You are on page 1of 9

MGA DAKILANG MANUNULAT AT ANG PAMAGAT NG KANILANG AKDA

KASTILA

Ø Cecilio Apostol - Isinilang siya noong taong 1877. Siya’y abogado at naging
piskal sa Maynila. Ginawa siyang kaanib sa Academia Espanyol” dahil sa
kanyang dikaraniwang kagalingan sa wikang Kastila. May mga tulang handog
siya kina Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. May isang tula rin
siyang handog sa lahat ng mga bayaning Pilipino ngunit ang tulang handog niya
kay Dr.Jose Rizal ang ipinalalagay na pinakamainam na tulang papuri na isinulat
niya.

Ø Fernando Maria Guerrero - Kumita siya ng Unang Liwanag sa Ermita,


Maynila noong Mayo 30, 1873. Mula pa sa pagkabata ay mahilig siya sa
pagguhit. Umani siya ng maraming papuri at nagkamit ng maraming gantimpala
noong nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Natanyag siya sa pagkamakata
bilang mahigpit na kaagaw sa karangalan ni Cecilio Apostol. Katulad ng ibang
kilalang makata noong panahong iyon ay sumalok din siya ng inspirasyon sa
pagtula sa bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang sumusunod ay salin ng kanyang
tulang “A Rizal”.

Ø Jesus Balmori - Isinilang siya sa Maynila noong Enero 10, 1886. Sinulat niya
ang unang tula sa gulang na sumpung taon. Sa kanyang panahon ay ipinalagay
siyang “poeto laureado” ng mga Pilipinong nagsasalita sa Kastila. Noong 1939
ay pinarangalan siya sa Madrid, Espanya at tinanghal na isang makatang
pandaigdig sa Kastila. Nakalaban niya sa Balagtasan si Manuel Bernabe sa
paksang “El Recuerdo y El Olvido”. Ø Manuel Bernabe - Siya’y isinilang sa
Paranaque,Rizal noong Pebrero 1890.Karapat-dapat siyang kahalili ni Jesus
Balmori. Siya’y isang makatang liriko. Noong 1929, ang kanyang mga tula ay
tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Cantos del Tropico” (Mga Awit ng
Tropiko).

Ø Claro M. Recto - Siya’y naging pangulo ng Lupon ng Saligang Batas. Naging


kgawad siya ng Kataas-taasang Hukuman, manananggol, matalinong
mambabatas, makata at maraming aklat na sinulat tungkol sa batas at awaing
pampulitiko. Isinilang si Recto sa Tiaong, Tayabas na ngayon ay lalawigang
Quezon. - Naglingkod siya bilang isang batasang tagapayo ng kapulungan
noong 1916 hanggang 1919. Noong 1919 ay nahalal siyang kinatawan ng
pangatlong distrito ng Batangas at naging pangulo siya sa mababang
kapulungan ng minorya. Muli at muli siyang nahalal noog taong 1922 at 1925.
Nagpunta siya sa Amerika noong taong 1924 biang kagawad ng pangkalayaang
misyon. Tinanggap siyang kasapi sa Pambansang Manananggol ng Estados
Unidos sa pamamagitan ng katas-taasang hukuman ng Estados Unidos. -
Nahalal siya sa Senado noong 1931 at naglingkd bilang puno ng minorya sa loob
ng tatlong taon. Muli siyang nanungkulan bilang senador nang mahalal na muli
noong 1941 at muling nahalal noong 1949. - Naging inatawan siya ng Pilipinas
sa Pandaigdig na Hukuman sa Hague, Netherland. Binawian siya ng buhay
noong Oktubre 2, 1960.

