You are on page 1of 1

Dimacaling, Hanania P.

Cc

REACTION PAPER

Napakaimportante na malaman natin kung bakit natin pinag-aaralan ang kultura at ang wikang
filipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika, mahahasa ang ating kaalaman at kakayahan sa
pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit natin parati ang wikang filipino, magiging matatag ang
pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa
ating mga Pilipino. Ang mga nakalagay na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga
kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas
napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-
ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing pagmamahal sa ating bansa.

Sa bagong henerasyon ngayon mas pinagtutuunan na ng pansin ng mga Pilipinong kabataan ang
pag-aralan ng wikang ingles kaysa sa wikang filipino. Noong una, Ang akala ko ay napakalaki ng
utang na loob natin sa mga amerikano dahil sila ang unang nagbigay saatin ng magandang
edukasyon ngunit isa pala ito sa naging estratehiya ng mga amerikano sa pagsakop ng ating
bansa. Sa pagtagal nila saating bansa nakakalimutan na rin natin ang ating sariling kultura at
wika, Maging sa kasalukuyan ay mas ginagamit na ang wikang ingles, minsan pa ay mas
naiintindihan pa natin ang wikang ingles kaysa sa wikang filipino. Ikumpara na lamang natin ang
ating bansa sa bansang korea at china, mga mauunlad na bansa, na mas ginagamit ang kanilang
wika at kultura at Hindi nanggagaya ng kultura at wika ng ibang bansa. Kaya't dapat nating
pahalagahan ang ating sariling wika at kultura.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan, tayo ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng
kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong
mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura.

You might also like