You are on page 1of 26

La Consolacion University Philippines

City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000

Basic Education Department

Senior High School

Taong Paaralan 2016 – 2017

Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo:

Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State University

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 11

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik)


ii

PANGALAN NG MGA MANANALIKSIK

Ipinasa nina:

Inocencio, Hanna Mae, S.

Amurao, Jomarie, T.

Felomina, Shajin Angeline, C.

Fransisco, Eumar Abraham, C.

Gubatan, Brix, T.

Guevarra, Rachel, C.

Holgado, Jewel Joy, M.

Hongco, Jessa Mae, B.

Honda, Seikah, I.

Tenorio, Kate Angeli, D.

Taon at Pangkat

11-17A

Bb. Rowena Villaver

MARSO 2017
iii

Dahon ng Pagpapatibay

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo:

Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State University”

na ipinasa nina Jomarie T. Amurao, Shajin Angeline C. Felomina, Eumar Abraham C. Fransisco,

Brix T. Gubatan, Rachel C. Geuvarra, Jewel Joy M. Holgado, Jessa Mae B. Hongco, Seikah I.

Honda, Hanna Mae S. Inocencio, at Kate Angeli D. Tenorio bilang pagtupad sa isa sa mga

pangangailangan ng asignaturang Filipino 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino).

Pinagtibay at Binigyan ng Grado ni:

Bb. Rowena Villaver

________________ _____________________________

PETSA Bb. Rowena Villaver


iv

Pasasalamat

Hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala ang mga taong tumulong sa mga

mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na ito. Kaya’t nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

 Sa aming magulang na walang sawang gumabay at sumuporta sa aming pag-aaral.

 Sa aming guro sa Filipino na taos pusong nagturo sa amin ng aming mga dapat gawin sa

pananaliksik na ito, at ang nagbigay kaalaman sa amin ukol sa asignaturang Filipino.

 Sa aming punong-guro na patuloy na paggabay at pagbigay motibasyon bilang mag-aaral

at mananaliksik.

 Sa mga respondente na nagbigay ng mga datos na ginamit sa pananaliksik na ito. At;

 Sa ating Panginoong tagapagligtaas na gumabay at nagbigay lakas sa mga mananaliksik

sa paggawa ng pag-aaral na ito.


v

TALAAN NG NILALAMAN
Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv

Kabanata 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1-5
Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pananaliksik
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Kahulugan ng mga Termino

Kabanata 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6-10
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11-12
Metodo
Pagpili ng Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Proseso ng Pangangalap ng Datos

Kabanata 4 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13-16

Kabanata 5 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17-19
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon

Talasanggunian--------------------------------------------------------------------------------- 20-21
i

Kabanata 1
ANG SULIRANIN

1.1 Panimula

Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay atin nang

nakakamit at nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na hindi

natin ito nabibigyang pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi alam na ang

wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng ating kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito ang pundasyon

ng ating sariling bansa, ang nagpapatunay na ito ay sariling atin.

Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing

katumbas ng pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y

magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang

nagsisilbing tulay natin sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon, at sa

pagpapahayag ng ating saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – tila ito ang tulay

na ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman magiging

dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang bansa.

Ngunit sa patuloy na paglaon ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan

ng wikang Filipino sa atin. Isang katunayan dito ang pagpapatupad ng CHED Memorandum Order

no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na magtatanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo.


2

Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng

ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang

manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino.

Marami man ang tumututol sa pagtanggal ng asignaturang ito, may ilan din namang

nagsasabing may kapakinabangan ito. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-

alam ng posibleng epekto ng pagpapatupad ng batas na ito.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipaalam sa mamamayang Pilipino ang

mga maaaring negatibo at positibong epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-

aaral ng Bachelor of Secondary Education ng Bulacan State University. Ito ay sumasagot sa mga

sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga salik kung bakit ipatutupad ang pagpapatanggal ng asignaturang Filipino

sa kolehiyo?

2. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na ipatanggal ang asignaturang ito sa kanilang sistema

ng edukasyon?

