You are on page 1of 2

N – Noon pa man ito na ang ating pinapangarap .

Malusog na katawan ating


hanap- hanap. Paano kaya natin ito makakamtan? Halina’t pakinggan ang
aking mga kaibigan.

U - Ugaliing maghain pagkaing galing sa hardin, sariwang tunay at sa kemikal ay


ligtas din.

T - Tanim sa bakuran, hatid ay napakaraming sustansiya sa miyembro ng


pamilya.

R - Resistensiya ng katawan ay makakamtan sa sapat at wastong nutrisyon.

I - Inihandang pagkain ni nanay, tiyak na masarap, halina’t tikman lalo na’t


galing sa aming bakuran.

S - Sekreto sa libre at masustansiyang pagkain, nasa sariling hardin.

Y - Yaman sa ating bakuran, mga sariwang gulay at prutas na ating itinanim.

O - Opo, kalabasa, sitaw at ampalaya samahan ng prutas, saging, avocado, atis


at marami pang iba, ito’y masusustansiya sa bakuran ay nagpapaganda.

N - Ngayon na ngayon na, ipagsigawan na para sa katawang masigla at para sa


bayang masagana.

Ugaliing Magtanim, Wastong Nutrisyon Ating Aanihin.

You might also like