You are on page 1of 12

Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong
nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat
ng bagay, paghikbi...

Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi
nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo,
hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga
labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga
mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at
maninipis na labi, ay kay Ina...

Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi
niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli
ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang
‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko
namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang
panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing
huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.

Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na
lupang uhaw na uhaw...

Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t


hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan.
Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa
isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.

Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang


nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at
prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig
na magaganda at masasayang bata.

Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang


pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya
pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong
nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may
hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya
magpapatuloy sa pagsulat...

Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung
nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa
kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang
mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti,
ang pananabik na ito’y napapawi.

Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang


batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na
kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit
na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-
kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang
maaaring maging katapatan...

Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang
hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga
titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.

Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang
naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang
panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang
ipadamang may naririnig siya.

Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming


nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko
nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.

Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng


kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng
pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.

Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin


ng madla...

Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming
tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama.
Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.

Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang
lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking
paningin.

Ano ang nasa isang talaarawan?

Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit,


kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng
malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.

Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating


ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...

Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang
mabuti.

Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.

Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala
siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.

Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti,
buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng
tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga
dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin
niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.

Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!

Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating
binibiro ni Ama.

Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga
ang nadarama kong kasiyahan...

Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi
siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na
namang maiitim na guhit.

Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,


ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.

Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang


makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang.
Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.

Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi


gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga
liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa
kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.

Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na
kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa
maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi
makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang
pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.

Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang
aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin
marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong
nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil
sa kanyang kaligayahan...

Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng


ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na
katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay
buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang
katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...

Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko


balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng
kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang
sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko
maaaring paluhain...

Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan;
sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang
ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap
na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong
halos pumatay sa akin...

Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?

Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan
na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na
rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.

Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang


paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa
ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang
pagkakadantay...

Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko


ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang
kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.

Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko


siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang
aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay
ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na
halos ay pumugto sa aking paghinga.

Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!

Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.

Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso
ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga
puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw
ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-
buhay...

Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa


akin.

Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.

Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-
idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...

Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang
nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng
kanyang ngipin sa labi.

Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong
niya sa kanyang mga palad.

Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin


mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong
kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang
paraan...

Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at


ilang butil niyo ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na
iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo
niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga
durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang
binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.

Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na
maaangkin ko na ang kaligayahan ko...

Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko
naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi
ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa
isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang
kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...

Isang dipang langit ni Amado V. Hernandez

hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko,

damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahi’t buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi’y walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing muog,

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kalakaladkad ng paang madugo,

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang

sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo;

kung minsan’y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang muog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdigko ngayon—

bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap

at batitis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,


tanang paniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

layang sasalubong ako sa paglaya!

WALANG PANGINOON
ni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang
sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman
kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang
hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw
niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan
siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot
sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.
"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na
paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.
"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong
marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng
dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama,
ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita."
Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.
Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga
mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng
ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa
kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.
"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog
ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa
dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.
Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda
ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot
si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don
Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng
pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang
anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano
kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais
niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang
anak.
"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka
kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang
pagsalang masasayahan ka roon."
"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang
nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina
kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng
matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili
samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang
bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran
sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang
dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan.
Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.
"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos
matunghayan ang utos ng hukuman.
"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng
anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap
ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala
niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino
mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga
ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na tanim nila
sa bakuran.
Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila.
Palibhasa'y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng
malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas
ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawat
ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa
pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, ..:namespace
prefix = st1 ns = "urn:schemas-microsoft-com:office:smarttags" />gaya ng takipan at talinduwa.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong.
Ang kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang
kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng
halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.
Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul
nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa
Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang
kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa
ilog.
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa
kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon man, nagsikap
siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay
Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay
natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang
pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang
kung wala na siyang ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang
Tagalog o kaya'y salinwikang nito.
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang
buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na
may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng
tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din niya ang palasak ng
kawikaang "Ang katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-
atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.
At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay
namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa
lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking
sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si
Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may
baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw
sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay
nakasapit sila sa pampang.
"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan
ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari
ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay
itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya
ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang
mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot
na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang!
Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa
kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa
pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay
Marcos ay mata lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At
nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na
rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan
iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina
kung siya ay mawawala.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa
kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang
tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong
huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na
mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki
ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-
aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa siyang
makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin
niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y
naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang
katarungan sa hukuman ng mga tao.
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga
maliliit. Magtiis tayo."
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan,
nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang
kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at
hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang
ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay
nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.
Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip
kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa
bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw
niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang
nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili:
"Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don
Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya."
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y
nababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat
gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung
nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka
lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang
araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.
"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay
hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang
tayo sa ating ani ngayon?"
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa
kanyang kapanahunan."
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang
bagay na ibig niyang malaman sa anak.
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal
na mahal sa lahat ni Marcos.
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay
namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit…
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin."
Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang
pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang
marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay
walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa
hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba
ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa.
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang
ginawa ni Marcos.
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay
Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong," ang
nakatawang sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya," ang tila
wala sa loob na tugon ng anak.
Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili
ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang
suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang
alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya
ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa
kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.
"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y
napahamak ka na."
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa.
Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay
hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang
rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa,
kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-
alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay
namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng
kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa
katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang
sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter
sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng
kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na
ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman
kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang
kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na
idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.

You might also like