You are on page 1of 75

Barely Breathing

I'm a knight in shining armor. All my life I only loved one woman who happens to love me
back. Everything is perfect. We were about to get married. All my plans were intact and clear
but someone took her away.

I fought - everyone knew how much I wanted her in my life. Our friends knew it, even her
parents but I guess - life had another thing planned for me because no matter how much I
fight and try to make things work. Nawala ang pagmamahal na para sana sa akin lang.

It's been years and years and years. I'm still in love with her but all I could do is watch her as
she spends her life time with the man she chose to love.

It's been years and years and still, I'm barely breathing.

1. Someone
Nothing had changed.

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng isipan ko habang kasama ko si yza sa loob ng sasakyan
ko upang hanapin ang asawa niya. Ni hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. I just had to
do it -to be with her - kahit na sa maliit na bagay o saglit na sandal. Marami nang nagsasabi
na baliw ako - even my best friend Yto - yza's twin brother always tells me that I have to
fucking move one because Yza is now happy with her husband and twin kids.

But I doubt it.

Noon - madalas ko siyang tingnan sa malayo at malinaw sa akin na hindi siya masaya.
There was something missing in her eyes - glamour and glow. Iyon ang dalawang bagay na
nakikita ko noon sa kanyang mga mata sa tuwing titingin siya sa akin.

"Stop the car!" Bahagya akong nakaramdam nang pagkagulat nang biglang sumigaw si
Yza. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng isang five star hote. Dali-daling bumaba ang
nag-iisang babaeng minahal ko at lumakad patungo sa entrance. I followed her. She was
walking very fast. I really want to ask her what she saw. Bakit frantic ang boses niya? Bakit
naluluaha ang kanyang mga mata?

And when I saw what she was looking at - Hector Ituralde - her husband of five years, was
engage in a very hot and passionate lip lock with another man. My eyes widened.

"Putsa!" Napasigaw ako. Walang sabi-sabing tinakbo ko ang distansya naming dalawa.
Nilagpasan ko si Yza na para bang naeestatwa sa kinatatayuan niya. Sinapak ko ang asawa
niya. I am seeing red. I can kill the guy with my two hands. Bakit niya pa pinakasalan si Yza
kung gagaguhin lang niya? Lahat ban g Hector sa mundo ay sasaktan na lang ang babaeng
inilalagay ko ng pilit sa pedestal?
Naririnig kong tinatawag niya ako - pinipigilan ako ni Yza. Umiiyak siya. Nanginginig ang
boses pero gusto kong saktan ang walang hiyang Hector na gumagago sa kanya. Bakit niya
kailangan saktan si Yza?

"Ang gago mo! Yza! Your husband is gay!" Nangigigil na sigaw ko. Hindi kumibo si Yza.
Tiningnan ko siya habang hawak si Hector Ituralde sa kwelyo. Nang makita ko siyang
lumuluha ay binitiwan ko si Hector para lapaitan siya at yakapain pero nilagpasan niya ako
at lumapit siya sa isa pang lalaking kasama ni Hector. Sinampal niya ang lalaki.

"How dare you ruin my family!"

"How dare you too!" Sigaw ng lalaki. "You promised to take care of him, Yza. Pero wala
kang ginawa kundi ang saktan siya!"

I couldn't stand it. Hindi ko kayang makita si Yza na ganito. Gusto ko siyang yakapin at ilayo
sa mundo pero paano? Hindi ko magagawa iyon - wala akong karapatan. Hindi naman ako
ang pinili niya at kahit magbago ang lahat ngayon dahil alam ko na ang pagkatao ng
napangasawa niya ay alam kong wala ring mangyayari - the fact still remains na hindi ako
ang mahal ni Yza. Hindi na niya ako mamahalin at hindi ko na maibabalik ang babaeng
minahal at nagmahal sa akin noon.

Hindi ko na mahahawakan ang babaeng kinakantahan ko ng Crazier noon. Ang babaeng


dahilan kung bakit ZanyJao ang pangalan ng electric blue guitar na regalo noon sa akin ng
nanay ko. The woman I loved and treasured with all my heart left me and she fell out of love.
Naalala ko ang pangako ko sa tatay niya noon...

... I'll do everything for her to love me back again...

But that memory seemed to be so distant now. Hindi ko kayang gawin. Hindi ko naman
kayang lokohin ang sarili ko. Hindi ako maha;l ni Yza kaya siguro nagawa kong tawagin ang
taong alam kong mahal siya at mahal niya - ang taong dapat kinamumuhian ko dahil kinuha
niya sa akin ang babaeng mahal ko but then, I stopped hating him years ago when I
accepted the fact that like me, he was so in love with Yza Consunji.

I texted Hector Santillan.


I'm with her. She needs you.

Where is she?

Walag pang isang minute ay sumagot na siya sa akin. I texted him again.

I'll take her to you. Wait for us in Gustav's Café after fifteen. Take care of her. Santillan. Or
I'm gonna break you.

Easy... You know what I feel about her...

Nang mabasa ko iyon ay hindi na ako sumagot. Nakita ko na lang si Yza na papasok na muli
sa sasakyan ko. Sumunod ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita - ganoon din naman siya.
She was silently crying. Gusto kong malaman kung anong nasa isipan niya. Kung anong
plano niya. Alam kong nasasaktan siya.

"Yto doesn't know... My family doesn't know..." Iyon ang wika niya matapos kong sabihin na
tatawagan ko si Yto.

"But you're a mess, you need someone..." I said. I sighed. I wanted to be that someone for
her. I've always wanted to be her someone but destiny is mad at me for something I did so it
took her away from me. Bigla ay naalala ko ang kwento sa akin ni G-Cleft Ronaldo - my
childhood friend. He once told me about his SOMEONE.

"Gustuhin ko man, pero hindi ako ang taong pwedeng maging someone sa'yo ngayon. "
Tandang-tanda ko ang sinabi ni GCleft sa akin noon. Bawat letre, bawat lagok niya ng
alak,bawat emosyong pumatak - natatandaan ko ngayon at narramdaman ko. "I wanna ease
your pain away but someone - another human beingin this world, needs me to be her
someone now. I have hurt her a lot..."

Gusto kong ngumisi. Kung naririnig lang ako ni Yngrid ngayon, she would've laugh. I am a
terrible lair. Marahil ay hindi na napansin ni Yza iyon dahil masyado siyang malungkot. She
asked me to take her home pero hindi ko iyon gagawin. Kailangan ko siyang dalhin sa taong
alam kong kaya siyang tanggapin, mahalin, alagaan at ipagtanggol.

Her one great love - greatest of all. Kahit na masakit pa rin para sa akin.

Iniliko ko ang sasakyan at hindi naman nagtagal ay dumating na ako sa tapat ng Gustav's
café. I looked at Yza. Punong-puno ng pagtataka ang kanyang mukha. I asked her to go out
and we did. Nasa labas pa lang kami ng restaurant ay agad ko nang natanaw si Hector
Santillan - ang is apang Hector na alam kong nakapanakit sa kanya noon pero minahal niya.
Lumabas si Hector ng café at sinalubong kami. Puno ng pagkagulat ang mukha ni Yza. She
was about to cry - I know - her nose is already wrinkled.

Niyakap ni Hector si Yza. She hugged him back. Nakatayo ako sa gilid habang tinitingnan
silang dalawa.

Mahal nila ang isa't-isa. Ako...

I sighed as I put my hand on my chest where the heart is located.

"Barely breathing..."

----

"May quota ang pag-ibig, Zach!"

Natatawa ako habang paulit-ulit na sinasabi ni Xander Mendoza ang mga katagang iyon.
Xander is one of my closest friends. In real life, he is Alexander Keith Marquez but for the
Phil Dragons - the number one football team in Asia, he's just Xander Mendoza. Nilagok ko
ang laman ng bote ng beer na hawak ko. This is my life now, a thirty-three year old rock star
who seemed to have everything but feels hollow inside. Hindi ko alam kung bakit nauwi sa
ganito kalungkot ang buhay ko.

I used to have everything. My everything was Yza Consunji but she was stolen away from
me. God knows how much I wanted to fight for what was left of what we have pero hindi
naman niya kayang ipaglaban ang natitira. A relationship wouldn't work if theres only one
fighting for it - every relationship should be about being fair, giving and taking. Iyon ang
natutuhan k okay Yza habang unti-unti siyang nawawala sa akin.

"Totoo! Look." He said. "Back in high school, it used to be you, me and Yza. Three people,
sabi sa akin noong writer sa Brazil na naka-one night stand ko, every night, sa pag-ibig isa
lang sa limang tao ang nagiging masaya, tatlo lang sa sampu ang minamahal pabalik at isa
lang sa isang daan ang nakakatuluyan ang first love nila. Parang ikaw, hindi mo nakatuluyan
ang first love mo... Ako din pla."

"Akala ko ba football, player ka? Bakit naging ganyan ka, Xander?" He just smiled at me
knowingly. I guess time changes - really changes people. Hindi naman ganito si Xander
noon, he used to be a happy-go-lucky but things changed when he got his foot injured.
Tatlong taon siyang hindi nakalaro, kababalik niya lang sa team niya last year at ang
nakakatuwa doon, siya ang nagpanalo sa team nila at nagbalik ng Pinas sa mapa ng football
sa asya.

He called it pure luck.

I called it talent.

"Zach!" I looked around when I heard Yana Abella's voice. She's my manager and friend.
Anak siya ng best friend ni Papa. Alam miya ang lahat sa akin. Tulad ng nakasanay kong
makita, karay-karay na naman niya si Yngrid - Uncle Ali's daughter, pero hindi na ito nag-iisa
ngayon. Kasama na niya si Lukas Anton - her husband.

"Sing. Nakausap ko na iyong manager. Kumanta ka." Sabi ni Yana sa akin. Umiling ako. I
stopped singing after Yza left me. Nag-concentrate na lang ako sa pag-produce ng albums,
pagdiscover ng new artists at pag-aasikaso sa New line Records - ang kompanyang itinayo
naming ni Gerd Emilio.

"Zach!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Sing!"

"Every damn song reminds me of her, Yana. Tell me, how can I ever sing?" Tanong ko sa
kanya. Natigilan siya at umiling. Tulad ng palagi niyang ginagawa ay nag-walk out siya.
Sanay na ako. Hindi niya talaga kasi ako mapabalik. I quit being a rock star years ago - now
I'm a legend - just like the Neon Band.
"Zach, can you stop eating all the amplaya in the country and move on?" Mataray na wika ni
Yngrid. Napansin kong wala na doon si Lukas Anton.

"Can you stop talking like that?" I teased her. Umiling siya.

"Argh! You're so nakakainis! Look at your ginawa with Yana! She's really malungkot because
you're not singing! You know that she loves you singing not because of the pera and all that
but because that's who you are, ZD! Why are you making talikod at the person you once
were? Dahil HB ka? Oh my Diyos! Kailan ka ba magwe-wake up?! Hindi naman titigil ang
earth because you lost Yza! Nakakaloka ka, ZD!"

Umalis din siya katulad ni Yana. Naiwan na naman kami ni Xander. Nang matapos ang gabi
ay umuwi ako sa malamig kong condo unit. Malamig hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa
pag-iisa. Lamig na nanunuot sa buong katawan ko papaunta sa kalamnan, patungo sa mga
buto.

Hindi ako masya, ay hindi ko alam kung kalian ako magiging masaya. Nakakulong ako sa
alaala ng babaeng minahal ko ng buong puso.

Naupo ako sa sofa at kinuha ang asul kong gitara.

ZanyJao...

Kinapa ko ang nota. Nagsimula ako. I sing. Totoo ang sinabi k okay Yana, lahat ng kanta sa
mundo ay ipinaaalala sa akin si Yza. Kahit ayoko, bawat letra noon, kahit na ang tono ay
siya ang naalala ko.

I've never gone with the wind...

Just let it flow...

Let it take me where it wants to go...

Till you open the door, there's so much more...

I've never seen it before...


I was trying to fly but I couldn't find wings...

But you came along and you changed everything...

I sighed...

Kung sana ako ang pinili niya. Nasa akin siya o hindi ay mahal na mahal ko si Yza...

You lift my feet off the ground...

You spin me around...

You make me crazier, crazier...

---------

***Songs used.

Crazier -T.S.

2. What's left of me
I have to leave...

I've been thinking about that since I got here. Kailangan kong umalis. Hindi ako dapat narito
at hindi ako dapat pumunta dito pero kailangan dahil hiniling niya and all I could do is to fulfill
her wish. She wanted me to sing for her - for her wedding. Yza and Helios' wedding also
known as the wedding of the century - the press people calls iot that while in my head I
labeled it as - what's left of me.

Ngayong araw, mawawala na nang tuluyan ang babaeng minahal ko sa loob ng


napakahabang panahon and all I could do is watch and fake it all. Hindi ko pwedeng ipakita
na nanghihina ako, o nalulungkot. I have to keep a brave face. I don't want to be the
laughing stock of the century - iisipan ng mga tao na ang tangang ex - boyfriend ni Yza
Consunji ay nagpapakamartir hanggang sa huling sandali. Hindi ko pwedeng ipakita ang
kabulukan ng puso kong naaganas. Masakit, mahirap pero hindi ko kayang isuko ang natitira
sa pagkatao ko. Halos wala na nga.

I took a deep breath when I saw Yza entered the venue. Helios - the devil's advocate - as
Yngrid calls him - smile as he looked at what was supposed to be mine. Nakita ko siyang
palapit nang palapit. The band signaled me to start singing - I almost forgot. I just sighed.
Matagal na akong hindi kumakanta pero nandito ako ngayon - dahil lang sa hiniling ni Yza
ay ginawa ko. Hanggang ngayon ay kaya kong itapon ang lahat para lang sa kanya kahit
pang sarili ko.

"What would I do without your smart mouth....

Drawing me in and you kicking me out....

You got my head spinning, no kidding

I can't pin you down...

I closed my eyes. Hindi ko kayang makita. Hindi ko kayang tingnan. Sapat na na nandito ako
dahil sinabi niya na gusto niya akong maging bahagi ng buhay niya. Sapat na maihahatid ko
siya ng aking mga mata sa huling pagkakataon. Nawawala na ang pag-asa. Nawawala na
ang liwanag. Wala na.

Nang kunin ni Yza ang kamay ni Helios ay doon ko naisip na wala na. Pinatay na ang
mumunting liwanag na nakikita ko para sa aming dalawa. I didn't bother staying for the vows.
Hindi lang naman ako ang nandito para kumanta - wala akong ipiangako kay Yza. Nang
makaalis ako sa rest house ni Helios ay sinalubong aga ako ng private chopper ng New Line
Records. Umalis ako. Lumipad palayo para naman iligtas ang katiting ng aking sarili. Sa
chopper ay pilit kong tinatanaw si Yza. Paliit siya nang paliit katulad ng pag-asa sa aking
puso...
An hour later, bumaba angchopper sa helipad ng New Line Records. Sinalubong ako ng
mga tauhan ko. Wala ako sa kondisyon para magsalita - ang gusto ko lang ay
angmagtrabaho. I went straight to my office on the twenty-thrid floor. Isinubsob ko ang sarili
ko sa paper works, signature at kung anu-ano pa pero sa huli, binitiwan ko rin ang lahat ng
iyon at saka dumkdok na parang batang nawalan ng candy. I cried.

I didn't know how many times I have cried for my lost love but I love her damn much! Kulang
ang sabihin na humihinga ako para sa kanya - pero iyon ang totoo. Nabubuhay ako noon
hanggang ngayon para kay Yza. Ang sakit-sakit. Inilugmok ko na naman ang sarili ko sa
kalungkutan. Ang hirap magkunwari.

Sa ganoong posisyon ako nadatnan ni Gerd - nakadukdok sa mesa at lumuluha. Ayaw na


ayaw kong may makakakita sa akin ng ganoon. Mahina. Malungkot. Nag-iisa.

"ZD." He called. I wiped my tears away. "Hanggang ngayon?" He was the only one who
knew what was really going on. I tried keeping it low. I tried so hard not to make everyone
see how broken I am pero si Gerd lang ang nakakakita talaga ng lahat. Hindi dahil lagi
kaming magkasama but he somehow managed to feel the same way. He had lost his love in
an accident which washis fault. Madalas sabihin sa akin ni Gerd na siya ang pumatay sa
mahal niya.

I doubt it.

"Mahal ko." Mahinang wika ko. He sat on the visitor's chair beside me.

"Try to move on." Sabi niya.

"Have you?" I asked back.


"Dude, welcome to the league of the broken hearts." Natatawang sabi niya sa akin. Ganito si
Gerd. Wala siyang kwentang kausap. Tulad ko ay tinatago niya sa akin ang kalungkutan
niya - kahit sino ay ayaw niyang makita na may bakas pa rin ng kalungkutan ang pagkatao
niya. Magkatgulad kami.

Mula nang mawalan akp, nagkaroon ng ibang ibig sabihin sa akin ang mundo. I know see
the world as a bunch of different story books inside a shelf. Sobrang daming libro, iba't-ibang
istorya pero hindi lahat masaya ang pagtatapos. Hindi lahat masaya sa huli. Mas marami
ang miserable, mas marami ang lumuluha kaysa sa masaya at kuntento. May mga kunteto
pero hindi masaya, may masaya pero hindi pa rin kuntento sa kung anong meron. Ganoon
naman ang lahat, kahit na hawak na ang lahat ng bagay sa mundo, may isang bagay ka pa
ring hahanapin at sa kaso ko, uulit-ulitin kong hanapin ang nawalang pagmamahal ni Yza
para sa akin. Hindi ko nga lang ibabalik sa kanya, itatago ko sa bulsa ko, at ilalabas sa
tuwing malungkot ako.

I can never see myself loving another one again. Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang
masaktan. Ayoko na. Tama na iyong isa. Isa nga lang pero halos ikamatay ko na.. Sa tuwing
naaalala ko kung paano siya nawala ay kinakapos ako ng hininga.

"Aalis na ako, Gerd." Wika ko. Tumayo ako at saka lumabas ng opisina. Hindi ko alam kung
saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa bahay. Mag-isa ako. Kakainin lalo ako ng
kalungkutan. I decided to walk around the city. Papatyin ko ang oras. Tahimik akong
humihiling n asana kasabay ng pagpatay ko sa oras ay mamatay na rin ang nararamdaman
ko para kay Yza. Habang nilalakbay ko ang daan patungo sa park ay tumunong ang phone
ko. I took it out. I didn't even bother looking at the screen. I just answered. Tumigil ang
mundo ko nang marinig ko ang tinig sa kabilang linya.

"Zach...'

"Yza..." Wika ko. Kinakapos ako ng hininga. Dapat kami ang magkasama ngayon. Dapat
kami ang may pamilya. Kami ang may happy ending at hindi siya at si Helios. Ako dapt iyon.
Ako.

"Nasaan ka? Umalis ka. Hindi man lang kita nakausap..."


Hindi ko kasi kayang makita ka na kasama siya... Iyon sana ang isasagot ko pero ayoko na
siyang saktan. Alam ko na alam niya na may nararamdaman ako. Alam ko na nakakasakit
sa kanya ang kaalamang iyon - ayoko siyang masaktan.

"May insikaso ako. May next time pa naman, Kulet!" I faked a laugh again. Narinig ko din
siyang tumawa sa kabilang linya. Napangiti ako. Ito na siguro ang huling sandal na
makakusap ko siya nang ganito. Sana sa susunod wala na iyong mahapding parte sa buong
katawan ko. Gusto ko iyong normal na - pero matatagalan.

"Thank you, Zach. Pagbalik ko galing Athens, kakausapin kita. Mag-ingat ka..."

"I love you."

Katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Alam kong narinig niya ako. Naramdaman ko
na naman ang mga luha ko. Hindi ko dapat sinabi pero nasabi ko na. I've been wanting to
say that to her since day one.

"I'm sorry, Yza." Tinapos ko ang tawag at saka itinapon ang teleponong hawak ko.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Hindi ko na inalintana ang ulan. Ipinasok ko sa bulsa ko ang
mga kamay ko at atubiling naglakad. Hindi ko na kahit kalian malalaman ang reaksyon ni
Yza sa sinabi ko . Ayoko na ring malaman. Alam ko naming walang sagot. Kung sakali man
na hindi na ako makakalis ditto sa kinalalagyan ko ang tangi ko na lang maiisip ay ang
ginawa ko ang lahat para bumalik siya - hindi na nga lang pwede.

Palakas nang palakas ang ulan. Sumilong ako sa loob ng isang bus stop. Halos wala nang
makita doong tao. Madilim na madilim ang palagid kahit na alas kwatro pa lang ng hapon.
Dumadaan ang mga sasakyan, nagmamadali. Pumpilantik ang tubig galing sa kung saan.
Ako... Naiiwan. Iniisip si Yza. Minamahal siya kahit sa kahulihulihang patak ng dugo sa
katawan ko.

"Broken, broken hearted, kaartehan lang 'yan! Kung hindi kayo, hindi kayo, pwe! Dapat
talaga matuto ang taong libog na lang ang pairilan. Wala naming patutunguhan ang pag-ibig
na iyan!"

Napatingin ako sa kaliwa ko. Kunot na kunot ang noo. Hindi ko napansin na may
nakatayong iba sa loob ng bus stop na iyon. Nang tumingin ako ay nakita ko ang isang
babaeng naka-itim na sando, mini-shorts na may sira sa gilid, naka-fliplops lang siya. Iba-iba
ang kulay ng daliri sa paa. Tumaas ang tingin ko sa mukha niya. I noticed the tattoo on her
right shoulders - tatlong stars na magkakaibang laki. Her hair is violet and pixie. Tumingin rin
siya sa akin. Maputla ang babae pero pink na pink ang labi.

Nagsindi siya ng sigarilyo at saka binuga sa harapan ko ang usok. "Problema mo, pre?"
Tanong niya sa akin. "Broken hearted ka din? Writer ako, ikwento mo sa akin at nang
mapagkakitaan ko iyang sakit mo."

"Anong sakit?" Tanong ko. Napailing ako. Ang mga taong ganito ay hindi dapat binibigyan
ng panahon para kausapin.

"Sakit. Sabi sa statistics, eighty percent ng mga Pinoy ay namamatay sa heart attack pero
hindi totoo iyon, ninety-five percent ng mga Pinoy ay namamatay dahil sa sa broken heart at
hindi heart attack. Sari-sari kasi iyan, pre. Kapag sumakit ang puso dahil sa pag-ibig, lahat
masakit, psychological at physical - kapag nasawi ka - para kang nalululong sa droga - stage
five - incurable sa medaling sabi, hopeless case ka na. Kaya ikaw, sawi ka ba? Ikwento mo
sa akin." Patuloy niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakaramdam ako ng awkwardness.

"I'm a writer of love stories - but I don't write about love."


