You are on page 1of 685

Ang Alalay Kong Astig!

(TO BE PUBLISHED UNDER SUMMIT)


by Sweetmagnolia

Blake Monteverde is a living proof that prince do still exist. He is the ideal
boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to
date. And he is the perfect husband every woman aspires to marry. He's handsome,
intelligent, cool and above all a sole heir of a billion-peso worth company. His
elite status gives him the impression of being unapproachable, snob and arrogant.
But one day his flamboyant life turned into mess when a carefree, energetic and a
street fight expert woman popped up into his life. She volunteered to become his
bodyguard but as time goes by, he unexpectedly fell to her unique charm...only to
find out in the end that she's an undercover police officer who's only using him as
a bait to capture a notorious kidnapping syndicate.

=================

ANG ALALAY KONG ASTIG

"I am not asking you to die for me....

because I'll die for you first.

All I ask is for you to love me back...

I'm begging you to love me... Alex."

- Blake
=================

[1] MAY POGI SA KALSADA

*****

Sa isang inuupahang townhouse sa Loyola Heights, Quezon City.

"Three hundred thirty one...."

"Three hundred thirty two..."

"Three hundred thirty three..."

Walang nagbibilang ng barya. Tinatapos lang ng isang dalaga ang pang-umagang ritwal
na two hundred push-ups at four hundred sit-ups.

Tumatagaktak ang pawis sa mukha nito. Tinitiis ang hirap at hapdi sa mga kalamnan
mapanatili lang ang malakas na pangangatawan.

Tumayo ito nang makumpleto ang pagbibilang. Pumasok sa kuwarto at kumuha ng


tuwalya. Sinisipa ang bawat kalat at pinaghubarang damit na nasasagi ng mga paa.
Pagkuwa'y pumasok sa banyo at masiglang naligo.

Siya si Alexandra Michaela Preciousa Valdemor, kilala sa tawag na Alex, dalawampu't


tatlong taong gulang. May taas na 5'5" at may timbang na 48 kg. At ito ang mga
katangiang sana'y taglay niya.
Napakataas ng IQ...... ng nag-iisa at nakatatandang kapatid na lalaki.

Napakalinis sa bahay..... ng kanyang kapitbahay.

Napakasinop sa gamit.... ng kanyang matalik na kaibigan.

Napakalambing.... ng kanyang lolo.

Napakagarbong manamit.... ng kanyang nanay.

Eh paano naman kamo ang mga katangian niya? Heto ang totoo.

Ang utak niya ay tumatakbo lamang sa trabaho. Bago matulog ay iniisip ang gagawin
kinabukasan at pagkagising naman ay pinaghahandaan ang maaring mangyayari sa
kanyang buong araw.

Hindi palaayos ng sarili. Kung pwede lang na hindi manalamin at magsuklay sa loob
ng isang araw ay gagawin niya. Wala ni isa mang hibla ng kaartehan sa katawan dahil
itinuturing na kalbaryo ang pagpapaganda. Minsan ay pwede mong pagtakhan kung isa
nga ba siyang babae.

Pagkalabas ng banyo, nagsuot siya ng sikip na pantalong maong, puting hapit na T-


shirt, leather jacket at itim na boots. Itinali ng mataas ang lagpas balikat na
buhok.

Nang makumpleto ang pagbibihis, kinuha niya ang baril na itinago sa kabinet.
Isiniksik ito sa panloob na bulsa ng kanyang jacket. Lumabas at isinarado ang
bahay. Nagsuot ng helmet at pinaandar ang kanyang motorsiklo.
Wala pang dalawang kanto ang layo mula sa townhouse, huminto siya sa tapat ng
isang mansyon. Ipinasok ang motorsiklo at ipinarada sa garahe. Naglakad siya nang
dire-diretso sa loob ng magarang bahay. May kasigaang itinapon ang helmet sa
mamahaling sopa.

"Handa na ba ang almusal? Nagugutom na ako," sabi niya habang diretso lamang ang
mga tingin.

"Yes Ma'am Alex!" sagot ng katulong na sumalubong sa pagdating niya.

Lumapit siya sa mahabang hapag kainang may nakahaing mga masasarap na pagkain.
Walang sabi-sabing naupo at inumpisahan ang mabilisang pagsubo.

"Itigil mo na nga yang pagpapanggap mong magsarili!" pasigaw na sabi ni Sylvia.

Napatingin siya sa inang bumababa sa magarang hagdan ng bahay. Nagkibit balikat


lamang siya nang makita ang magkasalubong na naman nitong mga kilay. Inaasahan niya
na ang simula ng walang kapagurang panenermon nito sa tuwing mabubungaran siya sa
umaga.

"Parang wala namang pinagkaiba ang mga pangyayari! Hindi mo pa rin naman magawang
asikasuhin ang sarili mong buhay. Bumukod ka nga eh dadalawang kanto lang ang layo.
Anong independent-independent ang pinagsasabi mo! Eh tinutulugan mo lang naman ang
bahay na yun. Dito ka pa rin naman kumakain, mga katulong pa rin naman dito ang
naglilinis ng apartment mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayong bumalik ka na
lamang sa bahay na to!"

Patuloy lamang siya sa pagsubo ng pagkain. Manhid na ang kanyang mga tenga sa
pagbubunganga ng ina.
"O Alex buhay ka pa pala! Akala ko kasama ka na doon sa mga nabaril sa engkuwentro
sa isang bangko sa Maynila!" bungad sa kanya ng nakatatandang kapatid na si Dennis.
Kabababa lang nito mula sa kuwarto at nakahanda na rin itong pumasok sa trabaho.
Isa itong doktor na higit na ipinagmamalaki ng ina niya kumpara sa kanyang
propesyon.

Inismiran lang niya ang nanunuksong kuya.

"Itigil mo nga yang mga ganyang biro Dennis!" utos ng ina.

"Mom, dapat sinasanay mo na ang sarili mo. Para namang hindi mo kilala yang anak
mo! Kung pwede nga lang salubungin ang bala ay gagawin niyan. Kasalanan niyo yan.
Pinapaniwala niyo siyang pwede siyang maging si Lara Croft.... Yaya Maring
pahinging coffee!"

"Anong kasalanan ko? Isisi mo yan sa lolo mo!"

Lumabas ang kanyang Lolo mula sa kuwarto nito na matatagpuan lamang sa unang
palapag ng bahay malapit sa dining hall. Nagliwanag agad ang mukha nito pagkakita
sa kanya.

"My favorite apo! You're here already!"

"Hi Lolo!" bati niya nang may malambing na ngiti.


Pinunasan niya ng tissue ang bibig at malugod na humalik sa pisngi ng matanda. Lolo
niya ang sisenta y otso anyos na retired general na si Norberto Valdemor, isang
kilala, nirerespeto at maimpluwensiyang dating opisyal ng pulisya.

"Ano hija kumusta ang trabaho mo? Malapit ka na bang ma-promote?" tanong nito
habang umuupo sa hapag kainan.

"Huwag kayong mag-alala lolo, malapit ng mangyari ang bagay na iyan. Isang
successfull assignment na lang tiyak kong tataas na rin ang ranggo ko!" naka
thumbs-up na sabi niya habang puno ng pagkain ang bibig.

Nagkatinginan si Sylvia at Dennis.

"Yan ang hirap sa inyo Papa! Kinukunsinti mo yang si Alex dyan sa pagpupulis niya.
Hindi porke't dating heneral kayo ay kinakailangang may magmana sa propesyon niyo!"

"Sylvia, anong magagawa ko kung ito rin ang hilig ni Alex. Eh anong gusto mo, umasa
ako diyan sa lalampa-lampa mong anak na lalaki?"

Biglang naubo si Dennis. Binilisan nito ang pag-inom ng kape at kaagad na tinapos
ang pagkain bago pa man mapunta sa kanya ang usapan.

"Oh saan ka na pupunta?" tanong ng ina nang tumayo na ang doktor sa mesa.
"I need to leave now. May naghihintay sa aking pasyente sa hospital," katwiran
nito.

Tinapos na rin ni Alex ang kanyang kinakain. Humalik siya sa kanyang lolo at ina
bago umalis.

"Teka nasaan pala si Dad?" pansin niya.

"Nasa Singapore may business meeting," nakasimangot na sagot ng magulang.

"Ah ganun ba, sige alis na ho ako."

Inirapan lamang siya ng ina samantalang nakangiting kinawayan naman siya ng kanyang
lolo habang papalabas siya ng bahay.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga pagkalabas ng hardin. Ganito lagi ang


eksena sa umaga. Binubungangaan siya ng ina, tinutukso siya ng kapatid at
nilalambing siya ng kanyang lolo. Samantalang ang ama naming si Lauro Valdemor ay
madalas na wala sa bahay dahil abala ito sa pag-aasikaso sa kanilang shipping
company. Isang bagay na ikinatutuwa niya dahil kahit papaano ay wala ng dumadagdag
sa nanenermon sa kanya. Hindi rin kasi ito boto sa pagpupulis niya. Pinagbigyan
lang talaga siya nito sa kanyang hilig dahil sa pagbaback-up sa kanya ng lolo.

Muli siyang sumakay sa motorsiklo. Maingat siyang nagmaneho patungong headquarters.


Sa kalagitnaan ng pagmomotor niya sa kahabaan ng isang malawak na kalsada ng
Katipunan Avenue, may namataan siyang grupo ng mga kabataang kalalakihan na tila
nag-aaway sa may sidewalk.
Itinabi niya ang motorsiklo at bumaba dito.

Nagtanggal siya ng helmet at lumapit sa apat na kalalakihan. Mga teenagers pa


lamang ang mga ito at mukhang mga college students. Kinukwelyuhan ng isang lalaki
ang isang nakasandal sa punong kahoy samantalang nakangisi lamang na nanonood ang
dalawa ngunit parehong nakakuyom ang mga kamay.

"Oist! Oist! Anu yan?" sita niya.

Tumingin sa kanya ng masama ang lalaking nangunguwelyo.

"Huwag kang makialam dito Miss! Tuturuan lang namin ng leksyon ang taong ito!"

Napatingin siya sa binatilyong pinagtutulungan ng tatlo. Tahimik at halatang


kalmado lamang ito. Walang bakas ng takot ang mukha.

"Bawal ang mag-away dito. Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa mga pulis?"

Walang pagdadalawang-isip na lumapit siya upang tanggalin sana ang kamay ng lalaki
sa pagkakahawak sa kuwelyo ng isa. Subalit bago pa man niya ito mahawakan ay
sinugod siya ng dalawa nitong kasamahan. Sinubukan siyang suntukin ng mga ito
subalit mabilis siyang nakailag.
Sumama na rin ang nangunguwelyong lalaki sa pag-atake sa kanya. Walang tigil sa
pagtapon ng mga suntok ang tatlong samantalang patuloy naman siya sa kanyang pag-
ilag. Panay hangin lamang ang natatamaan ng mga ito. Hangga't maari ay ayaw niyang
patulan ang mga lalaki. Bilang isang pulis, prinsipyo niya ang habaan ang pasensiya
sa mga delikwente at menor de edad. Ngunit nang mapagod na siya at tuluyang
mapikon, wala siyang nagawa kundi bigyan ang mga ito ng tig-iisang mabibilis ngunit
malalakas na suntok sa mukha.

Natumba ang tatlo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. Halatang hindi
inasahan ng mga ito ang lakas niya.

"Ano gusto niyo akong labanan! Gusto niyong bitbitin ko kayo sa istasyon ng pulis,
ngayon na!" nananakot na sabi ni Alex habang pinandidilatan ang nakahandusay na mga
binatilyo.

Natakot ang mga lalaki at sabay-sabay na umiling. Natataranta ang mga itong
nagsipagtayuan at mabilis na tumakbo papalayo.

Ngingisi-ngising hinabol ni Alex ng tingin ang mga lalaki. Pinagpagan niya ang mga
kamay at itinuwid ang suot na jacket. Noon niya lamang napansin ang naiwang
binatilyo. Sa ayos at pananamit nito, halatang isa itong anak-mayaman. Gwapo,
maputi, mapupula ang mga labi't pisngi at parang babae sa kinis ang mukha. Tahimik
pa rin ito at kalmadong nakatayo. Nakangiting nilapitan niya ito, hinawakan sa ulo
at ginusot ang buhok.

"Ayan ligtas ka na. Kinikikilan ka ba ng mga yun? Sa susunod mag-ingat ka. Sayang
guwapo ka pa naman!" masiglang sabi niya.

Kaagad na tinanggal ng kausap ang kamay niya sa buhok nito at inilayo ang ulo.
Mabilis nitong inayos ang nagusot na buhok. Mukhang hindi ito natuwa sa ginawa
niya.
Napanguso siya at sabay taas ng isang kilay. Naamoy niya agad ang pagiging suplado
ng kaharap. Pero ganun pa ma'y hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
Hinihintay niya ang dapat sabihin sa kanya ng lalaki. Subalit nanatiling tahimik
ito at abala lamang sa pagpapagpag ng nagusot na damit.

"Ano? Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa ginawa ko?" hindi nakatiis na sabi
niya.

Kalmadong hinarap siya ng binatilyo at diretsong tiningnan sa mga mata.

"Bakit ako magpapasalamat sinabi ko bang makialam ka? Hiningi ko ba ang tulong mo?"

Napanganga siya sa natanggap na sagot at bago pa man siya muling makapagsalita ay


tinalikuran na siya ng kausap.

"Aba't antipatikong bata ito ah!"

Samantala, dire-diretsong naglakad ang lalaki nang hindi na nilingon pa ang


estranghera't pakialamerang babae. Lumapit ito sa isang nakaparadang sports car.
Sumakay ito sa driver's seat at pabalibag na isinarado ang pinto. Nag-ring ang
cellphone nito.

"Hello!"
"You sound pissed off," puna agad ng tumatawag.

"Yeah bad trip bro! Muntik na sanang maging exciting ang araw ko! Akala ko
mapapalaban na ako ngayon sa mga hambog na grupo ng mga fake racers na yun!"

"Anong nangyari?"

"May pakialamerang babaeng nagmagaling! Tumakbo tuloy ang mga kalaban!"

"Palampasin mo na yan, we still have a lot of chance to beat those garbages. By the
way, nasaan ka na ba malapit nang magsimula ang karera?"

"Papunta na ako dyan. Wait for me guys."

Ibinaba ng lalaki ang telepono. Sinusian ang kotse at iritableng pinaharurot


ito...
=================

[2] THE ASSIGNMENT

******

Manila Police District Headquarters.

Pinarada ni Alex ang motorsiklo sa tapat ng isang gusaling may limang palapag.
Nakakunot ang noong pumasok siya sa loob ng building.

“Inspector Valdemor, bakit nakabusangot na naman yang mukha mo?” puna ng isang
kasamahang nakaupo sa bukana ng opisina.

“Wala may mga batang sumira lang ng araw ko! Nasaan si Chief? ” aniya.

“Nasa second floor kanina ka pa nga hinahanap eh.”

Miyembro siya ng intelligence unit ng Special Action Force, isa sa mga sangay ng
Philippine National Police. Tatlong taon na siya sa pulisya at kasalukuyang isang
Inspector. Nakapagtapos siya sa Philippine National Police Academy. Hindi siya
gaanong katalinuhan subalit nagpursigi siya para makapasok sa nasabing pinakamataas
na antas ng kolehiyo para sa mga magpupulis.

Ang maging isang pulis ang kaisa-isang naging pangarap niya simula pagkabata. Idolo
niya ang kanyang lolo at inspirasyon niya lahat ng mga kabayanihang nagawa nito.
Bata pa lamang siya’y alam niya nang nagmana siya sa kanyang lolo. Galit siya sa
mga gumagawa ng krimen at malambot ang kanyang puso sa mga naagrabyado.

Sa tulong ng pera at koneksiyon ang kanyang pamilya, nasunod ang mga luho niya na
makapagtraining sa iba’t ibang bansa. Subalit isa lamang ito sa mga
nakakapagpaganda ng records niya. Hindi rin naman maikakailang isa siyang magaling
at matapang na pulis. Walang sinusukuang aksyon at walang inaatrasang laban. Ang
kanyang determinasyon sa trabaho ang madalas na dahilan kung bakit
pinagkakatiwalaan siya ng mga nakatataas na opisyal sa mga mahahalagang misyon.
Kahit anong hirap at sakripisyo ay kaya niyang gawin alang-alang sa pinakamamahal
na trabaho.

Umakyat siya sa ikalawang palapag.

“Inspector Valdemor!”

Nilingon niya ang pinagmulan ng boses. Nakita niya itong nakasilip sa pinto ng
meeting room at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.

“Chief Martinez! Good morning!” nakangiting bati niya dito sabay saludo.

Sinenyasan siya nitong pumasok sa loob ng silid. Nagmadali naman siyang sumunod.
Pagkarating sa silid ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago maupo. Silang
dalawa lamang ang naroroon kkung kaya’t kutob niya nang confidential ang kanilang
pag-uusapan.

“Bakit ngayon ka lang Alexandra?! Kanina pa ako naghihintay sayo. Ang usapan nati’y
dapat alas-nuwebe’y nandidito ka na. Isang oras mo akong pinaghintay!” singil agad
ng hepe sa kanya.

“Pasensiya na ninong napa-trouble ako,” napapakamot sa batok na sagot niya.

“Heh! Wag mo akong matawag-tawag na ninong nasa trabaho tayo!”

“Huwag niyo rin akong tawaging Alexandra...” pabulong na sambit niya.

“Anong sabi mo?”

“Wala. Sabi ko mukhang masyadong importante ata ang pag-uusapan natin,” may lambing
at nakangiting ika niya.

“Importante talaga ito! Kaya nga umiinit ang ulo ko dahil pinaghintay mo ako!
Patayin mo ang ilaw nang makapag-umpisa na tayo!”

Sinunod niya ang utos at binuksan naman ng hepe ang projector. Nagseryoso ng mukha
ang opisyal upang umpisahan ang kanilang meeting. Kinabig niya ang isang kalapit na
silya at ipinatong ang mga paa dito para sa komportableng pakikinig.

“Merong ibinabang utos sa akin. Tungkol ito sa isang lumalaking sindikatong


nagngangalang VENOMUS. Sangkot ang grupong ito sa mga drug trafficking at karumal-
dumal na kidnapping.”

“Ganda ng pangalan ah parang pampelikula, sosyal! Ve-no-mus!” kaswal na komento


niya.

Pinandilatan siya ng opisyal at agad naman siyang tumahimik. Muli siyang nagseryoso
sa pakikinig habang hinahaplos-haplos ang labi.

“Lumalaki at lumalakas na ang sindikatong ito. Napakahirap kumuha ng mga


impormasyon tungkol sa kanilang mga illegal na operasyon. Magagaling ang kanilang
mga leaders. Pulidong-pulido at planadong maigi ang bawat kilos ng grupong ito....”
Tumingin si Chief Martinez sa projector.

“Sa ngayon ay ito pa lamang ang lead natin tungkol sa grupo,” pahayag nito sabay
pindot sa remote.

Isa-isang ipinakita ng hepe ang mga litrato ng mga di kilalang lalaki. “Sila ang
mga pinaghihinalaang miyembro ng sindikato subalit wala pa itong lubos na
kompirmasyon-”

Ngumisi si Alex habang pinagmamasdan ang mga larawan. Unti-unting nabubuhay ang
kanyang dugo sa naamoy na misyon. “Mukhang bibigyan niyo ako ng magandang
assignment Chief ah! Siguraduhin niyong ikakapromote ko na yan!”

“Tumahimik ka muna Alexandra!”

“Sabi ko nga...”

Muling nagpatuloy ang opisyal sa pagpapaliwanag.

“...ngunit meron tayong isang napakahalagang impormasyon na natanggap tungkol sa


binabalak na operasyon ng sindikatong ito. At sa ngayon, ito lamang ang
makakapagbigay daan sa atin upang magkaroon ng koneksiyon sa venomus.”

Nagpalit ng litrato sa projector si Chief Martinez. Tumambad dito ang mukha ng


isang binatilyo.

Tinitigang mabuti ni Alex ang larawan.

“Huh! Kilala ko yan! Yan ang antipatikong batang tinulungan ko kanina!”

Muli na naman siyang pinandilatan ng opisyal kaya't agad ulit siyang nanahimik.

“Siya si Blake Marlon Monteverde. Disi-otso anyos. Ulilang lubos subalit kaisa-
isang tagapagmana at apo ni Don Henry Monteverde, ang may-ari ng pinakamalaking oil
company sa Pilipinas. Nakatira sa Forbes Park....”

“Disi-otso na pala yan akala ko mga fifteen years old pa lang yan... in fairness
baby face ang mukha niya ha!” hirit niya.

“...kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Nasa ikalawang


taon sa kursong BS Economics....”

“Aba matalino!”
“...Siya ang kasalukuyang target ng Venomus. At siya ang iyong bagong mission
Alex.”

Bigla siyang natigilan sa narinig. Inabot sa kanya ni Chief Martinez ang isang
file. Napapatangang tinanggap niya ito't kunot-noong binuklat.

“Yan ang mga personal na impormasyon ni Blake Monteverde na nakalap ng ating


research team,” wika ng hepe.

Inumpisahan niya itong basahin.

“Height....5'9"...Weight...71kg....Hobby...car racing. Favorite color...blue.


Social life...active. Fraternity..none. Lovelife...taken. Girlfriend...Sophia
Vasquez. Huh! Sophia Vasquez? Eto ba yung sikat na modelo. Wow! Kunsabagay bigatin
at gwapo din naman ang batang ito....”

Muling naglabas ng isang file ang opisyal at ibinigay ulit ito sa kanya. Tiningnan
niya itong maiigi. Naglalaman ito ng mga school records at personal files ng
nagngangalang Maya Del Castro ngunit litrato niya ang nakakabit sa gilid ng isang
transcript.

“Ano to chief?”takang tanong niya.

“Papasok ka ng UP. Magpapanggap kang kaklase ni Blake Monteverde at yan ang


gagamitin mong mga records at pangalan. Naayos na ang lahat. Lahat ng schedules ay
magkaperahas kayo. Ang kailangan mo na lang gawin ay pumasok ng klase para bantayan
at manmanan ang bawat kilos ng batang ito.”

Bigla siyang napatayo sa narinig.

“Chief nagpapatawa ba kayo?! Ibabalik niyo ako sa pag-aaral. Chief naman...” may
lambing na pakiusap niya. “ Alam niyo namang hate na hate ko ang pag-aaral. At saka
ano to, UP? Economics? Mabubuko tayo niyan! Hindi kaya ng utak ko mag-aral
dito...Chief huwag na to!”

“At sino ang gusto mong gumawa nito? Ako? Sila? Eh. Ikaw ang pinakabatang
intelligence dito at ikaw mismo ang pinili ng mga nasa itaas kaya hindi ka pwedeng
tumanggi!”

“Hindi naman ako tumatanggi sa assignment Chief eh. Ang sa akin lang ay ayoko
nitong mga aral-aral na ito. Pwede ko naman siyang manmanan sa ibang
paraan...ninong naman.”

“Yan lang ang pinakamabilis na paraan upang mapalapit ka sa lalaking iyan. At saka
naayos na ang lahat kaya hindi na ito pwedeng baguhin pa. Urgent ang mission na to.
Kailangang kumilos tayo kaagad bago pa man tayo maunahan ng sindikato!”

“Ninong naman....”

“Alexandra!”

-----

Sa labas ng isang disco, nagkakasayahang nakatambay ang buong barkadahan nina


Blake. Nakansandal at ang iba nama’y nakaupo sa bawat hood ng magkakatabi nilang
nakaparadang mga kotse habang may tig-iisang hawak na bote ng beer.

“Bro sayang muntik na kitang matalo kanina ah!” ani Hayden.

Si Hayden ay kaedad at matalik na kaibigan ni Blake. Pareho silang mahilig sa car


racing ngunit ni minsan ay hindi pa nito natatalo ang malapit na kaibigan. Galing
din ito sa mayamang pamilya ngunit sa ibang unibersidad ito nag-aaral kung kaya’t
sa gimik at karera na lamang sila madalas na nagkakasama.

Ngumisi si Blake. “Pasalamat ka Bro mainit ang ulo ko kanina dahil kung hindi baka
kumain ka na naman ng alikabok!” sabay inom niya sa hawak na bote ng alak.

Lumapit sa kanya ang isa pang barkada at itinuro ang isang paparating na babae.

“Pare, si Christine o!”

Agad siyang napalingon sa isang papalapit na maganda at seksing babae. Nakasuot ito
ng hapit na hapit at maiksing itim na tube dress. Kumikinang ang suot na stilletos.
Umbok na umbok ang mga cleavage habang agaw-pansin ang makikinis, mapuputi at
mahahabang mga hita.

Dire-diretso itong naglakad patungo sa kanya at nang magkaharap sila, agad nitong
ipinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.

“Hi Baby," malambing na bati nito.

“Hi Babe!” ganti niya nang may nang-aakit na mga ngiti.

Walang pag-aalinlangang hinalikan siya nito ng malalim sa mga labi. Bukal sa


kaloobang sinuklian niya ang halik nito sabay kindat sa mga kabarkadang noon ay
tatawa-tawa lamang sa kanilang napapanood.

Matapos ang ilang sandaling halikan ay isinakay niya sa kanyang kotse ang babae.
“O paano mga Bros, alam niyo na. Una na ako,” paalam niya nang may pilyong mga
ngiti sa labi.

Napatango lamang ang mga ngingisi-ngising kasama ni Blake. Natatawa at napapailing


na tiningnan ng mga ito ang papaalis na sasakyan ng kanilang kaibigan.

“Woah! Ibang klase talaga ang gayuma ng Blake na iyan!”

“Pare, ikaw ba naman ang magkamukha ng ganyan eh siguradong pag-aagawan ka rin ng


mga babae.”

“O, alam niyo na. Siguradong tatawagan na naman tayo isa-isa ni Sophia mamaya para
hanapin si Blake. Ngayon pa lang ay simulan na nating mag-isip ng palusot,"
napapalatak na sabi ni Hayden.

=================

[3] HI KLASMEYT!

*****

“Oohhh....you’re so good Blake...”

“Ohhh-hhh...you’re hot Christine..”

“Yes...Baby Blake...”

“Ohh..Christine...”

“Faster...Blake...”
“You want more...baby...”

“Yes...please Blake...faster please..”

“I’m getting there baby...meet me more Christine...”

“Oh my god...faster Blake...faster!”

“Yes..Christine. I’m getting there baby...I’m coming..I’m coming”

“Ahhhhhhhhhh!”

Napasubsob ng ulo si Blake sa dingding. Hinihingal na ibinaba niya sa pagkakasandal


at pagkakabuhat ang babae.

Nang bumalik sa normal ang paghinga, bigla siyang may naalala.

“Shit!” bulalas niya. “Anong oras na?”


Nagmamadaling tiningnan niya ang ipinatong na relos sa bedside table ng hotel.

“Fuck! My exam pa ako bukas!”

Pinagdadampot niya ang nagkalat na mga damit sa sahig at mabilis na nagbihis.

“Can’t drive you home Christine. I’m in a hurry. Marami pa akong dapat gawin.
Thanks for tonight!”

“Wait Blake. Sandali lang!” pigil sa kanya ng kasama na noon ay hindi pa gaanong
nakakabawi mula sa panghihina. Tinakpan nito ng kumot ang katawan.

“Bye!”

Nagmamadaling lumabas siya ng kuwarto. Iniwang nakanganga’t di makapagsalita ang


babae.

Pagdating sa sasakyan ay binuhay niya ang cellphone. Pagkabukas na pagkabukas niya


nito’y sunud-sunod agad na text ang nagsipagdatingan. Inaasahan niya ng galing ito
sa girlfriend.

“Where are u?”


“I’ve been calling hundred times but your phone is off! What’s happening?”

“Ilang beses na akong tumawag sa house nyo. But the maids keep saying you’re not
home yet! Where are you ba?”

“Your friends are not answering my calls too! I’m starting to doubt Blake!”

Walang reaksiyong binasa niya ang mga texts. Pagkuwa’y hinagis ang telepono sa
katabing upuan. Binuhay niya ang kotse at mabilis itong pinatakbo.

Pagkatapos ng mga kalahating oras ng pagmamaneho ay huminto siya sa harap ng isang


mala-palasyong bahay. Automatic na nagbukas ang mataas na gate nito. Pumasok siya
sa isang mahabang driveway na dinadaanan ang isang malawak at magandang hardin.
Pagtapat niya sa garahe ay automatic ding umakyat ang harang nito. Ipinasok niya
ang sasakyan sa loob ng garaheng mayroon pang labing-isang mga mamahaling kotseng
nakaparada.

Pumasok siya sa loob ng living room na animo’y isang lobby ng hotel sa laki. Kundi
lamang sa magagarang mga kagamitan at sopa, pwede na itong mapagkamalang ballroom
hall. Ang kanilang bahay ay mayroong dalawampung kuwarto kung saan lahat ay
matatagpuan sa ikalawa at ikatlong palapag ng bahay. Maari kang gumamit ng hagdan o
kaya’y elevators. Mayroon din sariling gym, spa, theatre at music room ang
mansiyon. Sa labas nama’y matatagpuan ang magarang hardin na may kabigha-bighaning
landscape design at mga nagagandahang eskultura. May fountain na pinapaligiran ng
mga mayayabong at namumukadkad na mga orchids. Sa likuran ng bahay ay matatagpuan
ang dalawang malalaking swimming pool. Maliban sa kanyang lolo, kasama niya sa
mansiyon ang sampung maids, dalawang hardinero, dalawang drivers at tatlong
security guards.

Patakbo siyang sumakay ng elevator. Sa ikalawang palapag ng bahay ay pumasok siya


sa isang malaking silid na may desinyong pang bachelor pad condominium. May mini-
living room na mayroong puting L-sofa set na nakaharap sa isang 100 inches na LED
TV na nakasalampak na mismo sa puting dingding.
Naghubad siya ng damit at nagmadaling tumungo ng banyo. Doon ay may lavatory na
binubuo ng tatlong sink na gawa sa granite. Sa taas nito’y may parihabang salamin
na inuukupa ang buong kahabaan ng lababo’t may taas na hanggang kisame. Sa
magkabilaang dulo ng lababo ay may nakasabit na glass cabinets. Ang sa kanan ay
lagayan ng mga perfumes at panlagay sa buhok. Ang sa kaliwa naman ay samu’t saring
mga toiletries.

