You are on page 1of 36

Ang Epekto ng Mababang Lebel ng Melatonin

sa Pag-aaral ng mga Piling Estudyante ng

Unibersidad ng Santo Tomas

---------------------------------------------

Isang Tesis na Ihinarap kay

Gng. Rosa Lumbrera

---------------------------------------

Bilang Bahagi sa Pagtupad ng

mga kinakailangan sa Filipino

----------------------------------------

Isinaliksik nina:

Lagundi, Jino Leon A.

Mariano, Judith Eliza A.

Renojo, Janine Allysa Q.

Soriano, Andrea Ayra S.

Mayo 2017
Pasasalamat

Ang pananaliksik na ito ay taos pusong inihahandog, na may hangarin at layunin

na makapagpapabuti ng hindi lamang ang sarili kundi pati na rin ang kapwa sa

pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at impormasyon.

Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang aking mga kagrupo na sina Judith,

Janine, at Ayra dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagtulong upang matapos naming ang

pananaliksik na ito. Dahil din sa kanila kung bakit nagawa namin ng maayos at

matiwasay ang pananaliksik na ito.

Pangalawa, nais kong pasalamatan ang aming guro na si Gng. Rosa Lumbrera sa

pagbibigay ng oportunidad na ito upang magsaliksik at para na rin sa mga ibinahagi

niyang kaalaman ukol sa pananaliksik na aming naging gabay sa pagtatapos ng

pananaliksik na ito.

Pangatlo, pinapasalamatan ko rin ang aking mga magulang na hindi nag sasawang

magbigay ng suporta nila, di lamang sa pinansyal ngunit pati na rin sa lahat ng aspeto ng

buhay. Sila ang aking naging inspirasyon para matapos ang papel na ito. Nais ko rin

pasalamatan ang aking mga kaibigan na laging nandiyan upang maging sandigan at

magbigay ng kasiyahan.

At higit sa lahat, nais kong pasalamatan ang Poong Maykapal na siyang patuloy

na nagbibigay ng lakas at kakayahan upang matapos naming ang papel na ito. Naniniwala

ako na siya ang aming naging gabay at kalianman ay hindi kami pinabayaan upang

magawa namin ng maayos ang aming pananaliksik.

Jino Lagundi
Ang pananaliksik na ito ay buong pusong ibinabahahagi na may hangarin at

layunin na makakapagpabuti ng hindi lamang ng sarili kung hindi rin ng mga mambabasa

sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalama at impormasyon.

Nais kong pasalamatan ang aking mga kagrupo na sina Janine, Jino, at Judith na

walang pagaalinlangang ginugol ang kanilang oras upang matiyagang humikalap ng mga

impormasyon para sa pananaliksik.

Isa sa aking gustong pasalamatan ay ang aming propesor na si Gng. Rosa

Lumbrera na matiyagang gumabay sa proseso ng aming pananaliksik at sa pagbigay ng

oportunidad na maibahagi ng aming grupo ang kaalaman na nilalaman ng aming

pananaliksik.

Sa aking pamilya na walang sawa na sumuporta sa aking mga gawain hindi

lamang sa pang akademiko ngunit sa lahat ng aspeto. Sila ang aking inspirasyon upang

matapos ang pananaliksik na ito. Nais ko ring pasalamatan ang aking mga kaibigan na

nagsisilbing aking mga sandigan at tgapagpaligaya.

Higit sa lahat ay nais kong pasalamatan ang Poong Maykapal na patuloy na

nagbibigay sa akin ng lakas, talino, at talento at paggabay sa aming upang matapos ang

pananaliksik. Nang dahil sa hindi pagpapabaya sa sa amin ng Maykapal ay natapos ang

aming pananaliksik ng maayos at matiwasay.

Andrea Ayra Soriano


Ang pananaliksik na ito ay isinagawa na may hangaring makatulong sa kapwa sa

pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at impormasyon.

Nais kong ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng naging parte upang mabuo ang

pananaliksik na ito. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil siya ay nagsilbing

gabay at lakas upang tapusin ang aming pananaliksik.

Sa aking mga magulang at mga kaibigan, na nakasama namin sa pagsasaya,

kalungkutan at problema, maraming salamat.

Sa aming propesor na si Gng. Rosa Lumbrera na pumukaw sa amin upang

gumawa ng pananaliksik at makatulong sa mga nangangailangan nito.

Sa aking mag-aaral na sina Jino, Ayra, at Janine, na kasama ko sa paggawa ng

pananaliksik na nagpakita ng dedikasyon at pasensya upang mabuo ang pananaliksik na

ito.