Umiling ako. Iniwan ko siya doon. Bahala na ang babaeng iyon kung sinoman siya.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Natagpuan ko ang sarili ko na patungo sa Horizon - the bar I
used to play in back while I was still in college.

"Zach!" Bati sa akin nang may-ari. Tumango na lang ako at tumuloy sa stage. I took the
guitar and started singing. Hindi ko talaga pwedeng iwan ang musika. It's what makes me.

"Watch my life pass me by...

In a rear view mirror...

Pictures frozen in time

Are becoming clearer...

I don't wanna waste another day...

Stuck in a shadow of my mistake..."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa, dapat hindi na. Dapat sumuko na ako pero
ang tigas ng ulo ko. Hindi ko kayang basta kumawala na lang mula sa alaala ng babaeng
mahal ko.

Cause I want you,


And I feel you,
Crawling underneath my skin
Like a hunger,
Like a burning,
To find a place I've never been
Now I'm broken,
And I'm faded,
I'm half the man I thought I would be:
But you can have what's left of me ....
-----------

Songs used:

What's left of me - Nick Lachey

3. X marks the spot


I don't know how long I'll be like this. I was staring at Yza's photo. I kept it - itinapon ko na
ang lahat pero itinira ko ang larawan niyang iyon. It was my favorite photo of her. We were
fourteen when the photo was taken. She the the parade princess. She was wearing a purple
gown and a red cape. Ang ganda-ganda ni Yza sa larawang iyon at kasabay ng pagkuha ng
larawang iyon ay sumibol sa puso ko ang pag-asa na balang araw ay magiging akin siya.

Kaya lang hindi naman nangyari. Minsan pakiramdam ko ay pinagbigyan lang ako ng
tadhana dahil alam niyang kailangan ko si Yza pero binawi niya rin sa akin noong mga
panahon na nakita niyang may ibang mas nangangailangan pa sa babaeng mahal ko. Hindi
ko nga alam kung bakit sa dami ng tao sa mundo ako pa ang kailangan masaktan ng ganito.
Sometimes, I think that I only dreamed of what we had - hindi totoong nangyari - we were
just friend and I imagined the whole thing. I sighed.

But the pain is too real for it to be just a dream.

I opened my facebook account at doon lalong bumulaga sa akin ang panibagong reyalidad
ng buhay ko - si Yza kasama si Helios sa isang isla sa Athes. They were looking so happy.
Yza was wearing a wgite shirt pero kitang-kita ang green na bikini niya while Helios' hands
were over her waist as if trying to hide the things that shouldn't be seen. I sighed again.
Nakakawalan ng gana ang buhay. Pinatay ko ang laptop at saka tumayo. Lumabas ako ng
office. I was greeted by my assitant. I've asked her to cancel the audtions today. Wala akong
ganang makinig kahit kanino. I wanted to drown myself - again - with the pain. Hindi ko alam
kung gaano talaga ako katagal bago makaalis sa lugar na kinasadlakan ko. Hindi naman
ako nasasarapan sa saki - ayoko nga nito pero bakit pabalaik-balik ako? Siguro ay dahil sa
alaalang pinagsamahan namin. Iyon na lang kasi ang pinanghahawakan ko - ang alaala
namin ni Yza. Iyon ang taninging dahilan kung bakit tumitibok pa ang puso ko.

Alaalang dala ni Yza. Masakit man o hindi, her memories were enough to make my life turn
around. Her smile, her voice, the way she looked at me back while she was still in love with
me. I even miss her calling me Zachary Drew. Sa daming ng tumawag sa pangalan ko, siya
lang ang nagpaganda ng tunog niyon.

I found myself walking around the Metro again. Hindi naman ako lumayo sa sa office area
namin. Katangahaliang tapat - kailangan pa ako sa office. Naglakad-lakad lang ako. Habang
papalapit sa isang overpass ay nakita kong may mga nagkakagulong tao doon. They were
looking at something. Ang ilang miron ay nakatingin sa ibaba mismo ng over pass. I got
curious so I stopped walking and looked aroun to see what the commotion is about.

"Anong nangyayari?" I asked one of the people there.

"May babaeng magpapasagasa!"

Nagpanting ang tainga ko. Lumipad ang tingin ko sa gitna ng highway - there was a woman
in her ripped jeans and converse, she was wearing a black tube and her hair is pink.
Nakatagilid siya sa akin. Kumunot ang noo ko nang makilala ko siya. Kilala ko siya! Iyon ang
dahilan kung bakit siya pamilyar. Siya iyong nakilala ko noong nakaraan sa bus stop.

Ngayon, bakit siya magpapakamatay?

"Ayan na!!!" Sigaw ng mga miron. Tumingin ako sa paligid. May mga pulis naman pero bakit
tulad ng iba ay nanonood lang din sila?

Papalapit nang papalapit ang mga sasakyan sa babae. I saw a white van approaching. I
acted on impulse. Tumakbo ako at niyakap siya. Tumuba kami sa kabilang daan.
Nagpapagulong-gulong. Narinig ko siyang umigik. Nasaktan yata. I was on top of he. Nang
tingnan ko siya ay nakapikit siya. Dama ko ang tingin ng lahat sa amin.

"Bakit ka ba nakikialam?!" Sigaw niya sa akin. My eyes widened. Siya talaga ang nakita ko
noong nakaraan sa bus stop ---- only she had violet hair but now she has pink hair. I stared
at her Tinulak niya ako at saka siya tumayo.Kasabay ng pagtayo niya ay hinawakan siya ng
mga pulis.

"Hindi ka ba talaga magtatanda?" Tanong ng mga pulis. "Sumama ka sa amin."

"Wait." Pigil ko. Ano bang nangyayari? Kunot na kunot ang noo ko. Pumapalag iyong babae
pero hindi siya binibitiwan ng mga pulis. Para bang sanay na sila sa mga nagaganap.

"Bitiwan ninyo ako! I have a book to write!" Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa mga pulis. I
was just standing there looking at them. Isinakay siya sa mobile tapos ay umalis na ang mga
ito. I looked around me and I saw everyone looking at the police mobile. Hindi ko alam kung
anong sumakop sa akin pero naisip kong sundan ang mga pulis. I rode a taxi and went to
the station. I saw the pink haired woman behind bars --- she was trying to talk to the police.

"Kuya, palabasin mo na ako dito!"

"Ilan beses mo na bang ginagawa iyan, ineng? Hindi ka pa nagtanda! Palagi mong
ginagawa! Noong una sinubukab mong tumalon sa foot bridge! Sinubukan mong i-hold up
iyong jeep! Ngayon naman papasagasa ka!"

I found myself being amused of what I am hearing. Kung ano-ano pala ang pinaggagawa ng
babaeng ito. Bigla ay parang gusto kong nalaman kubg anong nasa isipan niya.
"Dapat yata sa mental ka na dalhin." Komento pa ng isa. Napansin kong nakatingin na sa
akin ang babaeng iyon. She grinned.

"Irog koooo!!!" Nagsisigaw siya habang nagtatalon sa loob. "Nandyan ba ang boyfriend ko!
Ilabas ninyo na ako dito!" Sigaw pa noong babae habang nakatingin sa akin. Naituro ko ang
sarili ko. Ako? Ako ang boyfriend niya? Ni hindi ko alam ang pangalan niya.

"Boyfriend?" Sabi ng pulis. Binalingan ako. Hindi naman ako makahuma. Hindi ako ang
boyfriend niya. I don't even know her name - I know I should'cve said that but iu just
remained quiet. Hindi ko alam kung bakit.

"Diba nandito ka para kunin ako?" The woman even gave me the puppy dog eyes. Bigla ko
tuloy naalala si Musika - she used to give me that same expression when she wanted
something from me. I know wonder kung nasaan na siya. The last time I heard, she was
pregnant so she had to leave. Hindi ko alam kung totoo iyon. Si Yngrid lang naman ang
nagsabi sa akin at pinakiusapan niya ako na huwag sabihin sa kahit na kanino ang bagay na
iyon. Wala pa daw nakakaalam. Pero alam niya. Minsan sumasakit din ang ulo ko kay
Yngrid.

"Irog ko!" Sigaw niya pa sa akin. I looked at her. "Nag-away lang kami kaya ko ginawa iyon!
Nagpapapansin lang ako sa kanya. Pakawalan mo na ako, mamang pulis!" Sigaw niyang
muli. Tiningnan ako ng pulis tapos ay tiningnan rin niya ang babaeng iyon. Napapailing na
lang siya.

"Sige, ilabas na iyan!"

"Suki ma talaga ako dito!" Sigaw niya pa habang pinapakawalan siya. Nang makalabas siya
ng selda ay bigla na lang siyang tumakbo papunta sa akin para yumakap. Napataas ang
mga kilay ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. The woman was embracing
me in a very tight manner - hindi ako makahinga. "Irog ko! Huwag ka nang magtampo!
Ibibigay ko na sa'yo ang vajayjay at cherry ko wag ka nang magalit."

"What?!" Bigla akong napasigaw. Lumayo siya at saka ngumisi sa akin. Hindi lang iyon, she
gave me a peck on the lips. My eyes widened.

"Kung umasta akala mo virgin eh kinakain mo nga ak----"

I felt the urge of putting my left hand on her mouth. Baka kasi kung anong sabihin niya. At
baka kung anong isipin ng mga pulis. Bigla ko na lang siyang hinatak palabas ng police
station tapos ay nagmamadaling tinahak ko ang parking lot. Nasa kalagitnaan kami ng
parking lot nang kumawala siya sa akin.

"Okay na, tapos na ang palabas." Nakangisi na naman siya. Binalingan ko siya. Her pink
hair was shining under the broad daylight. "Salamat at sumunod ka, Irog ko." She gave
emphasize at the word Irog ko. Natatawang napailing ako.
"Ibang klase ka rin ano?" Sabi ko. Nakakaramdam na ako ng inis. "Kung ano-anong
sasabihin mo, idadamay mo pa ako tapos ngayon paaalisin mo ako? Hindi ka man lang ba
magpapaliwanag sa akin?"

Pinitik niya ang ilong ko. "At bakit ako magpapaliwanag sa'yo? Hindi tayo magkakilala kaya
wala akong dapat sabihin sa'yo."

Nagsimula na siyang maglakad. I got curious so I followed her. "Why are you trying to kill
yourself?" Nagtatakang tanong ko. "Narinig ko iyong sinabi noong mga pulis." Wika ko
habang naglalakas kami. Binalingan niya ako.

"Hindi ako nagpapakamatay. Kung mainam iyang memorya mo, sinabi ko sa'yo noong violet
palang ang buhok ko na writer akamo."

"So?" I asked again. Hindi ko maintindihan.

"That's it. I'm a writer. And a writer cannot write something she doesn't know or doesn't feel.
Kaya ako nagpapasaga - well hindi naman talaga ako magpapakasaga - I just want to feel
the adrenaline. Kung anong thoughts o magiging thoughts ni Jennifer habang nakatayo siya
sa gitna ng daan - habang sinusubukan niyang tapusin ang buhay niya just because she feel
in love and got her damn heart broken by Ryan."

Hindi ko maintidihan. She sighed heavily. "Ganito iyan. Writer ako. A damn good one."
Buong pagmamalaki niyang sabi. "Gusto ko maramdaman ng bibili ng libro ko ang emosyon
ko. Kung gusto ko silang umiyak, ako muna ang iiyak, kung gusto ko silang matawa o kiligin
o matako - ako muna dapat ang makaramdam ng mga iyon. Ako. Kaya ko nga sinusubok
ang mga bagay na isusulat ko para walang kulang, para hindi hilaw at para tama ang luto sa
magbabasa. Hindi ako nababaliw. I'm a writer."

I just shook my head. Hindi ko alam kung tamang rason ba ang sinasabi ng babaeng iyon sa
akin para lang maging excuse sa lahat ng kalokohan niya pero I find her amusing. Matagal
na mula noong huli ako makaramdam ng sudden happiness. Noon, natutuwa lang ako
kapag naaalala ko si Yza pero matapos noon ay puro sakit.

Just like what I said: The pain is too real to be just a dream.

Hindi ko iyon pwedeng itanggi pero ngayon na naririnig ko ang babaeng ito, naisip ko bigla
na may mas malala pa sa akin. The girl is practically saying that that she wanted to be sad -
habang ako iniiwasan ko ang pagiging malungkot kaya lang ayaw akong lubayan.

"Tapos ka na bang pag-aralan ako?" Tanong niya. "Uulitin ko, hindi ako baliw. Writer lang."

She walked away and I just looked at her. Damn writers. Napapailing ako.

------------------------------------
"Saan ka na naman galing, Ixara?"

Sinimangutan ko si Mama habang papasok ako ng bahay. Mainit ang ulo ko. Hinuli na
naman ako ng mga pulis dahil akala nila magpapakamatay ako. Kapag ba tumayo sa gitna
ng daan na hindi gumagalaw at naghihintay ng truck na sasalubong sa akin -
magpapakamatay na agad? Hindi ba pwedeng sumusubok lang magsulat?

I sighed again. I've been procrastinating. Hindi ko masasabing writer's block ang nangyayari
sa akin because there's no such thing as that. Sadyang natatamad lang ako. Nawawala ang
mometum na palagi kong hinahabol noon kaya gumagawa ako ng paraan para maibalik ang
sipag ko pero ang mga tao sa paligid ko hindi naman ako maintindihan.

I wents straight to my bedroom, sat in front of my table, opened my laptop and tried typing
what I felt earlier - I was trying to be in Jennifer's shoes. I sighed again. Si Jennifer ang bago
kong prospect sa bago kong libro. Writer ako pero hindi ako nagsusulat ng kwento tugkol sa
pag-ibig. I write about how people get their heart broken and how their lives became
miserable because of love. Hindi naman ako naniniwala sa moving one chuchu na iyan.

Ang moving on ay katulad lang ng forever - WALANG FOREVER AT WALA RING


NAKAKA-MOVE ON SA KATOTOHANAN NA WALANG FOREVER.

Iyon naman kasi ang problema sa mga tao. Masyado silang naniniwala sa happy ever after
samantlang sa Disney lang naman uso iyon. Napailing ako. Naalala ko noong nagsisimula
pa lang ako. I was an online article writer and people hated me because I write about reality
and not those idealistic things about love such as happy ending and forever. Mas matagal pa
nga yata ang warranty ng relo kaysa sa forever na ipinapangko ng mga Poncio Pilatong iyon
sa mga babae. Reyalidad ang meron sa buhay at totoo na kapag nakuha na ang mga gusto
sa mga babae ay bigla na lang nawawala. Parang si Mama. Iniwan siya ni Papa matapos
malaman na buntis siya. Reality.

Ako naman, iniwan matapos makuha ang virginity - reality ulit. Ang mas reality - may asawa
na siya. Reality. Super reality. Matapos iyon hindi na ako nag-abala pang maghanap ng
pag-ibig dahil alam kong hindi naman totoo.

Love exists only in fairytale - pero teka. Hindi nga pala. Dahil ang mga fairytales na alam ng
mga tao sa panahon ngayon ay Disney version na. Hindi nila alam ang katotohanan.

Like si Cinderella - sa real version, Cinderella's sisters cut off their feet in order to fit in the
glass shoes - siyempre may dugo doon diba at para sa kaparusahan ng mga step sisters
niya, their eyes are pecked out by doves. Si Rapunzel naman, nabuntis at an early age,
pinatapon ng witch sa disyerto tapos nanganak ng mag-isa habang iyong prince niya
nabulag. Si Little Red Riding Hood - kinain ng wolf - walang huntsman na tumulong sa
kanya. Si Little Mermaid naman ipinagpalit niya ang dila niya para nagkapaa lang pero hindi
naman niya nakasama ang prince niya sa huli. So nasaan ang happy ending doon?
I sighed. Isinara ko ang laptop ko. Kailan pa kaya ako babalik sa dati. I wanna write again.
Pumunta ako sa kama ko at kinuha ang gitara ko.

I used to play guitar. Pero huminto ako nang malaman ko na ang tatay ko ay mahilig din sa
musika. Ayoko kasi nang kahit na anong may.kinalaman sa kanya kaya huminto ako.

I started singing..

I would've given you all of my heart, but there's someone who's torn it apart...
And he's taken just all that I got
If you wanna try to love again...
Baby I'd try to love again but I know.

I sighed. The first cut is indeed the deepest. Iyon ang nararamdanan bg lahat ng
nagmamahal.

The first cut is the deepest...


Baby I know...
The first cut is the deepest.

Bigla ay natigilan ako. Naalala ko ang lalaki sa bus stop. His eyes were too sad. My mouth
parted.

I have to get to know him. I smell a story in him...

4. Wanted
"Iyong lalaking naglabas sa akin dito! Ano hong pangalan niya?!"

Maaga akong umalis sa bahay nang umagang iyon para kausapin ang mga pulis doon sa
presinto. Kailangan ko kasing mahanap ang lalaking iyon. Kakaiba talaga ang mga mata
niya. Para siyang si Jennifer noong una kong nakilala at nakausap. Katulad din siya ng mga
nauna pang mga taong ginawan ko ng libro ang kwento ng sawi nilang pag-ibig. Alam ko,
may kwento sa likod ng malungkutin niyang mga mata.

"Akala ko ba boyfriend mo iyon. Diba nga irog ang tawag mo sa kanya o baka isa na naman
iyon sa mga pakulo mo, Santos. Baliw ka na talaga kailangan sa mental ka na ikulong." Sabi
pa sa akin ng pulis. Tiningnan ko ang name plate niya. Hernandez ang apelyidong
nakalagay doon. Huminga ako nang malalim tapos ay nagkamot ng ulo. Inirapan ko ang
pulis at saka nginusuan. Umalis na lang ako sa presinto. Hindi ko alam kung saan ko siya
makikita. Alam ko lang ang hitsura niya. Habang naglalakad ako sa sa klasad ay may naisip
akong paraan. Bumalik ako sa mga pulis at kinausap ang kabagang kong sketch officer
doon at saka inilarawan ang lalaking may malamlam na mata. Alam ko, nararamdaman ko
na siya ang magiging susi para sipagin muli akong magsulat.
Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari kapag nakita ko siya. Sigurado ako na hindi normal
ang kwento niya. Iyong tipo ng mga mata niyang iyon alam kong malalim ang pinag-ugatan
ng kalungkutan. I have been around people with broken hearts. I know the symptoms. Most
of the times, their eyes give them away. Hindi ako pwedeng magkamali sa lalaking iyon.

"Oh, ayan, Santos, tapos na ang sketch mo." Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko ang
sketch na pinagawa ko sa pulis na iyon. Hanga ako sa kanya. Kuhang-kuha niya ang mukha
ng lalaking iyon. Walang iniwan. Kung sakaling papasukin ni Kuyang Pulis ang art industry,
sigurado akong papatok siya sa portrait painting. Kinindatan ko ang pulis at saka
nagpasalamat. Tinititigan ko ang drawing ng lalaki. Nakuha ng pulis ang malungkot na mga
mata ng lalaking iyon. Hindi ko naman alam sa ngayon ang kwento, aalamin ko din.
Malalaman ko at iyon ang magiging dahilan ng pakasipag kong muli.

Nasa itaas ako ng overpass nang tumunog ang cellphone ko. Napangiwi ako nang makita ko
ang pangalan ng editor ko na nagflash sa screen. Wala akong choice kundi ang sagutin ang
tawag na iyon.

"Hello, X! Kailan mo ipapasa ang manuscript tungkol kay Jennifer at Ryan?!"

Wala pa man ay sinsigawan na naman niya ako. Huminga ako nang malalim. Gawain ko na
iyon sa tuwing ayoko ng mga pangyayari. Hindi ko pa nga maipasa ang kwento ni Jennifer at
ni Ryan dahil hindi ko makuha ang pakiramdam ni Jennifer habang nakatayo siya sa gitna
nang daan noong gabing iyon habang naghihintay ng sasakyan na sasagasa sa kanya.
Tuwing gagawin ko kasi ay may mga pulis na dumarating. Huling scene na iyon nang
kwento. Iyon na ang katapusan. Sa totoong buhay kasi, nalumpo si Jennifer dahil
nasagasaan siya ng pick up. At kahit na naospital siya at nabalitaan ito ni Ryan ay ni hindi
siya pinuntahan. Nakadama ako ng awa para kay Jennifer noong huli ko siyang nakausap. I
entitled their story as Love Crash. Hindi masaya ang ending niyon para kay Jennifer. Si
Ryan, hindi ko alam kung masaya siya pero sa narinig ko ay ikakasal ang lalaki sa isang
babaeng nakilala niya lang sa facebook. Isn't that pathetic. Huminga na lang ulit ako bago
ako nagsalita sa editor ko.

"Ma'am, hindi ko pa kasi tapo..." Napapakamot ako ng ulo. "Pero may sisimulan akong
bagong kwento---"

"Sisimulan mo na naman tapos kailan mo tatapusin? Ixara Santos, wala ka na sa online


writing, may deadline ka nang imi-meet! Learn to reach the deadline on time or I will fire
you!" Sigaw niya sa akin sa kabilang linya. Binabaan niya ako ng telepono matapos iyon ay
napasimangot ako, Matandang dalaga na kasi ang editor ko. Kulang siya sa sex.

Muli ay napatingin ako sa hawak kong sketch ng lalaking iyon. I have to find him. Hindi ko
alam kung paano pero habang pababa ako ng overpass ay nakaisip naman ako ng paraan.
Mananawagan ako, pupunta ako sa mga tv station para lang mahanap ang lalaking iyon,
kung paano hindi ko alam, basta alam ko lang sa gagawin kong ito ay mahahanap ko siya.

Easiest way to find him. I grinned at myself. Ang talino ko talaga.

-------------------

"Where are the demo tapes?"

Nilingon ko si Gerd habang papaupo ako sa silya ko. He was grinning. Nakatingin lang siya
sa monitor ng laptop niya habang nakangisi. I was sighing.

"Gerd." Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Nakangisi pa din. "Fuck you." Inis na
sabi ko. Humagalpak siya ng tawa. May auditions dapat ngayon sa studio eight. We are
looking for bands and solo artist na ilo-launch ng label for the music fest next month pero
hindi ako makapagsimula dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Gerd sa sarili niya. He
seemed to be enjoying whatever he was watching on the internet. Napailing na lang ako.
Tinawagan ko ang secretary ni Gerd para sabihin na ipasok sa loob ng office namin.

Kinuha ko ang mga folders sa kaliwa ko at saka sinimulan nang basahin ang mga papeles
na iyon nang bigla na lang tumawa nang malakas si Gerd Bryan. Halos hindi na siya
makahinga sa katatawa.

"What the fuck, man?!" He eveb said. Iniharap niya sa akin ang laptop niya at doon nakita ko
ang pinagtatawanan niya. Gerd was watching a news show at sa news show na iyon
lumabas ang babaeng kasama ko kahapon. Her pink hair was all over the place. She was
crying. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinasabi niya sa tv sabay pakita
sa sketch version ng larawan ko.