Pumasok siya sa pabilog na shower glass at mabilisang naligo.

Nagbihis siya ng manipis na puting T-shirt at pajama pants. Kabisadong kinuha niya
ang isang accounting book sa hanging bookshelves na nasa taas ng kanyang study
table. Naupo siya sa mesa. Nagsuot ng reading glass. Binuksan ang lamp shade at
seryosong sinimulan ang pag-aaral.

Si Blake ay lumaki sa poder ng kanyang lolo at kaisa-isang apo lamang. Sa edad


niyang disi-otso ay matured na siya mag-isip pagdating sa maraming bagay. Lumaki
kasi siyang halos siya lamang ang nag-aalaga sa sarili. Namatay sa kanser ang
kanyang ina nung siya ay pitong taong gulang pa lamang. Aksidenteng nabaril naman
ang kanyang ama sa isang bank robbery nung siya ay sampung taong gulang. May
nangyaring hostage taking ngunit dahil sa kapabayaan ng mga pulis nagkaroon ng
shoot out at nabaril ang kanyang magulang. Malapit na malapit siya sa ama kung
kaya’t lumaki siyang may nakatanim na galit sa mga pulis.

Ipinapadama ng kanyang lolo ang pagmamahal nito sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod


sa lahat ng kanyang mga luho. Sa ganitong paraan nito pinupunan ang mga pagkukulang
dahil sa pagiging abala nito sa kaliwa’t kanang mga negosyo. Mas marami kasing
pagkakataon na mag-isa lamang siya sa malaking bahay kasama ang mga katulong.

Aminado siyang spoiled na spoiled siya ng lolo ngunit hindi ibig sabihin nito’y
kampante na siya sa buhay. Mataas pa rin ang ambisyon niya at ang totoo’y
tinitingala niya ang kasipagan ng kanyang lolo. Inihahanda niya na rin ang sarili
na balang araw ay siya ang mamahala sa lahat ng kanilang mga negosyo. Kung kaya’t
kahit tila isang easy-go-lucky siyang tao, may isang bagay siyang hindi
pinababayaan...at yun ay ang kanyang pag-aaral.
-------

“Hello. Margareth mayroon ka bang mga colorful na damit dyan?”

“Para kanino ba?”

“Para sa akin. Pahiramin mo nga ako tutal halos magkasingkatawan naman tayo.”

“Anong kulay ba ang gusto mo?”

“Kahit ano basta medyo light color. Yung kadalasang sinusuot ng mga teenagers.”

“Dress ba?”

“Wag dress! Alam mo namang di ako nagsusuot ng mga ganyan!"

“Okay, kailan mo kailangan?”

“Ngayon na.”
“Okay, dadaanan mo ba?”

“Hindi. Dalhin mo dito sa bahay. Tulungan mo na rin akong mag-ayos ng sarili.”

“Ano?!!!! Alexandra somosobra ka na sa mga pang-aalipin mo sa akin ha!”

“Wag ka ng magreklamo... Tatatlong kanto lang ang layo ng bahay mo. Dalhin mo na
rin ang kotse mo ha at magpapahatid na rin ako sayo. Bye!”

Inihagis ni Alex ang telepono sa kama at tinitigan ang mga nakakalat na damit sa
harapan niya. Kanina pa siya naghahalungkat ng maisusuot ngunit wala siyang
makitang nababagay para sa isang estudyante. Alam niyang walang uniporme sa UP at
malaya ditong magsuot ng kahit anong tipo ng damit ngunit gusto niyang i-
internalize nang mabuti ang pagiging estudyante. Kaya't kahit sa pananamit man lang
ay dapat maging kapani-paniwala siya. Bumalik siya sa paghahalukay sa cabinet baka
sakaling may naligaw pa ring mga pagirl na damit. Dati’y may naitabi siyang ilang
kahon nito. Iyon ang mga pinagbibili sa kanya ng ina nung nag-aaral pa lamang siya.

Tok.Tok.Tok. Tok.Tok.Tok.

“Alex buksan mo itong pinto! Alex! Ano ba? Namamaga na tong kamay ko sa
kakakatok!”

Naulinigan niya ang boses ng kaibigan. Nasa second floor ang kuwarto niya kung
kaya’t may kahirapang marinig kapag may kumakatok sa main door. Nagmadali siyang
bumaba at binuksan ang pinto.
Magkasalubong ang kilay na bumungad sa harap niya si Margareth. Akap-akap nito ang
ilang pirasong mga damit.

“Grabe Alex ipaayos mo na nga yung doorbell mo! Pasakit na masyado! Kaya ako laging
nagdadalawang-isip pumunta dito dahil alam kong sasakit ang lalamunan ko sa
kasisigaw...Oh! Eto na yung mga damit mamili ka na lang ng magugustuhan mo.”

“Ikaw na pumili. Tulungan mo akong mag-ayos.”

Sumunod ang kaibigan at nanlaki ang mga mata nito nang makita kung gaano kakakalat
ang buong bahay.

“My god Alex! Tao pa ba ang nakatira dito?”

Hindi nito naatim ang mga nakikita kaya’t isa-isa nitong pinagdadampot ang mga
kalat.

Matalik na kaibigan at kababata niya si Margareth. Magkasing-edad lamang sila nito.


Magkalayo ang kanilang mga ugali at lalong magkaibang-magkaiba ang kanilang mga
hilig. Maganda, sosyal at elegante ang personalidad ng kanyang kaibigan. Galing din
ito sa maykayang pamilya. Sa ngayon, pinagkakaabalahan nito ang pagpapatakbo ng
tatlong bakeshop na itinayo ng mga magulang para sa kanya. Sa kabila ng pagkakaiba
sa maraming bagay, nananatili silang magkaibigan dahil nirerespeto at tunay na
nagmamalasakit sila sa isa't isa.

Madalas niyang hingan ng tulong si Margareth sa paga-undercover niya. Ngunit


kailanman hindi ito nagtanong kung para saan ito o kung ano ang kanyang misyon.
Naiintindihan nitong kahit anong pagtatanong, hindi niya isisiwalat ang sekreto ng
trabaho niya.

Inabot sa kanya ng kaibigan ang isang kulay pink na blouse. Tinernohan nya ito ng
puting pantalon at kulay pink na doll shoes. Nagsuklay siya ng buhok at hinayaan
lamang itong nakalugay.

“Sandali. Eto o nagdala rin ako ng headband. Isuot mo. At saka maglagay ka ng
kaunting pulbos at lip gloss,” wika ni Margareth.

Matapos ang ilang sandaling pag-aayos ay pumasok ng banyo si Alex. Ikinabit niya
ang isang button speaker sa kanyang bra at nagsuot ng isang maliit na wireless
headset.

“Hello...helllo...chief naririnig niyo ba ako?”

Biglang may umugong na malakas na echo sa kanyang tenga.

“Aray! Chief ano ba? Ayusin niyo ang mic dyan!”

“Roger, roger...Inspector Valdemor.”

“Okay na naririnig ko na kayo dyan sa headquarters...magstand-by kayo ng magaling


na tao dyan ha. Sige papatayin ko muna ito. Bubuhayin ko na lang pag nasa klase na
ako,” aniya
“Copy, Inspector!”

Lumabas siya ng banyo. Kinuha ang files ni Maya Del Castro at sinalaksal ito sa
malaking hand bag. Pagkuway niyaya ang nagliligpit na kaibigan.

“Tara na Margareth. Ihatid mo na ako!”

“Saan tayo pupunta?”

“Sa UP.”

-----

Ibinaba si Alex ng kaibigan sa tapat ng isang lumang gusaling may mataas na


hagdanan patungo sa malaking entrance. Tumingala siya habang pinapandungan ng isang
kamay ang mga mata laban sa sikat ng araw. Binasa niya ang pangalan ng building.
"Palma Hall’. Tiningnan niya ang hawak na schedule upang tiyakin kung tama ang
gusaling pupuntahan.

“Roger...roger. Papasok na ako sa klase. Sinong nandyan?” pasimpleng ika niya


habang nakayuko.

“Si Inspector Corpuz to, Inspector Valdemor.”


"Okay Inspector Corpuz, it's game time. Madugo tong papasukin ko kaya't siguraduhin
mong masasalo mo ako," pabirong sabi niya.

Copy, no problem inspector," tatawa-tawang sagot ng kausap.

Nakahinga siya nang maluwag. Si Inspector James Corpuz, ang pinakamatalinong


miyembro ng kanilang team kung kaya't kumpiyansa siyang matutulungan siya nito.

Huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang paghahanap sa kanyang unang klase.
Habang naglalakad, inobserbahan niya ang mga estudyanteng nakakasalubong. May mga
english speaking, may matatatas managalog, may sobrang sosyal, may baduy, may
mukhang aktibista, may mukhang di madapuan ng langaw, may mukhang mahirap, may
mukhang mayaman. Ang katalinuhan lang ata ang isang katangiang pinagkakapareho ng
mga estudyante dito at ang iba ay halo-halo na.

Nakita niya ang silid-aralang hinahanap. Panandalian muna siyang sumilip sa


pintuan. Hindi pa lalagpas ng bente ang mga estudyanteng nasa loob. Tahimik siyang
pumasok at inilibot ang mga paningin sa silid. Hinanap ng mata niya ang taong dapat
bantayan. Namataan niya itong nakaupo sa pinakahuli at pinakasulok na hilera ng mga
silya sa bandang likuran. Seryoso at tahimik itong nagbabasa. Eksaktong bakante ang
katabing upuan nito kaya naman walang pagdadalawang-isip na tinabihan niya ito.

“Hi!”

Nag-angat si Blake ng mukha at tumingin sa katabing bumati sa kanya. Abot tenga ang
ngiti nito habang nakatingin sa kanya ng diretso nang may masisiglang mga mata.
Ngayon niya lamang nakita sa klase ang babae. Hindi niya ito binati sa halip ay
ibinalik niya ang mga mata sa pagbabasa. Sanay na siya sa mga babaeng diretsahan
kung magflirt. Ngunit bago tuluyang maituloy ang pagbabasa, natigilan siya ng ilang
saglit at napaisip... P-Parang pamilyar ang mukha ng babae.
Saan nga ba niya ito nakita?

Muli niyang tiningnan ang nakangiting katabi. Napanganga siya nang maalala ang
mukha nito.

“Huh! Ang matapang na pakialamera!” bulalas niya.

Bigla siyang naguluhan habang nakatingin sa katabi. Estudyante din ba ito? Kaedaran
niya lang ba ito? Ang pagkakaalala niya ay tinawag siya nitong bata. Ano ang
ginagawa ng matapang na babae sa kanilang klase?

=================

[4] ANG BAGUHAN

******
“Hi! Mukhang bago ka sa class na to.”

Napalingon si Alex sa kaliwang katabing upuan. Nakangiti sa kanya ang isang babaeng
nakasuot ng makapal na salamin, hanggang tenga ang buhok, payat at may kaitiman.

“Oo, kaka-transfer ko lang. Galing ako ng UP Baguio,” malugod na sagot niya.

“By the way, I’m Grace,” pakilala ng babae.

“Ako naman si Maya, Grace.”

Lingid sa kaalaman ng dalawang babae, lihim na nakikinig si Blake sa kanilang pag-


uusap. Puno pa rin ito ng pagtataka kung bakit bigla na lang sumulpot sa klase nila
ang pakialamera.

“Ready ka na ba sa exam ngayon?” tanong ni Grace.

Napatanga si Alex.

“E-Exam? Anong exam?!”


“Exam natin dito sa Philo, midterms na di ba?” kaswal na sagot ni Grace.

Mutink ng pagpawisan si Alex sa narinig. “Ahhhhh. Exam, oo naman alam kong may
exam!” kunway nakangiting sabi niya habang pasimpleng yumuyuko upang ilapit ang
bibig sa suot na mic. "Ehem...ehem..exam.."

“Copy Inspector. Pakicheck ng bag mo. May lamang isang ballpen yan na may kamera.
I-focus mo lang sa mga tanong para mabasa ko.”

Nagmamadaling binuksan niya ang bag at hinanap ang tinutukoy na ballpen ng


kasamahan. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang meron nga.

Dumating ang Professor.

“Class prepare your bluebooks now,” bungad agad nito, hindi pa man nakakaupo.

Muli siyang nataranta.

“Bluebook ehem..”

“Inspector ang Bluebook ay ang ginagamit sa UP na answering paper during


examinations. Meron na rin dyan sa bag mo.”
Hinalukay ulit niya ang bag. Nang makita ang isang manipis at mistulang asul na
notebook, saka lamang siya muling huminahon.

Pinasa ng propesor ang examination paper. Sinimulan niya itong sagutan habang
maya't mayang napapakagat sa labi, napapapunas sa kanyang noo at napapakutkot ng
mga kuko sa daliri. Kunwa'y binabasa niya nang malakas ang mga tanong na hindi niya
malinaw na nakukuha ang mga sagot mula sa lihim na kausap.

Napapalingon at napapailing naman si Blake sa kakaibang kilos ng katabi.


Nginingitian naman siya ng babae sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin.

Nagtayuan ang mga estudyante at isa-isang ang mga itong lumabas ng classroom
pagkatapos mai-submit ng kani-kanilang bluebook. Nalito na naman si Alex sa susunod
niyang gagawin pagkatapos maibigay ang sariling exam. Binalikan niya si Grace.

“Grace, tapos na ba ang klase? Yun na yun wala ng leksyon-leksyon?” taking tanong
niya.

“Oo,okay na. Teka, ano ba ang susunod mong schedule?”

Hinalukay ulit niya ang magulong bag upang hanapin ang kanyang schedule.

“M-Mathematics 2.”
“Pareho pala tayo. Halika sabay na tayong pumunta sa Math Building.”

“Ha! Lilipat pa tayo ng building?”

“Oo, ganito talaga dito sa Diliman. Meron pa ngang mga pagkakataon na kailangan pa
nating sumakay ng jeep para makapunta sa sunod na klase.”

“Ah ganun ba kunsabagay ang laki kasi nitong campus na to. Salamat Grace ha kundi
dahil sayo baka magkandawala-wala ako.”

“Okay lang yun. Katulad mo rin naman ako nung bago pa lang ako dito.”

------

“Inspector nawawala sa paningin ko si Blake. Saan siya tumatambay pag lunchtime?”

“Puntahan mo ang canteen na nagngangalang Casaa.”

“Salamat. Sige, mamaya na lang ulit tayo mag-usap sa susunod kong klase. Standby ka
lang baka may exam ulit ako sa next class.”

“Okay.”
Nahanap ni Alex ang nasabing canteen. Punumpuno ito at halos wala ng bakanteng
mesa. Inikot niya ang mga paningin at eksaktong nakita niya si Blake na pumipili ng
pagkain. Nagmadali siyang kumuha ng tray at tumabi sa lalaki.

“Hi! Dito ka ba madalas kumain?” nakangiting tanong niya.

Hindi siya sinagot ng kinakausap sa halip ay tiningnan lamang siya nito mula ulo
hanggang paa at pagkatapos ay ibinalik nito ang atensyon sa pagpili ng pagkain.

“Masarap ba ang mga pagkain dito?” tanong niya ulit.

Hindi ulit ito sumagot na para bang walang naririnig.

Hindi niya na ito muling kinausap. Sa halip ay sinabayan niya na lamang ito sa
pagpili ng pagkain. Kung ano ang binibili nito ay siya ring pinipili niya.

Naupo si Blake sa isang bakanteng table. Mag-isa lamang ito kung kaya’t nagmadali
siya pagbabayad upang masabayan ito sa mesa.

“Pa-share ako ha. Wala na kasing ibang bakanteng table eh,” sabay upo niya sa tapat
ng walang reaksiyong kausap.

Tumingin si Blake sa kaharap. Malapit na siyang mapikon sa kakabuntot nito sa


kanya. “Miss, hindi porke’t pakiramdam mo ay nailigtas mo ako minsan ay pwede ka ng
mag-feeling close sa akin.”

Pinagtakhan muna ni Alex kung ano ang ibig sabihin ng lalaki hanggang sa napagtanto
niyang natandaan din pala siya nito mula sa insidente sa sidewalk.

“Ang tinutukoy mo ba ay yung pagtulong ko sayo mula sa tatlong mga kalalakihan?


Wala yun! Ano meron pa bang nambu-bully sayo?”

“Miss...”

“Ako si Maya...Maya,” pakilala niya nang may namimilog na mga mata.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki sabay bigay ng isang ngising-aso. “Maya or


whatever... First of all, walang nambubully sa akin at kahit kailan ay walang
pwedeng mambully sa akin. And can you pleassse stop following me around. Since you
set your feet on my classes, wala ka nang ginawa kundi sundan ako. Please...you’re
giving me goosebumps! What are you? A stalker?!"

Natigilan siya. Ano daw? Kailangan niya na rin bang mag-ingles?

“Naku d-don’t misunderstand. Gusto ko lang makipagkaibigan. Bago lang kasi ako dito
at ikaw lang ang nakita kong pamilyar na mukha,” maamong paliwanag niya.
“Hindi ko kailangan ng bagong kaibigan....especially people like you,” matigas na
sagot ng lalaki sabay tingin ulit nito sa kanya mula taas hanggang baba.

“Who is she Blake?”

Napalingon si Alex sa babaeng nagsalita. Nakatayo ito sa kanyang likuran habang


akbay ng isang lalaki. May kasama itong tatlo pang pares ng magkakasintahan at
lahat ng mga ito ay nakatingin sa kanya.

“Don’t mind her. She’s a nobody,”paliwanag ni Blake nang may blankong mukha sabay
bigay ulit nito kay Alex ng malamig na tingin. "Miss pwedeng lumipat ka ng table.
Para sa mga kaibigan ko yang inuupuan mo.”

Bahagyang napapahiya at namumula ang mga pisnging tumayo si Alex.

“Napaka-antipatikong bata talaga!” nakaingus na bulong niya sa sarili.

Naghanap siya ng ibang mauupuan hanggang sa nakita niya sa isang mesa si Grace
habang kinakawayan siya nito.

“Maya! Dito ka na maupo!"

Lumapit siya sa kaklase at pilit itinago ang pagkainis sa lalaking nagpalayas sa


kanya sa unang inupuang mesa.
“Hay buti na lang at nandito ka Grace kundi baka kumain ako ng nakatayo."

Naupo siya at saka niya lamang naramdaman ang gutom. Ibinunton niya sa walang
pakundangang pagsubo ang pagkairita.

“Maya, anong ginagawa mo kanina sa mesa ni Blake Monteverde?” tanong ni Grace.

“Makiki-share sana ng table,” namumukol ang mga pisnging sagot niya.

“Ano ka ba pwesto nilang magbabarkada yun. Walang ibang pwedeng maupo dun kundi ang
grupo lang nila,” paalala ng kausap.

“Bakit nabili na ba nila ang table na yun?" nakangising tugon niya.

"Uso din pala yan dito. Akala ko pa naman ay malayang kumilos ang mga estudyante
dito sa UP at pantay-pantay ang mga karapatan. Dapat kung sinong nauna, kanya ang
mesa,” pabulong sa sariling pagpoprotesta niya.

“Saka napansin ko lang Maya. Wag kang magagalit ha. C-Crush mo ba si Blake?”
Bigla siyang nasamid sa narinig. Dali-dali siyang lumagok ng isang basong tubig.

“C-crush?” natatawang sambit niya.

“Oo kasi napansin ko lang na panay sunod, tingin at ngiti mo sa kanya. At saka
pinipilit mo rin laging makipag-usap sa kanya,” medyo nahihiyang sabi ni Grace.

Kinikilabutan si Alex sa pinagsasabi ng kaharap.

“Crush? Wala akong crush sa kanya," diretsong sagot niya nang may kasamang sunud-
sunod na iling. "Hindi uso sa akin ang salitang yan," tatawa-tawang dugtong niya.

“Mabuti naman kung ganoon. Kasi alam mo halos lahat ng babae dito ay nagkakagusto
sa kanya.”

“Ikaw kasama ka ba sa mga babaeng nagka-crush sa kanya?” kaswal na tanong niya


habang abala sa pagsubo.

Biglang namula si Grace sa tanong.

“Bakit naman magkaka-crush sa kanya ang isang pangit na katulad ko?”


“Bakit maganda lang ba ang pwedeng magkagusto sa kanya? At saka sinong may sabing
pangit ka? Sa tingin ko kung mag-aayos ka rin kagaya ng mga babaeng kasama nila
tiyak magiging magkakasing-ganda lamang kayo.”

Mas lalong namula ang mga pisngi ni Grace.

“B-Binobola mo lang ako. Tsaka ang mga tipong babae ni Blake ay yung mga mukhang
model, seksi, kaparehas niyang mayaman at sosyal kaya nga girlfriend niyan ngayon
si Sophia Vasquez eh.”

Kumunot ang noo ni Alex at nakataas ang kilay na tiningnang maiigi ang mahiyaing
kausap. “Ilang taon ka na ba Grace?”

“Eighteen..”

“Kitam ang bata mo pa. Mahaba pa ang panahon para gumanda ka.”

“Ikaw naman Maya kung magsalita ka parang hindi tayo magkasing-edad lang.”

“Ah ang ibig kung sabihin ay pareho pa tayong bata...mahaba pa ang panahon para
gumanda tayo,” biglang tarantang paliwanag niya. “Huwag na nga nating pag-usapan
yan si Blake. Kumain na lang tayo!” kunway asar na dagdag niya.

Pagkatapos ng ilang subo ay muling nilingon niya ang mesa nina Blake. Ilang saglit
niya itong tinitigan.
Masyadong mailap ang lalaki. Mukhang mahihirapan siyang mapalapit dito. Batid
niyang hindi ito basta-basta makukuha sa pagbuntot-buntot at pagbabait-baitan niya.
Kailangan niyang mag-isip ng ibang strategy para makuha ang loob nito.

=================

[5] TROPA

******

Lumalabas ng sinehan si Blake kaholding hands ang isang matangkad, seksi, mestisa,
maganda, makinis at kaedarang babae. Nakasuot ang babae ng makinang at maluwang na
sleveless, hapit na itim na mini skirt at mataas na wedge shoes. Marami rin itong
mga aksesorya sa katawan.

“Sophia, I guess I have to bring you home na. May importanteng lakad pa ako after
an hour," may lambing na sabi niya.

Sumimangot ang girlfriend. “Today is Saturday and you have no class tomorrow. Bakit
ka ba nagmamadali? Hindi na ba tayo magdi-dinner?”

“Bukas na lang. Promise I’ll pick you up before dinner time.”


“Ang daya-daya mo talaga. Lagi na lang kulang ang time mo para sa akin. Mabuti pa
yung mga barkada mo mas madalas mong nakakasama," nagtatampong tugon ni Sophia.

“Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako lumalabas with friends lately. Alam mo namang
season ng exams ngayon di ba?”

Hinalikan ni Blake sa noo ang girlfriend at marahang hinaplos ang palad nito.

“Promise I’ll make up tomorrow,” seryosong sabi niya.

“Promise mo yan ha,” matamlay na sagot ng dalaga.

Nakangiting tumango si Blake at hinigpitan ang pagkakahawak sa palad ng


nagtatampong girlfriend. Malambing na inakbayan niya ito habang naglalakad
patungong parking lot.

Mag-iisang taon niya nang girlfriend si Sophia. Nasa ikalawang taon na rin ito sa
kolehiyo at nag-aaral sa kursong Mass Communication sa De la Salle University.
Nakilala niya ito sa isang party na ginanap sa kanilang bahay. Magkaibigan ang
kanyang lolo at ang ama ng girlfriend na isa ring negosyante. Botong-boto ang
kanyang lolo kay Sophia at ito pa mismo ang nag-udyok sa kanya na ligawan ang
dalaga.

Unang kita pa lang niya kay Sophia ay na-attract na siya dito. Walang
pagdadalawang-isip na sinunod niya ang payo ng lolo na ligawan ito. Mabait ang
kanyang girlfriend. Mukhang liberated lang itong manamit dahil sa pagiging isang
modelo ngunit ang katotohanan ay isa itong konsebatibong babae. Bibihira itong
lumabas sa gabi. Nagpupunta lamang ito sa mga bar at disco kapag kasama siya.
Palasimba. Inosente. Masunurin sa mga magulang at ang pinaka-intimate na bagay na
nagawa niya pa lamanng sa kasintahan ay damping halik sa labi.

Totoo ang nararamdaman niya para kay Sophia kung kaya’t nirerespeto niya ang
pagkababae nito. Ngunit sa kabila nito’y gusto niya pa ring i-enjoy ang kanyang
kabataan. Mahal siya ni Sophia at mahal niya rin ito ngunit para sa kanya masyado
pang maaga para mag-seryoso siya sa buhay at pakikipagrelasyon. Ayaw niyang
ipagkait sa sarili ang mga bagay na dapat niyang maranasan sa kanyang edad.

“Blake one of my friends told me that her friend saw you daw sa isang disco na may
kasamang ibang girl." Biglaang ungkat ni Sophia nang nasa sasakyan na sila.
Nakahalukipkip ito habang nakatingin ng diretso sa kalsada.

Muntik nang nawala ang konsentrasyon ni Blake sa pagmamaneho sa narinig. Napatingin


siya sa nakasimangot na katabi. Ilang ulit muna siyang napalunok bago
nakapagsalita.

“That’s a lie. Kelan naman daw niya ako nakita?” kunot noong depensa niya.

“Last week. Remember that day na ilang beses kitang tinawagan but your phone was
turned off.”

Unti-unti siyang kinabahan ngunit pinilit niyang kumilos ng natural.

“Nasa bahay lang ako that time. Pinatay ko lang ang cellphone ko kasi nga nagku-
concentrate ako sa pagrereview,” kabadong paliwanag niya.

“But I also called your house and they said you weren’t around.”
“I was there. Siguro akala lang ng mga maids na wala ako coz I didn’t get out of my
room the whole day. Promise nasa bahay lang ako and I was studying!”

“Totoo ba yang sinasabi mo?” nakasimangot ngunit mabait pa ring tono nito.

Inilagay niya ang kanang kamay sa dibdib at tumitig ng diretso sa mga mata ng
naghihinalang girlfriend. “I'm telling the truth. Why would I lie to the girl I
love?”

Unti-unting napangiti si Sophia.

“Promise you’re telling the truth?”

“Promise.”

Pagdating sa bahay nina Sophia ay hindi na nagawang pumasok ni Blake sa loob.


Inihatid niya na lamang ang girlfriend hanggang gate. Nang makapasok ito sa loob ng
bahay, nagmadali siyang sumakay sa kotse. Humugot siya ng isang napakalalim na
buntong-hininga sabay tutok ng aircon sa kanyang mukha.

“Whew! Muntik na ako dun ah!”


Hindi pa man siya nakakaalis sa tapat ng bahay ng girlfriend ay tumatawag na si
Hayden.

“Bro asan ka na ba?” atat na tanong nito.

“Sandali lang bro. Kakahatid ko lang kay Sophia. Nahirapan akong maghanap ng
tiyempo para magpaalam.”

“Bilisan mo na.”

“Oo papunta na ako dyan.”

Pagkababa ng telepono ay mabilis pa sa alas-kuwatrong pinaharurot niya ang


sasakyan.

Dumating siya sa isang malawak na karerahang oval. Puno ang gilid nito ng mga
nagagandahang sports cars. Ipinarada niya ang sasakyan at pagkalabas pa lang dito’y
natanaw niya na ang mga barkada. Nakita din siya ng buong grupo at agad na
kinawayan siya ni Hayden.

Lumapit siya sa mga kaibigang may kasalamuha ng mga babae. Habang naglalakad
papalapit sa mga ito, sinasalubong siya ng mga mapang-akit na bati ng mga
nagseseksihang babae.

“Hi Baby Blake!”


“Hi!” sagot niya nang may kasamang kindat at pilyong mga ngiti.

Buhay na buhay ang buong paligid. Nagkikislapan ang iba’t ibang kalidad ng ilaw
mula sa mga headlights ng mga nakaparadang sasakyan. Dumadagundong ang modernong
musika na nagmumula sa isang high powered car stereo.

“Bro sayang di ka nakasama sa unang laban, ganda pa naman ng pustahan!” salubong sa


kanya ni Hayden.

"Give chance to other," mayabang na sagot niya sabay upo sa hood ng kotse.

"Kumusta ang lakad niyo ni Sophia?" usyoso ng kaibigan.

"Again, I almost get caught. I guess I'm starting to master the art of lying,"
napapabuntong-hiningang sagot niya.

"Tsk, bad boy..." ngingisi-ngising komento ni Hayden.

Lumapit kay Blake ang isang seksing babaeng may bitbit na dalawang bote ng beer.
Nang-aakit na inabot nito ang alak sa lalaki.

“For you Blake.”


“Thanks Mariel!”

Walang pag-aatubiling pinatulan ni Blake ang paglalandi sa kanya ni Mariel.


Hinalikan niya ng malalim sa mga labi ang babae nang hindi alintana ang mga matang
nakakakita sa kanila. Narinig niya ang hiyawan ng mga kabarkada.

"Whoah! Iba ka talaga Blake!"

Humiwalay ang mga labi niya sa babae nang maagaw ang kanyang atensiyon ng isang
bagong dating na humaharurot na sports car. Eksaktong huminto ang nasabing sasakyan
sa kanilang harapan.

Biglang nanahimik ang buong barkada at sabay-sabay ang mga itong napatingin sa di-
pamilyar na sasakyan. Hinawi niya naman patungo sa kanyang tabi si Mariel habang
kunot noong nakatingin sa humintong kotse.

Lumabas ang driver ng sports car.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

“Huh, ang pakialamera!”

Nakangising lumapit sa kanila ang matapang na babae. Nakasuot ito ng kulay brown na
leather jacket, hapit na puting T-shirt, masikip na itim na maong na pantalon,
brown na boots at kulay itim na leather gloves.

Maangas na namewang sa harap niya ang babae. Napapatanga naming nakatingin sa


kanila ang mga barkada.

“Anong ginagawa mo dito?” walang paglagyan ng pagtatakang tanong niya.

“Sino siya Blake?” tanong ni Mariel.

