You are on page 1of 3

MAGULANG

Anong bagay ang ating maitutumbas,


Sa pagmamahal nilang di- kumukupas.
Kahit anong pagod ay di sumusuko,
Upang matupad ang sumpang pangako.

Walang sinuman ang makapanghuhusga,


Sa kanilang pag- irog at pag- aruga.
Wala ring bagay na sukat ipampalit,
Sa kanilang pinuhunang mga sakit.

Ito'y handang gawin ng isang magulang,


Sa anak na nagpakita ng paggalang.
Gawin natin ito bilang mga anak,
At huwag nawa natin silang mahamak.

Tunay na pagsinta'y iyong imungkahi,


Bago pagpantayin ang kanilang labi.
Isiwalat mo ang gusto mong sabihin,
Baka ito na ang yong huling habilin.
Magulang nati'y huwag baliwalain,
Bago pa man sila ay pagpahingahin.
Ating ipadama ang ating kalinga,
Habang patuloy pa silang humihinga.

Sapagkat anong silbi ng iyong luha,


Kung lubos ng kinuha ang kaluluwa.
Wala ng papalit sa ating magulang,
Suyurin pa man ang lupa't kalangitan.

Naway lumawig pa ang kanilang buhay,


Upang pamilya'y patuloy pang tumibay.
Tahanang aking pinagmulatan noon,
Naway panatilihin hanggang ngayon.

Mga mahal kong magulang naway dinggin,


Ang aking pagsisisi at paumanhin.
Alam kong nagkulang ako't nagkasala,
Kaya nga't narito akong lumuluha.
Nais ko ring sabihin sa inyong harap,
Na aking tutupdin ang inyong pangarap.
Nawa'y sa araw ng aking pagtatapos,
Kayo'y aking maparangalan ng lubos.

Huwag kayong mag- alala sa pagtanda,


Sapagkat kayo'y aking ipaghahanda.
Isisiguro ko ang inyong pagtawa,
Hanggang sa oras ng inyong pagkawala.

- to Ms. Dancing Queen.

You might also like