You are on page 1of 9

Proseso ng

Pagsulat
Jallorina, Fracel

Manzon, Arlene

Marasigan, Aienna Mae

Ofemia, Lie Anne

Roces, Celestine Raye

Soriano, Stephanie

Trillanes, Shaira Nicole

BSBA FM 2-3

G. Darwin Armin
KAHULUGAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang proseso o paraan upang ang kaisipan ng isang tao o ideya ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag na tekstwal (alpabeto) upang
ilarawan ang wika. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa ating isipan.

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng


mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao (Bernales, et al., 2001).

Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin (Bernales, et al., 2002).

Ayon naman kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang element.

BAGO SUMULAT

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.


Nakasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin.
Ang pagsulat ay isang prosesong pauli-ulit hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng isang teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng
impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina.
Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang isusulat. Isang hamon sa
mga estudyante ang mga gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran o hindi
nila nakahiligan ang pagsusulat.
Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natinang proseso at
hindi gawaing dala lamang ng pangangailangan.

BAGO SUMULAT

□ Ito ay isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ay ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng isang isusulat .

□ Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o pangkatan

Pag-iisip ng paksa

Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang ang dalawang bagay:

1. Pumili ng paksa na pamilyar sa manunulat.

Hindi lamang paglalarawan ng panlabas na katangian ng paksang napili kundi maging ang
panloob na katangian nito. Para magawa ito, kailangang kilalang- kilala ng manunulat ang paksa
upang mapalitaw niy ang katangian o kalikasan ng paksa na maaring hindi madaling makita ng
iba
Gayunman, Kahit hindi masyadong kilala ng manunulat ang paksa ay maari pa rin naman niya
itong sulatin kung sasaliksikin nyang mabuti at pag-aralan nang husto ang makukuhang datos
para mapatingkad ang anomang katangi-tangi sa paksa.

2. Pumili ng paksa na makabuluhan sa lipunan.

Bagaman karaniwang nagsisimula ang pagpili ng paksa sa kung ano ang pamilyar at
malapit sa manunulat, ang ibubungang sanaysay ay kailangang makaroon ng silbi sa higit
na nakararaming mambabasa o sa lipunan.
Maaring paksain ang nagaganap na mining sa Pilipinas, maipakita ang kahalagahan ng
pangangalaga sa kalikasan.

Ang manunulat ay maaaring makakuha ng ideya o paksa sa:

(a) Iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan at peryodikal

(b) Midya- radio, telebisyon at internet

© Mga Pelikula o dokumentaryo

(d) Mga sining biswal (drawing, painting at sculpture)

(e) Mga panaginip o alaala

(f) Diskusyon at palitang-kuro

(g) Pagsasatao at pagsasadula

(h) Pananaliksik

(i) Interes sa sarili o ng klase

Paglikha ng Ideya

 Malayang pagsulat (Free writing o writing freely)- pagsulat ng tuloy-tuloy hanggang sa makabuo
ng burador.

-Dito, hindi dapat alalahanin ang ispeling, pagbabantas, pagbubura sa kamalian, pag-oorganisa ng
mga ideya o pagpili ng angkop na salita.

-Sa pamamagitan nito, magiging pamilyar ang iyong isipan at katawan sa aktong pagsusulat

- Higit sa lahat makakatulong ito upang ilabas ang iyong ideya


Pangangalap ng impormasyon

 Pagtatanong (Questioning)- ang mga katanungang nabubuo ay maaaring pangangailangan ng mga


ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat.
- Sino? Ano? Kailan? Bakit? Paano?
- Ito ang ay epektibong paraan para ma-trigger ang iyong isipan na mag-isip ng mga posibleng
paksa at mga detalye ng isang paksa sa iba’t ibang anggulo.
 Paglilista (Listing) – maaari rin itong tawaging Brainstorming
- Kinokolekta mo ang mga ideya at detalye na may kaugnay sa paksang susulatin mula sa
nabuong burador
- Ilista ang mga paksang may kaugnayan sa isa’t isa na maaring gabay sa pagsusulat.