Taos puso kong inaabot ang aking pasasalamat sa tulong at suportang inyong

ibinahagi upang matapos ang aming pananaliksik.

Judith Eliza Mariano

Itong pananaliksik na ito ay buong pusong inihahandog, na may mabuting

hangarin para sa layuning makapagpabuti ng kapwa at ng sarili sa pamamagitan ng

pagbibigay kaalaman.
Nais pasalamatan ng mananaliksik na ito ang mga mga kaibigan, na nagsisilbing

sandigan sa oras ng malapit na pagsuko, kasama sa saya sa oras ng kaginhawaan at

napaglalabasan ng mga nadarama.

Sa mga kamag-aral, na kasama sa pagtahak sa pagtapos ng pananaliksik na ito:

Jino, Judith at Andrea At sa pamilyang hindi sumusuko sa paulit ulit niyang kapalpakan

at sa patuloy na pag-abot sa kanyang mga pangarap na siya ring sumusuporta sa kanyang

pagtatapos ng pag-aaral: Edmundo, Joycelyn at Jubelle.

At higit sa lahat, sa Diyos na patuloy na nagbibigay buhay at mga biyaya ng

lakas, kakayahan, talino, talento at kaayusan.

Janine Renojo
Talaan ng Nilalaman

I. Rasyunal --------------------------------------------------------------------------------------------1

II. Layunin ------------------------------------------------------------------------------------------- 2

Pangkalahatan Layunin---------------------------------------------------------------------2

Tiyak na Layunin----------------------------------------------------------------------------2

III. Metodolohiya --------------------------------------------------------------------------------- 2-3

Disenyo ng Pananaliksik-------------------------------------------------------------------2

Mga Respondent ng Pananaliksik-------------------------------------------------------2

Instrumento ng Pananaliksik---------------------------------------------------------------3

IV. Inaasahang Bunga -------------------------------------------------------------------------- 4-11

Melatonin-------------------------------------------------------------------------------------4

Produksyon ng Melatonin------------------------------------------------------------------4

Epekto ng Mababang Lebel ng Melatonin--------------------------------------------4-9

Resulta ng Sarbey-----------------------------------------------------------------------9-11

V. Konklusyon----------------------------------------------------------------------------------11-13

VI. Talasanggunian--------------------------------------------------------------------------------14

VI. Dahong Dagdag--------------------------------------------------------------------------------14

Sarbey-----------------------------------------------------------------------------------14-17
Grapiko ng mga Resulta ng Sarbey

Biodata ng mga Mananaliksik-------------------------------------------------------------


1

I. Rasyunal

Ang pagtulog ay isa sa mga indikasyon ng kalusugan ng isang tao. Sa pagtulog

din nagkakaroon ng muling pagkabuhay o regenerasyon ng mga brain cells na

nakakatulong sa pag-iisip lalo na sa mga mag-aaral na madalas ay gumagawa ng

matinding pag-aanalisa at pagsasaulo ng mga aralin. Isa sa mga nangangasiwa sa

pagtulog ay ang melatonin, na siya rin nangangasiwa sa pagkagising. Ang oras din ay

mahalaga para sa mga mag-aaral pero kaakibat ng pagtulog ay ang oras na sana’y

napupunta sa pag-aaral. Sa pahayag na ito makikita na may pagkakasalungat. Ang

melatonin bilang sangkap sa pagtulog ay may hindi magandang epekto sa pag-aaral kung

hindi sakto ang lebel nito sa oras at gawain ng mag-aaral.

Bilang mga mag-aaral, nilalayon ng mga mananaliksik na magbigay tugon at

pagpapaliwanag sa isa sa mga problema na kinakaharap ng bawat estudyante ukol sa

pagtulog, pagkagising at sa kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral. Inaasahan na sa

pagtatapos ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng kontribusyon ang mga resulta at

kaalamang makukuha upang mas maging epektibo sa pag-aaral kasabay ng pagbibigay

halaga sa pagtulog.
2

II. Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maglahad ng kaalaman ukol sa epekto ng

mababang lebel ng melatonin (isang substansiya sa katawan na nangangasiwa sa

pagkatulog at pagkagising) sa pag-aaral ng mga piling estudyante ng Unibersidad ng

Santo Tomas. Ito rin ay may layuning magbigay ng mga pagpapaliwanag sa proseso sa

kung paano ito nakakaapekto, tugon sa katanungan sa kung ano ang mga epekto at

solusyon sa kalakip na suliranin ng paksa.

III. Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa palarawan na pamamaraan sa

pamamagitan ng sarbey upang makuha ang mga tugon ng mga piling responde ng mga

mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas.

