos ko 'yon, ibinalik ko sa kanya. "Ngayong member na
ako ng Q.E.D. Club, wala na akong atraso sa 'yo."
"Consider us even. And as an incentive..." Ipinakita niya sa 'kin ang kanyang phone kung saan naka-display ang
picture ko habang natutulog pati ang video-ng nakunan niya noong araw na na-meet ko ang aking secret admirer. "...I
will delete these incriminating materials as a sign of good will."
He did exactly what he said. Ngayo'y wala na siyang hawak na panlaban sa 'kin.
"So what should I do now?"
"Once we receive a request from our client, you are free to give your insight." Muli niyang binuksan ang kanyang
laptop at nagsimulang magtipa roon. "But what I want you to do is to observe and take note of the details of the case.
At the end of the day, you should blog about it."
"Gusto mo akong maging chronicler ng club?"
"Parang gano'n. Aminado akong hindi gano'n kasikat ang Q.E.D. lalo na sa mga freshmen. Ang mga blog entry na
isusulat mo ang magsisilbing testimonials kung gaano tayo kagaling pagdating sa paglutas ng mga problema. We can
use it to advertise our club and boost our popularity. As the vice president, you will be in charge of media and public
relations."
Teka, teka. At kailan ako naging club vice president?
"Being the second member, by default, you are appointed as my right hand man," paliwanag niya kahit hindi pa
lumalabas sa bibig ko ang aking iniisip. "Right now, we need to wait for a client to come and tell us his or her story.
Or if you don't have patience for waiting, ite-text na lang kita. Nakasulat naman sa form ang number mo."
Imbes na maiwan ako rito sa clubroom na kasama siya, nagpaalam ako kay Loki na kakain muna ng lunch at babalik
kapag may free time ako. Sakto namang kumulo ang tiyan ko kaya kinailangan ko na ring bumaba sa cafeteria para
kumain.
***
Hindi ko namalayang ala-una na pala pagkatapos kong kumain ng paborito kong pasta. Ewan, may sira yata ang
school bell kaya hindi ito tumunog ngayong tanghali. 'Yon kasi ang ginagawa kong signal kapag oras na para
umakyat. Pati ang ibang estudyanteng nasa cafeteria, pa-chill-chill pa na parang wala silang pasok ngayong hapon.
Imbes na bumalik ako sa classroom, patungo ako sa Chemistry Lab sa third floor kung saan gaganapin ang klase
namin. Saktong-saktong paakyat na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Rosetta pati na ang iba kong mga
kaklase.
"Balak naming mag-ghosthunting next week sa abandoned school building dito sa campus," sabi ni Rosetta habang
paakyat kami. Naramdaman ko ang excitement sa kanyang boses. "Gusto mo bang sumama sa amin?"
Umiling ako bilang tugon. "Sorry pero hindi ako mahilig sa mga paranormal stuff e."
"Sayang," may bakas ng pagkadismaya sa kanyang mukha. "Pero kapag nagbago ang isip mo at naisipan mong
sumama, sabihin mo sa 'kin, ha?"
Nagtipon-tipon ang buong klase sa labas ng Chemistry Lab. Nasa east wing ito ng high school building habang ang
Q.E.D. Clubroom ay nasa kabilang dulo ng west wing. Hinintay namin ang pagdating ni Ma'am Althea Vasco, ang
prof namin sa Chemistry at ang taong may hawak ng susi.
Hindi biniyayaan ng height si ma'am kaya kung makikita mo siya, aakalain mong high school student din siya kung
hindi mo mapapansin ang uniporme niya. Lagpas balikat ang haba ng kanyang straight na buhok, may agaw-pansin
siyang nunal sa itaas ng kilay at maliit na pangangatawan.
"Good afternoon, class," bati niya sa 'min bago niya ipinasok ang susi sa pinto. Nang mabuksan niya ito, kaagad na
kaming nagsiayos at nagsikilos. Kasama ako sa mga naunang estudyanteng pumasok sa loob.
Kasing laki ng isang ordinaryong classroom ang Chemistry Lab. Ang pinagkaiba, hile-hilera ang mga mahahabang
mesa rito kung saan nakapatong ang iba't ibang aparato para sa nasabing subject. Meron ding whiteboard na may mga
sulat na hindi binura ng mga naunang nagklase. Sa bandang likuran makikita ang malaking cabinet kung saan
nakalagay ang iba't ibang kemikal na gagamitin namin para sa class activity.
But everyone who went in first, even me, stood frozen for a minute or two when we saw someone lying on floor,
unconscious and bathing in his own blood. Nang mapagtanto namin kung ano ang aming nakita, mabilis kaming
tumakbo palabas at nagsisigaw. Pati si Ma'am Vasco, napatili na parang may nakitang lumilipad na ipis.
"Call the guard!" utos ni ma'am sa mga lalaki naming kaklase. Bakas sa hindi mapakali niyang mukha ang pagkagulat.
Ang iba'y nagsipunta sa banyo, halos masuka dahil sa kanilang nakita.
Ako? Muntik na akong maduwal on the spot. Hindi ko magawang tingnan muli ang hindi gumagalaw na katawan ng
lalaki. It's not a sight you should see especially kung kakakain mo lang ng lunch.
Ilang minuto rin ang lumipas bago nakarating ang mga taong nakaunipormeng pampulis. Pinuntahan nila muna si
Ma'am Vasco at tinanong kung ano ang nangyari bago sila pumasok sa loob ng Chemistry Lab. Napansin ko ang tila
boss nilang malaki ang katawan, may makapal na bigote at halos namumuti na ang ilang hibla ng buhok.
Ano bang nangyari? Isa ba itong homicide o murder? Kahit ilang segundo lang nabaling ang tingin ko sa katawan ng
lalaki, nakita kong may nakatarak na basag na graduated cylinder sa kanyang tagiliran.
Pinilit kong sumilip uli sa loob para tingnan kung ano nang ginagawa nila.
"Oh, what a coincidence! Nandito ka rin pala?"
Napalingon ako sa aking likuran at nakitang nakatayo si Loki, nakahalukipkip pa ang mga kamay sa kanyang bulsa.
Anong ginagawa niya rito?
"I can read on your curious face that you're wondering why I'm here. I was texted by Inspector Gareth Estrada and
asked for my insights in this case."
"Wait, nandito ka para lutasin ang kaso?"
Medyo napakunot ang kanyang noo. "Why does that sound surprising to you? Oh, haven't I told you earlier that I-and
by extension, the club-work as a consultant for the Campus Police? The inspector is a good friend of mine and I
helped him out in a couple of other baffling cases."
As far as I can remember, hindi niya ako sinabihan tungkol dito. I didn't know that he's also involved in solving
bloody cases. Alam kong lumulutas siya ng mga problema pero nakakagulat na malamang nagtitiwala maging ang
mga pulis dito sa campus sa kanya.
"And since you are eager to start as member of the Q.E.D. Club, here's our first official case together."
Sinabi niya ang salitang "together" na parang mag-partner kami, in every sense of the word.
Pinatabi niya ako sa pintuan at pumasok sa loob. Nang mapansin niyang hindi ako nakasunod sa kanya, muli siyang
lumingon sa 'kin. "Ano pang hinihintay mo riyan? Pumasok ka na't ipapakilala pa kita. Kung isa itong homicide or
murder case, this is going to be fun."
Fun? Wala akong makitang "fun" sa isang scene kung saan may patay na tao. And judging by the glint of happiness
between his coal eyes, he seemed to be enjoying it! Parang binigyan siya ng regalo kahit hindi niya birthday o kahit
hindi pa sumapit ang Pasko.
Nagprotesta ako noong una, pero bigla niya akong hinila papasok. Dahil siguro na-trauma ang mga kaklase ko sa
nangyari kaya hindi nila napansin ang pagkawala ko sa kanilang paningin. Habang patungo kami sa spot kung saan
nakahandusay ang walang buhay na katawan ng lalaki, kinordonan ng mga pulis ang labas ng Chemistry Lab ng
"POLICE LINE DO NOT CROSS."
Dahil hindi kami sinita ng mga nakasalubong naming officer, mukha ngang kilala nila si Loki at tiwala sila sa kanya.
"Ang bilis mo yatang nakarating dito?" bati ng Campus Police chief sa kasama ko at saka niya inabutan ng rubber
gloves si Loki. "Aba. sino 'yang kasama mo?"
"Her name's Lorelei Rios. She's my... assistant so I hope you would allow her presence here." Umupo si Loki sa tabi
ng pulis na may hawak na camera at kumukuha ng litrato ng biktima. Muli akong napatingin palayo bago pa tuluyang
mag-register sa utak ko ang kulay ng dugo. Bakit ba pumayag akong hilain niya ako papasok dito?
Pero teka, kailan niya pa ako naging assistant?
"Nakilala ang biktima bilang si Isaac Santiago, Grade 12 at president ng Chemistry Club," sabi ni Inspector Estrada
habang pinagmamasdan ang ginagawang pagsusuri ni Loki. "Mainit pa ang kanyang katawan kaya posibleng wala
pang isang oras mula nang patayin siya. Mukhang namatay siya dahil sa kawalan ng dugo matapos saksakin sa
tagiliran."
"Obviously," tumayo si Loki at inikutan ang bangkay ng biktima. "Nagawa pa niyang mag-iwan ng dying message
bago siya nawalan ng buhay."
Pumasok ang dalawang pulis na may dala-dalang stretcher. Inilagay nila roon ang katawan at tinakpan ito ng puting
kumot. Ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo pati ang chalk marks kung saan naka-outline ang postura ng
biktima nang matagpuan siya. May napansin din akong numero na isinulat gamit ang dugo:
32-10-14-16
Ito siguro ang tinatawag niyang dying message.
Napahimas sa kanyang baba si Inspector Estrada, napatingin sa set ng numero. "Napansin din namin 'yan. Pero kung
kaya niyang mag-iwan ng dying message, bakit hindi na lang niya isinulat ang pangalan ng pumatay sa kanya?"
"It's possible na baka bumalik ulit ang suspek at burahin ang isinulat niya," paliwanag ni Loki. "He didn't want to take
that risk so he decided to hide his killer's name through a code. Anyway, do we have a lead on the suspects?"
"Ipina-check ko ang phone ni Isaac. Bago siya natagpuang patay, tatlong tao ang kanyang tinext ng parehong
message. 'Alam ko kung ano ang ginagawa mo. Magkita tayo sa Chem Lab ngayong lunch time kung ayaw mong
malaman ng iba,' sabi niya."
Tinanggal muna ni Loki ang suot na rubber gloves bago niya inilabas ang kanyang phone at may itinype sa screen
nito. "Oh? So who are they?"
Naningkit ang mga mata ni Inspector Estrada habang binabasa ang text message sa kanya. "Henry Ochoa. Genesis
Cabristante. John Bautista."
By hearing those three names, a triumphant grin flashed on Loki's face. "I think I know who did it."
What? Seryoso ba siya sa kanyang sinabi? Wala pa siyang ten minutes dito sa crime scene, alam na niya kung sino
ang salarin. Posible kayang na-decode na niya ang dying message?
"For now, we need to interview our three suspects. Knowing the name of the culprit is not enough, but at least, we
now have a lead."
"Pwede mo bang sabihin sa 'min kung sino?" tanong ni Inspector Estrada.
"Kapag tapos na ang interview. Ayaw kong maging bias ang approach n'yo sa suspek."
Habang hinihintay namin ang pagdating ng mga suspek, umupo muna ako sa may mesa. Si Loki, hayun, tinitingnan
ang mga kemikal sa cabinet na parang hinahanap doon ang kasagutan.
"So you're the new her?"
Napalingon ako sa kaliwa't nakitang nakatayo si Inspector Estrada sa aking tabi. Malamang hindi si Loki ang
tinutukoy niyang her. "Ano po?"
"Matagal na rin mula nang huli kong makitang may assistant si Loki," umupo siya sa katabing upuan at inayos ang
suot na uniporme. "Mahigit anim na buwan na yata kung hindi ako nagkakamali."
Loki had an assistant? That was surprising. Ang akala ko'y mag-isa lang siya sa pagiging detective magmula noon,
knowing that he doesn't have friends. Well, except for one.
"Hindi ka ba makapaniwalang may kasama siya dati?" tanong niya nang mapansin ang pagtataka sa aking mukha. "In
comparison, mas friendly si Loki noon kaysa ngayon. Kaya nga medyo nagulat ako nang makita kong kasama ka
niya."
"Ano pong nangyari sa dati niyang assistant?"
Napatingin si Inspector Estrada sa ibaba, tila nagdadalawang-isip kung dapat sagutin ang tanong ko.
"Sabihin na nating iniwan niya si Loki."
Kung ganyan ba naman ang ugali ng kasama mo sa isang club, talagang mapapaisip ka kung dapat ka pa bang mag-
stay or umalis na.
"Nasaan na po siya ngayon?"
Bago pa niya nasagot 'yon, kumatok ang isa sa kanyang officer at pumasok na may kasamang tatlong lalaki. "Nandito
na sila, sir."
"Totoo bang pinatay si Isaac?" pambungad na tanong ng lalaking matipuno ang katawan na nakataas ang buhok na
parang palikpik ng pating.
"Ikaw si?"
"Genesis Cabristante. Officer din ako ng Chemistry Club. Actually, kaming tatlo rito," sagot ng lalaki at saka ibinaling
ang tingin sa dalawa pang kasama.
Itinaas ng lalaking matabang nakatayo sa gitna ang kanyang kamay. Ni hindi siya nag-effort na ayusin ang kanyang
buhok o butones ng kanyang polo. "Henry Ochoa, vice president ng Chem Club."
"John Bautista, secretary ng Chem Club," pagpapakilala ng lalaking payat at matangkad na may nakalagay na makapal
na eyeliner sa pilikmata. 2015 na pero mukhang uso pa rin sa kanya ang emo-look.
Inspector Estrada stood and cleared his throat before addressing the three. "Alam n'yo naman kung bakit ipinatawag
kayong tatlo rito. Mahigit trenta minuto bago natagpuang patay dito si Isaac, nag-send siya ng parehong text message
sa inyong tatlo."
"Sinasabi n'yo bang isa sa amin ang pumatay sa kanya?" pasigaw na tanong ni Henry.
"That's right. One of you three is the killer." Mukhang natapos na sa kanyang pagtse-check sa mga chemical si Loki at
lumapit na siya sa amin. "I have an idea who he is but I won' t tell you until we hear your statements. First, can you
tell us your whereabouts between twelve-thirty and one o 'clock?"
Naunang sumagot si Henry na napahimas sa kanyang malaking tiyan. "Nasa banyo ako noong mga oras na 'yon. Nag-
e-LBM kasi ako ngayon kaya medyo natagalan ako sa pagbabawas."
"Can someone confirm that?"
Umiling siya si Henry. "Sa banyo ng fifth floor ko naisipang ibuhos ang sama ng loob kasi wala masyadong gumamit
noon. Wala rin akong napansing pumasok sa banyo kaya..."
"In other words, you don't have an alibi." Napaturo si Loki sa lalaking nasa kaliwa. "How about you, Genesis?"
"Kakatapos ko lang mag-lunch noon kaya pumunta ako sa rooftop para magyosi," sagot nito. "Humihithit pa ako ng
sigarilyo nang makatanggap ako ng tawag mula sa mga pulis para pumunta rito."
"Are you with someone during that time?"
"Restricted area ang rooftop ngayon dahil sa attempted suicide kahapon kaya ako lang mag-isa."
"Still no alibi." Sunod na itinuro ni Loki ang lalaking nasa kanan. "And you?"
"Nasa stone bences ako noon, nagbabasa ng notes sa Algebra. Magkakaroon kami kasi ng quiz kaya kailangang mag-
review," sagot ni John.
"Kung gano'n, may kasama kang nagre-review?"
Umiling si John. Base sa kanyang itsura, hindi siya 'yong tipong mahilig makihalubilo sa mga tao. Loner-type,
kumbaga. "Ayaw kong may katabing nagre-review kasi nadi-distract ako. Pero maraming tao sa katabing stone
benches. Ewan kung natatandaan pa nila ang mukha ko."
"May alibi pero hindi gano'n katibay," komento ni Loki, napapatango pa't tila natutuwa sa kanyang narinig.
Kung tama ang hinala ko, isa sa kanila ang nagsisinungaling. Wala talaga ang taong 'yon sa lugar na binanggit niya.
Sa pagitan ng twelve-thirty hanggang one o'clock, tiyak na nandito siya sa loob ng Chemistry Lab at nakipagkita kay
Isaac para pag-usapan ang ginagawa niya na malamang ay karumal-dumal.
Teka, teka. Bakit parang detective ako kung mag-isip? Ang trabaho ko rito'y obserbahan ang imbestigasyon para nang
sa gano'y mai-blog ko mamaya, gaya ng gusto ni Loki. And he already knows who the culprit is so I don't need to
squeeze my brain for deductions.
Speaking of Loki, nabaling ang tingin niya sa 'kin habang may nakapintang ngiti sa kanyang mukha. "Any thoughts on
how we can identify the killer among them?"
Naramdaman kong nakatitig din sa 'kin si Inspector Estrada kaya mas tumindi ang pressure. I'm no detective kaya
imposibleng makapag-come up ako ng isang brillant deduction that will help us solve this case.
Tumingin ako sa sahig at bahagyang naningkit ang mga mata. Paano ba namin mapapatunayan na nagsisinungaling
ang isa sa kanila? May dapat bang itanong na tanging ang killer lang ang hindi makakakuha ng tamang sagot?
Then a striking idea came to mind.
Like Inspector Estrada earlier, I forced a cough to get everyone's attention.
"Kung talagang nasa mga lugar kayo na sinabi n'yo kanina, sino ang nakarinig sa inyo sa tunog ng school bell noong
one o'clock?"
I thought the chances of that question to expose the killer is slim. But I was surprised to see one of them raise his right
hand.
"Sabi ko na sa inyo, nagyoyosi lang ako sa rooftop kaya imposibleng hindi ko marinig ang-"
Napatigil sa pagsasalita si Genesis nang lumingon siya sa kaliwa't kanan at napansing tanging siya lang ang nakataas
ang kamay.
"Huwag n'yong sabihin hindi n'yo narinig ang school bell kanina?" tanong niya kina Henry at John. "Ibig sabihin, nasa
kanilang dalawa talaga ang killer."
"Actually, kabaligtaran 'yon ng sinabi mo," pagkontra ko sa kanya. "Kung sino ang nakarinig ng school bell, siya'y
walang iba kundi ang salarin."
Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Loki habang nagpukol ng nagtatakang tingin sa 'kin si Genesis. "A-Anong ibig
mong sabihin?"
"Masyado ka sigurong abala sa pagkikita n'yo at pagpatay mo kay Isaac kaya hindi mo namalayang hindi tumunog
ang school bell kanina," paliwanag ko habang nakakrus ang aking mga braso. Nagtunog detective na talaga ako.
"Saktong ala-una nagri-ring ang school bell araw-araw kaya inakala mong gano'n din ang scenario kanina.
Unfortunately, may sira yata ngayon 'yon kaya hindi tumunog."
"Na-Nagkamali lang ako sa sinabi ko kanina." Namuo ang pawis sa kanyang noo at nagsimula na siyang mautal sa
pagsasalita. "I-It was an honest mistake."
"No, ikaw talaga ang pumatay kay Isaac." Sa wakas, naisipan na rin ni Loki na umeksena. Ang akala ko'y napipi na
siya sa tabi ko. "Before Isaac died, he revealed the name of his killer through a dying message."
Ipinakita niya ang series of numbers kanina na kinunan niya ng litrato sa kanyang phone. "As members of the
Chemistry Club, I'm certain that you will decipher the code Isaac left."
Nanlaki ang mga mata nina Henry at John habang paulit-ulit ang pag-iling ni Genesis.
"Ano bang code ang ginamit ni Isaac at bakit mukhang alam 'yon ng mga ka-member niya?" tanong ni Inspector
Estrada.
"32-10-14-16. In sequence, those are the atomic number of Germanium, Neon, Silicon at Sulfur. In other words,
GeNeSiS," paliwanag ni Loki. "Dahil mga miyembro sila ng Chemistry Club, seguradong alam nila ang iilan, kundi
lahat, ng mga nasa periodic table of elements."
Lumapit ang mga police officer kay Genesis at pinosasan siya. Kasabay nito ay ang pagsabi ni Inspector Estrada na
"Doon ka na lang sa station magpaliwanag."
"Alam mo rin ba kung bakit nagawang patayin ni Genesis si Isaac?" tanong ko kay Loki habang ine-escort ng mga
pulis palabas ang salarin. Sumabay na rin sa paglabas sina Henry at John habang naiwan kaming dalawa sa loob.
"I looked into the cabinet over there and noticed that some bottles of chemical compounds are missing," napaturo siya
sa bandang likuran. "Isaac probably found out that someone from his club-who has access in this lab-is stealing those
chemicals. He tried to lure out the culprit by sending the same threatening message to his three suspects. Fortunately,
the culprit took the bait and met him. Unfortunately, Isaac was killed in the process."
I began to wonder how Loki was able to go that far into this case. Sa pagpapaliwanag niya kasi, parang nasaksihan
niya ang lahat ng nangyari. Gano'n ba siya talaga kagaling pagdating sa deductions? Or everything he said was mere
guesswork?
"The question now is: Saan gagamitin ni Genesis ang mga ninakaw niyang chemicals? Ibinebenta niya kaya ito? Sino
namang bibili?"
"AAAAACCCKKK!"
Napatakbo kaming dalawa ni Loki sa labas nang marinig ang sigaw na malamang ay galing kay Genesis. Nakita
namin siyang nakahandusay sa sahig, nanlalaki ang mga mata, bumubula ang bibig at nanginginig ang katawan. May
ilang estudyanteng nasa paligid ang napatili rin nang makita siyang tila nagkokombulsyon.
Lumuhod si Loki sa tabi niya at kinapa ang pulso ni Genesis. "He was probably poisoned. His pulse is erratic."
Biglang napakapit ang mga kamay ni Genesis sa braso ni Loki, tinitigan niya sa mata at may pinipilit na sabihin.
"M... Mori...! Moriya...!"
Hindi nagtagal, tumigil na sa paggalaw ang kanyang katawan, nakatirik ang mga mata sa kisame.
Tumingin ako kay Loki na parang naging estatwa dahil hindi rin siya gumagalaw.
That was the first time I saw his hands trembling and fists clenched. His teeth gritted as if he heard something that
made his blood boil.
Whatever Genesis' last words meant, they made an impact to Loki.
###

Volume 1 • Chapter 6: The Cost of Friendship


LORELEI
WALA NA sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam mo kapag may mga taong nakaka-appreciate ng iyong ginagawa.

Kaninang hapon, ipinost ko ang pinakaunang official case ko bilang member ng Q.E.D. Club. Ewan kung saan
nanggaling ang mga reader na biglang sumulpot at nag-comment sa blog post ko. Nagustuhan daw nila ang prose ko
at namangha sila kung paano namin na-identify ang killer.
I'm doing exactly what Loki told me-to make a buzz about our club and to let people know that we exist. Hindi ko
inasahang makakaramdam ako ng ganito. Parang gusto ko nang sundan ang nauna kong post.
The more I blog about our investigations, probably the more readers and clients we get.

Gusto kong i-share ang balitang 'yon kay Loki kaya lumabas ako ng kwarto, dala-dala ang laptop.
"Hey, gusto mo bang mabasa ang mga comment-" I stopped halfway when I noticed his weird posture.
Kaninang alas-kwatro, nadatnan ko siyang nakaupo sa parehong spot, nakakrus ang mga braso, nakadekwatro ang
mga binti at seryosong nakatingin sa dartboard kung saan nakatusok ang post-it note na may nakasulat na letrang "M."
Dalawang oras na yata mula nang makita ko siyang nakagano'n, pero hanggang ngayo'y hindi pa rin siya gumagalaw.
Nakipagtitigan ba siya kay Medusa kaya nanigas ang katawan niya o sadyang malakas ang impact ng mga huling
salita ni Genesis sa kanya?
Gusto kong itanong sa kanya kung sino o ano ang ibig sabihin ng Mori o Moriya. Hindi lang ako makatiyempo kasi
parang nawala siya sa sarili niya magmula nang malutas namin ang kaso. Napaka-weird na makita siyang gano'n.
"O, napaano 'yang kasama mo?" tanong ni Tita Martha nang pumasok siya sa unit namin. Tuwing alas-sais ng gabi,
pinupuntahan niya kami para bigyan ng niluto niyang ulam. Ipinatong niya ang mangkok sa maliit naming mesa at
lumapit sa 'kin. Napalagay ang kanyang mga kamay sa bewang niya.
"Binasted mo ba siya kaya nagkaganyan si Loki?" Hindi ko masabi kung seryoso o nagbibiro si tita. "Matagal na rin
noong huli ko siyang nakitang nakatulala at parang may malalim na iniisip."
Nagpukol ako ng nagtatangkang tingin sa kanya. "Ano hong ibig n'yong sabihin?"
Tumingala siya't napaisip sa tanong ko. "Kailan na ba 'yon? Mahigit anim na buwan na yata. Umuwi siyang parang
wala sa sarili, ni hindi ko makausap nang maayos. Meron siyang nabanggit na pangalan no'n. Pangalan ng babae, kaso
nakalimutan ko na. Daig niya pa ang heartbroken noon!"
So he already had an episode like this. I became curious kung ano ang dahilan bakit umuwi siyang gano'n.
"By the way," tinapik ako sa balikat ni Tita Martha at nginitian. "May good news ako sa 'yo. Baka pumunta ang papa
mo rito next week."
Medyo natagalan bago nag-register sa utak ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa paligid, naghanap ng kalendaryo
para tingnan ang petsa ngayon. "Teka, malayo pa ang Pasko a. Bakit naisipan niyang pumunta rito?"
"Tinawagan niya ako kanina, ang sabi niya, may ka-meeting siya rito sa Angeles kaya malamang dumaan siya rito
para kumustahin ka." Si Tita Martha lang yata ang natutuwa sa balita. Hindi ko alam kung paano naging good news
para sa 'kin 'yon. "O, hindi ka ba excited na makita ang papa mo?"
I forced a smile and showed it to my aunt to express how I feel about it. "Halata naman ho sa mukha ko kung gaano
ako kasabik na makita siya, 'di ba? I can barely contain my excitement."
Matapos noo'y umalis na si Tita Martha. Habang nag-uusap kami ni tita, ni minsa'y hindi lumingon, gumalaw o
kumibo si Loki. Talagang dinidibdib niya yata kung ano ang nasa utak niya ngayon.
Lumapit ako sa kanya at kumaway sa harapan niya. No reaction. Bigla kong hinawakan ang kanyang balikat, dahilan
para bigla siyang mapatayo. Huminga siya nang sobrang lalim na parang muntikan na siyang malunod.
"What time is it?"
"Six-thirty na ng gabi. Dalawang oras ka nang nakaupo riyan sa couch."
"My God, I fell asleep while I was thinking!" Naglakad-lakad muna siya habang nakakrus ang mga braso. "Nasayang
tuloy ang dalawang oras."
"Teka, kaya mong matulog na dilat ang mga mata?"
"I practiced that skill so that I can sleep in class without the professor noticing it." Mukhang proud pa siya sa kanyang
abilidad. "I usually skip classes through sleeping especially if the subject is a boring one. Well, most of them are."
"Ang akala ko iinisip mo ang tungkol sa M na 'yan."
"I was. At least, until Hypnos cradled me in his arms." Kinuha niya ang laptop sa center table at binuksan ito. "By the
way, Inspector Estrada gave me an update earlier. Mukhang tama ang hinala ko."
"Hinala?"
"Genesis was selling the stolen chemicals to an anonymous buyer. The Campus Police retrieved deleted messages
from his phone. He communicated with different unregistered numbers about the transaction."
Iniharap niya sa 'kin ang kanyang laptop kung saan naka-display sa screen nito ang call at text log ng salarin.
Nakalagay dito kung saan galing ang message, kailan ito na-send at ano ang laman.
"Bakit naman bumula ang bibig niya kanina? Nagpakamatay ba siya para hindi malaman ng pulis kung sino ang
misteryosong ka-deal niya?"
"Pinatay, hindi nagpakamatay," pagtatama ni Loki, muli niyang tinutukan ang kanyang laptop. "According to the
autopsy, he was pricked by a needle laced with poison in the neck. Either someone shot that poisoned needle from a
short distance or someone went close to Genesis and punctured him."
"Kung gano'n, pinatay siya para patahimikin siya?"
"Exactly. Considering these developments, we can therefore conclude that Genesis was merely a pawn in this grand
game. Someone else is pulling the strings. The game isn't over and the case isn't closed."
Nabaling ang tingin ko sa papel na nakatusok sa dartboard. Whoever that "M" is, malakas ang kutob kong may
kinalaman siya sa paglason kay Genesis.
***
To be honest, I wasn't enthusiastic at first when I joined the Q.E.D. I was forced to join in the first place! But after
helping solve the case yesterday, there was yearning inside me that I want more of it. As what I've said, I'm no
detective but the pleasure of putting the pieces of the puzzle together is quite tempting. Maybe that's the reason why
Loki was so obsessed with puzzles and mysteries. No matter how hard you try to avoid them, they keep pulling you
back.
Kaya nga pagkatapos ng morning period namin kinabukasan, nagtungo ako kaagad sa clubroom. Maliban sa paglutas
sa mga problemang dadalhin sa amin, gusto ko ring makapagsulat ng bagong blog entry.
Loki himself is a huge piece of mystery. Marami pa akong hindi alam sa kanya. Not that I'm really interested in him.
But after observing his reaction yesterday, I became curious as to what happened to him before I got here.
I was walking on the hallway, my eyes looking straight to my direction, when someone caught my attention.
"Miss Lorelei!"
Lumingon ako sa likod at nakitang papalapit sa 'kin ang isang babaeng may abot-balikat na buhok at bangs na
nakatakip sa kanyang tila malapad na noo. May suot din siyang salamin na may transparent frame. Nakasuot siya ng
unipormeng pambabae pero ang postura ng kanyang paglalakad ay parang maangas tulad sa mga lalaki.
"Yes?"
"Sorry to interrupt you on your way to the clubroom." She stretched out her right arm for a handshake. "My name's
Margarette Fernandez, Grade 12 student. Pleased to meet you."
Out of courtesy, nakipagkamay ako sa kanya. Nadama ko ang malambot niyang mga daliri. Nawiwirduhan ako, hindi
sa kanya, kundi sa pagkakilala niya sa pangalan ko at kung saan ako pupunta.
"Paano mo nalamang papunta ako sa clubroom? Do I know you?"
"I have read your blog. You're from the Q.E.D. Club, aren't you?" tanong niya.
Posible kayang isa siya sa mga nakabasa o nagbigay ng komento sa post ko kagabi? O baka potensyal siyang kliyente
na hihingi ng tulong sa amin?
"Oo, bagong member ako ng club na 'yon," sagot kong may kasamang pagngiti. "May maitutulong ba ako o kami sa
'yo?"
She smirked. "I think I'm the one who can help you. You don't look like the type of person who's interested in solving
puzzles. Were you forced to join the club?"
Pwedeng sabihin na binlackmail ako ni Loki para sumali. Pero bakit ganito magtanong ang babaeng 'to? "Sorry, but
why is that your business?"
"I told you, I wanna help you." Her calm voice sounded sincere. "Staying in that club won't do you any good. Or
should I say staying beside that Loki will only bring you tragedy."
She spoke of Loki's name with contempt. Parang may galit siya.
"Teka, teka, sino ka ba? At paano mo nakilala si Loki?"
That smile on her pinkish lips widened. "You can say I'm the closest thing to a friend that he is capable of having."
Parang naiintindihan ko na kung ano ang gusto ng babaeng 'to. I don't know if I should be impressed by how subtle
she is in her approach.
"Kung iniisip mong sumali ako sa club dahil may relasyon kami ni Loki, nagkakamali ka. I'm just an ordinary club
member. There's no need for you to consider me a threat to any romantic inclination you might have with him. Now
do you mind if you excuse me?"
Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang hindi lumilingon sa kanya. Ayaw kong
mag-aksaya ng oras at laway sa tulad niyang admirer ng lalaking 'yon.
"Do you know what happened to his former club member? Someone who was also in the same shoes as you right
now?"
For the last time, I turned around and gave her a curious look. Nabanggit na kahapon ni Inspector Estrada ang tungkol
sa dating assistant ni Loki. This Margarette must also be referring to her.
"Oh, I see. I can read from your face that he hasn't told you about her." She lifted her head and clasped her arms
around her body. "You are risking your life for him but he never mentioned anything before you joined, huh?"
"I'm not risking my life for him," I corrected her, rolling my eyes before I turned around again. Then, I strode to where
I was going, leaving her behind. She's the second person I met in this school who's getting on my nerves. At anong
ibig niyang sabihin na inilalagay ko sa panganib ang buhay ko para kay Loki? Unang-una sa lahat, wala akong dahilan
para gawin 'yon.
Pagpasok ko sa clubroom, nadatnan ko si Loki na abalang-abala sa pagtingin sa mga larawan ng kaso kahapon.
Sinusuri niya ang litrato ng isang naka-close up na leeg na may tuldok sa gitna.
"Hey," walang gana kong bati sa kanya bago ako umupo. Sa tingin ko, dapat niyang malaman ang tungkol sa babaeng
na-meet ko kanina. "I met someone who said that she's the closest thing to a friend that you will ever have."
"She?" Inilipat niya ang kanyang tingin sa 'kin, nanliit ang mga mata at kumunot ang noo. "So you're not referring to
my brother, are you?"
"Meron kang kapatid rito?" pagulat kong tanong. I assumed that he's the only one from his bloodline who's studying
here. At kung meron nga siyang kapatid, bakit hindi sila magkasamang nakatira sa apartment? "Hulaan ko, Thor ang
pangalan niya, no?"
"Oo."
Hinintay kong bawiin niya ang kanyang sagot o sabihing biro lang 'yon. Pero hindi na siya tumugon at nagpatuloy sa
ginagawa niyang pagsusuri. Maybe his parents are huge fans of Norse mythology that's why they named their children
after the Norse Gods.
I can't help but wonder: If Loki's like "this," pareho kaya sila ng kapatid niya? Nase-share ba sa genes o DNA ang
ugali ng isang tao?
Tatanungin ko pa sana siya tungkol sa kanyang kapatid ngunit muling bumukas ang pinto ng clubroom. Pumasok ang
isang babaeng kinulot ang mahabang buhok. Mala-porselana ang kanyang kutis, makinis ang kanyang mukha at
maganda ang hubog ng katawan. Parang modelo na rumarampa sa fashion show kung siya'y maglakad. Masyadong fit
ang suot niyang blouse, tila pinangangalandakan niya kung gaano kalaki ang kanyang hinaharap. Sobrang iksi ng
palda niya-hindi lampas sa tuhod na labag sa school rules and regulations-na tila ipinagmamalaki ang walang peklat
niyang legs.
"Is this the Q.E.D. Club?" tanong niya habang palingon-lingon sa paligid.
"If you know how to read-"
"Yes, eto nga. Anong maitutulong namin sa 'yo?" sabat ko bago pa insultuhin ni Loki ang unang kliyente namin para
sa araw na 'to. Kung hindi niya matututunang itikom ang bibig niya, posibleng magbago ang isip ng sinumang
papasok dito.
Umupo sa harapan namin ang babae, nakapatong sa kanyang hita ang mga kamay. "My name's Madonna Barcelon,
Grade 11. Sabi ng friend ko, magaling daw kayo sa paglutas ng mga problem kaya naisipan kong i-approach kayo.
Nabasa niya kasi 'yong blog about what you did yesterday."
Hindi ko naiwasang mapangiti. Here's the proof that my blog can help us promote the club and attract clients. "Ano
bang problema mo?"
Inayos muna niya ang kanyang buhok bago sumagot. "Have you heard of CHS Confessions? No? It's a Facebook page
kung saan pwede kang mag-confess about a secret, your crush and anything under the sun. Yesterday, someone
submitted a blind item na sa tingin ko'y tumutukoy sa 'kin."
Napahikab si Loki-sinadya niyang lakasan para marinig namin-at saka napatingin palayo. Mukhang hindi siya
interesado sa ganitong uri ng kaso.
Nevertheless, kailangan ko siyang i-entertain kahit ayaw nitong kasama ko.
Ipinakita ni Madonna ang screenshot ng sinasabi niyang post. Ang nakasulat:
"Da Who ang feeling model na taga-Grade 11 na iba-iba ang ka-date gabi-gabi? One time, pumunta pa sa isang motel
na hindi malayo sa campus ang mahaliparot na gurlaloo kasama ang kanyang boylet! Heto pa! Balak din daw niyang
gamitin ang nakakasukang charm niya sa pagtakbo sa next student council elections! Have a guess? I-comment na
'yan!"
Ipinasa ko kay Loki ang phone kahit noong una'y ayaw niyang tingnan. Ilang segundo niya lamang ito binasa at
muling ibinalik sa 'kin.
"We can conclude that you're the one being referred to in that post," komento ni Loki nang hindi nakatingin sa aming
kliyente. "It's hardly surprising."
Naningkit ang mga mata ni Madonna habang nakatitig sa kasama ko. "Excuse me?"
"Well, you are flaunting the size of your breasts by wearing fitted uniform and your flawless legs by your short skirt.
You want gentlemen to salivate on your marvelous beauty that's why you project that image. If I wasn't aware that you
are a student, I could have mistaken you for a slu-"
"SO gusto mong malaman kung sino ang nag-confess sa sikreto mo?" muli akong sumabat bago pa matuloy ni Loki
ang gusto niyang sabihin.
Ganito ba talaga siya makipag-usap sa mga taong pumupunta sa kanyang club? Alam kong kaya niyang basahin ang
history ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang powers of observation. But sometimes, it can turn people off. Kung
gusto niyang sumikat ang club at gumanda ang reputasyon nito, kailangan matuto siyang pumreno sa kanyang
pagsasalita.
"May hinala na ako kung sino ang posibleng nag-leak ng info na 'yan," tugon ni Madonna. "I have three girl friends na
sinabihan ko tungkol diyan. Kahit na sinabi kong huwag nilang ipagsasabi kahit kanino, I think one of them is
responsible for this."
"First question," itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo, "Are these friends of yours in the same circle?"
"No," umiling si Madonna, "One is from the same class, the other is from the theater group habang 'yong isa, member
ng music club na kinabibilangan ko. Hindi pa yata sila nagkakakilala."
"Second question," sunod na itinaas ni Loki ang kanyang hinlalato, "what do you think is the motive behind the blind
item?"
Napatingin sa taas si Madonna, sinusubukang isipin kung bakit magagawa 'yon ng kanyang kaibigan. "Pwedeng
naiinggit siya sa beauty ko kaya naisipan niyang ikalat ang secret ko. Pwede ring gusto niya akong siraan dahil
tatakbo ako sa student council next year."
Seryoso ba talaga siya sa balak niyang pagtakbo sa council? Kung ako ang tatanungin, parang walang kahit anong
bakas ng pagiging student-leader si Madonna. Hindi nga siya sumusunod sa school rules and regulations. Pero kung
sikat siya at maraming maaakit sa karisma at ganda niya, seguradong guaranteed na ang pagkapanalo niya. Kailangan
niya lamang magpaganda at magpa-cute sa mga botante.
"Now that you heard problem..." she crossed her legs and looked at both Loki and me. "...what can you advise me?"
"Bakit hindi mo sila i-confront at tanungin kung isa nga sa kanila ang nasa likod no'n?" Dahil nagkaroon ng
katahimikan matapos niyang ibato ang tanong na 'yon, ako na muna ang sumagot. "Kung talagang kaibigan mo siya,
seguradong magiging tapat at totoo siya sa 'yo. Then you can settle whatever differences you have to save your
friendship."
I heard Loki let out a bored sigh and saw him fidgeting with his fingers. "That's so boring. Why don't you try a more
entertaining way of exposing your friend?"
Anong entertaining way ang sinasabi nito? Gusto niya bang gawing komplikado ang problemang nangangailangan ng
simpleng solusyon?
"There's no guarantee na aamin 'yang kaibigan mo. She will deny it to death. So why don't you set up a trap for her,
lure her in and capture her?" dagdag ni Loki. Nakakapagtaka. Kanina kasi parang wala siyang ganang pakinggan ang
kasong 'to. Ngayon, interesado na siya.
"So paano?"
"Tell each of your three friends a different secret. Seguraduhin mong hindi pare-pareho ang impormasyong ibibigay
mo sa kanila," payo ni Lako habang paikot-ikot sa kanyang upuan. "Pretend that you are seeking for an advice. Make
sure to tell them that either you already told your other friends or you're also going to share the same thing to them.
Give her the illusion that whatever info you tell her was already shared or will be shared to other people."
"At paano makaka-help 'yan?"
"For example, you told Friend #1 that you like red. Then, you told Friend #2 that you like blue. Last, you told Friend
#3 that you like green." Loki made some waving gestures while explaining the trick. "If there's a post on CHS
Confessions tonight or tomorrow saying that Madonna Barcelon likes green, you can identify immediately who leaked
the info."
"Sa tingin mo that will work?"
"Trust me, it's the only way to expose the rat among your peers," Loki said confidently as if the plan was a fail-safe,
fool-proof one.
I can see the doubt etched on Madonna's pretty face. She had no other choice but to rely on Loki's suggested trick.
Nang wala na siyang maitanong sa amin, tumayo na siya't nagpaalam na aalis na.
Medyo nadismaya ako sa problemang idinulog niya sa club. I was expecting something that's more mind-boggling,
'yong mapapaisip talaga kami. Wala ring action sa kasong 'to. Parang question and answer portion sa isang beauty
pageant.
"Don't be depressed. That happens quite often," komento ni Loki, malamang napansin niya ang nakapintang
disappointment sa mukha ko. "Not all problems are gems. And we don't encounter crimes everyday unlike in detective
stories. Get used to it."
I turned to him with furrowed brows. "Kanina, parang gusto mo nang paalisin si Madonna pero bakit bigla kang
ginanahan na tulungan siya?"
"The moment she mentioned student council, my interest was piqued," sagot niya habang paikot-ikot sa kanyang
swivel chair. "Her popularity is a threat to anyone who wants run for a seat in the council. So anong gagawin mo para
masigurong matatalo siya? Hagisan siya ng putik hanggang sa dumumi at hindi na siya maging kaaya-aya sa mga tao."
"Pero June pa lang ngayon. Napakaaga naman yata ng demolition job sa kanya?"
"Patayin mo kaagad ang apoy bago ito lumaki," huminto siya sa tapat ko at itinuro ang daliri sa 'kin. "Kung may balak
akong kumandidato sa student council next year at nalaman kong may plano kang tumakbo, ngayon pa lang,
lulumpuhin na kita. Kung 'yon nga talaga ang motibo, matalino kung sinuman ang nasa likod nito. They used one of
her friends to dig up some dirt on her. Friendship is indeed a double-edge sword."
Since he brought up that topic, ngayon na siguro ang tamang panahon para banggitin ko 'yon. "Ikaw ba, kahit kailan,
hindi mo naisipang makipagkaibigan kahit kanino?"
"Why should I? I told you before, they are only excess baggage in my life," sabi niya habang nakakibit-balikat. Muli
siyang umikot sa kanyang upuan, halatang ayaw niya sa pinag-uusapan namin. "Once you befriend someone, you
allow yourself to be vulnerable to your enemies. They will have something to use against you. Just like what happened
to our client. So why take that risk?"
"Pero ang sabi ni Inspector Estrada kahapon, mas friendly ka raw noon. At ang sabi pa niya, meron ka nang dating
assistant. I assume that she was also a member of this club."
Tumigil ang upuan niya sa pag-ikot, nakatalikod siya sa 'kin. "That's until I realized how dangerous it is. Friendship
has its cost. If you are willing to pay for it, then go ahead, make friends. But if not, better lock yourself away from the
rest of the civilization."
He turned around once more, stood up and flashed a smile which seemed force to me. "Before this topic goes any
further, let's end it now. I also need to buy my favorite brand of canned coffee."
May mga tanong pa ako sa kanya, lalo na tungkol sa dati niyang assistant. Sinubukan kong i-open sa kanya by
mentioning it. Ngunit mukhang iniiwasan niya talagang pag-usapan.
I began to wonder what really happened to her.
***
Kinabukasan, sa parehong oras ng kanyang pagbisita, muling nagtungo sa clubroom si Madonna. Sinasagutan ko noon
ang assignment namin sa Chemistry nang dumating siya.
"At first, I didn't believe that it will go exactly as you told me," sabi ni Madonna bago humila ng upuan. Compared sa
fresh look niya kahapon, mukhang stressed siya ngayon. "Alam ko na kung sino ang traydor sa mga kaibigan ko."
"That's good news," sabi ni Loki habang umiinom ng canned coffee. I can see a smirk forming on his lips as if he's
enjoying to know the development in the case.
"I confronted that bitch this morning," pagpapatuloy ni Madonna, may kasama pang pag-iling-iling at malalalim na
paghinga. "Ang sabi niya, napilitan lang daw siyang gawin 'yon dahil may namba-blackmail sa kanya."
"Blackmail?"
"Kapag hindi raw siya nag-share ng information na makakasira sa 'kin, siya raw ang masisira ang image sa buong
campus. After all the trust that I gave her, ipagkakanulo niya ako? How dare her!"
Lalong lumalakas ang boses niya, damang-dama ko ang panggagalaiti niya sa traydor na kaibigan. Kung iisipin, naipit
sa komplikadong sitwasyon ang friend niya. Handa ba siyang isakripisyo ang sarili para protektahan ang kaibigan o
handa ba siyang sirain ang tiwalang ibinigay sa kanya para iligtas ang sarili? Apparently, she chose the latter, the more
convenient choice for her.
"Now be careful of whom you trust," payo ni Loki. He sounded as if he's some expert in the field of friendship. "Baka
hindi mo namamalayan, nag-aalaga ka na ng ahas sa bakuran mo."
Patuloy pa rin ang pag-iling ni Madonna, tumayo at nagtungo palabas ng pintuan. Ni hindi man niya naisipang
magpasalamat.
"By the way, Donna," pahabol ni Loki, dahilan para mapalingon sa kanya ang kliyente namin. "If one of your friends
was able to betray you, how long would it take for the others to do the same? A food for thought!"
Then client walked out of the door, vanishing from our sight.
Lumabas din ako ng clubroom para pumunta sa washroom ng mga babae. Hinugasan ko ang aking mga kamay at
tumingin sa salamin para tingnan kung maayos pa ang itsura ko. Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang babaeng
nakilala ko kahapon sa hallway, nakatayo sa aking likuran at tila pinapanood ako.
"You seem to be enjoying his company," Margarette said with her annoying smirk. "Don't tell me you're being drawn
to him or to the mysteries around him?"
Nagkatitigan kami sa salamin, hindi ko na siya kinailangang harapin. "Sinusundan mo ba ako? Nandito ka ba para
guluhin na naman ako? Kung may problema ka kay Loki, bakit hindi mo sabihin sa kanya?"
"I'm here to help you, not him."
"But you're not helping. Your presence is becoming an irritant lalo na ngayong inii-stalk mo ako," tugon ko sa kanya.
She went near the mirror, standing beside me. She shot me a menacing side-glance. "You leave me with no other
choice but to tell you a thing or two about Loki, pieces of information that only a few people know."
Napataas ang kaliwang kilay ko sa kanya. "At bakit mo gagawin 'yon?"
"For you to decide whether to stay with him and his club or save yourself from further risk."
I was torn between listening to what she has to say or plug my ears and walk away. Hindi ko maintindihan kung bakit
gusto niya akong mawala sa tabi ni Loki. If she's romantically interested in him, she's pushing it too far. In the first
place, there's nothing going on between me and Loki except for being clubmates and roommates.
But in the end, I accepted her offer of information. Pagkakataon na rin kasi ito para magkaroon ako ng ideya tungkol
sa lalaking lagi kong kasama araw-araw. Kung ayaw niyang i-share sa 'kin ang ilang bahagi ng nakaraan niya, here's
someone who's willing to give me a glimpse. Ang palay na ang lumalapit sa manok, tatanggihan ko pa ba?
"Go ahead, tell me."
"Do you know the song that he holds dear in his heart?"
"No." Anong kinalaman ng favorite song ni Loki?
"Do you know who Rhea is?" sunod niyang tanong.
Kung tama ang pagkakaalala ko, 'yon ang recipient ng tina-type na email ni Loki kahapon. Kilala rin ba nitong
Margarette si Rhea? "I don't know who she is but I remember Loki composing an email to her."
"Oh?" May halong gulat ang kanyang reaksyon, bahagyang nanlaki ang mga mata at napabuka ang bibig. "That's still
going on?"
"Teka, anong kinalaman ng mga tinanong mo sa 'kin?"
"Those are hints to what happened more than half a year ago."
***
Loki is kinda weird and twisted in his ways. That's a fact. But he got much weirder after hearing what that Margarette
told me. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.
That suspicious girl didn't tell me everything that I need to know. Patikim lang ang mga sinabi niya sa 'kin. Mas gusto
niyang sa bibig mismo ni Loki manggaling ang koneksyon ng paboritong kanta niya at kung sino nga ba talaga si
Rhea.
Pagpatak ng ala-sais ng gabi, lumabas ako ng kwarto at nakitang nagtitipa sa kanyang laptop si Loki. Mabibilis ang
pagpindot ng mga daliri niya. Posible kayang nagko-compose na naman siya ng email para kay Rhea?
Lumapit ako sa may pintuan. Mula rito, kitang-kita ko ang mga kumukuti-kutitap na bituing walang sawang
nagniningning sa madilim na kalangitan.
Muli akong napatingin kay Loki at naalala ang sinabi ni Margarette.
"If you really want to know the truth, sing that song and make sure he hears it."
I stared at the bright stars in the dark dome outside. I don't know why I'm following that girl's instructions but there's
something inside my head that wants to confirm if everything she said was true.
Huminga muna ako nang malalim. Three. Two. One.
"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~" Hindi ko masyadong nilakasan ang aking boses pero
siniguro kong maririnig niya hanggang sa kanyang pwesto.
"Up above the world so high. Like a diamond in the sky~"
Biglang tumigil ang tunog ng pagtakatak ng kanyang keyboard. Was he mesmerized by the song or was there
something else?
"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"
"Stop that," he said coldly.
"When the blazing sun is gone. When he nothing shines upo-"
"I SAID STOP!" He sounded like a roaring lion. His face went dark with rage, his eyes were as piercing as daggers. In
such a rare occasion, I saw him lose his composed facade.
Napalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan sa kanya. For a minute or two, walang nagsalita sa aming dalawa.
"I don't know if it's a mere coincidence that you were singing that song in my presence or someone told you how
much I hate it," he broke his silence, averting his gaze from me.
Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ka-exaggerated ang reaksyon niya sa kantang pambatang 'yon. "Did it make
you remember your tragic childhood or do you have grudge against Mozart who composed the tune of that song?"
"Do you really wanna know the truth? Fine." His voice was shaking, he was only trying to control it. "Whenever I
hear that song, it triggers not my childhood, but a tragic memory that I'm struggling to seal away. That song was being
played when I found the lifeless body of someone close to me. Someone whom I can consider as my friend. Only
friend."
Naramdaman ko ang kanyang pighati sa kanyang boses at napansin ang mga mata niyang tila nagbabatis.
Itinuro niya ang dartboard kung saan nakatusok pa rin ang papel na may letrang "M" habang nakapokus ang tingin
niya sa 'kin. "And that man-be it Mori, Moriya or whatever-was behind it. Now that you learned a bit of my past, are
you satisfied? Or do you want to know more? Gusto mo bang ilarawan ko sa 'yo ang itsura niya nang matagpuan ko
siyang naliligo sa sarili niyang dugo?"
I was left speechless by his agitated tone. If I only knew that singing that song would make him snap, I wouldn't have
sang it at all. Tonight, I saw a side of him that he rarely shows to other people.
"I will be in my room," kinuha niya ang kanyang laptop at mabilis na naglakad papunta sa kanyang kwarto. "If you
still want to know more, just knock and I will answer whatever question you have. Fair enough?"
Pero hindi ko na hinintay pang makapasok siya sa kanyang kwarto at ibinato kaagad ang isa pang tanong na nasa isip
ko. Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla siyang tumigil at humarap sa 'kin.
"If that friend of yours is dead, bakit nagpapadala ka pa rin ng email sa kanya? You call her Rhea, don't you? Short for
Rhiannon."
###

Volume 1 • Chapter 7: The Abduction of Lorelei Rios


LORELEI
IF I only knew that I would be pushing his berserk button by singing that children song, hindi ko na sana ginawa.

For the next three days, hindi kami nagpansinan ni Loki. Bumalik kami sa status namin noong first week ko rito sa
apartment. We exist in the same place, but at the same time, we don't. Umaasta siya na parang isa akong invisible
entity na pakalat-kalat sa paligid. Ni minsa'y hindi siya nagpukol ng tingin sa 'kin.
Kung ayaw niyang makipag-usap, walang problema.
At least, may nalaman akong ilang crucial information tungkol sa kanya. After how many weeks of knowing almost
nothing about him-except for his name, his affiliation with the club, his crooked tricks and twisted views in life-I got
an exclusive scoop on Loki. But it came with a price.
Is it right for me to say that we are even now? Matapos niyang muntikang mabuksan ang nakasaradong kahon ng
alaala sa isip ko noong kasagsagan ng secret admirer case?
"Loki considers Rhiannon, or Rhea, as his only friend. Unfortunately, she died because of being too close to him.
He's a magnet of tragedies." I remember Margarette telling me a bit about him noong isang araw. "Singing that
Twinkle, Twinkle song will compel him to spill the beans. Just be prepared to see his reaction."
Behind that stoic facade he's used to wearing, I saw a fragility in his slightly wicked character. Imbes na magalit ako
sa naging reaksyon niya, parang naawa pa ako sa kanya. Somehow, naiintindihan ko kung bakit walang itinuturing na
kaibigan si Loki mula nang mawala si Rhea. Ayaw niyang maging vulnerable ulit kaya itinutulak niya ang mga tao
palayo sa kanya. Kung wala siyang kaibigan, walang magagamit si M o kung sinuman laban sa kanya.
'Yon siguro ang sinasabi niyang kabayaran ng pakikipagkaibigan para sa kanya. Being a friend of Loki is synonymous
to being in danger. He is-in Margarette's own words-a magnet of tragedies. That's why he chose to repel anyone who
gets too close to him.
Sinubukan ko siyang kausapin kahapon para tingnan kung okay na kami o may kinikimkim pa siyang galit dahil sa
ginawa kong panghihimasok sa nakaraan niya. Wew. I can't believe that I'm trying to fix the mess that I did. Parang
magkasintahan kaming naiipit sa lovers' quarrel.
"Hey, Loki," lumapit ako sa couch na kinauupuan niya. Abala siya sa pagta-type sa kanyang laptop. "Gusto kong
humingi ng sorry sa ginawa ko noong isang araw. I wasn't aware about it."
Kung dati, siya ang humingi ng paumanhin kahit pilit, ngayo'y ako naman. The tables have indeed turned.
Iniangat niya ang kanyang ulo at inilibot ang tingin sa paligid. Ang akala ko'y titingin na siya sa 'kin. "Maybe my
former roommates were right. There must be a real ghost here. Or maybe it's just the sound of the wind."
At nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa nang hindi pinapansin ang aking sorry maging ang presensya ko.
I rolled my eyes and returned to my room. Any attempt of reconciliation would seem to be futile for now. Kailangan
ko muna sigurong palamigin ito bago ko siya muling kausapin.
Maging sa clubroom, gano'n din ang ginagawa niya. Kapag hinihila ko ang monobloc chair para makaupo,
magkokomento siya out of the blue, "Aba, talaga bang sinusundan ako ng multong 'yon? Maybe I need to call a priest
and ask him to bless this place. It's getting creepy."
Mabuti't wala akong nadadatnang kliyente kapag pumupunta ako roon. Knowing him, he will probably ignore my
presence or comment that someone else is in the room, trying to interfere with his business.
This has to stop. Matapos niya akong takot-takotin sa apartment, pwersahang pasalihan sa kanyang club at hilahin sa
isang crime scene, basta-basta niya na lang akong hindi papansinin?
Pagkatapos ng klase namin nitong Biyernes, kaagad akong nagtungo sa clubroom. Habang naglalakad ako sa third
floor, may nakasalubong akong housekeeper na may itinutulak na cart kung saan nakapatong ang isang malaking
kahon. Kumpara sa mga lagi kong nakikitang naglilinis dito, medyo bata pa ang itsura niya. Ngumiti siya sa 'kin kaya
nginitian ko rin siya.
"Mukhang may problema kayo, ma'am?" tanong niya nang magkalapit kami. "Hanggang ngayon ba, 'di pa rin kayo
nag-uusap?"
"Ewan, ayaw niya akong pansinin e." I don't usually talk to other people but since mukhang friendly si kuya, sinagot
ko ang tanong niya.
Then I realized that something was off. Wala siyang binanggit na pangalan pero paano niya nalamang hindi pa rin
"kami" nag-uusap? Nabasa niya ba 'yon sa problemado kong mukha o baka...
Humarap ako sa kanya para tanungin siya tungkol doon. Pagkatalikod ko, isang kulay puting panyo ang itinakip niya
sa bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong malakas ang kanyang mga kamay. Dagdag pa roon ang
nakakahilong amoy ng panyo.
Para akong dinuduyan at hinehele para makatulog. Naging slow motion ang lahat ng nasa paligid ko. Dumoble ang
paningin ko at nakita kong sabay na gumagalaw ang parehong bibig ng dalawang housekeeper. May sinasabi siya sa
'kin pero hindi ko na lubusang marinig. Tila yata may naka-plug sa tenga ko o tuluyan akong nabingi.
Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at unti-unting akong nawalan ng balanse. Wala akong nasilayan kundi
kadiliman.
***
"O, sino ang gustong mauna? Hoy, huwag na kayong mahiya!"
"Matagal ko nang pinagnanasahan itong si Lori. Okay lang ba kung mauna ako sa inyo?"
"Ang daya! Bakit hindi na lang tayo sabay-sabay?"
"Teka, talaga bang seryoso kayo sa gagawin natin? Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Classmate natin siya."
"Tol, naka-jackpot na tayo! Bakit ngayon ka pa nag-aalinlangan? Matagal na nating pinlano 'to, 'di ba? Ngayon na ang
tamang panahon!"
"At saka kasalanan niya kung bakit nandito siya ngayon. Binangga niya ang reyna kaya ito ang parusa sa kanya."
"Bakit ka natatakot? Judge ang daddy mo, 'di ba? Kung may mangyari man, kaya nating lusutan 'to!"
"Sige. Pero as much as possible, dapat walang sabit, ah?"
"Don't worry, matagal pa bago mawalan ng bisa ang drug na nilagay ko sa inumin niya."
"Game? Game!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa matigas na sahig, malalalim ang bawat paghinga at pinagpapawisan nang
malamig. Naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo na parang may hangover. Sinubukan kong hawakan ang noo ko
pero hindi ko magawa. Nakatali ng tape ang mga kamay ko sa aking likuran.
Inilibot ko ang aking mga mata at napansing nasa isang kwarto ako kung saan nakahilera ang mga estante para sa mga
damit. Makukulay ang ilan sa mga ito habang pamilyar ang karamihan. May uniporme ng pulis, robe ng pari, kapa ng
prinsipe at iba pang damit na pwedeng suotin na pang-roleplay.
Kahit nakabukas ang aircon sa kwarto, nakakaramdam pa rin ako ng init. Maalinsangan pa rin ang pakiramdam ko.
Hindi ko magawang kamutin ang nangangati kong leeg.
Teka, parang may mali. Bakit parang bumigat ang suot ko?
Napatingin ako sa aking damit, nagulat na mapansing hindi ko na suot ang aking uniporme. I was wearing a gown
worn by princesses! Kaya pala hindi komportable ang pakiramdam ko. Someone changed my clothes without my
permission!
Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari bago ako napunta rito. May nakasalubong akong housekeeper, may
itinanong siya sa 'kin tapos tinakpan niya ang ilong at bibig ko gamit ang isang panyo.
That's it! The housekeeper abducted me! He probably put me inside his large box and brought me to this place.
Ang pinagtatakahan ko, bakit kinailangan niya pang palitan ang damit ko? And wait, did he see my undergarments?
Bumukas ang pinto sa aking harapan at pumasok ang pigura ng isang babae. I could see her shining eyeglasses that
spelled something sinister to me. Hindi ko siya lubos na mamukhaan dahil against the light ang katawan niyang
nakaharap sa 'kin.
"So you're finally awake, huh?" Matapos marinig ang kanyang boses, kaagad kong nakilala kung sino ang
kumakausap sa 'kin-si Margarette Fernandez, ang wirdong babaeng nakilala ko noong isang araw. "Can we now start
the game?"
"Game? What game? Teka, ikaw ba ang nagpadukot sa 'kin?" Nang sinubukan kong tumayo, natumba lang ako sa
sahig. Maging ang mga paa ko, tinali nila para siguraduhing hindi ako makakatakas. "Hey, anong ibig sabihin nito?"
"Should I remind you again that I'm here to help you?" Humakbang siya papunta sa 'kin hanggang sa mag-face-to-face
kaming dalawa. Nakakrus pa ang kanyang mga braso. "I can tell that you followed my advice and sang that song to
Loki. How did he react? Was his face contorted? Was the vein in his temple pulsating? Did he glare at you with eyes
burning with rage?"
Hindi ko alam kung paano niya ako tinutulungan sa pamamagitan ng pagdukot sa 'kin. Mas maa-appreciate ko pa
kung papakawalan niya ako. "Ano ba talagang gusto mo? Bakit kailangan mong gawin 'to? Kung may unfinished
business ka kay Loki, bakit mo ako dinadamay?"
"Because you are too stubborn," she replied. "I told you how dangerous he is but you are still sticking around him. I
thought you would stay away from him once you knew the truth about Rhea and saw his reaction to the song. Once
again, you left me with no other choice but to resort to expedient strategies."
"Sorry for being hard-headed. Pero kung iniisip mong mapupwersa mo akong gawin ang isang bagay na ayaw ko, you
will be disappointed," napangisi ako habang tinititigan siya sa mata. When someone repeatedly tells me to do
something against my will, I tend to do the exact opposite. "You remind me of my dad. You think you have control
over me but you don't."
"I'd like to settle this problem with a game." Walang pasintabi niyang tinapal sa bibig ko ang makapal na tape.
"Unfortunately, you have no choice but agree to the conditions of our little roleplaying here."
At talagang itinuturing niyang laro ang ginawa niya sa 'kin? Hindi niya ba alam na serious offense ang ginawa niyang
pagpapadukot sa 'kin at pwede ko siyang ireklamo sa Office of Student Affairs? Kapag nakaalis ako rito, titiyakin
kong makakaganti ako.
Wala akong nagawa kundi umungol habang nabaling ang tingin niya sa kanyang relo. "It's already five o'clock. If Loki
can find you within fifteen minutes, we will let you stay in the club and I won't bother you about it anymore. But if he
won't do anything to try to find you in the given time limit, you will quit the club. Your gown is perfect for this game,
don't you think? You're like a princess who needs saving."
She then tossed a piece of paper to my direction. "I asked one of my colleagues to deliver that code to Loki. Knowing
that you two are not in good terms, I wonder if he will respond to my challenge. While waiting, you can try to
decipher that code. If after fifteen minutes, he won't come here, my colleagues will pick you up."
"That's enough, Margarette." I hoped it was Loki's voice that I heard. Unfortunately, it was someone else's. His voice
sounded chilling as he spoke lowly and gravely.
Napatingin ako sa pintuan at nakitang nakatayo sa labas ang isang matangkad na lalaki. Dahil sa liwanag na
nanggagaling sa labas, hindi ko masilayan ang kanyang mukha.
"You have other duties to perform," dagdag ng misteryosong lalaki. Hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata,
nararamdaman kong nakatingin ang mga ito sa 'kin. "If Loki's mind is still sharp, he would be on his way here in a
matter of minutes. He better not see you loitering around."
"Understood." I could hear Margarette's respect for that guy in her voice.
Isinara niya ang pinto at sumunod sa lalaking 'yon. Sa ngayo'y wala akong magagawa kundi hintaying muling
bumukas ang pinto at pumasok ang tagapagligtas ko
Habang naghihintay, nilapitan ko ang papel na inihagis ni Margarette kanina at binasa ang nakasulat dito:
IETRNCUOTOMOHSEM
Sasakit yata ang ulo ko nang makita ang mga nakahilerang letra. Wala akong ideya kung paano maka-crack ang code
na 'to. Pero kung na-decipher ni Loki noong isang araw ang code kung saan involved ang atomic numbers ng mga
chemical element, posible ring ma-solve niya ang encrypted message.
Ang tanong ay kung maiisipan niya akong hanapin. Sapat na ba ang code na 'to para mapukaw ang kanyang interes? O
mananaig kaya ang pagbabale-wala niya sa 'kin? Baka kasi maisipan niyang umuwi na lamang kaysa magsayang ng
oras para hanapin ako.
Sumandal ako sa pader at naglabas ng malalim na buntong-hininga. Ngayon ko lang napagtanto na laging may
nangyayari sa 'kin o sa paligid ko mula nang makilala ko si Loki-una ang secret admirer case, sunod ang Chemistry
Lab murder case at ang latest? Ang Lorelei Rios abduction case.
Posible kayang nahawa ako sa pagiging magnet ni Loki sa mga masasamang pangyayari? O baka epekto ito ng
pagiging malapit ko sa kanya in terms of physical proximity?
Kung sakaling hindi niya ako hanapin, tama nga siguro si Margarette na dapat na akong umalis sa club. Wala ring
saysay ang pananatili ko roon kung hindi rin ako pinapansin ng kasama ko. The only thing that I don't get is why
Margarette and her colleagues would go this far to force me out of Q.E.D. Club. She stressed more than once that she
wants to help me.
Iniisip ba nilang malalagay ako sa panganib kapag kasama ko si Loki? Was it because of his unfinished business with
M?
Pumikit na lang ako at hinintay na lumipas ang oras. Dahil wala akong paraan upang malaman kung tapos na ang
fifteen minutes na time limit, ako na mismo ang nagbilang sa isip ko.
Lumipas ang ilan pang sandali, narinig ko ang kaluskos dulot ng pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng liwanag mula
sa labas. Nakita ko ang pigura ng isang lalaking hinihingal pa, nasa likod niya ang liwanag ng palubog na araw.
Nagmukha siyang anghel sa paningin ko. Nagmadali siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa balikat.
"Lorelei, are you okay? Did they hurt you? Did they do something to you?" Garalgal pa ang boses ni Loki habang
pinagdadampi ang kanyang kamay sa mukha ko. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mapupungay na
mata. "Hey, are you okay?"
Napakunot ang aking noo sa kanya. Paano ako makakasagot kung naka-tape ang bibig ko?
"Oh, I have to remove that first." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at bigla niyang inalis ang tape. Parang
nabalatan ang labi ko sa ginawa niya.
"Pwede bang magdahan-dahan ka naman?" Sa halip na "thank you" o "salamat," reklamo ang unang sinabi ko sa
kanya. Sunod niyang inalis ang pagkakatali ng aking mga kamay at paa.
He heaved a sigh of relief at napaupo sa tabi ko. Dahil sa nangyari, mukhang hindi na ako multo sa paningin niya at
nai-lift na ang kanyang "no talking" policy sa akin. "I thought something already happened to you."
"Paano mo nalamang dito nila ako dinala?" tanong ko. Gaya ng aking inaasahan, nakuha niya ang encrypted message
sa code.
Ipinakita ni Loki ang card kung saan nakasulat ang mga parehong letrang nakita ko kanina. "Someone left this note on
my table, saying that they abducted you. At first, I thought it was a joke... Until I saw this symbol at the back of the
card."
Nakasulat sa likod nito ang pulang letrang M na kasing kulay ng dugo.
Teka, dahil si Margarette ang nagpadukot sa 'kin, posible kayang may koneksyon siya at ang lalaking kasama niya
kanina sa misteryosong taong 'yon?
"It took me three minutes before I realized how to crack the code," pagpapatuloy ni Loki. "Caesar's Box is the
answer."
Pamilyar ako sa Caesar salad pero ngayon ko pa lang narinig ang Caesar's Box.
"First, you need to count the number of characters in the code. As you can see, there are sixteen letters. Then, get the
square root of that number. The answer's four obviously. Now write out these characters into four rows of four
letters."
Ganito ang kinalabasan ng kanyang ginawa. Sa mismong card niya isinulat at ipinakita sa 'kin:
I ET R
NCUO
TOMO
HSEM
"Mula sa top left, basahin mo ito pababa. Tapos, magsimula ka ulit sa itaas ng susunod ng column."
Sinunod ko ang sinabi niya at binasa ang code sa gano'ng paraan. "I-N-T-H-E-C-O-S-T-U-M-E-R-O-O-M. In the
costume room!"
"If M is really the one who's behind your abduction and sent this code, he's pretty dumb," komento ni Loki bago siya
tumayo. "Now I need to bring this card to Inspector Estrada to see if whoever sent this thing left their fingerprints on
it."
"Actually, hindi mo na kailangang gawin 'yon," tugon ko. "Alam ko kung sino ang nasa likod nito. Nakita ko pa nga
nang harapan."
Bahagyang nanliit ang mga mata ni Loki, may halong pagdududa ang kanyang itsura. "Are you sure about that? Baka
napanaginipan mo lang na alam mo?"
"Her name's Margarette Fernandez. Siya 'yong nabanggit ko noong isang araw sa 'yo. She said she's the closest thing
to a friend that you are capable of having. If she's M or related to M, mukhang may lead ka na."
Tinakpan ng parehong kamay ni Loki ang kanyang mukha at paulit-ulit na umiling. "I knew it! That's why this case
was so ridiculously easy! How dare he use M to trick me."
"He? Margarette's a she."
"No, no. I'm not talking about Maggie. Someone else pulled the strings here, trust me. Maggie's only a pawn in his
schemes. And by the way, the real M is not behind this conundrum. Kill me if I'm wrong, but the man behind your
abduction is another person who reeks of evil and relentless manipulation."
"Is he a tall guy whose voice sounded so cold?" Naalala ko ang lalaking sumilip kanina bago ako iniwan ni
Margarette.
"Nakita mo siya nang personal? Face to face? Or at least from a distance?"
"Tanging silhouette niya ang nakita ko kanina," sagot ko. "Kilala mo ba siya?"
Tumango si Loki and inalok ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. "You'd rather not meet him in person if
I were you. If you think I'm bad, he's much worse."
Parang namanhid ang mga paa ko dahil sa mahigit isang oras na pagkakatali at pagkakaupo. "In any case, kailangan
kong i-report ang nangyari sa OSA para hindi na makapanggulo pa ang Margarette na 'yon at 'yang taong sinasabi
mo."
Loki only chuckled as if I told him a joke. "Your efforts would only be in vain. Kahit anong report ang gawin mo sa
OSA, it will only be dropped immediately."
"Sinasabi mo bang pabayaan ko na lang ang nangyari?" Medyo napataas ang boses ko. "After they put me to sleep,
tied my hands and feet, and cover my mouth with tape? Hindi ko mapapalampas 'to."
"Ayaw kong masayang ang effort mo kaya sinabi ko 'yon," paliwanag niya. "If you want to report this incident, I
won't stop you. But just so you know, Maggie holds an important position in the student hierarchy. I have no doubt
that she will get away with this faux abduction."
Hindi ko naiwasang mapailing. Dahil ba may posisyon ka sa isang org, you can do whatever you want-say, abduct
someone-and get away with it? Nasaan ang hustisya?
"If you still plan to go to OSA, you need to change your clothes first," Loki looked at me from head to toe. "Although
you look gorgeous in that dress like a royal princess, you might attract unwanted attention on the way."
I could feel my cheeks turning red. It was only a simple compliment but since it came from Loki's mouth, I
appreciated it more than usual.
"Oh, before I forget," I turned to him and showed him a warm smile. "Thank you."
***
In the end, I decided not to report the incident to OSA. And for the first time, sabay kaming umuwi ni Loki sa
apartment. Pagpasok namin, dumiretso na ako sa aking kwarto at kaagad na nagpalit ng damit. Nakaramdam ako ng
konting pangangati dahil sa ipinasuot na gown sa 'kin. Seguradong matagal nang nakatambak 'yon sa costume room.
Humiga ako sa kama at ipinatong ang aking laptop sa may hita ko. Kahit na ako ang biktima ngayon, naisipan kong
gawan ng blog post ang nangyari kanina. Meron ding involved na code kaya seguradong mapapaisip ang mga
nakasubaybay sa blog ko.
Kakasimula ko pa lamang magtipa sa keyboard nang may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko do'n, nakita ko si Loki na
nakaabang sa labas at nakalagay sa likod ang mga kamay.
"Yes?"
He cleared his throat first and his eyes blinked for a few times. "First of all, I apologize for my reaction last time. It
was uncalled for."
My eyes narrowed into slits. "Are you compelled to say sorry just because you did something wrong?"
"This time, it's a real apology. I'm saying sorry because I am really sorry." His voice sounded sincere and apologetic,
hindi gaya noong una siyang humingi ng paumanhin. "I also want to apologize for my actions the past few days."
Napatingin muna ako sa ilalim bago siya tinitigan sa mata. "Dapat din akong mag-sorry sa 'yo. I became insensitive to
your feelings that time. Imbes na itikom ko ang bibig ko, nagtanong pa ako ng kung ano-ano tungkol sa nakaraan mo."
"Apology accepted," he then flashed a genuine smile, something that's a rare sight to see. "Now I'd like to take this
opportunity to ask you whether you still want to stay in the club. The last member I had, Rhea, got killed because of
her association with me. Somehow I feel guilty for her death. The only way I can redeem myself is to find M and
bring him to justice. And my hunt for him might put everyone around me in danger."
"I already started something with the club," I maintained eye contact with him to show him my conviction. "I don't
want to turn back now. Binalaan na ako ni Margarette na inilalagay ko sa peligro ang aking sarili. Then so be it. I will
face it head on and try to survive if I can. I have been running away the past few months from danger, problems and
the like. I don't wanna run away anymore."
"If that's your decision, I gladly accept it." He stretched out his right arm, offering it for a handshake. "To our brand
new partnership as members of Q.E.D. Club."
Nagkapalitan kami ng ngiti nang nakipagkamay ako sa kanya. Binitawan niya ang aking kamay at binati ako ng "good
afternoon" bago siya bumalik sa kanyang kwarto. Ako naman, isinara ko ang pinto, hindi pa rin mabura sa labi ko ang
isang ngiti.
Today, I saw another side of Loki-something that speaks of him being genuine beyond his actions and words.
###
A/N: Sa susunod na update, Lorelei's father is coming to town!
For now, I'd like to read your thoughts about this chapter. Unfortunately, unlike Loki, I can't read your minds so if it
won't trouble you so much, comment them down! Your feedback will be much appreciated. Thank you!
Volume 1 • Chapter 8: One Murder, Two Glasses, Three Suspects
LORELEI
MAAGA AKONG nagising ngayong Lunes matapos marinig ang nakakairitang tunog ng vacuum cleaner. Bumangon
ako't lumabas ng kwarto para tingnan kung sino ang naglilinis ng carpet sa aming sala. Ang akala ko'y si Loki ang
nakaisip na gamitin 'yon nang ganito kaaga. Medyo nasorpresa ako nang makitang hawak ni Tita Martha ang itim na
hose ng vacuum habang paindak-indak pa.

"Good morning, Lorelei," nakangiting bati niya sa 'kin habang patuloy ang kanyang paglilinis. "Nakatulog ka ba nang
mahimbing kagabi?"
Napakusot ako sa dalawang inaantok ko pang mga mata. "Ang aga n'yo yatang naglilinis, tita? May bisita ba tayo
mamaya o naisipan n'yong gawing exercise ang pagba-vacuum?"
Pansamantala siyang huminto sa kanyang ginagawa at tinitigan ako nang ilang segundo. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo last
week? Pupunta ang papa mo rito ngayong araw."
"Huh? Talaga?" Napahikab muna ako bago tuluyang nanlaki ang mga mata ko. Biglang nagising ang diwa ko nang
maproseso na ng utak ko ang sinabi niya. "Te-Teka! Ano hong sinabi n'yo? Darating si papa rito?"
"Naku, nagiging makakalimutin ka na yata," pailing-iling na sabi ni tita at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Baka
mamayang hapon siya dumaan dito kaya maaga kang umuwi mamaya, ha? Ipagluluto ko kayo ng masarap na
meryenda."
Oo nga pala. Nabanggit pala ni tita na may ka-meeting dito sa Pampanga si papa kaya posibleng dumaan siya rito.
Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos. Hinayaan ko munang tumulo ang tubig mula sa gripo habang
pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Is my dad really serious about visiting me here? Or did he say that to
make me feel that he's parenting me? Kung ako ang tatanungin, ayaw ko pa siyang makita sa ngayon.
Dahil sa breaking news na hatid ni tita, hindi na ako nakakain ng almusal. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at
makapagpalit ng damit. Matapos kong ayusin ang itsura ko, umalis na ako ng apartment.
Buong umaga, hindi ko matanggal sa isip kong darating si papa mamaya. Sinubukan kong magpokus sa mga
discussion namin sa klase, pero maya't maya, pumapasok ang thought na makikita ko siyang nakaupo sa couch, naka-
dekwatro ang mga bata at sumisipsip ng tsaa.
It's becoming an irritant to my attention.
"You look worried," komento ni Loki habang binabasa niya ang latest issue ng aming school paper. "Something's
b o t h e r i n g y o u . "

Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Paano mo nasabi?"


"Sa loob ng limang minuto, nakaapat na malalalim na buntong-hininga ka na," ibinaba niya ang diyaryo para tingnan
ako. "You're trying to relive yourself from stress but it persists in your mind."
Now, for the fifth time, I let out an exasperated sigh. "My dad's coming to the apartment to visit me."
"Now that explains why the landlady is cleaning even before the crowing of the roosters." Inilapit ni Loki ang pahina
ng diyaryo. "To most people, that's good news. But based on your repeated sighs and how you spoke of his arrival, it's
quite troubling for you. You have issues with your father, don't you?"
Tumingin ako palayo at iniwasang sagutin ang kanyang tanong.
"Don't worry, I know the feeling of despising someone," he said after a few moments of silence. "Sometimes, you
wish that you won't cross paths with them again. Sometimes, you hope that you can extricate them out of your life.
That's how I feel with my brother."
"Just to be clear, I don't despise my dad," I corrected him before he took the wrong impression. "Despise is a strong
word. I don't hate him either. Ayaw ko lang siyang makita sa ngayon."
"Then you should get him out of your head," he tossed the newspaper to the bookshelf and turned to me. "Huwag
mong isipin kung ayaw mong problemahin. I'm certain that you can't focus on your classes because of that ill news."
"Parang gano'n kadaling gawin 'yon. Easier said than done."
"That's the problem with you people." Once again, he sounded as if he's not one of us. "You worry yourself with the
inevitable. If he's really coming here, there's nothing you can do to stop it. Just shut up and embrace it."
And he's back to being that Loki again. Last week, after going through the painful memories, he showed me that he's
capable of being genuine with his words and actions. Ang akala ko, 'yon na ang side na makikita ko araw-araw.
Matapos ang weekend, muli siyang nagbalik sa pagiging Loki na nakilala ko noong unang araw ko rito sa Pampanga.
"If meeting him is so troubling for you, why don't you do the opposite?" tanong niya. "Huwag kang sumulpot kung
saan man kayo magmi-meet. Sabihin mo masyado kang busy para makipagkita sa kanya. Your problem is solved."
"At ano'ng gagawin ko? Mag-stay ako rito sa clubroom after class hanggang sa makasigurong wala na siya sa
apartment?"
"If you're lucky, someone will go through that door, borrow our wisdom and keep us busy for a couple of hours,"
tugon ni Loki. "Magkakaroon ka ng legit excuse para hindi mo siya makita."
Most people would suggest na makipag-meet ako kay papa lalo na't ilang linggo na kaming hindi nagkikita. But Loki
had a dissenting opinion. Kinukunsinti niya pa akong gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang nakatakdang
pagkikita namin. I must say, this is one of the rare occasions where I appreciate his unpopular opinions.
Naghintay ako mula lunch time hanggang hapon pero wala ni isang kliyente ang dumating sa clubroom. Mukhang
kailangan ko pang pagsikapan ang pagsusulat ng blog para maka-attract ng mga kliyente. Ang akala ko noong una,
magtutuloy-tuloy na ang buhos ng mga client mula nang idinulog sa amin ni Madonna ang kanyang boring na
problema.
Wait, did I say "boring"? Nahahawa na yata ako sa pananalita ni Loki.
At dahil walang problema o kasong magsisilbing distraction sa akin, naghanap ako ng ibang paraan upang hindi ako
kaagad umuwi ng apartment. Mabuti't may kaibigan akong maaasahan sa ganitong panahon. Take note: Hindi si Loki
ang tinutukoy ko.
"Huh? Talaga? Gusto mo munang mag-stay sa dorm ko?" pagulat na tanong ni Rosetta habang inaayos niya ang
kanyang gamit sa bag.
"Oo, nakalimutan ko kasi 'yong susi ko sa apartment," pagsisinungaling ko. "Mamaya pang gabi uuwi 'yong roommate
ko kaya wala akong ibang mapupuntahan."
"Sure, I don't mind!" Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa request ko. "Mamaya ring gabi uuwi 'yong ka-dorm ko kaya
walang problema kung doon ka muna mag-stay. At saka magpapatulong din ako sa assignment natin sa Chemistry."
Problem solved. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay hintaying umalis si papa sa apartment. But don't think
badly of me. I'm just returning the favor to him. There were numerous instances noon kung saan sinabi niyang magmi-
meet kami pero hindi siya sumipot. Ni anino niya, hindi ko nakita.
Nasa loob mismo ng campus ang dorm ni Rosetta. Ilang tumbling lang ang kailangan para marating 'yon. May limang
palapag 'to, nababalutan ng puting pintura at aakalain mong isang hotel.
Pagbukas namin sa glass door nito, binati kami ng guard sa may desk. "Good afternoon, Miss Rodriguez! Sino po
'yang kasama n'yo?"
"Classmate ko siya, kuya," sagot ni Rosetta. "May gagawin kasi kaming assignment. Wala naman sigurong problema
kung pupunta siya sa unit ko?"
"Wala pong problema, ma'am!" May kinuha ang guard sa likod ng kanyang desk-isang kulay asul na logbook-at
binuksan sa harapan ko. "Ma'am, pakisulat na lang po ang contact details n'yo rito."
I took the pen on his desk and wrote my name, my phone number and the person-to-visit in the logbook. Nang
matapos ako, ngitian ako ni kuya guard at binati, "Welcome to the White Hostel, ma'am!"
Nagtungo kami ni Rosetta sa elevator at pinindot niya ang number four. May ilan pang estudyante ang pumasok sa
loob.
Nang makaakyat ang elevator sa fourth floor, naunang lumabas si Rosetta at naglakad patungo sa unit niya habang
ako'y nakasunod. Tumigil siya sa tapat ng Room 402 at ipinasok ang kanyang susi sa doorknob.
Kumpara sa apartment namin, hindi hamak na mas maliit ang kwarto ni Rosetta. May double-deck na kama ito kung
saan nakakalat ang mga damit, tuwalya, underwear at iba pa. Nasa bandang likuran naman ang washroom nila.
"Okay, simulan na natin?" tanong ni Rosetta sabay labas ng kanyang notebook sa Chemistry.
***
Mahigit isang oras din ang lumipas mula nang sinimulan naming gawin ang assignment. Napaunat ako ng braso bago
napatingin sa oras. Pasado ala-singko na pala ng hapon.
"Anong oras na kaya siya aalis?" bulong ko. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag o text mula kay Tita Martha o
kay papa. Kung hinahanap nila ako, malamang tatawagan nila ako para tanungin kung nasaan na ako.
While the phone is in my hand, it suddenly vibrated. An unknown number was calling me. It's either my dad changed
his number or it's someone else.
"Hello?"
"Nakauwi ka na ba, Lorelei?" It was Loki. "So how did the meeting with your father go?"
"Hindi pa ako bumabalik ng apartment," hininaan ko ang boses ko para hindi maistorbo si Rosetta sa kanyang
pagsusulat. "Nag-stay muna ako sa dorm ng kaklase ko. Sa White Hostel."
"Oh, what a coincidence," sabi niya. "I was actually on my way there."
"Huwag mong sabihing sinusundan mo ako?"
"No, no. Why would I do that? Inspector Estrada texted me minutes ago. He said something happened in Room 404 of
the White Hostel. He wants my-or should I say-our help. Kung wala kang ginagawa riyan, you can help me out."
Hindi na niya hinintay ang sagot kung available ako. Basta-basta niya ibinaba ang tawag.
Teka, nasa Room 402 ako ngayon sa fourth floor. Kung gano'n, may nangyari sa kwartong malapit dito?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Rosetta nang buksan ko ang pinto.
"May titingnan lang ako sa labas," tugon ko at saka lumabas ng kanyang kwarto. Bumungad sa 'kin ang mga pulis na
kinokordonan ang isang kwarto sa 'di kalayuan. May isang babaeng estudyanteng humihikbi at mangiyak-ngiyak na
pilit pinapakalma ng isang pulis.
"Lorelei, tama?"
Napalingon ako sa likuran at nakitang papalapit si Inspector Estrada. Hindi ko maiwasang mapatingin sa makapal
niyang bigote. "Ang bilis n'yo yatang nakapunta rito? Nasaan na si Loki?"
"Nataon lang ho na nandito ako. May ginagawa kasi kaming assignment ng classmate ko."
"Gano'n ba?" Nagpatuloy sa paglalakad ang inspector sa Room 404. "Hindi kaya't sinusundan ka ng kamalasan?
Mukhang kahit saan ka magpunta, may nangyayaring masama. Noong una, sa Chemistry Lab. Ngayon, dito sa White
Hostel."
Maniwala ka sa 'kin, inspector, kahit ako'y nagtataka kung bakit nasasangkot ako sa mga ganitong bagay. Mula nang
makilala ko si Loki, mysterious things began happening around me.
"What do we have here?" Parang ninja na biglang nagpakita sa likuran ko si Loki. "How convenient for you to be near
the crime scene."
"Kasalanan ko bang may nangyari dito?"
Ngumiti muna siya bago nagtungo sa tapat ng Room 404, ang crime scene. Itinaas niya ang kordon at bahagyang
yumuko para makadaan. Kahit na hindi niya sinabi, tiyak na gusto niya akong sumunod sa kanya.
"According to the inspector, this is a murder investigation," paliwanag niya habang tinitingnan mula sa hallway ang
loob ng nasabing kwarto. "A female student was found stabbed to death not more than fifteen minutes ago."
Una niyang pinuntahan ang babaeng kanina pa umiiyak.
"You know," panimula ni Loki sabay hawak sa balikat ng babae. "More often than not, the person who first discovers
the body is the suspect."
Nanlaki ang mga mata ng babae at lalo pang napahagulgol. Paulit-ulit siyang umiling. "Maniwala kayo sa 'kin. Hindi
ko *hic* kayang patayin *hic* ang dormmate ko! Kakauwi ko lang ngayong pasado ala-singko nang makita ko siyang
*hic* walang buhay."
"May idea ka ba kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya?" tanong ko.
Paulit-ulit din ang kanyang pagtango. "Oo. Kagabi kasi may isinusulat siya sa kanyang blog *hic* tungkol sa ex-
boyfriend niya. Nakipag-break kasi si Jessica sa lalaking 'yon *hic* kasi gusto niyang mag-focus sa studies. Ang kaso
hindi nagustuhan 'yon ng ex niya kaya sinunggaban siya nito at pinwersang halikan habang nasa campus kahapon."
Napabuntong-hininga si Loki at napairap ang mga matas sa ibang direksyon. Iniwan namin ang babae at pumasok sa
Room 404. Kaagad kong napansin ang mga bubog na nasa sahig, posibleng mula sa babasaging baso. Meron ding
isang baso na may laman pang tubig na nakapatong sa mesa.
Inilibot ko ang aking mga mata at nakitang nakahandusay sa may pader ang duguang katawan ng isang babae.
Mukhang paulit-ulit siyang pinagsasaksak base sa dami ng butas sa kanyang uniporme. Bahagyang dilat pa ang mga
mata niya, nakayuko ang ulo at nakabukas ang bibig.
Kaagad akong napatalikod at pilit na iniwasang muling makita ang kanyang bangkay. And for the first time, Loki
quickly averted his gaze from the corpse. I heard him mutter, "I really hate seeing that pose."
"The victim's name is Jessica Montemayor," inabutan kami ng gloves ni Inspector Estrada na pareho naming isinuot ni
Loki. "Mainit pa ang kanyang katawan at hindi pa nagse-set in ang rigor mortis. Sa tantiya ng forensic examiner,
posibleng wala pang isang oras nang patayin siya. Tiningnan din namin kung may fingerprints sa murder weapon pero
wala kaming nakita. Any ideas?"
Itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "First, the one who found the body didn't kill poor Jessica. If she did, there
should be some splatters of blood on her school uniform. Our victim was stabbed repeatedly in front so seguradong
tatalsik ang dugo sa kanyang killer. I have little doubt that she could change her bloodied clothes and dispose of it
easily."
"So posibleng tama ang sinabi ng kaibigan niyang baka ang ex-boyfriend nga ang nasa likod nito?" tanong ko.
"Possible," yumuko siya sa mesa at sinuri ang mga bubog. "Judging by the multiple stab wounds that Jessica's body
sustained, mukhang may galit ang gumawa nito sa kanya. Having a broken heart could be a vicious motivation for
murder."
"Ipinakuha ko ang logbook na hawak ng guard na naka-duty ngayong hapon," iniabot ni Inspector Estrada ang
photocopy ng isang pahina mula sa nasabing notebook. Nakasulat doon ang listahan ng mga pangalan, contact number
at person-to-visit, pati ang time-in nila. Nandoon din ang pangalan ko. "Kung nangyari ang krimen sa pagitan ng alas-
kwatro at ala-singko, may tatlong pangalan diyan na pasok sa time frame at ang person-to-visit ay si Jessica."
"Na-contact n'yo na ba sila?"
"Oo, ipinatawag ko sila para kumpirmahin kung isa nga sa kanila ang salarin. On the way na sila rito."
Iniwan muna kami ni Inspector Estrada sa loob ng kwarto kasama ang iba pang pulis na kumukuha ng larawan at
nagtse-check ng fingerprints sa crime scene. Abalang-abala si Loki sa pagsuri sa baso ng tubig at sa bubog sa ilalim
ng mesa.
Dala ng kuryosidad, napayuko rin ako para tingnan kung anong makikita sa mga 'yon... nang biglang nakaramdam ako
ng vibration mula sa aking phone.
Dad is calling...
I rolled my eyes and put my phone inside my pocket, ignoring his call. Mukhang nasa apartment na siya ngayon,
malamang umiinom ng paborito niyang chamomile tea.
"Aren't you going to answer that?" tanong ni Loki, sinasawsaw ang daliri sa tubig na laman ng baso.
"Mas mabuti kung iisipin niyang busy ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niya," tugon ko. "At saka dapat focus lang
ako sa ginagawa natin ngayon."
"Then what can you say about these glasses of water?" Tumayo siya't ituro ang dalawang baso na kanina pa niya
pinagkakaabalahan.
Ginaya ko ang ginawa niya kanina't isinawsaw ang daliri ko sa tubig. Naramdaman kong malamig pa ito kahit walang
yelo at hindi nakabukas ang aircon. Sunod kong tiningnan ang mga bubog sa sahig. Mukhang may nakasagi nito kaya
nahulog at nabasag.
"Your thoughts?"
Napatingin ako sa maliit na refrigerator na nasa bandang likuran ng kwarto. "Posibleng si Jessica ang naglagay ng
dalawang baso rito sa mesa at nilagyan niya ng tubig. Pagdating natin dito, nalusaw na ang nilagay niyang yelo pero
medyo malamig pa rin ang tubig sa baso."
"That much is obvious. What else?"
Napakrus ang mga braso ko at napatingin sa sahig. "Meron siyang inalok ng tubig-posibleng ang killer-bago siya
pinatay nito."
"At bakit niya aalukin ng tubig ang taong may intensyong pumatay sa kanya?"
Naningkit ang mga mata ko, pilit na piniga ang aking utak para sa kasagutan.
"Tell me, would you let someone in your room and offer him a glass of water?" Hinawakan niya ang baso at itinapat
sa akin, parang inaalok niya akong inumin ito.
"No, not unless you know that someon-I get it! Kakilala niya ang pumatay sa kanya!"
"We have little doubt about that," muli niyang ipinatong ang baso sa mesa at napatingin sa labas ng kwarto. "The
question is, who among the three would she most likely let inside her room and offer a glass of water?"
Kinalauna'y inalis na ng mga pulis ang bangkay ni Jessica. Sumunod ang pagdating ng tatlong lalaki na kung hindi
ako nagkakamali'y mga suspek sa pagpatay sa kanya. Hindi sila hinayaan ng pulis na tumapak sa crime scene kaya
hanggang sa hallway lang sila.
Ang isa sa kanila'y parang walang emosyon ang mukha. Kung sinabihan siyang patay na si Jessica, kahit paano naman
siguro'y makakaramdam siya ng kalungkutan. Pero kahit anong bahid nito, hindi ko makita sa kanyang mukha. Pwede
ring magaling lang siyang magtago ng emosyon.
'Yong sumunod sa kanya'y mangiyak-ngiyak na nakatitig sa loob ng kwarto. Kitang-kita ang kanyang pagdadalamhati
dahil halos hindi maipinta ang kanyang mukha. Tinanggal niya ang kanyang salamin at kinusot ang mga matang
nagbabatis na.
Ang pinakahuli sa kanila'y halos mahimatay nang makita ang dugong naiwan sa pader at sahig. Paulit-ulit siyang
umiiling at bumubulong ng "Bakit? Bakit nangyari 'to sa kanya?" Nakita kong tumulo ang ilang butil ng luha sa
kanyang makinis na mukha. Bihira lamang akong makakita ng lalaking makisig ang katawan na umiiyak.
"Walang hiya ka!" sinugod ng babaeng nakakita sa bangkay ni Jessica ang matipunong lalaki at pinagkakalmot ang
kanyang mukha. "Alam kong ikaw ang may gawa nito! Bakit mo pinatay si Jessica, ha? Sumagot ka!"
Bago pa niya masugatan ang mukha ng lalaki, inawat na sila ng mga nakabantay na pulis.
"Mamatay man ako ngayon, hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ng lalaki. "Paano ko magagawang patayin ang
taong mahal ko, ha?"
"By stabbing her multiple times," bulong ni Loki habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Christopher Bautista, tama?" tanong ni Inspector Estrada sa matipunong lalaki. "Ayon kay Eunice, may motibo ka
raw para patayin si Jessica. Pinipilit mo siyang makipagbalikan sa 'yo pero mukhang ayaw na niya."
"Dahil lang doon?" Halos magsalubong ang mga kilay ni Christopher. "Napakababaw namang dahilan! Por que ayaw
na niyang makipagbalikan sa 'kin, papatayin ko na? Kung may dapat kayong pagsuspetyahan, tanungin n'yo si
Richmond o kaya ang mokong na 'to!"
Una niyang itinuro ang lalaking nakasalamin bago ang lalaking walang reaksyon sa mukha.
"Si Richmond Morales?" Napatingin si inspector sa kopya ng logsheet para kumpirmahin ang nabanggit na pangalan.
"Meron ba siyang motibo para patayin si Jessica?"
"Close friends kami ni Jessica mula pa noong elementary," paliwanag ng lalaking nakasalamin. "Kung may
misunderstanding man kami, pinag-uusapan namin. Hindi ko idadaan sa brutal na paraan."
Napangisi si Christopher. "Close friends, huh? Hindi ba't umaaligid ka na sa tabi niya noong kami pa? Abangers ka e!
Naikwento sa 'kin ni Jessica last week na nagtapat ka raw ng nararamdaman mo sa kanya. Ang kaso, the feeling is not
mutual kaya nganga ka."
"Sinasabi mo bang posibleng pinatay ni Richmond si Jessica dahil unrequited ang pag-ibig niya?"
"Oo, nagtapat nga ako kay Jessica noong nakaraang linggo," kinumpirma ni Richmond, bahagyang tumaas ang
kanyang boses. "Pero friendship lang talaga ang mao-offer niya. Satisfied na ako roon. Masaya nga ako na hindi
naging awkward ang friendship namin mula nang nag-confess ako sa kanya."
Humarap si Inspector Estrada sa lalaking walang reaksyon. "At paano naging involved si David Florencio rito?"
"Nakwento sa 'kin ni Jessica na may sumusunod raw sa kanya mula pagpasok niya ng school hanggang sa pag-uwi
niya rito. Stalker, kumbaga," sagot ni Christopher. "Last week, nakita ko ang lalaking 'to na nakabuntot sa kanya. Not
only once, but thrice! Posibleng siya ang pumasok sa kwarto ni Jessica at pumatay sa kanya dala ng obsession nitong
si mokong sa girlfriend ko!"
Hindi kumibo si David. Nakipagtitigan lamang siya sa taong nag-aakusa sa kanya.
Napahikab si Loki at kinusot pa ang mga nababagot niyang mata. "Can we now ask them why they visited Jessica?
I'm getting bored of this complicated romantic plot in the poor girl's murder."
"Naunang nag-log si David around 4:05," sabi ni Inspector Estrada habang hawak-hawak ang kopya ng logsheet.
"Ayon sa record ng guard, nag-out siya ng 4:21. Sapat na ang oras na 'yon para makapag-commit ng mabilisang
murder."
Noong una'y nag-alinlangan pa siyang sumagot. "Kasi... Pumunta ako sa Room 404 para magpakilala na kay Jessica.
Oo, matagal ko na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta. Pero ayaw ko nang magtago sa dilim, ayaw ko na rin
siyang takutin kaya naisip kong pumunta rito kanina."
"Tapos noong kumatok ka, binuksan niya ang pinto, pinapasok ka, inalok ka ng isang basong tubig at saka mo siya
pinagsasaksak?" mabilis na hirit ni Loki.
"Hindi! Kumatok nga ako pero hindi niya binuksan ang pinto. Alam kong nasa loob siya ng kwarto pero talaga yatang
ayaw niya akong pansinin. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko naisipang umalis na."
Kahit ako siguro, hindi ko pagbubuksan ng pinto ang isang lalaking hindi ko kilala at laging nakabuntot sa 'kin.
"Ang sumunod na nag-log noong 4:24 ay si Richmond," tumingin si inspector sa lalaking nakasalamin. "Ni-note ng
guard na 4:40 ka umalis. Anong ginawa mo sa halos labinlimang minuto mo rito?"
"Galing ako sa gym bago ako nagpunta rito. May gagawin din kasi kaming assignment ni Jessica sa Trigonometry.
Ang kaso, nang kumatok ako sa pinto, hindi siya sumagot. Ilang minuto rin akong naghintay, baka kasi may binili
lang siya sa labas. After ten minutes, umalis na ako."
"At ang pinakahuli ay si Christopher na nag-log noong 4:44," ibinaling ni inspector ang kanyang tingin sa matipunong
lalaki. "Sa record ng guard, lumabas ka ng 4:59."
"Tinext ako ni Jessica bandang 4:35 ng hapon," ipinakita niya ang text message na nakapangalan sa kanyang ex-
girlfriend. Ayon sa message, gustong makipagkita ni Jessica sa kanya para ayusin ang gusot ng break-up nila.
"Nagmadali akong pumunta rito kasi gusto kong magkaayos kami. Noong kumatok ako sa pinto, hindi niya binuksan.
Wala ring sumagot kahit ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng sorry habang nakaluhod sa may pintuan. Naisip
kong baka pinagti-trip-an niya ako kaya umalis na lang ako."
Kung gano'n, wala ni isa sa tatlong ito ang nakakita kay Jessica noong oras na pumunta sila sa Room 404. Kung isa
nga sa kanila ang salarin, iisa lamang ang ibig-sabihin nito: May isang nagsisinungaling sa kanila.
"Inspector, wala bang CCTV camera na naka-install dito sa fourth floor?" tanong ni Loki habang nakatingala sa
kisame.
"Tinanong na namin 'yan sa guard. Tanging sa lobby may CCTV camera. Pero balak yata nilang maglagay sa susunod
na buwan."
"How convenient for the killer!" komento ni Loki. "But unfortunately, I already have an idea on who he might be."
Nanlaki ang mga mata ng tatlong suspek.
"Nasa inyong tatlo siya, just to reiterate the obvious," isa-isa niyang itinuro ang tatlong lalaki. "At the moment, wala
pa kaming ebidensyang hawak na magdidiin sa 'yo. But give me a few minutes and I will expose what you did. In the
mean time, inspector, why don't you escort them to the lobby while waiting?"
When the three of them started walking along with some police officers, I heard a scatching noise na nagmumula sa
sahig. There must be something on their shoes that's causing that sound whenever the sole make contact with the tiled
floor.
Wait a minute. Kung ang sapatos ng isa sa tatlong suspek ang lumilikha ng kaluskos na 'yon, posible kayang...
"So you heard it too, huh?" Loki gave me a side-glance. "Kung tama ang hinala nating dalawa, 'yon ang pwede nating
gawing ebidensya laban sa salarin."
"Paano ka nakasisigurong pareho tayo ng iniisip? Ni hindi ko nga alam kung sino sa kanilang tatlo ang salarin," sagot
ko. "Do you mind telling me who he is?"
"I'm going to ask the question again: Who among the three would Jessica most likely let inside her room and offer a
glass of water?" As usual, ayaw niyang i-share sa 'kin ang sagot. Gusto niya munang pasakitin ang ulo ko. "There's
only one thing that bothers me. Jessica did something out of place, something that she shouldn't have done. Unless, of
course, it wasn't Jessica who did that thing."
Hindi kinalauna'y sumunod na kami sa baba. Nadatnan namin ang tatlong suspek na nakaupo sa lobby. Nakayuko si
Christopher, magkadikit ang mga kamay na parang nananalangin. Nanginginig naman ang mga binti ni Richmond at
parang hindi mapakali. Habang si David, wala pa ring reaksyon at nakatingin sa malayo.
Nilapitan kami ni Inspector Estrada at binulungan. "Ano, may nakita ba kayong ebidensya?"
"We don't have any evidence against the culprit," sagot ni Loki dahilan para mapapikit ang mga mata ni inspector.
"Don't be disappointed, inspector. I said we don't have it because the culprit's still in possession of it."
"Ta-Talaga?"
"Shall we draw the curtain of mystery and put an end to this murder case?"
Tumayo sa harapan ng tatlong suspek si Loki at inilagay sa likod ang mga kamay niya. "Sorry for waiting. Now is the
moment of truth."
"Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Sabihin mo na kung sino ang pumatay kay Jessica!" sigaw ni Christopher.
"Sisiguruhin kong gagapang palabas ng building na 'to ang lalaking 'yon!"
Loki just ignored him and continued with his deduction show. "Before I reveal who the culprit is, I want you to think
about this question: Who among you three would Jessica most likely let inside her room and offer a glass of water?"
Nagkatinginan ang tatlo, may halong pagtataka ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Kung gagawing basehan ang sinabi namin kanina, hindi binuksan ni Jessica ang pinto nang kumatok kami," tugon ni
Richmond.
"One of you lied earlier," Loki countered. "One of you stood in front of Jessica's room and knocked on her door. Then
she let that person in, unaware of what that person is capable of doing. Sino kaya sa inyong tatlo?"
Wala ni isang sumagot sa kanila. Napansing kong nakakunot ang mga noo nina Christopher at Richmond habang no
reaction si David.
"Could it be David Florencio, the suspicious stalker who's been following her?" sabi niya sabay turo sa suspek. "No.
Jessica may be aware of your presence but she doesn't know anything about you. So will she open the door to a
stranger, let you in and offer you a glass of water? No."
Parang nakahinga nang maluwag si David, nabunutan ng tinik sa kanyang lalamunan.
"Maybe it's Christopher Bautista, the ex-boyfriend?" sunod niyang itinuro ang lalaking nagpukol sa kanya ng
nasorpresang tingin. "Yes, possibly. But considering what happened the past few days-your break-up and what you
attempted to do to her-she won't even think of inviting you in. She'd rather tell you to go to hell."
"Pero bakit nag-send siya ng text message sa 'kin kanina? Ang sabi niya gusto niyang pag-usapan ang nangyari?"
"That's a trick used by the culprit to make us think that Jessica was still alive by the time she sent you that message,
around 4:35. That's right, the culprit is none other than the person who went to Jessica's room between 4:24 and 4:40-
her bestfriend Richmond Morales."
Napatingin ang lahat sa lalaking nakasalamin. Napalunok pa siya ng laway habang nanlaki ang mga mata at paulit-ulit
na umiling. "Hindi... Nagkakamali ka! Hindi totoo 'yan!"
"Among the three, you are the only one who's in good terms with Jessica," paliwanag ni Loki habang nakangisi sa
salarin. "As what you said earlier, you are her close friend and your relationship didn't turn sour even after you
confessed your feelings. I have no doubt that she would open the door for you, let you in and offer you a glass of
water."
"Kung totoo nga 'yang paratang mo, bakit ko siya papatayin?" buwelta ni Richmond. "Basta-basta ko na lang siyang
sasaksakin nang walang dahilan?"
"What if nakita mong opportunity ang break-up nila ni Christopher?" Hindi ko na napigilang sumingit. It was only a
mere conjecture but at this point, it's all that I can think of. "Inakala mo siguro na pwede ka nang pumapel bilang
boyfriend sa buhay ni Jessica. Ang kaso, kahit break na sila, hindi niya kayang i-reciprocate ang feelings mo sa kanya
dahil wala siyang nararamdaman para sa 'yo. Posibleng nagdilim ang paningin mo, kumuha ng kutsilyo at paulit-ulit
siyang pinagsasaksak."
"Walang hiya ka!" Susuntukan na sana ni Christopher sa mukha si Richmond nang mabilis siyang inawat ng mga
pulis. "Sisiguruhin kong wasak 'yang mukha mo, ha! Naririnig mo ba ako?!"
Ipinikit ni Richmond ang kanyang mga mata, tila pinapakalma ang sarili. Nang muli niyang iminulat ang mga ito,
sinabayan niya ng ngiti. "Magandang ideya 'yan para sa isang mystery novel. Sige, for the sake of discussion, sabihin
na nating ginawa ko 'yon. Nasaan ang ebidensya n'yo?"
"It's on you," mabilis na sagot ni Loki.
"Hmm?" Napataas ang kaliwang kilay ni Richmond. "Anong ibig mong sabihin?"
"Take off your shoes and show the soles to everyone in this lobby."
"That's ridiculous!" Nakangiti pa si Richmond habang tinatanggal ang kulay itim niyang sapatos. "How does taking
off my shoes prove that I'm the culprit?"
Nang iniharap niya sa amin ang talampakan ng kanyang sapatos, nakita naming nakaipit dito ang maliit na bubog,
katulad ng nasa kwarto ni Jessica sa itaas.
"After you killed Jessica, you accidentally stepped on the shards of glasses near the table," Loki grabbed the right shoe
from the culprit and showed the shard to the inspector. "Nagmamadali ka na siguro kaya hindi mo namalayang may
dumikit sa ilalim ng sapatos mo. Hindi namin kayo pinapasok sa crime scene kanina kaya paano napunta ang bubog
dito? Eliminate all the other possibilities, and the one which remains is the truth."
"Teka, Loki," hirit ni Inspector Estrada. "Kung siya nga ang pumatay kay Jessica, dapat may mga bakas ng dugo sa
damit niya, tama? Bakit walang napansing kakaiba ang guard noong lumabas siya ng hostel? Seguradong mapapansin
ng guard ang kakaibang mantsa sa kanyang damit."
"He changed his clothes," Loki answered. "Sinabi niya kanina na galing siya sa gym kaya nakasisiguro akong may
dala siyang bag na naglalaman ng ekstrang damit. Kung hindi pa sapat ang bubog sa kanyang sapatos para patunayang
siya nga ang salarin, I suggest that you review the CCTV footage in the lobby the time he went in and went out. I'm
certain that you will notice the change in his clothes. You can also run a luminol test on his shoes para tingnan kung
may dugong tumilamsik doon."
Now that he's cornered with Loki's piercing deductions, Richmond had no other choice but to confess to the murder.
Kinumpirma niyang tama ang nabanggit kong motibo kung bakit niya pinatay si Jessica. Somehow, nakaramdam siya
ng pagka-guilty sa kanyang ginawa. He thought of turning himself over to the police the moment he realized what he
had done. But he was worried that his family would be caught in a scandal so he chose to not admit the crime.
"Nakalutas ka na naman ng kaso!" Tinapik ni Inspector Estrada ang balikat ni Loki. "Talagang maaasahan ko kayong
taga-Q.E.D. Club."
"By the way, inspector, may update na ba kayo tungkol sa mga nawawalang chemicals sa Chemistry Lab?" tanong ni
Loki, naging seryoso ang kanyang mukha.
"According sa property custodian, ilang bote ng sodium hydroxide ang nawawala," sabi ni inspector. "Ang hindi
namin maintindihan ay kung bakit interesado ang isang estudyante sa ginagamit na drain cleaner."
"Sodium hydroxide..." bulong ni Loki, bahagyang naningkit ang mga mata niya at napahaplos sa kanyang baba. "What
does M plan to do with that chemical compound? Balak niya bang maglinis ng drain ng kanyang bahay?"
"Sasabihan kita kapag may impormasyon pa kaming nalaman. Sa ngayon, kailangan naming kunin ang confession ni
Richmond sa station."
Nagpaalam na si Inspector Estrada bago lumabas ng White Hostel kasama ang iba pang pulis.
Inilabas ko ang aking phone para tingnan kung anong oras na. It's already six in the evening. Hindi na rin tumawag si
papa sa 'kin o nagpadala ng text message. Why should I be surprised? Malamang noong hindi ako sumagot sa tawag
niya, kaagad na siyang umalis sa apartment. He has little patience for waiting.
"Shall we go now? It's getting dark," napatingin si Loki sa glass entrance kung saan makikita ang labas ng hostel.
"Teka, magpapaalam muna ako sa classmate ko." Oo nga pala, naiwan ko ang aking bag sa kwarto ni Rosetta. Ni hindi
ko man siya nasabihang tutulong ako sa paglutas ng nangyaring murder sa room malapit sa kanya.
"Oo nga e, ang sabi mo may titingnan ka lang sa labas."
Napalingon ako sa likuran at nakita si Rosetta na dala-dala ang bag ko. Kakalabas niya lang mula sa elevator.
"Ro-Rosetta, na-nandyan ka pala," nauutal kong sabi. "Pa-Pasensya na kung hi-hindi ako nakapagpaalam."
"Hindi mo rin sinabi sa 'kin na member ka na pala ng Q.E.D. Club," nakangiti pa siya habang iniaabot niya ang aking
gamit. "Kaya pala ayaw mong sumali sa Paranormal Club."
Loki shot a curious glance from me to my classmate. "Who's this girl?"
"She's my classmate, Rosetta Rodriguez. Nasa room niya ako kanina, gumagawa ng assignment sa Chemistry, noong
tinawagan mo ako."
"Hi!" Kumaway si Rosetta sa kanya. "Marami na akong narinig tungkol sa club n'yo. By the way, kung kailangan n'yo
ng photos for documentation, meron ako rito sa phone ko."
"Photos?"
"Palihim akong kumuha ng mga litrato n'yo habang nasa hallway at kinakausap n'yo 'yong mga suspek," ipinakita ni
Rosetta ang kanyang phone. "Balak kong i-submit ito sa CHS Confessions para malaman nila ang tungkol sa club
n'yo."
"Teka, huwag mong gagawin 'yan!" Ewan pero ayaw kong may makakitang magkasama kaming dalawa ni Loki sa
photo.
"It's fine with me." And here I thought he would be against it! "Maraming followers ang Facebook page ng CHS
Confessions. Kung makikita nila tayo in action, baka bumuhos na ang mga kliyente natin. I would consider it a favor
if you will do exactly what you just said."
Sinubukan kong magprotesta pero mukhang mababalewala lamang kaya pinili kong manahimik sa sulok. Wala akong
nagawa kundi mapabuntong-hininga nang malalim.
***
Ala-sais y media na kaming nakarating sa aming apartment. For the second time, sabay na naman kaming umuwi ni
Loki. Bago pumasok sa gate, tiningnan ko muna kung may naka-park na itim na kotse sa labas. Wala akong nakita
kaya posibleng umalis na nga si papa.
Pagpasok namin sa Room 302, bumungad sa amin si Tita Martha na inaayos ang pagkain sa mesa. Mukhang galing sa
isang mamahaling restaurant ang mga nasa plato at mangkok. No doubt, dala 'yon ni papa kanina.
"Lorelei! Naghintay sa 'yo ang papa mo kanina," malungkot na bati sa 'kin ni tita. Umupo naman si Loki sa couch.
"Ang sabi ko sa kanya, hintayin ka niya kasi baka may ginagawa ka pa sa school. Kaso, kailangan na raw niyang
bumalik ng Manila ngayong gabi."
I'm not surprised anymore. Milagro kong maituturing kung hihintayin niya talaga akong dumaring.
"Kumain na kayo ni Loki, dala ng papa mo 'yan kanina," nagtungo si Tita Martha sa may pintuan. Pero bago siya
tuluyang lumabas, lumingon muna siya sa 'kin. "Siya nga pala, may iniwan ang papa mo sa 'yong kwarto."
"I hope it's not a bomb," I muttered before turning the doorknob of my room. Pagpasok ko, bumulaga sa 'kin ang
malaking teddy bear na nakaupo sa aking kama, nakatitig sa direksyon ko na tila hinihintay ang aking pag-uwi.
It was the teddy bear that my mother bought when I was a child. Lagi ko itong kasama kapag natutulog ako noon.
Nilapitan ko ito at hinawakan ng mga nanginginig kong kamay ang malalambot nitong braso. I could feel my eyes
welling up with tears as I look at the eyes of the old bear. Is this why he brought this stuffed toy here? To emotionally
torture me?
I mustered all of my strength as I lifted the teddy bear and threw it out of my room. I'm not a child anymore, dad!
"Ouch!" narinig kong daing ni Loki. Mukhang natamaan siya. "Where the hell did this bear come from?"
"Sorry!" sigaw ko mula sa aking kwarto. "If you want it, you can have it."
"Do you know that many children in this world want to have a teddy bear as cute as this one?" Bahagyang lumakas
ang boses ni Loki na nanggaling pa sa sala. "And here you are, throwing it out as if it's a trash. Seguradong nahirapan
ang papa mong dalhin ang ganitong kalaking bear."
"Are you sympathizing with my dad?"
"No, I'm sympathizing with the innocent teddy bear."
Kahit paano'y nakaramdam ako ng pagka-guilty matapos kong ihagis ang laruang nakasama ko mula noon pa.
Lumabas ako sa aking kwarto para kunin 'yon. Nakita ko si Loki na pinaglalaruan ang mga kamay nito. "Okay, now
give it to me."
He suddenly hugged it tightly, his arms wrapped around the bear's soft body. "You said moments ago that I can have
it. Walang bawian."
"Tss..." Tumalikod ako't muling pumasok sa aking kwarto. I can't tell if he's just messing with me or if he really wants
to have that bear.
Or maybe, he didn't have one when he was a child.
###
A/N: I'd like to take this little space t o thank the readers of Project LOKI! Maraming salamat sa mga nagbo-vote at
nagko-comment! I'm always moved by your gesture of appreciation on my work. :)
As usual, I would like to hear your thoughts about this long update (took me hours to finish it!).
And now, for the next chapter...
"Did he materialize out of thin air, emerge from a pentagram or walk through the walls?"
"It's such an honor to meet you, Miss Lorelei. I'm Loki's brother."
Volume 1 • Chapter 9: Whereabouts of the Compromising Photographs
LORELEI
THE DAYS quickly went by as I spent most of my free time in the Q.E.D. Clubroom. It has become a habit of mine to
go that little room during my break or lunch time, stay there until the bell rings and strike strange conversations with
Loki. Noong minsan, nakiwento niya sa 'kin kung paano ko magagamit ang aking mahabang buhok para makapatay
ng tao.
Mabuti't may mga kumakatok sa pinto ng aming clubroom kaya hindi niya naitutuloy ang kanyang "101 Ways to
Murder Someone" sessions. Kung dati'y nilalangaw kami dahil wala ni isang aninong pumapasok sa aming mini-
detective agency, ngayo'y maya't maya ang buhos ng mga estudyante.
Mukhang epektibo ang ginawang pagsa-submit ni Rosetta sa CHS Confessions ng litrato kung saan kausap naming
dalawa ni Loki ang tatlong suspek sa White Hostel murder case habang nakapalibot ang mga pulis sa amin. May mga
napabilib sa ginawa namin habang may ilang nagsabing nakikiepal lang daw kami sa trabaho ng mga otoridad.
Nevertheless, dahil sa exposure sa social media, hindi na kami nakatunganga at naghihintay na maglakad papunta sa
amin ang bayabas.
Ang kaso, puro mga boring na problema ang idinudulog nila sa amin. Laging tungkol sa love life ng mga babaeng
ginawa na yatang oxygen ang pag-ibig at pakikipagrelasyon-they can't live without it. May ilang gustong humingi ng
tulong kung paano mapaghihiwalay ang crush niya at ang boyfriend nito. 'Yong iba, lumapit sa amin para
magpatulong kung paano makapag-move on. Meron pa nga isang nagtanong kung may alam kaming trick para
mawala sa landas niya ang kanyang karibal sa pag-ibig.
"We are problem-solvers, not love gurus or genies," naalala kong sabi ni Loki sa babaeng nagtatanong kung may alam
kaming recipe ng gayuma. "We don't have time to entertain your stupid requests. Either you find someone else who
can help you or just kill yourself."
Mangiyak-ngiyak na lumabas noon ng clubroom ang problemadong babae. Malas niya dahil walang konsepto si Loki
ng pagiging sensitive sa nararamdaman ng iba. He's not afraid to speak what's in his mind. Kung ayaw niya, ayaw
talaga niya. It's non-negotiable.
Ngayong Huwebes, gaya ng nakagawian, umakyat ako sa third floor at naglakad patungo sa clubroom. Kumpara
noon, maingat at mas naging aware na ako sa aking paligid. Baka kasi maulit na naman 'yong abduction na nangyari
sa 'kin noong nakaraang linggo.
Speaking of abduction, mukhang sineryoso ni Margarette 'yong sinabi niya na hindi niya na ako guguluhin kapag
nailigtas ako ni Loki mula sa pagkakadukot. Wala sa itsura niya ang madaling sumuko pero dahil 'yon ang
napagkasunduan, wala siyang magawa kundi sumunod rito.
Pagdating ko sa tapat ng clubroom, huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob at binuksan ang
pinto.
"Nandito na ako," bati ko sa lalaking nakaupo nang nakatalikod sa 'kin. Umupo ako sa kabilang dulo ng parihabang
mesa at inilabas ang notes ko sa Chemistry. "Wala pa bang dumarating na kliyente?"
Usually, hindi ako inii-snob ni Loki kapag may tinanong ako sa kanya na related sa club. Napaangat ang tingin ko sa
kanya at napansing bahagyang nag-iba ang postura niya. Parang tumangkad siya't nag-iba ang pagkakaayos ng buhok.
No, that's not Loki. That's someone else!
Kaagad akong napatayo at nagtanong, "Teka, sino ka? Hindi ikaw ang kasama ko rito, ha?"
"I let myself in, I hope you don't mind."
Pagkarinig ko sa boses niya, nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. It sounded lowly and gravely... and
somehow familiar. Parang narinig ko na noon. Pero saan?
The guy turned his swivel chair-Loki's favorite spot-to see me face-to-face. My curious gaze met with his dead-eye
stare. His eyes were looking into my very mind and heart until I felt a chill down my spine. I tried to gape into the
window of his soul but I saw nothing. His placid face was like that of a chiseled statue-it was devoid of any human
emotion.
Napalunok ako ng laway at napahakbang paatras. At the back of my head, I could hear a faint voice telling me to run.
But I can't. My legs were too terrified to move even an inch. My feet were rooted on the spot.
"Did I make such a terrifying impression on you?" Tumayo siya't dahan-dahang naglakad patungo sa kinatatayuan ko.
The second time I heard his chilling voice, it rang a bell on me. Hindi ako pwedeng magkamali. It was the same voice
I heard noong ipinadukot ako ni Margarette. Siya 'yong lalaking kasama niya. Ngayong nakatayo na siya at nakita ko
kung gaano siya katangkad, mas nakasiguro akong siya nga 'yon.
Teka, siya rin 'yong nasa picture na pinagtutusok ng darts ni Loki sa apartment. At kung tama ang pagkakatanda ko,
tinawag niyang vice president ang lalaking 'to.
He stood exactly a foot away from where I was, his cold eyes looking down on me. "Judging by your expression, I
gather that Loki already told you about me. Fear nothing. I'm not an antagonist. I'm here to ask for your club's help."
I can say that Loki's descriptions of the man behind my abduction was not an exaggeration. He does reek of evil.
"Oh, forgive me. I haven't introduced myself yet." He then stretched out his left hand. "My name's Luthor Mendez. I'm
Loki's brother."
Ta-Tama ba ang dinig ko? Siya nga ang kapatid ni Loki?
My left hand automatically responded to his friendly gesture and shook hands with him. Parang inilagay sa freezer ang
mga kamay niya sa sobrang lamig nito. Kapag hindi ko pa inalis ang sa 'kin, baka ma-frostbite ako.
"WHAT THE HELL-"
Pareho kaming napatingin sa bumukas na pinto kung saan tila nanigas ang katawan ni Loki nang makita niya ang
lalaking kahawak-kamay ko. Halos magsalubong ang mga kilay niya at tumalim ang tingin niya sa direksyon namin.
Nakalabas pa ang kanyang pangil na parang asong handang mangagat.
Nabaling ang tingin niya sa 'kin. "Did you let that man inside our clubroom? Did he materialize out of thin air or did
he emerge from a pentagram?"
Kung makapagsalita siya, parang isang wizard ang kanyang kapatid na pwedeng sumulpot kahit saan. Damang-dama
ko sa boses ni Loki ang kanyang tila kinikimkim na galit sa lalaking nasa harap ko ngayon.
"Ang sabi niya, may problema siyang gustong idulog sa 'tin," sagot ko.
"Oooh," naningkit ang mga mata ni Loki nang muling nabaling ang kanyang tingin kay Luthor. "So there are
problems that the master manipulator can't solve with all the resources and schemes you have hidden in your sleeves.
You disappoint me."
"I was preoccupied by another problem," his brother didn't give in to Loki's hostile attitude to him. Hindi siya
nagpatinag at nanatili siyang kalmado. "Besides, the problem which I will refer to you needs an outsider's hand."
"Sorry but we don't accept suspicious requests." Itinuro ni Loki ang nakabukas na pinto. "Sorry but I have to ask you
to leave."
"May I remind you that I am the chairman of the committee on non-mandated organizations," tugon ni Luthor. "Kahit
hindi na-meet ng Q.E.D. Club ang required number of members, inaprubahan ko ang renewal ng inyong club. I'm
expecting that you will express gratitude by doing me a favor. If you chose not to, it would be quite easy for me to
reverse your club's status into 'dissolved.' Perhaps I should give this room to the Paranormal Club. They have been
requesting for ages."
Napatingin sa 'kin si Loki. "I told you that he's evil, didn't I? See what I mean?"
"Should we now discuss it or should I leave and make sure that your club crumbles to dust?" tanong ni Luthor bago
siya umupo sa swivel chair ni Loki. Walang sigla ang kanyang boses pero mararamdaman mo ang pagbabanta sa
bawat salita.
Naghihimutok na lumapit sa mesa si Loki, sinadyang biglaang hilain ang upuan para lumikha ng malakas na kaluskos
bago siya umupo. They are already in their teens but why do they act like they're eight years old?
"This is a confidential matter," panimula ni Luthor, napatingin muna kay Loki bago sa 'kin. "A friend of mine is being
blackmailed by someone."
"Oh, you have a friend? Or do you mean a pawn?"
Luthor ignored his insult and continued, "A student named Charles Meliton is in possession of compromising
photographs of my friend. In exchange for not sharing the photos to others and for not uploading them online, he's
asking for three thousand pesos per photo. We don't know how he got those materials, but it's certain that he has
them."
Kung gano'n, isang blackmailing incident ang gusto niyang imbestigahan namin. Ang akala ko mas mabigat na kaso
ang ire-refer niya dahil involved ang tulad niyang taga-student council.
"This isn't the first occasion that Charles attempted to extort money from a student," he continued. "We have received
reports before that he's fond of preying into the secrets of students with money and power. No one knows where he
gets those files, documents, photo or videos. You may call him a serial blackmailer."
"So anong gusto mong gawin namin?"
"I want you to retrieve the storage device containing the compromising photos along with everything he's got on other
students."
Loki crossed his arms across the chest and his right leg started fidgeting. "I can't imagine why you can't solve this
petty problem on your own. Sinasayang mo lang yata ang oras namin na dapat sana'y pwede naming gamitin sa iba
pang bagay."
"Just so you know, Charles knows every officer in the council and the students who are affiliated with us," paliwanag
ng kanyang kapatid. "His awareness makes every move from our side risky. Kapag nalaman niyang kumikilos kami
para ma-retrieve ang mga litrato, posibleng maisipan niyang huwag nang ituloy ang deal at i-upload na ang mga 'yon.
That's where you come in, a third party who isn't under the influence of the council."
Tumayo na ang aming kliyente at nagtungo sa pintuan. "I will ask one of my colleagues to bring you the files we have
on Charles. I hope you can come up with a plan to end his villainy probably until tomorrow. Once you accomplish the
task without a glitch, consider us even. By the way, Miss Lorelei, I'd like to get to know you more. I hope we can talk
over a cup of tea one of these days."
And then he walked out of the room, leaving no traces that he had been inside our office.
Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, pinuntahan ni Loki ang kanyang swivel chair at inilayo ito mula sa mesa.
"Mukhang kailangan kong mag-request ng bagong upuan. I could still feel his eerie presence by staring at that chair."
Napaka-exaggerated naman ang reaksyon niya. Inupuan lang ng kapatid, ipapapalit na niya? Gano'n ba katindi ang
galit niya kay Luthor?
"If he invites you to a tea party, kindly decline his offer or ignore his invitation completely," hinila niya ang isang
monobloc chair at inilagay sa dating pwesto ng kanyang swivel chair. "I hope that you won't cross paths with him
again."
"To be honest, I'm surprised that you didn't tell me your brother is the vice president of the student council," sabi ko sa
kanya.
"Oh, I didn't?" Bahagyang napakunot ang kanyang noo. Medyo hindi siya komportable sa bago niyang upuan. "I
thought you already got it via subtext. By the way, don't be deceived by his title as vice president."
"Huh?"
"My brother is more than just a spare tire to the president. He's not just the vice president of the student council. He is
the student council."
Lalo kong hindi naintindihan ang gusto niyang sabihin. If there's someone who represents council, it's the president-
the highest position in the student hierarchy-not the second-in-command.
"Wrong!" Tila nahulaan niya kung anong pumasok na thought sa isip ko. "The incumbent president is only a puppet
while my brother is the one who's pulling the strings. He prefers to work in the shadows than step into the spotlight."
"At bakit kung makapagsalita ka kanina, parang asar na asar ka sa kanya? Parang siya na ang pinaka-kinasusuklaman
mong tao sa mundo?"
He darted a curious stare and answered, "You're fortunate enough that you didn't have him as a sibling. Kung ikaw
siguro ang nasa posisyon ko, you will probably feel the same."
Pagpatak ng lunch time, dumaan sa clubroom ang isang estudyanteng hindi man nagpakilala sa amin at ibinigay ang
isang folder na may logo ng aming school. Nakapaloob doon ang student records ni Charles Meliton at iba pang
detalye tungkol sa buhay niya.
Kapag nakita mo ang student ID photo niya, hindi mo aakalaing magagawa niyang mam-blackmail ng kapwa
estudyante. Mukha kasi siyang inosente sa litrato at parang walang muwang sa kasamaan ng mundo. Nakadagdag pa
roon ang abot-tenga niyang ngiti. Napaisip nga ako na baka naligaw ang litratong 'to sa file ni Charles.
Pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Hindi por que mukhang tupa, maamo na. There are some wolves who are
hiding in sheep's clothing.
"Hmm..." Ikinalat ni Loki ang bawat pahina ng student records ni Charles sa mesa. Partikular siyang nakapokus sa
class schedule ng aming target. Kahit na mukhang ayaw niya sa kanyang kapatid, ganado pa rin siyang lutasin ang
problemang idinulog nito a amin. "This is the only piece of information that matters. Everything else can be deleted."
Tumingin din ako sa class schedule. Ahead pala ng one year sa 'kin itong si Charles. "Anong binabalak mo?"
"Iniisip ko kung anong oras tayo dapat umatake sa kanya," napahimas sa kanyang baba si Loki habang nakaturo sa
time range ng bawat klase ng target. "Obviously, we can't approach him during class discussions. Medyo risky din
kung ia-ambush natin siya sa break o lunch time niya. Hmm..."
"Paano kung sa PE class nila bukas?" itinuro ko ang eight to nine o'clock na schedule ni Charles. "Dahil magpapalit
siya ng damit para mas maging komportable siya sa kanilang physical activity, seguradong ilalagay niya lahat ng
kanyang gamit sa locker. Gano'n kasi ang ginagawa ko kapag PE class namin. 'Di ba sabi mo, meron kang master's
degree sa lockpicking? Hindi magiging problema sa 'yo ang pagbubukas ng kanyang locker."
Napatango sa 'kin si Loki. "Good thinking. Posible nga 'yon. Ang tanong: Paano tayo makasisiguro na dala-dala nga
niya kung saan man naka-save ang mga litrato?"
"Saan ba niya pwedeng ilagay 'yon?"
"Pwede sa flash drive, external hard drive o sa memory card ng kanyang phone. Kung medyo old school siya,
posibleng sa floppy disk. But would he carry it around the school, knowing that people like us might be after him?"
Obviously, hindi namin siya pwedeng tanungin na "Hey, dala mo ba 'yong device kung saan naka-save ang mga pam-
blackmail mo?" Hindi rin niya pwedeng matunugan na nagmamanman kami sa kanya kundi baka lumala ang
sitwasyon.
"Anyway, we will just find out tomorrow," muling ibinalik ni Loki ang lahat ng mga papel sa folder. "In case na hindi
niya dala at iniwan niya sa kanyang dorm, I have an idea on how we could get it. Pwede ka ba bukas sa ganyang
oras?"
"Magagawan ko ng paraan." Values Education ang subject namin sa mga oras na 'yon. Hindi naman makakaapekto sa
academic performance ko kung mag-i-skip ako ng klase.
Teka, bakit willing akong um-absent para sa imbestigasyong ito?
***
Kinabukasan, pagpatak ng alas-otso ng umaga, pumasok sa classroom sang Values Ed instructor namin-si Sir
Jefferson Rivera. Habang binubura niya ang nakasulat sa whiteboard, lumapit ako sa kanya.
"Sir," tawag ko sabay hawak sa aking ulo, "medyo nahihilo ho ako ngayon. Pwede ho bang pumunta muna ako sa
clinic?"
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa 'kin. "Naku, Miss Rios, mukhang namumutla ka nga. Gusto mo
bang ihatid kita sa clinic? May oras pa bago mag-start ang klase natin."
"Huwag na ho, sir, nakakahiya sa inyo. Kaya kong pumunta nang mag-isa roon."
"Segurado ka? Baka mahimatay ka sa daan?"
"Magtiwala ho kayo sa 'kin."
Pinayagan niya akong ma-excuse muna sa kanyang klase. Mabagal akong naglakad palabas ng classroom,
pinanindigan ang pagkahilo para mas mapaniwala ko ang instructor namin pati ang mga kaklase ko. Gusto nga akong
samahan ni Rosetta pero sinabi kong kaya ko na ang sarili ko.
This is the first time I lied to my prof and feigned illness to excuse myself. Pero hindi kagaya ng iba na umaarte lang
na may sakit para makapagbulakbol, may "noble cause" ang ginawa ko.
Gaya ng pinag-usapan namin kahapon, nagkita kami ni Loki sa tapat ng gymnasium. Mukhang nagsimula na ang klase
nina Charles sa PE dahil nakita ko siyang nag-i-stretching kasama ang mga kaklase niya. Nakasuot siya ng puting shirt
na may logo ng school at maiksing short. Talagang hindi mo aakalain na ang maamo niyang mukha ay may tinatagong
kasamaan.
"Here's what we do. I will go inside the men's locker while you wait outside," sabi ni Loki. "Everyone's busy with
their activity so this is the Charles' most vulnerable moment and our perfect opportunity to strike. Keep an eye if
there's someoone going in the locker room. Umubo ka ng tatlong beses kapag may nai-spot-an ka. Understood?"
"Okay," tumango ako.
"Then let's begin."
Pasimpleng pumasok si Loki sa locker room ng mga lalaki habang ako'y naiwan sa labas malapit sa pinto. I took my
phone, put it near my right ear and pretended that I was calling someone. Pasulyap-sulyap din ako sa kinatatayuan
nina Charles ilang metro mula sa 'kin. Baka kasi bigla nila maisipang pumasok sa locker room dahil may nakalimutan
sila.
Halos sampung minuto na siguro ang lumipas bago nakalabas si Loki mula sa loob. I was expecting him to flash a
wide grin of victory. Pero ang bumungad sa 'kin ay ilang pag-iling at dismayadong mukha.
"Kung gano'n, wala pati sa kanyang damit o bag?"
"Kinalkal ko na lahat pero wala akong nakita maliban dito." Ipinakita niya sa 'kin ang screen ng kanyang phone kung
saan naka-display ang litrato ng isang papel na may sulat.
Sorry but what you're looking for is not here. :P
"A-Alam ba niya kung ano ang binabalak nating gawin?"
Ibnulsa ni Loki ang kanyang phone at nabaling ang tingin sa direksyon nina Charles. "I highly doubt it. Mukhang
matagal nang nakadikit ang papel na 'yon sa loob ng locker niya. He must be expecting someone to force it open way
before we got involved in this case."
"Posible kayang nasa bulsa ngayon ng shorts niya ang hinahanap natin?"
"Delikado kung ilalagay niya roon," sagot ni Loki. "Kung flash drive 'yon, posibleng malaglag habang tumatalon-
talon siya riyan. Kung external hard drive, medyo may kabigatan sa bulsa. Pero ang pinagtatakahan ko, bakit hindi
niya dala ang kanyang phone? Bago ka pa dumating dito, kanina ko pa inoobserbahan ang kilos niya. Not even once
did he put out his phone. Normally, you would bring your phone to school para kung sakaling may emergency, pwede
kang makapag-text o tumawag."
"So you think na nakatago sa phone niya ang kanyang mga pam-blackmail? Paano kung wala talaga siyang phone?"
"That's impossible. May inilagay siyang contact number sa kanyang student record kaya segurado akong may phone
siya. Now it is possible that while he and my brother's friend haven't reached a deal yet, he hid the phone away from
anyone's reach. Anyway, it's now time for Plan B."
"And what's Plan B?"
Ngumiti lamang siya sa 'kin sabay sabing, "By the way, did you know that Charles lives in the White Hostel?"
Kahit hindi niya sabihin, mukhang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin.
***
Pagpatak ng alas-kwatro ng hapon, dumiretso kami ni Loki sa nasabing White Hostel kung saan nangyari ang isang
murder case noong isang araw. Ayon sa student record ni Charles, mag-isa siyang nakatira sa Room 307 sa may third
floor.
"Balak mo bang pasukin ang kwarto niya at halughugin kung nandoon ang kanyang phone?" tanong ko sa aking
kasama. Nakatambay kami malapit sa bandang dulo ng hallway, malapit sa fire extinguisher at fire alarm. Tatlong
kwarto mula rito ay ang Room 307.
Bago pa siya makasagot, nakita namin si Charles na lumabas ng elevator at naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Ipinasok niya ang kanyang susi sa doorknob at tumuloy sa loob.
"Teka, may iba kang pinaplano," hirit ko nang mapagtantong may mali sa nauna kong sinabi. "Kung balak mo
talagang mag-trespass sa kwarto niya, kanina pa dapat tayo pumunta rito, noong wala pa siya."
"Very astute, Lorelei." Tumalikod siya sa 'kin at sinuri ang katabing fire alarm. "If you ask me, masyadong ma-effort
kung gagawin ko 'yong sinabi mo. It will also take time to search for that phone. There's also a possibility that he hid
the phone very well, making it impossible for anyone to find it. That was the initial plan. Then I thought of something
that's less time consuming and more thrilling."
Here he goes with his preference to "thrilling" solutions rather than simple ones. Sa pagkakasabi niya sa salitang 'yon,
mukhang may balak na gawing kalokohan itong si Loki na hindi ko magugustuhan.
"At paano mapapadali ang paghahanap natin?" Napatingin ako sa mga estudyanteng palakad-lakad sa hallway. 'Yong
iba'y napapasulyap sa amin marahil dahil nakatambay kami rito.
"We will force him to bring the phone to us," he said confidently as if he was certain that his plan would work out
fine. "By the way, you know how to run, don't you? Let's meet at the lobby in a short while."
"Ano bang pinapl-"
KKKKKRRRIIIIIIIIINNNGGGG!
Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng ingay matapos niyang biglang pindutin ang fire alarm. Sa isang gilap,
nagsilabasan ang mga estudyante sa iba't ibang kwarto at nagsitakbuhan. May ilang nataranta, may ilang hindi alam
kung kakaliwa o kakanan. May mga nagsisigaw pa ng "Sunog! Sunog!" kaya lalong nag-panic ang lahat.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" tanong ko kay Loki habang nakatakip ang tenga ko.
"I'm creating chaos to lure him out," nakingisi niyang sagot. Mukhang ine-enjoy pa niya ang nababahalang
pagmumukha ng mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Charles, lumingon-lingon muna sa paligid, tila pinag-iisipan kung saan mas ligtas
dumaan kahit wala namang apoy o usok. Nataon na pinili niyang tumakbo sa direksyon namin.
Tumakbo papunta sa kanya si Loki at sinadya siyang banggain, dahilan para mapaupo sila sa sahig.
"Tingnan mo nga 'yang dinadaanan mo!" sigaw ni Charles sa kanya. Ang inosente niyang mukha, naging kasing
tapang at bagsik ng tigre. Ganyan talaga siguro kapag nalalagay sa desperadong sitwasyon. Minsan, nahuhulog ang
mga maskarang suot natin.
"Pa-Pasensya na," inalalayan pa ni Loki na tumayo ang aming target bago siya nagpatuloy sa pagtakbo.
Then I saw him raise a thumbs up sign, senyales na naging matagumpay ang plano niya. Sumabay na ako sa bugso ng
mga estudyanteng pababa sa hagdanan at nagmadaling nagtungo sa lobby.
Mukhang sa mga sandaling 'yon, hindi pa alam ni Charles na nakuha na sa kanya ang pinanghahawakang alas.
***
Hindi ko na siguro kailangang idetalye pa ang mga sumunod na nangyari. Pagtapos makuha ni Loki ang phone ni
Charles, tinanggal niya ang memory card nito at isinaksak sa isang computer. Nakapaloob doon ang iba't ibang
dokumento, litrato at video na talagang makakasira sa reputasyon ng sinuman.
Dumating ang isa sa mga tauhan ng student council para kunin ang memory card. Sila na raw ang bahalang gumawa
ng aksyon laban sa serial blackmailer.
At dahil natapos na ang kaso, wala nang dahilan upang manatili pa ako rito sa campus. May gagawin pa raw si Loki sa
clubroom kaya nagpaalam na akong maauna sa kanya.
Nang makababa ako sa ground floor, bumungad sa 'kin ang isang pamilyar na mukhang ilang araw ko ring hindi
nakita.
"Congratulations for another case closed... though I heard you caused a ruckus in the hostel," bati ni Margarette,
nakasandal siya sa pader habang nakakrus ang mga braso. "You really seem to be enjoying Loki's company. Don't tell
me that you're already falling for him?"
Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Ni minsa'y hindi sumagi sa isip ko na mahuhulog ang aking loob kay Loki. "Ang
akala ko ba, hindi mo na ako guguluhin pa?"
"I did say that I won't bother you anymore. But that doesn't mean I won't appear before you again."
"Okay, so what do you want this time?"
"I'm here to deliver a message," sagot niya at saka lumapit sa 'kin. "The vice president wants to meet you. He's at the
cafeteria, waiting for the pleasure of your company."
Biglang nanindig ang mga balahibo ko. Kahit wala rito ang kapatid ni Loki, parang damang-dama ko ang presensya
basta't mabanggit ang kahit anong salitang may kaugnayan sa kanya.
Loki advised me to not accept the invitation, but I'm tempted to meet the person and know more about him. Between
what Loki told me and meeting him myself, I could say that he's a mysterious and shady at the same time. Parang
gusto ko pa siyang lalong makilala at malaman kung bakit gano'n katindi ang galit ng roommate ko sa kanya.
Wala rin akong gagawin ngayong hapon kaya pumayag ako sa imbitasyon. Hinatid ako ni Margarette sa cafeteria, ni
minsa'y hindi kami kumibo habang naglalakad. Come to think of it, hindi man siya humingi ng tawad sa ginawa
nilang pagdukot noong nakaraang linggo. Parang balewala sa kanila ang kaunting pahirap na ipinatikim nila sa 'kin.
Dapat nakasara na ang cafeteria sa ganitong oras. Wala na kasing estudyanteng pumupunta rito para mag-order. Pero
para yata sa pagkikita namin ni Luthor, nag-extend sila nang kaunting minuto.
Nakita ko siyang nakaupo sa may pabilog na mesa, nakatalikod sa 'kin. Hindi na sumunod si Margarette nang lumapit
ako sa taong gusto akong makita.
"Please take a seat," he gestured to the chair opposite of his. "I apologize for asking you to meet me this late."
Napakapit ako sa aking mga tuhod. Talagang iba ang aura na nararamdaman ko sa lalaking 'to.
"I also apologize for abducting you last week," sabi niya nang hindi ako sumagot. "We needed to resort to such
methods since you don't want to leave the club that my brother is proud of. We also wanted to test his resolve if he's
willing to save you in case you were really abducted."
"Bakit n'yo ba ako pinipilit na umaalis sa Q.E.D.?"
Hinipan muna niya ang kanyang mainit na kape-base sa amoy nito-at humigop nang kaunti bago sumagot. "Maggie
told you repeatedly that she wanted to help you. The truth is, we want to protect you from any danger that may be
caused by your association with my brother. I heard that you were informed about Rhea, Loki's only friend and his
former associate in the club."
"Ang sabi ni Loki, pinatay siya ng isang taong kilala bilang M."
"And why would they kill an innocent lady?"
"Dahil naging close siya kay Loki?"
Ibinaba ni Luthor ang hawak na tasa at tinitigan ako sa mga mata. Hayan na naman ang nakakapangilabot niyang
tingin. "According to the laws of celestial mechanics, when two objects collide, there's always damage of a collateral
nature. More than half a year ago, my brother investigated some seemingly related cases involving someone who's
only known with the initial M and foiled his plans. M retaliated by killing my brother's only friend, delivering a heavy
blow to my brother. Rhea has become the collateral damage."
Hindi masyadong ikinwento ni Loki noon kung ano talaga ang nangyari kay Rhea maliban sa pagpatay sa kanya. It's
quite a news to me to hear that he and the mysterious man he's after have already crossed paths before.
"And what does that have to do with my abduction?" Maging ako, napagaya na sa kaka-English niya.
"M is still active and you, being the closest person to Loki, might become the next collateral damage," he answered.
"As much as possible, we want to prevent that from happening that's why I asked Maggie to convince you to leave.
But you didn't... as if you are willing to take the risk."
Our eyes maintained contact. "If I were to be a collateral damage, then I need to be prepared, don't I?"
Napangiti si Luthor at nabaling ang tingin sa kanyang inumin. "Now I get it why my brother feels comfortable around
you. I knew him since we were little boys. He has hard time connecting with people. But with you, I guess it went too
easy."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Do you know why my brother founded Q.E.D.?" he answered my question with another question. "Because Loki is
attracted to mysteries. And you, Lorelei, are a mystery to him. He doesn't see you as a person. He sees you as a puzzle
to solve. It's also possible that both of you have a tragic past that you want to escape from. And that's why you two
established a connection. Loki lost someone important in his life. How about you? Did something happen in your
previous school?"
Tsss... Dapat siguro'y nakinig ako kay Loki noong sinabi niyang hindi dapat ako makipagkita sa lalaking 'to.
"Ngayon, mukhang alam ko na kung bakit naiirita ang kapatid mo sa 'yo. You think you know who everyone is by just
looking at them. You think you're smarter than most of us. Now if you will excuse me."
Tumayo na ako't naglakad patungo sa exit ng cafeteria. Iniwan ko siyang humihigop ng kape. Sana mapaso ang dila
niya.
"Just one more thing, Lorelei."
Napahinto ang mga paa ko't humarap sa kanya. He didn't turn his head to my direction. Ano naman kayang huling
hirit niya?
"If my deduction is correct, Loki is only using you to lure out M. But let's both hope that I'm wrong."
###
What can you say about the case and about Lorelei's and Luthor's encounter?
And now, for the next chapter...
"Loki, tulong... Tulungan mo ako!"
"Don't me blame, Lorelei. Blame that detective who loves prying into other people's business."
"I have waited so long for this moment, M."

