You are on page 1of 18

Canal de la Reina

( Mga Buod )

Kabanata 1 : Panimula

Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar na kanyang sinilangan
at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa maputik at madaming
basura na makikita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng mabahong amoy ng kapaligiran.
Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak
ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang
papunta sa kanilang lote, ikinwento ni Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya
lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarating sila sa kanilang lote na kinatitirikan na ng bahay at tindahan,
hinanap ni Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na
enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na siya ang
may-ari ng lupang tinatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang kanyang
amo, Nyora Tentay ang pangalan.

Kabanata 2: Alaala

Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng loteng
kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak para
patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso Santos o Osyong
na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang
nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit
sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit, namulatan siya at
sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis ni Caridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at
nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog
na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong kamatsile,
sa gilid ng makitid at malinis na Canal de la Reina. Hindi rin niya makakalimutan ang paggawa niya ng
bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at tinitingnan kung
kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng
kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan.
Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador. Kinamusta ni
Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik
na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni
Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay,
inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala
ang kaisa-isang alalalang napakahalaga sa kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang
pagkamuhi nito sa bahay nila sa Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni
Caridad para sa kanilang pamilya.

Kabanata 3: Linta

Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Kinabahan siya dahil simula ng
makita niya si Cardidad ay hindi na nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook, siya ang may
pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga kapitbahay kahit na ang maging
tubo ay biente porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas ngunit kita ang malaking tiyan
ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni Doro ang kwaderno na nagkakalaman
ng listahan ng may mga utang kay Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan
sila sa husgado kung saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kilala
pala ni Doro si Caridad, at sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay na iyon.
Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng kanilang lupa.
Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na ‘yon. At sinabing pagbumalik dito ang
Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng Tonyang Bulutong. Siguradong
maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay
na babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na mukhang malaki ang pangangailangan
nito. Tinanong kung kukuha ba ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na
telebisyon at sinabing may mahigpit siyang kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay
umalis. Nang mga sandaling iyon ay hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles.

Kabanata 4: Salu – Salo


Kaarawan ni Leni at pawing nababakas sa kanyang mukha na ayaw nitong magdiwang ng
kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad na magkaroon ng munting salu-salo. Sa araw ding iyon ay
kasama na ni Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi ni Caridad na kung
matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment, siguradong kikita sila roon. Binigyang-diin din ni
Caridad na ang tao ngayon ay mapagsamantala na, mahirap na pagkatiwalaan. Tinanong tuloy ni Leni kung
ang abogadong nakuha ng kanang ama ay mapagkakatiwalaan. Sinabi naman ni Caridad na abogado iyon
ng kompanya ni Salvador kaya may tiwala sila doon. Si Attorney Agulto ang kanilang abogado. Dumarating
na din ang mga kasamahang interno at interna ni Lenis sa ospital. Kasama na rito ang masugid na
manliligaw nito na si Vic. Positibo namang sinabe ni Salvador na malakas ang laban nila sa kaso. Maaari
na daw silang magharap ng petisyon sa korte at sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong hawak ni
Nyora Tentay. Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon para magtanung-tanong
at makasagap ng unting balita tungkol sa lupa na pag-aari ni Caridad. Dumating na din si Junior kasama
ang kanyang mga kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy, Dante at ang kaisa-isang babae na si Betty.
Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae
ni Junior at pumasok pa sila sa kwarto. Nabahala si Caridad at ayaw niyang makasama ni Junior ang pangkat
na nasa silid ng kanyang anak, pati na rin ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom
na sila.

Kabanata 5: Makabago

Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung ganoon na
rin ba ang mga babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit patuloy pa rin ang
pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis na ang mga bisita ni Junior ay hindi
na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad
na baka mabuntis ni Junior ang kasama nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong
gumalang ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay
ang girlfriend ng kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na
kanyang pinagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na ang
generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa ng di
kanaisnais.

Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni Duardo.
Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa pagsusugal. Ang
natira lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa kanya. Nasabi na rin niya na
hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na
ang kanyang relos upang pang bayad sa kanyang utang na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at
Nyora Tentay, mayroong kotse na pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng
tindahan dahil siya’y hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang
magsukat ng lupa at naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at
kinabahan si Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong sa kanya
kung ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon.