B. Mga respondent ng pananaliksik

Ang mga estyudante ng Unibersidad ng Santo Tomas ang napiling respondents ng

mga mananaliksik upang magsagot ng sarbey ng pag aaral na ito dahil nais ng mga

mananaliksik na matukoy kung ano ang epekto ng mababang lebel ng melatonin sa pag-

aaral ng mga estyudante. Napili rin silang maging respondents dahil sila ay accessible sa

mga mananaliksik.
3

C. Instrumento ng Pananaliksik

Sinimulan ang pananaliksik sa pangongolektang ng mga datos mula sa mga

nakaraang pag-aaral at mga umiiral sorses tulad ng aklat, dyornal at online websites ukol

sa konsepto ng melatonin at ang mga teoretikal na proseso at epekto nito. Sinundan ito ng

paggawa ng online na talatanungan bilang sarbey na siyang ipinasagot ng pasumala sa

mga mag-aaral ng unibersidad. Ang mga nalikom na porsiyento ng mga tugon ang siyang

pinagbasehan ng mga ginawang pagsagot sa layunin at pinag-ugnay-ugnay ang mga

nakaraang kaalaman ukol sa paksa sa mga panibagong datos upang makapagbigay ng

mga konkretong pagpapaliwanag sa kung ano nga ba ang epekto ng melatonin sa pag-

aaral ng mga estudyante.


4

IV. Inaasahang Bunga

Melatonin

Ang melatonin ay isang hormone (isang kemikal sa katawan) na nangangalaga sa

pang-araw-araw na pagkatulog at pagkagising. Sa gabi karaniwan na mas mataas ang

lebel nito dahil sa dilim mas na-uudyok ang katawan na maglabas nito, kasabay na rin

nito ang pagbibigay hudyat sa katawan na matulog. Sa liwanag, nababawasan ang

paglikha ng melatonin, na nagbibigay hudyat naman upang ang katawan ay humanda na

sa pagkagising.

Produksyon ng Melatonin

Ang melatonin ay isang hormone na ginagawa ng pineal gland sa utak ng tao.

Ang produksyon nito ay nangyayari araw araw, ang pinakamataas na produksyon nito at

tuwing gabi. Ang cycle ng paggawa ng melatonin ay naka base sa circadian rhythm ng

isang tao.

Epekto ng mababang lebel ng Melatonin

Sinasabing ang mga taong may mababang lebel ng melatonin ay hirap at may

kaguluhan sa pagtulog (halimbawa ay ang insomnia – hirap sa pagtulog, at jetlag –

karanasan kung saan hirap mag-saayos ang katawan sa pagtulog dulot ng pagbabago sa

timezones). Sa pamamagitan ng melatonin na mga suplemento, mas natutulungan silang

maibsan ang hirap na ito. Sinasabi ring ang pag-inom ng suplemento ng melatonin ay
5

nakakatulong sa iba’t – ibang sakit tulad ng iba’t- ibang uri ng cancer at Alzheimer’s

diseases (memory loss) (Melatonin Overview Information, 2009)

Mula sa iba’t-ibang nakolektang datos, marami ang sanhi ng mababang lebel ng

melatonin. Ayon sa Institute of Health Sciences.com, ang mga pangunahing sanhi ng

mababang lebel nito ay ang kawalan ng tulog o kahit na ano nagdudulot ng kawalan ng

tulog tulad ng trabahong panggabi, jet lag, alak, caffeine, blood sugar imbalances, stress,

at pagkasilaw sa liwanag (particular sa blue light), electromagnetic waves at edad (may

mga adults na hindi naglalabas ng melatonin sa katawan).

Malaki ang ginagampanan ng melatonin sa pagtulog at kalakip nito ang malaking

tulong ng pagtulog sa pag-aaral ng mga estudyante. Sinasabing importante ang pagtulog

sapagkat ito ay nakakatulong upang makawala ng pagod at makapagpanatili ng malusong

na kalusugan. Kadalasan na ang mga mag-aaral, lalo na yung mga nasa kolehiyo ay may

nakakapagod at abalang pamumuhay na bunga ng maraming gawain tulad ng pagpasok sa

mga klase at paggawa ng mga requirements, isabay pa ang pagsasaulo ng mga aralin,

upang maipasa ang mga pagsusulit na siyang magtitiyak ng pagpasa sa isang asignatura.