Volume 1 • Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya


A/N: A MUST-READ for everyone.

LORELEI
LAHAT NG kalokohan, kahit gaano pa kalaki o kaliit, may kabayaran. Kahit na para sa ito sa mabuti o masama,
sisingilin ka pa rin.
'Yan ang dapat matutuhan ni Loki. Ever since I met him, he had been using unorthodox methods and cunning tricks to
get the job done. Ako mismo'y naging biktima ng katusuhan niya mula nang mangyari ang secret admirer case. Ilang
beses din siyang nakalusot pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makakatakas.
Maaga siyang pinatawag sa Office of Student Affairs matapos ma-report ang ginawa niyang kalokohan kahapon sa
White Hostel. Kung hindi n'yo natatandaan, pinindot lang naman niya ang fire alarm button dahilan para mag-panic
ang mga nakatira doon. Sabi nga niya, he created chaos to lure out the target. Little did he know that the things he
didn't care for would haunt him.
Nakausap ko pa siya bago sinimulan ang kanyang paglilitis. Dahil isang false alarm ang nangyari sa hostel,
ipinagtanong ng mga otoridad kung sino ang posibleng gumawa ng prank na 'yon. Nataon na may nakaalala kay Loki
na nakatayo malapit sa fire alarm ilang sandali bago ito tumunog.
Wala ang prof namin sa English at nag-iwan lang ng seat work kaya tumambay muna ako sa clubroom habang
nagsusulat ng mga example ng figures of speeches. Pasado alas-diyes ng umaga nang makabalik si Loki, pasipol-sipol
pa at pa-relax-relax lang.
"O anong nangyari?"
"Because of causing unnecessary ruckus yesterday, OSA decided to suspend me for a week," umupo siya sa monobloc
chair na humalili sa paborito niyang swivel chair. Walang kahit anong bahid ng pagkabahala sa kanyang mukha. "But
as expected, my brother waved his wand and I got my suspension lifted."
Mentioning his brother reminded me of what Luthor said yesterday.
"If my deduction is correct, Loki is only using you to lure out M."
There's no doubt that the possibility exists. Meron na akong ideya kung ano ang kayang gawin ni Loki kaya hindi
malayo sa imposible na ipinapain niya ako. But somehow, my instinct told me to trust him and his goodness. He may
be manipulative but I have a feeling that it has its limits.
"O, bakit ka natulala riyan? Malungkot ka ba dahil hindi natuloy ang pagsuspende sa 'kin?" Iniunat niya ang kanyang
mga braso habang nakatingin sa 'kin.
"Hindi ko lang ma-imagine kung paano ang clubroom nang wala ka," sagot ko. "Dapat magpasalamat ka sa kuya mo
dahil kundi sa kanya, hindi ka muna makakapasok dito."
He rolled his eyes and cocked his head, facing the ceiling. "Why should I? In the first place, siya ang humingi ng
tulong sa 'kin kaya dapat siya ang magpasalamat. I won't thank him even out of courtesy."
Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung kumusta ang dalawang 'to noong mga bata pa sila. Loki's very hostile to his
brother while Luthor maintained his composure kahit na ano ang pagsasabihin ng kapatid niya.
"By the way, did you know that my brother's friend who was being blackmailed is actually the student council
president?"
"Talaga?" Nakakagulat malaman na ang pinakamapangyarihang estudyante rito sa Clark High School ay muntikan
nang mapaluhad ng isang oportunistang lalaki. At mas nakakagulat ay kung paano nagkaroon ng compromising
photographs ang karespe-respetong tulad niya. Ano kaya ang nasa laman ng mga litrato at bakit "compromising" ang
ginamit na term ni Luthor?
"And you will be surprised to know that Charles Meliton is connected to a problem brought to us by another client.
Natatandaan mo pa ba 'yong magandang babae na sinisiraan sa isang Facebook page?"
"Si Madonna Barcelon 'yon, kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan niya. Paano naging konektado ang dalawang
kaso?"
"Si Charles ang nam-blackmail kay Ella dela Cruz, ang traydor na kaibigan ni Donna, para makakuha ng mga
impormasyong makasisira sa dati nating kliyente," paliwanag ni Loki habang pilit na ginagawang rocking chair ang
upuan. "Ginawa raw ni Charles 'yon kapalit ng mga compromising photograph ng student council president."
Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya. "Ang ibig sabihin ba nito, may iba pang party na involved sa
kasong 'yon?"
"Someone who's interested in the student council elections..." he muttered. "Charles has no idea as to the identity of
that person. They only communicated via phone and the other guy sent the photos to Charles through a dummy
email."
Kahina-hinala ang mga detalye. If Loki's information is true, we barely scratched the surface of two intertwined
mysteries. Kung iisipin, masyado yatang coincidence na may pisi palang nagkokonekta sa dalawang magkahiwalay na
kasong inimbestigahan natin. Sabi nga nila, "the plot thickens."
Sa sandaling 'yon, naantala ang pag-uusap namin nang may biglang kumatok at bumukas sa pinto. Pumasok ang isang
babae na hanggang tenga ang haba ng buhok, may suot na bilog na salamin. Base sa mahinhin niyang galaw at maliliit
na pagkilos, mukhang mahiyain ang bagong dating naming kliyente.
"Na-Nakakaistorbo ba ako?" Parang bumubulong siya sa kanyang pagsasalita. Malamang gano'n talaga kahina at kaliit
ang kanyang boses.
"Wala naman kaming ginagawa ngayon," sabi ko sabay sara sa aking notebook sa English. Itinuro ko ang upuan
malapit sa 'kin. "Umupo ka muna."
Dahan-dahan siyang lumapit sa monobloc chair at umupo. Kasing tahimik ng paggalaw ng isang batikang ninja ang
bawat pagkilos niya.
"Ano ang maitutulong namin sa 'yo?"
"Kasi..." napatingin muna siya sa sahig, napakapit sa kanyang tuhod bago lumakas ang loob na harapin kami.
"Nawawala kasi ang kaklase ko. Segurado akong kilala n'yo siya dahil minsan na siyang humingi ng tulong sa inyo."
"Marami na kaming naging kliyente. Sino 'yang tinutukoy mo?"
"Si Madonna Barcelon."
Nagkapalitan kami ng tingin ni Loki, bahagyang napakunot ang noo ko. Kani-kanina pa lang ay pinag-uusapan namin
ang babaeng 'yon. Ngayon, mukhang sangkot na naman siya sa isang kaso.
"Magkaklase kami kasi ni Madonna at magka-dormmate pa," kwento ng babae. "Mag-aala-singko kahapon nang
pinuntuhan ko siya sa Theater Club para humiram ng susi sa dorm namin. Nakalimutan ko kasi 'yong sa akin sa loob.
Ang sabi niya, bandang alas-siyete na siguro siya makakauwi kasi kailangan pa niyang ayusin ang mga props na
gagamitin nila para sa practice ngayong araw. Hinintay ko siya hanggang alas-diyes pero hindi siya umuwi sa dorm."
"And because of that, you concluded that she's already missing?" Loki let out a soft chuckle. "Malay mo pumunta siya
sa boyfriend niya? I've known from her story that she likes hooking up with other guys."
Nagmukhang napahiya ang kliyente, malamang naisip niyang nagkamali siya ng desisyon na pumunta sa amin.
"Pero... hindi kasi siya pumasok kanina sa klase. Ilang beses kong tinawagan ang phone niya pero out of coverage
area. Tinanong ko rin ang mga lalaking posible niyang pinuntahan kagabi pero ang sabi nila, hindi nila nakita o hindi
sila kinontak ni Madonna. Ipinakita ko rin sa guard na nagbabantay sa entrance ang picture niya para itanong kung
may napansin siyang kasama ni Madonna, pero ang sabi, ni hindi man daw niya napansin na lumabas ang kaibigan
ko."
Damang-dama ko sa kanyang boses ang labis na pag-aalala para sa kaibigan. Kung lagi silang magkasama mula dorm
hanggang sa classroom, talagang mas magiging close silang dalawa.
"Ini-report ko na rin 'to sa Campus Police pero ang sabi nila, hindi nila mako-consider na missing person case ito dahil
wala pang bente-kwatro oras mula nang mawala si Madonna."
I shot a sideward glance to Loki, hoping that he has some input. "Ano sa tingin mo?"
"I think I'm not interested in this one," biglang tumayo si Loki at ngumiti sa aming kliyente. "Sorry but I don't think
your case is worth our time. Maybe your friend went somewhere and forgot that she has class today. When it's
confirmed that she's really missing, you can return to us or leave the case to the Campus Police. You may leave."
How rude of him! Hindi por que't hindi niya gusto ang problemang inihain sa kanya, basta-basta na lang niya
papaalisin ang kliyente.
Humarap ako sa babae at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Segurado ka bang wala siyang ibang
pinuntahan kahapon? Talaga bang malakas ang kutob mo na nawawala o may nangyari sa kanya?"
Halos maiyak na ang babae, halatang pinipigilan niya ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Kung may balak siyang
puntahan o biglaang lakad, lagi niya akong kinokontak. Pero dahil hindi niya ako tinext o tinawagan kahapon, baka
nga... baka nga may nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na dito mismo sa campus may nangyari sa kanya."
"Lorelei, it's not worth our time," hirit ni Loki. "Baka napa-paraoid lang ang babaeng 'yan."
"If you think Madonna's not missing, then we have to prove it to her para mapanatag ang loob niya," kontra ko.
"That's what this club does, right? We help people."
"Actually, we only solve cas-"
"-which has the same essence as helping people."
Ilang segundo rin kaming nagkatingin ni Loki. Tinitigan ng mga seryoso kong mata ang sa kanya na nanatiling
kalmado at walang pakialam. Sa bandang huli, ako ang nanalo nang napatingin siya palayo.
"Very well, we will prove to-wait, what's your name, miss?"
"Geneva Montero."
"Okay, we will prove to Geneva that her friend is not missing and went somewhere else."
"At paano mo mapapatunayan 'yon?"
"First, we need to disprove her claim that something happened to Madonna while inside the campus premises,"
inilibas ni Loki ang kanyang phone at may idinial sa screen nito. "There's only one entrance and exit in the high
school building and there's a CCTV camera installed to monitor who's entering and leaving. Fortunately, I have
contacts in the security office. We can ask them to show us the CCTV footage yesterday and check if Madonna left
the school building."
Matapos niyang tumawag sa kung sinuman ang kontak niya, kaagad kaming bumaba kasama si Geneva sa ground
floor. Nasa bandang dulo ng hallway matatagpuan ang security office. Pagpasok namin, binati kami ng isa sa mga
personnel nito at inihatid sa monitoring room.
Mukhang malakas talaga si Loki pagdating sa mga otoridad. Una, kay Inspector Estrada. Ngayon, sa head ng security
office. At least, nagagamit namin ang mga koneksyon niya para makatulong sa paglutas ng mga problema.
"Anong oras mo huling nakita si Madonna?" tanong ni Loki kay Geneva habang pina-fastforward ng staff ang CCTV
footage kahapon.
"Bandang quarter to five yata."
Isinakto sa 4:45 PM ang oras sa footage. Makikita sa video na karamihan sa mga estudyanteng dumaraan ay papalabas
ng high school building. Bandang 4:55 nang makita naming pumasok sa frame si Geneva at nagtungo sa exit kasama
ang iba pang mga estudyante.
Binilisan nang kaunti ng staff ang pag-play ng footage dahil nakakaantok panoorin ang mabagal na paglalakad ng mga
estudyante. Tutok na tutok si Geneva sa monitor, sinusuri ng kanyang mga mata ang bawat taong pumapasok sa
frame.
Mula ala-sais hanggang alas-siyete, mabibilang sa daliri ang mga estudyanteng lumalabas pero karamihan sa kanila'y
mga lalaki. Pagpatak ng 7 PM sa video, umalis ang naka-duty na guard sa kanyang desk. Mahigit tatlumpung minuto
rin bago siya nakabalik. And in the span of thirty minutes, no one, not even a shadow, left the building.
Napailing si Geneva at napatingin sa aming dalawa ni Loki. "Sabi ko na nga ba, hindi siya umalis ng school building."
"Baka namalik-mata ka lang," sagot ng aking kasama. "Baka hindi mo namalayan na nakalabas na pala siya. Paki-play
nga ulit."
At muling inulit ng security staff ang pag-play ng video. Sa pagkakataong 'to, pareho na kaming nakatututok ni Loki
sa screen. Kahit na dalawang beses pa lang kami nagkita ni Madonna, alam ko kung ano ang itsura niya, haba ng
kanyang buhok at kung paano siya maglakad.
Muling natapos ang panonood namin ng video pero ni anino ni Madonna, hindi namin nasulyapan. Posible nga kayang
nawawala siya?
"Wala bang ibang exit dito?" tanong ko. "Baka doon dumaan si Madonna kung umalis man siya."
Umiling ang security staff at napatingin sa akin. "Wala ho, ma'am. Talagang iisang entrance at exit ang meron tayo
rito."
"Ang guard ba na nasa video na 'yan ay ang guard na naka-duty ngayon?" tanong ni Loki.
"Oo, si Muldong. Siya ang naka-duty ngayong linggo."
Sumenyas si Loki sa 'kin at naunang lumabas ng monitoring room. Sumunod ako sa kanya kasama si Geneva.
"Ano? Naniniwala ka pa rin bang hindi ito missing person case?"
"To be honest, I'm more thrilled now that a seemingly boring case has turned into an engaging one. If Madonna didn't
leave the building, she was probably brought somewhere and killed. Then this would turn into a missing corpse case!"
Dinig na dinig ko ang pagkasabik niyang malaman kung anong nangyari kay Madonna. Kaso hindi ito ang tamang
panahon para ipakita niya ang kanyang excitement sa kasong ito.
Napalingon ako kay Geneva at napansin ang magkahalong kalungkutan at pagkabahalang nakapinta sa kanyang
mukha.
"Loki, timing!"
Nakarating kami sa guard desk ng building entrance kung saan nakaistasyon ang maitim at pandak na lalaking
nakasuot ng security guard's uniform. Nahuli namin siyang naglalaro ng Clash of Clans habang pasulyap-sulyap sa
mga estudyanteng dumaraan.
"Excuse me, sir," bati ni Loki. "Itatanong sana namin kung may napansin kayong babae kahapon na kulot-kulot ang
buhok. Pasado ala-singko na siguro siya umuwi."
Mabilis na itinago ni Kuya Guard ang kanyang phone. "Maraming kulot na babaeng dumaraan dito kaya baka hindi ko
matandaan kung sino 'yang tinutukoy n'yo."
Inilabas ni Geneva ang kanyang phone at ipinakita sa guard. "Kuya, ako 'yong nagtanong sa 'yo kanina. Iko-confirm
sana namin kung talagang hindi n'yo siya nakitang dumaan."
Naningkit ang mga mata ng guard habang pinagmamasdan ang larawan. Makalipas ang ilang segundo, umiling siya.
"Imposibleng hindi ko mapansin ang ganyang kagandang babae. Medyo matalas kasi ang memorya ko sa mga
magaganda ang mukha."
"Gano'n po ba..." dismayadong tugon ni Geneva, muli niyang ibinulsa ang kanyang phone.
"Teka, uso ba ngayon ang mga nawawalang estudyante rito sa campus?" tanong ni Officer Muldong. "Pumunta rin
dito kanina ang mga campus police officer, tinatanong kung may nakita akong dalawang estudyante, parehong babae,
na lumabas ng building noong Martes at Miyerkules. Nakita ko silang pumasok noong umaga pero hindi noong hapon.
Ipina-check ko sa kanila 'yong CCTV footage sa security office, baka may makita sila roon."
"So ang ibig sabihin, may iba pang estudyante ang nawawala?" Kinumpirma ko kung tama ang narinig namin sa
kanya.
Tumango ang guard at nagkaroon ng pagkadismaya sa kanyang mukha. "Sayang nga e, ang gaganda pa naman nila."
Nabaling ang tingin ko kay Loki. Nakatingin siya sa sahig habang nakakunot ang noo at gumagalaw ang bibig pero
walang boses na lumalabas. Mukhang nakuha na ng kasong 'to ang buong atensyon niya.
"Guard, just two questions," itinaas ni Loki ang pareho niyang hintuturo at hinlalato. "Nakita ka namin sa CCTV
footage na nasa desk. Pagpatak ng 7 PM, bigla kang umalis sa istasyon mo. Saan ka pumunta sa loob ng trenta
minutos?"
"Duty namin na seguraduhing wala na talagang estudyante sa mga room kaya tsinek ko isa-isa mula dito sa ground
floor hanggang sa rooftop," may halo pang pagtuturo ng batuta ang ginawa niyang pagsasalaysay. "Meron kasing
insidente dati na may dalawang estudyanteng gumagawa na pala ng milagro sa fifth floor."
"Sa room ng Theater Club sa fifth floor, wala kang napansin?"
"Hmm... Sa pagkakatanda ko, naka-lock mula sa labas ang room na 'yon noong dumaan ako," sagot ng guard habang
napapahimas sa kanyang baba. "Wala naman akong narinig na kahit anong kakaiba roon."
"Next question, araw-araw mo bang ginagawa ang pagtse-check ng bawat room?"
"Dahil ako ang naka-duty ngayong linggo, kailangan kong gawin."
"At wala kang napansin na kahit ano? Nakitang kahina-hinala, narinig na kakaibang tunog, naamoy na nakakuha sa
atensyon mo o naramdamang wirdo?"
"Hmm... Napansin kong sira 'yong lock ng Room 404 sa fourth floor kaya laging nakabukas ang pinto. Noong
sinubukan kong isinara, biglang bumukas ulit, dala siguro ng malakas na hangin. Kapag dumaraan ako sa anatomy
room sa fifth floor, may naamoy ako na talagang mapapatakip ka ng ilong, posibleng dahil sa mga cadaver."
Sapat na siguro ang mga nakuhang impormasyon ni Loki kaya itinigil na niya ang pagtatanong. Nagpaalam at
nagpasalamat na kami sa security guard bago kami bumalik sa clubroom.
"Geneva, thank you for bringing this delicious mystery to our attention," sabi ni Loki nang makarating kami sa
hagdanan. Nakangiti pa siya habang pinasasalamatan ang aming kliyente. Kanina, ayaw niyang tanggapin ang kaso.
"We will take it from here and start our investigations right away. We will tell you kapag may development sa kaso."
"Sa-Salamat," nahihiyang tugon ng aming kliyente, medyo nasorpresa sa pagbabago ng isip ng kasama ko. Nagpaalam
na rin siya't nagtungo sa ibang direksyon.
"Three missing students!" sigaw ni Loki nang makapasok kami sa clubroom Kaagad siyang umupo sa kanyang
monobloc chair. Inilabas niya ang kanyang phone at muling nag-dial sa screen nito. "Now it's time for us to reconcile
our data with the campus police. I hope Inspector Estrada has something to offer to us."
Hindi ko muna siya inistorbo habang kausap niya sa telepono ang chief ng campus police. Binuksan ko ang aking
notebook sa English at isinulat sa likuran nito ang tatlong pangalan:
Girl 1 (went missing on Tuesday)
Girl 2 (went missing on Wednesday)
Madonna Barcelon (went missing on Thursday)
Kung hanggang ngayo'y hindi pa rin natatagpuan o nagpapakita ang unang dalawang babae, I can't help but think that
there's a serial element in this case. Ang lalo pang nagpabagabag sa isip ko ay kung saan sila pumunta o idinala? Sa
ngayon, si Madonna pa lang ang kumpirmadong hindi umalis ng school building kung paniniwalaan namin ang
testimonyo ng guard.
Posible kayang hindi lang talaga napansin ng guard na dumaan si Madonna sa exit? Pero suportado ng CCTV footage
ang kanyang pahayag. Kahit kami, hindi namin nakita si Donna doon. Is it possible that we missed something while
watching the video earlier?
Paulit-ulit kong binilog ang pangalan ni Madonna habang iniisip ang mga 'to. Kumpara sa dalawang murder case na
nalutas na namin, mas napapaisip ako ngayon lalo na't wala pa kaming kumpirmadong suspek.
"Those two girls-Mylene Canlas and Michelle de Guzman-are still missing," sabi ni Loki matapos niyang ibaba ang
kanyang tawag. "Their parents reported them as missing persons, on Wednesday and Thursday respectively, twenty-
four hours after they didn't come home. The police viewed the CCTV footage on Tuesday and Wednesday afternoon
to confirm if the two girls left the school building. However, like our search earlier, their effort was in vain."
"Kung gano'n, huli silang nakita rito mismo sa campus at posible ngang may nangyari sa kanila rito tulad ng kutob ni
Geneva kay Madonna?" Pinalitan ko ang Girl 1 at 2 ng buong pangalan nina Mylene at Michelle.
"Yeah, so the police searched the entire campus yesterday but they found no corpse or traces that will confirm if either
or both are already dead," napasandal si Loki sa kanyang upuan at iniangat ang ulo para tumingala sa kisame.
"Mababa rin ang tsansa ng kidnap for ransom dahil hindi tinawagan ang parents nila. Mas mataas ang posibilidad ng
murder pero kung dito sila pinatay, nasaan ang mga katawan nila?"
"Nawala nang parang bula..." bulong ko habang nakatitig sa tatlong pangalan sa aking notebook. "Teka, posible
kayang serial killings ang nangyari? So far, napansin ko na ang initials ng first names-Mylene, Michelle at Madonna-
nila ay nagsisimula sa M. Or is it a mere coincidence? Besides, nawala sila nang parang magic."
Loki's eyes widened after he realized the connection I made. He placed his elbows on the table, crossed his fingers and
leaned a little bit forward. "Tama ka, Lorelei, baka magic nga ang ginamit para mawala sila."
My brows furrowed as I stared at him in disbelief with mouth slightly opened. "Seriously? You are considering that
possibility?"
Bigla siyang tumayo, lumapit sa 'kin at kinuha ang notebook at bolpen ko nang walang pasintabi. Pumunit siya ng
isang piraso at nagsulat doon.
"There's another case connected with this one," sabi ni Loki, naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Remember the Chemistry Lab murder case? Inspector Estrada told me during the White Hostel investigation that the
stolen chemical compound from the lab was sodium hydroxide. Assuming that those three women were killed by one
person, I have no doubt why their remains vanished like magic."
I'm not a Chemistry geek so I don't know what sodium hydroxide does. "Ano bang ginagawa ng chemical na 'yon?"
"It's used as a drain clainer. Kadalasan kasing nai-stuck sa drain ang buhol-buhol na buhok ng mga tao kaya ang
chemical na 'yon ang ginagamit," paliwanag ni Loki. "And that chemical can also be used to melt bodies. Human
bodies. Give it a few hours and it will leave no traces of the body except for teeth and nails which can't be dissolved
by the chemical."
Napatakip ako ng aking bibig, nagulat sa potensyal ng chemical na kanyang nabanggit. "Ku-Kung gano'n, posibleng
silang tatlo ay..." Hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin, mukhang nakuha naman niya ang ipinupunto ko.
Then a wide grin formed on his lips. He seemed to be pleased by the idea that those three girls were reduced to
nothing. "And guess who might be behind all these intertwined mysteries? Someone who asked Genesis to steal
bottles of sodium hydroxide from the Chemistry Lab. Someone who might be disappointed that Madonna Barcelon's
image wasn't brought to ruin by her dirty secrets. Someone who decided to use a brutal way of disposing of a person
whom he deemed to be a nuisance."
"M!" napabulalas ako at napatingin kay Loki.
Napatango ang aking kasama. "Judging by how clean these murders are-assuming that they are-mukhang siya nga ang
nasa likod nito. But of course, I don't believe in perfect crimes because those who commit them are humans like us,
prone to errors and imperfection. He must have committed some sort of mistake along the way which will lead us to
him."
"A-Are you okay?" Hindi ko maiwasang itanong ang kanyang kalagayan. M murdered Rhea so knowing that the
culprit is active again could have some effect on him.
"I'm fine, more than fine!" sagot niya. "I'm more thrilled to solve this case knowing that my archnemesis is on the
move. I don't know if he deliberately chose victims whose initials start with M to taunt me or if it's only a coincidence.
But I can feel his evil presence reeking of malicious intentions. This may well be the case that will bring him to justice
once and for all."
As much as I want to help him uncover more of M's tracks, my time in the clubroom was over and I needed to return
to our class for our Filipino subject. Nagpaiwan si Loki roon, wala yata siyang balak pumasok sa kanyang klase. I
guess mas importante para sa kanya ang malutas ang kasong ito kaysa makinig sa mga boring na discussion.
Hindi rin ako makakain noong lunch time. Knowing how those girls could have probably died upset my stomach.
Nagtaka nga si Rosetta kung bakit wala akong gana. Ang sinabi ko sa kanya, nagda-diet ako.
Lumulutang din ang pokus ko sa afternoon period namin. I can't help but think how someone could mercilessly kill
those three innocent students. I felt a sudden urge to solve this case and to make sure, in case they are really dead, that
justice will be served.
But somehow, I hope they are still alive. I hope they were only abducted and locked in a place somewhere in the
school building.
Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, sakting tumunog ang school bell, dumiretso ako sa Q.E.D. clubroom para alamin
kung may updates na sa kaso. Bumungad sa 'kin ang pader kung saan nakadikit ang ilang litrato ng mga nawawalang
estudyante at mga post-it note.
"Had any breakthrough?" Tiningnan ko ang inosenteng mukha ng dalawa pang biktima na ngayon ko pa lang nakita sa
larawan. Gaya ng sinabi ng guard on-duty, magaganda nga sila.
"Did you know that Mylene and Michelle were also last seen in the campus around five o'clock in the afternoon?"
Itinuro ni Loki ang post-it note kung saan nakasulat ang nasabing oras. "Mylene's classmates, who last saw her in
Room 207, told me that she was doing decorations for their classroom. On the other hand, Michelle's clubmates, who
last spotted her in the English clubroom, said she was left alone to finish the posters to be used for recruitment."
"Parang si Madonna na nasa Theater clubroom para ayusin ang mga props na gagamitin sana ngayon."
"Walang traces ng dugo sa mga nasabing room kaya malakas ang kutob kong dinukot sila roon at dinala sa ibang lugar
para doon patayin at paglahuin nang parang magic," sunod niyang itinuro ang post-it note kung saan may nakasulat na
letrang M. "Walang CCTV camera sa bawat palapag ng building na 'to maliban sa entrace kaya wala tayong paraan
upang malaman ang itsura ng salarin. The only thing I know about him is that he has considerable knowledge in
chemistry and has a twisted sense of killing people."
"Sinabi mo na ba kay Inspector Estrada ang mga nalaman mo?"
"If the guy behind this case is really M-and I can feel that he is-there's no need to tell the inspector," sagot niya. He
sounded excited and agitated at the same time. Dahil sa sobrang hyper niya, hindi siya mapakali. "M is my personal
business. He's mine. The police can have him once I'm done exacting my revenge on him."
"Are you planning to kill him? Para maging patas kayo?"
Isang malawak na ngiti ang ipinukol niya sa 'kin. "It will depend on his answer once I catch him. But that's certainly a
possibility."
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero hindi 'yon dahilan para gantihan kung sinuman
ang nagkasala sa kanya. Gusto ko sanang sabihin ang mga salitang 'yon kay Loki but I feared that they would only fall
on deaf ears.
"Now there are some questions that need to be answered," he turned to me. "First, paano nakapasok sa mga room ang
salarin nang hindi pinaghihinalaan ng mga biktima? Kung may papasok dito na mukhang kahina-hinala at bigla kang
lalapitan, ano ang gagawin mo?"
"Ssigaw. Hihingi ng tulong."
"Tama, pero nang muli kong tinanong ang guard kanina kung may narinig siyang sigaw noong mga oras na posibleng
inatake ang mga biktima, ang sabi niya'y wala. Mula five o'clock, tahimik na rito sa campus dahil wala nang
nagkaklase."
"Kagaya ba 'to ng White Hostel case kung saan kilala ng biktima ang salarin kaya siya pinapasok nito?"
"Posible pero mukhang malabo. The three victims don't have a solid connection except the fact that they were last
seen in the campus around five o'clock. Magkakaiba rin ang year nila kaya maliit ang tsansang may common friend
silang tatlo. Whoever he is, I think he's someone you won't suspect the moment he knocks on your door. Ang akala
siguro ng mga biktima, mapagkakatiwalaan ang taong 'yon kaya hindi sila natakot o nabahala sa presensya niya."
Aside from your friends, sino pa bang pagkakatiwalaan mo rito sa school? Sino ang papasukin mo sa classroom o
clubroom nang hindi mo mahahalatang may masama siyang balak sa 'yo? Paulit-ulit kong tinanong 'yan sa sarili ko,
umaasang may sagot na biglang susulpot sa aking utak.
"Next question, paano nailipat ng salarin ang kanyang mga biktima mula sa mga room nila papunta sa kung saan niya
sila papatayin?" Ilang beses na inikutan ni Loki ang aming mesa habang nagsasalita. Halos mahilo na nga ako sa
kanya. "Sa kaso ni Madonna, may iilan pang nasa school building noon. Masyadong risky kung bubuhatin niya ang
walang malay na katawan ng biktima kasi baka may makakita sa kanya. Unless meron siyang invisibility cloak
katulad ni Harry Potter, hindi siya magkakaproblema."
"Posibleng nilagay niya ito sa malaking lalagyan," tugon ko. Naalala ko ang nangyari noong isang linggo kung saan
may nakita akong batang housekeeper na ngumiti sa 'kin bago tinakpan ang bibig ko ng panyong may pampatulog.
"Noong ipinadukot ako ni Margarette, ipinasok yata nila ako sa malaking kahon at dinala sa costume room kaya
walang nakapansin."
"Pwede," napahawak sa kanyang baba si Loki at saka napatango. "May isa pa akong tanong pero mukhang ang guard
sa ibaba ang tanging makakasagot noon. Okay lang ba na iwan muna kita rito?"
"Sige, basta bilisan mo."
Kaagad na lumabas ng clubroom si Loki at nagtungo sa hagdan habang ako'y naiwang mag-isa rito sa clubroom. Muli
kong tiningnan ang mga nakadikit sa pader, baka sakaling may ideyang mag-pop sa utak ko. Kumpara sa mga nauna
naming kaso, masyadong malawak ang scope ng missing persons case na 'to. Sa dinami-dami ng tao rito sa high
school building, hindi magiging madali ang paghuli namin sa malaking isdang 'yon.
Lumipas ang dalawampung minuto pero hindi pa rin bumabalik si Loki. Mukhang napahaba ang pagtatanong niya sa
guard o kaya'y may pinursue siyang ibang leads.
Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas ang pinto.
"O, ang tagal mo yata sa baba? May nakuha ka bang bagong imporma-"
"Ay, pasensya na, ma'am. Housekeeping services po." Imbes na si Loki, isang lalaking may katangkaran na nakasuot
ng kulay puting uniporme ng mga housekeeper ang pumasok sa clubroom. May dala-dala siyang cart kung saan
nakapatong ang isang malaking drum na posibleng naglalaman ng mga naipon niyang basura.
Hinayaan ko siyang pumasok sa loob at walisin ang mga kalat sa sahig habang ako'y abala sa pag-iisip sa anggulong
baka hindi namin nakita ni Loki.
Pero teka, talagang pamilyar ang mukha ng housekeeper na 'to.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "Excuse me, nagkita na ba tay-"
Bigla niyang tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo habang mahigpit akong hinahawakan. Nang matitigan ko siya sa
mukha, muli kong naalala kung sino ang payat at matangkad na lalaking 'to. Hindi kagaya noong una naming
pagkikita, walang nakalagay na makapal na eyeliner sa kanyang pilikmata.
Kung hindi ako nagkakamali, siya si John Bautista, isa sa mga suspek noong Chemistry Lab murder case.
Unti-unting sumara ang mga mata ko at tuluyang nahimbing sa kadiliman.
***
Madilim. Masikip. Nahihirapan akong makahinga.
Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko, parang may lubid na nakatali sa 'kin. Sinubukan ko ring sumigaw pero
nakatapal sa bibig ko ang malaki at malagkit na tape.
Napatingala ako nang biglang may pumasok na liwanag mula sa taas. Doon ko napagtantong nasa loob ako ng isang
malaking drum. Nakatitig ang mga mata ni John sa 'kin, nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.
"Sa wakas, gising ka na. Naging maganda ba ang panaginip mo?"
Wala akong nagawa kundi umungol at ipakita sa kanya ang mga magkasalubong kong kilay.
Ngayon, alam ko na ang sagot sa mga katanungan ni Loki, kung bakit hindi nakasigaw ang tatlong biktima nang may
pumasok na kahina-hinala sa room nila at kung paano nito nailipat ang mga katawan mula sa pinagkuhanan niya
papunta rito kung saan man niya ako dinala. Sino nga bang magsususpetya sa isang housekeeper na ang trabaho'y
siguruhing malinis ang bawat kwarto at pasilyo rito sa campus? Malamang kapareho ng ginawa niya sa 'kin ang
kanyang ginawa sa tatlong biktima: magpanggap na maglilinis tapos biglang patutulugin at ilalagay sa dala-dalang
drum sa cart ang mga target.
At dahil nakasuot ng unipormeng pang-housekeeper si John, hindi mo aakalaing estudyante talaga siya maliban kung
kilala mo siya sa personal. Malilinlang kahit sino sa galing niyang magbalat-kayo.
But now is not the time to praise him. My life is in danger here.
Gusto kong itanong kung siya si M, ang taong ilang buwan nang hina-hunting ni Loki. Pero dahil sa tape sa aking
bibig, hindi ko magawa. Kainis.
"Don't blame me, Lorelei. Blame that detective who loves prying into other people's business." Ngayon ko lang na-
realize na nakakapangilabot pala ang boses niya, baka dahil alam kong nasa panganib ako at hawak niya ang buhay
ko. "Hindi ko inakalang makikialam na naman siya matapos ang nangyari sa kanyang kaibigan."
Kung gano'n, posible nga kayang ang lalaking 'to ay si M? Kung makapagsalita kasi siya, parang matagal na silang
nagkaengkwentro ni Loki.
Inilabas niya ang kanyang phone at may idinial sa screen nito. Sa bawat pagpindot niya, lumikha ito ng tunog na
kapag pinagsama-sama'y parang tune ng isang pamilyar na kanta. Naka-on yata ang keypad tones niya.
"Mukhang kailangan ulit nating turuan ng leksyon ang lalaking 'yon," sabi niya sa kanyang kausap habang nakangisi
sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang kanyang pananabik na pumatay. "Tingnan natin kung hindi pa siya madala sa
gagawin ko."
Ibinaba na niya ang tawag habang paulit-ulit akong umungol at pilit na itinutumba ang drum na kinalalagyan ko.
"Sayang naman ang ganda mo pero ganyan talaga ang buhay. May mga inosenteng nadadamay."
Umalis muna siya sa paningin ko at bumalik na may hawak-hawak na puting bote. "'Yong mga nauna sa 'yo, pinatay
ko muna bago ko sila inilublob sa isang drum ng kemikal na 'to. Dahil espesyal ka, hahayaan kong maramdaman mo
kung paano matunaw ang balat, laman at buto mo. Exciting, 'di ba? Hehehe."
Tumindig ang mga balahibo sa kanyang tawa. Ni hindi man siya nakokonsensya sa ginawa niyang paraan ng pagpatay
sa mga babaeng 'yon. Parang pumatay lang siya ng ipis.
At dahil mukhang ako na ang kasunod, hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan. Ipinikit ko ang mga
mata ko at nanalangin, umaasang sana, may dumating para iligtas ako mula sa malupit na tadhanang 'to... gaya ng
nangyari noon.
"Loki.... tulong..."
"Manalangin ka na dahil hindi ka na makakapag-concentrate mamaya kapag hinaluan ko na ng tubig ang kemikal na
'to." Narinig kong bumukas ang takip ng bote. "O ano, natawag mo na ba ang mga sant-"
Biglang natigil sa pagsasalita si John. Sunod akong nakarinig ng pagbagsak ng isang mabigat na bagay sa paligid.
Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa taas. Nakita kong nakatayo si Loki pero may kakaiba sa itsura niya. There
was a gleam of rage in his widened eyes while a wicked smirk flashed on his face. I could hear John moaning as Loki
repeatedly kicked him.
"I have waited so long for this moment, M," he growled as he gritted his teeth. I could feel a mixture of anger and joy
in his modulated voice. Finally, after how many months of hunting, he found the person he had been looking for, now
beaten up and probably bleeding. He then turned to me and helped me out of the drum. "Are you okay, Lorelei?"
Tinanggal niya ang tape sa bibig ko at inalis ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Napayakap ako nang mahigpit
sa kanya at halos mapaiyak. Kundi dahil sa kanya, baka natunaw na rin ang katawan ko.
"Do-Don't worry. I'm here now." Medyo na-awkward-an yata siya sa pagyakap ko kanya. He just tapped me on the
shoulder instead of wrapping his arms around me.
Nang inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, halos masuka ako na makita ang mga cadaver na nakahilera sa gilid.
"Pa-paano mo nalamang-" Gaya ng inasahan, dumudugo ang ilong ni John at mukhang pumutok ang isa niyang ugat
sa kilay. Pilit siyang gumagapang palayo sa amin pero hinihila siya pabalik ni Loki.
"Sodium hydroxide creates a malodorous smell when it's melting a human body," paliwanag ng kasama ko. "The
guard told us that when he was making rounds at seven o'clock, he can't help but notice the repulsive smell from the
anatomy room. He thought it was the cadavers' decomposing body. But no, it wasn't. You locked your victims inside a
drum filled with sodium hydroxide and let the chemical melt their bodies for hours. When the morning comes, you go
here to dispose of their liquified remains."
Ang akala ko noong una'y tutulungan niyang tumayo si John. Pero nagulat ako nang bigla niya itong ipinasok sa drum.
Napadaing sa sakit si John mula sa mga sugat at bubog na tinamo niya sa paulit-ulit na paninipa ng aking kasama.
Kinuha ni Loki ang nahulog na bote ng sodium hydroxide at ipinakita ito sa salarin. "I must say I'm a little bit
disappointed, M. I thought you were a bit smarter than most criminals that I have encountered."
"Te-Teka, anong balak mong gawin? Dapat na nating tawagan ang campus police!"
"I told you earlier. M is my personal business," ibinalik niya ang tingin sa suspek na halos hindi na maipinta ang
mukha sa sakit na nararamdaman. "Now I want to ask you a question. Do you regret killing Rhea more than six
months ago?"
Napangiti lamang si John habang umiiling. Napatawa pa siya nang mahina habang nakatingin kay Loki.
"Okay. Let's do it the old way. An eye for an eye, a tooth for a tooth," nanginginig ang kamay ni Loki na may hawak
sa bote ng kemikal. "You killed those women by melting their bodies, I will do exactly the same to you. Kulang pa
nga ito para sa mga kasalanang nagawa mo, para kay Rhea."
Muling umiling si John at napapikit. "Hindi... Nagkakamali ka. Hindi ako si M."
"Oh? So now you're denying it?" napataas ang kaliwang kilay ni Loki. "If only you didn't kill Genesis, he could have
confirmed that you are M, Mori or Moriya. He must have known who you really are that's why you decided to silence
him while the police were escorting him out. You were so close to him that shooting a needle laced with poison would
not be too difficult for you."
"Oo, ako nga pumatay sa kanya at sa tatlong babaeng 'yon... pero hindi ako ang pumatay kay Rhea."
"LIAR! Don't play with me!" Nanggagalaiti na sa galit si Loki.
"Maniwala ka... sa akin."
"Meh, I don't need to believe any word you say. I just need to melt your flesh and bones."
"Tama na!" Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay bago niya pa maibuhos ang laman ng bote. Pilit siyang
nagpupumiglas sa hawak ko habang nakatingin sa akin ang mga matatalim niyang mata.
"What do you think you're doing, Lorelei?!"
"Kapag ginawa mo 'yan, wala kang pinagkaiba sa kanya!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "You will
also turn into a murderer like him! What do you think Rhea would feel kapag nalaman niya 'yon? Do you think she
will be happy to hear that you killed someone because of her? Think about it!"
Nabitawan ni Loki ang hawak na bote at napatulala sa 'kin. Napansin ko ang pagbabatis ng mga mata niya na tila
maluluha na siya anumang sandali mula ngayon.
He quickly looked away, trying to hide his face from me. "You're right. I'm not like him. I don't want to be like him."
Inilabas niya ang kanyang phone at may idinial na numero. "Hello, inspector. We caught the person behind the
missing students case. You can pick him up at the anatomy room."
Nang matapos ang kanyang tawag, lumabas siya nang hindi nagpapaalam.
***
Walang kumibo sa aming dalawa ni Loki pagdating namin sa apartment. Tahimik siyang nakaupo sa couch habang
ako'y dumiretso sa aking kwarto para makapagpahinga.
Nang madatnan kami ng mga campus police officer kanina sa fifth floor, pinayuhan nila akong magpatingin sa clinic
para makita kung nagdulot ng trauma sa 'kin ang attempted murder. Sinabi kong wala silang dapat ikabahala at kaya
ko ang aking sarili. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nalagay ako sa gano'ng klaseng sitwasyon.
"Loki, may naghahanap sa 'yo. Taga-campus police daw," narinig ko ang boses ni Tita Martha mula sa sala kaya
lumabas ako ng kwarto. Nakita kong pumasok si Inspector Estrada kasama ang dalawa pang police officer.
"Kumusta, inspector? Umamin na ba si John Bautista a.k.a. M?" pambungad na tanong ni Loki, magkadikit ang mga
daliri niya na tila nananalangin.
"Ilang beses namin siyang tinanong kanina. Umamin siya sa pagpatay sa tatlong babaeng nawawala at sa paglason kay
Genesis. Pero paulit-ulit niyang itinanggi na siya si M," sagot ng inspector, dismayado yata siya sa kinalabasan ng
interogasyon.
"At?" Mukhang napansin din ng roommate ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng beteranong pulis. "May
nangyari ba?"
Napatingin sa sahig si Inspector Estrada, tila nagdadalawang-isip kung dapat banggitin ang isang piraso ng
impormasyong konektado sa nangyari. Huminga muna siya nang malalim bago niya ibinahagi ito sa amin.
"Noong tinanong namin siya kung may nag-utos sa kanyang gawin ang mga krimeng 'yon, ang sabi niya'y meron.
Sinimulan niyang ilarawan ang taong tinutukoy niya... nang bigla siyang mag-collapse sa inte

Volume 1 • Chapter 11: A Sequence of Knocks and Scratches


A/N: The Moriarty hunt begins! Can you figure out his identity before our protagonists?

LORELEI
Mo-Mo-Ri-Ya--Mo-Mo-Ri-Yar-Ti Mo-Mo-Ri-Ya--Mo-Mo-Ri-Yar-Ti
PARANG SIRANG plaka na paulit-ulit sa pagtugtog ang kantang 'yon. It sounded like a chant of an indigenous tribe
somewhere in the mountains. Ang mas masaklap, dinig na dinig 'yon hanggang sa kwarto ko. Sinubukan kong takpan
ng unan ang mga tenga ko pero mukhang ayaw akong lubuyan ng tunog na 'yon.
Kaagad akong bumangon sa kama at lumabas ng aking kwarto. Iisang tao lamang ang kilala ko sa mundong ito na
magpapatugtog ng gano'ng kawirdong kanta ngayong alas-singko ng umaga.
"Akala ko may isinasagawa kang ritwal dito." Napasandal ako sa may pintuan at nagkrus ang mga braso habang
pinagmamasdan si Loki na nakatayo't nakatulala sa harap ng dinekorasyong pader. Sa gitna nito'y nakadikit ang post-
it note kung saan nakasulat ang pangalang "Moriarty" habang sa paligid nama'y nakadikit ang mga litrato ng tatlong
artista. Tanging si Natalie Dormer ang nakilala ko dahil gumanap siya bilang Maegaery Tyrell sa Game of Thrones.
"Mas engaging kung sasabayan mo ng tunog ang pag-iisip," tugon niya nang hindi nagpupukol ng tingin sa direksyon
ko. "Just so you know, ang naririnig mo ngayon ay remix ng huling salita ni John Bautista bago siya nalagutan ng
hiningi. I asked an acquaintance of mine to do it."
I would be surprise if he used the word "friend." Lumapit ako sa tabi niya para malapitang makita ang tatlong artista.
"At kailan mo pa naisipang magtayo ng gallery dito sa sala natin?"
"I assume that you don't recognize all of them. Those three are the actors and actress who played Moriarty in the
recent adaptations of Sherlock Holmes." He then turned to me. I can't help but notice that the circles below his eyes
got darker and deeper. "Just so you know, Moriarty-or Prof. James Moriarty-is considered as the arch-nemesis of
Holmes. He is the Napoleon of crime, the organizer of half that is evil and nearly all that is undetected. He is a genius,
a philosopher, an abstract thinker. He has a brain of the first order."
That somehow sounds like the man he has been hunting for months. Hindi pa namin nakikita sa personal ang
misteryosong taong 'yon pero sapat na ang mga nakalap naming clue mula sa mga konektado sa kanya para makabuo
kami ng sariling impresyon. The character he described to me was purely fictional while the other one exists in the
real world.
"How dare he used the name of my most favorite antagonist!" Nagpalakad-lakad sa harap ng pader si Loki habang
nakakrus ang mga kamay at napapahaplos sa baba. "If he really wants to play Moriarty, then I will play Holmes. Let's
see who will win in the end."
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang malaman namin ang codename na Moriarty. We met two people who have
contacted him but both of them are now dead. Mukhang ipinapadispatsa niya ang mga taong posibleng makapagturo
sa kanya.
And then I remembered something.
"Teka, na-check na ba nina Inspector Estrada ang phone ni John?" tanong ko, dahilan para mapatigil si Loki sa
kanyang nakakahilong paglalakad.
"Phone? The inspector didn't tell me anything about a phone," kumunot ang mga noo niya habang nakatitig ang mga
nagtatanong na mata sa akin. "Is there anything of importance in his gadget?"
"Nakita ko kasi siyang may tinawagan. Sinabi niya sa taong nasa kabilang linya na tuturuan ka niya ng leksyon.
Posible kayang ang kausap niya noon ay si Moriarty?"
I heard a familiar tune when John dialed the number on the screen. I just couldn't remember what it is.
"I can't tell, but that's indeed possible," napatango si Loki't napatingin sa ibang direksyon. "After all, it was Moriarty
who ordered him to dissolve the bodies of those three poor ladies. Tsk! Why do I get a strange feeling about this
case?"
"Strange?"
"We now know that there are people working under Moriarty. There's a possibility that someone in the campus police
is an agent of him. That would explain how John was poisoned and why the inspector didn't report anything about a
phone to me. Someone among their ranks must have hidden or disposed of it before it was examined."
I can't imagine how someone like Moriarty could have an influence over the police. But the possibility exists and it
explains the mystery behind John's poisoning.
"For now, we should keep any information to ourselves," he sat on the couch and stretched his thin legs. "Kung may
espiya o tauhan siya roon, mas dapat tayong maingat."
"Teka, teka. Bakit 'we'?"
"Huh?" Loki raised an eyebrow and his sleep-deprived face shot a questioning gaze. Kaunti na lang, magiging
kamukha na niya ang mga zombie sa Walking Dead. "You are now involved in this case, Lorelei. The fact that
Moriarty asked John to melt you into liquid means that you are now on his target list."
By target list, he probably meant that something tragic might happen to me one day. Siguro habang naglalakad ako sa
gilid ng school building, may malalaglag na paso o kaya habang naglalakad ako ng palabas ng campus, may haharurot
na kotse at sasagasaan ako. We don't really know how many murderous plots Moriarty has on his brilliant mind so the
list of possible scenarios is endless.
Naisip ko na noong isang araw na baka tama ang sinabi ni Margarette. Maybe I shoudn't have associated myself with
Loki. Wala sigurong mangyayaring masama sa akin nitong mga nakaraang linggo o kaya'y hindi ako nasangkot sa
iba't ibang kaso. My life would have been peaceful. But will my high school life be grey and boring then? I can't deny
that I feel the thrill whenever we go out and solve problems, though I express pity for students who met tragic fate.
"Well, you will be there to save me again, right?" I turned around and walked into my room, leaving him with a
curious face behind.
***
After the first half of our morning period, I went to the clubroom to check out on Loki. Who knows? Baka may
seemingly uninteresting na kasong magtuturo sa amin tungkol sa katauhan ni Moriarty.
Nakakalat ang mga papel na may pangalan niya sa mesa. Mga quiz niya 'yon sa iba't ibang subject. And to my
surprise. I saw a number of papers with zeroes on top. May mga sagot pa siya na hindi related sa subject kung saan
sila nag-exam.
Loki didn't strike me as a dull or person with low IQ. If he can crack codes and solve cases, that would mean he's
intelligent enough to get high grades in school. Pero iba ang ipinakita ng mga quiz niya sa 'kin. How could a smart
man like him get a series of zeroes in his exams?
"I know what you're thinking," his sleepy eyes stared at me for a moment as if he's trying to read my mind. "You're
disappointed that I got failing scores in my exams."
"Hindi ako disappointed," kinuha ko ang isa sa mga 'yon at tiningnan ang malinis niyang papel na wala kasing isang
sagot. Hindi man siya mag-effort manghula baka sakaling tumama. "I just can't believe that you get zeroes. Sa talino
mong 'yan?"
He waved his left hand and turned away from me. "Unlike you and most students here, I don't want to be enslaved by
the numbers system. Everyone wants to get high grades on their class cards. Everyone wants to be among the top ten
so they can march on the stage during recognition day. Everyone is so obsessed with numbers!"
"Is that your excuse kung bakit nakakuha ka ng zero? Ay, mali. Zeroes pala dapat. Plural."
Muli siyang humarap sa 'kin, mukhang na-offend siya sa sinabi ko. "If I want to perfect those quizzes, I could. But I
chose not to because that would be boring. May mga kaklase akong nakikipagpatayan at nagsisiraan para sa grades. I
don't want to be one of those savages. What matters for me is this club."
Kailan ba siya nagkainteres sa ibang bagay maliban sa mga kasong inilalapit sa kanya? He's not interested in making
acquaintance with other human beings. He finds no pleasure in exercising his brain by memorizing tons of useless
stuff just to get a high score in exams. Ilang linggo na rin kaming magkasama pero isa pa rin siyang malaking
misteryo sa akin.
"Aren't you worried na baka umulit ka sa year mo? Graduating ka na next year, 'di ba?"
He showed me a devilish smirk, a sign of his confidence. "I have 101 ways to ensure that won't happen. You have
been with me the past few weeks. You know what I am capable of doing."
Yeah, probably he has some tricks in his sleeves. Sabi nga niya, ilang linggo ko na rin siyang kasama kaya segurado
akong hindi siya gagawa ng isang bagay na hindi siya handa. Kumbaga, hindi siya lulusob sa digmaan nang walang
armas at sakay na kabayo.
Then a knock caused our heads to turn to the door. It creaked open and a familiar face emerged. It was Rosetta.
"Hi! Pwede bang pumasok?" tanong niya sa amin, suot ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
"Sure, come in." Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa isa sa mga monobloc chair na malapit sa akin.
"Mabuti't napadaan ka rito?" How stupid of me to ask that question. Siyempre pumunta siya rito para humingi ng
tulong sa amin.
Rosetta closed her eyes as if collecting her thoughts. "Gusto ko sanang hingin ang opinyon n'yo. I'm speaking on
behalf of the Paranormal Club."
"Oh?" Napaturo sa kanya si Loki. "Ikaw 'yong nakita namin sa White Hostel. You're Rosalinda, right?"
"It's Rosetta," pagtatama ko sa kanya. Bakit ba hindi siya matandain sa pangalan? Noong una kaming nagkita rito sa
clubroom, tinawag niya akong Lorraine.
"Yup, ako nga 'yon."
"So what does a member of the paranormal club want to consult from us?"
Our client-and also my classmate-cleared her throat first. "Nag-ghost hunting kami kasi sa school building last week
sa abandoned building. Part ng club activities namin. Ang sabi kasi nila, may white lady na nagpapakita roon. Pero sa
limang araw naming paglilibot sa bawat pasilyo at kwarto, wala kaming nakita. Tapos, kahapon, ipinagpatuloy namin
ang ghost hunting. Naglalakad kami sa second floor nang bigla kaming may narinig na kakaibang tunog."
"Kakaibang tunog?"
"Parang may paulit-ulit na kumakatok na sinusundan ng kaluskos," napatingin sa akin ang mga nanlaking mata ni
Rosetta.
Nanindig ang mga balahibo ko matapos marinig ang kanyang kwento. Hindi ako naniniwala sa mga bagay na hindi ko
nakikita. Sabi nga nila, to see is to believe. Pero may something sa kwento ni Rosetta na nakakapangilabot.
"Teka, baka may iba kayong kasama sa building o kaya isa sa mga member n'yo ang nananakot sa inyo?" tanong ko.
"Sa apartment kasi namin, may sinasabi rin silang multo. But it turned out na prank lang pala ng tenant 'yon."
I shot a sideward glance to Loki who quickly avoided my gaze. I remembered the brief horror experience that he put
me through in my second week at Room 302.
"Imposible 'yon," iginiit ni Rosetta, bahagyang tumaas ang kanyang boses. "Magkakasama kaming naglalakad sa
bawat hallway noon kaya malabong isa sa amin ang nananakot. Wala rin kaming napansing ibang tao roon."
"Baka guni-guni n'yo lang? Or maybe it's just the wind?" hula ni Loki na nakatuon sa ibang bagay ang atensyon.
Kahit hindi namin sinasabi, biglang inilabas ni Rosetta ang kanyang phone at inilapag ito sa mesa. May pinindot muna
siya sa screen bago namin nalaman kung anong ipapakita o ipaparinig niya.
"Nasa second floor na tayo ngayon. So far, wala pa kaming nakikitang multo rito."
"Mukhang wala nga talaga. Ilang beses na tayong bumalik dito."
"Naisahan yata tayo noong estudyanteng nagsabing may white lady rito."
"Sa susunod kasi, i-confirm n'yo muna kung totoo para hindi nasasayang ang oras natin."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan... na sinundan ng tatlong malalakas na katok.
"G-Guys, na-narinig n'yo ba 'yon? Guys?"
Sinundan ito ng tatlong kaluskos, parang mga daliring kinakalmot ang metal na bagay.
"Guys, hindi magandang joke 'yan!"
"Hoy, sino ba 'yang nananakot na 'yan?"
Muli naming narinig ang tatlong katok bago namayani muli ang katahimikan sa recording.
"O, umaamin na kayo. Sino ang may pakana noon?"
"Paano namin magagawa 'yon e magkakasama tayo?"
"Ta-Talaga? Ku-Kung gano'n, ma-may iba ta-tayong kasama rito?"
Sa ikalawang pagkakataon, muling may kumatok nang tatlong beses, sinundan ng tatlong kaluskos at nagtapos sa
tatlong katok ulit. Nagsitilian ang mga estudyanteng kasama sa recording, dinig na dinig ang mga mabibilis nilang
yabag. May mga napamura pa nga habang tumatakbo sila.
"Yan ang recording namin kahapon," kinuha ni Rosetta ang kanyang phone at ibinulsa. "Hindi improvised ang tunog
na 'yon at walang halong edit ang narinig n'yo. May ghost hunting kami kasi mamaya kaya gusto ko sana kayong
imbitahan para hingin ang opinyon n'yo kung multo ang narinig namin."
Loki's brows met as he looked at me in the eye. "Tell me, Lorelei, since when did we start investigating some
paranormal stuff?"
"Don't you find it interesting?"
"Paranormal cases are the turf of the Paranormal Club. That's the purpose of their organization, to investigate if there's
something supernatural or if it's only a hoax." That was Loki's other (and longer) way of saying no. "To be honest, it's
unclear to me why the committee on non-mandated org aprroved their club. There's no such thing as ghosts so their
existence in the list of clubs is a big joke."
Napatingin sa baba si Rosetta, tila nasaktan sa mga salitang binitawan ng kasama ko.
"Loki, timing!"
"Did I say something wrong?" he wondered, flashing a curous yet innocent facade.
I rolled my eyes and looked at Rosetta. Biglang nagliwanag ang mukha niya at isang ngiti ang puminta sa kanyang
mukha.
"May palabra de honor ka ba, Loki?" tanong niya.
"And that question is relevant because...?"
"Sinabi mo sa akin noong nagkita tayo sa White Hostel na tatanawin mong malaking pabor kapag isinubmit ko sa
CHS Confessions ang photo n'yo habang nag-iimbestiga."
Loki's mouth opened, preparing for a rebuttal but he stopped halfway. He probably realized that he said something
along those lines. Kahit ako narinig kong lumabas 'yon sa bibig niya.
"Iisipin kong patas na tayo kapag tinulungan n'yo kaming alamin ang misteryo sa likod ng tunog na ipinadinig ko sa
inyo."
The two of us exchanged glances before he replied to Rosetta. "I can deny that I made such statements but I can read
from the face of my partner that she wants to help you out. Very well, we will return the favor."
Lalo pang lumawak ang ngiti ng kliyente namin, halos umabot na sa kanyang tenga. "Thank you! Hintayin namin
kayong dalawa mamaya sa tapat ng abandoned high school building, ha?"
And with that, Rosetta took her leave. Loki got to his feet and started walking around the room with his arms crossed.
Parang nagsisisi siya sa pagpayag niyang imbestigahan ang isang supernatural case.
"I can't believe that we will go on ghost hunting later! I should be solving cases that will lead me to Moriarty!" He was
shaking his head, looking troubled.
"Hey, you deserve a breather case like this one kaya huwag ka nang magreklamo diyan," sinundan ko ng tingin ang
paglalakad niya. "Gusto mo bang laging patayan ang iniimbestigahan natin?"
"I hope someone will walk through that door and ask us to solve a more engaging case," he sat on his chair. "I need a
distract myself from thinking about the ghost hunt later."
Probably the Heavens heard his plea and the Gods decided to grant it immediately. Muling bumukas ang pinto at
pumasok ang isang lalaking may katangkaran. Usually, mga estudyante ang humihingi ng aming tulong. Pero sa
pagkakataong ito, isang professor na may pamilyar na mukha ang aming kliyente.
"Sir Jim!" napabulalas ako habang nakatingin sa nakangiting mukha ng aking Mathematics instructor. Kumpara sa
mga middle-aged na teacher dito sa school, bata pa ang itsura ni sir, malamang nasa early twenties niya. Maayos
siyang manamit, wala kang makikitang gusot sa kanyang suot na polo't pantalon at nakasabay sa uso ang istilo ng
kanyang buhok.
"Lorelei? Member ka pala ng club na 'to?" Inayos ni Sir Jim ang pagkakalagay ng kanyang black-framed na salamin at
lumapit sa kinauupuan ko. Medyo malambing ang kanyang boses. Kung nakapikit ka, aakalain mong babae ang
nagsasalita. "Mahilig ka palang lumutas ng mga mystery dito sa campus. Wala sa itsura mo, a."
"By the way, sir, siya po pala si Loki, ang club president namin," itinuro ko ang aking kasama na nakatayo sa kabilang
dulo ng mesa. "Loki, si Sir Jim Morayta, Math instructor namin."
"Loki? Kagaya ng Norse God of mischief?" Iniabot ni sir ang kanyang kamay. "Pleased to meet you."
Tinitigan muna ni Loki nang ilang segundo ang inaalok na kamay ng aking instructor bago niya kinamayan ito. "Same
here, sir."
"Bakit po kayo naparito, sir? May problema rin ba kayo?"
"Hindi ko alam kung kayo ang dapat kong pagsabihan nito. I merely followed my instincts."
"Don't tell me you murdered someone or you found someone's decomposing corpse somewhere in school?" Tuloy-
tuloy ang pagsasalita ni Loki na parang tren na walang preno. "If that's the case, sir, we are obliged to offer you our
assistance. This is way better than hunting a ghost that doesn't exist."
Napatitig ang mga napakurap na mata ni sir kay Loki bago muling ibinaling ang tingin sa akin. Hindi niya siguro
inasahan na gano'n ang attitude ng kasama ko. "Walang involved na patay rito. Meron kasi akong estudyante sa Grade
10-si Stein Alberts. Magaling siya sa Math. Kaya niyang sagutin kung ano ang square root ng kahit anong number sa
loob ng ilang segundo. Kumbaga, isa talaga siyang math wizard."
Napatango ako habang nakikinig sa kanyang kwento. Si Loki, hayun, malayo ang tingin na parang hindi interesadong
makinig.
"Ngayong araw gaganapin ang screening para sa isasabak namin sa Math-inik Competition sa susunod na buwan. Ang
kaso, hindi siya pumasok sa klase kanina," pagpapatuloy ni Sir Jim. "Dahil siya ang pambato ng seksyon nila, ginawa
namin ang lahat para makontak siya. Tinawagan at tinext na namin siya pero hindi sumagot. Chinat na rin namin sa
Facebook pero wala kahit 'yong 'seen' mark."
"At kailan n'yo siya huling nakita?" Humirit si Loki, mas mabilis pa sa pagiging moody ng babae ang pagbabago ng
kanyang reaksyon. "Meron bang huling nakakita sa kanya?"
"Sabi ng mga kaklase niya, nakita nila siya sa library bandang alas-kwatro ng hapon," sagot ni Sir Jim. "Ewan kung
bakit nandoon siya gano'ng hindi na niya kailangang mag-review para sa screening. Seguradong makakapasok naman
siya sa galing niya. Ni hindi rin siya umuwi sa kanilang dorm."
Nagpukol ako ng tingin kay Loki, mukhang pamilyar kasi ang kasong ito. "Sa tingin mo ba, involved dito si Moriarty?
Ganito rin ang nangyari kina Madonna, 'di ba? Huling nakita sa school pero hindi nakauwi sa kanila."
"We can't say for sure," marahang umiling si Loki habang hinahaplos ang kanayng baba. "The circumstances of this
case and those incidents are strikingly similar but... I don't get any Moriarty vibe from this."
"Moriarty?" pag-uulit ni Sir Jim. "Sino si Moriarty?"
"Ehem!" Loki forced a cough to distract our client. "So... have you tried talking to anyone in the library, sir?"
"Masyado akong busy ngayong araw kaya hindi pa ako nagagawi roon."
"Kung hindi po nakapasok sa screening ang estudyante n'yo, sino ang magiging pambato ng Grade 10?" tanong ko.
"Si Monica Segundo, ang rank number two sa klase. Alam kong matagal na niyang pinapangarap na makasali sa math
contest. Dahil wala si Stein, natupad na rin 'yon sa wakas."
"Mukhang kailangan muna naming magtanong-tanong sa library kung may nakakaalala sa nangyari sa kanya. Pwede
n'yo ba kaming bigyan ng picture niya para may maipakita kami?"
Sinend sa 'kin ni Sir Jim ang litrato ni Steins bago siya nagpaalam na tutuloy sa kanyang klase. Bumalik muna kaming
dalawa ni Loki sa mga classroom namin at nagkasundong magkikita sa tapat ng library pagdating ng lunch time.
Nang tumunog ang bell pagpatak ng alas-dose, dumiretso na ako sa meeting place. Nasa hiwalay na building ang
library kaya kinailangan ko pang maglakad nang ilang kilometro sa ilalim ng sikat ng araw. I could feel the scorching
sun above as the heat made me uncomfortable and sweaty. On my way, napalingon ako sa isang direksyon kung saan
matatanaw ang abandoned school building. Naalala ko tuloy ang pagsama naming dalawa ni Loki sa ghost hunt ng
Paranomal Club mamaya.
By the time I reached the entrance of the library, I didn't see him or a glimpse of his shadow. Sakto namang tumunog
ang phone ko't naka-flash ang pangalan niya.
"Hey, Loki, nasaan ka na? Hindi ba twelve o'clock tayo magkikita rito sa library?" Wala nang hi or hello, dire-diretso
ko na siyang tinanong.
"Kung ayaw mong makakita ng mga lumilipad na libro diyan, mas mabuti kung hindi ako pupunta." I could hear some
inaudible chit-chats from the background, parang nasa lugar siya na maraming tao. "Thus I will be leaving the
investigation in the library to you."
"Huwag mong sabihing may ginawa kang kalokohan sa library?"
"It's a long story but yeah. Naka-blacklist ako riyan kaya hindi ako pwedeng tumapak diyan. Good luck to your
questioning."
At binaba na niya ang kanyang tawag. Wala akong nagawa kundi magpatuloy nang mag-isa.
Nakapatay pa ang ilaw ng library nang pumasok ako, mukhang nagtitipid sila ng kuryente. Tahimik. Malinis. Walang
katao-tao, pwedeng gawing shooting location para sa isang horror film. Siguro'y inaamag na ang mga libro dito, lalo
na 'yong mga ilang dekada nang naka-stock, dahil walang gumagamit ng mga 'yon. Ngayong nasa internet age na tayo
at halos lahat ng kaalaman at kasagutan ay pwedeng sagutin ni Google, bihira na lamang ang makikita mong pupunta
sa library.
Nagtungo ako sa librarian's desk kung saan nakapwesto ang matabang babae na pandak, may suot na salamin na
dumudulas sa kanyang ilong. Permanente na yatang nakakunot ang kanyang noo at halos magtagpo ang kilay niya.
Noong unang bisita ko rito ilang linggo na ang nakalilipas, gano'n na ang itsura niya. Hanggang ngayon, gano'n pa rin.
"Excuse me, ma'am?"
"O, anong kailangan mo?" Sinadya niyang binagsak ang mga hinahawak niyang libro bago tumingin sa akin. Matinis
ang kanyang boses at talagang maiirita ka kapag narinig mo. Gusto ko ngang takpan ang tenga ko at makipag-usap via
sign language. "May nakalimutan kang isauling libro o may nawala ka?"
"May itatanong lang po sana ako. Busy po ba kayo?"
Tinitigan niya ako nang masama na parang may nasabi akong mali. "Ako, busy? Sa dinami-dami ng ibabalik kong
libro sa mga bookshelf, sa tingin mo ba hindi ako busy? Anyway, kung may gusto kang itanong, itanong mo na.
Sayang ang oras ko."
My eyes twitched at the tone of her voice. Siguro wala nang ibang choice ang HR ng school kaya siya ang inilagay
rito. "Nakita n'yo ba ang lalaking ito kahapon bandang ala-singko?"
Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang litrato. Kinailangan niya pang ayusin ang kanyang salamin
at tumutok sa screen. "Ah, nakita ko nga ang lalaking 'yan. Paano ko siya makakalimutan? Iniwan niya ang kanyang
bag sa loob ng library. Hinintay ko siya ng thirty minutes at napa-overtime ako nang wala sa oras. Pero hindi na siya
bumalik. Kung hinahanap n'yo ang gamit niya, heto, itinago ko. Huwag kayong mag-alala, wala akong kinuha riyan."
"Basta-basta niya iniwan dito ang mga gamit niya?"
"Bandang 4:30 nang lumabas siya, parang nagmamadali," kwento ng librarian na nagpatuloy sa pag-aayos sa mga
librong ibabalik niya sa shelf. "Siya na lamang ang tao rito. Gusto ko na nga siyang paalisin kahit hindi pa closing
time e. Hindi niya dinala ang gamit niya noong lumabas siya. Ang akala ko sandali lang siya pero mukhang natagalan
sa kung anuman ang kanyang ginawa. Kaibigan mo ba ang lalaking 'yan? Pwede mo bang ibalik 'to sa kanya?"
"Actually, hindi niya po ako-"
Bago pa ako makapagpaliwanag, iniabot niya sa akin ang backpack at muli niyang binalikan ang kanyang ginagawa.
Parang bigla akong nawala sa kanyang paningin at hindi na niya pinansin. Hindi ko na naisipang humirit pa kaya
lumabas na lang ako ng library.
Habang paakyat ako sa hagdanan, nakatanggap ako ng text kay Loki. Ang sabi niya, kababalik lang niya sa school at
hihintayin niya ako sa tapat ng Room 212, ang classroom ni Stein. Kung gano'n, lumabas siya ng school kanina? Kaya
pala mas maingay kumpara sa normal ang background noise na narinig ko habang kausap niya.
Bigla akong napalingon sa aking likuran. Nanindig ang mga balahibo ko sa braso't kamay matapos maramdaman na
parang may nakamasid sa 'kin. Parang may aninong sumusunod magmula nang pumasok ako sa library. Ewan kung
guni-guni ko lang o baka dahil ito sa ikinwentong multo ni Rosetta kanina.
Binalewala ko na lamang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad patungong second floor. Hindi ako nahirapang hagilapin si
Loki dahil sa buhok niyang halos takpan ang kanyang mukha.
"Nasira ba ang bag mo kaya naisipan mong mag-backpack na lang?" pambungad na bati niya sa 'kin. Nakasandal siya
sa pader habang nakakrus ang mga kamay.
"Binigay ng masungit na librarian sa 'kin. Ang akala niya yata kaklase ko si Stein. Teka, saan ka ba galing?"
"May binili ako sa mall. Instead of asking what I bought, I suggest that we focus on asking these people about Stein,"
napaturo siya sa babaeng wagas kung makangiti. Saktong papalabas siya ng kanilang classroom kaya in-ambush na
namin siya.
"Excuse me?"
"Yes?" Ilang beses na napakurap ang mga mata, tila pinagmamayabang kung gaano kahaba ang mga pilik-mata niya.
"Kaklase n'yo si Stein Alberts, 'di ba?"
"Oh, that weirdo," the girl rolled her eyes as if her missing classmate's name disgusted her. "Hindi siya pumasok
ngayong araw. Nabahag yata ang buntot niya sa akin kaya naisipan niyang umurong sa screening. Hahaha!"
Umaalingasaw ang kayabangan ng babaeng 'to, akala mo kung sinong makapagsalita.
"Let me guess, you're Monica Segundo, the eternal rank number two in your class, right?" Loki's comment made her
stop from laughing and her smile turned into a frown. Kahit ako siguro, masasaktan kapag sinabihang "eternal" na ang
pagiging top two ko.
"How fortunate for you, don't you think? That your fiercest rival vanished on the day of the screening. One may say
that it's divine intervention, mukhang pinagbigyan na ng Diyos sa wakas ang hiling mo. But I can't deny the
possibility that this mere coincidence can be caused by human intervention."
Monica's upper lip twitched as her eyes were fixated on Loki's mocking smile. She shook her head repeatedly before
walking away. "I don't know what you're talking about!"
"Hey," siniko ko si Loki sa braso, "sa tingin mo ba si Miss Number Two ang nasa likod ng pagkawala ni Stein?"
"She's primary suspect number one. At least, hindi na siya number two sa aspetong 'yon. But we need more info about
Stein."
Sunod naming in-ambush ang dalawang lalaking kakalabas ng kanilang classroom. Gaya ng nauna, hinarang namin
sila at kaagad na tinanong kung kaibigan nila si Stein.
"Sa classroom namin, kaming tatlo lang ang nagkakaintindihan," a tall guy fixed his glasses. "Ang kikitid kasi ng mga
utak nito."
"Sayang nga na hindi siya nakapasok ngayon, inaabangan niya kasi 'yang screening para makasali sa Math contest,"
the shorter guy added, scratching his bigger-than-normal nose. "Baka siguro nagkasakit siya kaya hindi nakayanan ng
katawan niyang tumayo. Swerte tuloy ni Monica, siya na ang ilalaban sa klase namin."
"Ano bang klaseng estudyante si Stein?"
"Kandidato para sa pagiging king of all nerds si Stein," tugon ng matangkad na lalaki. "Wala na sigurong mas wiwirdo
sa kanya kaya maraming ayaw makipagkaibigan sa tulad niya. Hindi kasi nila siya ma-gets."
"Alam n'yo bang kapag nagtsa-chat kami o nagte-text, talagang naka-code pa?" singit ng isa pang lalaki. "Medyo
paranoid kasi si Steins na baka may magnakaw sa mga phone namin at mabasa ang mga pinag-uusapan namin. Para
ligtas ang aming means of commnication, naisipan niyang gumamit ng codes. Minsan dots and dashes, minsan series
of numbers."
Ano kayang pinag-uusapan ng tatlong 'to at bakit kailangang encrypted ang conversation nila? Gano'n ba ka-highly
confidential ang topic nila para gumamit ng method of communication na hindi alam ng karamihan?
Wala na kaming itinanong sa kanila kaya nagpaalam na kami ni Loki't umakyat sa hagdanan.
"So do you think Moriarty is involved?"
He shook his head, his eyes looking straight. "I don't know why he would be interested in making a smart but weird
student disappear. Or maybe he was too bored so he randomly cast doom on someone in this school."
"Lorelei! Loki!"
Nang makarating kami sa third floor, nakita naming nakaabang sa tapat ng clubroom si Sir Jim. Lumapit siya sa amin
at may ngiti sa kanyang mukha.
"May good news ako tungkol kay Stein," ipinakita niya ang kanyang phone sa amin. "Nag-text siya sa akin kanina.
Ang sabi niya, huwag daw kaming mag-alala. May pinuntahan siyang emergency kahapon kaya hindi siya nakauwi at
nakapasok ngayong araw."
Binasa ko ang sinasabing text message ni Stein. Ang nakalagay:
"Sorry for the late reply, sir. I apologize for making you and the others worry. Something urgent came up yesterday.
Will come to school tomorrow."
"Pasensya na kung inabala ko kayo. Pero salamat na rin sa tulong."
At doon natapos ang kaso ng nawawalang math prodigy.
Teka, teka! Napaka-anticlimactic yata ng ending ng kasong 'to? The case ended before we could reach its conclusion.
Ibinaling ko ang aking tingin kay Loki para makita ang reaksyon niya. Nakatingin siya sa baba at tila may malalim na
iniisip.
And then, I felt a cold stare that sent chills to my spine. I looked back, trying to spot anyone who's eyes were fixated
on me. Wala akong nakita ni anino pero nararamdaman kong may pares ng matang nakatingin sa akin.
"Hey, you coming in?" tanong ni Loki na hindi ko namalayang nasa loob na ng clubroom.
Sumunod ako sa kanya at inilapag ang bag ni Stein sa mesa.
***
The missing person case has come to a close but Loki wasn't convinced. Masasabi kong may bumabagabag sa kanya,
as if something's wrong with how the case turned out.
He better clear his mind now before we have another problem to solve. The case that he's been looking forward today-
ghost hunting.
Nagtago na ang haring araw at sumulpot na sa madilim na kalangitan ang buwan kasama ang kanyang mga kawal,
mga bituing nagniningning. Limang minuto bago mag-alas-siyete ng gabi, nakarating na kaming dalawa ni Loki sa
tapat ng abandoned school building. Ayaw pa nga niyang pumunta noong una. Kinailangan ko pa siyang hilain
palabas ng clubroom bago ko siya napasama.
Nandoon na rin sina Rosetta, kasama ang tatlo pang lalaki.
"Guys!" masiglang bati ni Rosetta. "Gaya ng sinabi ko kanina, in-invite ko ang dalawang miyembro ng Q.E.D. Club
para sumama sa ating ghost hunting. Siya si Loki at siya naman si Lorelei. Hindi sila mga paranormal expert pero
makakatulong sila para malaman natin kung may multo nga sa loob ng building."
"O? Baka mapaihi sila sa takot kapag narinig nila 'yong katok at kaluskos," biro ng lalaking pinakamatangkad sa tatlo.
Mukhang mayabang. "Andrew Salvador nga pala."
"Kaya pala basa ang pants mo matapos n'yong mag-ghost hunting kagabi rito." Hindi napigilan ni Loki na bumanat,
dahilan para mapatawa ang lahat maliban sa mayabang na lalaki.
"Ako naman si Shawn Santiago," iniabot ng lalaking may suot na salaming may makapal na itim na frame ang
kanyang kamay sa amin ni Loki. Siya lang ang may suot na backpack sa amin. "Kung kailangan n'yo ng snacks o
water, meron akong supply rito."
"Ano ba itong pinuntahan natin, picnic o ghosthunting?" bulong ni Loki habang nakatingin sa ibang direksyon. Siniko
ko siya sa tagiliran bago pa siya muling makahirit.
"I'm Ryle Garcia," kumaway ang lalaking may matipunong katawan. "Kung natatakot ka, miss, pwede kang kumapit
sa akin. Sisiguruhin kong protektado ka mula sa anumang masasamang elemento rito."
"Baka nga mauna ka pang lumabas ng building na 'to mamaya e," muling humirit si Loki, mabuti't pabulong ang
kanyang boses kaya hindi narinig ng mga kaharap namin.
"O, tama na ang pambobola!" sabi ni Rosetta sabay abot sa amin ng flashlight. "Let the ghost hunting begin!"
Sa hudyat niya, sabay-sabay kaming pumasok sa gusali. Sinubukan ni Loki na magpaiwan sa likod at tumakas,
mabuti't nahila ko siya at naitulak papasok.
May mga bulung-bulungan na akong narinig tungkol sa abandoned school building na 'to. May ilang nagsabi na noong
lumindol, nagkabiyak-biyak daw ang mga sahig at pader. Hindi raw matibay ang pagkakagawa kaya minabuti ng
admin na huwag na itong gamitin. Meron iilang nagtsismis sa akin na may sumpa raw ang building na 'to dahil bawat
buwan, may namamatay na estudyante sa pinaka-kakaibang paraan.
Parang walang hanggan ang kadiliman na nakabalot dito. Iisipin mong portal ito sa ibang dimensyon at kung
sinumang maligaw ay hindi na makakabalik pa nang buhay. Sa lamig ng hanging bumubuga rito, talagang tatayo ang
mga balahibo mo. Lumilikha rin ang hangin ng kakaibang tunog kaya halos mapatalon sa takot si Rosetta.
Kahit na naka-flashlight kami, hindi pa rin naging madali ang naging paglalakad namin. May mga nakakalat kasing
tipak ng bato, mga bakal at wire sa sahig kaya kinailangan maging maingat.
"Sssshh!" Biglang huminto si Andrew, nakataas ang kanang kamay na tila nagpa-Panatang Makabayan. Napatigil din
kami sa paglalakad dahil sa kanya. "Narinig n'yo ba 'yon, guys?"
"A-Ano 'yon? Wa-Wala kaming narinig!"
"Joke lang," sabi niya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Muntikan na siyang batukan ni Rosetta.
Nakarating kami sa hagdanan patungong second floor. Mas naging maingat kami dahil gumuho na ang ilang parte ng
hagdan. Napalingon ako kay Loki para tingnan kung nanginginig na siya sa takot. Sa pagkadismaya ko, humihikab pa
siya na parang hindi siya tinatablan ng horrow feels ng haunted building. Oo nga pala, hindi siya naniniwala sa mga
multo.
"Dito namin narinig kahapon 'yong katok at kaluskos," bumagal ang paglalakad nina Rosetta at tatlong lalaki.
Itinututok nila ang kanilang flashlight sa bawat direksyon at sumilip sa mga kwartong dinadaanan namin. "Kapag
narinig n'yo 'yon, kayo na ang humusga kung multo nga ba ang may gawa no'n o hindi."
Paakyat na kami sa third floor nang biglang may bumulaga sa mga tenga namin.
TOK! TOK! TOK!
Umalingawngaw ang tatlong katok sa buong pasilyo na tila galing sa ibang dimensyon.
"Yikes!" Mahigpit na kumapit si Rosetta sa braso ni Loki at idinikit ang katawan niya. Itong si Loki, nasorpresa sa
reaksyon ni Rosetta, tila hindi niya alam kung anong dapat gawin. Parang noong napayakap ako sa kanya last week.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rosetta at napabuka ang bibig. "Na-Narinig n'yo ba? Gano'n na gano'n din 'yong
kahapon!"
Itinutok ni Ryle ang kanyang flashlight sa may kisame at tila naging disco ball ang liwanag nito. "Kung sino ka man,
magpakita ka sa amin!"
"Uy, pare, huwag ganyan!" napaurong ng hakbang si Andrew. Nanginginig na sa takot ang mga tuhod niya. "Hi-Hindi
pa tayo handa!"
Ako naman, lumapit nang kaunti kay Loki pero hindi gaya ni Rosetta, hindi ako kumapit sa braso niya.
SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!
Sunod na nanggulat sa amin ang tatlong kaluskos. Napahakbang paurong ang mga kasama namin, nagbabadya nang
tumakbo palabas ng gusali.
TOK! TOK! TOK!
"Tara na! Mukhang pinapaalis na nila tayo rito!" naunang tumakbo patungong hagdanan si Andrew.
"Kay lalaki n'yong tao, natatakot kayo sa katok at kaluskos?" nakangiting sambit ni Lok, ni hindi siya natinag sa
nakakatakot na tunog. Humakbang siya pasulong habang lintang nakadikit sa kanya si Rosetta. Itinutok niya ang
kanyang flashlight sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi siya lumingon para tingnan kung sumusunod kami
sa kanya.
Muli naming narinig ang tatlong katok, sinundan ng tatlong kaluskos at tatlong katok ulit. Kung multo man ang may
gawa noon, tila may pattern siyang sinusundan.
"May tao ba rito?" sigaw ni Loki habang sumisilip sa bawat kwarto. His voice echoed into the void. "Kung hindi ka
makapagsalita, sumagot ka sa paraang alam mo."
"Hoy, sa tingin mo ba sasagot ang multo sa 'yo?"
SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!
SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!
Hindi na alam ng tatlong lalaki kung magpapatuloy pa sila o tatalon sa bintana para mas mabilis na makatakas dito. Si
Rosetta, hayun, mukhang nadikit na ang kamay niya sa braso ni Loki.
"I knew it..." bulong ng lalaking nangunguna na ngayon sa ghost hunting. "Knocks and scratches. Dots and dashes!"
"Anong pinagsasabi mo riyan?"
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. "Alam n'yo ba ang layout ng building na 'to? Nasaan ang locker room?"
"Ku-Kung tama ang pagkakatanda ko, nandito sa third floor, sa kabilang dulo," sagot ni Rosetta.
Kumaripas ng takbo si Loki, nakakapit pa rin ang babaeng nakadikit sa kanya. Sumunod ako, pati na ang tatlong
lalaking nasa likuran ko.
"Anong meron sa locker room? Bakit naisipan mong pumunta roon?" Sana sumagot na siya't maliwanagan ako sa
pabigla-bigla niyang ginagawa.
"Don't you still get it, Lorelei? Tinanong ko kung may tao rito. May sumagot na oo." Hindi na siya nag-abalang
lumingon pa sa 'kin at nakapokus ang kanyang atensyon sa dinadaanang hallway.
"Wala kaming narinig na oo kanina. Tanging kaluskos lang."
"Do you know anything about the Morse Code?" I don't know why he's asking a seemingly irrelevant question. But
since there's the word "code" in it, I guess it's somehow related to the case at hand. "It's a sequence of short and long
signals called dots and dashes. Every dot, dash or sequence of the two represent a letter. For instance, a single dot
means E, two dashes mean M and both a dot and dash mean A."
"At paano naging konektado ang mga dot at dash sa ghost hunting na 'to?"
"There's no ghost but a person here who's probably locked inside. His mouth is probably gagged so he can't speak and
cry for help. When he heard these paranormal guys loitering around here, he tried to communicate with them by
sending a series of knocks and scratches-which can be considered as short and long signals. Every knock is a dot
while every scratch is a dash."
"So...?"
"He sent three knocks, followed by three scratches and then three knocks again." Medyo hinihingal na siya sa
kakasalita habang tumatakbo. "If you convert those signals into Morse Code, that's three dots, three dashes, three dots:
S-O-S. In other words, a distress signal! Someone needs our help."
Nakarating kami sa abandonadong locker room. Kinakalawang na ang karamihan sa mga locker, ang iba'y nasira na
ang mga bukasan. Kumpara sa ginagamit namin sa high school building, mas malalaki at talagang magkakasya ang
katawan ng tao sa loob ng mga 'to.
"Kung naririnig mo ako, kumatok ka para malaman namin kung nasaan ka!"
Nagpunta kami sa huling row ng mga locker kung saan nagmumula ang mga katok. May isang natatanging locker na
naka-lock doon.
"Kung gano'n, hindi talaga multo 'yong narinig natin kahapon?" komento ni Andrew.
"There are no such things as ghosts, you idiot," sagot ni Loki, inilabas ang isang maliit na kahong may lamang mga
mala-alambreng bakal. Isinuksok niya ito sa padlock at kinalikot. Ilang minuto rin bago niya na-unlock ito at binuksan
ang locker.
Laking gulat ko nang makita ang pamilyar na itsura ng taong nasa loob. He was the person who's reported missing
since yesterday, Stein Alberts! His mouth was shaking and his lips were cracked, probably he hasn't eaten anything or
drunk water since he was abducted. He was also barely conscious.
Inilabas siya nina Andrew at Ryle mula sa locker at inihiga sa sahig. Tinanggal nila ang tape sa bibig ni Stein pati ang
tali sa kanyang mga kamay at paa.
"Shawn, pahingi ng tubig!"
"Teka, huwag n'yo siyang basta-basta paiinumin!" pinigilan ko ang kamay ni Andrew bago niya mapainom ang
iniabot na bottled water sa kanya. Nagpukol ng nagtatakang tingin sa akin si Loki na nakatayo sa tabi ko.
"Ihiga n'yo siya sa kanyang side at siguruhing nakaangat ang kanyang ulo." Inilabas ko ang aking panyo at binasa 'yon
gamit ang tubig mula sa bottled water. Mabuti't hindi 'yon malamig.
Idinampi ko ang basang panyo sa nanginginig na bibig ni Stein. "Kapag pinwersa n'yo siyang painumin ng tubig,
posibleng pumasok ito sa kanyang trachea at ma-suffocate siya."
Nang bahagyang mawala ang panginginig ng kanyang katawan, inalalayan siya ng mga lalaki at idinala sa labas.
Fortunately, may dalang kotse si Andrew kaya doon nila pinasok si Stein at inihatid sa pina

Volume 1 • Chapter 12: Deduction Showdown? Loki versus Lorelei!


LORELEI
THE NEXT day, we told Sir Jim Morayta and Stein's class about what happened. Ipinakita namin sa kanila ang
kalunos-lunos na itsura ng kanilang kaklase. Kinailangan munang manatili sa ospital nang ilang araw ng biktima para
matingnan ng mga doktor ang kalagayan niya. Nalipasan na nga siya ng gutom at na-dehydrate, sinabayan pa ng
mataas na lagnat at ubo.

His situation forced someone in the class to burst into tears. Walang iba kundi si Monica Segundo, ang eternal rank
number two sa klase at ang pambato nila sa gaganaping Math contest. Biglang napalitan ng pagsisisi ang aura ng
kayabangan niya. Paulit-ulit niyang sinabi, "It's all my fault! It's all my fault!"
Dinala siya sa Office of Students Affairs para pag-usapan kung anong ibig niyang sabihin. Sinama kami ni Sir Jim sa
kanilang meeting kasama ang OSA director dahil kami raw ang nakakita kay Stein na nakakulong sa isang locker sa
abandoned building. Nakaupo kaming lima-ako, ang director, sina Loki, Sir Jim at Monica-sa palibot ng pa-oblong na
mesa.
"I-I didn't know that something like that would happen to him," mangiyak-ngiyak na sabi ni Monica, pinupunasan ng
panyo ang mga luha sa kanyang mata. "Ang akala ko tatakutin lang nila."
"Nila?" pag-uulit ni Loki. "Are you saying that a third party is involved here or is this your way of trying to pass the
blame?"
Umiling si Monica habang tinitigan ang aking kasama. Namumula na ang mga mata niya dahil sa luha. "I'm not
making this up! Last week, may nag-text sa 'kin na anonymous number. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang
number ko. Ang sabi, pwede akong mag-request sa kanila ng kahit anong bagay basta kaya nilang gawin. Kahit na
inakala kong prank message 'yon, pinatulan ko. Nag-reply ako, 'Gusto kong makasali sa isang math contest next
month kaso may balakid sa 'kin kaya baka hindi ako ang mapiling representative ng school. Pwede n'yo bang gawan
ng paraan?' Tapos..."
Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy.
"Tapos... Nag-reply sila sa 'kin. Sabihin ko raw sa kanila kung sino ang balakid para matupad ang kahilingan ko. They
said they could do something about it. Saktong screening nitong Martes kaya I took that opportunity kahit walang
kasiguraduhan. I told them about Stein and sent them a photo of him. Sinabi ko rin sa kanila 'yong hilig niyang gawin
at kung saan-saan siya nagpupunta. Kahapon, nang nabalitaan kong hindi pumasok si Stein at hindi siya makontak, I
realized that those guys were serious."
"At ano ang kapalit ng pagtulong nila sa 'yo?" tanong ni Loki, seryosong nakatingin kay Monica. "I don't think that
they will do it free of charge."
"It came with a price, of course. Two thousand pesos will do. Money is not a problem to me kaya okay lang na
maglabas ako ng pera. I gave it to them kahapon, once I'm guaranteed that Stein is out of the way. Pero..." Muling
naiyak si Monica at tinakpan ng panyo ang kanyang mukha. "Ang akala ko, tatakutin lang nila siya. Hindi ko alam na
dudukutin nila si Stein at ikukulong para masigurong hindi siya makakapasok sa screening."
"Did you see their face or anything that might lead us to them?"
Monica shook her head, her face glistened with fresh tears. "They told me to leave the money on top of the fire
extinguisher case on the fifth floor."
"And did those people have a name?"
Muling umiling si Monica. "They never told me who they are. But they did tell me that I can call them M."
Napatingin ako kay Loki at napansin ang mga nanlaking mata niya matapos marinig ulit ang letrang 'yon. It was only
a single letter of the alphabet yet it had a strong impact on him. M-or Moriarty-is on the move again.
Iniwan na namin kina Sir Jim at sa OSA director ang pakikipag-usap kay Monica. For sure, Loki's mind now is
preoccupied by the information that Moriarty had a hand in the case referred to us by my Math instructor. Walang
kumibo sa aming dalawa hanggang sa marating namin ang clubroom sa third floor.
To our surprise, someone was already inside our office. Her back was facing us but I recognized the length of her
straight, black hair. Nang marinig niya ang kaluskos ng pinto, humarap siya sa amin.
It was Rosetta. Again.
"Are you going to ask us to join your ghost hunting today or you have something more thrilling to offer?" Dumiretso
si Loki sa pinakadulo ng mesa at umupo sa kanyang paboritong monobloc chair. Hindi ko alam kung bakit ayaw na
niyang gamitin ang swivel chair matapos upuan ng kanyang kapatid.
"Actually, I'm here to join your club!" Iniabot niya sa 'kin ang club membership form. Wala siyang pinalampas na
isang blangkong field. "Nakita ko kung gaano kayo ka-cool kahapon kaya napagdesisyonan kong sumali sa inyong
club."
Dahil isa lang akong hamak na vice president, ibinigay ko kay Loki ang kanyang form. As president, siya ang may
kapangyarihang mag-approve o deny ng application.
Laking gulat naming dalawa ni Rosetta nang bigla niyang pinunit ang papel, pinagpira-piraso at tinapon sa kanyang
likuran. Napabukas ang bibig ni Rosetta, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at pagtataka. "But why?" was
painted on her face.
"Sorry but we don't accept club members. Not the likes of you," tugon ni Loki. Mukhang dahil sa pagkarinig niya sa
initial ni Moriarty kaya nawala siya sa mood ngayong umaga.
"Pero bakit? Dahil ba may iba na akong sinalihan na club?"
Loki let out a bored sigh and looked away, trying to avoid Rosetta's eyes that were welling up with tears. Kahit ako
siguro, maiiyak dahil walang pasintabing pinunit ang form na pinaghirapan kong i-fill up.
"For one reason," itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "You believe that ghosts exist. That fact alone is sufficient to
deny your application. We can't have someone who believes in nonsense stuff in our team."
Biglang tumayo si Rosetta at patakbong lumabas ng clubroom, ni hindi na nagpaalam sa 'kin.
"Why do you have to be a jerk?" I asked Loki who seemed to be unfazed by my classmate's sudden exit.
"We don't need excess baggage in this club," he said, averting his gaze elsewhere. "Anong maitutulong niya sa atin?
Mamangha sa bawat deduction na sasabihin ko? Purihin kung gaano tayo ka-cool? Every member of the club should
have a role to play!"
"E bakit ako, kinuha mo rito? Hindi ba puro ako tanong nang tanong sa 'yo?"
"I asked you to join this club to be the chronicler of our adventures." Napatingin siya sa 'kin, mukhang nakuha ko
nang buo ang atensyon niya matapos kong taasan ang aking boses. "You observe and take note of details which others
miss and your insights helped us solve some cases. You don't have to play the detective because that role is mine and I
don't think you really have the makings of a detective. Just make sure that other people will read our stories."
Ouch. Inaamin ko sa sarili ko na hindi ko kayang mag-ala detective at lumutas ng kaso nang mag-isa. But hearing it
from other's mouth, especially from him, wounded my ego. "Sa tingin mo ba, hindi ko kayang maging detective
kagaya mo? Na hanggang pagsusulat lang ako magaling?"
"Well, I haven't seen you trying to solve a case without my help so I can't tell. Don't worry, your role as a chronicler
benefits the club. But adding Rosetta to our list isn't."
That's right. Wala pa akong nalulutas na kaso nang hindi kasama si Loki. Lagi akong nakabuntot sa kanya na parang
anino. Tuwing may deduction show siya, ako ang nagsisilbing assistant niya habang siya ang magician na nasa stage,
tinututukan ng spotlight at pinapalakpakan ng mga tao.
KYAAAAAAH!
I was thinking of a good comeback when our conversation was interrupted by a woman's scream outside. We
promptly left the clubroom to see what had happened.
Mula sa third floor, tumingin kami sa baba at nakita ang duguang katawan ng isang babaeng nakahandusay sa may
ground area. Nagkatitigan pa kami ng mga dilat niyang mata habang mabilis na kumakalat ang kanyang dugo. Ang
nakakapagtaka, nakangiti pa ang babae, tila natutuwa sa nangyari sa kanya. Naging creepy tuloy siyang tingnan. Para
siyang itlog na nahulog mula sa mataas na lugar at nabasag. Mabilis kong iniwas ang aking tingin bago tuluyang ma-
register sa utak ko ang kahabag-habag niyang itsura.
"Catherine? CATHERINE!" sigaw ng isang lalaking tumakbo malapit sa handrail ng third floor at dumungaw para
makita ang bangkay ng babaeng nasa ibaba. Mukhang kakilala niya ito.
"It seems that we have a case to solve," komento ni Loki bago nagtungo sa hagdanan para bumaba at makita nang
malapitan ang katawan ng nahulog na babae.
***
Mabilis na rumesponde ang campus police. Limang minuto pa lang ang nakalilipas pero nasa ground area na kaagad
sila ng school building namin. Kinordonan nila ang paligid at sinigurong walang ibang makakalampas sa police line
hangga't hindi sila tapos sa pagsusuri nito.
Pailing-iling pa si Inspector Estrada nang madatnan namin siya. Hinahaplos niya ang kanyang bigote na tila lalo pang
kumapal ngayon.
"Mukhang hindi na namin kakailanganin ang tulong n'yo, Loki," bati niya sa amin. "Walang nakapansin sa kanyang
pagtalon pero mukhang suicide ang nangyari."
"Hmm... Out of ten suicide cases, ilan sa mga biktima ang nauuna ang likuran ng ulo kaysa sa mukha?" tanong ni Loki
habang iniikutan ang katawan ng babae. Mabuti't tinakpan na nila ito pero kitang-kita pa rin ang bakas ng dugo sa
pavement. "It seems to me that she was pushed off the building. She was holding something in her left hand, wasn't
she?"
Iniabot ni inspector ang panyong nakapaloob sa isang plastic bag. "Hawak-hawak niya 'yan nang madatnan siya rito."
"Pwedeng ko bang ilabas?" Hindi na hinintay pa ni Loki ang permiso kay inspector. Pagkalabas niya sa panyo,
maingat niya itong inamoy na parang isang K-9 unit na sinusuri kung may bomba ang isang bagahe. Pasinghot-
singhot pa siya habang sinasabing, "Medyo matapang ang amoy ng pabango sa panyong ito. And surprisingly, it's for
men."
"Anong ibig mong sabihin?" Inamoy rin ni inspector ang panyo para kumpirmahin ang pahayag ni Loki. "Teka,
huwag mong sabihing..."
"Hindi kanya ang panyong 'yan. It belongs to someone else," tumingala si Loki at napatitig ang mga mata sa lalaking
nakatayo at nakakapit sa handrail ng third floor. "Probably before she fell, the victim grabbed on someone's
possession-that handkerchief, no doubt-as a clue to the identity of the man who pushed her off the building. In other
words, inspector, this isn't suicide. It's a murder. And I think I know who did it."
The clues pointed to that direction. But my gut told me that there's something strange with this case. The smile on the
girl's face... parang may mali.
"So what do you think Lorelei? Do you think this is a suicide or a murder?"
"At bakit mo tinatanong ang opinyon ko?" Nakataas ang isa kong kilay habang nakatingin sa kanya. Sa halos lahat ng
kasong hinawakan namin, ngayon lang yata niya tinanong kung pareho kami ng iniisip.
"Gusto kong malaman kung sang-ayon ka sa deduction ko," tugon niya. "I would be surprised if you think otherwise."
Baka nabasa niya sa mukha ko na may bumabagabag sa aking isipan. Now that he has asked me about what I think, I
was left with no other choice but to tell him.
"Sa tingin ko, tama si Inspector Estrada, isa itong kaso ng suicide," I said confidently as if I have evidence to prove
what came out of my mouth. "Unfortunately, mukhang magkaiba tayo ng tingin sa kasong 'to."
There was a look of surprise on his face as his mouth slightly opened. "Are you saying that to spite me? Just because I
told you earlier that you don't have the makings of a detective?"
"Ngayong sinabi ko sa 'yo ang opinyon ko, kinokontra mo naman." Maging ako, hindi segurado kung bakit hindi ko
sinang-ayunan ang kanyang deduction. Parang biglang pumasok sa isip ko na tumaliwas sa opinyon niya. Maybe it's
because of my gut feeling. Maybe it's because I want to prove him wrong for once.
"Please tell me why you think it's a suicide."
"There was a smile on her face." I know how foolish it was to use that as a basis for my deduction but that's all I have
for now. "Kung sinadya o aksidente siyang tinulak para mahulog, 'di ba dapat may naiwang pagkagulat o
pagkasorpresa sa kanyang mukha?"
Loki chuckled as if I cracked a joke. "You are making a grand assumption out of a tiny-and probably insignificant-
detail. Maybe she was happy to see the man who pushed her and she didn't know that that person was planning to kill
her. And your theory doesn't explain why she was holding someone else's handkerchief."
Hiniram ko ang panyong nasa plastic bag at sinuri ito gaya ng ginawa ni Loki. Tama nga siya, amoy pabango ng lalaki
ito. Medyo pamilyar din ang amoy na parang nasinghot ng aking ilong kani-kanina lang. Hindi ko alam kung anong
sasabihin. Unlike Loki, I can't deduce anything from this handkerchief that would support my theory.
Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. For once, I have to shove in his face that I'm not just a mere chronicler
of the club. I can also solve a case on my own, or at least, without much of his help. At mukhang ito na ang
pagkakataong 'yon. Papalampasin ko pa ba?
Piniga ko ang aking utak para makapag-isip ng posibleng dahilan kung bakit may hawak na panyo ang lalaki. And
then, a weird thought came to mind. Napangiti ako habang tinititigan ang panyo. "Tama ka, Loki. Isa nga itong clue
para malaman natin kung sino ang nagtulak sa kanya. Or at least, that's what she wanted us to think."
"Oh? So you're not giving up your suicide theory? Please continue. I'm delighted to hear your deductions."
Tumingala ako at tumingin sa third floor kung saan nandoon pa rin ang lalaki kanina, tulala ang mga mata at parang
wala sa sarili.
"Gusto niyang palabasing murder ang ginawa niyang pagpapakamatay. Why so? Probably she wanted to frame that
guy over there. That should explain why she was grasping the handkerchief that smells exactly like that guy's
perfume."
"But the police initially thought that this is suicide. What if no one pointed out it's probably a murder?"
That's a difficult question but I didn't let it zip my lips. "She probably relied on the chance that someone with superb
skills of observation and unmatched power of deduction would disprove the suicide angle through the handkerchief."
"You mean someone like me?"
Hindi ko pinansin ang side comment niya. Ngayon yata ang unang pagkakataong napunta sa 'kin ang atensyon nina
Loki, Inspector Estrada at iba pang pulis na kumukuha ng larawan sa crime scene. It somehow felt good.
"Very well," nakangiting humarap si Loki kay inspector. "It seems that my partner has a different opinion. I'm afraid
we need to pursue two angles for this case separately. Her deduction makes sense, if it's true."
He spoke as if someone's death was a detective game for us to play.
"Now shall we start the deduction showdown, Lorelei?"
Kaagad na pinatawag ng pulis ang lalaking nasa third floor. Hindi na siya kinailangang pwersahin dahil kusa siyang
bumaba sa crime scene.
"A-Ano hong kailangan n'yo sa 'kin?" Medyo tulala pa siya at hindi pa rin maka-get over sa kanyang nakita.
Suminghot si Loki para kumpirmahin kung pareho nga ang pabangong naamoy niya sa panyo. Maging ako'y napagaya
rin sa kanya.
"Is this yours, mister...?" Ipinakita ni Loki ang plastic bag kung saan nakapaloob ang panyo.
"Leo Dacillo," pagpapakilala ng lalaki. "At oo, sa 'kin nga ang panyong 'yan. Matagal ko na 'yang hinahanap. Saan
n'yo nakita?"
"Hawak-hawak 'yan ng biktima sa kanyang kaliwang kamay kanina," paliwanag ni Inspector Estrada. "Ayon sa aming
consultant, posibleng sinadyang tinulak ang biktima pero bago siya tuluyang nahulog, nahawakan niya ang panyong
magtuturo sa nagtulak sa kanya."
Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Kahit hindi pa sabihin sa kanya kung bakit siya ipinatawag dito, mukhang
naintindihan na niya. "Te-Teka! Iniisip n'yo bang sinadya ang pagkahulog niya at ako ang suspek n'yo? Dahil lang sa
isang panyo? Kasasabi ko pa lang, 'di ba? Matagal nang nawawala ang panyong 'yan sa akin."
Kung totoo ngang nawala ang kanyang panyo, posibleng itinago muna 'yon ng biktima bago gawin ang eksenang 'to.
"Ano bang relasyon mo sa biktima?" tanong ni inspector. "At bakit parang natulala ka kanina?"
"Ex-girlfriend ko si Cath. Kaka-break lang namin two weeks ago," kwento ni Leo habang nakatingin sa natakpang
bangkay ng babae. "Ako ang nakipag-break sa kanya pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap."
"Tapos kinulit-kulit ka niya hanggang sa mapuno ka kaya naisipan mo siyang itulak mula sa third floor?"
"Hinding-hindi ko magagawa 'yon!" Tumaas ang boses ni Leo, nakita ko ang pagtibok ng kanyang ugat sa noo. "Oo,
lagi niya akong tine-text at tinatawagan pero hindi sapat na dahilan 'yon para patayin ko siya. Kanina, tinext niya ako
at nag-request na magkita kami sa third floor para magkaroon ng closure ang break-up namin. Gusto ko ring matapos
na ang pangungulit niya kaya pumayag ako. Nang makarating ako sa floor kung saan siya naghihintay, bigla siyang
tumalon nang nakatalikod."
"Unfortunately, Leo, walang tao sa floor na 'yon ang makakapagpatunay na tumalon si Catherine," sabi ni inspector.
"Wala ring makakapagpatunay na hindi mo siya itinulak. Ang pinanghahawakan naming panyo mo ang ebidensyang
nagkita nga kayo kanina at ikaw ang huli niyang nakausap bago mahulog mula sa third floor."
Hindi na ako nagtataka kung bakit mas pinaniwalaan ni Inspector Estrada ang murder theory ni Loki. Siya kasi ang
eksperto pagdating sa mga kasong ganito habang ako'y isang hamak na assistant o audience na magtatanong o pupuri
sa mga brilliant deduction niya.
Teka, pinagpipilitan nilang itinulak ni Leo si Catherine mula sa third floor. Ang tanging hawak nilang ebidensya ay
ang panyo ng kanilang suspek na hindi gano'n katibay kung tutuusin. Paano kung meron pang ibang paraan para
malaman kung talaga ngang murder ito at si Leo nga ang salarin?
I could only think of one way to prove that but I'm not sure because of my limited knowledge in forensic science.
"Sinasabi n'yong itinulak ni Leo si Cath, 'di ba?" Binasag ko na ang aking katahimikan, dahilan para mapatingin sila
sa akin. "Ayon sa teorya ni Loki, itinulak ni Leo si Cath nang nakatalikod. Ibig sabihin, hinawakan siya ni Leo sa
bandang harapan para maitulak siya sa gano'ng paraan. Kung gano'n, nagkaroon ng kontak ang kamay ni Leo sa suot
ni Cath o sa balat niya, tama?"
Loki's eyes narrowed into slits as he stared at me, probably trying to read what I was about to say next. "Are you
approaching anything resembling a point?"
"Pwede ba nating i-confirm via fingerprint analysis kung dumampi ang mga kamay o daliri ni Leo sa damit ni Cath?"
"Lifting fingerprints from clothing was a challenge to the police until 2011 when researchers made a breakthrough on
that process," komento ni Loki. "If the campus police has an advanced equipment, then they can do palm print
analysis, not just the fingerprints. They can tell if Cath was pushed off the handrail or she jumped."
"Sige, ipapa-examine ko ang uniporme ng biktima para tingnan kung may impression ng palm print ni Leo."
Humarap si Inspector Estrada sa kanilang suspek. "Pwede ba naming mahingi ang prints mo sa magkabilang kamay
para may maipagkumpara kami sa lab?"
"Kung ito ang magpapatunay na inosente ako, walang problema sa 'kin." Sumunod si Leo sa mga pulis at nilisan nila
ang crime scene.
***
Hindi kinalauna'y lumabas ang resulta ng palm print test. Walang na-detect na ibang prints sa damit ni Catherine. Ang
ibig sabihin, kusa siyang tumalon mula sa third floor at sinubukang palabasing murder ang nangyari sa kanya.
Siyempre, wala na sigurong mas sasaya sa 'kin dahil tama ang gut feeling ko. And for the first time, I proved Loki's
deduction wrong. Noong ibinalita sa amin ni Inspector Estrada nitong hapon ang balita, ni hindi siya makatingin nang
diretso sa akin at pilit akong iniiwasan.
To celebrate my victory, isinulat ko 'yon sa aking blog para ipagmayabang na nagawa kong talunin sa isang simpleng
deduction show si Loki. Nakauwi na ako sa apartment, nasa kwarto't tutok na tutok sa laptop. Pino-proofread ko na
ang 3,000-word na blog post nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
Isang hindi mabura-burang ngiti ang ibinati ko sa kanya nang binuksan ko ang pinto. "Are you going to congratulate
me and say that I can also be a detective like you?"
"Of course, you can be, but not to my level," he still sounded too full of himself like someone who wouldn't yield to
defeat. "To be honest, I also considered the suicide-to-frame-someone angle before you spoke of it. But I chose to go
with the murder one to see if you're going to have a different opinion."
So now he's saying that he's testing me? That he knew the truth all along? What a good way to burst my bubble!
Ganito ba ang paraan niya ng pag-congratulate sa akin?
"But more importantly, I think I owe you an explanation as to why I didn't accept Rosario in our club."
It's Rosetta. Why do you keep on forgeting her name? Anyway, I crossed my arms and gave him a look that says "Go
ahead, I'm listening."
"Being part of the club-and by extension, being close to me-has proven to be dangerous," he closed his eyes briefly to
gather his thoughts. "Naranasan mo 'yan first hand noong nakaraang linggo. In a way, you became a liability to me.
But don't get me wrong. I appreciate your presence, especially when you tried to stop me from melting John. If you
weren't there, I would have become a murderer."
This conversation felt like deja vu, as if it already happened before. Oo, ganito rin ang naramdaman ko noong humingi
siya ng tawad sa 'kin noong isang linggo, matapos kong buksan ang topic tungkol kay Rhea. For the second time since
I met him, he sounded sincere.
"Now adding Rosetta to our club would mean another liability. If she can protect herself from harm without my help, I
would have considered her application." A hint of sadness then dawned on his face as he looked away. "I failed to
protect Rhea before. And I'm afraid that I may not be able to protect both you and Rosetta if I chose to welcome her in
the club."
Naramdaman ko ang pagka-guilty niya sa kanyang boses nang banggitin niya ang pangalan ni Rhea. Mukhang
hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili sa nangyari. Kumbaga sa pag-ibig, hindi pa rin siya maka-
move one.
"Naiintindihan ko. Ang pinagtatakahan ko lang kaninang umaga ay kung bakit kailangan mong maging rude sa pag-
deny sa application niya," tugon ko.
"Maybe it's because of M. Hearing his codename 'Moriarty' or even that single letter triggers something inside of me.
And speaking of him, I have something to give you."
Iniabot niya sa akin ang manipis at maliit na parihabang kahong nakabalot pa ng gift wrap.
"Teka, hindi ko pa birthday ngayon a. Ano ang laman nito?"
"Open it and see for yourself."
Kahit nanghihinayang ako sa magandang pagkakabalot nito, pinunit ko ang wrap at binuksan ang ibinigay niyang
regalo. I saw a fountain pen inside with my name engraved on the cap. I wonder why he would give me something
like this. At personalized pa, ha.
"If you think that's a regular pen, you're wrong," paliwanag niya habang sinusuri ko ang barrel nito. "I asked an
acquaintance of mine to create a stun gun disguised as a pen para hindi masyadong kahina-hinala kapag dala mo.
Yesterday, I met with that person at the mall and the transaction was made. All you have to do is press the button at
the end and it will generate a high voltage electrical charge that can immobilize anyone who comes in contact with it."
Kaya pala umalis siya kahapon at hindi niya ako sinamahan sa library. He went all the way to the mall, which was
three rides away from school, just for this self defense device?
"We don't know when Moriarty or his agents will strike again. But when that time comes, you now have something to
defend yourself. At least, kahit wala ako sa tabi mo, kaya mong protektahan ang iyong sarili."
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin maliban sa "thank you." He knew the danger that I was in and he was
concerned about me after all, kahit hindi niya masyadong ipinapahalata sa akin.
"Just don't use that pen for nefarious purposes." Tumalikod siya't nagsimulang humakbang patungo sa couch.
"Teka, sandali!" A thought then popped in my mind, it's kinda difficult to resist.
"Is there anyth-"
BZZZ!
Idinikit ko sa leeg niya ang fountain pen at pinindot ang button sa dulo nito, gaya ng kanyang instruction. Lumikha ng
malakas na "thud!" ang pagbagsak ng katawan ni Loki sa sahig, nawalan siya ng malay pero hindi tuluyang nakasara
ang mga mata niya.
"That's for being a jerk to my classmate and my other way of saying thanks."
Isinara ko ang pinto ng aking kwarto at iniwan siyang nakahiga sa malamig na sahig.
This afternoon's event proved one thing: Gumagana nga ang stun-gun-disguised-as-fountain-pen na ibinigay niya sa
'kin.
###
P.S. What can you say about this chapter? Sa tingin n'yo ba kayang lumutas ng kaso ni Lorelei kahit wala si Loki?
Because the next update is Chapter 13 (the so-called unlucky number), it will be a MUST READ:
"Why don't we have a cup of tea later in your clubroom?" -M

Volume 1 • Chapter 13: Moriar-tea (Part 1)


LORELEI
TAHIMIK. TANGING ang nakakaaliw na huni ng mga ibon ang maririnig mo rito. Sinabayan pa ng maya't maya'y
malakas na bugso ng hangin at ang pagsayaw ng mga sanga ng puno.
July 7 has been an ordinary day for me the past few years. But today gave it some sort of significance to me.
Pasikat pa lang ang haring araw nang pumunta kami ni Loki sa Pax et Lumen Memorial Park. At first, I didn't know
why he would go to the cemetery this early. But then he told me that today's Rhea's birthday and he wanted to pay his
respect to her. He asked me if I wanted to go with him. Pwedeng hindi ako sumama, pero ewan, bigla akong pumayag
at kaagad na nagbihis.
Ala-sais ng umaga nang makarating kami doon. May dala-dalang isang basket ng bulaklak si Loki at nakasuot ng
kulay itim, tanda ng kanyang pagdadalamhati hanggang ngayon. Nasa bandang dulo pa ang puntod ng kanyang
kaibigan kaya iilang nitso rin ang aming nadaanan.
RHIANNON DE LOS REYES
July 7, 1998 - January 14, 2015

Mukhang may nauna nang nagpahatid ng kanyang pagbati kay Rhea base sa basket ng bulaklak na nadatnan namin
doon. Itinabi ni Loki ang dala niyang bulaklak dito at nanatiling tahimik sa loob ng ilang minuto. Nakatitig ang mga
mata niya sa pangalang nakaukit sa lapida at tila nag-aalay ng isang panalangin.
Minsan, naitanong ko sa aking sarili kung paano kaya naging magkaibigan sina Rhea at Loki. Since he has a habit of
not making friends, what did he see in her? Masyado kasing dinamdam ng kasama ko ang pagkawala ng kaibigan niya
at hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makahakbang pasulong. Posibleng dahil hindi pa nahuhuli si Moriarty, ang
taong nasa likod ng pagkamatay ni Rhea.
"What the hell are you doing here?"
Napalingon kami sa likuran at nakitang papalapit si Margarette. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita sa campus mula
nang sunduin niya ako para makipagkita sa kapatid ni Loki. Meron din siyang dala-dalang kulay puting mga bulaklak.
Come to think of it, ngayon ko pa lang nakitang magkasama sina Loki at Margarette sa iisang lugar.
"You still have the guts to come here after what you did?" She bared her teeth like a dog that would bark at a stranger.
"And now you brought the next person whom you will send to the grave."
She's probably referring to me since she mentioned many times that being associated with Loki is synonymous to
being in constant danger.
"I didn't come here to trade barbs, Maggie," Loki was unfazed by Margarette's unfriendly approach to him. Nanatili
siyang kalmado at nakatitig lang sa kausap niya. "I'm here to pay my respects."
"You should also pay for your sin." Inilagay ni Margarette ang dala niyang bulaklak sa tabi ng dalawang basket. "But
that won't be enough for the price that Rhea paid by befriending you."
"If she were here, do you think she will be happy to see us engage in a word war in front of her grave?" tanong ni
Loki, sandaling napasulyap sa lapida ng kanilang kaibigan. "I know how much you hate me but since today's Rhea's
birthday, I hope we can avoid being at each other's throats this early."
Margarette's lips twitched, she must be trying to control the rage inside her body. Mula nang magkakilala kami noong
isang araw, damang-dama ko sa pagsasalita niya tungkol kay Loki ang kanyang matinding pagkamuhi. Was her hatred
for Loki related to Rhea's death?
"Anyway, we will take our leave now so I won't irritate you any longer," Loki turned around and started walking
away. I followed behind him. "See you around in the campus."
When we were out of Margarette's earshot, I took the opportunity to ask him, "Why does it sound like she resents you
so much? May nangyari ba sa inyong dalawa?"
"Rhea is not just a friend to Maggie. She's like a sister to her," sagot ni Loki, diretso ang kanyang tingin sa aming
dinaraanan. "Halos isumpa at ipakulam niya ako nang mabalitaang pinatay si Rhea dahil sa akin."
Now that explains why she despises him, probably to the moon and back.
***
Pasado alas-siyete na ng umaga nang makarating kami sa school ni Loki. Bilang sa mga daliri ko ang mga araw na
sabay kaming pumasok.
"What do you think of the guy behind us?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa pavement patungo sa
school building. Kahit late na kami sa mga klase namin, parang namamasyal kami sa park sa bagal ng aming
paglalakad. Hindi problema sa 'kin ang ma-late dahil laging late din ng fifteen minutes ang prof namin sa first subject.
Ewan kung gano'n din ang prof sa first subject nina Loki.
Lumingon ako sa likuran at pasimpleng tumingin sa lalaking may kulay dilaw at pulang mantsa ang uniporme. Kulang
na lang ay habulin siya ng plantsa dahil sa sobrang gusot ng kanyang polo. May hawak-hawak pa siyang baso ng kape
mula sa convenience store ilang kanto mula sa school.
"Gusto mo bang subukan ang aking deduction skills?" Hindi ko na kailangan pang muling lumingon sa likod dahil
natandaan ko na ang itsura ng lalaki.
"Go ahead. I'm listening."
"Late siyang nagising ngayong araw kaya wala na siyang oras para pumili ng maayos na damit na susuotin," sabi ko.
"Base sa mantsa ng kanyang polo, posibleng 'yon din ang sinuot niya kahapon. Sa kakamadali niya, hindi na niya
napansin ang dumi nito. Hindi na rin niya ito nagawang plantsahin dahil wala na siyang oras para doon. Bago siya
pumasok, dumaan muna siya sa convenience store at bumili ng coffee. Pareho ba tayo ng deductions?"
"Hmmm..." lumingon siya sa likuran na tila kinukumpirma kung tama ang sinabi ko. "So close but no."
"Huh? Saan ako nagkamali?"
Itinaas niya ang kanyang hintuturo. "Una, bagong laba ang suot niyang polo ngayong araw pero hindi siya nagpalit ng
pantalon. The creases on his pants gave me that idea. Dahil wala siyang oras para mamlantsa kaya hindi niya ito
naitago."
"Kung bagong laba ang polo niya, bakit may mantsa ito?"
"You were right when you said that he went to the convenience store before entering the campus but here comes your
second mistaken deduction," sunod niyang itinaas ang kanyang hinlalato. "Wala siyang oras para mamlantsa ng damit
kaya posibleng wala rin siyang oras para kumain ng breakfast. Hindi lang kape ang binili niya sa convenience store
kundi pati isang hotdog sandwich. Ang kulay pulang mantsa ay ketchup habang ang dilaw nama'y Manhattan
dressing."
Wala kaming paraan upang alamin kung kaninong deduction ang mas tama. Medyo weird kung lalapitan namin ang
lalaking nasa likuran at tatanungin kung late siyang nagising at kung mula sa hotdog sandwich ang mantsa sa polo
niya. For now, I assumed that Loki's correct on all points. But at least, tumama ang ilan sa deductions ko.
"By the way, are you bringing the special fountain pen I gave you?"
Inilabas ko mula sa aking bulsa ang iniregalo niya sa 'kin noong isang araw. Minsan ko pa lang nagagamit ang stun
gun na 'to-at sa kanya pa talaga.
Papasok na kami sa entrance ng school building nang may napansin kaming nahulog mula sa itaas. Isang malakas na
"thud" ang nakakuha sa atensyon namin at ng mga estudyanteng nasa paligid.
KYYYAAAAA!
Napatili ang babaeng nasa likuran nang makita ang duguang katawan ng isang tao. Mukhang may tumalon na namang
estudyante. Kumpara sa kaso ni Catherine last week, nauna ang mukha ng lalaki-base sa kanyang suot na uniporme-sa
pagbagsak sa semento.
I averted my gaze from the bloody spot at hinayaang si Loki na ang tumingin.
"Nakita ko siyang tumalon mula sa rooftop."
"Naku, trending na ba ang suicide sa campus ngayon?"
Hindi na nag-aksaya ng oras si Loki at tumakbo papasok ng school building. Sumunod ako sa kanya't umalis sa lugar
kung saan nagkukumpulan na ang mga estudyanteng nakikiusyoso.
Dumiretso siya sa hagdanan, malalaki ang kanyang mga hakbang at mabibilis ang mga binti sa pagtakbo. Sinubukan
kong sumabay sa kanya pero hindi nakayanan ng mga paa ko.
Ilang segundo lang ang lumipas bago kami nakarating sa rooftop. Nadatnan namin doon ang nasa limang estudyante
na mukhang inaalam kung ano ang nangyari o kung bakit naisipang tumalon ng lalaki.
"Anong nangyari dito?" kaagad na tanong ni Loki nang mapalingon sila sa amin.
"Sinubukan ko siyang pigilang tumalon pero itinuloy pa rin niya," sagot ng lalaking nakasalamin. Parang hindi bagay
sa itsura niya ang pagkakaroon ng malalim na boses.
"Kami naman, papunta rito sa rooftop para tumambay nang narinig namin siya na pinapakiusapan 'yong lalaki na
huwag tumalon kaya nagmadali kaming tumakbo rito," paliwanag ng iba pang estudyanteng nasa paligid. "Saktong
pagdating namin, doon tumalon 'yong lalaki."
Napapikit ang lalaking salamin at napailing. "Bakit kailangan niyang gawin 'to?"
Pumunta si Loki sa bandang dulo ng rooftop kung saan sinasabing tumalon ang lalaki. Tumingin muna siya sa ibaba at
saka sinuri ang paligid niya. May nakita siyang isang basag na teacup ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya.
Inilabas niya ang kanyang panyo at pinulot ang isang bahagi ng nabasag na tasa.
"Bakit may teacup dito?" bulong niya habang inaamoy ang kanyang hawak. "Medyo mainit pa at sweet ang amoy,
probably tea. Did he drink something before he jumped off this building?"
"Mukhang suicide nga ang nangyari," komento ko nang tumabi ako sa kanya. "Unlike sa kaso si Cath, walang kahit
anong stunt dito."
Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nakasalamin at nagtanong, "Kakilala mo ba 'yong lalaking tumalon? How did you
two end up here?"
"Kaklase ko siya. Pareho kaming taga-Grade 11-B," tugon nito. "Alam kong off-limits na ang rooftop kahit kanino
kaya noong nakita ko siyang pumunta rito, sinundan ko siya."
"Nakita mo ba siyang may dalang teacup nang paakyat siya rito o umiinom gamit ang tasang 'to?" Ipinakita ni Loki
ang kalahati ng basag na tasa. "Judging by the warmth on the surface, something hot was poured in here which he
probably drank."
Umiling ang lalaking nakasalamin. "Nadatnan ko siya rito na nasa dulo na't tumitingin sa ilalim. Wala siyang hawak
na kahit ano. Wala rin akong napansin na ibang tao rito maliban sa kanya."
"That's strange..." napahaplos si Loki sa kanyang baba. "Why would there be a broken teacup here and why is it still
warm? Kung paniniwalaan natin ang testimonyo ng lalaking 'yan, the victim didn't bring it here."
Kinalauna'y dumating ang campus police para kordonan ang crime scene sa ibaba. Pinakolekta sa kanila ni Loki ang
mga piraso ng basag na teacup at hinabilin kay Inspector Estrada na i-check ang fingerprints sa tasa at kung ano ang
huling ininom ng biktima bago siya tumalon. Dahil suicide ang tinatayang anggulo at mukhang walang foul play na
nangyari, pinabalik na kami ng mga pulis sa aming mga klase.
Loki seemed to be bothered by what he found on the rooftop. I don't see how a broken teacup is related to the case.
Sabihin na nating may ininom nga ang biktima bago siya tumalon. But did that drink push him to commit suicide?
Kung alak 'yon, posibleng aksidente pa ang nangyari. Pero ang sabi ni Loki, mainit kung anuman ang ibinuhos doon at
posibleng tea ang laman.
When the school bell rang for our morning break, pinuntahan ko siya sa clubroom, baka sakaling may updates na
kaagad sa suicide case. He didn't seem to buy that angle or at least, he found something weird about it.
"I skipped classes earlier and talked to the victim's classmates," he told me when I asked if there were any
developments. "His name is Justin Ruiz, Grade 11-B. According to them, Justin is not the type to commit suicide. In
fact, he was looking forward to the basketball tryouts this afternoon. He even brought a jersey and rubber shoes."
"Kung gano'n, baka may foul play na nangyari sa inaakala nating suicide? Dapat ba nating pagsuspetyahan 'yong
lalaking nakasalamin na nagtangka raw pumigil kay Justin na tumalon o 'yung iba pang estudyanteng nasa rooftop
kanina?"
"Oh, you mean Daniel Gutierrez?" That's probably the name of the bespectacled guy I was referring to. "Did you
forget that there were witnesses who stated that Justin was already on the edge by the time they arrived at the rooftop?
Kung itinulak siya ni Daniel, dapat nakita nila at sinabi sa atin. Anyway, made-detect sa palm print analysis gaya ng
ginawa sa kaso ni Cath noon kung may nagtulak sa kanya o kusang tumalon si Justin."
"Baka may ginamit siyang trick?"
"Posible, kung may telekenetic powers si Daniel at kaya niyang itulak si Justin nang hindi hinahawakan. Wala ring
kakaiba sa rooftop na magsa-suggest na may trick na ginamit para mahulog ang biktima. The only thing suspicious is
the teacup."
And he brought it up again. "You think there's something in the cup?"
"It's the only thing that seemed to be out of place. Either may naunang pumunta sa rooftop at naiwan 'yon o it's related
to the case. The first possibility has some flaws: the rooftop is off-limits to students and why would anyone drink a
cup of tea there? On the other hand, the second possibility begs the question, why would someone drink tea before
committing suicide? Is it some kind of ritual?"
I guess we will find out if Loki's hunch will lead us somewhere once the police reports are in. For now, we need to
wait.
Or probably not.
Halos mapatalon kami sa aming mga upuan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking hinihingal
at pinagpapawisan. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago nagsalita.
"Ka... Kayo ba ang Q.E.D. Club?"
"Kami nga. Anong maitutulong namin sa 'yo?"
"A... Ako nga pala si Wade Montalban. Ka...Kailangan ko ang tulong n'yo..." Napaturo ang kanyang daliri sa labas.
"Ta...Taga-Photography Club ako... Nadatnan kong walang buhay ang isa sa mga member namin."
Loki shot a curious glance at me before he quickly got to his feet. "Lead the way!"
Maging ako'y napasunod sa pagtakbo nila. Nagtungo kami sa kabilang dulo ng third floor kung saan may ilang
estudyante ang nakalupong sa tapat ng isang room. Pumasok kaagad kaming dalawa ni Loki sa loob. Napatakip ako
ng bibig nang makita ang isang babaeng duguan ang uniporme at may nakasaksak na gunting sa kanyang tiyan.
Hawak-hawak pa ito ng mga naninigas niyang kamay.
And to our surprise, meron na namang teacup na nakapatong sa pabilog na drink coaster. Kumpara sa nakita namin sa
rooftop, hindi ito basag at may kaunting laman pa ng kulay brownish na likido.
Muling inilabas ni Loki ang kanyang panyo at hinawakan ang teacup.
"Just like the one we found earlier, it's still warm and smells sweet," sabi niya matapos amuyin ito. Ipapatong na sana
niya ulit sa coaster ang tasa nang bigla siyang mapatigil at nanlaki ang mga mata.
Something was written on it. A letter that both of us know very well. M.
Kinuha niya ang coaster at binaligtad ito. Meron ding nakasulat doon.
"It's her birthday today, isn't it? Did you see the flowers that I sent her? Why don't we play a game to commemorate
this day?"
-M

Loki gritted his teeth and his widened eyes showed a hint of rage boiling inside him. And then a smile formed on his
dry lips as if he was glad to have received a message from the man he's been after.
To be continued on Moriar-tea (Part 2)...

###

Volume 1 • Chapter 13: Moriar-tea (Part 2)


A/N: If you haven't read Moriar-tea (Part 1), please do not proceed.

