You are on page 1of 3

Ang Maikling Kwento Tungkol kay Maymay at sa kanyang Aso at Pusa

MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Maymay at sa


kanyang aso at pusa.

“Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa”


Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid
na ang turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na
ipinangalanan niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay


nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito
sa mga alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina


Bruno at Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si
Maymay naman ay sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng
munting bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na
sana ang tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi
naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga
maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-
awa siya kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit
masakit rin sa kanya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si
Aling Iña at ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang
kanyang kainan patungo kay Bruno.
Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng
pusa. Si Kuting naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain.
Nasiyahan si Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.

Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng
nanay niya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang
alagang aso at hinimas-himas ang ulo nito.

“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit kakagatin
si Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno.
Nagsisi rin siya sa ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na
niya paparusahan ang mga alaga kahit ano pa man ang mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong


tumayo at lumapit sa pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.

Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang
aso sa tuwing hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya
mula sa mahimbing niyang tulog.

Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting.


Nawala na ang takot ng pusa sa malaking aso.

1
me·ter
/ˈmēdər/
noun
1. the fundamental unit of length in the metric system, equal to 100 centimeters or
approximately 39.37 inches.
"sit two meters away from the TV screen"
o a race over a specified number of meters.
"he placed third in the 1,000 meters"

kil·o·me·ter
/kəˈlämədər/

Learn to pronounce
noun
1. a metric unit of measurement equal to 1,000 meters (approximately 0.62 miles).

li·ter
/ˈlēdər/

Learn to pronounce

noun
1. a metric unit of capacity, formerly defined as the volume of one kilogram of water under
standard conditions, now equal to 1,000 cubic centimeters (about 1.75 pints).
liter
: a metric unit of capacity equal to one cubic decimeter

millimeter
: a unit of length equal to ¹/₁₀₀₀ meter
a metric unit of mass equal to ¹/₁₀₀₀ kilogram and nearly equal to the mass
of one cubic centimeter of water at its maximum density

kilogram-the base unit of mass in the International System of Units that is


equal to the mass of a prototype agreed upon by international convention
and that is nearly equal to the mass of 1000 cubic centimeters of water at
the temperature of its maximum density

Definition of decimeter
: a unit of length equal to ¹/₁₀ meter

You might also like