You are on page 1of 2

ISULONG TAMANG PAG-AALAGA SA LAHAT NG BATA

Pagmamahal ng Ina ay walang kapantay.


Sa anak na nanggaling sa kanyang sinapupunan.
Pagdadala pa lang ng siyam na buwan,
Alaga na ang kanyang kaligtasan.

Sa kanyang pagluwal,
Kagya't ang gatas ay bumukal.
Upang ipasuso sa anak na mahal.
Sapagkat kumpleto ito sa bitaminang taglay.

Tuwina kalinisan ay pairalin.


Ituro ang tamang paglilinis ng sarili ay gawin.
Malinis na damit at gamit di man mamahalin.
Ang mahalaga ay masinop at maayos na dalhin.

Tamang pagkain ay ihanda sa tuwina.


Gulay , prutas at isda ay mahalaga.
Upang tamang nutrisyon ay makamit nya.
Lumusog,tumibay,lumakas,pangangatawan niya.

Ang pagtuturo ng tamang ugali at asal, bata pa lang ay mahalaga.


Upang lumaki siyang may dignidad at presensya.
Nang isang mabuting nilalang na may respeto at pagpapahalaga.
Sa lahat ng bagay na kinagisnan niya.
Pinakamahalaga ay maturuan ng panalangin Pagmamahal at pagkamatapat sa Diyos ay siyang linangin.
Upang kahit ano ang maging pasanin Pananampalataya ay hindi magmamaliw. Mahalagang hubugin ang
bata sa simula pa lamang. Maging makapamilya,palakaibigan. Malasakit sa kapaligiran,upang ang kahat
ng bagay bigyan ng halaga,maging maka kalikasan. Maging makatao ,matapat at magalang. Higit sa lahat
pagiging maka Diyos,upang anuman ang kanyang kasadlakan Ang maging mabuting tao ang siyang
mangibabaw Ito ang marapat na matutunan ng lahat ng mga magulang tamang pagaalaga at pagtuturo
sa simula pa lamang,ipamulat lahat ng marapat at tamang katuruan

You might also like