LORELEI
"So he's challenging me, huh?" I heard Loki mutter as his eyes were fixated on M's message.
"A-Anong ibig sabihin ng nakasulat diyan?" nagtatakang tanong ni Wade, nakatitig ang mga mata sa coaster na hawak
ng aking kasama.
"Don't mind this message," Loki shove the coaster in his pockets and turned to the guy. "I'm more curious as to why
you came to fetch us instead of the campus police."
"Kasi... nabasa ko 'yong blog tungkol sa club n'yo," sagot ni Wade, hindi siya makatingin nang diretso sa aking
kasama na tila iniiwasang magtagpo ang tingin nila. "Nalaman kong may mga murder case na kayong nalutas. Dahil
kayo ang pinakamalapit dito sa crime scene, kayo na ang naisipan kong puntahan. Kaya n'yo i-solve ang murder case
na 'to, tama?"
"Teka, bakit mo nasabing murder ang nangyari dito?" tanong ko, dahilan para mapatingin si Loki sa 'kin, bahagyang
nakabuka ang kanyang bibig. Mukhang naunahan ko siya sa pagtatanong. "Sa unang tingin, hindi ba't mas mukhang
suicide ito? Hawak-hawak ng babae ang gunting na pinagsaksak sa kanya."
"I don't think na kaya niyang patayin ang sarili niya," tugon ng lalaki na may kasamang pag-iling. "Ilang taon ko nang
kaklase si Serena. Masyadong mataas ang tingin ng babaeng 'yan sa sarili niya kaya bakit niya maiisipang kitilin ang
sarili niyang buhay?"
"Interesting deduction," bulong ni Loki na yumuko at tiningnan nang malapitan ang duguang katawan ng biktima. "Do
you also know if this girl likes drinking tea? Do you keep a teacup or tea bags in this office?"
Wade shook his head slowly. "Ni minsan, hindi ko pa siya nakitang uminom ng tea dito sa loob ng clubroom at
ngayon ko pa lang nakita ang tasang 'yan."
"Ang sabi mo kanina, nadatnan mo siyang patay na, tama?" Humarap siya sa 'kin at medyo napakunot ang noo. "Saan
ka pumunta bago ka nagtungo rito?"
"Dapat sasamahan ko siya rito sa clubroom kanina pang nine o'clock. Kaso, may natanggap akong text mula raw sa
guidance counselor. Pinapapunta nila ako sa kanilang office kaya nagpaalam ako kay Serena at sinabing mauna na
siya rito. Pagdating ko roon, hinintay ko pang dumating ang counselor."
"So bago mo natagpuan ang katawan ni Serena, nag-usap muna kayo ng guidance counselor?"
"Hindi kami nagkausap talaga. Nabigla nga siya nang sinabi kong naka-receive ako ng message sa kanya para
pumunta sa kanyang office. Ang kataka-taka, wala raw siyang natatandaang tinext sa 'kin at hindi raw ang number na
ipinakita ko ang numerong ginagamit niya. Weird, don't you think?"
Kung nagsasabi siya ng totoo, posibleng sinadya silang paghiwalayin para ma-solo ng killer si Serena dito sa kanilang
clubroom. But I still don't understand why there's another teacup here and the way the victim was killed. Kahit saan
mo anggulo tingnan, talagang iisipin mo na baka nga siya mismo ang paulit-ulit na sumaksak sa sarili hanggang sa
mamatay siya.
"It's better if you will call the campus police," utos ni Loki kay Wade. "We need to have the teacup and the pair of
scissors examined for fingerprints though I highly doubt that the analysis would yield a game-changing result."
Hinintay muna naming dumating sina Inspector Estrada at ang kanyang mga tauhan. Napabuntong-hininga siya nang
makarating sila sa crime scene. Ito na kasi ang pangalawang bangkay na dadalhin nila sa morgue ngayong umaga at
ito na rin ang pangalawang beses na nakita niya kami ni Loki sa crime scene.
"May magnet ba kayo ng kamalasan o ano?" tanong niya sa amin bago nila ilabas ang bangkay at ang mga bagay na
dapat nilang suriin. I wonder if he already asked that question to Loki who has been with him before I enrolled here.
And the waiting game begins. Wala kaming magawa ni Loki kundi manatili sa clubroom at hintayin ang resulta ng
mga analysis na hiningi niya. Paikot-ikot siya sa mesa habang nakarus ang mga braso at nakatingin sa sahig na tila
malalim ang iniisip.
"Are you okay?" tanong ko.
"I'm fine. Don't mind me. I'm just thinking about why two students-who are not suicidal according to people around
them-would take their own lives? Malakas ang kutob ko na murder ang nangyari, especially after knowing that
Moriarty is probably behind these cases, pero paano pinagmukhang suicide ng salarin ang mga 'to? Another thing is
the teacup. Maybe that's the final piece of the puzzle we are missing."
"May koneksyon ba ang dalawang biktima?"
"Noong pumunta ako sa classroom ng 11-B kanina, nasulyapan ko na ang mukha ni Serena kaya medyo pamilyar ang
itsura niya nang natagpuan natin sa crime scene. So Justin and Serena are classmates who were killed around three
hours apart."
There's no conclusive proof that they were murdered pero 'yon na kaagad ang iniisip na anggulo ni Loki. And he
seemed to be convinced by it.
"Naisip mo na ba kung bakit silang dalawa ang napiling targetin ni Moriarty o kung sinumang agent niya? Anong
mapapala niya sa pagpatay sa isang aspiring basketball player at isang member ng Photography Club?"
"I don't know why he was interested in taking their lives. But these two cases have a serial element-the teacups found
in the crime scenes." He halted from walking around which made me a little bit dizzy. "Maliban sa paghahamon sa
'kin, hindi ko pa alam kung ano ang motibo niya sa pagpatay o pagpapapatay sa kanila. Pwedeng meron. Pwedeng
naka-trip lang siya."
The glint of joy in his jet black eyes told me that he's enjoying the investigation. It was the same expression I saw in
him when we took on the missing students case before. Whenever Moriarty is involved, it excites him to the point he
tends to treat the victims as pieces of the puzzle for him to pick up and put together.
By lunch time, when we were eating the packed lunch we bought from the cafeteria in the clubroom, someone
knocked on our door and a campus police officer emerged from the doorway. Inspector Estrada was busy with another
case so he couldn't personally deliver the results. After handing over a folder, the officer promptly left our office.
"Hmm..." Mabilisang binasa ni Loki ang unang pahina tapos inilipat ito sa kasunod na page. "There were no other
fingerprints found on the teacups and the scissors except for the victims'. The police also assumed that these are
suicide cases. Gaya ng inaasahan, malinis magtrabaho ang may gawa nito."
Nang inilipat niya sa ikatlong pahina ang report, bigla siyang napatayo at halos malaglag ang panga.
"Belladonna," he muttered under his breath. It sounded like a hiss.
"What?"
"Belladonna," basta-basta niyang inihulog ang hawak na papel at kinuha ang kanyang phone. Naging mabilis ang
pagpindot ng kanyang mga daliri sa screen nito. "The police found traces of belladonna on the teacups and inside the
victims. Aside from physical injuries, those two ingested poison!"
I have no idea what belladonna is or if that's an unfamiliar drug so I shot a questioning look at Loki which prompted
him to explain.
"Belladonna is a poisonous plat that has been used as a medicine since the ancient times. It also goes by a sinister
name-the Devil's berries," his eyes were speed-reading whatever's displayed on the screen of his phone. "It also causes
vivid hallucinations and deliriums... that's why some use it as a recreational drug."
Nabaling sa 'kin ang mga nanlaki niyang mata. "Hallucinations. Deliriums. That explains the missing piece of the
puzzle!"
Mas makabubuti siguro kung ipapaliwanag niya sa 'kin kung ano ang napagtanto niya. Until now, I don't have any
idea how those Devil's berries were related to the case.
"The culprit didn't need to touch the victims to kill them," muli siyang naglalakad-lakad nang paikot sa mesa. "He just
needed to offer them a cup of tea. Once the belladonna enters their system, they will experience hallucinations."
"At paano nakatulong ang pagkakaroon ng hallucinations sa krimen niya?"
"Think about it! Dahil wala sa tamang pag-iisip ang mga biktima niya, they will be open to suggestions. If he tells
them to jump from the building or stab themselves with a knife, there are good chances that they will do what was
asked of them!"
"Parang hynopsis?"
"Much clever than hypnosis. Kung hindi tumalab ang suggestions sa mga biktima, they will be poisoned eventually.
As long as the victim drinks the tea, a death warrant is already guaranteed."
"E bakit niya pa kinailangang patalunin sa building o utusan ang biktima na pagsasaksakin ang sarili?"
"Maybe our culprit is creative. His choice to use an ingenious trick supports this trait of him. Probably he doesn't want
to see someone dying in a boring way. And also, the poison won't instantly kill the victims but its effects would
manifest immediately."
That's indeed a clever way of ensuring that someone's gonna die. Parang inunahan ng salarin ang lason mula sa
pagpatay sa kanyang dalawang biktima. The question now is: Is the culprit also creative in the way of hiding his
traces?
"Nagkakamali ka," sabi ni Loki kahit pinoproseso pa lamang ng utak ko ang aking isasagot sa kanya. He's doing the
mind reading thing again. "The first crime was messy since the culprit didn't expect some interference before he could
complete the crime. He was almost caught in the act by some unsuspecting students. The second crime, however, was
almost flawless. He left no trace of his existence except for that teacup."
"Teka, huwag mong sabihing..."
"That's right. Our culprit is none other than the person who claimed to tried stopping Justin from committing suicide-
Daniel Gutierrez."
"Pero ang sabi ng ibang estudyanteng nasa rooftop kanina, narinig nila siyang pinapakiusapan si Justin na huwag
tumalon."
"He probably said that after he convinced the victim to jump. When he heard the footsteps of those guys approaching
the rooftop, he improvised some lines and made it sound like he's trying to stop Justin. No one would suspect a caring
friend and classmate, yes?"
So that was all an act for him to avoid suspicion? He almost got away with the lie he told us!
"Daniel's also from 11-B so it's safe to assume that the second victim knows him. Pwede niya itong i-text na magkita
sila sa Photography Club o kaya'y papasukin siya roon kapag kumatok siya sa pinto. He was probably the one who
sent the fake message to Wade using another number. Unlike in the first case where he almost got caught by other
students, mukhang pinanigan siya ng swerte sa ikalawang krimen dahil walang nang-istorbo sa kanya habang
ginagawa ang pagpatay kay Serena."
Ewan kung bakit pa-chill-chill pa siya imbes na kontakin ang mga otoridad para ipaalam sa kanila ang kanyang
deductions. "Kailangan na nating tawagan si Inspector Estrada bago may mapatay ulit si Daniel. Kung ise-search nila
ang gamit niya, posibleng makita ng mga pulis ang mga tea bag na may belladonna."
Inilabas ni Loki ang kanyang phone at sinimulang mag-dial sa kanyang screen. "Hindi mo na ako kailangang
paalalahanan pa. I'm on it."
"Magaling! Gaya ng inaasahan mula sa 'yo, Loki."
Sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto kung saan pumasok ang lalaking nakasalamin na may nakapintang
ngiti sa kanyang labi. Kumpara noong una ko siyang nakita kanina, merong nakalagay na wireless earpiece sa
kanyang kanang tenga. Sinabayan niya ng mabagal na pagpalapak ang kanyang pagpasok at may nakaipit pang maliit
na bag sa kanyang braso.
Isinara muna niya ang pinto at pinindot ang lock sa doorknob bago muling humarap sa amin. This doesn't look good.
Why would the primary suspect in those two cases appear before us?
"Nasabihan na ako na kapag napasakamay n'yo na ang police report, malalaman n'yo na kung sino ang salarin at kung
anong trick ang ginamit ko."
"For a suspect, you're quite bold and daring," komento ni Loki, sumandal sa kanyang upuan at pinagkrus ang mga
daliri. Nanatili naman akong nakaupo at ipinasok ang isa kong kamay sa bulsa kung saan ko inilagay ang stun pen.
Maybe this is the proper time to use it.
"First question: You're not Moriarty, are you?" tanong ng kasama ko.
Lumapit sa mesa si Daniel at tumayo malapit sa aking kinauupuan. Salamat sa ginawa niya, hindi na ako
mahihirapang tusukin siya gamit ang fountain pen. Tiyak na babagsak kaagad siya sa oras na ginamit ko 'yon sa
kanya. Ang kailangan ko lang ay tamang timing para hindi mabulilyaso ang balak ko.
Lumawak ang ngiti sa mukha ng aming hindi inaasahang bisita. "Ikaw ang detective sa ating dalawa. Ano sa tingin
mo, ako nga ba ang taong ilang buwan mo nang hinahanap?"
"Probably not," pasulyap-sulyap sa akin si Loki at kinakausap ako sa pamamagitan ng titig. Mukhang pareho kami ng
iniisip na plano para mapatumba ang lalaking 'to. "Moriarty is a coward who likes hiding behind the skirts of his
minions like you."
"Coward?" Napatawa nang mahina si Daniel. "Hindi tamang pagsalitaan mo siya ng ganyan. Iniisip ni Moriarty na
hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kayo. May iba pa siyang problemang pinagkakaabalahan habang nag-
uusap tayo ngayon."
Muling tumingin sa akin si Loki bago niya mabilisang ibinaling ang tingin sa lalaking katabi ko. Naramdaman kong
bumilis ang tibok ng aking puso at namawis ang palad na may hawak stun pen. Sa akin nakasalaylay ang buhay
naming dalawa.
"Do you mind if I send him a gift? Like a fountain pen or something?"
Pagkasabi ni Loki sa salitang "fountain pen," pumostura na akong ilalabas ang hawak ko sa bulsa at itinuon ang
atensyon ko sa leeg ng aking target para doon 'yon itusok. Saktong nailabas ko na ang pen nang biglang nagpukol ng
tingin si Daniel sa 'kin, dahilan para mapahinto ako.
"Huwag n'yong subukang gumawa ng bagay na pagsisisihan n'yo," may halong pagbabanta ang kanyang boses. "Sa
ngayo'y kausap ko si Moriarty at may dalawa akong kasamahan na nakaabang sa labas. Sa oras na naputol ang
komunikasyon ko sa kanila, baka bigla silang pumasok dito... at gilitin ang leeg ni Lorelei. Huwag kang mag-alala,
Loki, hindi ka namin susugatan o papatayin. Papanoorin mo lang maligo sa dugo ang iyong kasama rito."
Napalunok ako ng laway at dahan-dahang ipinasok ulit ang stun pen sa aking bulsa. Hindi nga naman pupunta ang
tulad niya rito kung wala siyang back-up. Pero posible ring namba-bluff siya dahil wala kaming paraan upang
malaman kung may mga nakabantay sa labas ng pintuan.
"Sinasabi mo bang walang balak si Moriarty na patayin ako?" naningkit ang mga mata ni Loki habang
pinagmamasdan ang bawat kilos ni Daniel. Ipinatong niya kasi sa mesa ang dala nitong bag.
"Kung meron man, ilang buwan ka na sanang wala rito," binuksan niya ang bag at mula rito'y inilabas ang dalawang
teacups. "Kung tutuusin, pwede ka naming dispatsahin anumang oras namin gustuhin. Pwede naming pagmukhaing
suicide, palabasing aksidente o lantarang murder. Sa kasamaang palad, ayaw ni Moriarty na ipaligpit ka o galusan
man lang. Ilang beses na naming sinabi sa kanya pero hindi niya pinagbibigyan ang aming ideya."
"Masyado yata siyang protective sa 'kin. Girlfriend ko ba siya kaya ayaw niya akong masaktan?" At nakuha pa
talagang makapagbiro nitong si Loki kahit na nasa mapanganib kaming sitwasyon. Hindi ko alam kung may plano
siya para lusutan ang gusot na 'to. Sana meron.
"Sabihin na nating masyado siyang obsessed sa 'yo. Ang sabi mo nga, parang isang girlfriend." Sunod na inilabas ni
Daniel ang maliit na thermos na ipinatong niya sa tabi ng mga tasa.
"Huwag mong sabihing pumunta ka rito para uminom ng tsaa kasama kami?" Sinundan ng tingin ni Loki ang tea bag
na inilagay ng aming bisita sa dalawang tasa. "Let me guess, those cups of tea are for me and Lorelei and you will use
the same trick you did on your two victims? Ang akala ko ba, ayaw akong patayin ni Moriarty? Bigla bang nagbago
ang isip niya?"
Hindi kaagad nakatugon si Daniel. Nanatili siyang nakatayo na tila hinihintay ang sagot mula sa suot na earpiece.
"Nagkakamali ka, Loki. Para sa ating dalawa ang mga teacup na 'yan. Pasensya na kung hindi ko naipagdala ng tasa
ang iyong kasama. Gustong malaman ni Moriarty kung hanggang saan ang limitasyon ng iyong husay sa deduction."
Binuhusan niya ng mainit na tubig mula sa thermos ang mga tasa at pinanood ang pagsingaw ng init nito. "Bakit hindi
tayo maglaro? Isa sa dalawang tea bag na nilagay ko sa mga cup ay may lamang belladonna habang ang isa nama'y
raspberry hibiscus tea. Parehong matamis ang kanilang lasa at mabango ang amoy. Ikaw ang mauunang pipili ng tsaa
na gusto mong inumin at mapupunta sa akin ang hindi mo napili. Sabay nating iinumin ang dalawang 'to at titingnan
natin kung sino ang matitirang buhay."
"Paano kung ayaw kong makipaglaro sa 'yo? May magagawa ka ba?"
Biglang inilabas ni Daniel ang isang Swiss knife at itinutok sa 'kin. Napasandal ako sa aking upuan at inilayo ang leeg
ko mula sa talim nito.
"Kapag ako ang nanatiling buhay sa ating dalawa, papatayin ko ang kasama mo. Pero kapag ikaw ang sinwerte sa
larong 'to, malaya kang gawin kung anong gusto mo sa 'kin kung hindi pa ako tuluyang nalalason. Pwede mo akong
ipaaresto sa pulis o saksakin gamit mismo ang knife na hawak ko. Kung ayaw mong maglaro at handa kang
isakripisyo ang buhay niya, parang pinatunayan mong mas magaling si Moriarty kaysa sa 'yo."
Nakasalalay na pala sa tsaang iinumin nila ang buhay ko. Nakabantay ang mga mata ni Loki sa dulo ng patalim.
"Ganito rin ba ang ginawa mo sa mga nauna mong biktima? Pinagbantaan mo rin bang sasaksakin sila kung hindi nila
iinumin ang tea na inalok mo?"
"Pati ang mga taong malapit sa kanila rito sa school," dagdag ni Daniel at saka siya umupo sa tabi ko. "Nakakatuwa
nga namang isipin na pwede mong gamitin ang mga kaibigan ng isang tao para saktan o pasunurin sila. Pero alam mo
na 'yon, 'di ba, Loki? Matapos ang nangyari kay Rhea."
Hindi kumibo ang kasama ko. Nakatingin na siya ngayon sa dalawang tasang may lamang tsaa at tila sinusuri ang mga
'to. Fifty-fifty ang tsansang mapunta sa kanya ang mas ligtas na tea. If Lady Luck is with him and the universe will
conspire against Daniel, he would get the not poisoned drink.
"Do you mind if I sniff the scent of these teas?" Nang tumango sa kanya si Daniel, kinuha niya ang isang tasa, inilapit
ito sa kanyang ilong at suminghot. Gano'n din ang ginawa niya sa isa pang tsaa. Malakas ba ang pang-amoy niya para
matukoy kung alin sa dalawa ang may belladonna?
"Now let the game begin." Lumawak ang ngiti ni Daniel habang naka-relax na nakaupo. Kinuha ni Loki ang tasa sa
kanan.
"Just one question," hirit ni Loki bago inilapit ang teacup sa kanyang bibig. "Since this might be the last conversation
we will ever have, I wanna know why Moriarty is so obsessed with me. Mind telling me the reason?"
Kinuha na rin ni Daniel ang isa pang teacup at hinipan ito. "Mula nang makialam ka sa business niya last academic
year, naging interesado na siya sa 'yo. Nang namatay ang dati mong partner, medyo nalungkot siya dahil bigla kang
nawala sa kanyang radar. Pero muli siyang nabuhayan ng loob nang mabalitaan niyang involved ka sa kasong
nangyari sa Chemistry Lab."
"At dahil doon, bumalik na ako sa kanyang radar?" Hinipan din ni Loki ang kanyang tsaa at nakipagtitigan sa kanyang
kaharap. Maybe he's planning something that's why he's not yet drinking his tea. Baka segurado siyang ligtas ang
tsaang iinumin niya at kumukuha lamang siya ng impormasyon kay Daniel.
"Muli ka kasing nakialam sa business niya ngayong academic year. Ang isa sa mga recent ay ang pagdukot namin sa
isang Math prodigy na natagpuan n'yo sa abandonadong school building. Natatandaan mo rin ba 'yong kaso ng
babaeng nag-suicide na pinapamukhang murder ang nangyari sa kanya?"
"Ang kaso ni Catherine, huh? Ibig mong sabihin, involved rin siya roon?"
"Sa tingin mo ba'y maiisip ng babaeng 'yon ang gano'ng trick? Humingi siya ng tulong sa amin para gantihan ang
kanyang ex-boyfriend. Handa siyang gawin ang lahat-kahit ibuwis ang kanyang buhay-para makapaghiganti kaya
naisip ni Moriarty na palabasing hindi basta-basta ang kanyang suicide."
Kaya pala gano'n kakomplikado ang naging imbestigasyon namin doon! It was Moriarty all along and we never felt
his presence throughout the case. Wala itong pinagkaiba sa kasong pagdukot kay Stein Alberts. Ang akala naming
ordinaryong kaso, konektado pala kay Moriarty sa bandang huli.
"Alam niyang kakagatin mo ang red herring na inilagay niya sa biktima kaya ipinamukha niyang murder 'yon at ang
suspek ay ang ex-boyfriend kahit hindi naman talaga," pagpapatuloy ni Daniel. "Ang sabi niya, mas pipiliin mo raw
ang komplikadong solusyon kaysa sa simpleng paliwanag kaya ginamit niya ang gano'ng pag-iisip mo para lituhin ka.
Medyo nadismaya nga siya nang hindi ikaw kundi ang kasama mo ang nakakita sa katotohanan sa likod ng kaso."
Dahan-dahang ininom ni Loki ang kanyang tsaa habang pinakikinggan ang kanyang kainuman. "So in other words,
Moriarty and the rest of your team are like my club? You also solve problems but in a more devilish way?"
Napainom na rin si Daniel bago siya sumagot. "Pinagbibigyan namin ang hiling ng mga estudyanteng
nangangailangan ng tulong. Sa tamang presyo, kaya naming gawin ang anumang bagay para sa kanila. Kung may tao
silang gustong ipatumba, may bagay na gustong nakawin o impormasyong gustong makuha, ibinabato namin ang
request kay Moriarty at siya ang nag-iisip kung paano namin maisasagawa 'yon."
"Siya ang utak at kayo ang mga galamay..." Inubos na niya ang laman ng kanyang teacup at inilagay ito sa mesa.
"That's interesting. I would really love to meet him face to face. Maybe we can become good friends."
Either the tea started taking effect on him or he was only joking with that remark. Pinagmasdan kong mabuti ang
itsura niya, baka anumang sandali ngayo'y tumalab na ang belladonna kung sakaling 'yon nga ang nainom niya.
Naubos na rin ni Daniel ang kanyang tsaa at ipinatong ang teacup sa mesa. Nakangiti pa siya habang nakatingin kay
Loki. "Kumbaga sa isang pelikula, siya ang direktor at kami ang mga aktor. Sa isang nobela, siya ang manunulat at
kami ang kanyang mga tauhan."
"Kung gano'n, nakita mo na ba siya sa personal?" Ipinatong ni Loki ang mga siko niya sa mesa at pinagkrus ang
kanyang mga daliri. "Do you know who Moriarty is?"
Hindi ko alam kung umiiling si Daniel o iginagala niya ang kanyang mga mata sa aming clubroom. "Isa lamang akong
foot soldier sa aming grupo. Tanging mga high-ranking na miyembro ang posibleng nakakakilala sa kanya."
"At may kilala ka bang miyembro na nakakaalam sa katauhan niya?" Loki leaned a bit forward, his eyes narrowed into
slits and voice lowered into a hiss.
"Meron kaming... miyembro sa student..."
Biglang bumagsak sa sahig ang nangingisay na katawan ni Daniel, tumitirik ang kanyang mga mata. Mukhang sa
kanya napunta ang tsaang may belladonna. Should I be happy that he got the poisoned tea?
I turned to my companion and flashed a wide grin. "Loki! Ang galing mo! Paano mo nalamang hindi 'yong-"
THUD.
Sunod na bumagsak ang katawan ni Loki sa sahig. For a moment or two, I sat frozen with my eyes widened in shock
and mouth opened widely in surprise. Agad akong nagtungo sa tabi niya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking hita.
Just like Daniel, his body was shivering violently as if he's experiencing seizure. His eyes were almost closed but I
could still see them staring back at me. His mouth was moving a little, trying to say something but no voice would
come out.
Napatingin ako sa dalawang tasa na nasa mesa. Posible kayang parehong belladonna ang tsaang ininom nina Loki?
Was Daniel only bluffing when he said that the other teabag contains raspberry hibiscus tea?
What should I do? What am I supposed to do? Hindi ko alam kung anong gagawin!
Ang tanging nagawa ko ay magsisigaw ng "Tulong!" na sana'y marinig ng mga estudyanteng nasa labas. My body's
under a great shock to move an inch!
And then I felt Loki's shaking left hand touch my cheek. His skin was unusually dry and his eyes with dilated pupils
stared at me for a minute or two.
He tried to speak in his croaky voice and I could only make out some words that came from his mouth.
"Rhe... Rhea... I... lo..." His hand fell on my lap as his eyelids closed completely.
I wish he was only joking. I wish he was only playing a prank on me. I wish he would just open his eyes and shout at
me, "Aha! I got you! You always fall for it!"
But he didn't. Naramdaman ko na lang tumulo ang mga luha ko at pumatak sa kanyang pisngi. Hindi ko napigilan ang
pag-agos ng mga luha ko na parang dam na bumuhos.
"LOOOOOOOKI!"
###
P.S. Loki is now dead. Lorelei will be alone. Moriarty has won. Game over.
At dito na nagtatapos ang Project LOKI! Maraming salamat sa mga tumutok hanggang sa huling chapter na 'to!
Of course, I'm only kidding! May next update pa! I don't know if I should take a break from writing Project LOKI or
write the next chapter as soon as I can.
So what can you tell about this chapter?

Volume 1 • Chapter 13.5: Belladonna [Loki]

A/N: This is a short but MUST READ update featuring Loki's point of view.
LOKI
"TWINKLE, TWINKLE, little star. How I wonder what you are~"
Who in the world would sing that song?
My back could feel the coldness of the tiled floor. Why was I lying in this place? My eyes were already opened but I
couldn't clearly make out of where I was. May mga naaaninag akong anino pero hindi ko alam kung ano ang mga
bagay na nasa paligid ko.
I tried to get up from the floor. The stabbing pain in my head made it hard for me to sit upright or stand. Parang
minamartilyo ng sampung maso sa sobrang sakit. Dahan-dahan kong idiniretso ang aking upo habang nakahawak ang
kamay ko sa noo ko.
"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"
That familiar tune was playing over and over as if it's on repeat. It's coming from the room meters in front of me. Is
someone trying to annoy me by making me listen to that song? Only a few people know how much that children song
means to me and how much I hate it.
Dahan-dahan akong tumayo at sinubukang balansehin ang katawan ko. My head was still spinning and I couldn't walk
on a straight line. Daig ko pa ang lasing. Naglakad ako patungo sa kwarto kung saan nanggagaling ang nakakairitang
tunog na 'yon. I have to stop it before I lose my mind.
May ilang beses din akong natumba habang naglalakad. Dagdag pa sa aking pagkahilo ang panghihina ng tuhod ko. I
felt like a phone drained of all its energy. Hindi ko na matandaan kung ano ang nakain at nainom ko kanina kaya ako
nagkakaganito.
Nang makapa ko ang pintong yari sa kahoy, ipinihit ko ang doorknob at itinulak ito paloob ng kwarto. The door
created a creaking noise that one would usually hear in a horror film. Lalo pang lumakas ang tunog ng kantang 'yon na
tila inaasar ako.
Madilim din sa loob ng kwarto pero may mga napansin akong anino sa bandang likuran. Kinapa ko sa pader ang
switch at pinindot ito.
"Up above the world so high. Like a diamond in the sky~"
When the bulb illuminated the room, I collapsed on the floor with my butt first. I shook my head violently as my
widened eyes stared at the body leaning back on the wall. It wasn't moving like a mannequin. Its clothes was drenched
with crimson color and a pool of red liquid spread from the body to where I was sitting.
I was used to seeing dead bodies every now and then. But this time, it was different. I couldn't stand looking at the
lifeless and familiar face of a friend. I couldn't stand looking at Lorelei whose throat was slit, blood rushing down on
her body. Nakadilat pa ang mga mata niya at bahagyang nakabuka ang bibig kung saan tumutulo rin ang ang kanyang
dugo. Kaagad akong napatakip sa bibig ko-muntikan na akong masuka-at iniwasan ng tingin ang kanyang duguang
katawan.
"Hindi... Lorelei... Paano nangyari 'to?" My gaze was averted to the writing on the wall just a few inches above her
head. It was written in dark red like the color of the blood.
How do you like my offer of friendship? -M
"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"
Kahit na nanghihina pa ako, I mustered all my remaining strength and rushed to Lorelei's side. My hands pressed her
throat as hard as I could to stop the bleeding. Pero walang nangyari. Patuloy sa pag-agos ang kanyang dugo. Her warm
blood slipped through my fingers.
"Lorelei, please don't. Don't die on me!"
Her pulse was gone. She was no longer breathing.
Damn it! I failed again. I failed to protect her like how I failed to protect Rhea.
Again. He did it again. That heartless bastard who sold his soul to the Devil. He doesn't want me to die. He just wants
to see me hurt by killing those people around me.
Niyakap ko nang mahigpit si Lorelei. Wala akong pakialam kung madumihan ang suot kong uniporme. I know she
could no longer feel the warmth of my embrace but I wanted to make her feel that I was there.
I hope this was just a dream. I hope this was just an illusion.
"Hey, Loki? Are you awake?"
Muling bumukas ang mga mata ko at napahinga nang malalim. My eyes roamed for a moment. Almost everything
around me was white. Then there's the smell that reeks of disinfectant. A constant beeping sound also rang in my ears.
If my deduction's right, I'm in a hospital.
Sa paanan ng aking kama, nakapatong ang ulo ni Lorelei sa kanyang nakakrus na mga kamay. Nakaharap sa akin ang
natutulog at inosente niyang mukha at nakapikit na mga mata. Her lips were moving but no sound came out.
Kung natutulog siya ngayon, kanino galing ang boses na narinig ko kanina?
"I'm glad you are awake. I was worried na baka hindi ka na gigising."
No, that can't be. That voice... It's been months since I last heard it.
I looked to my right and saw the figure of a young woman whose long braid of black hair freely hanging over her right
shoulder. Her face was pale while her lips were rosy red. When my gaze met her brown eyes, I knew that it was her.
"Rhea... What are you-"
She put her finger before her lips. "Huwag kang maingay. Baka magising pa siya."
"Ikaw, paanong..." How in the world could this be possible? She's already dead months ago, I saw it with my both
eyes.
"You're the detective. You tell me," she said with a smile that I haven't seen for a long time. Her soft lips, her white
teeth... How much have I missed those.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit alalahanin kung ano ang nangyari bago ako napunta rito. Last time I could
remember, I was in the Q.E.D. clubroom with Lorelei and Daniel Gutierrez, one of Moriarty's minions. He challenged
me to a tea-drinking game, whoever survives will get to live and make the other suffer. Tapos... bigla akong nahilo,
nawalan ng balanse at ng malay.
"Natatandaan mo na ba kung bakit nandito ako?"
Her mere presence in my bedside defies the logic that I strongly believe in. She can't still be alive. She must be an
illusion, a figment of my imagination.
That's right. She must be an hallucination caused by me drinking belladonna.
"You're not real," I groaned as the pain in my head continued throbbing. But I wish she was.
She began caressing my hair and looked straight at me in the eye. Her touch somehow made the pain go away. "Hindi
ka pa rin nagbabago. You always want to be the clever. Tingnan mo ang nangyari sa 'yo."
"Oh, please." Sinubukan kong umupo ng diretso . "You know me better than anyone else."
Her head turned to Lorelei who was still sound asleep and asked, "Is she the new me in your life?"
"You know there's no one in this world who can take your place. No matter how many people I meet."
"But you should take care of her as what you did to me," Rhea bat her eyes as she returned her gaze to me. "She
seemed to have grown fond of you. Alam mo bang kanina ka pa niya binabantayan magmula nang dinala ka rito sa
ospital? Halos maiyak nga siya habang pina-pump ng mga doktor ang belladonna mula sa katawan mo."
She cried for me? Did she think I was really going to die? Why would she do that?
"Hindi mo pa ba alam hanggang ngayon kung bakit? You two are somehow alike-your circumstances, your attitude."
Since Rhea's a part of my imagination, I guess she could read what's going on my mind. "Like you, she doesn't easily
trust people. She didn't trust you at first, but after all that had happened, mukhang naging open na siya sa
pakikipagkaibigan sa 'yo."
"Nah, I don't think na katulad ko siya."
"Have you ever realized that she's spending most of her time in the club rather than being with friends and doing high
school stuff?" tanong ni Rhea. "Kakilala mo ba ang mga kaibigan niya?"
"Ipinakilala niya sa 'kin noong isang araw 'yong kaklase niya." What was her name again? Rosalie? Rosemary?
"Maliban sa isang 'yon, wala na?"
I shook my head, realizing what she was pointing out. The first time I met Lorelei, she already gave me the impression
that her idea of friendship has been ruined by whatever happened in the past. No one would just abandon their friends
even if they transfer from one location to another.
Pero gano'n ang ginawa ni Lorelei. Lagi siyang pumupunta sa clubroom kapag break time, dumidiretso sa apartment
pagkatapos ng klase at nagkukulong sa kanyang kwarto para sumulat ng blog. Ni minsan, hindi pa siya lumabas
kasama ang mga kaibigan o kaklase niya. She also had a past that she was trying to escape from.
In retrospection, we seem to be alike, at least in those aspects. Like me, she has detached herself from the world. Like
me, she finds it difficult attaching herself with people.
"Ano ba siya para sa 'yo? Is she a mere club member or a puzzle for you to solve?"
"And why are we discussing about her?"
I heard Lorelei let out a soft moan, moving her head a bit. Anong oras na ba? Bakit hindi siya roon sa apartment
matulog?
Rhea giggled. "You still don't get it, do you? Loki, Loki. Up to now, you still don't understand us, girls."
"Women are complex puzzles. I could try to solve you and the whole of your gender but I have other priorities."
"Moriarty, huh?" Rhea drifterd her gaze from me to the glass window of our room. "Ilang buwan na ba ang
nakakalipas? Anim, pito? Hanggang ngayon, hindi ka pa rin makapag-move on sa kanya. You are always chasing him
to the point that it has become your obsession."
Why did she sound as if my quest to bring her killer to justice is a bad thing?
"I'm doing it for you."
"You're doing it for yourself!" she growled at me. "I understand that my death left a huge void in your heart. You are
trying to fill it by hunting down the guy who murdered me. Ilang buwan na ang nakalilipas pero saan ka dinala ng
paghahabol mo sa kanya?"
"Are you sure you're still a product of my imagination?" I wondered. "Or are you the real thing?"
"I speak and act like how you knew Rhea," she answered. "Kung buhay pa siya ngayon, ganito rin ang sasabihin niya
sa 'yo. Look here, Loki. It doesn't matter to me if you catch Moriarty or not. Patay na ako kaya kahit mahuli mo siya,
it wouldn't make a difference. Will it bring me back to life? No. Instead of wasting your time, why don't you get on
with that precious life of yours?"
"When he's caught. That's when I will move on."
Rhea heaved a frustrated sigh. Not even her words could stop me from my quest of bringing Moriarty to justice.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Matigas pa rin 'yang ulo mo."
"It's the only way I can redeem myself... for the tragic fate that your acquaintance with me brought to you."
There's no one to be blamed but me. Until her death, I haven't fully realized how much danger I could cause to anyone
who gets too close. Parang akong isang naglalagablab na apoy na kapag may sumubok lumapit, matutupok sila't
magiging abo.
She then showed me her clenched fist. "You've been like this ever since we've met. Noong namatay ako, lalo mo pang
hinigpitan ang pagkakuyom ng kamao mo. You're holding on something without realizing that it's already hurting you.
Ayaw mong buksan 'yan."
As long as the pain's worth it, I don't mind holding on for a bit longer.
"Why don't you try to loosen up?" She slowly unclenched her fist, showing her palm as pale as snow. "Why don't you
try to let go so you can move on? This will help not only you but also the people around you."
Easier said than done. If only I could, I would. But until my business with Moriarty is finished, letting go will have to
wait.
"Mukhang oras na para umalis ko," she kissed me on the forehead before turning to the door. "It was nice talking to
you again."
"Teka, saan ka pupunta?"
Ngumiti lamang siya at nagtungo sa pintuan, her braided hair bounced as she approached it. For a moment, I almost
forgot she was just a hallucination.
Pero bago niya ito tuluyang pihitin ang doorknob, may pahabol akong tanong sa kanya.
"Have you forgiven me, Rhea?"
"You've done nothing wrong, Loki."
And then she vanished from my sight. The effects of the belladonna was probably wearing off. How I wish that the
conversation we had was real. How I wish that she was real.
Slowly I closed my eyes and let the darkness embrace me in its arms.
###
P.S. Next chapter will be on Lorelei's POV again, resuming the regular narrative. So what do you think about this
illusory encounter between Rhea and Loki?

Volume 1 • Chapter 14: The Mystery of the Ominous Melody


LORELEI
"HEY, WAKE up, sleepyhead."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iniangat ang ulo ko mula sa pagkakahiga. Bumungad sa akin ang
itsura ni Loki. Hawak-hawak niya ang kanyang phone at nakatutok sa mukha ko. Malamang kinuhanan niya ng litrato
ang mukha ko habang tulog.
Teka, gising na siya? Talaga?
"Loki!" I jumped from my seat and hugged him as tight as I could. Thank God that he's still alive! Back in the
clubroom, I thought he was already a goner after drinking that belladonna.
"Geez... What's with that overreaction?" Naramdaman kong medyo nailang siya sa pagkakayakap ko. "I-I can't
breathe. Can you please get your hands off me already? Baka matuluyan na ako."
Halos maiyak ako sa sobrang pasasalamat. Magmula nang dinala siya rito, paulit-ulit akong nanalangin na sana'y
maging mabuti ang kalagayan niya. Mabuti't narinig ng langit ang pagsusumamo ko at hinayaan pa siyang mabuhay.
Kung kailangan, sampung beses pa akong magrorosaryo para sa kanya.
I usually don't feel this way when it comes to guys but I guess Loki's a different case. Kahit mag-iisang buwan pa lang
kaming magkakilala, maybe I have grown to care for him... a bit. After all, he saved my life twice-once during the
fake abduction organized by his brother and the attempt on my life by one of Moriarty's minions.
I let go of him and resumed sitting on my chair. Nahihirapan pa rin siyang gumalaw at napapahawak sa kanyang ulo.
Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya, natanggal na nila ang traces ng belladonna sa katawan niya pero may
aftereffects pa rin ito.
"How did I get here? Don't tell me you carried me on your back from school all the way here?" Dahan-dahan niyang
inikot ang kanyang ulo habang nakahawak sa batok ang kanyang kamay.
"Nang mawalan ka ng malay kanina, humingi ako ng tulong sa mga taong nasa labas," kwento ko sa kanya. "Mabuti't
napadaan si Sir Jim malapit sa club kaya natulungan niya akong buhatin ka. Mabilis ka niyang ipinasok sa kotse niya
at dinala rito sa ospital."
"Sir Jim?" Naningkit ang mga mata ni Loki, tila nakalimutan na niya kung sino ang taong nabanggit ko.
"'Yong Math instructor ko at kliyente natin sa kaso ni Stein Alberts." Baka hindi rin niya matandaan kung sino si Stein
kaya ipinaliwanag ko na rin sa kanya. "Si Stein 'yong lalaking nakita natin sa locker room sa may abandoned building
noong nag-ghost hunting tayo kasama ang Paranormal Club. Pagbalik ni Sir Jim dito, dapat magpasalamat ka sa
kanya."
"Ah, naaalala ko na."
"Bakit ba parang hindi mo natatandaan ang pangalan ng mga taong nakakasalamuha mo?" nagtatakang tanong ko sa
kanya. Kung hindi niya nakakalimutan, nagkakamali siya ng tawag.
"Lorelei, tell me, what do you do when there are unnecessary files in your hard drive?" His voice was weak but his
tone's still the same whenever he's about to say something that I might not I agree with. Hindi ko alam kung bakit
napunta sa hard drive ang usapan namin tungkol sa mga pangalan pero sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Well, I delete them to free up some space for future files."
"Exactly. That's the same concept I'm applying to my mind. Our brain is like a hard drive-an internal hard drive-where
every byte is equivalent to a piece of information. I don't waste a byte in my storage for stuff that won't be of any use
for me."
"So the names of people you meet-"
"Not only the names but people themselves! Why should I bother remembering someone's name or their appearance
when he or she has nothing to offer to me? Nakapagbasa ka na ba ng nobela na maraming tauhan? Ilan sa kanila ang
natatandaan mo pa? Kaunti lang, 'di ba? That's because in a story, only the characters with significance to the plot
matter, especially the protagonists and antagonists!"
He may not be back in his usual vigor but I could say that he's really back. Kung sakali mang namatay siya, mami-
miss ko ang kakaibang pananaw niya sa buhay at iba't ibang bagay.
"Speaking of antagonists, what happened to Daniel Gutierrez?" His voice went deep and serious.
Marahan akong umiling. "Isinugod rin siya rito sa ospital bu he didn't make it. Sabi ng mga doktor, mukhang nalason
siya. Ipinapa-autopsy na ang bangkay niya."
"Was it because of the belladonna?"
"Posible. Mukhang parehong belladonna ang ininom n'yo pero may halong lason ang napunta sa kanya. May dadaan
mamayang campus police officer dito para bigyan tayo ng copy ng report."
Loki looked away, still in deep thought. "So he lied to us when he said that one of the tea bags contained raspberry
hibiscus tea. Or possibly, the man who handed him those tea bags lied to him. They didn't tell him that one was laced
with poison."
Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin sa taong pumasok. Maingat na isinara ng lalaking
nakasalamin ang pinto bago humarap at lumapit sa 'min.
"Mabuti't gising ka na," nakangiting bati ni Sir Jim kay Loki. May bitbit siyang plastic na ipinatong niya sa maliit na
mesa malapit sa kama. "Alam mo bang alalang-alala itong si Lorelei kanina? Tinawag na niya yata ang lahat ng santo
para siguruhing ligtas ka."
"Sir!" I could feel my cheeks turning as red as tomatoes.
"Oh?" bahagyang napabuka ang bibig ni Loki. "My subsconscious told me earlier that you were also crying. Was that
true?"
I shook my head frantically even if that's true. "Ba-Bakit naman kita iiyakan? We're not even friends, 'di ba?"
Napatawa tuloy si Sir Jim. "Bagay kayong dalawa."
"What?"
"Ano ho?"
"May ilan na akong nasabihan ng gano'n," napangiti lang si Sir Jim sa sabay na reaksyon namin ni Loki. Pati ba
naman si sir, nang-iintriga? "At karamihan sa kanila, talagang nagkakatuluyan. Malay n'yo, magkatotoo."
The thought never crossed my mind. Oo, may itsura itong si Loki kahit unorthodox kung mag-isip at kung minsa'y
gusto mong batukan dahil sa mga mapaglaro niyang trick. But he's not the type of guy that any girl would easily fall in
love with.
"You should be careful next time, Loki. Pati na ikaw, Lorelei," paalala ni Sir Jim. "Whoever's behind these incidents,
mukhang seryoso silang manakit ng tao para sa sarili nilang interes."
He didn't need to remind us of the danger we are in. Both Loki and I knew what we signed up for.
"Bumili pala ako ng pagkain doon sa canteen. Kumain na kayo, lalo na ikaw, Lorelei. Huwag mong hayaang
malipasan ka ng gutom," sabi ni Sir Jim habang naglalakad patungo sa pinto. "Pupuntahan ko muna 'yong kaibigan
kong doktor dito sa ospital bago ako umalis."
Nang lumabas na siya, sandali kaming natahimik ni Loki at sabay na napatingin sa iniwang plastic ni Sir Jim.
"He seemed to be too concerned about us," komento ni Loki. I could sense in his tone that there's a hint of suspicion.
"We only helped him in a single case."
Ewan kung anong pinagtatakahan ni Loki roon. Natural lang sa mga teacher na maging concern sa mga estudyante
kahit hindi sila kabilang sa mga tinuturuang klase, 'di ba? They are supposed to be our second parents, though medyo
bata pa si Sir Jim, so there's nothing suspicious about it.
"His name also strikes me as curious," dagdag ni Loki habang inaayos ang kanyang pagkakahiga.
"Jim? Anong kataka-taka doon?"
A slightly confused look flashed across his face. "Don't you know? Jim is now commonly used nickname for James."
"And the name 'James' holds some significance because...? Dahil ba fan ka ni James Bond o James Dean?"
"Didn't I tell you before? Professor Moriarty's first name is James."
Our conversation was interrupted by three knocks on the door. A young man in police uniform went in, holding a
folder by his right hand. Pamilyar ang mukha niya sa 'kin dahil nakita ko na siya kaninang lunch time. Siya kasi 'yong
officer na naghatid ng autopsy report sa dalawang biktima ni Daniel.
"Magandang gabi!" Nakasaludo niyang bati sa amin bago siya lumapit sa kama. "Ipinadala ako ni Inspector Estrada
para ibigay sa inyo ang-WHACK!"
Madulas yata ang sahig kaya aksidente siyang napaupo at nabitawan ang hawak na folder. Kanina sa clubroom,
natakid siya sa paanan ng upuan bago pa niya maiabot sa amin ang report. Either natural ang pagiging clumsy niya o
minalas siya sa dalawa naming pagkikita.
Pero kumpara sa mga karaniwang pulis na nakikita namin sa crime scnee, masyado siyang bata. Ngayong muli kong
nakita ang kanyang mukha, masasabi kong halos magkasing-edad lang kami. Pwede ring talagang baby-face siya kaya
ganyan ang kanyang itsura. Naka-pin sa kanyang chest pocket ang nametag na "Montreal, B."
Tinulungan ko siyang tumayo at saka nagpasalamat sa 'kin. "Meron ibang kasong iniimbestigahan ang inspector kaya
hindi siya nakapunta rito. Heto nga pala ang autopsy report kay Daniel Gutierrez."
Pinilit iniangat ni Loki ang kanyang nanghihinang kamay para kunin ang report pero inunahan ko na siya.
"By the way, aren't you too young to be on the campus police?" tanong ng kasama ko. "You still look like a teenager
even if you are wearing that uniform."
Napakamot si Officer Montreal sa kanyang ulo at tila nahiya sa nasabing komento. "Actually, isa pa lang akong
college student. Criminology ang kinukuha kong course at bilang part ng on-the-job training namin, in-assign ako sa
Clark High School Campus Police."
"An intern, huh? That must be why they are asking you to run errands. But have you ever been in an actual crime
scene, er... Officer Montreal?"
"Tawagin n'yo na lang akong Bastien. Sa unang buwan ko sa campus police, halos desk work ang pinaasikaso nila sa
'kin. Pero ang sabi ni Inspector Estrada, isasama na niya ako sa mga crime scene para magkaroon ako ng experience sa
field."
Sana hindi gumana ang pagka-clumsy niya kapag nasa pinangyarihan sila ng krimen para maging maayos ang mga
imbestigasyon nila. Baka kasi may mga ebidensyang masira na makatutulong sana sa kanila.
Binuksan ko ang folder at mabilisang binasa ang dalawang pahinang report. Kaagad kong hinanap ang cause of death
section at nabasa ang sumusunod:
A complete autopsy examination showed that aside from belladonna, traces of hemlock were also found in the victim's
system. The analysis from the teacup in the crime scene also showed the same result.
"Hemlock?" nagpukol ako ng nagtatakang tanong kay Officer Bastien.
"Kung tama ang pagkakaalala ko, ang hemlock ay isa sa mga pinaka-poisonous na halaman. Umaabot mula
dalawampung minuto hanggang tatlong oras bago magpakita ang sintomas nito," paliwanag niya. "Sabi ng chief
medical examiner, kung sanang nadala kaagad sa ospital ang biktima, baka posibleng nailigtas pa siya. Fast-acting
kasi ang mga toxin kaya agarang solusyon ang kailangan."
Sunod akong napatingin kay Loki. "Maswerte ka pala na hindi 'yong tea bag na may halong hemlock ang napunta sa
'yo."
"It's not luck, it's instinct," pagtatama niya sa 'kin. "I chose the tea based on the size of the tea bag that Daniel put in
the cup. Mas kaunti ang laman ng tea bag sa basong pinili ko. Because both cups have the same color and scent, nag-
isip ako ng ibang factor na gagamitin kong basehan sa pagpili."
Kahit ano pang sabihin niya, it was still luck that saved him. Nakipagsugal siya sa fifty-fifty na tsansang makuha ang
mas ligtas na tea cup. Hindi rin niya alam na may hemlock ang isang tea bag ng bella donna.
"Pinapasabi nga pala ni Inspector Estrada na magpagaling kayo," muling sumaludo sa amin si Officer Bastien bago
siya nagtungo sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin 'yon, ni hindi man niya kami gano'n
kakilala. "Mauuna na ako sa inyo."
Ipipihit na sana niya ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto at natamaan siya sa noo. Napa-Aray! siya sa sakit
at napahaplos ang kanyang noo para mawala ang pananakit nito. Hindi man humingi ng paumanhin sa kanya ang
lalaking pumasok. Tumuloy na lang siya sa paglabas.
Another familiar face emerged from the doorway. Narinig ko ang pag-"Tsk!" ni Loki kasabay ng panliliit ng mga
mata niya at pagpapakita ng ngipin na parang asong mangangagat.
It was Luthor Mendez, his beloved brother.
"You must be so disappointed that I wasn't killed by belladonna," kaagad na bati ni Loki sa kakapasok naming bisita.
"Have you come here to finish the job?"
"Am I such a terrible person to you that I would wish for my brother's death?" Muli kong narinig ang malamig niyang
boses na biglang nakapagpataas sa bawat balahibo sa katawan ko. It's been a while since I last heard his chilling voice
and saw his face as blank as a brick. "Good evening, by the way, Lorelei. Thank you for looking after my brother."
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. His presence was enough to send chills to my spine. Ewan kung bakit laging
ganito ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin. It felt like a familiar aura that I would always try to avoid...
like my father's.
"Maybe you have come here to take photos of me while I'm in my most vulnerable moment," sabi ni Loki. "Are you
thinking of using them to blackmail me one day so I can be a dog to do your bidding? Sorry but that won't work to
me."
"I thought of a good insult but I remember that I didn't come here to trade barbs." Luthor's voice was as calm as usual
while his eyes glowered at his brother. "Prof. Jim Morayta told me about your predicament so I came here to check on
you. Our parents are out of country so it's the duty of your elder brother to see how you are doing."
"So you did it out of familial obligation? You even went out of your way to visit me. Am I supposed to be touched?"
Luthor slowly shook his head, his eyes shooting a sideward glance at me. "You and Lorelei here are supposed to be
reconsidering your position. You have encountered M's minions twice and you have seen what they are capable of
doing. If I were you, I would stop this foolish quest."
"Reconsider?" Hindi napigilang matawa ni Loki bago siya tumigil at napahawak sa kanyang tiyan. Mukhang
nakaramdam siya ng sakit sa parteng 'yon. "On the contrary, I am more excited to continue the chase. Habang
nakakasalamuha namin ang kanyang mga galamay, nakakakuha kami ng impormasyon tungkol sa kanya. Eventually,
we will find him and bring him to justice."
Humarap sa akin si Luthor at nagkatitigan kami ng mga walang buhay niyang mata. "How about you, Lorelei? By
now you should have a firm grasp of how dangerous the situation is. Will you step back or are you prepared to be the
next Rhea?"
Ang ibig niya sigurong sabihin, handa ba akong mamatay gaya ni Rhea dahil sa pagiging malapit ko kay Loki?
There's a voice inside my head that tells me to quit and live a normal life. But somewhere deep in the abyss of my
mind, there's another voice that tells me to proceed and see how this story will end.
Bago pa man ako lumipat sa Clark High School, nalagay na ako nang ilang beses sa panganib kaya hindi na ako
gano'n natatakot sa posibilidad na baka maulit 'yon. And every time I'm in danger, there's always someone who will
come to save me, like what Loki did a few weeks ago. Ewan pero baka totoo ngang lapitin ako ng panganib. Trouble
seems to find me every now and then no matter where I go.
Napalunok ako ng laway bago ko sinagot ang tanong niya. "If our club takes on a particular case, it is my duty as its
member to solve it. If our club decides to never touch or leave the case alone, I will do the same."
A-Ano bang pinagsasabi ko? Bakit parang pinapalabas kong nakatali ang desisyon ko sa club-or more specifically-sa
desisyon ni Loki? Hay. I guess I have no other choice but use that lame excuse to justify why I'm tagging along the
Moriarty investigation.
"And by the way, brother..." mabilis na humirit si Loki nang matapos ako sa pagsasalita. His left eye was twitching
and I could sense that he's somehow pissed by what his brother told me. "Rhea's name is not and will never be
synonymous to getting killed. Have some respect, will you?"
"My apologies," he said so but his voice didn't sound sincere nor apologetic. Parang sinabi niya lang 'yon for the sake
of saying it. "Are you sure that there's no other way I could talk you out of this?"
Loki giggled. "You know your words would fall on deaf ears. Alam mo ba kung anong dapat mong gawin? Walk to
that door, swing it open and get out of my room. I would appreciate it. Thank you."
Nagkatitigan muna silang dalawa sa loob ng ilang segundo as if they were in a staring contest. Iisipin mong nag-uusap
sila via telepathy sa seryosong tingin sa kanilang mga mata at mukha. Loki won as Luthor's eyes blinked and broke
their eye contact.
His brother sighed, still maintaining that bored look on his face. "I hope I won't be visiting any of you in the morgue
the next time they tell me something happened to you or Lorelei. If that happens. don't tell me you weren't warned."
He then took his leave and left the room in peace. His last words, said in cold and unemotional manner, left a fleeting
impression on me. There's something in his voice that bothered me. And now, I think I know what it is.
Tumingin ako kay Loki. "Natatandaan mo pa ba 'yong sinabi ni John tungkol kay M noong in-interview siya ng
campus police?"
"Alin doon?"
"Sinabi ni John na nakausap niya si M via phone, 'di ba? At ang sabi niya, malamig at nakakapangilabot ang boses ng
kausap niya." Bahagyang humina ang boses ko, hindi ko kasi alam kung dapat kong sabihin ito lalo na kay Loki.
"Have you ever considered na posibleng... si Moriarty ay walang iba kundi ang kuya mo? His voice always gives me
goosebumps as if I'm always in danger."
And there it goes! The stupidest thing that I said for today.
"What made you think that way?" Hindi man siya nasorpresa sa sinabi ko. Maybe he already thought of it. Maybe he
dismissed the idea that his brother is probably the supervillain he might be after.
Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang deductions ko. "Si Luthor ang vice president ng student council at gaya
ng sinabi mo noon, siya talaga ang may kontrol nito. I assume na malawak din ang koneksyon niya sa buong campus.
Nasa perpektong posisyon siya para magsagawa ng mga... hindi kanais-nais na bagay."
"My brother may be evil and despicable but he's not a monster," sagot ni Loki. "He tends to get what he wants through
underhanded tactics like bribery and blackmail but murder is not one of them. Oo, talagang titindig ang mga balahibo
mo kapag narinig mo ang boses niya pero 'yon kasi talaga ang trademark ng mga tulad niyang laging may lihim na
agenda."
It was foolish of me to raise that point. But at least, Loki assured me that his brother has no stain of becoming a
villain. However, I don't think that I should ever trust him.
For the fourth time, the door swung open. But now, a worried Tita Martha rushed to Loki's side. Niyakap niya ang
kasama ko nang mahigpit hanggang sa punto na hindi na siya makahinga.
Nang dalhin namin dito si Loki, kaagad kong tinext si Tita para ipaalam sa kanya kung anong nangyari.
"Naku! Anong gulo na naman ang pinasok mo! Alam mo bang muntikan na akong atakihin kanina nang mabasa ko
ang text ni Lori?" Halos maluha si Tita habang nakatingin ang mga mata niya kay Loki. Kahit tenant lang niya ang
roommate ko, daig pa niya ang isang concerned na ina sa pag-aalala. "Mabuti't hindi ka napuruhan o naputulan ng
kamay o paa!"
Loki gave me a why-did-you-tell-her look as he tried to explain what happened.
"Tita, bili muna ako ng maiinom sa may vending machine." Tumayo ako't nagtungo sa pintuan. Bago ako lumabas,
nagbilin ako sa kanya. "May binili pa lang pagkain ang teacher ko diyan sa mesa. Baka gusto n'yong subuan si Loki.
Medyo nanghihina pa kasi ang mga kamay niya."
Hindi ko na narinig ang pagpoprotesta ni Loki nang mabilis kong isinara ang pinto. Hindi naman siya nabaldado pero
mabuting hindi na siya masyadong mag-effort sa pagkain.
Naglakad ako sa pasilyo ng ospital, nakasalubong ang mga nurse, doktor at ilang pasyenteng nakaupo sa wheelchair.
Malakas ang amoy ng disinfectant sa paligid at hindi mo maiiwasang masinghot. Malamig din ang hanging ibinubuga
ng aircon na umiikot sa buong building. Dahil hindi gano'n kakapal ang tela ng uniporme ko, halos manginig ako sa
sobrang lamig.
Nakarating ako sa bandang dulo ng pasilyo kung nasaan ang vending machine. Ipinasok ko ang isang fifty-peso bill at
pinindot ang button para sa paborito kong tomato juice. Nang lumabas ang lata sa dispenser, kinuha ko ito at kaagad
na binuksan.
Naglalakad na ako pabalik sa kwarto ni Loki nang may nakasalubong akong isang lalaking sumisipol. Hindi ko
kadalasang pinapansin ang ibang taong nasa paligid ko pero may ginawa siyang nakakuha sa atensyon ko.
He was humming a familiar tune-a tune that I heard weeks ago.

The canned juice was centimeters away from my dry lips when it slipped through my fingers. Before it hit the tiled
floor, I quickly turned around and run to the whistling guy. Hinawakan ko siya sa balikat, dahilan para mapatalon siya
sa gulat.
"Whoa! Kilala ba kita, miss? May ginawa ba akong masama?" Parehong nakataas ang mga kamay niya.
"Ano 'yong sinisipol mong kanta? Narinig kitang sumisipol, tama?"
"Ah, parang Mary Had A Little Lamb yata," napatingin sa kisame ang lalaki, may tono ng hindi kasiguraduhan ang
kanyang boses. "Pasensya na, hindi ako segurado. Kanina kasing nasa CR ako, narinig ko 'yon habang sinasagot ko
ang tawag ng kalikasan. Keypad tone yata, parang may nagda-dial ng number."
"Kailan ka pumunta sa banyo? Kanina pa ba o ngayon lang?"
"Actually, kakalabas ko lang. Bakit? Anong meron sa kantang 'yon?"
I ignored his question and shot another one. "Hindi mo ba nakita kung sino ang kasama mo sa banyo noon? At saang
banda 'yon?"
"Diyan sa kabilang dulo," sabi niya sabay turo kung saang direksyon ang kwarto ni Loki. "Pagkalabas ko sa cubicle,
wala nang ibang tao roon maliban sa 'kin. Teka, ano bang nangyayari?"
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon ng banyong pinanggalingan niya.
May ilang napapatingin sa 'kin, nagtataka kung bakit nagmamadali ako.
That familiar tune! Hindi ako pwedeng magkamali. 'Yon din ang tonong narinig ko noong may dinial si John Bautista
sa kanyang phone habang nasa loob ako ng drum. At ang kausap niya ng mga sandaling 'yon ay posibleng ang taong
nasa likod ng mga insidente sa school-si Moriarty!
Nalampasan ko na ang kwarto ni Loki at napatigil sa tapat ng comfort room ng mga lalaki. Huminto muna ako sa gilid
at hinabol ang aking hininga bago ipinagpatuloy ang pagtakbo ko. Kung lumabas na siya ng banyo, posibleng
nagtungo na siya sa exit ng ospital mula sa kinatatayuan ko.
My chase met a dead end when I saw no one suspicious along the hallway or in the hospital's lobby. Hindi ko rin kasi
alam kung sino o ano ang itsura ng lalaking dapat kong hanapin kaya posibleng nakasalubong ko siya sa daan kanina
o isa siya sa mga nakaupo at pasimpleng nanonood ng TV rito sa lobby.
Lumabas muna ako ng ospital para makalanghap ng sariwang hangin. Posible kayang coincidence na may taong nag-
dial sa numerong may kaparehong tono ng Mary Had A Little Lamb? Napa-paranoid na kaya ako dahil sa mga
nangyari?
No. It's too much of a coincidence. Hindi kataka-taka kung magpapadala ng tauhan dito sa ospital si Moriarty para
tingnan ang kalagayan ni Loki. After all, he doesn't want him dead.
The question is: Who could it be? Is it someone from the school that I met today here in the hospital? Or someone
whose face I haven't seen?
"Ang sabi nila, nakakamatay ang kuryosidad."
I turned to my right to see where that voice came from. My eyes widened in surprise when they set their gaze on a guy
who's puffing smoke a few meters away from where I stood. Tumingin sa akin ang mga matatalim niyang mata which
gave me a cold sensation. It was the same feeling that I had back during the Stein Alberts case.
Medyo madilim sa labas pero hindi gaya noong una ko siyang makita, mas nasilayan ko ang itsura niya ngayon.
Natatakpan ng bangs ang kaliwang side ng kanyang noo at halos hindi ko makita ang kaliwang mata niya. May
kapayatan din ang kanyang mukha. Nakaipit sa kanyang ngipin ang isang sigarilyo na bagong sindi pa lamang.
Nakasuot din siya ng uniporme ng mga lalaking taga-Clark High School.
Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaking nakita ko noong naninigarilyo malapit sa abandoned school
building at nakatitig sa 'kin matapos naming mailigtas si Stein.
Naglakad siya patungo sa direksyon ko habang nakahalukipkip ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon.
Pinilit kong igalaw ang mga nanginginig kong binti pero hindi ako makahakbang. Masyado yata akong na-overwhelm
ng takot dala ng kanyang presensya.
"Kaya dapat lagi kang handa dahil kung hindi, baka mahulog ka sa isang patibong at masayang 'yang buhay mo,"
sambit niya nang hindi nakatingin sa 'kin. Aakalain mong may kausap siyang hindi ko nakikita.
For a moment, my beating heart almost stopped. Ang akala ko'y may gagawin siya sa 'kin pero dinaanan niya lang ako
at naglakad palayo sa ospital.
Who in the world was that guy? And was he following me like what he did before?
###
P.S. The shadows are gathering! Tama kaya ang hinala ni Lorelei? Was Moriarty keeping an eye on Loki?
What to expect next chapter? Either someone from Lorelei's past will appear or the duo will investigate a stalker case.
Ano ang masasabi n'yo sa update na 'to? I-COMMENT na 'yan!

Volume 1 • Chapter 15: Hidden in Plain Sight


A/N: Medyo chill ang update na 'to though you still have to keep your eyes peeled for some reason.
LORELEI

HINDI KO muna sinabi kay Loki ang tungkol sa taong nag-dial sa numerong may kaparehong keypad tone sa taong
tinawagan noon ni John Bautista. Maging ang relasyon ng nursery rhyme na Mary Had A Little Lamb pati ang
lalaking tila sumusunod sa 'kin, hindi ko muna ipinaalam sa kanya nang bumalik ako sa kanyang kwarto.
Ayaw ko muna siyang papag-alalahanin. Gusto kong tuluyan muna siyang makapagpahinga at mabawi ang kanyang
dating lakas. If I did tell him, he would no doubt jump out of his bed and try to chase whoever that mystery guy is.
Sasabihin ko rin sa kanya, pero hindi pa ngayon.
The next day, Tita Martha locked our unit from the outside using both padlock and chain para hindi makalabas si
Loki. Kahit kaka-discharge pa lang niya mula sa ospital at hindi pa tuluyang nawawala ang epekto ng belladonna,
gusto na niyang bumalik sa school at ipagpatuloy ang business ng Q.E.D. Club. Malas niya dahil walang bintana sa
aming unit kung saan magkakasya ang katawan niya at pwede siyang tumalon mula sa third floor. Kahit may master's
o doctor's degree pa siya sa lockpicking, wala siyang magagawa laban sa mahiwagang kadena ni Tita.
I went to school alone, walking across the busy streets and accidentally bumping into other pedestrians. Hindi kagaya
dati na wala akong pakialam sa paligid, ngayo'y parati akong lumilingon sa likod pati sa kaliwa't kanan para makita
kung may nakasunod sa 'kin. I'm now aware of my shadow since I met him in person yesterday so spotting him from a
distance won't be difficult.
Pagdating ko sa classroom, nakangiti akong binati ni Rosetta at kaagad na tinanong tungkol sa nangyari kahapon.
Kasing-bilis yata ng pagkalat ng apoy ang pagkalat ng balita sa nangyari sa Q.E.D. clubroom. Kasalanan ko rin kasi
nagsisigaw ako ng tulong kaya naka-attract ng unwanted attention mula sa mga estudyanteng nasa labas.
"Kung gano'n, okay lang si Loki?" nababahalang tanong ni Rosetta. Kahit na ipinahiya siya ni Loki noong isang araw,
mukhang nakalimutan na niya 'yon. "Paano na ang club n'yo niyan?"
"Kailangan niya lang magpahinga kaya hindi siya pinapasok ngayong araw."
"Hmm..." Napatingin sa ibang direksyon ang aking kaklase, parang may gusto pa siyang sabihin pero nagdadalawang-
isip. Sa imbes na itanong ko kung may kailangan siya sa amin, hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan
naming dalawa.
Hindi nagtagal ay nagsalita rin siya. "Meron kasi akong kaibigan na gustong humingi ng tulong sa inyong club. May
problema kasing bumabagabag sa kanya. Pero siguro kapag nandyan na ang partner mo, doon ko na lang siya ire-refer
sa inyo."
Ouch. Parang walang tiwala si Rosetta na kahit wala si Loki, kaya kong lumutas ng mga problema. Sa tingin ba niya,
isa lang akong dekorasyon sa club? Hindi ko rin siya masisisi kasi maging ako, hindi segurado kung kakayanin ko
nang wala ang tulong ng partner ko.
Wait, did I just call that guy as my "partner"? That... doesn't sound right.
Hindi na muna ako pumunta sa clubroom nitong break time namin sa umaga. Nag-stay ako sa classroom at
pinaglaruan ang aking phone na naka-on ang keypad tone. I'm not a musically inclined person so I have no idea what
I'm doing.
BIP! BOP! BOP! BIP! BIP! BOP!
Tss... Random numbers na ang pinagpipindot ko pero hindi ko pa rin ma-recreate ang tunog na narinig ko noon. Kung
mahuhulaan ko kung anong phone number ang makakalikha ng tunog ng Mary Had A Little Lamb, malalaman namin
kung anong number ni Moriarty o at least, ng taong may koneksyon sa kanya.
After fifteen minutes, sumuko na ako at nagpokus sa pagbabasa ng notes sa Chemistry. Maybe Loki will figure this
out when I tell him. Sana'y hindi siya magalit dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya.
***
"Our normal counting system is called 'base ten' because we have exactly ten symbols to work with-from zero to
nine."
Our Math instructor, Sir Jim Morayta, was writing numbers on the whiteboard and explaining something that bored
most of my classmates. May ilan na ngang nakatulog na o kaya'y palihim na naglalaro ng Clash of Clans sa ilalim ng
kanilang desk.
"Once we run out of these ten symbols, we start all over again to zero and add another digit on the left. After the
number 'nine,' we proceed to 'one-zero' or 'ten' as we call it.
Seryoso akong nakikinig sa kanya-hindi dahil gano'n ako kainteresado sa kanyang subject-kundi dahil sa sinabi ni
Loki kahapon tungkol sa pangalan ni sir. Kung pangalan ang pagbabasehan, candidate ang aking Math instructor sa
pagiging Moriarty. His last name "Morayta" has some resemblance to the codename of the mastermind.
"Why is our system of counting structured this way? It's probably because we have ten fingers. But what if we only
have eight fingers? We would probably start over every eighth number instead of every tenth. That's what we call
'base eight' or octal counting."
Pero kahit saang anggulo ko tingnan, parang imposible na ang tulad niya'y kayang magpautos na magpadispatya ng
tao. Kahapon nga, siya pa mismo ang naghatid kay Loki sa ospital. But my roommate suspected that there's more to
my instructor's concern than meets the eye.
"In this system, there are eight symbols to work with: from zero to seven. We don't need eight and nine anymore so
the number that comes after seven will be one-zero or ten."
I can't bring myself to suspect him of any malice. Baka napa-paranoid lang si Loki o epekto lang 'yon ng belladonna
sa kanyang utak.
BEEP! BEEP! BEEP!
Pasimple kong chineck ang aking phone para tingnan kung sinong nag-text. Oh, speaking of the devil.
LOKI (11:44 AM): Boredom is killing me here. Go to the clubroom later and check if someone needs our help. If
interesting, send it to me.
Wala man lang good morning o pangungumusta kung nakarating ako nang ligtas sa school. He's too straightforward
with his messages, sparing no time for formalities. Hindi ko na siya ni-reply-an at itinuon ang atensyon ko sa
discussion ni Sir Jim.
After our Math subject this morning, bumili ako ng take-out lunch sa cafeteria at dinala ito sa clubroom. Nag-pass
muna ako sa imbitasyon ni Rosetta na kumain kasama 'yong potential client namin.
Dahil hindi na kami nakabalik dito kahapon, kinailangan ko pang ayusin ang mga upuan at tanggalin ang mga
naiwang kalat. Somehow, iba ang atmosphere dito sa clubroom ngayong wala si Loki. It's kinda weird to not seeing
him sitting in his usual spot.
Patapos na ako sa pagkain nang may kumatok sa pinto ng clubroom. Pinatuloy ko siya bago isinubo ang huling
kutsara ng kanin.
"Dito ba ang Q.E.D. Club?" tanong ng isang babaeng may abot-balikat na buhok na sumusunod sa bawat paghakbang
niya.
Binilisan kong uminom ng tubig bago ako sumagot sa kanya. "Oo, ito nga. Ano ang maitutulong namin sa 'yo?"
The young woman's face brightened up when her eyes set their gaze on me. "Ikaw siguro si Lorelei Rios, 'yong
sumusulat ng blog tungkol sa adventures ng club na 'to, tama?"
Natuwa akong marinig na may nakakakilala sa akin at nagbabasa ng blog na ina-update ko regularly kapag may bago
kaming kaso ni Loki. But don't tell me na nandito ang babaeng ito para humingi ng autograph ko?
Lumapit siya sa 'kin at iniabot ang kanyang kanang kamay. "Sorry for not immediately introducing myself. Ako nga
pala si Agatha Cortez, literary editor ng Clark Gazzetta, ang official student publication ng Clark High School."
Habang nakikipagkamay ako sa kanya, sinubukan kong alalahanin kung saan ko narinig o nabasa ang pangalan ng
school paper namin. I remember Loki reading a couple of their issues here in the clubroom.
Pinaupo ko muna si Agatha bago namin ipinagpatuloy ang aming pag-uusap.
"Avid reader ng iyong blog ang editor-in-chief namin," panimula niya. "Noong nabanggit niya ang tungkol doon,
kaagad kong pinuntahan ang iyong blog site at binasa ang mga entry mo. I must say that you have a talent for literary
writing."
I can't help but feel flattered by hearing those words from the mouth of a student-editor. And to think that their chief
editor would take interest in my writings is something to be proud of.
"Alam kong kaka-transfer mo pa lang sa school namin kaya baka hindi ka aware na quarterly, nagre-release ang
Gazzetta ng literary folio kung saan kinokolekta namin ang mga literary piece mula sa mga estudyante. And I'm here
to say that our boss wants to publish some of your works."
Ilang beses na napakurap ang mga mata ko. Kinailangan ko pang ipaulit sa kanya 'yon bago tuluyang nag-sink in sa
isip ko.
My works. Getting published. Did I hear that right? Natulala ako sa kanya habang patuloy na pinoproseso ng utak ko
ang kanyang sinabi.
"Kung may bayad ang bawat blog entry na kukunin namin, the school paper is willing to make a deal," sabi niya nang
hindi ako kumibo nang ilang minuto. "Utos ito ng editor-in-chief kaya we will exhaust all means para masunod ang
gusto niya."
Paulit-ulit akong umiling, nakataas pa ang pareho kong kamay. "Hindi n'yo na kailangang magbayad. Kung gusto n'yo
talagang i-publish 'yon sa folio, sapat na 'yong kapalit sa 'kin."
"Really?" Her brown eyes sparkled with joy as her lips formed a smile. "Of course, kailangan dumaan sa editing
process ng iyong isinulat kaya sana hindi ka ma-offend kung may babaguhin o puputulin kaming mga salita."
"Trabaho n'yo 'yon bilang editors kaya walang problema sa 'kin basta hindi magbabago ang takbo ng istorya."
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "Tiyak na matutuwa ang editor-in-chief namin sa balitang 'to."
Wala pa akong nabasa ni isang issue ng Gazzetta kaya hindi ko alam kung sino ang editor na tinutukoy niya. He must
be a big fan of mysteries that's why his interest was piqued by my blog.
"Sasabihan ko muna ang boss namin tapos babalikan kita." Iniabot ni Agatha ang isang maliit na card kung saan
nakasulat ang kanyang pangalan, posisyon sa school paper at phone number. "By the way, hindi pa rin ba maayos ang
lagay ng kasama mo rito? I heard about what happened yesterday."
"Nagpapahinga muna siya ngayon. Baka kasi may epekto pa 'yong belladonna na ininom niya."
Napahaplos si Agatha sa kanyang baba at napatingin sa ibang direksyon, bahagyang naningkit ang mga mata niya. "So
it was belladonna."
Come to think of it, kung taga-school paper siya, hindi ba nila sinusulatan ng article ang tungkol sa mga krimeng
nangyari sa campus?
"Actually, we want to publish a series of articles about these gruesome incidents," sagot niya nang naitanong ko. "Pero
lagi kaming pinagbabawalan ng student council. Ang sabi nila, hindi raw maganda sa image ng school at makakasira
daw sa mood ng student body kung maglalabas kami ng mga depressing news. Mula mismo sa student council
president ang pakiusap na 'yon kaya sinunod ng editor-in-chief namin."
No. Malamang galing kay Luthor ang utos na 'yon at hindi sa kinikilalang president. May punto ang council kung
bakit kailangan nilang itago ang mga nangyayari sa ibang estudyante na hindi aware doon. Pero posible kayang may
iba pang dahilan kung bakit nakikialam sila sa trabaho ng school paper?
"By the way, may gusto sana akong i-refer na kaso sa inyo," Agatha spoke rather reluctantly, interrupting my train of
thought. Tila nag-aalangan siyang ibahagi sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya. "Gusto ko sanang malaman
ang opinyon n'yo para mapanatag na ang loob ko."
"Kahit wala ang club president namin dito, he might be interested to hear your problem."
Inilabas ni Agatha ang kanyang phone at mabibilis ang pagpindot ng kanyang mga daliri sa screen. Muli kong naalala
'yong ginawa kong pagpindot sa mga numero kanina para makalikha ng tunog na kapareho ng Mary Had A Little
Lamb.
"Meron kaming contributor sa literary department, ang pangalan niya'y Edward Allen Ponce. Mahilig siyang sumulat
ng mystery at kakaiba ang gawa niya kaya kinuha namin siya sa Gazzetta. Kagabi, natagpuan siyang patay sa kanyang
kwarto sa White Hostel."
"Isang murder?"
"Hindi. Sabi ng mga pulis, suicide ang nangyari. May natagpuang bote ng potassium cyanide capsule sa mesa kung
saan siya nakapatong ang kanyang ulo. According sa mga rumespondeng pulis, may amoy ng almond galing sa bibig
niya kaya 'yon siguro ang ininom niya. At saka, may natagpuan silang suicide note sa mesa kaya nakakasiguro silang
suicide nga ang nangyari."
"Kung 'yon ang naging conclusion ng pulis, anong pinagtatakahan mo roon?"
Iniabot niya sa akin ang kanyang phone sabay sabing, "Ang kanyang suicide note. Medyo weird kasi ang
pagkakasulat. Ilang story na niya ang in-edit ko kaya pamilyar ako sa paraan niya ng pagsulat. And as far as I can tell,
may something off diyan sa iniwan niyang note."
Ganito ang nakalagay sa suicide note ni Edward:
This written confession isn't a hoax. Suicide will redeem my guilt as killer. Forgive me, Nicole, for I took without
remorse that writer's life. Manuscript of Unbeknownst which I've stolen reveals truth. Keep the copy as evidence.
"Sa kanya ba ang handwriting na 'to?" kaagad kong tanong matapos basahin 'yon. Sa unang tingin, iisipin mo ngang
nagpakamatay si Edward dahil sa nakasulat dito. Pero gaya ng sinabi ni Agatha, may kakaiba sa paggamit ng salita at
pagkabuo ng mga pangungusap. Maging ang pagkakasulat, parang minadali at nanginginig ang kanyang kamay
habang hawak ang bolpen.
"Ipinagkumpara ang nakasulat diyan at sa mga notebook niya. Nag-match ang parehong penmanship," sagot ni
Agatha. "Kung tama ang pagkakaintindi ng mga pulis, may pinatay na isang writer si Edward at ninakaw niya ang
manuscript nito. Unbeknownst siguro ang working title, gaya ng nakasulat sa note."
"Sino naman si Nicole pati 'yong writer na sinasabing pinatay niya?"
"Si Nicole yata ang girlfriend niya at posibleng kakilala 'yong writer na tinutukoy sa note. Nasa Grade 10-C yata
siya."
"Pwede mo bang i-forward sa akin ang photo ng suicide note ni Edward?"
Nang maipadala na sa 'kin ni Agatha ang hinihingi ko, kaagad ko itong sinend kay Loki para hingin ang opinyon niya.
Dinagdag ko na rin doon ang detalye ng kaso. Seguradong bored na bored na siya ngayon dahil wala siyang magawa
sa apartment.
Matapos ang ilang minuto, biglang tumunog ang phone ko't naka-display sa screen ang pangalan at number ni Loki.
"Hello? Natanggap mo ba 'yong sinend kong photo at message sa 'yo?"
"It's too easy! Too easy!" There was a hint of disappointment in his voice. Teka, alam na ba niya kung anong kakaiba
sa suicide note? "I already know the truth behind this case. Tama ang hinala ng kliyente mo ngayon, hindi ito suicide
kundi isang forced suicide."
Na naman? Gaya ng nangyari sa dalawang biktima ni Daniel Gutierrez kahapon?
"If you're thinking that Moriarty is involved in this one, I don't think so." Kahit na ilang kilometro ang layo ko sa
kanya, parang nababasa pa rin niya ang nasa isip ko. Baka naman may in-install siyang camera dito sa clubroom at
nababasa niya sa aking reaksyon ang iniisip ko?
"Huwag ka nang magpa-suspense diyan," sabi ko sa kanya. "Sabihin mo na kung bakit forced suicide 'to."
"Hmm... Nope."
"A-Anong nope?"
"Not telling you."
Aba. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'to at bakit ayaw niyang i-share kung anong nalaman niya?
"Why should I tell you the answer? First, you let our landlady lock me in this forsaken room. Ni hindi mo man siya
pinigilan sa pagkadena niya sa pinto."
Inilayo ko mula sa aking tenga ang phone, medyo lumakas kasi ang boses ni Loki. Hindi niya ba naisip na para din sa
kapakanan niya kung bakit hindi ako umangal sa ginawa ni tita?
"Second," humina ang kanyang boses, "I think you can handle this case even without my help. Ilang linggo mo na
akong kasama mula rito sa apartment hanggang diyan sa clubroom kaya I expect that you have learned some of my
methods. I'm confident that you can close this case on behalf of the club."
My tongue was seemingly glued on the roof of my mouth. I'm at a loss for words. Gano'n ba siya katiwala sa 'kin kaya
ipinapaubaya niya ang kasong 'to o gusto niya lang sumakit ang ulo ko sa kakahanap ng sagot? Nevertheless, I
somehow felt touched by his remarks. I hope that his confidence in me isn't just a trick.
"O ano, bakit hindi ka makasagot diyan? Huwag mong sabihing hinimatay ka na dahil sa pressure?"
"Hi-Hindi, no!" Umiling ako para tuluyang bumalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan.
"Let me give you a clue before you start. Have you taken an exam where you are one seat apart from your classmate?"
"What does that supposed to me-"
Binabaan na niya ako ng telepono, ni hindi man niya ako pinatapos sa tanong ko. How will that vague question of him
serve as a clue?
Humarap ako kay Agatha na kanina pa pinapanood ang pakikipag-usap ko kay Loki. Napakurap nang ilang beses ang
kanyang mga mata at bahagyang nakabuka ng bibig.
"Sorry if you had to hear that. Gano'n talaga kami mag-usap ng club president. Ang sabi niya, mukhang tama ang
hinala mo na hindi ito simpleng kaso ng suicide. Pinilit na magpakamatay ang contributor n'yo."
"Ta-Talaga?"
Itinuon ko ang aking atensyon sa suicide note at paulit-ulit na binasa ito sa aking isipan. I also read it backwards but
the context didn't make any sense. Kung hindi ako pinagtitripan ni Loki, nakatago sa mga salitang 'to ang lihim na
mensahe ni Edward tungkol sa kanyang killer.
"May gagawin ka pa ba nayong lunch time? Gusto ko sanang kausapin si Nicole. Maybe I will have a better sense of
this code."
Wala naman daw prior commitment si Agatha kaya pumayag siyang samahan ako sa classroom ng Grade 10-C. Dahil
hindi pa tumutunog ang bell, nasa labas ang ilan sa mga estudyante rito habang ang ila'y nasa loob ng room at
nakikipagtsismisan. Pinagtanong namin sa mga estudyanteng nasa labas kung sino si Nicole. Kaagad nilang itinuro sa
amin ang babaeng nakaupo sa bandang unahan na row na nakikipag-usap sa kanyang mga kaklase.
"Ano'ng maitutulong ko sa inyo?" tanong niya matapos namin siyang ipatawag sa labas ng kanilang classroom.
"Uhm..." Lagot, hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagtatanong. "Boyfriend mo ba si Edward Allen?"
Tumingin siya sa baba, napalitan ng pagsimangot ang ngiting kanina'y nakapinta sa kanyang mukha. "Tungkol ba ito
sa pagpapakamatay niya?"
"I have a hunch na posibleng hindi suicide ang nangyari." Si Agatha na ang sumagot para sa 'kin. "Well, not
voluntarily."
Napatakip ng bibig si Nicole. "Ang ibig n'yong sabihin, may pumwersa sa kanyang uminom ng cyanide?"
"Parang gano'n na nga," sagot ko. "Pero tinitingnan namin kung sino ang posibleng gumawa noon sa kanya. By the
way, doon sa suicide note niya, may nabanggit siyang writer na pinatay at ninakawan umano niya ng manuscript.
Kilala mo ba kung sino siya?"
Tumango si Nicole pero pinilit na iniwas ang tingin sa amin ni Agatha. "Malamang si Arthur ang tinutukoy niya. Gaya
ni Ed, writer din si Art ng mga mystery. Pero two weeks ago, nabagok ang ulo niya matapos daw mahulog sa hagdan.
Kasama niya noon si Ed."
Kung pinatay ni Edward ang Arthur na tinutukoy ni Nicole, malamang hindi aksidente ang nangyari kundi sinadya
talagang itinulak ang naunang biktima para mahulog sa hagdan.
"Alam mo rin ba ang sinasabing manuscript sa suicide note?"
Marahang umiling si Nicole. "Walang nabanggit sa 'kin si Ed noong magkasama pa kami. Pero alam kong may
isinusulat siyang nobela na balak niyang i-submit sa isang publishing house."
"Isinusulat? Nagpapatawa ka ba?" Biglang sumulpot sa aming likuran ang isang lalaking nakataas ang buhok, may
katangkaran pero payat ang pangangatawan. "Baka ang ibig mong sabihin, nire-revise niya ang manuscript na
ninakaw niya para tuluyan nang mapasakanya."
"Michael!"
"Tama naman, 'di ba?" pagpapatuloy ng lalaki. "Kung hindi niya ninanakaw ang isinusulat ni Arthur, ninanakaw
naman niya ang mga ideya nito. May ilan na akong nabasang naka-publish sa Gazzetta na nakapangalan kay Edward
pero sa totoo niyan, si Art ang may akda."
Napatingin ako kay Agatha na ngayo'y nakakunot ang noo. Parang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi
niya siguro alam na alleged plagiarist ang kinuha nilang contributor.
"Kaya mabuti't nakonsensya na siya," nakangiting komento ni Michael habang naglalakad siya papasok sa kanilang
classroom. "Bagay nga sa kanya ang nangyari."
"Pagpasensyahan n'yo na," mahinang sabi sa amin ni Nicole nang nakasiguro na siyang hindi maririnig ng kanyang
kaklase ang boses niya. "Matalik kasing magkaibigan sina Art at Mike kaya masama ang loob niya kay Ed. Malakas
ang kutob niyang may kinalaman si Ed sa aksidente ni Art kaya ngayong umamin na ang boyfriend ko, magkahalong
galit at saya ang nararamdaman niya."
Sa ngayon, mukhang itong si Michael ang may motibo na patayin si Ed. Common na ang paghihiganti bilang motive
for murder kahit sa mga crime fiction kaya hindi na ako magtataka kung siya ang nasa likod nito.
Kinuha ko ang number ni Nicole sakaling may kailangan pa akong itanong tungkol sa biktima o sa ibang taong nasa
paligid niya. Kahit paano'y nadagdagan ang detakye tungkol sa kaso't may nakikita na akong suspek.
Nang pumatak ang ala-una ng hapon, nagkahiwalay na kami ni Agatha para pumasok sa aming mga klase. Sinabihan
kong ite-text ko siya kapag may breakthrough ako sa forced suicide case ni Edward.
Hanggang sa klase namin sa Chemistry, imbes na lesson tungkol sa chemical compound ang binabasa ko, nakatutok
ako sa suicide note. I tried rearranging the words but nothing of any sense would come out of it.
Paano kaya kaagad nalaman ni Loki ang nakatagong message sa mga awkward na pangungusap na 'to? Talaga nga
kayang talented siya sa pagde-decipher ng mga code at walang makakapantay sa kanya sa bagay na 'yon? Even if the
answer was staring me right at the face, I still couldn't see it.
"Have you taken an exam where you are one seat apart from your classmate?"
Muli kong naalala ang clue na ibinigay niya. How's being one seat apart related to this code? Magkapareho ba kami ng
note na binasa kanina o nagha-hallucinate pa rin siya dulot ng belladonna?
Teka, one seat apart... A space in between... It won't make sense kung sa gano'ng paraan ide-decode ang hidden
message pero keeping that clue in mind...
Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong basahin ang note. Loki's clue wasn't completely vague at all! He's not even
hallucinating when he told me that hint.
Pagkatapos ng aming afternoon period, dumiretso ako sa clubroom para doon maghintay. Ipinatawag ko rin si Agatha
para maging witness at makita niya ang conclusion sa problemang idinulog niya sa 'kin. Now that I cracked the code, I
also know the identity of the culprit and the evidence that might lead to that person's arrest.
Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Nicole. May bahid ng pagtataka sa kanyang mukha
habang nakatingin siya sa aming dalawa ni Agatha. Binati ko muna siya bago pinaupo sa monobloc chair.
"May tanong pa ba kayo tungkol kay Eddie?"
Napalunok muna ako ng laway bago tumugon sa kanya. "Ipinatawag kita rito para kumbinsihin kang sumuko sa mga
pulis."
Nabaling ang tingin sa 'kin ni Agatha habang naglaho nang parang bula ang ngiti sa labi ni Nicole. "Hi-Hindi ko
maintindihan. Anong sinasabi mo?"
"Kung ganon, siya ang..."
Ipinakita ko sa kanya ang litrato ng suicide note sa aking phone. "Isang mystery writer si Edward. Kahit na ginaya
niya ang ibang akda ni Art, seguradong may natutunan siya sa pagsulat ng code. Sa unang tingin, aakalain mong
ordinaryong suicide note 'yan. Pero kung babasahin mong mabuti, makikita mo ang itinago niyang mensahe.
Inilapit ni Nicole sa kanyang mukha ang phone habang nakakunot ang noo sa pagbabasa nito. "Wala akong nakikitang
kakaiba sa note."
"Kung babasahin mo siya as it is, wala talaga. But if you will start reading it from the first word and then proceed with
every third word, the answer will reveal itself."
THIS written confession ISN'T a hoax. SUICIDE will redeem MY guilt as KILLER. Forgive me, NICOLE, for I
TOOK without remorse THAT writer's life. MANUSCRIPT of Unbeknownst WHICH I've stolen REVEALS truth.
Keep THE copy as EVIDENCE.
That's what Loki meant by one seat apart. The words of the true message were actually "words apart."
"This isn't suicide. My killer Nicole took that manuscript which reveals the evidence." Ako na mismo ang nagbasa
para sa kanya. "Kung inakala mong humihingi siya ng tawad sa 'yo, itinuturo ka na pala niya bilang salarin sa kanyang
pagkamatay."
Napabuka ang kanyang bibig, sinubukang magsalita pero walang boses na lumabas. Sandali siyang natulala sa screen
ng aking phone habang pinoproseso ng kanyang utak ang nakatagong sagot sa code.
"Sinabi mo kanina na walang manuscript na nabanggit sa 'yo si Edward. Pero isa 'yong kasinungalingan, 'di ba? You
knew about its existence. Kung hindi printed copy ng manuscript, posibleng soft copy ang kinuha mo mula sa
personal computer ng iyong boyfriend. If the campus police will search your things in your dorm and find a copy of it,
how would you explain that?"
Hindi nakakibo ang suspek na nakahawak ngayon sa pareho niyang nanginginig na tuhod.
"At first, I thought it was Michael who's behind Edward's forced suicide. Pero maging ikaw pala, may motibo para
patayin siya. Nabanggit mo kanina na childhood friend n'yo si Art kaya hindi na ako magtataka kung maisipan mo
siyang ipaghiganti."
And then she broke down, tears glistening her pretty face. She confessed to forcing Edward to ingest potassium
cyanide in exchange for not revealing that he plagiarized every story in the Gazzetta published under his name. She
also took a copy of Arthur's stolen manuscript as a memento of her late friend's magnum opus.
Not until last week, nalaman niyang itinulak ni Edward si Art sa may hagdanan habang nag-aaway ang dalawa.
Nagbanta kasi si Art na ipapaalam sa Gazzetta na kanya talaga ang mga kwentong nai-publish sa pangalan ni Edward.
Nang mahulog si Art at mabagok ang ulo, Edward made it look like his friend missed a step and fell on his own.
Imbes na akuin niya ang responsibilidad sa pagkamatay ng kaibigan, mas pinili raw ni Edward na magpanggap na
walang alam sa nangyari.
After successfully closing this case (with a bit of help from Loki), Agatha congratulated and thanked me for my
efforts. Maswerte raw siya't personal niyang nasaksihan kung paano lumutas ng kaso ang mga taga-Q.E.D. Club.
Napatunayan ko raw na totoo nga ang mga kwentong isinusulat ko sa aking blog at hindi kathang-isip lamang.
Ngayong mapa-publish na sa literary folio ng Gazzetta ang mga kasong nilutas namin ni Loki, seguradong dadagsa na
ang mga kliyente sa club namin.
Speaking of that guy, kumusta na kaya siya sa apartment?
###
P.S. Loki will be back next chapter! Pinagpahinga ko muna siya and I took this opportunity to show what Lorelei can
do without him.
What to expect in the next update? A theater actress appears!
So what can you say about this chapter and the ongoing Moriarty arc?

Volume 1 • Chapter 16: Caught In The Act


A/N: Merry Christmas, my dear readers! At dahil Pasko ngayon, here's one of the long updates of Project LOKI!

LORELEI
"MARY HAD A Little Lamb?" Nakataas pa ang kaliwang kilay ni Loki habang nakasandal sa kanyang upuan at
magkadikit ang mga daliri na tila nagdarasal. "You sure about that?"
Tumango ako bilang tugon. Wala pa naman akong problema sa pagdinig kaya malabong nagkamali ako sa tunog na
nag-register sa tenga ko.
"I'm not surprised if that were true. Moriarty's probably fond of nursery rhymes," he said as he cocked his head to
stare at the white ceiling. "Twinkle, Twinkle, Little Star. Now, Mary Had A Little Lamb. What's next? London Bridge
is Falling Down?"
Kung ako ang tatanungin, medyo weird ang taste niya sa music. Baka dumating ang araw na hindi ko na gugustuhing
makinig sa mga nursery rhyme dahil kay Moriarty. "He's creepy... don't you think?"
"He's actually interesting..." Loki smirked impishly as a glint of joy flashed in his eyes. "I wonder what his ringtone
is? BBC Sherlock's Moriarty had Staying Alive by the Bee Gees. Hindi na ako magtataka kung gano'n din ang piliin
niya."
Never pa akong nakapanood ng sinasabi niyang Sherlock kaya hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. It must
be one of those modern adaptations of Sherlock Holmes he mentioned before.
Ngayong nagbalik na si Loki sa kanyang paboritong spot dito sa clubroom, pakiramdam ko'y buo na muli ang Q.E.D.
Club. Without his presence, it doesn't feel like the way it used to be. At dahil okay na ang kalagayan niya, minabuti
kong ibahagi sa kanya ang nangyari noon sa ospital.
"You should have told me yesterday about this keypad thingy para may pinagkaabalahan ako kahapon," nabaling sa
'kin ang tingin ng kanyang mapanuring mata. "Although I can't guarantee that I could have figured it out easily. Kahit
alam natin ang tono, maraming number combinations ang mapagpipilian. Maybe if we could hear it again, we will
know which keys to tap."
Napakrus ang mga braso ko habang pilit na inaalala ang eksaktong tunog na narinig ko mula sa pagpindot ni John
Baustista sa kanyang phone noon. Ang pumapasok na lang sa isipan ko ay ang pagsipol ng lalaki noong isang araw sa
ospital.
"Siguro kung makikilala natin ang taong kumontak kay Moriarty, mas mapapadali ang pag-identify natin sa number
niya." 'Yon lamang sa ngayon ang paraan na naisip ko. "Kung tama ang hinala ko, posibleng isa sa mga taga-Clark
High School na nasa ospital noong sandaling 'yon ang may koneksyon sa kanya."
So far, tanging ang mga bumisita kay Loki ang alam kong tagarito sa CHS:
Si Sir Jim Morayta, ang aking Math instructor na nagdala kay Loki sa ospital.
Si Bastien Montreal, ang intern ng CHS Campus Police na naghatid sa amin ng autopsy report ni Daniel Gutierrez.
At si Luthor Mendez, ang vice president ng High School Student Council at kapatid ni Loki.
Teka, meron pang isa. 'Yong lalaking mahilig manigarilyo na sumusunod sa 'kin. Hindi ko alam ang pangalan niya
pero natatandaan ko pa ang kanyang itsura.
Posible kayang isa sa kanila ang galamay ni Moriarty? O baka isa mismo sa kanila si Moriarty?
There's also the possibility na wala sa kanila at ibang tao ang nag-dial sa misteryosong phone number. It could be
someone whom I haven't met yet or wasn't aware of.
"Anyway, we should be aware of anyone who might try to get close to us," Loki advised, breaking my train of
thought. "We are still in the dark on what Moriarty is planning. All we can do for now is practice constant vigilance.
Also, bring that stun pen at all times. Hindi natin alam kung kailan ka ta-target-in ng mga galamay niya."
Loki doesn't sound to be worried about himself. Maybe because he trusts Daniel's words that Moriarty wouldn't let
him die. Kaya ngayon, sa akin niya itinutuon ang kanyang concern. He may say it in a nonchalant way or monotonous
voice but I could feel how he's worried about me.
TOK! TOK! TOK!
Sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto. Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Rosetta. Oo nga pala,
nasabi niya kanina na dadaan siya rito kasama ang kaibigan niyang gustong humingi ng tulong mula sa aming club.
"Nakakaistorbo ba ako sa inyo?"
"Actually, we're on the middle of-"
"Wala namang kaming importanteng pinag-uusapan," nilakasan ko ang aking boses at mabilis na sumagot para
maunahan ang pambarang tugon ni Loki. "Kasama mo ba 'yong sinasabi mong potential client namin?"
Tumalikod siya't may sinenyasan sa labas. Nang makita ko ang pigura ng isa pang babae, sabay na silang pumasok sa
clubroom.
"Don't tell me you're planning to apply again in our club? And you have brought someone who-"
It was probably the first time that Loki's mouth froze as he gaped at Rosetta's companion. Nanlaki ang mga mata niya
at namutla ang kanyang mukha na parang nakakita siya ng multo.
Curious as to why he made that reaction, ibinaling ko ang aking tingin sa kliyente namin.
The young woman had a welcoming and contagious smile on her pinkish lips that will make you move the muscle in
your mouth. When our gazes met, I could feel like her jetblack eyes were speaking to my soul. Mala-porselana rin ang
kanyang kutis katulad sa mga artista na kapag tinamaan ng liwanag ay lalo pang kumikinang. Her long, brown braided
hair was dangling down over her left shoulder.
Ngayon, alam ko na kung bakit na-starstruck itong si Loki. Artistahin kasi ang itsura at ayos ng babaeng nasa harapan
niya. And here I thought he wasn't interested in women. Tinablan na ba siya ng karisma ng kliyente namin?
We all stared at him for a few seconds. He sat there like a statue, his eyes weren't blinking and his mouth stayed
slightly opened. Nanigas na yata siya sa kinauupuan niya.
Now it's getting creepy. Kumaway ako sa harapan niya para makuha ang kanyang atensyon. I also snapped my fingers
near his ears to pull back his consciousness wherever it went. He then shook his head and his eyes now staring at me.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Rosetta bago pa ako makahirit.
"P-Please take your seat," Loki said, motioning to the vacant monobloc chairs near mine. Teka, tama ba ang narinig
ko? Inalok niyang umupo ang dalawang bisita namin? Ni minsan yata'y hindi ko pa narinig na lumabas sa kanyang
bibig ang mga salitang 'yon. Napalakas yata ang tama ng lalaking ito.
Tanging si Rosetta ang naiwang nakatayo sa kanilang dalawa ng kasama niya. "Hindi rin ako magtatagal. Hinatid ko
lang talaga itong kaibigan ko rito sa clubroom n'yo."
"I'm Jamie Santiago from Class 11-A," pagpapakilala ng aming kliyente. Mahinhin ang kanyang boses na parang
hindi makabasag ng pinggan. "Pleased to make your acquaintance."
"Hindi mo pa siguro siya kilala dahil transferee ka, Lori, pero itong si Jamie ay isa sa mga premyadong theater actress
ng repertory club," tinapik ni Rosetta sa balikat ang kanyang kaibigan. "Laging sa kanya napupunta ang lead roles at
popular siya sa mga lalaki."
Sa ganda ba naman niyang 'yan, kanino pa ba nila itututok ang spotlight sa entablado? No wonder kung bakit may
problemang bumabagabag sa kanya. Posibleng dulot 'yon ng mga basher niya-kung meron man-o ng mga admirer
niya.
"O sige, iiwan ko na kayo. I hope na matulungan n'yo siya," kumaway muna sa 'kin si Rosetta bago siya lumabas ng
clubroom.
At dahil mukhang naputulan ng dila si Loki na siyang karaniwang nagtatanong kung anong sinadya ng kliyente sa
amin, ako na ang umeksena. "Pwede mo nang sabihin kung ano 'yang problema mo. We will see if we can provide a
solution for that."
Medyo nahihiya pa siyang magsalita. "Gaya ng sinabi ni Rosie, isa akong theater actress. Sanay na akong makakilala
ng mga fan sa bawat production na pinagbibidahan ko. Hindi naman sila isyu sa 'kin. Ang mas kinatatakutan ko ay
'yong mga nagtatago sa dilim at hindi nagpapakilala."
Biglang pumasok sa isip ko si Moriarty. He's been hiding in the shadows all this time, making him more elusive than
ever.
"One time, may naka-chat ako sa Facebook. Hindi ko kilala ang pangalan at mukhang fake account ang gamit niya.
Noong una, nakikipagkaibigan siya sa 'kin. Tapos sa mga sumunod na raw, bigla siyang nag-send ng mga picture ko
habang nasa stage."
"May mga kopya ka ba ng mga litratong pinadala niya sa 'yo?"
Inilabas ni Jamie ang kanyang phone at ipinakita sa amin ang mga photo na tinutukoy niya. "Last week siyang
nagsimulang mag-send sa akin niyan. 'Yong pinakauna ay noong Martes, 7:56 ng gabi. Sunod sa Miyerkules, 8:34 ng
gabi. 'Yong pinakahuli'y sinend niya kagabi, 9:45."
Lahat ng mga downloaded photo mula sa Facebook, kinunan habang nakatalikod, nakagilid o kaya'y candid shot ni
Jamie habang umaarte sa entabalado. Maging sa litrato, kapansin-pansin kung gaano kaperpekto ang itsura niya. Pero
teka, bakit memorized niya ang mga oras na ipinadala sa kanya ang mga photo?
"Saan nakunan ang mga 'to?"
"Sa auditorium," sagot niya. "Nagsimula na kasi last week ang rehearsal para sa susunod na production. Bilang
member ng repertory club, automatic na kaming kasama sa play."
"So gusto mong ipa-identify sa amin kung sino ang kumukuha ng mga litratong 'to at ang nanggugulo sa 'yo?"
Tumango si Jamie. "Maliban kasi sa nagiging creepy na ang ginagawa niya, natatakot akong baka may iba pa siyang
gawin sa 'kin kapag hinayaan ko lang. Nagse-send pa siya ng nakakakilabot na message sa chat. Ano sa tingin n'yo?"
Lumingon ako kay Loki na tulala pa rin at halos hindi na gumagalaw sa kanyang upuan. Na-stroke na ba siya o may
nag-cast ng petrification spell sa kanya?
"If it's not yet obvious to you, I think isa sa mga ka-member mo ang nasa likod nito," ibinalik ko ang kanyang phone.
"Dahil malapitan ang karamihan sa mga shot, 'yon ang pinakaposibleng paliwanag dito."
"Ta-Talaga? Bakit nila gagawin?"
"Siguro nahihiya sila sa 'yo o ayaw nilang ipahalata kung gaano ka niya hinahangaan." This case reminds me of that
secret admirer I had weeks ago. Halos ganito rin ang nangyari. Ang pinagkaiba, regalo ang ibinibigay sa 'kin imbes na
mga cryptic message at photos. 'Yon din ang unang kaso kung saan humingi ako ng tulong kay Loki.
"Anyway, we will be needing your chat records with the mysterios guy." Sa wakas, nagsalita na rin ang lalaking
kanina pa walang imik. Ang akala ko'y tuluyan na siyang naging bato rito. "We need to understand first the culprit
before we pinpoint the suspects."
Kinakausap man niya si Jamie, hindi naman magawa ni Loki na tumingin sa kanya nang direkta. Iniiwasan niyang
magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi naman si Medusa ang kaharap pero bakit gano'n ang naging reaksyon niya?
"Also, if you don't mind, can you give us a list of all the members in your production?" Loki added. "We will be doing
the process of elimination and try to narrow down the possible number of suspects."
"Wala pa kaming official list talaga, but I remember the names of everyone who were accepted in the production,"
tugon ni Jamie. "We are forty-two all in all."
"Teka, memorized mo ang pangalan ng mga kasama mo?" Halatang hindi ako makapaniwala base sa naging tono ng
boses ko.
"Ang buong pangalan nila, oo," puno ng kumpiyansa ang kanyang sagot. 'Yong tipong kapag ipina-recite ko sa kanya
isa-isa ang mga 'yon, kaya niyang gawin. "I have a strong retentive memory kaya hindi rin ako nahihirapan sa
pagsasaulo ng mga linya."
Isinend muna niya sa amin ang screenshots ng conversation nila ng mysterious guy bago niya isinulat ang pangalan ng
mga kasama niya sa theater. She wrote them without giving any second thoughts. Tuloy-tuloy ang kanyang
pagsusulat. Ni hindi siya huminto ng kahit ilang segundo para pag-isipan kung tama o mali ang naisulat niya.
If she really has a retentive memory, that would be awesome. Hindi na niya kailangang mag-effort sa pagme-
memorize ng mga bagay na hindi naman magagamit sa totoong buhay.
After a few minutes, she handed over the list of over forty names. For a moment, naisip kong baka hinula niya lamang
ang ilan sa mga pangalang 'yon para ipagmayabang na matalas ang memorya niya. We also asked for her number
before letting her take a leave.
"So what now?" tanong ko kay Loki na subsob sa pagbabasa ng listahan. "Anong gagawin mo riyan?"
His lips didn't move and his eyes didn't shot a gaze on me. Tumayo siya't kinuha ang kanyang laptop na nakapatong sa
inaalikabok na bookshelf. He was probably drowned by the mystery brought by our celebrity client.
"Maiba ako, bakit parang na-starstruck ka kanina kay Jamie?"
Again, he didn't bother to reply. Ewan kung nabingi na ang lalaking 'to o talagang iniiwasan niya ang aking tanong.
For most people, silence would mean, "I was so engrossed with what I'm doing so I didn't hear you. Can you repeat
what you just said?" Pero para kay Loki, ang katahimikan niya'y nangangahulugang "I have no interest in answering
your stupid question so you better not repeat it. Okay?"
Fine, I won't ask him again. Pumunta na lang ako sa likuran niya para silipin ang kanyang ginagawa sa laptop niya. I
thought he was doing something of significance to the investigation. He was just browsing on Facebook!
"You're wrong. What I'm doing is relevant to the case."
Wala pa man akong reaksyon, kaagad na niya akong kinontra. Here we go again with his mind reading thing. At the
moment, he was browsing the profile of someone named Stein Alberts.
Wait, Stein Alberts? Hindi ba siya 'yong lalaking natagpuan naming nakakulong sa locker room ng abandonadong
school building? Loki was going over that guy's Facebook profile, reading his statuses written in English and scrolling
the page down for more. May ilan akong nakitang status na nakasulat sa dots and dashes. Why in the world would
someone use Morse Code on Facebook?
"Just so you know, I'm checking the profiles of everyone in this list, reading and observing how they construct their
self-centered if not utterly ridiculous Facebook statuses," paliwanag ni Loki.
"At paano konektado ang status nila sa Facebook sa kasong hinahawakan natin?"
He let out a sigh, lifting his thin fingers off the keyboard and turning to me. "Do you know that you can recognize
someone through their writer's fist? No, not your 'fist' but the way you write. Kahit nagtatago sa isang alias ang ka-
chat mo pero alam mong kakilala mo siya, posible mo pa rin siyang ma-identify sa pamamagitan ng mga salitang
ginagamit niya o ang pagkakabuo ng kanyang pangungusap. In short, ang kanyang writing pattern."
Sunod niyang ipinakita sa akin ang phone kung saan naka-display ang screenshots ng conversation ni Jamie sa
mystery guy. "I'm attempting to divine who among these forty-two members of the production team has the same
writer's fist as this person."
Most of the mystery guy's message were written in English. Sa mga naunang chat nila ni Jamie, mukhang ganado pa
itong makipag-usap sa kanya. Pero kinalaunan, naging weird na ang mga ipinadalang message ng taong 'yon. Kahit
ako siguro, hindi ko na siya re-reply-an at iba-block ko siya sa Facebook para hindi na makapanggulo pa.
Some of that person's chat messages went like this:
Mister Y: I noticed that you have good curves. Do you work out everyday?
Mister Y: I saw you wearing strawberry lipstick today. I can't help but wonder how those taste like.
Mister Y: Can I touch your legs? I guess they're so freaking smooth!
One word: Creepy. Just by reading that guy's remarks, goosebumps broke out on my skin.
"You should have observed by now that this guy-who has an overly lame name-is in the brink of obsessing over our
client. It won't be too long until he's overcome by that urge," Loki said. "Pretty sure this guy's drooling over Jamie's
photos every night."
If that's true, kailangan nga naming ma-identify kaagad kung sino ang "Mister Y" na 'to bago pa siya makagawa ng
bagay na tiyak na ikakapahamak ni Jamie.
Pinunit ni Loki sa dalawa ang listahan at iniabot sa akin ang kalahati nito. "Since there are two of us here, I thought
we should implement a division of labor. Alone, it will take some time for me to check all of their profiles. So I would
appreciate your help. Kung wala kang laptop, pwede kang pumunta sa CyberSpace room sa fourth floor para doon
mag-check ng Facebook."
Hindi na ako umangal pa't lumabas ng clubroom para umakyat patungo sa ikaapat na palapag. How I wish I brought
my laptop here para hindi ko na kailangang pumunta sa internet room.
Ang kailangan ko lang naman gawin ay tingnan kung sino-sino sa mga nasa listahan ang may kaparehong writing
pattern ng ka-chat ni Jamie. The moment I logged in Facebook, tinype ko kaagad ang mga pangalan sa listahan at
binabasa ang kanilang mga status update. Ilan sa kanila'y purong Tagalog kung mag-status. May ilang nag-i-English
pero mali-mali ang grammar. Ang iba nama'y may Facebook nga pero walang update.
Sa huli, nasa dalawang tao lang mula sa dalawampu't isang nasa listahan ang napansin kong mahilig gumamit ng
English sa mga status nila at maayos ang grammar. Kaagad ko siyang tinext na tapos na ang pinagagawa niya sa 'kin.
At ang kanyang reply?
LOKI (09:50 AM): K.
Sa nag-iisang letrang 'yon, damang-dama ko kung gaano niya appreciated ang effort ko sa pagna-narrow down ng list
of possible suspects. 'Yong tipong ginamit ko ang buong break time ko para sa "research" na 'to, tapos ganito niya i-e-
express ang kanyang pasasalamat sa ginawa ko.
Well, I can't do anything about that. Loki is Loki. No one can change that.
Bumalik na ako sa clubroom para ibigay sa kanya ang dalawang pangalang nakuha ko. Hindi ako segurado kung tama
ang ginawa kong batayan o baka may na-miss ako sa listahan. Posible rin kasing nililinlang kami ng mystery guy sa
pamamagitan ng paggamit ng ibang way ng pagsusulat ng status o chat message. Baka English nga ang ginamit niya
sa chat pero sa totoong account niya, Filipino pala ang preferred language niya.
"So you think it's a bluff?" Loki answered as I raised that possibility. "Do you think someone who's stupid enough to
name himself 'Mister Y' is what? A genius who can cover his tracks and commit the perfect crime?"
Probably if Jamie's mysterious chatmate chose a better, classy name rather than a lame pun on "mystery," Loki would
have admired him more.
Sa ngayon, meron na kaming apat na suspek:
Stein Alberts
Wesley Nuñez
Raymond Torres
Alvin Mendoza
"Now, we need to track down who among the four is our guy," sabi ni Loki. "Hindi na tayo matutulungan ng mga
Facebook status nila para lalo pang i-narrow down ang listahan. We need to see them in person and know more about
what they do in the production. Then we will lay a trap that will expose themselves."
"Bakit hindi mo na lang gamitin 'yong trick na ginamit mo sa secret admirer ko noon? Let Jamie send a message to
meet him somewhere where we can apprehend him."
He slowly shook his head. "A good magician never uses the same trick twice to the same audience."
"But you're a detective, not a magician!"
"Both are performers," Loki said proudly. "Without any magic tricks, detectives always amaze the audience through
seamless deductions and superb powers of observation. Besides, kung gagamitin ko ang trick na ginamit ko noon,
magiging boring ang pagtukoy natin sa stalker. Don't worry, I have a plan in mind. What you need to do is send Jamie
a message and ask her if we could meet the whole production team later."
Sinunod ko ang gusto niyang mangyari. Kaagad namang nag-reply si Jamie at sinabing pwede kaming pumunta sa
rehearsal nila mamaya sa auditorium kasama ang ibang kasapi ng kanilang theater production. I can't help but wonder
how Loki's planning to lure out that stalker.
***
Pinag-usapan naming magkita sa may hagdanan sa mismong fifth floor ilang metro mula sa auditorium. Kailangan
kasi muna naming pag-usapan ang plano. Limang minuto pasado alas-kuwarto nang makarating ako sa meeting spot at
nadatnang nag-iisa si Jamie.
"Nasaan si Loki?" pambungad na tanong niya sa 'kin.
"Baka hindi pa tapos ang klase nila. Huwag kang mag-alala. Seguradong susunod na 'yon dito." Knowing him, mas
gugustuhin niyang pumunta kaagad rito kaysa mag-extend ng ilan pang minuto sa last subject nila nitong hapon.
Then an awkward silence ensued between me and our client. Mas nakadagdag pa rito ang pagtitig ng mga
estudyanteng dumaraan sa hallway at ang pagbulong nila tuwing nasisilayan ang ganda ni Jamie. Nginitian lang sila
ng kasama ko habang ako, nakatingin palayo, pretending I wasn't on the same plane of existence as her.
"Pwede ba akong magtanong?" She broke that deafening silence and turned to me.
"Sure, I don't mind."
Napatingin pa siya sa sahig na tila nahihiya pang ibato sa 'kin ang kanyang tanong. "May... May namamagitan ba sa
inyong dalawa ni Loki?"
Halos magsalubong ang mga kilay ko at malaglag ang aking panga. Bakit ba may mga tulad niyang nag-iisip na may
relasyon kami ni Loki? Hanggang sa pagiging roommate at clubmate lang kami.
"Nagkakamali ka." Minabuti kong pabulaanan kung anumang ideya ang pumasok sa isip niya bago pa ito lumaki at
lumala. "Loki and I are just friends... at least in my own definition. And to be honest with you, hindi ko ma-imagine
ang sarili ko na ma-fall sa lalaking 'yon. Understood?"
The innocent smile on her lips turned into an impish smirk which I usually see whenever Loki has thought of
something clever. "Just as I thought, Loki will never fall for someone like you. Nagtataka nga ako kung bakit para
kang aso na laging nakabuntot sa kanya."
W-What?
Ilang beses na napakurap ang mga matang kong nakatitig sa wirdong ngisi sa kanyang labi. Her black eyes looked at
me scornfully while her voice sounded condescending. For a moment or two, nawala ang maamong itsura ni Jamie.
From a sweet and pure princess, her symmetrical face turned into that of a mischievous but pretty witch.
Tama ba ang narinig ko kanina at nakikita ko ngayon? It's strange. Really strange. Parang hindi na ang Jamie na
nakilala ko kanina ang kasama ko ngayon.
"Bakit kaya tinanggap ni Loki ang application mo sa kanyang club?" Nakataas pa ang kanyang kaliwang kilay habang
minamata ako. "You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of detection. Was it because of your
pretty face? Or did you let him experience something unforgettable one night?"
Now I'm at a total loss. Sinaniban na ba ng masamang espiritu itong si Jamie o nagha-hallucinate ako kahit hindi ako
uminom ng belladonna? Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising kung sakaling bangungot lamang ito. Talaga
bang ganito ang attitude ng celebrated theater actress sa campus?
Biglang nagbalik sa pagiging maamo ang kanyang mukha nang makita namin si Loki na sumulpot sa may hagdanan.
Tila nagliwanag ito nang makita niya ang pagdating ng kasama ko sa club. Nabura ang kahit anong bahid ng
mapagmataas na itsura niya kanina.
"Sorry if I am late," paliwanag ni Loki. "My instructor asked for a thirty-minute extension so I had to find a way to
escape from our classroom. So are we ready?"
Dahil may aftershock pa sa 'kin ang mga sinabi ni Jamie, hindi ko na siya nabati. Hinayaan ko na lamang siyang
ipaliwanag ang kabuuan ng kanyang plano.
"One of these guys most likely is your mysterious chatmate," iniabot niya sa aming kliyente ang post-it note kung saan
nakasulat ang pangalan ng apat na possible suspects. It only took Jamie five seconds before returning the note to him.
"Now all we need to do is to draw out our prey from his hiding hole."
Hininaan niya ang kanyang boses na parang bumubulong habang ikinukwento kung paano namin huhulihin sa akto
ang salarin. Nang matapos siya sa kanyang paliwanag, nagbalik sa kasalukuyan ang kamalayan ko't hindi napigilang
magkomento.
"Te-Teka! Segurado ka ba riyan, Loki? Hindi ba masyadong mapanganib para kay Jamie 'yan?"
"We will be with her so there's nothing to worry about," sagot ni Loki, walang kahit anong hint ng pagkabahala sa
kanyang mukha. Kumpiyansa talaga siyang gagana ang kanyang plano. "Of course, that's unless our client doesn't
want to do it."
Ilang beses na umiling si Jamie at nagsalita sa kanyang mahinhing boses. "Cool nga 'yang naisip mong plano. Kung sa
tingin mo, uubra 'yan, hindi na ako aangal pa."
Napansin kong kahit nakaharap si Loki sa direksyon ng aming kliyente, pilit niyang iniiwas ang tingin dito. Kapag
nagtatagpo ang kanilang mga mata, he quickly averts his gaze as if nakakamatay ang pagtitig sa mga mata ni Jamie.
Seriously, what's the deal between him and her?
Nang magkasundo na kami sa plano, naglakad na kami patungo sa auditorium. Nagpahuli ako likod at hinayaang
sabay na maglakad sa harapan sina Loki at Jamie. Muli kong naalala 'yong sinabi ng kliyente namin kanina.
"You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of detection."
Was Jamie's seemingly nice attitude earlier an act? Or was her bitchy approach really the face she's trying to hide
behind the mask?
Sa backstage kami ng auditorium dumaan. Pagbukas namin ng pinto, kaagad kaming binati ng mga mapanuring mata.
They greeted Jamie with warm words of welcome while they shot curious glares at us. Wala sanang problema kung
iilan lamang sila. Pero dahil nasa kwarenta ang bilang nila, medyo nakakailang. Para kaming mga walang kamuwang-
muwang na usang pumasok sa lungga ng mga leyon, pinagtitinginan at pinagtatangkaang lapain.
"Huwag kayong mag-alala. They are my friends who want to see our rehearsal," paliwanag ni Jamie sa kanyang mga
kasama. "Hindi sila mang-iistorbo sa atin kaya we can proceed with what we need to do."
"Friends, huh?" Someone emerged from the crowd. "You didn't tell us that you are acquainted with the members of
the Q.E.D. Club. Should I assume that they are here to investigate something?"
Nagkaroon ng mga bulungan matapos humirit ang lalaking 'yon. Base sa mga titig nila habang nakikipag-usap sa
kanilang mga katabi, mukhang alam nila kung ano ang purpose ng aming club.
But what really took my interest was the guy who declared about our affiliation. His face was familiar and I could
swear that we already met before. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yong lalaking sinagip namin mula sa
pagkakakulong sa locker room noon-si Stein Alberts!
Madilim noong una kaming nagkita kaya hindi ko gaanong napansin ang kanyang features. Pero ngayong nasa
maliwanag na lugar kami, mas malinaw kong nakita ang itsura niya. Tinatakpan ng bangs ang kanyang malapad na
noo at kahawig ng bunot ang pagkakagupit nito. Among his peers, his squinty eyes with grey-colored pupils stood out,
probably due to the contact lenses he's wearing. He had a small frame and slim figure, yet his upright posture spoke of
his confidence.
"My apologies if I haven't personally thanked you for saving me the other week," lumapit siya sa aming dalawa ni
Loki at iniabot ang kanyang kamay. "Allow me to personally introduce myself. I'm Stein Alberts from Class 10-A.
Pleased to meet the two of you."
Nakipagkamay kaming dalawa sa kanya. What a coincidence na ang dati naming niligtas ay isa na ngayong suspek sa
pagiging mysterious chatmate ni Jamie. But somehow, it bothered me why a Math prodigy like him would join the
repertory club.
"If you need my help in anything that's related to numbers, I'm here to offer my assistance," dagdag niya.
"Pwede ba naming malaman ang papel mo rito?" tanong ni Loki. Since Stein is one of our four suspects, he probably
took this opportunity to begin investigation.
"I'm the director here," sagot niya. "I'm in charge of how the actors and actresses will deliver their lines, their body
movements and their blockings."
"Blockings?"
"The actor's position in a particular scene, where they're going to stand, where they're going to enter and exit."
"So you're probably in front of the stage, watching the production from the audience point of view, right?"
Stein chuckled. "Why does it sound as if you're interrogating me? Anyway, it's the job of the director to make sure the
viewing experience is of high quality so I sit in the front row next to the stage."
"Excuse me," sunod na humakbang papunta sa amin ang isang lalaking may hawak na makapal na libro. Aakalain
mong buto't balat siyang naglalakad dahil sa sobrang payat niya. Magulo rin ang ayos ng kanyang buhok na tila hindi
niya tinitingnan ang sarili sa salamin. "We will start the rehearsals so I hope you don't mind if..."
Hindi na niya kinailangang tapusin pa ang gusto niyang sabihin. Tumabi kami sa gilid habang nagsimulang
magsipunta sa iba't ibang direksyon ang mga tao.
Lumapit sa amin si Jamie at pabulong na sinabi, "Siya ang stage manager ng production, si Wesley Nunez. Sinisiguro
niyang nandito na lahat ng mga actor at crew bago magsimula ang rehearsal. In charge din siya sa pagku-cue sa amin
kapag oras na ng aming eksena."
"Dito lang ba siya sa may backstage?"
"Oo. Minsan sumisilip siya sa left at right wing ng stage para tingnan kung anong eksena na."
Nagpaalam na muna si Jamie na pupunta sa stage para sa kanilang rehearsal. Kami ni Loki'y naiwan sa backstage
kasama ang iba pang crew na wala pang ginagawa. Habang busy ang karamihan sa pagtsitsismisan, lumusot kami ni
Loki sa may left wing ng stage at pinanood ang ginagawang pagde-deliver ng lines ng aming kliyente. Nakita rin
namin sa harapan si Stein na itinuturo kung saan dapat siya pumwesto habang ibinabato ang mga linya.
"Hey, you're not allowed here," pagbawal sa amin ni Welsey na biglang nagpakita sa likuran ko. "Usually, hindi
namin hinahayaang may manood na ibang tao sa rehearsal. But since you are Jamie's friends, we made an exception.
Kung gusto n'yo siyang panoorin, I suggest that you go to the audience area."
Itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "Just one question before we leave: Raymond Torres and Alvin Mendoza are
part of this production, right?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Wesley. Ang akala ko nga'y sisigawan niya kami. Pero naging mahinahon ang
kanyang pagtugon. "Si Alvin ay nasa balcony sa kabilang dulo ng auditorium. Siya kasi ang in-charge sa sound
system. He's still familiarizing himself with the buttons and levels so I suggest that you don't disturb him. Meanwhile,
Raymond is our assistant production manager. Wala siya ngayon dito dahil kinailangan niyang bumili ng snacks para
sa amin."
Hindi na nagtanong ng follow-up question si Loki at bigla-biglang umalis nang hindi nagpapaalam kay Wesley. Ako
na ang nagpasalamat para sa impormasyong ibinahagi sa amin ng stage manager bago ako sumunod sa kanya.
Naging mabibilis ang bawat paghakbang niya palabas ng backstage. Sunod naming tinungo ang sinasabing balcony ni
Wesley. Kinailangan pa naming umakyat sa makipot na spiral staircase bago kami nakarating doon.
Mula rito sa balcony, kitang-kita ang kabuuan ng auditorium. Napapanood namin ang ginagawang pag-arte ni Jamie at
ng mga kasama niya sa entablado pati si Stein na nakaupo sa front row ng audience seat. Medyo madilim nga lang sa
kinatatayuan namin.
"Can I help you with anything?" tanong ng isang matabang lalaki na nakaupo malapit sa isang equipment na may iba't
ibang button at level. Sa tabi nito'y nakalagay ang apat na patong-patong na CD player at isang desktop computer na
tila pinaglumaan na ng panahon.
"Ikaw ba si Alvin Mendoza?"
"Yep, that's me!" masiglang bati ng lalaking in-charge sa sound system. Parang hindi ko siya nakita sa mga taong
nagpukol ng mga nagtatakang tingin sa amin sa backstage kanina. "May problema ba?"
"I just want to ask if you've been here since last week," Loki panned his head from left to right, observing the dimly lit
balcony. "In this exact spot, I mean."
Alvin made a curious face as he stared at Loki, wondering what my companion meant by that question. "Yes, dito nila
ako ina-assign para mapag-aralan ang mga component ng sound system. Teka, if something was stolen in the
backstage, I can assure you na wala akong kinalaman doon. Dito na ako dumidiretso kapag rehearsal at hindi na ako
dumadaan doon. Bumababa lang ako kapag company call na."
"Don't worry. Wala namang nanakawan sa mga kasama mo." Mabilis na tumalikod si Loki at bumaba na sa makipot
na hagdanan. Wala ba talaga sa bokabularyo niya ang pagpapasalamat sa mga taong nagbibigay ng impormasyong
makatutulong sa kanya?
Sunod naming tinungo ang audience seats sa baba. Dahil exclusive ang paggamit ng repertory club sa auditorium,
walang ibang estudyante ang pinapayagang pumasok dito kaya blangko ang lahat ng mga upuan maliban sa harapang
row. As much as possible, we tried to minimize the noise we create while walking on the marble floor. Ang heels ko
kasi, lumilikha ng malulutong na tunog sa bawat yabag ko.
"Is everything okay?"
Sabay kaming napalingon ni Loki nang pumasok ang isang lalaking may bitbit na malaking plastic bag sa magkabila
niyang kamay mula sa isang grocery store. Naglakad siya patungo sa front row at inilapag ang mga dala sa bakanteng
upuan.
"Are you new members of our club?" nakangiting tanong ng lalaki. "By the way, I'm Raymond Torres, the assistant
production manager. So anong gagampanan n'yo sa play natin?"
"Do we look like idiots who will-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Loki at pinigilan ang kanyang mga komentong posibleng magpalayas sa aming
dalawa. "Uhm... mga kaibigan kami ni Jamie. Pinapunta niya kami rito para panoorin kung paano siya um-acting. I
hope you don't mind our presence here."
"Oh, don't worry! We always welcome Jamie's friends here." May dinukot sa plastic bag si Raymond at iniabot sa
amin ang dalawang mamon at pineapple juice. "Heto, kain muna kayo habang nanonood. May ilang minuto pa bago
mag-break ang mga artista namin."
"Do you always leave to buy snacks for your members?" tanong ni Loki matapos buksan ang kanyang canned juice.
"For now, that's my duty as assistant prod manager," sagot ni Raymond habang nakatitig kay Jamie. "Nandito naman
ang stage manager at director kaya tiwala akong maayos ang rehearsal habang bumibili ako ng pagkain nila."
Tumahimik na kaming dalawa ni Loki sa sulok habang kinakain ang ibinigay na snacks.
"Now that we have met the four suspects, who do you think is our mystery guy?" tanong ni Loki bago niya kinagat
ang mamon.
Uminom muna ako ng juice at hinayaang umagos ito sa aking lalamunan. Sa kanilang apat, iisa lang ang kahina-hinala
at may kakayahan kuhanan ng litrato si Jamie nang hindi niya napapansin. I told Loki my answer which made him
flash a wide grin.
"I see that you are indeed learning from me," he said before taking a gulp of the pineapple juice. "We have the same
culprit in mind. Through the process of elimination, only that person will be left on our list of suspects."
"Ano nang gagawin natin? Itutuloy pa ba natin 'yong plano mo? Pwede na natin siyang corner-in mamaya kapag tapos
na ang play nila."
He scoffed at my idea. "That's too straightforward and upright boring. Bakit hindi natin gamitin ang acting skills ng
kliyente natin para mas maging entertaining ang resolution ng kasong 'to?"
Here we go again with the entertaining-yet-complex solution versus simple-but-boring solutions. He'd always
preferred the former over the latter.
"Now all we need to do is wait for the curtains to close before we start Act II."
***
And so we did wait until the rehearsal was over. Alas-singko na ng hapon nang magsiuwian ang halos lahat ng mga
miyembro ng production team. Itinaas ni Loki ang kanyang kamay na siyang nakita ni Jamie, senyales na oras na para
isagawa ang plano. Hinintay muna naming maubos ang mga tao sa auditorium bago kami nagtungo sa left wing ng
stage. Mabuti't may mga itim na kurtinang nakasabit dito kaya nagawa naming itago ang aming presensya.
Mula sa aming pinagtataguan, nakikita pa rin naming dalawa ni Loki ang isang bahagi ng backstage. Nandoon si
Jamie, nakaupo sa harap ng salamin at nakatalikod sa amin. Bilang na rin sa mga daliri ang taong kasama niya roon.
"Hey, Jamie, mauna na kami," paalam ng kanyang babaeng kasama. "Hindi ka pa ba sasabay sa amin?"
Umiling si Jamie, medyo nanghihina ang boses. "Kailangan ko munang magpahinga, medyo nahihilo kasi ako e."
"O ayaw mo bang dalhin ka namin sa clinic?"
"Huwag na. Ayaw ko na kayong maabala pa. Mauna na kayo." Kumaway si Jamie sa kanila na naging cue para ang
mga kasama niya'y umalis na.
Sabi ni Loki kaninang bago kami pumasok sa auditorium, kung magpapaiwan ang aming kliyente sa backstage,
malaki ang posibilidad na mag-stay rin doon ang kanyang mysterious chatmate. Kaya kung sakaling may naiwan pang
miyembro ng production crew dito, malamang siya na ang taong hinahanap namin.
"Are you okay, Jamie?" Lumapit sa kanya ang lalaking may hawak na makapal na libro.
Humarap sa kanya si Jamie, medyo inaantok ang mukha at parang nanghihina. "Mabuti't nandito ka pa, Wes. Hindi ka
pa ba uuwi?"
"Inayos ko pa kasi ang mga props doon sa stage. Baka mapagalitan tayo. O, bakit matamlay ka?"
"And there goes our mystery guy..." bulong ni Loki habang pinapanood nang nakangiti ang eksena sa backstage.
Parang nanonood siya ng pinaka-inaabangan niyang movie sa sinehan.
Gaya ng deductions ko, si Wesley nga ang kumukuha at nagpapadala ng litrato kay Jamie sa Facebook chat. Hindi
man gano'n kahalata sa itsura pero sa apat naming suspek, siya ang nasa tamang posisyon at anggulo para kumuha ng
litrato.
Sa lahat ng mga isinend na litrato kay Jamie sa Facebook, laging nakatalikod o kaya'y naka-side ang subject. Ang ibig
sabihin, kinunan ito habang nasa likod o nasa gilid ng target ang salarin. Being the stage manager, hindi kahina-hinala
kay Wesley kung pupunta siya sa left o right wing ng stage para palihim na kunan ng picture si Jamie habang umaarte
sa gitna ng entablado.
Hindi 'yon magagawa ni Stein dahil laging nasa harapan siya. Kung siya man si Mister Y, dapat puro front shot ni
Jamie ang ipinadalang larawan.
Hindi rin 'yon magagawa ni Alvin dahil masyadong malayo ang pwesto niya para makakuha ng mas malapit na shot ni
Jamie. At saka sinabi rin niyang hindi siya nagagawi sa backstage which eliminates him from the list.
Samantalang ang assistant prod manager na si Raymond, laging umaalis kapag nagsisimula ang rehearsal para bumili
ng pagkain. Maliban doon, sa may audience seat din siya pumupunta para ilagay ang mga binili niyang snacks at hindi
sa backstage.
All we needed at the moment was to confirm our theory.
Tumayo si Jamie habang nakahawak ang kanyang kamay sa noo niya. Namumutla pa siya at tila anumang sandali'y
mawawalan siya ng balanse. "Siguro kulang ako sa tulog kaya nahihilo ako ngayon. Dapat yata, huwag na akong
magpuyat para-"
And then she collapsed on the floor and apparently lost consciousness. Wesley immediately rushed to her side.
"Jamie! Jamie!"
Pero hindi kumibo ang babaeng nahimatay. Animo'y prinsesa siyang natutulog sa malamig na sahig.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala ang phone ni Loki at kinukunan ng video ang sumunod na nangyari.
Nagpalinga-linga muna sa paligid si Wesley, tila sinisigurong wala nang ibang taong nandoon maliban sa kanilang
dalawa. Nagdalawang-isip pa siya kung dapat niyang ituloy ang kanyang gagawin. But the temptation was too much
for him. And so he gave in.
Napangisi siya habang hinahaplos-haplos ang maamong mukha ni Jamie. I caught a glint of lust in his eyes. He's
waiting for this moment for so long. Now it's within his reach. All he needed to do was reach out and take it.
"You are gorgeous... you are really gorgeous..." bulong ni Wesley sa tenga ng kanyang biktima kahit wala itong
malay. "With that pretty face and sexy body of yours, I wonder why you still don't have a boyfriend. Are you still a
virgin, huh?"
Iginapang niya ang kanyang kamay sa may hita ni Jamie at dahan-dahang itinaas ang palda nito. Napaungol ang
kanyang biktima na lalong nagpatindi sa pagnanasa ni Wesley.
Lumingon ako kay Loki, hindi ko na kayang tingnan pa ang sunod na ginawa ng lalaki. "At hanggang kailan tayo
manonood rito?"
"Ssshhh! We are getting to the most exciting part!"
Tsss. Palibhasa kasi lalaki ang isang 'to kaya hindi niya alam kung gaano nakakapangilabot ang pagsamantalahan ng
ibang tao ang kahinaan ng isang babae.
Hindi ko na hinintay pa ang signal mula sa kanya. Hinawi ko ang kurtinang nagkukubli sa presensya naming dalawa.
"Stop that!" I roared at the perverted guy who's still sensually caressing Jamie's body. I heard Loki click his tongue as
he stood next to me.
Tumigil sa kanyang ginagawang kalaswaan si Wesley at tinitigan kami ng mga nanlaki niyang mata. "You-You two
are still here? Te-

Volume 1 • Chapter 17: Over a Cup of Coffee


LORELEI

TOK! TOK! TOK!