Kalakip nito, ang kakulangan sa pagtulog o sleep deprivation ngayon ay nakakaapekto sa

mga importanteng aspekto ng buhay estudyante. Ilan sa mga aspektong ito ay ang mood

or damdamin, energy o lakas (siyang nakakatulong rin sa pag-iisip at sa pang-araw-araw

na gawain), abilidad matuto, memorya at pagsasaulo (na napakahalaga sa pagsasautak ng

mga aralin at paggamit sa mga aralin na ito), mabuting pagkukuro kuro, reaction time at

pagiging maliksi at epektibo (Sleep, n.d.)


6

Kung atin makikita ngayon sa mga naunang datos mula sa mga umiiral na sorses,

masasabi na ang relasyon ng pagtulog sa pag-aaral ay nakakatulong at kalakip nito ay ang

direktang relasyon ng mataas na lebel ng melatonin sa katawan na nasa saktong oras rin

ng pagtulog at pagsasaulo ng mga aralin at pagkakatuto ay mainam.

Ngunit may mga pag-aaral na nagsasabing ang mataas na lebel na melatonin ay

hindi nakakatulong sa pagkatuto dahil nakakaapekto ito sa memory formation. Ayon sa

ScienceDaily.com, sa mas madilim na paligid, na kadalasan nagaganap pag sumapit na

ang gabi, mas tumataas ang lebel ng melatonin at sa umaga naman, mas nababawasan ang

nalilikhang melatonin sa katawan bunga ng liwanag. Sang-ayon ito sa mga unang datos

na naipresenta. Ngunit sa isang eksperimento na isinigawa sa Unibersidad ng Houston ni

Gregg W. Roman, assistant Professor sa Department of Biology, ang melatonin ay

direktang nakakapagpapigil sa memory formation.

Ang eksperimento ay isinagawa sa isang melatonin-treated zebrafish (Danio rerio)

(na kadalasan ay mas aktibo sa umaga kaysa sa gabi), sa liwanag, naobserbahan ng mga

siyentipiko na nagkaroon ng memory formation ang zebrafish sa pamamagitan ng mga

ipinakita nitong mga reaksyon ngunit ng sumapit na ang dilim, halos walang naging

memory formation ang zebrafish na alinsunod sa hindi nito pagpapakita ng mga reaksyon

sa mga stimulus. (Hormone of Darkness, 2007)

Maaring magkaroon ngayon ng pagmumungkahi na ang mababang lebel ng

melatonin ay hindi nakakasama sa pag-aaral gayundin naman na ang mataas ng lebel nito

ay hindi rin nakakatulong sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay isang sekondaryang aspekto


7

lamang na maapektuhan ng lebel ng melatonin sa katawan. Ang pagiging puyat ay

nakakaapekto sa pagsasaulo ng mga aralin, na siya namang mahalagang salik sa buhay

estudyante at pag-aaral ng estudyante. Ang pagkakaroon naman ng mataas na lebel nito

ay hindi rin nakakatulong sapagkat nababawasan ang memory formation, na siya rin

namang hindi nakakatulong sa pagsasaulo kung bibigyan relasyon sa pag-aaral. Maaring

magkaroon ngayon ng ipotesis o palagay na ang lebel ng melatonin at ang epekto nito sa

pag-aaral ay nakasalalay sa salik ng oras.

Maari ring magkaroon ng pag-uugnay na hindi lamang nakasalalay ang

produksyon ng melatonin sa liwanag ng paligid. Tulad nga ng nasa unang mga

nakolektang datos, nakaapekto rin ang mga salik tulad ng pagkonsumo ng caffeine, alak

at kahit ano pa na nagkakasagabal sa pagtulog, na maliwanag nating makikita na sanhi rin

ng pagkakaroon ng mababang lebel ng melatonin.

Kung sa gayon, maipagpapalagay na ang pagkonsumo ng caffeine at alak, ay may

epekto sa pag-aaral at pag-iisip ng mga estudyante. Kung magkakaroon ng pagtutukoy,

ang caffeine at alak, sa epekto nito sa memory formation maaring mahinuha na may

maganda itong epekto dahil ang caffeine ay isang stimulant na nakakapagbigay sigla sa

kalamnan at sa dugo, mas mababang lebel ng melatonin, mas epektibo ang memory

formation (tulad ng konklusyon sa naunang pag-aaral gamit ang zebra fish). Ngunit

kapag sobrang bumaba ang lebel sa puntong hindi na makatulog or hirap na sa pagtulog

ang isang nilalang, nagkakaroon ng depekto sa memory formation sapagkat hindi na

epektibo ang regeneration ng mga brain cells na siyang nakakatulong sa salik na ito.

