You are on page 1of 1

AWIT

https://www.slideshare.net/sadyou99/awit
AWIT Prepared by: Aldous Niño dela
Awit

Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod


ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa). Iba’t ibang paksa
ang tinatalakay ng awit ngunit mayrroong ilan na karaniwang ginagamit na paksa ng awit, ito
ay ang pakikipagsapalaran ng bayani, alamat, at relihiyosong tula.

(Ayon sa pagaaral ng isang batiking mananaliksik na si Damiano L. Eugenio na


nagsulat ng “Awit and Corrido”, walang pagkakaiba ang "awit" sa “korido“ maliban sa
bilang ng pantig sa bawat taludtod.)

Mayroong tatlong elemento ang awit na kapareho nito sa korido, ito ang ang pag-
iibigan, ang relihiyoso at pangangaral, at ang kahima-himala at kagila-gilalas. Ang
karaniwang inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig
ng anak sa magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan. Maraming kilalang
manunulat ng awit, ilan nalang dito ay sina Francisco Balagtas, Eulogio Juan de
Tandiona, at marami pang iba. Ang pinakatanyag na manunulat ng awit ay si Francisco
(Balagtas) Baltazar na itinuring ni Jose Rizal na pinakamahusay na awit noon. Isinulat
nya ang pinakamahusay na awit noon hanggang ngayon, ang Florante at Laura. Ito
nagtataglay ng mga diwaing masasalamin umano sa lipunan.

MGA HALIMBAWA NG AWIT


- Florante at Laura ni Francisco Balagtas
- Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
- Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose dela Cruz
- Salita at Buhay ni Mariang Alimango

Francisco Balagtas
https://biography.yourdictionary.com/articles/francisco-baltazar-biography.html

You might also like