"Matapos niyang makuha ang gusto niya sa akin ay iniwan niya ako at di na nagpakita sa
akin..."

Bigla siyang umiyak nang malakas. Humagulgol. Napanganga ako habang si Gerd naman
ay di mapakali sa katatawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mundo ngayon. What
the hell was this woman trying to do? Ni hindi ko alam kung anong pangalan niya o kung
saan siya nakatira and yet she talks about me like we had some kind of a relationship. I
didn't even touch her!

"May mensahe ka ba para sa lalaking nanloko sa'yo?"

"What the hell is this, Gerd?!" Tanong ko na nakakadama ng pagtataka. Hindi ako
makapaniwala sa kahihiyang dala ng babaeng ito sa buhay ko.

"Kung nasaan ka man." Ipinakita niya ang larawan ko. "Kung sinuman ang nakakakilala sa
lalaking ito na nanloko sa akin, ibalik ninyo siya sa akin dahil kailangan siya ng baby ko ---
ng baby namin." Sinabayan na naman niya iyon ng paghagulgol. I was gasping. Anong
pinagsasabi ng babaeng ito.

"Magiging tatay ka na!" Napapalakpak na wika ni Gerd. "Congrats, ZD!"

Napanganga lang ako. Napapailing. "Where is this woman?!" Inis na wika ko.

"Sa kabilang building." Natatawang sabi niya. Lalong nanlaki ang mga mata ko. Sa kabilabg
builiding nandoon ang mga magulang ko. My father owns the tv station kung saan napunta
ang babaeng iyon and probably by now, alam na ni Daddy ang aberyang ginagawa ng
babaeng iyon. Hindi ito maaari. I havea.clean.record. Hindi ako basta nakikipagdate sa isang
babaeng walang matinong pag-iisip. Hindi pwedeng lumabas ang balitang ito. Tumayo ako
at lumabas ng office.

"Sir, magsisimula na po ang auditions natin." Wika ng secretary ni Gerd.

"Reschedule it!" Sigaw ko. Nalingunan ko si Gerd na nakasunod sa akin. Tinungo namin ang
elevator at saka sumakay doon. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Ano na lang ang
sasabihin ni Dad? Hindi ako tumatakbo sa reaponsibilidad. Kaya lang sa kaso na ito ako ang
naagrabyado. Ako ang ginagawan ng isyu at hindi ko maintindihan kung bakit. Ano bang
kailangan niya sa akin?

Narating namin ni Gerd ang studio kung saan ginanap ang interview niya.pero wala nang tao
doon. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang isa sa nga crew doon. I called him.

"Nasaan iyong babaeng na-interview dito kanina?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa
akin.

"Ah! Iyong nabuntis ninyo po? Pinatawag ng daddy ninyo, Sir Zd."

"You are fucked, Zachary!" Gerd can't stop laughing now. Umiiling na lumabas ako ng
studio. Umakyat ako sa office ni Daddy at doon ko nga nakita ang babaeng pink ang buhok
na nakaupo sa silya sa gitna ng office ni Daddy. My eyes widened again when I saw my
mother sitting on the red couch. Habang si Papa ay lakad nang lakad.

"Dad!" Sigaw ko. Lahat sila ay tumingin sa akin.

"Mahal ko!" Sigaw naman ng babaeng iyon. Tumayo siya at tumakbo sa akin. Niyakap niya
ako na para bang may relasyon kami. I saw ny parents looking at us.

"Ano bang proble---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong halikan sa labi. It was
supposed to be --- I think a chaste kiss but she deepened that kiss and I'm only guy. Halos
makalimutan kong nasa paligid lang ang mga magulang ko. Naitulak ko siya nang umubo
ang tatay ko.
"Magkakaapo na pala kami ng mommy mo, ZD. Kailan ang kasal?" Seryosong tanong niya
sa akin. Napailing ako.

"Dad. Mag-usap na lang tayo mamaya.Mom, I'll explain later." Hinatak ko ang braso ng
babaeng iyon bago kami makaalis ng opisina ay nagsalita si Mommy.

"Zachy, wag na kay Yza."

Nakita kong napalingon ang babae pero nagtuloy lang kami sa paglakad. Habang papalayo
kami ay bumitaw siya sa akin.

"Ang dali mo lang naman palang mahanap eh. Akala ko maghihintay ako ng taon sa'yo!"
Sigaw niya sa akin.

"Ano bang problema mo? I don't even know your name!"

Huminga siya ng malalim. "Ako si X. IXARA for long. X na lang." Pagpapakilala niya.
"Hinahanap kita para sa istorya mo. Writer ako diba?" Paalala niya. Napailing ako.

"You went to all these trouble just for that?"

Umiling siya. "Not JUST that. I looked for you because I wanna know more about the reason
why you have lonely, dark eyes." Ngumisi siya. "Sino iyong Yza na sinasabi ng nanay mo?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, matapos ang lahat ng ito
--- mahirap pa rin sa akin ang pag-usapan siya sa harap ng ibang tao...

5. Say something
"Sino nga si Yza sa buhay mo? Ano iyon joke lang ng nanay mo? Hindi siya totoo?"

Napapailing ako sa tuwing naaalala ko ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung anong gusto
niya sa akin at sa buhay niya at ayaw niya akong tigilan. Malaking gulo rin ang ginawa niya
sa buhay ko nitong nakaraang araw. Ang hirap ipaliwanag na walang nangyari sa amin at
hindi siya buntis. I had to pay people to destroy that tape and make sure that my reputation
is as clean as before. Iniisip ko si Yza. Anong mararamdaman niya sa oras na makita niya at
mapanood ang tape na iyon? Masasaktan siya.

Bigla akong napangisi. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Would Yza even care?
Masaya siya. Kasama niya ang asawa niya sa Athens at Masaya siya habang ako nandito
kung saan niya ako iniwan at hindi ako makaalis. The only reason why I'm breathing is our
memories. Pero kahit iyon ay para akong pinapatay nang paunti-unti.
"Zach..." I looked up and saw Yngrid pouting her lips at me. She was eyeing me like I was
some specimen under the microscope. "There's that babae who keeps on making you habol.
I even saw her interview while Lukas Anton and I are making out. He was so pissed because
I stopped him from kissing my boobies because I was so nag-aalala sa'yo. Who's that girl
ba?!" She yelled. Nanlalaki naman ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mga
sinasabi niya. Yngrid is like my little sister. I care about her. Marami pa kaming
pinagdaanang kung ano bago kami naka-settle sa magkapatid kaming dalawa. I remember
that fiery night we 'almost' shared at Vegas. Buti na lang bumalik ako sa huwisyo ko at
natigilan sa mga ginagawa namin noon kung hindi hindi ko na talaga alam kung paano ko
siya pakikiharapan ngayon.

"God! Yngrid! That's too much information!" Sigaw ko. Napapadyak siya.

"Eh ano? Do you want me to lie? It's true naman that L.A. likes sucking my boobies! It's what
we do! Ikaw rin naman you suck your girls' boobies!" Sigaw niya pa. Napatayo ako at
napapailing. Naupo siya sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot.

"Zachy, I don't like her for you. Huwag mo siyang gawing girlfriend mo."

"I don't like her too, Yngrid. Huwag kang mag-alala. My heart belongs to Yza."

"Mas lalong ayaw ko sa kanya." Napanguso na naman siya. "Zach, it's been five years.
Nagkatuluyan na nga kami ni L.A. eh. Masaya na kami. Matandang dalaga na si Yana/ Gerd
killed his fiancé already but got away with it - why can't you just fucking move on?"

Hindi naman ako nakakibo. Hindi ko nga alam kung bakit ba mahirap sa akin ang mag-move
on. Siguro dahil sa mahal ko talaga si Yza. They say that first love never dies - and Yza is
indeed my first love kaya hindi kjo siya makalimutan basta. Halos lahat na ng bagay ay
ginawa ko makabitaw lang sa kung anong meron kami pero hindi ko kaya.

Forgetting her is like forgetting how to breathe.

"Oh my gee!" Napatingin ako kay Yngrid. Nakatayo nap ala siya malapit sa glass window ko.
Nakatingin siya sa ibaba at nakanganga. "Zachy! Look! The girl is like making her way to
heaven!" Kunot na kunot naman ang nook o. Nasa Twenty third floor kami at mula doon ay
kitang-kita ko ang mga namumuong tao sa paligid habang may isang babae sa gitna ng
kalsada. Nang makita ko iyon ay ganoon na lang ang kaba ko. Bigla ay naalala ko si X.

Hindi na ako nagdalawang isip. Lumabas ako ng opisina para babain ang kaguluhan. Hindi
ko naman iniisip na si X iyon pero hindi ko naman mapigilang isipin na siya nga iyon. May
kung anong kurot sa dibdib ko. I'm actually worried about that weirdo. Hindi naman kami
magkakilala ng personal pero kinakabahan ako at nag-aalala para sa kanya. Paano kung
siya iyon at paano kung hindi ko siya mailigtas?

Nakarating ako sa lobby. Lumabas ako ng building at doon ko nakita ang pamilyar na pigura
ng isang babaeng kulay pula naman ang buhok ngayon.I yelled.
"Hey!" Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa kanya. Hinatak ko agad siya. Buti at
nakastop ang traffic light kaya hindi siya napaano. Hinatak ko siya papasok sa building ko.
Pinagtitinginan kami ng mga tao. Wala akong pakialam kailangan nang masawata ng
babaeng ito.

"Ano bang problema mo!" Inis na tanong ko. Hinatak niya ang buhok niya sa sobrang inis.
Hindi ko naman alam kung bakit siya naiinis.

"Bad trip ka ha! Hindi ko matapos tapos ang libro ko dahil sa pakikialam ninyo! Kailangan
kong maramdaman kung paano magpasagasa!"

Napailing ako. Bigla ay may naisip akong kung ano. Hinatak ko ulit siya palabas ng building
at isinakay sa kotse ko. I drove fast.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?! Bad trip ka!" Binalingan ko lang siya. Gusto ko sanang
tanungin kung bakit iba na naman ang kulay ng buhok niya. Kung anong trip niya at kung
bakit ba gusto niyang magpasagasa. I don't think her being a writer is a valid reason for her
to act like that. Hindi ko talaga alam kung anong nasa isipan niya. And I.can'y believe that I
actually care about the contents of her brain.

Lumiko ako. Paakyat na kami. Dadalhin ko siya sa isang hindi mataong lugar at doon ko
siya.sasawatahin. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng puno na itinanim ng nanay ni Migs
noon. I remember the story behind that tree but that was another thing. Binuksan ko ang
pinto ng sasakyan at pilit siyang pinababa.

"Bakit?! Anpng problema mo?" Tanong niya na tila naiinis na din. I just grinned at her.

"Diba gusto mong masagasaan? Ako ang sasagasa sa'yo?!" Matagal siyang nakipagtitigan
sa akin. Akala ko ay hindi niya gagawin but she silently got out of the car and walked.
Nakarating siya sa pinakagitna ng daan. Walang dumaraang sasakyan doon. Malayo na siya
sa akin. Hindi ko alam kung gaano kalayo pero malayo na. Idinipa niya pa ang mga kamay
niya at pumikit. Inapakan ko ang gasolina at pinasibad ang sasakyan. I was actually nervous
for this. Paano kung hindi siya umilag? Bakit ko ba ito ginagawa? Hindi ko na talaga
maintindihan ang sarili ko. I was getting close and closer by the minute. Ipinagdarasal ko na
sana, sana, sana umilag siya...

--------------------

I could smell his engine. Natatakot ba ako? Hindi ko alam. Iniisip ko si Jennifer. Iniisip ko
ang sakit na iwan at maging miserable. Nararamdaman ko ang naramdaman ko noong
malaman kong may asawa ang una at huling lalaking minahal ko. Hindi ako dumating sa
puntong kaiangan kong wakasan ang sarili ko pero nararamdaman ko ang sakit. Iniisip ko na
ako si Jennifer - na mga paa ko ang nasagasaan - na ako na ang hindi makalakad - na ako
na ang nasawi. Iniisip ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. I slowly opened my eyes - just like what
Jennifer told me at her interview. Tama siya, nakakapanginig ng laman. Nakakahina ng
tuhod - nakakatako. Natatakot ako pero hindi ako makagalaw. Sinabi niya na gusto niyang
tumakbo noong huli - na pinagsisihan niya ang iniisip niyang pagpapasagasa pero huli na -
at huli na rin sa ngayon. Hindi ko alam kung hihinto pa siya o tutuloy pero ang puso ko.
Sobrang takot - sobrang pagaalinlangan ang nararamdaman ko sa puso ko. Ang puso ko na
hawak ko parang unti-unting binabalot ng takot.

Pero... bakit ako matatakot? Ginagawa ko ito para sa sarili ko para matapos ko na lahat
bago mahuli ang lahat sa akin. Ayokong mawala. Hindi ako natatakot. Kung ito na ang huli
at kung siya ang magiging dahilan ng kamatayan ko, hindi ako matatakot. Lahat ng tao doon
pupunta, una-una lang iyan.

Bigla kong naisip kung takot nga ba ako sa kamatayan? Ilang beses ko na bang naranasan
ang mga near death experiences? Hindi ko na mabilang kaya siguro wala akong karapatang
matakot.

Tinititigan ko ang Chevrolet Corvette na asul niya papalapit sa akin. Malapit na siya. Malapit
na... Ayan na.. Tatanggapin ko na ang.

Screetchhhh!!!

He stopped. Bigla na lang siyang huminto. Ako naman ay napaupo. Lumabas siya ng
sasakyan para daluhan ako. I experiemced it. Alam ko na kung paano tatapusin ang kwento
ni Jennifer. My heart was beating so fast. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam
kung anong gagawin ko ngayon. The ideas - it's pouring in my brain like rain.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. I looked at him.

"Kailangan ko ng laptop." Iyon ang tanging nasabi ko. Napanganga siya. Itinayo niya ako at
pinapasok muli sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan ang punta namin ngayon pero
kung maibibigay niya sa akin ang hinihingi ko, that would be so great. Namalayan ko na lang
na huminto kami sa tapat ng isang mataas na building. Bumaba siya. Sumunod ako. He held
my hand. Ibinigay niya sa valet ang susi ng sasakyan niya, sumakay kami sa elevator. My
heart is pounding. Nararamdaman ko ang rush ng pagsulat. Hindi pwedeng mawala ang
iniisip ko ngayon.

Huminto ang elevator. Lumakad kami sa hgallway ng seventeenth floor. He was still holding
my hand like his life depended on mine. Pumasok kami sa isang unit. The place was
adorned bu\y black and white things, the frames, the couch - what caught my attention was
the dark blue giutar lying on the coffee table.

"Ayon ang laptop. Sige." Wika niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay naupo ako
sa harapan ng laptop niya. I started typing. I know now how Jennifer feels. Kagat labi ako
habang nagta-type. Hindi naman ako binigo ng mga salita.

Sunod-sunod silang lumalabas sa dulo ng mga daliri ko. They were filling up that empty slate
in front of me. I could feel my tears. I remember that one story I read on a certain site - iyong
babaeng malapit nang mamatay, she was ready, she had accepted the fact that she would
die but then someone came along and changed her everything. Iyon lang ang tanging
kwento na nakapagpaiyak sa akin. The girl didn't believe in fairytales anymore - just like me.
Hindi na ako naniniwala sa fairytales. Tulad lang din ni Jennifer na naniwala at nagmahal,
nabigo sa huli.

Jennifer did believe in love and happy endings. She did believe on that promise Ryan gave
her but failed...

Love crash - iyon ang nangyari kay Jennifer at sa puso niyang kahit kailan ay hindi na
makakalakad pang muli...

I finished it. Nakatitog lang ako sa laptop. Napamulagat ako nang may maglagay ng isang
baso ng tubig sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. He was smiling.

"Ibang klase ka din." Napapailing na wika niya. "I knew from the stat that you are very
different from the others. Pero bakit ba may pakialam ako sa'yo?"

"I have such effect on men." Sabi ko. Kinuha ko ang baso at ininom ang laman noon. Alam
kong binabasa niya ang gawa ko. I smiled. "That's my second to the last book." Wika ko sa
kanya.

"At bakit? You're considering getting a real job?" He asked.

"Bakit hindi mo tanungin kung anong last book ko?" Hamon ko sa kanya.

"Anong last book mo?" Tanong niya.

"Ang kwento mo. Bago ako mamatay, kailangan kong masulat ang kwento mo. Hindi para
pagkakitaan kundi para mapalaya ka sa kalungkutan tapos masaya akong haharap kay San
Pedro at sasabihin na sa lahat ng kasalanan ko, may isang tao na napalaya ko mula sa
kinikimkim niyang sakit. At ikaw iyon, Zach. Palalayain kita..."

6. Manifest destiny
"Are you dying?"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na itanong iyon kay X. Masyadong malalim ang mga
sinasabi niya para sa akin at hindi ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya? I know that
some artists are weird and misunderstood pero si X - kakaiba siya. Sadyang kakaiba lang.
Somehow, what she said made me feel like she was dying. May sakit ba siya? Tinitigan niya
lang ako habang inuubos ang tubig na nasa basong hawak niya. Nang maubos iyon ay
nginitian niya ako.

"I'm just taking a break." Makahulugan niyang sabi. Lalo akong nagtaka. She's taking a
break from what? From dying? Is that even possible? Tumayo siya at nagpunta malapit sa
glass window sa sala ko. Tinitingnan niya ngayon ang view. Tinabihan ko siya. It makes me
wonder why she thinks and talks like that. What's with her? What's wrong with her?
Pakiramdam ko, masyado na siyang maraming pinagdaanan sa buhay. Ganoon na ba
kalalim ang pagkakaintindi niya? She was young and weird and beautiful - but is that enough
to make her say those things?

"I'm just taking a break, Zach no. Pero sino nga ba si Yza? Isipin mo na lang na ang kwento
mo ang pinakahuling isusulat ko - hindi ba espesyal iyon?" Tanong niya pa sa akin. Umiling
ako. Kahit kalian ay hindi ako magiging handa na ibahagi sa iba ang kung anong meron
kami ni Yza noon. I sighed again. But I know for a fact that X is right - I have to let go. Hindi
ko na kayang mamuhay ng ganito sa mga susunod pang panahon. Kailangan ko nang
matutuhang huminga nang hindi iniisip si Yza Consunji.

"She was my first great love." Natagpuan ko na lang ang sarili kong sinasabi iyon sa kanya.
Ang hirap - hirap. Nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Hindi na naman ako makahinga.
Hindi na naman ako mapakali. I needed to let this thing out but how could I? Her memories
are the only thing that makes me who I am today. Hinubog ako ng alaala ni Yza pero
hanggang kailan ako ganito?

"Tapos?" Tiningnan ko siya. Tumiim ang bagang ko nang maalala ko kung anong nangyari
sa kanya at kay Helios Demitri. Ang lahat ng nangyari noon, ang madilim na pagkakataong
iyong sa buhay niya pero sa kabila noon, siya pa rin ang pinili ni Yza.

"She fell in love with her rapist." Nakangiwing sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat na
rumehistro sa mukha ni Ixara. Nanlaki ang mga mata niya, pagkatapos ay ngumiti tapos ay
napanganga at muli na naming nanlaki ang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit
medaling mag-iba ang reaksyon niya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o kung anuman.

"She fell in love with her rapist?!" She exclaimed. "Woah! That's the kind of love story I
wanna write! Dark and gruesome!" Mukhang tuwang-tuwa niya pang sabi. Nakadama ako ng
inis. How could a woman like make my misery her happiness? Anong karapatan niya.
Tumalikod ako. Nag-uumalsa ang dibdib ko. Nakakadama ako ng galit.

"You know your way out." Sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa nang pagak.
Napahinto ako.

"Alam mo, sorry ha? Pero ang tanga mo. Nagagalit ka sa akin dahil naging masaya amko sa
narinig ko sa'yo pero hindi mo ba naisip na baka hindi kahit kailan naging sapat ang
pagmamahal sa'yo ng babaeng iyon kaya hindi niya nagawang ipaglaban ang pagmamahal
niya at nagpatalo siya sa nararamdaman niya sa lalaking sumalbahe sa kanya? Hindi ka
mahal noon. Kung mahal ka niya di magkasama pa kayo ngayon."

"How could you?!" I hissed. Binalingan ko siya. "Hindi mo alam kung anong nangyari sa
amin ni Yza noon kaya wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganyan!"

"Medyo tanga ka?" Tanong niya sa akin. "Kung paniniwalaan mo na hindi ko alam ang
nangyari sige, siguro nga wala akong karapatan. But always keep in mind that I am a writer,
reality or fiction - pare-pareho lang ang istorya ng tao - may namamatay, may mamamatay,
may nasasaktan, may masasaktan - nagkakaiba lang sa twist and turns ng buhay but it's all
fucking the same! Sa puntong ito, hindi ka mahal ni Yza, kung mahal ka niya tulad ng
paniniwala mo, hindi ka niya iiwan at kahit sinalbahe siya, ikaw pa rin ang pipiliin niya."
Nakita kong tumaas ang dulo ng labi niya.

"Maybe, you're not man enough for Yza, that time. Maybe, the guy who raped her, was the
man she was looking for, iyong kaya siyang ipagtanggol, hindi siguro tulad mo noon, na wala
naming ginagawang kahit na ano."

"Shut up?!" I screamed. Ngayon lang ako nakadama nang ganitong klase ng galit. Hindi ako
makahinga. Gusto kong manakit. Hindi naman niya ako naintindihan, why the hell was she
doing this to me? Wala naman siyang karapatan. Hindi niya ako kilala.

"Umalis ka." Sabi ko. Napailing siya at kinuha ang bag niya. Nilagpasan niya ako
pagkatapos noon ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. I was breathing hard. Hindi ko kahit
kailan mapapatawad ang kahit na sinong mag-iisip ng ganoon kay Yza.

Yza is a good woman. Alam kong minahal niya ako. Naramdaman ko iyon noon. I sighed.
Naupo ako sa sofa sa gitna ng sala at saka ipinikit ang aking mga mata.
If only I could go back...

---------------

"Nasend ko na ang manuscript ni Jennifer."

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang batiin ako ng good morning ni Ms. Tamara - ang
editor kong ilang buwan na akong kimukulit tungkol sa kwento ni Ryan at ni Jennifer.
Napabuntong hininga siya.

"Salamat naman! Akala ko matatapos muna ang mudo bago ka makapagpasa sa akin"
Natatawang sabi niya. Naupo ako sa visitor's chair sa tapat niya. Umismid ako. I know it took
that long before finally finishing that book. Hindi ko na nga sigurado kung ilang buwan ko
siya tinapos. Siguro may ten months din. Ito na yata ang pinakamatagal kong librong
ginawa. Huminga ako ng malalim.

