You are on page 1of 1

Isa sa mga layunin at dahilan na ang Agosto ay ipinahayag na Buwan ng Wika at Nasyonalismo sapagkat

hitik ang Agosto sa maraming makasaysayang pangyayari ang naganap sa Pilipinas na magpapaalab at
magpapatingkad sa pagkamakabayan ng mga Pilipino. Isa na rito ang Sigaw sa Pugad Lawin (isang sityo sa
Balintawak, Queon City) na ginugunita tuwing ika-23 ng Agosto. Mahalaga ang Sigaw sa Pugad Lawin
sapagkat simula ito ng himagsikan ni Gat Andres Bonoifacio, ang ama ng Katipunan at ng iba pang
rebolusyunaryo laban sa mga mapanupil na Kastila. Ang Sigaw sa Puad Lawin ay nagpapagunita sa
makasaysayang pook sa bakuran ni Juan Ramos, anak na lalaki ni Melchora Aquino o Tandang Sora na Ina
ng Katipunan.

Ayon sa kasaysayan, ilang araw matapos na ipagkanulo sa mga prayle at mabunyag ang lihim ng
Katipunan, si Gat Andres Bonifacio, kasama ang may 500 Katipunero ay nagpulong sa Pugad Lawin
kabilang ang mga rebolusyonaryong sina Aurelio at Jacinto Tolentino ng Morong, Rizal at Gregorio
Mendez ng Tanay, Rizal. Sa nasabing pulong, pinag-usapan ang simula ng paghihimagik laban sa
pamahalaang Kastila. At matapos magkasundo, napagkaisahang ilabas ang kanilang mga sedula, pinunit
bilang tanda ng determinasyon na simulan ang paghihimagsik laban sa masama at mapanupil na
pamamahala ng mga Kastila, kasabay ang sigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!”

Isa nang mahalagang bahagi ng kasayayan ang Sigaw sa Pugad Lawin. Si Gat Andres Bonifacio at ang lahat
ng manghihimagsik na lumahok sa Sigaw sa Pugad Lawin ay isang inspirasyon at halimbawa ng pag-ibig
sa bayan, sa pagiging isang Pilipino at sa maalab na hangaring mapalaya ang bansa mula sa lahat ng anyo
ng pagkaalipin.

Sa ating makabagong panahon, magkaroon pa kaya ng isa pang paghihimagsik tulad ng Sigaw sa Pugad
Lawin ang sambayanang Pilipino upang tuluyang maputol ang pagsasamantala ng mga tiwali, bulok na
lingkod ng bayan na sariling interes ang pinaglilingkuran? Nagiging mga tulisan at mandarambong ng
pondo ng bayan na nagbubunga ng paghihirap ng mamamayan.

You might also like