You are on page 1of 5

Ang Implasyon

Kung ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng
presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng
implasyon.

Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.

Ayon sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo
at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo.

Hyperinflation

Mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras,
araw at linggo.
Ito ay naganap sa Germany noong dekada 1920.
Naranasan ito ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Japan kung kailan ang salapi ay nawalan ng
halaga.

Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo

Consumer Price Index (CPI)


Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo
ng mga produkto.

• Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods.


• Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at
pinagkakagastusan ng mamamayan.
• Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo.
• Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin.
• Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong suriin.

Iba’t Ibang Uri ng Price Index

1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator


• Ito ang average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at
masukat ang totoong GNP.
• Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa ng
ekonomiya sa loob ng isang taon.

2. Wholesale or Producer Price Index (PPI)


• Index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli
nilang ibebbenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index (CPI)
• Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto ay serbisyong ginagamit ng mga
konsyumer.
• Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng
bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket.
• Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga
konsyumer.

Makikita sa talahanayan ang hypothetical na pangkat ng mga produktong karaniwang


kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.

Pagbatayan ang talahanayan sa itaas at gamitin ang taong 2011 bilang batayang taon.

Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang promulang:

Upang makompyut ang antas ng implasyon, gamitin ang pormulang:


Ibig sabihin, nagkaroon ng 10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2011
at 2012. Nangangahulugang mas mahal ang bilihin ngayong 2012 kumpara noong nakaraang taon
(2011) dahil sa implasyon.

Upang makuha ang purchasing power ng piso o ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili,
gamitin ang pormulang:

Ibig sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang ng halagang .91 sentimos batay sa
presyo noong taong 2011 dahil sa implasyon.

Mahalagang malaman na lumiliit ang halaga ng piso habang tumataas ang CPI. Mapapansin na
habang tumataas ang CPI ay bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso.

Dahilan ng Implasyon

• Demand-pull
 Ito ay nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan at panlabas na sector ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas
ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya
ang presyo ng bilihin ay tumataas.
 Ayon sa pananaw ng mga monetarist sa pangunguna ni Milton Friedman, ang pagkakaroon ng
labis na dami ng salapi sa sirkulasyon ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand.
Dahil sobra ang salapi, malaki ang pagkakaraon na patuloy na bibili ng maraming produkto ang
mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo.

• Cost-push
 Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.
 Ang karagdagang gastos sa mga salik ng produksiyon ay makapagpapataas sa kabuuang presyo
ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng pagbabago sa
presyo ng produksiyon.
 Paraan ng Paglutas sa Implasyon

 Kaugnay sa suliranin ng implasyon, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang
masiguro na mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ito ay paraan din upang hindi ganap na
maapektuhan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya at maging ang bawat mamamayan. Ang mga patakarang
pananalapi at pisikal ang mga instrumentong ginagamit ng pamahalaan upang matiyak ang katatagang pang-
ekonomiya ng bansa.
Dahilan at Bunga ng Implasyon
Epekto ng Implasyon sa mga Mamamayan

You might also like