You are on page 1of 5

12 OLYMPIAN GODS

GREEK ROMAN GOD OF... SYMBOL

1. Zeus Jupiter/Jove King of the Gods Thunderbolt, eagle and oak tree

2. Hera Juno Queen of the Gods Peacock, cow, wedding ring

3. Poseidon Neptune The Sea Sea, trident, horse, dolphin

4. Hades Pluto The Underworld Pomegranate, cap of invisibility

5. Hestia Vesta Hearth/Home Fireplace

6 Athena Minerva Wisdom/War Owl, olive, tree, plow, loom

Moon, deer, silver bow and


7. Artemis Diana Moon/Hunt
arrows

8. Apollo Apollo Light/Music/Prophecy Lyre, sun, mice, Laurel tree

9. Aphrodite Venus Love/Beauty Dove, swan, roses

10. Hephaestus Vulcan Fire/Forge Hammer, quail

11. Ares Mars War Dog, wild boar, vulture

Messenger/Divine
12. Hermes Mercury Caduceus, crane
Herald
Labindalawang Olimpiyano
Ang Labindalawang Olimpiyano ay tumutukoy sa mga diyos ng Olimpo ng mitolohiyang Griyego na nakatira
sa Bundok ng Olimpo. Binubuo ang pangunahing mga diyos at mga diyosa ng sinaunang
Gresya nina Zeus (Hupiter) at Hera (Huno), ang mga ulo o pinuno ng mga banal na mag-anak na kinabibilangan
ng kanilang mga sarili at iba pang sampung diyos. Kabilang sa mga diyos na lalaki ang magkapatid na
sina Poseidon (Neptuno) at Hades (Pluto), sina Ares (Marte), Apollo, Hermes (Merkuryo),
at Hephaestus (Vulkan). Sa mga babae, kabilang sina Hestia (kapatid na babae nina Hades at
Neptuno), Athena (Minerva), Artemis (Diana), at Aphrodite (Venus).[1][2]

Zeus
Si Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang
diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan,
pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego.[1][2] Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may
kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa
pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban
sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at
pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa
tuwinang magagalit.[3] Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano,
siya si Tinia.[4]
Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego, napag-alaman ni Cronus na
mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa
bawat pagkakataon magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi.
Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus na itinago ni Rhea
sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang
kasuotan.[3]
Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid. Nagkaroon sila
ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan, nakapagtalaga sila kung sinu-suno
ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.[3] Naitalaga ni Zeus sa kanyang kapatid na lalaking
si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa niyang kapatid na lalaking si Hades (o Pluto sa
Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.[2][4]
Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga tao mula sa
kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting
mga batong hiyas. Mayroon ding nakapatong na isang koronang yari sa dahon ng mga laurel sa ibabaw ng
kanyang ulo. Natatanging mensahero niya ang agila. Tinagurian din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos ng mga
Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad.[3]
Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga Kapalaran. Walang
magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang buhay ng isang tao, gayundin kung
nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang digmaan.[3]
Kabilang sa mga anak ni Zeus si Apollo (o Apollon), ang diyos ng araw, at si Artemis (o Diana), ang diyosa ng
buwan.

Hera
Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga
diyos, at tinaguriang diyosa ng kasal o pakikipag-isang-dibdib.[1][2] Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang
palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon
ng mga supling dahil kay Zeus.[1][2] Inalalayan niya ang mga Griyego sa kanilang pakikipagdigma laban sa
mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod ng Misenea, Isparta, at Argos. Tinatawag
siyang Juno o Huno sa mitolohiyang Romano.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Uni.
Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag"[3][2]
Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka.[2]
Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng
ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.[2]

Poseidon
Sa mitolohiyang Griyego, si Poseidon ang isa sa tatlong naging anak na lalaki nina Kronos at Rhea. Siya ang
panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at
maging ng mga lindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na
kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Sa mitolohiyang Romano,
kilala siya bilang si Neptuno[1][2], at bilang si Nethuns sa mitolohiyang Etruskano. Sa Nethuns hinango ang
pangalan niyang Neptuno.[3]
Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuang karong pandigma na nakapagpapahinahon at nakapagpapatag ng
pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan. Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang
kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang dumalaw sa Bundok ng Olimpus. Batay sa mitolohikong
salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang nagbigay ng kabayo sa tao.[2]

