You are on page 1of 10

Ang pintor na si Kim Noble ay isang maliit na babae na may mahaba, kulay auburn ang

buhok at nakakabighaning bughaw na mata. Nakatira siya sa isang maliit na bahay sa

timog London kasama ang kanyang 14-taong-gulang na anak na babae na si Aime, ang

dalawang aso at higit sa 100 magkakahiwalay na mga personalidad. Si kim, 50 taong-

gulang, ay may dissociative identity disorder (DID). Siya ay, sa katunayan, mga marka

ng iba't ibang mga tao - ang eksaktong numero ay hindi sigurado - nakabalot sa isang

katawan. Ang mga personalidad na ito ay lubos na natatangi, na may sariling mga

pangalan at edad at kakaibang pag-uugali. Ang ilan ay mga bata. Ang ilan ay lalaki.

Para sa isang mamamahayag, nagtatanghal ito ng ilang mga problema. Si Kim Noble

mismo ay isang pangalan lamang sa isang sertipiko ng kapanganakan - isang

pinagsasamang mga pagkakakilanlan. Kaya kung aling bersyon niya ang iyong

pakikipanayam? Nakikipag-usap ka ba sa kung sino ang lalabas? Hayley? Judy? Ken?

Yun pala mayroong isang protocol: makilala mo si Patricia, ang nangingibabaw na

pagkatao sa maraming mga pagbabago sa ulo ng Noble. Sa tulong ng mga regular na

manggagawa, inaalagaan ni Patricia si Aimee at sinugradong mayroong gatas sa

pregidor. Si Patricia ang siyang sasagot sa pintuan at sasalubungin ka papasok. Ang

bahay ay bagong pinta, malinis. Si Patricia ay lumilitaw na magalang at kaalwanan. Siya

ay puno ng enerhiya pabalik lamang mula sa isang bakasyon sa Tenerife. Hindi isang

maliit na psychiatric inpatient tungkol sa kanya: walang mga karpet na tsinelas, walang

malungkot na cardigans.

Ang litratista ay hinahanda ang sala, kaya umakyat kami sa kwarto ni aimee.
Hindi ako sigurado kung paano matugunan ang taong nakaupo sa kama sa tapat ko.

Tatawagin ko ba siyang Kim, o Patricia? "Ako si Patricia," pantay na sabi niya. "Hindi ko

nais na tawaging Kim, ngunit nasanay na ako ngayon." Gaano kadalas niya binabago

ang pagkatao? Nagkibit-balikat siya. "Mayroong mga tatlo o apat na magpalit sa isang

araw."

Ano ang nangyari ngayon?

"Nitong umaga ang Espiritu ng Tubig ay naligo. At ang isa sa kanila ay nagpinta -

maaaring ito ay si Abi. At pagkatapos ay ang paglilinis ng vacuum, at may ibang tao ang

gumawa na bago ka dumating."

Isang ibang katauhan na naglilinis! Madaling magamit iyon. "Oo, nakuha ko ang aking

sariling taga malinis," sabi niya. "Ngunit walang gumawa ng hardin."

Ang kakaiba sa kwento ni Kim at isang bagay na tinitiis niya ay ipinahayag sa kanyang

autobiography, All of Me. Ang aklat, isinulat ni Jeff Hudson, ay isang kakila-kilabot na

kuwento. Ipinanganak si Kim noong 1960. Ang kanyang mga magulang, natigil sa isang

hindi maligayang pag-aasawa, ay mga manggagawa sa pabrika, at ang pangangalaga

ng kanilang anak na babae ay sinaka sa mga kaibigan at lokal na kakilala. Ang mga

detalye ng nangyari ay malabo, ngunit tila mula pa sa isang maagang edad - sa isang

lugar sa pagitan ng isa at tatlo - Nagdusa si Kim ng matinding at paulit-ulit na pang-

aabuso. At sa puntong ito ang kanyang isip, na-traumatized lampas sa pagtitiis, piraso

itong nabasag, na bumubuo ng napakaraming magkahiwalay na pagkakakilanlan. Malinis

ang mga pahinga: karamihan sa mga pangunahing personalidad ay walang maalala sa

pang-aabuso at walang mga balik-tanaw. Sa gayon siya ay protektado mula sa nangyari.


