You are on page 1of 4

Pagsanahan National High School

Division of Ilocos Norte


Grade: 7- 2nd Periodical Test
Subject Title: Filipino

I. A. Pakikinig. Babasahin ng guro ang mga piling bahagi mula sa alamat na “Ang Alamat ng Baysay.” Piliin ang tamang
sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat tanong.
1. Ano ang dahilan kung bakit nagtungo at lumipat sa Binongtoan ang mga naninirahan sa Balud?
a. dahil sa pagiging marahas ng mga tulisang-dagat
b. dahil nagsimula sila doon ng panibagong buhay
c. dahil sa inutos ng mga misyonerong Heswita
d. dahil nagtatag sila doon ng kuta
2. Bakit pinangalanang Baysay ang kanilang lugar?
a. dahil ito ang gusto ng mga heswita
b. dahil ito ang napag-usapan nila sa kanilang pagpupulong
c. dahil nais nilang maging maganda ang pangalan ng kanilang lugar
d. dahil nagsisilbi itong pagkilala sa kagandahan ng kanilang naging kanayon
3. Ang “walo-walo” ay isang anong uri ng kalamidad?
a. baha b. lindol c. bagyo d. sunog
4. Anong lugar ang hinanap ng mga taga Baysay matapos silang salantahin ng isang kalamidad?
a. bundok b. burol c. dagat d. ilog
5. Ano ang dahilan kung bakit nagpatayo ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal?
a. sapagkat dito nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol
b. sapagkat dito namumuno si Katindoy
c. sapagkat ito ay kanilang itatayo sa bukana ng ilog
d. sapagkat gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat
B. Pakikinig. Babasahin ng guro ang mga piling bahagi mula sa epikong “Hudhud ni Aliguyon.” Piliin ang tamang sagot mula
sa mga pagpipilian sa bawat tanong.
6. Ano ang naging unang sandata ni Aliguyon?
a. sibat b. matigas na lupa c. hinagdang taniman d. trumpo
7. Ang sumusunod ay mga itinuro kay Aliguyon ng kanyang ama maliban sa:
a. umawit ng buhay ng matapang na mandirigma.
b. manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito.
c. matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.
d. makipaglaban hanggang sa kamatayan.
8. Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang __________ at kagitingan ng loob.
a. kahusayan b. kagiliwan c. katapangan d. kakayahan
9. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang _______________________________.
a. maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway.
b. maipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan.
c. maipakita ang kanyang kahusayan sa pakikidigma.
d. makapagsanay nang maigi.
10. Bukod sa pakikidigma ay mahusay din sa anong larangan sila Aliguyon at Dinoyagan?
a. pagkanta b. pagsayaw c. pagguhit d. pagtanghal
II. Pagbasa at Pag-uanawa. Piliin ang pinakatamang sagot mula sa sumusunod.
Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunud-sunod
na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntonghininga ako. Umiiling-iling.

