Professional Documents
Culture Documents
Laganap sa buong bansa ang isinasagawang road – clearing mission alinsunod sa Memorandum Circular
121-2019 na naglalayong alisin ang mga nakahambalang na mga istruktura na sumasagabal sa mga
pampublikong daanan.
Kapaki – pakinabang ang ginagawang pagsasaayos sa mga pampublikong kalye upang maiwasan
ang mga pagkaantala sa biyahe o trapik o madalas nararanasan sa mga lungsod. Lahat ng punong bayan
ay binigyan ng 60 araw upang isakatuparan ang naturang clearing operation at kaisa ang bawat barangay
sa isinasagawang pagsunod sa naturang memorandum. Ang pagsasaayos at pag-aalid ng mga
nakahambalang na puno at istruktura na nakatayo sa pampublikong daanan ay nagbibigay ng maayos at
malinis na daan para sa mga mamamayan at nakatutulong rin upang maiwasan ang pagkakaroon ng
aksidente.
Samantala, ang mga punong napuputol bilang bahagi ng operasyon ay pinakikinabangan rin ng mga
residente sa paraang ginagamit nila itong panggatong o pundasyon ng bahay. Malaki ang bahaging
nagagampanan ng road clearing operation sa pagsasaayos hindi lamang sa pampublikong daanan kundi
maging sa kalinisan at kaayusan ng barangay.
Pakikiisa at pagsunod sa naturang Memorandum ang dapat gawin upang mapanatili ang kaayusan sa
buong bansa