"What's next, Xara?" Tanong sa akin ni Tamara. Umiling ako. Gustong-gusto kong isulat ang
kwentong iyon ni Zach. I got really curious now. Pero paano ko gagawin iyon kung nagagalit
siya sa akin. "Xara?!" Pumalakpak si Tamara ng tatlong beses sa harapan ko para mawala
ang pagkalalim ng iniisip ko. Ang daya naman. Hindi ko naman isusulat ang kwento niya
para lang basta pagkakitaan - gagawin koi yon para makatulong sa kanya. I wanted to set
him free. Sa tingin ko kasi - unfair ang pangyayari sa buhay niya. He's trapped in the
memories that he build around his being. Iyon na lang naman kasi ang meron sa kanya at sa
babaeng mahal niya. Alaala. Alaala ang pinakamasakit na ebidensya ng pagmamahalan.
Iyong alaalang noon ay masaya dahan-dahan kang pinapatay ngayon. Iyong alaalang akala
mo ay doon na lang siya pa ang inaasahan mo ngayon.

Alaala ng nakaraan na gustong itapon sa malayong lugar. Iyon na lang ang meron sila at
iyon ay dapat nang itapon at kalimutan. Paano niya makakalimutan ang sakit kung
nasisiyahan siya doon? Gusto kong makita niya na mali ang ginagawa niya. Gusto kong
makita niya ang ganda ng buhay tulad noong bago pa man siya magmahal.

"Iyong rapist tapos iyong ni-rape, na-in love sa isa't - isa. Leaving the guy broken hearted
and miserable."

"Si Yza Consunji ba iyon at si helios Demitri? Hindi ko lang alam kung sino iyong other guy."
Natatawang wika niya sa akin. Mabilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi
sa akin ni Tamara. She knew! Alam na alam niya. Napatuwid ako ng upo at tinitigan siya.
Hindi ako makapaniwala. Alam niya!

"You know? How?" Nagtatakang tanong ko. Humagalkpak ng tawa si Tamara sa akin.
Napapailing na kinuha niya ang mac niya at may kung anong ini-type doon. Maya-maya ay
hinarap niya sa akin ang monitor.

Naroon ang larawan ng isang babaeng mukhang prinsesa. She was wearing an elegant
white wedding dress. May tiara pa siya sa ulo habang suot ang mahabang belo na iyon. On
her right stands a man that screams power. His green eyes were very dominating and green.
Parang nanunuot ang mga tingin niya sa akin - but despite the power of his eyes, kitang-kita
doon ang nagsusumigaw na pagmamahal niya sa babaeng katabi niya.

I don't believe in love and things like that but I can see it on them.

"Iyang kwento mo kasi ang headline ngayon. Trending siya. The girl who married his abuser.
Pero matagal na ang kaso. Nakalaya naman si Demitri - isinuko naman niya ang sarili niya
pero nakalaya siya - you know what money can do." Napangisi siya. Hindi ko maitago na
interesado ako sa naririnig ko. The woman seemed so in love with the man. Kung ganito ang
pagmamahal nila sa isa't-isa paano masasabi ni Zachary na minahal siya ng babaeng ito?

"Ano pang alam mo tungkol sa kanila?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat si Tamara.

"They survived the you and me against the world. And now they are living the happily ever
after."

Tinitigan ko ang mukha ng babaeng minahal ni Zachary. Napailing ako. Tumayo ako at saka
umalis ng opisina. Hindi ko alam kung anong iniisip ko pero kailangan kong puntahan si
Zach. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong ipaintindi sa kanya ang mga bagay -
bagay na hindi niya maintindihan. I need to make him see the things he's been trying to
block.

Narating ko ang New Line Records. Nakatayo lang ako sa lobby niyon. Naaalala ko ang
nangyari, ilang linggo na ang nakakaraan, iyong pagligtas niya sa akin sa may over pass at
ang muli niyang paghatak sa akin noong minsang sinubukan kong magpasagasa. Hindi
naman kasi ako nakakaramdam ng takot. I have experienced the most painful battle life can
ever imagine and I barely survived - I'm barely breathing now. Kung nakaya ko - kakayanin
din ni Zach.
Naagaw ang atensyon ko ng dalawang babaeng pumasok sa lobby nang mga oras na iyon.
They were both wearing dresses pero ang pinaka napansin ko ay ang babaeng may hawak
na green paper bag. She was smiling at the woman at her right. Pamilyar na pamilyar siya.
She turned her head on my side and that was when I realized who she was - si Yza
Consunji. Nandito na siya.

Napansin kong bumukas ang elevator sa gitna. Iniluwa naman noon si Zach. Their gazes
met. I suddenly felt that overwhelming Zach love feels for her. Napanganga ako. Hindi ko
alam kung anong naisip ko pero natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa kanya.

Hindi ako naniniwala sa chances, destiny o kung anuman. Naniniwala ako na ang mga
bagay sa mundo ay organisado. Nakaayos ayon sa kung ano dapat ang mangyari at hindi at
malamang sa oras na ito ay dapat talagang mangyari ang gagawin ko ---- bakit? Para
matupad ang manifest mission ko --- ang palayain si Zachary mula sa kanyang kalungkutan.

"Zach..." Tawag ko sa kanya. He wqs about to kiss her.

Naalala ko ang teacher ko noong grade seven sa araling panlipunan. She tackled about the
Cuban - American war and the American's mission --- iyong tinatawag nilang Manifest
Destiny.

At sa ngayon ang Manifest destiny ko ay ang palayain si Zach.Bago pa niya mahagkan ang
pisngi ni Yza ay kinuha ko ang balikat ni Zach. May pagtataka sa mukha niya.

I pulled him to kiss him fully on the mouth. Inulit-ulit ko na ginagawa ko ito para sa kanya.

I kissed hin as passionate as I could. He needs it...

7. Freedom
I stared at Ixara after the kiss that we shared. I don't have any idea why she did that but it
kinda messed up the vibe. Agad kong naalala si Yza na katayo nga pala sa aming harapan. I
looked at her - she was still there. She was eyeing us. May ngiti sa mga labi niya. Hindi ko
alam kung para saan, kung para kay X ba o para sa akin. Pinakatitigan niya si Ixara tapos ay
ngumiti siya kay Niki at sa akin.

"May pasalubong ako sa'yo, ZD." Masayang wika niya. Naramdaman kong ipinalupot sa akin
ni Ixara ang mga braso niya at nakipatitigan rin kay Yza. Parang wala lang naman sa kanya
ang mga nangyayari. Alam kong katangahan ang hilingin n asana ay makaramdam siya ng
selos. Alam ko naming hindi pero umaasa ako. I was so in love with her and until now, I was
hoping for her to still love me back pero sa tuwing makikita ko ang kaliwang kamay niya at
ang singsing na tanda na hindi na siya Malaya ay nagugunaw nang paulit-ulit ang mundo ko.

"Who is she?" Tanong bigla ni Nikita. I cleared my throat.

"Si Ixara, Niki. Yza, Niki... Ixara." Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo. Kinamayan ni Yza si X
at ganoon rin naman si Nikita. Matapos iyon ay ibinigay na ni Yza sa akin ang pasalubong
niya pagkatapos ay nagpaalam na muli siya. Dadaan pa daw sila kay Yto para ibigay naman
ang para sa kapatid niya.

Naiwan kami ni Ixara. I looked at her. Her pink hair was so bright it actually hurt my eyes.
Kumuot ang noo ko.

"You kissed me, in front of her! Why would you do that?"

"Nakita mo ba?" Tanong niya. "Ni hindi siya nagseselos. Why can't you just let go of her
memories?" Parang inis na inis na tanong niya. Hindi niya kasi ako naiintidihan. Sabagay
wala naming kahit na sinong makaintindi sa akin. Walang may alam ng pakiramdam ng
umaasa. Ako lang. Iyon na lang ang meron kami ni Yza, ipagwawalang-bahala ko pa ba?
Hindi ko siya kayang kalimutan. Iyon na iyon.

"Hindi ko siya kayang kalimutan." Inis na wika ko. Nilagpasan ko siya pero hinatak ako ni X
papaharap sa kanya. She shook her head.

"Kaya mo siyang kalimutan. Ayaw mo lang. Sabi nga ni Rico Blanco, kung gusto may paraan
kung ayaw palaging merong dahilan. Nagdadahilan ka lang. Alam mo hindi kita
maintindihan. There are millions of women in the world and yet you choose to let your
stupidity take over you. Zachary, maikli ang buhay, maraming taong malapit na ang
kamatayan and they're choosing life over sadness ikaw naman kabaligtaran. Kung
sasayangin moa ng buhay mo sa pagmumukmok, pwede bang ibigay mo na lang ang buhay
mo sa iba? 'Wag kang madamot!"
"Shut up!" Sigaw ko naman. "Ano bang pakialam mo sa akin? You're not even my friend and
yet you act like you know everything!" I walked away. Iniwan ko siya. Dala ko ang
pasalubong sa akin ni Yza. I went to my office and there I slowly opened the brown bag.
Inside I saw a glass globe with a little boy inside. Nakangiti iyong batang lalaki. Inalog ko
iyon at habang inaalog ko ay lumalabas ang isang salitang hindi ko inaasahang mababasa
ko.

Freedom.

Anong ibig sabihin noon? Was she trying to tell me something? Napangisi ako. Ano pa ng
aba? Bago siya umalis ay sinabi kong mahal ko siya - na hanggang ngayon ay siya pa rin.
Alam kong ibig niyang ibigay sa akin ang kalayaan ko. Tinatanggap ko naman iyon, hindi
lang ganoong kadaling gawin. Napakahirap kalimutan ni Yza Consunji. I remember back
then, Nikita kept on telling me that when someone falls for a Consunji, forgetting them isn't
always in the option - that once you love them, you are forever trap. I know that I just had to
break the cycle. But I don't know where to start.

Hawak ko pa rin ang glass globe nang pumasok si Gerd. He looked at me.

"Nag-text si Xander. Labas daw tayo mamaya. Inuman, ZD. Sama ka! Pampamanhid!"
Natatawang sabi niya. Tumingin ako sa kanya habang ibinababa ko sa table ang glass globe
na dala ni Yza.

"Anong oras?"

------------------------

"Bakit ba palagi kang nakasimangot, X?"


Tiningnan ko lang si Sister Andrea habang tinatapik ang baby na natutulog sa loob ng crib
sa harapan ko. The baby looked so peaceful. Mark ang pangalan niya. Bagong dating siya
sa Saint Therese orphanage. Ang sabi ni sister, iniwan lang daw ang baby sa labas ng
simbahan at wala naming kahit na sino ang bumalik para kunin siya kaya dinala na siya sa
ampunan. Madalas ako sa ampunan na iyon. Noong araw na iyon, matapos kong
makipag-away kay Zachary ay kina sister ako tumuloy. Matagal na rin naman kasi akong
hindi nakakadalaw sa kaniya. Huling dalaw ko ay noong bago mamatay si Ukiko or as I call
her U.

May cancer si U noon. She died at the age of twenty-four. Two years ago palang. Hanggang
ngayon nami-miss ko siya at kapag nangyayari iyon ay dumadalaw ako kina sister. Noong
bago kasi siya mamatay ay dito na siya nanirahan kasama ng ibang batang may cancer at
kung ano pang mga sakit. They took care of her until the last of her hair fell down. I
remember her dying with a sm,ile on her face. Her last words to me was - Be free, sissy.

Paminsan-minsan ay napapanigipan ko pa rin siya. Masaya kong iniisip na si U ang


guardian angel ko ngayon at kaya nandito pa ako ay dahil sa kanya. Nakipag-bargain siguro
siya kay Papa God. Natatawa ako kapag naiisip ko iyon.

"Wala naman sister. Naisip ko lang na may mga tao pala talagang sinasayang ang buhay.
There's this guy, mas gusto niya pa ang mamatay kesa kalimutan ang nakakasakit sa
kanya." I said to my nun friend. Tiningnan niya ako at saka ngumiti sa akin.

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa kanya?" Nabigla ako sa tanong niya. I suddenly


remembered my two years ago self. Iyong galit sa mundo dahil iniwan ako ni U. Iyong sarili
kong namuhi sa lahat ng lalaki nang lokohin ako si Segundo. Iyong sarili kong warak na
warak at dumating pa ako sap unto na sinasaktan ko ang sarili ko. I used to wound my arms
and let the blood gush out. Para bang sa tuwing gagawin koi yon ay nababawasan ang sakit.
Wala akong pakialam noon sa sarili ko. Ang alam ko lang kailangan kong mabuhay pero
hindi ko naman maiwasan ang kagustuhan kong mamatay na lang. Wala naman nang
kwenta noon ang buhay ko - I almost killed myself but then my mom saved me. Nakita ko
kung gaano siya nahirapan kaya pinilit kong mabuhay para sa kanya.

That was two years ago. Ayoko nang balikan ang sarili ko noon.
"Parang ganoon nga sister. Gusto ko, mabuhay siya. Gusto kong makita niya ang mga
bagay na itinatanggi ng mga mata niya. Sayang kasi sister." Malumanay na wika ko.
Napahawak ako sa pink kong buhok. Tumawa naman si sister sa akin.

"Amg buhay, X, parang buik mo lang iyan, hindi natin alam kung anong magiging kulay
bukas. Hayaan mong maging madilim ang buhay niya ngayon. Eventually, hahanap rin siya
ng liwanag.m Ipakita mo na lang na masaya ang mabuhay sa liwanag."

Napatango na lang ako. Umingit ang baby sa crib sa harapan ko. Kinarga ko siya. He's
awake now. Nakatingin lang siya sa akin. Again, I asked myself how can a little angel like
him be as sick as U? Tulad ni U ay may cancer ang bata. Napakahirap tanggapin na kung
sino pa ang mabubuti sa mundo, sila pa ang kinukuha. I silently asked you about the
bargain... Ano na kayang nangyari doon?

Alas sais nang hapon nang umalis ako sa ampunan. Ayoko pang umuwi. Tawag pa nang
tawag ang editor ko. Sa inis ko ay pinatayan ko siya ng phone at saka nagpatuloy sa
paglakad. Makulimlim ang paligid at hindi iyon dahil sa pa-gabi na. Sapalagay ko ay uulan.
Napangiti ako. Naalala ko ang kwento ni Lola sa akin noong bata pa ako, sabi niya may mga
kaluluwa na naghahanap ng soul mate kapag naulan. Naisip ko nab aka lumabas ang
kaluluwa ko ngayon para hanapin ang soul mate ko. Kapag naalala ko ang kwento niyang
iyon ay parang gusto kong muling maniwala sa pag-ibig pero ayoko, busy ako.

Natagpuan ko ang sarili kong pumapasok sa loob ng isang bar. Madilim doon - natural bar
diba? Marami nang tao. Sa gitna ay ang stage. Doon may sign na nakalagay na OPEN MIC
TONIGHT. Naupo ako sa bar sa harap ng bar tender at saka um-order ng isang shot ng
tequila.

"Maaga pa, ate." Sabi niya sa akin.

"May pagkakaiba ba kung mamayang gabi pa ako? Malalasing din ako kahit anong oras ko
inumin iyan, Kuya. Adik mo. Give me one!!!" Ibinuka ko pa ang mga kamay ko na parang
niyayakap siya tapos ay ngumisi. Napailing na lang siya at saka ginawa ang order ko. I took
one shot glass and drank it. Napangiwi ako nang maramdaman kong gumuhit iyon sa
lalamunan ko. I looked at the stage again. Tapos na yata silang mag-set up. Gusto kong
kumanta. Ilalabas ko lang ang frustration ko kay Zachary Drew. Muli ay tinungga ko ang shot
glass na hawak ko tapos ay nagpunta ako sa stage. I took the mic. Sinenyasan ko naman
ang dj. Tumango siya sa akin.

I cleared my throat before speaking: This is for that man who chose to die than be alive at
this very moment.

I closed my eyes and I started singing.

I know you're scared, I can feel it...

It's in the air, I know you feel that too,

But take a chance on me,

You won't regret it, no...

Hindi ko alam kung anong meron kay Zachary at ganito ako kaapektado sa kwento ng buhay
niya. I don't even know the details yet - ang alam ko lang, he is a broken man and he
needed some fixing. Ayaw niyang tulungan ang sarili niya kaya mas lalo siyang nahihirapan.
I wanted to set him free but how?

One more "no" and I'll believe you

I'll walk away and I will leave you be

And that's the last time you'll say no, say no to me...

It won't take me long to find another lover but I want you

I can't spent another minute getting over loving you...


I opened my eyes at para ba akong nababatu-balani nang makita ko si Zachary na nakatayo
sa harap ng stage at tinititigan ako. There was something in his eyes that I can't seem to
figure out but it was full of intensity and I felt a bit scared. He grinned. Tumaas din siya sa
stage at hindi na ako pinatapos kumanta. Kinuha niya ang kamay ko at saka hinatak ako
pababa doon. Wala akong nagawa kundi ang sumama. He was holding me very tight.
Nakalabas kami ng bar at isinakay niya ako sa kanyang kotse. He drove fast. Not another
moment later, huminto kami sa isang lugar kung saan may puno, may isang poste at
paglabas ko ng kotse ay puro ilaw mula sa city lang nakikita ko. I looked at him.

"You said that you wanna set me free? How, X?" He asked me in a tone that sent shivers to
my spine.

"I don't know how too." Sabi ko sa kanya. Bigla niya akong hinarap. He pulled me closer and
tilted my head. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko ko. I kissed him
back. Para bang gutom na gutom siya sa paraan ng paghalik niya sa akin. Na para bang sa
pamamagitan ng mga halik na iyon ay mabubuhay siyang muli. Natagpuan ko na lang ang
sarili kong ipinapalupot ang mga kamay ko sa leeg niya. Matagal ang halik, nakakapaso,
nakakatunaw, nakakapanghina ng tuhod.

Maya-maya ay kumalas siya. "You make my heart beat fast, Ixara. Ano bang meron ka?"

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Gusto ko rin naming malaman kung anong
meron siya na hindi ko maiwan at basta makalimutan. Tiningnan ko siya sa mga mata. Iba
na ang nakikita ko doon. I smiled at him.

"Be free, Zach... Be free."


***Song used: My heart is open

by: Maroon 5

8. Yza's box
I am smiling.

Kung para saan at kung dahil kanino ay hindi ko alam. Basta natahpuan ko na lamang ang
sarili ko na nakangiti noong umagang iyon. Tinalo ko pa yata ang moving on process ni
Nikita. Hindi ko naman sinasabi na naka-move on na ako. Mahirap gawin iyon. Minsan ay
narinig ko na hindi naman talaga nakakamove on ang tao, nasasanay lang siya sa mga
bagay na nawala na sa buhay niya. Iyon ang hindi ko maintindihan sa sarili ko--- kung bakit
sa tagal na naming wala ni Yza ay hindi pa rin ako makawala sa kanya. Bakit nga ba hindi
ako masanay nang wala siya? I just sighed.

I sat up. Naupo lang ako sa gitna ng kama ko habang dinadama ang ngiti sa labi ko. Its been
so long since I felt like this --- the last time was when I wake up next to Yza before she was
kidnappes by her husbansd now. Napailing ako. Heto na naman ako. Iniisip ko na naman
siya. Kailangan ko na talagang tigilan ang pag-iisip sa kanya.

Bumaba ako ng kama at saka nagshower. Habang nasa ilalim ng dutsa ay iniisip ko ang
mga bagay na gagawin ko para sa araw na ito. Pero walang kahit na anong pumapasok sa
isipan ko kundi si X. I was actually.thinking about how right she was. I really need this. I
really need to move on. She was right. Ang kasalanan ko lang yata ay ang sobrang
pagmamahal sa kanya.

Matapos maligo ay tinawagan ko si Xander at pinapunta siya sa unit ko. Hindi naman
nagtagal ay dumating siya. May dala siyang beer at pop corn.

"Bawal akong uminom dahil may laro kami bukas pero dadamayan kita, ZD." Mabilis na wika
niya. Napailing lang ako. Pinatuloy ko siya sa loob ng unit ko tapos ay isinara ko ang pinto.
He looked so worried and I appreciate that. After all that we have been through -- si Xander
pa rin ang best friend ko. Well, Yto is my best friend but he is a family man now. Medyo busy
rin siya ngayon sa trabaho. Isa pa iniiwasan ko siya dahil na rin aa koneksyon niya kay Yza.
Naisip ko noon na dapay na akong lumayo sa mga bagay at taong makapagpapaalala sa
akin sa kanya. Pero kahit na among paglayo ko ay lumalapit pa rin siya sa akin. Isa pa ay
mahal ko talaga siya.

Nakakasawa na ang pagmamahal ko sa kanya but I just couldn't let her go.

"Tang ina mo, Xander, hindi tayo mag-iinom. Tutulungan mo akong itapon ang mga bagay
na nakapagpapaaalala sa akib sa kanya. I wanna be free." Natulala si Xander pero agad din
siyang ngumisi sa akin.
"Okay. Saan tayo mag-start?" He asked. Ibinaba niya ang dala niyang alak at saka sumunod
sa akin. I was feeling a bit light headed. Pumasok kami sa silid ko at doon kami nagsimula.
Binuksan ko ang closet ko at inisa-isa ang mga bagay na bigay sa akin ni Yza.

Matagal nang nakabox iyon --- hindi ko lang maitapon. Kinuha ko iyon at bumalik sa
bedroom --- nakita ko si Xander na may kausap sa phone.

"Pupunta daw si Glen dito." Mabilis niyang sabi niya. Glenise is a friend of ours. Anak siya
ng kabanda ng tatay ni Xander. Tumango na lang ako. I took the box to the living room. Si
Xander naman ay nagbukaa ng beer at ibinigay iyon sa akin. I drank it while sorting things
out.

"Binili ka ni Yza ng match box ng mini cooper mo?" Tanong ni Xander habang hawak iyon.

"She had it made." Proud na wika ko. "Do you believe that a thing that small cost a fortune."
Napapailing na wika ko.

"Tang na! Akin na lang ibebenta ko!" Natatawang sabi niya sa akin. Kinuha ko iyon at saka
inlagay sa basurahan kung saan matagal nang dapat naroon ang mga bigay niya sa akiin. I
was actaully thinking of giving it back to her pero naisip ko na baka patayin ako ni Helios
Demitri. I sighed again. Kapag naaalala ko kung paano niya nakuha si Yza ay nagagalit ako
- but when I remember the way he looked at her back at their wedding - naisip ko na
talagang mahalo ni Helios si Yza. Mali man ang paraan kung paano sila nagkasama - kung
paano ako nasaktan - naisip ko na baka, baka talagang sila ang para sa isa't-isa.

"Ano pa, ZD?" Tanong pa niya sa akin . Halos lahat ng gamit ko na may alaala ni Yza ay
inilalagay ko sa malaking kahon. Ayoko nang mabuhay sa alaala. Matagl ko na itong dapat
ginawa. Kung noon pa ay mas napadali siguro ang pag-move on ko, pero sadyang
napakahirap kalkimutan ng pagmamahal ko para sa kanya.