Ø Zoilo Hilario - Isinilang siya sa San Juan, San Fernando, Pampanga noong
Hunyo 27, 1891. Isa siyang bantog na manunulat, makata, mananaysay at
hukom. Marami siyang naisulat na mga akda sa Kapampangan at Kastia.
Kabilang siya sa mga tagapagtatag ng Katipunan Mipanampun. - Bago
magkadigma(1930-1934), siya’y naging kinatawan ng Pampanga sa
Pambansang Asemblea.Mula noong 1954 hanggang sa kanyang pamamahinga
sa paglilingkod sa pamahalaan noong Hunyo 27, 1961, siya ang hukom ng
Unang Dulugan sa Tarlac. Isa siya sa hinirang ng Pangulong Quezon na
kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa bilang knatawan ng wikang
Kapampangan. - Kasapi siya sa Lupong Pangkasaysayan ng Pilipinas hanggang
sa kanyang kamatayan noong Hunyo 1963.

TAGALOG

Ø Lope K. Santos - Siya ay Ama ng Balarila, nobelista, makata, kuwentista,


guro at pulitiko. Naging kagawad siya ng itinatag na Surian ng Wikang
Pambansa at humalili kay Jaime C. de Veyra bilang patnugot ng Surian. Sa
larangan ng pagtuturo naging propesor siya ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas.
Sa pagiging pulitiko naman ay naging senador siya ng ikalabindalawang purok
senadoryal ng Pilipinas at naging gobernador ng lalawigan ng Rizal.

v Akda

· Banaag at Sikat- ipinapalagay na kanyang Obra Maestra

Ø Jose Corazon de Jesus - Siya’y may sagisag na “Huseng Batute”, “Hari ng


Balagtasan” at tinaguriang “Makata ng Pag-ibig”.

v Akda

· Isang Punongkahoy – ito ay isang tula

Ø Amado V. Hernandez - Tinagurian siyang “Makata ng mga Manggagawa”.


Siya’y isang mahusay na makata, kuwentista, nobelista, mandudula,
mamamahayag, pulitiko at lider ng manggagawa.

v Mga Akda

· Isang Dipang Langit

· Ayang Malaya

· Mga Ibong Mandaragit

· Luha ng Buwaya

· Muntinglupa

· Inang Wika

· Kalayaan · Panday

Ø Julian Cruz Balmaceda - Nabibilang siya sa pangkat ng mga makata at


pangkat ng mga mandudula. Sa balagtasan sa paksang “Kahapon, Ngayon at
Bukas” ay ipinanalo niya ng panig ng “Bukas” laban kina Inigo Ed Regalado at
Benigno Ramos.

v Mga Akda

· Kahapon, Ngayon at Bukas

· Bunganga ng Pating

Ø Florentino Collantes - Kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil”. Bukod sa


Tagalog, marunong din siyang magsalita ng Kapampangan, Ilokano at Bisaya.
Naglabas siya ng mga tulang mapanudyo na may pamagat na “Buhay
Lansangan”. Kinilala siyang isang pangunahing duplero sakanyang panahon.
Katulad ni Jose Corazon de Jesus ay napatungan din siyang “Hari ng
Balagtasan”.

v Akda

· “Lumang Simbahan

Ø Ildefonso Santos - Kauna-unahan siyang guro sa Pilipino sa National


Teacher’s College. Ang kanyang katanyagan ay hindi sa pagsulat ng tula kundi
pati sa pagsasalin sa tagalog ng ibang mga akdang nasusulat sa wika. Lubos na
hinangaan ng marami ang pagkakasalin niya ng Pambansang Awit.

v Mga Akda

· Gabi

· Ang Guryon

· Tatlong Inakay

· Sa Hukuman ng Pag-ibig

· Ang Ulap

· Sa Tabi ng Dagat at Simoun

Ø Teodoro Gener - Naging pangulo siya ng “ Kapisanang Ilaw at Panitik” at


naging kalihim ng “Sanggunian ng mga Pantas ng Akademya ng Wikang
Tagalog”. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Sinuring Kodigo Penal.

v Mga Akda

· Don quijote de la Mancha Tula: Ang Guro, Ang Masamang Damo,


Ang Buhat at Pag-ibig

Ø Valeriano Hernandez Peña - Gumamit siya ng sagisag na “Kinting Kulirat” sa


pitak niyang “Buhay Maynila” sa pahayagang “Muling Pagsilang”. Kilala siya sa
tawag na Tandng Anong. Ipinanalagay na ang nobelang “Nena at Neneng” ang
kanyang obra maestro.