Kabanata 6: Pakikipagtunggali

Naglabas si Nyora Tenta ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng panghalo ng
inumin, isang malaking sisidlan ng yealo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking lata ng
sitsarong baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga ito at binalutan pa niya ito ng
tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung bakit kinakailangang ngayon sukatin ang
lupa at ang sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina
na dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang
mga bisita na pinabitbitan pa ng pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay sa tindahan at natanaw si
Lucing at nagalit ditto dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni
Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang mabuting kalooban sa
pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng mataas na tubo.

Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag siya sa
Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang nakalapat
na mga mata at namamarak ang namumutlang mga pinsgi. Pilit niyang isinasalba ang babae ngunit hindi
na matanggap ng katawan nito ang iniksyon at hindi na rin masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang
papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la Reina.

Kabanata 7: Daigdig ng Pagdarahop

Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kaya’t hindi pa siya sanay makakita ng mga
taong nababawian ng buhay. Kanyang nagunita nang nabanggit ng kanyang ina na siya’y maging isang
General Practitioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto pa rin ni Caridad ang kagustuhan
ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita niya kung gaano kahirap ang buhay dahil may mga taong hindi
makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera.
Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang tawag ng mga taga roon ay Pacing.
Kanyang naisip na kikita nanaman siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya nito kahit na wala
ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon upang dalawin ang bangkay nito at
paniguradong sa kanya sila bibili ng mga maiialok sa mga nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si
Dado na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya ngunit hindi pa rin nakalimitan ni Nyora Tentay ang mga
utang ni Dado sa kanya.

Kabanata 8: Pagkapit sa Patalim

Patuloy pa rin ang pagiyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang asawa at sa bagong
silang nitong anak. Pumayag si Dado sa nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes sa ibabayad niya.
Sinisisi ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil napabayaan niya ito at hindi
naitakbo agad sa ospital nang may tumawag sa kanya. Ito pala ay si Gracia na asawa dati ni Victor na anak
naman ni Nyora Tentay. Kanyang nabalitaan na pumanaw na nga ang asawa ni Dado kung kaya’t ito’y
nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na ang damit na pinausot niya kay Pacing ay ang damit na matagal
nang nabigay ni Gracia sa kanya.

Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si Nyora Tentay. Pinalabas na binenta ito ni
Caridad kay Osyong at pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang hinlalaki at sinabing may malubha
siya karamdaman kaya hindi ito nakapirma. Habang sila’y naguusap ay tumunog ang telepono na kanya
namang agad na nasagot. Siya’y nagulat sa kanyang narinig na ang tumawag sa kanya ay si Ingga na
katulong ni Nyora Tentay.

Kabanata 9: INISASYON 1

Humihingi si Ingga ng tulong kay Caridad dahil gusto na nitong tumakas sa kalupitan ni Nyora
Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng telepono at
pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay.

Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa kaniyang mga magulang na
gagabihin siya sa araw na iyon. May isang bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy dahil napansin nito na
sinusundan siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya alam kung saan sila pupunta.
Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior ngunit ang laman nito ay droga. Siya’y dinala ni bindoy
sa isang lugar kung saan ay maraming taong mga nakatayo at inabutan siya ng isang serbesa at sinubo sa
kanya ang isang kapsula at biglang nag-iba ang kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni
Junior sa Panginoon dahil hindi niya na makayanan ang kaniyang nararamdaman. Ang gusto lamang niya
ay ang makalayo.

Kabanata 10: INISASYON 2

Namamanhid na halos ng buong katawan ni Junior ngunit pinipilit pa rin niyang makapaglakad
palayo sa lugar na iyon.

Sobrang nag-aalala na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at dis oras na ng
gabi. Alam nilang tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin. Nakausap ni Caridad si Dodi at sinabing
ligtas siya at nasa bahay nila si Junior ngunit inakala nila Caridad at Salvador na lasing ito. Patuloy ang
paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawa. Nasabi ng ama ni Dodi na siya ay nakainom ng isang
droga at ang nagpasama pa rito ay sinamahan pa ito ng serbesa. Kaagad silang bumili ng gamot para bumuti
ang pakiramdam ni Junior. Sinabi ni Caridad na ang lupa ang susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari
kay Junior sa lupa o kaya’y kapakanan ito ni Nyora Tentay at pag nabawi nila ang lupa, lahat ay
mapasasaayos.