3. Anu-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?

4. Anu-ano naman maidudulot nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa?


3

1.3 Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mamulat ang ating mga kababayan

tungkol sa pinagtatalunang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Importante na

malaman ng bawat mamamayan ang epekto nito sa ating wika bilang mga Pilipino at upang

pahalagahan natin ang pag-aaral ng Filipino. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral ng basic education. Dahil ang saklaw lang ng ipatutupad na

CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 ay ang curriculum ng kolehiyo. Mahalaga ang

pag-aaral na ito para sa mga mag-aaral na hindi pa nakakatungtong sa tertiary level upang mamulat

na agad sila sa murang edad na ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa ating bansa lalong lalo

na sa aspeto ng ating wika.

Sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dahil sila ang mga pinaka maaapektuhan ng

pananaliksik ito, dapat na maunawaan nilang lubusan ang positibo at negatibong epekto ng

nasabing batas sa wikang Filipino at pati na sa kanilang pag-aaral bilang mga estudyante. Para

makita nang lubusan ng bawat isa ang maaaring dulot ito at para magkaroon sila ng matibay

pananaw ukol sa ideyang ito. Ito rin ang magiging tulay ng kanilang mga saloobin, pagsang-ayon

o mga hinaing ukol dito.

Sa mga guro at school administrators. Upang mas lubusan pa nilang maunawaan

ang nasabing programang ito at upang maliwanagan ang bawat isa sa mga maidudulot nito sa mga

estudyante at pati na rin sa kanila bilang mga kinatawan ng iba’t ibang mga paaralan o unibersidad.

Sa mga kasapi ng gobyerno. Upang malaman ng mga nakatataas ang saloobin ng

mga mag-aaral ng kolehiyo ukol sa nais nilang ipatupad na batas. Nang sa gayon ay maging bukas

ang opinyon ng bawat isa.


4

Sa mga susunod pang mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

maging basehan ng mga susunod na mga mananaliksik na nais palawakin ang kanilang kaalaman

ukol sa nasabing paksa na pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

1.4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Inihaharap sa pagsasaliksik na ito ang epekto ng pagtatanggal ng asignaturang

Filipino sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Bulacan State University. Ang mga respondente nito ay

ang mga estudyanteng nasa ikaapat na taon ng kursong Bachelor of Secondary Education sa

nasabing unibersidad. Hindi ito limitado sa kahit anong major ng naturang kurso.

1.5 Kahulugan ng mga Termino

Asignatura – tinatawag ding subject. Ito ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante

upang matuto.

Basic education - ay edukasyon sa ilalim ng antas ng tersiyaryong edukasyon o matatawag din na

sekondaryang edukasyon.

Batch – grupo ng mga tao o bagay kung saan sabay-sabay ang paggawa ng isang partikular na

gawain.

Datos - anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. Ito ay kinokolekta at sinusuri

upang makagawa ng impormasyong naaayon para makagawa ng desisyon, habang ang kaalaman

naman’y mula sa maramihang karanasang may kinalaman sa impormasyong may paksa.

Globally competitive – pagiging mahusay sa iba’t ibang mga larangan na kayang makipagsabayan

sa iba’t ibang mag bansa.

Kurikulum – kalipunan ng mga asignaturang pinag-aaralan sa isang particular na lebel o antas.


5

Kurso – ang pinag-aaralan ng mga mag-aaral ayon sa nais nilang propesyon.

Literatura – mga nakasulat na akda na kadalasan ay may masining na kahulugan.

Major subjects – mga asignaturang kinakailangan ng isang mag-aaral ayon sa kaniyang tinatahak

na kurso.

Minor subjects – mga asignaturang karagdagan lamang; para sa pangkalahatang kaalaman at wala

gaanong kinalaman sa kursong kinukuha ng mga mag-aaral.

Propayl - isang maikling artikulo na nagbibigay ng isang paglalarawan ng isang tao o

organisasyon.