11. Ano ang ibig sabihin ng salitang paghikbi?


a. pag-iyak b. pagkarinig c. pag-iling d. pagpigil
12. Ano ang mapapansing suliranin ng tauhan mula sa talata?
a. ang kanyang pagbuntong-hininga c. ang nadaramang kalungkutan niya
b. ang pagiiling-iling niya d. ang paghikbi mula sa tatay at nanay
Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang
pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni
Tatay at madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.
13. Ano ang karaniwang sitwasyong nagaganap sa tauhan?
a. ang pagliwang ng paligid c. ang pagdating ng bagong umaga
b. pinagmamasdan ang tanawin sa bahay d. pagmamasid ng nanay sa lambat
Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito’y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa
akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito’y itinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si
Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos, ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.
14. Ano ang mapapansing kaisipang namamayani sa talata?
a. Walang halaga ang lamabat sa tatay.
b. Pagpansin sa lambat ng ito ay itinapon ng nanay.
c. Nagalit ang tatay sa ginawang pagtapon ng nanay sa lambat.
d. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay.
“Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya
mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad
ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang
siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa
malilimutan ang nangyari?”
15. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mag-asawa mula sa talata?
a. ang ginagawa ni Tomas tuwing siya ay dumarating sa madaling araw
b. ang amoy ni Tomas na galing sa dagat
c. ang hindi nakakalimutang nakaraan ni Tomas
d. ang pagkakatulad ng ikinikilos nila
16. Sino ang iba pang kasangkot na tauhan bukod kay Tomas at Isidra na hindi direktang binabanggit sa talata?
a. Celso b. kakambal ni Tomas c. mangingisda d. mamimili
Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na
awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang
malungkot na kundimang umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko.
17. Anong uri ng pandama ng tao ang nagamit at pumaibabaw sa talata?
a. paningin b. panlasa c. pang-amoy d. pandinig
Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin.
Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang
pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.
18. Sa tagpong ito, Si Celso ay nakaramdam ng ______________.
a. pagkagalit b. pagkatakot c. pagkamuhi d. pagkawala
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi- lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa
salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.
19. Ano ang kapansin-pansing ideyang makukuha mula sa talata?
a. magkamukhang-magkamukha sina Celso at ang lalaki sa pawid.
b. tinitignan ni Celso ang kanyang sarili sa salamin.
c. nakita ni Celso ang nakasabit na salamin sa dingding.
d. hindi pinansin ni Celso ang lalaki.
20. Mula sa talata, masasabing ang lalaking nakita ni Celso sa bahay pawid ay kanyang _______.
a. repleksyon b. kaluluwa c. ama d. salamin
“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at
sumunod ka kaagad sa akin.” Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si
Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses.
Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?
21. Bakit kaya ipinagbabawal ni Tomas ang pagpunta sa bahay na pawid ni Celso?
a. dahil naroron ang taong kinatatakutan sa kanilang pamayanan
b. dahil mapanganib na pumunta ang isang bata doon
c. dahil mahirap talagang intindihin si tatay
d. dahil makikita ni Celso doon ang kanyang tunay na ama
Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting
lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking
paningin. Nadama kong inihahanap ko ng katarungan ang aking kalagayan. Nagpunta ako sa kisinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay
na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.
22. Anong mahalagang pangyayari ang naganap kay Celso mula sa tagpong ito?
a. ang pagkamuhi ni Celso sa lalaking nasa bahay-pawid
b. ang pagkakatuklas sa katotohanan ng buhay at lihim na bumabalot sa lambat
c. mayroong siyang lihim na galit sa kanyang nanay
d. ang pagdamdam ni Celso mula sa paghihigpit ng kanyang ama.
23. Bakit kaya pinagtataga ni Celso ang lambat?
a. dahil sa naging relasyon nito sa nasa bahay-pawid at kanyang ina
b. dahil ayaw ipagalaw ito ng kanyang ama
c. dahil nakapagdidilim ito ng paningin ni Celso
d. dahil biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat
Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya.
Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang
matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.
24. Sa pagkakataong ito, bakit kaya nagalit ang tatay (Tomas) sa ginawang pagtaga ni Celso sa lambat?
a. dahil ang lambat ay may silbi sa kanilang hanapbuhay
b. dahil may halaga ang lambat para sa tatay
c. dahil nagsisilbi itong paalala kay Isidra sa kanyang nagawa
d. dahil nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap kay Celso.
25. Ang huling pangungusap ay naghuhuyat ng ____________________.
a. pagkatamlay ni Celso sa pagtaga niya sa lambat
b. pagkapagod ni Celso sa pagtaga sa lambat
c. pananakit ng ama ni Celso sa kanya
d. panglalaban ni Celso sa kanyang ama
Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na
yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-
unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang
dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.
26. Masasabing sa wakas na ito ng kwentong “Paalam sa Pagkabata,” anong pagbabago ang naganap?
a. nagpatuloy ang tatay sa pananakit sa anak
b. hindi pa rin makalimutan ang sakit ng nakaraan
c. nagbalik sa normal at dating pamumuhay ang pamilya
d. nagbago ang pagtingin at ugali ng ama sa kanyang anak
Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating.
Nagpalipat-lipat ng pook, palundaglundag, patalon-talon sa mga taniman. Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang
sumibol nang simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ang sibat. Walang
nasugatan sa kanila. Walang natalo.
27. Gaano katagal ang naganap na labanan sa pagitan nina Aliguyon at Dinoyagan?
a.isang linggo b. isang buwan c. isang araw d. isang taon
Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon.
Dakila si Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng kanilang mga ama. Nagdiwang ang lahat.
28. Ano ang naging wakas ng naging labanan nila Aliguyon at Dinoyagan?
a. Nagkabanggaan ang dalawang mandirigma
b. Si Dinoyagan lang ang naging dakila matapos ang sagupaan
c. Magkakaroon ng isa pang pagtutuos ang dalawang mandirigma
d. Natapos ang alitang namamanaytay sa dalawang mandirigma
Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at
katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga
Ifugao ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ifugao ang
kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ifugao, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga
dakilang mandirigma.
29. Ano ang pangunahing ideyang dumadaloy sa talata?
a. ang kahalagahan ng tradisyon at kaugalian c. ang pagiging matapang ng lahi
b. ang pagpanaw ng mga Ifugao d. pagsalin-salin ng lahi
Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at
nang maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay
nang maligaya. Doon lumaki ang kani-kanilang mga supling.
30. Sino ang naging asawa ni Dinoyagan?
a. Bugan b. Aliguyon c. kapatid ni Aliguyon d. kapatid nya

III. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

31. Ang alamat ay ____________ anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon ng katutubo.
a. pasalita b. pasulat c. pasalaysay d. paawit
32. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang epiko bilang uri ng panitikan maliban sa isa:
a. tumatalakay sa mga kabayanihan ng isang tao
b. pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos mapaniwalaan
c. may mga tagpuang makababalaghan
d. punung-puno ng mga kagilagilalas na mga pangyayari.
33. Alin sa mga sumusunod na salita ang naiiba?
a. pareho b. tulad c. gaya ng d. lalo
34. Di-hamak na mas magaling ako kaysa sa kanila. Ang nasalungguhitan ay halimbawa ng:
a. pahambing na magkatulad c. pahambing na palamang
b. pahambing na di-magkatulad d. pahambing na pasahol
35. Siya ay ____________ mahusay pero nalamangan niya pa rin ako. Anong salitang pahambing ang angkop na gamitin sa
pangungusap?
a. lalong b. higit na c. mas d. di-masyadong
36. Alin ang hindi maaaring gamitin bilang salitang pang-ugnay sa paglalahad?
a. una b. halimbawa c. pagkatapos nito d. pareho nito
37. Gaano kahalaga ang suliranin sa banghay ng maikling kwento?
a. naglalahad o naglalarawan ito sa tauhan at tagpuan
b. ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya
c. isinasaad nito ang mga nagiging reaksyon o hakbang ng mga tauhan
d. nagsisilbi itong pinakamataas na bahagi ng kuwento

38. ______________, Binabagabag si Celso ng mga katanungan niya sa buhay tungkol sa palaging pag-aaway ng kanyang mga
magulang, lalo ang pag-iyak ng kanyang ina at ang lambat na ng kanyang ama. Anong salitang nagpapahayag ng pagsunod-sunod ng
mga pangyayari ang mainam na ilagay sa unahan ng tagpong ito?
a. isang araw b. sumunod nito c. samantala d. pagkatapos
39. Ang kundiman ay uri ng awiting bayan tungkol sa _______________.
a. pakikidigma b. pag-ibig c. kasal d. manggagawa
40. Ito ay awit para sa pagpapatulog ng bata.
a. kumintang b. dalit c. diona d. hele

Inihanda ni:

MARK JOSEPH B. BATARA


Guro sa Filipino

Sinuri at binigyang pansin ni:

JON JON D. GARCIA, E.D. D.


Head Teacher III

Pinagtibay ni:

AGNES P. IDNAY, E.D. D.


School Principal III

You might also like