You are on page 1of 1

Kalusugan at Kapaligiran

Kahit noon ako ay bata pa


Turo ng aking mga nakakatanda
Kumain ng prutas at gulay
Upang lumaking malusog at masigla

Kaya nga’t ako naman sa kanila’y sumunod


Na bukal sa loob at bukas ang pag-iisip
Dahil alam ko kalusugan ko ay kanilang inaalala
Ng sa tuwina ay malayo sa sakit at dusa.

Dahil sapat na pagkain sa aking ay itinuro


Ako ay may pag-iisip ngang lubos
Upang harapan ang pagsubok ng buhay
Pati na ng makikipagkapwa tao.

Sa buhay natin ay kailangan rin


Makipaghalubilo sa ibang mga tao
Kamag-anak, kaibigan pati sa mga di kakilala
Sapagkat “social interaction” ay mahalaga

Esperitwal na kalusugan ay dapat marating ang kapayapaan


Ng buhay ay matiwasay at laging payapa.
Tandaan, mahalin ang kapaligiran alagaan si Inang kalikasan
Tubig sa ilog at sa dagat, lupa at hangin ay laging igalang.

Para marating natin ang inaasam asam sa buhay


Sarili ay alagaan sa pagkain sa araw-araw
Pati ang kapaligiran ay laging irespeto
Kasama na ang mga kapwa tao.

Muli, kalusugan at kapaligiran ay laging isaisip.


Muli, kalusugan at kapaligiran ay laging isaisip.

You might also like