Ngumisi siya at mayabang na tiningnan ang bagong sulpot na kaharap. "A nobody. Just
a weird woman I met down the road," sagot niya nang hindi inaalis ang maangas na
pagkakatitig sa pakialamerang babae. "What are you doing here? Is this a part of
you stalking too?" salita niya sa babae sabay inom ng alak sa bote.

Gumanti ng mga ngisi si Alex. “Hahamunin ka ng karera. Ikaw daw ang pinakamagaling
dito di ba?” nakataas ang kilay na tugon niya.

Nagtawanan ang buong barkada ni Blake.

“Nagpapatawa ka ba? At bakit naman ako makikipagkarera sayo?” ani Blake nang may
hindi makapaniwalang mukha.

“Ayaw mo? Bakit natatakot ka bang matalo?” udyok ni Alex.


Biglang tumahimik ang magbabarkada. Nakita nila sa mukha ng babae na seryoso nga
ito sa panghahamon.

“Ako, matatakot sayo?! Bakit sino ka ba para katakutan ko!" napipikong sagot ni
Blake.

“Ganun naman pala eh. Pwes tara maglaban tayo.”

“At ano naman ang ipupusta mo?!"

“Pagnanalo ka sayo na ang sports car na dala ko, pero pagnanalo ako....”

Nakangising tumingin sa buong barkada ang dalaga. “...isasali mo ako sa tropa


niyo.”

Nagpalakpakan at nagtawanan ang buong barkada.

“Wow pare may gustong tromopa sa ating babae! Ipagpapalit ang sports car para lang
makatropa tayo! Ang bigat bro!”

Napaisip ng malalim si Blake. Bigla siyang natukso sa pusta ng babae dahil maganda
ang bitbit nitong sasakyan. Ginantihan niya ang nanghahamon at maangas na mga titig
nito.
“Shoot! Walang bawian yan ha!” sagot niya nang may nakakalokong mga ngiti. Inilapag
niya ang hawak na bote at tinanggal sa kanyang braso ang mga nakakapit na kamay ni
Mariel.

Nagpalakpakan ulit ang barkada.

“Wohooo! Mukhang exciting to ah!” hiyaw ni Hayden.

-------

Magkatabi ang sasakyan ni Blake at Alex. Dadalawa lamang silang nasa loob ng
malaking oval. Pumuwesto sa harap nila ang isang seksing babaeng may dalang flag.

Bago buhayin ang makina ng kani-kanilang mga sasakyan ay nagpalitan ng maaangas na


titig ang dalawang maglalaban. Binigyan ang isa’t isa ng nakakalokong mga ngiti.

Ibinaba ng babae ang flag.

Sinimulan ng dalawa ang pagpapaharurot ng kotse. Nagsigawan ang mga barkada ni


Blake. Pitong ikot ang kailangan nilang matapos.

Papalit palit ng pwesto ang dalawa, minsan ang isa ang nauuna at minsan eto ang
nahuhuli. Kapag nagkakasabay naman ay laging nagpapalitan ng matatapang na mga
tingin at mapang-asar na mga ngisi.

Pang limang ikot na at si Blake ang nasa unahan. Lagi nitong sinusubukang sagiin
ang sasakyan ng kalaban ngunit kaagad namang nababasa ni Alex ang galaw ng lalaki.
Kapag nakikita niyang may balak itong manggitgit, binibilisan niya lalo ang takbo o
kusa siyang nagpapahuli.

Pang-anim na ikot. Si Blake pa rin ang nasa unahan.

“Go Blake! Go Blake! Go Blake!”

Ngingisi-ngisi si Blake sa tuwing madadaanan ang sasakyan ng kalaban. Samantala,


nanatiling kalmado lamang si Alex.

Panghuling ikot. Si Blake pa rin ang nasa unahan.

“Go Blake! Go Blake! Go Blake!”

Nang mangangalahati na sa huling ikot ay biglang nagseryoso ang mukha ni Alex.


Kinabig niya ang clutch. Itinodo ang pagkakaapak sa silinyador. At ngumiti ng
nakakaloko.

“OA na kayo ha!”


Walang patumanggang pinaharurot niya nang ubod ng bilis ang kotse.

Nagkaroon ng katahimikan.

Hindi makapaniwala ang lahat.

Napanganga si Blake.

Anong nangyari? Paano siya naunahan ng kalaban?

Nang humupa ang pagkabigla, galit na galit na pinagpupupukpok niya ang manibela.
“Shit! Shit! Shit!”

Lumabas ng sasakyan si Blake nang may hindi makapaniwalang mukha.

Lumabas naman ng sasakyan si Alex nang may kalmadong mukha.

Tumayo ang dalawa sa tabi ng kani-kanilang sports car.

Nagkatinginan. Nagkatitigan....
Inangat ni Alex ang kanang kamay. Ipinikit ang isa niyang mata at ngingisi-ngising
inasinta ng daliri ang lalaki.

“Bang! Nahuli din kita.”...

=================

[6] BAGONG ALIPIN

*****
Dating gawi. Pagkatapos ng karera, diretso ang buong barkadahan ni Blake sa isang
disco. Ang pinagkaiba lang ay kasama na nila ngayon si Alex. Nakatambay ang grupo
sa labasan ng gimikan at masiglang nakasandal ang mga lalaki sa kani-kanilang mga
nakaparadang sasakyan.

Tahimik lamang na nakaupo si Alex sa isang nakaumbok at nakaharang na semento sa


harap ng sasakyan ni Blake. Pinapakiramdaman niya ang paligid. Patingin-tingin sa
mga labas-masok na mga kabataan sa disco.

Tumabi sa kanya ang hindi pa rin makapaniwalang si Hayden.

“Wow Maya! You’re incredible! Paano mo natalo si Blake? Ang tagal ko ng


sinusubukang gawin yan pero hindi matupad-tupad samantalang ikaw isang karerahan
lang nagawa mo na!" wika nito nang may matinding paghanga.

Asiwang nginitian niya ito at pasimpleng inilayo ang sarili sa malapit na


pagkakatabi sa kanya. Halos dumikit na kasi ang mukha nito sa mukha niya.

“Ah eh....mahilig din kasi akong magmaneho...Pero kahit hindi ko rin naman ine-
expect na mananalo ako. Nakatsamba lang siguro,” kunwa'y mapagkumbabang tugon niya.

“Alam mo bang ang cool-cool mong tingnan? Walang kaproble-problema sa akin kung
maging isa ka sa mga barkada naming!”

“Ah ganun ba...s-salamat ha,” sagot niya habang inilalayo ang mukha sa lalaki.

Nakataas ang kilay na sinulyapan ni Blake ang dalawang nag-uusap habang umiinom sa
bote ng beer. Naiirita siya sa nakikitang pagkagiliw ni Hayden sa babae. Hindi niya
pa rin matanggap na natalo siya sa karera. Mas lalo pang nadadagdagan ang pagkainis
niya dahil parang bilib na bilib sa weirdong babae ang kanyang mga kaibigan.

“Blake di ba okay na okay na maging tropa natin si Maya?” namimilog ang mga matang
sabi ni Hayden.

“I don't know. Tingnan natin,” sagot niya nang may sarkastikong ngiti.

“Maya bakit naman gusto mo kaming maging barkada? Bakit wala ka bang mga kaibigang
babae?” tanong ni Hayden.

“Bro sa tingin mo ba babae yan si Maya? Tingnan mo nga ang kilos at pananamit
niyan. Mukha bang babae yan?” ngingisi-ngising hirit niya.

Napanganga at napahawak sa bibig niya si Hayden nang mapagtanto ang ibig niyang
sabihin.

“Maya huwag mong sabihing...ano ka... kaya mas gusto mong sumama sa mga lalaki.”

Kumunot ang noo ni Alex. “Anong ano?”

Kumibit ng balikat si Hayden. “Yung alam mo na...h-hindi mahilig sa lalaki,” ingat


na ingat na sagot nito.
“Ahh yun ba...bahala kayo mag-isip. Hindi ko sasagutin yan masyadong personal ang
tanong mo.”

Nagkatinginan si Hayden at Blake.

"Told you so," mahinang sabi ni Blake sa kaibigan.

Nakuha ni Alex ang gustong malaman ng mga lalaki. Subalit hinayaan niyang isipin ng
buong grupo na ganoon nga ang sekswalidad niya para mas mapadali ang pagtanggap ng
mga ito sa kanya.

“Blake si Christine o dumarating!” bulalas ng isa sa mga barkada at sabay turo sa


papalapit na babae.

Nataranta bigla si Blake. Lipas na ang interes niya kay Christine kaya gusto niya
na itong pagtaguan. Lumingon siya sa tinuturong direksiyon ng barkada at nakita
niyang papalapit nga ang babae. Mabilis na nag-isip siya ng paraan upang huwag
itong matuloy.

Napatingin siya sa bagong katropang babae at mabilis niyang hinawakan ang braso
nito. Hinatak niya ito sabay pinaupo sa kanyang tabi. Dinikitan niya itong maiigi
at walang paalam na umakbay dito.

“Sumakay ka lang...” bulong niya.


Naguluhan si Alex sa ginagawa ni Blake. Sisikuhin niya na sana ito papalayo subalit
natanaw niya ang isang papalapit na maganda’t seksing babae nakatingin ng diretso
kay Blake. Kaagad niyang nakuha kung para saan ang kakaibang kinikilos ng lalaki.
Huminto ang babae at tumingin ito ng masama sa kanilang dalawa.

Halatang nagdalawang-isip itong lumapit ngunit pagkalipas ng ilang sandali’y


itinuloy din nito ang paglalakad patungo sa kanilang direksiyon.

Nagulat ulit siya nang bigla na lang siyang iniharap ni Blake at hinawakan ng isang
kamay sa pisngi. Inilapit nito ang mukha sa kanya upang palabasing mistula silang
naghahalikan kung titingnan mula sa kalayuan. Hindi siya nakakilos sa pagkabigla at
halos isang minuto sila sa ganoong posisyon.

“Umalis na Bro!” ani Hayden.

Dahan-dahang tinanggal ni Blake ang kanyang kamay sa pisngi ni Alex. Ilalayo na


sana niya ang mukha subalit di sinasadyang napatitig siya sa mga mata ng babae na
noon ay natutulalang nakatitig din sa kanyang mga mata. Sinipat niya ng ilang
sandali ang kabuuan ng mukha nito.... at mabilis itong ninakawan ng isang damping
halik sa mga labi. Pagkuway kumindat siya saka nang-aasar na ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ni Alex. Unti-unting nag-apoy ang kanyang pisngi at para may
usok na gustong lumabas sa kanyang ilong at mga tenga. Mabilis niyang kinuha ang
isang kamay ni Blake, pinilipit ito patungong likuran at mahigpit itong pinisil.

“Ouch!” nasasaktang wika ng lalaki.

“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha?!” Pinandilatan niya ito nang may namumulang
mga pisngi sa galit.
“Aray! Nagbibiro lang ako!”

“Puwes hindi ako nakikipagbiruan sayo!”

“Aray! Aray! Di ba tropa ka na kaya’t dapat tinutulungan mo rin kami sa ganitong


bagay. Aray!”

“Kasama ba ang halik sa pagtulong?” gigil na gigil na tanong niya.

“Aray! Bi-biro lang yung halik...ARAYYY!!!!” napapasigaw na daing ni Blake nang


lalo niya pang nilakasan ang pagkakapisil sa kamay nito. “You’re breaking my hand!”

Bagamat kinakabahan dahil sa nakikitang galit sa mukha ni Alex, naglakas-loob na


umawat si Hayden. Para rin siyang napapaaray habang pinapanood kung papaano
pilipitin ng babae ang braso ng kaibigan.

“T-Tama na yan Maya. Palabiro lang talaga si Blake. B-Baka mabali yung kamay niya-”

Napatingin si Alex kay Hayden. Medyo nahimasmasan siya nang makita ang nag-aalalang
hitsura nito saka niya lamang dahan-dahang binitawan ang kamay ni Blake. Mabilis na
inilayo ni Hayden si Blake.

“Ouch...” tanging nasambit ni Blake matapos habang hawak-hawak ang napilipit na


braso.
“Sa susunod na magbiro ka ulit ng ganyan, dudurugin ko lahat ng buto mo,” matigas
na banta niya.

Pinagpagan niya ang kamay habang binibigyan ng matatalim na titig si Blake. Hindi
pa man siya tuluyang nakakarecover sa naramdamang galit, biglang nagkagulo sa loob
ng disco. Nagtakbuhan papapalabas ang ilan sa mga kostumer at karamihan dito’y mga
babae.

“EEEEE! May nag-aaway!”

“Away! Away!”

Mabilis na tumakbo sa loob ng diskuhan si Alex.

“Hoy! Saan ka pupunta? Makikialam ka na naman!” sigaw ni Blake.

“B-Blake parang masyado yatang matapang tong si Maya,” komento ni Hayden.

“Sabi ko sayo. Hindi pabor maging kabarkada yan baka maging sakit lang natin sa ulo
yan,”salubong ang mga kilay na sagot ni Blake na noon ay bahagyang iniiinda pa rin
ang sakit ng kanyang kamay.
“Pero hindi ba parang nakakalalaki na nandoon siya sa loob at nandidito naman tayo
sa labas?” napapaisip na sabi ni Hayden.

Napilitan ang magkaibigan na sundan si Alex sa loob ng disco.

“Mapapaaway pa yata tayo dahil sa babaeng yan!” iritableng komento ni Blake.

Natameme ang magkaibigan pagdating sa loob nang makitang nakatayo lamang pala sa
isang tabi si Alex. Mahinaho’t nakahalukipkip nitong pinapanood ang dalawang
lalaking nagsusuntukan sa dance floor. Nasa isang sulok lamang ito at walang
anumang bakas ng takot sa mukha salungat sa mga makikiusyosong kostumer.

Binabantayan lang ni Alex ang away. Itinawag niya na ito kung kaya’t anumang oras
ay may darating ng mga kasamahang pulis. Hindi siya pwedeng makialam dahil sa
imaheng iniingatan sa harap ni Blake. Simpleng suntukan lang naman ang nagaganap
kaya hindi niya kailangang mamagitan.

Maraming sumubok umaawat sa suntukan ngunit nabigo ang mga ito. Kahit guwardiya ay
hindi magawang awatin ang dalawang tila parehong may sanib ng alak. Napansin ni
Alex na pumuwesto ang isang kamay ng lalaki sa bandang likuran nito. Sinundan ng
kanyang mga mata ang galaw ng kamay nito at kutob niyang may binabalak itong
bunutin.

Alam niya na ang susunod na mangyayari kung kaya’t mabilis na dinampot niya ang
isang makapal na ash tray. Naglabas ng mahabang patalim ang lalaki at itinutok ito
sa kaaway. Nagsigawan ang mga tao at ang iba’y nagtakbuhan papalabas.

Nanatili naman sa loob sina Hayden at Blake. Binabantayan nila hindi ang nag-aaway
kundi ang kasamang babae. Nasaksihan nilang may dinampot itong isang bagay sa mesa.
Kalmado pa rin tinitingnan pa rin nito ang nag-aaway ngunit nang nagtangka ng
manaksak ang isang lalaki ay mabilis nitong ibinato ang hawak. Biglang nanlaki ang
kanilang mga mata habang napapanganga nang makitang eksaktong tumama ang ibinatong
bagay nito sa kamay na may bitbit na patalim.

Nabitawan ng lalaki ang hawak na patalim. Nagtaka ito kung saan galing ang tumamang
bagay sa kanyang kamay. Dumugo ang kamay nito sa lakas ng pagkakabato ng ash tray.
Kaagad namang sinipa ng mga guwardiya ang patalim papalayo sa mga nag-aaway at saka
pinaghahawakan ang dalawa sa braso. Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga
pulis.

Tila walang nangyaring lumabas ng disco si Alex. Pagdating sa harap ay hinanap niya
ang mga kasamahan na noon ay nakabuntot lang pala sa likuran niya.

“Maya buti naman at hindi ka nakialam. Akala ko magmamagaling ka na naman eh,"


kunwari ay walang alam na sabi ni Blake.

Lumingon si Alex sa nagsalita.

“Bakit naman ako makikialam eh away ng mga lalaki yun?! Saka meron namang mga
gwardya para umawat," iritable pa ring sagot niya lalo't muling naalala ang halik
ni Blake.

“Ah Maya nakalimutan nga pala naming sabihin sayo na merong rules ang tropa namin,”
pasakalye ni Blake.

Tumango naman si Hayden bilang pagsang-ayon sa mga sasabihin ng kaibigan. Habang


nasa loob ng disco, may napag-usapan silang magkaibigan na isang plano.
“Rules anong rules?” kunot noong tanong ni Alex.

“Ang pustahan natin sa karera ay ang makapasok ka lang sa tropa pero hindi ibig
sabihin nun ay ganun- ganun na lang yun pag nakapasok ka na,” ngingiti-ngiting
paliwanag ni Blake.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Meron kaming two months initiation. At lahat kaming magbabarkada ay dumaan sa


process na ito.”

“Initiation? Barkadahan lang ang sinalihan ko, hindi fratenity,” hindi kumbinsidong
tugon ng dalaga.

“Well, kung ayaw mo eh di hindi ka magiging welcome sa grupo kahit nakakasama ka


namin.”

Napalingon si Alex kay Hayden. Tiningnan niya ang lalaki ng makahulugan upang
kumpirmahin kung totoo nga ang pinagsasabi ng kaibigan nito.

Sunod-sunod lamang na tango abg itinugon ni Hayden. Kinakabahan itong magsalita.


Natatakot itong baka ma-offend ang matapang na babae.

“Sige. Ano bang initiation niyo? Bubugbugin niyo ako, paddle, palo, latigo. Ano
ba?” nakataas ang isang kilay at nakapamewang na sabi ng dalaga.
“You have to be our slave for two months,” nakangising sagot ni Blake.

“A-Ano kamo?!"

“Magiging alipin ka namin for two months.”

Di napigilan ni Alex na huwag magtaas ng boses. “ANO?!! AKO?! ALIPIN NIYONG


LAHAT!!”

Napaatras bigla si Hayden. Nataranta ito nang mapasigaw ang dalaga.

“Ah hindi...hindi naming lahat....Kahit si Blake lang. Si Blake lang ang mang-
aalipin sayo. Ako,okay na ako. Gusto mo ako pa ang magsilbi sayo eh.”

Huminahon si Alex at biglang napaisip. Bagama't dagdag na pasakit ito para sa kanya
pero kung tutuusin ay mas magiging pabor para sa misyon niya ang magiging sitwasyon
dahil mas lalong mapapalapit siya sa lalaking binabantayan.

“Sige tinatanggap ko. Pero si Blake lang ang pwedeng umalipin sa akin ha.”

“Oo! Oo! Si Blake lang!” mabilis na sagot ni Hayden.


“O, ano pang tinatambay-tambay natin dito? Hindi pa ba tayo uuwi? Nagkakagulo na’t
lahat eh naririto pa rin tayo,” matapang na tono ni Alex.

“Blake sabi ko nga sayo umuwi na tayo di ba? Tama si Maya. Halika na baka magkaroon
na naman ng bagong away,” agad na tugon ni Hayden.

------

Nangangalit ang mga panga ni Blake habang nagmamaneho pauwi. Galit siya sa
pakialamera at mayabang na babae. Napipikon siya sa kaangasan nito at sa hilig
nitong magmagaling. Pakiramdam niya sinasadya nitong magpasikat para makuha ang
loob ng buong barkada. Pati si Hayden ay halatang naging sunud-sunuran na kaagad sa
mayabang na babae.

Hindi siya papayag na masunod ang gusto nito na makapasok sa grupo. Nakukutuban
niya ang totoong intensiyon nito. Nagmamagaling ito para maging leader ng grupo.
Puwes, nagkakamali ang babaeng yun. Pahihirapan niya ito ng husto hanggang sa ito
na mismo ang sumuko at kusang tumiwalag sa tropa. Sagad-sagarang pang-aalipin ang
gagawin niya dito. Gaano man ito katapang, babae pa rin ito kaya't malaki ang
tsansa na panghinaan pa rin ito ng loob.

Biglang nalihis ang takbo ng kanyang iniisip. Sumagi sa utak niya ang ginawa niyang
paghalik sa babae. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit niya naisipang
gawin yon. Hindi niya naman kursunada ang mukha nito. Nang matitigan niya ang mga
mata nito ay basta na lang may nag-udyok sa kanyang halikan ito.

Kinilabutan siya sa naalala. Binatukan niya ang sarili. Kumuha siya ng tissue at
paulit-ulit na pinunasan ang kanyang mga labi.
“Pweh! Pweh!”

------

Linggo. Namimili ng mga damit sina Margareth at Alex sa Greenhills shopping mall.

“Ipili mo ako ng mga komportableng damit ha. Ayoko nung mga sexy masyado. Wag rin
yung mga mahal kasi temporary ko lang namang gagamitin yang mga yan,” sabi ni Alex
sa kaibigan.

“Oo na! Ang dami mong request. Hindi ka naman tumutulong sa pagpili.”

“Alam mo namang hindi ako masyadong magaling sa ganyang type ng fashion.”

“Anong hindi masyadong magaling, wala ka talagang alam yun ang sabihin mo!” ingus
ni Margareth.

Napapalunok na tiningnan ni Alex ang kaibigan habang pumipili ito ng mga damit.
Kanina pa niya ito gustong kausapin tungkol sa isang bagay.

“Margareth....” Napapalunok na ika niya.


“Bakit?”

“N-Nahalikan ka na ba sa lips ng lalaki?”

Natigilan si Margareth sa tanong niya at pinagtawanan nito ang tanong niya.

“Oo naman. Normal akong babae no. Hindi ako kagaya mo!”

“N-Nag-enjoy ka ba sa first kiss mo?”

“Siyempre. Meron ba namang taong hindi nasarapan sa first kiss nila.” Binigyan siya
ng nagdududang mga tingin ni Margareth. “Teka naninibago ako dyan sa tanong mo ha.
It seems unbelievable, pero may humalik ba sayo lately?”

Pakiramdam niya’y pinamulahan siya ng mga pisngi.

“Hindi ako!” madiing tanggi niya. “M-May nakilala akong babae at nagkuwento sa akin
na hindi niya daw naenjoy ang kanyang first kiss,” biglang malumanay na paliwanag
niya nang may asiwang mga ngiti.

“Kawawa naman siya. Mahalaga pa naman sa isang babae ang first kiss,” kibit-balikat
na ika ni Margareth.
Tumahimik ng ilang saglit si Alex.

“Bwisit na Blake yun ah. Sinira ang isang moment sa buhay ko!” inis na bulong niya
sa sarili.

Habang hindi mabura-bura sa isip ang ginawa sa kanya ng lalaki, tumunog ang kanyang
telepono. Tumatawag si Blake.

“Oh bakit?” may katarayang bungad niya.

“Puntahan mo ako dito sa bahay. May iuutos ako,” walang patumpik-tumpik na sabi
nito.

“T-Teka lang linggo ngayon di ba?”

“Maya, walang pinipiling araw ang pagiging alipin mo. Understood? Bye!” sabay putol
nito sa tawag.

“Te-teka...teka lang! Haist, bastos na abusero pa!”

Huminga siya ng paulit-ulit. Ilang sandali siyang nagdesisyon kung susundin ba ang
antipatikong lalaki. Ayaw niyang kusintihin ang pagiging spoiled brat nito kaya
lang wala siyang ibang pwedeng pagpilian. Higit na mahalaga sa ngayon ay ang
mapalapit siya dito.
Binigyan niya na lamang ng isang may kalambingang ngiti si Margareth.

“O bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” kinukutubang tanong ng kaibigan.

“Ikaw na bahala sa mga damit ko ha. Bye!”

Tumalikod siya at nagmamadaling naglakad papalayo bago pa man siya magawang pigilan
ng kasama.

“Hoy saan ka pupunta? Alex! Alex huwag mo akong iwan dito!”

"Sorry Margareth! Call of duty lang!"

=================

[7] CALL OF DUTY


*****

Nakanganga si Alex habang nakatingala’t iniikot ang mga paningin sa higanteng bahay
na napasukan. Lumaki din siya sa isang mansyon subalit pakiramdam niya ay nanliit
ang kanilang bahay kumpara sa lugar na kanyang kinatatayuan.

“Whoah, bahay ba talaga to o hotel?! Magkano kaya ang balak hinging ransom money ng
Venomus sa spoiled brat na yun?” aniya sabay upo sa sopa upang hintaying harapin
siya ni Blake.

May lumapit sa kanyang katulong. Bitbit nito ang tray na may isang basong juice.
Nang ilalapag na nito sa harap niya ang inumin ay saka namang dating ni Blake.

“There’s no need to give her a drink. Aalis na rin yan," mayabang na sabi nito nang
nakapamulsa sa pantalon.

“S-Sige po sir.”

Napipilitang ibinalik ng katulong ang juice sa tray at tumalikod. Ngunit bago ito
makalayo ay tumayo siya.

“Sandali!” madiing tawag niya sa maid.

Huminto ang katulong at lumingon sa kanya.


Nilapitan niya ito sabay dampot sa juice. Nilagok niya ang inumin, ibinalik sa tray
ang baso, pinahiran ng kamay ang gilid ng bibig sabay tiningnan ng matapang ang
lalaki.

“Akala mo uubra sa akin yang kabastusan mo ha!” gigil na wika niya.

Ngumisi lamang ang lalaki at kampanteng sumenyas sa kanya. "Follow me."

Nakaingus na sinundan niya ito. Habang binabaybay ang isa sa mga pasilyo ng bahay,
hindi niya naitago ang pagkamangha sa laki ng bahay.

“Hindi ba kayo naliligaw dito?..Ilan ba kayong nakatira dito?....Nakakaya mo bang


libutin itong bahay niyo sa loob ng isang araw?” sunud-sunod na mga tanong niya
kahit walang nahihitang sagot.

“Can you please shut up and just follow me.”

Itinikom niya ang bibig subalit palihim munang inirapan ang kasama. Nang marating
nila ang pupuntahang parte ng bahay ay muling namilog ang kanyang mga mata sa
pagkamangha.

“Wow!”
Tumambad sa kanyang harapan ang iba’t ibang klase ng mga mamahaling sasakyan.
Karamihan dito’y mga magagarang sports cars. Abot-tenga ang ngiting lumapit siya sa
mga koste. Bigla siyang nalito kung alin dito ang unang titingnan at hahawakan.

Nilingon niya si Blake na noon ay ngingisi-ngisi lamang sa reaksyon nya.

“Kaya pala ganun na lang kayabang ang lalaking ito,” nakangiwing bulong niya sa
sarili.

Lumapit siya sa isa pang magarang sports car at hinawakan ang manibela nito.

“Huwag mong hawakan yan baka madumihan,” saway sa kanya ni Blake.

Binigyan niya ng matatalim na tingin ang lalaki at nginusuan ito. Pinasalo nito sa
kanya ang isang susi.

“Ano to?” taking sabi niya.

“Sunduin mo ang girlfriend ko.”

“Sino sa mga yun?”


“Yung totoong girlfriend ko.”

“Saan?”

“Tinext ko na sayo ang address.”

Tinuro sa kanya ni Blake ang sasakyang gagamitin. Imbes na mainis ay excited pa


siyang sumakay dito. Ayos lang na maging drayber basta ba ganito kasusuwabeng
sports car ang idadrive niya.

Bago niya ito patakbuhi’y kumatok muna si Blake sa bintana. Ibinaba niya ang
salamin upang pakinggan ang sasabihin nito.

“Huwag mong pag-iinteresan ang syota ko. Hindi pumapatol sa kauri yun,” paalala
nito.

Inirapan niya ang kausap at nakasimangot na pinaandar ang sasakyan. Akala niya
naman kung anong importanteng bagay ang sasabihin nito.

-----

Pumasok sa isang subdivision si Alex at hinanap ang numero ng bahay na tinutukoy sa


address na ibinigay ni Blake. Nang matagpuan ay nakita niyang naghihintay na sa
harapan ng gate si Sophia.
Binuksan niya ang bintana ng kotse at binati ang nakatayong dalaga.

“Hi! Ako yung inutusan ni Blake para sunduin ka.” Nagulat ito nang makita siya.

“Huh you’re a girl!”

Tumango siya. Walang tanong-tanong na sumakay si Sophia at naupo ito sa likuran ng


kotse.

“Are you his new driver?” masiglang usisa nito pagkaupong-pagkaupo.

“Hindi. C-Classmate niya ako.”

“Classmate? Then why are you doing this kind of errand for him?” takang wika ng
babae.

Nararamdaman na ni Alex na duduguin ang ilong niya sa engliserang kausap.

“Ah-eh...barkada niya rin kasi ako.”

“Really? You’re one of his barkadas? May girl din pala siyang kabarkada. What’s
you’re name?”

“Al---....Maya.”

“Maya? That’s a nice name. By the way I’m Sophia.”

“Alam ko kilala na kita. Model ka di ba?” nakangiting sabi niya habang panaka-
nakang tinitingnan sa salamin ang kausap.

Nahihiyang tumango si Sophia. Naramdaman agad ni Alex na mabait ang babae. Kaya
naman siguro nauuto-uto lamang ito ni Blake.

“Maya can you give me your number?”

“Ha, bakit?”

“Sometimes kasi ang hirap kontakin ni Blake eh. And can you do me a favor also.
Don’t let him stay with other girls. Sabi nila yung mga kabarkada daw kasi niya ay
halos lahat mga babaero. So please can you be my friend too and bantayan mo rin si
Blake for me. Pleaase...”

“Ah-eh...ita-try ko ha,” napapalunok na sagot niya.


“Sige na pleasseee.”

Iniabot ni Sophia ang cellphone nito sa kanya.

“A-ano to?”

“Dial mo ang number mo.”

Nagdalawang-isip muna si Alex ngunit nang mapatingin siya sa nakangiti at maamong


mukha ng babae ay napilitan din siyang idayal ito.

“Thank you! Starting now, we’re friends na rin ha?”

Sumagot siya ng nag-aalalangang tango’t ngiti. Ang totoo’y wala siyang kabalak-
balak makialam sa personal na buhay ng bastos na lalaking yun.

