You are on page 1of 15

Republic of the Philippinespang 2.

png

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region I

Pangasinan Division II

I.Maramihang pagpipili-Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

Sa buhay mo ngayon bilang miyembro ng sambahayan paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
bayan?

A.Magtapos sa pag-aaral upang maging isang responsableng mamamayan.

B.Magbayad ng tamang buwis pagdating ng panahon.


C.Maging isang OFW.

D.Maghanap na ng trabaho para may kita at makatulong sa pamilya.

Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?

A.Taga-pangasiwa sa mga pampublikong paglilingkod.

B.Ito ang bumubuo ng mga patakarang pangkabuhayan upang may tiyakna mapagkunan

ng ikabubuhay ng bawat pamilya sa lipunan.

C.Tumutugon sa mga lubhang naaapektuhan ng kalamidad.

D.Tagapagkolekta ng buwis.

Kung tayo ay umaangkat ng produkto,tayo ay_____.

A.Gumagasta C.Nalulugi

B.Kumikita D.Lahat ng nabanggit.

Papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay nakakatulong sa pamumuhay tungo sa


kaunlaran ng bansa?

A.Nagagamit ito upang makapagplano ng maayos sa sariling buhay ng makatulong na

mapaangat ang ekonomiya ng bansa.


B.Makagawa ng hakbang para makatulong sa pamahalaan.

C.Makakilos ng sang-ayon sa batas.

D.Makaisip ng hakbangin tungkol sa pagpaparami ng pera.

Papaano naiiba ang Gross National Income sa Gross Domestic Product?

A. Lahat ng mga tapos na produkto sa loob ng bansa kabilang ang kinita ng mga Pilipino sa ibang panig ng
daigdig.

B. Lahat ng mga tapos na produkto at lahat ng salik ng produksyon na ginamit dito kabilang ang kinita ng
mga dayuhan sa loob ng bansa.

C. Tapos na produkto kabilang ang kinita ng OFW at kinita ng dayuhan sa loob ng bansa.

D. A & B

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagkuwenta ng GNI?

A. Underground Economy C. Nagkukumpuni sa bahay bahay

B. Nagtitinda sa kalsada D. Lahat ng nabanggit

Anong paraan ang pagsukat sa pambansang kita?

A. Expenditure Approach, Income approach, Industrial Origin Value Added Approach.

B. Batay sa paggasta
C. Batay sa kita

D. Batay sa pinagmulang Industriya.

Masasabi nating positibo ang economic performance ng bansa kung:

A. Maraming nagtatapos sa pag-aaral ngunit walang trabaho.

B. Maraming umaalis bilang OFW.

C. Tumaas ang Income per Capita ng bansa.

D. Tumaas ang Gross Domestic Product ng bansa.

Ang pagtaas ng Growth rate ng bansa ay nagpapahiwatig na:

A. May pag-aangat sa ekonomiya ng bansa.

B. Sigurado na ang hanapbuhay ng mga mamamayan.

C. Maganda ang kalidad ng buhay dito.


D. Kasiguraduhan ng malaking sahod sa manggagawa.

Anong ugnayan mayroon ang Income per Capita at populasyon?

A. Malaking populasyon ---------- Mataas na Income per Capita

B. Malaking populasyon ---------- Mababang Income per Capita

C. Maliit na populasyon ---------- Mababa na Income per Capita

D. Maliit na populasyon ---------- Mababang Income per Capita

Bakit ang Impormal na sector ay isang limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita?

A. Kalimitan ang mga ilan dito ay gawaing illegal.

B. Hindi sila gumagamit ng resibo.

C.Maliit lang ang pera dito.

D. Hindi puwede dahil impormal sila.

Bakit mahalaga na masukat ang pambansang kita?

A. Magiging gabay ito sa pagplano sa mga patakaran at polisiyo ukol sa ekonomiya.

B. Maipagmamalaki ang nagawa ng gobyerno.


C.Malaman kung nangungurakot ang nasa pamahalaan.

D.Batayan ito sa kalidad ng buhay meron ang mamamayan.

Lahat ng mga sumusunod ay maituturing na “habits of a Wise Saver” maliban sa.

Nagtatanong at nagsasaliksik tungkol sa katayuang pinansyal ng bangko.

Iniingatan ang ATM card, CTD at passbook.

Tinatanggap ang magagandang alok o matataas na interes.

Inaalam ang sinisingil na bayarin sa bangko.

Paano malulutas ang Demand pull inflation?

Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya.

Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.

Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.

Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.

Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?

Resesyon C. Implasyon

Depresyon D. Deplasyon

Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?

A.Ito ang pinagmumulan ng commodity market.