HALOS MAPUDPOD na ang mga daliri ko sa kakakatok sa pinto ng kwarto ni Loki. Ilang minuto na rin akong
nakatayo sa tapat ng pintuan pero hindi pa siya sumasagot. Wala sa bokabularyo niya ang pagpapakamatay kaya
imposibleng 'yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y hindi niya pa ako pinagbubuksan.
"Loki? Loki?"
Usually, maagang nagigising ang lalaking 'to kahit weekends. Sa lahat ng araw na pwede siyang matulog na parang
mantika, bakit ngayon pa kung kailan kailangang-kailangan ko siya?
"Loki? Loki!?
Katok sabay sigaw na ang istratehiyang ginamit ko para gisingin siya. Ilang minuto ko ring ginawa 'yon bago ko
narinig ang pag-unlock ng pinto at ang pagbukas nito.
Binati niya ako ng isang hikab habang nakatakip ang kanyang bibig. "Sinasalakay na ba tayo ng mga alien o dumating
na ang araw ng paghuhukom? Wala naman tayong pasok ngayong Sabado, 'di ba?"
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tiningnan nang diretso sa mata. "Loki, kailangan ko ang tulong mo."
Muli siyang napahikab. "Our club doesn't accept requests on weekends. Tao rin ako na kailangang magpahinga."
Ngayon pa lang yata ang unang beses na sinabi niyang "tao rin siya." Noong mga nakaraang linggo kasi, lagi niyang
hinihiwalay ang sarili niya kapag pinag-uusapan ang dilemma ng mga mortal. Maybe he thought at those moments
that he was above us, like his namesake God who's being worshipped in the Norse mythology.
"This is a personal request so please hear me out." Wala na akong ibang matakbuhan kundi siya. Kung merong ibang
choice, hindi ko na sana ginambala ang pagtulog niya. Desperado na akong masolusyunan ang problemang bumungad
sa akin ngayong umaga. Kung kailangan kong lumuhod para makuha ang "oo" niya, gagawin ko.
"Okay, I'm listening. But that doesn't guarantee I will help you out," sabi niya habang kinukusot ang kanyang mga
inaantok na mata.
Huminga muna ako nang malalim, mustering all the courage I have in me. My request is not something that anyone
would hear everyday. Medyo awkward nga na kay Loki ako hihingi ng ganitong klaseng pabor. Pero kinapalan ko na
ang mukha.
"Loki, I want you to be my boyfriend."
Then there was silence.
Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na kumurap ang mga ito. Nawala ang bahid ng antok sa kanyang mukha
habang nakatitig siya sa akin, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Itinuro niya sa 'kin ang kanyang daliri at bahagyang naningkit ang mga mata niya. "Are you on drugs or an alien
disguising as Lorelei? Maybe you are trying to pull a trick on me? Sorry but I'm not buying it."
I heaved out a frustrated sigh. Inasahan ko nang gano'n ang magiging reaksyon niya. It was a ridiculous request after
all. Probably it's the last thing that he was expecting for me to say. "Don't get the wrong idea. I just want you to be my
boyfriend only for today."
"You really serious about that request of yours?"
Tumango ako. "Tatanawin kong malaking utang na loob kung pagbibigyan mo ako."
Nahaplos siya sa kanyang baba at napatingin sa taas. "I might need a cup of coffee to process what you are asking of
me."
Hinayaan ko muna siyang lumabas ng kanyang kwarto para magtimpla ng kape habang ako'y umupo sa couch. Muli
akong napatingin sa phone ko at binasa ang text na natanggap ko kagabi.
0918-369-24** (11:11 PM): Hey, Lori! How are you? Haven't heard from you. I will be in Pampanga tomorrow so
why don't we meet?
Parang naririnig ko ang malambing niyang boses habang binabasa ang kanyang message. It's been a while since we
last texted or talked to each other. Paglipat ko rito sa probinsya, I deleted the numbers of my friends and former
classmates, including his. I decided to cut the loose thread that connects me and them. Well, they still send me
messages but I usually ignore them.
Pero may isang number na kahit hindi na registered sa phone ko, kilala ko kung kanino. Tandang-tanda ko pa ang
huling four digits ng number niya. And his message is something I can't easily ignore hence my dilemma this
morning.
"Care to explain the nature of your request?" tanong ni Loki habang hinihipan ang umuusok niyang baso ng kape.
Umupo siya sa kabilang couch at pinagkrus ang mga binti niya.
"May natanggap kasi akong message mula sa kaibigan ko sa Manila. Gusto niyang makipag-meet ngayon sa akin
ngayon." Napakapit ako sa hawak kong phone, nakayuko't nakatitig sa aking hita.
"And I should be in this picture because...?" Nakakunot ang noo niya habang dahan-dahang humihigop ng kanyang
mainit na inumin.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. My request doesn't make sense at all. Makikipagkita lang ako sa dati
kong kaibigan kaya bakit kailangan ko ang tulad niya na magpanggap na boyfriend ko?
Bahala na. Kung ano ang unang pumasok na palusot sa utak ko, 'yon ang idadahilan ko.
Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa kanya. "For some reason, I can't turn down his invitation. He was
asking me out so I thought I should shoot him down by showing that I already have a boyfriend. Kapag kasi nalaman
niyang single pa ako, bago maisipan niyang lumipat sa school natin para sundan at maligawan ako."
Loki's black eyes blinked for a couple of times, his brows knitted. His face made an unsatisfied look as if he's
doubting my words. Seconds passed by and his features cleared, darting a mischievous smirk at me.
"Telling him upfront that your heart's already taken is boring. So you decided to break his heart and crush it into
pieces by shoving in his face that you already have a special someone. I must say that's far more entertaining than the
first solution," he muttered while nodding his head. "Should I be proud that you are finally learning a thing or two
from me about putting a touch of drama in your actions?"
"Pa...Parang gano'n na nga."
He took a big gulp of his coffee and placed the empty mug on the table. "Well, I haven't been in a relationship before
so I don't know how to be a believable boyfriend."
"Ta-Talaga?" Wait, why did I sound too surprised to hear that?
"But as far as acting goes, I think I may be of assistance to you," he continued, ignoring my reaction. "So when and
where are we meeting this friend of yours?"
"Pumayag akong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa mall ngayong alas-onse ng umaga," sagot ko pagtapos muling
i-check ang message thread. "Meron pa tayong three hours para maghanda."
Inilabas ni Loki ang kanyang phone sabay sabing, "The mall is three rides from here. Masyadong hassle kung magko-
commute tayo kaya mas mabuti kung magkaroon tayo ng sundo. This is a date, after all, no matter how fake it is."
"Anong ibig mong sabi-"
Hindi na niya ako nasagot dahil may kausap na siya sa phone. "Hi, Mr. Valdez? Oh, Mr. Vasquez pala, I'm sorry. This
is Loki. Can you pick me and my colleague at our apartment around ten-thirty? We need a ride to the mall. Thank
you."
"Who's that?" tanong ko nang matapos ang kanyang tawag.
"Our family driver," ibinulsa ni Loki ang kanyang phone at humarap sa 'kin. "Dahil walang pasok ngayon, hindi niya
kailangang ihatid ang kuya ko sa school kaya wala libre siya ngayong umaga."
Pagpatak ng alas-nuwebe, nag-ayos na kaming dalawa para sa aming "date." To be fair kay Loki, I also haven't been
in a relationship kahit noong nasa Manila pa ako. There were suitors, yes, but none of them really took my interest.
Maybe I wasn't looking for it. Or maybe I'm really not into getting in a relationship at that moment.
For today's affair, I chose to wear a white longsleeved blouse matched with beige pencil skirt. I also straightened my
long hair which took half an hour before I was satisfied with its look. Nag-apply rin ako ng kaunting make-up sa
mukha at pink lipstick sa labi ko para mabigyan ng kulay ang maputla nitong itsura.
Even though this date is only for a show, talagang kinarir ko na ang pag-aayos.
Paglabas ko ng kwarto, nakaabang na sa 'kin si Loki na nakasuot ng checkered longsleeved polo na pinatungan ng itim
na vest matched with dark pants. Muntikan ko na siyang hindi makilala dahil sa ayos ng buhok niya. Dati kasi, lagi
nitong tinatakpan ang kanyang mga mata. But for today, he combed his bangs upward, revealing his forehead.
Maging siya, talagang sineryoso ang pag-aayos sa sarili. For a moment, I thought that we are really dating.
"Shall we go now? Baka ma-stuck tayo sa traffic papuntang mall." Kahit nagbago na ang itsura niya, gano'n pa rin ang
tono ng kanyang pananalita.
Nasalubong namin si Tita Martha nang kami'y pababa na. She was about to greet us good morning but her mouth
froze as she stared at Loki and me, probably she couldn't believe what she was seeing. Para siyang istatwang nakatayo
sa hallway habang sinusundan kami ng tingin. I hope she won't get the wrong idea.
Sa labas ng apartment nakaabang ang kulay asul na Subaru. Lumabas ang isang lalaking siguro'y nasa trenta anyos
mula sa driver's seat at pinagbuksan kami ng pinto sa likod.
"Good morning, Sir Loki," bati ng driver sa kanya na hindi tinugunan ng aking kasama. Nauna siyang pumasok sa
loob, what a way to show how good of a gentleman he is.
The drive to the mall took thirty minutes. Kung sumakay kami ng tatlong jeep para makarating sa destinasyon namin,
tiyak na tumatagaktak na kami sa pawis ngayon at nangangamoy araw na kaming dalawa. Mabuti't de aircon ang
kotseng sinasakyan namin kaya naiwasan namin ang parusa ng nakatirik na araw at matinding traffic.
All throughout the journey, we remained quiet in our seats, refusing to break the fragile silence between us. Hindi na
kakaiba ang ganitong senaryo dahil kahit noong sabay kaming umuuwi o pumapasok sa school, hindi kami gaanong
nag-uusap unless something of interest piques his attention. Busy siya sa kanyang phone, naglalaro ng Criminal Case,
habang ako'y nanonood sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan sa paligid.
Ibinaba kami ng kanyang driver sa tapat ng coffee shop sa bandang likuran ng mall. Dahil kakabukas pa lang nito,
wala pang masyadong customer dito.
Kasabay ng pagbati ng mga staff ng coffee shop ay ang pagbungad sa amin ng malamig na hanging mula sa aircon.
Itinuro nila sa amin ang isang bakanteng pwesto malapit sa counter. Katabi namin ang isang grupo ng tatlong babaeng
magkakaibigan. Wala pang number sa mesa nila kaya malamang, may hinihintay pa silang kasama bago tuluyang um-
order.
Tinext ko na ang ka-meeting namin para sabihing nandito na ako. Hindi naman siya usually late kaya nakapagtatakang
wala pa siya rito. Siguro hindi niya inaasahang gano'ng katindi ang traffic papunta rito sa mall.
"Say, is this friend of yours someone important to you?" Nakasalumbaba si Loki habang nakatitig sa mga customer sa
kabilang table. "Sa suot mong 'yan, aakalain ng ibang tao na may pupuntahan kang job interview at hindi isang date.
Was there something between you and the guy we are about to meet?"
"Wa-Wala." Awtomatiko akong napatingin palayo. Knowing him, he could probably see the truth through my body
language. A simple twitch in the eye o knitting of brows would already tell him a lot. "Ta-Talagang ganito ako
manamit kahit noong nasa Manila pa ako."
"No doubt. You guys from the imperial Manila are so sophisticated when it comes to fashion," he said in his
monotonous voice. Mabuti't hindi na niya pinush ang pagtatanong tungkol sa 'kin at ng kaibigan ko.
Minutes have passed but he still hasn't arrived. Ni hindi man siya nagre-reply sa text ko. Wala kaming magawa ni
Loki kundi um-order na ng drinks dahil pinagtitinginan na kami ng mga staff. I asked him to buy chocolate chip cream
for me habang ang sa kanya'y dark mocha.
While sipping my cold drink, I looked at the table next to ours. Hanggang ngayo'y hindi pa sila umo-order ng kahit
ano.
"O, nandyan na pala siya!"
Napatingin ako sa pintuan, ang akala ko'y dumating na ang lalaking hinihintay namin. 'Yon pala, ang dumating ay
walang iba kundi 'yong lalaking hinihintay ng mga taga-kabilang table.
"Pasensya na kung late ako, may aksidente kasi diyan sa may intersection," paliwanag ng lalaki bago siya umupo.
Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at buong mukha.
"At dahil nandito na si Draco, pwede na tayong um-order!" masiglang bati ng babaeng may kulot na buhok na abot
hanggang balikat. Naglabas siya ng isang libong piso mula sa kanyang wallet at iniabot sa katabi niyang naka-
Japanese bun ang ayos ng buhok. "Treat ko na 'to basta black coffee sa ating lahat, ah? Okay lang ba kung ikaw na
ang mag-order, Adriana?"
"Sige, may ipapadagdag ka pa ba, Sophie?" mahinhing tanong ng babaeng tumayo at nagbabadya nang pumunta sa
counter. Nakita kong ngumiti ang barista matapos marinig na oorder na ang mga katabi namin.
Umiling 'yong babaeng kulot ang buhok. "'Yon lang. May dala kaming cake dito kaya hindi na natin kailangang
bumili ng pastries. Kaming dalawa ni Stacy ang nag-bake nito kaya for sure masarap ito! O, buksan na natin."
Inilabas nila mula sa kahon ang isang chocolate cake at humiram ng mga platito't kubyertos mula sa counter.
"Siguruhin n'yong uubusin n'yo ito, ha," sabi ng babaeng may mahabang buhok na abot hanggang baywang. Inii-slice
na niya ang cake at inilalagay sa bawat platito. "Sayang ang effort naming dalawa ni Sophie sa pagbe-bake kung
magtitira kayo."
Napalunok ako ng laway habang sumusubo ng cake ang kulot na babae. Parang gusto ko tuloy um-order ng
cheesecake o humingi na lang sa kanila.
"Ito ang sa 'yo, Draco," iniabot sa lalaki ang isang platito ng cake pero tinanggihan niya ito.
"Pa-Pasensya na. Hindi kasi ako kumakain ng kahit anong may chocolate."
"Huh?" Muntikan nang mahulog ang piraso ng cake na nasa tinidor ni Sophie. "Bakit hindi mo kaagad sinabi? E 'di
sana banana cake na lang ang binake namin ni Stacy. Paano na niyan?"
"So-Sorry," napakamot sa ulo ang lalaki habang nakangiti pa rin. "Kumain na rin ako sa bahay kaya okay lang iinom
na lang ako ng coffee.
Muling bumalik sa kanilang mesa si Adriana at ipinatong ang mga in-oder nilang drinks. Kitang-kita ko pa mula sa
aking kinauupuan ang steam na nanggagaling sa baso. "Heto na 'yong in-order natin. Pupunta muna ako sa
washroom."
Pagkaalis ni Adriana, kaagad na kinuha ni Sophie ang kanyang baso at tiningnan ang laman nito. "Teka, walang
creamer ito."
"Sige, ako na ang kukuha. Tapos na rin akong maghiwa ng cake." Nagtungo si Stacy sa condiment bar malapit sa
counter. Pagbalik niya'y may dala-dala na siyang maliliit na sachet.
Pagbalik ng isa pa nilang kasamahan, nagsimula nang kumain ng cake ang tatlong babae habang ang lalaki'y dahan-
dahang hinihipan ang kanyang mainit na kape.
Dahil sa sobrang bored ko sa paghihintay, wala akong nagawa kundi panoorin at makinig sa usapan ng mga taong
nasa kabilang mesa. Anong oras ba darating ang taong 'yon? Halos kalahating oras na mula nang makarating kami rito
ni Loki.
"Those three like that guy, don't you think?" tanong ni Loki habang nakatitig ako sa kalapit na table. Dala siguro ng
pagkabagot niya kaya maging siya'y natuon ang atensyon sa ibang tao. "They have been staring at him whenever the
chance presents itself. But I guess the guy is oblivious to what his so-called friends feel about him."
You don't have to be a detective to arrive at the same conclusion. Halatang-halata sa titig ng tatlong babaeng nasa
paligid ni Draco na may gusto sila sa kanya. Kahit gaano pa kababaw o ka-corny ang joke na binibitawan niya, todo
tawa ang mga kasama niya.
"Sorry if I kept you waiting."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. It's been how many months since I last heard
his voice. I slowly turned my head to the person standing before our table and took a deep breath.
Kahit ilang buwan na mula nang huli kong nasilayan ang kanyang mukha, I still haven't forgotten his familiar
features-his hair swayed on the left side of his head, those sparkling brown eyes and his pointed nose. He's still
wearing that sweet perfume that could enchant anyone's nose. Wala pa rin siyang pinagbago. Bagay sa kanya ang suot
niyang pink longsleeved polo na tinernuhan niya ng itim na pantalon.
"Alistair..." bulong ko nang nagkatitigan ang mga mata namin.
"It's been a while, hasn't it, Lori?" Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Why does it feel as if it's the first time I'm
meeting him? "Sorry kung hindi ako nakapag-reply. Nagkaproblema sa network signal ang phone ko."
"A-Ayos lang," nauutal kong sagot. "P-Please take a seat."
"And this must be..." He darted a curious glance at Loki who's as silent and unmoving as a stone in his chair.
"He's Loki, a classmate of mine... and my boyfriend." Medyo nag-alangan pa akong banggitin ang huling dalawang
salita.
"Oh, it's my pleasure to meet you." Kay Loki naman niya iniabot ang kanyang kanang kamay. "You're a lucky guy to
win Lori's heart. By the way, I'm Alistair Ravena, Lori's childhood friend."
"Loki Mendez, pleased to meet you as well," Loki forced a friendly smile as he shook hands with Al. Kumpara sa mga
karaniwang pakikipagkamay, tila nagdikit ang mga palad nila't ayaw nang humiwalay sa isa't isa.
"Do you mind?" Pinilit ni Loki na alisin ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Alistair clasped his wrist tightly and
stared into those lifeless eyes of my companion.
"You really are Lori's boyfriend, aren't you?"
Napatingin sa kanyang pulso si Loki bago ibinaling ang tingin sa lalaking kaharap niya. Nakita kong bahagya siyang
nagulat sa reaksyon at tanong ni Alistair pero pinilit niyang magmukhang kalmado.
"Yes, I am. Do you have a problem with that?"
Ilang segundo pang nagtitigan ang dalawa bago pinakawalan ni Alistair ang kamay niya. Napabuntong hininga siya at
tumingin sa 'kin nang nakangiti. "I'm relieved that you chose a great guy, Lori."
"Ano nga palang ginagawa mo rito sa Pampanga?" Minabuti kong palitan ang aming topic. If he goes on asking about
me and Loki, he might figure out that everything was just an act.
"Your father told me that you have transferred here so I decided to pay you a visit," he reclined on his chair while his
eyes were still transfixed on me.
Pagbanggit niya kay papa, awtomatikong nanlisik ang mga mata ko. "Did my father send you here?"
"Kusa akong pumunta rito para bisitahin ka. Walang nag-utos sa 'kin," kalmadong sagot ni Alistair. "But he did tell
me that you didn't get to meet him when he paid you a visit last month. He said you were quite busy."
Hindi naman talaga sa busy ako noong mga panahon 'yon. Sinadya kong hindi umuwi ng apartment nang maaga para
hindi ko siya makita.
"But you weren't that busy, were you?" Alistair continued, there's a sudden shift in voice. It turned a bit serious. "You
were deliberately avoiding him. A daughter wouldn't miss a chance to be with her father whom she rarely sees."
Of all the people close to me, Alistair's probably the only one who knows my issues with my dad. It wasn't surprising
if he thought that way.
"Oh, he's quite sharp. Very astute..." bulong sa 'kin ni Loki kaya pasimple ko siyang siniko sa tagiliran.
"But I didn't come here to talk about your father," sabi ni Alistair. "Pumunta ako rito para kumustahin ka. Balita ko
hindi mo raw nire-reply-an ang mga dati mong kaklase. Was it because of what they did to you?"
My grip on the cup tightened as I gritted my teeth. I tried to maintain my composure.
"Hanggang ngayo'y galit ka pa ba sa ginawa nila noong gabing 'yon?"
"Ano bang nangyari?"
Napatingin si Alistair kay Loki, may bahagyang pagkasorpresa sa kanyang mukha. "Hindi pa ba sinasabi sa 'yo ni Lori
kung anong nangyari noon sa dati niyang school?"
"She never mentioned it to me," sagot ni Loki, briefly shooting a side-ward glance at me. "Kung ayaw niyang sabihin,
walang problema sa 'kin. But I must say I'm curious as to what transpired when she was still in Manila."
"Is it okay to tell him?" tanong sa 'kin ni Alistair. "In a relationship, you need to trust your partner. If you don't, it will
crumble easily like a house of cards."
Ayaw ko nang maalala pa. "Kung pwede, huwag nating pag-usapan dito 'yan. Sasabihin ko rin kay Loki kapag handa
na akong mag-open up."
My childhood friend only beamed a smile before standing. "Mag-o-order muna ako ng coffee. May gusto ba kayong
kainin? Donuts or cheesecakes?"
Pareho kaming umiling ni Loki at saka nagtungo sa counter si Alistair.
"He's far from what I expected," sabi ni Loki habang pinapanood ang pakikipag-usap ni Alistair sa cashier. "You told
me that he's head over heels for you. But that doesn't seem to be the case. So why did you ask me to be here?"
Napalunok ako ng laway habang iniiwasan ko ang kanyang tingin. I knew he would figure it out sooner or later. It was
foolish of me to think that he won't have any idea.
Nakabuka na ang bibig ko para simulan ang aking paliwanag nang may sumabay na sigaw na aming tabi.
KYAAAAAAA!
Sabay kaming napatingin ni Loki sa kabilang table kung saan nakita naming nakahandusay sa sahig ang nag-iisang
lalaki sa mesang 'yon. Nakatirik ang kanyang mga mata sa kisame at parang sinasakal ng kamay niya ang kanyang
leeg. Ilang beses pa siyang nangisay bago tuluyang huminto ang kanyang katawan. Nakatitig sa akin ang mga halos
lumuwa niyang mata habang nakabuka ang bibig niya.
"Don't tell me..." Loki rushed to the guy and touched his wrist. He slowly shook his head after searching for that guy's
pulse. "Wala na siya."
"DRAAACO! NOOO!" Mangiyak-ngiyak pa si Sophie nang lumapit sa katawan ng kanyang kaibigan pero mabilis
siyang pinigilan ni Loki.
"Don't come any closer!" he roared at the curly-haired girl which prompted the latter to stop immediately. Nilapit ni
Loki ang kanyang ulo sa bibig ng lalaki at inamoy ito. "This scent of almond... potassium cyanide?"
Pinalibutan na kami ng iba pang staff at bagong dating na mga customer na nagtataka kung ano ang nangyari.
Sinabihan sila ni Loki na tawagin ang mga pulis kaysa tumunganga't manood na parang may shooting ng pelikula sa
loob ng cafe. Mukhang kahit sa mga ordinaryong araw na tulad nito, ayaw kaming patahimikin ng mga kaso. Ewan
kung sino sa aming dalawa ni Loki ang magnet ng trahedya.
"What's going on here, Lori?" tanong ni Alistair na may hawak-hawak na baso ng iced coffee. "Ano ang ginagawa ng
boyfriend mo sa crime scene?"
Come to think of it, nasa mall kami ngayon at wala sa school. Wala na sa jurisdiction namin ang paglutas sa kasong
ito pero si Loki, hayun, game na game sa pag-inspeksyon sa crime scene.
"Mga member kasi kami ng isang detective club sa school kaya nasanay na kaming maka-encounter ng mga ganito,"
paliwanag ko sa aking katabi na sumipsip ng kanyang inumin.
A look of surprise and disbelief flashed on his face as he stared at me with his curious eyes. "Detective club? I didn't
know you are into that sort of thing."
Hindi ko rin inakalang magugustuhan kong sumali sa gano'ng klase ng club. Kung hindi lang ako ibinlackmail ni
Loki, baka hindi ako nasabak sa paglutas ng iba't ibang uri ng mga krimen sa school.
Lumipas ang ilang minuto bago dumating ang mga pulis sa coffee shop. Kaagad nilang kinordonan ang paligid at
nagsimulang kumuha ng llitrato ng crime scene. Ang akala ko'y si Inspector Estrada ang makikita kong in-charge sa
imbestigasyong ito pero naalala kong hanggang Clark High School lamang pala ang jurisdiction ng campus police.
"At sinong nagsabing pwede kang tumapak sa crime, ha, iho?" nakataas pa ang kilay ng lalaking malamang ay nasa
kwarenta anyos na, may kapayatan ang mukha at katangkaran ang pangangatawan. Kung si Inspector Estrada ay may
kapansin-pansing makapal na bigote, ito namang bagong inspector ay may makapal na kilay.
"Detective Inspector Tobias," tawag ni Loki sa kanya. "Matagal na rin mula nang huli tayong magkita."
"Hmm?" Naningkit ang mga mata ng pulis na tila pilit na inaalala kung saan niya nakilala si Loki. Malamang hindi
niya kaagad ito nakilala dahil sa ibang ayos ngayon ng kasama ko. "Hindi ba't ikaw ang bata ni Estrada? Oo, noong
nakaraang taon pa yata tayo huling nagkasalubong sa crime scene. Mukhang hanggang dala-dala mo 'yong sumpa
mo."
Tinutukoy niya siguro ang coincidence na may namamatay o nangyayaring krimen kahit saan magpunta ang kasama
ko. The same thing happened to me kahit wala si Loki sa tabi ko.
"Your boyfriend seems to be well acquainted with the police," komento ni Alistair habang pareho kaming nakatingin
sa pag-uusap nina Loki at Inspector Tobias. "Instead of kicking him out of the crime scene, they let him do whatever
he wants. May koneksyon ba siya sa kanila?"
I myself have been wondering the same thing. Hindi kasi normal sa mga pulis na hayaan ang isang high school student
na tumulong sa imbestigasyon. Maybe Loki's parents were associated with the police? Kahit ilang linggo na kaming
magkasama, hindi ko pa naisipang itanong sa kanya.
"I hope you don't mind if my colleague and I would assist in this case," itinuro niya ako kaya napatingin ang inspector
sa aking direksyon. "We happened to observe these guys on the other table so our insights might prove useful to the
investigation."
"Colleague? May bagong partner ka na pala ngayon?"
"She's... actually my girlfriend," naiilang na sabi ni Loki na parang ikinahihiya niyang ipakilala ako. "Anyway, like
me, she has a good power of observation and her insights helped me solve some cases in the school."
Sumenyas na si Loki para lumapit ako kanya. Tumingin ako kay Alistair at saka sinabing, "Sorry, we need to lend a
hand sa mga pulis. Would you mind waiting until we close this case?"
"Don't worry, I would be delighted to see how a couple works in a crime scene," nakangiting tugon ni Alistair bago
muling sumipsip ng kanyang iniinom na kape.
"Obviously, the victim was poisoned judging by the smell of almond from his mouth," panimula ni Loki habang
iniikutan ang bangkay na tinakpan ng kumot. "And another obviously, the one who poisoned him a.k.a. the murderer
is among his three female colleagues."
"Eh?" pagulat na reaksyon ni Sophie, namumugto pa ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak. "Ba-Bakit iniisip
n'yong kaya naming patayin si Draco? He's our friend!"
"Being his friend doesn't mean you can't keep a grudge and devise an ingenious plan to kill him," Loki countered as
soon as Sophie's finished talking. "Potassium cyanide takes minutes before it kills someone. At dahil kayo ang huling
kasama ni Drago sa huling tatlumpung minuto ng kanyang buhay, you three are the primary suspects."
"Te-Teka, anong motibo namin para patayin siya?" tanong ni Stacy. "Hindi naman namin siguro siya basta-basta
lalasunin nang walang dahilan, 'di ba?"
"At saka... naging mabuti ang pakikitungo ni Draco sa amin," dagdag ni Adriana sa kanyang mahinhing boses.
"Parang imposibleng magkaroon kami ng intensyon na patayin siya."
"May gusto kayong tatlo sa kanya, tama?" Ako naman ang humirit sa pagkakataong 'yon. "Hindi ko gano'n kakilala
ang biktima pero kung tama ang kutob ko, isa-isa niya kayong idine-date pero wala siyang gustong seryosohin sa
inyong tatlo."
"EH?" Namula ang mga mukha ng tatlong babae at napatingin palayo. Sa tingin ko, silang tatlo rin ang kusang
nagyayaya kay Draco na lumabas kapag may free time sila.
"Kung motibo ang hinahanap n'yo, malamang konektado 'yon sa pag-ibig," dagdag ko kasabay ng pagkrus ng aking
mga braso. "Yon na siguro ang pinakamatinding motivator para pumatay."
"For now, we need to have everything checked on your table for traces of poison," sabi ni Loki habang nakatingin sa
mga platitong kanina'y may lamang cake. "Only Draco didn't eat the cake you brought so I doubt it's poisoned. My
guess is on the coffee that all of you drank."
Iniutos ni Inspector Tobias sa kanyang mga tauhan na dalhin sa kanilang lab ang mga basong may kaunti pang lamang
kape. Inilabas na rin ang bangkay ng biktima habang ang tatlong suspek ay naiwan kasama namin sa loob ng coffee
shop.
'So who do you think did it?" bulong ni Loki, nakamasid ang kanyang mga mata sa isa sa tatlong babae. "If you were
observing them earlier, you will no doubt have a guess on who might be our murderer."
Muli kong inaalala ang mga nangyari sa kabilang mesa bago dumating si Alistair. Kung totoong nasa baso ng kape
ang lason, dalawa sa kanilang tatlo ang natitirang suspek.
Una si Adriana dahil siya mismo ang bumili ng kanilang coffee. Meron siyang pagkakataon na ilagay ang lason sa
inumin ni Draco habang inihahatid niya sa puwesto nila. At saka nagpaalam siyang pupunta sa washroom pagkatapos
ilagay ang mga inumin sa mesa kaya posibleng idinispose niya roon ang lason.
Pangalawa si Stacy na siyang kumuha ng mga creamer. She could have swapped the creamers with poisoned ones
while she was on the condiments bar.
Ang tanging flaw sa reasoning na 'to: Paano nila masisigurong mapupunta kay Draco ang baso o creamer na may
lason? Kanya-kanya nilang kinuha ang mga baso nang inilapag ito ni Adriana at sila mismo ang pumili ng mga
creamer na inilagay nila sa kape. The culprit couldn't have relied on luck to make her plan work. Otherwise, iba ang
malalason at hindi si Draco.
Sino sa dalawang natitirang suspek ang posibleng naglagay ng lason? I closed my eyes and took a deep breath before
telling my answer to Loki.
"I think it's Adriana. Pwede niya kasing i-dispose 'yong lason na inilagay niya sa kape habang nasa washroom siya."
"Oh? I bet it's Stacy." This wasn't the first time that Loki and I had different opinion on a case which is good because
we can pursue other leads and debunk the other person's deductions. "I found it suspicious that she volunteered to get
the creamer after slicing the chocolate cake. But this is only an initial hunch. We need more data before we can arrive
at a definite conclusion."
Makalipas ang mahigit tatlumpung minutong paghihintay, nakatanggap ng tawag si Inspector Tobias mula sa mga
taong pinabalik niya sa kanilang station. Humarap siya sa amin sabay bulsa ng kanyang phone.
"Meron nang resulta mula sa lab." May halong pagtataka ang mukhang ipinakita niya sa amin, parang hindi siya
makapaniwala sa balitang ipinarating sa kanya. "May natagpuan silang traces ng lason sa baso ni Draco."
"Well, that's hardly surprising."
"...At may nakita rin silang traces ng lason sa tatlo pang baso."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Loki, hindi naming inasahan gano'n ang magiging findings ng mga pulis.
"Ku-Kung gano'n, mamatay rin kami?" nababahalang tanong ni Sophie na napatakip sa kanyang bibig.
Umiling-iling naman si Stacy. "Ku-Kung totoo 'yan, ka-kailangan n'yo kaming dalhin sa ospital! Baka ano pang
mangyari sa amin!"
Tanging si Adriana lang ang nanatiling kampante sa kanila. "Pero kung talagang nakainom tayo ng lason, bakit hindi
pa 'yon umeepekto sa atin? Hindi ba't sabi ng lalaking 'yan na fast acting ang ginamit na lason kay Draco."
Ngayong nalaman na naming may lason ang apat na baso, that guaranteed the culprit didn't rely on chances. Ang
naunang flaw na binanggit ko'y bale-wala na ngayon. Her plan was one hundred percent sure to kill the victim!
Napahimas sa kanyang baba si Loki habang nakatitig sa mga platito sa mesa. Kung anumang theory ang meron siya
kanina, seguradong nagkagulo-gulo na ito.
Then he smiled as a realization dawned on him. I have seen that grin a couple of times and it could only mean one
thing: He now knows the truth about the case.
"How is it possible that all of them drank poisoned coffee but only Draco was killed?" tanong niya.
Naningkit ang mga mata ko. Gano'n din kasi ang misteryong bumabagabag sa 'kin. "Baka may resistance sa lason
'yong tatlong babae at tanging kay Draco lang tumatalab ang lason? O kaya baka-"
Nabaling din ang tingin ko sa mga platito sa mesa. Alam ko na ngayon kung bakit nakatitig si Loki sa mga 'yon.
All four of them drank poisoned coffee but only Draco died. Why? Because he didn't eat the cake!
Teka, walang special power ang cake na binake nina Sophie at Stacy. Pero posibleng may hinalo sila roon-isang
antidote na pangontra sa lason.
"Inspector, I suggest that you also have those cake leftovers examined in the lab," sabi ni Loki. "You might find
something interesting in them."
"Bakit? May kinalaman ba ang cake na 'to sa kaso?"
"It will explain why these three girls are still alive and kicking. If only Draco ate the cake, he would still be with us
right now."
"Ang ibig mo bang sabihin..."
Lumapit sa mesa si Loki at kinuha ang isang platito. "It was a good trick. Our culprit mixed the antidote in the cake so
when she eats it, she won't be affected by the poison. Being the victim's friend, she probably knew that Draco would
decline to eat chocolate cake. All she needed to do is find a way to introduce the poison in their drinks. Between
Sophie and Stacy who baked the cake, iisa lang sa kanila ang kumuha ng bagay na laging inilalagay sa black coffee."
Both Sophie and Adriana darted a surprised look at Stacy. They knew she's the one who got the creamer for their
black coffee.
"S-Stacy..."
Napatingin sa sahig ang itinurong suspek ni Loki at napakuyom ang mga kamao nito. Hinintay namin siyang
magsalita pero mas pinili niyang hindi kumibo.
"As for the evidence, we can check your bag if you have the container of antidote. Kung wala 'yon sa mga gamit mo,
pwede rin nating i-check ang lugar kung saan kayo nag-bake ng cake. Baka kasi iniwan mo roon 'yong lalagyan,"
dagdag ni Loki para basagin ang katahimikan sa buong coffee shop.
"Pwede ring ipa-check natin ang sachet ng creamer para sa mga fingerprint. Ang staff ng cafe na 'to ang naglalagay ng
mga creamer sa condiment bar kaya kung wala ang mga print nila sa pabalat nito, ibig sabihin, hindi sa kanila galing
ang creamer na inilagay n'yo sa mga inumin. Hindi naman gano'n kahirap maghanap ng mga sachet tulad nito dahil
walang logo ng coffee shop."
"S-Stacy, totoo bang..." hinawakan ni Sophie sa balikat ang kanyang kaibigan. Kahit na convincing ang mga sinabing
deduction ni Loki, hindi pa rin siya lubusang makapaniwala, maging si Adriana na tahimik na nakatingin kanila.
"Hi-Hindi ko kakayanin..." Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, nagsalita na si Stacy. "Hindi ko kakayanin
kung mapupunta siya sa iba. Sinabi ko na sa kanya kung anong nararamdaman ko pero ang sabi niya, mas gugustuhin
niya raw kung mananatili kami the way it is."
Nagsimulang pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi at lalo pang napakuyom ang kanyang mga kamao, tiyak na
mas bumaon ang mga kuko niya sa kanyang balat.
"Tinanong ko kung may iba siyang gusto pero nginitian niya lang ako. Hindi ko na raw kailangang malaman pa. Kaya
naman... Kaya naman imbes na mapunta siya sa iba... mas minabuti kong..." Hindi na niya natuloy ang gusto niyang
sabihin. Napahagulgol siya't tinakpan ng mga kamay ang kanyang mukhang dinungisan ng mga luha.
"Stacy, nagkakamali ka." Hinaplos-haplos ni Sophie ang likuran ng kaibigan. "Nag-confess na rin ako noon kay
Draco. Pero ang sabi niya, may ibang babae na raw siyang gusto. Noong una'y ayaw niyang sabihin kung sino. Pero
noong kinulit ko siya, inamin niyang ikaw talaga ang gusto niya."
"Huh? A- Anong-"
"Ang rason kung bakit hindi ka niya pine-pursue kahit na gusto ka niya ay dahil ayaw niyang masira ang
pagkakaibigan nating apat nina Adriana. Alam niyang may nararamdaman tayo para sa kanya at ayaw niyang
magkaroon ng tensyon sa pagitan natin kung sakaling may piliin siya. He liked the way it is and he didn't want to ruin
our friendship just because of what he feels. Kaya naman..."
Mas lumakas ang naging paghagulgol ni Stacy at napaluhod pa siya sa sahig. Nagmistulang panyo para sa kanyang
mga luha ang damit ng kaibigan niya.
Somehow I felt sorry for her. It was a bit painful to watch her tears fall like the pouring rain, ruining the innocent face
she had moments ago. And much worse, everything she did was due to a misunderstanding. No words could probably
describe the regret she's feeling right now.
"Pasensya na kung pinaghintay kita," sabi ko kay Alistair na kanina pa nakatayo sa labas ng coffee shop. Naiwan
muna si Loki sa loob habang kausap si Inspector Tobias.
"No need to worry about me. Ayos lang ako," nakangiting tugon niya. "It was quite entertaining to watch you and
your boyfriend participate in the police investigation."
Sa tingin ko'y ngayon na ang tamang panahon para ibato sa kanya ang tanong na kanina pa paikot-ikot sa isip. "So...
sasabihin mo na ba ang totoong dahilan kung bakit gusto mong makipagkita sa 'kin? Hindi ka naman pupunta rito sa
Pampanga para kumustahin lang ako, tama?"
He smirked at my bluntness. "Do you think I don't have an idea what's going on?"
I replied with my knitted brows and curious face, wondering what he meant by that question.
"This act you're pulling with your detective friend. Do you expect me to believe that you two are really in
relationship?"
Shoot. Paano niya nalaman?
"Anyway, it doesn't matter whether you are playing with me or not. I came here to tell you that I want you to return to
Manila, to where you really belong."
"W-What?"
"Wala na 'yong mga kaklase mong muntik nang magpahamak sa 'yo. Your father did everything in his capacity to
have them expelled from school. Pwede ka nang bumalik doon. Wala nang panganib o banta sa 'yo."
I looked down as my fists clenched. I get it now, Al. You went all the way here to try to drag me back to the past I
tried to escape from. Others would find this gesture heart-warming. But I didn't.
"Gusto ko pang mag-stay rito sa Pampanga," may paninindigan kong sagot sa kanya. "Maayos na ang buhay ko rito
kaya bakit kailangan pa itong iwan at bumalik sa dati?"
"Plano mong mag-stay rito permanently?"
Marahan akong umiling. "Hindi ko pa masabi. Darating din siguro ang panahon na babalik ako sa Manila pero hindi
muna sa ngayon."
Muling siyang ngumiti at hindi na pinilit pa ang kanyang ipinupunto. "I already expected to hear that answer from
you. Pero umasa rin akong magbabago ang magiging sagot mo."
Iniabot niya sa akin ang kanyang kamay. "Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa 'yo. Kaso kailangan ko nang
bumalik ng Manila. Alam mo naman kung gaano katindi ang traffic papunta roon."
I firmly shook his hand for the second time. Ngumiti ako sa kanya. "It was nice seeing you again. Mag-iingat ka."
"Don't worry, I will be back here soon."
Nang magkahiwalay ang mga kamay namin, saktong dumating si Loki.
"Please take good care of my friend," habilin ni Alistair. I could hear how sincere he is about his request.
"Oh, you're leaving already?" My companion feigned a surprise look on his face.
Muli niya ring kinamayan si Loki bago siya tuluyang nagpaalam sa amin. Tumalikod siya't naglakad patungo sa
parking lot ng mall.
"He saw through our lie," sabi ko kay Loki habang pareho naming pinapanood ang paglalakad palayo ng aking
kaibigan. "Alam niyang nagpapanggap lang tayo."
"Not surprised though," he replied in his flat voice. "He tried to check earlier if there's any irregularities in my pulse
and if my pupils will dilate when he asked the confirmatory question if I was really your boyfriend. A lie-detecting
technique. It was too late when I realized it so that's how he probably got the idea. You do have an interesting friend."
Napatawa ako nang mahina. Muli kong naalala na ginamit na sa 'kin noon ni Alistair ang technique na 'yon.
"So you requested for me to pretend as your boyfriend to make him feel jealous, didn't you? I mean, he's not just a
friend for you. There's something else going on behind the scenes."
"Hindi ko siya pinapagselos," sabi ko, nakatitig pa rin ako kay Alistair na ilang metro na ang layo mula sa amin.
"Back in Manila, he was always there to protect and save me whenever I'm in trouble. I wanted to let him know that
he doesn't need to concern himself with my safety now that I have someone on my side to protect me here."
###
P.S. Alistair's appearance was brief but he might return in the future updates. Who knows?
For the next chapter, Loki will be kidnapped while Lorelei and Jamie will team up to find him! Is M behind this
incident or is it someone else?
DISCLAIMER: The trick involved in this chapter was inspired by Detective Conan Episode 6, just so you know. :)
Volume 1 • Chapter 18: The Double Code Mystery
A/N: Here's my NEW YEAR treat to readers of Project LOKI. Read it till the end. Enjoy!

LORELEI
MAY ARTISTA bang pumasok sa clubroom namin o naging crime scene na ang lagi kong tinatambayan tuwing break
time? 'Yan ang tanong na pumasok sa isip ko nang makita ang mga lalaking nakalupong sa labas ng Q.E.D. clubroom.
Nagtutulakan at naghihilaan pa sila para masilip kung sino o anuman ang nasa loob.
At dahil walang nakakordon na POLICE LINE DO NOT CROSS sa labas, malabong may naganap na krimen doon
para makakuha ng ganitong atensyon mula sa kalalakihan. Kaya isa lang ang natitirang paliwanag kung bakit daig pa
nila ang mga namboboso sa mga naliligong babae: si Jamie Santiago.
"Excuse me. Pwedeng padaan?" Kinailangan ko pang lakasan ang aking boses dahil para silang mga bubuyog na
nagbubulungan. Mabuti't hindi ko na kailangang sumigaw pa't kaagad silang nagbigay-daan para sa 'kin.
"Ang swerte naman ng lalaking 'yan, dalawang chikas ang kasama niya sa clubroom," komento ng isang lalaki sa
kanyang katabi. Kahit nakatalikod ako, nararamdaman kong tinititigan niya ako mula ulo hanggang hita.
Binuksan ko ang pinto ng aming clubroom at sinadyang binagsak nang isinara ko para magulat 'yong mga mokong na
nakatambay sa labas. Pinindot ko rin 'yong lock sa doorknob para hindi na sila makasilip sa loob.
"Having a bad day, eh?" bati sa akin ni Loki na nakaupo sa kanyang paboritong spot. Nakapatong ang kanyang mga
siko sa mesa at magkadikit ang mga daliri, tila malalim ang iniisip.
"Hi, Lorelei! Kumusta ang morning period n'yo?" To my surprise, Jamie greeted me with a bright smile. May kasama
pa itong pagkaway ng kanyang kanang kamay. Wow. Noong isang araw, para siyang nasaniban ng masamang espiritu
at nagsabi ng kung ano-anong hindi mo aakalaing sasambitin niya. Ngayon, nagbalik siya sa pagiging palakaibigan.
May nakain kaya siyang kakaiba ngayong umaga? At alin sa dalawang side na ipinakita niya sa akin noong isang araw
ang totoong Jamie Santiago?
What's more mind boggling was her reason to leave the repertory club and join the Q.E.D. Hanggang ngayo'y hindi ko
pa mawari kung bakit mas pipiliin niyang iwanan ang entabladong nagpasikat sa kanya at sumama sa mga tulad
naming nakakaengkwentro ng mga krimen dito sa campus. Kapag nalaman niya ang tungkol sa banta ni Moriarty,
magbabago kaya ang isip niya?
Umupo ako sa tabi ni Jamie at ipinatong ang aking bag sa mesa. She still had the braided hair which reminded Loki of
his dear friend Rhea. Magkaharap silang dalawa ngayon na parang nakikipag-staring contest sa isa't isa. Nakatitig ang
mga tila nagniningning na mga mata ni Jamie sa kanyang kaharap. Pero itong si Loki, hindi magawang direktang
tumingin sa kanyang katunggali.
"Pawn to C4," sambit ni Loki nang mapapikit ang kanyang mga mata.
Ngumiti naman si Jamie, mukhang naintindihan kung anong kahulugan ng sinabi niya, at saka tumugon, "Pawn to
E6."
"Knight to F3."
"Pawn to D5."
Halos magdikit ang mga kilay ko habang pinakikinggan ang mabilis nilang palitan ng mga salita. Teka, teka, were
they speaking in code or awtomatikong tina-translate ng mga tenga ko ang sinasabi nila into alien language?
"Knight to F6."
"Knight to C3."
Though I recognized some of the words they were using, I still don't know what in the world they were talking about.
Hindi na rin ako nakatiis kaya tinanong ko na sila.
"Ano ba 'yang ginagawa n'yong dalawa at parang napakaseryoso n'yo?"
"We are playing the game of kings," tugon ni Loki nang hindi tumitingin sa direksyon ko. "Chess, if you don't know
what that is."
Sinuri ng mga mata ko ang mesa kung may nakapatong na chessboard rito, pero kahit saan ako tumingin, wala akong
makitang kahit ano, ni isang piyesa nito. Teka, baka invisible ang board na ginagamit nila? Gano'n na ba ka-hi-tech
ang larong 'yon?
"Paano kayo nakakapaglaro ng chess e wala kayong chessboard?"
Itinuro ni Loki ang kanyang sentido at ngumiti. "Nasa utak namin ang board. Blindfold chess ang tawag dito. No
client has come in today so Jamie and I decided to play this game. Gusto ko ring i-test ang retentive memory nitong si
Jamie. I wanna see if she could remember where every piece is placed on our imaginary chessboard."
"At saka may pustahan kami sa larong ito," nakangiting lumingon sa akin ang kalaro niya. "Kapag nanalo ako, sabay
kaming magla-lunch mamaya sa cafeteria. I can't afford to lose."
"Meh, I prefer to eat my lunch here alone," mabilis na hirit ni Loki. "Bishop to E7."
Lalong kumunot ang noo ko. Talagang si Jamie ang nag-set ng kondisyon ng kanilang laro? At ito namang si Loki,
mukhang ayaw patulan ang lunch invitation. 'Yon mga lalaki nga sa labas, seguradong makikipagpatayan para
makasamang kumain ang theater actress naming miyembro.
"You should also try playing this game. It will sharpen your memory which is a must for people in our line of work."
He was probably talking to me. I just let out a sigh and grabbed my notes on Chemistry. Bahala silang maglaro ng
invisible chess.
Then someone's phone rang, catching everyone's attention.
"Ooops, sorry," Jamie said as she put out her phone and brought it close to her left ear. "Hello? Jamie speaking. Ta-
Talaga, ma'am? Muntik ko nang makalimutan!"
Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya, pinagmamasdan ang bawat pagbuka at pagsara ng kanyang bibig. On the
surface, she looked like your typical popular girl in school. But there's something with her that made me feel uneasy.
Dahil ba nakita ko noong isang araw ang bitchy side niya?
"Pasensya na! Pinapatawag ako sa faculty room." Tumayo na si Jamie habang muli kong itinuon ang aking atensyon
sa binabasa kong lecture tungkol sa covalent bonding. "Mamaya na lang natin ituloy ang laro, Loki. Huwag mong
kakalimutan 'yong usapan natin, ha?"
Ang akala ko'y didiretso na siya sa pintuan pero huminto muna siya sa tapat ko. Idinikit niya ang kanyang pisngi sa
aking mukha at humalik. I could smell the seductive scent of her perfume.
"See you later, Lorelei." Her sweet voice shifted into a slightly deep tone. Ewan pero may kaunting pagbabanta sa
boses niya. Hindi man niya lantarang sinabi pero parang nangangahulugan 'yon na, "Magkikita pa tayo mamaya.
Huwag kang gagawa ng kalokohan kay Loki, ha."
Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko inasahang makikipagbeso siya sa 'kin. At parang dumakit sa aking balat
ang mahalimuyak niyang pabango.
"Is something going on between the two of you which I'm not aware of?" tanong ni Loki ilang segundo matapos
lumabas ng clubroom ni Jamie.
Ako yata ang dapat magtanong sa kanya no'n, ah.
"When she greeted you earlier, you didn't reply. You seemed uncomfortable the moment you set your eyes on her.
Kaninang may kinakausap siya sa phone, nakatitig ang mga naningkit mong mata sa kanya. And you looked shocked
when she gave you a cheek-to-cheek kiss."
Gano'n ba ako kadaling basahin? I guess my facial expression, eye movement and silence gave it away.
"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero parang may something off sa kanya. Kasi noong iniimbestigahan natin
'yong-"
Sasabihin ko na sana sa kanya 'yong sinabi ni Jamie sa 'kin noong isang araw pero natigilan ako. I had second
thoughts if I should tell him about it. Hindi kasi tamang siraan ko siya kay Loki.
"Isa kang detective, 'di ba? If you have time playing imaginary chess, you could also find time figuring it out." 'Yon
na lamang ang sinabi ko kay Loki. Mas mabuti kung siya mismo ang makapag-deduce noon. After all, he's a self
proclaimed master deductionist kaya magiging madali sa kanyang tanggalin ang maskara ng pagpapanggap ni Jamie,
kung tama man ang impresyon ko sa babaeng 'yon.
Loki shrugged his shoulders and reclined on his monobloc chair. "I still have something to work on so I won't have
time to delve into your business with her."
Ang akala ko ba wala kaming kliyente? Kaya nga naglaro na lang sila ng chess kanina, 'di ba?
"No, it was a personal request to me so I can't involve our club." Hindi ko na kinailangan pang sabihin sa kanya ang
tumatakbo sa isip ko. "I have to handle it by myself."
Nanahimik na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng aking notes habang siya'y lumabas muna para bumili ng
kanyang paboritong canned coffee.
I hope he won't be blinded by the fact that Jamie somehow resembles his former partner.
***
Hindi na muna ako pumunta sa clubroom o kumain sa cafeteria nitong lunch time dahil kinailangan ko pang tapusin
ang group report namin sa Filipino. Wala rin akong ideya kung sino ang nanalo kina Loki at Jamie sa kanilang
blindfold chess match o kung sabay silang kumain ng lunch kanina. But my money's on my detective colleague.
Pasado alas-kwatro ng hapon nang dumaan ako sa aming clubroom. Baka nagkaroon ng himala at may naligaw na
kliyente. Normal lang kasi na walang dumadalaw sa aming estudyante na may problemang kailangang lutasin. Real
life isn't like those in mystery fiction where almost every day, something troublesome or tragic happens.
I was expecting to see Loki seated in his usual spot but this time, he wasn't around. Tanging si Jamie ang nakita kong
nasa loob nito. There was something strange with her face. Nakapinta sa kanyang mukha ang pag-aalala habang
nakatitig ang mga mata niya sa hawak na papel.
"Nasaan si Loki?" Hindi ko na naisipan pang batiin siya ng magandang hapon.
"Lo-Loki..." Dahan-dahan siyang humarap sa akin, bahagyang nakabukas ang kanyang bibig, at ipinakita ang hawak
niya. For a moment, I thought she was showing me a suicide note written by our common colleague which would
explain why he wasn't here. But suicide isn't in his repertoire so that possibility is out of the question.
Hinablot ko sa kanya ang papel at inilapit ito sa aking mukha. It read like poetry. Wait, it's more of a riddle.
Hey, you there, why don't we play a game?
Can't find him anywhere? Oh, what a shame!
I will give you time, is forty-five minutes fine?
Better hurry up 'coz his life is on the line!
Find the coordinates, get out of that square,
Then take one step back and see the answer.
14 - 24 - 21 - 14 - 31 - 45 - 24 - 21 - 23 - 55 - 33

Napalunok ako ng laway matapos basahin ito at napatingin ang mga nanlaki kong mata kay Jamie. It took a few
seconds before I spoke a single word. "Missing... Loki's missing?"
Posible kayang si Moriarty ang nasa likod nito? Did he get bored so he finally decided to abduct Loki and chain him
somewhere out of reach?
"Geez! Bakit kailangan siya pa ang mawala? Pwede namang ikaw." And there it goes. Jamie once again dropped his
nice girl act. The innocence on her face which was adored by many vanished in the blink of an eye. Nagpalakad-lakad
siya sa clubroom habang kinakagat ang kanyang kuko. "I was looking forward to spending this afternoon with him."
Napansin kong kapag nagpapalit siya ng persona, bigla siyang nagsasalita ng English. Pero teka, hindi ko
mapapalampas ang sinabi niya. "At bakit mas gugustuhin mong ako ang mawala? That's something you shouldn't tell
someone nonchalantly."
Huminto siya sa pabalik-balik na paglalakad at tumingin sa akin, nakataas pa ang kanyang kaliwang kilay at nakakrus
ang mga braso. "You're only a decoration in this club. Loki and I can get along. We actually had a good time together
during lunch time."
I was loss at words for a few moments, wondering if my ears heard her right. She used "together" and "lunch time" in
the same sentence. Does that mean...
"Na-Natalo mo siya sa chess?"
"It was a close match but Lady Luck favored me today." Her pinkish lips formed an annoying smile. "Why, you
jealous?"
Hindi talaga ako makapaniwala. Paanong natalo ng babaeng 'to si Loki? Was it because of her so-called sharp
retentive memory? Did she use it to her own advantage? And she did have lunch with Loki in the cafeteria earlier!
Gaano kaya ka-awkward sa kanya-
No, I shouldn't be distracted with such thoughts. Our club president is missing at the moment. Kailangan namin siyang
hanapin. Gaya ng nakasulat sa riddle, may apatnapu't limang minuto kami para sagutin 'yon at mahanap siya.
"Wala na tayong oras para pag-usapan kung nabusog kayong dalawa sa lunch n'yo kanina." Muli kong ibinaling ang
aking tingin sa papel at binasa ang nakasulat doon. This series of numbers must be some kind of code we have to
decipher. But no matter how long I stared at them, they didn't make any sense.
"Shouldn't we ask help from the campus police? Baka matulungan nila tayong maghanap?" Muling nagpalakad-lakad
sa paligid ko si Jamie.
"Meron tayong less than forty minutes para hanapin si Loki. Kung pupunta tayo sa station nila at ipapaliwanag kung
anong nangyari, baka maubusan tayo ng oras! Besides, hindi natin alam kung maniniwala sila sa atin. They might
think that this is just a prank."
"At sino namang gagawa nito? Meron bang may galit kay Loki kaya naisipan nila siyang dukutin mula rito sa
clubroom at mag-iwan ng isang riddle?"
Sa dami na siguro ng mga kasong hinawakan ni Loki magmula pa noong isang taon, hindi malayong may iilang
naghahangad na gantihan siya, lalo na 'yong mga kaibigan ng mga suspek na nabuko niya.
Come to think of it, may sinabi siya kaninang umaga.
"Baka may koneksyon ito sa kasong personal niyang iniimbestigahan," napaangat ang aking ulo nang mapagtanto ang
puntong 'yon. "Hindi niya in-involve ang club dahil sa kanya mismo humingi ng tulong ang kliyente niya. Hey, wala
na tayong oras para mag-usap ng kung ano-ano, kailangan nating ma-decode ito."
"Oh..." She shot a questioning look at me, her voice sounded like she was mocking me. "So you think you can play the
detective without him? Seriously?"
"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" mabilis kong banat sa kanya. "For the record, I already solved one case with minimal
help from him. Ikaw? Hanggang pagpapa-cute lang ba kay Loki ang kaya mong gawin? Bakit ka nga ba sumali sa
club na 'to?"
Bull's eye. I saw her left eye twitching and veins throbbing on her temple. She pressed her lips together and shot a
threatening glare through her narrowed eyes.
I finally caught a glimpse Jamie's real face-one without any mask of feigned innocence.
"Fine! Give that to me!" bigla niyang hinablot mula sa 'kin ang papel. Napahigpit ang hawak ng mga daliri ko rito
kaya nang pinwersa niyang kunin mula sa kamay ko, napunit ito sa dalawa.
"Hey, anong ginagawa mo-"
Pero hindi pa roon natapos ang kamalasan namin. Biglang umihip ang malakas na hangin mula sa bintana ng aming
clubroom. Nabitawan ko ang kapirasong papel kaya tinangay ito ng bugso ng hangin palabas. Sinubukan ko itong
habulin at abutin pero nabalewala ang pagtatangka ko. God knows where that torn piece of paper went.
"Tingnan mo ang ginawa mo!" bahagyang tumaas ang boses ko habang nakatitig kay Jamie na natulala sa nangyari.
"Kalahati na lang ng code ang nasa atin. Ano nang gagawin natin niyan?"
Napatingin si Jamie sa hawak niyang kapirasong papel. Tanging ang huling five digits ang nandoon. Ang kalahati,
hayun, inililipad na ng hangin. Pero imbes na mag-guilty siya sa nangyari, napangiti pa siya at humalakhak.
"At anong nakakatuwa, huh? Masaya ka na bang wala na ang clue natin para mahanap si Loki?" Napalagay sa bewang
ang mga kamay ko, nagmukha akong nanay na sinesermonan ang kabulastugang ginawa ng aking pasaway na anak.
"My dear Lorelei, what would you do without me?" nakangisi niyang tugon sa 'kin. May gana pa talaga siyang
ngumiti-ngiti. "Have you forgot that I was bestowed with a unique gift?"
Kumunot ang aking noo. Nabaling ang tingin ko sa kanyang nakakabighaning mukha at sunod sa kanyang dibdib na
medyo may kalakihan. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin. I almost forgot that this
bitchy young woman has that retentive memory!
"I remember those numbers like the back of my hand," pagmamayabang nito sabay tapon sa kapirasong papel na
hawak niya.
"Kung gano'n, isulat mo na sa papel para masimulan na natin ang pagde-decode."
She rolled her eyes and looked to the other direction. "Why should I tell you? Hindi ba't sabi mo'y hanggang pagpapa-
cute lang ako?"
Hinawakan ko siya sa braso at pinilitang humarap sa akin. "Wala na tayong oras, Jamie. Kung gusto mo pang makita
si Loki, kailangan nating magtulungang dalawa. I may not be as good as him but I think we could get through this!"
Hearing Loki's name made Jamie reconsider her earlier thought. Ewan kung talaga ngang tinamaan ang babaeng ito
kay Loki o nakikipag-flirt lang sa kanya. She kissed him when we investigated her mysterious chat mate case. Earlier,
they had lunch together. Well, I don't need to be Loki to connect the dots.
"Okay, I will type the numbers on my phone and show them to you but let me know about your plan first."
"Kahit siguro pigain natin ang ating mga utak sa kakaisip kung paano made-decode 'yan, mukhang wala tayong
pupuntahan." Napakrus ang mga kamay ko habang nakatingin sa sahig. "Kung isa-substitute natin ang bawat number
into letter, it won't make any sense. Hanggang twenty-six letters lang ang English alphabet kaya anong isa-substitute
natin sa 33 at 45?"
"Are you saying na imposibleng ma-solve natin ang code na 'to?" She looked more worried than me.
Umiling ako. "Kailangan nating mahanap ang tamang cipher para dito. Kung sanang matatawagan natin si Loki para
makahingi tayo ng hint sa kanya, mas mapapadali ang pagde-decode natin."
If only he were here, it would probably take him a few seconds to crack this code. Kung wala siya, tiyak na babagsak
ang Q.E.D. Club. Hay, why am I cluttering my head with these thoughts? Loki's not here so this case has to be solved
by me and Jamie.
Kung hindi kay Loki, kanino kami pwedeng humingi ng tulong?
Teka, aside from Loki, there's another person in this school who's interested in codes. Maybe that person could give us
a clue on how to decipher this one!
"Jamie, close ba kayo ni Stein Alberts?"
"Eh?" Pagulat na reaksyon ng aking kasama. "He was the director for this season's theater production. We are not that
close but I have his number. Teka, you think he's the one who's behind this?"
I shook my head. "I think he's the one who can help us crack this code. Pwede mo ba siyang i-text o tawagan kung
pwede siyang makipagkita sa atin?"
"They have rehearsals this afternoon but I guess he could spare a minute or two for us." Inilabas niya ang kanyang
phone nagsimulang mag-type sa screen nito. "He's also a fan of mine so he wouldn't mind if I ask him a little favor."
Nang makatanggap si Jamie ng reply mula kay Stein, kaagad kaming umakyat papuntang fifth floor kung nasaan ang
auditorium na pinagdarausan ng rehearsals. Naghintay kami ng ilang minuto sa labas bago bumukas ang pinto at
lumabas ang isang lalaking parang bunot ang buhok at natatakpan ng bangs ang noo.
"Have you decided to return to the production?" pambungad na tanong niya kay Jamie.
"Pasensya na, Stein, pero gusto ko muna talagang mag-break sa theater." Muling nagbalik sa pagiging malambing ang
boses ni Jamie at ang kanyang maamong mukha. Tila ibang tao na ang nakatayo sa tabi ko.
"So why did you call me here?" Stein shoved his hands in the pockets of his pants as he darted a curious glance at me.
"And why are you with a Q.E.D. club member? Oh, yeah. You are one of them now. Are you investigating
something? Am I suspect?"
"Sinabi mo noong huli tayong nagkita na kung kailangan namin ang tulong mo na may kaugnay sa numbers, pwede ka
naming puntahan, 'di ba?" Tandang-tanda ko pang gano'n na gano'n ang lumabas sa kanyang bibig.
"As a way to express my gratitude, yes. How can I help you?"
Sumenyas ako kay Jamie na ipakita sa kanya ang code. Muling itinype ng kasama ko ang mga numero sa kanyang
phone at iniharap ito sa kanya. Stein's eyes squinted as he studied the numbers with interest. A couple of seconds later,
a triumphant smile plastered on his face.
"Do you know Polybius?" he asked out of blue. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jamie. Pareho kaming walang ideya
kung bakit niya naitanong 'yon.
"Polybius was a Greek historian of the Hellenistic Period. Aside from his work The Histories which described the rise
of the Roman Republic, he's also responsible for developing a tool for cryptography."
Sorry, Stein, but it's all Greek to me, so to speak. Ipinagmamayabang ba niya ang kanyang kaalaman sa world history
o may gusto siyang ipunto na related sa code?
Pumunit siya ng blangkong papel mula sa dala niyang notebook at gumuhit ng grid. "That was known as Polybius
square where the letters of the alphabet are arranged left to right and top to bottom in a five by five square. To fit all
twenty-six alphabet letters, I and J are combined in one cell. Five numbers are then aligned on top of the square and
another five on the left. We usually arrange the numbers from one to five."
Ipinakita niya sa amin ang resulta ng kanyang iginuhit at ganito ang kinalabasan:
1 2 3 4 5
1 A B C D E
2 F G H I K
3 L M N O P
4 Q R S T U
5 V W X Y Z
"At anong gagawin namin dito?"
"You cross-reference the two numbers along the grid of the square and a letter could be deduced," his fingers went
over the numbers outside the square. "For instance, 14 represents letter D while 24 represents letter I or J. The number
on the left indicates the row while the one on the right indicates the column. It's the same as looking for coordinates."
"Parang sa chessboard," komento ni Jamie habang napapahaplos sa kanyang baba. "Ang bawat square doon kasi'y
nire-represent ng isang letter at isang number. Kunwari, ang A8 ay nasa top left corner. Kaya kahit wala kaming
chessboard ni Loki kanina, nagawa naming makapaglaro."
"Anyway, now that I have given you the cipher, you can now decode those numbers," tumingin si Stein sa relong
nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. "I need to return to the rehearsals so I'm going to leave you now. Good luck
decoding."
Nagpaalam na kaming dalawa ni Jamie sa kanya't muling bumalik sa clubroom, dala-dala ang Polybius square na
iginuhit ni Stein. Inilapag namin ito sa mesa at sinimulang i-crossreference ang bawat number sa code.
It took us five minutes before we finished deciphering it. But to our disappointment, the answer we had in front of us
didn't make sense.
D-I-F-D-L-U-I-F-H-Z-N
"We probably used the wrong cipher!" Jamie complained as she began to walk back and forth behind me. Hearing her
footsteps added the pressure I was feeling. "And we wasted more than ten minutes talking to Stein! We only have less
than twenty minutes before something happens to Loki!"
Huminga muna ako nang malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Sa tingin ko'y tama ang cipher na ginamit
namin pero may kulang kaya hindi pa namin nakukuha ang tamang sagot.
"Jamie, pwede mo bang i-recite 'yong riddle mula sa umpisa?"
It took her seconds before responding to my request, probably she wondered how would that help us.
"Hey, you there, why don't we play a game? Can't find him anywhere? Oh, what a shame!"
There's nothing special with those lines. They only wanted us to know that they want to mess with us and that Loki is
missing.
"I will give you time, is forty-five minutes fine? Better hurry up 'coz his life is on the line!"
That's about the time limit and the warning that something will happen to Loki if we don't find him before it expires.
"Find the coordinates, get out of that square."
By coordinates and square, they must be referring to the Polybius square which we used as cipher. Ang ibig sabihin,
tama nga ang ginamit naming method ng pag-decode sa series of numbers.
"Then take one step back and see the answer."
One step back!
Iminulat ko ang aking mga mata at muling tiningnan ang series of letters na nasa mesa. Ngayon alam ko na kung bakit
hindi kaagad namin nakuha ang sagot. This is a double-coded puzzle!
"I thought you already fell asleep!"
Minabuti kong atupagin ang code kaysa pansinin ang komento ni Jamie. Isinulat ko sa ilalim ng bawat letra ang sa
tingin ko'y sagot dito.
D-I-F-D-L-U-I-F-H-Z-N
C-H-E-C-K-T-H-E-G-Y-M
Jamie's mouth opened wide as she stared at my answer. "H-How did you come up with that? May psychic powers ka
ba?"
"Ang clue ay nasa last line ng riddle," panimula kong paliwanag. "We already got this series of letters from the
original numbers by using Polybius square. Now all we need to do is get the letters that come before the ones we have
here. C comes before D, H comes before I, and so on and so forth. That's what take one step back meant!"
"So Loki is locked away in our gym?"
Wala na kaming oras para mag-usap pa kaya nagmadali akong lumabas ng clubroom at bumaba ng hagdan.
Nakabuntot sa 'kin si Jamie na mukhang hindi pa rin makapaniwalang nagawa kong i-crack ang code. Sa ilang linggo
kong kasama si Loki, kahit paano'y may natutunan na ako mula sa kanya.
Inabot ng limang minuto ang paglalakad namin mula sa high school building papunta sa gymnasium. Ilang metro kasi
ang layo nito. Mabuti't wala nang masyadong estudyante sa paligid kaya hindi na namin kinailangang
makipagsiksikan at maharangan sa daan dahil sa bagal ng kanilang paglalakad.
Hinihingal at tumatagaktak na ang pawis namin nang makapasok kami sa gymnasium. We had no time to rest. Only
ten minutes left before the time limit expires. Kakaunting estudyante na lamang ang nandito, halos karamihan sa
kanila'y palabas na.
"Let's go and check every room here!" suhestiyon ni Jamie. Pero bago pa siya makatakbo palayo, hinila ko ang
kanyang kamay. "Hey, what are you doing?"
"Mauubos ang oras natin kung iisa-isahin pa natin lahat ng kwarto rito!" paliwanag ko sa kanya. May tatlong palapag
ang aming school gymnasium, ang bawat isa'y may playing court para sa iba't ibang sports. Meron ding mga
classroom sa bawat palapag para sa lecture discussion na karaniwang ginagawa bago magsimula ang actual na sports.
Kulang ang sampung minuto para i-check ang lahat noon.
"Do you have a better idea, huh?"
"Alam mo ba kung ano-ano ang mga lugar dito?" Dahil kaka-transfer ko pa lang, hindi ko gano'n kabisado ang bawat
bahagi ng gymnasium. Ang alam ko lang ay ang locker room kung saan ako nagpapalit ng damit pam-P.E. Kaya sa
ganitong sitwasyon, baka makatulong ang retentive memory nitong si Jamie.
"Kailangan nating i-deduce kung saan posibleng dalhin si Loki. Posibleng lugar 'yon dito sa gym na hindi masyadong
pinupuntahan ng mga estudyante."
Jamie closed her eyes and stretched her arms forward. She began motioning her hands in the air as if she was
illustrating an imaginary map.
"We have the locker room for boys and girls... The basketball court on the third floor... The men's and women's
bathroom in all floors... The equipment room where they keep all materials for physical education classes... The
storage room where they put all unused or destroyed equipment... The lounge in the second floor..."
Among those she mentioned, only one location took my interest. It's probably the only place that's rarely visited by
students. If someone was about to commit a crime and hide the body, that's the most convenient place!
"Nasaan dito 'yong storage room?"
Iminulat ni Jamie ang kanyang mga mata at itinuro ang bandang dulo ng first floor kung nasaan kami ngayon. "Doon
sa dulo tapos kaliwa. You think doon nila ikinulong si Loki?"
"It's the first thought that came to mind," sabi ko. "Maybe it's worth checking."
Maingat kaming tumakbo sa madulas na sahig sa gymnasium. Kumikintab ito sa linis kaya pwede mong gawing
salamin para tingnan ang iyong repleksyon. Ilang saradong kwarto din ang kinailangan naming daanan bago kami
nakarating sa dulo.
Huminto kami sa tapat ng pintong may nakalagay na "STORAGE ROOM: Only authorized personnel allowed."
Hinabol muna namin ang aming hininga bago ko hinawakan ang doorknob at pinihit ito. To my surprise, it wasn't
locked.
I slowly swung the door open and let the light outside illuminate the darkened room. Dahan-dahan kaming pumasok at
inihanda ang mga kamao namin kung sakali mang may biglang umatake. Kung iisang katao lang ang nagbabantay kay
Loki, baka kayanin namin siyang patumbahin ni Jamie. At saka nasa bulsa ko 'yong stun pen kaya paniguradong
matatalo namin sila. Ang problema'y kung dalawa o marami silang nakaabang dito.
"You took your time, Lorelei and Jamie. I thought you wouldn't come in time."
My jaw dropped as I saw him sitting on a broken weight bench, both his arms and legs crossed. Wala siyang busal sa
bibig at hindi rin nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. It was the exact opposite of what I expected to see.
"Hey, huwag mong sabihing..."
"LOOOOKI!" Binangga pa ako sa balikat ni Jamie nang tumakbo siya papunta kay Loki. Bigla niya itong niyakap
nang mahigpit, nakapalupot ang mga kamay niya sa katawan ng inakala naming dinukot. Para siyang asong sabik na
tumabi sa kanyang matagal na nawalang amo. "Ang akala ko, may nangyari na sa 'yo. Mabuti't okay ka lang!"
What the hell.
Hindi tuloy alam ni Loki kung paano siya magre-react. Medyo awkward na naman ang sitwasyon para sa kanya. "I... I
can feel something soft..."
That's her breasts, you dummy. Dahil parang lintang nakadikit sa kanya si Jamie, hindi na kataka-takang
mararamdaman niya ang hinaharap nito.
Napakuyom ang mga kamao ko at napatingin sa inaalikabok na sahig. What the hell did he put us through?
"So you were not really abducted, huh?" I muttered, my head still hanging low.
"You may call it a test. I want to know if you can solve a case on your own without any help from me. I also want to
see if you two can work together. Mukhang effective naman, 'di ba?"
I raised my head, flashing a bitter smile at him. Naglakad ako palapit sa kanya at huminto sa kanyang harapan. "The
riddle, the time limit, the code. Well played. Very well played."
"Well, what did you expect fro-"
PAK!
I slapped him hard on the face, my right hand leaving a red impression on his left cheek. His head turned to the left
but his frozen face remained expressionless.
"Hey, what did you have to hurt him?!" Jamie growled, baring her teeth and shooting a piercing gaze at me. For a
moment, she lost her nice girl act.
Hindi ko alam kung tama bang sinampal ko siya. Nagpapasalamat ako dahil walang nangyari sa kanya. Pero the way
he played with my emotion by faking his disappearance, hindi ko 'yon mapapalampas.
I was worried. I was worried to death about him.
"I thought Moriarty already got you when I saw the message left in our clubroom," my voice was breaking as I tried to
maintain my composure. Lalo pang bumaon sa palad ko ang aking mga kuko. "And you thought this is a good joke?"
"Mo-Moriarty?" Jamie asked in a curious tone. Oo nga pala, mukhang hindi pa nasasabi sa kanya ang isyu namin
tungkol sa misteryosong taong 'yon.
Silence reigned inside that crowded, little room. Loki didn't bother to entertain her question.
"I... I'm sorry," he told me, his voice sounded apologetic. "I never thought this little act would make such an impact to
you."
"Think it through next time." I turned around and started walking away from him. "Not everyone is entertained with
this kind of joke."
Ngayon ko pa lang naramdaman ang pamamaga ng aking kamay. Ito na ang ikalawang beses na sinampal ko siya sa
mukha. W-What was I thinking? The more I think about it, the more guilty I become. Napasobra ba ako sa ginawa ko
sa kanya? Was that out of line?
Bahala na. Ang importante'y nailabas ko ang emosyong kinikimkim ko sa loob. Hindi tamang magpanggap siyang
nawawala for the sake of testing our deduction prowess.
"Lorelei, wait for me!"
Palabas na ako ng gymnasium nang marinig ko ang sigaw ni Jamie mula sa likuran. Hindi ko siya pinansin at
nagpatuloy sa paglalakad. Dinig na dinig ko rin ang bawat yabag ng kanyang heels. Sana'y matapilok siya bago niya
ako masabayan sa paglalakad.
"Hey, I'm talking to you!" she grabbed me by the wrist, forcing me to turn to her. Nasa entrada kami ng gymnasium
nang magkaharap kaming dalawa.
"O, ano bang problema mo?" Pinilit kong alisin ang kanyang pagkakahawak sa 'kin. "Nagsawa ka na ba sa kakadikit
kay Loki?"
"Is that the reason why you snapped earlier?"
BIP! BOP! BIP! BIP!
"Sa tingin mo ba'y ganoon ako kababaw? Nagkakamali ka kung-"
BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!
My eyes widened and my mouth froze as I heard those sequences of notes. It triggered something that I heard before-
the tune of Mary Had A Little Lamb!
Nabaling ang tingin ko sa entrance ng gymnasium kung saan nanggaling ang tunog. Mula sa pintuan, lumabas ang
isang lalaking may pamilyar na kasuotan. May hawak-hawak siyang phone na inilapit niya sa kanyang tenga.
Natulala ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paggalaw ng kanyang bibig. Dala na rin siguro ng pagkagulat kaya
pasok sa isang tenga't labas sa kabila ang mga salitang sinasambit niya.
"Hey? What's wrong? Do you know that guy?"
Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Jamie at tiningnan siya sa mata. Medyo nagulat siya sa pagbabago ng aking
mood. "Narinig mo ba 'yong tono kani-kanina lang? Katulad sa nursery rhyme?"
"Medyo mahina pero narinig ko pa rin. Mary Had A Little Lamb 'yon, 'di ba?" nagtatakang tanong niya, nakapinta sa
kanyang mukha ang tanong na "So what about it?"
"Hold on to that piece of auditory information! Huwag na huwag mong buburahin sa memorya mo, ha?"
"Wait, what's going on?"
I ignored her question and turned around. I watched that young man walk away while talking to someone on his
phone. I couldn't help but ask myself: Anong ginagawa niya rito sa gymnasium?
It was the intern from the campus police.
###
P. S. Were you able to solve the code before Lorelei and Jamie did?
Anyway, TWO chapters left before the Moriarty reveal! Any deductions on who he might be? I-share na 'yan sa
comments section!
Ano ang masasabi n'yo sa chapter na 'to?
Volume 1 • Chapter 19: Gaslighting
A/N: Here's the penultimate chapter of season one! Are you ready?

LORELEI
"BASTIEN MONTREAL? Mula sa campus police?"

Napahaplos si Loki sa kanyang baba habang nakatingin sa malayo, tila malalim ang iniisip. Ngayong umaga ko
lamang napagdesisyonang sabihin sa kanya ang narinig ko kahapon sa gymnasium. Kasama rin namin si Jamie sa
clubroom na noong una'y walang kamuwang-muwang sa pinag-uusapan namin.
At dahil confidential ang impormasyong ibinahagi ko sa kanila, kinailangan ko pang i-lock ang pinto ng clubroom
para makasigurong walang biglang makapapasok at makakarinig sa pinag-uusapan namin.
"Ang ibig n'yo bang sabihin, konektado 'yong lalaking nakita natin kahapon sa taong tinatawag n'yong Moriarty?"
may pagtatakang tanong ni Jamie.
Dahil hindi pa siya miyembro ng Q.E.D. noong naka-engkwentro namin ang mga tauhan ng misteryosong Moriarty,
minabuti naming ipaliwanag sa kanya ang panganib na kinakaharap ng aming club. Napatakip pa siya ng bibig at
mukhang nabagabag nang ikinwento ko sa kanya ang mga pinagdaanan namin ni Loki-mula sa muntikang pagdi-
dissolve sa katawan ko at sa pagkalason ni Loki gamit ang belladonna.
"Hi-Hindi ako makapaniwalang may gano'ng klaseng tao rito," napahawak si Jamie sa kanyang braided na buhok at
inilapit ito sa kanyang bibig. "Meron na akong narinig na bulung-bulungan mula sa mga kaklase ko pero dahil hindi
'yon official na balita at hindi nababasa sa Gazzetta, inisip kong baka tsismis lang."
"Sa utos ng student council, walang pina-publish na kahit anong balita ang school paper natin tungkol sa koneksyon
ng mga krimen," paliwanag ko. Natatandaan ko pa ang sinabi sa 'kin noon ni Agatha, ang literary editor ng Clark
Gazzetta, nang naitanong ko kung sinulatan nila ng news article ang mga kaso. "Mukhang ayaw ipaalam ito ng mga
officer para hindi magdulot ng takot sa mga estudyante."
"Paano pa kaya kapag nalaman nilang posibleng konektado ang isang campus police intern sa taong nasa likod ng mga
krimen dito?" dagdag ni Jamie, nabahiran ng pagkabahala ang kanyang mukha.
Tumayo si Loki at humarap sa bintana kung saan makikita ang maaliwalas at bughaw na kalangitan sa labas.
Magkadikit ang mga kamay niya sa kanyang likuran habang malayo ang tingin. "Just as I thought, he is indeed
connected to Moriarty."
"Eh?" Kung gano'n, pinaghinalaan na niya si Bastien bago ko pa sabihin ang impormasyong 'to sa kanya?
"Remember during the belladonna case?" humarap siya sa amin. "Officer Bastien gave us the autopsy and analysis
report on the victims around lunch time. Minutes later, after we realized who the culprit was, Daniel Gutierrez went
through that door as if the campus police officer's exit was his cue to enter our clubroom. Posibleng coincidence
lamang na halos minuto ang pagitan ng paglabas ni Bastien at pagpasok ni Daniel. But considering the recent
developments, I'm inclined not to think so."
"At noong dinala ka sa ospital," hirit ko, "si Officer Bastien ang naghatid ng autopsy report ni Daniel. Posible kayang
tsine-check niya rin ang kalagayan mo noon?"
"Probably. Daniel said Moriarty doesn't want me dead. It would be a shame if his playmate would die, wouldn't it? So
he sent one of his agents who's less likely to be suspected to check on my condition. Do you also remember the guy
who melted the corpses of his victims?"
"You mean John Bautista, the one who used sodium hydroxide?"
"Inspector Estrada said he was poisoned while he's in police custody. We suspected that it's someone inside the
campus police. Kung nagsimula na ang internship ni Bastien noong panahon 'yon, it will further support our suspicion.
The thing is, however, we don't have any proof at the moment to prove his connection with Moriarty.
"Teka, teka. Kung pinaghihinalaan mo na pala siya, bakit hindi mo kaagad sinabi sa 'kin? Why keep that information
to yourself?"
"It wasn't confirmed back then. It was only a hunch. At saka kung sinabi ko sa 'yo, baka mag-iba ang kilos at
pakikitungo mo kay Officer Bastien sakaling madatnan natin siya sa isang crime scene. That might tip him off and he
would be on guard whenever we are around him."
"So you think I'm stupid enough to act suspiciously in front of him?"
"Better be safe than sorry."
"Ah, guys?" Parang nanonood ng tennis match si Jamie dahil sunod-sunod ang kaliwa't kanang paglingon ng kanyang
ulo sa akin at kay Loki. Medyo na-out of place na rin siguro siya dahil hindi siya makasingit sa aming usapan. She
may look utterly clueless but deep inside, she's probably cursing me with all the cuss words she could think of because
I got Loki's attention.
"Nevertheless," he returned his gaze on the clear, blue skies outside, "we are now two steps ahead of Moriarty. We
have already identified one of his minions and we have a hint on how to divine his phone number. If we get close to
Officer Bastien, we might find the thread that will lead us exactly to that mystery guy."
At ang taong makatutulong sa amin para malaman kung ano ang phone number ni Moriarty ay walang iba kundi si
Jamie na ini-record sa kanyang utak ang keypad tone na pinindot ni Bastien sa harapan ng gymnasium. Mukhang
magagamit namin ang ipinagmamalaki niyang retentive memory sa ganitong bagay.
"May ideya ka na ba kung anong number combination ang lilikha ng tono ng Mary Had A Little Lamb?" tanong ko sa
kanya.
Sa halip na humarap siya sa 'kin, pinili niyang kay Loki sabihin ang sagot. Muling nag-type ang mga daliri niya sa
screen ng kanyang phone, bawat pagpindot ay lumilikha ng tunog. "Masyadong mahirap i-distinguish kung aling
number ang magpo-produce ng sound na narinig ko. Halos pare-pareho kasi ang tono nila. Obviously, 0 at 9 ang
unang dalawang number. Pakinggan n'yo to."
BIP! BOP! BIP! BIP!
"Ang unang apat na numero ay sa part na as-white-as-snow." She then continued pressing another sequence of
numbers, this time much longer than the first one.
BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!
"At ang sumunod na pitong numero ay sa mismong part na Ma-ry-had-a-lit-tle-lamb. Kung susundin ang tonong 'yon,
ganito ang number na lalabas." Tanging kay Loki niya iniharap ang kanyang phone kaya kinailangan ko pang lumapit
sa kanya para makita ang mga numero.
It's 0921-624-8963.
"Pero hindi lang 'yon ang number na pwedeng ma-generate na may tune ng Mary Had A Little Lamb. Pwede rin
kasing ganito." Binura niya ang mga numero at muliing pumindot ng panibagong sequence. Kahit magkaiba ang
number na lumabas sa screen, pareho rin ang tonong nilikha nito. Hindi ko nga napansin ang pagkakaiba nito sa
nauna.
This time, it's 0927-381-5369. She also tried a couple of other numbers and they all produced the same familiar tune.
It's hard to distinguish which one matched Moriarty's number perfectly.
Now that we have a lead, we still can't do anything about it.
"It seems that we need to force the information from his mole in the campus police." Mukhang hindi nadismaya si
Loki sa naging resulta ng aming keypad tone experiment. May ngiti pa ngang nakapinta sa kanyang mga labi. "If he
has a list of numbers in his call log, the one that matches the tune of that nursery rhyme is the answer."
"Huwag mong sabihing plano mong nakawin ang phone ni Bastien?" tanong ko. Alam kong may talent din sa
pickpocketing itong si Loki. Noong humingi sa amin ng tulong ang kuya niyang si Luthor, 'yon ang technique na
ginamit niya para makuha ang phone ng salarin na naglalaman daw ng mga compromising photograph ng student
council president.
"In case we bumped into him one of these days, we need to think of a way to extract that piece of information,"
iniwasan niyang direktang sagutin ang aking tanong. "Hindi natin dapat palampasin ang pagkakataong ito."
The biggest mystery for now is what was Office Bastien doing in the gymnasium? Moriarty wasn't behind Loki's fake
abduction so why was his agent loitering around that area and why would he contact him? Was it only a coincidence
that he was there? Or there's something else at play here?
But we didn't have to wait for days or hours to make progress in our investigation. May narinig kaming katok sa naka-
lock naming pinto at pilit na pagpihit sa doorknob. Sumenyas ako kay Jamie na buksan ang pinto pero inirapan niya
lamang ako at ngumiti sa direksyon ni Loki. Ako na mismo ang tumayo't nagbukas ng pinto para sa kung sinumang
nasa kabilang panig nito.
To my shock and horror, it was the very man whom we were talking about moments ago. Kahit na binati niya ako ng
isang ngiti, napalunok ako ng laway at napahakbang paurong. Muntikan ko nang isara muli ang pinto para hindi na
siya makapasok pa.
Kalma lang, Lorelei, kalma lang. Hindi niya dapat mahalatang may nalalaman ako tungkol sa kanya.
"Good morning, ma'am!" nakasaludo niyang bati sa 'kin. Tumugon ako ng matamis na ngiti sa kanya, kunwari'y
natutuwa akong makita siya ngayong umaga.
"A-Anong maitutulong namin sa 'yo?"
"May gusto sanang ipakonsulta sa inyo si Inspector Estrada kaya ipinadala niya ako rito," paliwanag niya, hindi pa rin
tinatanggal ang pagkakalagay ng kanyang kamay sa noo. "Pwede ba akong tumuloy para ma-discuss ko sa inyo?"
"Si-Sige."
Nagmadali akong bumalik sa aking puwesto at napansing bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jamie. Si Loki, hayun,
walang pakialam na parang walang kalaban nakatapak ngayon sa aming teritoryo.
"Oh? Meron pala kayong bagong-OUCH!" Naipit ang kanyang daliri nang sinubukan niyang isara ang pinto. Hinipan
niya ang kanyang kamay ng hangin para mabawasan ang sakit nito. Taking his clumsiness into account, I don't know
if this guy's really connected to Moriarty.
Unless he's putting up an act like Jamie whenever Loki's around.
Pinapaypay pa ni Bastien ang kanyang kamay nang umupo sa tabi namin, medyo namumula't nagsisimula nang
mamaga.
"It seemed that the inspector is busy the past few days," komento ni Loki, hindi nakatingin sa kanyang kausap. "May
iba pa ba siyang mas interesanteng kaso na hinahawakan?"
"Pa-Parang gano'n na nga," tugon ni Bastien. "Kaya ako ang dakilang utusan niya kapag may gusto siyang ipahatid o
ipatawag."
"So what brought you here?"
Inilabas niya ang bitbit na Tablet PC at ilalapag sana sa mesa. Pero bago pa niya ito mailagay sa ibabaw, dumulas ito
sa kanyang kamay at bumagsak sa sahig. Mabuti't hindi nagkaroon ng crack ang screen nito at mukhang fully
functional pa naman.
"Meron kaming natanggap na missing person case noong isang araw," panimula niya habang may hinahanap sa tablet.
"Isang Grade 10 na babaeng estudyante ang hindi raw nakauwi sa bahay nila dalawang araw na ang nakararaan."
"Gusto n'yong hanapin namin siya, gano'n ba?" tanong ni Loki, halatang hindi siya interesado sa nababagot niyang
boses. "Posible kayang nagtanan ang babaeng 'yan kasama ang boyfriend niya? O kaya baka naglayas dahil mapang-
abuso ang mga magulang niya?"
Natahimik ng ilang segundo si Bastien at napakurap ang mga mata. "Actually, hindi na siya kailangang hanapin pa
dahil natagpuan na siya kagabi."
Napataas ang kilay ni Loki habang napakunot ang noo ko. Taimtim namang nakikinig si Jamie. Kung nahanap na ang
biktima, bakit pa kailangang kumonsulta ng campus police sa club namin?
"Teka, dapat ko sigurong linawin 'yon. Nahanap na siya pero wala nang buhay sa isang abandonadong gusali ilang
metro mula rito sa campus. Natagpuang sinunog ang kanyang katawan, halos 'di na nga makilala kundi lang dahil sa
gamit niyang nakakalat doon."
Napatakip ng bibig si Jamie, muntikan nang masuka sa kanyang narinig. Malamang na-imagine niya kung ano ang
itsura ng babaeng tinusta ng apoy. Wala namang reaksyon si Loki pero mukhang nakuha na ni Bastien ang interes
niya sa kaso.
"At bakit may dala-dala kang tablet? Gusto mo bang mag-check ng Facebook dito?"
Umiling si Bastien bago niya pinindot ang video folder sa screen. "Kagabi, may isang anonymous Facebook user na
nag-post ng isang video. Ipinakita sa amin ito ng mga magulang ng biktima. Ang akala nami'y isa itong clip sa short
film na ginagawa ng mga estudyante. Pero mukhang nagkamali kami."
Pinindot niya ang play button at nilakasan ang sounds nito. Tumabi nang parang lintang nakadikit sa katawan ni Loki
si Jamie habang ako'y tumayo ilang pulgada ang layo mula sa kanya. Sabay naming pinanood kung ano mang video
ang gustong ipakita ni Bastien.
Wala kaming nakita sa unang sampung segundo ng video maliban sa kadiliman. Nang pumatak sa ika-labing-isang
segundo, bumungad sa amin ang isang babaeng tahimik na nakaupo. May busal siya sa kanyang bibig at nakagapos
ang mga kamay at paa. Nasa gitna siya ng isang kwartong walang pinto o bintana. Tanging ang sementadong pader
lamang ang makikita sa video pati ang mga kalat-kalat na sirang upuan at mesa.
Mula sa likuran ng lente, may tubig na biglang isinaboy sa tila natutulog na babae. Pagdampi ng likido sa kanyang
mukha, namulat ang mga nanlaki niyang mata at pilit na nagpumiglas. Dahil sa sobrang likot niya, nahulog siya mula
sa pagkakaupo. Pinilit niyang tumayo pero dahil nakatali siya, nanatili siyang gumagapang sa sahig.
Isang taong nakamaskara ang pumasok sa frame ng video, may bitbit na itim na gasoline tank. Binuksan niya ang
takip at ipinaligo ito sa babaeng naririnig naming walang sawa ang pag-ungol. Kahit hindi gano'n ka-HD ang quality
ng video, napansin ko ang pagtulo ng kanyang luha habang nababasa ang kanyang katawan at damit ng likido.
Nang maubos na ng taong nasa video ang laman ng tank, pumunta siya sa likuran ng camera. Ang akala ko'y tapos na
ang palabas pero may inihagis na lighter mula sa labas ng frame at tumama sa babaeng nakahandusay sa sahig.
Biglang nagliyab ang katawan niya at mas lumakas ang kanyang pag-ungol, nagmamakaawang sana'y itigil na ang
pagpapahirap sa kanya.
"Ta-Tama na!" Hindi na nakayanan ni Jamie ang kanyang napapanood kaya tumalikod siya nang nakapikit ang mga
mata at natakip ang mga tenga. Ayaw na niyang makita ang pangingisay ng babaeng nasa video na parang lintang
binudburan ng asin.
Oo nga pala, dahil sa retentive memory niya, posibleng ma-register ang video na 'to sa kanyang alaala at paulit-ulit na
mag-play sa kanyang utak. Kumpara kasi sa isang hard drive, hindi gano'n kadaling magbura ng "file" sa utak nating
mga tao.
Nakakapagtaka dahil hindi na ako napatingin palayo habang pinapanood ang gano'ng kabrutal na pagpatay. Pareho
kami ni Loki na seryosong nakatutok sa paglamon ng apoy sa katawan ng babae. Posible kayang dahil sa mga nakita
kong bangkay sa iba't ibang crime scene, na-desensitize na ako sa karahasan?
"And why have you shown that video?" tanong ni Loki nang matapos na ang aming pinapanood.
"Na-take down na ang video na 'to sa Facebook, pero may iilang nag-download at nagre-reupload," sagot ni Bastien
sabay patay sa dala niyang tablet. "Ang babaeng nasa video ay siya ring natagpuang sunog sa abandonadong gusali.
At mukhang sinadyang i-video ng salarin ang ginawa niyang panununog."
"We have a lunatic on the loose," Loki commented lazily as he shot a curious glance at Bastien. "So how can we help
our premier campus police department? With all the resources you've got, you can solve this case on your own. Why
come to us?"
"Meron na kaming lead sa kung sino ang posibleng may gawa nito sa biktima. Ang pangalan nga pala niya'y Faye
Figueroa. Hinala ng mga magulang niya, isa sa mga kasama ni Faye sa kanilang org ang salarin."
"Org?"
"Student Executive Committee, kung hindi ako nagkakamali."
Pagkarinig sa pangalang 'yon, napasandal si Loki sa kanyang upuan at napakrus ang mga braso.
"Ang SEC pala..." bulong ni Jamie, napahawak sa kanyang baba. "Hindi ba't sila ang nagsisilbing kanang kamay ng
student council?"
Ngayon pa lang ang unang beses na narinig ko ang organisasyong 'yon.
"May kakayahan kaming imbestigahan ang suspek sa SEC pero kapag ginawa namin 'yon, masyadong agaw
atensyon," paliwanag ni Bastien sabay pindot sa kanyang tablet at ipinakita ang larawan ng umano'y suspek. "Kaya
gusto sana ng inspector na kayo ang magtanong-tanong para hindi sila gaanong maalarma."
Sa unang tingin, iisipin mong nagkamali ng larawang ipinapakita itong si Bastien. Maamo kasi ang itsura ng lalaking
nakangiti sa litrato, katulad kay Dr. Jose Rizal ang ayos ng buhok. Kapansin-pansin din sa litrato ang badge na naka-
pin sa kwelo ng kanyang polo, malamang 'yon ang simbolo ng pagiging miyembro niya ng SEC.
"Siya si Hector Alvarez, kasama ni Faye sa kanilang org at ang itinuturong lead suspect ng mga magulang ng biktima.
Siya kasi ang boyfriend ng biktima at ang posibleng huling nakasama nito bago siya mawala at natagpuang sinunog."
"Alvarez... Teka, may koneksyon ba siya sa mayor natin?" tanong ni Jamie, mukhang pamilyar sa kanya ang apelyido
ng nabanggit na lalaki.
Nag-alangang sumagot si Bastien at napatingin pa sa ibang direksyon. "Oo. S-Sa katunayan, pamangkin siya ng mayor
ng Angeles."
"I see..." nanliit ang mga mata ni Loki. "Kaya pala gusto n'yong kami ang mag-imbestiga dahil kapag involved ang
campus police at nalaman ng mga estudyanteng pinaghihinalaan n'yo si Nestor, lilikha ito ng malaking iskandalo."
"Kaya nga hangga't maaari, gusto ng inspector na maging discreet sa imbestigasyon at kayo ang unang pumasok sa
isip niya."
"Huwag kang mag-alala, Officer Bastien. We will take it from here. Expect to hear from us anytime today. May I get
your number so we can contact you for any developments in the case?"
With that, the campus police intern took his leave and left our clubroom in peace. For a moment or two, our worry
about him being Moriarty's asset vanished as we chose to focus on the case at hand.
"Ano nang gagawin natin?"
Tumayo si Loki't nagtungo sa may pintuan, nagbabadyang umalis at iwan kaming dalawa rito ni Jamie. "We will start
the investigation right away. The sooner we close this case, the sooner we can focus our collective attention to the
mysterious intern. Kayong dalawa ang pupunta sa office ng student executive committee habang ako nama'y magtse-
check ng mga security video sa araw na nawala si Faye."
"Eh? Pwede bang sumama na lang ako sa 'yo, Loki?" mabilis na hirit ni Jamie bago pa mapihit ni Loki ang doorknob.
"Mas marami akong matututunan kung sasama ako sa 'yo, tama?"
Inasahan ko nang gano'n kaagad ang magiging reaksyon niya. But hey, is she saying that I'm not competent enough to
do my own investigation?
"Don't worry, Jamie. Our colleague here is an able detective-in-training. You could learn a thing or two from her. See
you later at lunch time."
At tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Naiwan kaming dalawa ni Jamie sa clubroom, namayani nang ilang
segundo ang katahimikan sa loob.
"So it's you and me again," Jamie said, annoyed by the unfavorable turn of events. "It feels like deja vu, huh?"
"We have no time to trade barbs," sagot ko sa kanya bago ako nagtungo sa may pintuan. "Kung gusto mo, pwede kang
magpaiwan dito."
She rolled her eyes as she followed behind me. The two of us left the clubroom and reached for the stairs.
Mabuti't hindi ko siya iniwan doon. Hindi ko kasi alam kung saan matatagpuan ang opisina ng student executive
committee. I had to endure Jamie's blunt remarks before she hesitantly led me to our destination. Nakarating kami sa
bandang dulo ng hallway ng first floor at tumigil sa tapat ng pintong may nakasulat na STUDENT EXECUTIVE
COMMITTEE OFFICE. Katabi nito sa pinakadulo ang opisina ng kapita-pitagang student council.
"Before we enter the lion's den, have you come up with a brilliant plan?" Jamie crossed her arms across her chest and
looked at me with the tiniest hint of trust in her eyes. "Huwag mong sabihing basta-basta ka papasok diyan?"
Ah... er... I haven't thought of anything at all.
"Geez! Dapat kaming dalawa ni Loki ang nag-imbestiga rito habang ikaw 'yong nag-check ng security footage,"
naiiritang sabi niya. However, there's no point crying over spilled milk.
Come to think of it, why would Loki choose poring over minutes or hours of security footages-which is in fact a
boring task-over asking about the victim and the suspect?
"Oh? That's a face you don't get to see every day."
Matagal-tagal ko na ring hindi naririnig ang boses na 'yon. Hindi ko na kailangang tumalikod pa upang makita kung
sino ang nagsalita sa likuran ko.
Ngayon, naintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Loki na kaming dalawa ni Jamie ang ipadala rito. Malamang
iniiwasan niyang makasalubong si Margarette, ang babaeng abot hanggang buwan yata ang galit sa kanya.
"Do you have any business with us?" tanong nito. "Or did you get lost?"
Para hindi ako magmukhang bastos, humarap ako sa kanya. Her iconic eyeglasses shone under the light, hiding her
eyes from my sight.
"And that magnet of tragedies isn't tagging along with you, huh? And who's this? A new rec-"
Her tongue froze for a moment as she shot a wide-eye stare at Jamie who's been looking at her with such interest. This
reminded me of what happened days ago when Loki set his gaze on Jamie for the first time. Napansin niya siguro ang
pagkakahawig ng kasama ko at ng kanyang yumaong kaibigan. They could have mistaken her as Rhea's spitting
image.
"Uhm... Nandito kami dahil iniimbestigahan namin ang pagkawala at pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng SEC."
My words snapped Margarette back to reality. She slowly shook head, brushing off the thought in her mind, and
returned her gaze to me.
"You mean Faye Figueroa? And why is her death the Q.E.D. Club's business?"
Natahimik ako nang ilang segundo, hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya na ang campus police ang
nagpadala sa amin dito.
"I think it's none of your business," 'yon na lamang ang mga salitang nakatakas sa aking bibig. "Nandito kami para
kausapin si Hector Alvarez."
"It is definitely my business. I am the chairwoman of the student executive committee."
Oh, shoot! Wala akong ideya na gano'n pala ang posisyon niya rito sa campus. Masyado akong nagpadalos-dalos. Ito
siguro 'yong nabanggit sa 'kin ni Loki noon na hawak ni Margarette ang isang mahalagang posisyon sa student
hierarchy.
"Just so you know, the SEC is already conducting an internal inquiry about the matter so external interference is no
longer needed," Margarette continued as she held the doorknob of their office door. "Pwede na kayong bumalik sa
clubroom n'yo at humigop ng tsaa."
"Pero wala naman sigurong masama kung magsasagawa kami ng hiwalay na imbestigasyon, 'di ba?" tanong ni Jamie,
dahilan para huminto si Margarette at lumingon sa kanya. "Mas mabuti kung may ibang pares ng mata ang titingin sa
kaso mula sa ibang anggulo, tama?"
Nagkatitigan silang dalawa, wala ni isa sa kanila ang nag-alis ng tingin. It took a few more seconds before
Margarette's eyes looked away together with a deep sigh.
"Is this one of Loki's tricks?" bulong niya habang nakatingin sa ilalim at napahigpit ng hawak sa doorknob. "Anyway,
I will allow you to talk to Hector. But you have to wait outside. Unauthorized students are not allowed beyond this
area."
And that explained why Loki asked Jamie to come with me. He probably anticipated that if Margarette would refuse
to help us out, Jamie's resemblance to Rhea could change her heart. That sly fox who's probably as cunning as his
namesake God.
"By the way, this case is of a sensitive nature. If you mess up, everything we have worked so far will crumble into
dust." Margarette shot a threatening glare at me, one that sent chills to my spine, before forcefully closing the door.
"Nice acting," komento ko kay Jamie.
"I won't be known as a theater actress for nothing," tugon niya at saka ngumisi. "But what's with her and Loki's
reaction the moment they saw me? Para silang nakakita ng multo."
She's really clueless about Loki and his past.
"Alam mo ba kung bakit?" panimula ko. Sa tingin ko'y wala namang problema kay Loki kung sasabihin ang totoo sa
kanya. "Dahil kamukha mo 'yong pumanaw nilang kaibigan. 'Yang naka-braid mong buhok, 'yan ang lalong
nagpapaalala sa kanila sa babaeng 'yon. Ang pangalan niya'y Rhea."
Yumuko si Jamie at bahagyang humina ang boses. "I-I didn't know that my looks would bother them, especially Loki.
Dapat ko bang palitan ang hairdo ko?"
Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong niya. Hindi naman kasi ako nababagabag kapag nakikita siya sa
ganyang ayos. Kung may dapat siyang tanungin, si Loki 'yon. Pero at least, nakatulong kahit paano ang pagkakahawig
niya kay Rhea sa sitwasyon namin ngayon.
Bumukas ang pinto ng SEC office at lumabas ang isang lalaking namumukhaan namin. Kumpara sa litratong ipinakit
ni Bastien kanina, makapal at malalim ang eyebags ng lalaking 'to at parang depressed na depressed sa nangyari.
"Sabi ni madam, gusto n'yo akong makausap? Ako nga pala si Hector Alvarez," inialok niya sa amin ang kanyang
kamay upang pormal na magpakilala. "Ayos lang ba kung sagutin ko ang mga tanong n'yo habang naglalakad tayo
papunta sa parking lot?"
"Walang problema sa amin. Pasensya na sa abala."
"Pinapabili kasi ako ni madam ng mga material para sa redecoration ng office namin. Tara?" He led the way while
Jamie and I followed behind him.
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing magagawa niyang sunugin at kunan ng video ang pagpatay niya kay Faye, kung
sakaling siya nga ang salarin. Wala kasi sa itsura niya kahit saang anggulo tingnan. But looks can be deceiving.
Minsan, kung sino pa ang mukhang inosente, siya pala ang may motibo at masamang balak.
"Gusto sana naming magtanong tungkol sa girlfriend mong si Faye, kung okay lang sa 'yo." Alam kong hindi ito ang
tamang panahon para batuhin siya ng mga tanong lalo't natagpuang patay ang kanyang kasintahan kahapon. Pero
kinapalan ko na ang mukha ko para may mai-report kami kay Loki mamaya.
A forced smile was plastered on his face. "Bakit, iniisip n'yo bang ako ang may gawa noon sa kanya? Sa tingin n'yo
ba, kaya kong gawin 'yon sa babaeng mahal ko?"
No one can tell, Hector. Love is a vicious motivator for murder. Posible kasing nalaman mong may ibang lalaki sa
buhay ni Faye o kaya'y nakikipaghiwalay na siya sa 'yo pero ayaw mong mawala siya sa piling mo. Kaya imbes na
mapunta siya sa iba, pinatay mo na lang siya. The list of possibilities is probably as long as the hallway we were
walking on.
I would have told him those words but I shouldn't. Hindi siya dapat maghinala na pinagsuspetyahan namin siya.
"Actually," biglang sumingit si Jamie bago ako makasagot, "kanina pa namin ini-interview 'yong mga taong malalapit
sa kanya. Hindi namin kayo tinatanong ng kung ano-ano dahil naghihinala kaming isa sa inyo ang nasa likod ng brutal
na pagpatay sa kanya. Gusto lang namin makita ang bigger picture para magkaideya kami kung ano talaga ang
nangyari kay Faye."
Although it was an obvious lie (dahil si Hector lang ang kakilala ni Faye na nakausap namin), Jamie sounded so
convincing that anyone would believe any word that would come out of her mouth. As expected from someone of her
caliber.
"Sige, ano bang gusto n'yong malaman?"
"Huling nakita si Faye rito sa campus dalawang araw na ang nakararaan, tama?"
"Oo, last ko siyang nakita noong afternoon break. Pareho kaming nasa SEC office noon, may inaasikasong paperwork
na inutos ni madam."
"Hindi na kayo nagkita after no'n?"
Umiling si Hector, malayo ang tingin na tila inaalala ang mga huling sandaling kasama niya si Faye. "Bumalik na
kami kasi noon sa mga classroom namin. Taga-Class 11-B ako habang siya'y taga-Class 10-B. Nagkasundo kaming
dalawa na magkikita sa parking lot kapag tapos na ang klase namin. Heto o."
Ibinigay niya sa amin ang kanyang phone kung saan mababasa ang message thread nilang dalawa ni Faye.
Hector (3:45 PM): Babe, diretso na tayong magkita sa parking lot?
Faye (3:47 PM): Sige pero may dadaanan muna ako. Okay lang ba, babe?
Hector (3:48 PM): Samahan na kita mamaya, gusto mo?
Faye (3:50 PM): Huwag na. May ka-meeting lang ako sandali. :)
Hector (3:52 PM): Okie. Mag-text ka kapag on the way ka na, ha? Ingat!
Faye (4:12 PM): Pasensya na, babe! Medyo natagalan. Papunta na ako riyan sa parking lot. Don't leave me, ha?"
Hector (4:14 PM): Ikaw pa? Kahit hanggang mamaya, maghihintay ako rito basta para sa 'yo.
Hector (4:30 PM): Babe, where ka na? Ang sabi mo papunta ka na?
Faye (4:50 PM): Sorry, something came up. Okay lang ba kung mauna ka na? Ite-text na lang kita kapag nakauwi na
ako.
Hector (4:52 PM): Hey, okay lang? Saan ka ba ngayon? Gusto mong puntahan kita?
Hector (6:00 PM): Good evening, babe! Nakauwi ka na ba?
Hector (6:22 PM): Babe?
Wala nang natanggap na reply si Hector mula sa kanyang babe, este mula kay Faye.
"Ang sweet n'yo namang dalawa," komento ni Jamie. Ano bang sweet sa naging conversation nilang dalawa?
Nanindig pa nga ang mga balahibo ko habang tinitiis na basahin ang bawat message nila.
"Ang hinala ko, kung sino man ang ka-meeting niya bago kami nagkita, siya ang may kagagawan ng karumal-dumal
na bagay na 'yon kay Faye," napakuyom ang mga kamao ni Hector at nakita ko sa kanyang mga mata ang galit.
"Kapag nalaman ko kung sino siya, seseguraduhin kong mas masahol pa sa sunog ang ikakamatay niya."
"Wala ka bang ideya kung sino ang taong ka-meet niya noong araw na 'yon?" tanong ko habang palabas na kami sa
high school building. Bumungad sa aming tatlo ang nakakapasong sikat ng araw.
"Wala siyang nabanggit sa 'kin. Pero baka 'yong lalaking nakita kong kausap niya dati. Mukhang kahina-hinala at
hindi katiwa-tiwala. Nakababa ang bangs ng lalaking 'yon at halos hindi makita 'yong isang mata niya. Naninigarilyo
pa siya noon kung hindi ako nagkakamali. Hindi ko na tinanong si Faye kung sino 'yon dahil ayaw kong isipin niyang
sinusundan."
Biglang nag-flash sa utak ko ang itsura ng taong nakita ko noong dinala sa ospital si Loki. Kaparehong-kapareho ng
description ni Hector ang kahina-hinalang lalaking 'yon. Kung iisa nga sila, bakit makikipagkita si Faye sa kanya?
Posible kayang siya talaga ang nasa likod ng kasong ito?
Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parking lot kung saan nakaparada ang itim na kotse ni Hector.
Mukhang bagong modelo o kaya'y bagong car wash kaya walang kahit anong bahid ng putik sa gulong o katawan
nito. Tinted rin ang bintana kaya mahirap makita kung anong nasa loob.
"Kung may kailangan pa kayong itanong sa 'kin, pwede n'yo akong puntahan mamaya sa office namin." Binuksan ni
Hector ang pinto sa may driver's seat. Bago siya tuluyang makapasok, humirit pa ako. "O-Okay lang ba kung makuha
namin ang number mo? Para mas madali ang communciation natin kung sakaling may tanong pa kami."
"Sure, I don't mind."
Pagkabigay niya sa kanyang numero, humarurot na ang kanyang sasakyan at unti-unting naglaho sa aming panangin.
"He's a damn good actor," komento ni Jamie habang tinatanaw mula sa malayo kung nasaan na ang kotse ni Hector.
"If he's lying, that is. Kapani-paniwala ang kanyang kwento but I'm not totally convinced. Base sa message thread nila
ni Faye, maayos naman ang relasyon nila kaya ano ang posibleng motibo para gawan niya ng masama ang babaeng
'yon?"
"Pero ang kwento niya tungkol sa kahina-hinalang lalaking kasama ni Faye noon, mukhang totoo naman," dagdag ko.
"Unless he's sending us to a wild goose chase. Baka sinabi niya 'yon sa atin para ilihis ang atensyon natin sa kanya."
Napatingin ako sa orasan ng aking phone at saka nabaling ang tingin ko kay Jamie. Tatlong minuto na lamang bago
mag-alas-diyes. "Anyway, mamaya na natin pag-usapan sa clubroom ang napag-usapan natin dito. Oras na para sa
second half ng morning period natin."
***
Pagpatak ng alas-dose ng tanghali, nagkita-kita kaming tatlo nina Loki at Jamie sa clubroom. Sinimulan naming
talakayin ang resulta ng mga ginawa naming pagtatanong-tanong at pag-iimbestiga nitong umaga.
Muli kong ikinwento kay Loki ang isinalaysay sa amin ni Hector. Kahit ako ang nagsimulang magkwento, laging
sumisingit si Jamie para magpakitang-gilas at iparamdam na may silbi siya rito sa club maliban sa kanyang retentive
memory. Hinayaan ko na lamang itutok sa kanya ang spotlight, malamang nasanay na siya sa gano'ng atensyon.
Now it's Loki's turn to share his findings. Hindi pa man siya nagsasalita, tutok na tutok na sa kanya si Jamie, parang
isang estudyanteng nasasabik na marinig ang lesson na ituturo ng kanyang guro.
"I watched two videos at the security office earlier-ang CCTV footage sa entrance ng high school building at sa
mismong gate ng campus noong araw na napabalitang huling nakita si Faye. She was seen leaving the building at 4:15
PM but she was never seen leaving the campus grounds through the gates."
"Around 4:12 PM noong na-receive ni Hector ang text message ni Faye na nagsabing papunta na siya sa parking lot,"
bulong ni Jamie, muli na naman niyang ipinapamalas ang kanyang matalas na memorya. "Kung gano'n, totoo ngang
on the way na siya noon sa meeting spot nila ni Hector."
"Pero anong kinalaman ng hindi niya pagpapakita sa CCTV footage sa main gate?" tanong ko. "Indikasyon ba 'yon na
nasa campus pa siya noong oras na 'yon?"
Loki reclined on his chair and tilted his head to face the ceiling. "The CCTV camera at the gates only captures those
students who are entering and leaving the campus on foot. The fact that Faye didn't appear on the footage only means
one thing: Hindi siya naglakad palabas ng campus. Someone sneaked her out of school through a not-so-suspicious
method."
"Ipinasok siya ng salarin sa kotse, tama? Kung nakapokus ang camera sa mga estudyanteng naglalakad papasok at
palabas ng campus, the cars going in and out won't be noticed," I deduced.
"As long as they have the school gate pass," dagdag ni Loki, nakataas ang kanyang hintuturo. "At dahil sinabi n'yong
makikipagkita dapat si Faye kay Hector sa parking lot, everything now makes sense."
"So it's Hector after all." Pero may bumabagabag pa rin sa 'kin. Anong motibo niya para gawin 'yon? "Kung talagang
nagkita silang dalawa sa parking lot, posibleng boluntaryong pumasok si Faye sa kotse at hindi na kinailangan pang
pwersahin ni Hector."
"Teka, 'di ba may natanggap na text message si Hector mula kay Faye na nagsasabing mauna na siya around 4:50
PM?" tanong ni Jamie. "Ang ibig n'yo bang sabihin, fake din ang message na 'yon? At paano niya nagamit ang phone
ni Faye para mag-send ng message sa kanya?"
"It was probably meant to establish an alibi for Hector or, at least, reduce the suspicion anyone might have on him,"
paliwanag ni Loki. "Posibleng nilagyan ni Hector ng pampatulog ang aircon ng kanyang kotse kaya pagpasok ni Faye
rito, unti-unti siyang nakatulog. Para hindi siya madamay ng pampatulog, malamang lumabas muna ang salarin
habang hinihintay itong tumalab. Nang mawalan nang malay ang kanyang biktima, kinuha niya ang phone nito at saka
nagpadala ng text message sa sarili para kunwari'y may ibang pinuntahan ang kanyang ka-meeting."
Tumango ako sa senaryong inilahad niya sa amin. That's the most probable explanation if Hector is indeed the culprit.
Tinted rin ang car window niya kaya hindi masisilip ng mga security guard sa gate kung may iba siyang kasama sa
loob.
"He also probably waited until it got dark before bringing his victim to the abandoned building, meters away from the
school. Anong kulay ng kotse niya? Itim, tama? It would be a bit difficult to identify a car with that color in the dark,"
pagpapatuloy ni Loki.
"Ano nang gagawin natin ngayon? Dapat na ba nating sabihin ito kay Officer Bastien o sa campus police?"
"We have an idea on how he sneaked Faye from the school but we have no evidence that would incriminate him,"
kontra ni Loki. "Tandaan n'yong kamag-anak siya ng mayor kaya kung may akusasyon tayong ibabato sa kanya, dapat
may kaakibat itong ebidensya. Fortunately, I thought of a plan on how to produce the evidence."
"Teka, produce? Hindi natin hahanapin?"
"I don't think Hector is a fool to leave any traces in the crime scene. There's nothing to be found in that abandoned
building that would point him as the culprit. Or at least, that's what he believes in."
"Imbes na magpaligoy-ligoy ka riyan, bakit 'di mo na lang direktang sabihin sa amin ang plano mo?"
Humarap siya sa aming dalawa ni Jamie, may ngiting nakakurba sa kanyang mga labi. "Do you know what gaslighting
is? It is a form of psychological abuse where we present false information to disorient our target. Hector probably
believes at the moment that his crime is perfect, but what if we tell him it isn't? Posibleng magduda siya sa kanyang
pinaniniwalaan at mapipilitan siyang gumawa ng isang bagay na papabor sa atin."
Napapalakpak ang mga kamay ni Jamie at nakaukit ang pagkamangha sa kanyang mukha. "Gaya ng inaasahan sa 'yo,
Loki! May naisip kang paraan para mapatunayang siya nga ang nasa likod ng krimeng 'yon!"
There's no need to praise him, to be honest. Sa tagal ko nang kasama ang lalaking 'yan, hindi na ako nagugulat pa
kung may kakaibang trick siyang naisip para ma-corner ang suspek.
"Kinuha mo ba ang number ni Hector?"
Iaabot ko na sana kanya ang aking phone kung saan naka-flash ang number ng aming suspek pero biglang sumingit
itong si Jamie.
"It's 0915-246-13**," she spoke of every number as if she's reciting the letters of the alphabet. How convenient it must
be to have that kind of ability.
"Later, I'm going to text him that he forgot something in the crime scene," nakangising sabi ni Loki habang tina-type
sa kanyang phone ang number ni Hector. "He would probably panic and rush to the building where he did it."
"Sapat na ba ang pagbalik niya sa crime scene bilang ebidensya?"
"No. I'm thinking of something more clever than that. Malalaman n'yo rin mamaya. Wala naman kayong lakad after
class, 'no? Okay, so we will meet again later at four o'clock and prepare the trap for him. Meanwhile, I need to get
some things."
***
Nakakordon pa ng POLICE LINE DO NOT CROSS ang abandonadong gusali nang makarating kami roon. Dahil
maliwanag pa noong bandang alas-kwatro y media ng hapon, kinailangan naming mag-ingat sa pagpasok dahil baka
may makita sa amin at mag-report na trespassing kami.
Aakalain mong pinamumugaran na ng mga espiritu ang dalawang palapag na bahay na 'to dahil sa bitak-bitak nitong
sahig at dingding. Wala nang gamit rito maliban sa mga sira-sirang kagamitan na iniwan na lang basta-basta ng may-
ari nito. Hanggang ngayo'y naaamoy ko pa rin ang nakakasulasok na amoy ng gasolina at ng nasunog na bangkay rito.
Umakyat kami sa second floor kung saan walang bintana, kagaya ng nakita namin sa video. Kitang-kita pa rin sa sahig
ang marka kung saan sinunog nang buhay ang kaawa-awang babae. Napatakip kami ng ilong ni Jamie habang si
Loki'y naglibot-libot sa kwarto. Ipinatong niya ang dala-dalang camera sa isang spot kung saan hindi kaagad makikita
ng sinumang papasok dito.
"Ngayon, kailangan nating hintayin ang pagdating ni Hector," sabi niya sabay turo sa barikadang ginawa niya gamit
ang mga sirang gamit doon. Mabuti't hindi pa 'yon gaanong nasunog. "In the meantime, we need to hide until he
arrives."
Tumabi sa kanya si Jamie habang ako'y ilang talampakan ang layo sa kanila, malapit sa inilapag na camera.
Inianggulo ko ito para kaagad na makita ang pagpasok ng hinihintay naming salarin.
Lumipas muna ang ilang minuto bago namin narinig ang tunog ng makina ng kotse sa labas. Dahil walang bintana
rito, hindi namin alam kung kay Hector ang sasakyang 'yon. Nanatili na lamang kaming tahimik habang inaabangan
ang kanyang pag-akyat sa second floor.
Hindi na kami nagulat nang lumitaw sa aming paningin ang lalaking nakausap namin kanina. Nakatakip ang kanyang
bibig ng panyo habang palinga-linga sa paligid. Tumingin siya sa bawat sulok at unti-unting papalapit kung saan kami
nagtatago.
Biglang tumayo si Loki, may suot-suot na gloves at may hawak-hawak na maliit na kumikinang na bagay. "Hello,
Nestor. Heto ba ang hinahanap mo?"
It's Hector, Loki, not Nestor! Ipinakita niya ang isang badge na pamilyar ang itsura.
"Hindi ba 'yon ang simbolo ng mga taga-SEC? May ganyan din si Margarette, 'di ba?" bulong ni Jamie habang
pinapanood ang makapigil-hiningang eksena sa pagitan nina Loki at Hector.
Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng palda ko kung saan nakatago ang stun pen. Kung sakaling may mangyaring
kaguluhan dito, at least nakahanda akong gamitin ito sa aming salarin.
Ibinaba ni Hector ang hawak niyang panyo at itinuro ang daliri sa aming kasama. "I-Ikaw si Loki, 'di ba? Mula sa
Q.E.D. Club, tama? Marami

Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Code)

A/N: The final chapter of Project LOKI (Volume 1) will be divided into three chapters.
LORELEI
MORIARTY'S IDENTITY is still a mystery but we are now one step closer to unveiling it. Ngayong hawak na namin
ang kanyang number (o kung sinumang malapit sa kanya), may mabigat na clue na kaming magtuturo sa kanyang
katauhan. Pero katulad sa isang sugal, gaya ng sinabi sa 'kin ni Loki, hindi namin dapat kaagad ilabas ang alas.
Kailangan daw naming maghintay sa tamang oportunidad para ilahad ang hawak naming baraha. Sa gano'ng paraan,
mas masisiguro ang aming tagumpay.
"Once I dial this number, I want to see that person vis-a-vis answer my call so I can confirm whether he is Moriarty or
not," Loki told me when I brought up the topic last night. He seemed to be fired up by the progress we have made
yesterday. "Texting or calling him now would be an idiotic move. We need to wait for our window of opportunity."
Thanks to Jamie and her God-given retentive memory skill, extracting Moriarty's number went so smoothly that we
didn't have to break a sweat. Well, we had to punch Loki in the face so he would appear injured and unconscious. In
that way, Officer Bastien who responded to Loki's call would let his guard down, making himself vulnerable.
Kapag iniisip kong malapit na naming malaman kung sino si Moriarty, lalo akong nae-excite. Sa hinaba-haba ng
kwentong ito, sino ba naman ang hindi masasabik na makita ang katapusan? It would also be thrilling to know if the
man behind Moriarty is someone who would shock us or leave us dumbfounded.
Alas-nuwebe y media ng umaga nang ipatawag ako ni Loki sa aming clubroom. Pagpasok ko roon, nagtaka ako dahil
hindi ko nasilayan ni anino ni Jamie. Kadalasan kasing nauuna siya sa 'kin dito sa clubroom tuwing umaga.
"Susunod raw siya kapag tapos na ang pinapagawa sa kanila," paliwanag ni Loki nang makitang nakapinta sa aking
mukha ang pagtataka. Hayun siya't nakasandal sa nakasanayan niyang monobloc chair. Wala na yata siyang balak na
mag-request ng swivel chair na dati niyang inuupuan. "By the way, do you know what 'x' means? Jamie texted me
earlier and there are three x's at the end of her message."
Inilapag ko sa mesa ang aking bag at saka umupo sa kabilang dulo. Hindi na siguro ako dapat masorpresa na wala
siyang kamuwang-muwang sa mga gano'ng expression. "A feminine expression of affection. Nangangahulugan 'yong
'kiss' katulad sa 'xoxo' na ang ibig sabihin ay hugs and kisses. Pero pwede rin 'yong mangahulugang 'target,' parang sa
X marks the spot."
"Why would she send me three kisses then?"
Napabuntong-hininga ako nang makitang nakakunot ang kanyang noo. Even though he can read someone like an open
book, his obliviousness to simple gestures related to expressing emotions is something worth taking note of. Ito
namang si Jamie, mukhang interesado talaga kay Loki. That's fairly obvious-in Loki's own words-after she kissed him
in the lips and hugged him tightly in two separate occassions.
Sometimes I wonder why she joined our club. Was it because she's interested in solving mysteries or because of Loki?
My train of thought was interrupted when someone knocked on our wooden door. Hindi na ako nagkaroon ng
pagkakataong sabihan siya ng "Come in" dahil kusa na mismo niyang binuksan ang pinto. A familiar figure emerged,
shooting us with his cold stares that raised every hair in my body.
"Brace yourself, Lorelei, the apocalypse is about to begin," Loki commented while his eyes were transfixed on his
dearly beloved brother, Luthor. "Should we expect the seven angels to blow their trumpets and for the four horsemen
to arrive now?"
Here he goes again with his exaggerated interpretation of his brother. He spoke of Luthor as if he's a spawn of
darkness or an abomination that would bring the world to ruin. Before, Loki likened him to an evil wizard who could
emerge from a demonic pentagram or could materialize from a plume of black smoke. God knows how many
allusions he could come up with for his brother.
"I was told that there are now three of you," Luthor walked across the room, the sound of his footstep sent chilling
sensation to me. Hindi ko mawari kung anong klaseng aura ang nakapalibot sa kanya kaya ganito lagi ang
nararamdaman ko kapag malapit siya. "Margarette told me she's a spitting image of your late friend."
"Should we cut to the case now?" Loki complained impatiently, the mere presence of his brother is probably enough
to annoy him or change his mood. "What does Emperor Palpatine want from the Jedi knights?"
"Hindi ba pwedeng pumunta ako rito para kumustahin ang nakababata kong kapatid?"
"Don't give me that crap. You won't go out of you way just to visit me here."
"Very well, I won't beat around the bush." Luthor halted on my side, his towering figure loomed over me. "The
student council wants to request for your club's assistance."
"And what kind of assistance? Was it to dominate the world or eliminate the threats to your secret empire? If either's
your answer, I don't want to take part in any of it."
"Oh... I don't think you would refuse to take on our request." Luthor pulled something out of his breast pocket-a small
envelope-and showed it to Loki. "Thirty minutes ago, a letter was received by the student council. We thought that as
the campus detective club, you are the right person to take charge of this case. You are the expert in this sort of thing
so..."
My colleague shot him a curious look. "Why would you think so? That we will accept your request?"
"Because it's from a close friend of yours. Someone who has probably grown tired of waiting in the shadows and
decided to shake things up."
Ibinigay niya sa 'kin ang envelope. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalang nakasulat sa likod nito.
"Mo-Moriarty?" It was written in cursive. The strokes of every letter was splendidly done.
Dahan-dahan ko itong binuksan at inilabas ang isang piraso ng papel. Nakaimprenta dito ang ilang numero katulad sa
code na ginawa noon ni Loki nang nagpanggap siyang dinukot at dinala sa sotrage room ng gymnasium.
Greetings from Henry VIII!
11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14
Lumapit sa akin si Loki at mabilis na hinablot ang papel. Hearing Moriarty's name prompted him to take this case
seriously.
"We are planning to send it over to the campus police to check if there are any fingerprints on it," sabi ni Luthor
habang pinagmamasdan niya ang reaksyon ng kapatid.
"You're a fool to think that Moriarty or whoever wrote this letter would leave any traces," tugon ni Loki. "He's far too
meticulous to leave breadcrumbs for us to follow."
"Nevertheless, the student council deems that this message shouldn't be taken lightly. You should know by now what
our friend is capable of," Luthor's voice remained calm but there's a hint of warning in his tone. "It might be the name
of his target or the location of a bomb he planted somewhere in school."
"He's not my friend so you should stop referring to him as such," Loki returned to his seat, his eyes now glued to the
code. "By the way, why didn't you refer this case to your student executive committee? Iniimbestigahan din nila ang
kaso ni Moriarty, hindi ba?"
It took seconds before Luthor could properly give him a reply as if he had to collect his thoughts first. "They have
their hands full with the ruckus you made yesterday. Margarette's not pleased with you interfering with their business.
You cut loose the thread that might lead them to that mystery guy."
"Some sacrifices have to be made, my dear brother. They are no way closer to Moriarty that we are."
Luthor's face maintained its expressionless look but his eyes narrowed into slits and brows knitted. "What do you
mean?"
A forced smile was plastered on Loki's face, probably meant to annoy his brother. "Need not to know. If you don't
mind, could you please leave us now? Your presence here is an irritant. I need to concentrate. If this message does
spell doom to someone, time is of the essence."
Nagkatitigan muna ang magkapatid bago kumalas ng tingin si Luthor at naglakad patungo sa pintuan. Ni hindi na siya
nagpaalam sa aming dalawa ni Loki't basta-basta na lamang binuksan ang pinto at lumabas.
Agad akong lumapit sa tabi ng aking kasama at muling tiningnan ang code. Kumuha siya ng papel at mabilis na
isinulat ang sequence ng mga numero. Sa ilalim nito, may mga isinulat siyang letra. Pero nang sinubukan kong
basahin...
11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14
K - N J D J O Q U P Q V U P P N
Loki slammed his right hand on the table. "Darn it. Alphanumeric substitution doesn't work as a cipher."
I thought it would only take him seconds before he cracks the code. But since Moriarty was probably the one behind
it, I doubt it would be too easy to solve.
"Hindi mo ba pwedeng i-try ang Polybius square?" tanong ko. Ganito rin kasi ang itsura ng code na isinulat niya noon
kaya baka pwedeng ma-apply ang parehong method of deciphering.
Umiling siya at saka itinuro ang numbers 0 at 4. "There are two single digit numbers here. Polybius square only works
for two-digits numbers."
I looked again at the numerical sequence before shooting another suggestion. "Paano kung katulad ito ng double code
na ginawa mo? 'Yong taking one step back sa bawat letter?"
Sinunod niya ang payo ko at mabilisang isinulat ang panibagong sequence ng mga letra. Pero gaya ng nauna, the
result didn't make any sense to me or to him.
K - N J D J O Q U P Q V U P P N
J - M I C I N P T O P U T O O M

Napahawak ang mga kamay niya sa magkabilang sentido at minasahe ito. This was one of the rare moments where I
saw him a little bit frustrated. "If Moriarty chose a cipher that I am not aware of, he had me in this one. Maybe it's not
one step back, but one ro two steps forward?"
He scribbled another series of letters which he eventually scratched when they made no sense to him. Halos mapuno
na ang papel na kanyang sinusulatan pero hindi pa rin siya nakakuha ng kasagutan.
Dala ng pagkainis, nilamukos niya ang papel at saka inihagis sa pader. Tumayo muna siya't nagpalakad-lakad sa
palibot ng mesa. "Every code follows a pattern that's why it can be cracked by someone who's devoted to solving it.
Either this series of number means nothing and Moriarty's messing with me or I missed something of importance."
Kinuha ko ang papel at muling sinuri ang mga nakasulat dito. Nakakuha sa atensyon ko ang pambungad na nasa itaas.
"Sa tingin mo ba walang kinalaman itong 'Greetings from Henry VIII' sa code?"
Huminto si Loki sa paglalakad at nabaling ang tingin sa 'kin. "Do you know who Henry VIII is?"
"Probably one of monarchs of the United Kingdom?" nag-aalangan kong sagot. Hindi kasi ako pamilyar sa mga tao sa
kasaysayan lalo na ng ibang bansa. "It sounds like a perfect name for a king."
"You're right about him being a king," Loki crossed his arms over his chest and went closer to me. "Henry VIII is the
second monarch of the Tudor dynasty in England. Aside for being married to six wives in the hopes of getting a son, I
don't think he contributed anything to the world of cryptography."
"Pero bakit 'yon ilalagay rito ni Moriarty?" Napahaplos ako sa aking baba at napatingin sa malayo. "Why would he
put something unnecessary if it won't matter in the solution? Maybe there's something with Henry VIII that's a clue to
this code."
"Interesting insight, Lorelei," kinuha niya mula sa 'kin ang papel at muling sinuri ito. "There has to be something with
this fat British monarch."
"Paano kung ang eigh-"
Naputol ang sinasabi ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Kasabay ng pagbukas nito ang pagpasok ng isang
babaeng mukhang nahihiya pang tumuloy.
"Sorry but we are currently busy at the moment," Loki dismissed the young woman without looking at her. He's
preoccupied at the moment but he didn't have to be rude to turn someone away in that manner.
"Uhm... Gusto ko sanang itanong kung dumaan dito si Jamie," mahinhing sabi ng babae, inilibot niya ang kanyang
mata sa aming clubroom. "O baka alam n'yo kung saan siya pumunta."
Pagbanggit sa pangalan ng aming kasama, sabay kaming napatingin sa kanya ni Loki. "Hindi pa siya dumaraan dito,
bakit?"
Napadampi sa kanyang mga labi ang babae at nabalot ng pag-aalala ang mukha. "Naku, saan kaya siya pumunta?
Pumasok kasi siya kaninang umaga sa klase pero bigla ring umalis. May pupuntahan daw. Nagsimula na 'yong first
subject namin pero hindi na siya nakabalik."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Loki. Kahit hindi niya sabihin, mukhang pareho kami ng iniisip ngayon.
"Hindi ba't nag-text sa 'yo si Jamie kanina?" tanong ko. "Ang sabi niya, tinatapos niya ang pinapagawa sa kanila, 'di
ba?"
"Pero hindi siya nakapasok sa klase nila. Posible kayang..."
Mabilis niyang inilabas ang kanyang phone at tiningnan ang kanyang inbox. Sumilip na rin ako sa naging
conversation nila ni Jamie. Pasadong nine o' clock ang huling text message na ipinadala sa kanya ng aming kasama sa
club.
Loki (9:09 AM): Come at once to the club if convenient. If not, come all the same."
Jamie (9:18 AM): Good morning, Loooki~ Sorry pero may ipinapagawa pa kasi sa amin ngayon. Hahabol na lang ako
kapag tapos na kami. Okay lang ba? Thank you! xxx
Loki (9:20 AM): K.
Pati pala si Jamie ay nabiktima na rin ng napaka-meaningful na "K" ni Loki. But more importantly, kung hindi nga
nakapasok ang babaeng 'yon sa klase nila kanina, may dalawang posibleng senaryo: Una, posibleng naisipang
magbulakbol ni Jamie at gusto niyang ipakitang nasa klase siya kaya gano'n ang naging sagot niya. Pangalawa, ibang
tao ang nagpadala ng text message kay Loki para hindi magmukhang kahina-hinala kung sakaling hindi siya
makapag-reply.
Loki's features darkened as his eyes narrowed into slits. He probably realized the most probable explanation to what
had happened to Jamie.
"You were right about the meaning of letter X," he said, turning to me with a serious look on his face. "Considering
the recent news, it was probably meant to mark the target. And in this case, it's none other than Jamie Santiago."
###
P.S. Moriarty once again made his move! Can you crack the code before the duo? I-COMMENT na 'yan!
Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Revelation)
A/N: DO NOT proceed if you haven't read Part 1: The Code.

Dedicated to XQCTs100 for cracking the code last chapter.