Pagdating nila sa mansiyon nina Blake, natanaw niyang nakabihis na ang lalaki.
Naglalakad-lakad ito habang naghihintay sa may drive way. Napalingon agad ito sa
kanilang direksiyon at agad na gumuhit ang ngiti nito sa mga labi pagkakita sa
girlfriend.

Nagmamadaling bumaba si Sophia sa sasakyan at patakbong lumapit kay Blake. Yumakap


ito sa nobyo at humalik sa pisngi. “Hi! Babe!”
“Hi Babe!”

Hinalikan ni Blake sa noo ang dalaga.

Napailing si Alex sa nasaksihan. Gusto niyang masuka sa animo’y pagpapaka-gentleman


ng lalaki. Lumapit siya sa dalawa para isauli ang susi kay Blake.

“Ano to?” nakataas ang kilay na sambit ni Blake.

“Susi ng kotse.”

“Ba’t mo binibigay sa akin?”

“Nasundo ko na ang girlfriend mo di ba kaya tapos na ang role ko dito,” katwiran


niya.

“Who said you’re done for the day?”

Nagtagpo ang kanyang mga kilay. “Anong ibig mong sabihin?”


“You’re coming with us. Ipagmamaneho mo kami.”

Gustong singhalan ni Alex ang kausap ngunit bigla niyang napaalalahanan ang sarili
na pabor pa rin ito sa misyon niya. Kaya nagtitimping kinuha niya ulit ang susi at
kunway magiliw na ngumiti.

Nagtaka naman si Blake sa reaksiyon ng babae. Ang inaasahan niya’y magagalit na ito
at agad na magbaback-out sa pagsali sa tropa nila.

-----

Driver na driver ang dating ni Alex. Nasa likurang upuan pareho ang kanyang mga
sakay.

“Saan ba pupunta?” tanong niya.

“Eastwood,” sagot ni Blake.

Sinimulan niyang patakbuhin ang sasakyan.

“Yehey! I’m so happy that Maya is coming with us!”


Nagsalubong ang mga kilay ni Blake sa reaksiyon ng girlfriend.

“Bakit ka naman masaya?” medyo iritableng tanong nito.

“She’s kind and adorable. Kaya I want to be her friend too!”

“No. You can’t be friend with her.”

“At bakit naman? Ikaw nga kaibigan mo siya, bakit ako hindi pwede?”

“Ah basta, delikado maging kaibigan yan ng katulad mong magandang babae.”

“Why naman? Maya is pretty too!”

“Pretty?” natawa si Blake. “See, umpisa pa lang ng pakikipag-close mo sa kanya


nagkadiperensya na agad yang mga mata mo.”

Hindi na natiis ni Alex ang sarili na huwag magsalita. Tiningnan niya ng masama si
Blake sa rear mirror.

“Sophia, ano ba ang hinahanap mo sa isang lalaki?” natural na tanong niya habang
nasa lalaki ang mga mata.
“Huh? Why are you asking me about that?” inosenteng tanong ng babae.

“Gusto lang kitang payuhan na next time pag pipili ka ng boyfriend huwag yung may
hitsura lang. Tingnan mo rin ang ugali ha. Kumuha ka ng lalaki na kasing bait mo
rin," nakangiting sabi niya.

“What do you mean?” naguguluhang sabi ni Sophia.

“Wala naman. Piece of advice lang.”

Tiningnan siya ng masama sa salamin ni Blake. Binigyan niya ito ng isang mapang-
asar na ngisi. Napikon ang lalaki at palihim na sinipa nito ang kanyang upuan.

“Sophia pumili ka rin ng hindi pikon ha,” dagdag niya.

Nginisian niya ulit si Blake at nang muli niyang nakita ang napipikong mukha nito
ay dumila pa siya dito. Lalong napikon ang lalaki at sinipa nito ng mas malakas pa
ang upuan. Muntik na siyang mapasubsob sa manibela sa lakas ng pagkakasipa nito.

“Blake what are you doing? Nag-aaway ba kayo ni Maya?”

“....At saka Sophia, maghanap ka rin ng matured mag-isip ha.”


“Eeeeiii! Maya look! It’s red light!”

Napatingin si Alex sa traffic light. Nakapula na nga ngunit hindi niya na pwedeng
ihinto ang sasakyan dahil nasa kalagitnaan na sila ng pagtawid. Nagsipagbusina ang
mga naharangan nilang sasakyan.

Pagkatawid na pagkatawid nila ay pinara agad sila ng isang pulis.

“Ayan. Ang bilis ng karma mo. Ikaw bahalang humarap dyan ha,” ngingiti-ngiting wika
ni Blake.

Kakilala ni Alex ang pulis na humarang sa kanila at bago pa man ito makalapit sa
kotse’y kaagad na siyang lumabas. Nagulat ang pulis nang makita siya. Sasaludo sana
ito subalit mabilis niya itong sinenyasang huwag itong gawin.

“Inspector Valdemor, ikaw pala yan!” nakangiting bati ng pulis.

“Pasensiya ka na ha. Nagmamadali ako eh. Alam mo na, nasa official duty lang.”
Tinapik niya sa braso ang kasamahan at palihim na inginuso ang mga sakay. “Secret
mission.”

Nakuha agad ng kausap ang ibig niyang sabihin. “Copy Inspector! Sige ho.”
“Salamat.”

Kalmadong bumalik si Alex ng sasakyan. Nagtaka naman si Blake sa sobrang bilis nang
pakikipag-usap nito sa pulis.

“Anong nangyari?”

“Okay na.”

“Yun na yun? Ganun-ganun lang? Ni hindi ko man lang nakitang kinuha o tiningnan ang
lisensiya mo.”

“Mabait kausap yung pulis kaya pinagbigyan na ako.”

“Yang mga pulis talaga na yan. Walang kakwenta-kwenta! Masyadong pabaya sa mga
trabaho nila!” komento ng lalaki.

Itinabi ni Alex ang sasakyan. Bigla siyang nagseryoso sa narinig.

“Anong sabi mo?” nakataas ang isang kilay na tanong niya habang tinitingnan ang
lalaki sa salamin.
“Walang kwenta yang mga pulis na yan. Tingnan mo ang ginawa sayo basta-basta ka na
lang pinagbigyan.”

“Bakit may nasaktan bang ibang tao sa ginawa ko para magreklamo ka ng ganyan kung
pinagbigyan man ako ng pulis na yun? Hindi mo pa ipagpasalamat na hindi kayo
naabala sa date nyo.”

“Not only in these simple cases sila nagiging pabaya ah. Sa marami pang aspeto. Di
ba ang dami naman talagang mga pulis na sila pa mismo ang nagva-violate ng mga
batas?!”

“Mga masasamang pulis lang ba ang nakikita mo? Hindi mo ba alam na mas maraming mga
pulis ang ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Hindi mo man lang ba naiisip na mas
maraming pulis ang handang mamatay para sa tungkulin nila?”

“That’s part of their job. From the start naman alam nilang when you decide to
become a policeman, you’re life is at stake already!”

“Alam mo naman pala eh. Bakit mukhang minamaliit mo ang mga taong may ganyang
klaseng lakas ng loob at pagsasakripisyo.”

“Hindi ko sila minamaliit. I’m just trying to point out the flaws in their system.
Tsaka bakit ba masyado mong dinedepensahan ang mga pulis na yan. May kamag-anak ka
bang pulis? Pulis ba ang tatay mo?!”

“Stop fighting guys....” Hindi na napigilan ni Sophia na huwag awatin ang dalawang
kasamang kanina pa hindi magkasundo.
Tumahimik na lamang si Alex at napabuntong-hininga. Seryosong sinimulan ulit ang
pagmamaneho ngunit bago paandarin ang sasakyan tiningnan niya muna ng masama si
Blake sa salamin. Sa lahat ng ayaw niya ay ang marinig na minamaliit ng kung
sinuman ang kanilang propesyon.

Pagdating sa eastwood ay nanatiling nakabuntot si Alex sa magkasintahan.


Kinalimutan niya na ang hindi magandang komento ni Blake at sineryoso na lamang ang
pagbabantay. Hindi niya hinahayaang mawala sa kanyang mga paningin ang lalaki.
Palingon-lingon siya sa paligid habang naghahanap ng mga kahina-hinalang mukha.
Kahit sa dinner ng magkasintahan ay nakabantay pa rin siya sa labas ng restaurant.
Pati sa panonood ng sine ay sumama din siya. Naupo pa siya sa mismong likuran ng
dalawa.

“Maya are you okay? Hindi ka ba nabobore?” tanong ng nag-aalalang si Sophia.

“Don’t mind her. That’s part of her initiation," bulong ni Blake.

“Initiation for what?”

“Gusto niyang sumama sa grupo namin. So we want to test her sincerity.”

“Don’t you think na kawawa naman siya.”

“Huwag kang maawa diyan. Malakas pa sa leon yan.”


Natapos ang date ng magkasintahan. Hinatid muna ni Alex si Sophia. At nang
makabalik sa bahay nina Blake, atat na atat agad siyang nagpaalam.

“Sandali lang. I'm going to give you something," sabi ni Blake sa kanya nang
papalabas na siya ng bahay.

Naghintay siya sa living room. Pagbalik ng lalaki’y nagulat siya nang iniaabot nito
ang magkakapatong na makakapal na mga libro.

“A-Anong gagawin ko dito?” napapatangang tanong niya.

“I-summarize mo yung mga chapters na nilagyan ko ng bookmarks. Magrereport ako sa


makalawa kaya dapat bukas ng gabi’y tapos mo na yan para ma-review ko,” kaswal na
kaswal na utos nito.

Tumalikod siya sa lalaki. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nanggigigil na


itinikom niya ang mga kamay. Sa mga sandaling yun ay parang gusto niya na itong
patulan. Subalit kinagat niya na lamang ang kanyang dila para matauhan sa
nararamdamang matinding pagkakapikon.

“Ayaw mo? Unang araw mo pa lang nagrereklamo ka na kaagad,” ngingisi-ngising tanong


ng lalaki.

Humarap si Alex nang may tila kalmadong mukha at pilit na pilit na ngiti. Walang
reklamong tinanggap niya ang mga libro.
“Para eto lang magrereklamo ako. Bukas na bukas din ay tapos na to!”

Lumabas siya sa malaking bahay at pagkalampas pa lamang niya ng pintuan ay parang


gusto niya nang idaan sa malakas na sigaw ang matinding pagkairita. Ano ba itong
napasukan niya? Dapat nasa bakbakan, aksyon at mga raids siya. Bakit mukhang ang
mangyayari ay matatapos lang ang mga araw na ang tanging magagawa niya’y ang
pagtiyagaan ang bastos at spoiled brat na si Blake Monteverde?

=================

[8] BOY OR GIRL

******

Hatinggabi na’y napasugod pa si Alex sa headquarters. Bitbit niya ang makakapal na


mga libro. Napapakunot ng noo ang mga nakakasalubong niya habang nakatingin ang mga
ito sa libro at sa nakabusangot niyang mukha.

“Nasaan si Inspector Corpuz?” tanong niya sa isang kasalubong.

“Nasa radio room.”

Pinuntahan niya ang nasabing silid. Pabulagsak niyang inilapag ang mga libro sa
isang mesa.

Napalingon si Inspector Corpuz na noon ay tahimik na nagtatype sa laptop. “Oh,


Inspector Valdemor! Bakit bigla kang napasugod ng disoras ng gabi?” takang wika
nito.

“Tulungan mo ako sa mga libro na ito. Kailangan daw i-summarize to,” hinihingal na
sagot niya.

Sinulyapan lamang ng lalaki ang mga libro nang hindi umaalis sa kinauupuan at
ngumiti.

“Okay. Kailan yan kailangan?”

“Bukas ng daw ng hapon.”

“Okay.”

“Buti na lang at andyan ka Inspector Corpuz. Mukhang hindi ako sa sindikato mauutas
kundi sa mismong Blake Monteverde na yan. Mas madali pang manghuli ng mga kriminal
kesa pakisamahan ang taong yan!” iritableng reklamo niya.

“Relax ka lang inspektor. Basta pag nahirapan ka, sabihin mo lang nandito ako para
tulungan ka.”

“Salamat.”
Magdadalawang buwan pa lamang si Inspector Corpuz sa headquarters nina Alex.
Matanda lamang ito ng isang taon sa dalagang inspector. Kakatransfer lamang nito
mula sa Criminal Investigation Division ng NBI. Siya ang kadalasang gumagawa ng mga
pananaliksik sa mga confidential assignments at ngayon nga’y nakaassign din siya sa
misyon ni Alex.

Bukod sa pagiging matalino, gwapo at may magandang pangangatawan si Inspector


Corpuz. Maraming nagkakagusto dito subalit medyo may kailapan ito sa mga babae.
Gaya ni Alex, halos trabaho din lang ang umuukupa sa isip nito.

“Paano Insp. Corpuz pwede ko na bang iwanan tong mga libro dito. Maaga pa kasi ang
unang klase ko bukas,” ani Alex.

“Sige. Magtawagan na lang tayo bukas,” tugon ng binatang pulis.

Paalis na sana si Alex ngunit biglang bumungad sa pintuan si Chief Martinez.


“Andito daw si Inspector Valdemor?”

“Chief!” Agad na sumaludo si Alex.

“Ano kumusta na ang assignment mo?”

“Okay naman Chief medyo close na kami ngayon ni Blake Monteverde kaya mas
nababantayan ko na siya ng mas mahabang oras,” kunway nakangiti ngunit gustong
masuka ni Alex sa sinabi.
“Mabuti naman kung ganoon. Alalahanin mo na ang assignment na to ang magbibigay
sayo ng promotion.”

“Yes chief....Chief wala pa ba tayong bagong lead sa venomus kung kelan posibleng
umatake ang mga ito ng pangingidnap kay Blake Monteverde?”

“Wag kang magmadali. Magaling magplano ang sindikatong yan at hindi silakumikilos
ng padalos-dalos.”

Nadismaya si Alex sa narinig. Ibig sabihi’y maaring matagalan pa ang pagtitiyaga


nya sa spoiled brat na estudyante.

------

Alas-dos na ng madaling araw nang makauwi si Alex mula presinto, napahaba pa kasi
ang kuwentuhan nila ng hepe. Hindi niya na nagawa pang magpalit ng damit sa antok
at pagod. Naghubad lamang siya ng sapatos at diretso higa na sa kama.

Magtatatlong oras pa lamang siyang nahihimbing sa pagtulog ngunit biglang nag-ring


ang kanyang cellphone. Naalimpungatang kinapa niya ang telepono sa kama at kulang
na lang ay sagutin niya ito ng may kasamang hilik.

“He-hello.....” antok na antok pang sambit niya.

“Come to my house.”
Bigla siyang napadilat! Ganito na ba ang epekto sa kanya ni Blake na pati sa
panaginip ay pumapasok na ito?

Napatingin siya sa cellphone. Si Blake ngaI Tumatawag nga ito at hindi siya
nanaginip. Tumingin siya sa orasan, alas kuwatro y medya ng madaling araw. Ano to
emergency? May masamang nangyari ba sa lalaki? Kinikidnap na ba to?

Kinakabahang inilapit niya ulit ang cellphone sa tenga.

“He-hello Blake.”

“I said come to my house.”

“Ba-bakit may nangyari ba?”

“Ipagluto mo ako ng breakfast.”

Muntik niya nang maitapon ang telepono sa narinig.

“A-ano?! Bakit naman ako ang magluluto ng almusal mo? Eh sandamakmak ang maids nyo.
Sige na! Sige na, ang aga-aga mong mangunsumi ha. Inaantok pa ako!”
“Sinusuway mo ba ako? Do you want me to report it to the group?”

“Eh di i-report mo!”

“Then you can’t hang out with us anymore.”

Napaisip ng ilang saglit si Alex. Sa kabila ng ginawang pagtataray, emeepekto rin


naman sa kanya ang pagbabanta ng kausap.

“Sige na. Oo na! Pupunta na ako dyan!”

Gigil na gigil na ibinato niya ang telepono sa kama. Pinagdiskitahan niyang


bugbugin ang walang kamalay-malay na unan.

“Kayo naman kasi Venomus bakit hindi kayo pumili ng medyo mabait-bait na
kikidnapin! Ahhhh!”

-----

“Do you expect me to eat this kind of food?”


Nakanganga at natatawang tanong ni Blake habang nakaupo sa hapag kainan. Inihain sa
kanya ng naka-apron pang si Alex ang mga sampung pirasong sunog na sunny side up
eggs.

“At nasaan ang iba pang pagkain?” tanong niya.

“Wala na. Yan lang ang alam kong lutuin. Kaya yan lang ang almusal mo,” taas noong
sagot ni Alex.

“Nagpapatawa ka ba?”

“Hindi. Seryoso akong yan lang ang almusal mo.”

“No! I wont eat these. Yaya Cora-”

Mabilis siyang nilapitan ni Alex bago pa man matawag ang katulong. Mahigpit nitong
hinawakan ang kanyang isang braso at pinandilatan siya ng mga mata.

“Pinapunta mo ako dito ng madaling araw para ipagluto ka. Pwes pinagluto kita at
pinaghirapan ko yan! Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay yan ang kakainin mo!
Naiintindihan mo!” matigas na wika ng babae nang may nangangalit na mga panga.

Nagulat si Blake sa reaksiyon ng kaharap. Kasabay nito’y nakaramdam siya ng kakaiba


nang titigan siya nito sa mga mata. Hindi niya malaman kung takot ba o pagkagulat
basta bigla na lang siyang napatango at sumunod sa gusto nito.
Naupo ang babae sa tapat niya at ngingiti-ngiting sinabayan siyang kumain.

“Kainin mong mabuti yan. Baka sakaling ang sunog na itlog ang makapagpabago ng
ugali mo,” sarkastikong sabi nito habang pinapanood siyang hirap sumubo at maya't
mayang napipilitang uminom ng tubig.

Matapos ng sapilitang almusal, sabay na pumasok sa unibersidad ang dalawa.


Ipinagmaneho ni Alex si Blake at ipinagbitbit ito ng mga gamit. Pagdating sa klase
ay inabot sa kanya ng lalaki ang isang notebook.

“Ipag-take notes mo ako,” utos nito.

Nakaismid na tinanggap niya ang notebook.

“Maya mukhang close na kayo ngayon ni Blake ah,” puna ng katabi niyang si Grace.

“Ah oo, nakasama ko kasi siya last weekend sa isang event kaya medyo nagkalapit na
kami.”

“Gusto mo tulungan kita. Ako na magnonotes para sa kanya?”

“Talaga?!”
Narinig ni Blake ang pag-uusap ng dalawa at kaagad siyang nag-react. “Maya that’s
your job!”

Binawi ni Alex ang iniaabot na sanang notebook kay Grace. “Para namang may
pagkakaiba kung hindi ako ang magsulat,” nakaingus na bulong niya.

Dumating ang propesor. At nang magsimula ang klase ay sinimulang dalawin si Alex ng
antok. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapikit hanggang sa makatulog siya
sa upuan.

Hindi ito nakaligtas sa mga mata ng propesor at kaagad na nilapitan ang natutulog
na estudyante.

“Miss Del Castro.”

Nanatiling nakapikit si Alex. Samantalang ngingisi-ngisi naman si Blake habang


pinapanood at inaabangan ang mga susunod na mangyayari.

“Miss Del Castro!”

Niyugyog ni Grace ang katabi.

“Maya! Maya! Gising!”


Naalimpungatan si Alex. Pinahiran niya ang gilid ng mga labi ngunit biglang nanlaki
ang mga mata niya nang mapagtantong nakatulog siya sa klase. Dali-dali siyang
umayos ng upo at ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi nang makitang nakatingin
ang buong klase sa kanya.

"S-Sorry po sir," paumanhin niya sa gurong nakatayo sa kanyang tabi.

“Miss Del Castro! This is a classroom not a bedroom! Kung inaantok ka pa then get
out of my class. Umuwi ka ng bahay at bumalik ka sa kuwarto mo! Get out!” namumula
sa galit na sermon ng professor.

Tumayo siya ngunit bago lumabas ng silid ay tiningnan niya muna ng matatalim si
Blake. Kasalanan ng antipatikong lalaki kung bakit siya inaantok. Ngingisi-ngisi pa
ito at tila tuwang-tuwa na napahiya siya. Galit na inihagis niya papabalik dito ang
notebook.

Pagkalabas niya sa klase ay naupo siya sa tabi ng pintuan ng silid aralan upang
doon hintayin. Walang pag-aalinlangang ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-idlip.
Nakatulog ulit siya ng mahimbing hanggang sa may naramdaman siyang sumisipa sa
kanyang paanan.

“Maya wake up. Nakakahiya tumutulo ang laway mo.”

Nagising siya sabay natatarantang pinunasan ang gilid ng bibig. Tiningnan niya nang
masama si Blake nang wala naman siyang nakapang laway. Pinagtawanan lamang siya
nito.
"Let's go."

Tumayo siya at agad na bumuntot sa antipatikong lalaki. “Kapag bumagsak ako.


Kasalanan mo ito ha!” sumbat niya.

“Huwag mo akong gawing excuse. Just accept to yourself na hindi ka talaga matalino
kaya ka babagsak.”

“At paano mo naman nasabing hindi ako matalino?”

Huminto si Blake. Inilapit nito ang mukha sa kanya at tinitigan siya sa mga
mata. Napalunok siya at bahagyang lumiyad upang ilayo ang mukha sa lalaki.

“I can see it in your eyes.”

“I can see it in your eyes...Bakit ang mga mata ko ba ang nag-iisip?!”

“See. Your logic even shows it more,”nakangising sabi nito.

Hindi na siya sumagot pa. Kapag ganito ang tinatakbo ng usapan, aminado siyang
matatalo siya.

------
“Saan ang punta natin mahal na hari?” tanong ni Alex sa katabi bago niya simulan
ang pagmamaneho.

“Let’s drop by to a flowershop. Magpapa-deliver lang ako ng mga bulaklak para kay
Sophia for our monthsary.”

“Monthsary? Ano yan?”

Muntik nang humalakhak si Blake sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa tanong ng


kausap.“You don’t know what monthsary is? Maya nagkipagrelasyon ka na ba ever?”

“Bakit may kinalaman ba yan sa pakikipagrelasyon?” inosenteng tanong ni Alex.

“Wow! You’re unbelievable! See, that’s why I’m saying you’re not bright. Paano ka
ba nakapasok ng UP?”

Nagsimula na namang magpanting ang tenga ng dalaga. “Pwede mo namang sabihin ng


maayos ang sagot. Kailangan ba, mang-insulto ka pa!”

“Okay I’ll explain it to you. Listen carefully at remember it your whole life na
ako ang nag-share ng napakahalagang info na ito....”
Inilapit ni Blake ang mga labi niya sa tenga ng kausap.

“...ang monthsary ay ang pagsi-celebrate nyo monthly ng karelasyon mo sa petsa na


naging mag-on kayo. Nakuha mo?”

“Ah yun ba yun. Ayan ganyan sasagot ka lang naman ang dami mo pang sinasabi!”
nakangusong sabi ni Alex habang iniirapan ang katabi.

Napaisip bigla si Blake dahil sa inosenteng tanong ng kasama. Alam niyang hindi pa
ito nakikipagrelasyon sa lalaki pero wala pa ba itong karanasang makipagrelasyon sa
kauri nito? Unti-unti siyang naghinala. Nagkakamali ba siya ng akala tungkol sa
totoong kasarian nito?

Pagdating nila sa flowershop, sinimulang obserbahan ni Blake ang mga galaw ng


babae.

“Maya mahilig ka rin ba sa bulaklak?”

“Okay lang. Nagagandahan din. Pero okay din lang kahit wala.”

Malabong sagot.

“Maya itong pink roses okay ba sayo ang kulay ng ganitong bulaklak?”
“Hmmm...maganda rin siya pero parang mas maganda ang white.”

Safe na sagot.

“Hindi pwede ang white para sa girlfriend. Pangkaibigan lang yan...Maya anong mas
maganda tulip o rose?”

“Pareho lang.”

Malabong sagot na naman.

"Anong mas magandang arrangement yung halo-halo ang mga bulaklak o simpleng mga
rosas lamang?"

"Kahit ano basta ang importante may bulaklak. Basta huwag lang yung pampatay."

Natapos ang pamimili ng bulaklak nang walang nakuhang clue si Blake. "Naranasan mo
na bang mabigyan ng bulaklak?" hirit niya ulit sa babae habang hinihintay nilang
matapos ang flower arrangement.

"Wala akong maalala."


"Eh ang magbigay ng bulaklak, naexperience mo na ba?"

"Sino naman ang pagbibigyan ko? Hindi ako romantic o emosyonal na tao,” natatawang
sagot nito.

Natigil sa pangungusisa si Blake nang may dumating na bagong kostumer. Nanlaki


naman ang mga mata ni Alex nang makita kung sino ang pumapasok sa flower shop. Si
Margareth. Natatarantang nagtago ang dalaga sa likod ng kasama.

Nahalata agad ni Blake na pinagtataguan ng babae ang bagong dating na magandang


kostumer. Nakangising lumipat siya ng pwesto upang ilantad ang kasamang nagtatago
sa kanyang likuran.

Nakita ni Margaret ang kaibigan. “Alex? Anong ginagawa mo dito?" sabay malisyosong
napatingin sa poging kasama nito.

Mabilis na sinenyasan ni Alex ang kaibigan na magkunwaring hindi siya kilala. At


dahil sanay na si Margareth sumakay sa ganitong mga eksena niya, kaagad nitong
binawi ang sinabi.

“Ay sorry miss. Akala ko ikaw yung kakilala ko. Kamukha mo lang pala!”

“Okay lang,” nakangiting sagot ni Alex.


Napakamot sa ulo si Blake sa naging takbo ng pangyayari. Hindi siya maaring
magkamali na tinangkang pagtaguan ng kasama ang bagong dating na babae. Bakit ito
magtatago ng walang dahilan?

Natapos ang dalawa sa pamimili ng bulaklak. Pagkasakay na pagkasakay pa lamang ng


mga ito sa sasakyan, may tumatawag na agad sa cellphone ni Alex. Pasimpleng
tiningnan ng dalaga ang kanyang telepono. Si Margareth. Binigyan niya muna ng tipid
na ngiti si Blake na noon ay nagdududang nakatingin sa kanya.

"H-Hello..." mahinang wika niya.

“Sino yang gwapong kasama mo?” usisa agad ng kaibigan.

“Nasa duty ako. Bye!” nagmamadaling sagot niya at sabay putol sa tawag.

“Duty anong duty?” naghihinalang tanong ni Blake.

“D-Duty sayo. Kapatid ko ang tumawag. Alam niya ang tungkol sa pang-aalipin mo sa
akin," palusot ng babae.

“Ah okay.”

Biglang may pumasok na plano sa isipan ni Blake. Nilabas din niya ang sariling
telepono at tinawagan si Hayden.“Bro tawagin mo ang buong barkada. Let’s go to our
favorite Karaoke Bar. Let's meet in the venue in an hour...."
Nag-react agad si Alex.“Gigimik ka? Akala ko ba monthsary nyo ni Sophia. Hindi man
lang ba kayo magdi-date ng girlfriend mo?”

“Hindi ako gigimik. Gigimik ta-yo...” ngingisi-ngising at madiing sagot ng lalaki.

------

Nagkita-kita ang buong barkada sa harap ng isang babaihang Karaoke Bar. Ngunit bago
pumasok sa nasabing lugar, hinarang muna ang mga ito ni Alex. “Sandali! Wala bang
menor de edad sa inyo?” usisa niya sabay hingi sa ID ng mga kasama.

“Ano sa palagay mo yang ginagawa mo Maya?” iritableng at nakataas ang kilay na


tanong ni Blake habang pinagmamasdan ang pagbusisi ng babae sa mga wallet ng buong
tropa.

“Bawal ang minor sa ganitong lugar. Alam niyo bang pwedeng mapasara ito kapag
nahuling may menor de edad na pumasok dito,” mahinahong paliwanag ni Alex.

“Walang minor sa amin. At saka wag ka ngang OA at killjoy!” napipikong ika ni Blake

Nang matiyak na wala ngang menor de edad sa mga kasama, saka lamang hinayaan ni
Alex ang grupo sa pagpasok sa loob. Tahimik na bumuntot siya sa mga ito habang
palingon-lingon sa paligid.
Kumuha si Blake ng isang VIP Room. Pagdating nila sa nasabing silid, sunud-sunod na
pumasok ang mga nagagandahang babae. Bawat isa sa tropa ay pumili ng kanilang
makaka-table.

“Kinuha rin kita ng katable Maya,” nakangising sabi ni Blake.

Walang nagging reaksiyon si alex sa pag-aakalang binibiro lamang siya ng lalaki


subalit nagulat siya nang maya-maya lamang ay may tumabi sa kanyang isang magandang
GRO.

“Hi!” bati nito.

“Hi!” asiwang bati niya at sabay inom sa bote ng beer na noon ay kalalapag pa
lamang sa table nila.

“Maya let’s enjoy the night! Cheers!” ani Hayden.

“C-Cheers!” atubiling pagsakay niya sa kasiyahan ng mga lalaki.

Sinimulan siyang kausapin ng katable na babae. Panaka-naka niya naman itong


sinasagot. Ngunit ilang sandali pa ay nagsimula na itong dumikit sa kanya at umakap
sa kanyang braso. Kinilabutan siya. Ano bang akala nito sa kanya? Mabilis niyang
tinanggal ang mga nakakapit nitong mga kamay.

“Miss nagkakamali ka ng iniisip mo sa akin. Babae din ako. Kung gusto mo mamili ka
na lang sa isa man sa kanila," sabay nguso niya sa buong barkada. "Sila na lang ang
tabihan mo.”
Sumimangot ang babae. “Hindi pwede. Binayaran ako para maging table mo.”

“Pwes, magkwentuhan na lang tayo ha. Huwag mo akong landiin at kinikilabutan ako.”

Samantala, pasimpleng pinagmamasdan ni Blake ang katropang babae. Pinag-aaralan


niya ang bawat galaw nito. At sa mga sandaling iyon, napapansin niyang hindi ito
komportable sa katabi nito. Halatang hindi rin ito interesado sa iba pang mga GRO
na kasama nila sa VIP room. Tahimik lamang itong umiinom at saglit lamang kung
kausapin ang katable.