Magkakaroon ngayon ng pangalawang paghihinuha na ang mababang lebel ay may


8

magandang dulot sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa epektibong memory formation

kung ikukumpara sa memory formation na may salik na mas may mataas na lebel ng

melatonin, na makakatulong sa pag-iisip at pagsasaulo ng mga aralin, ngunit kapag

nasobrahan ang pagkababa ng produksyon ng melatonin sa estudyante, nakakaapekto ito

sa paraang, hindi nagiging epektibo ang pagsasaulo ng mga aralin at ang pag-iisip sa pag-

aaral.

Ayon din sa mga naunang nasabing mga katotohanan, ang pagtulog ay

nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante, isama na rito ang aspekto ng pag-aaral

tulad ng pagkilos at paggawa ng mga gawain. Ang hirap sa pagtulog ay epekto ng

mababang lebel ng melatonin na siya ring nakakaapekto sa pag-aaral at pagkilos ng

estudyante sa paraang hindi nagiging maayos, sakto o epektibo ang paggawa. Isang

kadahilanan na ditto ay ang mababang lebel ng enerhiya sa katawan na dulot ng

kakulangan sa pagtulog. Ngunit maari rin naman patunayan na ang mababang lebel ng

melatonin ay hindi rin naman may ganoong kasamang epekto sapagkat kung ating

iuugnay sa memory formation, ang mas mababang lebel ng melatonin ay nakakapagbigay

na mas epektibong memory formation na siya rin naming nakakapagbigay ng mas

epektibong pagkilos at paggawa.

Isa sa mga salik na mahalaga sa pag-aaral ng mga estudyante ay ang marka na

nakukuha nito sa bawat pagtatapos ng semestre o taon. Ayon kay Bulut (2012) sa

kanyang isinulat na papel, Importance of Grades, ang marka o grado ay isang

kasangkapang pagpapapuri at pagpapatibay at nagpapataas ng pagganyak ng estudyante

upang mas mag-aral pa at mas makapagpakahusay pa upang makakuha ng pagpapatibay


9

sa iba. Isa sa mga nakakaapekto sa salik ng marka ay ang pagkilos at pag-aaral ng

estudyante. Kasama na dito ang pagsasaulo nga mga aralin at ang paggamit nito sa mga

pagsusulit at iba pang gawaing pampaaralan. Maari natin ngayon iugnay ang mababang

lebel ng melatonin at ang epekto nito sa pangkabuang pagkilos ng estudyante. Kalakip ng

mababang lebel ng melatonin ay ang kawalan o kakulangan ng pagtulog at kasabay nito

ang kakulangan sa enerhiya na maaring magdulot ng hindi maayos na performance ng

mag-aaral na sa kalaunan ay makakaapekto sa pangkabuuang marka ng estudyante.

Masasabi natin ngayon na ang epekto ng mababang lebel ng melatonin sa marka ng

estudyante ay nakadepende sa performance na ginawa ng estudyante. Kung bibigyang

relasyon sa pag-aaral, nakakataas ng motibasyon sa pag-aaral ang matataas kung maayos

ang naging pangkabuuang performance ng estudyante dulot ng maayos na lebel ng

melatonin o di naman kaya ay maganda ang lebel ng melatonin sa katawan, kahit pa ito

ay mababa o mataas. Ngunit kung hindi naging maganda ang performance, hindi rin

magiging maganda ang kakalabasan na marka at kalaunan ay maaring mawalan ng gana

ang estudyante upang mag-aaral. Ang ganitong sitwasyon ngayon ay pwedeng iugnay sa

kababaan ng lebel ng melatonin sa katawan.

Resulta ng Sarbey

Nakakuha ng tatlumput dalawang respondante ang mga mananaliksik. Ang mga

respondante ay mga magaaral ng Unibersidad ng Santo Tomas mula sa ibat ibang

kolehiyo ang ibat ibang antas at ibat ibang edad. 75%, ng mga sumagot ng sarbey ay may

edad na 17-18. 18.8% ng mga sumagot ay 19-20 taong gulang. Ang natitirang posyento

ay may edad na 13-14 at 21-22.


10

Sa tatlumpung dalawang mga respondante, 54.5 % ang nakakatulog ng apat

hanggang limang oras. Dalawamput-pitong porsyento naman, 27.3%, ay nagsasabing

nakatutulog sila ng anim hanggang walong oras at 18.2 %, ang nakakatulong isa

hanggang tatlong oras lamang sa isang araw.

Kalahati ng mga respondante ay umiinom ng alak. 93.8% nito ay umiinom ng isa

hanggang apat na beses lamang sa isang lingo habang ang natitirang posyento ay

umiinom ng tatlo hanggang apat na beses sa isang lingo. Karamihan naman ng mga

respondante, 43.8%, ay umiinom ng isa hanggang dalawang beses sa isang araw.