Napatingin kami ni Xander nang tumunog ang doorbell ng unit ko. Ako na ang nagbukas -
doon bumingad sa akin si Glenise - she is Lukas Anton's only sister. She flashed her
sweetest smile at me tapos kinindatan pa ako.

"Good morning, ZD. I brought you coffee - walamng sugar kasi bawal sa voice mo."
Tumingkayad pa siya para hagkan ako sa pisngi. Nagtuloy na siya papasok sa loob at
naupo sa isa sa mga sofa ko. Xander was looking at her. Glenise was wearing a preppy
dress and there was a cute ribbon on her hair. She was looking very pretty. Nagsalita si
Xander.

"Glen, hindi ka masyadong naghanda. Magtatapon lang tayo ng basura naka-dress ka pa.
Hindi pa rin pwede si Zach, taken pa ang puso niya."

Natawa ako nang malakas nang marinig ko ang sinabi ni Xander. Namula ang mukha ni
Glen habang nakaupo doon. Matagal ko naman nang alam na gusto niya ako pero hindi ko
pinapansin. She was just one of those people I treat as one of my closest friends. Kung
sabagay, lahat naman ng neonites at pastelletes eh pamilya na ang tingin ko sa kanya.

"Hmp! Nakakainis ka Xander! Sana matalo ka sa game mo bukas!' Sabi pa niya. Umiling na
lang si Xander. "Ano bang ginagawa ninyo?" Tanong niya pa. Ipinaliwanag ni Xander kung
ano ang ginagawa namin. Tumulong si Glen pero patuloy pa rin si Xander sa pang-aasar sa
kanya. Hindi naman ako kumikibo. Habang nasa kalagitnaan ng pagtatapon ng mga alaala
ni Yza ay muli na namang tumunog ang doorbell ko. I walked towards the door and opened
it.

"Hey, Zachary." It was X. She was standing outside my door. Napataas ang kilay ko.
Kahapon lang ay violet ang buhok niya, ngayon ay orange na - neon orange. I was really
shocked. Bagay naman sa kanya iyon. Kaya lang it's very odd. Para siyang kapatid ni
McDonald.

"What happened to your hair?" I asked her.

"Pinalitan ko. DInalan kita ng patola. Iluto mo." Nagtuloy-tuloy siya sa loob ng bahay ko.
Nakita siya nila Xander. I guess they were shocked when they saw her - lalo na si Glen.

"Dude, si X. X si Xander best friend ko at si Glen, kababata namin." Pakilala ko. X smiled at
Xander.

"Mendoza. OCHO." She said. Kinamayan niya si Xander at saka hinipo sa buhok. "Ang
angas mo sa field. Minsan try mo mag-share ng bola para hindi kayo natatalo." Sabi niya pa,
dirediretso. Walang pakundangan. Natawa ako sa sinabi niya. May ugali na ganoon si
Xander - swapang sa field pero naipapanalo naman niya ang laban. Pero nakakainis iyon
kung teammate mo siya.

"Anong meron?" Tanong niya pa.

"I'm throwing Yza's things away." Wika ko. Mukhang natigilan siya sa narinig. I was smiling
at her again. She was smiling back. Hindi ko alam kung naiintidihan niya ang iniisip ko pero
hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa kung anong meron sa kanya at nadala niya
ako sa lugar na kinatatayuan ako ngayon.

X makes me want to move on and I am doing it for her. It was as if that she was guiding me.
She's my star - my Polaris.

"Okay, tutulong ako!" She even volunteered. Muli na naman kaming nagsimula. I was
serious on throwing things away. Sa bawat bagay na bigay sa akin ni Yza ay naaalala ko
ang lugar at okasyon kung bakit niya ibinigay iyon sa akin. Mahirap, masakit pero hindi ko na
ititigil ito. Masyado nang mahaba ang panahon na naging tanga ako.

Matapos ang halos isang oras ay natapos kami. I was looking at X as she sorted my
notebooks out. Inakbayan naman ako ni Xander.
"Mula kay Yza papunta diyan? Pre, orange ang buhok!"

"Yesterday, it was purple. Bagay nga sa kanya. Plus, she kisses good."

Nanlaki ang mata ni Xander habang nakatingin sa akin.

"Puta, Zach! Martir ka magmahal pero ang tinik mo sa chicks!" Napapailing na binatukan
niya ako. Nilapitan ko si X.

"Saan mo tatapon ito. Zach?" She asked me. "Pwede itong paanod sa dagat o kaya man
ibigay sa mga bata sa orphanage iyong iba. Bakit?" Bigla siyang natigilan sa pagtingin sa
akin.

"Sa Subic. Doon ko itatapon." Wika ko. "Samahan mo ako ha." Tango na lang ang naisagot
niya. I just smiled. I will forget Yza - hook or by crook, I will forget her.

-----------------------

"Zach! Tingnan mo iyong bundok! Hugis boobs!"

Natawa ako habang nakasilip sa labas ng bintana ng mini cooper ni Zach. He was driving.
Nasa likod ng sasakyan ang mga gamit na itatapo niya sa dagat sa Subic. Hindi ko nga alam
kung bakit doon niya pa naisip na magpunta, masyadong malayo pero nag-eenjoy naman
ako sa byahe namin. Naiwan ang mga kaibigan niya sa Metro. They let us have our own
private moment. Napangisi ako. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin basta
alam ko lang gusto ko siyang makasama. May kinalaman pa rin siguro dito ang huling
librong isusulat ko. Seryoso ako na gutso ko siyang palayain, seryoso ako na gusto kong
isulat ang kwento niya dahil iyon na lang ang natatanging paraang alam ko para makalaya
siya mula sa alaala ng babaeng minsan ay minahal niya.

"Oo nga ano, ang galing!" Nakatawa ring wika niya. Nasa SCTEX palang kami nang mga
panahong iyon. His ipod was playing a bettle song - FOR NO ONE and he seemed to really
like the song. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung sigurado na ba siyang kakalimutan
na niya si Yza pero ayokong marinig dahil ayokong masaktan na naman para sa kanya.
Hindi nagtagal ay napasok na namin ang siyudad ng Subic. Maganda at malinis ang lugar -
mula sa hi-way ay tanaw na tanaw ko ang asul na dagat. Napahawak ako sa buhok ko. Bigla
na naman akong nakadama ng kung anong kahugkangan sa puso ko.

"Hanggang kailan mo makikita ang lahat ng ito, Ixara?"

Huminga ako nang napakalalim. Sabi nga ni U sa akin noong buhay pa siya I should enjoy
things while it lasts.

Ilang minuto pa ang itinagal ng byahe namin bago kami makarating sa Subic port. May mga
tao doon. Napansin kong maraming Koreano pero mas gwapo talaga si Lee Min Ho sa
kanilang lahat. Habang naglalakas kami ay palinga-linga si Zach. Napansin ko na
pinagtitinginan kami pero patuloy lang kami sa paglakad. Wala pa man ay nakakadama na
ako ng kasiyahan para sa kanya. He was willing to move on and I am willing to help him.

Nang marating namin ang dalampasigan ay ibinaba ni Zach doon ang malaking box na dala
niya. He looked at me.

"Ready?" He asked me. I nodded. Ipinanod niya ang box sa dagat. Habang papalayo iyon ay
nanatili kaming nakatayo sa lugar kung saan kitang-kita namin ang kahon. Tahimik kong
dinadasal na sana, sana kasabay ng paglayo ng box na iyon ay ang paglaya ni Zach mula
sa masasakit na alaala ng kanyang kahapon. I want to see him happy.

"X..." He called me. I just stayed still. "I only realized this earlier." Wika niya pa.
Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. "Pero bakit ang dami mong pasa sa
braso?" He asked. Napaawang ang labi ko. Napatingin na rin ako sa braso kong hawak niya.
Hindi ko napansin iyon. Hindi ako nakapag-long sleeves. Binawi ko ang braso ko.

"Wala. Nabunggo lang ako kahapon sa jeep. Masaya ako para sa'yo!" Wika ko pa. Matagal
niya lang akong tiningnan at saka ngumiti.

"Masaya din ako. Kaunti na lang,.."

9. Bumalik ka na
"Hi, Ixara."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang makita ko ang tatay ko na nakaupo
sa sala ng bahay namin na may dalang kung anu-ano. Tiningnan ko si Mama. Nakatayo
naman siya sa may hagdanan habang nakangiti rin sa akin. I wanted to yell at her. Bakit
pinapasok niya sa bahay namin ang lalaking nang-iwan sa amin noong mga panahong
kailangan namin siya? Galit ako sa kanya dahil noong panahong naghihirap si U sa sakit
niya ay nagawa pa ni Papa na mambabae. Sinaktan niya ang pamilya namin. Sinaktan niya
ako. I was a daddy's girl. I had always looked up to him pero niloko niya kami ni Mama.
Sumama siya sa nanay ng best friend ko. Pati ang pinakamatalik kong kaibigan ay nawala
sa akin. Matapos kasi iyon ay hindi na kami nag-usap na dalawa. I can forgive her - labas
naman kami sa usap ng mga magulang ko pero siya, itinataboy niya ako.

At napakasakit. Sa akin niya sinsisi ang pagkasira ng pamilya niya. Sa akin niya isinisisi ang
mga bagay na wala naman akong kinalaman. Noong mga panahon na iyon ang kailangan
ko sana ay kaibigan at kapatid na magpapagaan ng loob ko. Para ko na kasi siyang pamilya.
Alam niya ang lahat sa akin pero noong panahon na kailangan ko siya at pakiramdam ko ay
nag-iisa ako, itinaboy niya ako. She kept on saying na bahala ako. I needed her because of
the pain my father gave me. I didn't want to be alone and yet she left me hanging and I was
hurt. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko si Danielle. Naiintindihan ko siya. Maybe she
was feeling tired of having a friend like me. I was a handful. I was full of BS. I am a good for
nothing bitch back the. Si Danielle lang naman ang nakakatiis sa ugali na meron ako. We
were living in a perfect harmony but my father had to ruin it.

Naisip ko na baka ginawa niya lang iyon dahil mahal niya ako pero nasasaktan ako. I didn't
want to be alone Alam kong babalik siya, kahit na matagal na panahon na ngayon alam
kong babalikan niya ako. Danielle never let me down. Maybe she was just buying time. I let
her be. I cried and cried for months. Mas masakit pala ang mawalan ng matalik na kaibigan
kaysa sa minamahal. Nawala sa akin noon ang lalaking nanloko sa akin,ang lalaking
pinagbigyan ko ng lahat pero nang mawala sa akin si Danielle - my best friend - it was the
most painful thing - mas masakit pa kaysa sa pagkawala ni Papa.

Mula noon, hindi na ako nakipagkaibigan. I became a loner. I have other friends but I didn't
want to mingle with them because they're not like Danielle. Hindi nila ako maintidihan. Hindi
nila maibigay ang gusto ko. I wanted to be happy but without my best girl - hindi ko kaya.
Naalala ko noon, madalas kaming mapagkamalng mag-syota. Nagtatawanan lang kami
kapag ganoon, pero lahat iyon ay nawala...

I hated my father for putting me in this kind of situation.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Ma, bakit mo siya pinapasok? Ayoko
siyang makita."

"Ixara, panahon na siguro para patawarin mo ang papa mo."

"Patawarin? Matapos ng ginawa niya?" Naiinis na sabi ko. I was feeling uneasy. Ayoko
talaga siyang makita. Iniwan niya ako at dahil sa kanya maraming nawala sa akin.

"Anak, binili ko lahat ng libro mo." Nakangiti pa ring wika niya sa akin.

"Wala akong pakialam. Umalis ka." Malamig na wika ko. Kapag nakikita ko si Papa ay
bumabalik sa akin ang lahat ng nawala sa akin. Ang pamilyang pinaniwalaan kong masaya,
si U, si Danielle at ang paniniwala ko sa pagmamahal. Kung siya nga na ama ko, hindi ako
kayang mahalin, iyong ibang tao pa kaya? Kaya siguro ako iniiwan at niloloko ng lahat dahil
sa ugali ko - dahil kaiwan-iwan ako. Dahil wala akong kwenta.

"Ixara..." Tawag niya sa akin.

"Umalis ka na. Bumalik ka na lang sa burol ko." I walked out and went inside my room. May
mga bagay at tao talaga na hindi kayang mapatawad ng kahit na sino, sa sitwasyon ko, ang
Papa ko ang hindi ko kahit kailan mapapatawad - kahit na bumalik pa siya nang paulit-ulit sa
buhay ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

I sat in the middle of my bed and took that one pillow Danielle gave to me. Suddenly, I
wished for her to be with me. Kung nandito lang siya, things would be different. I cried. I let
my tears fall - all of it. Hanggang ngayon ay umaasa ako na babalik sa akin ang best friend
ko - sana lang sa mas mabilis na panahon pa - sana hindi sa burol ko.
Pinahid ko ang luha ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang numero
ni Zach. Sinagot ko iyon. Kababalik lang namin galing ng Subic. Kahit ayoko ay napangiti
ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko. I answered that.

"Hello," Wika ko sa kabilang linya. I heard him sigh.

"Hi, X. Pwede ka pa ba ngayon? Kailangan ko ng kausap. Kung pwede, puntahan mo ako sa


dating lugar."

Alam ko iyon. Doon iyon sa bakanteng lote kung saan niya ako dinala noong gusto kong
maramdaman kung paano masagasaan. Agad akong nag-ayos ng aking sarili at saka
bumaba. Hindi ko na nadatnan si Papa sa sala pero naririnig ko ang bulungan nila ni Mama.
Mapapatawad ko siya, sa oras na magka-ayos kami ni Danielle, pero sa estado ngayon,
hindi na kami magkakaayos, masyado na siyang malayo. Maraming what if sa isipan ko.
Paano kung hindi sumama si Papa sa Nanay niya? Siguro hindi ako ganito kalungkot.

Lumabas ako ng bahay at saka sumakay ng taxi. Hindi na ako nagpaalam dahil ayoko
talagang makita ang tatay ko. Hindi naman nagtagal ay narating ko ang lugar na sinasabi ni
Zachary Drew. Bumaba ako ng taxi at lumakad patungo sa kanya. Nakatalikod siya sa akin.
Napansin kong umiinom siya ng alak. Sinutsutan ko siya.

"Pssst!" Natatawang sabi ko. Tinigasan ko ang loob ko. Hindi ako pwedeng manghina sa
harapan ng isa pang nangangailangan ng lakas ng loob na tulad ko. "Gabi na, ah. Di ka ba
napagod?" Tumabi ako sa kanya. Nakita ko ang isang kulay asul na gitara sa tabi niya.
Mukhang luma na iyon.

"Ano iyan?"

"This?" He said. Kinuha niya ang gitara at inilapit iyon sa akin. "This is my favorite guitar. Si
ZanyJao. I wrote most of my songs using her."

"You refer to that thing as her?" Natawa ako. Baliw ang musikerong ito.

"ZanyJao is anagram for Yza Joan." Wika niya pa - napasinghap ako. "Akala ko naitapon ko
na lahat, pag-uwi ko sa bahay, nakita ko ito. Bumalik na naman lahat ng sakit. Ayoko nang
masaktan kaya dinala ko ito dito. I tried throwing it to the cliff pero hindi ko mabitawan. That's
why I summoned you." Binalingan niya ako.

He smiled. "Ixara, tulungan mo akong makalimutan ang sakit. Make me move, Ixara. I need
you..."

Hindi ko alam kung bakit ako napaluha sa mga sinabi niya sa akin. I just smiled at him.
Kinuha ko ang gitara.

"Sisirain mo ito."
"Hindi ko kaya." Binatukan ko siya.

"Kaya mo!" Sabi ko pa. "Kaya mo! Isipin mo na ito si Yza. Sabihin mo sa kanya lahat ng
gusto mong sabihin sa kanya. Let her hear what you have to say and wreck it! Masama man
pero isipin mo na siya ito at pinaparamdam mo sa kanya ang sakit na nararamdaman mo!"
Nakita kong nanginginig ang kamay niya na kinuha ang asul na gitara mula sa kamay ko.
Lumayo siya nang bahagya. Tumapat siya sa bato sa harapan naming dalawa at nilingon
ako.

"Gawin mo para sa sarili mo, Zachary. Anger is good." I smiled at him. Itinaas niya sa ere
ang gitara na iyon at saka inihampas sa bato. Sinabayan din niya iyon ng pagsigaw.

"I LOVED YOU! YOU WERE MY WORLD BUT YOU JUST HAD TO BREAK MY HEART!
FUCK BEING A CONSUNJI! FUCK YOU, YZA! HINDI AKO KAHIT KAILAN NAGING
SAPAT! I WAS MAN ENOUGH TO STAND BY YOUR SIDE! I WAS MAN ENOUGHT TO
LOVE YOU! I COULD GIVE YOU THE WORLD! THE WHOLE WORLD! I COULD BE LIKE
THAT MAN YOU CHOSE! YOU'RE A FUCKING BITCH! I LOVED YOU AND YET----"

Nasira ang gitara. Wala nang natira doon kundi pira-piraso nang kung ano iyon noon.
Nilapitan ko si Zach at saka niyakap siya mula sa likuran.

"Kalma na, Zachary. Nandito ako. Hindi kita iiwan. Even if you push me away, I'd still be here
with you. Kalma na. Bumalik ka na... Bumalik ka..."

10. Unti - unti


I feel a lot better.

Iyon ang naisip ko habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin matapos kong maligo.
Ngayon lang yata ako nagising nang walang kung anong mabigat sa dibdib. Pagkatapos
nang halos anim na taon ngayon lang ulit ako gumising nang may ngiti sa labi. At sa tingin
ko lahat ng ito ay dahil kay Ixara. She was an angel sent by God to guide me through my
moving on process. Sa tingin ko, siya lang talaga ang kailangan ko para makagalaw ako.
Mula kasi nang dumating siya sa buhay ko - walang araw na hindi ako napapalayo kay Yza -
isang bagay na matagal ko na dapat ginawa.

She's making me see things in a clearer perspective. Alam niya rin kung ano ang nasa puso
at isipan ko. I sighed. Noon ko lang naisip na wala pala akong alam tungkol sa kanya
maliban na lang sa writer siya at gusto niyang isulat ang kwento namin ni Yza. I smiled at
myself. Naisip ko na ngayong araw ay kikilalanin ko ang babaeng iyon. I'll make sure that I'll
know something about her, be it anything.

Nagbihis ako tapos ay tinawagan ko siya. Hindi siya sumasagot kaya naisip kong puntahan
siya, Ang problema ay hindi ko nga pala alam kung saan siya nakatira at wala akong kakilala
na kakilala niya kaya paano ko siya ngayon hahanapin? I shook my head. Lumabas pa rin
ako ng bahay. Sabado niyon at tumawag ako sa opisina at sinabi ko kay Gerd na hindi muna
ako pupunta sa opisina. Habang papunta sa parking lot ay naisip kong magpunta sa presinto
dahil alam kong may record si X doon. It was kinda funny. Ano kaya ang sasabihin ng mga
pulis sa akin kapag nagpunta ako doon.

Sumakay ako sa kotse at saka nagmaneho patungo sa direksyon ng presinto. Nang


dumating ako doon ay parang agad nila akong namukhaan.

"Ikaw iyong boyfriend ni Pula ano!" Natatawang sabi nila. Umiling ako.

"Boss, hindi niya po ako boyfriend pero kakilala niya ako. Gusto ko lang malaman kung
pwede ninyong sabihin sa akin kung saan siya nakatira. Emergency lang po."

Matagal niya akong tinitigan. Para bang iniisip niya kung ibibigay niya ba sa akin o hindi sa
huli ay ngumisi siya at saka kumuha ng papel at bolpen at nagsulat doon. Matapos iyon ay
ibinigay niya sa akin ang papel na iyon at doon nakita ko ang address ni X. He smiled at me.

"Galingan mo sa panliligaw mo, bata."

Nagpasalamat ako at saka lumabas ng presinto. I was looking at her address. I am really
excited to see her. I wanted to know more about her because I wanted to know the person
deep insde her. It was kinda unfair for she knows what I really feel inside and yet I didn't had
any idea about what she was thinking.

Nahirapan akong hanapin ang bahay niya. It was located at a certain village on the south.
Malayo ang ipinagmaneho ko para lang makita siya at nang sa wakas ay huminto ang kotse
ko sa harapan ng bahay nila ay hindi na maalis ang ngiti ko. Nasa siyudad pa rin ako pero
liblib ang lugar na ito.

I stood in front of their house. Napakaganda ng lawn nila. Kakaiba ang kulay ng bahay nila -
parang si X - tatlo ang kulay ng bahay nila. Pink, blue at kulay pula. Ang front door nila ay
orange. Napailing ako.

Weird, Para bang tulad ng buhok niya ang bahay nila.

Pinindot ko ang doorbell. Hindi nagtagal ay may lumabas na isang babaeng nasa late fifties
na at ngiting-ngiti sa akin.

"Good afternoon po." Winika ko. Binuksan niya ang gate at ngitian ako lalo. "Nandyan po ba
si X? Kaibigan niya po ako."

"Kaibigan ka ni Ixara ko? Ay naku halika at pumasok ka!" Natatawang sabi niya. Hinawakan
niya pa ang kamay ko tapos ay hinatak ako papasok. Hindi ko alam kung bakit
masyang-masaya ang babae habang papasok kami. Para bang walang kahit na sino ang
dumadalaw sa anak niya kaya ganoon na lang siya sa akin.
We entered the house. I was greeted again by an odd air. Para bang lahat sa paligid ni Ixara
ay may kalakip na kawirduhan.

"Umupo ka." Wika sa akin ng babae. Sa tingin ko ay nanay niya iyon. I was just smiling.
Napatitig ako sa mga litrato sa paligid. May isang larawan doon ni Ixara - itim ang buhok
niya tapos ay may kasama siyang babae. Magkayakap sila. Another one is of her and a man
in his fifties. Napansin siguro ng mama niya na nakatingin ako sa litrartong iyon.

"Iyan si Julio. Step father ni Ixara. I married him when X is three and since then they are
inseparable pero wala nganga permanente sa mundo." She just said. "Naku, teka tatawagin
ko si X. Sigurado ako na matutuwa siya kapag nakita ka niya." Tumango na lang ako.
Umakyat siya sa itaas at naiwan ako doong mag-isa. Things around me screams Ixara - ang
wirdo. May isang figurine doon ng clown na umiiyak pero may hawak na kutsilyo na para
bang sasaksakin ka anuman ang mangyari. It was weird. Maraming clowns na figurine doon.
Naisip ko na baka mahilig siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bigla na lamang akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko
ang tinig niya. She was wearing a blue short shorts and a pink shirt. Blonde naman siya
ngayon. I wonder kung hindi nasisira ang buhok niya - halos araw - araw na makita ko siya
ay iba ang kulay ng buhok niya.

