You are on page 1of 12

Aralin 8: Mga Uri ng

Panitikan sa
Malasariling Pamahalaan
Panitikan sa Panahon ng Komonwelt (PAGPAPATULOY…)
▪ TULANG LIRIKO
▪ AWIT
ANO ANG TULANG LIRIKO?

▪ May himig awit ngunit nalilikha ang musika sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita.
▪ Nabubuo ang musika sa damdaming nalilikha ng
manunulat sa kaniyang mga salita at damdamin ay
naglilikha ng tunog na maaliw-iw at nakakagayuma.
Halimbawa:

▪ “Awit sa Pag-ibig”, Singsing ng Pag-ibig” at “Sayang


na Sayang” ni Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)
▪ Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo
Mga Uri ng Tulang Liriko:

a. AWITING- BAYAN/ KANTAHIN- Maikling tulang


binibigkas nang may himig. Karaniwan itong
nagpapasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao.
- May sukat at tugma. Ang layunin ay awitin.
HALIMBAWA:
• Leron-leron Sinta
• Manang Biday
• Awit ng Kabataan (Rivermaya)
Mga Uri ng Tulang Liriko:

b. PASTORAL- ay tulang pumapaksa at naglalarawan


ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig at iba
pa.

HALIMBAWA:
• Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
Mga Uri ng Tulang Liriko:

c. ELEHIYA- ay tula para sa mga yumaong


kamaganak o mahal sa buhay. Hindi ito dapat ikalito
sa Eulohiya.

HALIMBAWA:
• Ang Pamana ni Jose Corazon De Jesus
Mga Uri ng Tulang Liriko:

d. SONETO- Tulang may labing-apat na taludtod


hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay
ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na
pagkatao.

HALIMBAWA:
• Soneto ng Buhay ni Fernando P. Monleon
Mga Uri ng Tulang Liriko:

e. ODA- ay karaniwang isang liriko o uri ng tulang


awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para
sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes
o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para sa mismong oda.

HALIMBAWA:
• “Oda Para kay Rizal” ni Cecilio Apostol
Mga Uri ng Tulang Liriko:

f. DALIT- Isang tulang inaawit bilang papuri sa Dios o


sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting
pilosopiya sa buhay.

HALIMBAWA:
• Ang Dalit para kay Maria
AWIT

▪ Ay uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-apat


na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawang pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan ( aaa, bbb,
ccc at iba pa).
HALIMBAWA:
• “Clarita” at “Historia Famoso de Bernardo Carpio” ni
Jose Dela Cruz
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

MARWIN M.
ANDAYA

You might also like