You are on page 1of 4

Applied FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Subject Handout 1
4
Batayang Kaalaman sa Pagsulat

 Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na


kumakatawan sa ispesipikong lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005).
 Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng
pananda na kumakatawan sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996).
 Ito ay masistemang proseso.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang
pagsulat.
 Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord o pagpreserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat
(Fischer, 2001).
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).
AKADEMIKONG PAGSULAT
Sa globalisadong mundo, nakaaangat ang mga indibidwal na may
kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat.

 Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-


iisip.
 Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may
mapanuring pag-iisip.
 May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-
organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa
orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
Halimbawa ng akademikong teksto:
Abstrak Talumpati
Bionote Sintesis
Panukalang Proyekto Repleksibong Sanaysay
Posisyong Papel Katitikan ng Pulong
Photo Essay Lakbay-Sanaysay

Pagkakaiba ng Akademiko at Personal na Pagsulat

Personal na Pagsulat Akademikong Pagsulat


 impormal ang wika  pormal ang wika

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 1 ng 4
 magaan ang tono at  seryoso ang tono
kumbersasyonal  hindi maligoy at direct
 madalas ay maligoy to the point ang
ang paglalahad paglalahad
 nangangailangan ng  literal ang pagbasa at
hindi literal na hindi ginagamitan ng
pagbasa mabubulaklak na
 karaniwan ay bunga pananalita
ng imahinasyon  pinahahalagahan ang
kawastuan ng mga
impormasyon
 bunga ng masinop na
pananaliksik

Uri ng Akademikong Pagsulat ayon sa Layunin


1. Impormatibong Sulatin
 Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag
Halimbawa: balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag
ng estadistika, konseptong papel, sulatin tungkol sa
kasaysayan, tesis
2. Malikhaing Akda
 Nagbibigay rin ng impormasyon ngunit higit ang layunin nitong
makapagbigay-aliw sa mga mambabasa
Halimbawa: autobiography, diary, memoir, liham, movie review
3. Sulating Nanghihikayat
 May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa
na pumanig sa isang paniniwala, opinion, o katuwiran
Halimbawa: konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong
papel, manifesto, editorial, talumpati
Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat
1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga
salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng
salitang ito

2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol


sa paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula,

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 2 ng 4
una, ikalawa, susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa
katunayan, halimbawa, at iba pa.

3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari


o proseso batay sa wastong sequence. Halimbawa, kronolohiya ng mga
pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898, o ang proseso ng
pagluluto ng adobo.
4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at
pagkakaiba ng mga tao (PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz),
pangyayari (Pasko, Bagong Taon), konsepto (pagmamahal,
pagseselos), at iba pa.

5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at


ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina
sa pagtatapon ng basura ay lagging bumabaha sa kalakhang Maynila.

6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng


mga posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa
kahirapan.

7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong


katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari.
Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng mga programang K-12 sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Halimbawa ng Akademikong Sulatin


ABSTRAK

Ang pananaliksik-papel na ito ay naglalayon na maipakita ang


impresyon ng mga estudyante ng unang taon ng College of Nursing ng
UST sa mga taong nagpi-PDA (Public Displays of Affection) sa loob ng
paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid sa mga
mambabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao sa PDA.
Sa ganitong paraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga
problema sa PDA. Upang makalap ang mga kinakailangang
impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng sarbey sa mga estudyante
sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito, nahinuha ng grupo
na hindi maganda ang tingin ng mga nasabing respondente sa mga
taong nagpi-PDA. Ngunit, karamihan sa kanila ay walang reaksyon sa
pagbibigay ng parusa sa mga ito.

1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 3 ng 4
2. Ano ang layunin ng abstrak na ito?
3. Ano-anong bahagi ang makikita mo rito?
4. Ano ang kalakasan at kahinaan ng abstrak na ito?

Digong binati si Trump


MANILA, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo
Duterte kay US president-elect Donald Trump matapos manalo ito sa US
presidential elections laban kay Democratic party candidate Hillary Clinton.
“President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm
congratulations to Mr. Donald Trump on his recent electoral victory as
President of the United States of America. The United States presidential
elections is a testament to the enduring traditions of its democratic system
and the American way of life. The two-party system gives American voters
freedom of choice based on party platforms, not just on personalities,”
pahayag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na kasama ni
Pangulong Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia.
Hangad anya ni Duterte ang tagumpay ni Trump sa kanyang
pamumuno sa Estados Unidos.
Umaasa rin ito na magkaroon ng magandang relasyon ang US at
Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng bagong halal na Pangulo.
Magugunita na inilarawan ni Duterte si Trump sa interview niya
kamakailan sa Al-Jazeera television na isang ‘good presidential candidate’.
1. Anong uri ng akademikong sulatin ito?
2. Ano ang paksa ng sulatin?
3. Ano ang layunin nito?
4. Ano ang mga detalyeng inilahad tungkol sa paksa?

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 4 ng 4

You might also like