You are on page 1of 2

Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo’y naninirahan sa kagubatan ng


Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka’t siya ay
laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa
kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata’y pinangalanang
Durian, na ang gustong sabihi’y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay
mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng
kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng
Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay
walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na
harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya’y namatay ang kanyang bangkay ay
doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang
kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa
ito’y namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga
kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay
manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga
taong ito’y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay
Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang
pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito’y si Sangkalan. Sa huli’y
siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong


pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig
pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa
punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.
Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng
malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang
Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di’y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang
katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan.
Noon di’y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa
nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang
balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y matamis.
Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

You might also like