B.Dito nagmumula ang mga salik ng produksyon o factor market.

C.Mahalaga ang tao para umikot ang ekonomiya.

D.Ang pagkilos ng sektor na ito ay sadyang kailangan sa ekonomiya.


Ito ang nangangasiwa sa pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

A.sambahayan C.factor market

B.bahay kalakal D.pamilihang pinansyal

Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng?

A.Kahalagahan ng pag-iimpok.

B.Tungkulin ng bawat sector ng ekonomiya.

C.Gampanin ng sambahayan.

D.Mahalaga ang pagpapadala ng OFW sa ibang bansa.

Ang pagpopondo sa pamahalaan ay nagmumula sa:

A.Buwis ng mamamayan

B.Donasyon ng ibang bansa

C.Pautang ng pondo tulad ng WB (World Bank)

D.Padala ng mga OFW

Ano ang kahalagahan ng panlabas na sektor sa paikot na daloy?


A.Ipinapakita nito ang katotohanan sa kasabihang “No man is an Island”

B.Kailangan natin ang produkto ng ibang bansa at kailangan din galing dito sa atin.

C.Nagdadala ito ng malaking kita sa ating pamahalaan lalo na sa mga OFW natin.

D.Lahat ng nabanggit.

Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?

Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.

Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.

Bumili lamang kung may mga sale o bagsak presyo ng mga bilihin sa pamilihan.

Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng isang taon. Ano ang negatibong
epekto ng implasyon sa ekonomiya?

Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.

Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan

Pagdami ng perang nasa sirkulasyon

Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagbabago ng halaga ng salapi?

Pagbaba ng palitan ng peso sa dolyar


Pagdami ng panindang kinukonsumo

Pagpapatupad ng privatization at liberalization

Pagsasaayos sa presyo ng mga paninda ng pamahalaan

Sa Macroekonomiks ang savings ay tumutukoy sa?

Paraan ng pagpapaliban sa paggastos

Kitang hindi ginagamit sa pagkonsumo

Kitang hindi ginagastos sa pangangailangan

Lahat ng nabanggit

Sa panahon ng recession ang pamahalaan ay dapat na ______________ maliban sa.

Magbawas ng halaga na sinisingil na buwis

Bumili ng maraming kalakal at paglilingkod

Lumikha ng maraming empleo

Itaas ang sinisingil na buwis

Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?

Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.

Mahihikayat ang tao na mag impok sa bangko dahil sa malaking tubo.

Mahihikayat ang tao na mag angkat ng produkto sa ibang bansa.

Mahihikayat ang tao na magtipid para sa hinaharap.

Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na
ibinigay ng magulang?

Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.

Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.

Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.

Bilhin ang nararapat na bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.

Upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo, ang mga sumusunod at ginagamit na panukat maliban
sa.
CPI C. GNP Deflator

PPI D. GNI

Ang implasyon ay isang suliraning pangekonomiya, subalit ang mga sumusunod ay nakikinabang maliban
sa

Mga negosyante/may ari ng kompanya

Mga umuutang

Mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan

Mga mamamayan na mataas ang sahod

Ang mga sumusunod ay mga dahilan at bunga ng implasyon maliban sa.

Tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng salaping nasa sirkulasyon

Tumataas ang presyo dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar

Tumataas ang presyo dahil sa monopolista

Tumataas ang presyo dahil sa maraming umuutang.

Kung ang implasyon ay tumutukoy sa pataas na paggalaw ng presyo ang ___________ naman ay
pagbaba sahalaga ng presyo.

Resesyon C. Implasyon

Depresyon D. Deplasyon

Si Marcela ay umutang kay Juana ng Php. 200.00 na ipinambili niya ng isang kilong isda. Sa kasalukuyan,
kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilo ng isda?

Php 200.00 C. Php 210.00

Php 250.00 D. Php 195.00

Kung ang kabuuang kita ni George ay Php 34,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php
24,500.00, magkano ang maari niyang ilaan para sa pag iimpok?

Php 10,000.00 C. Php 9,500.00

Php 9,000.00 D. Php 11,000.00

Kung si Angie ay may Asset na ang halaga ay Php 380,000.00 subalit may utang siya sa Rural bank na may
kabuuang halaga na Php 180,000.00. Magkano ang net worth ni Angie?
Php 560,000.00 C. Php 180,000.00

Php 380,000.00 D. Php 200,000.00

Malaking porsyento ng pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa buwis. Alin sa mga sumusunod na buwis
ang ipinapataw sa mga negosyante na nagbukas ng negosyo at gayundin sa iba pang propresyon na
inaatasang kumuha ng lisensiya?