 Pagkaklaster (Clustering)- tinatawag ding diagramming


- Ipinapakita ang mga ideya sa paraang biswal
- Kinokonek ang mga ideyang nakapaloob sa mga bilog/kahon sa isa’t isa sa pamamagitan ng
mga linya

Halimbawa:

Klastering /Pagmamapa ng mga Ideya para sa mga


Posibleng Paksa para sa mga Pandalagang Magasin

DAMIT

MGA PAKSA
PARA SA
MGA
FASHION PANDALAGA
NG MAGASIN
BAG
TRENDS

MGA
SAPATOS BAGONG
TINDAHAN
Pagtukoy ng istratehiyang gagamitin

- Pag-iinterbyu
- Pagsusurbey
- Obserbasyon
- Pag-eeksperimento
- Imersyon

Pag-oorganisa ng mga datos

Ilan sa mahahalagang katangian ng akademikong pagsulat ang pagkakaroon ng sapat at


mapagkakatiwalaan o mapatutunayang datos at mabisang pagkakaayos ng mga ito para
maipaabot sa mambabasa ang nais sabihin ng manunulat. Kahit ang mga anyo ng
malikhaing pagsulat ay kakikitaan din ng mga katangian ng akademikong pagsulat.
Character Sketch- isang anyo ng sanaysay na naglalarawan o ngasasalaysay tungkol sa
isang tao, hayop, bagay o lugar tungo sa isang impresyon o kakintalan o kaya ay insights
o kabatiran

-Ang isang character sketch ay nagsisimula sa paghahanay ng mga naoobserbahang datos tungkol
sa paksa at pagkatapos pinatitingkad ang isang mas malalim o di-lantad na katangian nito.

-Nakilala ito bilang character sketch dahil binibigyang-diin nito ang character o mga katangiang
panloob na tinataglay ng isang indibidwal o bagay.

Pagbabalangkas (Preparing for an outline)

Sa pamamagita nito, maaaring tayain ang sariling gawa kung mayroon pa bang kakulangan ang
bubuuing teksto.
Pinag-iisipang mabuti ang ipapasok na mga punto at ang mga pansuportang aytem dito
Tinitignan din ang order ng bawat aytem upang masiguro ang kaisahan, kohirens at organisadong
ideya sa magiging teksto (blueprint)

3 paraan ng Pagbabalangkas
(1) Impormal na Balangkas
- hindi kailangang mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Ito
ay gamitin lamang sa pagpaplano ng sulatin
(2) Pormal na Balangkas
- madalas itong nabubuo pagkatapos ng premilinaryo o pinal na burador
- ang bawat entri sa pagbabalangkas na ito ay nasa anyong pangungusap
- mahigpit na sinusunod ang herarkiya ng pagkakasunod- sunod ng mga ideya at detalye
(3) Balangkas sa Pangungusap
-mas debelop kumpara sa impormal
-hindi lamang paksa ang maaring ipasok sa bawat talata kundi maging ang mga paksang
pangungusap at mga pangunahing detalye nito na ninanais gamitin.

PAG-IISIP NG PAKSA

PAGLIKHA NG IDEYA

PANGANGALAP NG
IMPORMASYON

PAGTUKOY NG
BAGO SUMULAT ISTRATEHIYANG GAGAMITIN

PAG-ORGANISA NG MGA
DATOS

PAGBABALANGKAS

HABANG SUMUSULAT

 Ito ang pagsulat ng unang burador. Isinasaayos ang simula, katawan at pagwawakas ng
komposisyon.
 Hindi dapat mawala ang momentum sa pagsulat sa bahaging ito, dito isusulat lahat ang
ideyang papasok sa isipan, huwag alalahanin ang mga maling grammar, baybay ng mga
salita, istruktura ng pangungusap at pagbabantas. Balikan ang mga ito pagkatapos
sumulat.
 Ang hakbang na ito ay nakakaaliw at nakakapagod na bahagi. Pagkatapos ng mga
paghahanda bago sumulat dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat.

HABANG Pagsulat ng burador


SUMUSULAT
Pagsasaayos ng panimula, katawan at
pangwakas na talata.
PAGSULAT NG BURADOR O DRAFT
 Ito ang pagsulat ng preliminary bersyon ng dokumento na maaaring baguhin nang paulit-
ulit. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap
ng mga kagamitan.