v Mga Akda

· Nene at Neneng
· Mag-inang Mahirap

· Hatol ng Panahon

· Ang Pahimakas ng isang Ina

· Pagluha ng Matuwid

· Dangal ng Magulang

· Bungan g Pag-iimbot

· Kasawian ng Unang Pag-ibig

Ø Iñigo Ed Regalado - Siya’y isang manunulat na sumunod sa mga yapak ng


kanyang amang nagtamo ng katanyagan noong panahon ng mga Kastila, na
gumamit ng sagisag na “Odalager”. Siya’y naging patnugot ng “Ang Mithi”,
“Pagkakaisa”, “Watawat” at “Kapangyarihan ng Bayan”. Naging punong
tagapagganap siya ng lingguhang Ilang-Ilang at punong patnugot ng Liwayway.
Ang kanyang aklat na pinamagatang “Damdamin” na katipunan ng kanyang mga
tula ay nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Komonwelt noong 1941.
Siya ay batikang kuwentista, nobelista, makata, mandudula at peryodista.
Matagal siyang naging editor at kolumnista ng “Taliba”. Siya’y naging isa sa mga
unang kasangguni sa “Surian ng Wika Pambansa”.

v Mga Akda

· Madaling Araw

· Sampaguitang Walang bango

· Ang Dalaginding

· May Pagsinta’y Walang Puso

· Ang may Lasong Ngiti

· Huling Pagluha

Ø Faustino Aguilar - Ang “Pinaglahuan” ang kauna-unahang nobelang


naipalimbag niya noong 1907. Naging hantungan ito ng madlang papuri at ito’y
napatampok. Dahil sa nobelang ito, si Aguilar ay tinawag ni Regalado
na”Alejandro Dumas ng Panitikang Tagalog” at tinawag ni Amado V. Hernandez
ng “Bagong Propagandista”. Binuhay niya sa nobela ang kalunos-lunos na
kalagayan ng mga manggawa at ang walang habas na panunuwag ng mga
kapitalistang Amerikano sa mga manggawang Pilipino. Sagana rin ang nobela sa
paglalarawan ng kapangyarihan ng salapi at kayamanan.

v Mga Akda

· Lihim ng isang Pulo

· Mga Busabos ng Palad

· Sa Ngalan ng Diyos

· Nangalunod sa Katihan

Ø Severino Reyes - Kumita siya ng unang liwanag sa Sta. Cruz, Maynila noong
Pebrero 11, 1861. Siya’y ikalimang anak ng mag-asawang Rufino Reyes at
Andres Rivera. Tinapos niya ang Batsiler sa Pilosopiya at Letras sa Unibersidad
ng Santo Tomas. Nagsimula siya sa pagsulat sa Tagalog noong 1902. Nakilala
siya sa tawag na Don Binoyatgumamit ngsagisag na Lola Basyangsa kanyang
mga kuwento sa Liwayway. Siya at tinaguriang “ Ama ng Lingguhang Liwayway”
at “Ama ng Dulang Pilipino”.

v Akda :

· Walang Sugat – isang sarswela tungkol sa kalupitan ng mga


Kastila.Ang hangarin ay pagbabagong sosyal.

Ø Aurelio Tolentino - Siya’y ipinanganak sa Guagua Pampanga noong Oktubre


15, 1868. Nagsimula siya ng pag-aaral sa Malolos, Bulacan at nagpatuloy sa
San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas. Natapos niya ang Batsiler
ng Pilosopiya sa U.S.T. Ang mga dulang isinulat niya ay makabayan at may
diwang mapanghimagsik kaya’t ilang ulit siyang nabilanggo. Siya ang pumulot ng
salitang “dula” mula sa Bisaya at pinagkunan naman ng salitang dulaan na
kasingkahulugan ng “teatro”.