Kabanata 11: Pagkamulat

Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog. Sinabi ng
kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya. Pinilit niyang binubuhay
sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at tinananong niya ang kanyang ina kung
may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay. Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong
iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki ang mga mata. Si Nyora Tentay daw mismo ang
nagpapaligo at nagpapakain dahil walang makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit
sa kanya. Naging malinaw sa isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa
kanya patungo sa taxi na naghatid sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik
doon. Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya. Masasabing guwardiyado ang lugar na
iyon.

Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong kolehiyong panlalaki na


pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding nasa
panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng demostrasyon ang mga
kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo ang damdamin ng bayan. Tumulong
sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang
malaking paper-mache na buwaya na kinabitan ng pangalang Marcos. Maraming nasaktan. Walang
patawad ang mga pulis. Binawian ng buhay si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior
nang eskwelahan. Marami ang nag-iba sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangarin
mag-aral ng batas at nagbago rin ang kanyang mga kasama.

Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi natapos ni Vic ang
kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya umalis na ang binata.

Kabanata 12: Banta ng Sigwa

Tumawag ni Nyora Tentay kila Caridad at si Inyang ang nakasagot. Gusto nito makausap si Caridad
ngunit hindi siya kinausap nito at nagbilin na tatawag ulit tungkol sa usaping lupa. Nagbigay ng lagay si
Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon. Nagulat si Caridad noong sinabi ni Salvador iyon
dahil ngayon lamang ginawa ni Salvador ang magbigay ng lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa
trabaho niya sa gobyerno dahil ayaw na ayaw niya sa mga suhulan.

Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang magpalagay at sinabi naman ni Salvador
na maliit lang ang binigay niya at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na nauna sila kay Nyora
Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila tungkol sa lupa. Galit na galit si
Nyora Tentay dahil nagpapasok ng taong hindi nila kilala si Ingga. Nabalisa si Nyora Tentay sa sinabi ng
kanyang anak na kailangana niyang humarap sa piskalya.

Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at naisip ni Victor ang kanyang
biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at pinagpipilitan ang kongressman niyang kaibigan na abogado
rin. Ngunit ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil iyon ay kabilang sa gobyerno at
maaring mabahiran ng politika.

Kabanata 13: Unang Senyal

Si Attorney Peña ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng kanyang kaso na noong una ay
bantulot ito sa pagtanggap sa kaso pero noong binigyan na siya ng sobre agad-agad siyang nagbago ng isip
at tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang hearing. Agad nadama ni Nyora Tentay na
siya ay hindi maipagtatanggol ni Attorney Peña kaya nanghinayang siya sa pera na ibinigay dito

.Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na nagtungo sa piskalya. Unang
isinalang si Caridad at sinimulan siyang tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa lupa. Sinabi ni
Caridad na galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang dalawang kampo at
ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing dahil sa pagwawala ni Nyora Tentay.

Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa kanya na ang pangalan ay Gracia
Montes.

Kabanata14: Ikalawang Senyal

Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si Gracia Montes. Pinabayaan na nila
si Atty. Agulto na makipagtalo dahil alam na nito ang pasya ni Caridad na hindi sila tatanggap ng anumang
uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa kanila ang lupa. Nang makita na nila si Gracia sa kanyang
Volkswagen, linapitan nila ito at sinabi sa kanila na sa telepono na lamang sila mag-usap. Iniabot ni Gracia
ang isang tarhetang may nakalagay na numero ng kanyang telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay
ang maliliit na titik na Piano teacher at Plaridel Village. Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng kanyang
telepono kay Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag dating nito sa kanyang bahay. Pagbalik nila
sa piskalya ay tapos na ang hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapaghaharap ang panig nila Nyora
Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty. Agulto, maganda ang tinatakbo ng kanilang kaso, at
nahanap na rin niya kung saan naroroon si Tisya. Inihatid na nilang mag-anak si Leni sa pagamutan dahil
2 araw nalang ay magsisimula na ang pag-kuha ni Leni ng board exams, ang una sa isang buwang
pagsusulit, tuwing araw ng Linggo.

Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo ay ang anak ni Gracia at Victor.
Siya ay isang practitioner na doktor ng pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa kanyang sariling silid si
Gracia, nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si Caridad. Kinuwento niya kay
Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na dalawampu’t pitong taon. Dati siyang manugang ni Nyora
Tentay at asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan ni Nyora Tentay ang kanyang propesyon, kung
kaya’t noon pa man ay naramdaman niyang hindi sila maaaring magkasundo, maliban na lamang kung
magsasarili sila ni Victor na ayaw naman nito. Inamin niyang minahal niya dati si Victor, ngunit ngayo’y
wala na siyang paggalang sa kanya at hindi na niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya
sa kanya dahil sa kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak
sa ugali nila Victor at Nyora Tentay kaya tuluyan niyang hiniwalayan si Victor. Ikinwento rin niya na
naroon pa siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal dela Reina. Marami raw milagro sa bilihang
iyon, kaya handa raw siyang tumestigo kung kailangan nila ang tulong niya. Pagkatapos ng kanilang
paguusap, dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan.

