You are on page 1of 3

KORAN MULA ARABIA

KATANGIAN

ALLAH- Ang Allah ay nagmula sa katagang “AL-ILAH” nangangahulugang “ANG DIYOS” o “NAG-
IISANG DIYOS. Si Allah ay DIYOS ng lahat ng nilalang sa pagkat, siya lamang ang nag-iisang
tagapaglikha at wala ng diyos maliban sa kanya. Siya ay pinakilala ni moses na ELOH sa wikang
hebreyo at ILAH sa wikang aramaik ni hesus - anak ni maria at AL-ILAH sa wikang Arabic ni
Muhammad. Ang ELOHA ILAHI at AL-ILAH (ALLAH) ay iisa lamang – ito ay nangangahulugan “ang
nag-iisang diyos”.

MUHAMMAD- siya ayy isang propeta (prophet) Si Muhammad (sumakanya ang


kapayapaan at mga biyaya) ay isang hindi nakapag-aral subalit matalino at
taong kagalang-galang na ipinanganak sa Makkah sa taong 570 C.E., sa
panahon na ang Kristiyanismo ay hindi pa lubos na matatag sa Europa. Ang
kanyang unang mga taon ay natandaan sa pagkamatay ng kanyang mga
magulang. Simula ng mamatay ang kanyang ama bago pa man siya
ipinanganak, ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib, mula sa mga iginagalang na
tribu ng Kurays, ay kinupkop siya.

JIBRIL (GABRIEL) (Alayhis Salam) – siya ay isang anghel at may anim na daang pares ng
mga pakpak.

KALIPA ABU BAKR- Si Abū Bakr na nakikilala rin bilang Abu Bakr (Abdullah ibn Abi
Quhafa) o Abū Bakr as-Șiddīq, ay ang unang pinunong Muslim pagkaraan
ni Propeta Muhammad Habang itinuturing siya ng mga Sunni bilang tunay na kahalili (kalipa) ni
Muhammad, na pinili ng mga tao, iginigiit ng mga Shiite na nilabag niya ang tuwirang mga kaatasan
ni Muhammad at nagsagawa ng isang coup d'état. Sa mga talaang pandaigdigan, nakalista siya
bilang ang unang Kalipang Muslim.

KALIPA UMAR- Si Umar o Omar o kilala rin bilang Umar ang Dakila o Omar ang Dakila ay
isang Muslim mula sa angkang Banu Adi. Isa siyang kaibigan ng propeta ng Islam na si Muhammad,
at isa rin sa mga kasama o Sahaba ng propetang ito. Naging pangalawang Muslim na pinuno siya
pagkaraan ng kamatayan ni Muhammad at namuno sa loob ng 10 mga taon.

HAFSA- biyuda ni Muhammad at anak ni Umar, siay ang nagman ng teksto ng Koran

ADAN- ang unang propeta at ang nag patuloy ng Koran hanggang sa ebanghelyo ni Hesus.
PABORITONG KAGANAPAN/ SENARYO

Ipinaalam sa atin ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ay ilalagay ang


araw na malapit sa sangkatauhan. Ang araw ay magiging isang milya lamang ang layo at
ang mga tao ay pagpapawisan ayon sa antas ng kanilang mga gawa. Para sa ilan, hindi na
kailangan matakot, sila ay pasisilungin ng Allah. Ang pitong uri ng mga tao na pasisilungin
sa Araw na walang lilim. Ang mga ito ay, isang makatarungang pinuno, isang tao na ang
puso ay malapit sa moske, isang tao na pinalaki sa pagsamba sa Allah, dalawang taong
nagmamahalan sa isa't isa para lamang sa Allah, isang tao na kapag inaalala ang Allah ay
umiiyak, isang tao na nagbibigay ng kawang-gawa sa kapwa ng lihim at isang tao na
tinukso upang gumawa ng kasalanan sa kasalungat na kasarian ngunit napigilan at sinabi
na siya ay natatakot sa Allah.

TUNGGALIAN

Ayon sa mga kritiko ng Islam, ang Quran ay naglalaman ng mga kontradiksiyon at mga salitang
mahirap unawain. Bukod dito, ito ay rin ay pinaniniwalaang naglalaman ng maling paliwanag sa
pinag mulan ng sansinukob. Ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan ng Islam, mayroong 2 berso ng
Quran na idinagdag ni Muhammad nang siya ay dayain ni Satanas(na tinawag na mga talatang
Sataniko). Ayon pa sa mga kritiko, ang Quran ay walang ebidensiya na sinusuportahan ng
arkeolohiya at ang aklat na ito ay hindi umaayon sa ibang mga literaturang isinulat.[16] Bukod sa
kawalang ebidensiya para suportahan ang paniniwalang galing sa dios ang Quran, ang mga
katuruan at moralidad sa Quran ay binabatikos din.

RESOLUSYON

”Ang Sugo ni Allah ay nagsabi: "Ang sinumang nagbasa ng isang titik ng Aklat ni Allah
ay inililista na isang mabuting gawa, at ang isang mabuting gawa ay makakakuha ng
sampung ulit na gantimpala. Hindi ko sinasabi na ang Alif Laam Meem ay isang titik, ngunit
ang Alif ay isang titik, ang Laam ay isang titik, at ang Meem ay isang titik (ibig sabihin ito ay
katumbas ng tatlong titik).
Ang ibang tao ay totoong nahihirapan sa pag-aaral ng pagbigkas ng Quran sa wikang
Arabe. Sa kalaunan, magiging pamilyar sila sa ilang mga titik at matutunan kung paano
bigkasin ang mga ito. Narito ang isang magandang panghikayat mula kay Propeta
Muhammad sa mga nagsisikap upang matutunan ang Quran sa wikang Arabe

You might also like