You are on page 1of 5

Mga Bahagi ng Mata:

sclera
cornea
iris
kanal ng schlemm
lente
conjunctiva
kalamnang inferior rectus
kalamnang inferior oblique
optic nerve
macula
mga ugat ng retina
kalamnang superior rectus
cilliary body
mga ciliary zonular fiber

Ang sclera ay ang puting bahagi ng mata na nakapalibot sa cornea.


Binubuo nito ang ikawalumpung bahagi ng kabuuan ng ating eyeball. Ito
ay binubuo ng maninipis na hibla ng collagen na magkakapulupot at
kabit - kabit. Ito ang nagpapanatili ng mala – bolang hugis ng ating mga
mata at pumoprotekta rito mula sa pagkapunit o pagkasira dulot ng
hindi sinasadyang pagkasundot o pagbangga sa mata.

Ang cornea ay ang ikalawang takip ng ating mata mula sa ibabaw. Ang
pangunahing tungkulin nito ay ang pagpapatuon ng mga paningin. Ang
bawat cornea ng mata ay may tatlong pangunahing suson o layer at
dalawang mas maninipis na suson o layer. Ang bawat isang suson o
layer ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng
pokus ng ating paningin.
Limang Suson ng Cornea:
epithelium
bowman’s membrane
stroma
descemet’s membrane
endothelium
Ang epithelium ay ang pinakaunang suson ng cornea na syang sumasala
at pumoprotekta sa mata laban sa alikabok, tubig, at dumi o bacteria.
Ito rin ang sumisipsip ng oxygen at mga nutrinang mula sa luha na
ibinabahagi sa iba pang suson ng cornea.

Ang bowman’s membrane ay ang ikalawang suson ng cornea na tila


manipis na film ng himaymay ng bowman’s layer na binubuo ng hibla
ng mga protina na tinatawag na collagen. Ang pagkapinsala ng
bowman’s layer ay maaaring magdulot ng peklat sa cornea at kalaunan
ay mauwi sa pagkawala ng paningin.

Ang stroma ay ang sumunod na suson ng cornea at siyang


pinakamakapal sa lahat. Ito ay karaniwang binubuo ng pinaghalong
tubig at collagen. Ang collagen ang nagbibigay ng tibay, elatisidad, at
porma sa cornea. Ang kakaibang pagkakaayos ng mga collagen sa ay
nakatutulong sa pagpapanatili ng transparency ng ating mga mata.

Ang descemet’s membrane ay ang ikaapat na suson ng cornea na


bagaman manipis ay nagsisilbing proteksyon sa impeksyon at pinsala ng
mata. Ang mga collagen na nasa decemet’s membrane ay kaiba kaysa
sa collagen na nasa stroma sapagkat mas madali itong mabuo at
maghilom matapos ang pagkapinsala.
Ang endothelium ay pinakahuling suson ng cornea mula sa ibabaw. Ang
suson na ito ang naglalabas ng sobrang tubig na nasa stroma. Kung
hindi ito mailalabas ng endothelium, ang stroma ng cornea ay
mamamaga, magiging makapal, at may kalabuan ang paningin.

Ang iris ay ang pabilog at manipis na istruktura ng mata na responsible


sa pagkokontrol ng lapad at laki ng pupil ng mata at ang liwanag na
pumapasok sa retina. Ito ang kumikilala ng kulay na nakikita ng tao.

Ang kanal ng schlemm ay ang bahagi ng mata na ipinangalan sa isang


anatomistang Herman na si Friedrich Sclemm na siyang nakatuklas ng
kakaibang hugis bilog na tila singsing na nakapalibot sa cornea. Dito
dumadaloy ang tubig ng mata patungo sa iba’t ibang suson ng cornea.

Ang lente ng mata ay ikalawa sa mga bahagi ng mata sumunod sa


cornea. Ito ay matatagpuan sa likod ng iris at pupil. Ito ang tumutulong
upang makita natin ang liwanag at mga imahe sa retina ng mata.

Ang conjunctiva ang bahagi ng mata na binubuo ng mga hibla ng linya


na makikita ng pilikmata na tumatakip sa sclera.

Ang kalamnang inferior rectus ay ang bahagi na makikita sa ilalim ng


mata. Kapag ito ay nanigas, hindi makagagalaw ang mata ng paitaas na
nagdudulot ng pagdoble ng paningin.

Ang kalamnang inferior oblique ay ang manipis at makitid na kalamnan


na responsible sa pagpapagalaw ng mata at makikita sa likod na bahagi
ng mata.

Ang optic nerve ay tinatawag ding cranial nerve ang siyang


nagkokonekta ng mata sa utak.
Ang macula ay ang maliit ngunit mahalagang bahagi sa gitna ng retina
ng mata. Kailangan ito upang makita ng malinaw ang mga detalya ng
bagay na nasa iyong harapan.

Ang mga ugat ng retina ang bahaging naaapektuhan sa tuwing merong


diabetes ang tao hanggang sa tuluyang mabulag.

Ang kalamnang superior rectus ay isa rin sa mga kalamnan ng mata na


nakapagpapagalaw rito.

Ang cilliary body ay ang ekstensyon ng iris ng mata.

Ang mga ciliary zonular fiber ay ang mga hiblang nagdudugtong sa


ciliary body at lente ng mata

You might also like