Kabanata 15: Unos


Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa Makati, at
binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay Geronimo, ngunit hindi
alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang masaktan dahil alam niyang
magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari
sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at
kung paano siya handang tumestigo kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang
mapasama pa si Gracia roon kahit sa anong paraan. Ang totoo’y ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong
paraan ang kanyang ina kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon nga’y nung kasusulit ni
Geronimo sa pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan
ang kanyang larawan, kaya’t malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang pagamutan.
Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng mga narinig niya sa
kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya nakadama ng pananabik sa kanilang
pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang
kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang
tinig ni Victor. Ito ang gunitang naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa.

Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado. Nagmura si
Nyora Tentay nang masukol sa pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil dito’y na-contempt siya. Kaya daw galit
na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya kasama si Geronimo. Nang marinig ni
Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni
Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa kanilang bahay. Nahuli sila sa pagdating dahil may biglang
dumating na pasyente si Gerry. Nang pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil
magkapangalan sila ng ama ni Vic, kundi malimit na kinukwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga
ng mga kaabalahan sa pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon.
Pangalawa, nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang
batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni
Geronimo ang pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department. Pang-apat, kasama si Geronimo
nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong iyon, nagugunita niya si
Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit ayaw ni Vic na pagusapan
siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na iyon.

Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number two na ang bagyo, ngunit babalik
pa rin si Leni sa ospital. Napagusapan nila ang Canal dela Reina dahil lulubog nanaman daw ang lugar na
iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang malakas ay bumabaha roon. Napagusapan rin
nila ang tungkol sa kaso. Lamang daw sila at nailabas na rin daw si Tisya.
Kabanata 16: Baha

Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng husto si Caridad para kay Leni
dahil madaling lumubog sa pook ng pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig nila sa balita na ang
pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto. Sinimulan nang ilikas ang mga pasyenteng nasa unang
palapag ng gusali dahil naabot na ito ng tubig. Hindi na makapasok ang ambulansya sa loob ng pagamutan.
Nag-alala pa lalo si Caridada para kay Leni. Ayon rin sa balita, nagsisimulang magpakita ng palatandaan
na maaaring sumabog ang isang malaking dike sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong
lalawigan, at madamay pati ang mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Tarlac, at maaaring ang
buong Gitnang Luzon. Naisip ni Caridad ang kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang
nangyayari sa kanyang Ate Anita. Bigla na lamang nawalan ng kuryente.

Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila lamang ni Ingga ang nasa bahay
dahil bihira nang umuwi si Victor mula nang kumalat sa kanilang pook ang balita ng usapin niya na iniharap
ni Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang siya hinarap nito. Dahil dito’y
pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil ayaw niyang lumalapit ito kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito
nag-uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may inuupahang apartment si Victor. Ibang-iba na si Victor.
Hindi na ito ang dating palasang-ayon sa lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa
kanya. Ngayon ay kailangan niya si Victor dahil bumabaha na sa kanilang bahay. Bigla na lamang may
mga taong kumatok sa kanyang pinto at nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa
kanilang bahay, at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal dela Reina. Pinagkaitan niya sila.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bayong na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at
mahahalagang papeles kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng panginoon
upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong kumakatok sa kanyang pinto. Matagal na rin
niyang hindi natatawag ang pangalan ng panginoon. Winasak na ng mga tao ang pintuan ng kanyang bahay
upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa. Naramdaman niyang nawalan na lamang siya bigla ng
lakas at siya’y tuluyan ng natangay ng rumaragasang tubig.

Kabanata 17: Ama at Anak

Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi niya
mamukhaan kung nasaan siya. Bigla niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes pati ang mga
papel na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siya’y tumili ng maramdaman niyang may sumakit sa
kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang sugat na nakuha niya sa pagkakatangay ng malakas na agos
ng tubig. Hinahanap niya ang utusan niyan na si Ingga ngunit wala. May lumapit sa kanya na dalaga na
gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi siya at patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay
kung mayroon man lamang siyang kamaganak at sinabi niya na may anak siya na ang pangalan ay Victor.