"Wala lang. Na-miss kita, yata?" Biro ko. She made a face. Nahalata ko ang malamlam
niyang mga mata at ang maiitim na mga bilog sa ilalim niyon. I wanted to ask her if she was
getting enough sleep. She looked thinner.

"Okay, fine." Sabi ko. "I wanted to know more about you, X. I wanted to ask you out kaya
nandito ako. Diba tutulungan mo ako sa moving on ko." Wika ko pa. She stood stiil.
Magka-ekis ang kanyang mga kamay at titig na titig sa akin.

"You wanna go to the park?" Biglaang tanong niya. Napatango lang ako. "Ma, aalis lang ako.
Huwag niyong papasukin ang dati ninyong asawa!" Bilin niya pa. Kinuha niya ang kamay ko
at saka naglakad kami palabas. She was smiling now. Akala ko galit siya kanina nang
magpunta ako pero hindi naman pala.

"Kumain ka na ba?' Tanong niya.

"Hindi pa. Bakit?"

"Ako din. Punta tayo sa club house gusto ko ng sandwich." She was smiling at me. Hindi ako
mapalagay sa mga ngiti niya pero binalewala ko na lang. Narating namin ang club house
tapos ay doon na kami kumain. She was bubbly. Hindi ko alam kung bakit - siguro kasi ay
hindi ako sanay sa ginagawa niya pero hinayaan ko na lang. Nagugustuhan ko naman ang
side na ito na Ixara. She was really different from the other times we had been together.
Inaasikaso niya rin ako sa pagkain. Bagay na walang gumagawa maliban na lang kay Yana
o sa mama ko. Matapos iyon ay nagpunta kami sa mismong park. May mga batang
naglalaro ng bola doon. They seemed to know Ixara dahil tinawag nila siya. Maya-maya ay
nakikipaglaro na si X sa kanila habang ako ay pinanonood sila. Tinawag na rin naman niya
ako. We palyed with the kids. Batuhang bola ang laro. Binabato ako ni X sa mukha - alam
kong sinasadya niya pero ayos lang naman. She was laughing so hard.

Hindi nagtagal ay napagod ang mga bata.Nagpunta naman kami ni X sa swing at doon kami
nagkwentuhan. Sinisimulan kong sabihin sa kanya ang nangayari sa amin ni Yza - mataman
naman siyang nakikinig.

"Akala ko kami na eh. I even..." Sighed. "I made love to her to prove to her that I was man
enough but still she chose him."

"Sigurado naman ako na marami ding nag-akala na kayo at nasaktan nang malaman na
hindi kayo. Sigurado din ako na hanggang ngayon may nasasaktan sa tuwing nalalaman o
nababasa nila na ang kalakip ng pangalan ni Yza ay hindi ang pangalan mo."

Hindi ako nakakibo.

"But we all have to move on, Zach. Nagagawa mo na. Huwag ka nang bumalik sa lugar na
pinag-iwanan niya sa'yo dahil kahit gaano ka katagal doon - wala nang babalik para sa'yo."

Tumango na lamang ako. Alam ko namang tama siya. Tapos na rin naman akong
magpakatanga kay Yza. Napapagod din naman ako at nang makilala ko siya doon ko naisip
na pagod na talaga ako. Kung anu-ano pa ang napagkwentuhan naming dalawa. She was
laughing. Nakakatuwang marinig ang mga tawa ni Ixara.

Matapos iyon ay niyaya niya akong umakyat sa tangke ng village nila kung saan kita ang
lahat. Palubog na ang araw niyon. We are both looking at the sun. Nang tingnan ko siya ay
ganoon na naman ang reaksyon ng mukha niya. Poker faced.

"X... pwede bang maulit ito? I had a good time today."

"Ano ba ito sa'yo, Zach?" TAnong niya sa akin.

"Date." MAbilis kong sagot. Iyon naman ang totoo. I came here to ask her out on a date and
what we did the whole day - iyon ang ginagawa ng mga taong nagdedate. She sighed.
Humarap siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya ang t-shirt niya pagkatapos
ay tiningnan ako. She was only wearing her bra.

"Bakit sa tingin mo iba-iba ang kulay ng buhok ko?" Tanong niya sa akin. I shook my head.
Saan ba ito papunta?

'You like hair colors a lot? I don't know. Put your clothes on!" I hissed.
Hindi siya sumunod. She unclaspped her bra. Napaawang lang ang labi ko. Hindi ako
tumingin sa dibdib niya kundi sa mga mata niya.

"Gusto mo akong makilala diba?" She asked. "Look at me, Zach. Look at my body."
Pinipigilan ko pero hindi ko magawa. I was intrigue.

I did. I slowly turned my eyes down to her neck to her breast?

She only had one breast. Nakita kong nalaglag ang isang kulay blonde na bagay. I looked at
her. She had no hair.

"You asked me once if I was dying. Ang sabi ko, I am taking a break. Remission ang tawag
nila doon, Zach. Ako si Ixara, Zach. Ito ako. And I'm taking a break from dying."

11. Closure
I couldn't sleep that night. Parang pelikulang bumabalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina
habang kasama ko si Ixara. Hindi ko ito makalimutan. Dumating pa sap unto na
napaniginipan ko siya nang subukin kong matulog kanina. Hindi ko na alam kung anong
oras na ngayon - mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Nakikita ko siya na para bang
nasa harapan ko lang siya ngunit hindi ko siya mahawakan. I realized so many things just
because of what she told me. Here I'm trying to fight life and there she was trying to fight for
life. Naisip ko rin na napaka-unfair ng buhay. Paanong ang mga mabubuting tao sa
kapaligiran ay napaparusahan ng ganito? Hindi ko man matagal nakasama nsi Ixara pero
alam ko na mabuti siyang tao - she won't try to help me if she's not a good person. Sa lahat
ng nasa paligid ko siya lang ang naglakas ng loob para pakialaman ako and if it weren't for
her, I wouldn't know what I'm missing in life and I won't be able to move.

Here I am stuck where Yza left me. Napakatanga ko. Bakit ko hinayaan ang sarili ko sa
ganito? Halos dekada na akong nagpapakatanga at naghihintay, bakit ba hindi ako
makaalis? Galit nag alit ako sa sarili ko. Ang tagal - tagal kong nagpakatanga. Huminga ako
nang malalim at saka tumayo. Tiningnan kong muli ang oras, ilang minute na lang ay sisikat
na ang araw - this is the hardest part of my day - the dawn. Sa oras na ito nawala sa akin si
Yza pitong taon na ang nakakaraan. Inihatid ko siya sa kanila and that was the last moment
I was with her as her boyfriend but after that - the moment she got out of the car, she was
Helios'. I lost her. And I hated the dawn for that.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ako ng bahay. I drove my car. Noong una ay hindi ko
alam kung saan ako papunta, but I found myself driving to a very familiar direction. It's
four-thirty in the morning and I'm driving towards that hill where I can find a very big glass
house. I need to settle things - I need to settle this once and for all. Habang nagmamaneho
ay inaalala ko pa rin si Ixara. I sighed. How can she experience such cruelty? Kaya pala
ganoon na lang ang tono ng pananalita niya. She sounded sarcastic most of the time and
she has told me so many times that she didn't believe in forever - na walang forever - now I
understand her.
Bigla kong inihinto ang sasakyan ko sa tapat ng mataas na gate na iyon sa gitna mismo ng
burol kung saan kitang-kita ang buong siyudad sa ibaba. After a long time, ngayon lang ako
nakabalik ditto. I hated this place because this place took away my everything. Bumaba ako
ng sasakyan at saka sumadal sa hood ng kotse ko. It's five o'clock in the morning. I took my
I-phone out and dialed the phone number I never thought I would dial again.

"Hello?" That familiar voice answered on the other line. Yza Consunji - Demitri. Siya ang
tinwagan ko and she sounded sleepy. Nilakasan ko na lang ang loob ko. If Ixara had been
fighting her sickness - I should be fighting this loneliness. Mas madali ang pinagdadaanan ko
kaysa sa kanya. I swallowed hard.

"Zach?" She asked again. "Is this you?"

"I'm outside, Yza. Come see me." Pagkatapos noon ay ibiniba ko ang telepono. Naghintay
lang ako. Kung hindi siya lalabas ay ako ang papasok. Hindi ko na dapat ito patagalin.
Matagal ko nang dapat ginawa ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ngayon.
Kinakabahan ako. Parang sasabog ang puso ko - hindi nga sapat ang lahat ng salita sa
balarila ng Filipino para lang masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Natatakot ako.
Kinakabahan. Parang pinipiga ang puso ko. Sinasabi ng isipan ko na kailangan ko nang
umalis because I might nd up crying again for her - but I won't leave.

I need this. Kung hindi maibigay sa akin ni Yza - ako ang hihingi.

"Zach?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Yza. Nakatayo siya sa kabilang side ng
gate. It reminded me so much of that night I took her out of here. She was very young. She
was very worried. Dapat yata noong gabing iyon palang ay tinanggap ko na sa sarili ko na
hindi na siya sa akin. Binuksan niya ang gate. Muli kong tiningnan ang oras.

Five - ten in the morning. I have twenty-minutes left. I sighed again.

Lumakad siya palapit sa akin. She was wearing a robe. Mukhang nagising lang siya sa
tawag ko. I don't know how she managed to stay as beautiful as the flowers in the spring.

"Zach, anong ginagawa mo dito? Ang aga pa. May nangyari ba?" Malumanay na tanong
niya sa akin. Tiningnan ko siya nang mat sa mata at saka nagsalita.

"If I could take my heart out and shos it to you, makikita mo kung gaano na kabugbog ang
puso ko." Halata ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Her mouth parted a bit and it
seemed like she didn't see this coming. How can't she? Hindi niya ba alam na nasaktan niya
ako? She was my first love. I can beat the odds for her but she chose someone else. Hindi
niya ba talaga alam? Is she that heartless? Ayoko man aminin pero walang puso si Yza. I
could say good things about her. Pero ngayon ko lang talaga naamin sa sarili ko na wala
siyang puso. Walang puso si Yza. Sinaktan niya ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit
naging stagnant ako sa loob ng napakahabang panahon. Why am i waiting for her to
comeback? Obviously she will never do that. Masaya na siya sa piling ng asawa niya - sa
buhay na pinili niya. Hindi na siya babalik sa akin.
"Dapat matagal ko nang tinanggap na hindi ka na babali. Bakit ba umasa pa ako? Tang ina!"
Napasabunot ako sa sarili ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "I loved you with all
my heart. I gave you all I had and you left me with nothing! Kahit closure hindi mo maibigay
sa akin! Are you that heartless, Consunji?!" I hissed. My tears were falling. Ang sakit-sakit.
I'm letting all this all out. Nakatayo lamang siya sa harapan ko at nakatitig sa akin na para
bang hindi talaga siya makapaniwala. Napakagat-labi siya. Nanginginig ang kamay niya na
sumusubok na abutin ang mukha ko pero tinabig ko iyon palayo.

"Hayaan mo ako!" I yelled. "This is my time, my moment, Yza. I've been trying to keep this to
myself. I want to see you happy and you are, Yza pero paano naman ako? Paano ang puso
kong pagod na sa pagmamahal sa'yo? They said first love never dies. Here I am, Yza and
I'm wishing for this love to just die kasi nakakasakit na! Nakakasakal! Hindi na ako
makahinga! Everything around me reminds me of you! Even the air I breath reminds me of
you! How could you hurt me like this?!" Kinapos ako ng hininga. Nakatingin lang ako kay
Yza. The whole time she was just dumbfounded. Napalunok ako. I was shaking my head.
Nakita kong tumulo na ang luha niya.

"Unfair! Masaya ka na eh." Napasabunot na naman ako sa sarili ko. Naikuyom ko ang mga
palad ko. Nasuntok ko ang hood ng kotse ko habang tumutulo ang mga luha ko. They said
that letting everything out will make me feel better and I'm gambling on this. I wanna feel
better. I wanna be the old me again! I want to be happy. Nasipa ko ang gulong ng kotse.
Naduro ko siya.

"Putang ina! Hindi lang ikaw ang may karapatang sumaya! Why can't you just get out of my
system, Consunji?!"

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. She hugged me. I was trying all my best to
push her away but i was powerless.

"Yza, winasak mo ang buong pagkatao ko. Pitong taon o higit pa, Yza - hinayaan mo ako.
Putang ina lang!"

"I'm sorry, Zach..." Mahinang wika niya. Tinulak ko siya palayo.

"Sorry doesn't repair my broken heart, Yza." Tumalikod ako. Binuksan ko ang kotse ko. I
heard her call my name.

"Z-zach..." Tawag niya sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Ipinagpatuloy ko ang pagpasok sa
sasakyan.

"Zach!" Tawag niyang muli. I started the engine. I could see her on my mirror. She was
running after my car but I didn't stop. Hindi ako makapaniwala na umiiyak ako ngayon - I
never cried like this. Kahit na noong iwan niya ako ay hindi ako umiyak nang ganito - ngayon
lang kung kailan inilabas ko na ang lahat.
Yza didn't know how much she had hurt me - how much she ruined my life. Ngayon alam na
niya - hindi lang siya ang may karapatang sumaya sa mundo. I deserve all the happiness in
the world. I deserve to be happy with a much better woman. A woman who can love me -
kahit na anong mangyari, ako lang ang mamahalin - hindi iyong tulad ni Yza na inilagay ko
na sa pedestal ay nagawa pa akong iwanan na parang wala kaming pinagsamahan. Alam
kong hindi naman niya sinasadya iyon pero napapamukhaan akong siya ay masaya
samantalang ako nasa isang sulok at naghihintay sa kanya.

Ngayong araw na ito, hindi na ako malulungkot o iiyak para kay Yza. Hindi na ako aasa, ni
hindi na ako mangangarap at hindi ko na siya iisipin sa lahat ng bagay na ginagawa ko. She
doesn't care about me. She only cares about herself. Kung may pakialam siya sa akin, hindi
niya ako sasaktan. Hindi niya ipapamukha sa akin sayang meron siya. I hate her now.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa shoe shop ni Nikita. Nadatnan ko siyang
nagbibilang ng kahon ng sapatos habang nakatayo sa may counter. Kasama niya si
Hyacinth na nakaupo naman sa La-zy boy sa gitna ng shop. Pumasok ako. She looked at
me.

"Zachy!" She was glad to see me. Pinuntahan niya ako na para yakapin. Sumunod naman si
Hyacinth sa kanya.

"Hello. Ninong." The kid kissed my cheek. Binalingan ko si Nikita. She smiled at me. I
smirked. Napabuntong hininga si Nikita. Binalingan niya si Hyacinth.

"Would you be a doll and tell Ate Saina to checkn the deliveries, honey? Then call your dad
and check on him and your little brother, okay?" Hinagkan ni Nikita si Hyacinth.

"Alrighty, Mom." Tumalikod siya at naiwan na kami ni Nikita.

"Anong nangyari, Zach?"

"Can you tell me your five steps of moving on? What stage is anger, Niki? Because right
now, I'm so mad at Yza - so mad that I want her out of the Philippines."

Bigla niya akong niyakap. I cried again. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ako makahinga. I'm
just so glad I'm still breathing - barely - but still breathing.

-----------------------

"Ixara, nasaan na ba iyong kaibigan mo si Zach, anak? Bakit hindi na siya bumalik dito mula
nang magpunta siya? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Mama sa akin. Hindi ako sumagot. I
was sitting on the chair near the window and just admiring how beautiful that morning was.
The birds are humming, the sun is shining so bright, the wind is blowing mildly. It was such a
good day indeed.

"Ixara, kinakausao kita." Wika niya sa akin. Tiningnan ko lang si Mama.


"Wag ninyo na siyang tanungin, wag ninyo nang asahan na babalik pa siya kasi hindi na.
Hindi naman natin siya kailangan." Nakangising wika ko. Hindi ko na rin naman iniisip na
babalik siya. Lahat naman ay ganoon. Kaya hindi na ako nagkakaroon ng karelasyon ay
dahil nagtanda na ako sa nangayari sa ilang beses na nangyari na - na kapag sinabi ko
kung anong sakit ko, kung ano ako, nawawala silang parang bula.

I sighed. Hindi ko na alam kung anong mangyayari kay Zach. I was trying to help him.
Tulong lang - naisip ko kasi na bago man lang sana ako mamatay ay may tao akong
matulungan at siya ang prospect ko, pero wala sa usapan ang makikipag-date siya sa akin.
It was kinda funny because he thought that I was a date material girl. Hindi ko kahita kailan
naisip na ganoon ang sarili ko.

I'm a girl with breast cancer - a girl who lost her other breast - a girl taking a break from
dying. Alam ko naman na sa ganoon din ako mapupunta. Hindi ako naniniwala sa remission.
Alam ko isang araw babalik ang cancer sa katawan ko. Kilala ko na iyong cancer cells na
iyon - nasarapan na sila sa pagstay sa buong katawan ko.

"Ixara, you can't push away everyone just because you're dying." Wika niya sa akin.
Tiningnan ko siya.

"Para saan pa? Doon din naman ako pupunta. Ma, bakit ba hindi ninyo pa tanggapin, I'm
dying. I can't live long. Kaunti na lang makakasama ko na si U." Nakangiting wika ko.
Hinawakan ko ang locket ni U - ang tanging bagay na kinuha ko mula sa mga iniwan niya.

"Remission stage ka, Ixara. Apat na buwan na lang bago ang test mo, malalaman natin kung
free ka na o kung kailan mo ng chemo."

"Hindi na ako magke-chemo, Ma. Dalawa lang naman ang kapupuntahan ko, It's either I'm
free of cancer or I die. I won't be taking meds and I won't be doing chemo. Kung
mamamatay ako, I'll live my life to the fullest. This is my decision, Ma. Tanggapin mo na
lang."

"At iiwan mo ako?" Tanong niya. Napatatda ako habang nakaupo doon. I didn't want to leave
my mom pero anong magagawa ko? Tadhana ang kalaban ko. Huli na ang lahat. Alam ko
kung anong nararamdaman ko. Katawan ko ito. Alam ko kung anong nangyayari sa loob. I
just sighed.

"Hindi ka naman iiwan ni Papa." Wika ko. "The moment I die, Papa will come back. Kaya
lang naman siya wala ngayon dahil alam niyang galit ako."

Tumayo ako. "Ixara." Wika ni mama sa akin. "Wag mo akong iwan."

Hindi ako kumibo. Niyakap ko na lang si Mama at saka bumalik sa silid ko sa itaas. I looked
myself at the mirror and I saw my shaved head - I shaved my head instead of waiting for my
hair to fall out. Hindi ko na talaga iyon hinintay...
Ayoko nang maghintay.

Bigla ay napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko sa dibdib ko. I know that feeling.

"Fuck." I muttered. Mukhang hindi na ako aabot sa apat na buwan.

-----------------------

Hindi ko alam kung nakabuti sa akin o hindi ang pakikipag-usap ko kay Yza pero sa tagal ng
panahon ay ngayon lang ako nakahinga ng ganito kaluwag. Pakiramdam ko ah matagal
akong natulog at ngayon lang ako nagising. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ikwento sa
kung sino ang nangyari sa amin ni Yza noong nakaraan. Iniisip ko si Ixara. Siya ang palagi
kong iniisip ngayon. I wanted to tell her that she has become my inspiration - na dahil sa
kanya ay nawala ang takot ko - na sa ngayon ay alam ko na ang pakiramdam na sinasabi
niya sa akin - ang pagiging malaya. Gusto kong sabihin sa kanya na nakalaya na ako -
pinalaya ko ang sarili ko mula sa pagkakakulong kay Yza.

Nang umagang iyon ay may ngiti sa labi ko habang papasok ng opisina. Nasa lobby pa lang
ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"ZD! Hey! ZD!" I turned around and I saw Gerd running like a little kid. he was holding some
music sheets. "Fuck, ZD! I wrote a fucking song! After ten fucking years! I wrote a fucking
song!" Nagsisisgaw siya. He even cupped my face to kiss my forehead. Nagulat ako.
Nagtatakbo na naman siya at saka hinahatak ang lahat ng taong makakasalubong niya.
Habang nakatingin ako sa kanya ay napansin ko naman ang isang pamilyar na pigura sa
aking gilid. It was a man in suit and it's no other than Yto Consunji. Lumapit siya sa akin.

"Zach, can we talk?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Inaya ko siyang lumabas. We
walked together, side by side and ended up inside a pub. We drank a couple of beers in the
middle of the day. He was sighing. Alam ko naman kung bakit siya nandito ngayon. Alam ko,
hindi ako nagkakamali at kahit hindi niya sabihin - si Yza lang ang dahilan nito.

"What's wrong, Yto?" Tanong ko. He looked at me.

"She called me this morning to ask me to check on you." Huminga na naman ako. I just
grinned.

"Can you just tell her to fuck off? May karapatan naman siguro akong sumaya." Mariing wika
ko. Hindi talaga ako naiintindihan ni Yza. Here I am trying to move away that there she is
trying to trap me again in her shadow. Sana ay hindi na lang niya tinawagan si Yto. I'm doing
well and i just want her to vanish. Dapat noon ko pa ginawa.

"May karapatan ka, wala namang nagsabing wala." Mariin ding sabi niya.
"Nakasundo mo lang si Helios, nawala na ang lahat. Baka nakalimutan mo, he raped your
sister. How can you digest that?" Suyang-suya ako sa kanya. Umiling si Yto,

"Kung magagalit ako sa kanya, anong mangyayari? I will never forget what he did but this is
different now, I have four angels to consider. Plus, I can see how much he loves Yza and
how much Yza loves him."

"Stockholm sydnrome." Wika ko. I smirked. Yto shook his head.

"That's not it. Yza left, remember? She distanced herself. Ilang ulit niyang sinubukan pero
bumalik pa rin sila sa isa't-isa. That is what you call destiny, Zach. Kahit ulitin natin ang lahat
at bigyan ka ng pagkakataon na pigilan ang pagkikita nila - things will never go your way
because if two people are meant to be together, kahit na pigulan mo, tadahan mismo ang
gagawa ng paraan para makita sila." He looked at me. "You can never fight destiny, Zach."

Wala na akong sinabi. Ayokong makipag-usap kay Yto dahil baka masapak ko ang mukha
niya. Nagpaalam na lang ako sa kanya at saka umalis na. I was about to leave the pub when
I heard someone playing the piano. That caught my attention. Napabalik ako. Lumakad ako
papunta sa stage at doon nakita ko ang pinakahuloing taong inaasahan kong makita.

Si Ixara.

I haven't seen her for two weeks. At ganoon na lang ang relief ko ngayong nakatingin ako sa
kanya. She was wearing a green dress, her hair is green now, may laurel crown pa siya.

I swallowed. She seemed oblivious about everything. Nagsimula siyang kumanta.

Turn away,
If you could get me a drink
Of water 'cause my lips are chapped and faded ..

