You are on page 1of 3

DE LEMOS, ALYSSA MICHELLE D.

Pagsusuri ng pelikula
2-
PSYCH DALFIL

Wakas
Hindi man natapos na masaya ang pelikula ngunit sa tulong ng Diyos ay unti unting
bumabangon si Ramon sa kaniyang mga suliranin sa buhay. Gayunpaman, kahit wala si
Miguel sa kaniyang tabi ay pinagpapatuloy niya ang kaniyang buhay sa tulong ng kaniyang
mga kaibigan at patuloy niya ring hahanapin si Miguel upang sila ay magsama ng muli.

IV. Bisang kaisipan


Naiparating ng pelikulang Guerero sa akin ang kahalagahan ng pamilya dahil ano man
angbmaging sukiranin natin sa ating buhay, ang ating pamilya ay siya paring ating magiging
sandalan at susuporta sa ating mga desisyon sa buhay.

V. Konklusyon

Mabisang nilahad ng pelikulang Guerrero ang mga maaring manyari o totoong nangyari sa
buhay ng tao. Ang mga suliranin ni Guerrero sa kaniyang buhay ay siyang nagpapakita na
tayong lahat ay dumadaan sa ibat ibang pagsubok ng buhay at nasasaatin ito kung pano natin
lalabanan at panghahakawan. Ang kuwentong Guerrero ay siyang nagpakita ng pagmamahal
ng isang pamilya. Ang kaniyang ina ay sumuporta sa kaniya kahit labag ito sa kanniyang
kalooban at ang kaniyang kapatid na parating nandiyan para sa kaniya, Ang sakripisyo ng
kaniyang pamilya ay hindi matutumbasan nino man. Maging ang kaniyang mga ksamahan sa
boxing ay tinuring siya pamilya at tinulungan siyang umahon at manalong muli sa pagsubok sa
buhay manalig lamang sa Diyos na lumikha ng lahat.
DE LEMOS, ALYSSA MICHELLE D. Pagsusuri ng pelikula
2-
PSYCH DALFIL

III. Pagsusuri
Tagpuan
Gym – eksena kung saan nageensyo si Ramon sa kaniyang pagboboksing
Sa kanilang Bahay- eksena kung saan palagi silang magkasama ni Miguel
Karinderya- eksena kung saan nakasama niya abby at hinatid ito pauwi
Boxing ring- eksena ng mga laban ni Ramon
Ospital- eksena sa paggising ni Ramon at wala na ang kaniyang mga mahal sa buhay

Tauhan
Ramon Guerrero – boksingerong mapagmahal sa kapatid at magulang na nais maging
matagumpay na boksinger
Miguel – Nakababatang kapatid ni Ramon
Nanay – ina ni Ramon at Miguel
Abby- Kasintahan ni Ramon
Coach – taga pag turo at nag aalalay kay Ramon sa boxing
Majinbu – boksingeron isang beses lumaban at nanalo
Patrick- janitor sa gym na umasenso sa buhay

Sulyap sa Suliranin
Naging maayos na ang takbo ng kwento, si Ramon ay nanalo na sa boksing at maayos na rin
ang pakikitungo ng kaniyang ina sa kaniya. Masaya na ang kanilang buhay ngunit sa di
inaasahang pagkakataon habang kasalukuyang nasalaban si Ramon ay natamaan siya ng
isang suntok at siya ay bumagsak at nakatulog ng limang taon na siya ang nakapag pabago ng
kaniyang buhay.

Tao Laban sa Pagkakataon


Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang ng pagkakataon ang mga suliranin.
Nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga pangunahing tauhan dala na rin sa mga
pangyayaring nagaganap sa kanila. Ang naging dahilan na suliranin at ang nag udyok pa sa
iba pang suliranin ay pawing hindi naman inaasahan. Darating talaga ang pagkakataon na
susubukin tayo ng Diyos upang mas lalo pa tayo maging malakas at dumulog lamang tayo sa
kaniya.

Kasukdulan

Ang nagig kasukdulan ng pelikula ay ang muling paglaban ni Ramon sa kaniyang natalong
kalaban sa boksing at pinulanan siya nito ng suntok at ang pinakamalakas na suntok na
siyang dahilan ng kaniyang pagkatumba at sanhi ng kaniyang 5 taong nakaratay sa ospital.
DE LEMOS, ALYSSA MICHELLE D. Pagsusuri ng pelikula
2-
PSYCH DALFIL

II. INTRODUKSYON
Nagsimula ang kwento ni Ramon Guerrero bilang isang boksingerong isang
beses palamang nanalo sa boxing. Siya ay may ina at kapatid na laging
sumusuporta sa kaniya, siya ay may mga kaibigan at ang kaniyang kasintahan,
ngunit matapos ng kaniyang huling laban ,siya ay nacommatose at naospital ng
limang taon at sa kaniynag paggising, ay tila ba naglaho na ang lahat ng meron sa
kaniya. Paano nga ba lalaban ang isang Guerrero sa mga pagsubok sa buhay?

I. BUOD
Ito ay kuwento ng ni Ramon Guerrero, Miguel Guerrero na close sa isa’t isa pero
nagkahiwalay nang ma-comatose ng limang taon ang una dahil sa boksing. Si
Ramon ay isang boksingerong isang beses pa lamang nanalo at ang kaniyang mga
hamon sa buhay. Si Ramon Guerrero ay mayroong masayang pamilya, ang
kaniyang ina at kapatid ay palaging nakasuporta sa kaniya, kahit labag ito sa
kalooban ng kaniyang ina dahil ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang kaniyang
anak. Mas lalo pang naging makulay ang buhay ni Ramon ng makilala niya si Abby.
Na siyang ikiselos na Miguel dahil nauubusan na ito ng oras sa kaniyang
nakababatang kapatid. Si abby, Miguel, kaniyang ina at mga kaibigan ay todo ang
suporta sa laban ni Ramon, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, si Ramon ay
bumagsak sa suntok ng kalaban at naging dahilan ng kaniyang comatose na siyang
tumagal ng 5 taon, at sa kaniyang paggising ay napakarami na ang nangyari at hindi
niya kalian pa nakitang muli si Miguel.

You might also like