LORELEI
JAMIE BEING Moriarty's target should have been expected. Kaakibat na ng pagsali sa Q.E.D. Club ang paglalagay
ng sarili sa panganib. Minsan na akong nalagay sa gano'ng sitwasyon. Kahit na may hindi kami pagkakaunawaan ng
babaeng 'yon, nangangamba pa rin ako para sa kalagayan niya. Noong ngang dinukot ako ni John Bautista, muntikan
na niyang tunawin ang buong katawan ko. Kung nagawa 'yon ng tauhan ni Moriarty sa 'kin, magagawa rin 'yon sa
tulad ni Jamie.
Nagpalakad-lakad sa clubroom si Loki, nakakrus ang mga braso't bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha. Pareho
naming hindi inaasahan na ngayon pa kikilos ang mortal niyang kaaway. Posible kayang nanghinala si Officer Bastien
kahapon nang hiramin ni Jamie ang kanyang phone kaya ipinapadispatya na siya ni Moriarty? O baka noong malaman
niyang may bago kaming miyembro, 'yon na kaagad ang naisip niya?
Wala nang oras na dapat sayangin. May mga katanungang pang hindi nasasagot pero pwede pa naming asikasuhin
'yon mamaya. Ang importante'y ang kaligtasan ni Jamie na nakasalalay sa code na ibinigay ni Moriarty.
"She's still alive," sabi ni Loki, dinig ang pag-aalala sa kanyang boses. "She's definitely still alive. The question is
until when. Moriarty's giving us a chance to find her location before he gets bored. Ang kaso, hindi ko alam kung
paano ika-crack ang code na 'yan."
"Imbes na tumayo ka riyan, bakit hindi ka umupo rito't muling harapin ang code?" tanong ko. Walang magagawa kung
maglalakad-lakad siya hanggang mamaya. The code will not solve itself. "Sa puntong ito, kailangan nating
magtulungan para mailigtas si Jamie."
He put his fingers near his mouth and began biting his nails. "Hearing that news, I can't give my full attention to those
sequence of numbers. Darn it. I really hate this feeling."
Somehow, naiintindihan ko ang frustration niya. Ganito rin siguro ang kanyang naramdaman noong ako ang
tinangkang targetin ng tauhan ni Moriarty. He seemed to be harsh and insensitive in most occassions, but deep inside,
he has a soft heart that cares for others. At saka iniisip niya siguro na kargado ng kanyang konsensya kung may
mangyayaring masama kay Jamie.
Moriarty doesn't have any intention to kill him at the moment, but he surely knows method how to torture Loki.
"I need to clear my head," he turned to the door and looked back at me. He seemed to be agitated by the recent
developments in the case. "Come with me and let's pay my big brother a visit."
Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at sumunod sa kanya. Naging mabibilis at malalaki ang kanyang bawat
paghakbang, indikasyon kung gaano ka-kritikal ang oras sa pagkakataong ito. Sabay kaming bumaba ng hagdan
patungong ground floor at nagtungo sa pinakadulong bahagi ng hallway. May ilang estudyante siyang nakabangga at
natapakan ng sapatos pero hindi na siya nag-abalang humingi ng paumanhin.
Pagdating namin sa tapat ng pintong may nakasulat na HIGH SCHOOL SUPREME STUDENT COUNCIL,
hinawakan niya agad ang doorknob, ni hindi naisipang kumatok, at binuksan ang pinto. Pipigilan ko sana siya pero
naging mabibilis ang mga sumunod na pangyayari.
Aakalain mong nasa lounge ka ng isang five-star hotel pagpasok sa room ng student council. Bubungad kaagad ang
malamig na bugso ng hangin at ang mga nakaayos na couch. Sa mga dingding nakasabit ang iba't ibang group photo
ng mga nagdaang student council mula noong taong itinayo ang Clark High School.
Walang taong bumati sa amin sa loob kaya nagtungo si Loki sa bandang likuran ng opisina. Pinasok niya nang hindi
kumakatok ang nakahiwalay na conference room kung saan posibleng nagpupulong ang mga kapita-pitagang
miyembro ng student council.
The moment we entered the room uninvited, five pairs of eyes shot daggers at us with their questioning gazes,
surprised by our unannounced arrival. Sa limang nakaupo sa palibot ng pabilog na mesa, tanging si Luthor ang
nakikilala ko sa kanila.
"We are currently having our meeting here," Luthor darted a piercing glare at Loki, not pleased by our intrusion. "You
could have texted me that you will come here instead of suddenly barging in."
"I'm sorry to interrupt the boring discussions about your plan to dominate the world," Loki quipped. "The evil
overlord a.k.a. the vice president asked for our assistance on behalf of your glorious council. Now I need you to lend
me your resources."
"Have you cracked the code?"
"No, but I know who was taken by our mysterious sender. Our newest club member didn't go to her class this morning
though she was seen by her classmates. Malakas ang hinala naming dinukot siya at dinala sa isang lugar dito sa
campus. The code will point us to that location. But unfortunately, our efforts to decode it were in vain so I decided to
use an alternative."
"And that is?"
"I want you to command all students at your disposal to search every room in this building," walang prenong sagot ni
Loki. Parang kasingdali ng paghingi ng candy ang kanyang hinihinging request. "She's still probably somewhere in
this high school building, in a place convenient to hide a body."
Nagkatinginan ang limang student council officer at nagbulungan na parang mga bubuyog. Their whispers were
unintelligible but Loki appeared to be reading their lips.
"No, wala na tayong oras para humingi ng approval mula sa admin," sabi niya, dahilan para tumingin sa kanya ang
mga officer maliban kay Luthor na may bahid ng pagtataka sa mga mukha. "Kung ayaw n'yong dumagdag ang body
count ng mga biktima ni Moriarty, mas mabuti kung ititigil n'yo na 'yang pagbubulungan n'yo't ibigay ang tulong na
hinihingi ko."
And there was a deafening silence. This time, the student council officers stared at one another as if they were
communicating telepathically. After a few excruciating moments, Luthor turned to a young woman with ponytail on
his right and said, "Very well. Jessica, kindly summon Margarette here. Say it's an urgent business."
Mabilis na kumilos ang babae't lumabas ng kanilang opisina. It only took her less than two minutes before she
returned. Ngayon, kasama niya ang babaeng nakasalamin na nasorpresang makita ang mga anino namin ni Loki.
"What the hell are you doing here?" Ni hi or hello, hindi niya kami naisipang batiin.
"Margarette," Luthor called her in his chilly voice. Kung sigurong tatawagin niya ang pangalan ko sa kanyang boses,
tiyak na mangingilabot ako. "The Q.E.D. Club is requesting manpower for the search of the presumed target of the
man called Moriarty. Mobilize all available members of the student executive committee."
Tumingin muna si Margarette sa 'kin bago ibinaling ang tingin kay Loki. A mocking smile formed on her lips. "Don't
tell me your new club member got abducted by your mortal enemy? I knew you would bring tragedy to people around
you. You already had a taste of it, right, Lorelei?"
Napatango ako't panandaliang sinariwa ng aking isipan ang insidente kung saan dinukot ako ni John Bautista, isinilid
sa drum at tinangkang buhusan ng kemikal.
"Anyway, I should ask my colleagues to search every room in this building," sabi ni Margarette sabay talikod sa amin.
"I will inform you once she's found. Let's hope she's still alive."
"Thank you, Maggie," mahinang tugon ng kasama ko.
Bago pa buksan ni Margarette ang pinto, lumingon muna siya sa amin at sinabing, "Don't thank me. I'm not doing this
for you. And please, stop calling me Maggie."
She slammed the door and vanished from our sight. I still fail to understand why she couldn't seem to forgive Loki for
what happened to Rhea. It's not like my companion wanted that tragedy to happen.
"And now, I need to contact my friend in the campus police."
Basta-basta na lamang iniwan ni Loki ang mga sutdent council officer. Ako na mismo ang nagpasalamat sa kanilang
tulong at nagpaalam para sa aking kasama.
Paglabas namin ng student council office, nakadikit na sa tenga ni Loki ang kanyang phone at nagtungo sa hagdanan.
Hindi niya inalintana kung may nakakasalubong siyang estudyante o professor na muntik na niyang makabangga o
matapakan ng sapatos.
"Hello, inspector. Gus-Oo, nasa mabuti akong kalagayan, salamat sa pagtatanong-Gusto kong hingin ang tulong n'yo.
Nawawala kasi ang kasama ko sa club, posibleng dinukot siya ng mga masasamang elemento. Pwede ba kayong
magsagawa ng search sa gymnasium at abandonadong school building? Ise-send ko ang photo niya sa inyo."
Kahit pilit na itinatago ni Loki, nakikita ko sa kanyang kilos at naririnig ko sa kanyang boses ang pagkadesperado
niyang mahanap kaagad si Jamie. He wouldn't ask for his brother's help in the first place if he wasn't too desperate to
close this case. Ito na kasi ang pinakasimple at pinakamabilis sa solusyon sa problemang kinakaharap namin. And in
Loki's own terms, this method is too "boring" and "straightforward." For now, he probably chose to give up his
preference on complex yet entertaining solutions.
Saktong nasa third floor na kami nang ibinaba na niya ang tawag. I wanted to ask him kung ano nang plano niya
ngayong marami nang kumikilos para hanapin si Jamie pero mas bumilis ang kanyang paglalakad patungong
clubroom. Every pawn on his side of the chessboard is now on the move.
"While they are searching all possible hiding places in this campus, we can try to solve this code in the meantime,"
sabi niya pagpasok naming dalawa sa aming opisina. Muli niyang inilapag sa mesa ang sulat na galing kay Moriarty at
saka kumuha ng isang piraso ng malinis na papel. Compared minutes ago, he appeared to have cleared his mind from
distracting thoughts.
"So you said that Henry VIII might be the clue to cracking this sequence, huh?"
Napatango ako. It wouldn't make sense kasi kung ilalagay 'yon ni Moriarty for the sake of greeting us. There has to be
something in it. Parang nasa dulo ng dila ko.
I crossed my arms over my chest as I stared hard at the name of the British monarch. Tila tumigil ang takbo ng oras sa
paligid ko habang lalong napapatagal ang titig ko sa pangalang 'yon. Lumingon ako kay Loki pero maging siya'y hindi
na rin gumagalaw.
Ano bang meron kay Henry VIII? Gaya ng sabi ni Loki, wala siyang na-contribute sa mundo ng cryptography kaya
bakit siya ang napili ni Moriarty sa code na 'to? Baka naman wala sa Henry kundi nasa VIII ang sagot na kanina ko pa
hinahanap.
Anong meron sa eight? In the Bible, eight represents a new beginning. Sideways, eight looked like the infinity
symbol. In Chemistry, eight is the atomic number of oxygen. In computer technology, eight bits is equivalent to one
byte. In Chinese and other Asian culture, eight is considered to be a lucky number.
Pero teka, parang may narinig na ako kamakailan lang na konektado rin sa number eight.
"But what if we only have eight fingers?"
Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala kung kailan ko narinig ang tanong na 'yon. Noong nakaraang buwan
ba? O noong isang linggo?
I went deeper into my memories as I tried to recall where I heard that statement.
"We would probably start over every eighth number instead of every tenth. That's what we call 'base eight' or octal
counting."
"BASE EIGHT!" sigaw ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Napatingin sa akin si Loki na nakakunot ang
noo, halos mapatalon sa bigla kong reaksyon.
Kinuha ko ang papel sa kanya at muling tiningnan ang code.
11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14
"Alam mo ba kung ano ang base eight?" tanong ko kay Loki na lalong nagpakunot sa kanyang noo.
"Is that some kind of game or something?"
"Nope, that's a way of counting numbers." Isinulat ko sa papel ang numbers mula zero hanggang seven. "Itinuro ito sa
amin ng prof ko sa Mathematics. Noon yatang ni-lock ka ni Tita Martha sa apartment at hindi ka pinapasok sa
school."
"Mathematics prof? Ang ibig mo bang sabihin... si Sir Jim Morayta?"
I nodded as I continued writing the next sequence of numbers, starting from 10 to 17. "Feeling ko'y tama ang
alphanumeric substitution na ginamit mo pero hindi dapat ang tradisyonal na decimal counting ang naging refererence
mo."
"I was probably sleeping in class when they taught that one," komento ni Loki. Nabanggit nga niya nang minsan na
tinutulugan niya ang klase nila nang nakapikit ang mga mata.
Pakiramdam ko'y sa 'kin nakatutok ang spotlight dahil ako ang nakakaalam ng cipher. For once, it felt good to know
stuff that Loki wasn't aware of. Sana nga lang ay tama ang naisip kong paraan ng pag-crack sa code ni Moriarty.
0 - A 10 - I 20 - Q 30 - Y
1 - B 11 - J 21 - R 31 - Z
2 - C 12 - K 22 - S
3 - D 13 - L 23 - T
4 - E 14 - M 24 - U
5 - F 15 - N 25 - V
6 - G 16 - O 26 - W
7 - H 17 - P 27 - X
Now that I have the cipher, I cross-referenced it to the numbers in the code. Tahimik lamang na nakamasid si Loki sa
'kin habang isinusulat ko ang sagot.
11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14
J A M I E I N P R O P S R O O M

"Jamie in props room?" bulong ni Loki at saka kami nagkatinginan. The message made sense which means my cipher
was correct.
We were then interrupted by the ringing of Loki's phone.
"Hello, Maggi-I mean, Margarette?" kaagad niyang sinagot ang tawag at naglakad palayo sa 'kin. Inilagay niya ito sa
loudspeaker mode kaya dinig na dinig ko ang sagot ni Maggie. "Did you find her?"
"We didn't. My colleagues searched every room in this building but there was no sign of your club member. Maybe
you were wrong."
"No, I was right. Lorelei cracked the code moments ago. We know her possible location. Have you checked the props
room?"
"Didn't I say that we checked every room?" Margarette sounded annoyed. I could imagine her making faces while
saying those words. "There's nothing in the props room."
Loki darted a curious glance at me. "Maybe your people didn't look closer." And then he hang up.
"Ano na ngayon?" tanong ko sa kanya. "Kung wala silang nakita sa props room, baka mali ang sagot natin sa code."
Umiling ang aking kasama. "We can't trust the words of those executive committee members. We have to see it for
ourselves if Jamie's really not there. Shall we go now?"
Nagmadali kaming lumabas ng clubroom at umakyat sa hagdanang patungong fifth floor. Kung tama pa ang
pagkakatanda ko, nasa pagitan ng auditorium at costume room-kung saan ako dinala noon ng mga tauhan ni
Margarette-ang props room.
Pagdating namin sa fifth floor, napansin naming nakalupong ang ilang estudyante sa hallway. Malamang sila ang mga
miyembrong ipinadala ng SEC. Kaagad na binuksan ni Loki ang pinto sa props room at pumasok dito. Bumungad sa
aming dalawa ang iba't ibang kagamitang ginagamit sa isang theater play. May mga punong idinesenyo sa plywood,
mga batong gawa sa paper mache, mga backdraft ng mga eksena at iba pa. Pero ang kaagad na nakuha sa atensyon ko
ay ang malaking baul na nasa likuran at ang charcoal brazier na katabi nito.
"There's only one place in this room where they can hide a body." Mukhang pareho kami ng iniisip ni Loki kaya sabay
kaming lumapit sa malaking baul. Kahit siguro dalawang tao'y kasya rito. Pero kung nandito talaga si Jamie, bakit
hindi siya nakita ng mga estudyanteng naghanap sa kanya kanina? May problema ba sila sa paningin o sinadya nilang
huwag tingnan ang laman ng malaking kahon?
Dahan-dahang binuksan ni Loki ang baul. Nang matamaan ng liwanag mula sa labas, wala kaming nakitang laman sa
loob. Muling napalingon sa paligid ang aking kasama, siguro'y tinitingnan niya kung saan pa pwedeng itago ang
katawan ng isang tao. Pero wala ni isang gamit doon maliban sa baul ang pasok sa criteria.
"Posible kayang inilipat siya ni Moriarty?" tanong ko matapos makita ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
"That won't be fair. She must be somewhere in this room. Look!" Itinuro niya ang charcoal brazier sa kanyang kanan
na may lamang uling. "Moriarty-or his minion-is planning to kill Jamie via carbon monoxide poisoning. As long as
this room is air tight and the victim is unconscious or bounded, she would succumb in a matter of seconds or minutes."
"Kung gano'n, nasaan siya rito?"
Sinubukang buhatin ni Loki ang baul. Kahit wala itong laman, mukhang nahirapan siyang iangat ito. Mabilis niya ring
ibinaba ang kahon kasabay ng paglawak ng ngiti sa kanyang labi.
"What an old trick!" he exclaimed as he opened the lid of the box. Ang akala ko'y bigla nang magpapakita ang
katawan ni Jamie sa loob pero wala pa rin itong laman.
"Jamie is in this box," he declared confidently though what we were seeing was the exact opposite. "Whoever's behind
her abduction used an old magician's trick."
Kinapa niya ang loob ng baul at may tinanggal na manipis na bagay. Isa 'yong salamin na tila inilagay rito. Pagkaalis
niya roon, bumungad sa amin ang tila mahimbing na natutulog na si Jamie.
Ngunit nanlaki ang aming mga mata nang makita ang pulang likido sa kanyang damit. Mabilis na iniangat ni Loki ang
walang malay niyang katawan at inilapag sa sahig.
"Jamie? Jamie!" He shouted repeatedly as he frantically shook Jamie's body. A worried look dawned on his serious
face when our abducted club member didn't respond.
Hinawakan ko ang kamay ng walang malay naming kasama at naramdamang meron pa itong pulso. "She's still alive!"
Kinapa ko ang kanyang katawan kung saan may dugo pero wala akong napansing kahit anong sugat o galos. Mukhang
ibinuhos lamang sa kanya ang pulang likido para ipalabas na duguan ito. Maybe it was all for a show.
It took a few moments before Jamie slowly opened her eyes. A faint smile plastered on her face as she exchanged
glances with the man cradling her body. Hinaplos niya ang nababahalang mukha ni Loki sabay sabing, "Lo... Loooki...
S-S..."
My companion shushed her and called the students waiting outside the props room to help him bring Jamie to the
clinic. He probably felt the same desperation and relief weeks ago when I was also in the same dangerous situation. I
could see in his eyes that he's grateful that nothing untoward happened to our club member.
Habang binubuhat palabas ng mga estudyante ang katawan ni Jamie, lumingon sa 'kin si Loki at muling bumalik ang
seryosong tingin ng kanyang mukha. Tiyak na hindi niya mapapalampas ang ginawa ni Moriarty sa aming kasamahan.
"Now that Jamie's out of harm's way, it's time for us to meet face to face with Moriarty," he said with firm conviction.
"I-tetext o tatawagan mo na ba ang number na nakuha natin mula kay Officer Bastien?"
Napataas ang kaliwang kilay niya habang nakatitig sa 'kin. "You have his number, don't you?"
"Hindi ko sinave sa contacts ko-"
Loki shook his head and cut me mid-sentence. "I'm not talking about the number we got yesterday. I'm talking about
the number he was probably giving out to his students."
It took me three seconds before I understood what he meant.
"Teka, ang ibig mo bang sabihin-"
"I want you to set a meeting at four o'clock with Prof. Jim Morayta a.k.a. Moriarty. I believe we are overdue for a
chat."
***
Loki didn't explain why he thought my professor was the criminal mastermind he's been seeking over the months.
Was it because of the "base eight" that we used as cipher earlier? Or was it the uncanny similarities between his name
and the fictional character's name?
Anyway, Jamie was brought to the hospital para maobserbahan at masuri siya roon. Ayon kasi sa school nurse namin,
masyadong matapang ang kemikal na ginamit para patulugin siya. She was barely conscious when we saw her being
brought inside an ambulance. It might take hours before she could completely regain her consciousness.
Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon, nagtungo kami ni Loki sa Diogenes Cafe sa labas ng aming campus. Doon naming
napagpasyahang i-meet ang professor ko sa Mathematics. Kaninang kalagitnaan ng afternoon period namin, tinext ko
siya kung pwedeng makipagkita after class sa nasabing cafe para magpatulong sa aming assignment. Kaagad siyang
pumayag sa imbitasyon at lahat ay umayon sa plano.
Nakapag-order na kami ng inumin ni Loki habang hinihintay ang pagdating ng aming ka-meeting. Amoy na amoy ang
aroma ng kape sa buong cafe. Nakaka-relax din ang ipinapatugtog na instrumental music dito. Maya-maya'y
seguradong titindi ang tensyon kaya mas mabuti kung enjoy-in ko na ang moment ng katahimikan na 'to.
"Bakit hindi mo pa gamitin 'yong number na nakuha natin? Kung tatawagan mo 'yan at narinig mo ang boses ng
sumagot, paniguradong malalaman na natin kung si Sir Jim nga si Moriarty," sabi ko bago ko inumin ang aking kape.
Muntikan nang mapaso ang aking dila sa sobrang init nito.
"This number is our last resort," sagot ni Loki habang hinahalo ang creamer sa kanyang black coffee. "If he denies
being Moriarty, I will dial this number and give him a call. If he picks up the phone-or should I say his other phone-
then that's the confirmation we have been looking for."
"Pero paano kung mali ang hinala mo?"
He stared at me strangely as if I asked nonsensical question. "Kailan pa ba ako nagkamali?"
I could enumerate instances where he was proven wrong but I chose not to ruin his mood. Pinili kong enjoy-in ang
aking latte habang hinihintay si Sir Jim.
Kinse minutos pasado alas-kwatro, dumami pa ang mga tao sa cafe. Kabilang sa mga bugso ng mga customer na
pumasok ay ang aking prof na aakalain mong isa ring estudyante dahil sa kanyang batang itsura.
"Pasensya na kung na-late ako. May meeting pa kasi kami sa org na hina-handle ko." Nabaling ang tingin ni Sir Jim
kay Loki nang makaupo siya. "O, kasama mo pala si Loki? Kumusta ka na?"
Hindi kumibo ang aking kasama. Tahimik lamang siyang nakatitig sa aking guro na tila inoobserbahan ang bawat
pagkilos at paghinga nito.
"Medyo pagod siya, sir, kaya pagpasensyahan n'yo na." Kung Facebook chat ang senaryong ito, daig pa ni Sir Jim ang
na-seenzone kay Loki.
"So anong gusto mong itanong, Lorelei? Magpapaturo ba kayong dalawa sa 'kin ni Loki?" nakangiting tanong ng
aking math instructor. Kahit saang anggulo ko tingnan, parang malabo talagang siya si Moriarty. Ewan kung mali ang
judgment ko o talagang biased ako, pero hindi ko maramdaman ang Moriarty vibe mula sa kanya.
"Actually, sir... Hindi naman talaga-"
"Can you please drop the act now?" biglang hirit ni Loki, dahilan para sabay kaming mapalingon sa kanya ni Sir Jim.
"This nice teacher act... can you please take that mask off and show us who you really are?"
Naglaho ang nakapintang ngiti sa mukha ni Sir Jim at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. "Hindi kita
maintindihan, Loki. Anong ibig mong sabihin? At bakit n'yo ba ako pinatawag dito?"
Loki leaned forward and crossed his fingers, he was grinning from ear to ear as he watched his prey trying to maintain
his composure. "Your name 'Jim Morayta' has close resemblance to the name 'James Moriarty. You are also a
Mathematics instructor just like the Napoleon of crime. Everyone in this campus respects you and a word against you
might be considered as slander. Choosing 'Moriarty' as your alias would be a perfect choice, wouldn't it?"
Nakabuka pa ang aking bibig habang hinhintay ang tugon ng aking guro. Sumandal siya sa kanyang upuan at
ipinagkrus ang mga braso. "So you think I'm Moriarty? Aaminin kong hindi ito ang una o ikalawang beses na narinig
ko ang pangalang 'yon. Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung bakit mo naisip 'yon?"
"Noong malason ako ng belladonna, base sa ikinwento sa 'kin ni Lorelei, ikaw ang nagdala sa akin sa ospital. Kahit
hindi mo ako estudyante, gano'n ang pag-aalala mo sa tulad ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Daniel
Gutierrez na ayaw akong ipapatay ni Moriarty. Sa katunayan, parang concerned pa nga siya sa 'kin."
"Masama ba para sa isang guro na mag-alala sa isang estudyante? Wala akong nakikitang mali roon," buwelta ni Sir
Jim. Aaminin kong may punto ang sinabi niya.
Nanatili pa rin ang malawak na ngiti ni Loki. Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang tinuping papel at ipinakita ito
sa kanyang kaharap. 'Yon ang code na ipinadala sa amin ni Moriarty kaninang umaga.
"In case you pretend to know nothing about that piece of paper, it's a code that could only be solved by using base
eight. Nasabi ni Lorelei sa 'kin na naituro mo sa kanila ang method of counting na 'yon. Who would think of such a
complicated code except for a Math enthusiast?"
Naningkit ang mga mata ni Sir Jim at napakamot sa ulo. "Dahil ba itinuro ko ang base eight, ibig sabihin no'n, ako na
ang gumawa ng code na 'to? Just to remind you, Loki, octal counting is not an exclusive knowledge. Lahat ng mga
taong mahihilig sa Math, alam ang bagay na 'yon."
"But among those who have knowledge of base eight in our school, you are the most suspicious," mabilis na hirit ni
Loki.
Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin o kung dapat akong mamagitan sa kanilang dalawa. Nakatulala
lamang ako na parang nanonood ng isang tennis match sa aking upuan habang nagsasagutan sila.
Ilang segundo ring nagkatitigan at nagkapalitan ng tingin sina Loki at Sir Jim. Aakalain mong nasa staring contest sila
dahil ayaw nilang kumalas ng tingin sa isa't isa.
"Pasensya na, Lorelei, pero mukhang kailangan ko nang umalis," sabi ni Sir Jim sa 'kin at saka siya tumayo. Sunod
niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Loki na nakatingin pa rin sa kanya hanggang sa mga sandaling 'yon.
"Nagkakamali ka kung sa tingin mo'y isa akong kaaway. Sa katunayan nga, magkakampi pa tayong dalawa."
Nang nagsimulang naglakad patungo sa exit ang aking Math instructor, mabilis na inilabas ni Loki ang kanyang phone
at idinial ang number ni Moriarty. Inilapit niya ito sa kanyang tenga nang nagsimula itong mag-ring.
"Now answer the damn phone and reveal who you really are," he muttered while his eyes still fixated on Sir Jim who's
a few steps outside the cafe. Maging ako'y napatingin sa labas para tingnan kung sasagutin ng aking prof ang tawag.
Twinkle, twinkle little star~ How I wonder what you are~
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Loki nang marinig ang pamilyar na kantang 'yon. Hindi nagmula sa labas
kundi nasa loob mismo ng cafe ang pinagmumulan ng nasabing tunog. Nakatutok pa rin kami kay Sir Jim na tuluyan
nang naglakad palayo, ni hindi man niya nilabas ang kanyang phone.
"To whom do I have the pleasure of speaking?" narinig kong sagot ng taong nasa kabilang linya. But that voice didn't
come from phone alone. Parang nasa malapit lamang siya. Parang nasa kabilang mesa rito sa cafe.
Dahan-dahan kaming lumingon ni Loki sa aming likuran nang napagtanto namin kung saan galing ang boses na 'yon.
We saw a familiar face on the other table, holding a black phone near his right ear and flashing an enigmatic smile.
We shot him a wide-eye stare as we recognized who he was.
"This is Moriarty. This isn't the first time we meet face-to-face, right, Loki?"
It was Stein Alberts.
###
P.S. Next update will be the last part of Chapter 20 and end of Season One! Stay tuned!

Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Confrontation)


A/N: The third and final part of Project LOKI's season finale. Let's end this season with WHAM!

LORELEI
I-IMPOSSIBLE! STEIN Alberts was a victim of Moriarty. How could he be Moriarty? No matter where I look at it,
everything didn't make any sense!
Pareho kaming natulala ni Loki sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang ngiti-isang pagkurba ng labing
nakakapanindig balahibo. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sinabi niyang si Moriarty o may tinatagong pagka-creepy
si Stein. With phones placed on their ears, the two gentlemen were locked in a staring contest. Loki was speechless,
probably he's connecting the dots that he didn't know exist.
Ibinaba ni Stein ang kanyang phone at lumapit sa aming mesa. Bawat yabag ng paa niya'y nagpapabilis ng tibok ng
aking puso. Napalunok pa nga ako ng laway nang magkasalubong ang aming tingin.
"Do you mind?" he asked, taking a seat across ours without waiting for our permission. He reclined on his chair and
crossed his legs as if he's a king settling on his iron throne. He motioned to our seats and continued, "Please take a
seat. I don't like talking while looking up on you, literally."
Napatingin ako kay Loki na hanggang ngayo'y tulala pa rin at nakatayo na parang estatwang hindi kumikibo sa aking
tabi. Was the shock too much for him that it rendered him frozen on his feet?
Ilang sandali pa'y ibinaba na rin niya ang hawak na phone at dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo. Sumunod ako sa
kanya't ipinasok ang kanang kamay ko sa aking bulsa. Palihim kong inihanda ang stun pen kung sakaling magkagulo
rito.
"It's nice to officially meet you, Loki. The first time we met, it was so dark, scary and the environment reeked of
tension. Not conducive for conversation, eh?" Stein smirked impishly. He then opened his palms. "But now, we are in
a relaxed environment. We can talk for minutes or hours. No one's gonna stop us."
"How did you know we are here?" Sa wakas, naka-get over na rin sa pagka-speechless si Loki.
Kumunot ang noo ni Stein at nagpukol ng nagtatakang tingin sa aking kasama. "Is that really a question? I have eyes
and ears everywhere. It won't be difficult for me to track you two down. I know you paid a visit to the student council
office this morning. I know you asked for the help of the campus police in searching for your club member."
Ngayong nanggaling mismo sa kanyang bibig ang kumpirmasyong may mga galamay nga siya rito sa campus, hindi
ko maiwasang isipan kung sino-sino sa mga nakasalamuha na namin ang tumatanggap ng utos sa kanya. He sounded
as if he had a vast network of spies in the school.
"I got news that Jamie's recovering from the drug used to knock her out. Maybe I should have asked my man to use
the charcoal brazier before you arrived in the props room," his eyes stared at the ceiling for a moment. "It was a
wasted opportunity. Well, there's no point in crying over spilled milk. By the way, did you enjoy the touch of fake
blood we dripped over her body?"
Nakita kong kumuyom ang kamao ni Loki habang nakapatong ang mga ito sa kanyang tuhod. May nakapintang galit
sa kanyang mga mata, tila pinipigilan niya itong kumawala sa abot ng kanyang makakaya.
"You were also abducted, weren't you?" tugon niya. "Or was that all for a show?"
Ipinatong ni Stein ang mga braso niya sa mesa. "Oh, that! I was thinking of ways on how I should meet you. Knocking
on your club's door and introducing myself as Moriarty is too boring so I thought of something with a touch of drama.
Ginusto ko ring subukan kung gano'n pa rin katalas ang utak mo. I feared that you were losing your touch because of
your new companion here."
Napasulyap siya sa 'kin na may kasama pang pagngisi. Nang muling magtagpo ang mga mata namin, mabilis akong
napatingin palayo. "Before I forget, Lorelei, sorry about John's attempt in melting you to liquid. And congratulations
to Loki for being the white knight that saves the day. Bravo, sincerely, bravo."
Sinundan niya ito ng palakpak na may kasama pang marahang pag-iling na hindi namin ikinatuwa. Parang isang laro o
biro sa kanya ang pagtatangka sa buhay ko. Ano nga ba namang dapat kong asahan sa tulad niya? He's twisted, he's
sick, he's insane. Kahit ilang minuto pa lamang kaming nag-uusap, I could already tell as much.
"You seem to be fond of theatrics," tugon ni Loki, pinapanatili pa rin niya ang kanyang kalmadong postura. "Kaya ba
naisipan mong mag-part time bilang director ng theater club? Daniel told me you were like a movie director while
everyone else is an actor. It perfectly suits you."
"You think so? I had nothing to play with so I chose to mess with that acting group," he then chuckled as if a funny
thought crossed his mind. "Don't you find it silly how humans can be so easily manipulated? They do exactly what
you tell them to do. They are like puppets while I'm the one pulling the strings. Have you tried that too, Loki?"
"I do sometimes manipulate people but for a good cause," hirit ng aking kasama. "Huwag mo akong itulad sa 'yo."
"And that makes you a bit boring." The smile on Stein's pale lips faded as his face turned serious. "If you would only
use your talent in plotting almost perfect crimes instead of solving them, you can make money out of it. There's too
much evil intention buried in the hearts of men around us. While you were too busy extinguishing that dark, cold
flame, I made a business out of it."
"Should I say congratulations? Because your business seems to be booming. But you don't mind me interfering, do
you?"
"You already tried before. Someone ended up being dead."
That was a low blow to Loki, ni hindi na niya nagawang makapagbitiw ng witty na komento. Stein's definitely
referring to Loki's former partner. Gaya ng sinabi sa 'kin ni Luthor noon, Rhea's the collateral damage cause by the
collision of these two opposing forces. I remembered him warning me that the same thing might happen to me if I got
too close to his brother. It almost did.
"Don't worry, I won't ask you to stop me," Stein said as my companion's still at a loss for words. "In fact, I'd like to
thank you for the entertainment. All these time, I've been looking for a challenge. Now I found you. But I must admit
I'm a teensy bit disappointed that you haven't suspected me before."
Sino ba namang mag-aakala na ang biktimang iniligtas naming nakakulong sa locker room sa abandonadong high
school building ay walang iba kundi ang taong ilang buwan nang hinahanap ni Loki? He played the victim card so
well, we didn't suspect him the moment our eyes met.
"It was a good trick," sagot ni Loki kasabay ng pagkrus ng kanyang mga braso. "You got me there."
"I also can't afford to lose you so I will keep you alive until I get bored again," Stein replied. "Come to think of it, that
fake abduction you schemed was brilliant. When your two cute girls showed me the code, I began to worry that
someone might have got you before me. When I cracked the code on my own, I asked my friend to check the
gymnasium. It turned out that it was only a hoax. God knows how relieved I was to hear that news!"
Kaya pala nasa gymnasium noon si Officer Bastien! Malamang tinawagan niya noon si Moriarty para ibalitang isa
lamang palabas ang pagdukot kay Loki. Maliban sa aming dalawa ni Jamie, tanging kay Stein lang namin ipinakita
ang code. He's the only one who could have possibly known Loki's location!
Why didn't I think of that earlier? Kung sanang sumagi sa isip ko 'yon, I would have suspected Stein as Moriarty or at
least someone connected to him.
"I'm deeply touched by your concern," Loki scoffed. "I was really moved by how much you care about me. Honestly."
Nginitian muna ni Stein si Loki bago siya napatingin sa kanyang phone. Napapalatak siya nang makita kung anuman
ang naka-flash sa screen nito. "I'd like to continue our conversation but business calls. I'd better be off now. Really
glad we had a proper chat. It's long overdue, don't you think? No worries, the game has just begun. See you around~"
Kinindatan niya ako at saka siya tumayo. Ilang hakbang pa lamang ang layo niya mula sa mesa namin, tumayo rin si
Loki at humirit.
"Wait!"
Stein turned around and looked at him with interest. "Why? You forgot to tell me something?"
"Paano ko malalamang ikaw nga si Moriarty at hindi isang galamay lang?"
That's indeed a possibility. The mystery guy likes to play mind games with Loki and it wouldn't be surprising if he
sent a minion to act as him to say hello. But that scenario, however, would make things more complicated. If Stein's
not Moriarty, then who?
Napabuntong-hininga si Stein at inarapan ang aking kasama. "Have you ever kissed that girl? The dead one? Her lips
tasted like strawberries. They were soft and pinkish. I enjoyed them but she didn't seem to enjoy it. Mas maganda sana
kung pumalag siya pero naalala ko, patay na pala siya noong hinalikan ko. Hahaha~"
I could see the pain in Loki's eyes as he listened to that guy's answer. Nanindig ang mga balahibo ko habang
inilalarawan niya ang ginawa niyang pang-aabuso sa mga labi ni Rhea. Kahit na siya nga si Moriarty, I never thought
he's capable of doing creepier stuff.
"She smelled like jasmine. Her pale, smooth skin tasted like vanilla ice cream," Stein licked his lips as he reminisced
that moment. "She was also clean. My only regret is that I didn't get to hear her moan. But I got to hear her last words.
'Loki, please save me' or something along those lines."
Loki hung his head low, his clenched fists shaking uncontrollably. This must be the first time he heard about Rhea's
last words and what Moriarty did to her. I could feel the rage welling up inside him. And like a volcano, he's going to
erupt anytime now.
Except he didn't. The trembling of his fists stopped as he raised his head. Muling tumalikod si Stein at naglakad
palayo sa amin.
And that's how our first meeting with Moriarty ended.
Or so I thought.
"Wait..." sabi ni Loki, parang nagmamakaawa na ang kanyang boses. Pilit niyang tinatago ang emosyong
naglalagablab sa kaloob-looban niya.
"Is there something else that you want to know?" tanong ni Stein bago niya muling hinarap ang aking kasama.
The moment he turned around, Loki quickly grabbed a wooden chair on his side and slammed it on his head. Sa lakas
ng impact, nawalan ng balanse si Stein at nag-collapse sa sahig. Binitawan ni Loki ang hawak niyang upuan at paulit-
ulit siyang pinagtatadyakan. Dinig na dinig ko sa bawat sipa ang poot na matagal na niyang kinikimkim. Palakas nang
palakas ang mga ito at walang tigil sa pagtama sa kawawang katawan ni Stein.
"DAMN YOU, YOU BASTARD! DAMN YOU TO HELL!" Loki cursed repeatedly, the boiling rage inside him
could be seen in his eyes. His face twitched and for a while, I didn't recognize the guy in front of me. Ito na ang
ikalawang pagkakataon na nakita ko siyang nagkaganito.
Hindi ko inasahang ganito ang gagawin niya. Nakatulala lamang akong nakaupo habang pinapanood ang ginagawa
niyang paninipa kay Stein. Ang ibang taong nasa cafe, napatakip ng bibig samantalang ang ila'y kumukuha ng litrato
at video ng pagka-beastmode ni Loki.
Nakasara na ang isang mata ni Stein, duguan na ang kanyang ilong at halos magsuka na niya ng dugo sa sahig. He
positioned his body in a fetal position as he tried to endure my companion's wrath.
Nang magbalik ang aking kamalayan, kaagad akong tumayo at niyakap si Loki mula sa likuran. Pinilit ko siyang
hilahin palayo pero nagpupumiglas pa rin siya.
"LOKI! TAMA NA, PLEASE! LOKI!" pagsusumamo ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pananadyak. The glint
of anger in his eyes, his flared nostrils and his gritted teeth told me that no one could stop him from exacting his
vengeance.
The person I'm hugging right now is not the Loki that I know. He was no longer the mysterious guy I first met in Tita
Martha's apartment. He was no longer the cunning guy who used me as a bait to lure out my secret admirer. He
transformed into a completely different person-someone close to a monster.
There's only one way to bring back the old Loki.
"HINDI MATUTUWA SI RHEA SA GINAGAWA MO!" I shouted, hoping that the magic word would work.
Pagkasabi ko no'n, may luhang tumulo mula sa aking kanang mata.
I didn't want to see him in this terrifying state. I wanted to see the old Loki that I used to know.
Before he could land another kick on Stein's body, his entire body froze with wide-eye stare and slightly opened
mouth. Rhea's name was the only thing in this world that could calm him down. He left me with no other choice but to
use it.
By the time he stopped, Stein was already coughing up blood. Cafe personnel rushed to his side while the others
called for an ambulance. Pumasok din ang security guard at naglakad patungo sa kinatatayuan namin.
"Loki..." mangiyak-ngiyak kong bulong sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit para tuluyan nang pakalmahin ang
galit na kanina pa nagwawala sa loob niya.
"What have you done?"
END OF SEASON ONE
P.S. What can you say about the last chapter of Project LOKI (Season 1)?
Next update will be an author's note. Stay tuned for my announcements regarding this series!

Volume 1 • Afterword

Posted by LORELEI RIOS


July 25, 2015
11:11 PM
KUNG MAY nagbabasa man ng blog na ito, lubos akong nagpapasalamat dahil naglaan kayo ng oras para basahin
ang mga adventure namin ni Loki. Hindi ko inakalang may magbabasa nito at magbibigay ng komento. Talagang na-
appreciate ko ang mga feedback mula sa inyo.
Mahigit isang buwan ko ring isinulat ang mga entry na nabasa n'yo. Napuno ng misteryo, suspense at aksyon ang mga
nagdaang kabanata. I myself enjoyed every twist and turn of the story. I hope you enjoyed the ride as well.
Have we reached THE END? Was it a GAME OVER already? If yes, that would be disappointing, don't you think?
Ayaw kong iwan kayo sa ere at pag-isipin kung ano ang kahihinatnan ni Loki matapos ng kanyang ginawa kay Stein
a.k.a. Moriarty. Sabi nga niya sa amin noon, "the game has just begun."
Heads up: I won't be updating this blog for a while. Magkakaroon kasi kami ng recollection kaya ilang araw din akong
hindi makakapag-update. Pero huwag kayong mag-alala, babalitaan ko kayo kung sakaling may mangyaring
kababalaghan. Kung talagang nahawa ako sa pagiging magnet ni Loki sa mga kamalasan at trahedya, for sure may
kasong mangyayari sa trip namin. But my fingers are crossed that nothing bad will happen.
In the meantime, bibigyan ko na kayo ng patikim kung ano ang dapat na abangan sa mga susunod kong entry:
Of course, there were consequences for Loki's action. The status quo has definitely changed since the day he assaulted
Stein. (Should I get used to calling him Moriarty from now on?) Due to what had happened, the student government
and the school admin mulled whether to close the Q.E.D. Club permanently or not.
Weeks ago, someone paid me a surprise visit. I wasn't pleased by that person's unannounced appearance. And he
brought nothing but bad news to me. I wish I hadn't seen him at all. You will find out why soon.
Alistair, my childhood friend whom I mentioned in one of the entries, would become a series regular in my next
updates. I should have expected this to happen when he told me, "Don't worry. I will be back here soon." Little did I
know that was a foreshadowing!
Maybe I should tell you about some cases we solved outside the campus. May ilang engaging na kaso kaming
hinawakan na sana'y papatok din sa inyo. Thanks to this blog, hindi na limitado sa mga estudyante sa campus ang mga
kliyente namin. Gumawa rin kasi ng Facebook page si Loki para sa mga may request. But I will tell you more about
that soon.
Teka, bago ko makalimutan, may mga kaso ba kayong gustong mabasa? May mga nakatambak kasi akong notes ng
mga nilutas namin ni Loki pero hindi ko alam kung ano ang swak sa panlasa n'yo. Pwede kayong mag-suggest sa
comment section at titingnan ko kung may nalutas na kaming gano'n.
And before I forget, sa mga fan ni Jamie, huwag kayong mag-alala dahil maayos na kalagayan niya. She once slept
over in our apartment... in Loki's bedroom. God knows what those two did!
Again, thank you for reading my blog! Abangan n'yo sa susunod kong update ang simula ng SEASON 2! For now, I
will mark this piece as completed until further notice.
P.S. Naghahanap din pala ako ng artist. Gusto kasi ni Loki na lagyan ng illustration ang ilan sa mga post ko para mas
engaging daw. Kung may interesado, i-comment n'yo rin sa baba.
Hanggang sa susunod na update!

Volume 1 • FAQ [Spoilers!]


I posted this section para sa mga reader na may tanong tungkol sa Project LOKI. There are times that I can't reply
immediately to comments and I sometimes forget to answer. Narito ang ilan sa mga tanong na kadalasang nagpa-pop
mula sa mga reader:

1. Meron bang VOLUME TWO ang Project LOKI? Kung meron, kailan ito mapo-post?
Yup, rest assured na may next volume ang adventures nina Loki at Lorelei. I said before na February pero dahil sa real
life at ibang commitments, na-push ito later. (I'm already part of the working class so life sometimes takes most of my
time.)
UPDATE (04/06/16): Volume 2 will be published starting May 4.
2. Eh? Bakit antagal naman?
Hindi gano'n kadaling magsulat ng detective fiction kung ikukumpara sa ibang genre. Pero once na bumalik na ang
LOKI sa regular schedule, one chapter every two days, if not every day, ang mapo-post. Ang average word count ko
for LOKI ay 4,000. Pero minsan, umaabot ng 6,000-7,000 words.
3. Ilang chapters ang ine-expect n'yo sa Project LOKI? At may ending na ba kayong naisip?
Originally, twenty chapters lang dapat. Kaso natuwa ako sa reception ng mga reader at sa chemistry nina Loki at
Lorelei kaya na-extend. I'm eyeing for fifty chapters, divided into three volumes.
Yes, I have an ending in mind. It will be a good one, I promise. Pero pwede pang magbago along the way. Hehe.
4. Magkakaroon ba ng development ang relasyon nina Loki at Lorelei sa Volume Two?
I can't guarantee na magle-level up ang relationship nilang dalawa. Unang-una sa lahat, mystery ang focus ng plot,
hindi love story. But I can add a pinch of romance. However, dahil sa pagpasok sa eksena ni Jamie at sa pagdating ng
isa pang character, that "romance" sub-plot is still unclear.
5. Malalaman ba namin ang backstory ni Lorelei sa Volume Two?
Nag-drop ako ng hints throughout the first volume and I think it's fairly obvious to some what might have happened to
her. In the second volume, we will go back to where it all began.
6. Magiging part ba ng Q.E.D. Club si Rosetta?
Loki already shot down the idea so I guess malabo nang maihabol pa ang membership niya. Haha.
7. Ano pong ibig sabihin ng Q.E.D.?
Huh? Hindi ko ba na-mention sa nakalipas na twenty chapters? You can search it on the Internet. Meron ding manga
na ganyan ang title at parehong mag-partner ang male and female lead (brains + brawn thingy).
8. May mga minor character ba sa first volume na magpapakita sa next volume?
Yes, and you should have paid attention to those characters, either formally introduced or briefly mentioned. Who
knows how significant they are?
9. Si Stein Alberts ba talaga si Moriarty? At napatay ba siya ni Loki?
Chapter 20 revealed that he is indeed Moriarty. If you think it's an ass-pull revelation, I suggest that you re-read
Chapter 18. That's probably the most important clue as to Stein's "other" identity.
If you're not convinced, well, carry on.
He's still alive, by the way.
10. Pwede n'yo bang patayin si Jamie?
Nope. Nope. Nope. I like her as a character and I enjoy writing her.
11. How can Moriarty, assuming he's a high school student, make everyone in his organization obey him? Such as
Officer Bastien?
He has cunning methods to secure absolute and blind obedience from his underlings. Will be explored more on the
second volume.
12. Saan po galing ang mga code na ginamit n'yo?
Most of the codes have been researched. Don't be surprised kung nabasa n'yo na ang mga 'yon sa ibang
mystery/detective fiction stories. Pinaka-common na yata ang Caesar's Box. 'Yong skip code sa Chapter 15, nabasa ko
siya sa isang Sherlock Holmes story. 'Yong base eight code, inspired siya sa isang Sherlock pastiche (pero mas
komplikado 'yon dahil roman numerals ang gamit).
Idinadaan ko sa execution ang ibang codes para maging unique. Kunwari 'yong Morse Code (dots and dashes), ginawa
ko siyang "knocks and scratches" sa Chapter 11. Pati 'yong double code mystery sa Chapter 18. 'Yong code sa Chapter
5, biglang pumasok sa isip ko habang tintingnan 'yong periodic table of elements.
At the moment, may mga bagay akong nakikita na pwedeng gawing code. Try n'yong tumingin sa keyboard or keypad
n'yo ngayon, something might jump out of you na pwedeng inspiration for a code.
13. Magkakaroon ba ng ibang setting ang mga case? Kasi puro nasa school e.
Ah, sorry. Gusto ko kasing bumalik sa school kaya laging doon ang setting ng lahat ng stories ko. Haha! Pero sa
second volume, I guarantee na lalabas na sila. Pwedeng mapunta sila sa isang villa kung saan aatake ang isang serial
killer, like what a reader suggested.
14. How about ang mga type of cases? May something new ba na dapat abangan aside from the usual murders?
Iniisip ko pa kung paano ako makakasulat ng locked room mystery. Meron na sumagi sa isip ko pero masyadong
visual at nahihirapan ako to put it into words.
Serial killings would also be a nice addition to the arsenal of mysteries for the second volume.
So far, ang mga covered case ay: murder, suicide, murder-disguised-as-suicide, abduction, blackmail, stalker
AND THE MILLION PESO QUESTION:
15. Kailan kayo mag-u-update? Ipo-post n'yo rin ba rito ang next chapters o gagawa kayo ng bagong book for the
second volume?
May hinihintay pa ako kaya hindi ko masabi kung kailan. Pero gaya ng sinabi ko, most probably sa March. Kapag
dumating na 'yon, I will inform you right away.
***
At the moment, I'm trying out other forms of mystery/detective fiction kaya may mga bagong story ako. If you are
into mystery, you may want to give them a shot.
May tanong ba kayo sa akin? Feel free to post your questions below and I will answer them.
Kung may expectations o suggestions kayo kung paano mapapaganda ang VOLUME TWO, feel free to also post
them below.
As a writer, I will highly appreciate your feedback. Thank you!
P.S. As a bonus sa mga nagtiyagang magbasa nito, I present you this:
Moriarty has four "generals" and they have been introduced and/or mentioned in the first volume.

VOLUME 2

New volume. New cases. New members. The adventures of the Q.E.D. Club continue!
Moriaryt's identity has been finally revealed in the first volume but the battle between him plus his organization and
the Q.E.D Club has just begun!
And don't forget to say "Hi!" to Moriarty and friends!

Volume 2 • Chapter 21: The Pandora's Box


LORELEI

THE RINGING of the school bell marked the end of today's Mathematics lesson. Due to a series of brain-racking
equations, my classmates have been excruciatingly waiting for this moment. Standing before the whole class, Sir Jim
Morayta cleared his throat before giving us his parting words.
"Don't forget that we will have a long quiz tomorrow!" anunsyo niya sabay hawak sa bridge ng kanyang salamin na
may itim na frame. "Class dismissed!"
Isa-isang nagsitayuan ang mga classmate ko habang binubura ni Sir Morayta ang mga nakasulat na komplikadong
equation sa board. Halos duguin na ang ilong ng ilan sa amin kanina dahil sa sobrang hirap na makuha ang solution.
I put my moleskin notebook and pen in my bag before walking to the exit. Pero bago ako tuluyang makalabas,
tinawag ako ng malambing na boses ni Sir Morayta.
"Lorelei, a moment please?"
Kaagad akong tumalikod at lumapit sa teacher's desk kung saan inaayos niya ang kanyang mga gamit. Did I do
something wrong in the class that prompted him to call my attention?
"Ano 'yon, sir?"
He placed the pile of books on the desk and turned to me. I couldn't clearly see his jetblack eyes because the lens of
his glasses reflected the light outside.
"I hope you don't mind me asking. Kumusta na si Loki?"
Gulp. I didn't expect that he will ask for my flatmate's welfare. It has been a while since I last heard someone speak of
his name.
"He's... doing great." 'Yon lamang ang nasagot ko sa kanya. It was the truth after all. Pagkatapos ang nangyari
dalawang linggo na ang nakararaan, balik na sa status quo ang lahat.
"Pasensya na. Medyo nagdadalawang-isip nga akong itanong sa 'yo pero hindi ko mapigilang mag-alala." A glimpse
of concern was etched on my teacher's face and his voice sounded sincere. "Also, I heard na nasa ospital pa rin si
Stein."
Due to the blunt force trauma on his head, Stein Alberts a.k.a. Moriarty has been in coma for two weeks now. The
news about Loki assaulting spread like wildfire dahil sa mga estudyanteng nasa coffee shop noong araw na 'yon.
Nakunan kasi nila ng video ang nangyari at ipinost pa sa social media.
"I hope na maayos na ang lahat ng gusot at makabalik na rito si Loki," napalitan ng ngiti ang pag-aalala sa mukha
niya. "May ilang bagay tayong dapat pag-usapan tungkol kay Moriarty at sa mga kasong kinasangkutan niya."
Nang wala na siyang dinagdag, nagpaalam na ako at tuluyan nang lumabas ng aming classroom. I'd wanted to ask him
what he knew about Moriarty but I held my tongue. Masasagot din siguro ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko
kapag dumating ang tamang panahon.
That reminds me, he told us back in the coffee shop that he's an ally of Loki, not an antagonist. I have been thinking
what he meant by that.
"Mukhang malalim ang iniisip mo."
I raised my head and saw Rosetta waiting on the corridor. She still has that warm smile plastered on her face. Her long
hair was smoothly flowing along with the wind.
"Seryoso yata ang tinanong sa 'yo ni Sir Morayta?" dagdag niya.
"Kinumusta niya lang si Loki. Medyo nag-aalala rin daw siya."
"Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita," sabi ni Rosetta bago kami nagsimulang sabay na maglakad sa hallway.
"Totoo ba ang mga tsismis na expelled na siya?"
"Indefinitely suspended," I corrected her. "Hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon ng school admin tungkol sa
coffee shop incident, hindi muna siya papapasukin."
Rosetta crossed her arms across her chest and looked at the ceiling. "Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang
gawin 'yon sa isang honor student. Wala kasi sa itsura ni Loki na kaya niyang manakit ng kapwa."
That's also what I thought before. But whenever Rhea is involved, his calm demeanor changes into an aggressive
stance. Twice have I seen the "other Loki" who lets his emotions get the better of him.
"Sana ma-lift ang suspension niya. Siguradong natambakan na kayo ng request sa Q.E.D. Club."
Naghiwalay na kami ng landas sa staircase. Bumaba siya sa ground floor para makipagkita sa mga Paranormal Club
member habang ako'y umakyat sa third floor kung saan ang aming clubroom.
Our mini-detective agency is never the same without him. I still could imagine him seated on his swivel chair, reading
piles of paper with ciphers written on every page. The table that was once covered with complex codes is now empty.
It won't be an exaggeration to say that he brought color to the club. Without him, everything is in monotone.
"I knew you would be here."
I jumped out of surprise when I heard a cold voice behind me. Nakaramdam ako ng pangingilabot at tumindig ang
mga balahibo ko. Turning around, I saw Luthor's expressionless face and his bored eyes looking down on me. He still
had the chilling aura that could freeze anyone only if he had any superpower.
Hindi ko man narinig ang mga yabag niya o naramdaman ang pagpasok niya sa loob. Napaisip tuloy ako kung totoo
ngang kaya niyang mag-materialize mula sa hangin o lumitaw mula sa isang pentagram, gaya ng paglalarawan ni Loki
sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo rito?" I asked.
His footsteps didn't make a sound as he walked around the room, his hands behind him. "I'd like to inquire on how's
my brother doing the past few days? I am well aware that you two are living together in an apartment unit."
Napalunok ako ng laway at napatulala sa kanya. Susubukan ko sanang linawin kung bakit gano'n ang arrangement
namin ni Loki pero pinili kong ibang topic ang pag-usapan namin. "Bakit hindi mo siya bisitahin doon kung talagang
concerned ka sa kanya?"
"I don't want to ruin his day. My mere presence is enough to upset his stomach. What more if I ask him how he's
doing?"
He had a point. Until now, I do not know why Loki hates his brother so much. The feeling doesn't seem to be mutual
though. Kung sigurong pwedeng magtakwil ng kapamilya, siguradong si Luthor ang unang-una sa listahan niya.
Ayaw ko ring itanong kay Loki dahil masyadong personal ang bagay na 'yon.
"I believe he is savoring the suspension," he added when I didn't reply. He stopped near the window and peeked at the
green landscape of our campus. "He really hated going to class and acting like a normal student. He must be grateful
for what he did to that young man."
"Speaking of Stein, may progress na ba sa imbestigasyon ng school admin at pulis sa kanya?" I took this opportunity
para makakalap ng impormasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung makukulong na ang lalaking 'yon
dahil sa mga kasong nangyari sa school na konektado sa kanya.
"On the allegation that Stein Alberts, the school's Math prodigee, is a criminal mastermind? I'm not supposed to tell
you this info but maybe you should know. There's no evidence that he is what my brother claims him to be."
My eyes blinked and my mouth slightly opened in shock. A dead silence ensued as I curiously stared at Luthor. For a
moment, hiniling kong sana mali ang aking narinig.
"A-Anong pinagsasabi mo? Walang ebidensya? Hindi ba ebidensya ang laman ng phone niya para ma-incriminate ang
lalaking 'yon?"
"There's nothing in his phone except for the call from Loki," he said slowly, emphasizing on the second word. "Also,
the school's investigation revealed that Stein was a victim of Moriarty, locked in the abandoned building for a day. So
how can he be the mastermind you two are claiming him to be?"
Slowly I shook my head in disbelief. Paanong walang laman ang phone niya? 'Yon malamang ang ginagamit niya para
makipag-communicate sa mga galamay niya kaya paanong walang nakitang kahit ano ang mga pulis? Could it be the
work of his accomplice inside?
"S-Stein's playing with your minds! He wanted you to think that he was a victim." My voice grew louder as I insisted
our claim.
"Or maybe... that's what you want to think. You and Loki want to believe that he's Moriarty even if he's not."
"No! Stein confessed that he is Moriarty!" I roared at him.
"Then where is your evidence? Did you record his confession?"
This is unbelievable. Feeling a bit hopeless, I heaved a sigh as my head hung low and my fists clenched. Bakit ba niya
pinagdududahan ang deduction ng kapatid niya? Bakit ayaw niyang i-entertain ang posibilidad na totoo ang
akusasyong si Stein ay si Moriarty?
"Since we are on that topic, I'd like you to know that the student executive committee and the student council will be
deciding this Friday whether or not we will dissolve this club. Frankly, I don't think they will vote in your favor."
Iniangat ko ang aking ulo at muling nabaling ang tingin sa kanya. "Bakit nadamay pati ang club namin? Hindi ba't ang
isyu rito ay sa pagitan nina Loki at Stein Alberts?"
"The school admin believes that this club is enabling my brother to pursue wrong leads and fanciful theories which led
to the assault of an innocent man. It's now up to us if you will stay or not."
"And you did nothing to defend your brother and the club that's dear to him?"
"If I didn't do anything, my brother would be in jail by now," he said coldly. "I cannot clean all the mess he made."
Whatever "help" he's referring to, I have absolutely no idea.
"I need to leave you now. Send my regards to my brother." He waved his left hand and silently walked out of the
room. The chilling air that filled the four corners dispersed upon his leave.
Napaupo na lamang ako sa monobloc chair at muling ni-replay sa utak ko ang mga sinabi ni Luthor. This doesn't look
good. No one believes Loki except me, and everyone thinks he's the villain and Stein's the victim. What they do not
know is that it's the other way around.
***
Pagpatak ng alas-kuwatro, dumiretso na ako pauwi sa aming apartment. Dahil suspended ang number one puzzle
solver ng Clark High School, temporarily closed ang Q.E.D. Club at wala munang estudyanteng pumupunta sa
clubroom para humingi ng tulong sa paglutas ng mga misteryo sa kanilang buhay. Hindi rin bumisita si Jamie nitong
nakalipas na linggo sa club. I wonder what she is up to the past few weeks.
Nang huminto ako sa tapat ng pinto ng apartment namin, may nakita akong note na nakadikit malapit sa doorknob:
UNLOCK ME.
This must be his doing. I rolled my eyes before putting out my lockpicking kit. Ipinasok ko ang dalawang mala-
alambreng bagay sa loob ng keyhole at kinalikot ito. Ilang minuto rin ang lumipas at ilang butil ng pawis ang
tumagaktak bago ko na-unlock ang pinto.
Huminga ako nang malalim at saka itinulak ito papasok. Loki must be testing me if I learned anything from our
lockpicking sessions. He's been sharing some of his tricks to me while he's on suspension. Sabi niya, kailangang
magaling ang isang detective sa pagbubukas ng kahit anong pinto. The world should be thank him for he is not
teaching robbers or else the news will be filled with robbery reports.
Pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang isang malaking teddy bear na nakabigti sa aming kisame. My heart
almost shattered into pieces when I recognized that life-sized stuffed toy.

"LOKI!" I looked at the man who's comfortably seated on the couch and busy reading a book. "WHAT HAVE YOU
DONE WITH MY TEDDY BEAR?"
He raised his right index finger and said, "Correction: MY teddy bear, no longer yours. Have you forgotten that you
passed the ownership of that cuddly thingy to me after you had thrown it away?"
"But that's not the issue here! Bakit kinailangan mong ibigti ang kawawang manika?"
He waved his hand, dismissing my concern. Why do I bother to argue with this man? "Don't worry, Theodore doesn't
mind. You should be proud of him, he helped me prove the innocence of a young man accused of hanging his
girlfriend. The counter-argument is that he couldn't have committed the crime because his height lacks a few inches."
"Theodore? Bakit pangmatanda ang pangalan?"
"Teddy bears were named after US President Theodore Roosevelt who-"
"Yeah, I know! Pero andami namang pangalan diyan na pwedeng pagpilian."
And why are we having this conversation about the poor teddy bear? Umupo na lamang ako sa isa pang couch at
ipinatong ang aking bag sa tabi.
His bored gaze returned to the "Harry Potter and the Goblet of Fire" book. This was probably the first time I saw him
not reading a mystery or detective novel. At alam ko, hindi siya naniniwala sa magic kaya nakakapagtakang
nagbabasa siya ng story about a boy wizard.
"So how's your day?" he asked after a moment of silence.
I began by telling him that Sir Morayta wanted to meet us once his suspension is lifted. The unexpected visit of his
brother to the clubroom was also mentioned, especially the update about the Moriarty case. When I informed him that
the student council is mulling over the dissolution of the Q.E.D. Club, I didn't observe any glimpse of concern on his
face, to my surprise.
"Moriarty is an able strategist," he commented after my long narration. "The faux abduction in the abandoned school
building, the clean content of his phone-everything was set into place to ensure that nothing would link him to the
crimes. If we want to put him behind bars, we need to find a solid evidence."
"What about the Q.E.D. Club? Parang hindi ka nababahala na baka i-dissolve 'yon ng student council?"
He flipped another page of the book and darted a quick glance at me. "I'm currently suspended so I can't do anything
at the moment. And because the club president won't be around any time soon, the responsibilities fall on the vice
president which, by the way, is you."
Hindi ko na matandaan kung kailan ako pumayag na maging vice president niya o talagang by default na ang second
member ng isang club ay automatically appointed sa gano'ng posisyon.
"But isn't that club dear to you?" I asked. "Hindi ka ba nanghihinayang na baka mawala ang isang bagay kung saan
marami kang nagawang alaala? Paano na ang memories n'yo ni Rh-"
My mouth froze before I could finish mentioning the name of his old acquiantance and probably the first friend he
ever had. It has been my own unspoken rule in our apartment and in the clubroom to never speak of her name. Ayaw
kong muling masaktan si Loki kapag naaalala niya ang babaeng 'yon.
"You probably have some questions buried in your mind. Ask away."
For a few weeks now, I have avoided this topic. Ayaw ko na kasing buksan ang sugat na unti-unting naghihilom dahil
baka muli itong humapdi. But there's something I wanna know.
"Do you feel good now? Nailabas mo na ba lahat ng kinikimkim mong galit kay Moriarty?"
There was a brief silence in our living room and I thought he won't be answering my question. "Strangely, the feeling
was far from satisfaction. I should feel ecstatic now that I have exacted my revenge on him, right? Pero bakit ganito? I
feel disappointed. Dahil ba hindi ko siya tinuluyan? O dahil hindi ko inakalang nagawa ko 'yon sa kanya?"
"Maybe that's not how justice should feel like."
For a man who want to bring evildoers to justice, it is kinda out of character for Loki to take the law into his own
hands. Stein had it coming and he himself pressed Loki's berserk button.
"My God! Bakit nakasabit sa kisame ang teddy bear na 'to?"
Dahil sa sobrang seryoso ng usapan namin ni Loki, hindi namin napansin ang pagpasok ni Tita Martha sa aming unit.
May dala-dala siyang isang platter ng sandwiches na ipinatong niya sa mesa.
"Pasensya na, tita, bored kasi si Loki kaya naisipan niyang pag-trip-an ang teddy bear ko."
"Correction, it's MY teddy-"
"MUKHANG BUSY kayo ngayon, tita? Anong pinagkakaabalahan n'yo?" Mabilis akong sumingit bago pa matapos
ni Loki ang kanyang hirit. Ayaw ko nang balikan ang topic tungkol sa kawawang teddy bear.
"Kinailangan ko kasing ipaayos 'yong antenna ng cable sa bubong," inalis ni Tita Martha ang mga kalat sa mesa. "O
hayan, magmiryenda muna kayo."
Kumuha ako ng isang sandwich habang tiningnan lamang ni Loki ang pagkain sa harapan niya. Either wala siyang
ganang kumain o mas gusto niyang tapusin muna ang kanyang binabasa.
"By the way, Lorelei, busy ka ba bukas ng hapon?" tanong ni tita.
Nginuya ko muna at nilunok ang pagkain sa bibig ko bago sumagot. "Free ang schedule ko tomorrow after class. Bakit
ho?"
"Ah! Wala, naitanong ko lang," nakangiti niyang tugon. Pero pakiramdam ko, may itinatago siya sa likod ng kanyang
ngiti. "O ubusin n'yo itong mga sandwich at huwag n'yong kakalimutang tanggalin sa pagkakasabit ang teddy bear na
'yan, ha? Baka biglang bumigay ang kisame."
Pagkaalis ni Tita Martha, kumuha pa ako ng isang sandwich.
"Now it's my turn." Ibinaba ni Loki ang hawak niyang libro at tumitig sa akin. "Are you free this weekend?"
"I don't have anything on my schedule. Why?"
"I'd like to invite you for a date."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Kaagad akong kumuha ng isang basong tubig sa kusina at diretsong
ininom ito. After wiping my mouth clean, I returned to my seat and asked, "Are you serious? Or is there a punchline
waiting for me?"
"Just kidding~" he replied nonchalantly. I knew he was joking. The Loki that I know wouldn't invite someone for a
date. He had no time for any romantic inclination. He would rather lock himself in a room and solve puzzles than go
out and eat dinner with someone.
"Pero seryoso ako sa tanong ko kung free ka ngayong weekend."
"Bakit ba?"
"An acquaintance of mine needs my wisdom to solve a seemingly bizarre case. We both owe him a favor so he
deserves our help."
Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. "Teka, in what way did I owe that person anything? I don't even
know any acquaintance of yours."
"You will find out soon."
I thought he would elaborate the request but he fell silent and continued reading the book.
Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa aking kwarto para magpalit ng damit.
***
Kinabukasan, pagkatapos kong mag-ayos para pumasok sa school, nakita kong nakaupo si Loki sa paborito niyang
spot sa couch. Hawak-hawak niya ang kanyang laptop at tila hinihintay akong lumabas ng kwarto. He's not usually
awake around half past six in the morning.
"May lakad ka ba ngayong araw?" tanong ko habang isinusuot ang aking flat shoes. "Magdya-jogging ka ba kaya
maaga kang nagising?"
Without saying good morning or any pleasantries, he approached me and stretched out his arms holding a silver
laptop. "I want you to have this."
My eyebrow raised as I stared at his gadget. "And what am I supposed to do with this thing?"
"Yesterday, you sounded so concerned about the club. Thus I am offering you the club's salvation."
"Gusto mo bang ihampas ko 'yan sa mukha ni Luthor at ng mga kasama niya sa student council?"
He shook his head. Nangangawit na siguro ang mga braso niya dahil hindi ko pa kinukuha ang kanyang hawak. "This
laptop is the Pandora's Box. Once you open it, you can make anyone bow to your will. Kung gusto mong mailigtas
ang club mula pagkaka-dissolve, ang kailangan mo lang gawin ay buksan 'yan."
I took the laptop from him and opened it. A window prompted me to input the password. "So paano ko mabubuksan
ito?"
He returned to the couch and crossed his legs. "There won't be any fun if I tell you right away. Why don't you try to
deduce it?"
Inasahan ko nang gano'n ang sasabihin niya. Wala akong nagawa kundi titigan siya nang ilang segundo. He must be
joking. How could I possibly deduce his password if there are an infinite number of possible combinations?
"My laptop has a nine-digit code. When decrypted, those numbers will reveal the word DETECTIVE. Sounds easy,
right?"
Ilang beses akong napakurap at pilit na in-absorb ang mga pinagsasabi niya. "So you encrypted the word
DETECTIVE into a numerical code and set it as your password?"
"Anyone will have a hard time figuring it out," he replied. "I expected that one day, the club will be in danger of being
dissolved so I prepared a dossier that will turn the tables in our favor. And that day has come! The salvation of our
club is now in your hands."
Wow. Thanks for giving me that task. "Any clue that might help me?"
"Try Mary Had A Little Lamb."
Though I still don't understand why he mentioned that children's song, I took his laptop with me and left the
apartment. Napakabigat ng responsibilidad na ibinigay niya sa akin. If it's true that this laptop could save the club,
bakit kailangan pa niyang i-withhold ang kanyang password at pahirapan ako? Some problems have simple solutions
but Loki always wants to pursue complex methods to arrive at the answer.
I spent the whole morning scribbling the possible combination for the password. The simple substitution, the use of
base eight-I tried all codes we have encountered so far. My effort yielded some results, however, I do not know how
the clue could be connected to the numbers.
By lunch time, I went to our clubroom and reviewed my notes. The first number combination is based on a simple
number substitution cipher. Letter A is 1, letter B is 2, letter C is 3 and so on and so forth. For letters substituted with
two-digit numbers, I combined them para maging isang digit sila. Following that logic, for example, the letter M
which is substituted by the number 13 will become 4.
4 5 (2) 5 3 (2) 9 (4) 5
"The password is incorrect. Two attempts left."
Wh-What?! Meron palang limit kung ilang incorrect password ang pwedeng ilagay! Loki should have told me earlier
that I'm only given three tries. What would happen if all my inputs are incorrect? Will this laptop self-destruct or will
the files inside be deleted?
Looking at the next set of passwords-which are quite many-I can't pick a random combination and enter them on the
box. I'm still thinking over the clue that Loki gave me. How could a children's song help me encrypt the word
DETECTIVE? Could the encryption key be a date shift cipher? When was that song composed? No, it's not a number
substitution cipher so I can't use it.
Inilabas ko ang aking phone at inilagay sa keypad screen nito. Kailangan ko nang humingi ng dagdag na clue mula
kay Loki para ma-unlock ko na ang laptop niya. I do hope that he would give me something helpful.
I was typing his number when a thought occurred to me. Aside from being a children's song, Mary Had A Little Lamb
is also the tune of Moriarty's number when dialed. Each number key has a corresponding note.
If memory serves me right, his number is 0921-654-5666. Sinubukan ko siyang i-dial at pinakinggan ang tune.
Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bop!
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung bakit ito ang binigay na clue. Muli kong ibinalik ang
atensyon ko sa keypad screen kung saan naka-arrange ang mga numero mula one hanggang nine. Sa ilalim ng bawat
number, may mga nakalagay na letra.
Hawak-hawak ang aking phone sa kaliwang kamay, sinimulan kong mag-type sa laptop habang pasulyap-sulyap sa
keypad screen.
3 3 8 3 2 8 4 8 3
Click!
"Welcome, Loki Mendez!"
Nakahinga na ako ng maluwag matapos tanggapin ang password. Kaya pala nabanggit niya ang children's song bilang
clue. Every number key has a corresponding note. In the case of Loki's password, every number has corresponding
letters. Kinailangan kong piliin kung saang numero nabibilang ang bawat letra ng salitang DETECTIVE.
There was nothing on Loki's desktop except for the black background and the folder at the center named "Pandora's
Box." Talaga nga yatang pinanindigan niya ang Greek mythology reference na 'yon. That would mean hell will break
loose once I open that folder.
Click!
The new window that greeted me had a number of sub-folders with unfamiliar names. I randomly clicked a folder and
what my eyes saw next made me gasped.
Kaagad kong isinara ang laptop at huminga nang malalim. What was seen cannot be unseen. I never thought na gano'n
ang laman ng bawat folder. Now I understood why Loki called it the Pandora's Box. I immediately regretted taking a
peek at their contents!
This reminded me of a case we solved a few weeks ago. I have a gut feeling that Loki, after retrieving that device that
can spell doom to anyone, copied its contents in his laptop so he could use them to his advantage one day.
Now that day has come and it's up to me whether I will save the club or not... through a repugnant method.
***
"I'm doing this for the club," I kept telling myself while walking across the hallway. Pagkatapos ng aming afternoon
period, nagmadali akong nagtungo sa office ng High School Supreme Student Council para kausapin si Luthor.
Iniwan ko muna ang laptop sa clubroom pero dala-dala ko ang isang envelope kung saan nakapaloob ang mga ipina-
print ko kaninang lunch time.
Nang makarating ako sa tapat ng kanilang pinto, ilang beses akong kumatok bago ako pinagbuksan.
"Yes?" tanong ng isang babaeng naka-ponytail. If I remember correctly, siya 'yong secretary na inutusan dati ni
Luthor na tawagin si Margarette noong araw na dinukot si Jamie.
"I need to talk to the vice president."
"Sorry pero may meeting kami ngayon. Ire-relay ko na lang sa kanya ang gusto mong sabihin."
Napailing ako. "No, I have to talk to him in person. It's an urgent matter."
"Pasensya na talaga pero-"
"Is there any problem, Jessica?"
Hindi ko pa man nakikita si Luthor, nanindig na ang balahibo ko sa boses pa lang niya. Bigla siyang nagpakita sa
likod ng kausap kong babae at binati ako ng walang kaemo-emosyon niyang mukha.
"Lorelei. I didn't expect you to show up here," he said in his usual voice that could send chills to my spine. "What's so
important that you had to pay us a visit after class?"
"Kailangan kitang makausap, Luthor, tungkol sa plano n'yong pag-dissolve sa Q.E.D. Club." Nilakasan ko na ang
aking loob para sabihin sa kanya ang pakay ko. "I have an offer which you cannot refuse."
He stared at me for a few seconds, maybe he's wondering by what I meant with the word "offer." He then let me in
and escorted me to the conference room where the other council members were seated. With just a single nod,
everyone in the room left except for the president.
He pulled me a chair and offered me a seat. "I apologize for the interruption but a member of the Q.E.D. Club needs to
urgently speak with us. She has an offer to make."
The president, whose name I still don't know, stared at me with curiousity. Magkasing-haba ang buhok naming dalawa
pero wavy ang itsura ng kanya.
Napalunok muna ang ako ng laway at nag-ipon ng lakas ng loob. "Gusto kong siguruhin n'yong hindi madi-dissolve
ang aming club. Narinig ko kay Luthor na plano n'yong pagdesisyunan kung ano ang dapat gawin sa club namin
pagkatapos ng insidente sa coffee shop."
"But that's not something we can control," sabi ng president na may malambing na boses. "Pagbobotohan namin bukas
kung dapat pa bang i-retain ang inyong club. Hindi namin pwedeng diktahan ang choice ng bawat isa."
Napasulyap ako kay Luthor na nanatiling tahimik at pinapanood ang palitan namin ng salita ng presidente.
"Kaya nga may offer ako sa inyo para masiguro n'yong majority ang hindi papayag sa pag-dissolve ng club," I
continued, sliding the brown envelope across the table. I watched the president as she opened it. Luthor remained
unmoving, staring at us with his hawk-like eyes.
Nanlaki ang mga mata ng president at bahagyang bumuka ang kanyang bibig habang tinitingnan ang mga larawang
laman ng envelope. "W-Wait a minute. These are-"
"Do you still remember Charles Meliton, the one who tried to extort money from you in exchange for not leaking
those photos?" My arms crossed over my chest as I savor the shock on her face. "Kapag natuloy ang pagka-dissolve
ng aming club bukas, expect that those photos will be posted by an anonymous user via social media."
"You think this is enough to control us?" At last, Luthor broke his silence. "You seem to have misread us, Lorelei."
"Meron pa akong hawak na photos ng mga kasama n'yong student council officers at mga miyembro ng executive
committee. I did a quick research and found out that some of you are from influential families. Can you imagine the
damage to be done to their families' honor once those compromising photographs get leaked?"
Never in my life have I ever imagined that I would resort to this vile method. Ayaw kong i-blackmail sila para
pumabor sa amin ang desisyon pero sa ganitong sitwasyon, ang mga maruruming taktika ni Loki ang effective.
Nanginginig nga ang mga tuhod ko habang pinagbabantaan sila, senyales na hindi bukal sa loob ko ang aking
ginagawa.
There was a deafening silence as the two high-ranking students exchanged glances. There was something in their
stares that tell me they are communicating telepathically, deciding whether they should accept my offer or not.
"I never thought that you would use the method of Loki to bring us to our knees," Luthor gazed at me with his dull
eyes. "Regarding your offer, we need a guarantee that you will not leak those photos if we vote in favor of your
position."
"You have my word."
He stood and extended his left arm to me for a handshake. "Then it's a deal."
Now that the club is saved, my business with the student council has concluded. Pagkalabas ko sa kanilang opisina,
parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan at nakahinga na ako nang maluwag.
I never imagined that I would be attached to that club. I also never imagined that I would go to such lengths to protect
it.
BEEEEP! BEEEEP!
The moment I felt the vibration in my pocket, I quickly took out my phone and saw Tita Martha's name flashing on
the screen. Kaagad kong sinagot ang kanyang tawag.
"Hello, tita? Mabuti't napatawag ho kayo?"
"Nasa school ka pa ba? Nasa coffee shop ako malapit sa campus n'yo. Diogenes Cafe yata ang pangalan. Pwede mo ba
akong puntahan?"
Hearing the name of that shop reminded me of the confrontation between Loki and Stein. What a coincidence na roon
gustong makipagkita ni Tita Martha. Pero ang nakakapagtaka, bakit nandoon siya? Gusto niya bang magmiryenda
muna o tikman ang best-selling latte nila?
Kinuha ko muna ang laptop ni Loki sa aming clubroom bago ako tuluyang umalis ng campus. Dahil nasa kabilang
side ng kalsada ang meeting place namin ni tita, hindi ako natagalan bago nakarating doon.
Ang una kong napansin, parang walang tao sa loob. Bakante ang mga upuan at mesa pero hindi naman nakasabit ang
"SORR WE ARE CLOSED" sign nila. Sa ganitong oras kasi, dapat dagsa na roon ang mga estudyanteng gustong
mag-chill after ng isang hectic na araw.
Pagbukas ko sa pinto, naramdaman ko ang malamig na hanging bugso ng aircon. Pero kumpara noong last time na
pumunta ako, tila mas dumoble ang lamig at biglang nanginig ang mga braso't tuhod ko.
Dahil wala ngang tao rito, mabilis kong nahanap si Tita Martha na nakaupo... at may kasamang isang lalaking
nakatalikod. Gaya ng naramdaman ko kay Luthor kanina, nanindig ang mga balahibo ko.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanilang mesa habang pinagmamasdan ang lalaking kasama ni tita. He had
some strands of white hair, probably in his fifties. His black suit and the rolex watch on his left wrist indicate that he is
a man of means. There's also a cup of tea on the table.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang profile ng kanyang mukha. Tita Martha's question
yesterday if I'm available this afternoon, the empty seats in the cafe, the chilling atmosphere here, the choice of tea on
the table-I should have realized sooner that I was lured into a trap!
"Ti-Tita, anong ibig sabihin nito?" Hindi na ako nag-hi o hello sa kanya dahil napangunahan na ako ng kaba. I shot a
sideward glance at the man who was reading a magazine. Kahit nasa tabi na niya ako, parang hindi ako nag-e-exist sa
paningin niya.
"We need to talk in private," sabi ng lalaki. "Thank you, Martha. You can now leave."
Tinapik ako sa balikat ni tita at nginitian ako. Akala niya siguro'y natutuwa ako sa surprise na inihanda nila para sa
akin.
"Take a seat," the man gestured at the vacant chair on the other side of the circular table.
Gusto kong tumakbo palabas, pero hindi nagawa ng mga binti ko. Sinunod ko na lamang ang gusto niya at umupo sa
harapan.

Meet my dearly beloved father, Walter Rios. If there's an award for the best dad in the world, he won't probably win it.
Ilang buwan ko na ba siyang hindi nakikita? Dalawa o tatlo? I lost track of it.
"Would you like tea or coffee?"
"Neither," sagot ko. Hindi ko maiwasang mapakapit sa aking mga tuhod para makontrol ang panginginig ng mga ito.
After how many months of no contact, he would just appear before me.
"Anong ginagawa n'yo rito? Naligaw ba ang driver n'yo?"
He flipped the page of the magazine and, without looking at me, answered, "I met with a valued client yesterday.
Since I'm in this city, I thought I would check up on you. The last time I went here, you were busy with school
activities so-"
"So you decided to pay me a surprise visit, huh? And you conspired with my aunt to pull this off?"
Kinuha niya ang teacup sa mesa at hinipan ito bago uminom. It must be his favorite chamomile tea.
"Hindi naman kayo pumunta rito para kumustahin lang ako, tama?" I asked. "Pwede n'yo naman akong i-text o
tawagan para itanong kung buhay pa ako. O baka na-delete n'yo na ang number ko?"
For the first time since I arrived in this cafe, our eyes finally met. Ibinaba niya ang binabasang magazine at inilabas
ang kanyang phone. May ilang pagpipindot muna siyang ginawa sa screen bago niya ipinatong ito sa mesa.
Curious with what he wanted to show me, I took a peek at the phone screen. To my surprise, it was something I had
seen before-Loki's assault on Stein that happened in the cafe we are in. Ang alam ko, na-delete na ang video na 'yon sa
internet kaya paano siya nagkaroon ng kopya?
"This isn't the first time you were seen in a video scandal," my father's deep voice reminded me of Luthor's. "Months
ago, I sent you here in Pampanga because I thought you will keep yourself away from trouble. It turned out that I was
wrong."
"Sa-Saan n'yo-"
"Alistair brought it to my attention." I gulped at the mention of my childhood friend's name. "He told me that you have
acquainted yourself with the violent young man in the video. I can't help but feel disappointed in you."
Nakakurap na lamang ako at lalo pang humigpit ang kapit sa mga tuhod ko.
"In light of recent events, I want you to return to your previous school," my father continued after sipping his tea.
"Alistair may have already told you that those who were responsible for that incident have been expelled. I can talk to
my friends in the school's board of directors so we could arrange your immediate transfer."
I shook my head. "No, I don't want to return! Matapos n'yo akong ipatapon dito, ngayon, kukunin n'yo ako ulit?"
"I must admit that I wanted you out of sight after that incident. But considering what happened here, it would be better
if you were within my reach."
"I'm not a child anymore, dad," I replied, trying to maintain my composure. "I won't allow you to control my life
again."
He then smirked as if I said something funny. "Alistair was right. You have grown too stubborn. Is it because of the
young man in the video? Is he the reason why you want to stay here?"
"Loki has nothing to do with my decision!"
"Loki..." he muttered as his eyes narrowed into slits. "What a coincidence."
My eyes shot him a curious look. I was about to ask what he meant by his last remark but he cut me short.
"I already expected that you would insist on staying. I believe there's nothing I could say to change your mind."
Dahil wala na ring patutunguhan ang usapan namin, tumayo na ako. "Since you failed in convincing me, I'd like to
leave now. Thank you for wasting my time, dad."
Iniwan ko siyang iniinom ang paborito niyang tsaa at naglakad ako patungo sa exit. Bago ko pa maitulak ang pinto,
may pahabol siyang hirit.
"By the way, what do you think of Alistair? Do you think he's a perfect match for you?"
Ignoring his question, I walked out of the cafe, leaving that old man behind.
It may have been a while since the last time we talked face to face. But my dad hasn't changed a bit. He can't even say
my name-not even once-throughout our conversation.
###

Volume 2 • Chapter 22: The Petrarchan Connection


LORELEI

THE SMELL of the garlic from the kitchen woke me up today. I could hear the striking of the spatula to the metallic
frying pan. Obviously, someone's cooking. But who?
Not even once have I seen Loki cook anything. Ni hindi nga siya marunong magprito ng itlog o hotdog. Lagi siyang
umo-order sa mga fast food chain kapag walang dinadalang pagkain sa amin si Tita Martha. Kaya imposibleng siya
ang nakagising nang ganito kaaga para magluto.
Could it be Tita Martha? Possible, pero may sarili siyang kusina kaya bakit kinailangan niyang magluto sa mismong
stove namin? And she would not barge into our unit unannounced.
Could it be my great father? My aunt could give him access to our unit but I doubt he would waste time cooking for
her daughter. Hindi ko nga alam kung marunong siyang magluto dahil laging mga kasambahay namin ang naghahanda
ng pagkain.
To clear my head of this early morning mystery, I got off my bed and exited my room. Rubbing the sleep from my
eyes, I turned to the kitchen and noticed a young woman standing before the stove and frying a couple of eggs. Seeing
her long braided hair, I realized who it was-Jamie Santiago.
"Good morning, Jamie," I said as I walked to our bathroom door.
"Good morning too, Lorelei!" she greeted me with a warm smile. I don't know if it's genuine or not. "Did you have a
good night sleep?"
"Yeah, I did. Thanks to-"
Wait. Something's not right here. I traced my step backwards and stared into the slim figure of my companion. My
eyes then roamed around the kitchen, a bit confused if I was still in our apartment unit. The familiar arrangement tells
me that I am.
Now only one question remains: What in the world is Jamie Santiago doing in our apartment?!

"Gusto mo na bang mag-breakfast?" nakangiting tanong ni Jamie. "I prepared meals for three."
My eyes blinked for a couple of times. Kinailangan ko ring kusotin ang mga mata ko para makasigurong hindi ako
nananaginip o nag-iilusyon lang.
"You must be surprised that I'm here." Inilagay niya sa mesa ang isang plato ng fried rice at mga itlog. "Loki let me in
last night when you were already asleep."
"Last night? So dito ka natulog?"
"I also brought my uniform para dito na ako makapagbihis." Sunod niyang kinuha ang mga kubyertos at inilapag ang
tatlong plato sa mesa. "Kung pwede lang, dito na rin ako mag-i-stay kasama si Loki. Don't you think that's a good
idea?"
After how many days of not seeing her, Jamie pops up in our very home and cooks breakfast for us. What was she up
to the past few days?
"You two seem to be getting along."
Tumalikod ako't nakita si Loki na kakalabas lang ng kanyang kwarto habang humihikab pa. Kinukusot din niya ang
kanyang mga nakasarang mata.
"Good morning, Loooooki!" dumikit nang parang linta si Jamie sa kasama naming lalaki at hinila patungo sa mesa
kung saan nakahanda na ang agahan. They looked like a young couple who started living in.
"Your knitted eyebrows tell me that you have a question," sabi ni Loki. There's no need to say my thoughts out loud.
"You were probably surprised to see Jamie in our apartment. Just so you know, she begged to stay here until the sun
rises."
"Obviously, that would mean na natulog siya rito. Where did she sleep?"
"I offered our cozy couch to her but she insisted on sleeping in my room."
"So natulog siya sa kama mo habang ikaw ay natulog sa sahig?"
"Why would I sleep on the floor?" Loki scoffed. "We shared the same bed."
I stared blankly at Loki, my eyes blinking. Then I shifted my gaze to the girl who was smiling widely as if she had
won the war. Seryoso ba ang dalawang 'to? Or are they pulling a prank on me?
"You two... slept together?"
"Something wrong with that?" walang kaemo-emosyong tanong ni Loki. "Is there a law prohibiting a boy and a girl
from sleeping on the same bed?"
"Wala pero kayong dalawa... natulog sa isang kama... ibig sabihin..."
"Do you really wanna know what happened last night?" Jamie teased, keeping the grin on her lips. "It was fun
actually."
Before she could continue teasing me, I strode off to the bathroom, rolling my eyes. Gusto kong takpan ang mga tenga
ko para hindi ko na marinig ang mga sunod na lumabas sa kanyang bibig.
I can't believe what the hell was happening.
***
Matapos kong makaligo at makapagbihis, kaagad na akong umalis sa aming apartment. Nawalan ako ng ganang
kainin ang breakfast na inihanda ni Jamie at wala rin ako sa mood para makasabay sila sa pagpasok.
Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko si Rosetta na nakalupong kasama ang iba kong kaklase. Kahit na naku-
curious ako kung ano ang pinag-uusapan nila, hindi ako nakikitsismis. Rosetta always tells me the latest "tsismis" in
our class so there's no need to stick my nose into other people's business.
Umupo na lamang ako at nagsimulang magbasa ng notes ko sa Math. Ilang segundo ang lumipas, gaya ng inaasahan,
lumapit sa akin si Rosetta.
"Hey, Lori! Narinig mo na ba ang tsismis?"
"Hmm?" Napataas ang kaliwa kong kilay. "Anong meron?"
"Napadaan kasi ako sa faculty room kanina at nakita ko ang adviser natin na may kausap na lalaking estudyante. At
first, I didn't pay too much attention pero narinig kong magta-transfer daw siya sa class natin!" Rosetta sang in glee. I
don't know why she's so excited about this news.
"Pero nasa kalagitnaan na tayo ng semester. Tumatanggap pa pala ang school ng transferee?"
"Baka special case ang lalaking 'yon. In fairness, may itsura siya at may killer smile."
Now I get it. They are all excited about a handsome boy transferring to our class. Maybe I am one of the few students
in this class who's not looking forward to meeting that guy.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok na ang class adviser namin kaya tumahimik ang mga nagtsitsismisan kong
kaklase. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan at umupo nang maayos.
"Good morning, class!" bati ni ma'am matapos ipatong sa mesa ang mga dala-dala niyang libro. "Before we start our
homeroom session, I have a few announcements to make. First, let me introduce to you someone who will be with us
starting today."
Rosetta, who was seated next to me, turned to my direction and muttered, "Ayan na siya!"
Uninterested, I chose to focus on my notes than waste another second of my life on the transferee. Dahil na rin siguro
sa ilang buwan ko nang kasama si Loki, nahawa na ako sa I-don't-care attitude niya sa ibang tao.
Narinig ko ang mga mabibigat na yabag ng lalaki pero hindi ko pa rin naisipang iangat ang ulo ko para tingnan siya.
"Good morning. My name's Alistair Ravena."
"Alistair?" I murmured as I turned the page of my notebook. "What a nice name."
Wait. Alistair? Parang pamilyar ang pangalan na 'yon, a. Pati 'yong boses ng nagsalita.
My head tilted up and shifted my gaze to the student standing before the whole class. Nabitawan ko ang aking
notebook nang makita ng mga nanlaki kong mata ang mukha ng lalaking 'yon.
It was Alistair Ravena, my childhood friend! I couldn't believe what I was seeing. He's in Manila! So what in the
world is he doing here?
Kanina, si Jamie. Ngayon, si Al. How many surprises are in store for me today?
"Alistair's recently transfered here from Manila. Please be good to him, okay?" nakangiting sabi ni ma'am na
nakahawak sa balikat ng transferee. "Gusto mo bang maupo roon sa likod ni... ano nga kasi ang name mo? Miss Rios,
right?"
Hindi na umangal pa si Al at dire-diretsong naglakad sa mga row ng upuan. Ang ilan sa mga babae kong kaklase,
nakatitig sa kanya at halos tumulo na ang laway. I made a stifled response when he passed by my seat. Sa sobrang
pagkagulat ko, hindi ko alam kung paano ako magre-react.
Sa buong homeroom session namin, hindi ko pinansin ang lalaking nasa likod ko. Kunwari hindi siya nag-e-exist. Si
Rosetta naman, hayun, kaagad nakipag-close kay Al.
Hinintay ko munang matapos ang first period namin bago ko nilapitan si Al. Busy siya sa pagsusulat sa kanyang
notebook nang bigla kong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya palabas ng classroom. I didn't care if my other
classmates would make a fuss over my sudden action.
"Grabe, napaka-aggressive pala ni Lorelei!"
"Sa guwapo ba naman niyang si Alistair, kahit ako magdada-moves na ako!"
Maging si Rosetta, halos malaglag ang panga dahil sa ginawa ko. Tinawag niya ang aking pangalan pero hindi ko na
muna siya pinansin.
Siniguro ko munang medyo malayo na kami sa classroom bago ko simulang kausapin ang lalaking 'to. I do not want
my classmates to eavesdrop on our conversation. Hindi nga nila alam na magkababata kami at dating magka-
schoolmate ni Al.

"Sa ganitong paraan mo ba ako balak batiin, Lori?" nakangiti niyang tanong matapos kong bitawan ang kanyang
braso. "Hindi mo man ako nginitian nang dumaan ako sa tabi mo."
"First things first: What are you doing here? Did my dad send you?"
"Do you think I'm a dog to do your father's bidding?" he replied. "I'm not here under anyone's orders. I'm here because
of you, Lori."
"Be-Because of me?"
He shot a sideward glance on students passing by and waited until they were gone before continuing. "Ever since I
watched that video, I have become worried about you."
He must be referring to the one where Loki assaulted Stein Alberts. Which he showed to my father, by the way.
"I thought you got yourself in some deep trouble for being associated with that detective guy," he continued. "Gusto
kong siguruhin na hindi na ulit mangyayari sa 'yo ang nangyari noon."
Napakuyom ang mga kamao ko at halos bumaon ang aking mga kuko sa palad ko. It was a topic that I have always
avoided since I transfered here in Pampanga. Whatever happened that night, I do not want to remember anymore.
"Are you here to protect me... again?"
"As always, Lori."
The tension I felt on my shoulders eased a bit as my fists unclenched. Wala na rin akong magagawa dahil nandito na
siya.
"By the way, I'd like to meet that detective guy and visit your detective club," sabi niya nang nagkaroon ng awkward
silence sa pagitan naming dalawa. "It's been weeks since I last saw him."
Medyo nagdalawang-isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang current status ni Loki. But knowing him, he
would definitely find out sooner or later so I better break the news to him.
"He's been indefinitely suspended while the school admin is investigating what happened in that video."
Napahaplos sa kanyang baba si Alistair, bahagyang naningkit ang mga mata at napatingin sa ibang direksyon. "His
name is Loki, right? Could it be..."
"Hmm?"
"Ah, nevermind. Balik na tayo sa classroom? Baka ano pang isipin ng mga kaklase natin."
There's an urge inside of me to ask why Loki's name seemed to ring a bell. Pero sumunod na lamang ako sa kanya
pabalik sa aming klase.
Pagkatapos ng morning period, niyaya ko si Alistair na bumisita sa Q.E.D. clubroom. Kaagad namang nag-react ang
mga kaklase ko, lalong-lalo na si Rosetta, dahil sa biglaang pagiging close naming dalawa ng childhood friend ko.
Shrugging off their remarks, we left the classroom and proceeded to our next destination.
"So this is where your adventures begin, huh?" he commented while roaming around our small room. Naalala ko tuloy
noong isang araw na napabisita si Luthor dito.
"We usually have clients every day. There were some interesting cases."
"Ah! Those written in your blog?"
"Yes-Wait, you are reading my blog?"
Alistair turned to me and beamed a warm smile. "Just recently."
Huminto siya sa may bintana at sinilip ang paligid sa labas. "Tell me, may kinalaman ba sa isa sa mga kasong
iniimbestigahan n'yo ang nangyari sa video? I don't think Loki's the type of man who would assault someone without
any particular reason."
I took a deep breath, thinking if I should also tell him about our pursuit of the elusive Moriarty. I bit my lip as I
reconsidered the thought. In the end, I decided to narrate to him the salient points, beginning from Rhea's death until
our confrontation with Stein Alberts.
"Now I understand why he acted that way. It was a natural response," he said, still standing. Wala yata siyang balak
umupo. "Nevertheless, he should have let justice take its course."
"Unfortunately, no one believes him. There was no evidence to prove that Stein is Moriarty."
"That would mean Stein, once he wakes up from his coma, can go after you two and put your lives in danger, right?"
"That's possible."
"Then I'd like to join this club."
Ilang beses munang napakurap ang mga nakatitig kong mata sa kanya. Seryoso ba siya sa kanyang sinabi?
"Sa ganitong paraan, I will always be there to protect you."
"I don't need protection."
"Then I wanna share the enthusiasm you have for mysteries," he said. "Would that reason be enough?"
The decision whether to accept new members or not is the responsibility of the club president. Loki has had rejected
some membership applications before-one of them was Rosetta-but since he's suspended and I am acting on his
behalf, I could make crucial decisions for the club. Pero dapat siguro'y konsultahin ko muna siya kung gusto niyang
makasama si Alistair. Kung papayag siya, magiging apat na kami sa Q.E.D. Club.
"Maybe I should talk to Loki about your intention," I replied. "I can't really decide for myself."
"Excuse me?" Sumilip ang isang babaeng may buhok na abot hanggang balikat sa siwang ng pintuan. Sinabayan niya
pa ito ng tatlong sunod-sunod na katok kaya nakuha niya ang atensyon namin ni Al.
Her face was familiar and I knew I have seen her before. If I remember correctly, she's the literary editor of Clark
Gazetta-Agatha Cortez.
"Good afternoon, Lorelei! Do you still remember me?" tanong niya. Nakita kong may bitbit siyang ilang papel at mula
sa kinatatayuan ko, may mga nakikita akong nakasulat na red marks sa ilang bahagi nito. She's probably editing the
pieces submitted to her.
"Yes, of course," nakangiti kong sagot. "Please take a seat."
"Ah, hindi na kailangan. Hindi rin naman ako magtatagal dito." Lumapit siya sa may mesa at napatingin sa kasama
kong si Al. She's probably wondering why an unfamiliar face is inside the clubroom.
"By the way, he's Alistair Ravena, a potential member of our club," I gestured to my classmate who shook hands with
the literary editor. "What brings you here?"
"Gusto sana kitang i-inform na tapos na ang draft ng literary folio namin where some of your blog entries were
featured." Iniabot sa akin ni Agatha ang mga hawak niyang papel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-
layout na ang mga isinulat ko. Some words were either encircled or crossed out and replaced with another word.
"Medyo na-delay ang pag-process nito dahil sa nangyari two weeks ago. Doon sa kasama mo," dagdag ni Agatha,
bahagyang humina ang kanyang boses. "Kinailangan pang i-defend ng editor-in-chief sa admin kung bakit kailangang
ma-publish ang mga gawa mo despite what happened."
Sa pagkakatanda ko, avid reader daw ng aking blog ang kanilang editor-in-chief. Maybe that's why he did everything
to have my works published.
"Mapa-publish na 'yan next month kaya gusto ko sanang ipakita muna sa 'yo bago ipadala sa printing press."
Gusto kong magtatalon sa saya. Al was smiling at me, muttering the word "Congratulations." Ako naman, minadaling
tiningnan ang bawat page ng draft. Mukhang 'yong mga story ko lang ang ipinapakita ni Agatha kasi nag-jump ang
mga pahina.
"By the way, busy ba kayo ngayon?" tanong ni Agatha matapos ang ilang sandaling katahimikan. "As a Q.E.D. Club?"
Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Dahil wala pa si Loki rito, hindi pa kami tumatanggap ng mga request. Bakit?"
"Uhm..." Tumingin sa kabilang direksyon si Agatha at napakagat ng labi. Nag-aalangan siguro siyang sabihin sa amin
kung ano ang nasa isip niya. "May panibagong misteryo na naman kasi sa isa sa mga staff namin."
The first time we met in this same room, may ni-refer din siyang kaso sa akin about a contributor who was found dead
in his room. Ano naman kaya ang nangyari ngayon?
"Kung may time kayo, gusto n'yo ba akong samahan sa editorial office? Mas mabuti siguro kung ang editor-in-chief
mismo ang magsasabi sa inyo ng buong nangyari."
Nagkatinginan muna kami ni Al at kahit walang lumabas ni isang salita sa mga bibig namin, mukhang
nagkaintindihan kami at sabay na tumango. Though Loki may not be around, as the club's acting president, I have the
authority to accept request. At isa pa, pwede ring ma-test ang kakayahan ni Al sa paglutas ng mga kaso. Not that I'm
doubting his skills. He may even be superior to me.
On our way to Clark Gazetta's office, magkapantay ang lakad namin ni Al habang nasa unahan si Agatha, binabati ang
mga nakakasalubong niyang prof.
"Ito ba ang magiging qualifying exam ko sa club?" pabulong na sabi ni Alistair pagkaliko namin sa hallway.
"Pwede. Pero mas mabuti sana kung nandito si Loki para personal niyang makita ang performance mo."
Hile-hilerang mesa ang nadatnan namin sa opisina ng student publication. Abala ang lahat ng mga writer at editor na
nadaraanan namin sa kani-kanilang mga article. Sa bandang dulo ng room, meron isang cubicle kung saan nakalagay
ang signboard na EDITOR-IN-CHIEF.
Agatha knocked on the door before swinging it open. "Gus, nandito na ang mga taga-Q.E.D. Club."
Napalunok ako ng laway bago ako tumuloy sa loob. I haven't seen the face of the chief editor nor his shadow. Siguro
siya 'yong mukhang istrikto at malalim ang eyebags dahil sa sobrang dami ng article na nile-layout at ine-edit.
But it was the exact opposite. His face wasn't that serious, he was actually welcoming. He even greeted us with a
smile. He had a swept-back hair and a pair of circular spectacles lie before his jetblack eyes.
Tumayo pa siya para iabot ang kanyang kamay sa amin. "At last! It's nice to meet you face to face, Miss Lorelei. I'm
an avid reader of your blog. My name's Augustus Moran. But you can call me Gus."
I replied with an awkward smile while shaking his hand. Hindi talaga ako marunong mag-react sa mga ganitong
sitwasyon.
"And you must be?" Gus shot a curious look at my companion. "You are not Loki, aren't you?"
"Alistair Ravena, a member-in-training of the Q.E.D. Club," nakangiting sagot ni Al. "Pleased to meet you."
"Pleasure's mine." The editor-in-chief gestured to the vacant chairs before his wooden desk. "Have a seat."
"Sinabi ni Agatha na may gusto kang ikonsulta sa amin na problema," panimula ko nang makaupo na kami ni Al.
"Pwede ba naming malaman kung ano 'yon?"
May inilabas na folder si Gus mula sa drawer ng kanyang desk at ibinigay ito sa akin. "Dahil papalapit na ang release
ng folio, puspusan na ang preparation para dito. Tuwing may meeting, lahat ay present maliban sa isang female
literary writer namin na ilang araw na naming hindi nakikita."
"Kung gano'n, isang case of abduction?"
"I don't know kung masasabi mong dinukot talaga siya. Here's what's strange. Kahit na hindi siya nagpapakita sa
amin, nagagawa niyang mag-submit ng mga tula para sa folio. Tinanong namin via email kung bakit hindi siya nag-a-
attend ng mga meeting. Ang sabi niya, wala raw kaming dapat alalahanin."
"Baka may sakit siya?"
"We considered that possibility pero recently, nalaman namin na hindi na rin siya pumapasok sa klase niya the past
few days. Wala man siyang sinabihan sa mga kaklase niya o maging ang teacher niya kung bakit siya absent."
"Ang mas weird pa riyan ay ang mga sinubmit niyang tula," dagdag ni Agatha na nanatiling nakatayo sa may pintuan.
"Meron kami kasing theme na sinusundan sa folio. Pero ang lahat ng sinend siya via email ay malayo sa category na
sinet ko."
"Nasubukan n'yo na ba siyang tawagan? O puntahan sa bahay niya?" tanong ni Al.
"Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi niya sinasagot," kwento ni Agatha. "Pumunta ako sa dorm na
tinutuluyan niya pero sabi ng mga kasama niya, hindi pa raw siya umuuwi ilang araw na ang nakalilipas. Wala na rin
ang mga parent niya kaya wala siyang ibang posibleng puntahan."
The narrative reminded me of the Stein Alberts abduction case and somehow, I'm getting a bit of Moriarty vibes here.
Pero imposibleng sangkot dito ang criminal mastermind dahil sa pagkakaalam ko, naka-comatose pa siya hanggang
ngayon.
Binuksan ko ang binigay na folder ni Gus at bumungad sa akin ang dalawang piraso ng papel na may nakasulat na
tula. I gave Gus a questioning look which prompted him to explain.
"Those are the poems written by our literary writer. Agatha and I were thinking that despite knowing the themes for
the folio, our writer intentionally sent those poems to send a message."
Isa-isa kong binasa ang mga tula habang nakatingin lang si Al sa akin.

"They make perfect sense to me," I commented as I passed the poems to Al so he could have time to examine them.
"Bakit inisip n'yong may kakaiba sa tulang sinubmit niya?"
"Ni minsan kasi, hindi pa sumulat ng romantic poem ang writer namin," paliwanag ni Agatha. "At isa pa, ang theme
para sa dalawang 'yan ay patriotism at horror. Malabo namang magkamali siya ng sinend sa amin."
"I guess you were right."
Sabay-sabay kaming lumingon kay Alistair na kakatapos lang basahin ang dalawang tula. The three of us made a
what-do-you-mean face.
"This is an SOS message from one of your writers. And she needs saving," tugon sa amin ni Alistair.
"That would mean na tama ang hinala namin?"
"Pero paano ka nakasisiguro na SOS nga 'yan?"
Lumapit si Al sa desk at ipinatong sa mesa ang dalawang tula. "Sa unang tingin, mukhang normal ang mga tulang ito
at posibleng nagkamali siya ng sinend sa inyo. Pero sinadya niya ito para magpahatid ng mensahe."
Sunod niyang inilabas ang kanyang pen mula sa chest pocket niya. "Pamilyar ba kayo sa mga uri ng rhyme schemes?
Kagaya ng Petrarchan sonnet?"
"Napag-aralan na namin 'yon sa English class namin. Which reminds me, mahilig gumamit ng Petrarchan sonnet
rhyming scheme ang writer na 'yan."
Hindi ako gano'n kapamiyar sa mga rhyming scheme kaya naisipan kong itanong kung ano ang tinutukoy nila.
"May sinusundang scheme ang Petrarchan sonnet na may fourteen lines: a-b-b-a-a-b-b-a-c-d-e-c-d-e. Kahit hindi
sinundan ng missing writer ang strict format nito, sinunod naman niya ang rhyming scheme," panimula ni Agatha
habang nakakrus pa ang mga braso.
"Ang mga linyang magkaka-rhyme ay nile-label base sa letters ng alphabet," paliwanag ni Alistair sabay turo sa unang
linya ng Searching for A. "Base sa nasabing rhyming scheme, ang first, fourth, fifth at eighth line ng tulang ito ay may
parehong rhyme kaya ile-label natin sila bilang "A." Gano'n din ang gagawin natin sa ibang lines na may parehong
rhyme."
Alistair wrote a letter at the end of every line of the two poems.

"Ngayong alam na natin ang rhyming scheme, ang next clue ay ang title ng dalawang tula." Binilugan ni Alistair ang
mga pamagat. "Searching for A." Ito na siguro ang pinaka-obvious na hint na iniwan ng writer. Ang tinutukoy niyang
"A" ay ang mga linyang nilabel natin sa letrang 'yon. Kailangan natin silang pagsama-samahin. Ang next hint ay ang
clicher: "The First Word." Babasahin natin ang unang salita ng bawat linyang naka-label na "A" para ma-decipher ang
nakatagong message."
Tinupi niya ang parehing tula at pinadikit ang mga ito. Doon namin lubusang naintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Please-Save-Me-From-My-Lover-His-House!" I exclaimed as I shot a wide-eyed stare at my companion.


"Do you know where his boyfriend's house is?" tanong ni Al kay Agatha na nagulat din sa nalaman niyang sagot sa
code.
"Ilang kanto lang 'yon mula rito sa campus. Naitanong ko na rin sa lalaking 'yon kung alam niyang nawawala ang
kanyang girlfriend. Pero sabi niya, mukhang wala namang problema kasi nakaka-text at nakakausap niya pa sa phone.
Kailangan na ba nating tawagan ang Campus Police?"
"Oo pero mas mabuti kung iko-confirm muna natin kung nandoon pa ang writer," sagot ni Alistair. "Kailan ba na-send
ang mga tulang ito? Last night? If her boyfriend decided to transfer her to somewhere out of our reach, the police
efforts would be in vain. If he was any smarter, he might have realized that the poems his girlfriend sent were an SOS
message."
"Anong dapat nating gawin?"
"Pupuntahan muna namin ang bahay ng boyfriend niya at itse-check kung nandoon pa siya. Kapag confirmed na, call
the police and tell them someone was abducted."
"That sounds like a good plan," komento ni Gus na inayos ang pagkakalagay ng kanyang salamin. "We will wait for
your confirmation."
Kumuha ng isang sticky note si Agatha at isinulat ang numero at address ng bahay ng sinasabing boyfriend. "Here it
is. Ang alam ko mag-isa siyang nakatira sa apartment kaya kung meron man siyang in-abduct at dinala roon, wala
kaagad makakapansin."
"Lorelei, do you wanna come with me? Or maybe you should stay behind with them?" tanong ni Alistair.
"Of course, I should also be there as part of the Q.E.D. Club," sagot ko.
"Then see you guys later. We will keep in touch." Pinauna ako ni Alistair na lumabas sa cubicle ng editor-in-chief at
saka niya ako sinundan.
For a moment, I thought Loki was with me dahil siguro pareho sila ng body frame. Pero iba ang aura ni Alistair sa
kanya. My missing-in-action companion would be striding down the hallway with a mischievous smile on his face
after knowing that someone was abducted and things might get interesting. Alistair, on the other hand, had a worried
look plastered on his face and he seemed genuinely concerned for the missing writer.
Imbes na dumiretso kami sa main gate ng campus, dumaan kami ni Alistair sa parking lot. Naalala ko tuloy 'yong
isang kasong sinolve namin noon kung saan may sasakyan 'yong suspek at doon niya inilagay ang katawan ng
kanyang biktima para maipuslit palabas.
Inilabas niya ang kanyang car remote key at itinutok sa kulay puting Subaru na lumikha ng beeping noise. He also
brought his car pala sa Pampanga.
"Get in," he motioned to the passenger's seat after he entered the car. Sumunod naman ako sa utos niya't pumasok sa
loob sabay suot ng seatbelt. Al just turned eighteen this year so he probably has a driving license. Kahit baguhan pa
siya sa driving, I felt safe sa pagmamaneho niya.
It only took us a matter of minutes before we reached the apartment indicated in the address Agatha gave us. Walang
nagbabantay sa gate nito kaya hindi kataka-taka kung paano naipasok ng lalaki ang dinukot niyang writer dito. We
went to the furthest among the five units and stopped before the door.
"Classes are still ongoing so the boyfriend should still be in school," Al said as he was peeking through the window.
"Hindi natin dapat problemahin kung bigla siyang bumalik dito. We should call the landlord here and explain the
situation para buksan niya ang pinto."
Saktong humakbang siya palayo sa pintuan nang hinila ko ang kanyang braso. "There's no need to call the landlord.
Kaya kong buksan ang pintong 'to. Magtiwala ka sa akin."
His brows knitted as he gazed on me with a curious look. "Do you mean we will be picking the lock of the door? Isn't
that illegal?"
"It is the most convenient thing to do here. Paano kung wala rin ang landlord sa mga oras na 'to? Do we still have to
wait for him hanggang sa dumating siya? What if the writer needs medical attention?"
Surprised by what he heard from me, he just stared and let me put out my lockpicking kit. This is probably the first
time I put Loki's lesson into use. Kinalikot ko nang ilang beses ang doorknob, pasulyap-sulyap sa paligid dahil baka
biglang dumating ang landlord o ang kapit-bahay ng suspek. Matapos ang ilang pagpatak ng pawis at paglipas ng
ilang segundo, bumukas ang pinto at tinulak namin ito papasok.
"Where did you learn that technique?" nagtatakang tanong ni Al.
"Loki taught me in case something like this happens."
Maliit lamang ang apartment na pinasok namin at nakakalat kahit saan ang mga damit at pinagkainan ng nakatira dito.
Kung sigurong hindi ako naging flatmate ni Loki, baka ganito rin ang eksena sa sala niya.
Dahan-dahan kaming naglakad sa loob, pinakikinggan kung may maririnig kaming ungol ng paghingi ng tulong.
Nagtungo kami sa tapat ng kuwarto sa bandang likuran at marahang binuksan ang pinto.
Halos maluha ako sa aking nakita.
Nakahandusay sa sahig ang isang babaeng may mahabang buhok, punit-punit ang damit at bahagyang nakadilat ang
mga mata. Nakatakip din ng masking tape ang kanyang bibig. Meron din siyang blackeye sa kanang mata. Kitang-kita
ko sa mga braso at binti ng kaawa-awang biktima ang mga pasa, bugbog at sugat.
Nang makita niya kami, sinubukan niyang gumalaw pero damang-dama ko ang paghihirap niya sa pagkilos. She was
beaten up by her boyfriend. She was abused. And although we do not know each other personally, seeing her in that
state breaks my heart.
Mabilis siyang nilapitan ni Al at dahan-dahang inalis ang tape sa bibig ng babae, pati sa kanyang mga binti at kamay.
Tsineck ng kasama ko ang pulso ng biktima at ang paghinga nito.
"She needs to be brought to the hospital," sabi ng kasama ko. "Puwede natin siyang isakay sa kotse ko pero mas
mabuti kung isasakay siya sa ambulansya."
Inilabas ko ang aking phone at sinimulang i-dial ang number ng pinakamalapit na ospital dito. Ipinaliwanag ko sa
kanila ang sitwasyon ng babae at sinabihan akong hintayin ang pagdating ng ambulansya. Sunod kong kinausap si
Agatha para sabihing kumpirmado ngang nandito ang nawawala ang writer.
"They're on their way," I told my companion as I put my phone in my skirt's pocket.
Sabay kaming napalingon ni Al sa may pintuan ng kuwarto nang may marinig kaming mga mabibilis na yabag. Ang
bilis naman yatang rumesponde ng ambulansya?
Pero nang makita namin ang figure ng kakapasok lang na tao, napaurong ang aking hakbang. Isang lalaking hinihingal
pa habang tumatagaktak ang pawis. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago niya inilabas ag isang Swiss knife
mula sa kanyang bulsa.
"A... Anong ginagawa n'yo rito?" he set his gaze on me then on Alistair who was calmly standing beside the victim.
"Pa... Paano kayo nakapasok?"
"Kung ako sa 'yo, susuko na lamang ako," payo ng kasama ko sa kanya. "Paparating na ang mga pulis at alam na nila
ang tungkol sa ginawa mo. There's no escaping now."
Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatutok ang kanyang patalim sa direksyon. "Heh! Sa tingin n'yo ba
maniniwala ako sa bluff n'yong 'yan? Dahil nandito na rin kayo, bakit hindi ko kaya kayo isunod sa babae 'yan?"
He quickly thrusted his knife forward but before it could reach me, Al's hand caught his wrist. Sinubukang alisin ng
lalaki ang mahigpit na pagkakahawak ng kasama ko sa kamay niya pero lahat ng effort niya'y nabalewala.
"You should never hurt a girl," sabi ni Al habang dahan-dahang bumubukas ang nakakuyom na kamay ng lalaki
hanggang sa mabitawan niya ang patalim. Sinundan niya ito ng isang suntok sa sikmura, dahilan para mamilipit sa
sakit ang salarin at mapaluhod sa sahig.
On a hand-to-hand combat, no one can hold a candle to Al. Even if he's outnumbered, he could take down anyone
with ease. Gaya ng nangyari noong gabing 'yon.
"I do not want to resort to violence but we need to incapacitate him until the police arrives." Kinuha ni Al ang
nakakakalat na masking tape sa mesa at tinalian ang mga kamay ng lalaki.
Minutes later, the ambulance arrived followed by the police. The abused girl was taken to the white van while the guy
was arrested by the authorities. It was a case closed.
But there's something that's been bothering me since the suspect set foot in his own apartment: Did he know that we
were in his unit? If yes, then how? 'Yon ba ang dahilan kaya nagmadali siyang umuwi kahit may klase pa sila?
***
Ayaw ko noong una, pero mapilit talaga itong si Al. Matapos kaming dumaan sa police questioning para ipaliwanag
kung paano namin nalamang nakakulong sa apartment ang nawawalang writer, inalok niya akong ihatid sa tinutuluyan
ko. Hindi ko pa naikukuwento sa kanya na sa iisang unit lamang kami nakatira ni Loki. No idea on how he would
react on that news.
Pagka-park ng kanyang kotse sa tabi ng aming apartment, dumiretso kaming dalawa sa third floor at tumigil sa tapat
ng Room 302. Mabuti naman at walang naghihintay na lockpicking challenge sa akin ngayon. Pagbukas ko sa pinto,
kaagad na bumungad sa amin ang naka-dekwatrong si Loki na nagbabasa pa rin ng Harry Potter and the Goblet of
Fire.
"Let me guess. Something happened in school that's why you were unusually late this afternoon," sabi ng flatmate ko
nang hindi man iniaangat ang kanyang ulo o tumitingin sa direksyon ko.
For a brief moment, I saw a hint of surprise on Al's face. He must be wondering why my fake boyfriend and club
colleague was comfortably seated on the couch. Sana nga lang e hindi pumasok sa isip niya ang ideyang nagli-live in
kami.
Dahil wala akong witty na sagot o mabagal ang response time ko, napatingin sa akin si Loki bago sa kasama ko.
Isinara niya ang binabasa niyang libro at napatayo. "I didn't know that we have a guest. We have met before, haven't
we? What was your name again? Altamont, right?"
"It's Alistair," I corrected him. He has never changed, still forgetting people's names.
"Ah, your childhood friend!" he exclaiimed as he approached us, his hands behind him and a finger stuck in the
middle of the book he was reading. "So he decided to transfer to our school and drive you home. What a surprising
development."
"How did you know that we arrived here by ca-" Ah, nevermind! He must have smelled the scent of Al's car air
freshener or heard the sound of the car engine nearby.
Al extended his right hand to Loki, as if they were meeting for the first time. Again. "It's been a while, hasn't it? I hope
you don't mind if I join your detective club."
Loki, who was about to shake hands with him, stood frozen for a while. "Of course, you are welcome to join. But
since I am currently suspended, the decision lies on the acting president."
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. Sabi ko na nga ba, ganito ang magiging scenario. Sa akin din niya ipapasa
ang burden ng pagdedesisyon. Sunod na napatingin sa akin si Al na tila naghihintay ng sagot ko.
I took a deep breath before giving my verdict.
"As the acting president, I accept Alistair's application to the club."
###
P.S. It took me a week to write this more than 6,000-word chapter! I hope it's worth the wait!
Next Chapter Preview:
"These Harry Potter Club members were found dead after receiving a text message."
"What message?"
"Avada Kedavra!"
Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Case)

LORELEI

LOKI NEVER struck me as an art enthusiast, but what he did on the wall of our living room was impressive. From
my room's doorway, it looked like a spider's web of scarlet threads. If you look closer, you will notice the photos of
familiar faces whom I have met in the past few weeks strategically placed on the web. And at the center of it, a
smiling face of a seemingly innocent student was pinned.
Whose face was it?
Stein Alberts.
The last news I heard about him was he's still in coma. Though it's something that Loki should feel sorry about, Clark
High School has never been peaceful since the disappearance of the young criminal mastermind. If Loki wasn't
suspended, he will be surely bored by the lack of thrilling cases.
"What can you say about my artwork?"
I quickly turned around to see my roommate emerging from his room. On his right hand, he's holding the Harry Potter
book he's been reading recently. Hindi ko pa siya natatanong kung bakit naging interesado siya sa wizarding world.
He never brought up the topic either.
"Is this for your art class? Or were you bored last night so you decided to weave a couple of red threads?"
He slowly walked toward his so-called artwork, his head held up high. "That is not just a couple of red threads. That is
Moriarty's spider web of conspiracy. As you have probably noticed, everyone attached on my magnum opus is or was
someone connected to him. Most of them are dead while few are still breathing and walking free."
"So Stein Alberts a.k.a. Moriarty is a spider?"
"He is a spider that sits motionless at the center of this bloody web, if I were to borrow Sherlock Holmes' words. The
magnitude of his organization wasn't apparent to me until we met some of his agents. And whenever we are close to
getting the answer, Moriarty always finds a way to cut that thread so it can't be traced back to him."
Itinuro niya ang isang thread malapit sa picture ni Stein at sinundan ito hanggang sa marating ng daliri niya ang
picture ng isang taga-Campus Police.
"At this point of the game, there's only one living man we know who's connected to him," he pointed at the
photograph and turned to me. "Bastien Montreal. We have no proof that Stein is connected to the murders plotted by
Moriarty. But we can probably find proof from people associated with his psychopathic alter ego."
"So Bastien will be the evidence? Or he will provide the evidence needed to convict Stein?"
"Precisely," Loki started walking behind me, his hands at his back. "The question is how. Will we ever encounter him
in a case again? Or should we take the first move?"
Bastien is part of the Campus Police so we will definitely cross paths again... especially when Moriarty and his agents
begin wreaking havoc in our high school. Ang tanong ay kung kailan.
"But," Loki came into a halt and faced the web of conspiracy, "there's one possibility that I've been thinking about.
Something that bothers me."
"And that is...?"
"What if Stein is not the real Moriarty? What if he's only a proxy sent by the real one to play mind games with us?"
"Hindi pa ba enough proof ang pagkikipagkita natin sa kaniya sa coffee shop? He knew the details about Rhea's
murder, didn't he? Only Moriarty should know how Rhea died."
He made a dismissive gesture by waving his hand and continued walking back and forth. "Just a random thought. For
now, we will consider Stein Alberts as Moriarty until an evidence suggesting otherwise surfaces."
Pumunta siya sa maliit naming kusina at nagbuhos ng mainit na tubig sa tasa. It's seven in the morning and it's weird
to see him up this early, lalo na ngayong weekend. Since his suspension, late na rin siyang nagigising.
"You are probaly wondering while I'm already awake," he said while adding creamer to his coffee. Here we go again
with his mind reading thing. But why should I be surprised?
"Didn't I tell you a few days ago that we are going on a date?"
"But that's a joke, right? And if ever you are going to date someone, you will probably go with Jamie, not me."
Those words escaped my lips without giving them much thought. Loki was stirring his morning drink when he paused
to dart a sideward glance at me. Iniwasan kong magkaroon kami ng eye contact kaya umupo na lang ako sa couch.
I heard the sound of his spoon tapping his ceramic cup before I noticed his shadow emerging behind. "An
acquaintance of mine needs our help. A curious case, you may call it. Have you read any of the seven Harry Potter
books or watch any of the eight movies?"
"My former high school classmates are fans of the franchise. They even call themselves Potterheads."
"Why Potterheads? Do they have clay instead of brain in their skulls?"
There are times na mapapaisip ka kung nagbibiro o talagang hindi gano'n ka-aware si Loki sa mga bagay-bagay.
Whether he's joking or not, I let it slide. Arguing with him would lead us nowhere.
"Is that why you were reading Harry Potter and the Goblet of Fire?" I asked, ignoring his question. "Ang akala ko
naging interested ka na sa magic."
He showed me the Harry Potter book and then threw it behind him. Kung may Potterheads kaming kasama sa room,
siguradong kinuyog na siya at hindi na pinalabas ng buhay. "Never fond of anything that defies logic. Kinailangan
kong basahin 'yong book para magka-idea ako sa important element ng kaso."
"Tell me more about it."
"Are you familiar with chain messages? Na kapag hindi mo pinasa sa ibang tao, may mangyayaring masama sa 'yo?"
"Uso 'yan sa amin sa dati kong school. Paano naging connected si Harry Potter diyan?"
"In my acquaintance's school, there's a group dedicated to the fans of the young wizard," Loki began waving the spoon
in the air as if it's a wand and he's casting a spell. "Recently, two members of that club were found dead after receiving
a mysterious text message."
"What message?"
"AVADA KEDAVRA!" he casted, pointing his spoon at me. Nagkatitigan kaming dalawa habang nakaturo pa rin sa
akin ang kutsara niya. Pwede nang isingit ang sound effect ng mga kuliglig dahil sa sobrang tahimik.
"At para saan ang Abra Kadabra?" I'm not sure kung ano ang pronunciation ng spell na narinig ko.
He then continued stirring his coffee, blowing the steam off his cup. "According to the Goblet of Fire, it's one of the
Unforgivable Curses that will give you a one-way ticket to Azkaban a.k.a. the wizard prison. It causes instantaneous,
painless death to the target."
"Bale nakatanggap ng Abra Kadabra or whatever message ang dalawang club members nila at bigla na lang
bumulagta sa daan?"
He drank his coffee, bottoms up until the last drop, before replying to me. "That's the initial narrative told by my
acquaintance. We need to find out more later. You have nothing on your schedule today so you're free to tag along,
correct?"
"I've got nothing on my plate," I answered as I watched him stand and walk to the kitchen. "Is Jamie coming with us?
Alistair?"
"This is a personal request so I'd rather not involve the club here. But maybe you can contact Alistair and see if he's
available. You have witnessed his deduction skills. I want to see it for myself."
"Okay, let me call him."
"Ask him if he can bring his car. If not, I'm gonna call Mr. Valdez to fetch us here."
Mr. Vasquez (not Valdez, Loki!), if memory serves right, was the Mendez family chauffeur who drove us to the mall a
few weeks ago where Loki and Alistair first met. 'Yon ang araw na humingi ako ng pabor kay Loki na magpanggap na
boyfriend ko.
Kumuha ng tuwalya ang aking roommate sa kaniyang kwarto at dumiretso na sa bathroom. Ako naman, kinuha ang
phone ko at idinial ang number ng aking childhood friend slash classmate slash co-member.
"Hello, Al?"
"Good morning, Lori. Buti napatawag ka?"
"Loki wanna know kung gusto mong sumama sa pupuntahan naming school ngayon. May nag-request kasi ng
assistance niya about sa isang case."
"I'd love to pero on the way na kasi ako ngayon pabalik ng Manila."
"Ah... ganon ba? Sige, pasensya na sa abala-"
"But I can give you my insights on the case, if ever they're needed. Just text me the details or call me later. I don't
wanna disappoint our club president."
"Pero may gagawin ka, 'di ba? Hindi ba nakakaabala sa 'yo?"
"Truth be told, I'd rather go with you and investigate that case than deal with this unfinished business."
"Sige, I will tell him na you will be in touch."
Binaba ko na ang tawag at nagtungo na rin sa kwarto para maghanda na. I was expecting my Saturday to be a boring
one but this case we are about to take might make things more interesting.
***
By nine o'clock, a familiar blue Subaru fetched us from Tita Martha's apartment. Mr. Vasquez drove us through the
business roads of Angeles City. Dahil sa ginagawang road widening project sa dinaanan namin, na-stuck kami sa
traffic at walang galawan ang mga kotse.
Loki was busy playing with Criminal Minds while I watched him finish a couple of levels with ease. I already told
him that Alistair won't be coming with us. Hindi siya nadismaya sa ibinalita ko.
"How about Jamie? Hindi mo ba siya inimbitahang samahan tayo?" tanong ko.
"She had something important to do today since it's her brother's birthday," sagot ni Loki nang hindi tumitingin sa
akin. Tutok na tutok siya sa kaniyang nilalaro. "Why, do you want her to tag along?"
To be honest, no. Dahil siguradong makikipagplastikan siya sa akin at didikit na parang linta kay Loki hanggang
matapos ang imbestigasyon. And I believe we won't be needing her retentive memory in solving the case.
"The other day, you were surprised to hear that she slept in my room and in my own bed. Does it bother you?"
"Why would it bother me personally?" I rolled my eyes and stared at the scene outside the car. "Para kasing hindi
appropriate na magkasamang natutulog ang lalaki't babae sa iisang kama."
"You have nothing to worry about. I did nothing to Jamie. I built a wall of pillows between us when we slept
together."
How reassuring. But I'm more worried about what she might do to you while you are asleep.
Nang malampasan na ng aming sinasakyan ang kalsadang sinira at inaayos ulit, bumilis na ang aming biyahe. It took
us fifteen minutes before our car arrived at the parking lot of Cavalier Academy. It was one of the schools considered
by my dad when I was deciding where to transfer here in Pampanga.
"I will call you when we need the ride home," sabi ni Loki nang makalabas na kaming dalawa sa kotse. "Thank you,
Mr. Velasquez."
"It's Vasquez, sir," the driver corrected him but his words fell on deaf ears. I followed Loki as he marched toward the
main gate of the school.
Nakakabinging katahimikan ang sumalabong sa amin. It wasn't surprising because today's a Saturday and most
students of Cavalier Academy are at home, bingewatching their favorite series or still asleep in their cozy beds. Apart
from silence, their five-storey school buildings greeted us with their calming colors.
"Our client today is one of my QED Irregulars," Loki hastened his steps to the guard house. "If Sherlock Holmes has
his Baker Street Irregulars, I also have my own version. I consult with them whenever something baffles me or when I
need assistance."
"Teka, you said before that I am indebted to him. How?"
"He's a tech geek and a brilliant inventor," he answered. "He can make a fortune out of it only if he wants to but he
doesn't. Remember the stun pen you have? He created it. Pati 'yong Moriarty remix na pinatugtog ko after we found
out the codename of the Napoleon of Crime."
Natatandaan ko pa 'yong paulit-ulit na Mo-mo-ri-yar-ti chant na gumising sa akin noon. I thought pinasok na kami ng
mga tribal people.
Bigla kaming hinarang ng security guard sa masikip na entrance, nakalabas ang kaniyang batuta at marahang pinapalo
ito sa kaniyang palad. "Anong business n'yo rito, sir? Sarado ang mga offices ngayong Sabado."
"Let them in, Kuya Guard! They are with me!"
A young man wearing a lab coat emerged from afar, running to our direction. If Loki has a somewhat unkempt hair,
this bespectacled guy's hairdo was an absolute mess. Parang nakita mo in person si Albert Einstein noong bata pa siya.
One may think na walang salamin sa bahay nila kaya hindi siya nakakapagsuklay ng maayos.
His conversation with the guard took a minute or two before they let us in. He flashed a smile at me as he extended his
right arm.
"You must be Lorelei, member of Loki's club," he said. "I'm Herschel Aguirre, a Grade 12 student and president of
The Inventors Club (temporary name). Some people call me Hershey. You can, but then I will have to electrocute you.
Just kidding~"
Ipinakita niya sa akin ang flash drive na tinanggalan niya ng takip. Masyadong maliwanag sa labas pero may nakita
akong sparks sa metallic plug na 'to. Maybe it can produce a jolt of electricity that can shock someone.
"I prefer to call you by your real name," I smiled awkwardly as I shook hands with him. He then led the way to the
first school building on our sight.
"You seem to have power over people here, Hershey," Loki hissed like a snake, looking back at the guard house. "The
guard didn't ask for our identification and questions about why we are here. That's the standard procedure, isn't it?"
"They owe me. A lot." Herschel pointed at the CCTV camera on a lamp post we passed by. "I upgraded their faulty
security system, free of charge. That thing now has an X-ray function that can detect suspicious objects such as blunt
weapons, firearms and explosive devices. Last year, we foiled an attempted bomb attack in the school, all thanks to
me."
He put his hands back in his lab coat's pockets as we continued the stride to our destination. I find it hard to believe
that such individuals exist outside science fiction stories. Yet here I am, walking with the living proof that they do
exist.
We reached the fifth floor of the school building via elevator. Mas modern ang itsura ng mga gusali nila kumpara sa
Clark High School. We strode across the white hallway, walking past the locked classrooms, and halted in front of
Room 505.
"By the way, Loki, your request about the phone records-"
"Let's talk about that later," my companion cut off Herschel's words before the latter could finish. "Let's focus on the
case at hand first."
"Okay," the young inventor turned the knob and swung the door open. Biglang bumungad sa amin ang makapal na
itim na usok at amoy ng sunog na pagkain. We all covered our noses as we drive the black smoke away with our bare
hands.
"Sorry! Sorry!" We heard a feminine voice inside and saw a woman's figure in the smokes. I can see her swiftly
moving across the room, probably opening the windows.
It took a few minutes before the smoke dispersed but we could still smell something burnt.
"LEONA! WHAT IN THE WORLD WERE YOU DOING?" Herschel yelled, storming inside the room that
resembles a laboratory. Everything was white and a number of devices were laid on long tables. They were probably
in the brink of new breakthroughs.
"Sorry, Hershey! Nakalimutan kong hindi pala compatible ang voltage ng oven natin sa outlet," a girl in high ponytail
said in defense. Like her club president, she was wearing a white lab coat that was fit on her slim figure. "Magpapainit
sana ako ng binili kong pizza."
"That's not an ordinary oven! Nakalimutan mo na bang isa 'yang clothes dryer!" He then turned around and grinned at
us, his mood changed in an instant. "Meet my assistant, Leona Divino. She's my version of Lorelei. She helped me
develop the stun pen you requested before."
Pinunasan muna ng kaniyang lab assistant ang mga kamay nito gamit ang puting coat bago nakipagkamay sa aming
dalawa ni Loki. "My pleasure to meet you! Naikwento sa akin ni Hershey na you can solve any case by using logic."
"Leona's the one who brought the Avada Kedavra case to my attention," sabi ni Herschel sabay upo sa mesa. "She's a
member of the Harry Potter club called... what was the name again?"
"Order of the Phoenix."
Loki looked away, his hand covering his mouth, trying to suppress his laughter. He might be thinking that the name
was so lame it would put all of its member to shame. I gave him a nudge after Leona shot a curious gaze at him.
"Dalawang members ng Order ang natagpuang wala nang buhay sa hallway." Leona turned on the desktop computer
placed at one corner of the room and sat on the swivel chair. "To be specific, the victims were two of the founders."
Lumapit kaming dalawa ni Loki sa kaniya para tingnan kung anong balak niyang ipakita sa amin. She clicked some
folders and double-clicked a video file. We waited until a new window popped up.
It was a CCTV footage on a certain hallway somewhere in this school. A man dressed in black robe with a red-and-
yellow striped scarf wrapped around his neck was walking. Closed classrooms could be seen on the left while pillars
were on the right.
"This happened after the Order's general assembly, around six in the evening."
When the man was at the center of the frame, he came into a halt and put out something from his pocket-a phone. He
stared at it for a moment, looked behind to see if someone was following him. Nang wala siyang mapansing
bumubuntot sa kaniya, he took a few steps forward but suddenly...
"Now this is the most baffling part."
The man stood frozen then collapsed on the floor. He wasn't moving. And no one-not even a shadow-could be seen in
the footage. Leona sped up the video until students began gathering around the lifeless body of the man.
"Magnificent," Loki smirked lopsidedly. I could see his gray eyes sparkling in curiouity. It is not decent to describe
someone's death as "magnificent" but being around with Loki for a few months, I got used to it.
Leone opened another video and clicked the fullscreen option. Compared sa unang pinapanood niya sa amin, may
iilang estudyanteng nasa hallway-ang ila'y nakatambay habang ang iba'y naglalakad.
"I was there when it happened," kwento niya. "Kakatapos lang ng meeting namin para sa club acquaintance party na
gaganapin mamayang hapon."
Nakasuot din ng kulay itim na robe ang isang lalaki at nakabalabal sa kaniya ang scarf na may green at white na
stripes. Ilang hakbang lang ang layo nina Leona at iba pang member ng kanilang club na may kaparehong outfit.
"Watch closely," Leona pointed at the man in front of them who checked his phone. The footage may not be that clear
but I could see the guy making a confused face. Bigla siyang napahawak sa kaniyang batok pataas sa kaniyang ulo.
Everything seemed fine... hanggang sa bumulagta siya sa hallway. Mabilis na lumapit sa kaniya ang mga lalaking
kasama ni Leona at sinubukan siyang i-revive pero hindi na gumalaw pa ang lalaki. Binuhat nila siya sa kabilang
direksyon hanggang sa hindi na namin sila makita sa frame.
"Exquisite." I heard Loki mumble that word, a sign that he's now extremely delighted with the case. Matagal-tagal na
rin siyang hindi nakakapag-solve ng mabigat na kaso mula nang ma-suspend siya kaya naiintindihan ko ang
pagkasabik niyang simulan ang imbestigasyon.
"Some members of the Order think that the message containing the Avada Kedavra curse caused the deaths of the two
founders," Leona turned his swivel chair to us as she crossed her arms over her chest. "But that's ridiculous, isn't it?"
Loki began rubbing his palms and walked back and forth across the room. "There's no such thing as magic. It only
exists in a fantasy world where aspiring wizards go to a historic castle to receive education. An ingenious trick is
involved in their deaths."
"So what do you think?" Herschel stood beside his assistant and gave Loki a curious look. "Is this case worth your trip
here in Cavalier?"
My companion shot a sideward glance at me before answering.
"Lorelei and I would be glad to take on this case."
###
A/N: Hi! I apologize that the updates of VOLUME 2 were halted. Rest assured na sunod-sunod na starting today! I
can't guarantee na may new chapter every day pero it will be frequent compared before.
The next chapter will be posted tomorrow or the day after. Stay tuned!
SHAMELESS PLUG:
If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D. Club (Project LOKI) or go to
https://www.facebook.com/groups/theqedclub

Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Investigation)


A/N: Read the Avada Kedavra Curse (The Case) part before proceeding. This update contains 4,200 words so I
decided to cut the Resolution part.

LORELEI
I PORED over the files on the deaths of the two founders of the Order, looking if something weird jumps out at me.
Habang binabasa ko ang ilang pahina ng autopsy report, abala naman si Loki sa pagre-review ng CCTV footage,
paulit-ulit na binabalikan ang mga scene bago at pagkatapos bumulagta sa sahig ang mga biktima.
"Coffee?" Leona placed a steaming cup of coffee on my side. She also offered one to Loki who didn't bother to thank
her. He's now absorbed in this case so he wouldn't notice the people around him.
Nanghiram ako ng ilang libro kay Leona at isinandal doon ang aking phone. Siniguro kong mahahagip ng front cam
ang aking mukha.
"Okay na ba ang connection? Nakikita at naririnig mo ba ako, Al?"
"Loud and clear, Lori."
Gaya ng sinabi kanina ng aking childhood friend, willing siyang magbigay ng insights sa case bilang member ng QED
Club. I decided to call him and tell him the details. We were having a video call. His phone was placed conveniently
somewhere in his car's dashboard because its camera caught a good angle of him.
"I don't think na biglang naging unconscious ang mga biktima out of the blue. What does the autopsy say?"
I flipped through the pages of the medical examiner's report, looking for the phrase "cause of death." Hiniwalay ko
ang dalawang reports at sabay na inililipat ang mga page nito. Nakita ko ang word na "curare" sa autopsy report ni
Godfrey Griffin, ang biktimang nakasuot ng scarf na may red and yellow stripes. It matched with the report on
Sylvester Salazar, the one wearing green-and-white striped scarf.
"Curare. Looks like it's a type of poison that causes paralysis and leads to asphyxiation owing to the inability of the
victim's respiratory muscles to contract."
"How was it introduced to the victims? Did they ingest it?"
I read further until I found the part that answers Al's question. "The medical examiner believes the poison entered the
victim's system through the needle mark on their nape."
That confirms it. There's no abra kadabra involved in the deaths of Godfrey and Sylvester. Like what Loki said, it was
an ingenious trick. The question is what and how.
"So someone punctured the back of the victims' necks with a needle-like object. Maybe when the crowd gathered
around the victims after they collapsed, someone could have poked them by a needle laced with curare."
"Pero paano nag-collapse ang dalawang biktima matapos basahin ang Avada Kedavra message? There's nothing in
that spell that will make them lose their consciousness. At mukhang pagbagsak ng katawan nila sa sahig, wala na
silang buhay."
"Maybe the culprit was wearing the invisibility cloak?"
"Invisibility what?"
"Invisibility cloak, one of the three Deathly Hallows in the Harry Potter series that can make the wearer-obviously-
invisible."
"Al, we both know that such thing doesn't exist in our world."
"Sorry, I was trying to lighten up the atmosphere. Masyado ka kasing seryoso. Anyway, text me the new details that
come in. I will keep in touch with you after my business here."
Nagpaalam na ako sa kaniya sabay pindot sa hang-up button. I reclined on my chair and heaved a sigh. This case is
getting more complicated. Whoever's behind this series of murders must be clever. Not sure if Loki has the same
opinion on the culprit.
Saktong nag-turn ang upuan ko sa direksyon niya nang makita ko siyang tumayo. He began walking back and forth in
the room, his eyebrows furrowed, making a serious face.
"Found anything on the footage?"
"Still wondering how those two victims were pricked by a needle-like object laced with curare."
"Oh?" napasulyap ako sa folder na nasa mesa. Hindi ko pa binibigay sa kaniya ang autopsy report kaya medyo nagulat
akong marinig na alam na niya ang cause of death. "You already knew what killed those two? Have you read the
report?"
"No, I was listening to your conversation with Alastor while I'm watching the videos over and over again. Have I told
you that I'm good in multi-tasking?"
Bago ko pa masagot ang tanong niya, bumukas ang pinto ng mini-lab at pumasok si Herschel na may dala-dalang
dalawang set ng uniform at magkaibang kulay na scarf. It was the same outfit that the two victims wore the day they
died.
He handed a set of the famous Hogwarts uniform to me and gave me a scarf with yellow and black stripes. Herschel
told me that my House is Hufflepuff and we need to wear this costume for the party later. The event is exclusive to
members of the Order.
Loki received the other set of uniform but compared to mine, he was handed the scarf with blue and white stripes that
makes him a member of the Ravenclaw House. Pretty sure my companion wasn't also aware what those Houses
signify.
"By the way, Hershey, have you tried tracking down the number of the Avada Kedavra message sender?" Loki asked
as he began playing the scarf. Parang kinikilatis niya ang pagkakahabi at ang telang ginamit dito. "That would be a
piece of cake for you, wouldn't it?"
"I tried locating the two different phone numbers where the text messages came from, but my efforts yielded no result.
The culprit probably expected that the authorities will attempt to track his number down."
My companion then wrapped the scarf around his neck. "Who made the costumes of these Harry Potter fanatics? The
materials seem to be substandard. Parang ang scarf na 'to, medyo manipis."
"Ipinapagawa nila 'yan," sagot ni Leona. "Nakakapagtaka nga e. Mataas ang singil nila sa membership fee at
miscellaneous expenses pero parang hindi worth it 'yong kapalit. That's why some Potterheads in school decided not
to join the Order."
Baka may kickback ang mga naniningil kaya mahal ang membership fee. May club sa dati kong high school noon na
ginawang business ang paghahakot ng members.
"You're a man who believes in science and logic," Loki turned to Herschel who was checking the "clothes-drying
oven" on the table at the far-end of the room. "How come you were involved in the Order of the Sphinx?'
"Phoenix," Herschel corrected him but my detective friend didn't bother to listen. "Not really interested in their own
fan club. But they asked for my help. They needed my genius."
"Help?"
Herschel opened the white cabinet at the back of the room and rummaged through whatever's inside. He put a black
stick, around twelve to fourteen inches long, and showed it to us.
"Leona dear, kindly close the windows and turn off the light."
At first his assistant shot him an annoyed look, silently protesting on Herschel's command. But she later gave in and
did what she was asked to do. The room became dimly lit as all windows were closed. The moment Leona pressed the
light switch, everything went pitch black.
Herschel clered his throat first before yelling, "LUMOS!"
The darkness was driven away as a light coming from the tip of the stick illuminated the room. I stared in awe at him
smiling triumphantly.
"So you created a flashlight that look like... what? A wand?" Loki jested, unamazed by what he witnessed.
"It may seem ordinary to you but this wand has a voice recognition system," he held the stick at both ends. "No need
to press a button or switch. You only need to say the magic word. At the moment, we only have five spells available."
"Wow, brilliant." Loki spoke dryly, still unimpressed by his acquaintance's invention. "Can we now focus on the case?
Leone, when you found the second victim's body, did you notice anyone pricking him on the nape? Or did you see a
needle-like object?"
The lab assistant slowly shook her head. "We didn't have time to search the body. Binuhat siya ng mga kasama ko
no'n para dalhin sa clinic kaya kung may tumusok sa kaniya, hindi na namin napansin."
"Sino-sino ba ang mga kasama mo?" If I remember correctly, Leona was walking alongside two other guys dressed in
the same black robes and scarves with different stripes.
"Rowen Ravino and Helios Hontoveros, the other two founders of the Order."
"Nagkakasundo ba silang tatlo?" tanong ko. "Maybe it's only me but they did not appear quite close to the victim.
Friends usually walk side by side but in their case, nauuna si Sylvester at may distance sa pagitan nila. I didn't observe
any sense of urgency sa pace ng lakad niya kaya bakit siya mauuna?"
"Spot on observation, Lorelei." Loki gave me an approving look and I felt a bit flattered. He didn't sound sarcastic so
he probably meant it.
Leona fell silent for a moment. "The four founders always have disagreements. And you are right, they are not quite
close. Gusto kasi ni Sylvester na maging istrikto sa pagpili ng tatanggaping members sa Order. 'Yong iba kasi
nakikiuso lang dahil sikat ang club namin. Pero 'yong tatlo, open sila sa kahit sinong interested basta willing
magbayad ng membership fee."
"That would mean the remaining two founder will somehow benefit from their colleague's death," Loki scratched his
chin. "No more opposition for them. Who else will benefit from it?"
I saw a hint of hesitation in Leona's face. "Ayaw kong isipin n'yong suspect din ang isang 'to but since you are asking,
I might tell you as well. After Godfrey's death and before Sylvester's, naghanap na kaagad ng kapalit sina Rowen at
Helios. They were vetting a friend of mine for the vacant slot in the Hogwarts Four. His name is Lucius Malvar."
"Is that why you were with them? Because they want to know more about the potential candidate?"
She nodded. "Kaagad kasing nagpasa ng application si Lucius para makasali sa mga founder ng Order. At mamaya sa
acquaintance party, ia-announce na nila ang appointment niya. They are still searching for Sylvester's replacement."
"If the culprit is someone who has grudge against the founders, they might need to vet for more replacements," Loki
commented. "If one of the two remaining founders-or if both of them-drops them this evening, then this is indeed a
serial killing."
"And the acquaintance party later is the perfect opportunity to attack," Herschel added. "Yes, there will be a huge
crowd, but that didn't stop the culprit from killing Sylvester."
If ever that's true, I hope Loki and I can stop the murder from happening. We cannot allow blood to spill in this
school. At magiging malaking sampal din 'yon sa amin bilang mga detective.
***
We spent the rest of the morning going through the files of every member in the Order. Thanks to the Facebook group
page created by the Founders, we have a tentative list of suspects. If the killer really wants to take the life of one or
both of the Order's founders in the party later, then they will have to attend the event. We reviewed their posts on
Facebook, their tweets on Twitter but nothing jumped out at us.
In the end, the only choice we have was to wait for the party to begin where we can observe the attendees and try to
deduce who among them is the most suspicious.
Meanwhile, Alistair hasn't called back for hours. Baka busy pa siya sa meeting na pinuntahan niya. He might have
some ideas that will help us close this case.
By three in the afternoon, Loki and I went to Herschel's apartment to change our clothes. Akala ko noong una, may
iba siyang kasama roon dahil sa sobrang laki nito pero mag-isa lamang pala siya. He led me to a separate room and
closed the door before I took off my clothes.
"Perfect," I muttered, standing in front of the circular mirror and turning around a couple of times. I was wearing a
thick, grey V-neck jumper over a plain white buttoned shirt with the necktie sporting yellow and black stripes.
Tinernuhan pa 'yon ng pleated skirt na hindi man umabot sa tuhod ko ang haba.
Sinuot ko muna ang plain black robe at ibinalabal sa leeg ko ang manipis na scarf bago ako lumabas sa kuwarto.
Nakita kong nakaabang na sa living room sina Loki at Herschel. Halos pareho ang suot naming tatlo, maliban sa kulay
ng necktie at scarf (parehong may blue at white stripes ang sa kanila) at siyempre, grey trousers ang suot nila imbes na
palda.

