You are on page 1of 2

Ang Kwintas na Sampaguita

ni Fornarina V. Enemeco
Sa isang nayon, nakatira si Inseng Barang at Iyo Roman sila’y mag-asawa na
may natatanging anak na si Fidela. Namatay si Iyo Roman at doon nagsimula ang
kahirapan nilang mag ina pinahinto ng pag-aaral si Fidela dahil walang sapat na ipon si
Barang. Mga ilang araw na lumipas simula ng pagpanaw ni Iyo Roman, dumating ang
mga tiyahin ni Fidela, kapatid ng kanyang ama upang kuhanin siya sa kanilang bahay
para ito’y manirahan sa Manila. Hindi pumayag si Barang sa kagustuhan ng mga tiyahin
ni Fidela, ngunit nalason ang kaisipan ni Fidela dahil gusto niyang makapag-aral at
magtapos sa kursong pagpapyano. Kalaunan pumayag si Inse Barang para sa
kaligayahan ng kanyang natatanging anak, dahil alam rin niyang di niya kayang bigyan
ng maginhawang buhay ang kanyang anak.
Nag-iisa na lamang si Inse Barang sa kaniyang buhay. Nong mga unang buwan
ng pag-alis ni Fidela, lagi siyang nakakatanggap ng sulat mula sa kaniyang anak ngunit
ng nagtagal ay minsan na lamang sa isang taon, kaya’t napag-isipan niyang sulatan
ang kanyang anak kahit di niya alam paano magbasa at magsulat. Ngunit walang
natanggap sa response galing sa kanyang anak.
Lumipas ang mga taon at ganon na lamang ang nangyare, walang natanggap na
sulat si Inse Barang mula sa kanyang anak, pero di siya tumitigil sa pagsulat. Dumating
ang araw ng pagtatapos ni Fidela sa kanyang kurso kaya’y tuwang-tuwa ang kaniyang
ina. Lumuwas ng Manila si Barang upang makadalo sa selebresyon, dala-dala ng isang
basket na may lamang kwintas ng Sampaquita upang handog regalo niya sa kanyang
anak na si Fidela, dahil mahilig ang kanyang anak sa mga magagandang buhay at isa
naron ang paborito niyang bulaklak, ang Sampaguita.
Pagdating ni Inse Barang ay naabutan niya ang mga katulong nito, nung una ay
di siya pinapapasok dahil di naman daw ito imbitado at hindi pamilyar ang kanyang
mukha pero nakita siya ni Fidela ay agad siyang pinapasok ngunit nagulat na lamang si
Barang sa laki ng pinagbago ng kanyang nag-iisang anak pati na rin ang pangaln ay
napalitang Fidela na naging Senyorita Dely. Ibinigay nan i Barang ang kanyang regalo
at agad din naming tinanggap yon ni Fidela at isinout niya ito sa kanyang leeg. Nakita ni
Nyora Tanyang ang regalo at agad itong nagalit at ipinatapon yon, binigay ni Tintay ang
kanyang mamahaling regalo at agad napaluha si Barang dahil napagtanto niyang
masaya na ang kanyang anak sa piling ng kanyang Tiya at hindi sa kanya. Napagtanto
niya ring nabigyan nga siya ng magandang kinabukasan na kahit kalian ipangkait niya
ito sa kanyang anak. Umalis siya kasabay ang sira-sirang Sampaguita at kwentas.

Maiikling Kwento. Pahina 23. 2016

You might also like