You are on page 1of 3

 Tradisyon at Kultura ng Syria

Dahil ang Syria ay isa sa pinakamatandang bansa sa buong mundo, himga nasa
ibaba ang ilan sa mga tradisyon at kultura na mayroon ang bansa.
 Pagpapahalaga sa Pamilya
Gaya ng mga Pilipino, ang Syria ay mayroong mataas na pagpapahalaga sa
pamilya. Madalas ang mga Syrians ay nagpupunta at nakikikain sa kanilang
mga kamag anak.
 Literatura
Ang Syria ay mayaman sa literatura. Gayunpaman, dahil sa limitasyon na
inilagay at ipinatupad ng kanilang pamahalaan, ang mga akda na inililimbag sa
Syria ay dumadaan ng masusing pag aaral ng gobyerno. Ipinagbawal ang
pagsusulat ng mga bagay na laban sa gobyerno.
 Mga Tula
Ang kanilang mga tula ay napapsa sa pamamagitan ng pagkwento at pagsulat.
Ang isa sa mga kilalang manunulat sa Syria ay si Badawi al-Jabal na siyang
tinagurang "isa sa mga magagaling na manunula".
 Musika
Ang katutubong musika ng Syria ay madalas nagmumula sa mga katutubong
instrumento, tulad ng oud, ney, at drums. Ito ay sinasamahan ng kakaunti
lamang na tunog na nagmumula sa tao. Ang Syria ay nakapag ambag din sa
classical arab music at Christian hymnody na kilala rin bilang Syrian chant.
 Arkitektura
Ang isa sa mga pinaka kialang arkitektura sa Syria ay ang Azm Palace. Ito ay
itinayo noong 18th century at tinitirahan ng gobernador ng lungsod ng
Damascus.
 Kapistahan
Ang ilan sa mga pista na ipinagdiriwang sa bansang Syria ay ang mga
sumusunod:
Spring Festival of Hama
Flower Festival
Assyrian New Year Festival
At marami pang iba

You might also like