"And before we go..." Inabutan kami ng wand ni Herschel bago kami lumabas sa kaniyang apartment. Naghihintay na
rin sa labas ang kaniyang black Mistubishi na ginamit niya rin kanina para ihatid kami rito.
Pareho kaming nasa backseat ni Loki habang walang nakaupo sa tabi ni Herschel. Nagmukha tuloy siyang driver
namin. Then a question surfaced in my mind.
"Paano pala kami makakapasok sa event? 'Di ba exclusive lang 'yon sa Order of the Phoenix? We are not members of
the club."
"Don't you worry. Leona and I have already arranged your special pass. Sinabi namin sa founders na representatives
kayo ng Harry Potter fan club sa ibang school."
That doesn't sound reassuring. Paano kung bigla nila kaming tanungin tungkol sa Harry Potter? Baka mapahiya kami
kapag wala kaming nasagot.
By four in the afternoon, we arrived at the campus grounds. Dire-diretsong nag-drive si Herschel, nilalampasan ang
ibang school building ng Cavalier Academy. We saw other students donning the same Harry Potter outfit, walking on
the pavement and waving their wands.
The car stopped at the parking lot before a huge function hall. Pagbaba ko sa kotse, may naririnig na akong mabagal
na instrumental music mula sa loob. Soundtrack siguro 'yon ng favorite Harry Potter movie nila.
Leona ran to us, greeting everyone in our small group with a smile. She was also wearing the same outfit except for
the scarf. Hers has green and white stripes. She led us inside the "Grand Hall" along with other attendees.
But before I could come inside, I felt a vibration in my pocket so I put out my phone. Alistair's name was flashing on
the screen.
"Go ahead," I told my colleagues, tracing my steps outside the venue. Maingay na rin kasi sa loob kaya baka hindi
kami magkaintindihan ni Al.
"What took you so long?"
"Sorry, my lunch meeting with your father took some time."
"I thought something hap-wait, what did you say? You had lunch with my dad? Why didn't you tell me?"
"I knew you would protest once you found out. Kinumusta ka lang niya sa akin. There's nothing to be worried about."
Why do I feel otherwise? Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni dad bago kami nagkahiwalay noong araw na muli kaming
nagkita. Pakiramdam ko, may kinalaman ang lunch meeting nila ni Alistair doon. Or maybe, napa-paranoid lang ako.
"Anyway, are there any developments in the case?"
"Our clients believe that the two deaths are part of a serial killing. And they think it might happen again to the other
colleagues of the victims. Nasa acquaintance party nila kami ngayon para i-observe kung sino ang kahina-hinala sa
mga attendee."
"Observe those who come in contact with the potential targets. 'Yong mga nakikipagkamay at lumalapit sa kanila, pati
'yong hindi gano'n kalayo."
"Huh? Bakit?"
"I did some research on curare and found out that it's a poison used by indigenous people in South America. They dip
their arrows or blowgun darts in curare then shoots their prey. I reviewed the videos you sent and after thinking it
through while waiting for your father, I couldn't come up with any other theory."
"Iniisip mo bang pinatay ng killer ang mga biktima kahit hindi niya sila hawakan?"
"Like those South American indigenous people, posibleng gumamit siya ng blowgun para i-shoot ang karayom na
balot ng lason. Pero kahit anong review ko sa video, wala sa mga estudyanteng visible sa frame ang naglabas ng
gano'ng bagay at direktang itinutok sa biktima. It's either the culprit was out of the video's frame or he thought of a
clever way to conceal the weapon."
Out of frame? Come to think of it, may mga pillar sa hallway na dinaanan ng mga biktima. Posibleng nagtago doon
ang salarin, hinihintay na dumaan ang target niya at inihahanda ang murder weapon. That would explain why we saw
no one suspicious in the video.
"Pero may flaw sa reasoning na 'yon. If the culprit shot the needle-like object, paano naka-penetrate 'yon sa suot na
scarf ng mga victim? Sabi mo, ayon sa autopsy report, may needle mark sa batok nila."
Napahawak tuloy ako sa telang nakabalabal sa leeg ko. Ganito rin ang ginawa ni Loki kanina. "Hindi makapal ang
telang ginamit sa scarf kaya baka tumagos ito at tumusok sa balat ng mga biktima."
"Ano pa lang deductions ni Loki sa kasong 'to? He must have some theory on how the killer committed the murders."
"Wala pa siyang sinasabi sa akin pero mukhang gusto niya munang makilala ang mga suspect."
"If he already has a suspect in mind, my insights won't be needed anymore. Call me kung may bago kang balita. I'd
like to know how this case will be resolved."
With that, my childhood friend hung up and I returned inside the Grand Hall. Sa sobrang dami ng taong nasa
bulwagan at dahil pare-pareho ang suot namin, nahirapan akong hagilapin sina Loki, Herschel at Leona. The huge
room was illuminated by candle-like bulbs on the chandeliers. Four banners with different colors and animals printed
on them were hanging on the ceiling.
I walked past the long tables where some students seemed to be too eager to start the party. Ang naging palatandaan
ko para makita ang mga kasama ko ay ang magulong hairdo ni Herschel. Nag mai-spot-an ko 'yon, dali-dali akong
lumapit sa kanila at napansing may kausap silang dalawang lalaki.
"It's a pleasure to have you here," I heard the man with curly hair spoke, shaking hands with Loki. His circular
eyeglasses were slipping down his nose. He's wearing a blue scarf and blue necktie.
"Sana invite n'yo rin kami kapag may ganitong party sa club n'yo," dagdag ng katabi niyang lalaki na may malapad na
pangangatawan. His bowl haircut made him look a bit goofy, at least for me.
These two must be the two surviving founders of the Order. And one of them, if not both, might end up collapsing on
the floor later after receiving the Avada Kedavra message.
"Oh, by the way," Herschel motioned his right hand to me. "This is Lorelei Rios, the vice president of their Harry
Potter fan club. She's a Hufflepuff like you, Helios."
"Ah!" Inalok ng matabang lalaki ang kaniyang kamay sa akin. "Pareho pala tayong taga-Hufflepuff House. Ako nga
pala si Helios Hontiveros, pleased to meet you."
"And I'm Rowen Ravino from the Ravenclaw House, such an honor to make your acquaintance," the bespectacled guy
introduced himself next.
Nakipagkamay ako sa kanilang dalawa, pinilit kong ngumiti at magmukhang friendly sa kanila. Hindi ko ma-explain
kung bakit parang hindi ako gano'n ka-comfortable.
"Enjoy the party." Both Rowen and Helios flashed a smile at us before leaving our company. Napansin kong nakasabit
sa kanilang belt ang kanilang wand na may ibang disenyo. They do not look like the plain black sticks we have.
"So what did Alastair tell you?" Loki whispered as we slowly walked across the hall.
I gave him a questioning look. "How did you know it was him?"
"I've been with you the past few weeks and never have I observed you receive a call from someone. Can it be your
father? Yes, but you somehow dislike him so your conversation wouldn't last for more than thirty seconds. Alastair's
the only one who can make you stay on the line for five minutes."
He got everything correct except for one thing: If my father were to call me, our conversation wouldn't last for three
seconds because I willl immedaitely hang up.
"He suspects that the culprit probably used a blowgun to shoot the poisoned needle at the victims."
Loki only nodded, he didn't appear surprised. "I thought as much. This case reminds me of the Sherlock Holmes story
The Sign of Four. The murderer used a blow pipe to shoot a poisoned dart at the victim."
"Why didn't you tell me?"
"You never asked. But the more important question is how the Avada Kedavra killer concealed the murder weapon.
We didn't see anyone blowing a pipe on the two CCTV footages."
That's the same question Al had in mind. My guess? The blow gun or pipe is disguised as something else so it
wouldn't appear suspicious. Loki might be thinking the same thing.
"The program is about to start in a few moments. Please stand, prepare your wands and come closer to the stage."
Nagsitayo ang ibang members ng Order mula sa mga long table at pumunta sa harapan. Mabuti't nasa bandang unahan
na kami.
Everything went pitch black inside the Grand Hall. Kahit na maliwanag pa sa labas dahil alas-kuwatro pa lamang,
aakalain mong kumagat na ang dilim. Tinakpan siguro ng black clothing ang mga bintana para hindi makapasok ang
liwanag sa labas.
"They will ask us to do a stupid thing," Loki who was standing on my right muttered. "In three, two, one..."
"Raise your wands up high and illuminate the Grand Hall with your magic! On the count of three!"
"Three! Two! One!"
"LUMOS MAXIMA!"
"Let there be light!" My voice was drowned by their synchronized casting. Hindi ko kasi alam kung anong spell ang
isisigaw. Pero kahit na mali ang sinabi ko, nagliwanag pa rin ang aking wand.
"Avada Kedavra!" Loki shouted one of the Three Unforgivable Curses. Bet he didn't care if anyone heard him.
Biglang nagliwanag ang venue, hindi dahil muling binuksan ang mga ilaw kundi dahil sa liwanag na nagmula sa dulo
ng mga wand. Salamat sa voice recognition system na in-install ni Herschel, magmumukha talagang magic ang lahat.
Napalingon ako kay Leona na nasa kaliwa ko. I noticed the furrowed eyebrows and confused look on her face as she's
inspecting her wand. Its tip wasn't lighting up.
"Is there any problem?"
"Ayaw yatang gumana ng voice recognition function ng wand ko. I will check it later, baka may naputol na wire sa
loob."
While staring at the plain black stick she was holding, an idea struck me. Like what I thought earlier and based on
what Al said, that's how the culprit did it in the first two murders. And now the killer might be holding the murder
weapon without anyone noticing it!
Tumuntong sa stage sa aming harapan sina Rowen at Helios, kasabay ng pagpapatugtog ng isang march na mabilis
ang tempo. It must be the school march played in Harry Potter. [A/N: Listen to the attached media!]
The two founders waved their wands in the air as they drew cheers from the crowd. Muling binuksan ang mga ilaw sa
chandeliers ng Grand Hall.
Rowen stood before the podium set on stage while Helios stood a few steps behind him as the music slowly faded.
Hinintay niya munang humupa ang sigawan at hiyawan ng mga member ng Order. Tinakpan ko nga ang tenga ko
dahil baka mabasag ang aking eardrums sa sobrang ingay.
"To the new members of the Order, welcome! To the old members, welcome back!" he addressed everyone in the
venue which again drew cheers. "Before we officially begin our acquaintance party, let us offer a moment of silence
for the two fallen founders of the Order."
Yumuko ang karamihan sa amin at namayani ang katahimikan sa bulwagan. After a minute or two, Rowen raised his
head and faced the crowd again.
"Now I'd like to make some announcements. In line with the deaths of our colleagues, Helios and I decided to open
one of the two slots in the Hogwarts Four. And we finally found the right man to join our ranks. Ladies and
gentlemen, a round of applause for Lucius Malvar, the new Head of the Slytherin House!"
A young man with a pale, pointed face emerged. His jetblack, flowing hair reaching his shoulders bounced with every
step. Sinalubong siya ng palakpakan habang paakyat sa stage. I noticed that his wand was also different from ours-it
had a unique design.
"In the name of the Hogwarts Four, we hereby ap-"
Biglang huminto sa pagpapasalita si Rowen at tila may inilabas mula sa kaniyang itim na robe. Dahil malapit ang
kinatatayuan namin sa kaniya, napansin kong namutla ang kaniyang mukha habang palingon-lingon sa paligid. There
was a hint of fear on his face.
Loki craned his neck to see what caused the interruption. He began panning his head, trying to spot any suspicious
person. "He's looking at his phone. It must be the Avada Kedavra message."
But the show went on. Lucius, who was a few steps away from Rowen, knelt before the founder and offered his wand.
Inilabas ni Rowen ang kaniyang wand at babasbasan na ang bagong miyembro ng Hogwarts Four.
Ngunit bigla siyang huminto, napahawak ang kaniyang kaliwang kamay sa leeg na parang may kinakapa. Nabalot ng
pagtataka ang mukha ng mga nakapalibot sa kaniya.
Moments later, he collapsed on the stage and his wand rolled until it fell on the marble floor.
###
Who do you think is the killer and how did they commit the murders?
P.S. I might post the Resolution part this evening.

Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Resolution)


A/N: Do not read if you haven't read the first two parts. The curse of the Avada Kedavra ends here.
LORELEI

WE HAVE seen it with our own eyes. How someone was killed by the Avada Kedavra killer. Everything went on
silent mode and everyone was holding their breath as if the world has stopped from turning.
"ROWEN!" Napatayo si Lucius mula sa kaniyang pagkakaluhod at akmang hahawakan na ang founder na
nakabulagta sa stage. Pati si Helios na ilang hakbang lamang ang layo sa kapwa niya founder, tinangka rin siyang
hawakan. Pero....
"DO NOT LAY A FINGER ON HIM!" Loki shouted as he charged to where the victim was lying unconsciously. His
yell caused the two on the stage to freeze for a moment. He knelt before the victim's body and felt the pulse on the
latter's wrist. Tumingin siya sa akin at dahan-dahan siyang umiling.
"He's gone."
Everyone in the hall gasped, causing unintelligible murmurs that sounded like a buzzing of bees.
"Baka 'yan 'yong Avada Kedavra curse!" sigaw ng isa sa mga member. Napa-"oo nga" ang ilan sa mga katabi niya at
lalo pang umingay sa hall.
"If you think that a curse killed him, you are an idiot." Loki stood and put his hands inside his robe's pockets. "An
ingenious trick is involved here, not a spell that can instantly kill someone. Lorelei, come here."
Pagtawag niya sa aking pangalan, lumapit naman ako na parang asong tinawag ng kaniyang amo. I walked past Leona
who's looking a bit worried and Herschel who's perfectly calm despite the situation.
"Sino ba kayong dalawa?" nakakunot-noong tanong ni Helios habang nakatitig siya sa amin. "Ayaw n'yong lumapit
kami sa katawan ni Rowen pero kayong dalawa, nandiyan sa tabi niya."
"Sorry, we lied." Loki knelt near the victim's body and began observing the scarf wrapped around Rowen's neck. "We
are not Harry Potter enthusiasts. We are detectives hired to investigate the Avada Kedavra murders."
He lifted his head and turned to Herschel who was only a meter away from the stage. "Did you bring that thing?"
Lumapit ang kaniyang kakilala at inilabas mula sa bulsa ng kaniyang robe ang isang magnet. Iniabot niya ito kay Loki
who replied "very good" instead of "thank you." Gumamit siya ng panyo para hawakan ang magnet at inilibot niya ito
sa bandang leeg ng biktima. He must be trying to attract the needle-like object that stung Rowen.
"Gotcha!" he smirked as a thin, metallic object about two inches long got attached on the magnet. He was cautious on
handling it, iniiwasang matusok ang kaniyang kamay dahil baka siya na ang sunod na biktima.
"So that's the needle laced with curare," Herschel commented, pointing at the magnet on Loki's hand. "There should
be a needle mark on his neck."
"Can you now call the police, Hershey?" my companion asked as he began removing the blue-and-white scarf on
Rowen's neck. I leaned closer to the victim's body and saw a tiny red dot around his throat. May kaunting dugong
lumalabas doon. "It's about time Inspector Tobias and the Angeles City Police arrive here. And make sure no one
leaves this hall. The culprit is definitely among us."
Tobias? That's the name of the inspector in-charge of the coffee shop murder case. Siya 'yong may makapal na kilay
na pinaniwala naming mag-boyfriend-girlfriend kami ni Loki.
"Got it!" Herschel started tapping on his phone screen and talked to someone on the other line.
Sunod na kinapkap ni Loki ang bulsa ng robe ni Rowen kung saan niya nakita ang phone ng biktima. He made some
wiping gestures on the screen and tapped the messages icon. He then showed to me a message from an unregistered
number. It said "Avada Kedavra" and was sent four minutes ago, before Loki took the stage.
"Then the culprit sent that message a few moments before shooting Rowen with a poisoned needle, right?" I crossed
my arms over my chest as we exchanged glances. "'Yon ba ang nagsisilbing cue niya bago i-shoot ang karayom?"
"That seems to be case, based on the first two murders," he returned the phone inside the victim's robe. He also
removed his black cloak to cover the corpse. "I compared the time those two victims received the message and the
time they looked at their phones in the CCTV footages. They both matched."
Naalala ko 'yong part sa footage kung saan napahawak si Sylvester sa kaniyang batok matapos mapatingin sa
kaniyang phone. "So the culprit shot the Rowen when he was about to give Lucius his blessing, after he was briefly
interrupted by the Avada Kedavra message?"
Loki nodded before placing the magnet on the podium and darting a suspecting look at Helios, Lucius and the crowd.
"Now the question remains: how was this needle shot? This is the same trick used to kill the two other founders. And
the culprit did a pretty good job on concealing the murder weapon."
"Pero paano siya natusok ng karayom?" tanong ni Helios, may namumuong pawis sa kaniyang noo. "Bago siya
bumulagta diyan, wala namang humawak sa leeg niya."
"No need for physical contact," Loki faced the last remaining founder. "All they needed is a clever contraption that
can shoot this poisoned needle."
"And that might be something that won't look suspicious," I added, walking across the stage as if we were on a play.
Inilabas ko ang itim na stick sa bulsa ng aking robe at ipinakita ito sa audience. "For instance, the culprit disguised the
blow dart into a wand. Walang maghihinala na kaya nitong mag-shoot ng karayom na may lason."
"This is the part where we apply the process of elimination." Without glancing at Helios, Loki motioned his hand
toward him. "You are on the stage with Rowen, only a few steps away from him. Hindi ka mahihirapang target siya
dahil malapit ka lang."
"Pero nasa likod siya ni Rowen habang binabasbasan si Julius, 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-
share ng deductions. Medyo nakakaba kasi nakatutok sa akin ang ilang pares ng mga mata ng mga taga-Order. "Kung
siya nga ang nag-shoot ng karayom sa biktima, sa batok niya ito tatama. Compared sa dalawang naunang biktima, ang
sting mark ay nasa leeg mismo ni Rowen sa bandang lalamunan."
"I was also watching him the whole time," Loki nodded. "He didn't draw his wand while the dead man was delivering
his speech or when he was about to annoint the new guy."
"How about Lucius?" Napatingin ako sa lalaking maputla ang mukha. Natural na yata talaga 'yon sa kaniya dahil
gano'n ang kulay nito noong una ko siyang nakita. "When he was a few steps away, inilabas niya ang kaniyang wand.
Pwedeng doon na niya ishinoot ang karayom."
"Possible, but he would find it difficult to aim at Rowen's neck while walking. Do you know why all victims were
shot around the neck?"
"Dahil sa suot nilang Hogwarts uniform at makapal na itim na robe, balot na balot ang mga katawan nila. Ang tanging
vulnerability ay sa leeg dahil manipis lang ang scarf, tama? Doon lang makakapag-penetrate ang karayom."
"Correct. And if you will try to link it to the first two murders, Lucius wasn't in the footage. Assuming that these serial
murders were committed by one person, Lucius couldn't have done it."
"If not them, then who?"
"Someone from the crowd, someone who's a meter or two away from Rowen." Loki faced the members of the Order
who had puzzled expressions on their faces. He then turned to me. "There's a quite a lot of suspects but we can cross
out everyone else on our list except the perpetrator."
Sa tantiya ko, nasa mahigit dalawandaan ang members ng Harry Potter club na 'to. Sa sobrang dami nila, mahirap i-
narrow down ang bilang ng mga suspek. So how will he do it?
"Who among them are within the range to shoot Rowen with the poisoned needle?" He waved his right hand on the
crowd near the stage. "Those who are standing in front, near the podium. And among them, who could have modified
a wand into a murder weapon that can shoot posioned needles?"
My eyes widened in shock as I stared at our two companions-Herschel and Leona. Dahil member sila ng Inventors
Club, silang dalawa lamang ang may kakayahang i-modify ang wand. And between the two of them...
No, it can't be. I slowly shook my head, trying to get rid of that thought in my head.
"Who among them appeared in the video footage?" He shifted his gaze to Leona whose face turned white and her
body trembling. Napatingin din si Herschel sa katabi niyang babae pero walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito.
Loki jumped off the stage and approached Leona while I stood frozen, staring at the girl who was being suspected of
killing three men. This was one of the rare moments where I hope Loki's deductions were entirely wrong. I just can't
imagine that she could have done it.
"You are in the perfect position to shoot Rowen with the needle." Loki trailed his lackluster eyes down Leona's right
sleeve and stared at her wand. "All you need to do is adjust the angle, point it at your target then shoot."
Bumaba rin ako mula sa stage at nilapitan ang kasama ko. Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Leona at lalong
humigpit ang hawak niya sa pinaghihinalaang murder weapon.
I wanted to hear her defense, I wanted to hear her deny the accusation. But she kept silent, possibly an admission of
guilt.
That explains why her wand wasn't lighting up earlier. It was probably the modified version na may iba nang function,
not the one that Herschel invented. Kaya noong isinisigaw ng lahat ang spell na "Lumos," hindi gumana ang wand
niya. And maybe around that time, she was preparing it to commit murder.
If one would connect the dots from the first murder up to the third one, it will make sense. She wasn't seen in the
footage of Godfrey's death but she could be hiding behind the pillars, waiting to send the Avada Kedavra message and
for the victim to walk past her. Nang dinumog na ng mga estudyante ang katawan ng biktima, malamang nakisali na
rin siya sa kanila para hindi magmukhang kanina-hinala.
In the second murder, she was walking across the hallway with Rowen and Helios while discussing Lucius'
appointment to the Hogwarts Four. Some time before Sylvester collapsed, she must have secretly sent the Avada
Kedavra message and shoot the victim in front of her. Kagaya ng ibang members ng Order na nag-attend sa meeting,
black robe ang suot niya noon na kakulay ng kaniyang wand kaya kapag pinanood sa video na hindi gano'n ka-clear,
hindi kaagad mapapansin.
And now, Rowen's murder. She was only a meter away from her victim. Because she was standing still, she probably
didn't have hard time aiming the wand at her target. Hinintay niya lamang na huwag masyadong gumalaw si Rowen
para hindi magmintis ang kaniyang tira.
It was her all along.
"Do you mind if Herschel would inspect your wand?" My companion stretched out his hand to Leona, waiting for her
to surrender the murder weapon.
Our suspect looked away, her eyes began welling up with tears. "I-It was a mistake to have you involved in this case.
I-I underestimated you two. I shouldn't have told Hershey about it."
This is the part where the culprit confesses his crime and reveals his motive. I was expecting Leona to hand over her
wand to Loki... but she suddenly pointed it at herself. Everyone around her took a step back.
"This is a game over for me!" she shrieked, her hands were shaking uncontrollably. Though her body is betraying her,
I could see in her eyes that she's ready to pull the trigger.
"I won't let the police take me away. I'd rather-"
"STUPEFY!"
May kulang pulang liwanag na nag-flash sa tabi ni Leona. Mabilis akong napatingin kay Herschel na nakatayo sa
kaniyang kaliwa at nakatutok ang wand sa dalaga. Biglang nabitawan ni Leona ang kaniyang hawak at bumagsak siya
sa malamig na sahig, nakamulat pa ang mga mata pero tila nanigas ang katawan.
"Stupidify?" Loki covered his hand with a handkerchief before picking up Leona's wand. "Is that spell effective
against stupid people?"
"Stu-pe-fy," Herschel had to enunciate every syllable as he received the murder weapon. "It's a stunning spell that
renders a victim unconscious. But there's no magic involved here. The wand generates a high-voltage but low
amperage electrical charge like a stun gun. The red flash of light earlier was only for a show."
The door of the Grand Hall swung open and a familiar figure entered, along with some police officers. Loki
exchanged pleasantries with Inspector Tobias who commented again that he was bringing bad luck again to a
seemingly peaceful place. He explained the details of the case while I watched the police put Leona on a stretcher and
carry her outside.
The Avada Kedavra case is now closed but there were some questions lingering in my head. Hindi ko nalaman kung
ano ang motibo kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito.
"Don't be sad about it." Loki and I were under the waiting shed near the guard house. Napansin niya sigurong
nakatulala ako, tila wala sa sarili dahil sa conclusion ng case kanina. Hinihintay namin ang pagdating ni Mr. Vasquez
para ihatid kami pabalik sa apartment. "There are cases where the client is the suspect himself. And sometimes, like in
Moriarty's case, the evildoer pretends to be the victim."
If that was his way of cheering me up, he misterably failed. "She knew that we are investigating the case yet she went
on with the killing. Gano'n ba siya ka-confident na hindi natin siya mahuhuli?"
"She did say that she underestimated us. And serial killers love being appreciated. Knowing that we were at her heels,
she became more challenged in continuing she needed to do."
"When did you know that it was her? Was it during the party?"
"When we were still in their mini-laboratory, after realizing that the killer concealed the murder weapon into
something that wouldn't appear suspicious. There are only two students in this academy that are capable of inventing a
clever device. Hershey wasn't in any of the CCTV footages and he had an alibi around the time of the two murders so
I crossed him off the list. I already told him about the truth before we left his apartment."
"And you kept it secret from me?" Mabuti pa ang acquaintance niya, sinabi niya. Kaya pala hindi nasorpresa si
Herschel nang ibunyag ni Loki kung sino ang killer. That also explained kung bakit naka-ready ang wand niya para i-
stun si Leona.
Naalala ko noong nalaman kong galamay ni Moriarty si Bastien Montreal. Hindi man nagulat si Loki sa sinabi ko
dahil pinaghinalaan na niya noon pa. Parang deja vu, ah.
"Don't you trust me? Do you think I will spill the beans and sabotage the entire investigation? Is that why you kept me
in the dark?"
He looked at me in the eye and paused for a while. "I trust you, believe me, I do. But I needed you to act naturally. I
don't want you to look upset once you find out that a seemingly innocent girl is behind those murders."
I let out a long sigh and rolled my eyes, turning my gaze to the opposite direction. A blue Subaru then appeared on the
horizon and parked in front of us.
Pero bago kami sumakay, narinig namin ang sigaw ni Herschel mula sa aming likuran. May iwinawagayway siyang
isang folder. Hinabol niya muna ang kaniyang hininga bago niya iniabot kay Loki ang dala-dala niya.
"I almost forgot to give you this!" Herschel wiped the sweat on his forehead. He seemed fine, not bothered by the fact
that his assistant was involved in a series of murders. "Those are the phone records that you requested."
Loki opened the folder and went over the documents. His eyes narrowed into slits and his face had that serious look
whenever he's in deep thought.
"I couldn't retrieve the messages of the phone number you provided but I managed to get the call logs over the past
few weeks," Herschel explained, pointing at the list of numbers on the paper. "I hope those phone numbers in the log
would prove to be useful in your investigation."
"Thank you, Hershey."
"My pleasure, Loki. If you need anything, I'm only one call away." He waved his right hand as Loki and I walked
toward the car. Mr. Vasquez opened the door to the back seat for us and drove away from Cavalier Academy. My
seatmate was staring blankly outside, he must thinking about the documents he received from his acquaintance.
"Stein Alberts' phone records," he mentioned out of the blue while my eyes were transfixed on the folder. "I gave his
phone number to Hershey and asked the latter to retrieve every data he could. If we can find out who his other
contacts are, we will have another thread to trace back to him."
Then the two of us went silent until we reached Tita Martha's apartment.
Pag-akyat namin sa third floor, huminto muna si Loki sa tapat ng pintuan ng aming unit. May isang sobrang liit na
papel na nakakalat sa harapan. Pinulot niya ito at dahan-dahang binuksan ang pinto. There was weird look on his face.
Umupo ako sa couch habang dumiretso sa kaniyang kwarto si Loki. Lumikha ng ingay ang mga gamit na hinuhulog
niya sa sahig. May hinahanap siguro siya sa kaniyang cabinet o drawer. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong isa
siyang batang sinusumpong ng tantrums.
Minutes later, he emerged from his room, a serious expression dawned on his face. His mood made a 180-degree turn
compared noong bago kami pumasok.
"Is something wrong?" I sounded worried.
"Someone broke into our unit." He showed me the tiny piece of paper he picked up earlier. "Before leaving our
apartment earlier, I put this thing in the narrow gap between the door and the frame. If anyone lockpicks the door and
opens it, this bit will fall on the floor. Oh, no need to be amazed, it is a basic trick."
If that's true, kailangan ko ring i-check kung may nawawala sa mga gamit ko. "Is there anything missing in your
room?"
He nodded. "My laptop containing the Pandora's Box is gone."
###
Next Chapter Preview: "Miss me? Did you miss me?"
"If you attempt to push me off a cliff, rest assured I will drag you down with me."
"If I were assured that pushing you over will be your end, I would be glad to join you down the cliff."
Guess who's back?

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part I)

LORELEI

"SO THAT's how the case was solved?" Alistair asked while the two of us were walking across the school's hallway,
on our way to the QED clubroom. Kakatapos lamang ng aming morning period kaya may time kaming bumisita roon.
I was supposed to call him last Saturday to tell him about the case resolution pero nakalimutan ko dahil sa nangyari sa
apartment. Speaking of which, Tita Martha claimed she did not notice anyone suspicious entering the apartment
building. Wala ring CCTV camera na naka-install kaya wala kaming paraan para ma-identify kung sino ang pumasok
sa aming unit.
No one knew about the Pandora's Box in Loki's laptop except the two of us. Kaya nga nagtataka kami kung bakit 'yon
ang pinuntirya ng sinumang nanloob sa amin. I never mentioned its contents to anyone when I brought it to school to
blackmail Luthor and the student council.
Whoever's in possession of that laptop, as long as he can crack the password, can literally and figuratively make
anyone kneel before him.
"Loki knew it was Leona after he realized that the culprit disguised the murder weapon into something that won't
appear suspicious," I continued explaining. "Herschel told us last night that Leona confessed committing the crime, at
inamin niyang pinatay niya ang tatlong founder dahil ginagamit nila ang paborito niyang series para makapangolekta
ng pera."
"Being an avid fan of something is a dangerous thing," Alistair commented as we started climbing the stairs going to
the third floor. "And murder should never be the solution to express how disgusted you are at an organization that uses
your favorite book or movie for profit. Where did she get the curare?"
"From the science lab. They have a storage full of poisons that's off-limits to anyone. She must have found a way to
get in."
Al chuckled as if a funny thought crossed his mind. "Naalala mo pa ba 'yong club sa dati nating school? Nagre-recruit
sila ng maraming members, naniningil ng malaking fee tapos wala mang club activities maliban sa cheap na shirt at
pin?"
"'Yong Treasure Hunters' Club?"
He pointed his right forefinger at me. "That's the one! Ikaw mismo ang nag-expose sa kanila sa student council noon
kaya na-dissolve din ang club. You found out that they were fabricating their club report to the Office of Student
Affairs."
A faint smile flashed on my lips as I remembered that incident in our previous school. That was a couple of months
ago but my recollection of it is still vivid. It was fulfilling to do something right but it had its cost. I have made
enemies-quite a lot of enemies-from people around me.
And my expose led to one of the most painful memories that scarred me for life.
"Their foundation day is fast approaching. May balak ka bang pumunta doon?" tanong ni Al, saktong nasa tapat na
kami ng clubroom. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang napahinto ako.
Then there was silence. It was a categorical question yet it took me a few seconds to think about it. Of course, I
missed my old school and if given the chance, I want to visit it again. However, the bitter memories that I had of it
made me reconsider.
I ended up not answering his question as I turned the doorknob and pushed the door open. Papasok na sana ako pero
nang tuluyang bumukas ang pinto, nanigas ako sa aking kinatatayuan. There were two familiar figures at the end of
our long table
"Lo-Loki?!" I gasped with my eyes wide open. There he was, seated in his usual spot with Jamie standing beside him.
Parang ilang taon na kaming hindi nagkita kahit magkasama kami halos araw-araw. Hindi ko kasi in-expect na
makikita ko siya ngayon dito sa clubroom.
"Ba-Bakit ka nandito?" Kinusot ko pa ang mga mata ko at lumapit sa mesa para tingnan kung siya nga talaga ang
nakaupo doon o baka isang mannequin lang na ginawa ni Jamie dahil sobrang miss na niya si Loki. Walang
ekspresyon sa mukha ng lalaking tinititigan ko kaya aakalain mong isa siyang manyika.
"Why do you sound so surprised? I am the club president and I have the right to be here."
Oo, siya nga ang nasa harapan ko at hindi isang mannequin. I did not mean to sound as if I am not happy to see him
here. Pumuslit ba siya para makapasok dito sa school building?
"Pero 'di ba suspended ka? Paano ka nakapasok?"
"Haven't I told you that my suspension has been lifted?" His brows furrowed, a curious expression was etched on his
face. "Or was I talking to myself when I received the news from my brother?"
My eyes shifted their gaze from him to the girl who's been massaging Loki's shoulder. Nakaka-miss din pa lang
makita si Jamie lalo na 'yong laging pagdikit niya kay Loki kapag nasa clubroom kami. After ilang days ng pagiging
missing in action niya, sa wakas ay nagpakita na siya. At ang rason kung bakit muli siyang sumulpot? Dahil kay Loki.
"Have you met Alasdair?" tanong ni Loki sa kaniya. "No? He's our new club member, recruited by Lorelei during my
absence as president."
"Oh!" Jamie glared at me before approaching the guy on my right. May meaning na naman ang masamang tingin
niyang 'yon.
"I'm Jamie Santiago, such an honor to meet you."
"Alistair Ravena. The pleasure is mine."
The two of them shook hands and exchanged smiles. Parang malagkit ang tingin ni Jamie sa childhood friend ko,
katulad sa isang hunter na nakahanap ng bago niyang target. Sa pinaggagawa niya kay Loki, posible ngang dumikit
din siya na parang linta kay Al.
Jamie clapped her hands, a grin plastered on her lips. "Why don't we have a party to celebrate Loki's return and
welcome Alistair to the club?"
"Instead of having a party, we should focus our attention on solving cases," Loki said in his usual monotonous voice.
"Once the students know that the QED Club is back to normal, requests will start pouring in."
"Pero minsan lang naman, Loki~ Pagbigyan mo na~" Her voice sounded flirtatious which irritated me for a moment.
"I saw it," Al whispered to my ear. "How quickly she changes her facade. That smile when we entered the room, that
glare she shot at you, and that smile when we shook hands. She's hiding something."
My mouth slightly opened as I glanced briefly at my friend. This was the first time he met Jamie and I never
mentioned that woman to him. But he already sensed something off with her in a few moments they exchanged their
names.
Why should I be that surprised? The moment he and Loki met at the coffee shop weeks ago, he found out that my
companion and I were only pretending to be a couple. He had a skill of seeing through the masks of those whom he
encounter.
"Pero habang wala pa tayong clients, enjoyin muna natin ang pagbabalik mo. Don't you agree, Lorie?" nakangiting
humarap sa akin si Jamie. Ngayon, tinatawag na niya ako sa nickname ko na para bang close talaga kami.
I'm not against the idea so I nodded. "Wala namang masama kung magpa-party tayo hangga't wala pang kumakatok sa
pinto natin."
"How about you, Alistair? Okay lang ba sa 'yo na mag-party tayo?"
"I don't mind."
"But something else is much more important tha-"
Jamie leaned on our protesting club president and pressed her forefinger on Loki's lips, silencing him instantly. "Three
of us voted for the party kaya ipu-push na namin. Just relax and enjoy, okay?"
Loki scowled at her defiantly. Bilang club president, may choice namang siyang i-veto ang suggestion pero hinayaan
na lamang niya. "Fine, as long as you don't ask me to buy the food and drinks."
"Don't worry," she then turned to me and Al. Looks like I know where this is going. "Is it fine kung kayong dalawa na
lang ang bumili ng pagkain at inumin sa cafeteria?"
Siya ang nag-suggest ng party pero sa amin niya ipinapasa ang legwork. Gusto lang niyang ma-solo si Loki kaya
kaming dalawa ni Al ang inuutusan niya. I may not be as good as Loki or Al but I can see right through your
intentions, Jamie.
Pero bago pa ako makapagbitaw ng oo o hindi, may narinig kaming tatlong katok sa pinto. Kung sinuman ang nasa
labas, hindi na niya hinintay ang sagot namin at basta-basta pinihit ang doorknob at binuksan ito.
I took a step back and clutched on the nearby chair tightly. My body began trembling as I stared at the familiar face of
our visitor. Luthor's the only one who can send chills down my spine. But as it turns out, there's another one.
Napalingon ako kay Loki, nabalot ng seryosong ekspresyon ang kaniyang mukha, nakapatong ang mga siko niya sa
armrest ng kaniyang upuan at ipinagdikit ang mga daliri niya na parang nagdarasal. Napawi naman ang ngiti sa mukha
ni Jamie, I could see fear in her face, an expression that I rarely see on her.
Nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng clubroom. Napuno ng katahimikan at tanging ang mga sapatos ng aming bisita
ang lumilikha ng ingay.
It was Stein Alberts a.k.a. Moriarty. I thought he was still in coma. But seeing him in the flesh meant he has woken up
from his long slumber.
"What's with the heavy atmosphere here?" Al whispered while watching the young man pace the room. Naikwento ko
na sa kaniya ang tungkol sa encounters namin sa tinaguriang Napoleon of crime noong dinala ko siya rito sa clubroom
pero hindi pa pala niya alam ang itsura ni Stein.
"That's the person I told you before. Moriarty."
Stein put his hands inside his pockets and stood near the end of the table, directly opposite to Loki. "Sorry if I barge in
without your permission."
Dahil malapit kami sa kaniya, my instinct told me to take a few steps backwards. Hinila ko rin ang sleeve ng uniform
ni Al para mapaurong din siya. Stein's aura was suffocating me kahit wala pa siyang ginagawa.
"Congratulations, you are still alive," Loki greeted him dryly. I saw a glint of anger in his dull eyes. He was probably
maintaining his composure before the man who killed his friend.
Stein dragged a chair and sat on it. He crossed his legs and placed hands on his lap as if he was a king comfortably
seated on his throne.

"How about a thank you?" he asked. "Won't you be expressing gratitude to me?"
"Why should I?"
"Because I did not pursue a case against you. You could have been in jail by now if I did."
"Oh, you want me to say the magic word? Thank you."
"That didn't sound sincere."
"Doesn't matter. You only wanted me to say those words and I did."
"Okay, okay!" Stein raised both hands. "You have nothing to worry about. I won't be filing a case against you. I can't
lose my archenemy now that things are getting more interesting. Because if I did, I would lose a valuable playmate."
"So plotting someone's death was a game for you."
"The same could be said whenever you solve those cases."
Watching their exchanges felt like watching a tennis match. You look at one player then to the other while they keep
on swinging their rackets. It's getting more intense in the clubroom and none of us except Loki chose to engage with
Stein.
"It is nice seeing new faces in your little club," he flashed a mischievous smile at me, Al and Jamie. Ibang-iba na siya
sa Stein Alberts na una kong nakita sa abandoned high school building. From being an innocent victim, he
transformed into an evil overlord. "I may need to update my target list."
The corner of Loki's lips twitched, his eyes still transfixed at our guest. "What do you want?"
"To say hi? It's been a while since the last time we spoke. Did you miss me?"
"A bit." There was a hint of bitterness in his voice. "Why don't I ask my members here to tie you on that chair and
torture you until you confess your crimes?"
Napatingin sa direksyon namin si Stein, nag-reflect sa lente ng kaniyang salamin ang liwanag sa labas. Nanindig ang
mga balahibo ko nang humarap siya sa akin. "I doubt your friends here would resort to violence. And that would be
anticlimactic... and disappointing."
"If you don't want me to do it myself, you better leave. You have already said hi to me and my club. And you have no
business with us."
Stein smirked. "Let me be blunt. I know you will exhaust your resources to find loose ends in the crimes you have
alleged to me. But there won't be any."
"You think your crimes are perfect?" Loki giggled. "News flash: There's no such thing as perfect crimes because those
who commit them are humans who are prone to errors. We will find the breadcrumbs that will lead us to you."
"Then I hope you don't mind if I retaliate," he said before darting a quick glance at us. "You lost a queen the last time
we played. Now you've got more chesspieces to lose, Loki."
"So this is part where you threaten us?"
Stein stood, straightened his necktie and buttoned his royal blue blazer. "If you attempt to push me off the cliff, rest
assured I will drag you down with me."
Loki replied with a mocking smile before saying, "If I were assured that pushing you over will be your end, I would
be glad to join you down the cliff."
"But don't expect a soft landing beneath." Stein went to the door and touched the knob. Before turning it, he looked
back at Loki with a cunning smile on his face. "By the way, I prepared something to celebrate our return. I'd like to
start our game... with a boom!"
He then left the clubroom and a deafening silence ensued among us. Sa sobrang intense ng palitan nilang dalawa,
nanginig ang mga tuhod ko at muntikan nang bumigay. I was about to sit on Stein's chair pero mabilis akong nakalipat
sa katabi nito.
Al stood beside me, he managed to remain calm and composed throughout the conversation. Jamie sat on the chair
next to Loki who was staring blankly. Moriarty's words had some effect on us. What more kung totohanin niya ang
kaniyang banta?
Tumayo si Loki at nagsimulang maglakad-lakad nang nasa likod ang kaniyang mga kamay. He must be thinking about
what Stein told us. "I didn't expect him to be so straightforward. Looks like our party is cancelled."
"But what did he mean with this parting words? Start your game with a boom?" tanong ko.
Loki put his hands together and placed them close to his lips. "He must have planned something before meeting us
here. An appetizer before the main course, probably."
"He said boom! Could it be-"
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!
Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas, dahilan para bahagyang yumanig sa clubroom namin. Lumabas
kaming apat para tingnan kung saan galing 'yon.
I clapped my hands over my mouth as I saw black smokes coming from the Chemistry Lab on the opposite wing.
Nagsilabasan din ang ibang estudyante para makiusyoso kung anong nangyari doon.
"So this is what he meant," Al commented.
"H-How could he...?" Jamie's voice faded. Kagaya ko, napatakip din siya ng bibig.
Loki stared at the smoke, watching some students get out of that room. The first shots have been fired by Moriarty.
The game is indeed afoot.
This only means one thing: Moriarty is indeed back.
###

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part II)


LORELEI

THE FIREFIGHTERS immediately responded to the explosion in the chemistry lab. They were able to put out the fire
before it could affect the nearby rooms. Unfortunately, one person was killed in the explosion while ten others were
wounded.

If this was the game Moriarty mentioned earlier, then it literally started with a boom. I had a feeling na ito pa lamang
ang umpisa ng party na inihanda ng criminal mastermind para sa amin.

Buong puwersang nagtungo ang QED Club malapit sa scene ng pagsabog. Kinordonan ng mga officer ng Campus
Police ang paligid ng chemistry lab kaya hindi kami basta-basta pinapasok. Masyado pa raw delikado ang sitwasyon
at hindi pa cleared ng mga bomb expert kung ligtas na. Pinalipat muna ang lahat ng mga nagkaklase sa wing na 'yon
sa mga vacant room sa kabila.

"It must be a homemade bomb designed to cause small explosion enough to blow up an entire room," Loki said while
staring at one of the bomb experts inside the burnt lab.

"How did you know?" tanong ko. Wala pa siyang kinakausap ni isa sa mga awtoridad na nasa loob. Nakapagtataka
kung sino ang source niya sa impormasyong 'yon.

"I was reading the lips of the officer-in-charge inside," he faced us three. "That skill is necessary in situations where
you can't directly talk to authorities or eavesdrop to their conversation."

"Is that it?" Alistair asked. "He already said 'hi' to us and 'I'm back' to the entire school."

Loki slowly shook his head. "No, this is only the first act. There's more to come."

"More what?"

"Boom!"

"Kung totoo man 'yan, hindi pa tayo pwedeng kumilos dahil hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari,"
sabi ni Al. "We don't know where to start. We don't know where to find the next bomb... or bombs."

"If Moriarty wants to play a game with us, he will definitely set up the chess board and invite us to play," said Loki.
"The explosion here is a warning that he is serious."

"Shouldn't we evacuate the students in the building first?" Jamie suggested. "Baka mas marami pang masaktan kapag
nagpatuloy ang mga pagsabog."

"That won't be necessary if we can diffuse the bomb." Our club president had an air of confidence about him, talking
like an expert in bomb diffusal.

"You know how to diffuse one?" I asked.

"No, but this is a good opportunity to learn a new skill," he answered in a matter-of-fact tone.

"Loki, there are lives at stake here!" I told him with my hands on my waist.

"And we can't take chances with people's lives," Al came to my support. "We need to do something to avoid having
more casualties."

"Lorelei!"

The four of us turned around and saw Sir Jim Morayta running to our direction. There was a grave look on his face as
if something bad had happened. Nang magawi ang tingin niya kay Loki, may kaunting pagkagulat sa kaniyang mukha.
His face told us, "Oh, you're back?"

This is their first meeting since the coffee shop incident. Loki suspected before that Sir Jim Morayta is the face and
name behind the criminal mastermind. It turned out that he was wrong.

"Hinahanap ko kayo sa clubroom pero wala kayo doon." Inayos ni Sir Jim ang pagkakalagay ng kaniyang salamin at
inilabas ang kaniyang phone. There was a hint of urgency in his voice. "What I'm about to tell you shouldn't be leaked
to other students. Otherwise, magkakaroon ng panic at baka maraming masaktan."

Bigla siyang napatingin sa dalawa pang kasama namin. I could read through his facial expression that he's skeptical of
sharing it in the presence of Jamie and Al. Na-meet na niya ang childhood friend ko sa Math classes namin pero si
Jamie, mukhang hindi pa.

"Members din sila ng QED Club kaya pwede n'yo ring sabihin sa kanila ang gusto n'yong sabihin sa amin," I assured
him.

"An unknown number texted every faculty member saying there are bombs in the campus," sagot ni Sir Jim habang
tina-tap ang screen ng kaniyang phone. "Inako niya ang pagsabog sa chemistry lab at sinabi niyang may tatlo pang
pagsabog na dapat asahan."

"Ta-Tatlo?" magkasabay na pagulat na tanong namin ni Jamie. There was no reaction on Loki's face while a hint of
concern flashed on Al's.

"Kailangan na nating i-evacuate ang mga estudyante bago pa sumabog ang mga 'yon!"

Umiling si Sir Jim. "'Yan din ang unang solusyon na naisip namin pero hindi pwedeng gawin. Kapag may napansing
kakaibang kilos ang bomber sa mga estudyante, papasabugin niya kaagad ang mga bomba. Mukhang gusto niyang i-
diffuse natin sila o sumama tayo sa pagsabog."

Ipinakita niya sa amin ang text message ng isang unregistered number. Gaya ng sinabi ni Sir Jim, malabo ngang
magsagawa kami ng mass evacuation. That must be why he was so discreet earlier. Kapag nalaman ng mga
estudyanteng may bomba, magpa-panic ang lahat. That's the last thing we want to happen.

The three bombs will explode in three different locations simultaneously.


When the clock strikes twelve, there will be boom! boom! boom!

P.S. I left a gift for you in the first scene of explosion.

Sabay-sabay kaming napalingon sa aming likuran kung saan lumabas ang isa sa mga bomb expert na may hawak-
hawak na brown envelope. Pinakita niya ito sa mga kasamahan niya at nagbulungan sila.

"That must be it!" sabi ni Loki sabay takbo sa kanilang kinatatayuan. Sumunod naman kaming mga member niya
kasama si Sir Jim.

"Nakita namin 'to sa sahig," narinig kong kwento ng bomb expert. "Weird nga kasi buong-buo pa 'to. Dapat
nagkapira-piraso na nang sumabog 'yong bomba sa loob. May nakasulat sa likod na FOR THE QED CLUB at LOVE
LOTS FROM M."

"We are from the QED Club to whom that gift is addressed." Hinawi ni Loki ang kordon para makalapit sa dalawang
officers. "May we have a take a look at that?"

Pinagtinginan kami ng mga awtoridad, may halong pagdududa sa kanilang mukha.

"Excuse me?" lumapit si Sir Jim sa kanila at ipinakita ang kaniyang ID. "I'm a faculty member. This is the QED Club,
our detective group in this school. Iniimbestigahan din nila ang nangyaring pagsabog dito. Kung talaga ngang para sa
kanila ang package na 'yan, okay lang na i-hand over n'yo sa kanila, tama?"

Nagkatinginan ang mga bomb expert. "Hindi naman boobytrapped ang package na 'yan kaya walang panganib kung
bubuksan."

Tinanggap ni Sir Jim ang envelope at ipinasa kay Loki. "Galing 'to sa taong may codename na M. Is it possible na si
Moriarty ang may kagagawan nito?"

"It is not a possibility. It is a certainty."

Muling napahawak si Sir Jim sa bridge ng kaniyang salamin at nag-reflect sa mga lente nito ang liwanag sa labas. I
couldn't see whether there's a hint of surprise in his eyes.

"Then I shall leave this case to your capable hands," he said. "In the meantime, I will talk to the student council and
the executive committee to figure out kung may iba pang solusyon."

Hindi pa man siya nakakalayo sa kinatatayuan namin, muli siyang napalingon sa aming direksyon. "By the way, Loki,
I hope we can talk about the Moriarty case one of these days."

Isang thumbs up ang isinagot ng kasama ko habang abala siya sa pagbukas ng selyadong envelope. Our Math
instructor told me a week ago that he wants to meet us. Ang tanong ay kung ano ang nalalaman niya tungkol sa
misteryong ilang buwan nang nilulutas ng QED Club.
"That thing should have been caught in the explosion, right?" tanong ni Jamie na sobrang dikit kay Loki. Kulang na
lang ay ipalupot niya ang kaniyang mga kamay sa katawan ng lalaking dinidikitan niya. "Bakit buo pa rin 'yan?"

"Maybe it wasn't there when the explosion happened," sagot ni Al who seemed to be anxiously waiting to see the
contents of the envelope. "Pagkatapos ng pagsabog, posibleng may pumasok sa loob ng chemistry lab at iniwan 'yan
doon. Whoever left that envelope must be an agent of Moriarty."

Loki carefully opened the flap and slowly pulled out a thin, rectangular device-an iPad. He pressed the ON button and
the screen lit up.

"Are you ready?" These three words flashed on the screen along with a "yes" and a "no" button. He clicked yes.

Nakakahilong tingnan ang series ng mga letra kaya napatingin ako palayo. Tutok na tutok naman sina Loki at Al sa
pagbabasa.

"Who is Blaise?" tanong ni Jamie na lalo pang dumikit kay Loki. She was obviously taking advantage of the situation
and the guy she was clinging onto didn't care.

The letters on the screen faded as another set of sentences surfaced.

Call the experts, cut off the wires and the bombs will explode!
If you want to stop the boom, here's a puzzle to decode.

Then there was an image of the chessboard with black and white pieces scattered across. I thought the bomber was
challenging us to a chess match. But after observing that the image was static, it dawned upon me that that was the
puzzle.

"This is what I have been missing the past few days," Loki smirked. Kung kanina'y matamlay at walang buhay ang
kaniyang mga mata, ngayo'y parang kumikislap na ang mga 'to. "I can now sincerely thank Moriarty."

Naiintindihan ko ang pagkasabik niyang mag-decode ng puzzle pero hindi lamang basta-basta laro ang sitwasyon
ngayon. Lives could be lost by mid-day and that risk is something one should not be thankful for.

After half a minute or so, the chessboard faded and the words "Good luck!" flashed on the screen. Loki turned on the
iPad again to review the codes but it did not light up. Pinagpipindot niya rin ang ibang button pero ayaw nang
sumindi.

"Shoot!" He threw the iPad on the floor and starting pacing back and forth. "We forgot to take photos of those series
of letters and the arrangement on the chessboard!"

The young woman beside him giggled. She started typing something on her phone screen. "My dear Loki, have you
forgotten that I have an excellent memory?"

Ipinakita niya sa amin ang serye ng letrang nag-flash sa iPad kanina. Aside from flirting at Loki, this is one notable
skill of Jamie. None of us can confirm if those letter are correct but I trust her retentive memory.

"Brilliant," Loki muttered. "I have been away for a couple of weeks, I almost forgot you have a retentive memory.
How about the chessboard code, can you reproduce it for us?"

"Basta para sa 'yo, Loki." Kinuha ni Jamie ang envelope at inilabas ang kaniyang pen para gumuhit ng mga linya
kagaya sa isang chessboard.

"So she's not your ordinary clingy girl," Al whispered to me, his arms crossed while watching Jamie draw an eight-by-
eight grid. She began writing the names of the chesspieces.

"Did you know that she and Loki had a blind chess match weeks ago and she managed to beat him?"

"Really? That makes her more interesting."

Sunod akong napaharap kay Loki na nakakunot ang noo habang nakatitig sa hiniram niyang phone kay Jamie. There
was an invisible sign hanging on his neck that says "Do not disturb, I'm thinking."

"Have you figured out how to decode the three series of letters?" Al asked. "Do you know who Blaise is?"

"That was a dead giveaway," Loki answered. "Just so you know, Blaise isn't someone in this school whom we can ask
for help. He was a French cryptographer. Have you heard of the Vigenere cipher? No? That method of encryption was
earlier invented by Giovan Battista Bellaso but it was misattributed to Blaise de Vigenere."

He bombarded us with trivia that's too much to absorb. All we needed to know is how to crack the codes. His other
hand put out his phone and did some swiping gestures before showing to us rows and columns of letters. Lalo akong
nahilo sa sobrang dami ng mga letra doon.

"Tabula recta. Vigenere cipher consists of several Caesar ciphers in sequence with different shift values. Its concept is
similar to Polybius square but it is more complicated."

Those two ciphers rang a bell in me. Natatandaan ko pa 'yong araw na pinalabas ni Loki na nadukot siya't nag-iwan ng
double code sa clubroom para i-crack namin ni Jamie. Because we were desperate back then, we asked for Stein's help
without having any clue that he is Moriarty.

"In order to crack a Vigenere cipher, you need this tabula recta as reference and the keyword which the bomber made
too obvious-BOOM. I could go on and explain the whole process but we don't have much time left."

"So what are the three locations?"

"Library. Auditorium. Gymnasium."

"We need to strategize first," Al suggested. "We need to search those places and we only have less than an hour left.
Since there are four of us, bakit hindi natin hiwa-hiwalay na puntahan ang mga lugar na nilagyan ng bomba?"

"Okay lang sa akin basta kasama ko si Loki," tugon ni Jamie sabay pakita ng papel kung saan ni-reproduce niya ang
arrangement ng chessboard. I have to admit that I'm impressed by her skill.

"No, you better go with Lori."

Nagulat ako sa suhestiyon ni Al kaya napatingin ako sa kaniya. I had a what-are-you-doing question written all over
my face. Hindi ko pa naikuwento sa kaniya ang status ng relasyon namin ni Jamie kaya siguro iniisip niyang okay
lang na pagsamahin kami.

"But-"

"Dividing our forces may be a good idea," patango-tangong sabi ni Loki. "Al and I can defend ourselves if ever
Moriarty deployed some henchmen to those locations. You two can take down someone together with the help of
Lorelei's stun pen."

Nagkatitigan kaming dalawa ni Jamie. Sandaling nanlisik ang mga mata niya sa akin bago bumalik ang mga 'to sa
normal nilang itsura. Lagi niyang sinisiguro na nakaanggulo siya't hindi makikita ni Loki ang make faces niya. And by
the way, the word "together" doesn't sit well with us.

"The problem now is the code," Al touched his chin, squinting his eyes as he studied the placement of the chesspieces.
"Does it have anything to do with the coordinates? O kung anong piece ang nakalagay sa particular square?"

"We have to see the bombs first para malaman natin kung ilang digit ang kailangan," sagot ni Loki, Kinuhanan niya
ng litrato ang drawing ni Jamie gamit ang kaniyang phone. "The clock is ticking. We have to move. We will keep in
touch through messages and calls."

Nagkapalitan kami ng phone numbers bago ibinigay ang kani-kaniyang assignments. Kaming dalawa ni Jamie ang na-
assign sa library, si Al ang pupunta sa gymnasium habang si Loki ang maghahanap sa auditorium.

We bid one another good luck before we set out to find the bombs. Around forty-five minutes left before they go off.

I heard Jamie repeatedly clicking her tongue while we were climbing down the stairs. Hindi pa kami nag-uusap mula
nang humiwalay kaming dalawa kina Loki at Al. She must be extremely disappointed by the turn of events.

Iniisip ko rin kung bakit 'yon ang naging suggestion ng childhood friend ko. Pairing me and Jamie was not a good
move. Wala naman akong ill will sa kasama ko ngayon pero baka siya, meron sa akin. Medyo hindi lang ako
komportable kapag nasa tabi ko siya.

Then I remembered what Al whispered to me back in the clubroom.

"She's hiding something."

Maybe that was his intention all along. Gusto niyang gamitin ko ang pagkakataong ito para alamin kung may tinatago
nga si Jamie. Sa aming tatlo nina Loki at Al, ako lamang ang posibleng makagawa no'n. Loki's judgment of her could
be clouded because of the latter's resemblance to his late partner. Al's a new member so he cannot ask questions.

Meanwhile, I'm the only one in the club kung kanino ipinapakita ni Jamie ang other side niya-whether that's the real
her or not. It would be a waste if I let this chance pass.

I darted a glance at her sullen face, nakikita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya. If Al's initial observation of her
is true... then what are you hiding, Jamie?

###

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part III)


LORELEI
"What are you looking at?" Jamie asked irritably before rolling her eyes. She was quick to notice my gaze.
"Nothing. I thought there was a dirt on your face." I looked away as we reached the landing on the ground floor.
Everything seemed peaceful. Nagtatawanan pa ang mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Ang hindi
nila alam, ilang minuto mula ngayon, baka mawala na ang ngiti sa mga mukha nila.
Nagpatuloy kami sa pagbaba ni Jamie, nauuna siya ng ilang hakbang sa akin. She doesn't want to walk beside me.
That must be her way of expressing that we are not on the same level.
Then as we were about to exit the high school building, I felt a threatening glare from someone, sending shivers down
my spine. Tumalikod ako at nagpalingon-lingon sa kaliwa't kanan, hinahanap kung saan galing ang kakaibang
pakiramdam na 'yon. Either I'm only imagining things or someone is really shooting daggers at me with their piercing
eyes.
"Hey, what's wrong?" Maging si Jamie, napahinto sa kaniyang paglalakad. Bakas ang pagkairita sa kaniyang mukha.
For the last time, inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, pero wala akong napansing kahina-hinala. If anyone's
looking at me, he must be hiding behind the pillars.
This reminds me of what I felt weeks ago. I had the same shivering feeling when Loki and I were investigating Stein's
disappearance. After we found Stein in the abandoned building, I saw a silhouette of a mysterious man staring back at
me. That shadow's face was revealed in the hospital when Loki was rushed there after drinking belladonna.
Could it be the same person following me before? Is he someone connected to Moriarty?
"Bahala ka nga diyan kung gusto mong tumunganga," Jamie whined as she continued her stride to the other school
building meters away from us. I shook my head and followed her lead. Considering the situation we are in, wala
kaming panahon para ma-distract.
The library was unusually packed this morning. Dati kasi, para itong sinehan kung saan showing ang isang flop na
movie-nilalangaw. Puno ang mga upuan at mesa ng mga estudyanteng subsob sa mga librong binabasa nila.
Malamang inutusan sila ng kanilang instructor na pumunta rito para magsagawa ng research.
Although this is good for the library, this is bad for us. If a bomb goes off at twelve noon, everyone in this building
will become casualties and the death toll might rise. If we tell them to leave now, the bomber might set off the bomb
and we will be caught in the explosion.
The only solution in this case is to crack the bomber's code and diffuse the bomb.
"It has been a quite some time, hasn't it, Loki's assistant? Glad to see you still alive and kicking."
I was busy looking at my left that I didn't notice the young woman who greeted me. Indeed, it has been quite some
time since we last saw each other's face. May nagbago sa itsura niya kaya it took me seconds before recognizing her.
But thanks to her bangs, naalala ko pa kung sino siya. The badge pinned on her shirt's collar was a symbol of her
authority as the chairwoman of the student executive committee.
"Margarette," I mumbled, our eyes locked. Noong huli ko siyang nakita, may suot pa siyang salamin na may
transparent frame. Mukhang inalis na niya ito o nakalimutan niya sa kanilang bahay. But I bet it's the former than the
latter.
She took one step closer to me, maintaining a foot distance between us. "Napaka-unsual na makita ka rito sa library.
The last time you went here was weeks ago."
"If you've been briefed about the situation, you know why we are here."
"Of course, the QED Club is always here to save the day. How's Loki? He's probably enjoying the situation, isn't he?"
She then rolled her eyes to Jamie. "You shouldn't get yourself with that man, Rhea. Mapapahamak ka lang."
"It's Jamie, not Rhea." My colleague, who had an irritated look on her face earlier, flashed a smile as she corrected the
name.
Margarette briefly closed her eyes. Jamie's resemblance to her late friend (and Loki's) must have caused the confusion.
"Sorry, my mistake. You really look like her."
"Lori, don't we have something else to do?" Jamie's sounded so sweet. Aakalain mo ngang mag-bestfriend kami kapag
narinig mo ang tono ng kaniyang boses.
"Excuse me, Margarette. We have a bomb to diffuse." We walked past her as she stood frozen on the ground. She did
not bother to bid us good luck or farewell.
Dumiretso kami ni Jamie sa librarian's desk kung saan nakapuwesto ang matabang babae na mukhang hindi maganda
ang gising. Nakasimangot siya at halos magdikit ang kaniyang kilay. Para siyang leyon sa zoo na iiwasan mo dahil
baka bigla kang lapain.
Tsk. Mahihirapan kaming maghanap kung nandito siya. Balita ko, kapag nag-iingay ka raw sa library o nanggugulo sa
kapayapaan dito, babatuhin ka niya ng kaniyang mahiwagang pamaypay. Laging bullseye ang mga tira niya kaya
mahirap umiwas.
Paano namin siya mapapaalis sa puwesto niya? Pwede kong sabihin sa kaniya ang sitwasyon pero baka maging
exaggerated ang reaksyon niya't maalarma ang mga estudyante. Hindi rin siya mapapakiusapan na hayaan kaming
maglibot sa library para i-check kung saan itinago ang bomba.
Kung sanang may authority lang ako.
Wait, authority?
Napalingon ako sa likuran at nakitang hindi pa tuluyang nakakalabas ng library si Margarette. May nakasuot na
wireless earphone sa kaniyang tenga, tila may kausap.
"Stay here," sabi ko kay Jamie bago ako naglakad nang mabilis papunta kay Margarette. Iniwasan kong magmukhang
tumatakbo dahil baka masampolan ako ng pamaypay ng librarian.
"Margarette!" I called her in a husky voice. Napahawak ako sa magkabilang balikat niya. Nabigla tuloy siya at
napahawak sa kaniyang dibdib.
"Wh-What's wrong with you?" tinanggal niya ang suot na earphones at tiningnan ako ng mga nanliit niyang mata. She
seemed pissed by what I did.
"I need your help," I looked her in the eye to show how we badly needed her support. "Kailangan naming mapaalis
ang librarian. There's a bomb hidden here and we can't move freely while she's on the lookout."
She stared at me for a few seconds, probably pondering on what I meant. "And how exactly am I gonna do that? Do
you want me to drag her out of the library?"
"No. Just tell her that a person of authority wants to meet her somewhere."
"You are asking me to lie?"
"Sometimes we need to lie for the greater good." Napatingin ako sa clock display sa aking phone. Mahigit thirty
minutes na lamang bago sumapit ang alas-does ng tanghali. "It's now or never, Margarette. Time is not on our side."
She clicked her tongue before walking toward the librarian's desk. I followed her but maintained a few steps between
us.
"What did you do?" Jamie asked. "Wala tayong oras para makipagtsismisan."
"Kailangang umalis muna ang librarian bago tayo magsagawa ng search."
"Excuse me, ma'am? I'm Margarette Fernandez from the student executive committee. I was sent here by Sir Jim
Morayta."
Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi obvious na nakikinig ako sa usapan nilang dalawa. Pero teka, bakit
pangalan ni Sir Jim ang ginamit ni Margarette?
"He wants to ask something about the incident here a few weeks ago. I don't know the exact details but maybe you can
come with me and visit his office?"
"Naku, bakit ngayon pa? Andaming estudyante rito. Hindi ko pwedeng basta-basta iwan ang library dahil baka may
kunin silang mga libro!"
"Sir Jim says it's urgent. If you are concerned about the book thieves, maybe we can ask those girls to hold the fort
while you are away? They are members of the QED Club and they are keen observers. Kung may pupuslit ng mga
libro mula rito sa library, mapapansin nila kaagad."
I observed from my peripheral vision that Margarette motioned her hand to our direction.
"Sabi mo 'yan, a? Kapag may nawalang libro dito, sa inyo ko ipapa-charge 'yon."
Pinapunta kami ni Margarette sa may librarian's desk at pinakilala kami sa masungit na tagapagbantay ng library. She
wasn't interested in knowing our names. Ang gusto niya lang ay masigurong ligtas ang mga libro dito. Well, kapag
hindi namin na-diffuse ang bomba, lahat ng pinakamamahal niyang libro dito'y magiging abo.
"Make sure you diffuse that bomb. And remember, you owe me," Margarette whispered as she walked past me, the ill-
tempered librarian tagging along. I answered with a confident smile, kahit wala pang kasiguraduhang maliligtas namin
ang school na 'to mula sa banta ni Moriarty.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Jamie, umupo siya sa desk ng librarian at inilibot ang mga mata sa
buong library. There were a number of bookshelves plus the tables and chairs. Mukhang kulang ang natitirang oras
para halughugin ang lugar. "Where should we start?"
"Paghatian natin. Doon ako sa kaliwa, doon ka sa kanan para ma-cover natin ang lahat ng areas."
"No."
"No?" Nakakunot-noo kong tingin sa kaniya. "What do you mean by no? Alam kong mas gugustuhin mong makasama
si Loki kaysa sa akin pero kailangan nating magtulungan. Let's set aside whatever we have against each other and
work together, okay?"
I don't wann use the word "together" but I hope it would work to make Jamie cooperate with me.
"I also look forward to working with Alistair than you," she smirked then her bitch face returned. "But seriously, you
misunderstood me, Lorelei. When I said no, that doesn't mean na ayaw kong makipagtulungan sa 'yo. I just have a
better idea."
Napataas ang kaliwang kilay ko. "And that is?"
Tumayo siya't naglakad-lakad sa paligid ko. "Don't you see? There are many students in this library. We would be
fools if we don't take advantage of the situation."
Looks like you are good at taking advantage, gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero nagpigil na lamang ako.
"So how are we supposed to ask these students to help us look for a bomb? Do you seriously think that they will
cooperate?"
She grinned. "Nakalimutan mo na yata kung sino ang kasama mo?"
Without telling me anything about her plan, she went to the center. Hindi maiwasan ng mga estudyante-lalo na ng mga
lalaki-na mapatingin sa kaniya. Ang ilan ay malalagkit ang tingin na para bang hinuhubaran na siya sa kanilang isip.
Muntik ko nang makalimutan. She is the Jamie Santiago.
"Good morning, everyone! I'm Jamie Santiago from the Theater Club. May I have your attention please?"
All heads turned to her, kahit na 'yong mga estudyanteng abalang-abala sa pagsusulat ng kanilang research paper. May
ilang lalaki sa tabi ko na nagbulungan at sinabing, "Siya nga 'yong napanood natin sa play! Sabi ko sa 'yo e."
"E? Ang ganda pala niya sa personal!"
"Suwerte siguro ng boyfriend niya. Imagine having a girlfriend like her."
I rolled my eyes and focused my attention to Jamie. Mukhang alam ko na ang binabalak niyang gawin.
"Our propsman in the club created a fake bomb as prank. Kaso may isa sa amin na kumuha nito at itinago raw sa
library. We do not want to create panic here kaya gusto na naming i-retrieve bago pa may makita doon. Gusto sana
naming humingi ng tulong mula sa ilan sa inyo para hanapin 'yong fake bomb."
Nag-unahang nagsitayo ang mga lalaki at nagpahayag ng willingness na tumulong sa aming search.
"Possible na nakadikit siya sa ilalim ng mga mesa, upuan o kaya nakaipit sa bookshelves o naka-disguise bilang libro.
Sa mga busy, okay lang kahit hindi kayo tumulong, naiintindihan namin. Game?"
Tama nga ang desisyon kong paalisin muna ang librarian kundi pinagbabato na kami ng pamaypay. The volunteers-
mostly men-went to different parts of the library and started the search.
Napa-thumbs up at napangiti sa akin si Jamie. Whether that's sincere or she's just mocking me because she thought of
a better idea, I wouldn't know.
Aside from her retentive memory that she boasts whenever the opportunity presents itself, her charms and popularity
in the school can be useful. Sometimes.
Tumulong na rin kaming dalawa sa paghahanap ng bomba sa bawat sulok ng library. Wala kaming pinalampas na spot
at halos suyurin na namin ang buong lugar. The search took twenty minutes but no sign of bomb was seen. Mas na-
pressure tuloy ako nang makatanggap kami ng text message mula kina Loki at Alistair, saying they already found the
bombs in their assigned locations.
Ang ibig sabihin, tama nga ang ginawang pag-decipher ni Loki sa unang tatlong codes na nag-flash sa iPad. Ang
problema ay kung saan dito sa library itinago ang bomba.
"Maybe we should ask for their help?" Jamie suggested, she was still smiling at the boys who helped us. "We don't
have much time, do we?"
"They are now trying to decode the chessboard puzzle. Kailangan nilang mag-focus sa part na 'yon kundi sasabog pa
rin ang mga bomba kahit nahanap na natin sila," kinailangan kong hinaan ang boses ko dahil pinagtitinginan na kami
ng ilang nasa paligid namin.
She rolled her eyes and let out a sigh. "If we die here because of the explosion, I will kill you."
I ignored her threat. "At saka dalawa tayong nandito. Maybe we can put our minds together and work on looking for
that bomb. Loki said something before about eliminating all other factors and the one that remains is the answer."
"And what are those factors?"
"'Yong mga lugar na tiningnan natin. Wala sa mga mesa't upuan, wala sa bookshelves, wala sa mga librong nandoon,
wala rin sa ilalim ng librarian's desk."
"Chineck din nila 'yong mga halaman sa pot pati 'yong loob ng aircon pero wala rin," dagdag ni Jamie sabay tingin sa
kisame. "The ceiling is concrete here so the bomber can't place it there."
Saan ba pwedeng itago ang bomba nang hindi magmumukhang kahina-hinala? Muli kong inilibot ang mga mata ko sa
library, nakita ko ang mga masasayang mukha ng estudyante. May iilan ding seryoso sa pagbabasa habang may ibang
walang pakialam sa mundo.
If I were Loki, where would I check next?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang estudyanteng may suot na itim na jacket at walang tigil ang
pangangatog ng mga tuhod. I could see fear on his face but there's no reason to be afraid dahil walang nakakaalam
maliban sa amin ni Jamie na may bombang sasabog mamayang alas-dose.
"I think I know where it is," I whispered to my colleague sabay turo sa estudyanteng naka-jacket.
Her mouth slightly opened, her eyes narrowed. "How can you say?"
"Process of elimination. Loki talked about it numerous times in our clubroom and in the apartment," I answered.
"Wala ang bomba kahit saan dito sa library. Ang natitirang factor na nandito ay ang mga estudyante."
"So the bomb is strapped on his body? Maybe that's why my charms didn't work on him. Kanina pa kasi siya nakaupo
diyan at hindi siya tumulong sa atin kanina."
"We need to approach him in a not so suspicious manner or-"
Pero hindi na ako pinatapos pa ni Jamie at basta-basta na lamang nilapitan ang lalaki. May sinabi siya rito bago niya
hinila ang kamay nito papunta sa kinatatayuan ko. Kahit sobrang lamig na rito dahil sa aircon, pinagpapawisan pa rin
ang lalaki at lalong nabalot ng pagkabahala ang kaniyang mukha.
"Te-Teka, a-anong gagawin n'yo sa akin?" garalgal ang kaniyang boses. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto na
niyang maluha.
"Huwag kang mag-alala. Nandito kami para i-diffuse ang bombang nasa katawan mo. Tama ba ako?"
"Can you please open your jacket?"
The student was hesitant at first but he gave in to our request and unzipped his jacket. Dahan-dahan niyang binuksan
ito at bumungad sa amin ang isang improvised na bomba. May nakadikit na lumang Nokia phone doon at nakasulat sa
screen nito:
ENTER THE 8-LETTER PASSWORD:
________
###

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part IV)

LORELEI

NAPAPUNAS AKO ng pawis sabay lunok ng laway habang tinititigan ang countdown timer. Less than ten minutes
left before the bomb goes off. Tinext ko na kaagad sina Loki at Alistair para sabihing natagpuan na namin ang bomba.
"What should we do now?" tanong ni Jamie. Kung kanina'y pangiti-ngiti pa siya, ngayo'y nagkaroon na ng bahid ng
pagkabahala sa kaniyang mukha. She probably realized how critical the situation is.
Pinaupo namin ang lalaking may nakapalupot na bomba sa librarian's desk at sinigurong nakatalikod siya sa kaniyang
mga kapwa estudyante. Creating panic at this dangerous scenario is the last thing we want to happen.
"You have the chessboard puzzle?"
"Here." Inilabas ni Jamie ang papel kung saan iginuhit niya ang arrangement ng mga chesspiece sa board. I'm not that
familiar with how this game works which made it hard for me to contribute anything to the group.
"Maybe we should call them," I said as I dialed Loki's number first. Once he's connected, I called Alistair's phone next
and put it in a conference call.
Biglang dumikit sa akin si Jamie at inilapit ang mukha niya sa phone. "Hello, Loki~ Na-miss mo ba ako?"
My God, Jamie. Marami pang mas importanteng tanong kaysa diyan.
"How's everything on you end?" Loki ignored his question. I could imagine his bored face by listening to his
monotonous voice. Kahit na kulang-kulang sa ten minutes ang natitira sa amin, sigurado akong napapanatili niyang
maging kalmado sa ganitong sitwasyon.
"The bomb is strapped around a student's body. And we got no idea on how to crack the code."
"Creative," he commented. Narinig kong parang humikab siya. "Mine was placed under the bleachers. How boring.
How about you, Al?
"Under the piano here in the auditorium," my childhood friend answered. Walang kahit anong hint sa boses niya na
kinakabahan siya. "May mga nagre-rehearse na taga-Theater Club dito but I managed to convince them to let me
search the area."
"Any ideas on the code?" tanong ko habang nakatitig ang mga mata ko sa nakasulat na queen sa isang square.
"Maybe it has something to do with the chesspieces on the board?" Al wondered.
"I believe they were randomly picked by the bomber," Loki replied. "It doesn't matter whether it's a king, queen or
pawn on a particular square."
"How about the square coordinates? Though the words that I form do not make sense."
"And the password requires only eight letters. If every piece stands for a single letter, then our answers won't fit that
criteria. Not to mention, the chessboard only gives us eight letters from A to H. Too limited."
I scratched my chin, trying to make sense of the whole puzzle. Kahit sina Loki at Al, nahihirapan sa pag-decipher. If
Moriarty's the one who created this code, he did a great job of giving the QED Club a challenge. But now's not the
time to praise him. We only have about seven minutes left before the explosion.
Maybe each chesspiece represents something, but not as individual letters. There are eight squares, there are eight
rows and columns. The password has eight letters. There must be something with that number. Remember the base
eight code? Moriarty even mentioned Henry VIII in the note before.
"Hey, do you know a code that has something to do with the number eight?" I asked over the phone, hoping that it
would help them. Among us, Loki's the only one knowledgeable of different codes.
"Ah! I have been thinking the same, Lorelei." I could hear the scribbling of his pen on a paper. "There are eight
squares in every row, and every piece on each square might represent a particular unit. We have to mark every square
occupied by a chesspiece an-"
Silence.
"Hello? Loki?" Na-disconnect ba ang tawag o sadyang natigil lang siya sa pagsasalita? "Hello?"
"Binary code."
"Bina-what?"
"This is a binary code! An eight-digit sequence with only two numbers-zero and one."
"Paano natin malalaman kung alin ang zero at one dito?"
"The squares, perhaps?" sagot ni Al. "Maybe the empty squares represent zero while the occupied squares represent
one."
Mabilis kong kinuha ang aking ballpen at sinulatan ang papel na ibinigay sa akin ni Jamie. I crossed out the names of
the chesspieces and replaced them with the number "1." 'Yong mga square na bakante, sinulatan ko ng "0." And this is
how it looked like:

"Jamie, is your phone connected to the internet? Maybe you can search the binary code alphabets."
"On it," she complied without rolling her eyes or complaining. It only took her seconds before showing me an image
of a series of 0's and 1's plus their equivalent letters.

Ipinag-match ko ang binary series sa image na ipinakita niya at unti-unting na-reveal ang mensaheng tinatago ng code.
01001101-M
01001111-O
00100010-R
01001001-I
01000001-A
01010010-R
01010100-T
01011001-Y
"Moriarty!" I exclaimed after cracking the code.
"If we only suspected that he had used his alias as the password, we wouldn't have to go through the trouble of
deciphering this code," natatawang komento ni Loki.
"But we can't take chances. Baka dahil sa isang maling input, posibleng sumabog agad ang bomba. Mas okay nang
dinecode natin ito," sabi naman ni Al.
"Make sure that when you key in the answer, it's in all caps."
We hang up as we focused our attention on diffusing the bomb. Inutusan ko si Jamie na siya ang mag-type ng
password pero sinagot niya lamang ako ng paulit-ulit na pag-iling. I have no other choice, I have to do it myself.
Less than three minutes left before the explosion. I remember Jamie telling me earlier about taking advantage of the
situation. Dahil sa sinabi niyang 'yon, pumasok sa isip kong tanungin siya ng bagay na matagal nang bumabagabag sa
akin.
"Ah, Jamie?"
"Hmm?" taas-kilay niyang sagot.
"We might die here if I input the incorrect password so I want to take this opportunity to ask you something."
Ilang segundo siyang nanahimik, tila pinag-isipan pa kung may karapatan akong magtanong sa kaniya. "Sige,
pagbibigyan kita. What is it?"
I looked at her in the eye, observing her bitchy face whenever I'm alone with her. Noong unang araw pa lang ng
pagkakakilala namin, ipinakita na niya sa akin ang other side niya. At tandang-tanda ko pa ang unang tanong niya sa
akin no'n: Kung may namamagitan sa aming dalawa ni Loki.
"Why are you so clingy to Loki? Ever since you two met, you seem to be very attracted to him."
Her annoyed facial expression turned blank, the mocking smile on her pinkish lips waned.
"Why? You jealous? Are you also attracted to my dear Loki?"
Hindi tamang gamitin niya ang possessive pronoun na "my" bilang pang-modify kay Loki dahil unang-una, hindi niya
pagmamay-ari ang roommate ko. And we haven't had any confirmation nor hint that these two have mutual feelings
for each other.
"Just this once, be serious and answer my question," I told her with a straight face.
Then there was silence. She looked away, the sparkle on her eyes faded. Parang may sumagi sa isip niyang malungkot
na alaala. Was it a sensitive question? Was it too personal?
"Loki... reminded me of my brother. They are both smart and charming."
"Your brother?" I never heard her mention a sibling once to me. Hindi na kataka-taka dahil hindi kami ganon ka-close.
But I remember Loki telling me na birthday ng kuya ni Jamie nitong weekend kaya hindi siya nakasama sa Cavalier
Academy. "How old is he?"
"He should be twenty by last Saturday."
"Should be?"
She returned my gaze and I could see the sadness in her eyes. My gut feeling told me that her melancholic expression
was genuine. "He is dead. Two years ago. He was also a student here. He was the student council president... until he
met an accident."
That was a crack on her mask. Sa ilang linggo ko nang pagkakakilala sa kaniya, ngayon ko pa lang yata nakita ang
side niyang 'to.
"But why am I telling you that?" she wiped something off her eyes and pointed at the bomb. Her lips forced a curve.
"Focus on diffusing that thing! Gusto ko pang makita si Loki!"
The sudden change in her mood was a sign that that's as far as I can go about her brother. Truth is, I want to know
more, especially after she mentioned the word "accident."
But for now, hindi ko na muna ipu-push ang pagtatanong sa kaniya at magpo-focus muna sa kailangan naming gawin.
Kahit na na-crack na namin ang code, hindi pa rin naiwasang manginig ng mga kamay ko. Lumayo nang ilang
hakbang sa akin si Jamie habang sinimulan ko nang pindutin ang keypad ng lumang Nokia phone. Malamig man dito
sa library, pinagpapawisan pa rin ako.
M-O-R-I-
One minute left before explosion.
Kung kinakabahan ako, lalong kinakabahan ang estudyanteng kaharap ko. Naiiyak na siya't namumutla sa sobrang
takot. Parang hihimatayin na siya.
M-O-R-I-A-R-T-Y
Ipinikit ko ang aking mga mata sabay lunok ng laway. Wala mang ticking sound ang bomba, dinig na dinig ko naman
ang mabilis na pagtibok ng puso ko. If our method of decryption is wrong, we would all blow up.
Click.
I pressed the OK button as I remained frozen on my feet. There was nothing but silence in the library. A few seconds
later, I slowly opened my eyes and looked at the timer on the bomb.
It stopped at 0:59.
Napaupo ako sa sahig at napabuntong-hininga. We did it. We diffused the bomb and eliminated Moriarty's threat to
the school. Nang naka-recover na ako mula sa tensyon, I called Loki and Al to check if they are fine.
"We're still alive. How about you?"
"Also alive and kicking."
"Ano nang gagawin natin ngayon?"
"We saved the school from destruction. We should be awarded medals and our faces should be printed on every local
newspaper. Fair enough, don't you think?"
I giggled at Loki's jest as I looked up the ceiling. Despite the danger that Moriarty posed, we lived to see another day.
I wonder how many times will our wits be tested by that criminal mastermind.
"We should call the authorities and ask them to dispose of these bombs," Al suggested. "Kahit na tumigil na ang timer,
pwede pa rin silang sumabog."
"And let's meet at the clubroom when everything is clear," Loki added. "Moriarty made the first move. We shall
prepare a countermove."
I hang up the phone and dialed the number of the campus police. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon sa library at
sinabing nakadikit sa katawan ng isang estudyante ang bomba. Gusto ko mang tanggalin na ang pagkakatali nito,
nagdalawang-isip ako baka biglang may magalaw sa wires at sumabog.
It took ten minutes before they arrived at the library. Napatingin sa kanila ang mga walang kamuwang-muwang na
estudyante, nagtataka kung balik may mga awtoridad rito. To my surprise, a familiar face stood out from their group
as they approached the librarian's desk.
"Hey, isn't that guy..." Jamie nudged me on my left arm as her voice trailed off. It was Bastien Montreal, the only
living link we have to Moriarty. Proud na proud siyang naglalakad patungo sa amin pero bigla siyang nadulas at
muntikan nang mapaupo sa sahig.
Calm down, Lorelei. I need to act normally. I need to remove the thought that he is one of Moriarty's minion.
"Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, Ms. Rios at Ms. Santiago." Nakangiti niyang bati sa amin habang
pinapanood ang mga kasama niyang dahan-dahang inaalis ang pagkaka-strap ng bomba sa estudyante. "Huli yata
tayong nagkita sa isang abandoned building malapit sa campus, tama?"
That particular case was etched in my mind. Doon kasi namin na-trick si Bastien para hiramin ang kaniyang phone at
makuha ang number ni Moriarty. Jamie was a big help back then, thanks to her retentive memory.
Now I know why Loki is always keeping secrets from me. Hindi ko alam kasi kung paano mag-react sa harap ni
Bastien. Natatakot ako. Kani-kanina lang, hindi na ako pinagpapawisan dahil wala na ang banta ng bomba pero may
naramdaman akong namumuo sa aking noo ngayon.
"Mukhang busy kayo ngayon, officer?" Jamie replied with a friendly smile. She didn't seem to be intimidated by the
young man's aura.
"Thanks to whoever set this up, naging productive ang araw namin." I sensed sarcasm in his voice.
Maya-maya'y tinawag na siya para tulungang dalhin sa clinic ang estudyanteng may suot na bomba. Natanggal na nila
ang naka-strap sa katawan nito at madaling inilabas ang pampasabog. Sabay-sabay ring lumabas ang mga campus
police officer nang nasigurong ligtas na ang library mula sa kahit anong banta.
Everything's now clear so Jamie and I decided to return to the clubroom. Excited na nga ang kasama ko na makita ulit
si Loki na para bang ilang araw silang hindi nagkita. I wanted to ask her more about the connection between Loki and
her brother but I chose to hold my tongue. Maybe now is not the time. Baka hindi rin niya i-entertain ang tanong ko.
Saktong paglabas namin sa library, nanindig ulit ang mga balahibo ko't nakaramdam na parang may mga matang
nakamasid sa akin. Kapareho ito nang naramdaman ko habang palabas kami ng school building kanina.
My head turned to the left as I saw another familiar face. Nakasandal siya sa isang pillar at sandaling nagkatitigan ang
mga mata namin. He was the guy I saw that night in the hospital, the guy who was smoking near the abandoned
school building and the guy who was following me.
Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang babaeng kausap niya. Nakatalikod siya sa akin at tanging ang abot-balikat
niyang buhok ang nakikita ko. Pero nang napansin niya sigurong nakatingin sa direksyon ko ang kaniyang kasama,
napalingon siya.
It was none other than Margarette. Our eyes locked for a moment and no one bothered to say a word.
"Hey, bakit tulala ka na naman?" nakapamewang na tanungin ng kasama ko. Bumalik na siya sa dating Jamie Santiago
na kilala ko, laging iritable kapag ako ang nasa tabi niya.
"So-Sorry. Let's go." Kumalas ang tingin namin sa isa't isa ni Margarette at saka ako nagpatuloy sa paglalakad
patungo sa destinasyon namin.
Now I'm left wondering what is her connection to that mysterious guy.
###

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Case)

LORELEI

MY KNEES cannot stop shaking. My heart's beating faster than normal and I could hear every throb of it. Lalong
lumalakas ito habang lumilipas ang mga segundo.
"Heroes do not need to wear capes. They come in different outfits such as our school uniforms. And sometimes, they
save us from danger without us realizing the peril."
Sanay naman akong humarap sa mga tao pero iba ang pakiramdam ngayon. Once we walk across that stage, we will
be greeted by all pairs of eyes here in Clark High School. The feeling is overwhelming kaya siguro hindi ko
mapigilang manginig.
Loki, Jamie, Alisair and I are at the backstage, waiting for our cue to enter the scene. I shot a sideward glance at them
at kumpara sa akin, they are calm and composed.
Nakasandal si Loki sa pader, nakakrus ang mga kamay at mukhang bagot na bagot. He is not a fan of this sort of
events. He'd rather lock himself in the clubroom but he had no choice. I dragged him to the gymnasium.
Si Jamie naman, palihim na nakasilip sa maliit na butas sa kurtinang tinaktakpan ang backstage, pinapanood kung ano
na ang nangyayari sa stage at audience area. She told us na parang blockbuster movie dahil sa sobrang dami ng
estudyante nakaupo.
Habang si Alistair, naglalakad-lakad sa harapan ko habang busy sa kaniyang phone. He must be reading his favorite
eBooks or browsing the net.
"And now, as your student council president, I am honored to introduce to you the heroes of Clark High School!"
Pagkadinig namin sa line na 'yon, nagsiayos na kaming apat at naglakad patungo sa stage. Sinalubong kami ng
palakpakan at hiyawan. I forced a smile at the enthusiastic audience while I saw Loki on my peripherals wearing a
bored face. Si Jamie nama'y parang beauty queen na malawak ang ngiti at kumakaway-kaway pa habang si Al ay
ipinakita ang kaniyang killer smile.
We stood at the center of the stage, a few steps away from the podium where the student council president was
standing. If it weren't for the bomb incident yesteday, we won't be standing in front of the crowd and be honored by
the school. And if it weren't for us, some students here may not have lived to see another day.
Lumapit ang student council president sa amin at isa-isa kaming ginawaran ng medal. She shook our hands one-by-
one, smiling at us while uttering the words "Thank you!" and "Congratulations!" We then posed for a photograph and
flashed the most charming smiles we could-except Loki.
Another warm round of applause echoed within the walls of the gymnasium. Pagkatapos ng photo op with the student
council president, nag-exit na kami sa backstage. Pagtapak ko doon, biglang nanindig ang mga balahibo ko. I felt a
chill down my spine as I looked around where that cold aura is coming from. It could only be Stein Alberts or...
"Luthor," I muttered as I saw the towering figure of Loki's brother. Nasa likod ang kaniyang mga kamay habang naka-
taas-noo siyang nakatingin sa amin. Isa-isa niya kaming kinamayan nang makalapit kami sa kaniya. When it was my
turn, I felt his hands as cold as ice.
"No need for formalities," Loki dismissed Luthor's hand as they stood face to face. My roommate hasn't seen his
brother for a few weeks since he was suspended. "So the president speaks before the student body and poses for a
photo op while you stay behind the curtains and pull the strings."
"The council needs to have a face. And Em is the perfect candidate."
By Em, Luthor must be referring to Emeraude Emerson, the lovely student council president who can win votes by
just smiling, according to my classmates.
"And that's why you chose her as your president, didn't you?" Loki replied. "You used her charm and popularity to
catapult you to power. Manipulative as always. Same old you."
"They are not that close, are they?" bulong ni Al sa kaliwang tenga ko. "Though they are brothers, the distance tells
me that there's an invisible wall standing between them."
He got it right. Again. I told him only a bit about Loki and Luthor's brotherly love. Ayaw ko kasing pangunahan siya
at sabihin sa kaniyang hindi talaga nagkakasundo ang magkapatid. The animosity between them may be one-sided lalo
na kay Loki and it has been a mystery for me why.
Biglang nabaling sa akin ang nanlalamig na tingin ni Luthor. I looked away, pakiramdam ko kasi kaya niya akong
gawing yelo sa titig niya. Parang si Medusa, kaso imbes na gawin kang bato, papatigasin ka niya na tulad ng yelo.
"There's one thing I need to ask," sabi ni Luthor, nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. "You told me you
kept no copies of Charles Meliton's blackmailing paraphernalia. How come Lorelei got hold of several copies?"
"The answer is obvious," Loki rolled his eyes. "I lied to your frozen face. We were cut from the same cloth so it
should not come as a surprise to you. You also lied and you are still lying to everyone."
His brother toned down his voice but I could still hear it. "If someone steals those files, this school will be in chaos."
"If that happens, you know who to call," Loki said as he took a few steps away from Luthor. "Let me know
immediately if someone's being threatened."
He may not have said it directly to his brother but Loki has already warned him that any day from now, someone
might get blackmailed. We still have no idea on who might have stolen his laptop. Ang suspetya ni Loki, alam ng
nagnakaw sa laptop na may laman 'yong sensitive files na pwedeng gamitin sa kasamaan. Pero maliban sa akin, wala
na siyang ibang pinagsabihan.
The only ones who know that we have the compromising photographs and videos are the members of the student
council but I never revealed to them that they are stored in Loki's laptop.
I also thought it might be Jamie because she's the only outsider who entered our apartment unit. Pero wala naman
siyang kaalam-alam tungkol doon. Unless, of course, someone told her.
Was this a random incident? O posible kayang konektado ito kay Moriarty?
"Excuse me?" A familiar student wearing circular spectacles approached us. May kasama siyang isang babaeng naka-
ponytail ang buhok at may hawak-hawak na pen at notebook.
"Gus?"
"Glad to know na kilala mo pa ako, Lorelei," nakangiting sabi ng editor-in-chief ng Clark Gazetta. Inayos niya ang
pagkakalagay ng dumudulas niyang salamin bago niya iniabot ang kaniyang kamay sa club president namin.
"You must be the legendary Loki Mendez. Matagal ko nang sinusundan ang mga case na sino-solve mo rito sa school
but unfortunately, we can't publish them. I'm Augustus Moran, editor-in-chief of the Clark Gazetta. Call me Gus."
Tinitigan lang ni Loki ang kamay ni Gus at hinayaang mangawit ang braso nito. "Nice to meet you, Mr. EIC. You are
the one responsible for mind conditioning every student in the campus. I've been reading your issues every week and
I'm grateful for not being easily swayed by your words."
"We will take that as a compliment."
"You have already met Alistair, right?" I tried changing the topic dahil baka ano pa ang masabi ni Loki. Gumaganda
na ang image ng aming club, salamat sa nangyaring bomb incident. But if he will insult the chief editor of the school
paper, the Clark Gazetta can destroy us in less than seven words.
"Oh! The one who solved the Petrarchan poem, yes."
"How about Jamie Santiago?" I motioned my hand to our ever smiling member who was twirling her braided hair.
"The Madonna of the Repertory Theater!" Gus shook hands with her, both exchanged pleasant smiles. "Sino bang
hindi makakakilala sa kaniya? A kind, sweet, young lady sought after by princes and knights across the kingdom."
Kind? Sweet? Sandaling nagkasalubong ang mga kilay ko nang marinig ang mga salitang 'yon. To some, gano'n ang
impresyon nila kay Jamie, pero iba kasi ang ipinapakita niya sa akin kapag kaming dalawa ang magkasama. Find tthe
antonyms of those words and that's how I would describe her.
Gus cleared his throat before address the four of us. "We are here because we want to feature your club on the cover
of our magazine issue. Matagal na naming pinag-iisipan kung sino ang student na magiging cover pero after the bomb
threat incident, napagdesisyonan ng editorial board na kayong apat ang ilagay. What do you think? The QED Four."
"That would be fun! As long as magkatabi kami ni Loki sa cover," sabi ni Jamie kahit wala pa kaming official
decision bilang club. She seemed enthusiastic about it. Sanay na kasi siya sa spotlight kaya siguro ganito ang attitude
niya.
"I don't mind being on the cover," sagot ni Al sabay tingin sa akin. "Not everyone gets the chance to be featured so
bakit hindi natin i-take ang opportunity na 'to? And it might be a good press for the club, right?"
"No," Loki answered in a matter of fact tone. "We don't have time to indulge ourselves with magazine interviews. We
have cases to solve. Thanks for the offer. Goodbye."
Without waving a hand or flashing a smile, he turned around and walked away. Pero bago pa siya tuluyang makalayo
sa amin, hinila ko ang sleeve ng kaniyang uniform at pinabalik siya sa dati niyang kinatatayuan.
"What?"
"Gusto mong sumikat ang club, 'di ba?"
"Yes, and we already got the exposure we need, thanks to the student council."
"Iba naman ngayon ang nag-o-offer ng exposure na kailangan ng club. Ang palay na mismo ang lumalapit sa manok.
Kapag na-publish na ang magazine kung saan featured tayo, they will archive some copies and our legacy as QED
Club members will remain."
His bored face maintained its expressionless look, still unimpressed by my reasoning. Daig pa yata niya ang isang
babae, ang hirap i-please.
"Years from now, kung hindi pa dissolved ang club, makikita ng mga successor natin kung sino-sino tayo at kung ano
na ang nagawa natin. If you want to immortalize your legacy, then accepting their offer would be the right choice."
Nagkatitigan lamang kaming dalawa hanggang sa mapatingin siya palayo at mapabuntong-hininga. His face told me
he's not convinced that the magazine feature is worth our time. But after seeing his sigh that could mean submission,
he probably changed his mind.
"If we vote who's in favor of the interview, it's gonna be three against one. So fine, let's have that interview."
"I hope we won't be too much of a bother to your club. I know you have tons of cases to solve," sabi ni Gus. "Our
features editor is here to get your numbers. We will be in touch para malaman kung anong date kayo pwede for
interview and for photoshoot."
Exchanging contact details didn't take that long and we were free from the grasps of the Clark Gazetta. We bid
farewell to Gus and his fellow editor bago kami lumabas sa gymnasium at dumiretso sa school building. Nakakapit
ang mga kamay ni Jamie sa braso ni Loki habang magkapantay kami ng lakad ni Al.
Kung dati'y hindi kami masyadong pinapansin ng mga estudyante, ngayo'y nagbubulungan na sila kapag
nakakasalubong kami sa daan. Sana nga lang, hindi tsismis ang pinagbubulungan nila.
Pagpasok namin sa clubroom, umupo kami nina Al at Jamie sa palibot ng mahabang mesa habang nagpalakad-lakad
sa paligid namin si Loki.
"Now that we've been officially branded as heroes, that makes Moriarty and his gang the villains." His eyes showed he
is in deep thought. "I wonder what evil plan he is concocting right now. The bomb threat was only an appetizer. He is
yet to serve the main course."
"While he is not on the move again, bakit hindi tayo maghanap ng thread na magli-lead sa kaniya?" sabi ko, dahilan
para huminto siya sa paglalakad. "Maybe we should start with your missing laptop? If that incident is connected to
Moriarty."
Al and Jamie have been already briefed with the contents of Loki's so-called Pandora's Box, but our previous
discussion was interrupted by another case. Ngayon, habang tahimik pa ang lahat, baka pwede na naming ipagpatuloy
ang imbestigasyon.
"I have been pondering about it," Loki crossed his arms and resumed pacing the room. "Bilang sa mga daliri ko ang
taong nakakaalam na may copies pa tayo ng mga sensitive photo. It won't take them that long to deduce that those
files are stored somewhere in the clubroom or our apartment."
"Among the student council then?" Al scratched his chin, his brows furrowed slightly.
"I only showed the photos to the president and vice president in the conference room of their office," I recalled. "No
one should know of the existence of the photographs unless they told the others."
"Like their co-officers?" dagdag ni Jamie.
"Yes," napatingin ako sa kaniya. "Or maybe someone close to them. Like the student executive com-"
My eyes stared widely at Jamie as a disturbing thought crossed my mind. The pieces of the puzzle do not seem to fit
right now but they can paint the bigger picture.
"You have something in mind." Loki probably saw through my facial expression that I had some sort of eureka
moment.
"Margarette," I muttered dryly.
Hindi ko pa sinasabihan si Loki tungkol sa aking nakita sa labas ng library. Margarette was talking to a mysterious
and suspicious guy who followed me a couple of times. Though I felt something was strange, pinili kong manahimik
na lamang dahil wala pa akong ideya sa affiliation ng lalaking 'yon, if he's a friend or an enemy. But maybe, now is
the time to tell him.
"What happened to Margarette?"
"May compromising photographs ang ilan sa mga member ng executive committee. Luthor or anyone from the student
council probably told them about it."
"And why did you single out Margarette?"
"Because I spotted her speaking with a shady man." I shot a sideward glance at Jamie. "You saw it too, right?"
She nodded. "'Yong lalaking nakababa ang bangs at halos natatakpan ang isang mata? Nakita ko ngang kausap siya ni
Margarette sa tapat ng library. Wait, why does his description sound familiar?"
"Remember the case where a student executive committee member burnt his colleague alive?" Nakalimutan ko na ang
pangalan ng salarin sa kasong 'yon pero natatandaan ko pa kung gaano kabrutal ang ginawa niya sa kaniyang biktima.
"The suspect told us that his victim was seen talking to the guy with that description."
"And that person is significant to us in what way?"
"He followed me in different occassions. Noong hinanap natin si Stein sa abandonadong school building, noong
isinugod ka sa ospital dahil sa bella donna at kahapon sa library. When I met him face to face outside the hospital
weeks ago, he warned me that curiosity can kill."
Loki's eyes squinted. "And you never told me anything about him?"
"We were too preoccupied with cases at hindi na siya nagparamdam kaya I didn't bother to tell you."
Silence ensued and only Loki's footsteps could be heard in the room. That gave us something to think about.
"Correct me if I'm wrong but you are thinking that the suspicious guy is connected to Moriarty?" he asked.
Tumango lamang ako.
"And assuming that that guy has links to Moriarty and you saw him speaking with Margarette, are you implying that
the student executive committee chairwoman is one of the villains?"
I shrugged my shoulders. "I don't want to imply anything but maybe it is an angle worth looking at? Aside from
Bastien Montreal, we have no other leads."
Again there was a brief silence before Loki broke into laughter. "You seriously think Margarette would align herself
with Moriarty? The man who killed... That's absurd."
Kaya nga hindi ko kaagad sinabi sa kaniya dahil inasahan kong ganito ang magiging reaksyon niya. To be clear, I am
not fifty percent convinced that Margarette's part of an evil conspiracy in the campus.
"If not the chairwoman, it might be someone among their ranks," Al said. "If this incident is indeed connected to
Moriarty, let's assume that he has an agent in the committee. Matapos niyang marinig na may kopya pa ng mga photo,
they deduced kung saan n'yo pwedeng i-save ang mga file at nagplano sila kung paano makukuha ang mga 'yon."
"And if Moriarty is as brilliant as we think he is, deducing its location to your apartment unit won't be that difficult,"
Jamie added while playing with her braided hair. "Kailangan niya lang sigurong magpadala ng someone skilled para
looban ang kwarto mo at kunin ang laptop."
"Now we have something to work with," sabi ni Loki. "It may be someone in the student council or the executive
committee, but I don't honestly think it's Margarette."
Parang ganyan din ang sinabi niya nang binanggit ko noon na baka posibleng ang kapatid niya at si Moriarty ay iisa.
But he shot down the idea.
Biglang may kumatok sa pinto kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Sinabihan namin ang taong nasa labas na
tumuloy.
A young woman with curly hair entered our clubroom. She forced a smile as she waved her right hand at us. I can see
on her gloomy face and the darkening circles under her eyes that she was restless. Something must be troubling her
immensely.
Tumayo si Al at hinila ang isang monobloc chair para paupuin ang aming kliyente.
"How can we help you?" nakangiting tanong ni Jamie, naunahan ako sa pagbati sa babae.
"I trust na wala kayong pagsasabihan na pumunta ako rito. Dahil kapag may nakaalam, baka..." Yumuko siya at
humina ang kaniyang boses. Pinunasan niya ang nangingilid na luha sa kaniyang mga mata bago niya kami muling
hinarap.
"Enough with the drama. Tell us your problem." Loki really knows how to deal with people. And that hasn't changed a
bit since I met him.
"My name is Venus Velasquez. I was forced into a relationship by a charming guy. Now I want to break up with him.
Kaso-"
"Boring~" Loki spoke in a singsong voice, interrupting our client's narrative. I glared at him for being rude to the
helpless girl. "You should go to the guidance and counselling office, not the QED Club. We are not Cupids who can
pull out the arrows already shot at-"
"Kapag nakipag-break ako sa kaniya, ipapakalat niya ang ilang personal photos ko!" Tears began flowing on her
angelic face and she tried to wipe them with her bare hands. Inabutan siya ng panyo ni Al para gawing pamunas.
Loki, who was so eager in asking her to leave, stood frozen and stared at our client. "What did you say? Saan galing
ang mga photo na sinasabi mo?"
"Ewan kung saan niya nakuha pero ni minsan hindi ko pinahawak ang phone ko sa kaniya o pinayagang kunan niya
ako ng embarrassing pose."
Napasandal ako sa aking upuan at nagkatinginan kami ng mga kasama ko. We were only discussing about it moments
ago and now, we are about to deal a case connected to it.
"Looks like the Pandora's Box has been opened," Loki said.
###

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Trap)

LORELEI

WHO DARED open the Pandora's Box? 'Yan ang tanong na tumatakbo ngayon sa isip at malamang, pati kay Loki.
Hell will break loose if those sensitive files get leaked sa campus. At gaya ng sinabi ni Luthor, there will be chaos.
Bumalik si Loki sa kaniyang usual spot saka bilang dulo ng mesa at ipinatong ang mga nakakrus niyang daliri sa
hapag. His mood took a hundred and eighty-degree as Venus' case piqued his interest. "Please tell us more about your
case."
Muling pinunasan ng aming kliyente ang kaniyang mga luha gamit ang panyong ibinigay ni Al. Nag-ipon muna siya
ng lakas ng loob bago ituloy ang kuwento niya.
"Do you know Adonis Abellana?"
Marahan akong umiling at saka tumingin sa mga kasama ko. The name probably didn't ring a bell to Loki since he
often forgets the names of people whom he deemed irrelevant. Alistair might not also be familiar with the guy dahil
kaka-transfer pa lamang niya rito a few weeks ago. But there's a hint of recognition on Jamie's face.
"Is he a varsity player in our school's basketball team?" she asked, squinting her eyes a little.
Tumango si Venus. "I loved him more than anyone in this campus."
"Loved? Past tense? You no longer have strong feelings for him?" sabi ni Alistair.
"Not until recently noong malaman kong hindi lang pala bola ang kaya niyang laruin," muli na namang tumingin
palayo si Venus. "Ang buong akala ko, ako lang ang babae niya sa buhay. He told me he loves only me. Pero isa pala
'yong kasinungaling."
"May third party?"
Venus nodded, biting her lower lip as she tried to endure the pain welling up in her heart. "At ang mas masakit, hindi
lang isa kundi tatlo ang ibang babae niya."
The four of us exchanged glances. Dapat ba akong mapa-wow! sa galing ng lalaking 'yon pagsabay-sabayin ang apat
na babae?
"Your boyfriend's not only a basketball player, he's also a juggler," pabirong hirit ni Loki. "He has been tossing and
catching many hearts at the same time. Quite a skill to have."
"Ayaw kong may kahati sa kaniya kaya I decided to break up with him. Pero noong sinabi ko sa kaniya 'yon, bigla
niya akong pinagbantaan at ipinakita ang mga private photo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon. Ngayon,
wala akong magawa kundi sumunod sa gusto niya."
"So you want us to retrieve those photos from him and make sure they are destroyed?'
"Hindi lang 'yon sa akin. Kung nagawa niyang kunin ang mga private photo ko, baka may hawak din siyang pam-
blackmail sa ibang babaeng kinakasama niya."
Deja vu. Her request reminded me of the Charles Meliton case where Luthor asked us to get the device where the
compromising photos of the student council president were stored. Hindi pa namin alam kung hawak ni Adonis ang
Pandora's Box o kung konektado siya kay Moriarty. But we will find out soon enough.
"You two are close, aren't you?" sabi ni Loki. "We would like to know his schedule, the places he frequents and
everything that might help us in this investigation."
"Ibibigay ko sa inyo kahit ano, basta makalaya lang ako sa pamba-blackmail niya."
"Consider this case solved. We will get those photos as soon as possible.
"Thank you."
Matapos magpaalam, lumabas na si Venus sa clubroom at iniwan kaming tahimik at malalim ang iniisip. Ini-lock ko
ang pinto para walang bigla-biglang makaistorbo sa amin.
"We now know who might have the Pandora's Box. That's no longer a mystery. The question is how can we get our
hands on those files?" Loki blurted out, staring at the ceiling while thinking of a way.
"So Adonis Abellana is Charles Meliton 2.0 and we are facing the same problem we had before," I commented. Jamie
and Al gazed at me, their faces told me they have no idea about the man I mentioned.
"Who's Charles?"
"He's a serial blackmailer who was extorting money from students," Loki took the liberty to answer. "He was the
original owner of the Pandora's Box until we stole it from him."
Yes, by creating chaos through pressing the fire alarm button with the help of Loki's pickpocketing skills. Maybe if
Loki didn't keep copies, we won't have to deal with almost the same case. I thought of bringing this up but I kept my
mouth shut. Wala rin kaming mapapala sa pakikipagtalo sa isa't isa.
"But this Adonis Abellana is different," Loki added. "He is using his victim's private photograph not to extort money
but to collect people, particularly girls. And that might be his weakness."
"By the way, Jamie, kilala mo ba si Adonis?" tanong ko.
"Yeah, binigyan niya ako ng isang bouquet ng rosas pagkatapos ng play namin last theater season. He seemed to be
interested in me."
"Hindi mo siya in-entertain?"
"He's not my type. I like brains, not brawn." In other words, she prefers the likes of Loki than those of Adonis.
"The ideal solution to this case is to tell the authorities that a minor is being blackmailed," Al suggested. "But that
would be risky."
"If Adonis is clever enough to play these cards, he would have placed a fail-safe in the event that one of his victims
decides to tell the police about it," Loki added. "We can't take that chance."
"So how are we going to confront that man?" tanong ko.
Nagkaroon ng biglaang katahimikan habang lahat kami'y nag-iisip kung paano malulutas ang kasong 'to. I could hear
Loki's finger tapping the wooden table and the sound grew louder as the seconds passed by. We have no codes to
crack nor a murderer to catch. Ang kailangan lang namin ay makuha ang storage device para hindi na ito magamit sa
kasamaan.
"Bakit hindi natin gamitin ulit 'yong trick kay Charles?" tanong ko, dahilan para mapatingin silang tatlo sa akin.
"Gagawa tayo ng kaguluhan para pwersahin siyang dalhin kung saan man nakatago ang mga photo tapos dudukutin
natin sa kaniya 'yon?"
"How original, Lorelei, but you know that I do not use the same trick twice," Loki made a dismissive gesture as he
shot down my suggestion. "And besides, Adonis may not be the same as Charles who can be easily fooled. We need a
plan that guarantees a hundred percent success."
Muli kaming natahimik. Ang tanging naririnig namin ay ang ingay na gawa ng daliri ni Loki.
Nagulat na lamang kami nang bigla siyang tumayo habang magkadikit ang kaniyang mga daliri na tila nagdarasal.
Probably his eureka moment.
"This is gonna be a battle of leverage," sabi niya nang naglalakad-lakad sa palibot ng mesa. Sinusundan namin siya ng
tingin hanggang sa makaramdam kami ng pagkahilo. "Adonis has a leverage on Venus and the other girls so they can't
do anything against him. But he got nothing on us thus we are not under his thumb."
Naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. His words made sense, but at the same time, they did not. "Can you
be more specific?"
He halted from pacing and raised his right index finger while looking at the blank space in front of him. "We need to
have something to use against him. Something that will force him to hand over the storage device."
"Teka, ang ibig mo bang sabihin, iba-blackmail natin ang blackmailer?" tanong ni Al.
"Exactly! I told you earlier that he likes to collect people. If we throw a bait, we can put him in a position where we
can catch him."
"So who's going to be the bait? Venus?"
"Not Venus or his other prized possessions. Someone whom he might be interested in collecting."
"And that person is?" tanong ni Jamie.
Pareho kaming tumingin ni Loki sa kaniya na parang walang kamalay-malay na siya ang tinutukoy ng aming club
president. She shifted her gaze from me to Al, then to her beloved Loki.
"A-Are you serious?" Jamie flashed a nervous smile.
"He was interested in you. We are fools if we don't take advantage of that fact." For all we know, kahit anong ipagawa
ni Loki, bukal sa pusong susundin ni Jamie para lang ma-please ang lalaking gusto niya. "We need something that he
can't fight off. For instance, a video of his attempt to abuse you."
"Hey, that's too much!" My fists clenched so tight that my nails dug deep into my skin. Kahit may hindi kami
pagkakaunawaan ni Jamie at kahit naiirita siya kapag kasama ako, ayaw kong malagay siya sa gano'ng posisyon.
"I also do not agree of that method," Al seconded, his arms crossed as he exchanged glances with Loki. "Using a bait
to lure out the enemy and put him in our crosshair should never be our first option."
"Alistair, if this is the only solution to close this case quickly, won't we choose to go down this path?"
"Unfortunately, Loki, this isn't the solution. We can try other methods but not this one. It's reckless, it's risky."
"But if we will achieve the desired outcome, all will be well. The end justifies the means."
The two gentlemen got themselves into a staring contest-Loki's eyes were cold and deep like the depths of the ocean
while Alistair's were calm like the sea before a storm hits. They may be both brilliant but I could see how these two
will differ from each other. Knowing my childhood friend, he would never approve of anything that would risk
someone's life.
"What do you say, Jamie? Are you willing to be the bait?" tanong ni Loki, hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa
aking kababata.
"I don't mind being used as a bait as long as it will help us solve this case."
"Good," Loki slowly nodded as he turned his gaze to Jamie. "Then we will proceed with my plan."
I could feel the tension rising between the two men who prefer different methods. Kaming dalawang babae ang naiipit
dito.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?' tanong ni Al, dinig ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"I trust Loki so should you," nakangiting sagot ni Jamie. "He will never let anyone or anything harm me kaya hindi
ako magdadalawang-isip na maging pain."
"Don't worry, Alistair. If worse comes to worst, we will interfere and save her from the hands of that wretched
blackmailer." Loki put out his phone and tapped his screen a couple of times. "Now Venus sent me our target's
schedule. We need to execute our plan as soon as possible before he could do something damaging."
"What's the first step then?" tanong ko.
"You and Jamie will go to the breeding ground of our fish and prepare the bait. Alistair can watch over you while I
will meet with Hershey and ask him if he has something that we need for this case."
"And where can we find this fish?"
"At four o'clock in the afternoon, he will be at the gymnasium for his daily shooting practice."
"At anong dapat naming gawin doon?"
"Shoot."
***
This was what Loki called as laying the foundation of our plan. Wala akong choice kundi samahan si Jamie sa
gymnasium para maglaro ng basketball. Mabuti na lamang at may dala-dala akong PE uniform kaya mas
magmumukhang legit ang pagpa-practice kuno namin.
Habang naglalakad kami sa maple floor ng gym, isang lalaking may matipunong katawan, matangkad at nakataas na
buhok ang nakatayo sa three-point line ng isang court. Sunod-sunod niyang isinu-shoot ang mga ipinapasang bola sa
kaniya sa ring. May ilang babaeng nagchi-cheer sa kaniya at kasama doon ang kliyente naming si Venus.
"We need to get his attention, right?" Itinaas pa ni Jamie ang kaniyang shorts para lalong maglaway ang mga lalaking
nasisilaw sa mapuputi at makikinis niyang binti. Tumakbo siya patungo sa kabilang court at kinausap ang mga
lalaking naglalaro doon. Ilang segundo lang ang kailangan para mapaalis niya sila.
"I told them na kailangan nating mag-practice para sa basketball game natin bukas," bumalik siya sa akin na may
hawak-hawak na bola. "Men are so easy to charm, aren't they? Just a wink, smile and wave, you can make them kneel
before you."
As expected, she used her other asset again (aside from her retentive memory). I wonder whether her charms worked
on Loki kaya pinayagan siyang sumali sa aming club. But maybe it is more on her resemblance to our club president's
former assistant.
Napalingon ako sa bleachers at nai-spot-an si Al na nagbabasa ng latest issue ng Clark Gazetta. Gaya ng sinabi ni
Loki, dapat lagi siyang nakabuntot sa amin ni Jamie para masigurong walang mangyayaring masama. He never liked
Loki's idea but he had no choice than to ensure we won't be harmed while investigating.
Habang abala akong pinagmamasdan ang paligid, biglang inihagis sa akin ni Jamie ang bola nang walang sinasabi.
Natamaan tuloy ako sa hita kaya napa-aray ako.
"Oh, sorry~ Hindi ka kasi focused kaya nasaktan ka."
Tsk. Bakit kasi ako ang napili ni Loki na isama sa babaeng 'to? Kahit gustuhin man ni Al na siya ang makalaro ni
Jamie sa basketball, hindi raw magandang impression 'yon sa aming target dahil baka isipin niyang magkasintahan
silang dalawa. It would be easy for him to take the bait if he only sees two girls playing on the court.
Muli kong ipinasa kay Jamie ang bola at sinensyasan siyang i-shoot 'yon sa ring. She tried, but her shot missed.
Pinigilan kong matawa dahil sobrang layo ng bola sa board.
Now we need to catch Adonis' attention who was still busy shooting non-stop sa kabilang court. Kapag nakuha na
namin ang atensyon niya, kailangan naming gumawa ng senaryo para magpansinan sila ni Jamie. And that's probably
the most difficult part lalo na't walang hinabilin si Loki.
Nagpatuloy lang sa pagsu-shoot si Jamie kahit kinakapos ang tira niya. Tumatagaktak na kaniyang pawis at malalalim
na ang kaniyang hingal pero hindi pa rin siya nakaka-shoot. Sumigaw tuloy ang mga lalaking nanonood sa amin na
"Okay lang 'yan, miss! Maganda ka naman!"
Salamat sa pagpapansin nila, lumingon sa aming direksyon si Adonis. Kaagad nabaling ang tingin niya kay Jamie
habang umiinom siya ng energy drink at pinupunasan ang kaniyang pawis. It may be only me but his eyes sparkled
with lust as if he's a predator who found another prey.
"You're doing it the wrong way!" sigaw niya mula sa kabilang court. He threw the ball he was holding at saka
nagsimulang maglakad patungo sa amin. Tumingin kaagad sa kaniya si Jamie at nginitian, the same smile she used to
captivate the hearts of men.
"Oh, Adonis! Nandito ka rin pala?" tanong ni Jamie, dinig na dinig sa boses niya ang pagkagulat na parang hindi
namin napansin ang target na kanina pa naglalaro dito sa gym.
"What brings you here? Ang akala ko ba e hindi ka mahilig sa sports?"
"Ah, kailangan kasi naming mag-practice para sa PE class bukas. Alam mo namang hindi ako sporty na tao."
Nang makalapit na sa kaniya si Adonis, kinuha ko ang bolang gumugulong sa floor sabay tawag sa kasama ko.
"JAMIE!"
"Yes?"
I gathered all of my strength on that ball and threw it as hard as I could at Jamie's face. Saktong pagharap niya sa akin
nang tumama ang bola sa kaniyang noo. With a single hit, she instantly collapsed on the floor. Ewan kung umaarte pa
siya niyan, pero baka sa sobrang lakas ng bato ko, talagang nahimatay siya.
She would probably curse me the moment she regains consciousness. But this time, kailangang mawalan siya ng
malay para matuloy ang plano namin. Adonis cradled her body to check if she was still conscious. When he confirmed
that she's still breathing though unconscious, binuhat niya ang katawan ni Jamie at idinala sa clinic.
Pretending to be her good friend, sumama ako sa kanila para obserbahan ang gagawin ni Adonis. Now that he and
Jamie have established contact, everything will probably go exactly as what Loki planned. Nagpahuli ako para
magkasabay kami ng lakad ni Al.
"Are you sure about this? Did you really have to knock her out?" My childhood friend must have been surprised by
what I did.
"Loki did not give any instruction so I improvised." Truth be told, I have been wanting to do that to Jamie, para lang
makabawi ako sa pagmamaldita niya sa akin. "Now we have to wait for any developments."
###

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Resolution)


A/N: Just keep your eyes peeled.
LORELEI

KINABUKASAN, nagkita-kita ulit kaming apat para pag-usapan ang susunod naming galaw. The seed has been
already planted and we only have to wait for it to grow. But Jamie had a suprising news.
"Really? He invited you to his apartment?!"
She nodded as a curve formed on her lips. Now that was quick. Hindi ko inaasahang ganito kabilis ang developments
ng kaso.
Hinawakan niya ang kaniyang noo sabay sabing, "Thanks to someone. Things developed rather quickly than expected.
Should I feel guilty for throwing a ball at her face? No.
"Were you the one who asked access to this apartment?" tanong ni Loki.
"We were discussing about something and then he told me that he has a particular collection at home," sagot ni Jamie.
"Asked me if I want to see it. I said yes. That's part of the plan, isn't it?"
"But don't you find it weird na kaagad kaniyang iimbitahan sa apartment niya?" May pagdududa sa tono ni Alistair.
"You only talked for less than an hour in the clinic."
Yesterday, nang dinala si Jamie sa infirmary, nagpaalam ako kay Adonis at tinanong kung pwedeng siya muna ang
magbantay kay Jamie. With only the two of them in the same room, that guy will put down his guard and be more
vulnerable to our colleague's charm. I don't know kung anong technique ang ginamit ni Jamie pero it seemed to work.
"Don't worry! Everything is going exactly as Loki planned," Jamie smiled brightly, her voice brimming with
confidence.
"He might use that chance to take advantage of you," Loki went to his things and rummaged through the contents of
his bag. "And that's where we come in."
Ipinakita niya sa amin ang isang maliit na kahon na aakalain mong naglalaman ng wedding ring. Ibinigay niya ito kay
Jamie, kulang na lang ay lumuhod siya para magmukhang nagpo-propose siya ng kasal sa dalaga.
"Open it."
"Oh, my dear Loki... isn't it too early?" Jamie's cheeks turned as red as tomatoes as she shied away from the face of
our club president. "And to do it in front of Lorelei... and Alistair."
There was no response from Loki's face. It remained as plain as a brick.
Kinuha ni Jamie ang kahon at binuksan ito. She was smiling at first but it later turned into a frown. Kung anuman ang
laman no'n, inilabas niya para ipakita sa amin.
"A pair of earrings?" I asked as I turned to Loki. "What is she supposed to do with those?"
"I met with Hershey yesterday and asked him if he has a secret camera that won't look too obvious," he answered.
"Those earrings have a built-in HD camera and microphone that can record anything its lenses see. Magagamit natin
'yan para makapag-produce ng pam-blackmail kay Adonis."
There was a slight disappointment on Jamie's face. Did she really think for a second na magpo-propose na talaga sa
kaniya ang club president namin?
"I'm still not comfortable with that plan," Al slowly shook his head as he crossed his arms. "Kahit na in-invite ng
target si Jamie sa kaniyang apartment, paano tayo makasisiguro na gagawin niya ang inaasahan natin?"
"She will need to seduce him," Loki replied, pointing at the bait. "But she should not make the first move. Let Adonis
feel the temptation."
"And how can we be sure na walang mangyayaring masama kay Jamie? What if that guy forces himself into her?"
"That's where you come in, Alistair. You have expressed concern over her so I decided to give you a role that's perfect
for you. You will be within the vicinity so you can respond immediately. When the situation gets worse, you knock on
their door or take it down if necessary to rescue our colleague here."
I raised my hand. "And how about me?"
"You and I will monitor the video feed via Jamie's earrings. Once we have enough footage, we will charge into
Adonis' unit and make the threat. His video in exchange for the photos he has in store."
Sinubukan nang suotin ni Jamie ang pearl na hikaw. Hindi naman sila ganon kalaki at hindi rin naman halata na may
hidden camera sa mga 'yon. Herschel is no doubt a genius. Kung nandito lang siya sa Clark High, maybe we can use
more of his inventions.
We also tried checking the video feed. Thanks to the wireless connectivity, napapanood namin sa phone ni Loki kung
anuman ang nakikita ni Jamie. Sinubukan din namin siyang palabasin at palayuin sa amin para makita kung
magkakaproblema sa connections dahil sa distance. Medyo lumalabo ang feed habang papalayo siya sa amin kay
dapat malapit din kami sa kaniya.
Kinailangan na lang naming maghintay hanggang sa dumating ang oras ng pagkikita nina Jamie at Adonis.
"Something's really off," bulong ni Al. "Ang bilis ng developments. Parang kahina-hinala. We are setting a trap for
that blackmailer but why do I feel as if we are the ones being lured into a trap?"
There's also this unsettling feeling inside me. Not all the time na pumapabor sa amin ang sitwasyon pero masyado
ngang mabilis ang mga pangyayari. But we are already at this point. We only have to be prepared with anything that
might happen.
Pagpatak ng alas-kuwatro, pinauna na namin si Jamie papunta sa isang apartment ilang kanto mula sa campus.
Sumunod si Al sa kaniya na tinanggal ang uniporme at nagsuot ng casual clothes.
Para hindi kami mahirapan ni Loki sa connection sa earrings ni Jamie, we decided to be within the vicinity of the
apartment. Tumambay kami sa isang carinderia na wala masyadong katao-tao at katapat lamang ng tinitirhan ni
Adonis. Tutok na tutok na si Loki sa kaniyang phone, pinapanood ang dinadaanan ng aming asset.
And the waiting game begins.
Loki dialed Al's number and passed a wireless earphone to me, saying he wants me to communicate with him while
he's recording the video feed on his phone. Jamie couldn't hear us through the earrings so if something bad happens, it
will be my childhood friend's turn to get her out of the apartment.
Our bait is now at the door of Room 303 on the third floor of the apartment building. She knocked on the door and
waited till Adonis opened it for her. Nakasuot lamang ng sando ang lalaking 'yon kaya kitang-kita ang pagkakisig ng
kaniyang katawan.
"Sorry kung hindi na kita nahintay sa school. Kailangan ko pa kasing ayusin ang collection ko."
"I don't mind. Gusto ko rin maglakad-lakad para ma-exercise naman ang mga paa ko. Teehee~"
Hindi ko man makita ang mukha ni Jamie pero ramdam ko ang pagiging flirty niya sa linyang 'yon.
"Why don't you come in? Pagpasensyahan mo na, my room is in a mess."
Tumuloy si Jamie sa kwarto at agaw-pansin nga ang mga kalat-kalat na damit sa mga upuan. May mga cup noodles
din na nakatiwangwang sa mesa at ilang bote ng softdrinks. For a man who invites a woman in his crib, mukhang
walang pakialam sa kalinisan ang lalaking 'to.
We heard two clicking noises mula sa likod ni Jamie. That must be Adonis pushing the lock button of the doorknob
and bolting it.
"Ayaw ko kasing may bigla-biglang pumasok kaya sana okay lang sa 'yo."
The camera shook slightly kasabay nang pagbaba ng anggulo nito. Jamie must have taken a seat while facing our
target.
"So nasaan 'yong collection na nabanggit mo kahapon?"
Adonis bit his lip as he looked down. He let a few seconds pass before replying to the question. "To tell you the truth,
my collection isn't really here. They are still at school, probably studying for their exams tomorrow or finishing their
assignments."
"Wh-What do you mean?"
"Oh, don't pretend that you have no idea." Lumapit si Adonis sa camera at lumuhod sa harapan ni Jamie. He reached
out his hand to her face, probably touching her chin. "I was warned about you and your group. Sa tingin mo ba ganon
ako katanga para payagan kang makapasok dito sa apartment ko?"
"I-I don't understand what you are talking about." Jamie's voice was shaking.
Tiningnan ko si Loki pero seryoso pa rin siyang nanonood. There was no sense of urgency etched on his face as the
predator approached its prey. The trap we tried to set up backfired and one of our own kin was within the beast's
grasps.
"Her cover has been blown. What should we do?" I asked but he only shushed me.
"Now's not the time. This is getting more interesting."
"Loki!"
Muli akong napatingin sa camera. Dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ni Adonis, I could see in his eyes the same lust
that I observed yesterday at the gym. His smirk also added to the danger Jamie is in.
"One of my collections must have come to you and asked for help. I bet it's Venus. Siya lang naman ang nagbantang
iiwan ako kahit na may alas ako laban sa kaniya. You want to know where I kept the photos, right?"
The camera remained unmoving. Jamie could have run to the door, but she knew it would be futile dahil hihilahin
lamang siya ni Adonis pabalik sa kaniyang upuan.
Inalis ko muna ang wireless earphone at tinakpan ang microphone nito. "What should we do? Kailangan na ba nating
sabihan si Al?"
"Sssshh! Hindi pa natin nakukuha ang gusto nating makuha!"
"But Jamie is-"
"Jamie agreed to this plan knowing the risks. We won't let anything bad happen to her. We need to wait for that one
moment before we strike. The target knows that we are after the photos but he doesn't know that Jamie has a hidden
camera."
I just rolled my eyes as I tried to keep myself from arguing with him. No matter what I say, my words will only fall on
deaf ears.
"Let's say na tama ang sinabi mo," I heard Jamie speaking, her voice wasn't shaking despite the situation. "What are
you gonna do to me?"
"Ano pa nga ba? I will add you to my collection! Sino bang hindi maiinggit sa akin kapag nalaman nilang alipin ko
ang hinahangaan nilang si Jamie Santiago? Hahaha~"
Adonis leaned closer to Jamie and I could feel she's resisting.
"Let's stop this charade and do something! May gagawin nang masama si Adonis kay Jamie!" Sa lakas ng boses ko,
napatingin sa amin ang ilang customer pati na ang nagse-serve ng ulam at kanin.
"Isn't that what we have been waiting for? We need a few seconds or minutes of it."
"LOKI!" Again the people in the carinderia shot curious glances at us, probably wondering why I needed to raise my
voice. Baka isipin tuloy nila na may lovers' quarrel kaming dalawa.
I put back the wireless earphone on my right ear and heard Al on the other line. "Hey, Lori? May problema ba?
Narinig yata kitang sumisigaw."
"Adonis already knew that Jamie is investigating him. And now, he's about to do something not good."
"You mean our plan backfired?"
"That seems to be the case. Malapit ka lang sa room nila, 'di ba?"
"Just four or five doors away. I'm gonna barge in now and get Jamie out of his room."
"Teka, Al!" But I received no further response from him. Mukhang tinanggal na niya ang kaniyang earphone.
"Something wrong with him?" tanong ni Loki nang hindi lumilingon sa akin. His phone continued recording
whatever's on the screen.
"Pupuntahan niya ang unit ni Adonis. Ililigtas niya si Jamie."
"But we haven't got anything useful yet!" He grabbed the wireless earphone from me and put it in his right ear.
"Alistair, do not do anything without my signal! Hey, do you copy? Alistair?!"
He threw the earphone to the ground, shocking the people around us, and got up to his feet. "Shoot! He's about to ruin
our plan!"
Nagmadaling tumakbo patungo sa apartment si Loki, dala-dala pa rin ang phone saka pinapanood ang nangyayari kina
Jamie at Adonis. I could hear our colleague fighting off the stength of the guy.
Kaagad naman akong sumunod sa kaniya. Everything's now a mess and I have no idea on how this story will end.
Pag-akyat namin sa third floor, dumiretso kami sa left wing kung saan namin natatandaang dumaan si Jamie kanina.
May nakita kaming room na may nakabukas na pinto. Huminto kaming dalawa ni Loki sa tapat noon at sinilip ang
nasa loob.
Al was standing in front of Jamie while Adonis was on the floor. Napahawak ang aming target sa kaliwa niyang
balikat at kitang-kita sa namimilipit niyang mukha ang iniindang sakit. Nasampolan siguro siya ng martial arts ng
kaibigan ko.
"Lorelei, close the door and make sure no one will disturb us," he told me before going inside.
Mabilis kong isinara ang pinto bago pa may makakita sa ginawa naming pag-trespass sa loob. Sa lakas siguro ng
pagkakatadyak o tulak ni Al sa pinto, nasira ang bolt nito. Pinindot ko na lang ang lock button sa doorknob.
Then I saw Loki approached Al and held him by the collar. "I warned you not to do anything without my signal."
"I did what I thought was right."
Nabaling ang atensyon ko sa dalawang lalaking nagkakasukatan ng tingin. Tila nagngingitngit ang mga ngipin ni Loki
habang kalmadong nakatingin sa kaniya si Al. It was such a rare sight to see our club president lose his temper.
After a few seconds of staring contest, tinanggal na ni Loki ang pagkakahawak sa kwelyo ni Al at itinuon ang tingin
sa lalaking nasa sahig. Nilapitan ko naman si Jamie na tila nakatulala, bukas ang unang butones ng kaniyang blouse at
sumisilip ang kaniyang damit panloob. Kung hindi kaagad dumating si Al, malamang natuloy na ang masamang balak
ni Adonis.
"A-Alam n'yo bang pwede ko kayong kasuhan ng trespassing, ha?" pagbabanta niya. "Hindi porke't sikat na kayo
ngayon sa school, hindi ko na kayo pwedeng ireklamo!"
Loki stepped on Adonis' left shoulder, causing the latter to scream in pain. A smirk formed on his lips as he heard our
target's cry for help. "This was supposed to end peacefully but circumstances have changed."
Tumingin ako sa ibang direksyon at tinakpan ang aking tenga. Ayaw ko nang marinig ang nakaririnding pag-aray ni
Adonis na parang kinakatay na baboy. Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman kong lalo pang dinidiinan ni Loki ang
pagtapak sa fractured shoulder ng lalaki.
"I don't think you should torture our target," Al commented while watching our club president torment the poor
casanova. "Pwede niya tayong kasuhan ng assault. Remember what happened between you and Stein Alberts? Ayaw
mo na ulit ma-suspend, tama?"
"Thanks to your untimely interference to my plan, I am now forced to resort to violence. If he tries to sue us, then we
will ask his victims to file extortion charges against him."
"But you don't have anything-ARGH!"
"You will tell us where you kept the photos or I will crush your collarbone," Loki's threat did not sound like him.
Parang ibang tao ang nasa harapan namin. "Now let me ask you: where did you keep the photographs?"
"I won't tell you-AAAACK!"
"Let me repeat the question: Where did you keep the photographs?"
"The hell would I tell-AACCCK!"
"I don't wanna take part in this madness," sabi ni Al bago siya lumabas ng unit. He was probably disgusted by Loki's
unorthodox method. He would rather resolve this issue in a manner where we won't have to inflict pain to someone.
And here I was, seated beside Jamie, torn kung dapat akong manatili rito at tiisin ang pagsigaw ni Adonis o sumama
kay Al para hindi ko na marinig ang kaniyang pagdaing.
"He deserves it," Jamie muttered after regaining awareness of her surroundings. Inayos niya ang pagkakabutones ng
taas ng kaniyang blouse. "Taking advantage of his victims' weakness while asserting dominance over them... Kulang
pa ang ginagawa ni Loki dear sa kaniya."
Justice comes in many ways one can imagine. And Adonis will certainly face judgment for what he did.
"OKAY! OKAY! SASABIHIN KO NA KUNG SAAN! NASA JACKET NG NOTEBOOK BINDER KO!"
Itinuro ni Adonis ang kaniyang shoulder bag sa upuan. Loki asked me to put out the black notebook binder which I
handed to him. Nakatapak pa rin ang kaniyang kanang paa sa balikat ni Adonis.
"A memory card, huh?" itinaas ni Loki ang maliit na chip bago niya isinaksak sa kaniyang phone. He did some
swiping gestures on the screen and showed a photo of Venus. I looked away quickly dahil medyo may kalaswaan ang
image. What was seen cannot be unseen though.
"Now where did you get these photos?" Inalis ni Loki ang kaniyang paa sa pagkakatapak sa balikat ng kaawa-awa
naming target at hinayaan itong makaupo nang maayos. "Ito lang ba ang laman ng memory card na 'to? Did you make
some copies?"
"Hindi ko alam kung sino siya! Basta may bigla na lang tumawag sa akin at tinanong kung gusto kong bilhin ang
private photos ng mga girlfriend ko. He told me na pwede ko raw gamiting pam-blackmail 'yon para hindi nila ako
iwan. At wala akong ibang kopya, believe me!"
"He? Lalaki ang nakausap mo?"
Umiling si Adonis. "Hi-Hindi ako sigurado. Na-Naka-voice changer yata ang tumawag sa akin kasi tunog pambata
ang boses. But he introduced himself as M."
"Moriarty," I muttered. Hearing that single letter made me shiver. It did not come as a surprise to learn that the
criminal mastermind or at least one of his agents is involved in this case.
With the tips of his fingers put together, Loki began walking around our target. "Do you usually give your number to
people?"
Napahawak sa kanyang balikat si Adonis at nakita ko ang pagkirot nito sa mukha niya. "'Yon nga ang nakapagtataka.
Hindi ko basta-basta ipinamimigay ang number ko. Ayaw ko kasing may kung sinong magte-text o tatawag sa akin."
My colleague stopped and squinted his eyes as he darted a questioning look at him. "Do you know kung sino recently
ang humingi ng contact details mo?"
"Maliban sa teammates ko, meron pang isang nagtanong. Gusto kasi nila akong interviewin para sa kanilang magazine
issue."
"Ma-Magazine issue?" My eyes slowly widened in surprise. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Gus at ng kasama
niyang babaeng naka-ponytail na ipinakilala bilang features editor.
"Oo, ma-maniwala kayo! Taga-school paper yata 'yong humingi ng number ko. They needed to ask me a few
questions for a sports feature article at para ma-schedule namin ang photoshoot."
Nagpalitan kami ng tingin nina Loki at Jamie. Maybe we are connecting dots that do not exist. Maybe we want an odd
piece of the puzzle to fit in the empty space. But the timing of two seemingly unrelated events-someone asking
Adonis' number for an interview and the cautiously disguised caller offering him private photos-cannot be ignored.
I initially thought we should look into the student council or the executive council para hanapin ang tauhan ni
Moriarty sa kanila. But the development in this case pointed us to a different direction. Of course we should never
discard the possibility that someone among the student government is a villain. But now, we have a more concrete
angle to look at.
Whoever has the Pandora's Box might be a writer or editor of Clark Gazetta.
###
A/N: And that concludes our 25th chapter! The next chapter will introduce one of Moriarty's generals and will
probably leave a clue to the other one. Stay tuned!
SHAMELESS PLUG:
If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D. Club (Project LOKI) or go to
https://www.facebook.com/groups/theqedclub

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (First Murder)


A/N: MUST READ. 'NUFF SAID. Artwork courtesy of HideAiden.