MGA KAILANGAN SA PAGSULAT NG BURADOR


1. Sundin ang iyong balangkas – ito ang magsisilbing gabay o plano sa gagawing pagsulat.
2. Palawagin ang mga parirala at mga pangungusap
3. Huwag munang intindihin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling
at pagbabantas, pagtuunan ito nang pansin matapos maisulat ang buong burador.

PAGKATAPOS SUMULAT
 ito ang proseso ng pagbasa ng unang borador, binabasa ito nang paulit-ulit upang makita kung:
 maayos ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
 organisado ang mga pangungusap
 kawili-wili ang mga pangunahing ideyang inilahad
 mayroon bang bahagi na dapat alisin o palitan
 maayos ba ang pagkakalahad ng simula, katawan at wakas.
 ang layunin ng prosesong ito ng pagsulat ay mapahubog at mapagbuti ang sinusulat.

PROSESO:
pagbasa ng unang borador
pagsuri sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
Pagkatapos Sumulat pagsusuri sa pagkaka-organisa ng pangungusap
pagsusuri sa mga pangunahing ideya na inilahad
pagtatanggal, pagpapalit ng ilang bahagi
pagsasaayos ng simula, katawan at wakas

1. Pagbasa ng unang borador


 upang malaman kung may kulang ba na datos.
 kailangan maging matiyaga sa pagbabasa upang matamo ang pagiging epektibo ng
isinulat.
2. Pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
 ang mga pangungusap na isinulat ay konektado sa paksa.
 sapat ang mga pangsuportang materyal – halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya/datos
3. Pagsusuri sa pagkakaorganisa ng pangungusap
 pagtatalakay ng isang simpleng hanggang sa komplikadong ideya kung saan makikita ang
pagusbong o development ng sinusulat.

Mga Paraan ng pag-oorganisa


 Paggamit ng paraang panumero o paalpabetiko
- paglalagay ng numero o paalpabetiko ang mga ideyang isusulat na
magsisilbing sikwens nang sa gayon ay madaling matutunton ang
mga isusulat.
 Kronolohikal na paraan
- paraang naglalahad ng simula, gitna, wakas, at puno’t dulot ng
pangyayari.

 Paraang papaksa
- ang mensahe ay diretsong sinususlat ng manunulat.
- Halimbawa nito ay ang pag gamit ng mga sumusunod:
 Ano
 Sino
 Kailan
 Saan
 Paano
 Bakit

4. Pagsusuri sa mga pangunahing ideya


 Kohirens – kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.
 Kaisahan – malinaw na naisusulat ang mga ideya at nagkakaisa ang lahat ng ideya.
5. Pagtatanggal, pagpapalit ng ilang bahagi
 kinakailangan tanggalin ang mga hindi kailangan at nauulit na detalye o ideya sa
sinusulat.
6. Pagsasaayos ng simula, katawan at wakas

PAGREREBISA NG SINULAT

- Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan.
- Pagkatapos na maisulat na muli ang sulatin ay bibigyang pansin naman ay ang nilalaman,
pagkakabuo ng sulatin, wastong gamit ng mga salita, pagwawasto ng gramatika, ispeling at
kombensyon sa pagsulat.
- Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
- Pangunahing layunin ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang
teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.
- Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

nilalaman

pagkakabuo ng sulatin

PAGREREBISA wastong gamit ng salita

gramatika

ispeling

kombensyon sa pagsulat

Sanggunian:

Cecilio, L., Felix, B., Ramos, B., & Salgado, S. (2019). Interdisiplinaryong pagbasa at pagsulat sa
mga diskursong pagpapahayag. Bulacan: St. Andrew Publishing House.

https://prezi.com/4_busnlvtyks/mga-yugto-sa-proseso-ng-pagsusulat/

https://www.slideshare.net/sjbians/proseso-atyugtongpagsulat

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2019%20Pagsulat%20ng%20Burador.pdf

https://www.coursehero.com/file/17610145/Fil-9-Pagsulat/

https://prezi.com/fm-7lknq0re3/3-pagkatapos-sumulat/

https://coerll.utexas.edu/methods/modules/writing/02/post-writing.php

https://www.slideshare.net/joeyvaldriz/postwriting-strategies

https://prezi.com/qfowaejbryfz/paraan-ng-pag-oorganisa-ng-mensaheng-sasabihin/

https://www.slideshare.net/dawnnah/makrong-kasanayan-sa-wika-pagsulat-at-pagbasa

You might also like