Sa tahanan ng mga Caridad ay nawalan na ng tuluyan ang kuryente ngunit hindi naman naputol
ang linya nang kanilang telepono. Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho niya,marami ang nangailangan
ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo si Junior at ang kanyang magulang. Una dahil gusto
tumulong ni Junior sa mga "rescue operations" at ayaw pumayag ng kanyang magulang dahil alam nilang
delikado. Pangalawa pinagaway nila ang gobyerno, sabi ni junior na wala naman daw natutulong ang
gobyerno kapag walang pera na kasama. Ang henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang ginagawa
masyado sila mahinhin na hindi sila nagrerebelde. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.

Kabanata 18: Pagkikilala

Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-isipan ni Salvador na may punto din


naman ang kanyang anak si Junior kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta sa rescue operation basta
lamang ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay. Mabilis siyang umalis ng bahay kasama si Dodi,
ang kanyang kaibigan. Bago sila nakarating sa mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na
pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni Junior. Pagkatapos ay napunta na siya sa rescue center na
Sampaguita Health Center. Sa awa ng Diyos ay nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga.
Siya ay tuwang tuwa dahil may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya kung siya ba ang anak ni
Caridad at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maari ba siyang sumama
rito at sinabi naman ni Junior na magintay lamang ito ng kaunting oras dahil sila’y tutulong sa mga
nasugatan sa center.

Kabanata 19: Langit at Lupa

Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita niya si Ingga na kasama ni Junior. Tuwang-
tuwa naman si Ingga nang makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang nakawala sa isang napakasikip
at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang bayong na puno ng mga brilyantes na mga alahas,
mga salaping papel at ang titulo ng lupa sa Canal de la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita nila. Umamin
si Ingga na hindi niya iyon napulot kung hindi ay inagaw niya it okay Nyora Tentay upang maging
kabayaran sa mga ginawa nito sa kanya. Nagaalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin
dahil hindi pa sila nakakasigurado kung buhay pa o patay na si Nyora Tentay.
Kabanata 20: Sagandaan

Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang pagod na pagod. Masaya siya
dahil walang nasaktan sa kanilang opisina. Si Junior naman ay bumisita sa Ate Leni niya na tumulong din
sa mga naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay Salvador ang laman ng bayong at nagulat rin ito
sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni Ingga ang bayong dahil gusto niya maghinganti kay Nyora
Tentay. Kinumbinse naman ni Salvador at Caridad na ibalik ang bayong dahil masamang maghiganti lalo
na kung walang katiyakan kung nasaan na si Nyora Tentay.

Si Nyora Tentay naman ay walang bukang bibig kung hindi ang bayong na nawalay sa
kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa Lakandula
rescue center. Nanibago siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya pinansin nito dahil sa
pagiging abala mahanap ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito ay ang pagkawala ng
kanyang bayong. Dumating ang mga manggagamot at sinabi na kailangan siya dalhin sa mas
pribadong ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala silang mahanap kung
hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-medical team at mga relief workers at sinamahan
sila papuntang Mental Hospital. Doon niya nakita ang kanyang anak na si Geronimo papunta sa isang
emergency room kasama ang mga medical team dahil may babaeng manganganak. Nang dumaan sila sa
harap nito ay hindi pinansin ni Geronimo ang kanyang ama.

Kabanata 21: Maliit ang Daigdig

Nakapagpanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong tuwa’t saya ang nararamdaman
ng babae dahil hindi man lamang naabutan ng kanyang asawa ang kanilang anak dahil ito ay namatay dahil
sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama sa mga nasalanta ang kanyang lola na si
Nyora Tentay. Nagtama ang kanilang mata kung kaya’t wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito. Ayon
sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito ng nervous breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry
na humihingi ng tulong dahil malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni Gerry si Leni
upang tumulong sa pagsalba ng bata at kinailangan na itong itakbo sa ospital upang malaatan ng lunas.
Habang nasa biyahe sila papunta sa ospital ay naikwento ni Gerry na nakita niya doon ang kanyang ama at
ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita naman ni Leni na wala iyon sa kanya dahil andun
sila upang tumulong ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang kargang bata ng inang
humihingi ng tulong sa kanila kung kaya’t naputol ang kanilang usapan at nagmamadali ng malapatan ng
lunas ang bata.