Questionnaire - ay isang pananaliksik na binubuo ng mga katanungan at iba pang mga senyas para

sa layunin ng pangangalap ng impormasyon mula sa respondents.

Respondente - ay isang tao na pinipili sa isang isyu na tumutugon sa pmamagitan ng

komunikasyon na ginagawa rin ng iba.

Requirements – mga panagangailangan sa paaralan upang makapasa ang isang estudyante.

Sosyo-politikal - ang paghahalo ng dalawang bahagi ng lipunan na sosyal o and may kinalaman

sa publiko at ang politikal o ang pamahalaan.

Survey - ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o impormasyon.

Tersiyaryong edukasyon - tinutukoy din bilang ikatlong yugto at ikatlong antas, ay ang antas ng

pang-edukasyon ng pagsunod sa pagkumpleto ng isang paaralan na nagbibigay ng isang

sekondaryang edukasyon

Universal language - wikang naiintindihan ng bawat tao sa buong mundo.


6

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga saklaw na literatura at pag-aaral

patungkol sa paska ng pananaliksik.

2.1 Kaugnay na Literatura

Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng

elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong

1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na

isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating

asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga

literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay

lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.

Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay Tipones

(2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino. Dahil ang

dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo

na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino. Pilipino

tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang

wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang mapalawig ang pagkilala at

pagmamahal sa bayan. (“Bakit mahalaga ang Filipino,” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan

sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating
7

wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan

man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga Pilipino

ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa pamamagitan ng pag-

aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral tungkol sa tamang paggamit

ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay Bienvenido Lumbera,

"Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging bansa." Dahil sa wika natin

nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang

nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng

edukasyon.

Ngunit dahil na rin sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa, dumarami ang

mga asignaturang kinakailangan ng mga mag-aaral upang makasabay tayo sa sistema ng

edukasyon sa iba’t ibang mga bansang mas maunlad sa atin. Lalo na sa kolehiyo, kung saan

nakadepende ang mga asignatura ng mag-aaral base sa kanilang nais na propesyong kuhanin.

Tunay ngang mahirap pagsabaysabayin ang mga requirements sa iba’t ibang

asignatura. Kaya naman may ilang mga estudyante ng kolehiyo na hindi na prayoridad ang mga

asignaturang wala namang kinalaman sa kanilang kurso. Tulad ng ilang mga kurso sa business,

medicine, engineering at iba pa, itinuturing lamang na minor subject ang asignaturang Filipino.

Kaya naman sa taong 2018 ay ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20,

series of 2013 o ang pagrerebisa sa sistema ng edukasyon kapag nakatungtong na sa kolehiyo ang

mga nakapagtapos ng Grade 12, o ang unang batch ng Senior High sa bansa. Ito ay inilabas noong

Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat na lamang
8

ito sa Senior High School. Ang batas na ito ay may layuning paunlarin ang mga kabataan sa

kanilang napiling larangan at upang maging mga mahuhusay ding mga indibidwal na

pinahahalagahan ang kanilang mga kaalaman, maging bukas dahil dito, at upang maging mas

makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad. (Cariga at

Giongco, 2014)

Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED

Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally

competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of 21st

century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing situation,

to think innovatively and create solutions to problems. General education enables the

Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take part in and

hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces

of globalization.”

Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na

paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito matutulungan ang

mga Pilipino makipagsabayan sa agos ng ating makabagong heneraasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga mag-

aaral ayon sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman

patungkol sa kanilang larangan. Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi lamang
9

tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong ito sa

pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang-araw.

Kalakip man ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mananatili

naman ito sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding

medium ang asignaturang Filipino kung nanaisin ng mga guro.

Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang

paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin

mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin? Ang

kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng

ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas pahalagahan

natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon sa bawat isa. At

komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

2.2 Kaugnay na Pag-aaral

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang

pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at angbatayan at gabay ng mga

guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. (Peña, et al. 2007)

Ayon kay Martin (2016), malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang

pambansang identidad or kaakuhan, lalo na sa pagbabagsak sa proseso ng globalisasyon.

Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa, para makasabay sa hamon ng

kasalukuyang panahon. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal, isang krusada na
10

nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa

pagpapaunlad nito bilang kaluluwang ng isang bansa. Subalit sa Pilipinas bunga ng globalisasyon,

sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang Filipino?

Sa mga bansang mauunlad, tunay na kahanga hanga ang pagmamahal nila sa sarili

nilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay na sa wikang Nihonggo.

Halimbawa, ang tawag sa “no right turn” sa kanilang bansa ay usetsu kinshi, “no left turn”, sasetsu

kinshi, at “no parking”, chuusa kinshi. Ang kanilang dahilan, dapat na aralin natin ang kanilang

wika upang maintindihan natin ang nais nilang sabihin. Ayon sa mga Hapon, nasa wika lamang

nila ang kanilang pag-unlad at wala nang iba pa. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa

wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro, ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang

tawag sa Silicon Valley nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra Jaya. Ngunit

tayong mga Pilipino, panay Ingles ang titulo kahit na sa mga pampublikong mga signages.

Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), bilang mga mananaliksik,

napakahalaga ng wikang Filipino. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa

pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa

Pilipinas. Nakapaloob ang kurikulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso

o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mga mag aaral.


11

Kabanata 3

PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga metodo at disenyo na ginamit sa pag-

aaral. Tinatalakay nito kung paano isinagawa ang pananaliksik. Isinasaad din dito ang pagkuha

ng datos, at ang mga instrumentong ginamit sa pag-aaral.

3.1 Metodo

Ang ginamit na uri ng pananaliksik ay ang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik.

Ang kuwalitatibong pananaliksik ay naglalayon na maintindihan ang mga problema ng lipunan

galing sa iba’t ibang pananaw mula sa iba’t ibang mga tao. Ayon kay Mayor-Asuncion (n.d.), ang

kuwalitatibong pag-aaral ay nakatuon sa pagbuo na mga saloobin hinggil sa mga asal, paniniwala,

motibasyon at gawi ng mga indibidwal upang tuklasin ang ibang mga suliraning pantao at

panlipunan.

Ang ginamit na paraan upang makakalap ng mga datos ay ang pagbigay ng mga

talatanungan o questionnaire sa mga napiling respondente.

3.2 Pagpili ng Respondente

Ang mga napiling respondente ay dalawampung (20) mag-aaral mula sa kolehiyo

sa ikaapat na taon ng kursong Bachelor of Secondary Education na nagmula sa Bulacan State

University. Ang mga nasabing respondente ay may edad na labingtaong gulang (18) pataas.
12

3.3 Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos ay

talatanungan o questionnaire dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamabisang

kagamitan sa pagkalap ng mga tiyak na impormasyon. Ayon kay McLeod (2014), ang

questionnaire ay tinatawag ding pasulat na panayam kung saan mas mabisa at mas medaling

makapangalap ng datos sa maramihang bilang ng mga tao.

Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang seksyon: ang propayl ng mga

respondente at ang mga tanong. Ang propayl ng mga respondente ay naglalaman ng kanilang

pangalan, edad, kurso, at lebel o taon ng kanilang pag-aaral. Ang mga tanong naman ay

tumatalakay ukol sa paksa ng pag-aaral. Ito ay tungkol sa kaalaman nila sa paksa, sa sariling

pananaw nila at kung sang-ayon ba sila rito.

3.4 Proseso ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet kung saan makakakuha ng mga

mabisang impormasyon sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik. Nadiskubre ng mga mananaliksik

ang iba’t ibang mga datos ukol sa paksa na magagamit sa pag-aaral na ito. Dito rin nakapangalap

ng mga literatura at iba’t ibang mga nakaraang pananaliksik na patungkol din sa pagpapatanggal

ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa pamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang

mga salik at maaaring epekto nito.

Sumagawa rin ang mga mananaliksik ng survey upang makakalap pa ng mga

karagdagang impormasyon sa mga respondente at upang malaman at marinig at pananaw at

opinyon tungkol sa paksa ng pananaliksik.


