You are on page 1of 1

Source: Wikipedia

Si pangulong Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika 19 ng Agosto taong 1878 sa Baler, probinsya
ng Tayabas (na ngayon ay Aurora).
Ang kanyang ama ay si ginoong Lucio Quezon at ang kanyang ina naman ay si ginang Maria Molina.
Ang kanyang magulang ay kapwa guro.
Si Quezon ay nagtapos ng sekondarya sa Letran High School. Kumuha naman sya ng kursong Bachelor
of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas at nagtapos bilang Suma Cum Laude.
Sa UST na rin itinuloy ni pangulong Quezon ang abogasya at nakapasa sa bar exam noong 1903.
Nagtayo si Quezon ng sariling law office at kalaunay naging tanyag sa mga kasong ipinanalo. Ngunit
nagpasya ring ipasara ni Quezon ang kanyang law office kapalit ng pagkakatalaga bilang Fiscal ng
Mindoro.
Tumakbo si Quezon bilang Gobernador ng Tayabas at kalaunay nanalo sa tulong ng mga taga suporta.
Si Quezon ay ikinasal kay Aurora Aragon noong ika 17 ng Disyembre. Sila ay may apat na anak at ito ay
sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel Quezon Jr.
Naging senador si Quezon noong 1916 at kalaunay naging senate president hanggang taong 1935. Si
Quezon ang may hawak ng record bilang pinakamatagal na naging senate president sa loob ng (19)
labing syam na taon.
Taong 1935 ay nahalal naman sa pagka pangulo ng republika ng Pilipinas si Quezon. Naging kalaban
nya sa botohan ang karibal na si Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.
Nagsilbi si Pangulong Manuel Quezon bilang pangulo sa loob ng dalawang termino mula 1935
hanggang 1944.
Namatay si Pangulong Manuel Quezon sa sakit na tuberculosis noong August 1, 1944.

You might also like