Mayroon ding umiinom ng kape ng dalawa o tatlong beses lamang kada lingo, 25%. Ang

natitirang porsyento naman ay isang beses lamang uminom ng kape sa isang lingo.

Nang tanungin ang mga respondante kung gaano sila kadalas matulog sa klase,

51.5% ang sumagot ng minsan, 24.2 % ang sumagot ng madalas, at 24.2% ang sumagot

ng hindi.

Ayon sa sarbey, 75% ng mga respondante ang madalas ng na-iistress , 25% ang

nagsasabing minsan. 51.4% ng mga respondante ang nagaaral ng madaling araw na,

habang 40% naman ang nagaaral ng gabi, 8.6% lamang ng mga resondante ang nagaaral

ng hapon.

66.7% ang nahihirapan sa pagtulog. 62.5% ang nakakaranas ng insomnia. Lahat

ng respondante ay nagsasabing madalas silang mapagod. Nang tanungin naman kung

nakakaranas sila ng depression, 48.5% ang sumagot ng madalas habang 42.4% naman ay
11

nagsasabing minsan lamang. Napagalaman din na lampas ng kalahati ng mga

respondante, 53.1% ang nagigising sa pagkakatulog.

Itinanong din ng mga nanaliksik ang kanilang perpormansya sa pagaaral.9.4%

lamang ang nagsasabing mataas ang kanilang grado, 56.3% ang nagsasabing karaniwan

ang kanilang mga grado, at ang natitirang 34.4% naman ay nagsasabing mababa ang

grading kanilang nakukuha.

V. Konklusyon

Ang melatonin ay isang hormone na natural na inilalabas ng ating katawan na

pinapanatili ang ating “wake-sleep cycle”. Ang wake-sleep cycle ay ang proseso ng

paggising ang pagtulog ng isang tao, kadalasan ay walong oras ang tulog ng mga tao at

labing anim naman ang oras kung saan ay gising at nagtratrabaho. Nakakaapepkto ang

liwanag sa lebel ng melatonin na nilalabas ng ating katawan. Kaya naman tuwing gabi ay

ang oras na pinakamataas ang lebel ng melatonin sa ating katawan.

Ayon sa sarbey na naisagawa, karamihan sa sumagot na mga piling estudyante ng

Unibersidad ng Santo Tomas ay kulang sa pagtulog. Madami sa repondante ay umiinom

ng kape para magising at maging alisto. Ang caffeine ay karaniwang substansya sa kape

na nagpapaalisto sa isang tao. Ito ay sapagkat ang caffeine ay may kakayahang mag-

stimulate sa Central Nervous System (CNS), sa puso, sa mga kalamnan at maging sa


12

blood pressure. Ayon sa mga pag-aaral, bukod sa pagkaalertong epekto ng caffeine, ito

rin ay epektibo para maibsan ang anumang pananakit ng ulo. Ngunit ang sobrang caffeine

ay maari magig sanhi ng insomnia.

Ang kadalasang bunga ng mababang lebel ng melatonin ay Insomnia. Ang

insomnia ay ang pagkahirap sa pagtulog o kaya naman ay ang pananatili sa pagtulog.

Kadalasan na ang may mga insomnia ay hindi nasisiyahan sa kanilang pagtulog. Ang

mga may insomnia o insomniac ay nakararanas ng: pagod, mababang enerhiya, hirap sa

pagpokus, pagbabago-bago ng lagay ng loob at pagbaba ng performance sa trabaho o

eskwela.

Ang ibang may mga insomnia ay pinipiling umonim ng supplement o sedative.

Ang sedative ay nakakapagpakalma, nakakabawas ng pagkatulala, at nakakatulong upang

medaling makatulog. Kung ang sedative ay maling tulad ng pagsasabay-sabay ng iba’t

ibang klase ng sedative o kaya naman ay ang paginom ng alak, ay maaring pahinaiin nito

ang mga importanteng signal sa katawan na kinakailangan upang mapanatili ang paggana

ng puso at baga. Karamihan sa mga sedative ay may potensyal na maka-addict. Para sa

mga kadahilanang ito, ang sedative ay dapat lamang na ginagamit sa ilalim ng

pangangasiwa ng isang doktor.

Ayon sa sarbey, karamihan sa mga respondante ay umiinom ng alak. Ng alak ay

maaari ding ituring na sedative, ngunit ito ay nakakapagpababa ng melatonin na nilalabas


13

ng ating katawan. Ito ay puwedeng maging sanhi ng paghirap sa pagtulog kung ikaw ay

problema sa paghinga.