Si Kim ay nakaraos sa pagkabata. Ang buhay sa bahay ay puspos at hindi maganda ang

kagagawan niya sa paaralan. Napansin ang kanyang pagkukulang sa memorya at

wastong pag-uugali ngunit hindi ito naintindihan. Ang hindi normal na memorya ay isang

klasikong sintomas ng DID. Kapag mayroong isang "switch", ang bagong pagkatao na

papalit ay hindi alam kung ano ang nangyari bago sila lumitaw. Ipinakita lamang ni Young

Kim ang gayong mental lacunae, at nang tumanggi siyang sinabi o gumawa ng isang

bagay, siya ay karaniwang kinuha para sa isang sinungaling. Hindi ba orasan ng kanyang

mga magulang na may isang bagay na mali? Nagbigay si Patricia ng isang mabagal na

silip at sinabing, "Abala ang aking mga magulang."

Sa pagdadalaga ang lahat ay nagkahiwalay. Matapos ang paulit-ulit na overdosing, si

Kim ay inilagay sa suicide watch sa isang psychiatric na ospital. Ito ang una sa maraming

mga tao - sa bawat oras na siya ay pinakawalan ay susubukan niyang patayin ang sarili

at mai-readmitted. Bumuo siya ng anorexia at bulimia. Nang siya ay nasa 20s ay

dumating ang isang panahon ng kamag-anak na katatagan. Sa pamamagitan ng

napakalawak na may kakayahang pangunahing katangian ni Hayley sa mga oras ng

pagtatrabaho, nagawa ni Kim ang isang trabaho bilang isang driver ng van sa loob ng

limang taon. Ngunit isang araw may isang bagay na maaaring sanhi ng isang pagpalit at

isang nabalisa na personalidad na tinatawag na Julie ay biglang natagpuan ang sarili sa

pagmamaneho ng van. Dumiretso siya sa isang linya ng nakagarahe na mga kotse. Ito

ay humantong sa isa pang seksyon sa kalusugan ng kaisipan, at isang pagsusuri ng

schizophrenia. Kalaunan ay muling lumabas si Kim mula sa ospital, at ang kanyang

kwento ay kumuha ng isa pang dramatikong twist: sa paanuman nakita niya ang kanyang
sarili na nalantad sa mga gawain ng isang pedophile ring. Sa libro ay sinabihan namin na

noong iniulat niya ito sa pulisya, nakatanggap siya ng hindi nagpapakilalang babala

upang maging tahimik: "Ang mga pagbabanta ng paghihiganti ay tumaas hanggang sa

isang araw ang isang tao ay nagtapon ng asido sa kanyang mukha at may isang taong

sinubukan na magaan ang kanyang kama sa loob nito." Lumabas si Kim, ngunit ang

bahay ay matupok.

Hindi maalala ni Patricia ang alinman sa mga nangyari. Nang malaman niya ang tungkol

sa sadyang pagsunog ay nakatayo lamang siya sa labas ng bahay habang pinapanood

itong lamunin ng apoy. Namalagi si Kim sa pangangalaga ng isang babae matapos ang

sunog. Dito nagkaroon siya nang realisasyon kung gaano kadelikado ang kanyang lagay.

Maaaring nakasabay lamang niya ang salarin sa daan nang hindi niya nalalaman. Alam

niya na dapat itong mabigyan aksyon.

Sa panahong ito, isang grupo nang mga spesyalista sa mental health ang nangalaga kay

Kim. Sa taong 1995, na diagnose si Kim na mayroong DID at sinimulan ang mga

kailangan na therapy na walang kasamang medikasyon. Ang DID Treatment ang

kadalasang marami ang proseso at nagtatagal. Minsan ay umaabot ng taon bago

makitaan ng pagbabago ang pasyente. Kailangang makausap ng therapist ang iba't iba

niyang personalidad upang gamutin sila ng hiwalay at malampasan ang mga nangyari sa

nakaraan.