Ilang oras pa ang lumipas. Unti-unti nang nalalasing ang mga kalalakihan at isa na
dito si Blake. Nagsisimula na ang mga itong maging wild. Karamihan sa mga ito ay
nasosobrahan na sa pakikipagharutan sa mga babae. Ang ilan naman ay garapalan nang
nakikipaghalikan.

Napapailing at napapahawak na lang sa noo si Alex sa napapanood. May mga sandaling


kusa niya nang iniiwas ang mga mata sa mga kasamahan dahil parang siya na ang
nahihiya sa mga pinaggagawa ng mga ito. Kung hindi niya lang kailangang magpanggap,
baka kanina niya pa pinagsasapak at pinag-uuntog ang mga ulo nito.

Napatingin siya kay Blake. Nakaupo sa mga hita nito ang katable habang malalim na
nakikipaghalikan. Nakikita niyang gumagapang na sa kung saan-saan ang mga kamay ng
lalaki. Pumasok bigla sa utak niya si Sophia. Tumawag pa mandin ito sa kanya bago
sila dumating sa nasabing bar upang hanapin ang boyfriend. Bigla siyang na-guilty
sa pagsisinungaling niyang hindi sila magkasama ni Blake. Habang pinagmamasdan ang
garapalang pagtataksil ng boyfriend nito, unti-unti siyang nakaramdam ng awa sa
mabait at inosenteng babae.

Bagamat naawa siya kay Sophia, pinipilit niya ang sarili na huwag makialam sa
relasyon ng dalawa. Ayaw niya nang dagdagan pa ang kunsumisyon niya sa hawak na
kaso. Tama nang ugali na lamang ni Blake ang pinoproblema niya.
Muli siyang uminom sa bote ng beer at nang mapadako ulit ang mga mata niya kay
Blake, unti-unting nagpanting ang kanyang tenga. Sumosobra na ito, kulang na lang
ay harap-harapan na itong makipagtalik sa katable.

Hindi niya na napigilan ang sarili. Tumayo siya at lumapit sa lalaking tila walang
pakialam sa paligid. Pinaghiwalay niya ang dalawa sa malalim nitong paghahalikan.
Walang pasabing tinabig niya ng malakas ang babae at pinaalis ito sa pagkakaupo sa
mga hita ng lalaki. Gulat na gulat si Blake sa kanyang pangingialam. Ngunit bago pa
man ito makapagreklamo ay sapilitang itinayo niya ito at hinila papalabas ng silid.

Pagdating sa hallway, galit na isinandal niya sa dingding ang lalaki. Kinuwelyuhan


niya ito at pinandilatan ng mga mata.

“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo Blake ha?!”

Tila nawala naman ang epekto ng alak kay Blake dahil sa matinding pagkagulat.

“Wh-what do you mean? I’m just enjoying the night,” naguguluhang sagot ng lalaki.

“Hindi ka man lang ba naawa sa girlfriend mo?!” lumalabas ang mga litid sa leeg na
salita ni Alex.

“Ano bang pinagsasabi mo? Sophia is a different story here,” nakangising


pangangatwiran ni Blake.
“Hindi siya different story. Dahil ang ginagawa mo ngayon ay kawalan ng respeto sa
pagkababae at pagkatao ni Sophia! Kung ganyan ka lagi, walang magtatagal sa iyong
matinong babae Blake!”

Unti-unting napikon ang lalaki. “Teka ba’t ka ba nakikialam?”

“Babae rin ako Blake kaya naiintindihan ko kung ano ang pakiramdam kapag niloloko
at binabastos ka ng isang lalaki!”

Natigilan si Blake sa narinig. Tinanggal niya ang kamay ng babae sa kanyang kuwelyo
at dahan-dahang ngumiti ng nakakaloko.

“Wait. What did you just say?”

Bigla namang natauhan si Alex sa kanyang pagkakadulas at napaisip. “Bakit ano bang
meron sa sinabi ko?” biglang hinahon at patay-malisyang sagot niya.

“Tama ba ang narinig ko? Did you just say you’re a girl?”

Hindi na nagawa pang magpalusot ni Alex. Bigla siyang nagsisi sa padalos-dalos na


naman niyang pangingialam.

“B-Bakit may sinabi ba ako dati na hindi ako babae?” napapalunok at kusang depensa
niya.
“Okay, now I get it. You’re a girl!” madiing bigkas ng lalaki.

Seryosong bumalik sa loob ng vip room si Blake at naaasiwang sinundan niya ito.
Gusto niya sanang magpaliwanag pero naisip niyang hindi naman talaga siya
nagsinungaling. Ni minsan ay hindi niya sinabing lesbiyana siya. Ang mga ito lang
naman ang nag-assume tungkol sa kasarian niya.

“Let’s go guys," yaya kaagad ni Blake pagkabalik sa kuwarto.

“Alis na tayo? Bakit bigla-bigla naman Bro?!” nagtatakang reklamo ni Hayden.

“I came to this place with a purpose. Now, there's no use of staying here....dahil
nalaman ko na ang isang bagay na gusto kong malaman,” matigas na wika ni Blake at
sabay tapon ng seryosong mga titig sa napapayukong si Alex...

=================

[9] ATTACK OF THE ENEMIES


*****

Sa isang tahimik at mapunong parte ng UP Campus, nakasandal at nakaupo sa lilim ng


isang malaking puno si Blake. Tahimik at seryoso itong nagbabasa ng libro. Kaharap
nito si Alex na noon ay nakaupo rin sa ilalim ng isang katabing puno.

Hawak-hawak ni Alex ang isang makapal na libro. Kung hindi gaanong pagmamasdan,
aakalain mong seryoso ito sa pagbabasa at pag-aaral habang may subo-subong
lollipop. Subalit sa hati ng makapal na libro ay nakaipit doon ang isang pocketbook
size na compilation ng mga filipino jokes at iyun ang siyang totoong binabasa ng
dalaga.

Napatingin si Blake sa babaeng animo’y seryosong-seryoso sa binabasa. Pumasok sa


isipan niya ang nadiskubre sa karaoke bar. Napagisip-isip niyang maaring
nagkakamali siya sa akala na gusto nitong maging leader ng barkadahan nila. Ngunit
nagtataka naman siya kung ano ang totoong motibo nito sa pakikipagbarkada sa
kanila.

“Maya, may gusto ka ba sa akin?” diretsong tanong niya.

“Wala,” kaswal na sagot ng babae habang nanatiling nakabaling ang atensyon sa


libro.

“Then, may gusto ka ba sa isa sa mga barkada ko?”

“Wala...”
“May nakaaway ba dati ang mga katropa ko na kamag-anak mo at gusto mo kaming
gantihan?”

“Wala...”

“Kung ganu’y anong intention mo sa pakikipagkaibigan mo sa amin?”

“Gusto ko lang....”

Hindi pa rin tumitingin sa kanya ang kausap. At halatang wala sa loob nito ang
pagsasagot.

“You said you’re a girl. Then why do you want to hang out with boys?”

“Mas exciting kumpara sa mga babae...”

Napaisip ulit siya hanggang sa marealize ang mga disadvantages ng pagkakaroon ng


kabarkadang babae.

“Okay, now that I know your real sexual preference. Magdadagdag ako ng rules para
sayo.”

“Okay," walang reklamong sagot ng kausap.


“We have to think of our images pag kasama ka namin. Baka akalain ng mga tao na
babae ka ng isa sa amin which is not good. Therefore whenever you’re with us, hindi
ka pwede magpaganda. You can’t wear a dress. Hindi ka pwede mag makeup, you’re not
allowed to do any girly things...” sabay tingin niya sa hindi nakikinig ng mabuti
na kausap. “...in short ni katiting ay hindi pwedeng sumagi sa isipan ng makakakita
na girlfriend ka ng isa sa mga barkada. So just keep wearing just like what you’re
wearing now and keep acting boyish."

“No problem,” sagot nito habang nakatingin pa rin sa binabasa at tatawa-tawa.

“Maya nababaliw ka na ba?” hindi na makatiis na tanong niya.

“Bakit?" saka lamang ito tumingin sa kanya.

“Kanina ka pa kasi pangiti-ngiti dyan.”

“Masama ba kung napapangiti ako sa binabasa ko?”

“Masama. You’re holding a calculus book. May nakakatawa ba sa librong iyan?”

Natigilan bigla sa pagbabasa si Alex at kaagad na tiningnan niya ang cover ng


librong hawak. Ngek mali! Calculus nga!
Ngumisi si Blake at nagdududang tiningnan ang babae. “Wait a minute,” naghihinalang
sambit niya sabay tayo at lapit. Walang pasabing hinablot niya ang hawak na libro
ng kasama. “You’re not actually reading this calculus book,right?”

“Ibalik mo yan!”

Itinapon ni Alex ang nakasubong lollipop at nagmamadaling nakipag-agawan sa libro.


Subalit bago pa man niya ito mabawi, nakita na ni Blake ang nakaipit dito.

"So you were secretly reading this," sambit ng lalaki na noon ay hindi alam kung
matatawa o maiinis.

“Bakit mo ba pinakikialaman ang binabasa ko? Magbasa ka rin diyan ng kahit anong
gusto mo. Kahit ubusin mo pang basahin ang mga libro sa lahat ng library dito,
hindi kita pakikialaman!”

“You are really something Maya. May exam tayo later at imbes na mag-aral ka, ito
ang binabasa mo. Tapos sasabihin mo sa akin na kasalanan ko kung bumagsak ka!”

“Okay, okay hindi mo na kasalanan. Akin na yan," biglang hinahong sabi ni Alex.

“No! Hindi ko to ibabalik sayo. Mag-aral ka muna.”


Nag-uumpisa na namang mapikon si Alex kaya't nanggigigil na nakipag-agawan ulit
siya sa libro. “Akin na sabi!”

Determinado siyang mabawi ito subalit sa bawat pagdukwang niya ay mabilis itong
naiilayo ni Blake. Itinaas nito ang kamay na may hawak ng libro. Ilang beses siyang
napapatalon para abutin ito habang ngingisi-ngisi lamang ang lalaki.

“So the rumor is true...”

Natigilan ang dalawa sa pag-aagawan. Sabay silang napatingin sa isang babaeng


nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan ang kanilang
ginagawa.

Agad na kumawala si Blake sa kulitan. “M-Marianne...”

Si Marianne ay ex-girlfriend niya. Nakarelasyon niya ito sa loob ng maiksing


panahon bago niya ligawan si Sophia. Nagkalapit sila nito nang maging kaklase niya
ito sa isang subject noong freshmen sila. Mahigit isang taon na silang hiwalay
ngunit aminado itong mahal pa rin siya. Nananatili pa rin ito sa masugid nitong
paghahabol at pagbabantay. Pinapakialaman pa rin nito ang bawat galaw at kilos niya
sa loob ng campus.

“Rumor? What rumor?”kunot noong tanong niya.

Balewala kay Alex ang pagsulpot ng babae. Sa halip ay sinamantala niya ang
pagkakataon upang bawiin ang libro. Mabilis at ngingiti-ngiti niya itong ibinalik
sa bag.
“That you’re going around the campus these days with a certain girl. Sino siya
Blake? Siya ba ang flavor of the month mo?” sarkastikong ika ni Marianne sabay
tapon nito ng tingin mula ulo hanggang paa kay Alex.

“You’re being funny Marianne. Do you seriously think that I’ll date this type of
woman?”natatawang sabi ni Blake.

“Ayoko ring maniwala pero malay ko kung nagbago ka na ng taste.”

Naiiritang dinampot ni Blake ang kanyang bag at pinasalo ito kay Alex. Pagkuway
irritable siyang lumapit sa kasama. “See! Ito na nga ba ang sinasabi ko!” singhal
niya sabay talikod at lakad papalayo.

“Tingnan mo tong bastos na lalaking to. Hoy hintayin mo ako! Kung naiinsulto ka
pwes mas kinikilabutan ako!” sigaw ni Alex sa naninising lalaki.

Nagmamadaling dinampot ni Alex ang sariling bag para sundan ang nag-walk out na
lalaki. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang, lumapit sa kanya si Marianne.
Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso at pinandilatan siya ng mga mata.

“Don’t ever think of flirting with Blake kung ayaw mong sugurin ka ng buong
sorority ko! That guy is mine.”

Natawa siya banta ng estudyante. Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso at
mahinahong bumulong. “Miss, huwag kayong mag-alala inyong-inyo si Blake. Gusto niyo
i-giftwrap ko pa siya at i-deliver sa inyo ng may kasamang dedication card," sabay
tapik niya sa balikat nito.“Relaks lang at huwag niyo akong pagselosan. Isipin mo
na lang na isa lang akong hamak na alalay ng boyfriend ng bayan,okay?"
Kinindatan niya ang hindi makasagot na kausap at saka mabilis na tumakbo upang
habulin ang binabantayang lalaki.

------

Pagkatapos ng klase ay nagkayayaan ulit ang magbabarkada na lumabas. Pinagmaneho


ulit ni Alex ang kanyang amu-amuhan patungo sa isang bar. Pagdating nila sa lugar
ay naunang bumaba ng sasakyan si Blake. Diretso agad ito sa loob ng bar at hinayaan
lamang siya na iparada mag-isa ang kotse.

Kalmadong lumabas ng kotse si Alex. Hindi agad siya sumunod sa loob ng bar, sa
halip ay tumayo’t sumandal muna siya sa pinto ng kotse upang magpahangin ng ilang
sandali. Nakarinig siya ng mga pagkaluskos. Iginala niya ang mga paningin at nakita
niya ang limang mga babaeng teenagers naglalakad papalapit sa kanya. Kasama dito
ang babaeng iniwasan ni Blake sa disco.

Pinaligiran siya ng mga babae at tinaasan siya ng mga kilay.

“Heto na naman po kami,” bulong niya sa sarili.

“My god! Siya ba ang sinasabi mong babae, Christine?” ngingisi-ngising sabi ng isa.

“Yap! Isn’t it unbelievable that Blake chose her over me?” maarteng sagot ng babae.
“Hoy babae! Layuan mo si Blake coz he belongs to Christine!” banta naman sa kanya
ng isa pa habang dinuduru-duro siya.

Natatawa at napapailing na lamang siya. Sasagutin niya ba ang mga ito o tatahimik
na lamang?

“Mga Miss... bakit ba ako ang nilalapitan niyo? Bakit hindi si Blake ang puntahan
niyo at suyuin, hindi yung ako ang susugurin ninyo. Kahit pa awayin niyo ako ng
paulit-ulit, wala naman akong magagawa para magustuhan kayo ni Blake."

Lumapit sa kanya si Christine.

"We're approaching you dahil mang-aagaw ka!" sabay sampal nito sa kanya.

Napanganga siya sa ginawa ng babae sabay hawak sa kanyang pisngi. Hindi siya
makapaniwalang nasampal siya ng isang hamak na teenager!

Nagtitimping napakagat siya sa kanyang labi. Hindi niya pwedeng patulan ang babae
kung kaya't sarkastikong pinagsabihan niya na lamang ito. “Miss sa susunod kasi
huwag kayong basta-basta na lang pumapatol sa playboy kung ayaw niyo pala ng
nasasaktan."

“Look who’s talking? Di ba pinatulan mo rin siya?!” mataray na sagot ni Christine.

Nakita niyang umangat ulit ang kamay ng babae. Magtatangka na naman itong manampal
subalit bago pa man dumapo ang palad nito sa kanyang mukha, mabilis na pinigilan
niya ang paglapit ng kamay nito. Nanggigigil na hinawakan niya ito ng mahigpit at
seryosong tinitigan sa mga mata.

“Miss, huwag mong sagarin ang pasensiya ko dahil pag ako hindi nakapagpigil
siguradong mababalian ka ng buto. Kung ako sa inyo, pumasok na lang kayo sa loob ng
bar at doon magmakaawa ka kay Blake baka sakaling pansinin ka niya ulit."

Dahan-dahang ibinaba niya ang kamay ng babae. Pansamantalang natahimik ito kaya't
akala niya ay tinablan ito ng pananakot niya. Humakbang siya upang sumunod na sa
grupo nina Blake. Ngunit laking gulat niya nang bigla na lang siyang hinablot ni
Christine sa buhok.

“Ahhhh! Mang-aagaw! Bitch!”

“A-Aray!”

Sinubukan niyang tanggalin ang sumasabunot sa kanyang mga kamay ngunit bago pa man
niya ito magawa ay sinugod siya ng mga kasamahan ng babae.

Pinagtulung-tulungan siya ng grupo. May kumakalmot. May nananabunot. May


sumasampal. May nangangabayo. Di siya nanlaban sa halip ay hinahayaan niya na
lamang na mapagod ang mga ito at kusang tumigil. Maximum tolerance ika nga. Subalit
parang walang kapaguran ang mga babae at nang maramdaman niyang sobra na ang
pananakit ng mga ito ay hindi niya rin napigilan ang sarili.

“Tama na!"

Isa-isa niyang pinagpipisil ng madiin ang mga umaatakeng kamay. Natigilan ang mga
babae nang masaktan sa ginawa niya at dahil pikon na pikon na siya, di sinasadyang
napagtutulak niya ang mga ito. Napahandusay ang mga babae. Galit na galit na
pinandilatan niya ang mga ito.

“Magsitigil kayo! Dahil lang sa isang lalaki nagkakaganito kayo! Hindi ba kayo
nahihiya?!”

Biglang natakot ang mga babae. Nahirapan ang mga itong tumayo sa lakas ng
pagkakatulak niya. Nang dumaing ang mga ito sa sakit, bigla siyang nakonsensiya.
Isa-isa niya itong tinulungang makatayo.

Matapos tumulong, paulit-ulit siyang huminga ng malalim. Nagpagpag siya ng damit.


Inayos ng kaunti ang kanyang buhok at mahinahong iniwan ang nagsitahimik na mga
babae. Naglakad siya papuntang kalsada at walang pasabing sumakay ng taxi. Gusto
niyang tumawa ng malakas sa nangyari. Hindi siya makapaniwala sa mga nararanasan sa
mga sandaling ito.

Natatawa siya sa kanyang sarili. Pakiramdamdam niya ay unti-unting bumababa ang


dignidad niya bilang pulis. Hindi ito ang inaasahan niya sa trabaho. Halos
magpakamatay siya sa mga training tapos ganito kababaw na mga bagay lamang ang
nangyayari sa kanya. Nasaan ang excitement? Nasaan ang thrill? Nasaan ang
pinapangarap at hinahanap-hanap niyang mga laban?

Kakausapin niya ang opisina. Mamanmanan niya si Blake Monteverde sa sariling


pamamaraan at kung hindi siya papayagan ay bibitawan niya ang assignment...kahit na
suspendihin pa siya.
=================

[10] PATIENCE 101

*****

Nagulat si Chief Martinez sa tauhang walang kaabog-abog na pumasok sa loob ng


kanyang opisina. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Gusut-gusot ang buhok.
Namumula ang mukha sa mga kalmot. May kaunting sugat ang gilid ng bibig.

“Anong nangyari sayo Valdemor? Nakipaghuntahan ka ba sa mga tigre?”

Hindi sinagot ni Alex ang tanong. Naupo siya sa silyang nasa harap ng mesa ng
opisyal.

“Ayoko na nang ganitong paraan ng pagbabantay kay Blake Monteverde. Hindi na kaya
ng pasensiya ko ang mga nangyayari!” walang halong pagkukunwaring reklamo niya.

“Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba napapalapit ka na sa batang iyon?”

Hindi niya na napigilang huwag sabihin ang itinatagong mga sama ng loob.
Nakasimangot na tila batang nagpapakamping hinarap niya ang kanyang ninong.
“Chief ang totoo, ibang klase ang ugali ng Blake Monteverde na yun! Lahat yata ng
kayabangan, kaantipatikuhan at kabastusan nasalo niya na! Hindi na kaya ng
pasensiya ko! At heto pa. Ngayon ay hindi lamang siya ang pinoproblema ko kundi
pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Nakita niyo itong hitsura ko
ngayon? Kagagawan to ng mga babaeng pinagloloko niya! Hindi na tama ito chief!
Nawawala ako sa tamang konsentrasyon. Maaring pansamantala ko siyang mapakisamahan
pero hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ng pisi ko. Kaya habang maaga,
baguhin natin ang atake ng pagmamanman ko sa taong ito.”

Dahang-dahang namula sa galit ang mukha ni Chief Martinez. Hindi ito makapaniwala
sa pag-aasal bata ni Alex.

“Anong pinagsasabi mo Inspektor Valdemor?! Gusto mo bang sabihin na baguhin lahat


ng plano para lamang sundin kung saan ka komportable?! Anong klase kang pulis?
Kelan ka pa natutong magtrabaho ng ganito?!”

“Chief gusto ko lang naman iwasan na pumalpak kaya hangga't maaga ay sinasabi ko
na sa inyo ang problema.”

“Hindi maari. Somosobra ka na Alexandra! Hindi porke’t apo ka ni General Valdemor


ay pwede mo ng isipin na magagawa mo lahat ng bagay na gusto mong gawin!”

Nagseryoso ng mukha si Alex at matamlay na tumingin sa kanyang kausap. “Kung hindi


niyo ako mapagbibigyan, ibigay niyo na lang sa iba ang misyon na ito.
Makapaghihintay pa naman siguro ang promotion ko. Hindi ko buburuhin ang aking
sarili na pakisamahan ang isang asal prinsipeng saksakan ng sama ng ugali."

Tumayo si Alex at naglakad papalabas ng opisina. Hindi naman makapaniwala ang hepe
sa inasal ng dalagang pulis. Tumayo ang opisyal at seryosong nagbitiw ng mga salita
bago makalabas ng pintuan ang inspektor.
“Alexandra, alam mo ba kung gaano ka ipinagmamalaki ng lolo mo? At alam mo rin ba
na halos wala na itong mapagsidlan ng tuwa nang malamang malapit ka ng
mapromote?...”

Natigilan bigla si Alex basta’t lolo niya na ang pinag-uusapan ay madaling maantig
ang kanyang damdamin.

“...Bata ka pa nga Inspektor Valdemor. Hindi mo pa lubusang naiintindihan ang


kabuuang responsibilidad ng pagiging pulis. Masyado ka pang mapusok. Padalos-dalos
mag-isip. Agresibo. Alam mo ba kung bakit mabagal ang pag-usad ng promotion mo sa
kabila ng katapangan mo? Yun ay dahil sa mga pag-uugali mong ito...”

Tahimik na pinakinggan niya ang kanyang ninong habang nanatili siyang nakaharap sa
pintuan.

“...Ang pagiging isang pulis ay hindi lamang nasusukat kong gaano ka kagaling sa
pakikipaglaban. Hindi rin ito nasusukat sa dami ng mga kriminal na nahuli mo. Ang
totoong pulis ay kayang gawin ang kahit ano para sa katahimikan ng bansa at
kaligtasan ng mga mamamayan. Mahirap man o madali. Mabilis man o mabagal. Malalim
man o mababaw. Lahat ng ito ay ginagawa natin para sa bayan at hindi para sa ating
mga sari-sarili. Ngayon kung sa tingin mo ay hindi mo magagawa ang lahat ng ito.
Ibig sabihin ay hindi ka nababagay sa ganitong uri ng trabaho, Alex.”

Bigla siyang napalingon sa hepe. Para siyang sinampal ng paulit-ulit sa narinig na


huling sinabi nito. Mas masakit pa ang mga binitawang salita nito kaysa sa mga
sabunot at kalmot na kanyang natanggap. Ni minsan ay wala pang nakapagsabi sa
kanyang hindi siya nababagay maging isang pulis.

“Chief...”
“Alam kong hindi ka pa hinog inspector. Kaya ko ibinigay ang assignment nato sayo
upang matutunan mong gamitin ito at ito," sabay turo ng opisyal sa dibdib at ulo.

“...kapag natutunan mong gamitin ang utak at puso kasabay ng galing at tapang mo,
walang sinumang pwedeng magsabing hindi ka magaling na pulis. Kaya inspektor huwag
mong biguin ang lolo mo...huwag mong biguin ang sarili mo.”

Hindi nagbitiw ng anumang kasagutan si Alex. Matapos mapakinggan ang nakatataas na


opisyal ay mahinahon siyang yumukod at saka tahimik na nilisan ang opisina. Seryoso
ang mukha niya habang naglalakad papalabas ng headquarters. Pagdating sa harapan ng
gusali, huminto siya at nag-isip ng malalim.

Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat ng sinabi ng kanyang ninong hanggang sa unti-
unti niyang matanggap na lahat ng mga narinig niya ay may katotohanan. Bahagya
siyang nakaramdam ng hiya sa sarili. Ang pagiging mapusok niya at padalos-dalos ang
pinakatotoo sa lahat. Dahil sa sobrang kaagresibuhan niya, madalas na siya ang
nagiging dahilan ng mga palpak nilang operasyon. At ang pinakamasama sa lahat,
minsan may mga kasamahan siyang nalalagay sa alanganin ang buhay ng dahil sa kanya.

“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Nagtalo ba kayo ni Chief Martinez?”

Matamlay na napalingon siya sa nagsalita. “Inspector Corpuz...”

Tumabi sa kinatatayuan niya ang kasamahan. Bumuntong-hininga ito at nakangiting


tumingin sa kalangitan. “Nagugutom ako. Gusto mo ba akong samahan? Halika maghanap
tayo ng masarap na mami. Let’s drink a bottle of beer too.”

Nag-alangan siya ng ilang saglit ngunit kinalaunan ay sinagot niya ito ng tipid na
ngiti at tango. Gusto niya ring magpalipas ng oras upang maibsan ang bigat na
nararamdaman.
"Tara," yaya niya sa lalaki.

Napakunot ng noo ang kausap habang tinitingnan ang mukha niya. “Ah, Inspector
Valdemor baka gusto mo munang manalamin bago tayo umalis,” ngingiti-ngiting sabi
nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang hitsura. Kinapa-kapa niya ang buhok at
mukha. Nahihiyang nagpasintabi siya at natatarantang pumunta ng banyo.

-----

Pumunta sina Alex at Inspector James Corpuz sa isang malapit na mamihan.

“May problema ka ba? Naninibago ako. Hindi ako sanay na makita kang walang energy,”
ani James.

Ngumiti ng matamlay si Alex habang nilalaro ng tinidor ang noodles. “Iniisip ko


lang ang inasal ko kanina. Nahihiya ako sa sarili ko sa ginawa ko. Talo ko pa ang
isang batang nagwalk-out dahil hindi binili ang gusto niyang laruan," nahihiyang
pag-amin niya.

“Totoo pala ang naririnig ko na masyado ka ngang short tempered." tatawa-tawang


sabi ng kasamahan.
Malungkot ang mukhang tumango siya.

“Kung ganun magandang test pala ang assignment na to sayo. Kaya siguro ibinigay
sayo ito ni Chief. As far as my research is concerned, masyado ngang challenging
para sa kagaya mo ang environment ni Blake Monteverde,” dagdag na komento ng
lalaki.

Napasimangot agad siya pagkarinig sa pangalan ni Blake. “Sinabi mo pa. Challenge


talaga! Kung papipiliin ako na pakisamahan ang Blake na yun o ang mag undercover
bilang isang sexy dancer baka mas tanggapin ko pa ang huli!”

Natawa si inspector Corpuz. “I can’t imagine it. Ikaw magsisexy dancer!" sabay
tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa.

“Aba! Kahit gaganito-ganito ako, magaling ako kahit sa anong role. Siguro kung
hindi ako naging pulis, baka pag-aartista ang kinabagsakan kong trabaho," biro
niya. "Inspector Corpuz, maiba ako. Hindi ka ba nabo-bore sa duties mo? Narinig ko
kasi na ni minsan ay hindi ka pa napapasama sa mga raids or operations.”

“No. Kung ikaw ay masaya sa aksyon, ako naman ay nag-eenjoy sa mga research works
ko sa opisina. Pero huwag mong iisiping duwag ako ha. Naniniwala lang ako na mas
productive ako sa field na ito kaya dito ako nag-iistick.”

Lihim na tiningnan ni Alex ang kausap habang sumusubo ito. Nagbalik sa kanyang
isipan ang sinabi ni Chief Martinez tungkol sa responsibilidad ng isang pulis.
Kagaya ni Inspector James Corpuz, hindi man ito sumasabak sa labanan ngunit hindi
niya pa rin pwedeng sabihin na mas magaling siyang pulis kaysa dito.
Habang tinititigan ang kausap ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag si
Blake.

“Hello,” seryoso at pairap na sagot niya.

“Where are you? Kanina ka pa nawawala!” iritableng tono nito.

“May pinuntahan lang akong importante.”

“Bumalik ka na dito. Gusto ko nang umuwi dapat in fifteen minutes andidito ka na!”

Ibinaba ni Alex ang telepono at napapabuntong-hiningang nagpaalam sa kasama. “Paano


alis na ako inspector, tumawag na ang spoiled brat eh.”

“Saan mo ba siya pupuntahan? Ihahatid na kita," alok ng lalaki.

“Naku huwag na maiistorbo ka lang. Ituloy mo na lang ang pagpapalipas ng oras


dito.”

“It’s okay. Sinamahan mo rin naman ako dito, I’ll return the favor," sabay tayo ng
binata at yakag sa kanya patungo sa kotse nito.
Pagdating sa bar, naabutan nilang nakatayo at naghihintay na sa labas si Blake
habang maya't mayang tumitingin sa relos. Sumama agad ang hilatsa ng mukha nito
pagkakita sa kanilang dalawa.

Bumaba ng sasakyan si Alex at nakangiting nagpaalam sa kasamahan. "Salamat, James!


Ingat ka sa pagmamaneho pabalik," sabay kindat niya sa lalaki dahil sa pagtawag
dito sa unang pangalan.

"You're welcome," tatawa-tawang sagot ng binatang pulis na noon ay naintindihan


agad ang dalaga at sabay tingin nito sa halatang nakikinig na si Blake.

Pagkaalis ng sasakyan ni James, lumapit agad kay Alex ang iritableng lalaki. “Who’s
that guy?”

Hindi sumagot si Alex. Diretso lakad lang siya patungo sa pinagparadahan niya ng
sasakyan.

“Umalis ka ba ng walang paalam just to meet a man? Where did you go?”

Tila wala pa ring naririnig ang babae. Nilalaro-laro lamang nito ang hawak na susi
ng kotse habang naglalakad.