Kung iiugnay ang mga naunang nabanggit na datos sa pag-aaral ng mga

estudyante, masasabing ang mababang lebel ng melatonin ay nakakaapekto sa

pamamagitan ng mga epekto nito sa pangkabuuang pagkilos ng estudyante, tulad ng

kakulangan sa lakas sa katawan, sa pagsasaulo ng mga aralin (dito pumapasok ang salik

ng memory formation) at marka ng estudyante.

Ayon sa sarbey, kahit may kakulangan sa pagtulog ang karamihan sa

respondanteng estudyante, karamihan ay nakakapagpanatili ng karaniwang grado. Kung

aanalisahin, hindi sanhi ng posibleng mababang grado ng estudyante ang mababang lebel

ng melatonin ngunit ang salik ng memory formation ang pangunahing sanhi. Base rin sa

mga nakolektang datos, hindi direktang ang mababang lebel ng melatonin ang sanhi ng

hindi epektibong memory formation at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakaapekto ng

masama ang mababang lebel ng melatonin.

Ang mababang lebel ng melatonin ay hindi direktang nakakaapekto sa pag-aaral

ng mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang mga epekto nito tulad ng

kakulangan sa pagtulog na nagdudulot ng kawalan ng lakas at iba’t-ibang epekto sa

memory formation ang pangunahing salik na mahalaga kung oobserbahan ang epekto

nito sa pag-aaral. Hindi lahat ng epekto ng mababang melatonin sa pag-aaral ng mga

piling estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas ay hindi maganda.


14

VI. Talasanggunian

[1] Jewell, T. (2017, April 25). Taking Melatonin: Can You Mix Melatonin and

Alcohol? Retrieved May 02, 2017, from http://www.healthline.com/health/melatonin-

and-alcohol#overview1

[2] Melatonin: Uses, Side Effects, Dosage (Kids/Adults). (n.d.). Retrieved May

02, 2017, from https://www.drugs.com/melatonin.html

[3] Balut. (2014). Importance of Grades Retrieved May 02, 2017, from

http://teaching.monster.com/education/articles/8138-how-important-are-grades

[4] Hormones of Darkness (2007). (n.d.). Retrieved May 02, 2017, from

https://www.sciencedaily.com/releases/2007/11/071115164438.htm

VII. Dahong Dagdag

A. Sarbey Ito ay isang sarbey tungkol sa

pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa


Ang Epekto ng Mababang Lebel ng
2CHEB - Faculty of Engineering ukol sa
Melatonin sa Pag-aaral ng mga Piling
mga epekto ng mababang lebel ng
Estudyante ng Unibersidad ng Santo
melatonin sa pag-aaral ng mga piling
Tomas
estudyante ng Unibersidad ng Santo

Tomas
15

*Kinakailangan Umiinom ka ba ng alak? *kung hindi

ay magpatuloy sa ika-walong tanong


Name:

 Oo
College/Faculty/Institute/Conservator
 Hindi
y: *

Gaano ka kadalas uminom ng alak?


Taon/Baitang:

Edad? *  Araw - araw

 Tatlo hanggang apat na beses


 13 – 14
sa isang linggo
 15 –16
 Isa hanggang sa dalawang
 17– 18
beses sa isang linggo
 19– 20
Gaano ka kadalas uminom ng kape? *
 20 – 21

 21 – 22  Isa hanggang sa dalawang

beses kada araw


Iba pa:
 Mahigit dalawang beses kada
Oras ng tulog sa isang araw? *
araw

 9 oras o higit pa  Dalawa o tatlong beses sa isang

 6- 8 oras linggo

 4-5 oras  Isang beses sa isang linggo

 1-3 oras
Iba pa:
 0 oras
Lagi ka bang nakakatulog sa klase? *
16

 Madalas
Madalas ka bang mapagod? *
 Minsan
 Oo
 Hindi
 Hindi
Lagi ka bang na-istress? *
Ikaw ba ay nakaranas o nakararanas
 Madalas
ng depression? *
 Minsan
 Madalas
 Hindi
 Minsan
Kadalasang oras ng pag-aaral *
 Hindi

 Umaga ( 7:00 n.u. - 12:00 n.t.)


Ikaw ba ay madalas ng makalimot? *
 Hapon ( 12:00 n.t. - 6:00 n.g.)
 Oo
 Gabi ( 6 n.g. - 12 n.u.)
 Hindi
 Madaling araw ( 12:00 n.u. -
Class Standing (Tagalog): *
6:00 n.u.)