13

Kabanata 4

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagtatala ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa kanilang mga respondente. Ito ay sumasagot sa mga tanong na makikita sa

paglalahad ng suliranin.

 Mga salik kung bakit ipapatupad ang pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ayon sa mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State

University, ang mga maaaring salik ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay

dahil napag-aralan na ang mga aralin nito sa elementarya at sekondarya. Maraming nagsabi na

sapat na ang mga napag-aralan natin noong tayo ay mga bata pa, dahil tayo naman ay lumaki na

ginagamit ang wikang Filipino. Nakasanayan na natin at gamay na tayo sa paggamit ng ating

pambansang wika at hindi na kinakailangan pang ulit-ulitin.

Ayon pa kay Zayrhene Fabian ng BSEd major in Biological Science, “Basic lang

ang Filipino, which is pwede naman i-tackle sa Senior High para pagtungtong sa college more on

the course na yung focus ng curriculum.” Mas mabibigyan ng diin ang mga asignaturang may

kinalaman sa kurso ng mag-aaral kung tatanggalin na ang mga minor subjects tulad ng Filipino.

May nagsabi rin na sa pamamagitan nito, lalawak ang kakayanan ng mga estudyante dahil dadami

ang oportunidad ng bawat isa na magdiskubre ng iba’t iba pang mga asignatura na ayon sa kanilang

nais na propesyon.
14

May ilan ding tumugon na maaaring dahil ito sa pagbibigay diin sa pag-aaral ng

asignaturang Ingles. Dahil ito ang universal language natin na dapat nating aralin upang

makasabay tayo sa iba’t ibang mga bansa saan mang panig ng mundo.

 Ang pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo.

Sang-ayon
35%

Hindi sang-ayon
65%

Figure 1. Pananaw ng mga mag-aaral.

Sa dalawampung (20) mag-aaral na aming nakapanayam, 65% ang hindi sang-ayon

na ipatanggal ang asignaturang Filipino sa curriculum ng kolehiyo, samantalang ang natitirang

35% ay payag na tanggalin ito.


15

 Ang mga maaaring epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa wikang Filipino.

Kung tatanggalin na sa curriculum ng kolehiyo ang asignaturang Filipino, mas

mapagtutuunan ng pansin ang pagtuturo nito sa Senior High School. Sa kabilang banda, mga major

subjects naman ang mabibigyang pansin sa kolehiyo.

Gayunpaman, kalakip nito ang negatibong epekto para sa wikang Filipino.

Maraming nagsabi na mawawalan ng interes ang mga kabataan kung tuluyan nang aalisin ang

asignaturang ito. Malilimutan na ang mga aralin na pinag-aralan ng mga nakakaraang mga baitang.

“Maaaring mabawasan ang kaalaman ng bata tungkol sa mga terminolohiya sa

Filipino at maaaring makaapekto sa pananalita o pagbanggit ng wikang Filipino.” – Robelline

Mercado, BSEd major in English.

Sinasabi rito ni Mercado na maaapektuhan ang kaalaman natin batay sa ating

wikang pambansa. Hindi sa dahil kinalakihan na natin ito ay lagi na tayong tama sa paggamit nito.

Madalas pa ring magkamali ang mga Pilipino sa sarili nilang wika. Paano pa kaya kapag alisin pa

ang asignaturang patungkol sa ating sariling wika?

Katulad ng naunang bilang, mas marami ang nagsabi na mas maraming negatibong

epekto ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino kumpara sa mga postibong epektong dala nito.

 Ang mga maidudulot nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa.

Ang maaaring epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral

na Pilipino at maging sa bansang Pilipinas ay nananatili pa ring hati, ayon sa aming mga

nakapanayam na mga mag-aaral ng Bulacan State University. May ilang nagsabi na magiging daan

ito upang umunlad ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sinabi rin ni Dexter Garcia ng BSEd
16

major in Physical Science, “Mas magiging globally competitive ang mga graduate ng kolehiyo.”

Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan ang iba pang mga asignaturang mas kakailanganin

natin para tayo ay makasabay sa mga mauunlad na bansa.

Ngunit marami namang nagsabi na makakaapekto ito sa negatibong paraan para sa

ating bansa. Ayon kay Ana Lucille Calagos ng BSEd major in Biological Science, “Kung aalisin

sa kolehiyo, unti-unting mawawala ang pagkamakabayan natin dahil hindi ito [wikang Filipino]

mabibigyang pansin, lalo na sa mga taong magiging susunod na tagapagtaguyod nito.” Maaaring

ang susunod na henerasyon ay maging hindi na mulat sa tamang paggamit wikang Filipino dahil

hindi na nila ito naabutan sa curriculum ng kolehiyo.

Ayon naman kay Marvic Joanna Gabonillas, “Kung ito’y maipapatupad, maaaring

maiwan na lamang sa mga aklat ang wikang Filipino.” Sinasabi rito na maaaring mabaon na

lamang sa limot ang wikang Filipino, at gawin na lang na pangdisenyo ng mga Pilipino – at hindi

na muling buklatin tulad ng mga lumang aklat.

“Para sa akin, ang pag-alis ng asignaturang Filipino ay magbibigay ng masamang

epekto sapagkat isa itong indikasyon na hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin,” ayon

kay Ionika Ruth Rabas ng BSEd major in Biological Science. Sa pagpapatupad ng CMO no. 20,

s. 2013, para na rin nating tinalikuran ang sarili nating wika. At ayon nga kay Rabas, parang

ipinapakita na rin ng mga Pilipino na hindi natin kayang pahalagahan kung ano ang mayroon tayo.
17

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanata na ito ay tumatalakay sa mga hinuha at buod ng mga mananaliksik

tungkol sa pag-aaral sa mga epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

5.1 Lagom

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Pagtatanggal ng Asignatutrang

Filipino sa Kolehiyo: Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education ng

Bulacan State University”. Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang may layuning malaman

ang mga salik sa pagpapatupad ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mga

maaaring epekto nito sa mga mag-aaral pati na sa bansang Pilipinas, at sa mga pananaw ng mga

mag-aaral ng kolehiyo ukol dito.

Dahil sa pagnanais na mailarawan at suriin ng maayos ang mga pananaw at

kaalaman ng mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng disenyong qualitative upang

mahayag ng maayos ang mga pananaw at opinyon ng mga respondente. Gamit din ang paraang

ito, malaya sila na sabihin ang kanilang saloobin ukol sa paksa ng pananaliksik.

Pumili ang mga mananaliksik ng dalawampung (20) mag-aaral na kumukuha ng

kursong Bachelor of Secondary Education mula sa Bulacan State University na kung saan ay may

pantay-pantay na distribusyon na umaangkop sa tunay na target na resulta ng pag-aaral na ito.


18

5.2 Konklusyon

Base sa ginawang pangangalap ng impormasyon ng mga mananaliksik, napag-

alaman ang mga sumusunod:

1. Ang CHED Memorandum no. 20 series of 2013 o ang pagpapatanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo ay upang maging globally competitive ang mga Pilipino. Ito rin ay

upang mabigyang diin ang pag-aaral sa wikang Ingles at ang mga major subjects na

naaayon sa mga kursong tinatahak ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

2. Karamihan ng mga mag-aaral ng kolehiyo ay hindi sang-ayon sa pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo.

3. Ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa ating bansa ay makakaapekto sa wikang

pambansa natin dahil mawawalan ng interes ang mga kabataan ukol dito dahil tinanggal na

ito sa kanilang kurikulum. Maaaring maapektuhan din ang kaalaman ng mga kabataan sa

wikang Filipino dahil magiging limitado na lang ang kanilang mga aralin dito. Hindi na rin

maaabutan ng mga susunod na henerasyon ang asignaturang ito pagtungtong ng kolehiyo

kaya naman maaaring hindi na ito maging prayoridad ng mga Pilipino balang-araw.