Noong simula, tulad ng iba niyang personalidad, hindi makatotohanan ang tingin ni

Patricia sa DID. Ngunit pagkatapos ng 6 na taon, natanggap niya ang diagnosis at ang
mga epekto nito sa kanyang buhay. Naintindihan na niya kung bakit nararamdaman

niyang lagi ay nawawalan siya nang oras at kung bakit lagi siyang nasa ospital. Ang iba

niyang alter egos, lalo na ang yung mga bata, ay nanatiling may trauma sa mga nangyari

— si Judy ay nanatiling bulimic at si Rebecca ay palaging may tangkang magpakamatay.

Sa acid attack at sadyang pagsunog naman, nadiskubre ni Patricia na ito ay para matakot

si Hayley. Siya ang nagsisilbing informer.

Hindi malaman ni Patricia kung kailan at gaano siya kadalas magpalit ng personalidad.

Ngunit may mga palatandaan na maaaring maging sanhi ng pagpalit ng kanyang

personalidad. Si Judy ay malimit lumitaw tuwing nasa hapag-kaininan. Noong Oktubre,

ang mga personalidad nila Patricia at Aimee ay nasaksihan sa Oprah Winfrey Show at

bago pa nito ay nakuhanan sila ng mga video footage sa kanilang bahay. Mayroon rin

mga clips sa Youtube na kung saan nakaupo si Patricia sa harap ng hapag-kainan nang

mapansin ang kakaibang paggalaw ng kanyang balikat na naging transisyon para kay

Judy, isang 15-anyos na batang madaling magalit at naniniwalang siya ay mataba.

Sa bawat pagkakataon ng pagpapalit ng personalidad patungo kay Patricia ay

nananatiling wala siyang alam sa mga nangyari bago nito. Ang iba niyang personalidad

ay namumuhay ng may lubos na kalayaan. Ang iba sa kanila ay may kanya kanyang

email address na hindi alam ni Patricia ang password at ang iba naman ay madalas bumili

ng damit. Ipinakita rin niya ang isang bestida na masyadong maliit sa sukat ng kanyang

katawan. "Does it look like me? Size 14! That'll be Judy." Aniya.
Nakadepende si Patricia sa kita ng mga painting na kanyang naibebenta. Tila isang

palaisipan kung paano humawak ng pera si Patricia at ang iba pa niyang personalidad.

"I have control of the card and they don't know the pin number." Sabi ni Patricia.

Paano naman sa sex? Natawa si Patricia. "Oh, I gave that up years ago. Any relationship

like that is just too complicated." Bulalas niya.

Ngunit taliwas dito ang nangyari. Noong 1997, ipinanganak ni Patricia si Aimee. Agad na

sumailalim sa pangagalaga ng Social Services ang bata matapos ipinanganak. Sa

paglipas ng ilang taon, nanatiling walang alam si Patricia tungkol sa kanyang anak.

Nakapagtataka kung paano hindi niya nalaman na mayroon siyang anak?

Nag kibit balikat si Patricia sabay sabi, "It was so bizarre. But there was barely a bump."

Paano naman ang sugat mula sa caesarean?

"It doesn't show. It's mind over matter." Sambit ni Patricia sabay turo sa parte ng kaniyang

tiyan.

Maaaring hindi madaling paniwalaan kung ito ay papakinggan, pero pwede itong

maipaliwanag dahil ang dominanteng personalidad ni Kim ay nag iba sa look ng ilang
taon. Sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang kay Aimee, si Patricia ay minsan

lang lumilitaw. Matapos ng ilang taon nang matanggap ni Patricia na anak niya si Aimee,

agad niyang nalaman na ang ama nito ay ang lalaki na nakilala niya noong nag-aaral pa

lamang siyang magmaneho. Isinulat niya sa kanyang libro, "I may not have been there to

give birth to Aimee, but I did conceive her." Kinausap ni Patricia ang lalake upang sabihan

ito ngunit kailan man ay hindi ito nakialam sa pagpapalaki kay Aimee.

Sa kanyang pagbubuntis, ang personalidad na si Dawn ang naging dominante. Sa

pagharap ng trauma sa pagkuha sa bata, sumuko si Dawn at pumalit ang personalidad

na si Hayley. Si Hayley ang nag asikaso sa mga legal na proseso sa pagkuha kay Aimee

papunta sa kanyang kustodiya. Si Bonny, isa pa niyang personalidad, ang lumaban sa

mga court trials.

