You are on page 1of 4

Stephanie B.

Villanueva

8-Star

Modyul 10

Ang Hamon sa Pamilya

- May mga bagay sa panahon ngayon ang nagbabago tulad ng pakikitungo ng bawat
kasapi ng pamilya sa isa't isa dahil sa iba't ibang pangyayari na nagdudulot ng
paghina ng ugnayan ng mga kasapi ng pamilya.
- Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paglipat ng tahanan, pagkawala ng mahal sa
buhay at epekto ng teknolohiya at industriyalisasyon.
- Sa mga dahilan na ito, maaaring maging dahilan upang magkaroon ng lamat ang
relasyon ng isang pamilya at nakalulungkot isipin na may mga pamilyang hindi
naiingatan ang mga kasapi laban sa karahasan mula sa mga tao o bagay sa labas man
o loob ng pamilya.
- Kaya naman kung ang pansariling interes ng tao ang mangingibabaw, magkakaroon ng
kaguluhan dahilan upang magkaroon ng tungkulin ang lipunan na mapangalagaan ang
kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan alang-alang sa
kabutihang panlahat.
- Sa pamamagitan ng mga batas na ipinatupad, maiingatan at maipaglalaban ang
dignidad at karapatan ng mga tao at mapagbubuklod sila tungo sa pagkamit ng
layuning ganap.

Paggalang at Pagganap sa May Awtoridad at Ang Kahalagahan ng Pagsangguni


- Lahat ng tao ay napapasailalim ng awtoridad, maging ang pangulo ay napapasailalim
din sa isang awtoridad na kailangan niyang sundin at ang sinumang taong
mapagkakalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng
mga panuntunan.
- Kung kinikilala ng kaniyang nasasakupan ang halaga ng kaniyang awtoridad, ang
paggalang at pagsunod sa kanila ay madaling maisasabuhay.
Ano ang iyong gagawin kung ang iniutos sa iyo ng iyong magulang ay
maghahatid sa iyo ng kapahamakan at nalalaman mong labag sa kabutihang-
asal? Susundin mo ba?
- Sa ganitong pangyayari, maaaring sumangguni sa mga taong mapagkakatiwalaan at
tunay na nagmamalasakit, maaaring bahagi ng pamilya (nanay, tatay, tiyuhin, lola) at
mga tao sa lipunan na binigyan ng lipunan ng kapangyarihang ingatan ang dignidad,
ipaglaban ang karapatan at tugunan ang pangangailangan ng mga taong nasasakupan
(guro, pari, opisyal ng pamahalaan) upang mapanatili ang kapayapaan, disiplina at
kapakanan ng pangkat, alang-alang sa kabutihang panglahat.

Natututunan ba ang paggalang at pagsunod? Kailan ito dapat ituro?


- Mahalagang isaalang-alang ang edad ng bata sa paghubog ng ugali, tulad ng pagiging
masunurin o pagsunod sa magulang, nakataranda at may awtoridad.
- Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil kinikilala ng bata ang kinagisnan
nyang pamilya nang walang pagtatangi o bahid man ng pag-aalinlangan.
- Mas madali para sa isang bata ang sumunod sa kaniyang mga magulang at
nakatatanda dahil sa direktang pagtanggap niya mula sa mga ito ng seguridad,
pagmamahal, seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para sa kaniyang kaayusan at
kagalingan.
- Pagkatapos ng tatlo hanggang apat na taon, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob
ng isang bata, kaya't habang siya ay nagkakaedad, nabibigyang katuwiran niya ang
kaniyang ikikilos kung kailangang sundin ang ipinag-uutos at tuluyang magpasakop o
mangangailangan muna siya ng pagsangguni kung ang ipinag-uutos at tuluyang
magpasakop o mangangailangan muna siya ng pagsangguni kung ang ipinag-uutos ay
kaniyang gagawin o hindi.

Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng:


1. Pagmamasid sa kanilang magulang kung paano gumalang sa kapwa, maging magalang
sa Diyos at sa kinikilalang pananampalataya ng pamilya.

2. Pakikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa


paggalang at pagsunod.
Stephanie B.Villanueva

8-Star

Pangkat 3 - Matatag

Modyul 9 : Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1. Magkaroon ng ritwal na pasasalama

- Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksyon kagaya na lamang ng araw-araw ay


isipin mo ang mga taong iyong pinasasalamatan at maglista ng mga taong nais mong
pasalamatan o mga bagay na maaari mong gawin upang sila'y mapasalamatan, huwag rin
natin kakalimutan ang Diyos.

2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpapakita ng kabutihan o higit


na nangangailangan ng iyong pasasalamat.

- Maaari itong maging simpleng liham ngunit mayroong malalim na pasasalamat halimbawa
nito ang paggawa ng liham para sa isang kaibigan na tinulungan ka sa paggawa ng proyekto,
ang simpleng gawaing ito ay nagpapalalim ng inyong magandang samahan dahil iba pa rin
ang pakiramdam na makatanggap ng liham na nakasulat sa stationery kaysa sa isang
pagbati sa email, messenger, etc.

3. Bigyan ng isang yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.

- Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kabutihang kanilang ginawa para sa iyo,


mahalaga na ipadama mo sakanila ang iyong lubos na pasasalamat sa pamamagitan ng
simpleng yakap o tapik sa balikat halimbawa nito ay ang pagyakap sa iyong magulang dahil
sa masarap na pagkaing inihain nila para sa iyo, sa ganitong paraan, nararamdaman ng
iyong magulang na pinahahalagahan mo ang kanilang ginawa.

4. Magpasalamat sa bawat araw.

- Sa bawat araw ay mahalaga na alisin sa iyong isipan ang mga negatibong bagay at palitan
ng positibong bagay at dapat na harapin ang mga araw na iniisip ang mga biyayang
natatanggap tulad ng hangin na iyong nalalanghap, mga taong nagseserbisyo sa iyo tulad na
lamang ng drayber, guro, atbp. Sa ganitong paraan ay sisigla ang iyong araw.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti ng iyong pakiramdam.

- Marami tayong nababasa o naririnig na mga kasabihang nagpapabago ng ating paniniwala


at nagpapabuti ng ating pakiramdam kaya mabuti kung ang mga ito ay iyong kokolektahin
at ilalagay sa isang aklat at ilagay sa isang mesa o sa tabi ng iyong higaan upang iyong
maalala at mabasa, halimbawa, tunay na nakapagpapaginhawa ng kalooban at nagpapalaya
sa gipit na kalagayan ang bersong ito: Ang Panginoon ang aking pastol, di ako kukulangin sa
anuman. Pinahihimlay niya ako sa luntiang pastulan, inaakay ako sa payapang batisan.
(Salmo 23: 1-2)

6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.

- Kung ikaw ay may birtud na pasasalamat, nagagawa mo maging ang mga simpleng gawain
na ikatutuwa ng ibang tao tulad ng pagbukas ng pinto sa kanila, pagpulot ng mga nakakalat
na papel sa daan, atbp. Kung nagawa mo na ito, nagkaroon ka ng katuparan sa iyong sarili
na ikaw ay mahalagang bahagi ng iyong pamilya, komunidad, bansa at planeta.

7. Magbigay ng munti o simpleng regalo.

- Isang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pag-alala sa taong gumawa sa iyo ng


kabutihan ay tunay na nagbibigay kasiyahan, mahalaga lamang dito ay bukal sa iyong puso
ang pagbibigay.

 Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng


kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.
 Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo sa oras ng kagipitan.
 Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagampanan mo ang iyong
moral na obligasyon, Ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang
masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao.
 Mayroon tatlong antas ang kawalan ng pasasalamat :Una ang hindi pag babalik ng
kabutihang loob sa kapwa sa abot ng makakaya ; Pangalawa ang pagtatago sa
kabutihang ginawa sa kapwa at ang ikatlo , pinakamabigat sa lahat ay ang pagkilala o
pag kalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa.
 Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng
kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.
 Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao, Ang kuwentong Manoro ay tungkol sa isang
babaeng Aeta na si Jonalyn Ablong. Si Jonalyn ay nakapagtapos ng elementarya at
nagpupursiging turuan ang mga kaanak niyang magsulat at lahat ng natutunan niya sa
paaralan. Tinuturuan niyang mabuti na magsulat ang mga kaanak niya dahil sa
nalalapit na eleksyon.

You might also like