Mawawalan na ng kahalagahan ang pag-aaral ng wikang Filipino sa asingaturang ito.

5.3 Rekomendasyon

Kaugnay sa mga konklusyon na nabanggit ng mga mananaliksik, buong

pagpapakumbaba na inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:


19

Para sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino

sa kolehiyo, dapat na itatak natin sa mga sariwang isipan ang wikang Filipino na ipinamana pa sa

atin ng ating mga ninuno. Walang masama na tumangkilik sa wikang Ingles, ngunit dapat na mas

pahalagahan natin ang wikang sariling atin. Kung mawala man ito sa kurikulum, huwag dapat

nating limutin ang mga aralin na itinuro sa atin patungkol sa wikang Filipino.

Para sa mga kabataang hindi pa tumutungtong ng kolehiyo. Pahalagahan at

bigyang pansin ang asignaturang Filipino hangga’t ito ay nasa kurikulum nila. Itanim sa isip na

kahit ito ay isa lamang na minor subject, mahalaga pa rin ang asignaturang Filipino dahil ito ang

humuhubog sa pagiging Pilipino natin.

Para sa mga kasapi ng pamahalaan. Pakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral

at isaalang-alang din ang kaunlaran ng wikang kinalakhan. Irebisa ang pag-aayos ng kurikulum

kung saan ang mga kabataan ay magiging globally competitive nang walang natatapakan, o

natatanggal na asignaturang maaaring makaapekto sa lagay ng wika ng sariling bayan.


20

TALASANGGUNIAN

Tasic, J. (2016). Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa K-12. Nakuha noong Marso 1,

2017 sa http://udyong.net/teachers-corner/7208-ang-kahalagahan-ng-asignaturang-

filipino-sa-k-to-12

Jasareno, L. J. (2012, Pebrero 5). Filipino bilang Asignatura. Nakuha noong Marso 1, 2017 sa

https://www.scribd.com/doc/80540825/Filipino-bilang-Asignatura

Tipones, Flora (2013). Asignaturang Filipino (Filipino subject): Its implications. Nakuha

noong Pebrero 28, 2017 sa http://www.bicolmail.com/2012/?p=9629

Bakit mahalaga ang Filipino. (2014, June 24) Nakuha noong Marso 1, 2017 sa

https://utaklaya.wordpress.com/2014/06/27/bakit-mahalaga-ang-filipino/

Dabu, B. R. (2014, Nobyembre 5). WIKApedia, layong ipaalala ang tamang paggamit ng wikang

Filipino. Nakuha noong Marso 1, 2017 sa

http://www.gmanetwork.com/news/story/386703/news/ulatfilipino/wikapedia-layong-

ipaalala-ang-tamang-paggamit-ng-wikang-filipino#sthash.S4Vmz9sI.dpuf

Cariga, C., Giongco, A. (2014). A Look Into CHED Memo. No 20-2013: The End of a

Language? Nakuha noong Marso 5, 2017, mula sa http://thelasallian.com/2014/08/15/a-

look-into-ched-memo-no-20-2013-the-end-of-a-language/

Tabora, J. (2013). Gearing up for General Education as Envisioned by CMO. 20 s. 2013. Nakuha

noong Marso 6, 2017, mula sa https://taborasj.wordpress.com/2013/10/03/gearing-up-for-

general-education-as-envisioned-by-cmo-20-s-2013/
21

Peña, R. et al (2007). Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng

Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at

Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Nakuha noong Marso 8, 2017, mula sa

https://www.scribd.com/doc/19440300/Thesis-Mainpart-1

Martin, H. M. (2016). Epekto ng Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Pangkolehiyong

Kurikulum. Nakuha noong Marso 8, 2017, mula sa

https://www.academia.edu/30995221/EPEKTO_NG_PAGTANGGAL_NG_ASIGNATU

RANG_FILIPINO

McLeod, P. (2014). Questionnaires. Nakuha noong Marso 8, 2017, mula sa

http://www.simplypsychology.org/questionnaires.html

You might also like