Real State Tax

Business/Occupation Tax

Income Tax

Residence Tax

Ang isang taong nagtratrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaraan sa serbisyong kanyang


ginagampanan. Paano ginagamit ang salapi dito?

Paraan ng Pakikipagpalitan ( Medium of Exchange)

Pamantayan ng halaga

Pamantayan ng ipinagpalibang bayad

Taguan ng halaga

Ang promissory note ay nagsisilbing instrument ng mamimili upang bayaran ang produkto/serbisyo sa
ipinakiusap na petsa. Samakatuwid ano ang gamit ng promissory note dito?

Halagang naipon sa bangko

Regalo sa isang okasyon

Kasangkapan sa pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo

Pamantayan ng ipinagpalibang bayad

Makatuwiran na mas taasan ang mga buwis na ipinapataw sa sigarilyo at alak dahil sa ___________.

Mas mayaman ang mga consumer dito C. Kaligayahan na idinudulot nito

Masamang idinudulot sa kalusugan D. Mataas and presyo ng mga ito

Ang pagbabawas ng money supply ay ginagawa sa pamamagitan ng?

Inflation B. Tight money C. Expansionary Policy D. Easy money

Ang mga tao ay dumulog sa mga bahay-sanglaan sa kadahilanang?


Mababa ang interes ng pautang

Madali at mabilis ang paraan ng pag-utang

Pwedeng isanla ang mga gamit

Pwedeng umutang na maaring bayaran sa mahabang panahon

Sa panahon ngayon, ano ang mahalagang ginagawa ng mga institusyong pananalapi?

Nagpapautang

Tumutulong sa nangangailangan

Namamagitan sa mga nagpapautang at gumagamit ng salapi

May kapangyarihang maglipat ng pondo

Bilang isang empleyado, bakit mahalagang maghulog ka sa SSS?

Para makapag-ipon C. Para makatulong sa ibang tao

Para makautang D. Para makatanggap ng benepisyo

Expansionary : easy money policy ; Contractionary: ________________

money supply C. tight money policy

monetary policy handles D. foreign money policy

Sa kasalukuyan, ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ay nakadeposito sa bangkong ito na


gumagabay sa mga mangangalakal sa kanilang pangangailangan sa puhunan at tungkulin nito na tustusan
ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.

Development Bank of the Philippines C. Landbank of the Philippines

Bangkong Rural D. GSIS

Sa panahon ngayon may mga pinansyal na institusyon na nangangasiwa sa pagiimpok at pamumuhunan,


alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pinansyal na institusyon?

Insurance Company

Pawnshop

Kooperatiba

Wala sa nabanggit
Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa adwana. Alin sa sumusunod ang
tumutukoy dito?

Porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari ng pabrika.

Binabayarang selyo sa iba’t-ibang dokumento.

Binabayarang porsyento ng halaga ng local na kalakal.

Halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galing sa ibang bansa.

Aling pinagkukunang salapi ng pamahalaan ang sapilitang ipinapataw sa mga may hanapbuhay at may
mga negosyo?

Pangungutang

Kita sa buwis

Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan

Kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo

Ang mga proyektong pampubliko ay di-matutulungan kung walang sapat na pananalapi ang pamahalaan.
Sa mga pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang hindi kasama?

Buwis

Dayuhang pagkakautang

Pensyon ng mga retiradong kawani ng pamahalaan

Taripa mula sa inaangkat na Kalakal

Alin sa mga sumusunod na institusyon ang nilalagakan ng pondong pangseguridad o pang-retiro ng mga
kawani ng pamahalaang lamang?

Insurance

Social Security System

Government Service Insurance System

Philippine Deposit Insurance Corporation

Ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng perang nasa sirkulasyon ay mahalaga sa ekonomiya. Napapanatili
nito ang presyo ng mga bilihin at kapwa masaya ang mga konsyumer at ang mga prodyuser. Anong
institusyon o ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa suplay ng salapi sa ekonomiya?

Bangko Sentral ng Pilipinas


Kawanihan ng Rentas Internas

Kagawaran ng Pananalapi

Tanggapan ng Pambansang Ingat-yaman

Inihanda nina:

MRS. JOVITA N. GONZALES

MRS. VALENTINA V. PONTALBA

MRS. ROWENA E. SOTELO

MRS. LOUREEN BETH T. OLARTE

MR. JUMAR JAY Q. PARRAS

Paksang-guro

Iwinasto ni:
DANILO T. SIBLAG

Head Teacher III

BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGH SCHOOL

If you want to have the answer key, Like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/ send us
your request, name, address, work, and email address in private message. Thank you!

You might also like