Her eyes were closed. Nakatapat ang bibig niya sa mic. Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko. I know that I have missed her. I know that I was a coward for not going
back to her.

Call my aunt Marie


Help her gather all my things
And bury me in all my favorite colors,
My sisters and my brothers, still,
I will not kiss you,
'Cause the hardest part of this is leaving you.

Napakunot ang noo ko. What is she singing? Is she singing about her death? Bumilis ang
tibok ng puso ko.
Now turn away,
'Cause I'm awful just to see
'Cause all my hairs abandoned all my body,
Oh, my agony,
Know that I will never marry,
Baby, I'm just soggy from the chemo
But counting down the days to go
It just ain't living
And I just hope you know

Natagpuan ko ang sarili kong umaakyat sa stage. Para bang nahihipnotismo ako. Naupo
ako sa tabi niya. She opened her eyes and looked at my side. Halata sa mga mata niya ang
pagkabigla pero hindi naman siya huminto, she just kept on singing and the words that she
was coming of her mouth wounds my heart like a knife.

That if you say...


Goodbye today...
I'd ask you to be true...

'Cause the hardest part of this is leaving you


'Cause the hardest part of this is leaving you
She ended the song. Nakipagtitigan siya sa akin. May luha sa mga mata niya. Instinct got
me. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti sa kanya.

"I will not let you die, X."

----

Song used: Cancer - My chemical romance

12.Braver
Nakalimutan ko na kung paano ang pakiramdam nang may kasama. Iyon ang pulit-ulit kong
naiisip habang nakatingin ako kay Zachary Drew na naglalagay ng asukal sa kape niya.
Kanina ay ginising ako ni Mama para lang sabihin na may naghahanap daw sa akin na isang
kaibigan at nang bumaba nga ako ay nabungaran ko si Zachary Drew na may dalang
dalawang ballot ng pandesal at kapeng barako galing sa farm nila sa Batangas. We ended
up having breakfast with my mom. My mother on the other hand looked so happy upon
seeing him - ganoon rin naman ako. Hindi ko na itatanggi na masaya ako. Hindi ko kasi
akalain na maririnig ko sa kanya ang mga salitang gusto ko sanang marinig sa mga tao sa
paligid ko.

Noong tangahling iyon na nakita ko siya sa isnag pub ay iniyakan ko ang mga salitang sinabi
niya sa akin I won't let you die, X. Noon ko lang naisip nab aka may posibilidad pang
mabuhay ko - na baka hindi ko dapat tanggapin na mamatay na lang ako basta. Ilang beses
namang sinabi ng mga doctor ko na maaring mawala ang cancer cells sa katawan ko. Iyon
nga ang dahilan kung bakit nasa remission stage ako ngayon at apat na buwan mula
ngayon ay magte-test akong muli para malaman kung ano na ang nangyari sa akin. Gusto
kong maniwala sa sinasabi nilang posibilidad pero ayoko namang umasa. Kapag umasa
ako, mas magiging masakit ang pagbagsak ko. Paano kung bigla akong maniwala at sa
susunod na punta ko sa doctor ay taningan na nila ang buhay ko?

Ayokong lumipad tapos ay habang nasa kalagitnaan ay babagsak din ako. Maayos naman
ako sa kaalaman na malapit na nga akong mamamatay.

"Hijo, anong trabaho mo?" Naulinigan kong tanong ni Mama. Nakamasid lamang ako sa
kanila. Ngumiti lang si Zach.

"May -ari po ako ng isang recording company." Magalang na sagot niya. Nakita kong
lumapad ang ngiti ni Mama.

"Ang parents mo? Buhay pa ba? May kapatid ka ba?" Tanong pa niya. Pinanlakihan ko si
Mama ng mga mata pero hindi naman niya ako pinansin. She continued asking him.
Sumasagot naman ang mokong na para bang okay lang talaga sa kanya ang lahat.

"May kapatid po ako, si Audrey. My family own the biggest coffee company in the
Philippines." Noon ako napatingin sa kanya.

"Nescafe?" Tanong ko. Umiling si Zach.

"Brewed Coffee." Magalang pa ring wika niya. Tumaas ang kilay ko. Ang brand na iyon ang
madalas inuming kape sa publishing company na pinagtatrabahuhan ko. Masarap ang kape
nila. Napatango ako. "Masarap ang kape ninyo. Nakakapuyat. Kapag ininom, hindi ka
makakatulog agad." Ngumisi ako. Mataman naman siyang nakatingin sa akin at hindi naman
nagtagl ay napangiti siya. Tiningnan ko si Mama na halos mapabungisngis na sa tabi ko.
"Gwapo sana, Mama, medyo slow lang." Nakangisi pa ring wika ko. "Kumain na tayo.
Salamaty sa pandesal at kape mo, Zach." Ngumiti na rin siya.Tinapos na ni Mama ang
pagtatanong tungkol sa pamilya niya ngayon naman ang tinatanong ni Mama ay tungkol sa
mga naging girlfriend ni Zach. Hindi ako kumibo. Hinihintay ko kung sasabihin niya ang
tungkol kay Yza Consu ji - Demitri. Gusto kong malaman. Alam ko na man na hanggang
ngayon ay naghihintay siya doon. Gusto kong sabihin sa kanya na happiness is a choice at
mas pinili niyang magpakalugmok dahil sa babaeng iyon ay tanga talaga siya ng one
hundred times kaysa sa akin, pero tulad nang aking inaasahan ay hindi niya binanggit kay
Nana yang tungkol kay Yza. Nakaupo lamang siya doon at kinukwento ang mga ibang
babae sa buhay niya. Ngayon ko lang nalaman na wala siyang naging seryosong relasyon
maliban sa babaeng iyon. Lahat daw ay laro lamang - naiintidihan ko siya, lalaki siya, hindi
talaga kataka-taka iyon.

Lahat naman yata ng lalaki ay dumarating sap unto na talagang mahahalina silang
mambabae - kahit na gaano nila kamahal ang isang babae ay darating sa punto na
magkakamali sila at hindi dahil sa gusto nila - nasa nature na ng lalaki ang manloko - pero
kung mahal niya ang babae, babalik siya at gagawa ng paraan para mapatawad nito - nasa
babae ang desisyon kung magpapapatawad ba siya o mas pipiliin niyang magalit na lamang
habambuhay at pakawalan ang tsansa niyang maging masaya.

Natapos ang almusal. Hindi pa rin umalis si Zach. Naroon lamang siya sa may verandah at
sinisilip ang mga orchids ni mama. Hindi ako nakatiis, nilapitan ko siya. I didn't bother
wearing a wig that moment. Naisip ko na alam naman na niya at malaya na akong
makakagalaw sa harapan niya. Hindi ko na rin itinago ang mga pasa sa braso ko at sa mga
balikat ko. Alam kong kanina niya pa iyon tinitingnan - hindi naman na ako naiilang. Nandito
na ito.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko. Nakapamulsa siya at tinitingnan ako. He sighed.

"I promised myself that I won't let you die." Mariing wika niya.

"Sinabi na rin iyan ng mga doctor sa akin. Hindi naman ako naniniwala. Zach, hindi ka
naman Diyos para sabihin iyan sa akin. Kung mamatay ako, mamatay ako, kung hindi
mamatay pa rin ako. Lahat naman ng tao doon pupunta. Zach, lahat ng bagay sa mundo ay
nakaplano na - nakatakda. Binibigyan na lang ito ng dahilan kung paano mangyayari." I
tapped his shoulder. "Death is inevitable."

"I know. Pero kung magagawan pa ng paraan para humaba ang buhay mo, di gawin natin! I
have cousins who happens to be renowned doctors! They can help! I'm sure they could."
"Natin?" Napatigalgal ako. "Anong sinasabi mo?" Nabigla ako nang hawakan niya ang
kamay ko. Tumaas ang sulok ng kanyang bibig.

"This isn't your fight anymore, Ixara. This is OUR fight. I'll be with you in every step of your
recovery."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong maniwala. Gusto kong yakapin ang pag-asang
inaalok niya sa akin dahil sa ngayon, iyon naman talaga ang kailangan ko. Nawala sa akin
ang pag-asa noong iniwan ako ni U. Siya na lang ang karamay ko noon. Siya na lang ang
meron ako. U was my hope but then she died and I was left alone. Hinihintay ko na nga lang
ang huling araw ko sa mundo, pero ano ba itong dumating sa akin?

Mula noong lumubha ang sakit ko ay hindi na ako nagdasal sa Kanya. Umaasa na lang ako
at naghihintay kung sa pagpikit ba ng mga mata ko ay imumulat ko pang muli iyon
kinabukasan kaya puno ako ng pagtataka ngayon. Hindi ako nananalangin ng kahit na ano
pero binigay sa akin si Zach - ang isang taong nagbabadya at nangangako sa akin ng mga
bagay na kaya daw niyang ibigay.

Binawi ko ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya. "Salamat, Zach, pero mas may
nangangailangan ng pag-asang inaalok mo kaysa sa akin... "

-----------------

"ZD!"

Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin ako kay Xander. Pinuntahan niya ako sa
unit ko noong gabing iyon at inayang lumabas. Sumama naman ako. Kasama namin ang
kapatid ni Lukas Anton - si Glenise na kanina pa yata nagpapansin sa akin. Napapangiti
naman ako. Nandyan iyong aayain niya akong sumayaw, aalukin ng inumin pero hindi
naman ako sumasama sa kanya. I'm too occupied. I was thinking of X and the things that
she told me earlier. Tinatanggihan niya ang tulong na inaalok ko at hindi ko maintindihan
kung bakit. Anong ibig sabihin niya na may mas nangangailangan ng pag-asang inaalok ko?
Why is she doing all of these? Ayaw na ba talaga niyang mabuhay?

Tumingin ako kay Xander. He smirked. "Si Yza pa rin ba? Tinawagan niya ako para
kamustahin ka. Nasa Japan naman ako noon kaya hindi ko alam kung anong sasabihin.
Tapos kanina, tinawagan na naman niya ako kaya kita inayang lumabas. Ano bang
nangyari? Nakikipagbalikan ba sa'yo?"

"Gago ka ba? May asawa na iyong tao. Magtatlo na nga ang anak." Naiinis na inirapan ko
siya. Naiirita ako kapag pinag-uusapan si Yza. Ayoko ngang mabanggit ang pangalan niya.

"Aba, malay ko ba? Alalang-alala sa'yo. Sinabi niya na hindi naman niya gustong saktan ka.
Naisip ko nga na parang alam ko na ang nangyayari. Zach, tanggapin mo na kasi na hindi
na kayo at mag-move on ka na."

"Ito na nga ang ginagawa ko. I'm moving on." I smirked again. "Yza just have to accept the
fact that she needs to fuck off. I don't need her. Masaya naman siya sa buhay na pinili niya,
hayaan niya rin ako sa buhay na pinili ko."

"Ayun naman pala, bakit ka nagkakaganyan?" Tanong niya pang muli. Huminga ako nang
malalim. I looked at Xander.

"Can you keep a secret?" I asked him. Na-imagine kong lumaki ang tainga ni Xander habang
papalapit sa akin. He was smiling.

"Hindi ka na virgin, Zach?" Bulong niya ba. Binatukan ko siya.

"Gago!" Kahit ayoko ay napahalakhak na rin ako. I cleared my throat after that I looked at
him again. Sinimulan kong ikuwento sa kanya si Ixara. Mataman naman siyang nakinig sa
akin. Sinabi ko na ang lahat - mula sa unang pagkakakilala namin hanggang sa naging
usapan namin kanina. Habang sinasabi ko iyon kay Xander ay parang gumagaan ang
nararamdaman ko. Na-realize ko na hindi naman dahil kay Yza ang nararamdaman kong
mabigat kundi dahil kay Ixara.

"Ayoko lang talaga siyang mamatay, Xander. Ginising niya ako sa pagkakatulog ko, hinatak
niya ako sa dilim, now, I feel like I owe it to her. I need to help her, I wanna help her. I want
her to live. She deserves a life, Xander, pero paano? Kung siya mismo ay tumatanggi?"

"Alam mo iyong A walk to remember?" Tanong ni Xander sa akin? "Ganito ang ending niyan.
Mamamatay si Ixara, Zach."
"Ulol! Tang ina ka!" Binato ko siya ng yelo. Napailing siya.

"Seryoso na. Basahin mo iyong The fault in our stars o kaya man Message in a bottle,
nandyan din iyong Best of me, The notebook, For one more day... iyong mga ganoong
novels na magpapahanda sa'yo sa ending na gustong makamit niyang si Ixara. Zach, kung
siya tanggap niyang mamamatay siya, bakit ikaw hindi? Ilang buwan mo pa lang bang
nakikilala ang babaeng iyan pero kung umakto ka ay parang kababata natin siya. Are you in
love with her? O naaawa ka lang sa kanya?"

Hindi ako kumibo. Alam kong hindi ako in love kay Ixara pero hindi rin naman ako naaawa
sa kanya. Gusto ko siyang tulungan, ganoon lang. Tapos ang usapan. I just wanna be her
hope.

"I just want to be her hope."

"Then," Wika ni Xander. "Tanggapin mo ang desisyon niya, Zach."

----------------------

I have a terrible hang over. Masyado akong nalibang sa kwentuhan namin ni Xander kagabi
at hindi na namin namalayan ang oras. Nagtapos lang kami nang mag-ayang umuwi si
Glenise. Xander took her home, ako naman ay umuwi sa bahay. Nagising ako nang
umagang iyon na masakit ang ulo. Nagising ako nang hindi si Yza ang unang iniisip ko.
Nagising ako na ang unang naisip ko ay ang magkape.

Nakakatuwa nga, nakabuto siguro talaga para sa akin ang nangyari noong nakaraang
linggo. Alam ko na hindi ako dapat magalit ng ganoon sa kanya but being angry helped me
say the things that I had wanted to say to her. Hindi na ako gaanong nasasaktan. Kaya ko
nang tingnan ang front page ng society page ngayong umaga - naroon kasi si Yza at si
Helios. They were holding hands while looking at the camera - may caption na Two become
one. Sa ibaba noon ay ang article na isinulat para sa kanila. Pinasadahan ko nang pagbasa
iyon. The article is about how the two meet - iyong taboo issue na nangyari sa kanila - Helios
being in jail, Yza marrying another man - halos open book na tinalakay ang nangyari sa
kanila na para bang ipinaparating ng artikulo na lahat ng tao ay pwedeng magkaroon ng
ikalawang pagkakataon sa kaligayahan - sa pag-ibig.

Tiningnan ko ang litrato ni Yza. She is indeed beautiful and Helios looks good. He had his
arms around her on the next picture. He looked as if he was protecting him from something.
Habang si Yza naman ay nakatawa - parang humahalakhak. Kinapa ko ang dibdib ko
-hinihintay kung may mararamdaman akong sakit - hindi ko pa rin naman tanggap pero hindi
na ganoon kasakit ang mga bagay - bagay. I just turned the paper to the next page. I was
busy reading the news about Musika Ronaldo when my doorbell rang. Tumayo ako. Hindi ko
na tinakpan ang sarili ko. I was wearing a blue boxer briefs. Inisip ko nab aka si Xander lang
naman ang nasa kabilang pinto pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ko si
Ixara sa labas ng unit ko.

Mukhang nagulat rin siya nang makita ang hitsura ko. Her eyes widened.

"Bakat ang bird mo! Kumambyo ka no!" Nakangising dinuro niya ako sabay tumawa.
Ninoohan ko siya at saka hinatak papasok sa unit ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Natatawang tanong ko. Umiling siya.

"Aayain sana kita sa mga taong mas nangangailangan ng pag-asang inaalok mo sa akin."
Malumanay na wika niya. Matagal akong napatitig sa kanya at saka bumuntong - hininga.
Naalala ko ang sinabi ni Xander sa akin - if I want to be her hope, I should accept her
decision. Hindi naman na ako nagtagal pa. Hindi na rin ako nagtanong. Naligo ako at
nagbihis, matapos mag-ayos ay binalikan ko si Ixara na pinaglalaruan ang mga glass globe
sa estante ko. Nilapitan ko siya. I was behind her. Inaalog niya ang glass globe na regalo sa
akin ni Audrey noong isang taon. May batang babae sa loob niyon na may hawak na
lollipop. Ixara giggled.

"Isn't it funny that when we were kids, band aids and lollipops used to fix all our problems but
now, no matter how many band aids you use, the wounds won't heal and no matter how
many lollipops we eat we just end up having toothache." She sighed and faced me. "Things
are very complicated, ZD. Why can't we just be children forever?"

"I can help you live." Giit ko na naman. Hinawakan ni Ixara ang kamay ko.

"Marami silang mas kailangan mabuhay. Come!" Wika niya pa. Hindi ko alam kung saan
kami pupunta. Sumakay lang kami sa taxi at si Ixara na ang bahala. Buong byahe ay hawak
niya ang kamay ko - na para bang doon siya kumukuha ng lakas para sa lakad na ito. Hindi
naman siya nagsasalita. Kapag tinatanong ko ay ngingitian niya lang ako, hindi ko talaga
siya mawari. May mga pagkakataon na parang kilala ko na siya pero may mangayayari,
then, I'll realize that I don't know anything about her.
After thirty minutes ay dumating kami sa isang simbahan. Bumaba si X. Sumunod ako. Ako
ang pinagbayad niya ng taxi. Hinawakan na naman niya ang kamay ko habang papasok
kami. Hindi kami sa mismong simbahan pumasok kundi sa likod pa niyon. I saw a bunch of
people sitting on plastic chairs. Nakapabilog sila at tila nag-uusap. Iba-iba ang edad ng mga
taong iyon sa aking tingin. May sampung katao doon. Some were in their mid-thirties, may
mga teenager din na noong makita si Ixara ay kumaway. I wondered where I am. Habang
papalapit kami ay napapansin ko ang hitsura nila.

Ang ilan ay may mga face mask, ang ilan naman ay parang tulad ni Ixara, iba-iba ang kulay
ng buhok. Some were too thin.

"Hello guys!" Bati ni X. She was extremely happy that moment. Pinakilala niya na rin ako. "SI
Zach, kaibigan ko. Zach, sila iyong mga taong sinasabi ko sa'yo. Si Ate Neri, si Ate Shawie,
si Kuya Rodgie, Si Jona, si Veron tapos si Astrid at si July - ang pinakbata sa aming lahat."

"X, what is this?" I asked her. Tinapik niya lang ang balikat ko. Humatak siya ng upuan para
sa akin at sa kanya at saka naupo. Maya-maya ay may lumabas na isang lalaki na sa tingin
ko ay pari. Naka-polo barong siya. Ipinakilala rin ako ni X sa kanya.

"Good morning, warriors, magsimula na tayo." Wika pa ng pari.

"Father," Tawag ni X. "Ako na po ang magsisimula." Mukang nanibago ang mga kasama
niya sa sinabi niya. Nakita ko kasi ang panlalaki ng mga mata nila. Ixara sighed and stood
up.

"Ako si Ixara, breast cancer patient. Sabi ng doctor, remission stage na daw ako, pero hindi
naman ako masyadong umaasa doon. Traydor ang cancer eh. Si U - iyong kapatid ko, nasa
remission na rin siya noon, lipas na nga ang limang taon pero noong ika-anim na taon,
bumalik ang cancer niya at doon na siya hindi nakagulapay." Bahagya pa siyang humagikgik
matapos sabihin ang mga salitang iyon. I was just looking at her.

I realized where I was. I'm in a meeting of a cancer support group where X belongs at sila
ang sinasabi nI Ixara na mas kailangan mabuhay kaysa sa kanya.

"Kailan ka na-diagnose?" May isang nagtanong. Napatingin ako. Iyon ang tinawag niyang
Julya. The boy was skinny and had a big pair of glasses. X smiled.
"I was twenty-five when I was diagnosed with cancer. Akala ko noong nahipo ko ay kung ano
lang, pero nang ipa-check ni Mama, cancerous nga daw. Hindi agad tinanggal - ayoko
kasing maoperahan. Pero sa huli, nauwi pa rin sa tanggalan ng dibdib." Ngumiti siya.
"Tinanggal iyong dibdib ko noong twenty-sixth birthday ko. Pagkatapos ng operasyon ko,
akala ko okay na ang lahat, namatay naman kapatid ko. Masakit kasi ang ganito. Alam ninyo
iyong para kang nasa loob ng time bomb - na hindi mo alam kung kailan ka sasabog - sa
akin naman, hindi ako alam kung malaya na ba ako o sasakupin na naman ng mapanirang
cancer ang katawan ko."

Bigla ay natagpuan ko ang sarili kong hinawakan ang kamay niya. Nanginginig si Ixara.
Tiningnan ko siya, may ngiti siya sa labi pero namumula na ang kanyang mga mata.

"Noong isang taon, nagpa-check up ako, sinabi ng mga doctor na remission na ako. I took
that as a break, a break from dying pero hindi ibig sabihin na hindi na ako mamamatay,
kumbaga, binigyan lang ako ng pagkakataon ng tadhana na magawa ang mga bagay na
gusto kong gawin para kung sakaling maratay ako, wala na akong pagsisihan." Huminga
siya nang napakalalim. "Ngayon, may apat na buwan na lang ako bago ang moment of truth
ko. I'm enjoying life because the moment the doctors tell me that I'm still sick, I won't be
doing anything. Wala nang chemo, wala nang radiation o kung anuman, hahayaan ko na
lang. Handa naman na akong mamatay."

Ixara is one brave woman. Hindi siya matapang dahil palaban siya, matapang siya dahil
nilalabanan niya ang takot. Alam kong may ganoon siyang pakiramdam pero hindi niya
ipinahahalata ito. I'm proud of her. I know how scary it is for her and yet she managed to put
on a brave face.

Matapos niyang magsalita ay naupo na siya sa tabi ko. I looked at her. She smiled at me.

"Huwag na huwag kang maaawa sa akin, ZD. Hindi ako naawa sa'yo noong nakilala kita.
Hindi ko iyan kailangan ngayon." Mariing wika niya. Pinisil ko ang kamay niya.

"Hindi ako naawa sa'yo. I'm proud of you, Ixara. I don't think I know anyone braver than you
are. Still, my offer stands. I won't let you die."

13. X needs Y

"Anong you won't let me die? Ano, pipigilan mo ang cancer cells?"
Tumaas ang kilay ni Ixara sa akin tapos ay umiling siya. She had that look on her face. Kahit
na hindi ko siya ganoon katagal pang nakikilala ay alam ko na agad ang ibig sabihin ng
tingin na iyon. Para bang ngayon pa lang ay tanggap na niya kung anong mangyayari sa
kanya at hindi ako makakapayag.

"Ixara, mas maraming taong mas dapat mamatay sa mundong ito kaysa sa'yo." Sabi ko pa
sa kanya.

