You are on page 1of 6

3RD QUARTER REVIEWER

AP-GRADE 6

ANG ATING PAMAHALAAN


Pamahalaan - sistema ng pamamahala
- buong makinarya ng pangangasiwa o pamamahala sa isang bansa o estado
(UP Diksyonaryong Filipino)
- isang pormal na institusyon na sa pamamagitan nito’y napapamunuan ang lahat
ng nasasakupan

2 Pesonalidad: (1) namumuno - lider o opisyal ng pamahalaan


- inaasahang maipatupad ang batas (may taglay na
kapangyarihan)
(2) pinamumunuan - lahat ng mamamayan;
- kailangang sumunod sa mga batas o tuntunin nito
- gampanan ang tungkuling naiatang sa bawat isa

PANGKALAHATANG GAWAIN ng Pamahalaan

1. PAGGAWA NG BATAS : “batas” – kautusang umiiral sa ating bansa


- alituntuning itinakda ng mga mambabatas o kaugaliang
sinusunod ng isang lahi, lipunan o bansa (UP
Diksyonaryong Filipino)
- nagbibigay gabay kung ano ang legal o di-legal

: Saligang Batas o Konstitusyon- ang pinakabatayan ng lahat ng


batas na umiiral sa isang bansa

: Lehislatura - gumagawa ng batas


1. Mataas na Kapulungan- Senado; Roxas Boulevard Pasay City
2. Mababang Kapulungan- Batasan Hills, Quezon City

Uri ng Batas Sino ang Gumagawa Saan Umiiral


1. batas pambansa Senado at Mababang Sa buong bansa
Kapulungan
2. batas local Sangguniang Panlalawigan o Sa buong probinsya o
Provincial Board lalawigan
3. ordinansya -Konsehal o City/Municipality - Sa buong munisipyo o bayan
Councilor
-Mga Kagawad -Sa buong barangay
*Ang number 2 at 3 ay nakapailalim sa kapangyarihan ng pamahalaang lokal ang paggawa ng mga
batas na ito. Ang pamahalaang lokal ay ekstensyon ng pamahalaang nasyonal o pambansa
-upang maging mas angkop at epektibo ang mga batas

2. PAGPAPATUPAD NG BATAS : walang silbi ang batas kung hindi maipatutupad


= sa lalong mabilis na panahon
: nang walang kinikilingan anuman ang antas sa buhay
: Ehekutibo- ang daloy ng pagpapatupad ay nanggagaling sa
nasyonal hanggang lokal

3. PAGPAPAKAHULUGAN SA BATAS : Hudikatura- pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman


o Korte Suprema
: masisiguro na ang mga batas na umiiral ay para sa
ikabubuti ng lahat ng kinauukulan
= nabibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na
hamunin (challenge) ang pagiging ayon nito sa
Saligang Batas: sa pamamagitan ng pagdulog sa
korte (may kapangyarihang magdeklara kung ang
isang batas o kautusan ay legal o hindi)
= pwedeng
mapawalang bisa
hal. search warran
*page 109

IBA PANG GAWAIN ng Pamahalaan (Article 13, 1987 Constitution)

1. GAWAING PANSEGURIDAD- sundalo, pulis, bumbero at traffic enforcers


= nangagalaga sa kaayusan at katahimikan upang ligtas ang
mamamayan
= nakikipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan at sa
sibilyan
= EHEKUTIBO

2. KAAYUSANG PANLIPUNAN AT PANG EKONOMIYA = EHEKUTIBO


a. pangkalusugan f. LRT
b. pabahay g. MRT
c. kabuhayan h. PNR
d. irigasyon
e. kalye/tulay

3. KATARUNGANG PANLIPUNAN – pagsiguro sa karapatan ng bawat isa at paggawad ng


hustisya sa mga naagrabayado (oppressed)
- EHEKUTIBO, LEHISLATURA at HUDIKATURA
*page 111
IBA’T IBANG AHENSYA

Ahensya – isang organisasyon na may gawaing maihatid nang mabilis, mahusay at epektibo ang
serbisyong kinakailangan
- ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo ay nasa ilalim ng
pamahalaang tagapagpaganap (Ehekutibo)

Elemento ng Epektibo na Burukrasya


(1) kailangang magaling ang namumuno sa ahensya
(2) kailangang kontrolado ng Ehekutibo ang ahensya
(3) kailangang suportado ng mga namumuno sa ahensya ang pamahalaan

Burukrasya – bureaucracy
- isang organisasyon ng pamahalaan na kung saan ang mga opisyal nito ay hindi
hinahalal ng taong bayan bagkus hinihirang sa pwesto ng kinauukulan upang
ipatupad ang mga alituntunin, batas at gawain ng kanilang institusyon o ahensya.
- reality check: katiwalian o red tape katulad ng suhol o pagbibigay ng pera kapalit
ng serbisyo
*halimbawa sa page 117 at diagram sa page 119

* Table ng mga ahensya sa page 120-121

URI NG PAMAHALAAN

A. Pamahalaang Makademokratiko

1. Presidensyal o Pampanguluhan : ang pangulo o presidente ang aktibong namumuno


sa Ehekutibo = siya lang ang pinagmumulan ng kapangyarihan
= may termino
= inihahalal ng mamamayan
: malaya sa kontrol ng Lehislatura o Hudikatura
: may magkahiwalay na kapangyarihan (check and balance)
: halimbawa- Pilipinas, Estados Unidos, South Korea