Napilitang tumahimik si Blake nang mahalatang nagbibingi-bingihan ang kausap.


Hanggang sa sasakyan ay tahimik lamang ang babae. Seryoso ang mukha nito habang
nagmamaneho. Diretso ang mga tingin sa daan habang paulit-ulit na bumubuntong-
hininga. Maya't maya niya itong ninanakawan ng tingin hanggang sa mapansin niya ang
mga namumulang kalmot sa mukha nito.
“I’ve heard about what happened...Bakit di ka lumaban?” pagbasag niya sa
katahimikan.

Hindi pa rin sumagot ang kasama. Tiningnan lamang siya nito ng saglit at inirapan.

“You really amaze me Maya. You’re very good in fighting with boys but you can’t
fight with girls? Bakit mo hinayaang gawin nila sayo ito? Naawa ka ba sa kanila
pero hindi ka naawa sa sarili mo? And because you can’t fight back with them, you
left me in that place to release your anger together with a man. Are you in a
special relationship with that guy or he is merely your shock absorber?" may
pagkasarkastikong pahayag niya.

Walang kaabog-abog na pumreno ng malakas si Alex sa kalagitnaan ng malawak na


kalsada. Hininto niya ang sasakyan at nilingon ang katabi. Seryosong tinitigan niya
ng diretso sa mga mata ang lalaki.

“Wala ako sa mood. Kaya pwede ba Blake huwag mo akong simulan," mahinahon ngunit
madiing bigkas niya.

Nagulat si Blake sa reaksiyon ng kausap. Napapalunok na ginantihan niya ang mga


titig nito. Bagamat kalmado itong nagsalita, ngunit tila may lamang pagbabanta ang
tono nito. Dahan-dahan siyang tumango at mabilis na tumahimik. Binawi ng babae ang
mga titig nito sa kanya at itinuloy ang pagmamaneho. Tumingin siya sa may bintana
habang napapaisip. Napansin niya sa sarili na may mga pagkakataong mabilis siyang
napapasunod ng babae. Meron itong kakayahang magbitiw ng maawtoridad na pananalita
at mga matang nangungusap na para bang...para bang mas nakatatanda ito o mas higit
na may karanasan na ito sa kanya sa maraming bagay....
=================

[11] WHO'S THE BOSS?

*****

Maagang natapos ang schedule ng klase nina Blake at Alex. Sa kalagitnaan pa lamang
ng hapon ay pinagmamaneho na ni Alex ang kasama patungong karerahan. “Ang aga pa
Blake, alas-tres pa lang ng hapon. May karera na ba ng ganitong oras?” aniya.

“Wednesday is the most exciting day, maaga pa lang ay nagpupuntahan na sa venue ang
mga magagaling na racers. Ito ang araw kung kelan makakapanood ka ng spectacular
actions. Fearless racers. Sinadya ko talagang magkaroon ng maluwag na class
schedule pag Wednesday because of this," nangingislap ang mga mata sa excitement na
sagot ni Blake.

“Sandali anong sabi mo? Anong araw ngayon?” gulat na tanong ni Alex.

“Wednesday. Huwag mong sabihing pati kung anong araw ay nawawala ka na rin?”

Biglang kinabig ni Alex ang manibela at nag U-turn.

“Hey! Where do you think you’re going?”

“Sandali lang to Blake, promise. May pupuntahan lang akong importanteng tao.”
“Siguraduhin mo lang ha!”

Bagamat mabigat sa kalooban, walang nagawa si Blake kundi ang pagbigyan ang dalaga.
Nagtaka siya nang ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng isang shooting range.
“What are we doing here?”

Hindi sumagot ang babae sa halip ay dire-diretso lamang itong pumasok sa loob ng
nasabing lugar. Naguguluhan ay napipilitang bumuntot na lamang siya dito.

“Hintayin mo na lang ako dito sa waiting area," anito.

Sumunod siya at tahimik na naupo. Mula sa salaming dingding sa waiting area, nakita
niyang lumapit ang babae sa isang matandang lalaki at humalik sa pisngi nito.
Nagsuot ito ng salamin, ear protector at kumuha ng baril. Tumabi ito sa matanda
habang nakangiting nakikipag-usap. Maya-maya lang ay sumabay na ito sa pagtatarget
shooting. Nagulat siya sa nasasaksihan. Walang mintis ang mga tira nito. Lahat
bulls eye. Unti-unti siyang kinilabutan sa napanood. Noon niya lang tuluyang
napagtanto na nakakatakot nga palang galitin ang babae.

Samantala sa loob ng shooting area, tuwang-tuwa si Gen. Valdemor sa pagdating ng


apo. “Akala ko ay nakalimutan mo na ang date natin iha.”

“Pwede ba naman yun lolo. Eto na nga lang ang araw na nag-eenjoy ako kasama kayo
makakalimutan ko pa. Tsaka malay mo ngayong araw na ito ay matalo ko na kayo,"
nakangiting tugon ng dalaga.
“By the way, who’s that good looking young man Alex?” tanong ng matanda habang
napapalingon sa kinaroroonan ni Blake.

“Special assignment ,Lo.”

“Why don’t you invite him here so he won’t get bored.”

“Huwag na lolo, wala namang alam yan sa paghawak ng baril.”

“Then teach him. Well, allow me to invite him.”

Naglakad si Gen. Valdemor papunta sa kinaroroonan ni Blake ngunit mabilis itong


hinarangan ni Alex.

“Iba ang alam niya sa identity ko Lolo.”

“I understand. Hindi mo kailangang sabihin sa lolo mo ang ganyang bagay. Don’t


worry.”

Pumasok ng waiting area si Gen. Valdemor at niyaya si Blake. “Iho why don’t you
join us?”
“No. Thank you I’m fine here,” naasiwang tanggi ni Blake.

Lumapit pa lalo ang matanda at inakbayan si Blake. “C’mon be a man. Join me and my
grandaughter.”

“Grandaughter...?” napapakunot ng noong sambit ni Blake.

“Yes she’s my apo. C’mon and join us. Shooting is fun.”

Nakaakbay na niyakag ni Gen. Valdemor ang lalaki papasok ng shooting range.

“Marunong ka bang humawak ng baril?” tanong agad ni Alex pagkalapit ni Blake.

“No. Ngayon nga lang ako nakapasok sa ganitong lugar.”

Kumuha ang dalaga ng ektrang baril, eye at ear protector at ibinigay ang mga ito sa
naguguluhang lalaki.

“Anong gagawin ko dito?”


“Turuan mo siya iha,” utos ni Gen. Valdemor na noon ay naghahanda na uli sa
pagpapaputok ng baril.

Napipilitang sumunod si Alex sa kanyang lolo. Nakasimangot na isinuot niya kay


Blake ang salamin at ear protector. Isa sa mga negatibong ugali niya ay ang kawalan
ng pasensiya at tiyaga sa pagtuturo sa mga baguhan. Mabigat sa loob na inabot niya
ang baril sa lalaki. Tinuruan niya ito ng tamang paghawak ng baril at itinuwid ang
mga kamay nito upang asintahin ang target.

“Ganito ba ka-extreme ang pagiging boyish mo? You could even hold a gun,” bulong
ng tinuturuan.

“Huwag ka ng maraming satsat, sundin mo lang ang tinuturo ko sayo. Pasalamat ka


inutusan ako dahil kung hindi ay hinding-hindi kita pagtitiyagaan,” bulong niya
sabay tapik sa bumabaluktot nitong braso.

“Well, I’m not even interested in doing this. Nahihiya lang ako sa lolo mo.”

Nagsimulang magpaputok si Blake subalit lahat ng mga tama niya ay nasa labas ng
target. “I don’t think I can do this Maya.”

“Mali kasi ang hawak mo sa baril at pag-asinta sa target!”

Naiiritang tumayo si Alex sa likod ni Blake. Niyakap niya ang lalaki mula likuran
at iniunat ang magkabilaang braso nito. Hinawakan niya ang mga kamay nito at
tinuruan kung papaano ang tamang pagsipat at pag-asinta sa target.
Nagulat si Blake sa ginagawa ng babae. Bagamat alam niyang ginagabayan lang siya
nito sa tamang pagbaril ngunit nakaramdam siya ng pagkaasiwa. Lalo na sa tuwing
napapadikit ang katawan nito sa likod niya at ganun din ang mahigpit na
pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay.

“What are you doing Maya?” napapalunok na sambit niya.

“Huwag kang mag-alala hindi kita tsinatsansingan. Tinuturuan lang kita ng tamang
pag-asinta. Iunat mo kasi ng maayos itong mga kamay mo. Ipikit mo yung isang mata
mo. Tingnan mong mabuti yung target. At huwag kang mabibigla sa putok," walang
kiming sagot ni Alex.

Sinunod ni Blake ang mga itinuro sa kanya ngunit sablay pa rin ang mga tama niya.
Muling tumayo ang dalaga sa likuran niya, inakap siya at inayos ulit ang mga kamay
niya para sa tamang pag-asinta. Binigyan siya nito ng instructions ngunit hindi
tumatanim ang mga sinasabi nito sa kanyang isipan dahil habang nagsasalita ito,
ramdam niya ang tumatamang hininga nito sa kanyang tenga.

Nahalata naman ni Alex na tila wala sa konsentrasyon ang taong tinuturuan.


“Nakikinig ka ba Blake?!” singhal niya.

Napaigtad si Blake. “Y-Yes I am but...this is not easy Maya!" kunway biglang


iritableng reklamo niya.

“Mag-concentrate ka kasi! I-relax mo lang yang mga kamay mo," sabay tapik ulit
nito sa mga kamay niya pagkatapos ay muling dumistansiya. "Sige subukan mo uling
magpaputok.”
Muli siyang tumira ng sunud-sunod na putok. Tiningnan nila ang target at dalawa sa
mga tira nito ay pumasok sa loob. Biglang nagliwanag ang mukha niya sa nakita.

“Maya did you see that? Nakatama ako ng dalawa!”

“See. Sabi ko sayo i-relax mo lang yang mga kamay mo eh. Sige tira pa,”
napapatangong sabi ng babae.

“You’re a fast learner iho,” komento naman ni Gen. Valdemor.

“Thanks Grandpa!”

Hindi masukat ang ngiti ni Blake. Nagsimula ulit siyang tumira. Lalo siyang
ginanahan nang karamihan sa mga tama nito ay nasa loob na ng target.

“Whoah! Did you see that Maya? I think I’m beginning to enjoy this!”

Tumaas ang isang kilay ni Alex. Subalit nang tumalikod ay lihim din siyang
napangiti. Natutuwa rin siya sa mabilis na pagkakatuto ng lalaki.

“I think you can leave me alone now Maya,” pagmamayabang pa ng lalaki.


Walang tigil na sa pagbaril si Blake. Enjoy na enjoy na ito sa ginagawa. Hanggang
sa ang maglolo pa mismo ang nag-aya dito para lisanin na ang lugar.

“Let’s go iho at may appointment pa ako. Pag may spare time ka, maybe you can join
us again next time.”

“Sure! I’ll find time for it para makasama po ulit ako next time!” ngiting-ngiting
tugon ni Blake.

Napapailing na lamang si Alex sa biglaang pag-ienjoy ng kasama. Halatang


nakalimutan na nito ang pupuntahang karera.

Pagdating sa sasakyan ay hindi pa rin mabura-bura ang mga ngiti sa labi ni Blake.

“Wow Maya. You’re Lolo is so cool!”

“Hindi ba dapat ako ang cool kasi ako ang nagturo sayo?”

Biglang nawala ang mga ngiti ng lalaki. “Yan na sana ang susunod kong sasabihin but
now I changed my mind.”

Napangiti si Alex sa mabilis na pagkakapikon ng kausap. Ang totoo ay natutuwa siya


na nag-enjoy ito. Hindi niya rin inaasahan na may itinatagong paggalang din naman
pala ito sa matatanda.
Samantala napatitig si Blake sa ngiti ng babae. Noon niya lang nakitang ngumiti ito
ng bukal sa kalooban. Isang ngiti na may kasamang pagliwanag ng mukha at mga mata.
Ilang sandali niyang tinitigan ang maaliwalas na mukha nito ngunit nang matauhan
siya ay agad niyang binawi ang mga mata at paulit-ulit na umiling.

Habang nasa daan, maya’t maya niya pa ring ninanakawan ng sulyap ang nagmamanehong
kasama. Nais niyang matiyak na hindi siya namamalikmatang tila nagbago’t gumanda
ang aura nito sa mga paningin niya.

“Bakit kanina mo pa ako tinitingnan? Bumibilib ka na ba sa akin dahil na-realize


mong may matututunan ka rin pala sa hindi katalinuhang gaya ko?” ngingiti-ngiting
wika ni Alex habang diretso lamang ang tingin sa kalsada.

Nagulat si Blake sa walang kaabog-abog at diretsong pagtatanong ng babae. Paano


nito nalamang nakatingin siya samantalang nakatutok ang mga mata nito sa daan?
Patay-malisya niyang inayos ang postura ng pagkakaupo. “Sinong bumibilib? Ako?
Don’t misinterpret! I’m still wondering kung babae ka ba talaga!” kabadong depensa
niya.

“Sus! Aamin ka lang ang dami mo pang sinasabi.Wala namang mawawala sayo kung
paminsan-minsan ay purihin mo ako,” nanunuksong sabi ni Alex.

"Yeah right, dream on!"

Sa racing venue, naabutan ng dalawa na naghihintay na ang buong barkada. Gaya nung
unang beses na makaharap ni Alex ang mga ito, kapiling na naman ng grupo ang alak
at mga babae.
“Where were you guys? Dami nyong namiss na magagandang laban,” salubong ni Hayden.

“May pinuntahan pa kasi si Maya eh," katwiran ni Blake.

“Tingnan mo tong lalaking ito at bigla na akong sinisi ngayon,” nakaingus na bulong
ni Alex sabay upo sa hood ng isa sa mga nakaparadang sasakyan.

Hindi pa man bumibilang ng minuto, nilapitan na agad si Blake ng isang babaeng at


inalok siya ng beer. Nilingon niya muna si Alex bago makipaglandian. Bigla siyang
natakot na baka maulit ang ginawa nito sa kanya sa karaoke bar at mapagsabihan ulit
siya tungkol kay Sophia. Nang makita niyang sa ibang direksiyon ito nakatingin,
mabilis niyang tinanggap ang alok na beer ng babae at panakaw na hinalikan ito sa
mga labi.

Mag-isa at tahimik lamang sa isang tabi si Alex. Hindi siya gaanong nakikihalubilo
sa buong barkada dahil wala namang inaatupag ang mga ito kundi ang makipaglandian
sa mga babae. Ang tanging nakakuha ng interes niya ay ang panonood ng karera lalo
na nang sumali si Blake. Halos takpan niya na ang kanyang mga tenga sa lakas ng
tilian ng mga kababaihan nang sumakay ang lalaki sa kanyang sports car. Mas lalo
pang dumagundong ang hiyawan nang manalo ito.

Pagbalik ni Blake ay lalapitan niya sana ito para batiin. Bahagyang gumaan-gaan na
ang loob niya rito dahil sa ipinamalas nitong paggalang sa kanyang lolo. Subalit
nang papatayo na siya sa kinauupuan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Tumatawag si Chief Martinez. Lumipat siya ng puwesto at naghanap ng medyo tahimik
na lugar.

“Hello, chief?”
“Inpector kasama mo ba ngayon si Blake Monteverde?”

“Yes chief bakit ho...”

“Pauwiin mo na ang batang iyan at pumunta ka kaagad dito sa headquarters may


importante tayong pag-uusapan.”

“Sige po...”

“Siguraduhin mong hindi na lalabas ng bahay yan ha lalo’t hindi ka kasama.”

“Yes chief...”

Pagkababa niya sa telepono ay naglakad siya patungo sa grupo. Nahalata niyang may
seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit nang makita siyang papalapit ay bigla
itong nagsipagtahimik. Nagdududang tiningnan niya ang mga lalaki. Nakukutuban
niyang may pinaplanong lakad ang mga ito.

“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong niya.

“Wala! Wala!” sabay-sabay na sagot at iling ng mga lalaki.


Mas lalo siyang nagduda.

“Siguro may lakad kayo at ayaw niyo akong isama,” prangka niya.

“P-Pwe-pwede ba namang lumakad kami ng hindi ka kasama Maya!” utal na wika ni


Hayden.

“Siguraduhin niyo lang na nagsasabi kayo ng totoo. Hindi ako nagpapakahirap


magpaka-alipin diyan kay Blake tapos hindi niyo naman pala ako isasama sa mga lakad
niyo!” kunway gigil na tugon niya.

“Hi-hindi kami nagsisinungaling Maya!” sagot ulit ni Hayden.

“BLAKE!!!” malakas na tawag niya sa lalaki.

Napaiktad si Blake sa sigaw niya at mabilis na itinulak nito papalayo ang babaeng
katabi.

“B-Bakit?”

“Gusto ko nang umuwi. Ihahatid na kita!" salubong ang kilay na sabi niya.
“Pwede ka nang umuwi ngayon kung gusto mo. No need to drive me home," nakangiti at
maamong sagot ng lalaki.

“Hindi pwede baka may masabi ka na naman at maging utang na loob ko na naman ito."

“No! I allow you to go home now. Promise hindi ito madi-discredit sa services mo.”

“Kapag hindi ka nagpahatid ay mas lalo akong magdududa na may balak pa kayong
puntahan. Sige kayo hindi ako aalis hangga’t hindi tayo sabay-sabay umuwi.”

“Okay fine! Let’s go home," biglang iritableng sagot ng lalaki.

Mabilis na tumayo si Blake. Wala siyang magawa kundi sumunod sa gusto ng babae
kaysa bantayan sila nito buong magdamag. Naisip niyang susunod na lang siya sa
pupuntahang babaihang club pagkatapos nitong maihatid.

Habang nagmamaneho, maya’t mayang tinitingnan ni Alex ang katabi. Hindi naman
makatingin ng diretso sa mga mata niya ang lalaki. Mas lalong lumakas ang pang-amoy
niya na may balak pa itong maglakwatsa. Nang makarating sila sa bahay nito, atat
itong nagpaalam sa kanya. Bakas na bakas sa mukha nito na hindi ito makapaghintay
sa kanyang pag-alis.

“Blake siguraduhin mong hindi ka na lalabas ng bahay ha,” seryosong paalala niya.
“Bakit ba masyado kang concern kung aalis ako o hindi? And who are you to tell me
what to do?” reklamo nito.

“Basta huwag ka nang lalabas ng bahay. Kapag nagsinungaling ka malalaman ko rin yan
sa bandang dulo.”

“At anong gagawin mo kung umalis ako ngayon?” nakangising tanong ni Blake.

Lumapit si Alex sa kausap at seryosong tinitigan ito sa mga mata. “Pipilipitin ko


yang kamay mo!” madiing wika niya.

Napalunok si Blake at bigla siyang napahawak sa kanyang braso. Sariwa pa sa alaala


niya kung gaano ito kasakit mamilipit ng kamay.

“Hey, are you trying to control me now?” di makapaniwalang bigkas niya.

Hindi siya sinagot ng babae sa halip ay tumalikod lamang ito at naglakad papalabas
ng garahe.

“I’ll go out whether you like it or not!” pahabol niya.

“Subukan mo lang!” madiing sagot nito.


Nang tuluyang makaalis ang babae, galit na galit na sinipa niya ang gulong ng
sasakyan. “How dare her to tell me what to do!”

Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag na si Hayden.

“Bro, nasaan ka na? Papunta na kami sa club.”

“House....Maya told me not to go out," dismayadong sagot niya.

“Ano?! Bakit?”

“Hindi ko rin alam Bro. I guess she’s into protecting Sophia.”

“Then huwag mong sabihing umalis ka tonight."

“Malalaman niya rin daw. She has ways to find out.”

“Eh ano naman ngayon kung malaman niya?”

“Pipilipitin niya daw ulit ang kamay ko...”


Tumahimik ng ilang saglit si Hayden.

“Hayden...”

“Yes Bro...”

“I’ll go out but make sure pag tinanong ka ni Maya you'll cover me up.”

Nanahimik ulit ng ilang saglit si Hayden. “Bro...tama nga siguro si Maya.


Magpahinga ka na lang tutal nasa bahay ka na rin lang.”

“What?!!!! Sinasabi mo bang hindi mo ako mapagtatakpan?”

“Pasensiya ka na Blake. Alam mo naman kung gaano katapang yan si Maya...Next time
na lang siguro tayo lumabas. Bye.”

Hindi makapaniwalang ibinaba ni Blake ang telepono. Nagsimulang uminit ang kanyang
mukha. Paulit-ulit niyang sinipa ang gulong ng sasakyan.

“How dare her para diktahan ako! Who is she? She is supposed to be my slave pero
parang bakit ako ang napapasunod niya! This is not right. I’m going to fix it! I
won't allow this stupidity!"
Sumakay ulit siya ng kotse at isinaksak ang susi nito. Ngunit nang pipihitin niya
na ang susian ay biglang naglaro sa kanyang isipan ang huling sinabi ng dalaga.

“Subukan mo lang!”

Ilang sandali siyang nagdalawang-isip. Hanggang sa binunot niya ulit ang susi.
Lumabas siya ng sasakyan at pabalibag na isinarado ang pinto. Nanggigigil sa galit
na naglakad siya papasok ng bahay.

“Ahhhhh! I hate her!”

=================

[12] DRAMA QUEEN

*****

“Marcus Lee Chua, bente singko anyos, anak ng isang milyonaryong Chinese
businessman, natagpuang patay sa isang warehouse sa Cavite. Ayon sa mga nakakita,
sinasabing dinukot ang lalaki kahapon ng mga di nakikilalang mga kalalakihan habang
naglalakad ang biktima papunta sa parking lot galing sa pamimili nito sa
Greenhills. Ayon sa pamilya ng biktima, nanghingi sa kanila ng 100 daang milyong
pisong ransom ang mga kidnappers. Bagamat sumang-ayon silang magbabayad ay
nanghingi pa rin sila ng saklolo sa mga pulis. Ang deadline ng bayaran ay dapat
kinabukasan pa ng alas-kuwatro ng madaling araw kung kaya’t pinagdududahan nilang
ang pagrereport nila sa pulis ang siyang dahilan kung bakit pinatay ang kanilang
kaanak. Sa ngayon nama’y hindi pa rin matukoy kung anong grupo ang nasa likod ng
kahindik-hindik na krimen na ito....”

Pinatay ni Chief Martinez ang telebisyon at humarap kay Alex na noon ay seryosong-
seryoso ang mukha dahil sa napanood.

“Ayon sa imbestigasyon, malamang na kagagawan ito ng venomus. Magaling silang


makipagpatintero kahit sa kapulisan. Nagkalat ang mga spy nila kung kaya’t
sinampolan nila ang biktimang ito para ipakita sa mga susunod nilang bibiktimahin
na dapat silang matakot humingi ng tulong sa mga awtoridad....”

“...wala tayong natanggap na kahit anong impormasyon tungkol sa naging balak


nilang pagkidnap sa biktimang ito. Masyadong pulido kumilos ang grupo kung kaya’t
ang natatanging alas na lang natin para matunton sila ay si Blake Monteverde...”

“...Kung kaya’t Inspector Valdemor mas higit na dapat mong tutukan ngayon ang
pagbabantay sa estudyanteng ito. Kung kinakailangang sundan mo siya sa loob ng
bente kwatro oras ay gawin mo. Sa ngayon ay ipinapaubaya ko na ang pag-iisip ng
paraan kung papaano mo siya mas lubos na mababantayan. Tandaan mong hinding-hindi
tayo pwedeng malusutan at maunahan ng grupong ito.”

Blanko lang ang mukha ni Alex. Diretso ang mga tingin niya sa dingding ng opisina
ng hepe habang seryosong pinapakinggan ang mga sinasabi ng opisyal. Pinag-iisipan
niyang maigi ang sitwasyon. Hindi matanggal-tanggal sa isipan niya ang napanood na
balita. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngunit parang may umusbong na
galit at takot sa kanyang dibdib. Noon niya lang napagtanto na maari ring mangyari
kay Blake ang nangyari sa napatay na biktima. Hirap siyang isipin at tanggapin na
ganoon ang sasapitin ng lalaking unti-unti ng napapalapit sa kanya.
Kailangan niyang pagbutihin lalo ang pagbabantay kay Blake. Kung kinakailangang
idikit niya ito sa kanyang katawan, gagawin niya. Mag-iisip siya ng kahit anong
paraan para manatili sa tabi nito sa lahat ng oras. Ipapamukha niya sa Venomus na
nagkakamali sila ng taong pinili para dukutin!

“Ako na ang bahala Chief... Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para
mabantayan si Blake Monteverde. At kapag sinubukan nilang kantiin kahit dulo ng
daliri ng lalaking ito, sisiguraduhin kong malulusaw ang buong grupo nila,” seryoso
at buong tapang na wika niya.

Tumayo at sumaludo si Alex sa opisyal. Lumabas ito ng opisina nang nag-iisip pa rin
ng malalim. Nanibago naman si Chief Martinez sa kakaibang reaksyon ng tauhan. Bigla
siyang nagtaka sa ipinakitang dedikasyon ng babae sa pagbabantay sa taong kelan
lamang ay inirereklamo nito.

-------

“DENNNNISSSSS! Pumunta ka dito bilis!” sigaw ni Sylvia.

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Dennis at taking-takang lumapit sa ina.

“Bakit Mom? Anong nangyayari?” natatarantang tanong nito.

Itinuro ng ginang ang kusina. At gaya ng unang reaksiyon ng ina, natulala rin si
Dennis sa nakita. Parehong napanganga ang dalawa sa tanawing nasaksihan.
Si Alex. Nasa kusina. Nakasuot ng apron. Seryosong nagluluto at nagpapaturo sa mga
katulong.

“D-Dennis...”

“Yes Mom?...”

“Kunin mo ang thermometer. Tsekapin mo yang kapatid mo. Mukhang mataas ang
lagnat...”

Lumapit ang doktor sa kapatid. Kinapa nito ang noo at leeg ni Alex.
“Kinikumbulsiyon ka ba Alex?”

“Alam niyo ang OA niyong magnanay. Para nagluluto lang eh,” nakangusong sagot ng
dalaga.

“Hindi kami OA Alex. Sige nga, kelan ka ba huling lumapit sa kalan at nagluto?”

Nag-isip ng malalim si Alex. Wala siyang matandaan maliban sa sandaling ipinagluto


niya si Blake.

“See. Wala kang maisagot!”


Lumapit ang kanilang ina at ito naman ang nangusisa. “Bakit bigla mong naisipang
magluto. May lalasunin ka ba? Kasama ba yan sa secret mission mo ngayon?”

“Ma naman hindi ko ba kayo pwedeng ipagluto," malambing na sagot ni Alex. "Hintayin
nyong matapos to ha? Ito ang almusal natin ngayon."

Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nina Sylvia at Dennis sa narinig at saka ito
tumalikod ng sabay.

“Magkakape lang ako ngayon. Maaga ang appoinment ko sa mga pasyente ko," sabi ni
Dennis.

“Fruits lang ako sa umaga. Yan ang sabi sa yoga class ko,” wika naman ng nanay.

"Kumain kayo. Minsan na nga lang ako magluto tatanggihan niyo pa," may tampong tono
ni Alex.

Pagkatapos magluto ay nakangiting lumapit sa hapag kainan si Alex. Nakaupo na dito


ang ina at kapatid habang parehong naghihinalang nakatingin sa kanya.

“Bakit nag-aaral ka nang magluto? Nagsasawa ka na ba sa pakikipagbarilan?”


diretsong tanong ng ina.

“Tama ba ang narinig ko na nagluluto ang aking apo?”


Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Alex nang marinig ang boses ng kanyang lolo.

“Hi Lo! Pinaghanda ko kayo ng almusal.”

“Wow, mukhang mapaparami ako ng kain ngayon ah.”

“Nasaan si Dad?” kunot noong tanong ng dalaga nang mapansing wala ang ama.

“Nasa Boracay. Mamayang hapon pa ang dating,” ani Sylvia.

Biglang tumamlay ang mukha ni Alex. Gusto niya sana ay kumpleto sila sa hapag-
kainan sa araw na iyun.

Nagsitahimik ang tatlong titikim ng luto ng dalaga habang isa-isang inihahain ng


katulong ang mga pagkain. Ilang saglit na nakatitig lamang ang mga ito sa mga
nakahain sa mesa. Iisang kulay lang ang kanilang nakikita. Kulay tutong. Napalunok
at nagsipaghinga muna ng malalim ang mga ito bago sumandok ng makakain. Bagama't
palpak ang mga luto, nagkunwari pa ring mga nakangiti ang lahat. Ayaw nilang
madismaya ang dalagang sa tanang buhay ay ngayon lamang sila ipinagluto.

Sa kalagitnaan ng pahirapang paglunok ng mga kasamahan sa mesa, nagsimulang


magsalita si Alex.
“Ma, Lo, Dennis... baka matagalan bago niyo ulit ako makasama sa pag-aalmusal...”

Biglang kinabahan si Sylvia sa sinabi ng anak.

“Alex, namamaalam ka na ba? Yan ba ang dahilan kung bakit mo kami pinagluluto.
Mayroon ka bang buwis-buhay na gagawin ngayon na anumang oras ay maaring may
mangyari sayong masama? Puwes kung ito ang ibig sabihin ng pagluluto mo ngayon,
hindi na ako kakain!”

“Fa-farewell party mo na ba ito Alex?”namumutlang wika naman ni Dennis.

“Huwag nga muna kayong mag-overreact! Hindi pa ako tapos magsalita,” inis na wika
ni Alex hanggang sa unti-unti na naming bumait ang mukha nito. “Meron lang akong
kailangang tutukang trabaho. At hindi ko alam kung gaano ako katagal mawawala.”

Napatingin si Alex sa kanyang lolo na agad naman siyang tinanguan bilang hudyat na
nakukuha nito ang ibig niyang sabihin.

“Bakit madedestino ka ba sa probinsya?” tanong ng ina.

“Maa-assign ka ba sa mindanao?” urirat naman ni Dennis.

