You are on page 1of 2

Kapag nagtanim sure na may aanihin

Pagkaing masustansiya di kailangang bilhin

Nutrisyon sa katawan ating panatilihin

Sama samang alagaan kalusugan natin

Kalabasa, mustasa, luya’t ampalaya

Gulay na mayaman sa iba’t ibang bitamina

Papaya, mangga, suha at iba pa

Mga prutas na kailangan upang mas sumigla

Chorus:

Ugaliing nating lahat ang magtanim

Bakuran sa gulay at prutas atin nang punuin

Katawan at isipan ating pang palakasin

At tiyak sapat na nutrisyon ating aanihin

Ang ating kalusugan ay isang kayaman

Nararapat lamang nating itong pahalagahan

Hindi naman kailangan na ikaw ay mayaman

Magtanim lang ng masusustansiyang halaman

Kaya’t halika na huwag nang mag-isip pa

Kumuha na nang pala at hukayin ang lupa

Ayusin ang punla upang ito ay magbunga

Sapat na nutrisyon mapapasaatin na

Rap:

Samahan niyo kami ating itatanim

Prutas at gulay sa bakuran natin


Ang pagtatanim ay ehersisyo din

Palakasin ang katawan yan ating isipin

Sustansiya sa pagkain ating pagyayamanin

Malusog na bukas atin nang aanihin

You might also like