You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas )

Probinsya ng Cagayan ) S.s


Lungsod ng Tuguegarao )

Ako si _______________________, nasa hustog gulang, may asawa at naninirahan


sa ___________ pagkatapos makapanumpa ng naayon sa batas ay malaya at
kusang loob na nagsasalaysay:

1) Na ako ay tetestigo tungkol sa aksidente na naganap noong ika_____ ng


Hunyo, 2017 bandang 6.30 ng umaga sa may Caggay highway na siyang
ikinamatay ng biktima na si ____________;

2) Noong araw na iyon, ako ay pauwi sa aming bahay habang minamaneho


ko ang aking Tricycle. Ako ay nakasunod kay “Leonardo” na siyang
nagmamaneho ng XRM na motorsiklo at angkas niya si ________ at nasa
likuran ko naman ang isang dump truck na may plakang _________;

3) Habang ako ay nagmamaneho, ang dumptruck na nakasunod sa akin ay


sumibarang kaliwa at ng bumalik sa linya, aksidente nitong nasagi ang
motorsiklong minamaneho ni Leonardo na siyang dahilan ng pagkatumba
nilang dalawa ng angkas niyang si ______. Nagtamo ng maliit na gasgas si
Leonardo at ang kanyang angkas naman na si ______ ay nagtamo ng
matinding sugat sa kanyang paa;

4) Sumigaw ako upang mapahinto ang dumptruck ngunit sa halip na


huminto, ito ay tumakas at lumiko sa may bartolome caggay;

5) Hindi ko na nagawang habulin ang dumptruck dahil mas ginusto kong


tulungan ang mga biktima. Gayunpaman tumawag ako at humingi ng
tulong sa aking kakilala na si elot na nasa bartolome noong mga oras na
iyon upang kanyang habulin ang nasabing dumptruck. Naplakahan niya
ang Dumprtruck ngunitit hindi na niya nagawang pahintuin ang
dumptruck dahil sa sobrang bilis nitong magpatakbo;
Republika ng Pilipinas )
Probinsya ng Cagayan ) S.s
Lungsod ng Tuguegarao )

Ako si _______________________, nasa hustog gulang, may asawa at naninirahan


sa ___________ pagkatapos makapanumpa ng naayon sa batas ay malaya at
kusang loob na nagsasalaysay:

1) Ako ay kasalukuyang barangay kagawad sa aming barangay sa Piat,


Cagayan;

2) Noong ika ______ ng Hunyo 2017, ako at an aming Barangay Secretary


na si _______ ay bumyahe ng Tuguegarao upang magbayad ng buwis sa
Bureau of Internal Revenue, Regional office;

3) Bandang ______, kami ay nakarating ng Tuguegarao gamit ang


minamaneho kong motorsiklo;

4) Nang kami ay makarating sa may bandang Caggay Highway, nasa


Likuran ko ang isang Tricycle na minamaneho ni Roselito Maggay at
kasunod nito ang isang Dumptruck na may Plakang _______;

5) Dahil motorsiklo lamang ang gamit naming sasakyan, nagpasya akong


pumagilid upang magbigay daan sa mga mabibilis na sasakyan;

6) Nang kami ay makarating sa may harap ng pampangueña, ang


Dumptruck na nasa likuran ng Tricycle na minamaneho ni Roselito ay
sumabirang kaliwa at inunahan niya ito. Ngunit pagkabalik nito sa
linya ay aksidente nitong nasagi ang minamaneho kong motorsiklo na
siyang dahilan ng pagkatumba namin ni _________

7) Nagtamo ng matinding sugat ang angkas kong si __________ habang


ako naman ay nagtamo ng gasgas sa katawan;

8) Sa halip na huminto ang drayber ng Dumptruck, ito ay tumakas at


lumiko sa may Bartolome, Caggay;

9) Huminto ang Drayber ng Tricycle na si Roselito Maggay upang kami ay


tulungan;

10) Agad namang tumawag ang isang residente ng Caggay ng Rescue


Team upang kami ay matulungan at maidala sa malapit na ospital;

11) Ng kami ay makarating ng ospital, sinamahan ako ni


_______________ sa barangay hall ng Caggay at sa Police Station upang
ireport ang nangyaring insidente;

You might also like