You are on page 1of 6

Filipino

PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN

Mga Aralin

Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar


Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Tulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga
Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy ang panahong ito sa mga taon pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng mga Pilipinong
manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na
akda na nagbukas sa isang diwang makabansa.
Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayo sa mga manunulat at
akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa
Panahon ng Kasarinlan sa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p. 139.
Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na isinulat at ilagay
ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline.

Gawin sa sagutang papel.


Panahon ng Amerikano
Panahon ng Komonwelt
Panahon ng Kasarinlan

Dula: “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar


Isa sa mga akdang pampanitikang nakilala sa panahong ito ay ang dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio
Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin ang anyo ng dula
at si Dionisio Salazar.

Gawin din ang sumusunod:

1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan (role play) o larong akting-
aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay din ng isang
halimbawa ng ginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas man ng paaralan.

2. Sa tulong ng Venn Diagram,


ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng maikling kuwento at dula.
Maaaring gamitin bilang batayan ang ginawa sa panimulang pagtataya sa araling ito.

Gawin ito sa sagutang papel.


Ang Dula
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino.
Ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging
pagkakakilanlan ng ating lahi.
Sa Panahon ng Kasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilang isang mabisang
kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin, at sa pagpapakilos ng
sambayanan.
Maliban sa sarsuwela na isa sa mga uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa iyo sa naunang aralin
(Panahon ng Amerikano),

may iba pang mga uri ang dula.

Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan.


Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay
ng tao.

Gaya ng ibang katha,

ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos


ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa
tanghalan.
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap:

a) tanghalan – kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal


b) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap
sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip
c) aktor – gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng
mga aksiyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood
d) direktor – nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip
e) manonood – mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal
f) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo ang nagpapalit ng mga
pangyayari sa dula. Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng panitikan sa

Panahon ng Kasarinlan.

Naging daan ito upang malinaw na mailarawan nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang
kalagayang panlipunan.
Naipakilala nila ang dula na isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa
paggising ng damdamin at sa pagpapakilos.

Si Dionisio Salazar Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919


si Dionisio Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng
Sto. Tomas (para sa kaniyang MA). Hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang
siyam (9) na nobelang kaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos
Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, at TOFIL
Awardee for Drama and Literature. “Sinag sa Karimlan” Bago basahin ang dulang “Sinag sa Karimlan,”

gawin ang sumusunod:

1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat ng akda.

SINAG SA KARIMLAN Dionisio S. Salazar

MGA TAUHAN :
Tony, binatang bilanggo
Luis, ang ama ni Tony
Erman, Doming, at Bok, mga kapuwa bilanggo ni Tony
Padre Abena, pari ng Bilibid
Miss Reyes, nars
Isang Tanod

PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS: Umaga

PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng


Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa … waterloo ng kasamaan … Hamon sa
pagbabagong buhay … May mga maikling gayong dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito
kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga
walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito
rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan … Marami nang lubha ang mga pumasok at
lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak … May sala o
wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan

Doming : (Bibiling sa higaan, iangat ang ulo, at tatanungin si Bok) Tipaningmayap, lakas namang
mag-ilik ni Bok.
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING. Ba, sino ‘yan? …
(Ingunguso si Tony.)
Ernan : Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-duguan siya.
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.)
Mukhang bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa … Ernan : Si Bok
naman. Konting lamig, ‘bigan. Doming : Hisi lang, Tsokaran.

Bok : Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako
kagab-i. Galaking sugat n’ya. (Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming : Kilala mo siya, Bok?
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig n’yo gigisingin ko …

Doming : Ba, ‘wag! (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.


Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang
umaga senyo …
Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?

Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong
Ernani Alba, di ho ba? Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan : Salamat, Tony.
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng
Batsi Gang. Marai padrino. Yeba! … (Mangingiting makahulugan ang lahat.)
Tony : (Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … (Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud
Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto,
magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Puwede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t, Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan, ber? At … teribol
yang blakay mo. Yawa.
Doming : (Mapapansin ang pangangasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony?
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y
sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang
Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay- patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y
nahuli. (Sa sarili A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan! (Kay Tony) mabuti’t
tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e
nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko
ke Padre Abena …sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran … Me
parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! Bo : (Ngingiti-ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa
himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun-milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta
mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero
ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersiyal. Paris ng iba’t ibang
ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan.
Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag- aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang
pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang
iyong diwa.
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony : Iimbitahin kita, Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At
pakikinabangan. Tiyak.
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno … Ako’y buhay sa ‘sang
karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa
karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba.
‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida. Natural, nag-away sila …
Umalis si Tatay. Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako …

Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa,

gawin ang sumusunod:

Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa akdang binasa. –

1. May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. –


2. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? –
3. Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong
pamilya? –
4. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula?
5. May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? –
6. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapuwa ang masaklap na nangyari sa
kaniyang buhay? Bakit? –
7. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang dula sa
paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan?
8. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin, at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa.

Gawing batayan ang kasunod na tsart.

Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita sa katangian ng isang dula.

Mga Aspekto ng Pandiwa

Balikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula.

Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. P. Abena : (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad … (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-
kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa
pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis.
Dahan- dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya,
marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na
kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony.

May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya
ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha
rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo nang marahan.
Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag- ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.) Ang mga
nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad
ng kilos sa dula dahil ito ang nagtutulak ng pag-usad ng salaysay. May mga aspekto ang mga pandiwa na
nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang
ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung
ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kung
nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy;
aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibong
katatapos kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos. Upang
pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin ang sumusunod. 1. Balikan ang dula at ihanay
ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa mga aspekto nila. 2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong
buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng
pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. 3. Sinasabi
na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng doktor, abogado, at inhinyero. Kaya naman dapat
lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng lipunan. Kaugnay ng paksang ito,
gumawa ng isang maikling dula na nagpapakita sa halaga ng mga guro. Tiyakin na ito’y a) malikhain; b)
nagkakaugnay-ugnay ang mga eksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
24. 112 Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood.
Dahil itinatanghal ito, nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon ng mga
nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi ang mga manonood sa pagtatanghal.
Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din sa ibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan,
nakita, napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita ng mga manlilikha. Ang
mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon o pagsalungat. Isang paraan ang pagsang-ayon o
pagsalungat upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga
palapalagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang
dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsangayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na
kaalaman tungkol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong
itinutulak ng nakararami. Mga Halimbawa: * Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon
ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko. * Pahayag na nagsasaad ng
pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit… Ikinalulungkot ko ngunit… Nauunawaan kita subalit.
Ayaw.
25. 113 Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat, gawin ang
sumusunod: 1. Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula. a. Pananaw ni Mang Ernan sa
buhay b. Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c. Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng
ama ni Tony d. Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis 2. Pumili ng isa sa sumusunod
na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. - Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento
at dula. - Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong. - Dapat
magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki. 3. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o
sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek () ang bilog katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang
iyong pangangatwiran sa patlang.
26. 114
27. 115
28. 116 3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang dumalo sa
gaganaping seminar-workshop tungkol sa “Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon.” Isa sa bahagi ng
naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang
pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng
orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal
ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa sumusunod na pamantayan: a)
kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang
mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang- ayon at pagsalungat.
4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa
pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa
kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong
husay ang gawain. Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang pagpasok ng dolyar
sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t
ibang programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa buong
mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay
nito. Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na hikayatin
ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na
bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipinas na nagpapatunay na
“It’s More Fun in the Philippines.” Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipinas na nananatili,
nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a)
batay sa pananaliksik; b) makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f)
napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang video presentation

You might also like