Hades
Si Hades ( /ˈheɪdiːz/; Sinaunang Griyego: ᾍδης o Άͅδης, Háidēs) ay ang diyos ng mga patay at kamatayan
sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim, na sa kalaunan kinuha ang kanyang pangalan.
Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at
nakakubli sa lupa ng mundo.[1]
Bahagi siya ng labindalawang Olimpiyano.[1][2] Si Hades ay itinuturing ang panganay na lalaki nina Kronos at
Rhea, bagaman ang huling anak na iniluwa ng kanyang ama. Natalo niya at ng kanyang mga kapatid na lalaking
sina Zeus at Poseidon ang henerasyon ng kanilang ama ng mga diyos, ang mga Titan, at inangkin ang
pamamahala sa mga kosmo. Natanggap ni Hades ang Mundong Ilalim, si Zeus ang langit, at Poseidon ang
dagat, ang lupa——matagal nang lalawigan ni Gaia——lagap sa lahat ng tatlo sabay-sabay. Si Hades ay
madalas inilalarawan kasama ang kanyang tatlong-ulong bantay asong si Cerberus at, sa ibang mitolohikal na
mga may-akda, nauugnay sa Almete ng Kadiliman at ang bident.
Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya kailanmang
nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2]

Ares
Sa mitolohiyang Griyego, si Ares (sa Griyego, Άρης: "labanan") ay ang diyos ng digmaan at anak
ni Zeus (hari ng mga diyos) at Hera.[1][2]Kinikilala siya ng sinaunang mga Romano bilang Marte o Mars. Mas
mataas at mas malawak ang pagtingin ng mga Romano sa kanilang Marte kaysa sa Griyegong
Ares.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Laran.[3]
Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang ama ng magkapatid na kambal na mga
lalaking sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.[1]

Apollo
Si Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki
ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis.
Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na
nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na
mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.[1][2] Kilala
siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.[1]
Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil sa katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat
walang kadilimang nagmumula kay Apollo. Wala ring mabangis na pag-uugali o pag-init ng ulo at galit. Wala ring
takot.[2]
Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo ng musika mula sa isang ginintuang kudyapi o lira.
Ngunit isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-ari at naghahawak ng sandatang pilak na
pana.[1][2]
Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod ni Apollo,
nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya sa Delphi ng mga ukol sa sining, pagbibigay lunas, at
panggagamot o pagpapagaling.[2]

Hermes.
Si Hermes, ayon sa mitolohiyang Griyego, ang diyos na mensahero ng mga diyos at mga diyosa. Siya ang gabay
ng mga manlalakbay, kabilang ang mga nagbibiyahe patungo sa Mundong Ilalim. Anak siya ni Zeus at ng
isang diwata. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Merkuryo.[1]
Hephaistos
Sa mitolohiyang Griyego, si Hefesto, Hephaistos, o Hephaestus[1] ang diyos ng apoy at ng masining na
mga gawaing pambakal o pangmetal. May dalawang pangunahing mga mito kung saan siya nagmula. Sa
isa, siya ang anak na lalaki nina Zeus at Hera. Sa ikalawa, siya ang anak na lalaking nanggaling kay Hera,
kahit na walang katalik na lalaki. Hindi katulad ng ibang mga diyos, ipinanganak siyang mahina at may
kapangitan. Asawa niya si Aprodita na diyos ng kagandahan, ngunit hindi matapat kay Hephaistos si
Aprodita. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Vulcan (Bulkan)[2] o Mulciber (Mulsiber, ang
"tagatunaw" o "manununaw"). Sa mitolohiyang Etruskano, kilala siya bilang si Sethlans.
Bagaman may mga katangiang hindi katulad ng sa ibang mga diyos, gumaganap siya
bilang panday at maninistis o siruhano ng mga diyos at diyosa, maging para sa tao. Siya ang lumikha ng
baluti na isinuot ni Achilles para sa pakikipaglaban laban sa Troya. Siya ang gumawa ng setro o baston ni
Zeus, maging ng piruya ni Poseidon. Siya ang nag-opera o gumanap na maninistis noong hatiin at buksan
niya ang ulo ni Zeus upang maipanganak si Athena. Isa siyang diyos na maraming kasanayan sa maraming
mga bagay-bagay.[2]
Si Hephaistos rin ang isa mga lumikha ng lahi o lipi ng mga babaeng tao, alinsunod sa utos ni Zeus. Si
Hephaistos ang humubog kay Pandora mula sa putik. May iba pang mga diyos at diyosang tumulong sa
paglikha, pagdaramit, pagpapalamuti, at pagbibigay ng buhay kay Pandora, ang unang babaeng tao.[1]