Nahihirapan ka ba sa pagtulog? *  Matataas ang mga grado

 Karaniwan ang mga grado


 Oo
 Mababa ang mga grado
 Hindi
Madalas ka bang nagigising sa
Ikaw ba ay nakakaranas ng insomnia?
pagkakatulog *
*
 Madalas
 Oo
 Minsan
 Hindi
17

 Hindi

B. Grapiko ng mga Resulta ng Sarbey

Grapiko 1. Dami ng oras ng tulog

Grapiko 2. Pag-inom ng alak

Grapiko 3. Dalas ng pag-inom ng alak


18

Grapiko 4. Dalas ng pag-inom ng kape

Grapiko 5. Dalas ng pagtulog sa klase

Grapiko 6. Dalas ng pagiging stressed


19

Grapiko 7. Oras ng pag-aaral

Grapiko 8. Hirap sa pagtulog

Grapiko 9. Pagdanas ng Insomia


20

Grapiko 10. Dalas ng pagiging pagod

Grapiko 11. Pagdanas ng depression

Grapiko 12. Dalas ng pagiging malimutin


21

Grapiko 13. Class Standing

Grapiko 14. Pagkagising mula sa pagkakatulog


22

C. Biodata ng mga Mananaliksik

PERSONAL NA IMPORMASYON

______________________________________________________________________________

Pangalan: Jino Leon A. Lagundi Edad: 17 years old

Kaarawan: Oktubre 28, 1999 Relihiyon: Christian

Lugar kung saan pinanganak: Tuguegarao City

Tirahan: 11-C Bacud Street, Ugac Norte, Tuguegarao City

Numero ng telepono: 09175146394

Talento: Pagluluto
23

EDUKASYON

______________________________________________________________________________

Elementarya: Tuguegarao West Central Elementary School Taong Nagtapos: 2011

Karangalang Natanggap: wala

Sekondarya: Cagayan National Highschool Taong Nagtapos: 2015

Karangalang Natanggap: 4th Honor

Kolehiyo: University of Santo Tomas

Karangalang Natanggap: wala


24

PERSONAL NA IMPORMASYON

________________________________________________________________________

Pangalan: Judith Eliza A. Mariano Edad: 18 taong gulang

Kaarawan: Enero 3, 1999 Relihiyon: Katoliko

Lugar kung saan pinanganak: Naga City

Tirahan: B7 California St., Greenland Newtown, Ampid 1, San Mateo, Rizal

Numero ng telepono: 09178196922


25

EDUKASYON

________________________________________________________________________

Elementarya: Guardian Angel Academy Taong Nagtapos: 2011

Karangalang Natanggap: wala

Sekondarya: St. Scholastica’s Academy Marikina Taong Nagtapos: 2015

Karangalang Natanggap: wala

Kolehiyo: University of Santo Tomas

Karangalang Natanggap: wala


26

PERSONAL NA IMPORMASYON

______________________________________________________________________________

Pangalan: Janine Alyssa Q. Renojo Edad: 18 taong gulang

Kaarawan: Oktubre 3, 1998 Relihiyon: Katoliko

Lugar kung saan pinanganak: Quezon City

Tirahan: B6 L12, Roma St. Trails of Maia Alta Subd., Brgy. Dalig, Antipolo City

Numero ng telepono: 09063251846

Talento: Matulog
27

EDUKASYON

______________________________________________________________________________

Elementarya: Our Lady of Peace School Taong Nagtapos: 2011

Karangalang Natanggap: wala

Sekondarya: Our Lady of Peace School Taong Nagtapos: 2015

Karangalang Natanggap: wala

Kolehiyo: University of Santo Tomas

Karangalang Natanggap: wala


28

PERSONAL NA IMPORMASYON

______________________________________________________________________________

Pangalan: Andrea Ayra A. Soriano Edad: 18 taong gulang

Kaarawan: Desyembre 05, 1998 Relihiyon: Roman Catholic

Lugar kung saan pinanganak: Meycauayan City, Bulacan

Tirahan: 03 Esteban South Street, Dalandanan, Valenzuela City

Numero ng telepono: 09264466877/297-70-38

Talento: Pagluluto, pagsusulat


29

EDUKASYON

______________________________________________________________________________

Elementarya: Children of Mary Immaculate College Taong Nagtapos: 2011

Karangalang Natanggap: wala

Sekondarya: Children of Mary Immaculate College Taong Nagtapos: 2015

Karangalang Natanggap: wala

Kolehiyo: University of Santo Tomas

Karangalang Natanggap: wala

You might also like