You are on page 1of 2

Basahan

Minsan pamunas, kung ituring nyo madalas. Na tila ba'y napakadumi ko't may sakit pa. Nasa

lansangan walang kasama. Tila wala nang pamilya. Dahil, ako'y nag iisa. Tinatawag na "batang

kalsada" At marami pang iba. Bakit nga ba may mga tao na, Mahilig mangutya ng ibang tao. Pag

katapos kang titigan, Iisipan ka nang masamang bagay Ang masaklap pa'y itataboy kang Ismo

hayop. Bakit ako pinagtatabuyan? Hindi naman ako mukhang magnanakaw o akyat-bahay. Pero

bakit parang kriminal kung ituring ninyo ako? Dahil ba sa marumi ako? Naghahanap lamang ako ng

isang permanenteng trabaho; 'Yong kayang tustusan ang pangangailangan ko Sa isang buong

linggo. Bakit ang mga kagaya ko'y 'Di tanggap sa lipunan? Tao pa rin ako; May damdamin at puso.

Marunong naman akong umintindi... Kahit ako'y hamak na pulubi. Ako'y isang batang lansangan;

Palaboy-laboy lamang kung saan. Hindi niyo ba naiisip ang aking sinasapit? Lansangan na nga ang

aking naging tirahan Natutulog ako kahit saan.Naghahanap akoNg mga karton 'Yong p'wedeng

kong maging higaan at kahit wala ng mga unan. Para sa akin?Ay ayos lang. Kahit sobrang usok at

ingay pa ng mga sasakyan. Para sa akin?Ay ayos lang. Wala na akong magagawa. Isang beses

lamang sa isang buwan kung ako'y maligo Wag na kayong mahiyang sabihin na ako'y mabaho Di ko

lang talaga kayang bumili ng mamahaling pabango. Dahil mas inuuna ko pa ang pag bili ng pagkain

Kaysa magpag'wapo. Sinubukan kong maghanap ng trabaho Ngunit tinatangihan ako. Basahan nyo

man ako ituring pero may halaga rin. Basahan nyo man ituring ngunit tao padin. Basahan nyo man

akong ituring ngunit may pangarap din. Hindi sa habang panahon, Ako'y isa lamang basahang

walang silbi sa lansangan. Balang araw ako'y aangat din sa lipunan. Balang araw itong basahang ito

ay mapapakinabangan. At hindi niyo basta basta itatapon kung saan. Basahan ako. Oo basahan ako.

Mukang pamunasan ng kung ano-ano. Pero tatandaan niyo, hindi ako papayag na ganito lamang
ako. Dahil ang pangarap ko ay maitaguyod ang pamilya ko. Basahan, OO! Basahan. Pero di

maikakaila na tao din ako kagaya niyo. Kaya sana'y pahalagahan at mabigyan ng respeto.

You might also like