You are on page 1of 5

KAHULUGAN AT KALIKASAN

NG AKADEMIKONG
PAGSULAT

Layunin
 Maunawaan ang ilang pananaw sa
pagsulat.
 Mabigyang-kahulugan ang akademikong
pagsulat.
 Maihambing ang akademikong pagsulat
at personal na pagsulat.

Ano ang pagsulat?


 Ang pagsulat ay masistemang paggamit
ng mga grapikong marka na kumakatawan
sa mga espesipikong lingguwistikong
pahayag(Rogers,2005).
 Ang pagsulat ay sistema ng permanente
at malapermanenteng pananda na
kumakatawan sa mga pahayag(Daniels &
Bright).
 Masistema ang pagsulat dahil bawat
pananda ay may katumbas na
makabuluhang tunog at isinasaayos ang
mga panandang ito upang makabuo ng
makabuluhang salita o pangungusap.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika.
 Arbitraryo ang mga sisitema ng pagsulat.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng
pagrerekord at pagrereserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa pangunahing
layunin ng pagsulat (Fischer, 2001)
 Ang pagsulat ay simbolong
kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng
sibilisasyon (Goody, 1987)

You might also like