“Alex cannot disclose any information so it’s useless to keep asking,” sabi ng
retiradong heneral.
“Tama si Lolo, wala akong pwedeng sabihin sa inyo maliban sa huwag kayong mag-
alala. Aalagaan kong mabuti ang sarili ko at hindi naman gaanong delikado ang
gagawin ko. Meron lang akong dapat bantayan ng mabuti.”

“I understand iha," kusang pagsang-ayon ng matanda sa apo.

“Thanks lolo.”

“Send him my regards,"ngingiti-ngiting sabi ng matanda.

Tumango si Alex at gumanti ng ngiti sa lolo.

Para namang binagsakan ng langit at lupa si Sylvia at Dennis. Hindi na nangulit pa


ang mga ito kay Alex. Biglang tumahimik ang hapag-kainan at tanging mga kalansing
ng kutsara’t tinidor na lamang ang narinig sa paligid.

-----

Pagkatapos makapag-impake at makapagpaalam sa kanyang pamilya, inumpisahan ni Alex


ang pagsagawa ng kanyang plano. Iniwan niya muna ang mga bagahe at tinawagan si
Blake bago umalis ng bahay.

“Hello, Blake. Mauna ka nang pumasok.”


“And why?”

“May inaayos lang akong problema...” matamlay na sagot niya.

“A-Anong problema mo?”

“Sige na Blake...mamaya na lang tayo mag-usap," malungkot ang boses na ika niya.

"O-Okay, I'll wait for you in the campus."

Pagdating ni Alex sa unibersidad, sinadya niyang hindi pumasok sa unang klase.


Pinapunta siya ni Blake sa library upang doon na lamang makipagkita.

Hindi siya pumasok sa loob ng library. Dinahilan niya sa lalaki na naiwan nya ang
kanyang ID kung kaya’t hihintayin niya na lamang ito sa entrance. Naupo siya sa
harapang hagdan ng gusali. Maya’t maya siyang lumilingon sa labasan at nang
makitang papalabas na si Blake, nagmadali siyang kumuha ng eye-mo at pinatakan ang
mga mata.

Sinapo niya ng mga palad ang mukha at nagkunwaring tahimik na umiiyak.

Nagulat si Blake nang maabutan ang malungkot na hitsura ng babae. Nag-aalalang


tinabihan niya ito sa hagdanan.
“What’s going on Maya? Wait, umiiyak ka ba?”

Hindi sumagot ang nakasubsob sa mga palad na dalaga sa halip ay nilakasan pa nito
ang pag-iyak. Bigla namang nataranta ang lalaki.

“What’s wrong Maya?”

“Pi-pinalayas ako sa amin.”

“Bakit?”

“Nag-away kami ng Mama ko. Gusto niya akong i-transfer ulit sa ibang school pero
hindi ako pumayag."

“At bakit ka naman gustong i-transfer ng Mom mo?”

“Sumosobra na daw ang paglalakwatsa ko simula nang mapalipat ako dito sa UP. Parati
na lang daw akong wala sa bahay,” humihikbing sagot ni Alex habang sapo pa rin ang
mukha.

Nakonsensiya bigla si Blake sa narinig.


“...Sabi niya huwag daw akong babalik ng bahay hangga’t ayaw kong mag-transfer.”

Napaisip ng malalim si Blake. Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtantong maaring


hindi niya na muling makikita pa ang babae kapag lumipat ito ng ibang eskwelahan.

“I suggest na siguro maghanap ka muna ng temporary boarding house habang hindi kayo
nagkakaayos ng parents mo. Marami namang nagpapa-rent ng bahay dito malapit sa
campus.”

Umiling si Alex.

“Wala akong ipambabayad Blake. Kinumpiska nila lahat ng credit cards at mga atms
ko. Ititigil din daw nila ang pagbibigay ng allowance ko. Wala akong pera kahit sa
pang araw-araw kong panggastos. Siguro nga kailangan ko silang sundin. Nalulungkot
lang ako kasi napapalapit na kayo sa akin tapos magkakalayo-layo ulit tayo,"
biglang hagulhol ulit na sagot ng babae.

Natigilan ulit si Blake at muling nag-isip ng malalim. Mas lalong tumindi ang bigat
ng loob niya habang nakikitang umiiyak ang kausap.

“Okay. I’ll help you.”

“Pa-papaano?”
“You can temporarily stay in our house.”

Biglang napaangat ng ulo si Alex at agad na nagliwanag ang mukha nito.

“Talaga?!”

Tumango si Blake.

“Naku salamat Blake! Tatanawin kong malaking utang na loob sayo ito. Ayoko talagang
mag-transfer!” bigla-biglang pagbabago ng tono ng dalaga sabay hablot nito sa mga
palad ng lalaki sa tuwa.

Nagulat si Blake sa paghawak ng babae sa mga kamay niya. Tuwang-tuwang pinipisil-


pisil pa nito ang kanyang mga palad. Hindi siya nakaramdam ng pagka-asiwa sa halip
ay parang may mahinang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan habang tulalang
napapatitig sa masayang mukha ng kausap.

“Salamat Blake," nakangiting sabi ni Alex.

“Ke-kelan ka ba magmomove-in?”

“Mamaya. Pagkatapos ng klase," walang patumpik-tumpik na sagot ni Alex at sabay


punas niya sa kanyang mga mapagkunwaring luha.
=================

[13] WARM WELCOME

*****

Hila-hila ni Alex ang isang malaking maleta. Sinusundan niya si Blake at ang isang
matandang katulong habang gina-guide siya papunta sa kanyang tutuluyang kuwarto.

Dinala siya ni Blake sa isang malaki, malinis at magandang silid. Mayroon itong
wall TV, malaking kama, maliit na sala set, aircon at sariling banyo. Napanganga
siya sa magarang kuwarto. Pakiramdam niya ay napakalaking kasalanan kung magkakalat
siya dito.

“This is your room,” sambit ni Blake at pagkuway ipinakilala nito ang kasamang
katulong. “This is Yaya Cora. She is the one who will guide you around the house.”

“Hello po. Ako po si Maya,” nakangiting bati niya sa kasambahay na mga lampas
sisenta na ang edad.

Ngumiti rin ang katulong. “Ineng gusto mo bang tulungan kita sa pag-aayos ng mga
gamit mo?”
“Naku huwag na ho! Ako na pong bahala dito. Kayang-kaya ko na po ito.”

“There’s no need for you to help Yaya Cora. She’s not a guest her.”

Kunot noong napatingin bigla si Alex sa lalaki.

“You’re one of them,” direktang sagot ni Blake sa nagtatanong na mukha ng babae.

“Hindi libre ang pagtira mo dito. You have to work for it. You’re one of the maids
kapag andidito ka sa bahay,” sabay talikod at labas ng lalaki sa kuwarto.

Inismiran ito ni Alex. “Ang akala ko pa naman ay bumait na ito.”

Muling humarap si Blake at agad na binawi ni Alex ang pagkakanguso.

“By the way your room is next to mine. I think it’s better this way para mas madali
para sa akin na utusan ka if I need you to do something for me.”

Tahimik at bahagyang nakasimangot na nakatingin lamang si Alex kay Blake. Napansin


ng lalaki ang pagtutol sa mga mata ng kausap.
“What ? You don’t like it?”

“Wala akong alam sa mga gawaing bahay,” diretsong pahayag ng babae.

“Yaya Cora will teach you. Bakit ayaw mo ba? Then I guess you can look for another
house to stay.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alex. Kaagad itong ngumiti ng masigla.

“Binibiro lang kita. Siyempre natural lang na pagtrabahuan ko ang pagtira ko dito!
Sige po Nanay Cora, iwanan nyo na ako. Pagkatapos na pagkatapos ko hong mag-ayos ng
gamit ay pwede niyo na akong utusan!”

Ngingiti-ngiting lumabas ng silid si Blake. Hindi big deal sa kanya kung tumira man
ng libre sa kanila ang babae ngunit ayaw niya itong ipahalata baka kasi unti-unting
abusuhin nito ang ipinapakita niyang kabaitan.

Nag-ring ang kanyang cellphone.

“Hayden bakit?”

“Nasaan ka Bro?”
“Nasa bahay.”

“Blake do you remember Lizette? The one we met at Embassy club.”

“Yeah I do. The super hot and super beautiful Lizette. Why?”

“She’s inviting us to go out tonight. She’s looking for you.”

“I don’t think I can go out Bro. Nandito sa bahay si Maya.”

“Then pauwiin mo na. Bro, di ba kursunadang-kursunada mo ang Lizette na to kaya


huwag mong palampasin ang gabing ito!”

“Maya is not going home. She’s temporarily staying here.”

“What?!!! But why?”

“She was kicked out from their house.”

“Are you out of your mind Bro? Why did you accept her? Don’t you realize kung ano
ang magiging epekto niyan sayo? She might control you even more!”
“Naawa ako Bro. Her parents cut her allowance and cards. Wala siyang ibang
mapuntahan... And who said she can control me? Pinagbigyan ko lang siya last time.”

“Then prove it. Let’s go out tonight na hindi siya kasama ha.”

“O-okay I’ll find a way. Bye.”

“May lakad ba tayo?”

Muntik nang mabitawan ni Blake ang cellphone. Lumingon siya sa likuran at doo’y
nakita niyang nakatayo’t nakahalukipkip si Alex.

“K-Kanina ka pa ba diyan?”

“Ngayon lang. Bakit? Meron ba akong hindi dapat marinig?”

“N-none,” umiiwas ng tinging sagot niya.

Inalis ng babae ang mga kamay sa pagkakahalukipkip at lumapit sa kanya. “Si Hayden
ba ang kausap mo?”
“Oo. Why are you asking?”

“Pag siya ang tumatawag usually laging tungkol ito sa lakwatsa. May pupuntahan ba
tayo ngayon? Sabihin mo kaagad sa akin para bibilisan ko ang pag-aayos ng mga gamit
ko.”

“No. We’re not going out. Dito lang tayo sa bahay.”

Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Unti-unti na namang nanlambot
ang kanyang kalooban. Lalong hindi siya nakapalag nang inilapit nito ang mga labi
sa kanyang tenga at bumulong.

“Okay... Sinabi mo yan ha. Di-to lang ta-yo sa ba-hay...In short, wa-lang la-la-
bas...”

Tinapik siya ng babae sa balikat saka ito naglakad pabalik ng kuwarto. Hindi siya
nakapagsalita habang ramdam ang pansamantalang panghihina ng kanyang mga tuhod.
Muling dumaloy ang kuryente sa kanyang katawan nang maramdaman ng mula sa tenga ang
mainit na hininga ng dalaga. Pagkuway muling tumunog ang kanyang cellphone. Noon
lamang siya natauhan. Nagmadali siyang pumasok sa sariling kuwarto upang doon na
sagutin ang tawag.

Samantala nang mapag-isa si Alex sa kuwarto, binuksan niya ang maleta at isa-isang
inilabas ang mga baong gamit. Ipinasok ang mga damit sa cabinet. Dinala sa banyo
ang mga toiletries. Itinabi ang ilang bitbit na pares ng mga sapatos. At pagkatapos
maayos ang mga personal na gamit, itinira niya sa maleta ang mga kagamitang
pampulis. Tinitigan niya ng ilang sandali ang .45 caliber. Kinuha at inilagay ito
sa ilalim ng mga nakatuping damit sa cabinet.
Muli niyang iginala ang mga mata sa silid. Lumapit siya sa bintana at hinawi ang
kurtina. Tamang-tama ang pwesto ng kanyang kuwarto. Nakaharap ito sa gate at
kalsada. Lumapit ulit siya sa maleta at kinuha ang dalang teleskopyo. Bumalik siya
sa bintana. Tiningnan niya ang gate, nakita niya ang tatlong guard ng mansyon.
Tiningnan niya ang kalsada. Binusising maigi ang mga lugar na maaaring pagtaguan
kung sakaling may magmamanman kay Blake.

Idinako niya ang teleskopyo pabalik sa gate. Dahan-dahan itong nagbukas. May
pumapasok na isang magarang kotse. Lumapit dito ang isang guard at kinausap ang
nagmamaneho. Itinutok niya ang teleskopyo sa driver. Babae. Ilang sandali lang ay
sinaluduhan ito ng gwardya at maluwag na pinapasok. Ibinaba niya ang teleskopyo at
ibinalik sa maleta. Sinarado niya ang maleta at itinagong mabuti sa loob ng
cabinet.

Kumuha siya ng tuwalya at pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos mag-shower ay


nagbihis ng pambahay, jogging pants at T-shirt. Lumabas siya ng kuwarto. Tahimik na
binaybay ang pasilyo. Muling inilibot ang mga paningin sa bawat madadaanan. Pinag-
aaralang mabuti ang bahay. Nais niyang malaman ang mga lugar na possibleng
mapasukan ng tao.

Isa-isa niyang lihim na binubuksan ang bawat silid na nadadaanan at masusi itong
tinitingnan. Nalulula siya sa dami ng kuwarto dito. Napahinto siya sa tapat ng
isang silid. May naririnig siyang ingay at pagkaluskos sa loob. Idinikit niya ang
tenga sa pinto, may kumakaluskos nga. Hinawakan niya ang door knob at dahan-dahan
itong binuksan.

“Ay kabayong palakang ewan!”

Nagulat siya sa bumulaga sa kanyang tanawin. Si Blake may kasamang babae. Bigay
todo ang mga ito sa paghahalikan. Nakaupo sa console table ang babae habang
nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Blake. Nasa loob naman ng suot nitong
maiksing palda ang isang kamay ng lalaki. Tila walang pakialam ang dalawa sa
paligid. Hindi man lang namamalayang may nanonood na pala sa kanila. Napapalunok
siya sa napapanood. At nang matauhan ay nahihiya niyang isinarado ang pinto.
Napapailing na lamang na itinuloy niya ang paglalakad subalit ilang sandali lamang
ay bigla siyang natigilan. Napangisi siya nang may pumasok na isang bagay sa
kanyang isipan. Bumalik siya sa nasabing kuwarto at muling binuksan ang pinto.

“Blakee!”

Muntik nang maitulak ni Blake ang kahalikan sa matinding pagkagulat. Nanlalaki ang
mga matang napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

“Ma-Maya what are you doing here?”

“Who is she Blake?” tanong ng kalampungan nito.

“Sh-she’s one of our maids Li- lizette...” nauutal na sagot ni Blake.

Dahan-dahang humakbang papalapit sa dalawa si Alex habang tinititigan ng seryoso


ang lalaki nang may naniningkit na mga mata.

“Maid? Maid mo ako? Somosobra ka na Blake! Tinatanggap ko na ngang nambabae ka sa


labas pero pati ba naman dito sa loob ng pamamahay natin ay nagagawa mo pa rin
akong pagtaksilan!”

Nanlaki bigla ang mga mata ni Blake sa narinig. “W-What the hell are you talking
about Maya?”
"Sa una pa lang ay alam ko nang babaero ka pero tiniis ko yun alang-alang sa
magiging anak natin. Pumayag pa rin akong magpakasal sayo. Pero hindi ko na kayang
tanggapin pati ito! Sukdulan na ang panlolokong ginagawa mo sa akin Blake," medyo
naluluha-luha pang sabi ni Alex.

Nataranta si Blake at hindi alam kung papaano magpapaliwanag sa kasamang babae na


noon ay may galit ng mukha.

“Are you crazy Maya?! Sinasapian ka ba ng masamang ispiritu?" tarantang sambit ni


Blake sabay tingin sa kinakalantari. "Look Lizette-"

Pak! Walang pagdadalawang isip na pinadapo ni Lizette ang palad sa pisngi ng


lalaki. “You’re a liar! You said you’re single! But what is this? You’re not only
married but soon to be a father too!”

Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Lizette. Kinuha nito ang handbag at naglakad


papalabas ng kuwarto. Agad namang hinabol ito ni Blake.

“I’m not lying Lizette. That woman is crazy. She is the one who’s lying!”

Tumigil sa paglalakad ang babae at hinarap ang lalaking nagpapaliwanag. “Then why
is she here?”

Natigilan si Blake at naghanap ng isasagot. "W-Well... that’s because...because..."


nauutal na wika niya habang napapakamot sa ulo. Wala siyang maisip na kapani-
paniwalang sagot.
“Liar!” singhal sa kanya ng babae.

Tinalikuran ulit siya ni Lizette. Dire-diretso na itong naglakad papalayo at hindi


na siya muling nilingon pa.

Bumalik siya sa kuwarto nang namumula ang mukha sa galit. Gigil na gigil na hinarap
niya ang noon ay ngingisi-ngisi lamang na dalaga. “What do you think you’re doing
Maya?”

Hindi sumagot si Alex sa halip ay dumila siya sa lalaki. Sa wakas ay nakaganti na


rin siya sa mga pang-aapi nito sa kanya. Lalo itong napikon sa kalmadong reaksiyon
niya.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Papalapit ng papalapit hanggang sa siya na


mismo ang kusang umaatras. Hindi ito tumigil sa paglapit hanggang sa umabot sila sa
isang cabinet bookcase. Itinulak siya bigla ng lalaki at napasandal siya sa
bookshelf. Binigyan siya nito ng maiinit na mga titig habang unti-unting inilalapit
ang mukha.

“You send her away... now you have to replace her,” nakataas ang isang kilay at
ngingisi-ngising sabi nito.

Hindi siya naapektuhan sa narinig sa halip ay ginantihan niya rin ng malalagkit na


mga titig ni Blake. Iniumang niya pa ang kanyang mga labi habang nakikita ang
papalapit na mga labi nito. Ngunit bago pa man maglapat ang di dapat maglapat,
bigla niyang inapakan ng pagkadiin-diin ang isang paa ng lalaki.

“ARAY!”
Napaupo at napahawak sa paa niya si Blake. Ngingisi-ngisi namang tiningnan ito ni
Alex habang napapangiwi sa sakit.

“Akala mo kaya mo na ako ha. Di ba pinagsabihan na kitang huwag na huwag mo na ulit


gagawin ang ganitong biro?” salita ni Alex habang pinandidilatan ng mga mata ang
kausap.

"Sumosobra ka na! Pwedeng-pwede na kitang idemanda ng physical injury!” reklamo ni


Blake habang nakahawak sa paa.

Ngingiti-ngiting lumabas ng silid si Alex. Nagpumilit namang tumayo si Blake at


iika-ikang sinundan nito ang babae.

“Sobra ka na Maya! Lagi mo na lang sinisira ang mga diskarte ko! Sino ka ba sa
palagay mo?!”

“Barkada mo,"kaswal na sagot ng dalaga nang hindi lumilingon sa bumubuntot na


lalaki.

“No! You’re almost acting like a girlfriend. Ayaw mo akong palabasin and now that I
invited the girl here, nangingialam ka pa rin. Mukhang mas matindi ka pa sa
girlfriend ah!”

Hinarap ni Alex ang nagrereklamong kausap. “Ayaw mo nun. Nababawasan ang mga
kasalanan mo kay Sophia,” nakangiting sagot niya.
“But Maya you are not Sophia. Wala kang karapatang makialam kung nambababae man
ako! You have no right to control me this way!”

“Bakit? Kinokontrol ba kita?” sabay lakad ulit ni Alex.

“Yes you do! Lagi mo na lang akong dinidiktahan sa mga dapat kong gawin.”

“Bakit mo ako sinusunod? Sinabi ko bang sundin mo ako?”

Natigilan bigla si Blake, napaisip at biglang naguluhan. “N-No-”

Eksaktong nasa tapat na sila ng kuwarto ni Alex. Hinarap ulit ng babae ang
nagpoprotestang kausap sabay bulong sa tenga nito.

“Yun naman pala eh...Wala naman pala akong sinasabing sundin mo ako bakit ka
nagrereklamo? Sige na pumasok ka na ng kuwarto mo at matulog na tayo. Goodnight
Blake," nakangiti at nanunukso bigkas nito.

Binuksan nito ang kuwarto habang nanatili pa ring nakatayo si Blake sa tapat ng
pintuan. Walang balak umalis sa kinatatayuan ang lalaki hangga’t hindi natatapos ng
maayos ang kanilang pag-uusap.
“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Pumasok ka na sa kuwarto mo. Maaga pa ang klase
natin bukas."

“We’re not done talking Maya."

Pinandilatan ni Alex ang kausap at sabay nguso sa direksiyon ng kuwarto nito.

“See this is how you do it!” dabog ni Blake subalit agad din naman itong naglakad
papasok ng sariling kuwarto.

“Susunod din naman pala. Ang dami pang sinasabi," nakangiti at napapailing na
bulong ng dalaga habang sinisilip ang lalaki sa papasarang pintuan.

=================

[14] MORE DO'S & DON'TS

*****
Maagang nagising si Blake. Ang unang bagay na sumagi sa utak niya ay kung papaano
makakaganti sa nakikitirang babae dahil sa ginawa nito sa kanila ni Lizette. Kaagad
siyang nag-shower at nag-ayos ng sarili. Paglabas na paglabas niya ng kuwarto ay
diretso niyang kinatok ang pinto ng dalaga.

“Maya open the door!”

Walang sumasagot. Pinihit niya ang door knob. Naka-lock.

“Maya, I said open the door!”

Wala pa ring sagot. Bumalik siya sa sariling kuwarto at kinuha ang cellphone.
Tinawagan niya ang babae ngunit hindi rin nito sinasagot ang telepono.

Lumapit siya sa kanyang study table. Dinampot ang isang pirasong papel na
pinaghirapan niyang gawin bago matulog. Tumungo siya sa baba ng bahay at muling
hinanap ang nawawalang babae. Lumapit siya sa mga abalang nakaunipormeng katulong
at isa-isa ang mga itong tiningnan. Hindi niya pa rin makita ang taong hinahanap.

“Guys did you see Maya? The new girl here?”

“Hindi po sir.”

“Yaya Cora did you see Maya?”


“Nakita ko siya kaninang naglalakad papunta doon," sabay nguso ng matandang
katulong sa pasilyo papuntang swimming pool.

"Sandali. Tumulong ba siya sa housework?” kunot noong tanong niya.

Sabay-sabay na umiling ang mga katulong.

“Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun!” iritableng sabi niya habang binabaybay
ang direksiyong itinuro ni Aling Cora.

“Three hundred eighty two, three hundred eighty three, three hundred eighty
four....”

Natigilan siya sa narinig at agad niya itong nabosesan. Sinundan niya ang boses ng
nagbibilang. Nagmumula ito sa gym.

Binilisan niya ang paglalakad. Hindi na siya makapaghintay na masermunan ang babae.
Ngunit habang papalapit siya sa gym, unti-unting bumagal ang kanyang mga lakad
hanggang sa napahinto siya sa mismong pintuan. Tila nahipnotismo siya sa nakitang
tanawin.

“Three hundred ninety, three hundred ninety one....”

Si Alex. Seryosong-seryosong nagsi-sit up. Nakasuot ito ng itim na cycling shorts,


midriff top at rubber shoes. Nakatali nang mataas at mahigpit ang mahabang buhok.
Kitang-kita ang maputi’t makinis na balat. Hulmang-hulma ang ang magandang hubog
ng katawan.

“Three hundred ninety nine, four hundred...Whooh!”

Humiga ang dalaga sa exercise mat nang makumpleto ang pagbibilang. Ilang ulit muna
itong huminga ng malalim bago tumayo at nagpunas ng pawis. Nagulat ito nang makita
ang napapamaang na si Blake sa may pintuan.

“Huh? Blake anong ginagawa mo diyan?”

Hindi makasagot si Blake. Nangingibabaw ang malakas na kabog sa kanyang dibdib na


lalo pang lumakas nang lumapit sa kanya ang babae. Pawisan ngunit maaliwalas at
masigla ang mukha nito. Namumula-mula ang pisngi at labi. Makintab ang leeg at
balikat dulot ng pagpapawis. May ibubuga din pala ang size ng boobs. Pantay na
pantay ang mga braso. Flat na flat ang tiyan. Maliit ang bewang. Mahahaba at
magaganda ang hubog ng mga hita.

Napansin ni Alex ang natutulalang mukha ng kaharap. Natatawa siya sa isipan sa


reaksiyon nito, mukhang pati sa kanya ay inaatake ito ng pagkababaero.
Napapangiting hinawakan niya ito sa ulo at ginusot ang buhok.

“O ang laway mo baka tumulo. Tsk, tsk, tsk.”

Napapailing na nilampasan niya ang di makapagsalitang lalaki. At nang matauhan ito


ay agad siya nitong sinundan.
“Hey Maya!”

Nilingon niya ang lalaki. Napalunok ito habang pilit iniiwas ang mga mata sa kanya.

“Bakit?” patay malisyang tanong niya.

“D-don’t you dare think na natuturn-on ako sayo ha. N-Na-amaze lang ako kanina kung
totoo ngang nakatapos ka ng four hundred sit ups," medyo namumula ang mukha at
nauutal na paliwanag nito sa naging reaksiyon.

Napangisi lang siya saka muling tumalikod. Hindi siya apektado kahit maturn-on man
ito. Sa pagkababaero ng lalaki kahit yata sa posteng may palda ay matuturn-on ito.
Napapailing ulit na itinuloy niya ang paglalakad.

“ WAIT!!!”

“Ano na naman?" napapabuntong-hiningang tugon niya.

“W-Why are you not helping the other maids?” mahina’t may kaamuhang sambit nito.

“Kailangan ko ba talagang tumulong? Baka naman imbes na makatulong ako, lalo lang
akong makapagpagulo.”
Iniabot sa kanya ni Blake ang isang pirasong papel.

“Ano naman to?” kunot noong tanong niya.

“Things you should do and follow while you’re in my house.”

Walang reklamong tinanggap niya ang papel at itinuloy ang paglalakad.

“Hey you should read that!”

“Oo na. Babasahin ko to mamaya!...Nakakagigil ang aga-aga mang-inis!”

Naiirita siyang pumasok ng kuwarto at pabalibag na isinarado ang pinto. Ginusot


niya ang hawak na papel at itinapon ito sa may dresser.

“Nababaliw ka na yata Alex eh. Sino ba naman kasi ang nagsabing ibuwis mo ang buhay
mo para sa antipatikong lalaki na yan!” pagalit niya sa sarili.

Magkasalubong ang kilay na dinampot niya uli ang ibinatong papel at naku-curious na
binasa ang nakasulat dito.

Things to do and follow while staying at Blake Monteverde’s house.


1. Wake up at 5:30 am.

2. Clean your room regularly.

3. Cook at least one dish a day.

4. Clean Blake’s room 3x a week.

5. It’s Maya’s job to bring foods and drinks in Blake’s room.

6. Always follow Blake’s instruction about household chores.

7. Clean at least one portion of the house a day.

8. Do some gardening on weekend.

9. Clean the swimming pools once a week.

10. Expect to do errands for Sophia in behalf of Blake.

11. Give Blake a body massage at least once a week.

12.Study with Blake at least 30 minutes a day (in the house only, campus is
excluded).

13. Allow Blake to hang out alone with friends two times a week.

14. Be very respectful to Blake’s privacy.

15.Do not interfere to Blake’s personal matters if not asked.

“AAAAAAH!!!”

Inis na inis na ginusot niya uli ang papel, ibinato sa sahig at inapak-apakan.
“Magpapakamatay ka na nga tapos aalipinin ka pa!!!!! Aaaaa!”

Iritableng pumasok siya ng banyo. Nagbabad siya sa tubig hanggang sa lumipas ang
init ng kanyang ulo. Lumabas siya ng banyo nang maaliwalas na ang mukha ngunit
hindi pa man siya nakakabihis ay may kumakatok na.

Tok. Tok.Tok.

“Bakit?” blangko ang mukhang bungad niya.

Napalunok si Blake sa hitsura ng nagbukas sa kanya. Nakatapis lamang ito at halos


tumutulo pa ang basang buhok.

“I-I need a glass of water.”

“Hindi mo ba nakikitang kakaligo ko lang. Alangan namang bumaba ako ng nakatapis.


Wala ka bang ibang pwedeng mautusan?”

“It’s written in the paper. Things to do...remember?”

Tumahimik ng ilang sandali si Alex at pinigilan ang sarili na muling mairita.


Tiningnan niya na lamang ng masama ang kaharap at hindi na nakipagtalo pa.
“Pwes, hintayin mo ang tubig mo magbibihis lang ako!”

“Bilisan mo ha," ngingisi-ngising utos ng lalaki.

“Oo na kamahalan!”

Pagkabihis na pagkabihis ni Alex ay kaagad siyang bumaba upang kumuha ng tubig.


Nagtitimping inihatid niya ito sa kuwarto ng lalaki. Pagkatapos ay bumalik siya sa
sariling silid upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Nagsuklay siya ng buhok.

Tok. Tok. Tok.

“Bakit?” bungad niya pagkabukas ng pinto.

“I need another glass of water.”

“Teka, naka-heater ka ba sa kuwarto? Ba’t ang bilis mong mauhaw?”

“Maya are you going to follow or what?!”


“Oo na. Bababa na!”

Alam niyang nagpopower trip na naman ang lalaki kaya upang makasiguradong hindi na
ulit ito manghingi ay nagbitbit na siya ng isang pitsel ng tubig. Pagkatapos itong
maihatid ay bumalik ulit siya ng kuwarto upang ayusin naman ang gagamiting bag
pagpasok sa eskwela.

Tok. Tok. Tok.

“Ano naman ngayon? Kape? Juice? Iced tea? Softdrinks? ANOOO?!!!”

“Let’s eat breakfast together," mahinahong sagot ni Blake.

“O-okay...” napapahiyang sagot ni Alex.

-------

Break ng klase. Nasa tambayang canteen sina Blake at Alex. Kasama ng lalaki ang mga
barkada sa isang mesa samantalang nasa hiwalay na mesa naman ang dalaga kasama si
Grace.

“Maya nagtataka ako bakit lagi na kayong magkasama ngayon ni Blake. Ano ba ang
relasyon mo sa kanya? Di ba dati parang iwas na iwas yan sayo?”
Nag-isip ng isasagot si Alex.

“Madalas kasi kaming magkita sa isang lugar na pareho naming pinupuntahan.”

“Saang lugar?”

Mabilis ulit na nag-isip ng isasagot si Alex. “Ah...sa car racing," nakangiting


sabi niya

“Nagka- car racing ka Maya?!" namimilog ang mga matang bulalas ni Grace. "Ang cool
mo rin pala!"

