You are on page 1of 2

Alwin Joseph J.

Ramos

Hugot: Pagsusuri sa teksto ni Roque Ferriols, S.J na pinamagatang “Insights”

Hindi limitado sa atin na ang trabaho ng pilosopiya ay ang pamimilosopiya mismo at hindi
pagbibigay depenisyon sa pilosopiya. Ito ang sinabi ni Roque Ferriols, S.J sa kanyang
talaarawan (journal) na “Insight”. Dahil ang pilosopiya ang paglalahad ng katotohanan,
binibigyan tayo ng tsansa na mamilosopiya at hanapin ang katotohanan sa ating mga
kani-kaniyang mga paraan. Hindi limitado sa iisang pagkilos lamang ang pamimilosopiya
ayon kay Ferriols at hindi lamang nakapaloob lamang sa iisang paraan ang
pamimilosopiya.

Sa mga salita ni Ferriols na “lundagin mo beybe” ang hamon niya sa isang filipinong
pilosoper ay ang pagiging malikhain sa kanyang pamamaraan ng pagiisip at ang walang
kamalayan na siya ay namimilosopiya na pala. Isinasaad sa atin ni Ferriols na hindi natin
dapat pang bigyan depenisyon ang pilosopiya at kung gaano pa ito ka importante sa atin,
mas importante ang pagsulat na mismo natin ng pilosopiya, lalo na sa larang ng
pilosopiyang filipino, at ang paghahayad natin nang mga iba’t-ibang mga kontribusyon sa
ating bansa. Hindi maiintindihan ang pilosopiya sa pagbigay ng tumpak na depenisyon
dito, dahil wala namang tumpak na depenisyon ang pilosopiya mismo. Kung iyong
susuriin ang deenisyon ng pilosopiya, makikita mo ang ibat-ibang mga pahayag ng mga
ibat-ibang mga tao tungkol sa salita na pilosopiya lamang. Maski ang mga taong walang
pinagaralan o mababa lamang ang pinagaralan ay maaring makapagbigay ng sarili
niyang depenisyon sa pilosopiya, dahil ang tunay na pilosopiya ay ang pagkilos mismo
upang mamilosopiya. Kaya nga’t nagbigay si Ferriols ng mga iba’t-ibang mga larawan
kung paano natin nakukuhang tanggapin ang isang pilosopiya. Sinasabi niya na “Insight”
o kabatiran, ay pamamaraan ng pagtingin sa isang bagay kung ano ba talaga ito, at
pagkakaroon ng paghihimasok sa pag-iral nito (existence). Kaya naman nagbigay siya
ng iba’t-ibang mga panayam na maglalarawan sa tinutukoy niya na pagtingin sa kaisipan.
Kung titignan nga natin ang salitang kabatiran, o “insight” nakaugat ito sa salitang batid,
na kung saan ito ay isang pamamaraan ng pagkakaalam. Kaya nga isa nga sa mga
halimbawa ni Ferriols sa kanyang akda ay ang pagkakuha natin sa pinupunto ng isang
biro o joke. Kumbaga may proseso ng pagtanggap mula sa nagsabi ng biro patungo sa
nakikinig nito. Nagkakaroon ng pagkaisipan kung bakit ng ba ito o maituturing nga ba ito
na isang maganda at nakakatawang biro at tulad nga ng sinabi niya na nakikisabay
lamang sa mga tumatawa sa biro na ito. Hindi ba’t mas kaaya-ayang tangapin na
nakakatawa ang isang biro kung ito ay lubusan mong naunawaan? At ayon ang tinutukoy
ni Ferriols na pamimilosopiya. Hindi lamang nakikisabay sa agos ng alam ng iba kung
hindi pagbibigay linaw sa sarili kung papaano ito mas maiintindihan ng ating sarili.
Ang sumunod na halimbawa ni Ferriols ay ang pagalam niya sa buhay ng
pagsasakabilang buhay ng kaniyang lolo, na kung saan dati rin isang bata na katulad
niya, malakas at maliksi. At kung saan nabighani si Ferriols na ganoon talaga ang buhay,
mabilis pumanaw ang lakas na mayroon tayo dahil sa kalimitahan ng oras na mayroon
tayo. Maski nga si Homer ay isinalin ni Ferriols sa usapan na ang pag-gamit ni Homer ng
talinghaga o metaphor. Ang tinutukoy ni Ferriols dito ay ang pagkakaroon ng pagtingin
sa mga bagay na para bang isang talinghaga na hindi mo kayang ipaliwanag basta-basta
gamit ng sarili mong salita. Ang paggamit ng talinghaga ay pamamaraan ng
pagkahahambing sa dalawang magkaibang-magkaibang bagay na kung saan mas lalo
pa nating naiintindihan. Na ang pilosopiya ay parang ganoon. Maraming mga salita sa
pilosopiya na hindi natin lubusan maunawaan kung kaya’t ating binibigyan na lamang ng
kakaiba pang pamamaraan o mga salita upang ating lubusang maunawaan. Isa pa ngang
halimbawa ni Ferriols ay ang pagunawa sa salitang “four” o apat. At hindi lamang
pagkaunawa sa mismong salita na apat kundi maski ang pamamaraan ng pagbibilang.
Tulad ng 1+1+1+1 o 2+2. Ang tawag dito sabi ni Ferriols ay “abstraction” o sa tagalog ay
Hugot. Na inuunawa muna natin ang konsepto ng isang bagay muna at isinasantabi muna
ang iba pang mga bagay na nasa paligid nito.

Nauso rin ang salitang hugot sa wika ng makabagong henerasyon ngayon. Ang konteksto
ng hugot sa ngayon ay nasa konteksto ng pagmamahal o pagkabigo sa pag-ibig. Ngunit
ang salitang hugot ay may kakainang pahiwatig din sa atin. Hugot kung saan
pamamaraan ng pagkuha ng isang bagay sa isang bagay ay ang pagdakot ng kung ano
ang mas importante at mas magagamit mo. Na kung saan sa pilosopiya, ito ang
pamamaraan ng abstraction na kung saan hinahanap mo at dinudukot mo ang mas may
silbi sa mga salita nito. Ngunit sabi ni Ferriols mas mabuting babalik parin tayo sa orihinal
na kabatiran na kung saan nakikita at nararamdaman.

Nakita natin s amga halimbawa ni Ferriols na ang “Insight” ay pamamaraan ng pagtingin


kasama ang kalooban sa pagiisip. Kaya naman tayo ay dapat lumabas sa kahon ng
kalimitahan at wag magtago lamang dito. Dahil dito mas maari pa tayong makabuo ng
mas mataas at matalas na pangkaisipan bukod pa sa unang pangithain natin dito. Sa
mga salita ni Ferriols na “Sa lahat ng ito, meron pa!” isa lang pinapahiwatig sa atin ni
Ferriols na ang pamimilosopiya ay isang gawain na kung saan ating sinusubukan ang
pagkamatalas ng ating pagiisip na may esensya rin nakasama rito. May laman kumbaga.
Ang pagkamuwang sa katotoohanan at realidad ng mga bagay bagay ay ang ginagawa
sa pamimilosopiya ngunit kahit na sabihin nating nakita natin ito, dapat parin nating isipin
ng may pagkakumbaba na marami parin tayong dapat makita. Tulad ni Socrates, sa
kaniyang salita na “All I know is nothing!”, binibigyan nila tayo ng bokasyon upang hanapin
pa ang iba pang pwedeng hanapin sa mundo ng realidad.

You might also like