Professional Documents
Culture Documents
4 Teorya NG Pagbasa
4 Teorya NG Pagbasa
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na
naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay
napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating
kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang
ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag
din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang
mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa
kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,
nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.
1. Bottom-up
2. Top Down
3. Interaktibo
4. Iskima
iba't - ibang uri ng tekstong akademiko
2.pag-unawa ng materyal
1. ISKANING
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang
pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa
isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng
mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng
isang taong nais makausap.
2. ISKIMING
3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang
kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong
sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba't ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:
5. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri
o basa.
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.
2. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito'y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may
hangarin na mapalawak ang kaalaman.
3. MATIIM NA PAGBASA
Ito'y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-
imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na't ito'y sariling pag-aari.