"Pero hindi pa sila namamatay dahil binibigyan pa sila ng pagkakataon ng Diyos para
magbago. Ganoon naman diba? Kapag masamang damo, mahirap mamatay dahil kailangan
pa nilang magbago. Ako mamamatay na ako dahil wala na akong ipagbabago, Zach, this is
my final form and if go, okay na rin. Umabot ako sa ganitong edad. Wala akong pagsisihan."

Naikuyom ko ang mga palad ko. Why is it so hard to convince her? Hindi na muli namin
pinag-usapan ang mga bagay na iyon. Umuwi na lang ako sa unit ko nang siya ang laman
ng isipan. Iniisip ko kung paano ko siya mapapayag - kung posible bang magawan ko ng
paraan at mabago ko ang isipan niya.

Hindi naman ako naawa sa kanya pero nanghihinayang lang ako sa buhay na pwedeng
nakalaan para sa kanya. I imagined her being colorful and happy. Iyong parang nakapalibot
sa kanya ang bahaghari tapos ay abot niya ang lahat ng pangarap niya.

Parang hindi nga siya bagay sa cancer support group na pinuntahan namin kanina. Sa lahat
sa kanila ay siya ang pinaka may buhay peri siya din ang handing mamamatay. Kung iyong
ibang tao ipinagpapatayan ang buhay para lang makamit ito siya naman ay itinapon ang
lahat. Hindi ko matanggap iyon.

Posible bang manghinayang ako sa buhay na sinasayang ng iba?

I just sighed. Buong gabi lang na si Ixara ang laman ng isipan ko. Hindi ko alam kung bakit
pero hindi niya ako pinatulog. I ended up writing a song about her and the hope that she had
lost...

The next morning, I woke up at ten am. Nagising lang ako dahil may narinig akong yabag
mula sa kusina. Lumabas ako at nakita ko si Yana na nakatayo doon at nagluluto. This is all
new to me. Una, Yana never cooks, pangalawa, she doesn't know how to cook, pangatlo,
baka malason ako.

"Yana?"

She looked at me. "Hi, Good morning super star. Alam mo ba? Buntis ako! And then I
realized that I am just like my mom! I got pregnant by a boy younger than me! Shit!" She
said. Tinawanan niya ang mga sinasabi niya sa akin. Ako naman ay para bang hindi
nakakaintindi. Hindi nagsi-sink in sa akin ang mga sinasabi niya.

"Anyway- kumain ka na. Nasa tamang edad naman na ako para mabuntis ng ganito. Kumain
ka na!" Sinigawan niya ako. Namutla naman ako at napaupo. Kababata ko si Yana kahit na
mas matanda siya sa akin. Si Yana ang unang anak ng Neon. Siya ang baby ng lahat at
alam ko kahit na thirty - five na si Yana, magagalit pa rin ang mga tatay namin kapag
nalaman nila kung anong nangyari sa kanya.

I was just eyeing her.

"I'm taking a leave." Sabi niya sa akin. "Si Yngrid muna ang bahala sa'yo. Babalik ako after
nine months."

"Are you okay?" Finally, I asked. She nodded.

"I am just overwhelmed! Sino bang mag-aakala na hahabol pa ako? Akala ko nga
menopause na ako. Iyon pala delayed lang." She even made a face. "I'm following my
mom's footsteps. Babalik ako ng Canberra, doon ako kay Lola tapos doon ako
manganganak. I will never tell the man who got me pregnant about my baby - para naman
may sparks ang love story namin." She grinned at me.

"Loka ka talaga." Tumayo ako para yakapin siya. "Everything will be okay, Yana. I'm here." I
kissed the top of her head. Matapos ang usapan namin ay umalis na rin naman siya. Naligo
naman ako para magpunta sa studio para sa recording - habang nagbibihis ay napatitig ako
sa bagong kantang naisulat ko. I composed a song because of my frustration. Iniisip ko kung
paano ko matatapos iyon.

Nasaan na kaya si X? Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

I called her. Hindi rin naman ako nakatiis.

"Nasaan ka?" Tanong ko sa kanya nang sagutin niya ang phone.

"Nasa ospital."

"What?"

"Wag kang o.a. I'm here for my final moment."

"Pupuntahan kita! Saan yan?"

"Varess Medical." Sagot niya. Agad naman akong lumabas para sumakay sa kotse ko.

Kinalimutan ko muna ang mga dapat kong gawin. Pinuntahan ko si Ixara doon. Hinanap ko
ang Cancer ward and I saw her sitting on a lounge. Napailing ako nang makita ko ang
rainbow colored niyang buhok. I noticed that she was holding a piece of paper.

"Tapos na ba?" Tinabihan ko siya. She just looked at me.

"Oo. Late ka na. Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag ka nang magpunta. Hindi naman ako
gagaling kapag nandito ka." She made a face. Hindi ko na pinansin ang huling winika niya.
Tiningnan ko lang ang papel na hawak niya.

"Ano iyan?"

She smiled. "Alam mo lahat ng mamamatay may bucket list - hindi pala lahat - pero ako
meron. Ito iyong mga bagay na gusto kong gawin bago bumalik ang best friend kong si
cancer."

"Hindi na babalik ang cancer mo. Think positive." Sabi ko pa. Pasimple kong hinugot mula
sa kamay niya ang bucket list niya.

"Okay, positive akong babalik ang cancer ko."

"Ixara!"

"Eh basta! Kung babalik man, handa ako. I never thought of cancer as my enemy. It's a part
of my life Kumbaga sa eyes bags, bakit ko ikahihiya, pinagpuyatan ko iyon." I shook my
head. Binasa ko na lang ang nasa list niya.

Sampu lang ang mga bagay na nakalista doon. But I guess, each thing that was listed
means a lot to her. What caught my attention was her number 1.

1. An X needs a Y.
I smiled. "Akala ko ba hindi ka niniwala sa love."

"Zach, mamamatay na ako, ano ba't utuin ko na lang ang sarili ko. Iyong lalaking
magkakamali sa akin, para na lang kaming one nights stand. Kapag bumalik ang cancer ko
at makakilala ako ng lalaki na pwedeng maging Y -papatulan ko na para naman
maramdaman ko kahit sandal kung paano maging espesyal. Wala na. Kumbaga, one night
stand pero walang sex."

I shook my head.

"Hindi na nga babalik iyon. Mararanasan mo lahat ito, makakapag-asawa ka pa! Maniwala
ka!"

"Zach..." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. She smiled.

"Don't give me false hope. Okay na ako. Just don't..."

14. Z and X

"Benefit show? And who's it for? Where are you taking the money?"
I was talking to Yngrid that morning after the long night I had with Ixara. Hindi ko pa rin
talaga siya makumbinsi na kaya kong gawan ng paraan ang buhay niya. Marami akong
pera, kamag-anak ko ang isa sa pinakamalaking pamilya ng doctor sa bansa. Lahat sila ay
matatalino at alam kong matutulungan nila si Ixara pero wala akong magagawa kung patuloy
siyang tumatanggi. Sa ngayon, naisip ko nab aka sakaling makumbinsi ko siyang mabuhay
kapag ginawa ko ang bagay na ito.

Ixara loves music and maybe this time, if I let music talk to her, she will agree on my plans.
Hindi rin naman siya nakikinig sa nanay niya. I want her to live. I've been depressed in my
life, once upon a time and I almost gave up. I almost took it and knowing Ixara now made me
regret that day I almost ended things with life. Naisip ko na ang daming tao sa mundo ang
nagpapakahirap makuha o madugtungan lang ang buhay na pinakaiingatan nila
samantalang narito ako, at ang iba pang taong tulad ko na handing sayangin iyon dahil lang
sa malungkot kami.

I really wanna help her.

"For Ixara." Sagot ko kay Yngrid.

"You mean the girl who broadcast to the world na may nangyari sa inyo with matching
paiyak-iyak effect pa and all! Zachy! That's bad publicity! Yana made me promise to not let
you do anything stupid at all! This is stupid!"

"She's dying, Yngrid and I wanna help her by raising the money for her medications and
maybe by this, papayag na siyang magpagamot."

"What?" She whispered. "Oh my god. Are you in love with the dying girl? Zach! First, si Yza,
tapos iyong sister niya and you tried moving on and dated that woman you kissed on that
fucking concert which by the way until now - I don't know the name---"

"Mariella something siya."

"See, pati ikaw hindi mo alam kung sino siya! Anyway! Fuck you! Is this how you move on?
Mamahalin mo iyong babaeng mamamatay na at kapag namatay siya, iiyak ka, masasaktan
ka, tapos pupulutin ka na naman namin! Oh my god talaga!"

"Hindi. I'm not in love with her. I just wanna help her. Wag mo akong iligaw. Ano ka ba?! Just
help me with this!" Sabi ko sa kanya. Yngrid rolled her eyes and nodded. Napangiti naman
ako. Matapos ang usapan namin ay agad kong tinawagan ang iba ko pang kilalang artist.
Inihanda ko ang lahat. Alam ko naman na papayag si Yana sa plano ko. Gusto niyang
tumutulong sa ibang tao and this could be it.

Nasa Australia ngayon si Yana at doon na siya manganganak. Hindi ko pa rin alam kung
sino ang nakabuntis sa kanya. Ayaw niyang sabihin sa kahit na kanino. Hindi ko na rin
naman itinanong dahil ginagalang ko ang desisyon niya. Hindi ko rin naman hahanapin ang
taong iyon kung sakaling malaman ko. Hindiko buhay iyon at mukha namang masaya si
Yana sa desisyon niya sa buhay.

Ilang araw akong naging busy sa paghahanda ng benefit show para kay Ixara. Gusto ko
talaga na makita niya ang pinaghirapan ko at pinagdarasal ko talaga na maging maayos siya
at pumayag na siya sa gusto ko.

Nang araw na iyon ay pumunta ako sa grocery para ibili ng pasalubong si Mommy at si
Audrey. Uuwi kasi ako sa amin ngayon. Miss ko na ang pamilya ko at habang namimili ako
ay hindi inaasahang nakita ko ang taong iniiwasan kong makita.

Si Yza Demitri.

She was with her children, Hyron and Hyan. Mukhang busy sila sa pamimili ng ingredients
para sa cake.

"I want the cake to be as green as dad's eyes!" Sabi pa ng babae. Nakatayo lang ako sa
may gilid noon at pinag-aaralan ang nararamdaman ko. Ano nga bang nararamdaman ko
ngayon? Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong may masakit pa rin sa puso ko.
Tinanong ko ang sarili ko kung kailan kaya ako titingin kay Yza at sa pamilya niya na hindi
na ako masasaktan?

Nang mawala sa akin si Yza, pati mga kaibigan ay nawala na rin sa akin. I cut all my
communications with Yto and Nikita. Hindi na pwede, kapatid ni Yto si Yza at best friend
naman ni Nikita si Yza. Hindi ko pwedeng papilin ang dalawa - kahit na hindi naman talaga
sila mamimili ay hindi ko naman pwedeng isiksik ang sarili ko.

It would be awkward. So I distanced myself.

Si Xander na lang ang natira kong kaibigan sa barkada namin noon. Hindi naman ako
humihiling ng kahit ano sa ngayon, gusto ko lang na makalimot.

Tama iyong kanta ni Uncle Robi at Ninang Ian noon, how can I move one if I'm still in love
with you?

Tumalikod ako. I didn't want to risk being caught by her. Lumabas na lang ako ng grocery at
tinawagan si X para tanungin kung nasaan siya. Siya talaga ang nais kong makita, hindi ko
alam. Binabalanse niya kasi ang sakit.

Yza reminds me of the things that I had lost while X makes me see the things around me
that I should give importance. Kaya ngayon, siya ang nais kong kausapin.

"Tawag k aba nang tawag?" Sabi niya sa akin nang sumagot siya. "Istorbo ka,
nagpapahinga ang tao."

"Nakita ko siya. Masakit pa rin." Wika ko sa kanya. I heard her sigh.


"Nasaan ka ba?"

"Sa Mall of Asia." Sagot ko.

"Siya, pupuntahan kita. Doon mo ko hintayin sa skating rink. Bwisit ka." Dama ko ang inis
niya sa mga salita niya but the fact that she'll be here for me touches my heart. Tulad ng
sinabi niya ay naghintay ako sa kanya sa skating rink sa mall na iyon. Halos dalawang oras
akong naghintay, maya-maya naman ay dumating na rin siya.

"Akala ko hindi ka darating."

"Eh nakakayamot iyong traffic! Biro mo nasa south ako paglabas namin ng Quaipo may
naghabulang snatcher at pulis ayon na-traffic. Nakakainis yong traffic dito sa Pilipinas!" Sabi
niya pa sa akin. Napangiti na lang ako.

Naka-itim na leggings si Ixara at kulay gray na t-shirt. Kulay yellow ngayon ang buhok niya
tapos ay may bunny ears siyang suot. She looked at me.

"Alam mo, Zach, mag-move on ka na. Lahat ng tao naka-move on na. Ako naka-move on na
ako sa pagkamatay ni U at sa pag-iwan sa amin ng tunay kong tatay at ssa muling
pagbabalik ng step father ko sa buhay namin. Naka-move on na ako sa sakit ko, o sa
posibilidad na mamatay ako, si Yza, naka-move on na siya, may anak na iyong tao.
Everybody around you is moving on, move on, Zach."

"How?" I asked.

"Sabi ng kaibigan kong si Steve Maraboli, Letting go means to come to realization that
people are a part of your history by NOT your destiny."

"Sino si Steve?" I asked out of curiosity.

"Steve Maraboli." May inilabas siyang libro sa bag niya. I nodded.

"Ayan, basahin mo. Sa tingin ko kasi, sa relationship na ito, ikaw ang nagiging babae. Bakit
ba hindi mo subukan na ialis siya sa sistema mo, just for once? It will do you good, Zach. I
promise you."

Napangiti naman ako.

"Tara, mag-skate tayo!" Hinatak niya ako. "Ikaw magbayad ha! Three-fifty iyan!" Sabi niya sa
akin. Pinagbigyan ko na siya. Masaya naman si Ixara habang nagpapaikot-ikot kami sa
skating rink na iyon. Natutuwa ako na nakikita ko siyang nakangiti. Nang tila ba magsawa na
siya sa kakaikot at dinala niya ako sa food court. Natagalan kaming dalawa dahil medyo
pinagkaguluhan ako ng mga tao.
The mall had to give me their own security people dahil hindi na kaya ng guard lang.
Matapos iyon ay umakyat kami ni Ixara sa Asian Towers - iyong building sa tapat ng mall na
iyon.

"Minsan, naiisip ko, gusto kong mabuhay."

"Mabubuhay ka. Think positive." Sabi ko.

She just smiled. "Kaya ako naiinis sa'yo kasi pinipilit mo akong maniwala sa mga bagay na
itinapon ko na. Nakakainis ka. But then, you remind me of the things I used to have and I
wanna have again. Thank you, Zach..."

Why am I thinking of actually kissing her now?

15. Hopes and Dreams

Sinundo ako ni Zach sa bahay nang hapong iyon. Hindi ko talaga mawari kung anong gusto
niya sa akin. Wala naman kasi talaga syang makukuhang kapalit sa lahat ng kabaitang
ipinapakita niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema niya o kung
nakikita niya ba ako bilang isang charity work or baka naman naaawa siya sa akin dahil
malapit na akong mamatay - well iyon naman ang panay kong iniisip. Ayokong bigyan ang
sarili ko ng pag-asang maayos ako o mawawala ang cancer ko. Ayokong bigyan ang sarili
ko ng karapatang maniwala na may magandang paglalagyan ito sa oras na pumayag ako sa
sinabi niya.

Iniisip ko na rin namang iwasan siya dahil hindi naman ako manhid. Tao ako at dahil sa
kabaitang ipinakikita niya sa akin ay nakakaramdam ako ng mga bagay na matagal ko nang
kinalimutan.

"Saan ba tayo pupunta, Zach?" Tanong ko sa kanya nang nasa EDSA na kami. Medyo
maasikip ang daan.

Ang dami kasing truck - dapat ay ipinatupad na nila ang truck ban kahit na weekdays nang
hindi naman magdusa ang mga estudyante at ang mga pasahero dahil lang sa kanila.

"May surprise ako sa'yo." Wika niya sa akin. Huminga ako nang malalim.

"I hate surprises." I told him off.

"Lahat naman yata nang bagay ay inaayawan mo." Biro pa niya. Hindi na ako kumibo. Iyon
ang totoo. Ayoko ang binibigla ako. Ayoko nang hindi ko kontrolado ang bugso ng
damdamin ko.
Lumiko kami sa kanan at maya-maya ay nakikita ko na ang Neon Lights. Iyon ang bar na
pag-aari ng mga magulang at mga ninong ni Zachary Drew. I sighed. Nauna na akong
bumaba sa kanya tapos ay pumasok ako sa loob. Madilim ang paligid. Alam kong nasa
likuran ko lang siya. Maya-maya ay naramdaman ko na sa likuran ko ang hininga niya tapos
ay nagliwanag ang paligid.

Ang akala ko ay walang tao pero puno ang buong lugar tapos ay naroon ang mga kaibigan
ni Zach sa industriya. Nakita ko sin ang nanay ko pati na rin ang step father ko. They were
sitting in front of the crowd. My mom was crying. I can tell by the look on her face as she sets
her gaze on me.

Hinawakan ni Zach ang balikat ko at saka bumulong ng This is for you. Noon lang ako
napatingin sa stage at nakita kko nga ang nakasulat sa entablado.

The X concert.

A night of music, rock and hope for the benefit of X.

I looked at him.

"I promised I'll give you back your hope. This is it, X. I'm giving it to you." Hinaplos niya ang
mukha ko. "I just hope you accept it." Hinatak niya ang kamay ko para makasama sa kanya
sa stage. He took his guitar and he started singing. Sa lahat nang ito ay nakatingin lang ako
sa kanya.

He started singing...

Take a breath, I pull myself together


Just another step, until I reach the door...
You'll never know the way, it tears me up inside to see you...
I wish that I could tell you something...
To take it all away...
My heart...

Inilagay ko ang kamay ko sa tapat ng puso ko na para bang kumakanta ako ng Lupang
Hinirang sa flag ceremony tuwing Lunes. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok
ng puso ko. Iyong tipong para nakipagtakbuhan sa 10k marathon kapag summer sa MILO.
Kinakabahan ako na baka mamaya ay lumuwa sa bibig ko ang puso ko.

Sometimes I wish I could save you...


And there's so many things that I want you to know...
I won't give up 'till it's over...
If it takes you forever, I want you to know...
If you fall, stumble down, I'll pick you up of the ground
If you lose, faith in you, I'll give you strength to pull through..
Tell me you won't give up, 'cause I'll keep waiting if you fall...
You know, I'll be there for you...

Titig na titig ako sa kanya. Sinasaway ko ang sarili kong makaramdam ng kahit na ano pero
wala, sumuko ang Bataan dahil sa pagkakataong ito, bumalik lahat sa akin ang mga bagay
na pilit kong kinalilimutan noon. Bumalik sa akin lahat - lahat nang bagay na binitiwan ko
noon, lahat nang hindi ko pinaniniwalaan ay narito ngayon sa harapan ko.

I believe now and again, in happy endings and just by looking at him, I want my own already.
I cried. I found myself crying. Pahikbi akong lumapit sa kanya at kahit na kumakanta siya ay
niyakap ko siya nang napakahigpit. I found it - the one I am looking for, I found it again. It's
just that - I don't know if I like the fact that I found it again.
__________________
Six months later...

"You're tests seems promising."

Pinipigilan kong mapangiti habang nakatingin ako sa doctor na iyon. Pang-apat na test ko na
ngayon at palaging promising ang resulta ng test ko. Hindi ko alam, hindi naman ako
nagpapagamot. Baka sa pagkakataong ito - walang balak ang cancer na traydorin ako.
"Nakabuti ang pagtanggal natin sa matres mo, Ixara. Dahil doon, bumagal ang cancer at
mabilis natin siyang napupuksa. Ipagpatuloy mo lang ang pagpapakabait." Bilin niya sa akin
bago ako umalis. I just smiled at her. Tinapos namin ang consultation at habang naglalakad
ako sa gitna ng corridor ng ospital ay tinawagann ko si Zach. Alam kong matutuwa siya sa
ibabalita ko.

Hindi ko na sinubukang iwasan siya. Bakit ko pa gagawin iyon kung mahihirapan lang din
naman ako. Alam ko kung anong nagbago sa akin noong gabing iyon at iyon ay ang
nararamdaman ko kay Zach. Mahal ko siya. Hindi naman mahirap ang mahalin ang taong
nagbabalik ng pag-asa mo sa buhay and in my case, he is reallt my final hope at hindi
naman ako nagkamali sa pagtanggap sa kanya sa buhay ko.

He makes me happy.

Nagkakaroon ako ng mga bagay na inakala ko ay hindi ko makakamit kahit kailan at iyon
nga ay dahil lang sa kanya.

"Nasaan ka na?" He asked me. I bit my lower lip. Kulay itim ang wig na suot ko. Napansin ko
na unti-unti nang tumutubo ang buhok ko tapos ay nagkakaroon na ako ng kulay. Malapit ko
nang paniwalaan ang mga blood test ko.

"Sa ospital. Okay naman na daw ako. Malalaman ko ulit next month." Ngisi ko sa aking sarili.
Zach chuckled. I heard it from the other line.

"Sabi ko sa'yo, ako talaga ang swerte sa buhay mo. Lika dito sa bahay. May ipapakita ako
sa'yo." Sabi niya sa akin. Kinabahan ako pero sumakay naman ako sa taxi papunta sa
condo unit ni Zachary Drew. Nang makarating ako doon ay sing bilis ni The Flash ako na
umakyat sa unit niya. Bukas ang pinto ng unit niya kaya pumasok na ako.

Natagpuan ko si Zach sa sala. Nakatalikod siya sa akin.

"Anong meron?" I consider Zach as one of my friends. Marami na akong nasabi sa kanya,
marami na rin kaming pinagdaanang dalawa. Dahan-dahan ay tinutulungan namin ang
isa't-isa na makakawala sa nakaraang pareho naming ayaw nang balikan.

Dahan-dahan ay humarap sya sa akin. Napanganga ako nang makita kong may kalong
siyang isang batang lalaki. Maliit pa ang bata 0 siguro ay apat na buwan pa lamang iyon. He
was asleep on Zach's arms.

"A-anak mo?" I asked. Bakit may sakit akong nararamdaman?

"Hindi. Kay Yana." He sighed. Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. "Yana
died, Ixara and she left me her baby. That was the reason I left for Australia two weeks ago.
Now, this baby is my son... and yet I don't have a name for him yet..."

Hindi ko maintindihan. Ang alam ko ay may mga magulang pa si Yana bakit hindi sa parents
niya iniwan ang baby? Nanginginig ang tuhod ko.

I slowly walked to him and took a look at the baby. Habang nakatingin ako ay wala akong
ibang naisip kundi ang salitang...

dO_

You might also like