Nakakagulat isipin na ang taong may iba't ibang personalidad ay dapat pagkatiwalaan sa

pag-aalaga sa isang bata, ngunit sambit ni Patricia na "the body" — kabuuan ng lahat ng

personalidad ni Kim Noble — ay hindi hahayaan na mapahamak si Aimee. Nang

pinayagan na si Kim makilala si Aimee, sila Bonny at Hayley at iba pang mga

responsableng personalidad, ang tanging lumilitaw. Pagkalipas ng ilang buwan na

obserbasyon sa ilalim ng mother and baby unit, pinayagan ng tumira si Aimee kasama

ang kanyang ina sa ilalim pa rin ng isang care order.

Matapos ang dalawang taon, natanggal ang care order. Kitang kita kay Aimee na naging

lider sa kanyang primary school ang maayos na pagpapalaki sa kanya ni Kim. "It's
exciting," obserba ni Kim. "With other mums you have got one person. That is a bit

boring." Sagabal nga ba ang DID ni Kim sa kanyang gampanin bilang isang ina? "There

aren't many disadvantages, apart from the fact that she can't really cook, because if the

oven was left on and she switched, that could start a fire." dagdag pa niya.

Nakakapagod ba magkaroon ng DID? "It can be. When I am talking to other personalities

and the main personality comes, I think, 'I haven't finished what I was going to say!" aniya.

Sa lahat ng personalidad ni Kim, nalalaman agad ni Aimee kung sino ang lumilitaw.

Madali lang malaman ang iba — Si Ken ay palaging nakataas ang buhok at may

kakaibang paraan kung paano gumalaw ang kanyang balikat; ang iba naman ay di mo

agad makililala sa galaw ng katawan. Mayroon bang personalidad na di mo gusto? "There

are some that come out more often, so I know them better. Judy, because she's 15, talks

to me in a friendly way, like a mate. But I like them all," sagot ni Aimee.

Ang pangunahing mithi ng DID Therapy ay unti-unting pag isahin ang isip ng pasyente.

Gusto ba ni Patricia na ito'y mangyari? Lumingo siya bilang sagot. "My attitude is: how

can I get a memory? I wasn't there, I was not in that room when that happened." Dagdag

pa niya.

Dinala niya ako sa kaniyang maliit na art room. Lahat ng aking nakita ay isang rebelasyon.

Simula nang mag art therapy si Patricia noong 2004, sobra isang dosena na iba pa niyang
personalidad. ang nagsimulang magpinta. Iba-iba ang kanilang mga estilo, kulay sa

palettes at kakayahan na ipinapakita sa kanilang mga naipinta. Ang ibang painting ay

abstract samantalang ang iba naman ay may inirerepresenta. Ang mga gawa ni Ria Pratt,

isang personalidad niyang laging balisa, ay mga larawan ng latigo at kulungan na may

pigura ng mga batang hinahalay at inaabuso na ginamitan ng makukulay na pintura.

Laking gulat si Patricia nang makita ang unang ipininta ni Ria. "Aimee was very little then

and I had to put it away because it was quite graphic. But when I see their paintings I get

excited. This is the nearest I am ever going to get to being integrated." Sabi niya.

Dr. Valerie Sinason, isang psychotherapist na isa sa mga gumamot kay Kim, inilarawan

ang DID bilang "brilliantly creative survival device." Humahanga siya kung paano ang iba

sa kanyang mga pasyente, kahit na may trauma, ay kaya pa rin mamuhay. Naniniwala

siya na tulad ng mga taong may Asperger's, maaari silang magpakita ng kakaibang

kakayahan. "They can go further than normal people because they are not held back."

Dagdag pa niya.

Si Kim ay isang perpektong halimbawa. Umani siya ng positibing rekognasyon at nakaya

niyang maging matagumpay. "I am happy with everything." Masayang sambit ni Patricia.
Ang "One Of Many" ay ang exhibit ni Kim Noble na nagpapakita sa kanyang mga gawang

sining na magbubukas sa Bethlem Gallery, Bethlem Royal Hospital, Beckenham, Kent sa

Nobyembre 9.

You might also like