LORELEI

STIRRING MY cup of hot chocolate, I stared at the new photos posted on our apartment unit's wall. Out of twenty-
five, only four faces were familiar to me.
"Are you planning to make a collage or something?" I asked as I glanced at Loki who was seated on our couch,
reading the A.B.C. Murders by Agatha Christie.
Ilang oras na ang nakalipas mula nang makakuha kami ng isang importanteng clue mula kay Adonis Abellana.
Kaagad siyang kumuha ng kopya ng Clark Gazetta at isa-isang sinearch ang mga estudyanteng nasa masthead nito.
Mukhang mga Facebook profile photo ang ipina-print niya, 'yong iba kasi naka-peace sign pa at naka-duck face.
"One of them is most likely related to Moriarty and we need to know who among them should be added to my spider's
web," he said as he turned the page of the book he's reading. "If I were Moriarty and I need to pick one agent in the
school paper, I'd choose an editor."
Hinawakan ko ang litrato ni Augustus Moran, ang editor-in-chief ng Clark Gazetta. Among all writers and editors on
our list, he seemed to be the best choice to be Moriarty's asset. Meron siyang final say sa lahat ng ipina-publish ng
paper at kaya niyang kontrolin ang impormasyon sa mga estudyante.
How about Agatha Cortez? Kung 'di ako nagkakamali, sa mga taga- Gazetta, siya ang unang nag-approach sa amin at
nag-offer na i-publish ang mga case na sinolve namin ni Loki, with the approval of Gus whom I haven't met back
then. She also brought two cases before our club.
There's also the features editor who introduced herself as Mignonette San Miguel. Kaninang umaga pa lang namin
siya nakilala at wala akong naramdamang masamang aura sa kaniya. Never did it cross my mind na pwede siyang
maging tauhan ng Moriarty.
Kasama rin 'yong babaeng niligtas namin ni Alistair sa Petrachan poem case. I forgot her name but I recognized her
face. Sabi ni Agatha, okay na ang kalagayan niya matapos siyang abusuhin ng kaniyang boyfriend.
Wait, that reminds me of something. Noong pinuntahan namin 'yong apartment kung saan siya ikinulong, kaagad na
nakauwi 'yong lalaki at tinangka kaming saksakin. Mabuti na lamang, na-disarm siya ni Al at na-neutralize bago pa
siya makasakit sa amin.
But the question is: Bakit parang alam niyang nandoon kami sa apartment niya para iligtas ang inabuso niyang
girlfriend? Did someone tell him?
If someone did, bilang sa mga daliri ng isa kong kamay ang nakakaalam ng impormasyong 'yon: Alistair, Augustus,
Agatha at ako.
The rest of the staff, hindi ko na kilala. Maybe Moriarty's agent isn't someone too prominent para maiwasan ang
paghihinala sa kaniya. Or maybe it is the other way around. We need to find a way para ma-eliminate ang lahat ng
unlikely suspects.
"By the way, have you talked with Al after the case kanina?" umupo na rin ako sa isa pang couch sabay ng inom ng
mainit kong tsokolate.
"Why should I? Is there something we need to talk about?" He turned another page without darting a glance at me.
The topic did not seem to interest him. Typical Loki.
"You had a difference of opinion about the plan so I thought you should clear up the misunderstanding."
Ibinaba niya ang binabasang libro at tumingin sa akin. "To be blunt with you, I never appreciate it when something
doesn't go according to plan. He went off-script and his action almost botched the operation."
"You can't blame him for acting on what his moral code tells him." Honestly, I agree with what my childhood friend
did. Kahit anong klaseng plano ang iniluto ni Loki, hindi dapat nalalagay sa panganib ang buhay o dignidad ng
kaniyang pain.
Speaking of pain, another question popped in my mind. "Have you apologized to Jamie? For what almost happened to
her?"
"Why should I?" He answered in monotone as he continued reading the book. Gusto kong ibuhos ang iniinom kong
hot chocolate sa kaniya. Para kasing wala siyang pakialam sa consequence ng kaniyang plano. He only cared about the
outcome because he always believes that it justifies the means.
Could this be the "Moriarty" syndrome? Dahil sa possibility na konektado sa criminal mastermind ang blackmailing
case, he got excited with acquiring more information and retrieving the lost Pandora's Box. Whenever Moriarty is
involved, Loki tends to forget his morals. Remember the missing students case? Kung hindi ko siya pinigilan, nilusaw
na niya ang katawan ng suspek gamit ang sodium hydroxide. He also showed that brutal side when he confronted
Stein Alberts and slammed him with a wooden chair.
At kanina, tinorture niya si Adonis para lang malaman kung saan nakatago ang mga pam-blackmail na litratong hawak
ng lalaki.
Inubos ko na lamang ang inumin ko at iniwan siyang busy sa pagbabasa ng crime novel. He said before na marunong
siyang mag-multi-task. While reading, he might be thinking of ways to lure out Moriarty's mole in our school paper
kaya hindi ko siya makausap nang matino.
And then there were three knocks on the door. Tita Martha only knocks twice so it might not be her. Naulit ang
pagkatok sa aming pinto pero tila walang naririnig si Loki. Was he too absorbed with the story o baka tinatamad lang
siyang tumayo?
Ako na mismo ang nagbukas ng pinto, nakakahiya naman kasi sa kasama ko na mas malapit sa pintuan. As soon as I
turned the doorknob, I was greeted by a guy in light blue uniform resembling that of the police. Nang tumingala ako
para makita ang kaniyang mukha, bigla akong napaurong ng isang hakbang.
It was Bastien Montreal, one of Moriarty's agents.
"Good evening, Miss Rios. Nandiyan ba si Loki?"
Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kaniyang seryosong mukha. What is this? A frontal attack by the enemy?
"Miss Rios?"
I shook my head of any preoccupation. Hindi dapat ako kumilos na parang aware akong isa siya sa mga tauhan ni
Moriarty. Kalma lang, Lori. Act normal.
"Oo, nandito siya. May kailangan ba kayo sa kaniya?" Pinilit kong ngumiti. That's how we normally greet people who
appear on our doorsteps, right?
"Do you mind if I come in? May mensahe si Inspector Estrada sa kaniya."
Papatuluyin ko na sana siya pero bigla kong naalala ang spider's web of conspiracy na nakadikit sa pader namin.
Nandoon ang litrato niya na may nakakonektang pulang thread kay Stein. He should never ever catch a glimpse of
Loki's artwork.
"Pa-Pasensya na, medyo marumi kasi sa apartment namin kaya kung okay lang, dito na lang kayo mag-usap."
"What's the matter, Lorelei?" Parang kabuteng sumulpot sa likuran ko si Loki, hawak-hawak pa rin ang librong
binabasa. "Officer Bastien, what a pleasant surprise. What brings you here?"
I stepped aside at pumwesto sa anggulo para hindi makasilip si Bastien sa loob. My roommate greeted him with a
blank face. Kahit alam niyang tauhan ni Moriarty ang campus police officer sa harapan niya, Loki managed to pretend
unaware of Bastien's affiliation to the criminal mastermind.
"Gusto ka sanang papuntahin ni Inspector Estrada sa crime scene sa campus ngayon," sagot ni Bastien. "Kung okay
lang daw sa 'yo."
"The fact that he asked you to pick me up this late must mean it's an urgent matter."
"May ilang elements kasi sa crime scene na pamilyar sa 'yo at malamang makapagbigay ka raw ng insight sa kaso."
Loki jerked his thumb over his shoulder toward me. "Does he mind if Lorelei tags along?"
"Another pair of eyes won't be a problem."
"Hey, wala akong sinabing gusto kong suma-" I tried to protest but Loki silenced me with a single stare. He couldn't
say it directly to me but his eyes told me something, as if we were communicating telepathically.
I understood what he meant by that look. Now's the time to investigate not only the crime scene that Inspector Estrada
wants him to observe, but also the scarlet thread that could lead us to Moriarty-Officer Bastien Montreal.
Nagsuot ako ng jacket dahil medyo malamig ngayong gabi bago kami lumabas ni Loki sa apartment. Bastien led the
way out of the building and to the police car parked in front of the gate. Sumakay kaming pareho ni Loki sa back seat.
Nang magsimula nang umandar ang kotse, pinagtinginan kami ng mga taong nasa labas. Pakiramdam ko tuloy, para
kaming mga kriminal na inaresto at dadalhin sa presinto.
The trip to the campus grounds only took us around ten minutes. Dumiretso lang ang kotse hanggang sa huminto sa
tapat ng White Hostel. May ilang police car na ring naka-park doon at mga residente ng dorm na nakikiusyoso kung
ano bang nangyari.
We went inside the white dormitory with Officer Bastien leading the way. Hindi na namin kailangang magsulat sa
logbook dahil nandito kami para sa police matters.
Papasok na kaming tatlo sa elevator nang biglang matapilok ang kasama naming police officer. Dire-diretso lang sa
paglalakad si Loki kaya ako na ang tumulong kay Bastien na tumayo. I can't imagine how he became to be one of
Moriarty's agents kung ganito siya ka-clumsy.
The elevator stopped at the fourth floor and we paced the hallway with quick steps, walking past the other rooms.
Maalala ko lang, dito rin sa palapag na 'to ang unit ni Rosetta. Meron nang murder case na nangyari noon dito at
sinolve ni Loki, sa Room 404 kung tama ang pagkakaalala ko. At base sa yellow cordon sa labas ng Room 410,
mukhang may krimen na naman. Is this floor cursed?
Itinaas ni Officer Bastien ang POLICE LINE DO NOT CROSS at pinadaan kaming dalawa ni Loki. Inspector Estrada
was waiting at the door. Matagal-tagal ko ring hindi nasilayan ang makapal niyang bigote.
"Long time no see, Loki... and Lorelei." The inspector shook hands with my companion then with me. Inabutan niya
kami ng gloves bilang bahagi ng protocol sa crime scene investigation. "Pasensya na kung pinatawag ko kayo nang
ganito ka-late."
"There must be something interesting about this case," sabi ni Loki sabay suot ng kaniyang gloves. "You won't be
disturbing our peaceful night kung wala, tama?"
Inspector Estrada's eyes blinked a few times as he fell silent for a few seconds. I could see the hesitation on his face.
"Hindi ko alam kung dapat kong ipakita sa 'yo 'to, Loki. Pero kailangan ko ang input mo para mabigyan ng hustisya
ang biktima."
"Why don't we cut the drama and let me see the body?" Loki sounded impatient and excited at the same time. This is
gonna be the second case he's about to investigate today.
Binuksan ng inspector ang pinto at bumungad sa amin ang ilan sa mga tauhan niyang abala sa pangdo-document sa
crime scene. May mga kumukuha ng larawan gamit ang mga camera na nagpa-flash, may ilang bina-brush ang mga
mesa at upuan, naghahanap ng fingerprints.
Nakakailang hakbang pa lang si Loki nang bigla siyang mapahinto. I peered his shoulders to see what caused him to
stop.
Nakasandal ang duguang katawan ng isang babae sa pader, may hiwa sa kaniyang leeg at tadtad ng saksak ang
kaniyang katawan. Tumingin ako palayo at napatakip ng bibig. Pinilit kong huwag masuka sa aking nakita.
"I really... hate that pose."
I glanced at Loki and noticed him biting his lower lip. His dull eyes looked like they were wet with tears. He also
muttered the same thing during our investigation of the murder case in Room 404. It reminded him of something, a
memory that he might be trying to repress.
Maliban sa kalunos-lunos na sinapit ng bangkay ng babae, meron ding nakasulat sa pader. Kasing pula ng dugo ang
bawat letra.

Loki stood in front of the bloody writing on the wall and touched it. The excitement on his face faded and was
replaced by a feeling of nostalgia.
"The strokes... the width of every letter... all familiar," he muttered.
"Kaya nga nagdadalawang-isip ako kung dapat ba kitang papuntahin ngayon." Nilapitan siya ni Inspector Estrada na
nakakrus ang mga braso. "This crime scene reminds you of that case."
My companion let out a long sigh through his nose as he turned around and faced the inspector. "Is there anything
else?"
Inspector Estrada called one of his officers who brought him a plastic bag containing a piece of evidence found in the
crime scene. Inside of it was a black, rectangular object with the size of a phone.
"Hawak-hawak 'yan ng biktima nang matagpuan siya kanina. Paulit-ulit daw na pinapatugtog ang isang pamilyar na
kanta."
He handed the cassette tape player to my colleague whose hands were trembling. Inilapit niya ito sa kaniyang tenga
bago pindutin ang PLAY button.
Twinkle, twinkle, little star~ How I wonder what you are~
###
And the Twinkle, Twinkle murders begin.

Volume 2 • Chapter 26.5: The Woman [SPECIAL]

A/N: This is a SPECIAL chapter written in Loki's point-of-view. I will update the illustrations used in here once they
are done.

LOKI MENDEZ
January 14, 2015
"LOKI? Loki?"
AS I opened my eyes slowly, I was greeted by an ever smiling face of girl whose long braided hair was hanging by
left shoulder. Her hazelbrown eyes were blinking like Christmas lights, staring at me to check if I am fully awake.

My back could feel the coldness of the table I have been laying on for a few hours. I had nothing to do this morning so
I decided to take a long nap while waiting for an interesting case.
"Hindi ka na naman ba pumasok sa klase n'yo?" she asked.
"Nothing interesting in my class," I answered. "Just some trivial stuff that I won't be using in my line of work. I prefer
to enjoy these moments of peace in the clubroom than hours of excruciating boredom in the classroom."
She put her bag in one of the monobloc chairs and erased the random codes I wrote on our whiteboard. Whenever she
comes here, she always makes sure that everything is clean and in proper order. Without her, this place would be a
garbage dump. Not that I'm lazy, but as long as I could work effectively in an environment, I don't mind not cleaning.
Rhiannon-or Rhea, as how I fondly call her-is the one and only member of the QED Club. She may not be as sharp as
I am, but she complements what I lack as a person. One can say that she's my assistant. But eventually, once she gets
used to my methods, she can also be a good deductionist.
"Kahit na nabo-bore ka sa klase, kailangan mo pa ring pumasok," she placed both hands on her waist, like my mom
when she's scolding me. "Paano kapag bumagsak ka sa mga subject mo? Paano kapag naging repeater ka?"
As much as I appreciate her concern, I don't really care about the numbers. For the sake of ending this discussion, I
gave her a lazy nod. "Okay, papasok na ako mamaya. Kahit labag sa loob ko."
She then smiled at me again, showing her white teeth. "Good. Dadaan ako sa classroom n'yo mamaya para tingnan
kung pumasok ka talaga."
Now she's acting like my older sister though I'm a year older than her.
"By the way, have you figured out something about the M case?"
"No clues yet. The two cases we encountered so far had no direct connection except that bloody letter. If this is the
start of a serial killing, then the culprit might be randomly picking his victims. Everything was planned meticulously."
"Uhm..." Rhea bit her lower lip and shifted her gaze briefly on the floor. "I hope you don't mind kung nag-request ako
ng ilang case files sa campus police."
I sat upright on the table, my legs hanging over the edge. "What for?"
"It is just a hunch pero naisip ko kasi na baka hindi ito ang unang beses na involved ang M na 'yon sa mga nangyayari
sa school. Remember the suicide cases a year ago? Sabi ng mga kaibigan ng mga biktima, hindi sila capable na
magpakamatay."
Of course, I am well aware of those incidents as I studied them with great detail. But nothing jumped out at me during
the investigation. "But they did not have any signature from the mysterious M so how can we connect these two
murders and the previous cases?"
"I told you, it's just a hunch. My intuition told me. But maybe it's worth looking at, right? What if ngayon lang naisip
ni M na gawing public ang involvement niya sa mga kaso?"
In this case where we have nothing to concrete, Rhea's intuition may be worth considering. If we look closer, maybe
we could see a scarlet thread that links all related cases. Good to know that she's learning my methods.
Then there was a knock on our door. A plump man probably around his forties appeared on our doorstep. Donning the
standard light blue police uniform, his large build entered our room. Apart from his belly, the thick moustache could
be easily noticed.
"Inspector Estrada, what brings you here? May kaso ka bang ire-refer sa amin?" I greeted him.
Gareth Estrada is the senior inspector assigned to the campus police. How did I know him? He and my father are close
friends, they have a bond as true as steel that has been tested through time. They worked together back in the
metropolitan police department where my father served as the chief superintendent.
"Kinausap ako ng university chancellor kani-kanina lang tungkol sa dalawang murder case nitong nakaraang linggo,"
the inspector explained. "Naisipan kong isabay na ang files na ni-request ni Rhea at hingin din sana ang tulong n'yo
para matapos na kung anuman ang nangyayari sa school na 'to."
He handed the folder to Rhea who pored over the files. Her eyebrows knitted and there's a hint of confusion on her
face. "Uhm... inspector? Mukhang mali po yata 'yong nakuha n'yong file. Mga robbery-theft case ang laman ng
folder."
Inspector Estrada grabbed the folder and flipped through every page. He heaved a sigh as he looked away.
"Pinaasikaso ko 'to sa bagong intern namin. Nagkamali na naman siya ng ibinigay. Tsk. Tsk. Huwag kayong mag-
alala. Ipapahatid ko na lang dito 'yong tamang files."
"Rest assured, inspector, that we will close this case as soon as possible," I told him. "We just need to find the right
dots to connect."
The inspector took his leave. I looked at the clock display on my phone and saw that it's already twelve noon.
"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain sa cafeteria?" Rhea said as she put out her wallet from her bag.
"Sherlock once said the brain works better on an empty stomach."
"Yeah, you said that many times but we have no case at hand na paggagamitan mo ng utak. At wala pa 'yong mga file
na nirequest ko sa campus police. So why don't we take a break from club-related activities and grab a bite?
I prefer to eat alone but ever since Rhea has become a part of my club, she's alway dragging me with her during lunch
time. It's hard to say no to her so I just go with the flow.
The school cafeteria is as usual packed with famished students. Some of them are already done eating, but they still
wanna stay on their tables to have their inaudible chit-chats. I bought a burger and a can of soda while Rhea ordered a
slice of pizza and an orange juice.
Some may think we are dating, but we aren't. We're just two club members wanting to satisfy our hunger, though I'm
not hungry at all.
I roamed my eyes on the tables nearby as I took a bite on my burger. Two students are seated across each other. The
guy with large build was laughing, probably cracked a joke, as he took in a spoonful of rice. The girl with long, wavy
hair only gave a faint smile and was repeatedly looking at her phone.
"What can you deduce about these two students on my right?" I asked, returning my gaze to my companion.
"The guy and girl who looked like dating?"
"Yes." I took another bite.
Rhea's eyes narrowed as she began observing the facial expressions, the eye movements and the physical gestures by
those two. When she's done, she resumed eating her Hawaiian-style pizza.
"May nararamdaman akong awkwardness sa part ng babae, parang hindi talaga niya gustong makasabay na kumain
'yong lalaki. Whenever she smiles, it is forced. She looked at her phone for two times in a span of thirty seconds,
naghihintay ng oras para makaalis na siya."
"Same observation." I took a sip of my soda. "You are getting sharper each day."
"I was taught by a great deductionist," she smiled.
"And what is the meaning of this? Are you two dating?"
I almost choked on my drink when I heard a female voice coming from my side. A girl with straight bangs appeared
on my right, her eyeglasses with transparent frame reflected the light outside. She's Margarette Fernandez, the vice
chairperson of the student executive committee.
"I don't usually see you here, Loki. But when I do, lagi mong kasama si Rhea," her eyes showed a glint of intrigue. "Is
something going on between you two? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Rhea?"
"Kung may something sa amin, hindi ko naman itatago sa 'yo iyon, Maggie." My companion looked a little
uncomfortable. "Alam mo namang wala akong maitatago sa 'yo."
"And just because a boy and girl are eating together doesn't necessarily mean that they have a romantic relationsip or
something closer to that," I said. "You and my brother are always together but never did it cross my mind that you
share something more intimate."
"Your brother is the committee chairperson. As his second-in-command, kailangang nasa tabi niya ako lagi," Maggie
defended herself even though I did not allege anything between her and my older brother.
"What's holding you up here, Maggie?" I heard a chilling voice from my right, and a guy who's a bit taller than me
appeared. His hands were always behind him and his dull eyes, as some would say, could freeze people in just a single
stare.

"Luthor, kinumusta ko lang sina Rhea at Loki."


I put down my burger on the table, and Rhea glared at me. "I was enjoying my burger until someone ruined my
appetite."
"I hope Maggie's presence here did not upset your stomach," my brother said coldly. Either he's mocking me or he
wasn't aware that I was actually referring to him. "We still have a one o'clock meeting. We should be on our way."
"Can I stay just for five minutes? Masyado kasi tayong busy, hindi ko na sila nakakausap. I will be right behind you."
Luthor sighed as he shot a brief glance at me and Rhea. He left our table without saying a single word. When he's out
of eyeshot, Maggie sat beside my companion.
"Why do you hate your brother so much?" Rhea asked as she finished her slice of pizza. "Mukhang wala naman
siyang bad blood sa 'yo pero ikaw, parang may kinikimkim kang galit sa kaniya."
"You don't know Luthor as much as I do. When we were still children, he used me as a scapegoat para hindi siya
mapagalitan ni mama. He made me take the fall for him."
"But that was years ago! Gano'n ka ba kagrabeng magtanim ng galit?"
"Sorry for the term but he is a manipulative bastard. He uses people like pawns on a chessboard. He sacrifices them to
win the game. Pustahan tayo, meron siyang grand scheme sa school na 'to."
"Hmm... He's actually planning to run for student council," Maggie shared as she looked out if my brother decided to
return inside the cafeteria. "And he wanted me to succeed him as chairperson of the executive committee."
"So he's adding you to his collection, huh? I remember him saying something about power back then and I quote,
'Power lies on the people we collect.' Just be cautious so you won't end up as a pawn he could sacrifice."
"Tatakbo ba siyang student council president?" Rhea asked. "May experience na siya bilang chair ng committee, and
that's actually the second highest student organization in school."
I drank a bit of my soda before replying. "I highly doubt that. Luthor prefers not to be on the spotlight so he won't run
for president. He will probably choose to be someone's vice president. I wonder who might be the sacrificial lamb?"
"Speaking of the student council, alam n'yo bang 'yong minurder na estudyante last week ay possible candidate para
maging president?"
Maggie's word made me stop from drinking as I stared at her. We never came across that information.
"Alam n'yo naman ang student council elections, it's mostly based on popularity," she went on. "And that dead guy is
quite popular especially among girls. Sikat din ang family niya rito kaya noong nabalitaang pinatay siya, the
university chancellor wants to close the case as soon as possible or else it might ruin the school's image."
That explains Inspector Estrada's visit to the school building earlier and why he sounded desperate to ask for my club's
help.
"Thank you for that info, Maggie. Now we have something to work with."
"Balak n'yo bang imbestigahan ang kasong 'yon?" Maggie's brows knitted.
"We are about to start, as soon as the campus police gives us the files," Rhea answered.
"Bakit hindi n'yo lang ipaubaya sa mga awtoridad ang kaso?" Maggie sounded worried, I could even see it on her face.
"As your friend, I suggest that you drop the case and focus your attention elsewhere."
"It's our school's reputation at stake here so as the only detective club, we are compelled by our mandate to take part in
the investigation."
"But this is not your regular case! You don't know what you are dealing with! Paano kapag nalaman ng suspect na
iniimbestigahan n'yo siya at napapalapit kayo sa katotohanan? He might go after one of you!"
"The more reason we should remove his mask and expose him to the campus police," I remarked. "Whoever that M is,
sisiguruhin kong pagbabayaran niya kung anumang krimen ang ginawa niya."
Maggie couldn't probably take it anymore so she stood, shaking her head. "Just a friendly advice: Drop this case.
Please."
She then strode off to the exit of the cafeteria, bidding us no words of farewell.
"Ano sa tingin mo? Dapat na ba nating huwag pakialaman ang kaso kay M?" It took a minute before Rhea could utter
a word, surprised by her friend's abrupt walk out.
"I already pledged our assistance to the campus police and I believe that if we do nothing on this case, it will never be
closed. I appreciate Maggie's concern but I'd rather risk my life for this cause than watch others risk their own without
me doing anything."
"Kung anuman ang desisyon mo, I'm with you." For the nth time today, Rhea flashed a smile at me. I could see the
determination in her eyes that she wants to solve this case with me. I would offer her the option to step back and let
me do the work, but hearing it come from her mouth dispelled my doubts.
Once we have finished our meal and drinks, we left the cafeteria and were greeted by the blinding light from the sun.
"Wait!" Rhea stopped on the shade of a tree as she put out her phone. I looked above to see if there's something
hovering above our heads. But it was just the clear, blue sky.
"What is it?"
"Why don't we take a picture?"
My eyes stared at her for a few seconds, my mind wondering whether she's serious about that suggestion. But her face
told me that she wasn't joking.
"Sige na! Wala pa tayong picture dalawa, 'di ba?"
"But why now? And why here?"
"Because the weather is nice today. And everything's still peaceful. Dark clouds may brew later on so why don't we
capture this moment?"
She stretched her right arm and clicked the front camera option. I saw my face on her phone screen.
"One... Two... Three... Smile!"
The moment she said "smile," I quickly looked away from the camera. To be honest, I am not fond of taking photos or
being in one of them.

"Geez! Bakit sa ibang direksyon ka tumingin? Isa pa!"


While she's busy looking at her phone, I took the opportunity to walk past her and led the way back to the school
building.
"We have two cases to review. Hindi dapat tayo mag-aksaya ng oras."
Even if I don't dart a glance at Rhea, I could imagine her making a disappointed face.
"This is better than nothing," she said as she followed behind me. "Ise-send ko sa 'yo mamaya para may copy ka rin."
Tss.
***
The information Maggie shared earlier somehow helped me and Rhea find the dots that we thought do not exist. The
victims, despite being totally unrelated with each another, had one common denominator-both are possible candidates
for the student council presidency.
I decided to take home the files given to us by the campus police so I could take a look again and see if we missed
something. But before I could concentrate on the files, I needed to clear my apartment of any distraction. I have a new
roommate who just moved in last week and his presence alone irritates me.
In order to get rid of him, I asked an acquaintance of mine to make a recording of a ghostly voice calling that guy's
name. While my roommate was busy taking a shower, I used my lockpicking skills on his room's doorknob, went
inside and placed the cassette tape player under his bed.
There's a fifteen-minute dead air in the tape-carefully calculated for his usual fifteen-minute shower time-before an
old woman's voice asking for help starts playing. By the time he returns to his room, he would get freaked out by the
ghost.
"Na-Narinig mo ba 'yon?!" he asked me. Only a white towel was covering the lower part of his body.
"Ano ba 'yon? Bakit namumutla ka diyan?" I turned another page of the case file without looking at him.
"Ma-May multong tumatawag sa 'kin! Sh*t! Totoo nga ang sinabi nilang haunted ang unit na 'to!" Without wearing
any decent shirt or shorts, he left our room. He probably went to the landlady to express his concern about the fake
ghost. Sooner or later, he will force himself out and I will have the whole unit to myself.
Beep! Beep!
My phone screen lit up as the image of Rhea and me looking away popped up. I used it as her new contact photo.
Rhea (07:14 p.m.): I think I found something in the M case. I wanna discuss it ASAP. Can you come over to my
apartment?
That's weird. She normally calls whenever she wants to tell me something important. Maybe she's too absorbed by her
own investigation so she can't afford to call?
I replied that I'm coming in a bit. Her apartment isn't that far from where I live. It would only take ten minutes to get
there if I go by foot.
The hallway on the second floor of her apartment building is eerily quiet. I stood at her room's doorstep and knocked
three times. But there was no reply. I tried calling her phone, but it only kept ringing. Was she taking a bath?
I leaned my ear close to the narrow gap on the doorframe. There's a familiar tune playing but I couldn't hear it clearly.
Looking around to see if anyone's approaching, I put out my lockpicking kit and inserted two thin wires in the
keyhole. In less than thirty seconds, I unlocked and door and swung it open.
Twinkle, twinkle, little star~
The room was so dimly lit so I turned on the light. There was no sound of gushing water from the toilet so she's not
there. My eyes roamed around and noticed that the door to her bedroom was slightly opened. I could also hear the
familiar children's song coming from that room.
"Rhea? Are you here? Rhea?"
How I wonder what you are?
As I opened the door, I was greeted by a person's silhouette slumped against the wall. As I lay my eyes on that figure,
my heart began to race. My hands started trembling uncontrollably as I searched for the light switch on the wall.
I hope it's not what I think it is.
Up above the world so high~
My fingers flicked the switch and the whole room was illuminated. I took a step back as I saw the face of the person
slumped against on the wall.
No, it can't be... How can it be... Rhea... Why her?!
Her eyes were half closed, blood was oozing from her slitted throat and her clothes were disheveled. A pool of blood
formed on where she was seated, most of it coming from stab wounds she sustained in her stomach.
I did not know what to do. My mouth was shaking, my eyes began to well up with tears. I wanted to scream, I wanted
to cry for help, but no word would come out as if something's stuck in my throat.
Rhea... my dear Rhea... The only friend I had... Why did they do this to you? Who could-
As much as I didn't want to look at her body bathing in blood, my eyes couldn't help but observe the writing on the
wall, just a few inches above her head.

My fists clenched so tight that my nails dug deeper into my skin. My teeth gritted as I stared at the blood writing.
Seeing that letter filled my heart with rage and I could kill anyone right now.
THAT BASTARD! I will make sure he will pay for this!
"Rhea? Are you here? Nandito na ako."
I heard footsteps coming from the living room and a familiar female voice echoed within the walls. I noticed a shadow
emerging from behind.
"Rhea? Nasaan ka-KYAAAAAAAAAAAAH!"
Maggie screamed at the top of her lungs as her eyes widened by shock stared at the dead body of her friend.
"RHEA! NO!" She ran to the dead body but I grabbed her arm before she could step on the pool of blood. Tears began
flowing on her face and her red eyes glared at me. "LET ME GO! LET ME GO!"
"This is now a crime scene! We must not contaminate it." I tried to contain the emotions raging inside me. I wanted to
hold Rhea's body for the last time, caress her innocent face that has always greeted me with a smile. But I can't. I don't
want to ruin any traces that could lead us to the person who did this to her.
Maggie pounded my hand as hard as she could but I never let go of her arm. "IT'S YOUR FAULT! I TOLD YOU TO
DROP THE CASE! I TOLD YOU HE MIGHT COME AFTER ONE OF YOU! IF YOU TWO ONLY LISTENED,
RHEA WOULD STILL BE-"
She then broke into tears, sobbing endlessly on my side. She was frantically shaking her head as she looked away
from Rhea's direction.
Maybe Maggie was right. Maybe it's really my fault. Rhea's blood is on my hands.
###

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (Second Murder)


LORELEI

"LOKI? ARE you still with us?"


Our club president has been staring blankly at the window, his eyes looking faraway. Parang lumulutang ang isip niya
mula nang makita niya ang duguang biktima sa White Hostel.
He was muttering some words last night which we couldn't comprehend so Inspector Estrada decided to send us home
and consult us once my companion's feeling a bit okay. Hanggang sa apartment namin, tulala siya habang nakaupo sa
couch at nakatitig sa spider's web of conspiracy ni Moriarty. He must have been in deep thought.
This morning, I gathered the two other members of our club to discuss about the new White Hostel murder case.
Inspector Estrada had someone deliver last night's report to us. Alistair and Jamie started reviewing the findings of the
campus police-the time and cause of death, the discoverer of the body, etc.
"Maybe I should do something to make him feel happy?" Jamie whispered as she turned the files on the next page. If
there's one person whom Loki should avoid seeing right now, that's probably her. Dahil kahawig niya si Rhea, baka
ma-trigger na naman ang masamang alaalang pilit kinakalimutan ni Loki.
The crime scene reminded my roommate of how he discovered Rhea's body more than six months ago. Hindi na ako
magtataka kung bakit nagmukha siyang na-trauma ngayon. Kung magkapareho nga ang crime scene, then this is a
hundred percent connected to Moriarty. That criminal mastermind grew tried of playing with Loki's mind. Now he's
attacking his heart.
Anyway, we need Loki at his finest now so we can close this case as soon as possible. May delay yata sa transmission
sa utak niya dahil ngayon lang siya lumingon sa akin. We need him to be focused.
"I reviewed the front desk footage sa White Hostel and compared it to the logbook," sabi ni Alistair sabay pakita ng
laptop kung saan naka-play ang isang monochromatic video. "Ayon sa findings ng campus police, may alibi ang lahat
ng bumisita, mula sa mga estudyante hanggang sa fast food delivery guy. Pero may isang hindi tumugma."
A man whose back was shown on the video talked to the receptionist before proceeding to the elevator. May suot
siyang sumbrero kaya hindi namin makita nang malinaw ang mukha niya. The time stamp at the video was at 5:47
p.m.
"He said he's going to pick up some dirty laundry sa fourth floor. Meron ngang nagpapa-pick up ng damit, taga-Room
401, pero hindi siya pinuntahan ng laundry guy."
That would mean na nagpanggap na may business sa ikaapat na palapag ang salarin para makapasok sa loob. He
probably wore a disguise para hindi siya kaagad makilala ng mga makakasalubong niya.
"The police also called the laundry shop na pinagtatrabauhan umano ng lalaking 'to pero they denied that they have an
employee with that name."
"Pretending as a laundry guy won't make him look suspicious once he knocks on the victim's door." The three of us
turned to Loki who finally broke his unusual silence. "He needed the victim to open the door for him before he could
commit the crime."
"What about the writing on the wall?" tanong ni Jamie. "He wrote that this is just beginning. So there will be more
murders?"
"Possibly." Loki got to his feet and started walking around, his hands behind him. "This could be a serial killing and
the victim is just the first person on the killer's list. We need to find out more about who could be the next targets and
anticipate his thinking."
The victim's name is Perry Enriquez, a Grade 9-C student. She was living alone in her unit at the White Hostel. Her
time of death was estimated to be around five-thirty and six in the evening and the cause of death is the multiple stab
wounds in her abdomen. Ang unang naka-discover sa kaniyang bangkay ay ang kaniyang kaibigan na bumisita para
magtanong ng kanilang assignment.
"Maybe some of her classmates will be the next on the killer's hitlist?" Jamie asked. "If someone's holding a grudge
against her, that is possible, right?"
"We need to talk to the people in her class and ask if they know someone na galit sa kaniya," Al suggested.
"Good to have something to work with," said Loki as he picked one of the folders on the table.
Maybe now's not the right time to ask, but it might be related to the case so I gathered enough courage to raise a point.
"Do you think this case is connected to Moriarty? Ang sabi mo, Rhea's case also had the same circumstances. The
method of killing, the writing on the wall and the nursery rhyme being played in the crime scene."
Biglang natigil ang kasama ko at tila natulala ulit ang mga mata niya. He then flipped the pages of the case report.
"The similarities between this case and that case are uncanny. I believe that these separate murders were done by the
same person."
I hesitated to throw a follow-up question pero kailangan para alam ko kung saan kami lulugar. "Rhea was murdered
by Moriarty. So does that mean Moriarty is directly involved here?"
His face remained expressionless, speaking in a matter-of-fact tone. "After everything that we have found out about
that criminal mastermind, I doubt Moriarty would kill anyone personally. Meron siyang mga pawn na pwede niyang
utusan para gawin ang dirty work."
"But when we confronted Stein Alberts in the Diogenes Cafe, he told some things that only the person who killed
Rhea could have possibly observed."
"Maybe he was there with the killer. Maybe he wasn't there and he was just teasing me in the cafe. Either way, the
murders were done by the same artist who has a unique stroke and remarkable use of paint brush. Moriarty could have
been a spectator to see that the artwork is perfectly done."
"What if someone only copied the circumstances of that case to mislead us?" Al asked. "Maybe the culprit wants to
throw us off track."
"The report on Rhea's murder was never released to the public. Only the campus police has access to that information.
So your copycat theory does not stand."
With no other questions raised, Al and I were about to leave to gather info from the Perry's classmates. Pagbukas
namin sa pinto, may nakita kaming isang babaeng palakad-lakad sa tapat, kinakagat ang kaniyang kuko at mukhang
hindi mapakali.
"Excuse me. Can we help you?" Gusto niya sigurong pumasok sa loob para konsultahin kami tungkol sa problema
niya pero may pagdadalawang-isip siya. We have our plates full right now so we might not be able to accommodate
whatever request she has for us.
Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Please, help me! Takot na takot ako! Hindi ko na alam ang gagawin!"
"Paano ka namin matutulungan?" We don't have much time to entertain her for now but she looked and sounded so
desperate, I couldn't help but listen to her.
"Sa tingin ko, ako na ang susunod! Pero ayaw ko pang mamatay kaya please, tulungan n'yo ako!"
"Susunod? What do you mean?"
"Alam n'yo ba 'yong nangyaring murder sa White Hostel kahapon?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Al. What a coincidence. 'Yon din ang kasong iniimbestigahan namin.
"Kilala mo ba ang biktima? Bakit takot na takot ka?"
"Kaklase niya ako at isa rin ako sa mga malapit niyang kaibigan." Lalo pang humigpit ang hawak niya sa mga kamay
ko. Gusto kong mapaaray pero tiniis ko na lamang. "I heard na may iniwang message ang pumatay kay Perry. This is
just beginning, tama? Malakas ang kutob ko na baka ako na ang sumunod!"
"Let's discuss this case inside." Binuksan ulit ni Al ang pinto at pinauna ang kliyente namin. "We were actually about
to go to your class para magtanong-tanong tungkol sa biktima."
Muli kaming pumasok kasama ang babaeng nakalimutan munang magpakilala bago kami kinausap. I told Loki and
Jamie that she might be the link we were looking for in this case. Pinaupo namin siya sa kabilang dulo ng mahabang
mesa.
"I'm Leigh Pineda, taga-Class 9-C rin gaya ni Perry. Magmula nang mabalitaan ko ang nangyari sa kaniya, halos hindi
na ako makatulog. Feeling ko, hinahaunt na kami ni Jenny."
"Who's Jenny?"
"She was a classmate of ours who committed suicide last year."
"You feel responsible for her death? You bullied her, didn't you?" sabi ni Loki.
Tumango si Leigh. "We were just fooling around. Hindi namin inakalang seseryosohin niya ang pambu-bully namin
sa kaniya. Until now, we feel sorry about what happened to her and we haven't forgiven ourselves for it."
Napasulyap ako kay Loki at napansing sa kabilang direksyon nakatuon ang kaniyang tingin. I remember that he also
felt responsible for Rhea's death and maybe, sinisisi niya pa rin ang sarili niya kaya hindi pa siya makapag-move on.
"And what makes you think na kagagawan ito ni Jenny?" tanong ni Al.
Ipinakita ni Leigh sa amin ang isang message sa kaniyang phone. Written in all caps were the words HELLO FROM
HELL. The message sender was named Jennifer Jimenez, the same Jenny she mentioned earlier.
"Ilang oras bago namin nabalitaang patay na si Perry, natanggap naming magkakaibigan ang message na 'yan. That
was Jenny's number when she was still alive. Paano siya makakapag-text sa amin kung patay na siya? It must be her
ghost."
"Ghosts do not exist, just an FYI in case you haven't moved on from your childhood fears," Loki retorted. "I can offer
you five explanations why her number managed to send you and your friends a creepy message. But the most
probable would be someone took her phone or SIM card and waited for the right moment to use it and scare the shit
out of you."
"Have you told the campus police about this case?" tanong ko.
"Oo. Ang sabi nila, susubukan nilang i-trace ang phone number na 'yan. They also told us na huwag basta-basta
maniniwala sa kahit anong text dahil baka patibong 'yon ng killer."
"Us? Pwede mo bang sabihin sa amin kung sino-sino pa ang mga kasama mong nam-bully kay Jenny?"
Binigyan siya ni Al ng kapirasong papel at inabutan ng ballpen. Doon isinulat ni Leigh ang buong pangalan ng
kaniyang mga kaibigan. Nang matapos na siya, ibinigay niya sa amin ang listahan.
Leigh C. Pineda
Perry A. Enriquez
Jessy B. Nepomuceno
Jade D. Tadeo
"While we are investigating the case, it's probably best if the remaining three of you will exercise extra caution,"
paalala ni Al. "Do not trust anyone easily especially if you don't really know them."
"'Yan din ang advice sa amin ng campus police. Ganyan nga ang gagawin namin. I hope you can catch him bago pa
siya may mabiktimang iba."
"May kakilala ka bang malapit kay Jennifer na posibleng may kinikimkim na galit sa inyo?" tanong ni Jamie. "Gaya
ng sinabi ni Loki, ghosts do not exist so the perpetrator is probably someone among the living."
Napatingin sa taas si Leigh, tila may inaalala. "Meron siyang best friend na lalaki, si Jeffrey. Galit na galit siya sa
ginawa naming pambu-bully kay Jenny lalo na noong nag-suicide siya. Pero kung iniisip n'yong siya ang may gawa
nito, I doubt it."
"Bakit naman?"
"Wala sa itsura niya ang pagiging isang killer. Isa siyang typical nerd na lalampa-lampa kaya nga wala siyang nagawa
noong binu-bully namin si Jenny."
"Don't be so sure," kontra ni Loki. "One of the nerdy-looking guys we met was actually capable of plotting almost
perfect crimes."
He must be referring to Stein Alberts who later introduced himself as Moriarty. That was a huge plot twist when we
were investigating the criminal mastermind's identity. Who would have thought that a Math geek and code addict was
behind some evil schemes?
"Maybe Jamie and I could visit him in your classroom and see if he has an alibi during the time of the crime," I
suggested. "In the meantime, Loki and Al can review can look into other angles."
"Eh? Bakit ako?" Jamie protested. "Pwede namang kayong dalawa ni Al ang mag-interview kay Jeffrey, a!"
"Dito natin magagamit ang charm mo kaya marapat lang na sumama ka sa 'kin," sabi ko habang naglalakad patungo sa
kinauupuan niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila siya papunta sa pinto. "Mas mabuti kung kakausapin na
natin siya ngayon habang naka-break sila."
"Pero gusto kong-"
"Walang pero-pero, Jamie. Let's do this for the club." Tama, mas mabuti kung ilalayo ko muna siya kay Loki. Her
resemblance to Rhea might trigger something in Loki's mind and distract him again in our investigation. Kailangan
kong tanggalin ang distraction.
Ipina-describe ko muna kay Leigh ang itsura ni Jeffrey bago kami lumabas ng clubroom ni Jamie. I had to drag her
out para sumunod sa akin.
"Bakit mo ba ako kailangang i-drag?" reklamo niya habang naglalakad kami sa hagdanan. Medyo hininaan niya ang
kaniyang boses nang may nakasalubong kaming ibang estudyante. "Talaga bang gusto mong maging kontrabida kaya
pinaglalayo mo kaming dalawa ni Loki?"
"Pwede mong landiin si Loki, pero huwag muna ngayon. Kailangan natin siyang naka-focus sa imbestigasyon."
"Ano bang ibig mong sabihin? Bakit naman siya madi-distract?"
Dalawang hakbang na lang bago ako makatapak sa second floor. Huminto muna ako sa paglalakad at hinarap siya. "I
told you before na kahawig mo 'yong only friend niya, 'di ba? Vulnerable siya ngayon dahil may pagkakapareho ang
case na 'to sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Kung bigla niyang maalala si Rhea sa 'yo, what do you think will
happen? His judgment will be clouded and he won't be able to think straight. So please, bear with me for this case."
She sighed through her nose as she looked away. Gusto ko sanang i-advise sa kaniya na magpalit ng hairdo pero gusto
ko na sa kaniya mismo magmula ang initiative.
"Fine. I will stay away from Loki. Temporarily."
"Thank you."
Then we continued our way to Leigh's classroom which was only a few doors from the stairs. Base sa pagkaka-
describe niya kay Jeffrey, the guy wore thick, black-framed glasses, payat ang pangangatawan pero katangkaran.
Mahilig din daw siyang umupo sa pinakahuling row kaya doon kaagad natuon ang atensyon namin. Hindi kami
nahirapang mahagilap siya.
Inutusan ko si Jamie na pumasok sa classroom at tawagin si Jeffrey. Noong una'y ayaw niya kaya kinailangan ko
siyang itulak sa loob para mapilitan. Dahil pinagtitinginan na siya ng ilan sa mga estudyante, wala na siyang magawa
kundi puntahan ang target namin at kausapin siya. A few moments later, sabay na silang lumabas ng classroom.
Pinagtitinginan pa rin kami ng mga taong nasa loob.
"Pasensya na kung kailangan ka naming istorbohin," panimula ko. "Pero may ilang tanong lang kaming gustong
malaman. My name's---"
"Lorelei Rios and Jamie Santiago," he cut me short before I could finish. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at
pinunasan ng panyo ang parehong lente nito. "No need for introductions. Kilala ko na kung sino kayo, thanks to the
assembly the other day. Let's get to the point: Anong kailangan n'yo sa 'kin?"
"Aware ka naman siguro sa nangyari sa isa sa mga kaklase n'yo? Kay Perry?"
"Yes, of course." Muli niyang isinuot ang kaniyang salamin. "It felt like justice."
"Excuse me?"
"You heard me. Justice," he smirked. "Ang sabi nila, justice delayed is justice denied. Pero sa tingin ko, justice waits
for the perfect opportunity to strike those who have wronged others."
"At paano naging justice 'yon?"
"Perry's one of the bullies who drove my friend to death. Ngayon, naisipan na ng pagkakataon na singilin ang mga
nagkasala. Narinig kong posible itong maging serial murders. And I'm looking forward to it."
Habang tumatagal ang usapan namin, lalong lumalakas ang hinala kong may kinalaman siya sa pagkamatay ng unang
biktima.
"You seemed to be pleased about what happened," I commented, observing his face that was filled with glee.
"Not pleased. Extremely grateful."
"I hope you don't mind kung naisip kong posible kang suspek sa kasong ito? Pwede mo bang sabihin sa amin kung
nasaan ka noong mga oras na naganap ang krimen? Around five-thirty or six in the evening?"
"Pumunta ako sa convenience store na katabi ng Diogenes Cafe. Naubos na kasi ang battery ng phone ko at kailangan
kong mag-charge kaagad dahil may importante akong kausap. Nag-stay ako roon hanggang seven."
"May magpapatunay bang nandoon ka sa oras na sinabi mo?"
"Hmm... Hindi ko alam kung natatandaan ako ng mga cashier. Wala rin kasi akong ibang kasama noon. Pero baka
pwede n'yong i-check ang CCTV footage. Makikita n'yo ako sa charging station at 'yon ang magpapatunay na wala
akong kinalaman sa krimen."
Kung totoo man ang sinabi niya, that will give him a perfect alibi.
"Natutuwa ako sa nangyari kay Perry at mas matutuwa ako kung susunod na ang mga kaibigan niya, pero that doesn't
mean that I am the killer. Sorry, pero kailangan ko nang bumalik sa klase. Magre-review pa ako para sa long quiz
namin."
Nagpaalam na siya sa amin at pinasalamatan ko siya para sa kaniyang kooperasyon. If he was indeed the killer, he was
too calm and confident with his alibi. Maybe it's not really him, but we can't cross him off the suspect list until we
confirm what he said about being in the convenience store at the time of the crime.
"We should keep an eye on that guy," komento ni Jamie habang naglalakad kami pabalik sa clubroom. "Nakita mo
kung gaano siya kasaya kanina nung pinag-uusapan natin 'yong mga biktima."
Nang paakyat na ulit kami sa hagdanan, biglang nanindig ang mga balahibo ko. My instinct told me to look behind. I
saw a familiar figure of a man. Kaagad siyang nagtago sa likod ng isa sa mga pillar. This feeling was the same
whenever that mysterious guy is following. I can confront him right now but I chose not to. I will deal with him once
this case is solved.
Back in the clubroom, we told Loki and Al about our encounter with Jeffrey. Our club president then contacted
Inspector Estrada to ask them to check the surveillance footage of the store. Sinabihan naman kami ni Al na so far,
wala nang ibang posibleng may galit kina Leigh at sa kaniyang mga kaibigan.
"We need to wait until something happens," Loki said after hanging up. "The culprit made his next victims aware of
his threat. He's confident that he can continue this killing spree."
"I hope we can stop him before he commits another murder," sabi ni Al. "We can't afford to lose another innocent
life."
"If revenge is the motive, the killer won't consider his targets as innocent," Loki was standing by the window, looking
at the green landscape outside. "Remember, they drove an innocent and bullied young woman to death."
We spent the rest of the day with our regular classes (of course) and reviewing the White Hostel video footage. Baka
kasi may na-miss kaming clue na magtuturo sa salarin. The more I look at the figure of the culprit, lalo kong nakikita
sa kaniya si Jeffrey.
Later on, ibinigay din ng campus police ang kopya ng CCTV footage sa convenience store. Nasa tabi nga ng charging
station si Jeffrey at hindi siya umalis doon until past seven in the evening.
"So should we remove him from our suspects list?" tanong ni Jamie. Kumpara kanina, medyo lumayo na siya kay
Loki. She kept in mind what I told her earlier and that's good.
"The man has an alibi so he can't be the killer. Unless this convenience store video is edited or the one at the White
Hostel front desk has been tampered."
"Ano nang gagawin natin sa ngayon?" I closed the video on our laptop and rmy eyes roamed over my colleagues.
"Should we do what the police call stake-out?"
"We will wait until the culprit strikes again and let's hope his targets are not foolish enough to be lured into a trap."
***
The next morning, sabay kaming pumasok ni Loki sa campus. Mula nang natapos ang kaniyang suspension, lagi na
kaming sabay na naglalakad papuntang school.
Paglampas namin sa entrance gate, natanaw na namin ang ilang police cars sa palibot ng isang puno. May ilan ding
estudyanteng nakapalibot doon, nakikitsismis kung ano ang nangyari.
"I have a bad feeling about this," he muttered as he ran toward the crowd. I had no choice but to follow him. Masama
rin kasi ang pakiramdam ko nang makita kong nakalupong ang mga police car doon.
We saw a young woman in her casual clothes, slumped against the tree trunk. Her throat was slit and there were signs
of multiple stab wounds in the abdomen. Kaparehong-kapareho ito ng crime scene sa White Hostel. I looked to my
right and noticed na ilang metro lamang ang layo ng puting dormitory sa panibagong crime scene.
Hinawi ni Loki ang cordon at hindi siya pinigilan ng mga nagbabantay na pulis. Pinuntahan niya si inspector Estrada
na mukhang inaantok pa. Inabutan siya ng hot coffee ni Officer Bastien Montreal bago ito bumalik sa kaniyang
puwesto.
Sumunod din ako sa aking kasama. Mukhang kilala na rin ako ng ibang campus police officer dahil hindi na nila ako
hinarangan. Pinagsuot kami ng latex gloves bago kami pinayagang lapitan ang bangkay.
"Umagang-umaga, ganito ang madadatnan mo," Inspector Estrada commented before taking a sip of his steaming
coffee. "Ilang linggo ring walang murder sa school na 'to, tapos ngayon, nagkasunod-sunod naman."
"Any info on the victim?" tanong ni Loki na lumuhod sa tapat ng biktima.
"According sa staff ng White Hostel, her name is Jessy Nepomuceno. Isa siyang tenant doon kagaya ng biktima sa
Room 410. And I assume this is the second murder by the same killer."
Iniabot ni Inspector Estrada ang isang plastic bag na may lamang casette tape recorder katulad sa naunang crime
scene. Hindi na kinailangan pang i-play ni Loki dahil alam na siguro niya na ang kinaiinisan niyang children song ang
laman no'n.
"Nakita raw siyang lumabas ng hostel alas-nuwebe kagabi, mukhang nagmamadali," pagpapatuloy ni Inspector
Estrada. "Her time of death is roughly between nine and ten in the evening. Nagtatanong-tanong na rin kami kung may
nakakita sa kaniya sa mga oras na 'yon, pero mukhang negtive."
"At bakit ngayon lang nakita ang bangkay niya?"
"Natakpan daw ng kulay itim na plastic kaya malamang hindi kaagad napansin," paliwanag ng inspector. "Nang
magwawalis na ang groundskeeper sa parteng ito ng campus, inalis niya ang plastic at ang duguang bangkay na 'to ang
bumungad sa kaniya."
Tumingala ako sa punong kinasasandalan ng babae at nakitang nakasulat doon ang mga salitang tila naghahamon.

###

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (Third Murder)


A/N: One of Moriarty's four generals is hereby revealed. Read on.
LORELEI
MINUTES LATER, Jamie and Alistair also arrived at the crime scene after I texted both of them. Dahil ito ang first
time nilang ma-involve sa isang totoong pinangyarihan ng krimen sa mismong campus, ipinakilala namin silang
dalawa kay Inspector Estrada. Piangsuot din sila ng latex gloves bago hinayaang mag-inspeksyon sa paligid ng puno.
"The strokes and the width of every letter are similar to the first writing on the wall," Jamie touched the blood on the
tree and sniffed it. "No doubt na isang tao lang ang sumulat nito."
Kahit wala siyang dalang reference para ipag-compare ang callligraphy ng nakasulat sa puno, she probably used the
image stuck in her mind. Thanks to her photographic memory, she can easily remember and recall everything she
sees.
"How about the message?" bahagyang tumingala si Al at nilapitan ang graffiti. Nakakrus pa ang mga braso niya. "It
sounds as if the culprit is challenging someone."
"Not someone, but some people." Loki stood beside my childhood friend. They seemed to be okay now, after what
had happened in the blackmailing case a few days ago. "I don't think the killer left this message for the victims. I think
he left it for us."
Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya, bahagyang nakabuka ang bibig namin ni Jamie. "Do you mean the culprit
expected us to be involved in this case?"
"Possibly. If he was clever enough to murder two people without anyone noticing him, then he might have expected
that the campus police or the victims will come to us for help."
Kaya pala "Can you stop me?" ang iniwan niyang message. Tinatanong niya kaming mga miyembro ng QED Club
kung kaya naming tuldukan ang kaniyang killing spree. How bold of him.
"Wala pa rin bang bagong clue na magtuturo sa kanya?" tanong ko habang tinitingnan ang damuhan, baka may
naiwan ang killer na maliit na bagay na pwedeng magsilbing ebidensya.
"Inspector Estrada told me that some campus police officers were patrolling the school grounds last night. Kung may
napansin sila, kaagad naman nilang ire-report. But there's something missing in this scene."
"Ano 'yon?"
"I asked the officers earlier if they found the victim's phone. Sinearch nila ang unit niya pero wala silang nakita. Wala
rin sa kaniyang suot nang natagpuan siya rito."
"Posible kayang kinuha 'yon ng suspek?"
"But why would he steal his victim's phone?" Jamie looked clueless.
"Maybe he's trying to hide something," Al touched his chin. "Maybe he sent a text message to Jessy when he lured her
out. Baka natatakot siyang mgkahanap ng paraan ang mga awtoridad na ma-trace ang kaniyang number o kung anong
laman ng kaniyang message kaya kinailangan niyang kunin."
"Especially if the texter is familiar to the victim," Loki added, raising his index finger. "Ang ipinagtataka ko, alam na
ng biktima na nasa panganib ang buhay nila pero bakit lumabas pa rin siya para makipagkita sa kung sinumang ka-
meet niya sa labas ng kaniyang dorm?"
"Maybe the victim knows that person!" Jamie exclaimed. "Kaya pumayag siyang bumaba para makipagkita sa taong
'yon. It must be someone that Jessy could trust."
"Someone among her circle of friends?" I blurt out as the idea crossed my mind. "At this point kasi, sila-sila lang ang
magtitiwala sa isa't isa dahil nasa parehong peligrosong sitwasyon sila."
"Let's assume that the killer is among Jessy's closest circle of friends. What would be the killer's motive?" tanong ni
Al, dahilan para mapaisip kaming apat. "And how can we relate it to the suicide case of Jennifer Jimenez?"
"Maybe there's something else in the story that they are not telling us?" hirit ni Jamie. "What if it wasn't really
suicide? What if it's murder and the four of them plotted it? Now one of them wants to confess so in order to hide the
secret, this killing spree began."
"Sounds like a cliche mystery story," Loki commented, his face unimpressed. "But let us not go further into
conjectures. Let's focus on what we have at hand. And let's be open to other possibilities as well."
"So two down and two more to go," Jamie maintained her distance from Loki. "Sino kaya sa dalawang targets ang
isusunod niya?"
"Are you aware of the ABC Murders by Agatha Christie?" Loki asked as he paced the crime scene, avoiding the pool
of blood and the calk marks.
If memory serves right, I saw him reading a novel written by that author. And Then There Were None yata ang title.
Nang puro pag-iling ang sinagot namin, he was compelled to explain.
"A detective fiction about a series of murders wherein the victims were murdered alphabetically. Alice Ascher, Betty
Barnard, Carmichael Clarke. Kahapon, nang ipinakita sa atin ng kliyente ang mga pangalan nilang magkakaibigan,
napansin ko ang middle initials nila. Natatandaan n'yo pa ba ang mga buong pangalan nila?"
"Leigh C. Pineda, Perry A. Enriquez, Jessy B. Nepomuceno, Jade D. Tadeo." Ni-recite ni Jamie isa-isa ang mga
pangalan nang walang kahirap-hirap. The advantage of having a retentive memory.
"Their middle initials!"
"The first victim is Perry Enriquez whose middle initial is A. The second and latest victim is Jessy Nepomuceno who
has B as her middle initial. Kung may pattern na sinusundan ang killer, I guess we know who will be his next target."
"Leigh C. Pineda," sabay banggit namin ni Jamie.
"This is the part where we step in and prepare to foil a murder attempt."
"What's our plan?"
"We need to stay close to the potential victim. Sisiguruhin nating hindi na makakapambiktima pa ang killer. Kailangan
nating makausap si Lea."
"Lea?"
"Yes. Lea, our client."
"It's Leigh," I corrected him, but why would he care about people's names?
We wrapped up the inspection of the crime scene and went back to the clubroom. Nakuha ko ang number ni Leigh
kahapon kaya may contact ako sa kaniya. I immediately texted her and asked her to drop by.
Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagka-stress. Lalong lumalim ang kaniyang eyebags at sobrang putla na niya
kumpara noong una ko siyang nakita. The death of her two friends was taking its toll on her.
"A-Ako na ba ang susunod?" bungad niya sa amin pagbukas niya ng pinto. Nilapitan ko siya para akbayan patungo sa
monobloc chair. Mukha kasing bibigay na siya anumang sandali mula ngayon.
"We still haven't identified the killer but we have a plan to expose him. And we need your help."
"Anything you say basta matapos na ang nakaka-stress na bagay na 'to."
"I believe the killer won't act as long as you are in a situation where it would be difficult to kill you. In other words,
you are untouchable while you are at school with your classmates and friends. The only time he can make a move is
when you are either alone or when the field is clear for him to hunt, like at night."
"Anong gusto mong i-suggest?" Leigh asked Loki, looking desperately to have this case closed.
"Later, kung okay lang sa 'yo, gusto kong isama mo ang dalawa sa amin sa tinutuluyan mo. If you were to ask me, it
would be better to have me and Al para maprotektahan ka namin."
"Pero strict doon sa dorm ko," umiling si Leigh at napasulyap sa kasama niyang babae sa clubroom. "Only girls are
allowed so hindi kayo pwedeng dalawang lalaki."
"Then take Lorelei and Jamie with you. If something happens, they can contact us and we will come to your rescue."
"Teka, ipinapain mo na naman ba sila?" Al protested, darting a questioning look at the club president. "Remember
Loki, we are dealing with a serial killer. Hindi na ito kagaya ni Adonis."
"I am well aware, Alistair. You don't have to worry that much. Lorelei is equipped with a stun pen that can paralyze a
giant. And besides, I don't think the killer will knock on the door and kill them. He might try to lure his target out of
the safety zone."
Nakaukit sa mukha ni Al ang pag-aalangan. He already saw what Loki was capable of so I understand why he is
having doubts. "As long as we don't put them in harm's way, I will not oppose your plan."
"Thank you and I hope you won't just barge in when worse comes to worst."
***
There were no new developments in the case throughout the day kaya hindi rin umasad ang imbestigasyon namin.
Mukhang ang tanging paraan lang upang makakuha pa kami ng clue tungkol sa killer ay ang pagdikit sa kaniyang
target.
Leigh's dormitory was not that far from the campus kaya nilakad lang namin ito. Gusto nga ni Jamie na sumakay ng
tricycle but I ignored her idea.
The apartment was only a two-storey building. Sa gate pa lang, bubungad na ang site na FEMALE TENANTS ONLY.
Meron ding female guard na nakabantay sa labas kaya mahihirapang pumuslit ang mga lalaki. Dinala kami ni Leigh sa
second floor at pinapasok kami sa Room 202.
While the two of us are with the target, naka-standby lang sina Loki at Al sa labas, observing kung sino-sino ang mga
pumapasok sa apartment. If the killer is a female, hindi siya mahihirapang makapasok. Pero kung lalaki siya, he
needed to disguise as a woman or magpanggap na may official business sa apartment, like a fast food delivery or
laundry guy.
Hindi ganon kalaki ang unit ni Leigh, sakto lang para sa isang tao. Wala siyang monobloc chair kaya sa lapag kami
umupo ni Jamie.
"It would be much better if Loki was here with me than you," bulong niya, nakatutok ang kaniyang mga mata sa
phone. "Mas masaya kung magdamag kaming magkasama habang hinihintay ang killer."
"Wala ka nang magagawa dahil mukhang ayaw talaga kayong pagsamahin ng tadhana sa mga activity tulad nito."
Mabilis akong nag-tap sa screen para mag-compose ng message kay Al at sabihan siyang nakaposisyon na kami sa
unit ng target.
Alas-kuwatro ng hapon kami nakarating doon at pagkalipas ng tatlong oras, wala pa ring kumakatok o nagte-text o
tumatawag kay Leigh. Dahil hindi namin naiwasang mabagot, naisipan kong manood ng cat videos habang si Jamie
nama'y may nilalaro sa kaniyang phone.
Kung kami'y pa-relax-relax lang, hindi pa mapakali si Leigh. Naglalakad-lakad siya sa harapan namin habang
kinakagat ang kaniyang mga kuko.
"Kahit ikaw ang susunod niyang target, hind pa natin alam kung kailan siya aatake," sabi ko sa kanya. "Mas mabuti
kung kumalma ka muna at huwag masyadong pa-stress."
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Mukhang may sasabihin siya pero hindi na niya itinuloy.
Dahil wala rin akong magawa, naisipan kong lumabas muna ng kaniyang unit at dumungaw sa may veranda.
Maaliwalas ang kalangitan at tanging ang mga kumukutitap na bituin ang makikita.
"Twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are," I sang while staring at the blinking lights above. Mabuti't
wala si Loki dito kundi baka nawala na naman sa mood 'yon.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Salamat sa mga posteng may ilaw, kahit paano'y may nakikita pa ako sa
dilim. Normal ang senaryo sa labas-mga aleng nagtsitsismisan, mga lalaking nakatambay sa mga tindahan-pero
biglang may nakapukaw sa atensyon ko.
There was a man who was standing behind a lamp post. I could see the smoke of his lit cigarette from where I stood. I
had the feeling it was the same man who followed me this morning.
Maybe it's time to confront him and ask why he's been in the places na pinupuntahan ko.
Akmang maglalakad na ako patungo sa hagdanan pababa nang marinig kong bumukas ang pinto sa likuran. I saw
Leigh's face as white as snow, showing me her phone where an unregistered number was flashing on the screen.
Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ni Jamie. Sinensyasan ko si Leigh na sagutin ang tawag at ilagay sa loudspeaker
ang phone.
Napalunok muna siya ng laway bago siya nakasagot. "Hello? Sino ho sila?"
"Good evening! Si Leigh Pineda po ba ang kausap ko ngayon?" The voice sounded masculine, probably around
thirties to forties.
Nabalot ng pagtataka ang mukha ng babae. "A-Ako nga ho. May kailangan kayo sa akin?"
"Eto nga pala si Restituto Mijares, isa sa mga campus police officer. Nakuha ko ang number mo noong pumunta kayo
sa station namin para sabihin na may possible threat sa mga buhay n'yo."
Nagliwanag ang mukha ni Leigh. "Ah! Oo, naaalala ko. May update na ho ba kayo sa kaso?"
"Na-apprehend na namin ang suspek sa pagpatay kina Perry Enriquez at Jessy Nepomuceno. Baka lang ma-identify
n'yo kung sino siya."
"Ta-Talaga!" Huminga nang malalim si Leigh, biglang nawala ang pangamba sa kanyang mukha.
"Isasailalim na siya sa inquest proceedings. Pwede ba kayong pumunta ngayon sa campus? Hintayin ko kayo sa
entrance gate?"
"Sige, mag-aayos lang ako nang kaunti then pupunta na ako diyan."
"I-text n'yo na lang ako kapag malapit na kayo o kapag nasa gate na kayo para masundo ko kayo"
Pagkababa niya ng tawag, ngumiti si Leigh sa amin na parang nanalo na siya sa lotto. "Yes! Nahuli na raw 'yong
killer!"
Nagkatinginan lang kami ni Jamie. If she was easily fooled by that call, we weren't.
"Sorry to burst your bubble, but the one who called you was probably the killer."
The wide smile on Leigh's face faded and it was replaced by her knitted eyebrows. "But you heard him, right? He said
he's from the campus police."
Ngayon ko na napagtanto ang lahat. The reason why Jessy was seen hurrying out of the hostel kahit alas-nuwebe na
ng gabi. The reason why, despite the warning from the campus police and her friends, she met with someone and had
herself killed. Maliban kasi sa mga kaibigan niya, may ibang tao pa silang pwedeng pagkatiwalaan ngayong
nanganganib ang mga buhay nila-ang mga pulis.
If we weren't here to stop Leigh, she would have been killed in the next few minutes or hours. Kaagad kong tinawagan
si Loki para humingi ng payo kung ano ang susunod naming gagawin.
"Someone from the campus police, huh?" He didn't sound surprised by what we found out.
"What should we do now? Clearly hindi namin pwedeng papuntahin doon si Leigh dahil siya ang target."
"We can use her as a bait but Alistair would protest about using this method. However, we can't let this chance pass.
The culprit will reveal himself to his target before killing her so it can be our window of opportunity."
"But how?"
"We need to pretend to be his target."
Jamie and I exchanged glances.
"What do you mean, my dear Loki?" tanong niya. "Paano kami magpapanggap na target niya?"
"One of you disguises as Lea, from her hairdo to what she wears. Madilim na ngayon kaya the culprit can't easily tell
who's who. Decide between you and Jamie kung sinong magdi-disguise."
Narinig ko ang boses ni Al na nagrereklamo but Loki abruptly hang up kahit may ilang katanungan pa ako sa kanya.
My friend must be debating by now na hindi kami dapat gawing pain.
I looked at Leigh and observed her curly hair that went past her shoulders. Meron din siyang bangs gaya ko at payat
din ang pangangatawan niya tulad ni Jamie.
"Let's settle this thing the old way, shall we?" sabi ni Jamie as she showed me her clenched fist. "Kung sinong
matatalo, siya ang magiging bait, okay?"
Wala akong magawa kundi pumayag sa arrangement na gusto niya. If luck is on my side, I will win and Jamie will
have to pretend as Leigh.
"Game."
"Jack-en-poy!"
***
Lady Luck wasn't smiling upon me today at ako ang napiling maging tribute para sa planong ito. Isinuot ko ang casual
clothes ni Leigh at ikinulot nila ang buhok ko gamit ang hair curler. Nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, wala
naman masyadong nagbago. Kung kilala man ako ng killer, kaagad niyang mare-recognize ang mukha ko.
"Let me borrow your phone. The killer will probably contact you para itanong kung nasaan ka na."
Hindi na nagdalawang-isip pa si Leigh at kusang ibinigay ang kaniyang personal gadget. Nang okay na ang lahat,
lumabas na kami ni Jamie sa kaniyang unit.
"Remember: Habang wala pa kami, wala kang papapasukin or huwag kang lalabas, ha?" paalala ko sa kaniya.
Tumango siya. "Basta balitaan n'yo ako kaagad kapag nahuli n'yo na siya."
"We will, don't worry."
We left her apartment building and walked our way back to the campus. Medyo nakakapanibago ang temporary
hairstyle ko at ang suot kong damit. I hope we can fool the killer with my appearance.
Nang malapit na kami sa entrance gate, tinext ko ang number na tumawag kanina para tanungin kung saan kami
magkikita. He replied to me na he is at the second crime scene sa may puno kaya baka pwedeng dumiretso na ako
doon.
Nakita kong nakaabang sa guard house sina Loki at Al. I could see the hint of worry on my childhood friend's face.
Dati kasi, si Jamie ang ginawang pain. Ngayon, ako naman. Speaking of her, tumakbo siya papunta kay Loki at
niyakap ito na parang antagal na nilang hindi nagkita. Pupuntahan ko sana sila pero sumenyas si Loki na dumiretso
lang ako.
Ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa kanila, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone at sinagot ang
tawag mula kay Loki. "What is it?"
"Do not hang up. We want to hear how the killer's voice sounds like and how he speaks. Don't worry, we will be right
behind you."
Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdamang kaba. Whoever I'm meeting with, he could easily slit my throat
and stab me many times, but that didn't scare me. Baka dahil tiwala ako na maliligtas ako nina Loki at Al sa oras na
nasa panganib na ako. Or maybe I was already used to it.
Lumingon ako sa aking likuran at sandaling inilibot ang mga mata ko. Hindi ko na maaninag ni anino ng lalaking
sumunod sa akin sa apartment ni Leigh.
Ilang metro na lang ang layo ng White Hostel mula sa nilalakaran ko. At sa bandang kaliwa, malapit sa puno kung
saan nakitang nakahandusay ang bangkay ng ikalawang biktima, naka-park ang isang police car. May isang lalaking
nakasuot ng light blue na damit, kasing kulay ng uniform ng mga taga-campus police.
Pinilit kong umubo at umasang magtutunog malambing ang aking boses, gaya ni Leigh. Lumapit ako sa lalaking
nakatalikod sabay sabing, "Officer Mijares?"
"Sorry, may ginagawa pa si Officer Mijares kaya ako muna ang pinadala niya para sunduin ka."
Pagkatalikod niya, bumati sa akin ang isang pamilyar na mukha. Napalunok ako ng laway at napaatras ng dalawang
hakbang. Ipinasok ko aking kamay sa kanang bulsa ng suot kong palda kung saan nakatago ang stun pen.
"Inasahan kong makikialam kayo sa kaso kaya hindi na ako nasorpresang makita ka rito. Kahit ano pang ayos sa
buhok mo, makikilala pa rin kita, Lorelei Rios."
Ngayon lang nag-sink in ang kabang hindi ko naramdaman kanina. Lumabas ang tibok ng puso ko at naramdaman
kong namuo ang malamig na pawis sa aking noo. Gusto kong tumakbo pero tila nanigas ang mga paa ko at ayaw
nilang gumalaw.
"Moriarty wanna say hi," said Officer Bastien Montreal, revealing a knife in his right hand.

###
P.S. One general down (out of four), one more to be revealed in the next update! The resolution part will be posted on
08.08.16.

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (The Resolution)


A/N: Another general is about to be revealed. NO SPOILERS in the comments section please!
LORELEI
"DON'T MOVE," Bastien Montreal whispered to my ear. Itinutok niya ang hawak na kutsilyo sa aking leeg at
naramdaman ko ang talim nito. Napalunok ako ng laway, nakatingin sa kaniyang nakangising mukha. Kitang-kita sa
kaniyang nakakakilabot na ngiti na may balak siyang masama sa akin.
I never saw this side of him ever since Loki and I met him in the bella donna case. What I saw before was a clumsy
campus police officer. Baka ako lang pero tila nagkulay pula ang pupil ng kaniyang mga mata, and I could see the lust
for blood in them.

It would be foolish to shout or run away while his knife is at my throat. He could kill me any moment now, pero hindi
niya magawa. I am at his mercy, and he's probably enjoying the sight of my pale face.
"Ilabas mo ang mga phone na itinatago mo."
Dahil sa takot na bigla niyang gilitan ang leeg ko, sinunod ko ang gusto niya. I gave him Leigh's phone and mine.
Lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang makitang naka-connect pa rin si Loki na malamang ay nakikinig sa
pagbabanta sa akin ni Bastien.
Tinanggal niya ang case ng parehong phone at itinapon ang mga battery nito sa damuhan. Ibinulsa niya ang mga ito at
muling ibinaling ang tingin niya sa akin.
"You are too predictable. Using a bait to lure me out," kumurba ang gilid ng kaniyang labi. "Hindi na ako nagtataka
kung bakit laging ahead si Moriarty sa inyo."
"A-Anong balak mong gawin sa 'kin?"
Itinuro niya ang police car. "Get inside. Dadalhin kita sa lugar na walang makakakita sa atin."
Without any protest, sumunod na naman ako sa utos niya. Nakatutok pa rin ang patalim sa aking leeg at pakiramdam
ko'y bahagya nang nasugatan ito sa sobrang lapit.
Umupo ako sa passenger's seat habang siya nama'y nasa tabi ko. Ini-lock niya ang pinto para siguruhing hindi na ako
makakatakas. Ang tanging magagawa ko lang ay agawin ang manibela sa kanya at i-crash ang kotse sa puno o pader
para magkaroon ako ng pagkakataong makatakas.
Ang pag-asa ko na lamang para makaalis sa sitwasyong ito ay sina Loki at Alistair. But how could they find me kung
naka-off na ang phone na pwede sana nilang i-track?
Sinimulan ni Bastien na paandarin ang police car at nilibot namin ang campus grounds. Sinabayan niya ang pagda-
drive ng pagha-hum ng Twinkle, Twinkle, Little Star kaya lalo akong nangilabot. Nanigas ako sa aking kinauupuan.
Kung pwede lang basagin ang bintana at tumalon, gagawin ko.
I remember Inspector Estrada telling us na walang na-monitor na kahina-hinala ang nagpa-patrol na campus police
officer noong gabing pinatay si Jessy. If Bastien's the one behind these murders and he was in-charge of patrolling the
school grounds, then that made it easier for him to commit a crime. Sino bang makakaisip na pulis ang nasa likod ng
krimen?
"Ikaw ba ang pumatay kina Perry at Jessy?" nagtatapang kong tanong sa kaniya. I only looked at him through the
rearview mirror. There's a glint of madness in his eyes. This is what it feels like to be alone with Moriarty's agent.
Fear is creeping into my skin.
Sumulyap siya sa akin bago niya muling ibinaling sa daan ang kaniyang tingin. "I believe you don't have any
recording device with you kaya walang problema kung aaminin ko sa 'yo. You will not be able to tell the police after
all."
Dapat pala hiniram ko 'yong earrings na imbento ni Herschel na kayang palihim na mag-record ng video at audio. He
is about to confess a crime and such confession can be used as evidence against him. Bakit ngayon ko lang naisip 'to?
"Oo, ako nga ang pumatay sa kanilang dalawa."
Ilang beses na siguro akong lumunok ng laway sa "road trip" namin. "Pero bakit? Meron ka bang galit sa kanila kaya
iniisa-isa mo sila?"
Naging seryoso ang kaniyang mukha pero napapanatili ng kaniyang mga mata ang nakakakilabot na tingin nito. "I
have nothing against them, but since a client requested for our group's help, we needed to deliver. Kung iisipin, halos
pareho lang tayong may kani-kaniyang grupo, kaso magkaiba ang purpose natin."
Someone already told me that Moriarty and his agents are criminals for hire, hindi ko lang matandaan kung sino. At
ang unang taong sumagi sa isip ko na iha-hire ang mga tauhan ni Moriarty para patayin sina Leigh at mga kaibigan
niya ay si Jeffrey. That must be why he's delighted to hear about their deaths.
Inihinto ni Bastien sa likod ng abandoned school building ang kotse. Binuksan niya ang compartment sa dashboard at
inilabas ang isang casette tape recorder na tulad sa mga iniwan sa dalawang crime scenes.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at ngumiti na parang isang demonyo. "Ayaw kong sirain ang pattern pero
kailangan kong gawin 'to dahil napili mong humadlang sa misyon ko."
May namuong malamig na pawis sa aking noo na hinayaan ko lang tumulo. Sana mahanap kaagad ako nina Loki at
Al. Sana mailigtas nila ako mula sa balak gawin ng lalaking 'to.
Muli niyang itinutok ang patalim sa likod ko at pinauna akong lumabas ng police car. Dahil nasa likod kami ng
abandonadong gusali, wala akong maaninag na estudyanteng dumaraan para hingan ko ng tulong. Pagtapak ko sa
damuhan, naisip kong pwede na akong tumakbo palayo sa kanya. Pero sa sobrang takot, hindi kakayanan ng mga binti
kong makatakbo nang malayo.
Pumasok kami sa loob ng walang katao-taong school building. Inilabas niya ang kaniyang flashlight para ilawan ang
dinadaanan namin. Dinala niya ako sa isang lumang classroom na may crack na sa sahig at sira-sirang armchair na
nagkakapatong-patong sa isang gilid.
He closed the door that made a creaking noise. I looked around the dimly lit classroom para tingnan kung may
tatakasan ako maliban sa pintuang pinasukan namin. Unfortunately for me, that was the only entrance and exit.
Inilabas ni Bastien ang kaniyang phone at nagsimulang mag-tap sa screen nito. I heard the familiar tune of Mary Had
A Little Lamb. Kahit wala siya rito, naramdaman ko ang presensya ni Moriarty. My hairs raised nang marinig ko ang
parang boses ng batang sumagot sa mga tanong ni Bastien.
Napahawak ako sa aking palda at nakapa ang mala-ballpen na bagay sa bulsa ko. Dahil sa sobrang takot ko magmula
nang makita ko si Bastien, nakalimutan kong may armas pala akong pangontra sa kaniya. I only need to stab him with
the stun pen and press the button at the end para ma-paralyze siya.
But I can't just charge at him and try to neutralize this killer. Kailangan kong maghintay ng tamang timing. Or else,
my attempt will fail and I will end up like his first two victims.
Lumapit siya sa akin at pinaglaruan ang dulo ng patalim sa leeg ko. Parang tinatantiya niya kung saan niya ito
gigilitan. Malamig ang blade nito kaya tuwing tumatama sa aking balat, tumatayo ang mga balahibo ko.
"Saan ako dapat magsimula? Sa leeg o..." Dahan-dahan niyang ibinaba ang patalim, bahagyang nakadikit sa aking
balat kaya parang ginuguhitan niya ako. Inihinto niya ito sa aking tiyan. "...baka pwedeng dito?"
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at napalunok ng laway. Hindi ko na mapigilan ang panginginig ang mga
tuhod ko, gusto na nilang bumigay sa takot. Napakapit din ako sa hawak kong stun pen sa bulsa. Dapat maunahan ko
siya bago pa niya ako masaksak.
"This is what happens when you get in Moriarty's way. Don't blame me fo-"
WEE-WOO-WEE-WOO-WEE-WOO!
Iminulat ko ang aking mga mata pagkarinig ko sa sirena ng mga pulis. Dahil sa hindi inaasahang tunog na 'yon,
lumingon-lingon si Bastien sa kaniyang paligid, tila hinahanap kung saan nanggaling 'yon.
Now's my chance! Mabilis kong tinakbo ang exit ng classroom at inabot ang doorknob. Bastien was like a hungry lion
who jumped at me para pigilan akong makatakas. Bago ko pa maabot ang pinto, bigla itong bumukas at parang torong
lumusob si Al. He kicked Bastien sa abdomen, dahilan para matumba ang campus police officer nang una ang likod.
"Al!" Halos mapaluha ako nang makita ko ang aking childhood friend. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinaplos
niya ang likod ko. Moments ago, I thought I was already a goner. If it weren't for him, I would be lying on the dirty
floor, bathing in my own blood.
Sunod na pumasok si Loki sa loob kasama si Jamie na nakahawak sa kaniyang braso. He was holding his phone at
doon galing ang tunog ng police siren. Ang akala ko'y dumating na ang pulis, ngayon pala'y ginamit niya lang itong
pang-distract kay Bastien.
"Paano n'yo nalamang nandito ako?" nanginginig pa ang aking baba habang binabanggit ang bawat salita sa tanong
ko.
"I contacted Herschel the moment we lost contact and asked him to track down your phone and Leigh's," Loki
explained as he started tapping on his phone screen. "But because both phones were turned off, he wasn't able to
locate them."
"Mabuti na lang, natatandaan ko 'yong phone number ng tumawag kay Leigh kanina," sumingit si Jamie na parang
lintang nakadikit sa aming club president. "I told them the number and my dear Loki's friend told us the direction."
"Dahil nagmadali kaming pumunta rito, hindi na namin na-contact ang campus police para sabihin sa kanilang nasa
panganib ang buhay mo," dagdag ni Al sabay hawak sa chin ko.
"Don't worry, I'm about to call Inspector Estrada and tell him that one of his underlings is a suspect for murd-"
SHIIIIIIIIIING!
Bastien threw a knife at Loki's direction at saktong tumarak ito sa kaniyang phone. Napatingin kaming lahat sa
campus police officer na tumayo't ipinagpag ang suot niyang itim na pants para maalis ang alikabok.
"Sa tingin n'yo ba'y kaya n'yong akong patumbahin sa isang sipa lang?"
The enraged campus police officer charged at us but Al quickly stepped in front and faced Bastien head on. He threw
some punches and kicks at him but Bastien only blocked them with his strong arms. Muling sumuntok si Al pero
napigilan ito ng campus police officer nang hawakan niya ang kamay nito.
"What-"
Sinikmuraan ni Bastien ang aking kababata, dahilan para mapabuga siya ng laway. The campus police officer then
made a quick chopping gesture at Al's nape. I clapped my hands on my mouth as I saw my childhood friend collapse
on the floor. Ngayon pa lang ako nakakita ng taong nakatalo sa kaniya.
"AL!"
Wala nang inaksaya pang sandali si Bastien at lumusob sa direksyon ko. I pulled out my stun pen and prepared to stab
him with it but he anticipated my move and grabbed me by the wrist. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko
hanggang mabitawan ko ang stun pen. Bigla niyang tinamaan ang tiyan ko gamit ang kaniyang kanang tuhod.
"LORELEI!"
Parang mawawalan na ako ng malay sa sobrang sakit. Napahawak ako sa parteng tinamaan niya sabay bagsak sa
sahig. Namimilipit na ako sa iniindang tama sa aking tiyan.
Iniangat ko ang aking ulo at napansing naglabas ang serial killer ng isang bagong patalim. Sunod na siyang naglakad
sa direksyon ni Jamie.
"Totoo nga ang sabi nila, kamukha mo nga ang babaeng 'yon," sabi ni Bastien habang iwinawasiwas ang kaniyang
blade.
Napaurong ng hakbang si Jamie kasabay ng pagpagitan sa kanilang dalawa ni Loki. Hindi ko pa nakitang
makipaglaban ang aming club president kaya hindi ko masabi kung may ibubuga siya laban sa bihasang campus
police officer.
Ang tanging makakapigil lang kay Bastien sa sitwasyong ito ay ang stun pen na gumulong malapit sa paanan ni Loki.
Nakahawak pa rin ako sa aking tiyan at dahan-dahang gumagalaw para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit.
"Tumabi ka, Loki," seryosong sabi ni Bastien. "Hindi kita pwedeng saktan. You are untouchable."
"What do you mean?"
"Moriarty made it clear to us that no one should lay a finger on you except him. Kung sasaktan kita ngayon, my head
will be on a spike."
"Dadaan ka muna sa akin bago mo siya masaktan." Loki stretched his arms na parang goalkeeper sa isang soccer game
na ayaw makapuntos ang kalaban. Niyakap siya ni Jamie mula sa likuran at kahit medyo madilim sa classroom na 'to,
nararamdaman kong puno na ng takot ang mukha ng babae."
"Naalala mo ba si Rhiannon sa babaeng 'yan kaya ayaw mong mangyari sa kanya ang ginawa ko sa partner mo?"
Silence.
It took a few seconds bago nag-sink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Bastien. In a way, he confessed that he was the
person behind Rhea's murder!
"It was you." Loki's voice grew colder and I could feel him shooting daggers at the killer. "I thought you were merely
copying how my friend was killed to remind me of that tragic memory. The reports on her murder were never made
public so the only ones who could have replicated the crime scene must be someone from the campus police. And it
happened to be you."
"Sinunod ko lang kung ano ang plano ni Moriarty. He wanted to emotionally torture you by making the crime scenes
similar to Rhiannon's."
"Then why did he have her killed?"
"She stepped on something that she shouldn't have. Nang sinabihan ko si Moriarty tungkol doon, ipinag-utos niya
kaagad na patahimikan siya."
It was dark in the room so I can't catch a glimpse of Loki's reaction. Pero nararamdaman ko ang galit na muling
kumulo sa loob niya. He must be restraining himself lalo na't nasa disadvantage kami ngayon.
"Step aside, Loki. Ayaw kitang masaktan."
"I won't."
"I told you to step asid-"
May biglang pumasok na liwanag mula sa pintuan, liwanag mula sa iilang flashlight. Sinundan ito ng mga mabibigat
na yabag ng paa.
"Officer Bastien Montreal, put down your weapon!"
I turned to my side to see who arrived just in time. Four to five men wearing the same light blue uniform like Bastien
held their guns firmly and pointed them at their colleague. Pagkalingon niya sa pintuan, mabilis na yumuko si Loki,
dinampot ang stun pen sa sahig at itinusok ito sa leeg ng lalaking nasa harapan niya.
Bzzz!
Bastien drooped his knife and collapsed on the floor, his eyelids were half closed as he stared at the ceiling. All Loki
needed was a distraction, thanks to the arrival of the other campus police officers. But how did they know that we are
here? Hindi naman natuloy ang tawag ni Loki kay Inspector Estrada kanina.
"Are you okay, Lorelei?" lumapit ang isang lalaking nakasalamin sa akin at tinulungan akong makaupo nang diretso.
Napa-aray ako dahil masakit pa rin ang tiyan kong tinamaan ni Bastien kanina.
Iniangat ko ang aking ulo at nakita ang nag-aalalang mukha ni Sir Jim Morayta. May naaninag akong lalaki sa likuran
niya at sinubukan kong kilalanin ito.
I gasped when I recognized the face. The bangs that covers one of his eyes, the cigarette stick stuck between his teeth.
It was the guy who was following me earlier.
"You always put yourselves in dangerous situations," Sir Jim silenced me when I tried to speak. "Maybe it is time for
us to talk about this case. But not now. Kailangan n'yo munang magpahinga."
Inilalayan ng dalawang campus police officer si Al na wala pa ring malay hanggang ngayon. Kinakausap naman ng
isa sa kanila sina Loki at Jamie, tinatanong kung nasaktan sila o nasugatan.
Though he's still unconscious, Bastien was handcuffed by his co-officers and brought out of the abandoned building.
Inilagay sa plastic bag ng mga pulis ang patalim na ginamit niya para pagbantaan kami. If that's the same knife he
used to kill Perry and Jessy, then they will find traces of their DNA and he will be incarcerated for murder.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan buhatin ako ng mga campus police officer. I endured the pain
for a bit longer.
***
Pinatingin nila kami sa clinic at pinagpahinga ng ilang oras. Al remained unconscious due to the blows he received
from Bastien but he is now okay. Pagpatak ng alas-nuwebe ng gabi, sinundo kami ng campus police officers at dinala
sa kanilang station. They want us to testify against their own personnel who was involved in the recent murders.
Loki, Jamie and I were led to the observation room. Nandoon na si Inspector Estrada, nakakrus ang mga braso, may
bahid ng pagkadismaya sa kaniyang mukha at nakatingin sa salamin. Through that glass, we could see Bastien whose
handcuffed hands were placed on the table.
"Hindi ko inakalang magagawa ng isang tulad niyang makapatay ng tao," the inspector said while shaking his head,
still staring at the image of his guilty subordinate. "Isang malaking dagok sa amin kapag nalaman nilang kabaro namin
ang killer sa dalawang babaeng 'yon."
"Make it three. He confessed earlier that he also killed my late partner more than six months ago." Loki stood beside
the inspector and set his gaze at the culprit.
There was a hint of surprise on the old man's face as he briefly shot a concerned look at my companion. "Are you...
okay?"
"There are some questions I wanna ask that guy. His answers might help us solve the Moriarty case."
"Hindi ko pinapayagan ang mga sibilyan na makausap ang suspek. It is against our protocol," muling ibinaling ng
inspector ang kaniyang tingin kay Bastien. "Pero lagi mo naman kaming tinutulungan sa mga kaso kaya I will make
an exemption tonight."
"Thank you," sabi ni Loki bago siya lumabas ng observation room at pumasok sa kabila. Iniwan niya kaming dalawa
ni Jamie sa tabi ng inspector. Nakita namin ang kaniyang pagpasok sa interrogation room at ang pag-upo niya sa tapat
ni Bastien. Sinamahan siya ng isa pang campus police officer.
"When I was hugging him earlier, I could feel him trembling, not in fear but in rage," Jamie shared while we were
patiently waiting for what Loki will say or do. "Rhea's death really had an impact in him."
"And now, he's face-to-face with her killer," I added. I could feel how hard he tries to repress his anger. Hindi gaya ng
komprontasyon nila ni Stein noon, mas nakakapagtimpi na siya ngayon.
"Tell us what you know about Moriarty," Loki began as they locked sights in each other's eyes. "Tell us everything
you know about him."
"And why would I do that?" Bastien started tapping his finger on the table. There were some quick taps and long taps
which Loki observed. "Telling you a thing about him would cost me my life."
My companion fell silent and only the soft sound of Bastien's tapping finger could be heard in the room. When he
stopped, Loki resumed his questioning.
"Is Stein Alberts the real Moriarty?"
Taaaap. Tap. Taaaap. Taaaap.
Tap.
Tap. Taaaap. Taaaap. Tap.
"Stein who? Hindi ko siya kilala. Sorry to disappoint you," Bastien shook his head slowly.
"Why did Moriarty have Rhea killed? Was it because of the case files from a year or two ago that she requested from
the campus police?"
"Hindi ko na maalala ang nangyari noon. Sorry to disappoint you. Again." Bastien repeated the same tapping pattern
seconds ago. He was tapping the table as if it was a rhythm of a song. "Maybe you can ask Moriarty when you meet
him face to face."
"He is obviously evading the questions!" Jamie hissed, looking irritated. "Bakit hindi na lang niya aminin? Nahuli na
rin naman siya."
Aside from Bastien's tapping, something's weird with Loki. He wasn't repeating the question or demanding a straight
answer from his interviewee.
"How large is your group? How many agents does Moriarty have?"
"Pasensya na pero wala akong ideya kung gaano kalaki ang organisasyon. But there are four of us whom he trusts.
Kung halos lahat ng mga tauhan niya ay mga pawn, kaming apat ang tumatayong rook, bishop at knight habang siya
ang king. You can consider us as his generals."
"Four?"
Nagbato ng pagtinging may pagdududa si Bastien sa kasama nilang officer sa kuwarto. Sunod siyang tumingin sa
direksyon namin kahit sa tingin ko'y hindi niya kami nakikita. He leaned forward, a little closer to Loki, and lowered
his voice.
"I usually clean the mess kapag may pumalpak na tauhan si Moriarty. Kung may mahuli ang campus police, sinisiguro
kong mapapatahimik ko siya bago siya kumanta. While I'm doing the dirty work, the three of us are assigned to... let's
say... administrative duties."
"You know who they are?"
"Hindi ko kilala 'yong dalawa pero nakausap ko na 'yong isa. We needed to keep in touch so I can pass along
information to him."
"You were reluctant to say anything earlier. Why spill the beans now?"
"So you would know kung anong panganib ang pinasok n'yo. Arresting me is barely scratching the surface."
"Then tell us who can lead us to Moriarty's inner core. You are already under police custody. No one can hurt you
now."
Tumawa nang mahina si Bastien at saka siya sumandal sa kaniyang upuan. "Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko.
Nag-aalala ako para sa taong malapit sa akin."
"What do you mean-"
"If Moriarty can't hurt you directly, then he will hurt the people you hold dear. That's how he gained his agents'
loyalty. He exploits people's weak spots," tugon ni Bastien. "He told everyone in our organization that you are never
to be harmed but we can hurt anyone around you. Look at what he asked me to do to your late friend."
Loki only stared at him for a few seconds. "Give us a clue on one of his so-called generals. If we take down Moriarty's
organization now, they can't hurt someone you care about."
Sumenyas si Bastien sa kasama nilang officer. "Medyo nauuhaw na ako sa pagtatanong ng lalaking 'to. Pwede ba
akong makahingi ng malamig na tubig, 'yong may yelo."
Hinintay muna nilang dalawa na bumalik ang pulis na may dala-dalang baso ng tubig. Diretso itong ininom ni Bastien,
halatang uhaw na uhaw nga siya. Nang naubos na ang iniinom niya, kumuha siya ng yelo rito at ipinakita kay Loki.
"You want a hint? Here's your clue."
"An ice cube..." Loki eyed that thing before returning his gaze to the guy seated across the table. "How will that ice
help me uncover his general's identity?"
"Show me your palm."
Mukhang nagdalawang-isip muna si Loki bago niya ginawa ang sinabi ni Bastien. Ipinakita niya ang kaniyang palad
sa kaniyang kausap at sinundan ng mga mata niya ang galaw ng kamay nito.
Bastien put the ice on Loki's palm and he began drawing a certain symbol on it.
"An infinity sign?" taas-kilay na tanong ng kasama namin.
"To remind you that your pursuit of Moriarty will lead you nowhere. You will go in circles until you grow tired of the
chase."
TOK! TOK! TOK!
Their conversation was interrupted by three knocks on the door. Another campus police officer appeared and told
Bastien that it's time for him to be escorted to the city's police department.
"Good luck on your quest, detective," he told Loki before leaving the interrogation room. Lumabas din si Inspector
Estrada para samahan ang mag-e-escort kay Bastien.
"May nakuha bang useful info si Loki dear sa kaniya?" tanong ni Jamie nang maiwan kaming dalawa sa observation
room. "Ang alam ko lang ay may apat na generals si Moriarty."
"We already got one of them. Three more to go."
Saktong lalabas na kaming dalawa ng kwarto nang biglang may marinig kaming kaguluhan sa labas.
"EVERYONE, DON'T SHOOT!"
"OFFICER BASTIEN, PUT DOWN THE GUN NOW!"
"Forgive me, Elle."
BANG!
The sound of a gunshot rang outside the room. Nakasalubong namin si Loki na tumatakbo rin sa hallway patungo
pinagmulan ng putok. Pumunta kaming tatlo sa lobby ng police station kung saan nakapalibot ang mga pulis at si
Inspector Estrada sa katawan ni Bastien. He was holding a gun and his brains scattered on the floor along with a pool
of blood.
I quickly looked away while Jamie screamed at the sight of the horrific scene. I heard Loki cuss as he stared at the
corpse of the man who could have helped us close the Moriarty case.
"Hinablot niya ang baril ng isa sa mga police escort niya at binaril ang sarili," paliwanag ni Inspector Estrada.
Pinalabas muna kami sa station habang nililinis ng mga pulis ang suicide scene ni Bastien. Nakita kong nakaupo si
Jamie sa may hagdanan, kinakagat ang kuko at nanginginig ang mga tuhod. Hinaplos ko ang kaniyang likod para
pakalmahin siya. Her retentive memory probably saved that gory image.
Palakad-lakad lang si Loki sa harapan namin habang magkadikit ang mga daliri. He seemed to be disappointed and in
deep thought. The only scarlet thread that will lead us to Moriarty has been cut.
"We are back to square one again," I commented, still caressing Jamie's back.
"No, we are not," Loki said with conviction.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "What do you mean?"
"Before Bastien himself severed the thread that connects him to Moriarty, he told me a vital clue."
"About the four generals on Moriarty's chessboard?"
"No, about one of the four."
I tried recalling what Bastien told Loki in the interrogation room, but never did he say a word about it. "Wala naman
siyang sinabi. He only showed an ice cube and drew some symbol on your palm."
Loki paused from pacing the pavement and turned to me. "You see but you do not observe. That ice cube and the
infinity symbol are the clues he left for us to identify one of Moriarty's generals."
"But how? Anong clue ang meron sa kapirasong yelo?"
"As every human being should know, ice is spelled as I-C-E. If you rearrange those letters, you can form an acronym
that may make sense to you."
"How about the infinity symbol?"
"It wasn't an infinity symbol. It was the number eight! Think of anything related to that number!"
Naalala ko lang 'yong base eight na itinuro sa amin ni Sir Jim at ang oxygen na may atomic number na 8. Sumagi rin
sa isip ko 'yong bombang may eight-letter password.
Masyado nang maraming nangyari ngayong araw kaya hindi na ako makapag-isip nang matino.
"Spill it already."
"The eighth month in the Gregorian calendar is August, named in honor of Augustus Ceasar. If you put those two
clues together..."
My eyes widely stared at Loki as I finally got the clues Bastien left for us. That confirms our suspicion! Back in the
blackmailing case, Loki deduced that someone from the school paper who had Adonis' phone number gave that
casanova compromising photos of some students.
"One of Moriarty's generals is Augustus Moran, the EIC of Clark Gazetta."

###
A/N: To those who have "guessed" that Gus is one of M's generals, you are right. To those who have "deduced" his
affiliation with Moriarty, congratulations!
Two down (one dead), two more to go! Who's next?
NEXT CHAPTER PREVIEW:
"Moriarty's gang became active two years ago. We believe they started by disguising their targets' death as suicide or
accident."
"Meron ba silang prominent victim noon?"
"A former president of the student council. Pagkatapos ng aksidenteng kinasangkutan niya, naging lantaran na ang
pagpatay na ginagawa ng mga tauhan ni Moriarty."
"And that person's name is?"
"President Jaime Santiago."
SHAMELESS PLUG:
If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D. Club (Project LOKI) or go to
https://www.facebook.com/groups/theqedclub

Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Case)

LORELEI

THE CASE of the so-called Twinkle, Twinkle Murders was finally closed. The news about Officer Bastien Montreal's
involvement in the foiled serial killings was never brought to light in the fear that the incident will undermine the
integrity of the campus police. Our school paper, though privy to this information, chose not to publish anything
related to the case.
Sa sumunod na araw, bumalik na sa normal ang lahat as if nothing happened. Alistair and I continued our seemingly
peaceful student lives as we intently listened to Sir Jim Morayta's Math lesson for today. Hindi ganon kagrabe ang
mga tamang tinamo niya mula sa campus police officer na naka-one-on-one niya, pero may iniinda pa rin siyang
kaunting sakit.
Pagtunog ng school bell, pinatayo na kami ng aming Math instructor at sinabihan ng assignment para bukas. When he
was done, our clasmates began leaving the room. Hinintay pa ako ni Al sa pag-aayos ng gamit habang nagpaalam
naman ang seatmate kong si Rosetta na mauuna na sa cafeteria.
"Excuse me? Miss Rios? Mister Ravena?"
Napalingon kami ni Al sa teacher naming binubura ang isinulat niya sa whiteboard. The light reflected on the lens of
his eyeglasses made it hard for me to see if he was looking at my direction.
Isinara ko ang aking shoulder bag at nagtungo malapit sa teacher's desk. Al and I exchanged brief glances as we wait
for our instructor to finish cleaning the board.
"Yes, sir?"
"Remember what I told you before?" Sir Jim put the white board eraser in his little box. "Na kailangan nating mag-
usap nina Loki tungkol sa Moriarty case?"
Nakaramdam ako ng pangingilabot matapos marinig ang pangalang 'yon. I did remember him telling me noong
suspended pa si Loki na marami raw kaming dapat pag-usapan. He also said back in the Diogenes Cafe that he is an
ally.
"Sa tingin ko, this is now the right time for us to talk about it. We are overdue for a chat."
Napakurap ang mga mata ko sa sinabi. Did the incident last night compelled him to reach out to us? "Mga anong oras
at saan ho, sir?"
"Do you mind meeting me at the student executive committee office around twelve noon? May kailangan lang akong
kausapin ngayon sa faculty room."
"Sige ho."
He dismissed me and Al while he continued packing up his stuff on the table. Lumabas na kaming dalawa ng
childhood friend ko sa classroom at naglakad patungo sa QED clubroom.
"That was the teacher who called the campus police officers last night?" tanong ni Al, sadyang hininaan ang kaniyang
boses para hindi marinig ng mga nakakasalubong naming estudyante. Na-knockout nga pala siya kagabi nang iniligtas
kami ng mga awtoridad sa kamay ni Bastien. I wasn't able to tell him other details after he regained consciousness.
I nodded as I darted a glance at him. "Ang hindi ko lang alam ay kung paano niya nalamang nandoon tayo sa
abandonadong school building. At saka kasama niya 'yong lalaking sumusunod sa akin minsan kung saan man ako
magpunta."
"Does that mean he's an ally?" Al asked, his eyebrows knitted. "If he's an enemy, he could have not called the police
and let that officer kill us."
"I hope that he is not one of the bad guys." Wala rin akong nase-sense na evil aura mula kay Sir Jim kaya malakas ang
kutob kong hindi siya kabilang sa mga tauhan ni Moriarty. And he's mature enough to be serving as a pawn to
someone who considers himself as a king.
Tanging si Loki ang bumungad sa amin sa clubroom. His face was covered by latest issue of Clark Gazetta he was
reading. And surprisingly, there were no signs of Jamie. It's either late siyang darating o wala talaga siya ngayon.
"Jamie's not feeling well today so she won't be with us today."
I haven't said anything but Loki already read my mind. Me looking around the clubroom might have given my
thoughts away.
"She could still remember what she saw last night so the image upset her."
One may say that having a retentive memory is a gift. But for those who possess it like Jamie, it might be a curse. I
remember one time noong may nirefer na kaso sa amin ang campus police at ipinanood ang isang video kung saan
sinusunog ng buhay ang isang babae, Jamie quickly looked away, afraid that the image might be etched in her
exceptional memory.
Napatakip ako ng bibig nang muling sumagi sa isip ko ang itsura ni Bastien matapos barilin ang sarili. Wala man
akong memorya katulad ng kaniyang Jamie, sariwa pa sa isip ko ang nangyari. Imagine kung magpe-persist ang
ganong kadugong imahen sa utak mo, it will scar you for life.
Al and I took our usual spots around the wooden table and told Loki about Sir Jim's invitation to meet him at twelve.
Our club president folded the newspaper and threw it to the bookshelves.
"About time for us to share information, huh?" Loki remarked as he got to his feet and started pacing the room.
"We now know that Augustus Moran is one of Moriarty's generals. Maybe we should-"
Loki shushed me before I could even finish my sentence. "We will not tell them about him."
"But why? If they are our allies and they can help us solve the Moriarty case, dapat nating sabihin sa kanila ang mga
impormasyong alam natin."
"We cannot be sure if they are really our allies. Remember what Bastien said back in the interrogation room? The
other three generals do some administrative duties. Maybe they do not commit murder. Maybe they just keep the
whole organization running. And to be an effective administrator, one should have authority as a front."
"What do you mean?"
"Moriarty's other two generals may be a part of the student council, the executive commiittee or the faculty. Look at
Augustus, he controls every information being disseminated to the student body."
The moment he said student council, sumagi sa isip ko si Luthor. Loki described him before as someone who reeks of
evil and called him manipulative. Maybe he fits the role as one of Moriarty's top officials. But I don't think Luthor will
associate himself with a group steeped in blood.
"By the way, you asked Bastien some questions last night but he avoided giving direct answers." Muli kong naalala
kaya naisip kong itanong sa kaniya. "Why didn't you press the questions?"
"You may not have noticed it, but he already answered my questions. Not in the most obvious way, if I may add."
Kumunot ang aking noo. Parang ang gulong intindihin ng sinabi niya. "Does his finger tapping have anything to do
with it? Inoobserbahan mo kasi ang bawat tap ng daliri niya kahapon."
"He was communicating via Morse code. A short tap represents a dot while a long tap represents a dash. He may have
verbally answered no, but he secretly answered yes."
Hindi ko memorized ang Morse code kaya wala akong ideya sa isinagot ni Bastien sa kanya. "You asked him if Stein
Alberts is Moriarty and if Rhea's death was connected to the files she requested from the campus police."
"He answered yes to both questions," Loki replied. "I had my doubts about Moriarty's identity but hearing it from one
of Moriarty's closest confidants, I am now inclined to think that Stein is the real criminal mastermind."
Never did I suspect that Stein might be the man pulling the strings in all the murders and evildoings in the campus.
Ilang buwan o taon na siyang nag-eexist sa Clark High kaya malamang, nagsawa na siya sa pagtatago sa dilim at
naisipan na niyang tumapak sa liwanag. He's now playing a game similar to chess against Loki. Moves and
countermoves.
We did not waste anymore time at bumaba na kaming tatlo sa ground floor, patungo sa office ng student executive
committee. Katabi lang ito ng opisina ng student council kaya pagtitig ko sa pintuan sa kanan, tila nararamdaman ko
na ang aura ni Luthor.
Tatlong beses na kumatok si Al sa pinto bago siya pinagbuksan ng isang lalaking hindi namin kilala pero may badge
na naka-pin sa kaniyang collar. We told him that we are here to meet with Sir Jim Morayta.
Teka, bakit nga pala dito napiling mag-meet ng Math instructor namin? We could have met sa faculty room pero bakit
kailangang sa execom office?
The guy ushered us into their office that was as big as the student council's. Malamig din sa loob dahil sa
airconditioning. Maraming papel ang nakakalat sa round table sa gitna kung saan nakapalibot ang apat na estudyante,
kasama na si Margarette.
I initially suspected her as someone connected to Moriarty. Noong kasagsagan ng bomb threat incident, nakita ko
siyang kausap ang lalaking nakabuntot sa akin. I assume if that guy is connected to the criminal mastermind, then
Maggie is also connected to him. Pero nang makita ko ang lalaking 'yon na kasama ni Sir Jim sa mga sumagip sa
amin, my suspicion subsided.
"What brings our famous detective club here?" she adjusted her spectacles as she set her sight on us. Noong huli ko
siyang nakita, hindi niya suot ang kaniyang salamin. Wala man lang "good morning" o simpleng "hi" at "hello."
Loki pulled one of the chairs and sat on it. Parang feel at home siya rito. "We are here to have a tea party with Sir
Morayta. I believe you are invited as well."
Upon hearing the name of my professor, inutusan ni Margarette ang mga kasama niyang ayusin ang mga nakakalat na
papel sa mesa. Umupo rin kami ni Al sa tabi ni Loki, kaharap ang chairwoman ng executive committee.
"You must be one of the new recruits," Margarette said with a smile, nakatuon ang kaniyang tingin kay Al. "What's
your name?"
"Alistair Ravena. Pleased to meet you."
"Margarette Fernandez. It's my pleasure," she then shifted her gaze to Loki whose right hand was lightly tapping on
the table. "I'm a little surprised to see that your little club is growing. More potential collateral damage, huh? I heard
what happened last night, and the danger that almost got your other members killed."
Loki stopped tapping as he gazed at the bespectacled girl across him. Maging kami ni Al ay napatingin sa kanya.
"How did you know?"
But Margarette only flashed a mocking smile, showing an I-know-something-you-don't face. Malabo na yatang
magkaayos ang dalawang 'to. And maybe it's because of Rhea.
"That wasn't the first time you were put in danger, Lorelei. Binalaan na kita noong una tayong nagkita," Margarette
eyeglasses shone, reflecting the light from the flourescent lamps on the ceiling. "And yet you are still here, trying to
stay alive."
"And I managed to survive every danger I have encountered," I replied.
We just stared at each other's eyes before she resumed reading a pile of papers on her side. Kami namang tatlo,
tahimik lang na nakaupo habang hinihintay ang pagdating nni Sir Jim.
Tumingin ako sa clock display ng aking phone. Halos labinlimang minuto na ang lumipas mula nang pumasok kami
rito. Nabagot na rin sa kahihintay si Loki kaya naisipan niyang maglaro ng Criminal Case sa kaniyang phone.
"Sorry to say, but Sir Jim is running late," Margarette read the text message she received. "Napahaba ang discussion
ng kausap niya kaya kinailangang mag-extend."
Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa pinatugtog ang Angelus, senyales na alas-dose na ng tanghali. Pagkatapos
noon, biglang may kumatok sabay bukas ng pinto.
"What is it?" tanong ni Margarette sa lalaking may naka-pin ding badge sa kaniyang collar.
"Maggie! May nangyari na namang nakawan!" humingal-hingal pa ang lalaki at pilit na hinahabol ang kaniyang
hininga. Mukhang nagmadali siyang pumunta rito para ibalita kung anuman ang nakita niya.
Tumigil muna sa pagbabasa si Margarette at pinuntahan ang lalaking payat ang pangangatawan. Dahil sa tunog
"urgent" ang sasabihin niya sa kaniyang boss, napukaw ang atensyon namin.
"Nagrereklamo na naman 'yong mga club na nasa ground floor! Nanakawan na naman daw sila ng lunch!"
Loki rolled his eyes from the guy as he continued playing the game on his phone. He probably thought it wasn't worth
his attention.
"Bakit naulit na naman 'to, Gaston?"
Marahang umiling ang lalaking kausap ni Margarette. "Hindi rin alam ng mga nakausap kong estudyante. Iniwan lang
daw nila 'yon biniling lunch mula sa cafeteria para maghugas ng kamay. Pagbalik nila, wala na 'yong pagkain!"
"Some people's lunch boxes are missing, so what?" Loki said curtly, his eyes still glued on his phone. "Why make a
big deal about it?"
"Dahil hindi lang 'to isang beses na nangyari! At hindi lang iisang club ang nabiktima! There were two or three clubs
who experienced the same thing!" Gaston sounded agitated. "Teka, ano nga palang ginagawa nila sa loob ng office
natin?"
"Sir Jim wants to talk with them so they will be-wait a minute. Since you three are here, why don't you take this
case?"
Tumigil si Loki sa pagsa-swipe sa screen ng kaniyang phone at mabagal na lumingon kay Margarette. "Excuse me?"
"Some of the clubs occupying the first floor have a case that might interest you. Why don't you try to solve it while
waiting for Sir Jim?"
"Missing lunch boxes do not interest me," muling ibinaling ni Loki ang tingin sa kaniyang nilalaro. "And that case
may not have an interesting feature worthy of my time."
"Diyan ka nagkakamali," kontra ni Gaston. "Bago pumunta sa comfort room ang mga estudyanteng nag-iwan ng lunch
sa kanilang clubroom, ni-lock nila ang pinto para makasigurong walang ibang taong makakapasok at
makakapagnakaw sa pagkain nila. Pagbalik nila, naka-lock pa rin ang pinto pero sa loob, wala na 'yong binili nila!"
Nagkatinginan kami ni Al habang mukhang wala pa ring pakialam si Loki.
"A locked room case, huh?" my childhood friend muttered.
###

Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Detour)

LORELEI

"I AM not interested." Loki did not bother to look at us when we tried convincing him to take the case. Mas pipiliin
niya pa yatang maglaro ng mobile games kaysa tulungan kaming lutasin ang request ng taga-executive committee.
"But why?"
"I'd rather look for missing bodies than missing lunch boxes. If you and Alistair want to solve it, go ahead. I won't
stop you. Just come back when Sir Jim Morayta arrives here."
I rolled my eyes, turning to Gaston who had been waiting for our decision.
"On behalf of the QED Club, we will take on your request. Kailangan lang naming malaman ang iba pang detalye."
"Sige, ipapakilala ko kayo sa mga club member na ang reklamo sa akin kanina."
Sumunod kami ni Al palabas ng office ng executive committee at bumuntot sa lalaking nasa harapan namin. We
turned left on the hallway and stopped in front of Room 104. Pagkatok ni Gaston, pinagbuksan na siya kaagad ng
pinto.
"Yes?" tanong ng babaeng may abot-balikat na buhok kagaya ni Margarette, pero may pagkakulot ito.
"Naikuwento ko sa mga taga- QED Club ang tungkol sa pagnanakaw sa lunch n'yo," sagot ni Gaston. "Baka pwede
nila kayong matulungan sa misteryong 'to."
"Really?" Kaagad na hinawakan ng babae ang aking kamay. "I heard so many things about your club, lalo na 'yong
bomb threat noong isang araw."
Her moves were so sudden I didn't know how to react. Ngumiti na lamang ako sa kanya sabay sabing "thank you."
"At ikaw naman si Loki!" sunod niyang hinawakan ang kamay ni Al. "Marami na rin akong narinig tungkol sa
achievements mo bilang campus detective."
Napakamot tuloy sa pisngi si Al at nagpakita ng awkward na ngiti. "Pasensya na, pero hindi ako si Loki. My name's
Alistair, the newest member of the club."
"Ay, pasensya na! I was not aware! Hindi ko kasi alam ang itsura ni Loki kaya I assumed na ikaw 'yon dahil kasama
ka ngayon ni... Lorelei, tama? My name's Jackie."
Tumango ako. "Medyo busy si Loki ngayon kaya kami ang ipinadala niya rito para imbestigahan ang nawawalang
lunch boxes n'yo. Don't worry, we are efficient and effective kahit wala siya."
"Can you tell us the details of the case?" tanong ni Al.
Pinapasok kami ni Jackie sa loob ng kanilang office. I forgot to ask kung anong pangalan ng kanilang club. Halos
kasing liit lamang ito ng mini-detective agency namin. May mahabang mesa sa gitna at bookshelves sa bandang
likuran. Medyo maalinsangan din kahit na umaandar ang ceiling fan. Mabuti na lamang at bukas ang mga bintana.
May pumapasok na preskong hangin sa loob.
Itinuro ni Jackie ang mesang yari sa kahoy. "Kagagaling namin sa cafeteria ng mga kaibigan ko para bumili ng
pagkain. Dahil wala namang tumatambay na clubmates ko rito, dito namin naisipang kumain."
Lumapit si Al sa mesa at kinatok 'yon nang dalawang beses. Nakatuon ang mga mata niya sa ibabaw nito na tila may
hinahanap. "Anong nangyari pagkatapos?"
"Bago namin buksan ang pagkain, pumunta muna kaming tatlo sa washroom para maghugas ng kamay. Pero siniguro
naming walang makakapasok dito dahil may mga bulung-bulungan na may nagnanakaw ng lunch simula kahapon.
I went near the doorknob and observed the area around the keyhole. There were no scratches on the surface. Either
magaling mag-lockpick ang nanloob sa kanilang clubroom o may ibang dinaanan ang magnanakaw.
"Pagbalik namin, wala na ang mga binili naming pagkain. Pinagtatanong namin sa mga taong nakatambay sa labas
kung may napansin silang pumasok dito pero wala raw silang napansin."
"So confident kayong walang pumasok sa pamamagitan ng pinto?"
"'Yon ang sabi ng mga estudyanteng nakausap namin."
Dumungaw si Al sa bintana at tila pinagmamasdan ang mga dumadaang estudyante sa tapat. If the culprit didn't enter
the clubroom through the door, then he must have used other ways to get in. Ang kaso...
"A human won't fit in here," Al jerked his thumb toward the windows. "Unless he's a midget or he can walk through
walls."
Tumingala ako sabay tingin sa pag-ikot ng ceiling fan. Wala ring kahit anong butas sa kisame na pwedeng pasukan ng
kahit sinuman. At gawa 'yon sa semento kaya imposibleng manggaling doon ang magnanakaw.
Bumalik malapit sa mesa si Al. "Saan nakalagay ang lunch meal na binili n'yo?"
"Naka-paper box siya tapos nakalagay sa puting plastic."
"Magaan lang ba?"
"Half rice lang ang binibili namin dahil nagda-diet kami kaya hindi ganon kabigat."
Napahawak sa kaniyang baba si Al at bahagyang naningkit ang mga mata. He must be thinking hard and deep about
how the culprit managed to get in and steal the food inside this clubroom.
"Gaston, you said na hindi lang sa club na 'to nangyari ang nakawan ng pagkain, tama?"
"Pati sa katabing club nila, ninakawan din sila ng pagkain kahapon."
"Any similarities?"
"Bumili rin ng lunch meal sa cafeteria 'yong nasa kabilang room. Sandali lang silang lumabas pero pagbalik nila,
nawala na rin. Pero teka, 'yong isa yata nagdala ng sariling lunch box. 'Yong lang yata ang hindi natangay ng
magnanakaw."
Sunod na humarap sa akin si Al. He is now on deduction mode. "Tama naman ang assumption ko na kapag bumili ka
ng lunch sa cafeteria, ilalagay nila 'yon sa box tapos isusupot sa plastic?"
Tumango ako. "Ganon nga ang process sa canteen. Pinapabayad pa nga nila 'yong box na ginagamit e."
"Mukhang alam ko na kung paano nanakaw ang mga lunch box nang walang nakakapansin sa salarin."
"Ta-Talaga?" Pagulat naming tanong sa kanya. We were only in the room for about five minutes pero alam na niya
ang sagot.
"Just stay right here," sabi niya kina Gaston at Jackie. "Lori and I will try to track down the thief. Bantayan n'yo ang
lugar na 'to dahil baka dumaan siya rito."
He led the way out of the clubroom and walked acrossed the hallway. Sumunod naman ako sa kaniya, nagtataka pa rin
kung paano niya nalaman nang ganon kabilis ang identity ng magnanakaw.
"Saan tayo papunta?"
"Outside. We will follow the footprints of the thief."
Lumabas kami ng high school building at naglakad sa gilid nito, sa may damuhan. Salamat sa shade na ibinigay ng
gusali, hindi kami direktang natatamaan ng nakakapasong sikat ng araw. Tumigil kaming dalawa sa tapat ng bintana
ng Room 104 kung saan nandoon pa rin ang dalawang kasama namin kanina.
"You seriously think na pumasok ang magnanakaw sa bintana at lumabas din siya rito?"
Al nodded as his eyes roamed over the grass, searching for something. "The thief couldn't have gotten inside through
the door so the next sensible point of entry is the window."
"Pero ikaw na mismo ang nagsabi, hindi magkakasya ang tao diyan!"
"I did say that."
"So bakit mo pinagpipilitan na diyan dumaan ang magnanakaw."
"You will find out soon."
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad sa gilid ng school building. Al's eyes were focused on the ground. Ewan
kung naghahanap siya ng footprints na makapagtuturo sa amin kung saan tumakbo ang salarin.
Our search led us to the back of the building, the most deserted part of the campus. Doon kasi nakalagay ang mga
garbage dump kung saan dinadala ng mga housekeeper ang mga basura.
Nagpalingon-lingon ako sa paligid, baka nandito na ang salaring hinahanap namin. Pero ni figure o anino ng tao, wala
akong napansin. Dumiretso lang si Al sa paglalakad patungo sa mga garbage bin. Pareho kaming napatakip ng ilong
dahil medyo mabaho.
Biglang siyang huminto na tila nakita na niya ang aming hinahanap. He turned to me as his hand motioned to the side
of the garbage bin.
"Meet the thief that has been stealing students' lunch."
Humakbang pa ako palapit sa kaniya para tuluyang makita ang kaniyang itinituro. My mouth widened in surprise as I
saw a fluffy ball of fur munching on the contents of a box.

"A cat....?"
Its fur was as white and pure as snow. The cat stopped from eating and stared at me with its eyes having different
colored irises-one was blue while the other was green.
"Meow~" it cried softly.
Umupo ako sa harapan niya at dahan-dahang inilapit ang aking kamay. I expected it to be a little hostile when coming
in contact with a human, pero nagpatuloy lamang siya sa pagkain. With no resistance from the feline creature, I softly
scratched its chin na mukhang nagugustuhan niyas. Iniaangat niya ang kaniyang ulo at papikit-pikit pa.
I have a soft spot for cats. Kaya nga mahilig akong manood ng cat videos dahil naku-cute-an ako sa kanila. They are
so adorable! If I can keep one at the apartment, I would pet a cat.
"Cuuuuuute~" I smiled at the little ball of fur. "So how are we gonna tell those guys that the thief is a cat?"
"They don't need to know. Kailangan lang natin silang i-remind na huwag iiwang nakabukas ang bintana ng kanilang
clubroom para hindi na maulit ang nakawan ng pagkain."
Humarap ako kay Al na nakangiti rin sa maamong pusa. "How did you know na hindi tao ang nasa likod ng nakawan
'yon?"
"Process of elimination. A human being with the body size of an average student won't fit in the windows. They can't
also enter through the locked door. Kaya inalis ko ang kahit sinong tao sa list ng suspects. And then..." Inilabas ni Al
mula sa kaniyang bulsa ang isang pirasong balbon ng puting pusa. "...nakita ko 'to sa windowsill at sa mesa. That
backed my deduction that a non-human being stole their lunch."
Tumayo na ako't hinayaan ang pusang tapusin ang kaniyang lunch. Saktong pagtayo ko nang maramdaman ang pag-
vibrate ng aking phone.
LOKI (12:24 PM): JM is here. Come at once.
"Nandoon na raw si Sir Jim sa execom office," I told my companion as I pocketed my phone. "Let's go?"
Iniwan na namin ang pusa sa may garbage bins. Pagala-gala siguo siya rito sa campus, naghahanap ng pagkain mula
sa tira ng mga kumain sa cafeteria. If only I could adopt it, I would.
Habang naglalakad kami pabalik sa entrace ng school building, may naramdaman akong malambot na bagay sa
paanan ko. I looked down and saw the white cat rubbing its head on my leg.
"The cat likes you," nakangiting komento ni Al habang pinapanood ang pusa sa aking kaliwang paa.
"Meow~"
Muli akong umupo sa harapan ng pusa at na hinimas-himas ang ulo nito. I somehow feel sorry for the cat. "I'd love to
keep you but I can't. Don't worry, dadalhan kita ng cat food bukas, okay?"
"Meow~ Meow~"
I don't know kung naintindihan niya ang pinagsasabi ko. Hindi ko rin kasi maintindihan kung anong gusto niyang
sabihin sa akin. I just patted its head before leaving the cat behind. This time, hindi na siya sumunod sa akin.
Before I entered the building's entrance, I looked back and saw the cat sitting on the grass.
Al told Gaston and Jackie about our seemingly fruitless search for the lunch thief. He told them to close the windows
whenever they are gonna leave their lunch boxes in the clubroom. After receiving their thanks, we then proceeded to
the office of the student executive committee.
Nasa same spot pa rin si Loki, his legs were crossed and his hands were placed on his lap. Katabi na ngayon ni
Margarette ang Math instructor namin. Sa kaniyang kaliwa, nakaupo ang isang lalaking natatakpan ng bangs ang isang
mata at sersyosong nakatingin sa akin.
Saktong uupo na ako nang makaramdam ng pangingilabot mula sa lalaking 'yon. Dahil sa liwanag, malinaw ko nang
nakikita ang kaniyang mukha. He was the guy standing behind Sir Jim when they rescued us last night-the same guy
who had been stalking me.
Pero kumpara sa mga nauna kong encounter sa kanya, hindi na ganon katindi ang paninindig ng balahibo ko.
Knowing that he might not be on the dark side, nabawasan na siguro ang animosity ko sa kanya. The badge pinned on
his collar was probably a sign that he's an ally.
"Sorry for coming in late," sabi ni Sir Jim sabay turo sa mga bakanteng upuan. "Please take a seat."
Hinintay muna nila kaming makaupo bago muling nagsalita ang teacher sa harapin namin.
"I'm Jim Morayta, adviser of the student executive committee and in-charge of the school's internal investigation on
the Moriarty case," he put his hands on the table, his tone more serious compared when he's discussing our Math
lesson.
"Now, shall we talk about the criminal mastermind at large?"
###

Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Alliance)

LORELEI

"BEFORE WE proceed, I want to introduce you to the key members of the executive committee," Sir Jim motioned to
the man beside him. "Meet Rye Rubio, isa sa mga pinagkakatiwalaan kong execom member."
The formerly mysterious man's name has been revealed. He nodded at us as a sign of recognition.
"Ikaw ang laging nakasunod sa akin," sabi ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. "Mula noong hinahanap namin
si Stein hanggang sa nangyari ang Twinkle, Twinkle murders."
"Inutusan ko siyang magmatyag sa inyos mula nang malaman naming involved na kayo sa kaso ni Moriarty,"
paliwanag ni Sir Jim. "Lagi siyang nakabuntot sa 'yo, Lorelei, para masigurong hindi ka malalagay sa pahamak. Loki
can manage himself, but you? We need to protect you from harm."
"Which I didn't ask."
"But that's what we must provide. It was a direct order from the university chancellor."
I have a feeling na may koneksyon ang chancellor na 'yon sa papa ko kaya gusto nila akong protektahan. But I'm not a
damsel in distress. I can protect myself from harm, but not all the time.
"Mabuti't palihim na nakasunod si Rye sa inyo kahapon kaya kaagad kong natimbrehan ang campus police para
mailigtas kayo sa mapanganib na sitwasyon," dagdag ni Sir Jim.
And that explains the quick response of the campus police.
"So what do you want to discuss?" Loki began tapping his finger on the table, looking bored as ever.
"Stein Alberts," Sir Jim quickly replied. "You accused him of being the man behind the elusive Moriarty. Bilang in-
charge sa internal investigation ng school sa mga kasong kinasangkutan niya, nagsagawa kami ng background check.
Wala kaming nakitang kongkretong ebidensya na mag-uugnay sa kaniya sa mga pagpatay kaya we presented our
conclusion that he might not be Moriarty."
"But...?" Loki shot a glance at my Math instructor. "You said you found nothing concrete. But maybe you found
something else?"
Naging marahan ang pagtango ni Sir Jim kasabay ng pagbigay niya sa amin ng isang folder. Bumungad sa amin ang
litrato ni Stein Alberts at ang personal details niya. The copies had the seal of the Registrar's Office.
"What's this?"
"We dug deeper into Stein's school records to see if the possibility of him being Moriarty exists," inalis ni Sir Jim ang
kaniyang salamin at pinunasan ang mga lente nito. "He transfered here at Clark High School two years ago. Malinis
ang kaniyang record mula sa kaniyang dating high school."
"Let's skip to the part where you found something."
"Ipinag-match namin ang date ng kaniyang transfer dito at ang mga buwan kung kailan posibleng nagsimula ang mga
krimeng konektado sa taong kilala natin noon bilang M."
"Months after Stein's transfer to Clark High, doon na nagsimula ang mga kaduda-dudang aksidente at suicide sa
campus." It was Margarette's turn to speak. "The police didn't consider the possibility of foul play dahil masyadong
malinis ang pagkamatay nila."
"We believe that's the time Moriarty and his gang became active," sabi ni Sir Jim sabay suot sa kaniyang salamin.
"They started by disguising their target's death as suicide or accident."
So Moriarty's terror began two years ago. But why does the phrase "two years ago" seem to ring a bell in me?
"He is dead. Two years ago. He was also a student here. He was the student council president... until he met an
accident."
I could hear Jamie's voice in my ears as I remembered what she told me back during the bomb threat incident.
Maliban sa "two years ago," nag-match din ang binanggit niyang "accident" sa mga na-mention nina Sir Jim at
Margarette na cause of death ng mga unang biktima ni Moriarty.
"Meron ba silang prominent victim noon?" I blurt out sa my curious eyes stared at my Math instructor. "Someone
whose death also seemed suspicious?"
"If I'm not mistaken... a former president of the student council," Sir Jim recalled. "He was also unconvinced of the
suspicious circumstances of the victims' deaths back then."
"The one who died in an accident?" sumingit si Margarette. "Luthor mentioned him before to me. That late president
actually asked for an investigation of those accidents and suicides. Pero sa pagkakatanda ko, naaksidente 'yong
sinasakyan niyang kotse?"
"Sa pagkamatay niya, wala nang ibang nagsulong na magsagawa ng imbestigasyon. Weeks or months later, naging
lantaran na ang pagpatay na ginawa ng mga tauhan ni Moriarty."
My eyes squinted a little, my curiosity now piqued by our topic. "And that person is?"
"President Jaime Santiago."
Nagkatinginan kami ni Al habang si Loki nama'y napahinto sa pagta-tap ng kaniyang daliri at sandaling napatitig kay
Sir Jim.
"Jaime Santiago... 'yon din ang pangalan ng kasama natin sa club, 'di ba?" tanong ni Al. "Kapangalan lang ba niya o..."
"Jamie, our absent club member, mentioned to me before that she had a brother who served as a student council
president and died in an accident," I told the other party as I observed slight confusion on their faces.
"As how I see it, Moriarty considered that president as an obstacle to his plans kaya he arranged for his death," Al
touched his chin, his eyes transfixed on the table's surface while in deep thought. "With no actual opposition, Moriarty
probably thought his moves were less restricted than before."
"Kaya lalong lumakas ang hinala namin na posible ngang si Stein ang hinahanap nating Moriarty," Sir Jim remarked.
"The timing of his arrival in this school and the start of the killings may not be coincidence."
"Let me do you a favor so we can move on," Loki cut in. "Stein Alberts is Moriarty. That's a fact."
"Not yet a fact until proven."
"Bastien Montreal confirmed his identity as the criminal mastermind. Minutes before he blew his head off, he
communicated the confirmation to me via Morse code."
"At paano tayo makasisigurong totoo ang sinabi niya?"
"Why would a man tell one last lie moments before he committed suicide?" tanong ni Loki. "The moment he was
arrested, he knew it was a game over for him. Either he kills himself or an agent of his boss kills him."
"If that's the case, he should have confessed everything he knew," tugon ni Margarette. "Sana sinabi niya sa campus
police ang koneksyon ni Stein sa lahat ng kasong involved si Moriarty."
"Maybe hindi niya ginawa 'yon dahil may hawak na alas ang kaniyang boss sa kaniya," I said. "Remember? Bastien
said Moriarty may not hurt him while he's in police custody, but those whom he cared about might get involved."
"Collateral damage," muttered Loki. "He told only me about this confirmation. And I haven't told anyone except the
people in this room. Let's keep it to ourselves if we don't want to have another dead body."
The three members of the student executive committee nodded. If none of them is a spy of Moriarty, then revealing
that info won't do any damage.
"Now we should talk about proving Stein Alberts connection to these murders."
"Bastien was the only scarlet thread that will connect us to the brains of evil but he cut himself off," Loki said. "We
are now at a total loss."
Of course, he's lying. Alam na niya kung sino ang susunod naming dapat imbestigahan. He trusted them with the
confirmation that Stein is Moriarty but he did not want to tell them that Augustus Moran is also involved in the gang. I
wonder what's going on with Loki's mind.
"Do you have any suggestion where we should look at?"
"Since you are the second highest student organization here, why don't you start with the student council?" Loki
suggested which surprised Margarette.
"Yo-You think that one of them is an agent of Moriarty?" the chairwoman asked in disbelief, shaking her head slowly.
"The reason why he remained elusive all these months and years was due to him having eyes and ears everywhere,"
Loki defended. "Bastien admitted that he was put in the campus police so he can eliminate the agents who might talk.
If I were Moriarty, I would have one of my minions infiltrate the major student organizations."
"That's absurd!"
"It isn't," I came to Loki's defense. "There was one case where an execom member burnt his colleague alive because
the latter was getting closer. Kung nangyari 'yon sa grupo n'yo, posibleng ganon din ang sitwasyon sa pinakamataas na
student organization."
Margarette looked away, probably thinking about the possibility that one of her superiors took part in the madness
plaguing this high school. "I will look into it. Discreetly."
"And maybe Sir Jim may want to check out his friends in the faculty room," Loki pointed his right index finger at my
instructor. "Having a spy among the teachers who are privy to some confidential information will help our criminal
acquiantance expand his influence."
"I doubt na merong isa sa amin na gugustuhing masangkot sa conspiraccy na 'to."
"We need to consider every possibility, sir. We are dealing with Moriarty after all."
"How about you? Anong gagawin n'yo?" tanong ni Margarette.
"We are gonna be featured on Clark Gazetta's magazine issue," sagot ni Loki. "We can start our investigation on our
student-writers to see if one of them is acting as a spy for the Moriarty."
"So we will have all major areas covered, huh?" After minutes of silence and staring at us, Rye finally spoke. Hindi ko
na nga matandaan ang boses niya dahil matagal-tagal na rin mula nang una kaming magkausap.
"It's about time we take the offensive and close this case," Loki said as he stood. "Do we still have something to
discuss? Because I now need to charge my phone so I can continue playing Criminal Case."
"Mukhang 'yon lang muna sa ngayon," nakangiting tugon ni Sir Jim. "Sasabihan namin kayo kung may update na
kami. I hope you will do the same once you figure out something."
"I give you my assurance." Loki walked toward the door while Al and I followed behind him. Kami na ang nagpaalam
sa mga miyembro ng execom dahil basta-basta na lang lumabas si Loki.
"You told them about Bastien confirming Stein is Moriarty," sabi ko sa kaniya habang paakyat kami sa hagdanan.
Siniguro ko munang malayo na kami sa execom office bago ako nagsalita. "But you still kept Gus' involvement a
secret."
"I want to know if they can be trusted," Loki answered, still playing on his phone while climbing the stairs. "If
something happens to someone connected to the late campus police officer as punishment for betrayal of trust, that
would reveal that one of them is an enemy."
Not sure if I should be impressed by how he used that piece of information to determine their true allegiance.
Nilalagay niya rin kasi sa panganib ang buhay ng isang inosenteng tao.
Pagtuntong namin sa third floor, may narinig akong mahina pag-iyak mula sa dulo ng hallway. It sounded familiar na
tila narinig ko na kanina. Nauna na ako kina Loki at Al para kumpirmahin ang hinala ko.
"Meow~"
Oh, my. That little ball of fur! The white cat was sitting in front of the clubroom door as if it was waiting for me.
Nang makita niya ako, mabilis siyang lumapit sa akin kasabay ng patuloy niyang pag-meow. It rubbed its head on my
legs. Umupo ako para kamutin ang ulo niya.
"Wh-What is that?!" Napaurong nang isang hakbang si Loki pagkakita niya sa pusa. If only I had my camera phone
ready, I would take a snap of his surprised facial expression.
"It's a cat, obviously!" I carried that cute, little fellow on my arms and cradled it like a baby. "How did you know na
nandito ako, ha?"
"Maybe the cat followed your scent. They have incredible sense of smell after all," Al commented as he also touched
its head.
Loki's hand made a dismissive gesture before reaching for the doorknob. "Tell that thing to not come here anymore.
Ayaw kong mangamoy pusa ang clubroom."
"Why don't we keep it? As our club cat?"
Nakakaisang hakbang pa lang si Loki sa loob nang napalingon siya sa akin. "You seriously wanna keep that cat?"
"Hindi natin siya pwedeng dalhin sa apartment dahil ayaw ni Tita Martha sa mga hayop. But we can take care of this
cat while we are at school."
"Ayaw mo ba sa mga pusa, Loki?" dagdag na tanong ni Al. Mukhang nag-e-enjoy ang pusa sa pagkamot ng childhood
friend ko sa chin nito.
"I just don't want a cat rubbing its face around our headquarters and spreading its pheromones to mark the whole room
as its territory."
"Meow~"
Tumalon ang pusa mula sa aking mga braso at nilapitan si Loki. Kiniskis nito ang kaniyang mukha sa kanang binti ng
naiilang na club president namin.
"If we are gonna keep that cat as our pet, we should name it!" I suggested, still watching Loki's awkward face as he
tried to deal with the feline creature.
"If it were a puppy, I would name it Fenrir," Loki said.
"It's a girl so we need a cute name that matches its cuteness."
"How about Catherine? So we can call her Cat."
"Too common," I said while shaking my head. "She needs a cute yet unique name."
"Mingming-"
"NO."
Hindi na siguro natiis ni Loki ang pusa kaya kinarga na niya ito. He began by touching the cat's nose.
"How about Freya?"
Ewan kung namamalik-mata ako o talagang totoo ang nakikita ko. The cat made Loki smile. Sino nga ba namang
hindi matutuwa sa pusang 'yon? Kahit kasing-tigas ng bato ang puso ni Loki, lalambot din ito sa cuteness ng karga
niya.
"Why Freya?"
"The Norse goddess Freya is known for her love of cats. She rides a chariot pulled by two of them," Loki explained,
scratching the head of our new club pet.
"Freya sounds like a good name to me and it matches the Norse origin of your name," Al nodded.
"Then Freya it is."
###
P.S. This is a "cooldown" update after the intense previous chapter.
NEXT CHAPTER PREVIEW:
"We have been waiting for you, Augustus Moran."
"The QED Four! What a pleasant surprise."
After being in the defensive the past few weeks, the QED Club now takes the offensive!
"We won't stop until we expose your connection to Moriarty."
"I don't appreciate being threatened in my own office. Just to remind you, I can destroy you and your little club in less
than five words."

