You are on page 1of 2

Ang Kailanan ng Pangalan

 Isahan – pangngalang gumagamit ng pantukoy (so, ni, kay) kapag mga tao ang tinutukoy
at (ang, ng, nang, sa) kapag mga panggalang pambalana. Ginagamit din ang mga
pamilang (isang/sang, sam, son) na mga hanging salita nito.
Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
 Maramihan - pangngalang gumagamit ng pantukoy (sina, nina, kina, mga/manga/ng
mga/sa mga) at gumagamit din ng pamilang nagmula sa daawa.
Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
 Lansakan – pangngalang na pinagsama-sama ang mga bagay na magkatulad. Kadalasang
may magkabilang panlapi itong (ka, an, han)
Halimbawa: kabayan, kabukiran, kabisayaan

Ayon sa Kalikasan

 Likas – pangngalang taal na sa sarili nito at kadalasang hango sa kalikasan.


Hal: apoy, lindol
 Likha – pangngalang hinago ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring
bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito.
Hal: agham, talatinigan, sining
 Ligaw- pangngalang hiniwam o hinago mula sa mga salitang banyaga.
Hal: demokrasya, relihiyon

Ayon sa Kaanyuan

 Payak
 Maylapi
 Inuulit
 Tambalan

Ayon sa katungkuhan

- Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno, o layunin ang isang pangngalan.


Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagkapandiwa, pagka-pandiwari, pagka-
panguwi, pagka-pangabay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.

Hal:

- Pangngalang malapang-uri: Andres Bonifacio, baboy-ramo


- Pangngalang malapandiwa: (nagsisimula sa pa, pag, pang, paki at may aksamang an o han) Ang
pahayag ng Seator ay mahalaga sa bayan.
- Pangngalang malapandiwari: (pagtatanong ng “ano ang..?”) Ano ang dala mo? Ang dala ko ay…
- Pangngalang malapang-abay: Nilalagnat sa hapon ang mga tuberculosis.

You might also like