v Mga Akda

· Luhang Tagalog

· Kahapon, Ngayon at Bukas


· Sinukuan

· Sumpaan

· Bagong Kristo

· Manood Kayo

Ø Patricia Mariano - Itinuring naisa sa pinakamahusay na mandudulang


Tagalog. Ang mga paksa ng kanyang mga dula ay punong-puno ng simbolismo
at marmansa ang kanyang istilo. Nakasulat siya ng may animnapung dula. Siya’y
naglingkod sa senado ngunit hindi naging dahilan ito upang talikuran niya ang
pagsusulat. Ipinalalagay na ang dulang “Lakangbini” ang kanyang obra maestro.

v Mga Akda

· Ang Anak ng Dagat (maipapantay sa obra maestro niyang


Lakangbini

· Ako’y Iyo Rin

· Ang Tulisan

· Silanganin

· Ang Dalawang Pag-ibig

· Luha’t Dugo

· Si Mayumi

· Ang Unang Binhi

Ø Amado V. Hernandez

- Siya ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Kilala rin siya bilang
"Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga
kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista.
Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Ang mga nobelang pang-sosyopulitika ni
Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang isang gerilya, obrero ng
manggagawa at prisonerong pampulitika.

v Mga Akda

· Mga Ibong Mandaragit!

· Luha Ng Buwaya,

· Archei Ang batang mabait,

Ø Liwayway A. Arceo - Siya ay pangunahing mangangathang Tagalog at


Filipino na nakasulat ng siyamnapung nobela, dalawang libong mahigit na
kuwento, isang libong mahigit na sanaysay, tatlumpo’t anim ng iskrip sa radio,
pitong aklat ng salin, tatlong iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kntil-butil na
lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino Binago
ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog at nang ngayon ay tinawag na
panitikang popular sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan o
values, lunggati o vision at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang
pamiya bilang talinghaga ng Filipinas at sa pamamagitan ng masnop na
paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang
Tagalog sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon
at gobyerno. -

v Mga Akda

· Canal de la Reina

· Mag-anak na Cruz

· Titser

INGLES

Ø Jose Garcia Villa - Pinakatanyag siyang Pilipinong manunulat sa Ingles.


Maging sa Amerika ay hinahangaan ang kanyang mga sinulat. Nagtamo siya ng
mga gantimpala sa iba’t ibang timpalak. Kilala siya sa sagisiag na “Doveglion”.

Ø Marcelo de Gracia Concepcion - Kauna-unahan siyang makatang Pilipinong


nakilala sa Amerika. Ang kalipunan ng kanyang mga tula ay inilathala sa
dalawang tomo:”Azucena” at “Bamboo Flute”.
Ø Zulueta da Costa - Nagkamit siya ng unang gantimpala sa tula niyang “Like
the Molave” noong 1940 sa Commonwealth Literary Contest. Ang kanyang
kauna-unahang aklat na kalipunan ng mga tula ay “First Leaves”.

Ø N.V.M Gonzales - Mamamahayag, makata, manunulat at guro, siya’y nagturo


sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila. Siya ang may akda ng “Warm Hand”, “My
Islands” at “Children of the Ash covered Loam”

Ø Zoilo Galang - Siya ang sumulat ng “A Child of Sorrow”, kauna-unahang


nobelang Pilipino sa Ingles.

Ø Natividad Marquez - Kinamalasan siya ng pambihirang kahusayan sa


pagsulat ng tulang Ingles. Isa sa mga tula niyang nalathala sa “Philippine Herald”
ay ang “Sampaguita”.

Ø Angela Manalang-Gloria

- Natanyag siya bilang makatang babae sa kanyang panahon. Ang kanyang mga
tula ay maharaya at lipos ng damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula ay ang
mga sumusunod. April Morning, To the Man I Married at Ermita in the Rain.

Ø Estrella Alfon - Itinuturing siyang pinakapangunahing manunulat sa Ingles


bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

FILSPEC 20 (DULA AT NOBELA)

è MGA DAKILANG MANUNULAT AT PAMAGAT NG KANILANG AKDA

Ipinasa ni: Carmela F. Memis

Ipinasa kay: Gng. Catherine T. Eliaga

You might also like