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club

A/N: I am dedicating this chapter to CHRISTILE LOVENIA. KEEP FIGHTING!


LORELEI
"BAGAY BA sa akin?
If found myself standing in front of a mirror, turning around to see if the brown tweed cloak suits me. I looked at
Alistair through the reflection as he looked at me from head to toe. Magkapareho kami ng suot pero parang mas bagay
ng mga lalaki ang ganitong outfit.
"It looks perfect on you."
"You sure?" I turned to him and observed his smiling face. Baka kasi sinasabi niya lang 'yon para hindi sumakit ang
loob ko. Hindi naman masagwang tingnan ang suot kong costume pero naninibago siguro ako dahil first time kong
magsuot ng ganitong damit.
Kung may ibang taong makakakita sa amin, aakalain nilang may dadaluhan kaming cosplay event. But the truth is,
nag-request ang editorial team ng Clark Gazetta na suotin namin ang Sherlock Holmes costume para sa cover
photoshoot ng kanilang magazine issue. We were reluctant at first, but their features editor Felicity Ferrer convinced
us.
Habang sineset-up nila ang camera, lighting at design sa audio-visual room, nasa kabilang kuwarto naman kami para
ayusin ang mga suot namin. Donning the Sherlock costume, Loki sat on a chair with his eyes closed and fingers put
together. On his lap was our club cat Freya, purring while licking its paws.
Then our cat jumped out of surprise when someone slammed the door. Lumapit sa akin si Freya, iwinasiwas ang
kaniyang buntot at parang may pagkabahala sa kaniyang mukha. Dumilat naman si Loki dahil sa ingay na umistorbo
sa concentration niya.
"Sorry if I'm late!" Pumasok si Jamie na dala-dala ang kaniyang costume. Napayuko siya kasabay ng paghabol sa
hininga niya, mukhang minadali ang pagpunta rito. It seemed that she's now okay after being disturbed by what she
saw two nights ago.
Isinara niya ang pinto at niyakap si Loki mula sa likuran. "Hello, Loki~ Did you miss me?"
Wow. Isang araw lamang siyang hindi pumasok, parang ilang buwan na niyang hindi nakikita ang club president
namin. As usual, there was no response from Loki, not even a nod or shake of his head. Kung mahilig siyang mag-K-
zone sa text messages, may ganong version na rin siya in person.
Humarap siya sa aming dalawa at pagkakita niya sa akin, she quickly rolled her eyes to look at the guy beside me.
"Na-miss n'yo rin ba ako?"
"A bit."
Sunod na nabaling ang tingin niya sa pusang nasa paanan ko. Marahang nanlaki ang mga mata niya't lumawak ang
ngiti sa kaniyang labi. She clapped her hands over mouth. I could see her delight through her eyes upon seeing the
feline creature.
"O-M-G! A cat!"
"Her name's Freya. Loki's choice," paliwanag ni Al kahit hindi tinatanong ng babaeng nasa harapan niya. "She was
resting on Loki's lap before you arrived."
The cat took two steps backwards as Jamie stretched her arms forward. Freya's tail is whipping back and forth rapidly.
Hindi ko alam ang meaning ng mga paggalaw ng kaniyang buntot pero nararamdaman ko na parang natatakot siya.
"Oh, my sweet and cute little ball of fur, come to mommy~" Jamie tried wooing our pet with her gentle voice that can
easily charm men. Pero mukhang hindi effective 'yon sa pet namin.
"HISSS!" Lalo pang umurong si Freya at ipinapakita na ang pangil nito. Her pupils were reduced to slits as her eyes
were closely observing the human in front of her.
Hindi nagpatinag si Jamie sa offensive stance ni Freya kaya itinuloy niya ang paglapit dito. "Loki's your dad and I'm
your mom kaya wala kang dapat ikatakot sa akin~"
"HISSSSSS!"
Mahahawakan na sana ni Jamie si Freya nang bigla siyang kinalmot nito. Mabuti't mabilis na naiurong ni Jamie ang
kaniyang mga kamay kundi nasugatan na siya.
Binuhat ko na lamang ang alaga namin at kinarga siya sa braso ko. I scratched her head and chin kaya nawala ang
pagiging mabangis niya.
"You probably brainwashed that cat to dislike me," Jamie whispered, palihim na sumusulyap kay Loki dahil baka
marinig siya nito.
"Cats trust their own instincts. They know when there's danger around," sagot ko habang patuloy na nakikipagkulitan
kay Freya.
"Are you saying that I'm danger-"
Her words were cut short when Felicity opened the door and asked us to prepare for the shoot. Naka-set-up na raw ang
camera, mga ilaw at background image.
Iniwan muna namin si Jamie sa waiting room dahil kailangan niya pang suotin ang costume. Pagpasok namin sa
audio-visual room, bumungad na sa amin ang tatlong staff ng school paper. May isang nakapuwesto sa DSLR camera
na naka-tripod, may isang naka-assign sa lights, at isa pang may nakasabit na camera sa leeg para siguro sa behind the
scenes.
"Standby na kayo! Hintayin lang natin matapos magbihis 'yong kasama nila!" utos ni Felicity sa staff niya, sumusunod
sa kaniyang galaw ang naka-ponytail na buhok.
"It's been a while, hasn't it?"
Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses ng lalaking 'yon. Napalunok pa ako ng laway nang
maramdaman kong nakatingin siya sa direksyon ko. This suffocating aura... There are only two students who can
make me feel this way-Luthor and Stein. I did not feel the former's cold aura so that means...
"Stein Alberts." Loki already turned around to greet his archnemesis. Despite being involved in numerous crimes in
this school, Stein can still freely walk around. "I'd like to shake hands with you but yours are too dirty."
The bespectacled only smiled as he approached the three of us. Freya, who followed me from the other room, seemed
frightened by his presence.
"How does it feel to be in the spotlight?" tanong niya, hindi pa rin napapawi ang nakakaasar niyang ngiti. "Your club
is now getting the recognition it deserves. And I must say that I was impressed by how you handled that bomb threat
incident."
"Is this the part where you tell us to thank you?" Loki asked. "Did you come all the way here just to hear our words of
gratitude? You could have texted me."
Oo nga naman. Bakit ba nandito ang lalaking 'to? Sa pagkakaalam ko, para sa aming taga-QED Club ang photoshoot.
"Don't be selfish just because your club got the cover feature," Stein replied. "Yours truly will be also featured for
acing the regional Math contest. They had taken my photos before you came in."
That must be the competition Sir Jim told us when he asked us to look for the "abducted" Stein more than a month
ago. Kung hindi namin kaagad nahanap ang lalaking 'to, si Monica Segundo ang magiging pambato namin. But in the
end, it was only an act-his creative way of saying hi to Loki.
"What a shame. I was thinking of asking you to join us," Loki's tone was serious but I know he was joking. "This
won't be possible without you. You deserve more credit than we do."
Once again, Stein smirked as he tapped Loki's shoulder. Something in his smile creeps me out. I could sense danger.
"You better enjoy this moment in the limelight. It won't last that long."
He waved his right hand and made his way out of the audio-visual room. Nagkatinginan lamang kaming tatlo nina
Loki at Al. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang umalis na ang source ng nakaka-suffocate na aura.
"That was a threat, wasn't it?" tanong ni Al, nakatitig sa pintong nilabasan ni Stein. "The thing about us being in the
spotlight not that long."
"We need to act soon," Loki muttered, his eyes staring blankly at the wall in front of him. "We have been on the
defensive since the beginning. It is about time to take the offensive."
"You got a plan?"
"We can pay someone a visit later and try to connect that person to the center of this giant web of conspiracy."
Muling bumukas ang pinto ng audio-visual room at pumasok si Jamie, may halong pagtataka sa kaniyang mukha at
napapaturo sa labas. Suot na rin niya ang kaniyang Sherlock costume.
"Di-Did you meet that guy?" Jamie must be referring to Stein. "Nakasalubong ko siya nang lumabas ako sa waiting
room."
"The editorial team also took photos of him for a feature article," sagot ni Loki sabay ayos sa kwelyo ng kaniyang
cloak. "And he also sent his regards."
Nang makita na kaming kumpleto, nilapitan kami ni Felicity na kanina pa kinakausap ang mga kasama niya. "Are you
now ready for the cover shoot?"
We nodded as we were led to the area illuminated by warm lights. May isang cushioned na upuan sa gitna kung saan
pinaupo si Loki. I sat on the chair's left arm while Jaime stood near the right side. Si Alistair naman ang pinatayo sa
likuran ng upuan, kitang-kita pa ang kaniyang upper body.
Itinaas ng cameraman ang kaniyang kamay at isa-isang binababa ang mga daliri na nagsisilbing countdown. Bago niya
cinlick ang capture button, biglang tumalon si Freya sa lap ni Loki at humarap sa camera na tila gusto ring sumama sa
cover shoot.
"Is it okay kung kasama ang pusa?" I raised my hand as I direct the question to Felicity who was standing beside the
cameraman. Masyadong maliwanag kaya sumingkit tuloy ang mga mata ko.
"As long as magbe-behave siya sa harap ng camera, we don't mind including her in the frame," sagot ng features
editor.
Muling itinaas ng cameraman ang kaniyang tatlong daliri.
Three. Two. One.
CLICK!
***
After the cover shoot which did not take that long, inalis na namin ang Sherlock costumes at bumalik sa aming club
room. Loki wanted us to formulate a plan on how we can begin taking down Moriarty's organization. Meron na
kaming isang baraha na hawak, pero hindi pa namin alam kung paano gagamitin 'yon.
"We will catch him by surprise," Loki said while pacing the room. "We need to get evidence that Augustus Moran is
one of Moriarty's generals."
"Paano natin magagawa 'yon?" Jamie asked while twirling her braided hair. "Kailangan ba nating gumawa ng
sitwasyon para makakuha ng ebidensya?"
"Maybe an admission of his association with Moriarty will do the trick," Al suggested, his arms crossed over his chest.
"At kapag nakakuha tayo ng pag-amin niya, anong gagawin natin?" tanong ko habang hinihimas-himas ang ulo ni
Freya. Kanina pa siya nakahiga sa may lap ko.
Huminto sa paglalakad si Loki at humarap sa amin. "If we show that evidence to the police, they might invite him to
the police station and interrogate him about his involvement with Moriarty's organization. But that's too premature.
We need to use that card wisely."
"Then what do you suggest?"
"We will use such evidence as a leverage para makakuha pa tayo ng info tungkol kay Moriarty o sa dalawa pa niyang
generals. Augustus probably do not want to end up in jail so he might talk."
Natahimik kaming apat habang pinag-iisipan kung paano namin gagawin 'yon. Kung sakaling aminin nga ni Gus na
isa siya sa mga tauhan ni Moriarty, we need to put in on record. Something that he cannot fight off easily.
Huminto sa paglalaro ng kaniyang buhok si Jaime at tumingin sa amin. "Why don't we use the hidden cameras in the
earrings? Kung kaya nating palihim na ma-record ang kaniyang admission at ilang bagay na tanging sila lamang ang
nakakaalam, pwede nating gamitin 'yon laban sa kaniya."
"I have the same thought," muling nagpatuloy sa pag-iikot si Loki sa mesa. "Kagaya ng sinabi ko kanina, we might
need to pay Augustus a surprise visit and gamble the info that Bastien left us."
"At dahil hindi siya handa para sa pagbisita natin, hindi siya kaagad makakaisip ng pangdepensa," dagdag ni Al,
marahan ang kaniyang pagtango. "We will catch him off guard."
"I still have those earrings under that table," Loki pointed at his usual spot. "Lorelei and I should be the ones to
confront Augustus. If we all go there, baka ma-intimidate siya at hindi natin makuha ang gusto nating malaman mula
sa bibig niya."
Jamie was quick to raise her hands. "But how about me? Bakit hindi na lang ako ang isama mo?"
"Gus is an avid fan of my blog," I explained. "That's what Agatha told me when she approached me during the skip
code case. And we already met in two separate occassions."
"And we need you and Alistair to record everything that the hidden cameras will pick up," Loki added while pointing
at our two colleagues.
"Hindi ba magiging delikado para sa inyong dalawa?" tanong ni Al. "He may look harmless at first but he is a high-
ranking official in Moriarty's organization."
"Augustus does not strike me as a man who would point a gun at us once we corner him. Don't worry, Lorelei has the
stun pen with her. If he tries to do something funny, we will neutralize him. Are you bringing it?"
I nodded as I took it out of my pocket and showed it to him.
"Great. Now we shall commence this operation."
Hindi na kami nag-aksaya ng oras kaya nag-set-up na sina Al at Jamie sa club room ng laptop kung saan direktang
naka-connect ang earrings na may hidden camera. Hindi rin ganon kalayo ang publication office ng Clark Gazetta
kaya walang problema sa feed na napapanood sa kanilang screen.
When Loki and I were ready, nagpaalam na kami kina Al at Jamie (she was glaring at me). Sinubukang sumunod ni
Freya pero sinabihan ko siyang mag-stay sa club room. Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko't hindi na
siya bumuntot sa akin.
Kumatok muna kami sa pinto ng publication office bago kami pumasok sa loob. Abalang-abala ang ilang
estudyanteng nakaupo sa harapan ng kanilang laptops at walang tigil sa pagtakatak ang kanilang mga daliri. Ni hindi
nga yata nila kami napansin.
Dumiretso na lamang kaming dalawa sa cubicle ng editor-in-chief pero mukhang walang tao sa loob.
"It's still lunch time kaya siguro wala pa siya," sabi ko habang inoobserbahan ang buong opisina ng aming school
paper. May isa sa kanilang napatingin sa direksyon namin at tila nasorpresang makita kami rito.
Tumayo ang babaeng may dala-dalang notebook at nilapitan kami.
"Good afternoon. You two must be from the QED Club?" nakangiting tanong niya sa amin. "I'm Zoey Bernardo, one
of the news writers here."
"Oo, kami nga. May maitutulong ba kami sa 'yo?" tanong ko dahil walang kahit anong tugon si Loki.
"Before I tell you what it is, are you here to see the chief? He went out for lunch but he will be back in a bit. You can
stay in his office while waiting if you want."
Binuksan ni Zoey ang pinto ng cubicle ni Gus at pinapasok kami sa loob. She told us to take our seats as she locked
the door. Loki's eyes started to roam around the room, probably looking for clues that can link Gus to Moriarty.
"I was about to go to your club room pero dahil nandito na rin kayo, gusto kong i-grab ang opportunity para
magtanong. May isinusulat kasi akong article tungkol sa mga kaso kung saan involved daw ang taong nagngangalang
Moriarty."
Upon hearing the codename of the criminal mastermind, Loki looked back at her. "What questions do you have?
Make sure it is worth my time. I had enough answering the foolish questions by your features writers."
How rude, Loki. Paano kung 'yan ang isulat niya sa kaniyang article? Baka masira ang image ng club.
"Do you mind if I record our conversation. Just a few questions?"
"Fire away."
Zoey cleared her throat before shooting her first question. "Is Moriarty real?"
Loki's eyes narrowed into slits as he stared at the female writer. "Of course, he is real. He has been involved in
numerous cases in this campus."
"So you are saying that he is not a figment of your imagination?"
Hindi pa rin nawawala ang panliliit ng mga mata ni Loki. Umiling na lamang siya kaysa magkomento laban sa news
writer. To me, her line of questioning is absurd. Sa tingin niya ba, gawa-gawa lang namin si Moriarty?
"How many times should I tell you that Moriarty is real? I already met him in person but I'd rather not talk about it."
Tumango-tango si Zoey kasabay ng pagsusulat niya sa kaniyang notebook. "You solved every case involving the so-
called Moriarty. There were a few people who told me that they find it hard to believe that you stumble on those
cases."
"And your question is?"
"It may sound nonsense pero gusto kong marinig mula sa 'yo at mailagay ito sa record. You never staged those cases
para sumikat ka at ang inyong club sa campus?"
Nagkatinginan lamang silang dalawa nang ilang segundo habang pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Loki.
"You already answered your own question. That is nonsense."
Zoey closed her notebook and clicked on the screen of her phone which she used to record their conversation. "Thank
you for your time. Hintayin n'yo na lang ang EIC namin dito. Darating na 'yon any moment from now."
Tanging ang mga takatak ng keyboard ang narinig namin mula sa labas nang umalis na si Zoey at bumalik sa
kaniyang puwesto. Loki seemed to be a little disturbed by the questions asked moments ago. But as usual, he never
brought up the topic.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakasalamin. He greeted
everyone in the office a good afternoon as he went on his way to his cubicle. Pagbukas niya sa isa pang pinto, tila
nagulat siya nang nakita niya kaming dalawa ni Loki na naghihintay sa loob.
"We have been waiting for you, Augustus Moran," said Loki, his voice never sounded enthusiastic upon meeting our
target.
"Loki Mendez. Lorelei Rios. What a pleasant surprise," Gus greeted us with a wide smile as he locked the door.
Lumakad siya patungo sa kaniyang desk at saka inalis ang kaniyang salamin. "What brings you here? Do you have
concerns about the cover shoot?"
"This may be unorthodox but we wanna interview you about something." Loki sat on the seat across me and crossed
his legs.
"We are the ones who are supposed to interview you, not the other way around." Napatawa nang mahina si Gus
habang pinupunasan ang kaniyang salamin. "So what do you wanna discuss?"
"Your connection with Moriarty."
Napahinto sa kaniyang ginagawa si Gus at napatingin kay Loki. "Excuse me?"
Sinuguro kong nakatutok ang mga hikaw sa anggulo ni Gus para kapag umamin na siya, kitang-kita ang paggalaw ng
kaniyang bibig.
"Drop the act now, editor-in-chief. We know that you are one of his minions."
Gus shook his head slowly as he reclined on his swivel chair. "You are making a serious allegation here, Mr. Mendez.
I can charge you for slander."
"You can only call it slander if it weren't true. But this is not an allegation. This is the truth."
"Then where's your evidence? Where did you get this ridiculous information?"
"From a man who knows your affiliation to Moriarty's organization."
"Do you have it on record? Do you have a concrete proof that he linked me?"
"He communicated the information through a clever method. It corroborates with my earlier theory."
"What theory?"
"That someone from the Clark Gazetta is in possession of a number of compromising photographs. You introduced
yourself as M to Adonis Abellana and offered some photos which he used to blackmail his girlfriends."
"And what makes you think that our school paper is allegedly involved in that case?"
"Adonis told us that he never gives out his personal number to anyone," I answered. "Days or weeks before he started
blackmailing his so-called collection, someone from your office got his number for interview purposes."
"And that's how you managed to get in touch with him and offer him the photos," Loki added, pointing at the editor-
in-chief who seemed too relaxed despite our accusations.
"The more I think about it, the more ridiculous it gets," Gus chuckled as if he wasn't taking our words too seriously.
"Parang nagsulat kayo ng isang controversial news article na puro quotes ang basehan para sa isang alegasyon."
"Except that these quotes make sense."
"Yes, they may make sense but as what I always tell my staff, you need something concrete." Muling isinuot ni Gus
ang kaniyang salamin at unang ibinaling ang tingin kay Loki bago sa akin. "What you have are quotes, not facts. And
you are trying hard to connect the dots that don't exist."
"You can dodge these accusations now, but you cannot dodge forever," Loki's tone sounded threatening. "We won't
stop until we expose your connection with Moriarty."
Gus smirked as he leaned forward. "I don't appreciate being threatened in my own office. Just to remind you, I can
destroy you and your little club in less than five words."
"I wanna see you try," Loki said as he stood and walked out of Gus' cubicle. Kaagad akong sumunod sa kaniya
palabas ng publications office. Nagmamadali siyang naglalakad kaya kinailangan kong bilisan at lakihan ang mga
hakbang ko.
Pero parang may kulang sa ginawa namin.
"Ang akala ko papaaminin natin siya para ma-record sa hidden cameras ang confession niya?" tanong ko nang
magkapantay na kami ng lakad.
"You should have noticed his reaction while I'm putting all of my cards on the table," Loki replied, looking a bit
disappointed by how the events turned. "No matter how long we stay in that room and how many theories we hurl at
him, he won't budge. Iiwasan lang niya ang putik na ibabato natin."
"So are you saying our mission failed?"
"Plan A failed. Now it is time for Plan B."
"You never told us about Plan B."
"I never thought of it until Augustus continued dodging earlier," he said. "Now that he knows that we found a thread
that will link him to Moriarty, he might do something drastic to prevent us from uncovering his tracks. Once he
actually does something, that's our opportunity to strike."
We returned to our club room and we did not have to explain much dahil napanood na nina Al at Jamie ang lahat ng
nangyari. Loki told us to be on our guard because Gus might retaliate after our confrontation with him.
***
The next morning, maaga kaming umalis ni Loki sa apartment para maglakad patungong campus. Nang makalampas
na kami sa guard house, may mga nakita kaming estudyanteng may hawak-hawak na diyaryo habang naglalakad.
Nakakunot ang mga noo nila na tila may binabasa sila na hindi nila mapaniwalaan.
"Must be some school gossip," Loki sounded uninterested when I brought up the topic. Pero masama ang kutob ko
lalo na nang pinagtitinginan kami ng ilang estuyante pagpasok namin sa school building.
"LORI!"
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Rosetta. Sumabay sa malakas na bugso ng hangin ang paggalaw
ng kaniyang mahabang buhok. Kagaya ng ibang estudyante, may hawak-hawak din siyang diyaryo.
She usually greets me good morning bago magsimula ng conversation. But her tone and the worried look on her face
told me that something wasn't right.
"Lori, nakita n'yo na ba ito?" Iniharap niya sa amin ang latest issue ng Clark Gazetta at itinuro ang front page nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mga letrang nakasulat sa bold.
QED'S PATH TO FAME?
Victims, suspects claim deceit
by Zoey Bernardo

Napalunok ako ng laway sabay tingin kay Loki na tila nagulat din sa nakita niya.
"In less than five words, huh?"
###

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 2)

LORELEI

NAGKATINGINAN KAMI ni Loki matapos basahin ang headline ng article na pinublish ng Clark Gazetta. The
headline alone was enough to diminish the credibility of our club. Kaya pala pinagtitinginan kami ng ilang estudyante
kanina. They know our faces, they know we belong to the the QED Club.

"Kahit anong nakasulat sa article na 'yan, I still believe in QED," sabi ni Rosetta habang nakatitig pa rin siya sa
headline. "Baka nagkamali ang news writer na 'yan o baka nagsisinungaling ang mga ininterview niya."

"Call Jamie and Alistair. Ask them to meet with us as soon as possible." Loki grabbed the newspaper from Rosetta's
hand and hastily strode across the hallway. Nagpaalam ako sa kaklase ko na baka mahuhuli ako sa klase.

I took out my phone and contacted the two other members of club. Binilisan ko rin ang paglalakad dahil malalaki ang
mga yabag ni Loki.

Zoey Bernardo wrote the damaging article, but there's only one man in this school who could be behind this attack-
Augustus Moran, the editor-in-chief and one of Moriarty's generals.

Pinagtitinginan pa rin kami ng mga estudyanteng may hawak ng latest issue ng aming school paper. Hindi sila
normally nagbabasa ng diyaryo pero dahil siguro kontrobersiyal ang nasa front page nito, na-curious sila at naisipang
kumuha ng kopya.

Napahinto kaming dalawa ni Loki nang makarating sa tapat ng club room. May mga graffiti sa pinto kung saan
nakasulat ang mga salitang "LIARS! FRAUD! FAMEWHORE!" Nang lumingon ako sa paligid namin, nagsitakbuhan
palayo ang mga estudyanteng may hawak-hawak na balde ng pintura.

First, the news against the club. Now, the graffiti. What a good way to start our morning!
Loki's hands clenched as he stared at the words written in blood red color. I could imagine how painful it must be for
him to have his reputation tainted with false words. Ilang buwan ko na siyang nakasama and I can prove to anyone
that all cases we solved are real.

"We must find a place where these piercing eyes won't reach us," sabi niya bago siya nagmadaling nagtungo sa
hagdanan. Medyo dumistansya na ako nang kaunti dahil nararamdaman kong nag-iinit na siya sa galit.

Loki kicked the door to the rooftop. Sa isang sipa niya lamang, bumigay na kaagad ang pinto. Simula nang
magtangkang magpakamatay rito ang isang estudyante (thanks to Loki), ginawang off-limits na ang lugar na 'to sa
mga estudyante.

Kung kanina'y maaraw pa, ngayo'y unti-unti nang kumukulimlim.

He threw the newspaper on the floor and started pacing back and forth. "Now it makes sense why Zoren asked some
questions while we were at their office yesterday."

Zoey, Loki, not Zoren.

Pinulot ko ang diyaryo at sinimulan ulit basahin ang article laban sa amin.

"Nasaan na pala sina Jamie at Alistair?"

"They are on their way. I told them to proceed to the rooftop as soon as they get here."

Iniladlad ko ang diyaryo para buong mabasa ang news article. It started with a lead about our club's success in closing
cases occuring in the school. Pero...

But students interviewed by the CLARK GAZETTA said that some cases have been staged to catapult the club into
fame.

Benjamin Tenorio, a Grade 10 student, said he was threatened by the QED Club to strap a bomb on his body during
the bomb threat incident last week. He said that the incident was staged by the club to "make themselves look like
heroes."

"Ayaw kong ma-involve sa plano nila pero binlackmail nila ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod," Tenorio
said in an exclusive interview with the GAZETTA. "Hindi raw ako dapat matakot na sumabog 'yong bomba kasi
ililigtas daw ako ng dalawa nilang kasama."

The two club members, identified by Tenorio as Lorelei Rios and Jamie Santiago, came to the library where he was
asked to wait for his supposed rescuers.

"There's no way a high school student can diffuse a bomb," Tenorio added. "Kaya malakas ang kutob kong kasabwat
din ang dalawang babaeng 'yon sa plot na 'to."

My God. How could he accuse us of staging the bomb threat! Mamutla-mutla pa siya't halos himatayin noong inaalis
namin ang bomba sa katawan niya!

I moved on to the next paragraph where a familiar name popped up.

The school's basketball varsity player Adonis Abellana supported Tenorio's claim against the club. He said the club
president had asked him to blackmail some of his female friends with the use of sensitive photos.

"Pumunta pa talaga sila sa apartment ko. Noong sinabi kong ayaw kong gawin ang pinapagawa nila, bigla akong
itinumba ng president nila at halos durugin na ang collarbone ko. Wala akong nagawa kundi sumunod," he said.

Abellana had his right shoulder checked after being assaulted by QED Club president Loki Mendez.

According to a source who requested anonymity, this wasn't the first time Mendez assaulted a student.

"Na-suspend na dati si Loki [Mendez] dahil sa pagbugbog niya sa Math prodigy ng school natin. Mendez claimed that
[Stein] Alberts was behind some murders sa ating campus. Ang tawag yata sa kaniya ay Moriarty. Pero ayon sa
imbestigasyon ng school, Loki's claims are baseless."

Weeks ago, a video of a student being kicked repeatedly at the Diogenes Cafe went viral. Witnesses confirmed that
Alberts was being beaten by Mendez at the time. Asked for confirmation, Alberts declined to comment.

The CLARK GAZETTA has received reports about the existence of a man called "Moriarty" but no substantial
evidence of his existence has surfaced so far except the crimes being alleged to him.

When asked to comment about Moriarty, Mendez insisted in interview that the so-called criminal mastermind is real
and not a "figment of his imagination."

However, some sources claimed that Rios' blog about the cases they solved might have affected Mendez' thinking and
created an imaginary criminal mastermind. Other sources said the club might have been tempted to take advantage of
their genius to make themselves famous.

Napatakip na lamang ako ng mukha at hindi ko na tinapos basahin ang buong article. The rest of it was nonsense and
its only purpose was to destroy our club's reputation.

"Maybe we should have taken Gus' threat seriously," sabi ko kay Loki na kanina pa palakad-lakad sa harapan ko.
"They spun everything against us. Nagmukha talaga tayong masama sa article na 'to."

"Their words against ours," he replied, putting his hands together and his eyes looking faraway. "Now how do we
survive this story?"

"Gaya nga ng sinabi mo, these are only words," I showed him the front page again. "Wala silang ebidensya na
magpapatunay na gawa-gawa natin ang lahat nito."

"I can sense that they still have something up their sleeves," Loki glanced at me. "Remember what Gus said? He
always tells his writers that they need something concrete before they publish an article. These quotes cannot be used
as solid proof against us."
Our conversation was interrupted by two knocks on the door. Jamie and Al entered the rooftop with confused looks on
their faces. They must be wondering "What the heck is going on?" Ang gandang salubong sa umaga namin.

Ipinakita ko sa kanila ang kopya ng Clark Gazetta. Ilang beses ding napataas ang kilay nila, napakunot ang mga noo at
napabuka ang bibig-the same reactions I had earlier.

"This is crazy!" Muntikan nang punit-punitin ni Jamie ang newspaper sa sobrang pagkainis niya pero napigilan siya ni
Al. Ganon din ang naramdaman ko kahit 'di ko pa tapos basahin ang article.

Al only shook his head, maintaining his calm compoure. "Is this Augustus' response to your threat yesterday?"

Loki nodded. "They are on a mudslinging campaign to discredit everything that we have achieved so far. If the whole
campus were to believe the lies of Clark Gazetta, who else would believe a single word that we say about Moriarty?"

"We need to issue a statement!" Jamie suggested as both Loki and Al looked at her. "Kailangan nating sagutin ang
mga alegasyon nila."

"I don't think that will help," Al replied. "Magmumukha tayong defensive at mas paniniwalaan pa rin ng mga tao ang
sinulat ni Zoey dahil mas matimbang ang salita ng mga source nila."

"Then we need to discredit their source," Loki said. "They might have been coerced to say these words in the
interview. Moriarty and his gang grazed our cheeks and we must stop the bleeding immediately."

"At paano natin madi-discredit ang kanilang sources?" tanong ko.

"We will split into two," sagot ni Loki. "You and Jamie will talk to Ben Ten while Alistair and I will deal with
Adonis. Kulang pa yata ang ginawa ko sa kanya noon."

"Don't do anything that our enemies can use against you," payo ko sa kanya. "Kung sasaktan mo si Adonis, lalong
lalakas ang hinala nilang baka nga tinatakot mo siya para mapasunod sa gusto mo."

"There is no need to worry, Alistair will be there to stop me," he darted a quick look at my childhood friend. "I still
have a copy of Adonis' schedule so we know where we can find him. How about you?"

"Baka ipagtanong namin sa mga taga-Grade 10."

With that, nagkahiwa-hiwalay na kaming apat. Pumunta sa gym sina Loki at Al dahil may morning training si Adonis
doon habang kaming dalawa ni Jamie ay pumunta sa third floor.

It feels like deja vu to be working with her.

"Normally I would comment about how unlucky I am to be stuck with you," Jamie said as we walked across the
hallway. May ilang napapatingin sa amin at pinagbubulungan kami. "But we are dealing with a bigger enemy here
kaya ceasefire muna tayo. Kapag nakita ko ang bitch na 'yon, I will slap her face."
Who's the bitch? You or Zoey?

Nang makarating kami sa mga classroom ng Grade 10 students, pinagtanong-tanong namin sa mga estudyanteng nasa
classroom kung kaklase nila si Benjamin Tenorio. Hindi pa tumutunog ang school bell kaya hindi kami nahirapang
makahanap ng mapagtatanong.

But I can sense na medyo umiiwas sila sa amin.

"Ben Tenorio?" We called on a guy who was busy reading his notes near the railings. Napaharap siya sa amin at
bahagyang nagulat nang makita kami.

"Taga-QED Club kayong dalawa, 'di ba?" Isinara niya ang kaniyang binabasa para ituon ang buong atensyon niya sa
amin.

"Yes, and you mentioned us in an article published on the Clark Gazetta." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jamie at
direkta nang tinanong ang lalaking nasa harapan. "Gusto naming malamin kung bakit ka nagsinungaling."

"Nagsinungaling?" napataas ang kanang kilay ni Ben. "Hindi ako nagsinungaling noong ininterview ako ng news
writer nila. Bakit naman ako magsisinungaling? Anong mapapala ko doon?"

"Did someone force you to say what you've said sa interview?" I gave it a soft touch, masyado kasing agresibo si
Jamie kaya baka lalong manlaban si Ben. "Did someone coach you to tell the interviewer na tinakot ka ng aming
club?"

Marahan siyang umiling. "No one coached me. At sa tingin ko, alam ko na ang dahilan kung bakit nandito kayo.
Gusto n'yong bawiin ko ang lahat ng sinabi ko?"

"Ang gusto lang namin ay sabihin mo ang katotohanan. Kung may nanakot sa 'yo para pagmukhaing masama ang
club, matutulungan ka namin."

"Pawang katotohanan lamang ang mga sinabi ko. Kapag 'di pa kayo tumigil sa pangungulit, sasabihin ko sa Gazetta na
sinubukan n'yo akong takutin para bawiin ang sinabi ko."

Kumuyom ang mga kamao ni Jamie, damang-dama ko ang pagtitimpi niyang sampalin ang lalaking 'yon. Mukhang
kahit anong pakiusap namin, hindi magbabago ang isip niya. He looked surprised when he saw us but he did not seem
to be in any kind of trouble. Kung tinakot siya ng mga tauhan ni Moriarty, then there would be any sign of it.

Hinila ko na lamang ang kamay ni Jamie at iniwan si Ben. Nagpoprotesta pa ang kasama ko kung bakit bigla kaming
umurong sa laban.

"Malakas ang kutob kong tauhan siya ni Moriarty," sabi ko. "Kaya kahit anong gawin natin, hindi magbabago ang
statement niya laban sa club."

"Do you mean sinadya ni Moriarty na ilagay sa sarili niyang tauhan ang bomba?"

Tumango ako. "Para kung may sasabihin man siyang panira sa atin, mas madali siyang paniniwalaan ng lahat. Isa siya
sa mga muntik nang maging biktima kaya may bigat ang sasabihin niya."

Alam kong hindi dapat ako mamangha pero grabe ang foresight ni Moriarty. A seemingly sacrificial pawn before is
now being used to damage our credibility. Parang time bomb na hinintay lamang pasabugin sa tamang oras.

Muli kaming nagkita-kita sa rooftop para i-report ang progress ng mission namin. Hindi na rin kami pumasok sa first
subject namin dahil mas importanteng maprotektahan ang club kaysa sa boring discussion.

This time, karga-karga ni Loki si Freya sa kaniyang mga braso. Pero napansin kong nagkakulay ang mga paw niya.
Kaagad siyang tumalon mula sa bisig ni Loki at tumakbo papunta sa akin. I checked her paws and smelled paint on
them.

"HISSS!" bati niya kay Jamie nang makita ito. Napalayo naman ang babaeng nasa tabi ko sa takot na baka kalmutin
siya ni Freya.

"Any luck?" tanong ni Loki.

I shook my head slowly. "We thought Ben Ten was a random victim chosen by Moriarty to wear the bombs, but I
believed he was planted in the library for the purpose of ruining our club's image. Kumusta si Adonis?"

"No luck either. He said he cannot and will not change any word of his statement," sagot ni Loki. He still sounded
calm despite our efforts being in vain.

"Kung anuman ang hawak ni Moriarty laban kay Adonis, masyadong malakas kaya hindi natin basta-basta
makukumbinsing baligtarin ang sinabi niya sa Gazetta," dagdag ni Al. "We need to think of another way to turn this
around."

Jamie raised her hand. "Maybe we can intimidate the writer para baguhin niya ang isinulat niya? You may not approve
of this method pero baka we can dig up some dirt on that girl and threaten her to tell the truth?"

"And give the Gazetta another proof of intimidation?" Loki shot down her idea. "We are already being accused of
alleged threatening victims for our personal gains, dadagdagan pa ba natin?"

Natahimik kaming lahat. This is the first time we deal with this problem. We can solve cases to prove someone's guilt
or innocence. Ngayon, nahihirapan kaming patunayan kasinungalingan ang lahat ng mga sinabi nila sa amin.

"If we can't kindly ask the sources to change their statements..." humarap si Loki sa aming tatlo, "why don't we change
their statements?"

"Good idea," komento ko habang hinahaplos ang chin ni Freya. Nang mapagtanto kong magulo ang sinabi niya, sabay
kaming tumingin ng pusa kay Loki. "What did you say?"

"Only the sources can change their statements," sabi ni Al. "Unless mag-issue sila ng bagong statement na kino-
correct ang naunang pahayag nila, walang magbabago sa takbo ng istorya."

Muling naglakad-lakad si Loki sa harapan namin. "Lorelei, you probably observed yesterday that Zoey used her phone
to record our short interview. I assume she also recorded her interviews with Ben Ten and Adonis to serve as proof in
case someone questions the article."

"And how can we use the recorded interviews to our advantage?" tanong ko. "That only susbtantiates the credibility of
Zoey's article-"

"Unless," Jamie cut in, "we're gonna change the contents of the recorded interviews?"

"That's impossible!" I exclaimed, dahilan para mapatalon si Freya mula sa mga braso ko. "Naka-record na ang mga
'yon!"

"Lorelei, nakalimutan mo na yatang pwedeng i-edit ang kahit anong recording." Jamie looked at me as if I uttered a
stupid idea. "Kung mae-edit natin ang audio recording ng interviews nila, we can refute Zoey's article."

"That's a bold suggestion," komento ni Al. "Pero kung gagawin natin 'yon, Zoey's credibility as news writer will be in
question. Assuming na hindi siya direktang inutusan ni Augustus na siraan tayo o hindi siya connected kay Moriarty,
maybe she only wrote that article based on what she had."

Loki put his hands behind him and faced Al. He somehow reminded me of Luthor who does the same gesture. "What's
more important, Alistair? Her credibility as a writer or our integrity as a club? Moriarty is playing dirty, using our
school paper to sling mud at us. We may need to resort to cunning strategies."

"Pero paano natin gagawin ang pag-e-edit?" tanong ko kay Loki. "Alam kong marunong kang mag-lockpick pero
marunong ka rin bang mag-edit ng audio clip?"

"Fortunately, I know someone perfect for the job." Loki showed his phone and started tapping on the keypad.

"Who?"

"Herschel Aguirre."

###

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 3)


A/N: HAPPY 50TH UPDATE! Thank you sa mga active at silent reader na walang sawang sumusuporta sa story.
Nasa 800K mark na tayo!
I also wanna give a shoutout to Wendy Preciosa! Stay awesome, gurl~
And I'd like to officially confirm here on Wattpad that I will be collaborating with DETECTIVE FILES author
ShinichiLaaaabs. We haven't discussed the details yet but it might be a crossover between PL and DF characters.
Hope you will support our collaboration!
LORELEI
"MAY I remind you na isa akong tech geek at hindi isang magician."

It only took less than two hours before Herschel Aguirre-also known as Hershey-arrived in our school. As usual,
magulo pa rin ang buhok niya na parang tinamaan ng kidlat at nakasabit sa likuran niya ang kaniyang lab coat.
Loki told him about our dilemma and his request of editing the audio clips in Zoey's possession against our club.
Napakamot tuloy ng ulo si Hershey dahil sa pinapagawa sa kaniya.
"Hindi ko basta-basta mare-reproduce ang boses nila. Kailangan ko ng source na pagbabasehan at doon ko lang
magagawang i-edit ang buong clip," dagdag ni Hershey, hinahaplos ang ulo ni Freya na nakaupo sa tabi ko.
Dahil hindi pa safe na bumalik sa QED clubroom, sa rooftop muna ang temporary headquarters namin. Sa sahig
lamang kami nakaupo dahil walang available na upuan dito sa taas. Salamat din sa maulap na kalangitan dahil hindi
kami masyadong naiinitan.
"It won't be that difficult to get a copy of Zowen's recorded interviews with her sources," Loki said. "Maybe I can ask
her to give us copies so we can examine if the witness statements are true."
"Pero may nakakalimutan ka yata," Al cut in. "Sabihin na nating mae-edit ni Herschel ang recording, paano natin
maipapalabas na mas genuine ang hawak natin? Zoey will still have her own copy of the recordings and proof that
hers are the real ones."
"You underestimate Herschel, Alistair. He's a man who can make a seemingly impossible thing possible."
"Not really," namula ang pisngi ni Hershey, he seemed flattered by Loki's words. "What we need to do is to overwrite
the files in her device."
"So we need to steal her phone or laptop?"
"No, we only need to find a way to make her download a certain file where we will secretly attach the edited versions.
Kapag dinownload niya 'yon at inopen, the mechanism will automatically overwrite the ones saved in her gadget."
I have absolutely no idea how he's gonna do it, but Herschel sounded so confident that he can deliver exactly what
Loki wants. Tama nga ang desisyon ng club president namin na humingi ng tulong sa kaniya. The question is: Paano
namin mae-execute ang lahat nito?
Tumingin si Loki sa screen ng kaniyang phone at lumingon sa akin. "It's still lunch time. Maybe we can pay our
journalist friend a visit and start our plan. Lorelei, come with me. Jamie and Alistair, stay with Herschel and make
sure he won't get bored."
"Loki~ pwedeng ako na lang ang isama mo?" hirit ni Jamie, nag-puppy eyes pa siya habang nakatitig kay club
president.
"No." Loki turned to the rooftop door and climbed down the steps.
Sinubukang sumunod ni Freya sa akin pero mabuti't kinarga siya ni Al. Loki and I will go to the battlefield. It would
be better for her to stay in the safe ground.
Bago ako tuluyang nakababa, nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Jamie sa akin. She should not get mad at me.
Wala naman akong sinuggest kay Loki na ako ang isama niya sa pupuntahan namin.
"Once the edited recordings overwrite the original files, what are we gonna do?" I curiously asked my companion as
we rushed down the stairs. May mga nakasalubong kaming estudyante na pinagtitinginan kami. They must have read
the Gazetta's article.
"We need to make the recordings public and make everyone in the campus believe that Zoey edited her sources'
statements to ruin our image."
"But what if Zoey wasn't aware that her sources were only forced to feed her wrong information?" This was the same
argument that Al raised earlier. Kung inosente ang writer, masisira ang kredibilidad at pangalan niya sa buong
campus. Loki's plan was to publicly humiliate her para walang maniwala sa isinulat niya!
My companion paused at the middle of the flight of stairs and turned to me. "Look at the bigger picture here, Lorelei.
By damaging Zoey's reputation as a writer, the Gazetta-their editor-in-chief in particular-will also take blow from this
conundrum. Mapapaisip ang ilan, bakit hinayaan ng mga editor na ma-publish ang isang erroneuous report?"
"In other words, ito ang magsisilbing ganti natin sa Gazetta?"
"When someone shoots you with bullets, pull the pin of a hand grenade and throw it at them," he said as he resumed
his trip to the ground floor. "They messed with us, we will mess with them."
Of course, we need to fight back. But I do not want any collateral damage from this clash between our club and the
school paper. Pero mukhang kahit anong gawin namin, this is inevitable.
On our way to the publications office, we had to endure piercing looks from curious students. I could hear their
whispers, badmouthing our club. Na-tempt akong pagsabihan sila na kasinungalingan lamang ang mga nabasa nila sa
newspaper. But I restrained myself because it won't do any good sa amin.
Weeks ago, I defended the club from being dissolved by blackmailing the student council. Now we are on our quest to
diminish the credibility of our school publication to clear our club's name. Ganito pala kapag attached ka sa isang
bagay, handa kang ipaglaban ito kahit gumagamit ka ng mga unorthodox method.
Saktong pagdating namin sa tapat ng kanilang office, nakita namin si Zoey na may dala-dalang manipis na kahon,
mukhang isang package na ipinadala para sa kaniya. She smiled at us while Loki kept his poker face.
"I was about to greet you good afternoon, but I think that would be too insensitive." Huminto siya sa tapat ng pinto ng
kanilang opisina at hinarap kaming dalawa. "You probably have hard feelings on me for what I wrote, but I only did
my job."
"Your job is to tell the truth," Loki countered, his voice told me that he's restraining himself from engaging in a
harsher word war with the writer. "There's no truth in the article you published."
"Nakakasakit ng loob ang sinabi mo pero naiintindihan ko ang nararamdaman n'yo." What's more annoying is that
Zoey kept that smile on her lips. "Sooner or later, the school admin will launch an official investigation on your
alleged involvement in some cases that happened here."
"If you are really committed to the truth, then our club asks for copies of the audio recordings of your interviews with
your so-called sources," Loki sounded demanding. "If you have nothing to hide, then you can grant our request."
"I can give you the transcript," tugon ni Zoey, "to save you from the trouble of listening to how many minutes of
audio clips."
"We want the raw files. Baka may inedit ka sa transcript kaya para makasigurado, ibigay mo sa amin ang actual
recordings."
Tinitigan muna kami nang ilang segundo ni Zoey, she seemed to be reluctant to agree with Loki's demands. "Fine, we
promote transparency in the Clark Gazetta so I see no problem sending the files over. Kung 'yon ang ikatatahimik ng
konsensya n'yo, pagbibigyan ko ang hiling n'yo. Fair enough?"
Loki nodded. "Send them to . Since you are committed to the truth, do you mind if our club will give an official
statement about the accusations?"
"That would be great! Do you wanna do an interview now? Free ako hanggang one o'clock."
"Not an interview. A press release, sort of. I will send it to you after we review the audio recordings."
"I'd prefer a one-on-one or group interview with your members so I can raise important points about the issues."
"Need not to worry. I can enumerate at least ten questions that you probably have in mind right now. We will answer
those possible questions in our press release."
"Looking forward to it," Zoey waved her right hand as she entered their office. Umakyat ulit kami patungo sa rooftop
para hintayin ang ipapadalang file niya.
Now everything hinges on those recordings. We can turn the tide in our favor if Loki's plan succeeds.
Ang akala ko'y didiretso kami sa rooftop para balikan sina Hershey, Jamie at Al, pero biglang lumiko si Loki sa fifth
floor at diretsong naglakad hanggang sa marating namin ang university radio station.
"Anong gagawin natin dito? Balak mo bang mag-practice na maging disc jockey?"
"If we want to publicly humiliate our school publication, a live radio broadcast would do the trick. We will ask the
station manager to air our one-on-one face-off with Zoey across the campus."
"Teka, kaya nilang gawin 'yon?" Dahil isa akong transferee dito, hindi ako ganon ka-aware sa kanilang radio station.
Alam kong nag-e-exist ito, pero ni minsa'y hindi pa ako nakapag-tune-in sa kahit anong segment nila on-air.
"The radio station plays Christmas songs every lunch time starting November. And in special occassions, such as the
student council election debates, they broadcast it live across the campus."
"But you never told Zoey about this radio broadcast."
"Once the party is set, she will have no choice but to attend," Loki said, halting in front of the station's door. I
followed him as he went inside.
This is the first time that I have been here. May maliit lamang na lounge sa loob kung saan may mga nakalagay na
couch. On our left is the station manager's small office while on our right is the DJ's booth.
"You wait here," sabi ni Loki bago niya ako iniwan sa lounge at pumasok sa cubicle ng station manager. A bald man
probably around his fourties greeted my companion and shook hands with him. I could only see Loki's mouth moving
but I couldn't hear a single word. Napakrus ang mga braso ng station manager, patango-tango habang patuloy sa
pagsasalita ang kasama ko.
Weeks ago, when Loki was suspended due to what he did to Stein, he told me about his skill of lip reading. Noong
literal na nagpasabog si Moriarty, he demonstrated that skill to know what the officers on the scene were talking
about.
My eyes squinted as I tried to observe every movement of his lips. I could make out some syllables from it but when I
tried to put them together like pieces of a puzzle, nothing made sense. It's all gibberish.
Napabuntong-hininga na lamang ako at umupo sa couch. The fact that I am not Loki means that I cannot do some
things that he can do. Ni hindi ko nga kayang matulog nang dilat ang mga mata-a skill which he proudly showcased
before.
Ilang minuto ang lumipas bago siya lumabas sa cubicle. He jerked his thumb to the door at sumunod ako sa kaniyang
paglabas. I could not see any hint of disappointment on his face, though it was really hard to read. Baka umayon ang
lahat sa kaniyang plano.
"How did it go?"
"Tomorrow at lunch time, there will be a special program where I can air our side." Nagmamadali na naman siyang
maglakad na parang hinahabol ng aso. "I told the station manager that I will also invite Zory to present the whole
picture of the case. Just so you know, I helped him find the missing CDs in the station that's why he owes me a favor.
Wasn't a difficult case."
So far, everything's going smoothly as Loki planned and Zoey has no idea that a trap is being laid for her. I wish the
circumstances did not need to reach this point, pero nandito na e.
Nadatnan namin sa rooftop sina Jamie at Alistair na tutok na tutok sa laptop ni Hershey. Parang may ipinapanood
siyang pelikula or something na tiyak na nakakuha sa atensyon nila. Maging si Freya, nakikiusyoso rin sa pinapanood
nila.
"What do we have here?" tanong ni Loki, dahilan para lumingon silang tatlo sa kaniya. Mabilis siyang nilapitan ni
Jamie at saka hinila patungo sa spot kung saan nakaupo si Hershey.
"Herschel is showing us the software he will use to edit the audio recording, and it's cool!" Jamie explained, hindi pa
rin niya pinakakawalan ang braso ni Loki. Lalapit sana si Freya sa kaniyang amo pero napaurong siya nang makita si
Jamie. "Kumusta ang pakikipag-usap n'yo kay Zoey?"
"She will send the raw files within the hour. Kapag na-receive ko na, i-e-email ko kay Herschel para matapos niya
agad. How long do you need?"
Lumingon si Hershey sa kaniya at iniangat ang ulo. "An hour or two. I also need a close and quiet workplace para
hindi ako masyadong ma-dsitract."
"How about my apartment?" Loki suggested.
"That will do, basta walang maingay," sagot ni Hershey sabay tayo at pagpag sa kaniyang pantalon. "Tara?"
"Teka," itinaas ni Al ang kaniyang kanang kamay. "Mag-a-ala-una pa lang ng hapon. Are you suggesting na mag-
cutting classes tayo?"
"Alistair, if the world is about to be destroyed and this is the only chance we can save our planet, what would you
choose?" Loki asked. "Spend your last remaining hours in your boring classrooms or protect the world from
devastation?"
Masyado naman yatang malayo ang ginawa niyang analogy sa sitwasyon namin at sa pagkawasak ng mundo.
"It won't hurt our grades if we cut class once in a while," my childhood friend gave in to his duty to the club. Ever
since magkakilala kami, I knew that he would prefer to follow the rules. He always find it hard to break them. But
there are some instances where he set aside his principles. "We can use my car if you want. Kasya naman tayong lima
doon."
Bumaba na kami mula sa rooftop, hawak-hawak pa rin ni Jamie sa braso si Loki habang nakaalalay naman sa akin si
Al. Sumabay sa aming pagbaba si Freya. Hindi pa rin nawawala ang nagtatanong na tingin ng mga estudyanteng
nakakasalubong namin sa hagdan.
We went straight to the lot kung saan naka-park ang puting Subaru ni Al. Loki took the passenger's seat (though hinila
siya ni Jamie para umupo sa back seat) habang kaming tatlo ang nasa likuran. Before I closed the right car door, I saw
Freya licking her paws as her heterochromic eyes blinked at me.
Gusto ko sana siyang isakay at isama na sa apartment pero hindi pwede. Kahit auntie ko si Tita Martha, I cannot be
exempted sa general rule niya na no pets allowed. It might cause an issue sa mga ibang nangungupuhan kung bakit
pinayagan kaming magkaroon ng alagang hayop samantalang sila'y hindi.
I scratched Freya's chin. Nafi-feel din siguro niya na hindi siya pwedeng sumama sa amin kaya hindi na siya pumasok
sa loob ng kotse. All I can do is to assure her that we will be back to play with her in the clubroom once this ruckus is
over.
***
Kaagad na sinet-up ni Hershey sa aming living room ang kaniyang laptop at isinuot ang headset. By the time we
reached the apartment, Zoey already sent the audio clips to Loki which were forwarded to our tech expert.
Nakasalalay na ang lahat kay Hershey ngayon.
"I already told Zoey that she's welcome to join me tomorrow in the special radio program," Loki said as he sat on the
couch with his brand new laptop. "She seemed excited about it. No person could easily resist the temptation of the
spotlight. What I need to do next is the official statement of the QED Club."
"My dear Loki, do you want coffee or tea?" pumwesto si Jamie sa aming kusina at pinagbubukas ang mga cabinet.
Masyadong abala sa pagta-type sa keyboard ang lalaking tinanong niya kaya hindi siya sinagot nito. "How about you,
Alistair?"
"Anything's fine," sagot ni Al na nakatayo sa tapat ng spider's web of conspiracy ni Moriarty. He followed one of the
scarlet strands that led him to the photo of Augustus Moran.
Jamie asked Hershey next, but she also got no reply from the man who's now absorbed with editing the audio. I wasn't
surprised when she did not ask if I want a drink. She treated me as if I'm invisible. Malamang nagseselos dahil ako
ang sinama ni Loki kanina.
"Lori, do you have a moment?" humarap sa akin si Al sabay turo sa labas ng apartment. I followed him outside,
curious on what he had to tell me.
Dahil abalang-abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, walang nakapansin sa paglabas namin. I closed the door of
our unit before turning to my friend.
"What is it?"
"I don't think that I need to remind you, but it's your father's birthday this Sunday."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbuka ng aking bibig. Ano nga bang date sa Linggo? I almost lost
track of time. Anyway, should I thank Al for reminding me that it's my dad's birthday?
"He's going to host a dinner party at your house and he wants me to ask if you can come," Al continued.
I only stared at him for a few seconds, then I let out a restrained laugh. "Did he misplace my number kaya hindi niya
ako ma-contact? He could have texted or called me! But wait! He must be sooo busy with his business that he did not
bother to do it himself."
"He believes you blocked him from your contacts kaya ipinadaan niya sa akin ang invitation."
I bit my lower lip. I actually did. After he set up a trap to meet me at the Diogenes Cafe, kaagad kong inilagay sa
blocked list ang number niya.
"So you are playing the messenger now?"
"He wants to see you. Otherwise, he won't go through the trouble of asking me to relay his message. Will you come?"
I crossed my arms over my chest and my fingers began tapping. My default response would be no. But there's
something that is holding me back from refusing to go. At kung sasabihin kong "no," kukulitin at kukulitin ako ni Al
na pumunta. He accepted the challenge of persuading me to come kaya siguradong he won't let my dad down.
"Let me think about it." This is the safest answer for now. "My mind's currently preoccupied by what happened to our
club kaya hindi ako makakapagbigay ng matinong desisyon at the moment."
"I hope you will come to the party," Al smiled. But it wasn't his usual smile, parang may iba pang meaning 'yon. "I
assure you that some attendees will surprise you."
"Wait, what do you mean?"
Tumalikod siya't muling pumasok sa loob, ni hindi man ako binigyan ng kahit anong hint sa huling sinabi niya. He's
hiding something. He's definitely hiding something. And my curiosity is killing me!
"Hey, Al! Alistair!"
Ugh. I cannot force him to tell me anything. Ewan kung sinabi niya lang 'yon para ma-curious ako at mapilitang
pumunta sa party.
It took only an hour for Hershey to finish the editing. Bigla siyang tumalon mula sa pagkakaupo at iwinagayway ang
mga kamay niya na parang sumasayaw ng random dance moves. Hinawakan niya ang kaniyang laptop at nagpaikot-
ikot muna bago niya ipinakita sa amin ang "completed rendering" ng audio files.
"Ladies and gentlemen, the original version," he said before clicking the enter button. Narinig namin ang boses ni
Zoey na nagsimulang magtanong at ang boses ni Ben Ten na dire-diretso kung sumagot. Talagang idinidiin ni Ben na
gawa-gawa namin ang bomb incident para magpasikat sa buong campus.
"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?" tanong ni Zoey.
"Matatalino ang mga member nila kaya hindi na ako magtataka kung makakaisip sila ng ganitong gimik para sumikat.
Gusto nilang magpanggap na mga bayani sa school kaya naisip nila 'to. They are not real heroes," sagot ni Ben.
"And... here's your salvation," muling cinlick ni Hershey ang enter button. The next audio clip started the same way as
the first one, pero ang pagkakaiba...
"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?"
"Matatalino ang mga member nila kaya hindi sila makakaisip ng ganitong gimik para lang sumikat. Hindi nila gustong
magpanggap na mga bayani sa school kaya hindi nila maiisip na gawin 'to. They are real heroes."
Napatakip ng bibig si Jamie sa pagkamangha habang patango-tango si Al matapos marinig ang buong edited version.
With Hershey's superb skills in editing, nagawa niyang gawing pabor sa amin ang statement ng mga witness. And it
was flawless! Hindi mo man mahahalata na may ginawa siyang pag-eedit sa audio.
Sunod niyang pinlay ang interview ni Zoey kay Adonis. Gaya kanina, puro pandidiin sa amin ang mga sagot niya.
Pero nang mapakinggan namin ang edited version, we only heard Adonis defending our club's name from the
allegations.
"What can you say?" nakangiting tanong ni Hershey.
"Perfection, Herschel, perfection!" Loki exclaimed with matching slow clap. "We can turn the tables now, thanks to
you. I can imagine the surprised look on Zoey's face once she hears the overwritten audio clips."
"Now I need to secretly embed these clips on the file that your poor victim will download." Muling umupo si Hershey
at tinutukan ang kaniyang laptop. Sunod-sunod na pagtakatak ng keyboard ang narinig namin. "Tapos ka na ba sa
official statement mo?"
"Just in time," Loki replied as he pressed a button on his laptop. "Email sent."
Humarap siya sa aming tatlo nina Al at Jamie. "Now let's show Augustus that he should never ever mess with the
QED Club."
***
"You have no conclusive proof that our club is behind the bomb incident or any cases that occurred in this school,"
Loki argued calmly, his usual monotonous voice echoing in my ears. "We firmly deny these baseless accusations, as
what I have written in our official statement."
"Baseless accusations?" Zoey giggled. "We have witnesses who claimed that your club orchestrated these so-called
cases para makilala kayo. If we put the statements of these witnesses together, we will see a big picture that your club
has been deceiving the public."
Gaya ng sinabi ni Loki, kinagat nga ni Zoey ang special radio program kung saan dinedepensahan ng aming president
ang club. Naka-broadcast ito live sa buong campus kaya siguradong maraming napapatigil sa kanilang pagkain o
paglalaro para tutukan ang debate sa pagitan nilang dalawa.
Only Loki was allowed inside the DJ's booth. Kami nina Al at Jamie, naghihintay sa lounge ng radio station habang
nakikinig at pinapanood ang dalawa sa katabing cubicle. Freya was sleeping on my lap, probably she also wanted to
hear how Loki's plan would play out.
"How sure are you that your witnesses' statements have any credibility?" Loki replied. "Paano kung tinakot lang sila
para magsalita laban sa amin? And it is also possible that you misunderstood what they said."
"You asked for copies of the audio clips so we heard the same thing."
"I don't think so. I heard exactly the opposite of what you have claimed in your article."
Biglang napawi ang ngiti sa mukha ni Zoey at kumunot ang kaniyang noo. "You cannot refute the statements of the
witnesses kaya ang understanding ko sa sinabi nila ang tinitira mo ngayon? Are you that desperate, Mr. Mendez?"
"You should have reviewed the audio clips, Ms. Beltran. You might have misunderstood what your interviewees
said."
Not that it matters, but her surname's Bernardo, not Beltran!
"I transcribed our interviews and doublechecked it. Imposibleng nagkamali ako."
"Then do you mind if you let everyone in this campus listen to the interviews? We are in a live broadcast anyway."
Zoey smirked as she took out her phone and started swiping on the screen. "If you insist."
Itinutok niya ang hawak na phone sa kaniyang microphone. Una niyang pinlay ang interview niya kay Ben Ten.
"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?"
"Matatalino ang mga member nila kaya hindi sila makakaisip ng ganitong gimik para lang sumikat. Hindi nila gustong
magpanggap na mga bayani sa school kaya hindi nila maiisip na gawin 'to. They are real heroes."
As the audio clip went out, dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Zoey at bumuka ang kaniyang bibig. Her shocked
face told me "what the hell is going on?!" Maging ang student disc jockey na nasa booth ay nagulat.
"In your article, you wrote that Ben Ten said the bomb incident was staged by our club to make ourselves look like
heroes." May dala pa talagang kopya ng Clark Gazetta si Loki na ipinakita niya kay Zoey. "Then why did your audio
clip contradict everything that you wrote?"
The news writer shook her head in disbelief. "Hindi, may mali rito. Sigurado akong tama ang pagkakadinig ko sa mga
sinabi niya!"
"The evidence is in your hand, Ms. Beltran," Loki spoke slowly, probably savoring the confusion on Zoey's face. This
is what he wanted after all. "And the evidence never lies. But you can, whether intentionally or not. What about the
other audio clips? Can you play them as well?"
Nanlisik ang mga nakatitig na mata ni Zoey kasabay ng kaniyang pag-tap sa screen ng kaniyang phone. Sunod niyang
pinlay ang interview niya kay Adonis.
"Pumunta pa talaga sila sa apartment ko para kunin ang mga blackmailing paraphernalia ko. Pinuwersa nila akong
itigil na ang pambablackmail sa mga babae. Wala akong nagawa kundi sumunod-"
"No, no, no! Something must be wrong with these recordings!" Kaagad na inihinto ni Zoey ang pag-play sa audio clip,
balak na nga yata niyang ibato ang kaniyang phone kay Loki. "You! You probably tampered with these files! Is that
why you asked for copies yesterday?!"
"I needed to listen to them for reference to our official statement. And just so you know, I never touched your phone
so how could I tamper with your files?"
"GO, LOKI DEAR!" Tumayo pa talaga si Jamie at itinaas ang kaniyang kanang kamao para i-cheer ang club president
namin. Nagising tuloy si Freya sa pagkakahimbing niya.
"Whether Ms. Beltran intentionally or unintentionally twisted the words of her interviewees to ruin our club's image, I
believe it is clear to everyone listening to this broadcast that the article was erroneous." Despite his apparent victory
over Zoey, Loki remained composed. Pinipigilan niya siguro ang sarili niyang ngumiti sa pagkapanalo niya. "We
appeal to the editorial board of the Clark Gazetta, especially to editor-in-chief Augustus Moran, to investigate this
matter so it won't happen again."
"Ha-ha. Ha-ha-ha! Hahahaha!"
Everyone in the radio station turned to Zoey, who laughed out of the blue. I hope she's not yet losing her mind because
of humiliation.
"Brilliant! I gotta hand it to you, Mr. Mendez," she continued, a wide smile plastered on her lips. "I don't know how
you did it, but you managed to turn the story around."
"Are you gonna admit your mistake as a campus journalist who swore to deliver nothing but the truth?"
"No," Zoey answered with conviction. Naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "I stand by my report that
the QED Club tried to deceive everyone and made themselves look like the good guys where in fact, they are rotten to
the core."
"Your so-called proof no longer corroborates your report."
"But I have a much solid proof that your club is involved in illegal activities like blackmailing."
Biglang sumama ang kutob ko sa pahayag ni Zoey. Loki mentioned yesterday that she might have something up her
sleeves. At baka ito na 'yon.
"I wasn't supposed to tell anyone about this information until we verify it, but Mr. Mendez forced my hand," she went
on. "Kahapon, nakatanggap ako ng package mula sa isang concerned citizen na naniniwalang hindi malinis ang QED
Club."
Package?! Come to think of it, may dala-dala siyang manipis na kahon nang kausapin siya ni Loki kahapon.
"When I opened it, I saw a silver laptop. Ang akala ko nga, nagkamali ang courier na pangalan ko ang nakasulat sa
recipient. There was a piece of paper inside kung saan nakasulat ang password. Out of my curiosity, I logged in... and
found something interesting."
Oh my! That silver laptop! Could it be-
"Anong nakita mo sa laptop?" tanong ng radio program host na kanina pa natahimik dahil sa intense na palitan ng
dalawang guest niya.
"There's a folder containing compromising photos of several students in this campus," sagot ni Zoey. "One may use
those materials to blackmail a certain group of people."
"Teka, paano ito naging konektado sa QED Club?"
"Upon checking, I found out that the laptop belongs to Loki Mendez. And he chose the most appropriate of names for
that particular folder. Once you open it and leak its contents, hell will break loose."
"Pwede mo bang sabihin ang pangalan ng folder?"
Zoey grinned triumphantly. My heart started beating faster than usual. I have an idea on what she's referring to.
"Why don't you ask the laptop's owner? I'm pretty sure the name 'Pandora's Box' rings a bell."
###

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 4)


LORELEI
HOW ARE we gonna survive this story?
I thought victory was at hand when Zoey played the edited audio clips. But no, she had something up her sleeves and
we were caught by surprise.
The Pandora's Box. Who would have thought that it can be used against Loki? It was a trump card saved by the enemy
until the very last moment-the time that we were about to claim that we won.
Moves and countermoves. This mudslinging campaign was initiated by one of Moriarty's generals and Loki's silver
laptop was stolen probably by one of the mastermind's agents. Right now, we are losing. Malapit na kaming ma-
checkmate.
"Timing! Timing!" Loki exclaimed as he began pacing the rooftop, his fingertips put together. Kung kanina'y kalmado
siya sa radio station dahil inakala niyang matatalo na namin si Zoey, ngayo'y medyo nababagabag na siya. "We were
about to steal the gun away from her. Then she suddenly took out a bazooka."
Jamie raised both of her hands as she attempted to approach Loki, pero may pag-aalinlangan siya. "Ka-Kalma ka lang,
Loki. Malulusutan pa natin 'to. I f we managed to turn the witnesses' statements against the student publication, we
can still turn the tides to our favor."
Tumigil si Loki sa paglalakad at hinarap siya. "But how? My name's on the laptop. They can check the date when the
Pandora's Box was created and it will only further solidify their claim against me, against us. We need to think of
something."
"What if you tell them the truth? On how you got those photos and why you saved them in your laptop?" It was
Alistair's turn to suggest. "The only way we can prevent a lie from growing like a flower that allures people is by
quickly cutting it with the sharp blade of truth. "
"But the truth doesn't matter anymore," Loki countered as he resumed pacing back and forth. "Zoey and the Gazetta
will only twist the facts to suit their claim that we are a dirty club. And the Pandora's Box might be the nail in the
coffin!"
"Can't Herschel do anything?" tanong ni Jamie. "Nagawa niyang i-edit ang mga audio clip at i-attach ang mga 'yon sa
pinadala mong file kay Zoey. If he can use a mechanism that can overwrite files, maybe he also has something that
will delete the contents of the Pandora's Box?"
"I already asked him if he can hack my laptop so he can erase evidence that might incriminate me. But he couldn't
access my stolen device because it wasn't connected to the internet."
Napatakip na lang ako ng mukha at yumuko. Freya tried to cheer me up by rubbing her body on my leg. She could
sense the tension rising among us. The situation rwas so severe that we couldn't afford to smile anymore.
Loki was staring at the skies, his fingertips glued together, when he snapped his fingers and turned to us. Nagkaideya
na siguro siya kung paano namin malulusutan ang sitwasyong 'to.
"We have no choice but resort to underhanded tactics. Again. We will steal the laptop in their possession."
"So how are we gonna do it?" Al crossed his arms over his chest. "Hindi naman tayo pwedeng pumasok sa
publciations office ng Clark Gazetta at biglang hablutin ang laptop mula sa kanila."
"We have to create a commotion that will force them to leave their office immediately," sagot ni Loki. "We only have
an hour before they turn over the laptop to the Campus Police. Kailangan na nating kumilos."
"How about a bomb threat!" Jamie raised her finger, with eyes widened and face brightened up. "Kung ite-text natin
ang isa sa mga professor, telling them that we planted a bomb somewhere in the campus, everyone will be forced to
vacate their rooms immediately."
"Brilliant idea, Jamie!" our club president replied. "That will keep them away from the office while we steal the
laptop. We choose a professor who's easily alarmed and there shall be chaos."
"Chaos, huh?" Al remarked, his eyes blinking as they gaze at Loki. "I wonder if this plan won't backfire on us. Hindi
pa natin ito masyadong pinag-iisipan. Yes, everything may go exactly as planned. But have we considered the
consequences that this chaos will create?"
"We need to create chaos so we can put everything back in order again," our club president said. "I do not like how the
chessboard is set. The solution? Flip the chessboard and put all pieces back to their rightful places again."
"How about the potential casual-"
KKKRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNGGGG!
Napatakip kaming dalawa ni Jamie ng tenga nang bumulabog sa amin ang nakakabinging tunog na 'yon. Lumingon-
lingon sina Loki at Al sa paligid para alamin kung saan galing ang mala-sirenang tunog.
"That's the fire alarm, isn't?" Loki looked at us with knitted eyebrows.
"This isn't a part of your trick?" tanong ni Al.
"We just agreed that we will use the bomb scare strategy as a diversion. We haven't even discussed or opened the
topic of using the fire alarm."
"Kung ganon, totoong may sunog sa school building?" may pag-alalang komento ni Jamie, napatakip pa ng bibig.
"What a coincidence, isn't it?"
"You may consider it as a miracle."
"Attention to all students! This is a surprise fire drill! Please vacate your rooms immediately. I repeat, please vacate
your rooms immediately. Campus police officers have been deployed to assist you. Do not panic. I repeat, do not
panic!"
"We would be fools if we let this opportunity pass!" sabi ni Loki sabay takbo sa hagdan. Sumunod kaming tatlo sa
kanya, maging si Freya, at nakipagsabayan sa mga estudyanteng nagmamadaling bumaba. May ilan pa kaming
nabangga sa dinaanan namin.
"Huwag mag-panic! Huwag masyadong magmadali!" sigaw ng isang campus police officer na nakaistasyon sa ground
floor. He was directing the students to proceed to the exit.
Dumiretso kaming apat sa kabilang wing, sumasalungat sa bugso ng mga estudyanteng galing doon. Kinarga ko na si
Freya sa mga braso ko dahil baka matapakan siya ng mga nakakasalubong namin.
"Just in time!" Loki exclaimed as we reached the door to the publications office. Mukhang wala nang tao sa loob dahil
naka-lock na ito. He took out his lockpicking kit as he prepared to intrude.
"Excuse me? Ano pang ginagawa n'yo rito?"
Lumingon kami at nakitang papalapit sa amin ang isang campus police officer. He was probably assigned to this wing
of the school building.
"May nakalimutan kasi kami sa loob ng office namin kaya kailangang kunin," palusot ni Jamie sabay pagpapa-cute sa
officer. Pakurap-kurap ang mga mata niya't nagpa-pout pa para kumbinsihin ang lalaki. That's Jamie for you-her
irresistible charm on men.
"Ang utos kasi sa amin ni chief ay siguruhing walang maiiwang estudyante sa building." Oops, looks like someone
wasn't one hundred percent enchanted by Jamie's sweet smiles. "I'm sorry pero kailangan n'yo nang lumabas ng
building. Pwede n'yong balikan 'yan mamaya."
"Just two minutes, please?" Nagpa-puppy eyes na si Jamie sabay hawak sa kamay ng campus police officer. "Your
superior won't know unless we tell him, right?"
"You have nothing to fear," pasimpleng lumapit si Loki sa pinto ng publications office at sinubukang ipasok ang
dalawang mala-alambreng bagay sa keyhole sa kaniyang likuran. "You can tell Inspector Estrada that this is for a case
we are investigating."
"Unfortunately, Inspector Gareth Estrada is no longer the chief of the campus police."
"Inspector Double M!" biglang sumaludo ang campus police officer.
Natigil si Loki sa ginagawa niyang lockpicking nang makita namin ang isa pang lalaking may katangkaran na
sumulpot sa likuran ng pulis. Matipuno ang kaniyang pangangatawan, fit na fit sa kaniya ang suot niyang uniporme na
kagaya kay Inspector Estrada. But what really got my attention was the scar across his nose.
"What do you mean... sir?" tanong ni Loki, mabilis niyang itinago sa kaniyang bulsa ang lockpicking kit at
humakbang palapit sa lalaking nasa forty o fifty years old na siguro.
"Inspector Estrada has been relieved from his duty as chief of campus police and reassigned to another unit."
W-What? Dahil ba 'to sa mga nangyari nitong nakaraang araw? Lalo na nang malaman nilang isang killer ang officer
ng campus police?
"I am now the chief," the middle aged man added, his hands inside his pockets. "Morgan Morales, at your service.
You can call me Double M."
Napaurong nang ilang hakbang si Jamie at napakapit kay Loki habang nanatili si Al sa kinatatayuan niya. I felt
intimidated by the mere presence of the new campus police inspector.
"Officer, guide these students out of the building. They must have lost their way."
"Yes, sir!"
Wala nang nakakibo sa aming apat, maging si Loki. His aura was so strong that we did nothing except follow the
officer's lead across the hallway. Kung kailan makakatulong sana ang pagiging acquainted namin kay former
Inspector Estrada, doon pa siya ni-reassign.
"What should we do now?" tanong ni Jamie habang nakatingala sa rooftop kung saan kami nag-uusap-usap kanina. "I
don't think the new campus police chief will cooperate with us."
"I figured it would be pointless to convince him so I decided not to speak a word," sabi ni Loki habang nagdo-drawing
ng barko sa may lupa. "Just when everything's sailing smoothly, life cries 'plot twist!' and sends crushing waves to our
ship."
Is fate playing a trick on us? Bakit kung kailan malapit na naming makamit ang tagumpay, biglang may susulpot o
mangyayaring hindi inaasahan? Noong una, 'yong Pandora's Box. Ngayon, 'yong bagong campus police chief.
Nilapitan tuloy ni Freya ang aming club president at sinubukang pasiyahan ito. Hinaplos-haplos ni Loki ang ulo ng
pusa at bahagyang napapangiti sa reaksyon ni Freya.
"So much for underhanded tactics now," Al commented. "What Loki can do now is to tell them the truth and answer
their questions about the contents of the laptop."
"Looks like that's the only option left," Loki said, still scratching the chin of our club cat. "Maybe I can turn
everything around during the interrogation. Don't worry, if worse comes to worst, I will insulate you from the
charges."
"LOKI!" sabay naming bulyaw sa kaniya ni Jamie.
"If I go to prison, please bring me a basket of oranges and a box of donuts." Hindi ko alam kung nagjo-joke ba siya o
sineseryoso niya ang posibilidad na makukulong siya dahil sa mga sensitive photo sa laptop niya.
"I won't let that happen!" biglang niyakap ni Jamie mula sa likuran si Loki. "Kakalbuhin ko si Zoey kapag nangyari
'yon! I swear!"
Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi niyang "take advantage of the situation." Maybe this is an example of it?
Beep! Beep! Beep!
Inilabas ni Loki ang kaniyang phone, nakadikit pa rin na parang linta si Jamie sa likuran niya. When he saw the
number flashing on the screen, he rolled his eyes first before answering it.
"Zoey, what a pleasant surprise," he answered drily to the call. Pinindot niya ang loudspeaker button para marinig din
namin ang usapan nila ng writer na nagtangkang magpabagsak sa amin.
"We will present the evidence to the campus police later. If you want to see for yourself if we really have the laptop,
you can come to the station."
"Thank you for the generous invitation. Much appreciated," he replied before tapping the hang up button.
"Will you come?" tanong ko.
Loki nodded. "Declining their invitation might be seen as a sign of guilt. It is best to appear in the station to show
good faith."
***
Now the moment of truth.
Isinama ako ni Loki sa campus police station dahil ako lang-maliban sa kanya-sa aming apat na member ng QED Club
ang nakakita sa laman ng Pandora's Box. Baka kasi may ginawang trick sina Zoey at mga kasamahan niya sa Gazetta
para lalo kaming idiin sa kanilang akusasyon sa amin.
Habang papasok kami sa lobby, naalala ko 'yong nangyari ilang gabi na ang nakararaan... when Officer Bastien
Montreal shot himself after revealing a bit of information about Moriarty. Napatakip ako ng bibig at muntikan nang
masuka nang maalala ko ang madugong scenario dito.
Moriarty... He must be enjoying his cup of tea now while laughing at the crisis that our club is facing. Augustus may
have initiated the mudslinging campaign, but it was probably Moriarty who had approved of this operation.
Dumiretso kami sa interrogation room kung saan nakaupo na si Zoey, hawak-hawak ang isang laptop case. The new
campus police chief was also there with the officer we met earlier.
"Please take a seat." Inspector MM motioned to the vacant seats near Zoey's. Kahit may tensyon sa pagitan namin at
ng news writer, umupo kami sa kaniyang tabi at kunwari'y okay ang lahat.
Binuksan ni Zoey ang case at inilapag ang laptop sa mesa. "We verified the contents of this laptop which is owned by
Loki Mendez. This will prove that he was in possession of some sensitive materials."
The inspector's fierce eyes glanced at me and Loki. Agaw-pansin talaga ang peklat sa kanyang ilong. It made him
appear scarier and more intimidating. "If what she said was true, formal charges can be filed against you, Mr. Mendez.
Medyo nakakapanghinayang lang. I heard so much good things about you."
Zoey turned on the laptop and the Windows loading screen appeared. Iniharap niya ito kay Inspector MM at sinabayan
pa niya ng isang malawak na ngiti. "The truth shall be revealed now."
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, parang kahit anong sandali ay sasabog ito. This could be our club's
downfall, exactly what Moriarty wanted. I looked at Loki, he maintained his composure but I could see on his
clenched fists that he's containing his anger.
Kung tumitindi ang tensyong nararamdaman naming dalawa, kumpiyansang-kumpiyansa naman si Zoey sa
ebidensyang hawak niya. I still wanna believe that she wasn't being deliberately used by Moriarty to destroy our club.
"Hmm?" tumaas ang kanang kilay ni Inspector MM, nakaukit sa kaniyang mukha ang pagtataka. "There is nothing
here."
"EH?!" biglang napatayo si Zoey sa kaniyang upuan at dali-daling tumabi sa chief ng campus police. Nagtinginan
kaming dalawa ni Loki, maging kami'y nagtataka kung anong nangyayari.
"I-Impossible! Dapat nandito lang 'yon! Bakit nawala ang mga file nito?!" Halos magdikit na ang kilay ni Zoey
habang desperadong nagta-type sa keyboard. Naging mabibigat ang bawat pagpindot niya sa keys, kulang na lang ay
masira niya ang laptop.
"Sigurado ka bang may laman 'yan bago mo dinala sa amin?" tanong ni Inspector MM.
"Last naming binuksan ito noong lunch time bago ang fire drill!" sagot ni Zoey, bahagyang lumakas ang kaniyang
boses at tuluyan nang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "My colleagues can prove that there is a folder named as
Pandora's Box here!"
"Pero nasaan 'yon? Baka aksidente mong na-delete o na-format ang laptop?"
"No! This is our evidence against them, we will not do something stupid!" Sinabunutan na ni Zoey ang sarili niya at
halos maiyak na. Bumulong-bulong pa siya, tinatanong kung anong nangyari.
Tumayo na si Inspector MM kasabay ng mabagal na pag-iling. "Mukhang nagsayang lang tayo ng oras dito. You have
no proof or whatsover of claims against Mr. Mendez."
"Pero sigurado akong may laman ang laptop na 'to!"
"Then show it to us," the inspector said before leaving the interrogation room. Napaupo na lamang si Zoey at natulala,
bahagyang bumuka ang bibig at nangingilid ang mga luha.
And here we are, still seated, wondering what in the world happened. Maybe this is another twist of fate. But this
time, it was in our favor.
***
All's well that ends well. It was good news to the club that Zoey produced no evidence to support her stand against us.
Ilang beses ko ring tinanong kay Loki kung meron ba siyang Plan B kaya nabura ang mga file sa laptop. Pero ilang
ulit din niya akong sinagot na wala siyang kinalaman sa nangyari.
The tables will turn again, now in our favor. This incident will deal a heavy blow on our student publication. Zoey's
mistake was to broadcast that they have something to prove our club's alleged illegal activities. Pero dahil wala siyang
naipakita sa campus police, magba-backfire ang mga sinabi niya. I can't help but wonder how Augustus will spin this
story.
Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, dumaan muna ako sa girl's comfort room bago dumiretso sa club room.
Kinailangan ko ring pumasok sa afternoon classes namin kanina pagkatapos ng confrontation sa campus police
station.
"That was close," narinig ko sa aking likuran nang lumiko ako sa hallway. Pamilyar ang boses ng lalaking 'yon. I
came into a halt and slowly turned around.
"Congratulations, your club survived."
"Rye Rubio," I muttered. He's the guy from the student executive committee. Nakasandal siya sa pillar at nakapamulsa
pang humarap sa akin. Gaya ng dati, natatakpan ng bangs ang isa niyang mata.
"Pasalamat kayo sa fire drill kanina, nabaligtad pa natin ang sitwasyon," tugon niya nang hindi tumitingin sa
direksyon ko.
Teka, natin? Fire drill? Ang ibig niya bang sabihin... "You guys were behind it? You were the ones who erased the
contents of the laptop?"
"Hindi namin binura ang laman ng laptop. Pinalitan namin ito ng kaparehong model," sagot ni Rye, sa wakas ay
ibinaling na niya ang tingin sa akin. "The fire drill, the laptop switch. It was Luthor's idea to save your club. He asked
Maggie to arrange everything. Salamat sa bomb scare na napigilan n'yo dati, kaagad naming nakumbinse ang campus
police na magsagawa ng drill."
Lu-Luthor! So he was the brains behind what happened earlier! I doubt Loki would ask for his help so he probably
mobilized everything out of his own will. Despite his younger brother's attitude toward him, Luthor cares for Loki. If
he doesn't, he would not go through the trouble of saving Loki and our club out of this dire situation.
"We will send the laptop back to your partner, but this time, siguruhin n'yong wala nang makakakuha nito." Umalis na
siya mula sa pagkakasandal sa pillar at naglakad patungo sa kabilang direksyon. "Magkakampi na tayo ngayon kaya
kailangan nating tulungan ang isa't isa."
He did not say any words of farewell but he waved his hand at me. I watched him vanish from my eyeshot, still
surprised about their commitment to the alliance between us and the student executive committee.
***
The next day, we read a post on the Clark Gazetta's bulletin board about the resignation of their news editor and Zoey
for the erroneous article they published about the QED Club. They promised to verify the reports and their sources
before publishing them to avoid another smilar incident from happening again.
"They had it coming," Loki commented as he walked away from the bulletin board.
"I was expecting Gus to resign since he was the one who gave the go-ahead to print the QED story," I replied,
following him to the stairs. "Pero mukhang hindi siya basta-basta magre-resign."
"His position as editor-in-chief is too valuable to Moriarty's organization. He cannot afford to lose it. Someone needs
to take the fall. In this case, the news writer and the editor."
Pagtuntong namin sa second floor, we noticed a number of students huddled outside a classroom. Meron din akong
napansing cordon sa pintuan nito at ilang campus police officer na nakaistasyon sa labas.
Out of curiosity, Loki ran toward the crime scene, passing through the barricade made by the students. Wala akong
nagawa kundi sumunod sa kanya at sumingit sa mga grupo ng estudyante.
We saw a male student who was hanging on the ceiling. There's a rope tied around his neck and a chair below him. I
squinted my eyes to look at his face. It was familiar, probably I met him before.
Tinakpan ko ang aking bibig nang makilala ko siya. It was Benjamin Tenorio, one of Zoey's sources who said
something against the club. Kahit na nakabigti siya at mukhang suicide ang nangyari, my guts told me that it was
murder disguised as suicide.
"Mo-Moriarty?" I asked Loki as I gazed at him. Connecting the dots, only the criminal mastermind can order any of
his agents to kill Ben.
"I don't think so," my companion replied, pointing at the bloody writing on the whiteboard.

What's going on here?


"Apparently, someone is trying to get Moriarty's attention," Loki said.
###
P. S. Chapter 29 and 30 will be Lorelei-centric. After more than twenty chapters, the question "what really happened
to her?" will be answered. Stay tuned for the next updates!

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco

LORELEI

"LORELEI? RELAX ka lang diyan, ah? Don't worry, mag-e-enjoy ka naman mamaya. Hihihi~
Ungh! Ungh! Ungh!
"Ssshh! I-reserve mo na lang ang pag-ungol mo mamaya, 'kay?"
"Oo nga! Huminga ka na lang nang malalim."
"Ang kulit-kulit mo kasi. Alam mong hindi mo dapat binabangga ang Queen Bee."
"Tingnan mo ngayon ang nangyari sa 'yo. Sa susunod, huwag kang umastang detective, ha?"
"Kahit may alam ka o feeling mo may kahina-hinala, shut up ka na lang para hindi ka mapahamak."
"Teka, sigurado ba kayong malakas ang tama nung nilagay n'yo sa inumin niya?"
"Don't worry, bro. Kahit ano'ng gawin natin sa kanya, hindi na niya matatandaan paggising niya bukas."
"LORELEI!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo, malalalim ang bawat paghingal na parang muntikan nang malunod sa dagat.
Oo, muntikan na nga talaga akong malunod, pero salamat sa kaibigan ko, nailigtas ako mula sa kapahamakan.
I sat upright on the passenger's seat, looking at my reflection through the hand mirror. Those images... it has been a
while since they haunted me. Maybe I was too preoccupied with the cases we solved that I somehow forgot about
them.
"Okay ka lang ba? You look pale," may pag-aalalang sabi ni Alistair na sandaling sumulyap sa akin. His hands were
on the wheel and his eyes were focused on the road ahead. "Gusto mo bang mag-stop over muna tayo?"
I shook my head slowly. His concern is much appreciated but there's nothing to be worried about me. Minsan talaga,
dinadalaw ako ng mga bangungot. May ilang mga alaala na kahit gaano mo kalalim ibaon para malimutan mo, babalik
at babalik pa rin sila at guguluhin ang buhay mo.
From Angeles City, Pampanga, we traveled all the way to Manila, particularly to Sherrinford High, our previous Alma
Mater. When Al asked me weeks ago kung gusto kong bumisita doon para sa cultural festival, medyo nag-alinlangan
ako. Part of me wanted to go, part of me wanted to forget that such place existed. Once you are scarred for life, you'd
wish that a part of you never existed.
And a part of me existed in that school where I learned the warmth of friendship and value of camaraderie.
In the end, I decided to go with Al and revisit my old home. The past is a good place to visit, but never linger on it
because it would only bring back memories that you wanted to forget.
Dahil na rin sa haba ng biyahe kaya nakatulog ako kanina at napanaginipan ang nangyari noon. But as I fell deeply
into that nightmare, Al pulled me back like what he did before.
"Sayang, hindi natin kasama sina Loki at Jamie," may panghihinayang niyang sabi habang na-stuck kami sa traffic.
His fingers were tapping the driving wheel as he waited for the green light. "It would be probably fun with them.
Kailangan din nating mag-break. Masyado nang maraming nangyari the past few weeks."
Yes, Al invited Loki to come with us. But knowing my roommate, alam kong tatanggi siya at sasabihing mas
gugustuhin niya pang magkulong sa kuwarto kaysa pumunta sa isang school festival. It is no longer a secret that he's a
bit anti-social and he does not like mingling with others.
At dahil hindi siya kasama, hindi na rin sumama si Jamie. She was looking forward to it when we brought up the
topic. Pero biglang nagbago ang isip niya nang sabihin namin wala si Loki.
Maybe it's best kung wala si Loki dito dahil baka may mangyaring krimen sa kalagitnaan ng festival. Sabi nga ni
Inspector Estrada, sinusundan siya ng kamalasan kahit saan man siya magpunta. If his mere presence would only ruin
the festivity, I'd rather that he would stay at the apartment.
But our trip back to Manila is not only about visiting our old Alma Mater. Coincidentally, my father's birthday party is
set tomorrow. Hindi ko pa alam kung dadalo ako dahil ayaw ko pa siyang makita sa ngayon.
We arrived at the entrance gate of Sherrinford High at around nine o'clock in the morning. Mula sa malayo, kitang-
kita na ang malaking tarpaulin kung saan nakasulat ang mga salitang "WELCOME TO SHERRINFORD HIGH'S
50TH CULTURAL FESTIVAL!" Marami ring mga outsider na pumapasok para makisaya sa fiesta.
How I missed this sort of school events! Noong nag-aaral pa ako rito, I was always looking forward sa mga festival
dahil talagang pinaghahandaan at dinadagsa maging ng mga taga-ibang school. Sa Clark High kasi, dahil hindi ganon
ka-prestigious tulad ng Sherrinford Academy, simple lang ang mga activity.
Binuksan ng mga security guard ang iron gate at pinapasok ang kotse ni Al. Salamat sa sticker na nakadikit sa
kaniyang windshield, may easy access siya sa loob at labas ng campus. He drove to the parking lot and found a spot
where he could park his blue Subaru.
"Let's go?" He asked as he unfastened his seatbelt.
"Just a moment." I combed my long hair and put it in a bun. Isinuot ko rin ang aking shades bilang proteksyon sa
nakakasilaw na sikat ng araw. Maalinsangan ang panahon kaya hindi advisable na nakalugay ang buhok ko.
"Putting up a subtle disguise, huh?" Al smirked as he darted a curious glance at me. That smirk could only mean he
saw through my motive.
Yeah, he's right. Sinubukan kong mag-disguise gamit ang ibang hairstyle at shades para hindi ako makilala ng mga
estudyanteng nakakasalubong namin. What happened before might still be fresh in other people's mind so I'd rather
take precaution.
Pero hindi lang dahil doon. Nahihiya din akong makita ng mga dati kong classmate. I ignored their messages of
concern the past few months, when I transfered to Clark High. Seenzoned silang lahat sa akin. Imagine the look on
their faces once they see their snobbish former classmate walking in broad daylight.
"I only told Lionel that you would come with me," Al said as we approached the open area where groups of people
gathered. Maingay rin ang pinatutugtog nilang music kaya kinailangan niyang lakasan ang kaniyang boses. "He's
ecstatic to see you again. How long has it been? Six or seven months?"
Lionel... Matagal-tagal ko na ring hindi narinig ang pangalang 'yon. Isa siya sa mga kaibigan ni Al. Like my childhood
friend, he has a strong sense of justice.
My eyes widened as I stared at the colorful booths stationed in every corner of the open area. Halos lahat ng mga tao
rito'y naka-casual clothes lang. Hindi siguro ipina-require ang pagsusuot ng uniform dahil cultural festival naman.
Bigla akong nagbalik-tanaw sa mga dating school festival na inattendan ko rito. Ang mga booth, ang mga makukulay
na banderitas, ang maiingay na sound system pati 'yong paos na announcer sa message booth... Para akong nag-time
travel nang ilang sandali sa nakaraan.
I sometimes wonder: What would have happened if I stayed here? Would my life be more peaceful? There's no
Moriarty here, no Stein Alberts, no series of baffling cases.
But if I stayed, I wouldn't have joined the QED Club. I wouldn't have felt the thrill whenever we are solving a case. I
wouldn't have met the two-faced Jamie and be intimidated by Luthor's chilling aura. And most importantly, I wouldn't
have met Loki.
I shook my head, hoping to shrug off these thoughts. Nandito ako ngayon para mag-enjoy, para pansamantalang
kalimutan ang mga pinagkaabalahan namin sa Clark High. I wouldn't want to ruin a seemingly perfect day by
retrospection.
"Maybe we should visit Lionel's office first," Al suggested, and we strode off to the school building just ahead of us.
"Teka, ano na nga bang posisyon ni Lionel dito? Bakit siya nagkaroon ng office?"
"Hindi ko pa ba nasasabi sa 'yo? The student council president resigned so as the vice president, he took over the
highest post in the student body."
"Oh, really? Siya na ang boss sa office of the student council?"
"Imagine him playing around the swivel chair while his officers are cramming to submit liquidation reports."
Kilala pa ng security guard na nakaistasyon sa entrance ng school building si Al kaya hinayaan niya lang pumasok
kahit wala na siyang ID. Ako naman, medyo tiningnan niya ng mga nanliit niyang mata. He must be trying to
remember my face. Dahil hindi na siguro niya matandaan-it's been months since I last went here-he eventually gave
up and let me in. Mukhang effective naman ang not-so-obvious diguise ko.
However, the struggle was real when we walked across the hallway. May mga nakakasalubong pa rin kaming
estudyante at ilang teachers na pilit kong iniwasan ng tingin. I have been repeatedly chanting under my breath, "Sana
wala akong makasalubong na classmate at teacher ko dati."
"Relax, everyone's busy with the cultural festival so it is less likely that they will notice you," Al told me as we turned
left on the hallway. "And besides, walang nakakaalam na pupunta ka kaya hindi nila aasahang makikita ka nila dito."
We stopped in front of the room with the signboard STUDENT COUNCIL OFFICE. Kumatok nang tatlong beses si
Al at pareho naming hinintay na pagbuksan kami ng pinto.
The door creaked open and a young man with curly hair greeted us with a bored face. Ilang segundo rin ang lumipas
bago nagliwanag ang mukha niya. He must have recognized who we are.
"Alistair! It's been a while," he shook hands with my companion. "Muntik ko nang makalimutan na pupunta ka pala sa
cultural festival!"
"Natambakan ka na siguro ng mga ginagawa mo sa council kaya nawala sa isip mo. Kumusta ang pagiging student
council president, Lionel?"
"It's exhausting! Late na kaming umuuwi gabi-gabi dahil sa mga preparation para sa event na 'to." He then shifted his
gaze at me. Noong una'y kumunot ang kaniyang noo, pero muling nagliwanag ang mukha niya at nanlaki ang
kaniyang mga mata.
"Lorelei!" he touched my hand gently as he leaned closer to me. "Is that really you? It's been... what? More than half a
year since I last saw your beautiful face. How are you?"
"I-I'm fine." I forced a smile at him, medyo naawkwardan akong makita ulit ang isa sa mga dati naming kaklase.
"Come inside! Baka may paparazzi na makakita pa sa inyo." His hand motioned to his lair.
I have been in their office before and I wasn't surprised to see that nothing has changed. Halos kamukha nito ang
mala-hotel lounge na layout ng student council room ni Luthor. The difference? Wala silang hiwalay na cubicle para
sa meeting room. May pabilog na mesa sa gitna kung saan nakakalat ang ilang piraso ng papel. Sa kaliwang side ang
pantry nila habang sa kanan ang mga couch. Sa bandang likuran ang desk ng president, may nameplate pa ni LIONEL
DE LEON.
"I expected you to be busy," Al commented as he walked around the room, looking at the portraits of the previous
presidents. "Parang napaka-chill mo ngayong umaga. Shouldn't you be assisting in the event?"
"I leave the legwork to my colleagues," sagot ni Lionel na humiga sa couch. "The president should only be signing
documents and delivering speeches. Para saan pa ang position ko kung magbibilad ako sa araw?"
He somehow reminded me of Luthor who always works behind the scenes (like what he did in the Clark Gazetta
issue). The only difference is that Lionel does not strike me as someone who's equally manipulative as Loki's brother.
"Alistair told me that you two joined a detective club in your new school?" tanong ni Lionel. "Noong una, ayaw kong
maniwala. Pero looking back to what you did when you were still here, I think you have talents to be detectives."
Umupo ako sa isa sa mga wooden chair malapit sa pabilog na mesa. I still don't feel comfortable with talking to
people whom I haven't spoken to in recent months. "At first, I was dragged by our club president in one of the crime
scenes. He even blackmailed me to join the club."
"May nakita siguro siyang potensyal sa 'yo kaya sinama ka niya doon." Lionel craned his neck, staring at the white
ceiling. "That reminds me. Ikaw 'yong nag-expose sa Treasure Hunters' Club noon, 'di ba? Sinabihan mo ang student
council tungkol sa fabricated club reports nila, which eventually led to their club's dissolution."
I nodded before looking down at my shoes. That was exactly the trigger which led to a series of unfortunate events.
"You drew the ire of Regina who wasn't pleased with what you did," Lionel continued. Hearing the name of that
woman made me clench my fists. "Halos isumpa ka niya noon dahil sa ginawa mo. She was your bestfriend, wasn't
she? Tapos naisipan ka niyang-"
Biglang huminto sa pagsasalita si Lionel. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kaniya, I saw him looking at Al's
direction. Maybe my childhood friend told him in some way to stop.
"May stage play mamaya sa auditorium, 'di ba?" After a few seconds of awkward silence, Al tried to divert the topic.
"Baka pwede mo kaming samahang manood?"
"I would if I could, but I can't." Lionel sat upright as his face flashed a serious look. "Something's been bothering me
for a while. Ayaw kong pansinin pero sabi ng gut feeling ko, hindi ko dapat i-ignore."
"May we know what that is?"
"Since you two are detectives, maybe you can help us." Tumayo siya't lumapit sa pabilog na mesa. He then knocked
on it twice. "Someone's planning to ruin the cultural festival. May natanggap kaming threat letter mula sa isang
anonymous sender noong nakaraang linggo. Dahil wala pang nangyayari, we dismissed it as a prank."
"Can you tell us more?"
"I wish I could, but I do not know the details. Pero baka pwedeng ipaliwanag sa inyo ni Vessy. She was the one who
received the threat letter."
"Ve-Vessy!" I exclaimed.
"I appointed her as my secretary. Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niyang nandito ka."
I hope na ganon nga ang maging reaksyon niya at hindi siya nagtatampo sa akin. She was one of my former
classmates na sineenzoned ko sa Facebook chat at text message. During the first few months of my transfer to
Pampanga, she was consistently asking about how I was.
"Baka gusto n'yong sorpresahin natin siya?" Lionel flashed a mischievous grin. "Let's visit her sa kaniyang room sa
dormitory. Baka magtatalon 'yon sa tuwa kapag nakita ka niya in person."
Nagkatinginan kami ni Al nang ilang segundo. I could read in his eyes that he was asking me if it's okay to meet my
long ignored classmate. Tumango lang ako sa kaniya, and we decided to pay her a visit.
The student dormitory was not far away from the school buildings. Ilang metro lang din ang layo nito mula sa parking
lot. As we enterted the seven-storey edifice, tinanong ng nakabantay na guard sa lobby kung sino ang pakay namin at
sinabihang mag-log kami sa kanilang record book.
Using the elevator, we reached the sixth floor and walked across the narrow hallway until we stop in front of Room
606.
"Tingnan natin kung makikilala ka niya sa disguise mo," nakangising sabi ni Lionel bago siya kumatok sa pinto.
"Vessy? Vessy? Si Lionel 'to. Gising ka na ba? May emergency meeting tayo!"
But no one responded.
"Vessy? Nasusunog na ang dorm n'yo! Lumabas ka na diyan!"
We waited for about three minutes, but still no answer.
"Weird," bulong ni Lionel. "Sabi niya sa akin kanina, magpapahinga muna siya sa room niya para may energy siya
mamayang hapon. May pinuntahan kaya siya?"
Al touched the doorknob and turned it. Surprisingly, it was not locked so he pushed it. Naunang pumasok si Lionel at
sumunod kami ni Al sa kaniya.
"Vessy? Naiwan mong bukas ang pinto! Vess-WAAAAAH!"
Napaupo sa sahig ang nauuna naming kasama, nakaturo ang nanginginig niyang kamay sa taas. Lumapit kami sa
kaniya para makita kung ano ang itinuturo niya.
My right hand covered my mouth as my eyes widened at the sight of a body. Someone was hanging by the ceiling
using a rope. Due to the wind coming from the outside, the body slowly turned to us and we recognized the face.
"VE-VESSY!" sigaw ni Lionel. Pupuntahan na sana niya ang nakabigti naming kaklase nang hilahin ni Al ang braso
niya.
"It would be better if we wait for the authorities to bring her down. Can you call the police?"
The president nodded as he took out his phone and dialed a series of numbers. He was stuttering when he was
explaining what happened.
I do not know exactly what to feel. Because I was so used to seeing dead bodies every now and then, I somehow
became desensitized to it. Dati kong kaklase at kaibigan ang katawang nasa harapan ko ngayon, pero bakit
pakiramdam ko, she's only another piece of the puzzle that we have to solve?
Maybe it's better off this way? That my judgment is not yet clouded by emotions. I can think with perfect clarity and
maybe I can provide some input on what led to this unfortunate incident.
Habang abala si Lionel sa pakikipag-usap sa pulis, nilibot ko ang aking mga mata sa kuwarto. I noticed the chair
below Vessy's feet. Kung nagpakamatay nga siya, ginamit niya 'yon bilang tuntungan.
But something did not seem to match here. Parang may mali sa senaryong ito.
Wait a minute! This suicide scene reminds me of what happened recently in Clark High, kung saan natagpuang
nakabigti sa isang classroom si Benjamin Tenorio. Sa unang tingin, mukhang suicide 'yon but Loki noticed
something's off: the gap between the sole of the victim's feet and the seat on the chair.
Dahil kulang sa height ang biktima, imposibleng maabot nito ang noose ng lubid. Kaya posibleng may ibang
tumuntong sa upuan habang buhat-buhat ang biktima at inilagay ang noose sa leeg nito.
Lumingon sa akin si Al, nakapamulsa pa ang postura. His eyes told me that he probably had the same observations as
I did. "Did you notice it too?"
I nodded, my eyes shifting their gaze on the lifeless body of our former classmate.
This might be a murder case, not a suicide. And the culprit must be someone whom the victim knew.
###
A/N: Chapter 29 will feature a series of cases so stay tuned for the next updates! :)

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Murder or Suicide?)


LORELEI

MABUTI'T MAY mga pulis na nakaistasyon sa campus dahil sa cultural festival kaya kaagad silang rumesponde.
Pagdating nila sa Room 606, ibinaba nila ang katawan ni Vessy, inilagay sa stretcher at tinakpan ng puting kumot.
When it finally sank in, I couldn't help but feel sorry for my old classmate. Nakakalungkot na hindi ko man siya
nakausap mula nang lumipat ako sa Pampanga. Maybe I shouldn't have ignore her messages.
While we waited for the arrival of the police, bumaba muna si Lionel para i-divert ang atensyon ng mga estudyanteng
nagsasaya sa mga booth. He did not want to ruin the lively mood outside because of what had happened here.
"Ang saya-saya sa labas tapos biglang may mangyayaring ganito?" komento ng isang middle-aged na lalaking magulo
ang buhok na parang bagong gising. The thick, dark circles under his brown eyes told me that he's staying up late at
night. Matangkad siya pero payat ang katawan, gusot-gusot ang suot na police uniform at pahikab-hikab pa.
It has been months since I last saw the face of Senior Inspector Stanley Hernandez. Wala pa rin siyang pinagbago sa
asta at pananamit niya. Kung hindi mo alam na isa siyang police inspector, you would mistake him for being a lousy
police officer.
Napabuntong-hininga si Inspector Stan habang nakatitig sa inilalabas na stretcher mula sa kuwarto. "Ang mga
kabataan talaga ngayon, basta-basta na lang tinatapon ang kanilang buhay. Kung hindi nalululong sa bisyo,
nagpapakamatay. Tut-tut-tut."
Dahil hindi ganon kadalas magkaroon ng insidente sa Sherrinford High-kumpara sa Clark High, thanks to Moriarty-
minsan-minsan lang namin nakikita si Inspector Stan at ang mga pulis dito sa campus noon.
"Alistair? Ikaw ba 'yan?" Nilapitan niya ang kasama ko. Naningkit ang mga mata ng inspector bago nagliwanag ang
kaniyang mukha. "Ikaw nga! Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita! Kumusta ka na?"
Al flashed an awkward smile as Inspector Stan patted his head. "Nice to see you again, sir. Lumipat na kasi ako ng
school kaya hindi n'yo na ako makikita rito."
"Kayo ba ang nakakita sa katawan ng nagpakamatay na estudyante?" tanong ng inspector na iginala ang mga mata
mula kay Al papunta sa 'kin. Dahil siguro sa disguise ko kaya nahihirapan siyang kilalanin ang mukha ko. "At... sino
itong kasama mo? Girlfriend mo ba?"
Napatawa nang mahina si Al sabay sagot, "She's... my cousin from the states. Niyaya ko siyang pumunta para ma-
experience niya ang cultural festival dito."
"Hmm..." Tumingala sa kisame si Inspector Stan at napahaplos sa kaniyang baba. "Parang pamilyar ang mukha niya.
Feeling ko nagkita na kami noon. Hindi ko lang matandaan kung saan."
Minsan pa lang kami pormal na nagkausap ng inspector. It was during the incident that made some noise in the
campus. I couldn't fault him for not remembering who I was. Mas mabuti na rin ang she's-my-cousin cover ni Al para
hindi na ako masyadong tanungin pa.
"Nakakalungkot na ganito ang nadatnan n'yo sa masaya sanang festival," pailing-iling na sabi ng inspector.
"Gayunaman, ayaw naming masira ang mood kaya hindi namin ginawang obvious na may nangyari dito sa dormitory.
May mga nakikiusyoso na nga sa baba e. Salamat doon sa kasama n'yong student council president, nalilihis ang
atensyon ng iba."
I wonder kung anong gimik ang naisip ni Lionel para hindi pansinin ng mga estudyante ang presensya ng pulis dito.
Malapit lang din kasi ang kinatatayuan ng mga booth mula rito kaya imposibleng hindi mapansin ng mga estudyante
ang mga dumating na police car.
"Dahil isa itong suicide, case closed na kaagad ito. Nasabi n'yo na siguro ang lahat sa first responders namin kaya
wala na tayong dapat pag-usapan, tama?"
"May duda kami kung talagang suicide 'to," sagot ni Al sabay turo sa loob ng kuwarto. "We are also looking at
another angle for this case. Baka kasi may foul play na nangyari."
"F-Foul play?!" Nanlaki ang mga mata ng inspector at mabilis na lumingon sa kaliwa't kanan. Humina ang kaniyang
boses na parang bumubulong. "Do you think na isa itong... murder?"
"Hindi pa kami sigurado doon, sir, pero may posibilidad nga na baka ganon ang kasong 'to."
"Tell me more about it!" May pagkasabik sa tono ng boses ni Inspector Stan. Tila ginanahan siya nang malamang may
ibang anggulo pa ang naturang suicide incident. "You know na malakas ka sa akin at papakinggan ko ang mga
reasoning mo."
"Bago 'yon, pwede ba tayong pumasok sa crime scene?" Al jerked his thumb to the room. The door was cordoned off
by the police so he needed permission from the inspector to enter.
I took out my phone and began dialing Loki's number. The hanging incident reminded me of the crime scene we
witnessed before and some details seemed to be suspicious. Maybe he can provide some insights hundreds of
kilometers away from here?
"Lori-Lorraine, hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Al matapos niyang hawiin ang kordon. Pareho na silang nasa
kuwarto ni Inspector Stan, hininhintay ang pagsunod ko sa kanila.
"May tatawagan lang ako. You can go ahead and tell the inspector about what's suspicious in the scene."
I was left in the hallway with two police officers chatting unintelligibly after their boss disappeared from earshot.
Nakatatlong dial na ako kay Loki pero hindi pa rin niya pini-pickup. Sabado kasi ngayon kaya malamang, tulog pa
siya.
"'Lo?" And he finally answered the call after my ninth attempt. Yes, he did not bother to complete the common
"Hello" greeting.
"Good morning, Loki? Are you wide awake now? Or do you want me to call again later?"
"I'm still asleep and you are talking to my astral projection."
I rolled my eyes upon hearing his remarks. He did not sound sleepy kaya baka hindi niya lang napansin na tumatawag
ako kanina.
"Are you enjoying the visit to your old Alma Mater? Are you having fun with the extravagant yet seemingly
unnecessary festivities?"
Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya. Bitter lang siya pagdating sa mga ganitong event. "Listen, we are on a
crime scene right now-"
"Oh, that's interesting. Better than watching a lousy stage play by amateur actors and actresses. Romeo and Juliet, I
presume?"
" -WHERE a former classmate of mine hung herself."
"And?"
"And... what?" My eyes caught a glimpse of Al making hand gestures, explaining to Inspector Stan why we think this
might not be a simple suicide.
"You wouldn't call me if it's a straightforward suicide. You think there's a foul play involved?"
He beat me to the punch. My silence probably gave away what I was thinking. "Yes, and strangely, the scene
reminded me of the one we encountered this week."
"Are you referring to the case involving... Bembol or Berto or somehing?"
It's Benjamin, but I did not bother to correct him. He would immediately forget the name anyway so what's the point
of telling him? "Gaya ng napansin mo doon, parang may mga suspicious circumstances sa crime scene na 'to. Al is
currently explaining to the inspector those points."
"You no longer need my advice since Al is already with you to provide some insights. And besides, you have already
proven yourself capable of forming deductions. My presence here is irrelevant, unless you believe that the culprit is
the same person who killed Bembol."
"Gusto ko lang i-confirm ang reasoning mo noon kung bakit isa 'yong murder case."
"Bembol was only five feet tall. He was five to seven inches short for his head to reach the noose of the rope.
Following that reasoning, someone must have pulled him up, tied the rope around his neck and let him hang there
until he's found."
"But do you have any clue on who might have killed him?"
"Probably someone who's five feet and seven inches tall. Muscular build, can lift someone weighing about sixty kilos.
Usually stays late at school. Knows the victim and his connection to Moriarty."
"Sinabihan mo na ba si Inspector MM tungkol sa suspect sketch mo?"
"I tried, but he wouldn't listen to anyone who isn't a witness or police. I requested for the autopsy report but he refused
to provide anything. Kahit 'yong mga kakilala kong officers, natatakot na bigyan ako ng kopya."
If only Inspector Estrada was still the chief of the campus police, hindi siya mahihirapang humingi ng kailangan niya
mula sa kanila or tumulong sa pag-iimbestiga ng mga kaso.
"Good luck to your investigation. Tell me if your hunch is correct. I have to go now. Jamie and I will play the Game
of the Generals online."
"Game of the what?"
And then he hung up. Wala pa naman akong problema sa pagdinig. He said he will play a certain online game with
Jamie.
Anyway, back to the case. If this was a murder disguised as suicide, I could use Loki's notes to find the culprit.
Pumasok na ulit ako sa crime scene para samahan sina Al at Inspector Stan. Mukhang kakatapos lang nilang pag-
usapan kung bakit posibleng murder ang nangyari dito.
"May logbook ang security guard sa baba, tama? Kung kakilala ng biktima ang pumatay sa kaniya, baka nakasulat
doon ang pangalan niya. Hintayin n'yo ako rito, kakausapin ko lang ang security personnel ng dorm."
Iniwan muna kami ni Inspector Stan sa crime scene. That logbook would give us names of people who might have
killed Vessy, if this was indeed a murder case. We only need to use process of elimination on the least likely suspects
to narrow down the list.
"Don't you think it's unusually hot here?" tanong ni Al, nakatingala sa lubid na ginamit na pagbigti. "When we went
inside, parang nasa oven tayo kanina."
Dahil na rin siguro sa pagkagulat ko kaya hindi ko na napansin ang init. Nakasara kasi ang mga bintana sa kuwarto
kaya talagang makukulong ang init sa loob.
"Maybe the aircon was turned off when the crime was committed?" I pointed at the appliance stuck on the wall.
Meron ding heater sa isang sulok. "Kung suicide nga ito, parang weird na papatayin pa ni Vessy ang aircon bago siya
magpakamatay."
"At kung murder naman ito, weird din na nakapatay ang aircon." Nilapitan ni Al ang aircon at binuksan 'to. Bumugso
ang malamig na hangin sa amin. "Mukhang wala namang problema dito."
While waiting for the inspector, we walked around the room, looking for other hints that will help us solve the puzzle.
Maybe there's a piece that was hidden from the plain sight. We only need keep our eyes peeled for the clues.
Nagawi ako sa maliit na mesa kung saan isang paperbag ng chocolate at candies ang nakapatong. I covered my hand
with my hanky before touching some pieces. Noong hinawakan ko ang chocolate, naramdaman ko na sobrang lambot
na nito. It was melting on my hands.
"Something's also weird here."
I turned to Al who was checking some receipts from the trash bin. Iniabot niya sa akin ang ilan sa mga resibo at
tiningnan kung ano-ano ang mga biniling item. Mostly meals and drinks ang nakalagay doon, pero may apat na bagay
na nakakuha sa atensyon ko.
Isang bote ng sleeping pills mula sa isang drugstore.
Isang plastic ng cube ice mula sa convenience store.
Dalawang bote ng gin mula sa liquor store.
Isang cutter mula sa school supply store.
Dahil walang nakalagay na pangalan sa mga resibo, hindi tuloy namin malaman kung si Vessy ba mismo ang bumili o
ang mga kakilala niyang dumalaw sa kaniya dito sa dorm.
Kinuha ni Al ang mga resibo at pabulong na binanggit ang mga nakalagay dito. Sunod siyang napatingin sa monobloc
chair na ginamit ng biktima bilang tuntungan para magbigti.
"Posible kayang..." Naningkit ang mga mata niya at hindi na tinuloy ang gusto niyang sabihin.
Sakto namang dumating si Inspector Stan, dala-dala ang isang kulay asul na hardbound notebook. Hinihingal pa
siyang pumasok sa kuwarto na parang tinakbo niya mula ground floor hanggang dito sa sixth floor.
"Good news!" Iniabot niya sa amin ang logbook. The smile on his face told me that we were closer to solving the
mystery of Vessy's apparent suicide. "Kung talagang murder ang insidenteng 'to, hindi tayo mahihirapang hanapin ang
suspek natin. Ayon sa guard, buhay pa ang biktima kaninang alas-siyete ng umaga kaya kung sinong bumisita sa
kaniya bago n'yo siya natagpuang nakabigti, malamang na siya ang salarin!"
Al turned the pages quickly until he reached the part that was bookmarked. Tiningnan namin ang listahan ng mga
bisita ngayong umaga. Sa "person to visit" column, hinanap namin ang pangalan ni Vessy. May apat na bumisita sa
kaniya-ako, sina Al at Lionel... at isa pang pamilyar na pangalan.
My mouth slightly opened as I stared at the name of that certain someone. I tried to forget about him... and the
others... but seeing his name in the logbook gave me quick flashbacks of what happened that night.
"O sino ang gustong mauna? Bilisan natin kasi baka magkamalay na 'to!"
"Kung ayaw n'yo, ako na lang! Hindi n'yo dapat pinapaghintay ang pagkain. Mamalasin kayo!"
"Tirahin mo na para makakain na rin kami. Huwag mong uubusin, ha?"
"Hahahaha!"
"Lor-raine, are you okay?"
My shoulders jerked up as Al touched me. For a moment, my mind was lost in my grim recollections. Was fate
pulling a prank on me? Why, of all people, would the suspect be that guy?
"Salamat sa isinulat niyang phone number, na-contact na namin siya," Inspector Stan said in glee. "He's on the way
here as we speak. Pwede natin siyang tanungin kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng biktima. Ano nga ulit
ang pangalan niya?"
"Adelbert Gutierrez," I spat the name like it was poison.
###

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Connecting Dots)


LORELEI
"OH, WHAT a night! Late December back in '63~"
Many were looking forward to the annual Prom. But me? Not that enthusiastic. Pumunta lang naman ako rito dahil na-
pressure ako ng mga kaklase at dahil may incentives sa aming grades sa finals.
I was at the makeshift bar in our gymnasium, sitting on a bar stool and watching the flashes of different colors as they
give life to the late night event. Most attendees were clad in coats and gowns, dancing on the floor as if it was the last
day of their lives. Meron din ibang kagaya ko na nakaupo lamang at painom-inom ng juice sa isang tabi.
"You don't seem to be enjoying the party." A girl with long, blonde curls approached me. May dala-dala siyang
dalawang wineglass. She placed one on the bar counter. "Here, have some drink."
I stared at the contents of the glass. It was blue. "Cocktail?"
Regina Victorina drank hers straight before putting her own glass on the table. "Yes. Martini, my favorite."
"You know that I don't drink alcohol," I answered, pushing the glass away from me.
"Minsan-minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon tapos tatanggi ka pa?" She sat at the bar stool next to mine.
"You are really fun at parties."
I wasn't dumb to not sense the sarcasm. "I promised not to drink."
"Then consider this cocktail as my thank you gift to you," she slowly pushed the wineglass in front of me. "You made
me realize a lot of things kaya gusto kong magpasalamat sa 'yo. My eyes were opened."
Regina must be referring to the fabricated financial reports of the Treasure Hunter Club which she was a part of. Nang
in-expose ko ang tungkol sa mga discrepancy sa report, she was initially mad at me for slinging dirt at the club. But
later on, she calmed down and seemed to have understood my intention.
My eyes once again stared at the drink. Kahit hindi pa ako nakakatikim non, I could imagine the bitter taste of it in my
mouth. And I hate anything that's bitter.
"Now go ahead and drink," Regina's scarlet lips curved as she shot a glance at the wineglass. "Hindi na masarap ang
lasa niyan kapag hindi mo kaagad ininom."
"Oo nga, Lorie! Try mo lang!" Some of our classmates who were seats away cheered. Kanina pa nila kami
pinagtitinginan ng kaibigan ko.
"Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!"
Fine. Just this once, I will break my vow. Kinuha ko ang wineglass at dineretsong ininom ang laman nito. Nanaig ang
pait sa bibig ko at muntikan ko nang maisuka, pero tiniis ko ang lasa. Bottoms up, I placed the glass on the bar counter
and wiped my lips. The aftertaste was horrible!
Our classmates began clapping as if drinking that cocktail was a challenge. Kung nandito si Alistair, tiyak na
pagsasabihan niya ako. Nasaan na nga ba siya? Tumutulong sa trabaho ng student council?
"Excuse me, Lorelei?"
I turned to my side and saw the face of a young man with curly hair. He wore a black coat matched with red necktie.
May hawak din siyang wineglass sa kaniyang kanang kamay na ipinatong muna niya sa counter.
"Yes, Adel?"
"I was wondering if you wanna dance with me?" he leaned a little closer to me. Hindi ako sanay na ganon kalapit ang
mukha ng isang lalaki sa akin kaya lumayo ako nang kaunti.
"Sorry, but I'm not into dancing." I felt glares from women around me. Not everyone is offered a chance to dance with
probably one of our campus heartthrobs. But here I am, shooting down his offer as quick as it came.
"Hindi mo mae-enjoy ang Prom na 'to kung hindi ka sasayaw kahit minsan," Adel insisted, offering me his right hand
and bowing slightly.
Regina nudged me on the arm. "Sige na, sayaw lang naman iyan e. At huwag mong ipahiya si Adel sa harap ng
maraming estudyanteng nakatingin sa inyo. Masasaktan ego niyan kapag tinurn down mo."
To be honest, I could care less about what others would think of me. But Regina's words seemed to have penetrated
my conscience. Normally, I was supposed to say "no" the second time. Pero ngayon, parang gustong pagbigyan ng
isipan ko ang suggestion niya.
"Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!" Our classmates cheered again, putting a little more pressure on me. I stood from
my bar stool and touched Adel's right hand. My vision began to blur while my ears felt clogged. I could hardly hear
what people around me were saying, but I went to the dancefloor with Adel anyway.
Hindi pa ako nakakasayaw kaya hinayaan ko lang ang classmate ko na mag-lead sa akin. Surprisingly, I was able to
follow his lead. Naiwasan naming magkatapakan ng mga paa.
Parang bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko at unti-unti itong sumasara. I looked up... and saw different lights
dancing all over the hall. Adel's mouth was moving, parang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko na maintindihan.
What's... going... on.
Everything then turned black.
"Lorelei?"
My consciousness snapped back into the present as Al tapped my shoulder. Those images... why do they keep on
flashing in my mind? Masama bang ideya na bumalik dito sa school kung saan nangyari ang lahat?
"Okay ka lang ba?" tanong ni Al, nakikita ko ang bahid ng pagkabahala sa kaniyang mukha. "Baka gusto mong
pumunta ng clinic at magpahinga doon?"
I shook my head. Thanks for the concern, by the way. "Baka napagod lang ako sa biyahe. Matagal na rin kasi mula
nang huli akong pumunta dito."
Dahil nandito na rin ako, now might be the time to face my past. Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat ng
nangyari, but maybe fate is trying to tell me to stop running away and put an end to everything I tried to escape from.
We waited until Inspector Stan received message from his officers that Adelbert Gutierrez-the only person of interest
in this case so far-has arrived at the building. Inayos ko ang pagkaka-bun ng aking buhok at hindi muna tinanggal ang
aking shades kahit walang nakakasilaw na liwanag sa kuwarto.
A young man with curly and trimmed hair appeared at the doorway. Namumugto pa ang mga mata niya na tila
kakatapos lang umiyak. He was only wearing casual clothes.
"To-Totoo ba? Na wala na si Vessy?" tanong niya kay Inspector Stan nang makita ito. Compared to the last time that I
saw him, pumayat yata siya at nabawasan ang kaniyang charisma.
Napapikit ang mga mata ng inspector at marahang umiling. "Nagbigti siya ngayong umaga.... or so it seemed."
"Anong 'or so it seemed' na sinasabi n'yo?" Naningkit ang mga mata ni Adel. Masyado siyang focused sa kausap
niyang pulis kaya hindi pa nagagawi sa amin ni Al ang kaniyang tingin. "Is it possible na hindi talaga suicide ang
nangyari? Murder ba 'to o homicide? Sino ang mga suspect?"
"Meron kaming isang person of interest," sagot ni Inspector Stan sabay turo sa kaniya. "At ikaw 'yon. Ikaw lang kasi
ang huling nakitang kasama ng biktima bago siya natagpuang walang buhay ng mga kaibigan niya."
"Kaibigan?" Lumingon na sa amin si Adel, nanlaki ang mga mata nang makita si Al. It must be a surprise for him to
see the face of an old friend. "A-Alistair! A-Anong ginagawa mo rito?"
"Matagal na rin tayong 'di nagkita, Adel." Kumaway ang kasama ko sa kaniya na sinamahan pa ng isang ngiti.
Nagkabatian sila na parang walang nangyari noon. "Lionel invited us to the school festival kaya nagpunta kami rito."
Sunod na napatingin sa akin si Adel, medyo nanliit ang mga mata. My face may seem familiar to him but he couldn't
recognize who I am. All thanks to the bun and to my sunglasses.
"Teka, sir! Are you saying that I'm the primary suspect here?" pagulat na tanong ni Adel. "Kaya ba pinatawag n'yo
ako rito dahil pinagsususpetsahan n'yo ako?"
"Kung isa itong murder, mukhang ikaw nga ang unang taong dapat naming tanungin," Inspector Stan replied. "Either
ikaw ang mismong salarin o baka may napansing kang kakaiba sa biktima para patunayang nagawa niyang mag-
suicide."
Adel shook his head. "I can't believe you. I love Vessy kaya hindi ko siya magagawang patayin! Ni hindi ko nga siya
magawang masaktan e!"
"But considering the circumstances-if this is indeed a murder-you are the most likely suspect." Pilit kong tinigasan ang
aking boses para hindi niya makilala. "If we check the floor's CCTV footage and no one else came to the victim's
room, then you are the only one who could have killed her."
"Teka, sino ba 'tong feeling detective na 'to?" naasar na sabi niya sabay turo sa akin.
"She's Lorraine, my cousin from the States," biglang singit ni Al. "Mahilig din siyang mag-solve ng mga mystery. In
fact, she is a high school detective in their school."
"Whether she's a detective or a detective wannabe, hindi tamang paghinalaan n'yo ako nang walang ebidensya!"
"So are you saying that someone who cannot be seen by the cameras and can walk through walls killed Vessy?" My
voice slightly raised as my blood began to boil. Mabuti't tinapik ako sa balikat ni Al kaya nakapagtimpi pa ako.
Now that I get a closer look on his face, I suddenly remembered that disgusting feeling back when he and his friends
almost took advantage of me. If this case is indeed a murder, I will send this man to jail for murdering my former
classmate.
"Pwede ba naming malaman kung anong ginawa n'yo ng biktima kaninang alas-siyete at bago ka umalis?" Inilabas ni
Inspector Stan ang kaniyang notepad at inihanda ang ballpen.
"She's busy the past few days preparing for the event. Doon na nga sila sa council room natulog kahapon para ma-
finalize na ang program. Early this morning, I brought her some candies and chocolates at pinagdala ko rin siya ng
breakfast."
I glanced at the plastic of melted chocolates on the table. Siya pala ang nagdala non para kay Vessy.
"Kumain kami ng breakfast dito. Because she was exhausted, I decided to her a massage. We talked until she said she
wanted to sleep. Pagkatapos non, umalis na ako sa unit niya."
"You may say that, but do you have proof na ganon nga ang ginawa mo habang kasama siya?" I butt in.
"Dapat ba nag-selfie ako o vinideohan ko ang ginawa namin para may ebidensyang hindi ko siya ibinigti?" Nagawa pa
talaga niyang ngumiti kaya napakuyom ang mga kamay ko.
"Huwag kang masyadong padala sa emosyon mo," bulong sa akin ni Al. "You will not find clarity in this case if you
let your emotions get the better of you. Alisin mo muna kung anong nararamdaman mo sa kaniya."
Sinusubukan ko, pero maya't maya, biglang sumasagi sa isip ko ang ginawa niya sa akin noon. That memory has been
unlocked from my mind vault ever since I returned to this school.
"Napansin mo bang malungkot siya o may pinoproblema nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Al. "Chineck namin
ang mga resibo sa trash can niya at napansin naming bumili siya ng dalawang bote ng gin. Those were purchased two
days ago."
"She did not mention anything to me," Adel answered. "Ni hindi ko rin alam na bumili siya ng gin. Hindi naman siya
iinom dahil sa pressure na dala ng pag-oorganize sa isang event."
"Sa relasyon n'yong dalawa, hindi ba siya nanlamig sa 'yo?"
"Nanlamig? Hindi ko masasabing ganon dahil talagang busy siya sa ginagawa niya sa school. Minsan, niyayaya ko
siyang... gawin ang bagay na ginagawa ng mag-boyfriend at girlfriend... pero tumatanggi siya. She said she was too
tired from council works that she cannot do it with me."
"Wala ba kayong naging away recently?"
"Hindi talaga away. Pero nagtampo lang siya kasi hindi ako nakasipot sa date namin sa isang mall. May ipinagawa
kasi ang family ko sa akin noong araw na 'yon kaya I did not make it."
"Hmm..." Al touched his chin, his eyes narrowed into slits and his mind probably putting together the puzzle pieces. I
still believe that Adel is suspicious though I have nothing to prove that he killed Vessy except for circumstantial
evidence.
"Inspector!" A young policeman appeared by the door, saluting at his superior. He was carrying a folder which he
handed to the inspector. "May mga nakita kaming content sa smartphone ng biktima. Baka posibleng related ang mga
'to sa kaso."
Inspector Stan flipped over the pages, surprised by what he saw. He then showed us what caught his attention.
"Mr. Gutierrez, hindi ko alam kung related ito sa kaso, pero maaari mo bang sabihin sa amin kung ano 'to?"
A photo of Adel with another girl was printed on the paper. Some popular establishments could be seen on the
background and it was crowded wherever that was.
"Pa-Paanong-" Adel's eyes widened in surprise as he glanced over the photos. "Galing ito sa phone ni Vessy?"
"If the victim suspected that you are cheating on her, we may now grasp the reason why she bought alcoholic drinks
and why she seemed cold to you," Al observed.
"These photos were taken a week ago! Noong araw na dapat kaming mag-date ni Vessy. My family asked me to escort
my female cousin who returned to the Philippines. She is not a third party or something."
"Posibleng na-misinterpret ng biktima ang mga larawang kinunan niya," komento ni Inspector Stan. "Kung titingnan
natin ang suicide angle, nagpakamatay ang biktima dahil akala niya'y niloloko mo siya."
"Kung sanang sinabi niya sa akin ang hinala niya, hindi mauuwi sa ganito."
"Pero nakalimutan n'yo na yata, inspector? Imposibleng magpakamatay si Vessy base sa height difference niya at ng
lubid na ginamit na pambigti." I raised that point which I believed is crucial in this case. "We may not know the
motive on why Vessy killed herself or why she was killed by someone, but the circumstances of her suicide are
suspicious."
"Anong height difference?"
"Mr. Gutierrez, pwede ka bang tumuntong doon sa monobloc chair?"
Hindi na umangal pa si Adel at sumunod sa utos ni Inspector Stan. When he stood on the chair, napansin namin na
sakto ang noose ng lubid sa kaniyang leeg.
"Para saan ba 'to?" he curiously asked.
"Here's a theory: While you were standing there, you lifted Vessy's body and tied the noose around her neck. You
probably used the sleeping pills she bought to render her unconscious. Then you let her body hang and left the room
as if nothing happened."
"That's absurd! Masyadong komplikado 'yang trick na ipinaliwanag mo, miss!"
"Lorelei..." bulong ni Al. "Your theory makes sense, but some crime scene conditions still do not match."
"What?"
"We thought that this crime scene is a murder disguised as suicide, but what if it's the other way around?"
"A suicide disguised as murder? You think we were wrong with what our instinct told us?"
"There's only one explanation that would tie up all the pieces of the puzzle here," Al answered. "The receipts, the
condition of the room when we entered, and the apparent cold treatment of the victim to Adel. Everything is
connected."
"Ano? May bago ba kayong theory sa kaso?" tanong ni Inspector Stan.
"On second thought, maybe this case is indeed a suicide incident. But there's a darker shade to it. The victim tried to
make this case appear as murder and point Adel as her killer."
"What do you mean? Ang sabi n'yo suspicious ang height difference ng victim at ng noose ng lubid?"
"Oo, inspector. Pero matapos naming inspeksyunin ang crime scene, may naisip na akong paliwanag kung paano
nangyari 'yon."
Natahimik kaming lahat at binigay ang buong atensyon namin kay Al.
"Una, ang kondisyon ng unit na 'to nang matagpuan namin ang bangkay. Mas mainit sa loob kumpara sa labas. Maybe
that was because of the heater being turned on."
Napansin nga naming maalinsangan sa kuwarto pagpasok namin dito.
"Then if you check some receipts, you can deduce that the victim was undergoing depression-sleeping pills, gin and
cutter. Pero may isang resibo doon na sa tingin ko ay dapat nating pagtuon ng pansin."
Muling kinalkal ni Al ang basura at iniabot ang isang piraso ng papel kay Inspector Stan.
"Resibo ng isang plastic ng ice cube?"
Al nodded as he approached the mini-refrigerator. "That was purchased yesterday. Malamang gusto niyang bigyan ng
yelo ang iniinom niyang gin. Pero sa tingin ko, may iba pa siyang dahilan sa pagbili niyan. At kung tama ang hinala
ko..."
Binuksan niya ang ref na walang kalaman-laman maliban sa isa pang bote ng gin na hindi pa nabubuksan.
"What should we be looking for?"
"Kung bumili siya ng isang plastic ng ice cubes, saan na napunta 'yon? Imposible namang nagamit niya 'yon sa isang
gabi lang."
Now's my eureka moment! Naintindihan ko na kung anong koneksyon ng ice cubes, ng heater at ng pagkakabigti ni
Vessy.
"Te-Teka, ang ibig mo bang sabihin-"
"May iba pa siyang pinaggamitan sa yelo," sabi ko habang tinititigan ang monobloc chair. "That's what she used to
create an illusion that baffled us."
"Hindi ko kayo maintindihan." Napakamot tuloy ng ulo si Inspector Stan. "Kindly enlighten us."
"Kaya sumagi sa amin na posibleng murder ang kasong ito ay dahil sa height difference ng biktima at ng lubid."
Lumapit si Al sa upuan at tumuntong doon. "Under that assumption, we thought the culprit is someone who's tall and
who could lift the victim's body so it can reach the noose. But we were wrong."
"It was the victim who hang herself," I added. "But in order for her to reach the noose, she needed to add something
on that chair. Something that can disappear after a certain period of time."
"Tumuntong siya sa bloke ng ice cube na ipinatong niya sa monobloc chair. At doon na niya nagawang i-set-up ang
noose na ginamit niyang pambigti."
"Teka, teka! Kaagad bang matutunaw ang ganong karaming yelo sa loob ng isa or dalawang oras?" Kung nagbigti
siya noong umalis na si Mr. Gutierrez, dapat may mga yelo pang natira sa upuan."
"Dito pumapasok ang heater na sinet-up ng biktima." Bumaba na si Al mula sa upuan at nilapitan ang heater na nasa
sulok ng kuwarto. "Bago siya magbigti, tinaasan niya ang temperature para mapabilis ang paglusaw ng yelo. Sapat na
siguro ang isa o dalawang oras para ma-dissolve ang yelo at mag-evaporate ang likido."
"Aside from the unusual heat we felt upon entering the room, the melted chocolates brought by Adel supports the
theory that the heater was used," I brought the plastic of sweets placed on the table. "She probably activated the timer
function so she wouldn't have to turn it off."
"At ang lahat nito ay ginawa ng biktima... dahil sa maling akala?" Napakagat sa dulo ng kaniyang pen si Inspector
Stan. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang labis na pagtataka. It may sound absurd to him, but for Vessy who
planned this all along, it was meant to have significance.
"For a girl who loves someone and gives him everything, seeing her boyfriend with another girl would be
heartbreaking," paliwanag ni Al. "And she probably thought of making him feel the pain by setting him up as a
murderer."
In the end, Vessy's attempt to make her suicide look like murder failed. It reminded me of a case in Clark High
months ago where a girl jumped off the building and tried to put the blame on her boyfriend.
"Thank you, Alistair," Adel shook hands with my childhood friend. "I thought na talagang ituturo n'yo na ako bilang
killer. At sa 'yo rin, miss...?"
"Lorraine," I answered, touching the bridge of my sunglasses. Until now, he hasn't recognized who I am. Should I be
thankful or not?
"Kumusta ka na? It's been a while since the last time we saw each other." Though Al was the one who stopped Adel
and his friends from doing "that" to me, he didn't seem to bear any grudge against him.
"As you probably know, we were expelled from this school," Adel sounded disheartened, his eyes looking down.
"Bumibisita na lang ako dito dahil kay Vessy. We haven't enrolled in any other high school. Sinubukan namin pero
hindi nila kami tinatanggap."
"But why?"
"Some said na kagagawan ito ng dad ni Lorelei." There was a hint of hesitation on mentioning my name. "I heard na
maimpluwensya siya kaya parang naka-blacklist kami sa lahat ng school na aming pinupuntahan."
My dad never gives idle threats to anyone. He is like a hurricane that destroys every obstacle on his path, especially
those who try to disdain our family name. The incident involving me put him and our family in unnecessary publicity
because of the scandal it created. And that angered him. If Adel's assumption is true, napasobra naman yata siya sa
pagpaparusa sa kanila.
"I regret what I did before. I knew we shouldn't have done it," Adel sounded apologetic. "But I still wanna continue
my studies. Hindi ko lang alam kung paano makakapagsimula muli."
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. I hated this man for months and I tried to erase him from my memory. What
he did to me. What they did to me. But hearing him say those words that sounded genuine, I couldn't help but pity
him.
I wanna speak to him and tell him that I can forgive him. But I chose silence. Maybe now's not the right time to speak
about it.
"If you see Lorelei again, tell her I'm sorry," Adel forced a smile. "Nice to see you, Alistair. And nice meeting you,
Lorraine."
He waved his hand and went on his way to the elevator. God knows how painful it must be for him to lose a girl he
loved... if he really loved her.
"I need to talk to my father," I muttered when he was no longer within my eyeshot. "Maybe it's time to make amends."
"So you finally decided to... forgive them?"
"Not yet. But I don't want them to lose their dreams and hopes. They almost took something away from me. My father
took something away from them."
"Ahm... excuse me? Alistair?"
Inspector Stan appeared on our side, holding a transparent plastic bag with a piece of paper inside.
"Yes, inspector?"
"Tsine-check kasi namin ang gamit ng biktima kanina. May napansin ang isa sa mga officer ko na akala niya'y
konektado sa kaso. Baka kasi suicide note niya pero hindi namin maintindihan maliban doon sa mga nakasulat talaga
sa language na alam namin."
Our eyebrows knitted when we saw what was written on that paper. The first part can be read normally but the
succeeding part... parang 'yong answer sheet sa mga multiple choice exams.

Nagkatingin kaming dalawa ni Al. This must be the threat letter that Lionel spoke of earlier!
###
P.S. The first one to crack the code above will get a dedication next chapter!

You might also like