Kabanata 22: Pasiya

Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga pasyente sa kanyang klinika.
Napagusapan nila ni Leni ang kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi sila
binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General Practitioner kesa sa
magespesyalista sa larangan ng Pediatrics. Simula ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni ay gumaan
ang loob nito at nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo ang nangyari kay Nyora
Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay Nyora Tentay upang malaman niya na hindi kanya ang
mundo. Patuloy pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador kay Ingga na isauli ang bayong. Sabi ni
Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na niyang Makita pa ulit si Nyora Tentay dahil araw
na niya bumalik doon. Nagboluntaryo naman si Junior na siya na lamang ang magaabot ng bayong sa
pamilya ni Nyora Tentay dahil siguradong hindi siya pagiisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga
volunteers. Kanya na lamang daw papalabasin na napulot niya ito kung saan man.

Kabanta 23: Nilikha Ukol sa Iba

Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong nito. Ngunit mas
gusto parin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya talagang makaganti rito
ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti kay Nyora Tentay sa kung ano mang
nangyari sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa loob ng bayong. Kanilang pinatuyo ang
mga basing perang papel pati na rin ang mga mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot
bago ilagay sa paper bag. Nang paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya ay natatakot
at sinabi naman ni Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng bayong.

Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at nagpakilalang siya ay si Tisya.
Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa Canal de la Reina.
Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang lupa para mawala na ang utang
nito kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga na hindi sumabat sa pinaguuapan nila dahil alam na alam
ni Ingga ang ganung sistema na ginagawa ni Nyora Tentay sa lahat ng tao na may utang sa kanya.
Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat araw na lumilipas
kakahanap niya sa kanyang nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa ospital kung hindi ay
turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma at hindi rin ito makatulog.
Dumating naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap ni Victor.

Kabanata 24: Sumbat

Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni Victor na ito ang bayong na
matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang bayong ng kanyang ina
na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng anim na lilimampung salaping
papel ngunit ito’y tinanggihan ni Junior. Siya’y paalis na at naalalang kunin ni Victor ang pangalan ng
taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay si Salvador de los Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni
Junior ay napaisip si Victor na naturuan sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang
pamilya dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa kanila.

Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang hindi niya tinanggap ang
binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob na ginawa niya. Kasama niya doon si Leni at si
Gerry na apo ni Nyora Tentay. At nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa kanilang mga magulang. Ayaw
na ayaw ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang lola at ama. Sila’y nagusap at mukhang
nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap sa kanyang ama ngunit pinipigil siya ng kanyang
loob na maaring hindi pa ito matanggap ng kanyang ina.

Kabanata 25: Saan sa Kahapon?

Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na nilagdaan ni Victor bilang patunay na
atanggap na nila ang bayong. Ilang beses inuulit ni Caridad na mas gugustuhin niyang gumaling si Nyora
Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung kung titino ang kanyang isip at malalaman nito ang
mga nangyayari sa kanyang paligid lalo na ang pagbawi ng mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa
kabilang banda naman ay ipinakita ni Victor sa doktor ng kayang ina na nasakanila na uli ang bayong ngunit
hindi na ito maalala pa ni Nyora Tentay.

May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina upang ayain ito na kumain sa labas.
Hindi inaasahan ni Gerry na dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong.

Kabanata 26: Masikip sa Tatlo ang Mundo


Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika rin niya ang kayang ina. Humingi
ng tulong si Victor kay Gerry kung mayroon ba ito mairerekomendang doktor para sa kanyang lola dahil
alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari pa nila itong bigyan ng presyong
kaibigan. Nagrekomenda naman ng doktor si Gerry bilang tulong at nabanggit ng kanyang ama na kung
puwede ba niyo tiong maimbitahin kumain ng hapunan kasama ang kanyang ina nang biglang lumabas si
Gracia sa resting room ni Gerry sa klinika at biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor
na makikita niya ulit si Gracia sa unang pagkakataon mula ng sila ay maghiwalay at tumuloy na nga si
Victor.

Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napagusapan ni Gerry na mukhang humihingi na ng tawad


ang kanyang ama rito ngunit hinayaan lang ito ng kanyang ina. Napagusapan din ni Gerry ang
pagpapahiwatig niya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni.

Kabanata 27: Sa Pintuan

Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa buhay niya si Victor dahil sa
mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita sila ni Victor
mananghalian o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago si Victor dahil hindi pa
rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong binanggit ni Gracia si Leni sa kanilang pag-uuspan
nakita ni Gracia ang kaligayahang nakaguhit sa mukha ng kanyang anak.

Tintanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang bayong daw ba ay sa kanya at sinagot
ng malakas ni Nyora Tentay sa kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya ang ginawa ay pinatulog
siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya noong nakaraan na bagyo. Pagising
ni Nyora Tentay ay naalala nga niya na nagkaroon nga ng bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at
pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng doktor. Inuwi ni Victor si Nyora Tentay sa bahay. May
konting pagababago na sa kalagayan niya. Nakakapag-salita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na
palagi dapat siyang kakausapin ukol sa bayong niya upang matulun9gan siyang makrecover. Pagkatapos
ay nakipagkita na si Victor sa kaniyang anak na si Gernomio, una sa Gernoimo ang ang gusto magbayad sa
kahera pero pumilit si Victor na siya na lamang ngunit hindi pa din pumayag si Geronimo kaya pinabayaan
na lamang ni Victor. Nasaktan si Victor. Pumunta si Victor sa tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagd siya
pinatuloy doon.

Kabanata 28: Pagsuko


Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit si Victor pala ito. Noon pa daw
sana bibisita si Victor pagkatapos nilang magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni Gracia si Victor sa bahay
dahil ibig niyang Makita nito ang layaw na tinatamasa ni Geronimo nang wala si Victor at hindi
tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na makasama si Gracia sa kanila ni Gerry kung kumakain sila sa labas.
Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora

Tentay dahil sa doctor na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila ilalaban ang kaso.
Bahala na daw ang abogado at ang husgado. Sinabi na rin ni Victor ang tunay na pakay niya kay Gracia at
ito ay ang pag-usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi lamang ni Gracia ay magagawa
nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan ang permiso ng mga magulang. Ibig niyang ipamukha kay
Victor ang mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan sa kanila hanggang tuluyang mawasak ang kanilang
pagsasama. Nang aalis na si Victor, nag kamay sila at nang mag dikit ang kanilang mga palad ay gumapang
sa kanyang kabuuan ang damdamin mula sa mga daliri nito.

Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora tentay sa dati nilang tirahan sa Canal de la Reina,
kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang dinalaw ang pook na sinalanta ng baha. Habang naglalakad ay
nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na namatay na si Doro. Maraming kwentang
hawak si Doro, at nang matapos ang baha, hindi niya naisipang hanapin ang mga taong alam niyang may
utang kay Nyora Tentay.

Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de la Reina, kung hindi’y
paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing. Nakasalubong rin
niya si Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may ipapaayos sa bahay. Alam niyang lagi
nitong tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay Victor kung may balita na kay Tisya na matagal nang
nawawala. Maraming tao ang namatay dahil sa baha. Pati nga si King Kong ay nawawala pa rin, ngunit
sapat na kay Victor ang walang nag-uusisa tungkol kay Nyora Tentay, gayong alam niyang pinaguusapan
ng buong pook ang wari’y pagkabaliw nito. Sa sandaling iyon, natiyak ni Victor na iiwan na nila ang Canal
de la Reina, sa gusto o ayaw ni Nyora Tentay.

Kabanata 29: Papalapit na Wakas


Bumalik si Victor sa kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora Tentay na ang
kanyang tirahan sa Canal Dela Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo.

Nagising si Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa pagkawala
ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng sariling bahay.
Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kaht na hindi pa nadedesisyunan ng korte kung sino ang
panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay
hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni
Caridad.

Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board
exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama ang kanyang
ama, si Vic.

Kabanata 30: Dito Babangon

Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong paring tatanggapin sa tahanan nila Caridad at
Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board at sa pagiging opisyal na doktora. Habang
naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag niya ito na nagbigay takot
naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay.
Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga
ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik pa ulit kila Nyora Tentay at ito’y luluwas na ng probinsya sa araw din
na iyon.

Sinabi na ni Gerry na magpapakasala na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya sa mga
mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang pagpapatayo ng
ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang ospital na ito ay para lamang sa
mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang mga anak.

Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang asawa
na si Victor.

Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na ospital ng
kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior ang Architecture. Naisip ni Junior na ang
magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Ito’y
kanyang naisip dahil kinakailangan nila ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang
lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.

Tagpuan:

Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga iskuwater. Ipinapakita
rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon
din ng matinding relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari
ni Caridad ay nandirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang kabuuan ng
nobela.

You might also like