2. Parlamentaryo : punong ministro - aktibong namumuno ng Ehekutibo


- lider ng Lehislatura
- inihalal ng mga kasapi sa parlamento (kaya may
pagsasanib ng kapangyarihan sa pagitan ng punong
ministro at parlamento)
- ito ay iba sa pinuno ng estado (seremonyal lamang)
: halimbawa- Germany, Finland
3. Federalismo: “foedus”- (1) kasunduan
(2) pagkakaunawaan
(3) pangako
: teorya-pagbuo ng sistemang pulitikal kung saan may bahaginan ng
kapangayarihan (sharing of powers) sa pagitan ng (1) pambansang pamhalaan at
(2) pamahalaang lokal
: sa aktwal na sitwasyon, mas malawak ang kapangyarihan ng pambansang
pamahalaan kaysa sa lokal na pamahalaan

ILANG KATANGIAN

1. Ang kapangyarihan ay nakasalalay sa pambansang pamahalaan at lokal na


pamahalaan. (powers lie on the national and local government)

2. Ang pambansa at lokal na pamahalaan ay may iba’t ibang sangay


(a) lehislatibo; (b) ehekutibo; (c) hudikatura

3. May malakas na pagkilala sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba (unity in


diversity) – may paggalang sa kultura ng iba

LOCAL GOVERNMENT CODE : Republic Act No. 7160


: nagkaroon ng kalayaan ang mga lokal na pamahalaan upang
maisagawa ang kanilang mga tungkulin sa mga pamayanang
sinasakupan
: ang mga lokal na pamahalaan ay makapagsasarili sa pamumuno
na may pahintulot sa pambansang pamahalaan

IBANG KAPANGYARIHAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN

1. Paglikha ng sariling
(a) pagkukunan ng kita
(b) pagpataw ng buwis, multa at mga singil (fees)
*na sa kanilang sariling munisipyo o siyudad mapupunta

2. aprubahan o tanggihan ang mga ordinansya na ipinanukala (proposed) ng mga lokal


na mambabatas

Pinuno* Sakop
1. Punong Barangay o Barangay =barangay
Chairman
2. Alkalde o Mayor =lungsod o munisipyo
3. Gobernador =lalawigan
*termino: tatlong magkakasunod na terminong may tigtatlong taon (total of 9 years)
*maaaring tumkbo muli pagkalipas ng isang termino

BATAYAN NG DEMOKRASYA

1. Pagkakapantay-pantay-Politikal
= sinisiguro ng pamahalaan na ang lahat ng kinauukulan ay nabibigyan ng pagkakataon
na maipahayag ang karapatan at maisagawa ang gawaing political
= kailangang pantay-pantay na umiiral ang batas sa lahat ng mamamayan

2. Konsultasyon
= regular na proseso ng pamahalaan upang marinig ang mga karaingan o adhikain ng masa
para sa mas ikabubuti ng mga programa ng gobyerno (konsultasyong pangmasa)
= halimbawa: KMU, GABRIELA, KILUSANG MAYO UNO at iba pang NGO (Non-Government
Orgranizations) na nakikipag-ugnayan at masigasig na pumupuna sa programa ng
gobyerno

*Paraan para maidulog ng mamamayan ang karaingan sa pamahalaan


a. hayagang pakkikipag-ugnayan sa mga kinauukulan (direct communication with the
authorities)
a.1. rally – sama-samang pagkilos
a.2. diyalogo (dialogue)
b. pagdulog sa Kongreso o Senado

*Mekanismo ng pamahalaan para pangunahan ang konsultasyon sa mamamayan


- diyalogo ng mga ahensya ng pamahalaan: hal. DepEd ukol sa pagtaas ng matrikula
(tuition fee); LTFRB ukol sa pagtaas ng pamasahe

3. Pamantayan sa Mayorya at Minorya


= majority rules: ang kagustuhan ng nakararami ang nasusunod dahil inaasahan na ito ay
makabubuti sa bansa

B. Di Demokratikong Pamahalaan

1. Awtoritaryan/Totalitaryan: walang demokrasya


: ang pamunuan ay nasa kamay ng isang grupog makapangyarihan
na binubuo ng isang pangkat ng kaunting tao, pamilya o diktador
*pagkakaiba:

Awtoritaryan Totalitaryan
1. ang namumuno ay isang elitistang 1. kontrolado ng isang partidong
grupo na gumagamit ng puwersa pulitikal
upang manatili sa kaangyarihan
2. may kapangyarihan ang 2. diktador-ang namumuno o lider ng
pamunuan sa maraming aspekto sa maliit na pangkat pulitikal; maaaring
buhay ng mga mamamayan may suporta ng malaking bahagi ng
populasyon
3. Istrikto ang pagpapatupad ng 3. kontrolado ang lahat ng aspektong
batas pampulitika at pang ekonomiyang
gawain ng pamahalaan; upang maging
mabuting tagasunod ang mga
mamamayan
4. Singapore at Espanya (sa panahon 4. hal. (a) partidong Nazi
ni Franco-nakipagsanib sa puwersa (b) partidong komunista
ng Simbahang Katoliko: labag sa
batas ang hindi paniniwala sa turo
ng simbahan
- hindi pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa)

pages 131-133

You might also like