Hestia
Sa mitolohiyang Griyego si Hestia ang diyosa ng dapugan o apuyan at ng tahanan.[1][2] Kilala siya
sa mitolohiyang Romano bilang Vesta o Besta.[1] Anak siyang babae ni Kronos at Rhea, kaya't kapatid siya
nina Zeus, Poseidon, at Hera. Sa Roma, mayroon siyang isang dambanang may banal na apoy at matatagpuan
sa Romanong Porum (o Romanong Poro). Naging mahalaga para sa Istado ng Roma ang mga paring babaeng
kilala bilang Mga Birheng Bestal, na nangangahulugang "Mga Birhen ni Vesta" o "mga birheng wagas" ni Vesta,
mga dalisay at malinis na birheng nagbabantay sa apuyan ni Vesta.[3] Nagmumula lamang sa mga mag-anak
na aristokrata ang mga kababaihang ito.[2]

Athena
Si Athena, (sulat Griyego: Αθηνά; Latin: Athena o Pallas Athena[1]), ang Griyegong diyosa ng
karunungan, sining, at digmaan, na katumbas ni Minerva sa mitolohiyang Romano.[1][2] Sa kanya
ipinangalan ang lungsod-estado ng Athina, ang kanyang lungsod na pangkasalukuyang punong lungsod
ng buong Gresya. Pinakadakila sa mga templong itinayo para sa kanya ang Parthenon.[1][2]

Artemis
Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga maiilap at mababangis na mga hayop sa mitolohiyang
Griyego. Kapatid at kakambal siyang babae ni Apollo. Kilala siya sa pangalang Diana sa mitolohiyang
Romano. Dahil sa pagkakaugnay ni Apollo sa araw, kalimitang itinuturing o ikinakabit si Artemis sa "buwan"
at bilang ang diyosa ng buwan na pinangalanang Selene o Selena sa Griyego o Luna sa
Romano.[1][2] Sa mitolohiyang Etruskano, binabaybay ang pangalan niya bilang Artumes.[1]
Batay sa mga paglalarawan sa kaniya, mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na binabalahan ng
ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa pagkilos.
Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niya ang usa at nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mga
mababangis at maiilap na mga hayop. Siya rin ang tinaguriang dalagang diyosang nagsasanggalang o
nagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataan ng mundo.[2]

Aphrodite
Si Aproditi o Afroditi (Griyego: Αφροδίτη; Latin: Aphrodite) ay ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiya ng
mga Griyego. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan.[1] Anak
na babae si Aproditi ni Zeus at ni Dione, isang diwata.[1]
Ayon sa isang bersiyon ng salaysay ukol sa kanya, ipinanganak si Aproditi mula sa aphros o bula ng dagat.[1][2]
Lalaking anak niya kay Ares si Eros (Kupido). Siya rin ang ina ng bayaning Troyanong si Aeneas, mula sa
pakikipag-ugnayan niya kay Anchises. Tinunton nina Julius Caesar at Augustus ang kanilang pinagmulang
linyahe o ninuno mula kay Benus, sa pamamagitan ng pinagmulan ni Aeneas.[1][2]
Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba nila sa Aproditi. Mayroon siyang
matamis na ngiti at mahiligin sa paghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian:
nagiging pagtuya at kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang lumipol o manira.[2]

You might also like