“Hindi naman ako sumasali, nanonood lang. Medyo napapadalas lang ako ng punta doon
lately kasama yung iba kong mga kaibigan kaya nagkikita kami lagi ni Blake.”

“Ah kaya pala parang barkadang-barkada na ang dating nyo ngayon. Pero bakit ayaw
mong maki-join sa mga barkada niya dito sa UP?”

“Tama na yung kay Blake lang ako nagnonose bleed sa pakikipag-usap. Englisero’t
englisera kasi lahat ng mga kaibigan niya dito. Pero ka-close ko rin naman yung mga
barkada niya sa labas lalo na yung mga nasa racing.”

“Huh? si Marianne,” sambit ni Grace habang nakatingin sa babaeng pumapasok ng


canteen.
Napalingon din si Alex sa tinitingnan ng kausap. Namumukhaan niya ang babae. Ito
yung minsang nagbanta sa kanya.

“Grace sino ang babaeng yan?”

“Si Marianne, ex ni Blake. Hiwalay na sila pero kung makaasta akala mo ay


girlfriend pa rin siya ni Blake," wika ni Grace habang nakaingus sa nasabing babae.

“Parang ang dami mong alam tungkol kay Blake, Grace.”

Napansin ni Alex ang pamumula ng mukha ng kausap. Lihim siyang napangiti. Hindi man
nito aminin, ramdam niyang isa ito sa mga nagkakagusto sa kay Blake.

Ibinalik niya ang mga mata kay Marianne. Lumapit ito sa mesa nina Blake at tumabi
sa lalaki. Napatingin sa kanya si Blake. Gusto niya sana itong pandilatan ng mga
mata ngunit naalala niya ang isa sa mga nakasulat sa ibinigay nitong papel. Hindi
siya pwedeng makialam sa personal nitong buhay.

Inilabas niya ang papel sa bag upang muli itong basahin ng mabuti.

“Ano yan Maya?” usisa ni Grace.


“Ah...mga bilin ng nanay ko," nakangiting sagot niya.

Kunot noong nagseryoso siya sa pagbabasa. Nag-isip siya ng malalim at nilingon si


Blake nang may matatapang na mga tingin.

“Pasensiya ka na Grace pero kailangan ko nang umalis. May importante lang akong
gagawin," sabay tayo niya.

“S-Sige. Kita na lang ulit tayo sa next class," nalilitong sagot ni Grace sa bigla-
bigla na lamang pamamaalam niya.

Lumapit siya sa mesa nina Blake. Napatingin sa kanya ang lalaki at inginuso niya
dito ang pintuan bilang ipahiwatig ditong kailangan na nilang umalis. Umiling ito
at ipinagpatuloy lamang ang masayang pakikipagkuwentuhan sa mga kasama habang dikit
na dikit sa pagkakatabi ang ex-girlfriend.

Hindi siya umalis sa kinatatayuan. Napatingin ulit sa kanya si Blake. Muli niyang
inginuso ang pintuan at bago pa man makatanggi ang lalaki’y pinandilatan niya ito
ng mga mata. Natigilan ito ng ilang sandali at bahagyang nag-isip.

“E-Excuse me guys. I have to go.”

Napipilitan itong tumayo.


“Ano na naman ba? Napaka-killjoy mo talaga?” iritableng sabi nito pagkalabas na
pagkalabas nila ng canteen.

“May pag-uusapan tayong importante,” seryosong sagot niya.

“About what?”

“Tungkol dito...” sabay wagayway niya sa papel. "Meron tayong mga revisions na
gagawin. Kailangan muna natin itong pag-usapan ng mabuti bago i-finalize.”

Napangisi si Blake sa narinig at bigla itong huminto. “Sinong may sabing pwede kang
magbigay ng opinyon about the rules I wrote?”

“Blake ako ang involve sa mga nakasulat dito. Hindi porke’t nakikitira ako sa inyo
ay tatanggalan mo na ako ng karapatan para sa sarili ko. Di ba parang kontrata na
rin itong nakasulat dito? Kaya dapat parehong party ang pumapayag sa kasunduang
ito!"

Nag-isip ng ilang saglit si Blake. Nag-alinlangan siya sa gusto ng babae. Kilala


niya ito, manlalamang ito hangga’t kaya. Ngunit hindi niya rin nagawang tumanggi
lalo na’t naghihintay ito ng sasabihin niya nang magkasalubong ang mga kilay.

“Fine! Let’s discuss it but the final approval is still mine!” madiing pahayag
niya.

Naghanap sila ng tahimik na lugar. Naupo sila sa lilim ng isang malaking puno.
Naglabas ng ballpen si Blake, kumuha ng bagong papel na masusulatan at ipinatong
ito sa isang makapal na libro.

“Okay let’s start.”

“No. 1, wake up at 5:30 am...Eh papano kung puyat ako?” reklamo agad ni Alex.

“At bakit ka naman mapupuyat? Do you have other works at night?”

“Halimbawa pag napuyat sa pag-aaral o kaya dahil sa pagsama-sama sayo lumabas sa


gabi. Manghihina naman ang katawan ko niyan. Mababa pa mandin ang functuality rate
ko kapag kulang sa tulog. Sige ka hindi kita mapagsisilbihang mabuti.”

Tumingin sa katabi si Blake at nakataas ang kilay na nag-isip.

“Okay let’s add something in this rule....Wake up at 5:30am unless you went to bed
at late night. What else?”

“Yan cook at least one dish a day. Sino kakain sa mga lulutuin ko? Idagdag mo dyan
na kakain ka!” ani Alex habang dinuduro-duro ang papel.

Tiningnan ni Blake ng masama ang dalaga.


“Bakit ayaw mo? Eh di burahin mo na lang! Alangan namang magluto ako tapos walang
kakain. Sino ang kakain? Mga maids eh sure namang mas masasarap pa sa akin magluto
ang mga yun kaya tiyak na mas gugustuhin nilang kainin ang sarili nilang luto."

“Fine! I’ll change it....Cook at least one dish a day but Blake must eat it.”

“Hindi mo pa talaga tinanggal na lang ha!” nguso ng babae.

“Kakain na nga ako yet you’re still complaining. Dapat nga ako ang
magreklamo!...What else?”

“Clean Blake’s room 3x a week....Yan! Iyan! Ano yan? Ang laki-laki ng kuwarto mo sa
tingin mo makakaya kong linisin mag-isa yun. Baguhin mo yan. Okay lang akong
maglinis pero dapat tutulungan ako ng ibang maids.”

Kaagad namang sumunod ang lalaki at binago ang nakasulat. “Okay...Clean Blake’s
room 3x a week with the help of other maids. Ano pa?”

Kinuha ni Alex ang papel at muling binasa ito ng seryoso. “Clean at least one
portion of the house....Counted na dito ang paglilinis ko sa kuwarto ko, di ba?”
nakangiting tanong niya.

“Of course not!" madiing tutol ni Blake. "That’s cheating? How would I know kung
naglilinis ka ng kuwarto mo everyday.”

“Sabi mo portion of the house. Bakit hindi ba bahagi ng bahay niyo ang tinutuluyan
kong kuwarto?”
“Okay I’ll change it thanks for giving me an idea," sabay hablot ni Blake sa papel
mula sa kausap at ngingisi-ngising nagsulat. "Clean at least one portion of the
house a day (Maya’s room is excluded)”

Nakasimangot na binigyan ni Alex ng matatapang na mga titig ang lalaki.

"Don’t give me that look. That’s why we’re sitting together now to finalize things.
Hindi naman pwedeng lahat na lang ay pabor sayo...What else?”

“Give Blake a full body massage....Yan! Ano yan? Sexual harrasment yan ah! At ba’t
naman kita mamasahein? Tanggalin mo yan diyan baka gusto mong bali-bali ang mga
buto mo pagkatapos ng masahe!”

Tumawa si Blake. “Sexual harrasment? I get a massage regularly dahil madalas


nananakit ang katawan ko after racing. Naisip ko lang na ikaw na ang gumawa nito
instead na lumabas pa ako. Huwag ka ngang malisyosa sa pangit mong yan pag-
iinteresan ba kita?”

“Ayoko! Hindi ako marunong. Burahin mo yan. Sasamahan na lang kita pag
magpapamasahe ka! Masahe ka diyan, gusto mo pagbuhul-buhulin ko yang mga joints mo!

“Okay fine! I’ll remove it. There’s no need to overreact. Anything else?”

Unti-unting nagseryoso si Alex. “Eto, eto ang pinakaimportante... Allow Blake to go


out alone two times a week. Hindi ako pumapayag," matigas na wika niya.
Agad na nag-react si Blake. Bigla itong napatayo sa narinig.“At bakit hindi ka
pumapayag? You mean everytime na aalis ako gusto mong kasama ka?”

Nakangiting tumango ang dalaga.

“Wow Maya! You are trying to be funny here! What's your intention? Would you mind
explaining it?!”

“Ayokong ma-bore sa bahay," maiksing sagot ni Alex.

“Yan lang? Dahil lang diyan kaya ayaw mo akong palabasin mag-isa. Eh ang hirap-
hirap mong kasama dahil napakapakialamera mo. You should understand that I’m a guy
who’s still enjoying his youth. Papaano ako makakadiskarte kung may pakialamerang
babaeng bubuntot-buntot sa akin?!” namumula ang pisngi sa inis na ika ng lalaki.

“Okay. Simula ngayon hindi na ako makikialam. Ipinapangako ko na wala na akong


maririnig at wala na akong makikita sa anumang pinagagagawa mo basta’t isama mo
lang ako lagi," nakangiti at mahinahong sabi ni Alex.

“No I don’t agree! If you can’t accept my conditions then maybe you should stay in
other people's house!”

“Kung yan ang gusto mo eh di sige... aalis ako ngayon din. At hindi ko na rin
kailangang maghanap ng ibang bahay.”
Biglang natigilan si Blake. “W-What do you mean?”

“Babalik na lang ako sa amin at susundin ko na lang ang gusto ng Mama ko na mag-
transfer. Sa palagay ko mas magiging madali pa ang buhay ko kapag ginawa ko ito
kaysa sa sumunod diyan sa mga nakalista sa papel na yan! Karma ko yata ito sa
pagsuway ko sa magulang ko.”

Nagtatampong tumayo si Alex. Tinalikuran niya ang lalaki at saka nagsimulang


maglakad papalayo.

“Maya wait...”

Hindi niya pinansin ang tawag. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Wait!"

Nagkunwari pa rin siyang walang naririnig.

“FINE! I’LL ACCEPT IT! Let’s talk about it more. Come back here!”

Huminto siya at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Subalit agad
din siyang nagkunwaring seryoso at matamlay na humarap sa lalaki. Kunway nagtatampo
pa ring naglakad pabalik dito.
Muli silang naupo sa ilalim ng puno.

“What did you just promise?” sambit ni Blake.

“Na hindi na ako makikialam. Wala akong maririnig at wala akong makikita.”

“Are you sure you can really do that? You are very impulsive, you know.”

Itinaas ng dalaga ang kanang kamay at itinapat ito sa dibdib. “One hundred percent
sure. Promise.”

“Okay I’ll change it...”

Nagsulat uli si Blake.

“Now that most of the changes made are in favor of you...Are you happy?”
sarkastikong tono ni Blake matapos magsulat.

Paulit-ulit na tumango si Alex. Abot tenga ang ngiti nito at halatang hindi
maitago ang saya.
Napamaang si Blake nang makita ang nakangiti’t maaliwalas na mukha ng
kausap.Nagtataka siya kung bakit nitong mga huling araw ay parang unti-unting
gumaganda sa mga paningin niya ang babae.

“Maya...”

“Bakit?” nakangiting tugon ng dalaga nang may namimilog na mga mata.

“N-never mind.”

=================

[15] IKAW SI SUPERGIRL

******

Sabado. Schedule ng date ni Blake at Sophia. Nasa tabing kalsada si Alex at nag-
aabang ng taxi bitibit ang isang bungkos ng mga bulaklak. Pinabili muna siya ng
lalaki ng bulaklak bago sila umalis ng bahay upang sunduin ang girlfriend nito.

“EEEE! Yung bag ko! Ibalik mo yan!”


Napalingon siya sa tumiling estudyanteg noon ay nag-aabang din ng masasakyan.
Pagkuway nakita niya ang isang binatilyo na kumakaripas ng takbo bitbit ang isang
handbag. Mabilis na nilapitan niya ang estudyante at iniabot dito ang kanyang
bitbit.

“Miss, hawakan mo muna to.”

Naguguluhan ngunit walang reklamong tinanggap ng estudyante ang mga bulaklak


pagkatapos ay walang pag-aalinlangang hinabol ni Alex ang snatcher. Kumaripas siya
ng takbo subalit mabilis ding tumakbo ang magnanakaw at lalo pa nitong binilisan
nang malamang hinahabol niya ito. Natantiya niyang mahihirapan siyang maabutan ito
kaya mabilis na dumampot siya ng isang gakamaong bato at saka muling
nakipaghabulan.

Pumasok ang lalaki sa isang eskinita. Sinundan niya pa rin ito at nang bahagyang
nakakalapit na siya, malakas na inihagis niya dito ang hawak na bato. Sapul sa paa
ang snatcher at kaagad itong nadapa. Itinodo niya ang bilis ng pagtakbo hanggang sa
maabutan niya ang magnanakaw bago pa man ito makabangon.

“Walanghiya ka! Pinagod mo ako. Akin na yang bag na yan," hinihingal na wika niya
habang napapahawak sa kanyang mga tuhod.

Inilahad niya ang kanyang kanang palad at hinintay na kusang iabot sa kanya ng
binatilyo ang bag. Subalit mabilis na tumayo ang magnanakaw at ngumisi.

“Miss, ang lakas ng loob mong makialam ha. Mukhang naghahanap ka ng kamatayan!"
sabay dukot nito ng patalim at tutok sa kanya.
Ngumisi din lamang siya. “Ibigay mo na yan. Kapag pinahirapan mo pa ako ay kulungan
ang bagsak mo ngayong araw din na ito.”

Itinapon ng lalaki ang bag sa gilid ng eskinita at walang pasabing nanugod ng


kutsilyo. Mabilis namang nakaiwas si Alex. Ilang beses siyang sinubukang patamaan
ng patalim ngunit mabilis siyang nakakailag hanggang sa nasipa niya ang kamay ng
lalaki at nabitawan nito ang kutsilyo.

“Sinabi nang huwag mo na akong papagurin! Yaaaaaa!”

Sumipa ng paikot ang babae at pinadapo ang paa sa mukha ng kalaban. Natumba ang
lalaki kasabay ng pagtilamsik ng dugo mula sa bibig nito. Nang humandusay ito sa
lupa, bigla itong nagtaka at napanganga sa lakas ng dalaga.

Iritableng iniilabas ni Alex ang kanyang tsapa at ipinakita ito sa snatcher habang
pinandidilatan ito ng mga mata.

“Ano? Gusto mong bitbitin kita sa presinto ngayon din?!”

Nagulat ang lalaki. Mabilis na itinukod nito ang mga siko at kumilos papaatras sa
dalaga. Nagkunwaring bubunot ng baril si Alex mula sa suot na leather jacket.
Natatarantang tumayo ang magnanakaw at kumaripas ito ng takbo. Natatawang hinabol
na lamang ito ng tingin ng dalagang pulis.

“Pasalamat ka busy ako ngayon,” sambit niya sa sarili habang dinadampot ang
itinapong bag ng snatcher.
Kalmado subalit hinihingal na naglakad papabalik sa may-ari ng bag si Alex at
nakangiting isinauli ito. Hindi naman halos makapaniwala ang biktima na nabawi ang
kanyang bag. Tiningnan kaagad nito ang laman ng bag.

“Naku! Maraming maraming salamat ho. Andito pa mandin ang pang-tuition ko. Salamat
po talaga!”

“Walang anuman miss. Sa susunod mag-iingat ka na ha. Lagi kang tumingin sa paligid
mo kung may mga umaaligid-aligid lalo na’t pag may dala kang pera.”

“Oho. Maraming salamat po talaga!”

“O siya. Akin na yang mga bulaklak.”

Iniabot ng estudyante ang mga bulaklak at nang may dumaang taxi ay una na itong
pinasakay ni Alex.

“Salamat po talaga," pahabol na wika ng babae bago sumakay.

"You're welcome. Ingat ka."

Nang makasakay naman si Alex ay saka lamang siya nag-alala sa oras. Maya't maya
siyang napapatingin sa relos. Baka hindi na siya mahintay ni Blake at maisipan
nitong umalis mag-isa. Naiwanan pa mandin niya ang cellphone dahil sa pagmamadaling
umalis ng bahay kanina.
Pagbabang-pagbaba niya ng taxi ay karipas siya sa pagtakbo papasok ng bahay.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumungo siya sa kuwarto ni Blake.

“Blake andito na ako!” katok niya. "Nandiyan ka pa ba?!"

Nagbukas ang pinto at bumungad sa kanya ang naiiritang mukha ni Blake. Nakabihis na
ito at halatang inip na inip na.

“What took you so long? Kanina pa tawag ng tawag si Sophia.”

“Pasensiya ka na nasa taxi na sana ako kaso bumalik ulit ako sa flowershop kasi
mali pala ang naibigay nila sa aking bouquet,” medyo hinihingal pang palusot niya.

“What happened to your phone? Kanina pa ako tumatawag.”

“Naiwan ko sa kuwarto sa pagmamadali ko kanina. Teka saan ko ba ilalagay itong mga


bulaklak?”

“Just put it there," sabay turo ni Blake sa isang malaking flower vase.

Pumasok si Alex at inilagay ang mga bulaklak sa vase. “Sandali lang Blake ha. Mag-
aayos lang muna ako bago umalis. Mabilis lang ito, mga ten minutes lang."
“Hurry up! Pag nagtampo si Sophia ikaw ang ituturo kong may kasalaanan.”

“Oo na. Mabilis lang ako.”

Naglakad papalabas ng kuwarto ang dalaga ngunit nang mapadaan ito kay Blake ay may
napansin ang lalaki.

“Wait. What happened to your clothes? What’s that cut on your jacket?”

Napatingin si Alex sa suot na jacket. Hinanap ang tinutukoy na punit sa damit.

“It’s in your upper right arm. Wait... is that a stain or something?” takang
pahayag ni Blake.

Nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita ang kanang braso. Tinamaan pala siya ng
kutsilyo! Nabutas ang kanyang jacket at may mantsa ito ng dugo. Kaya pala kanina pa
parang may mahapdi sa kanyang katawan. Ang akala niya’y dahil lamang ito sa pailan-
ilang mga suntok at sipa na pahapyaw na tumama sa kanya.

Kaagad niya itong tinakpan ng kabilang kamay at ngumiti. “Naku! Mali pala yung
nasuot kong jacket. Ito nga pala yung may sira na.”

Nagmadali siyang lumabas ngunit bago pa man siya makalapit sa pinto ay hinarang
siya ni Blake.

“Sandali. Can I see it?”

“Wala ito Blake. Punit lang talaga ang jacket na ito. Magbibihis lang muna ako,"
napapalunok na sagot niya.

Hindi pa rin siya pinadaan ng lalaki sa halip ay nagdududang tumitig ito sa mga
mata niya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang kaliwang kamay at tinanggal ito
sa pagkakatakip sa sugat.

Nanlaki ang mga mata ni Blake nang makita ang kumapit na dugo sa pinantakip na
palad ng dalaga.

“Take it off," matigas na utos ng lalaki.

“B-Blake wala ito may nasagi lang siguro akong matalim na bagay sa daan...”
napapangiwing katwiran ni Alex.

“I SAID TAKE IT OFF!”

Nagulat ang dalaga sa sigaw. Napatingin siya sa galit at namumulang mukha ng


lalaki. Wala siyang nagawa kundi sumunod. Maingat niyang hinubad ang jacket. Nang
tanging puting sleeveless na lang ang suot niyang pantaas, pareho silang nagulat ni
Blake sa nakita. Malaki, mahaba, malalim ang hiwa ng sugat at patuloy pa rin ito sa
pagdugo.
Biglang siyang hinila ng lalaki sa banyo. Pinaupo siya nito sa mahabang lababo at
nagmamadaling hinugasan ang kanyang duguang braso.

“Blake, hindi mo na ako kailangang tulungan. Kaya kong linising mag-isa ito,"
naasiwang bigkas niya habang naninibago sa pinapakitang pag-aalala ng kasama.

Hindi umimik si Blake at pinagpatuloy lamang ang seryosong paglilinis sa sugat.


Nang matanggal ang mga nagkalat na dugo sa braso ng babae ay binalutan niya ito ng
malinis na tuwalya. Tumayo siya at nilabas mula sa isang cabinet ang medicine kit.
Nilagyan niya ito ng betadine at ibinalot sa benda. Napatingin siya sa naasiwang
mukha ng dalaga. Napansin niya ang isang pasa sa bandang gilid ng noo nito.

“What happened," seryosong tanong niya habang iniikutan ng benda ang braso nito.

“Hi-hindi ko rin alam. M-may nasagi siguro akong matalim na bagay sa


pagmamadali...”

“I don’t buy it... Nakipag-away ka na naman ba?” madiing bigkas niya habang
nakatingin ng diretso sa mga mata ng nagsisinungaling na babae.

Napalunok si Alex. Gusto niyang panindigan ang pagsisinungaling ngunit nang makita
ang mapanuri at matatapang na titig ng kaharap ay bigla siyang pinanghinaan ng
loob.

“T-Tinulungan ko lang ang isang babae. Na-snatch kasi yung bag niya...”
Bumuntong-hininga’t di makapaniwalang napangisi si Blake. “You’re truly
unbelievable Maya. Why do you love doing these kind of heroic things? Sino ka ba sa
akala mo? Si Supergirl? Do you really want to live your life this way? Inuuna mo pa
ang kaligtasan ng iba kesa sarili mong kaligtasan!”

Hindi umimik si Alex. Kung pwede niya nga lang sagutin ang kaharap na ganito ang
buhay niya , balewala ang sugat na ito kumpara sa ibang mga pinagdaanan niya at sa
mga maari pang mangyari sa kanya.

Pagkatapos na pagkatapos ng gamutan ay tumawag ulit si Sophia.

“Hello Sophia. I’m leaving now. May importanteng bagay lang akong tinapos."
Tinakpan ni Blake ng kamay ang telepono at sabay tingin kay Alex.“You can change
your clothes now, Maya. You’re still coming with me. Mahirap na baka may maisipan
ka na namang gawin pag iniwan kitang mag-isa dito sa bahay.”

Tumango si Alex at tahimik ngunit natutulalang naglakad papalabas ng kuwarto. Hirap


siyang maniwala sa ikinilos ni Blake. Hindi niya akalaing may itinatago din palang
lalim ang kabaitan nito.

----

Sa garahe, hinihintay ni Alex na ibigay sa kanya ni Blake ang susi ng kotse.

“Ako na ang magdadrive. Baka lumala yang sugat mo,” kusang sabi ng lalaki.

Biglang nagseryoso ang mukha ni Alex. Lumapit siya sa kasama at pilit na hiningi
ang susi. “Sugat lang to at napakalayo nito sa bituka ko. Wala kang dapat ipag-
alala. Hindi ito kapansanan para hindi na ako makapagmaneho. Akin na ang susi.”

Sa lahat ng ayaw niya ay ang ganitong uri ng pagtrato. Pakiramdam niya ay nawawalan
siya ng silbi. Hindi niya kailangan ng kalinga at awa. Gaya sa mga bakbakan at
operasyon, ayaw na ayaw niya na itinuturing siyang mahina dahil lamang nasugatan
siya o nadaplisan siya ng bala.

“I said it’s okay . There’s no need for you to drive today."

“Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi mo ibinibigay sa akin ang susi. Kung
ikinatatakot mong hindi ako makakapagmaneho ng mabuti, pwes nagkakamali ka. Kung
gusto mo manghamon pa ako ng karera sa daan.”

Walang nagawa si Blake sa katigasan ng ulo ng kausap kundi ang pagbigyan ito sa
gusto. Ngunit habang nagmamaneho ito ay maya’t maya siyang napapasulyap sa braso
nito.

“Aren’t you worried? That wound might leave a scar on your arm,” komento niya.

“Mabilis maghilom ang sugat sa akin. Hindi ako yung tipo na nagkaka-keloids. Hindi
mo ba alam na kamag-anak ko si Wolverine," pabirong sagot ng dalaga.

“Oh so you’re one of the X-men. I thought you’re one of the avengers,” tatawa-tawa
ngunit sarkastikong sagot ng lalaki.

Nagpunta sina Blake at Sophia sa Rockwell Mall. Matiyagang sinamahan ng lalaki ang
girlfriend sa pagsa-shopping nito samantalang tahimik lamang na bumubuntot sa
kanila si Alex.

“Maya come here!" nakangiting tawag ni Sophia habang pumipili ito ng mga damit sa
isang mamahaling boutique.

Agad namang pumasok sa loob si Alex. "Bakit? May kailangan ka ba?"

“I need your opinion. Tulungan mo naman ako pumili ng damit oh."

"Do you think she got the taste to suggest nice clothes for you?" tatawa-tawang
komento ni Blake.

Lumapit si Sophia kay Alex at malambing na umakbay. Di sinasadyang napatapat ang


kamay nito sa bahagi ng sugatang braso ng dalaga. Nakita ito ni Blake at kaagad na
tinanggal ang nakaakbay na kamay ng girlfriend.

“Don’t touch Maya there!” may kataasang tonong sambit ni Blake.

Nagtaka si Sophia at litong tumingin kay Alex. “Is there something wrong with your
arm?”
“Wa-wala. May pasa lang.”

“Oh I’m sorry!”

Tiningnan ni Alex si Blake at kunway ngumiti ngunit nang malingat si Sophia ay


palihim na pinandilatan niya ang lalaki upang ipahiwatig na huwag na itong
magsalita pa.

“Sus okay lang yan, simpleng pasa lang naman to. Ewan ko ba dyan kay Blake kung
bakit sobrang maka-react.”

Nagpaalam si Blake sa dalawang kasama para bumili ng ticket ng sine habang pumipili
pa ng damit ang girlfriend. Ilang minuto pa lamang na nakakaalis ang lalaki sa
shop, may dumating na grupo ng mga kababaihan. Kasama dito si Marianne. Halatang
nagulat ito sa naabutang kostumer. Tiningnan nito si Sophia mula ulo hanggang paa
at nakataas ang isang kilay na umirap.

Natigilan ng ilang saglit si Sophia pagkakita kay Marianne. Naasiwa ito bigla at
sinubukang umiwas.

“Sandali lang Maya ha. I’ll jut go to the fitting room to check these clothes.”

Tumango si Alex ngunit pagkapasok ni Sophia sa dressing room ay lumapit naman sa


kanya si Marianne.
“Now I get it. You’re on her side, aren’t you? Siguro spy ka niya kaya lagi kang
nakadikit kay Blake.”

Hindi niya sinagot ang nang-uudyok ng away na babae.

“What do you want so I can get you in my side too?”

Napapangising tumingin siya sa mataray na babae. “Miss kung may kompetisyon mang
namamagitan sa inyong dalawa ng kasama ko, sa inyo na lang yun at huwag mo na akong
idamay.”

“Don’t lie! I’m sure you’re getting something from her that’s why you stick up your
ass on Blake especially in the campus.”

“Bahala kang mag-isip kung anuman ang gusto mong isipin.”

Tinitigan ng masama ni Marianne ang kausap at mariing hinawakan ito sa braso. “You
may refuse me now pero sisiguraduhin ko sayong sa akin ka rin kakampi sa bandang
dulo."

Napakagat sa kanyang labi si Alex sapagkat eksaktong ang sugat niya ang dinidiinan
ng babae.

“What are you doing Marianne?!”


Sabay na napatingin ang dalawang babae kay Blake. Mabilis na lumapit ang lalaki at
tinanggal ang kamay ni Marianne sa pagkakahawak nito kay Alex.

“You’re on her side now too. I thought you’re pissed-off sa kabubuntot sayo ng
babaeng to?” ngingisi-ngising komento ni Marianne.

“Huwag mo siyang idamay Marianne. She has nothing to do with what’s going on
between the two of us.”

Biglang nagtaka si Alex sa narinig. May namamagitan pa ba sa dalawang kaharap niya?

“She does because she is the guardian angel of your beloved girlfriend.”

“Before she’s a friend to Sophia, she’s my friend first. Wala rin siyang
involvement sa relasyon namin ni Sophia.”

“Wow! Am I hearing it right? Did you just said she’s your friend?”

Tumikhim si Alex. Mamagitan na siya bago pa man mauwi sa mainit na pagtatalo ang
pag-uusap ng dalawang kaharap. “Ma-marianne, kung Marianne nga ang pangalan mo,
Blake, tama na yan. Huwag kayong magtalo dito. Huwag kayong mag-away ng dahil lang
sa akin... Marianne wala akong kinakampihan okay. Kung ano ang tama yun ang side
ko. At Blake okay lang ako hindi mo ako kailangang ipagtanggol wala namang ginawang
masama sa akin si Marianne.”
Tumahimik ang dalawa at parehong napatingin kay Alex. Siya namang labas ni Sophia
mula sa dressing room.

“W-What’s going on here?” nagtatakang tanong nito nang makitang magkakaharap ang
tatlo at pare-parehong seryoso ang mukha.

Ngumisi si Marianne at muling inirapan si Sophia. Tumalikod ito at humarap sa mga


kasama. “Let’s go girls. This shop is suffocating me. Nahihirapan akong huminga
kapag nakakakita ako ng mang-aagaw!”pasaring nito.

Napansin ni Alex na nasaktan si Sophia sa narinig. Lalapitan niya sana ito para
aluin ngunit bigla siyang hinila ni Blake papalabas ng boutique.

“Are you okay? I saw you were hurt when Marianne held your arm.”

“Okay lang ako Blake. Para eto lang.”

“Check your wound. It might be bleeding again.”

“Itigil mo nga yang pag-aalala mo. Hindi ako sanay. Kinikilabutan ako,” natatawang
komento ni Alex.

“Maya, There’s nothing unusual sa ginagawa ko. I think it’s normal for a person to
be concerned if someone is in pain. I'm raised that way.”
“Oo sige na, sige na. Okay na ako. Hindi ko kailangan ang concern mo. Kaya ko ang
sarili ko.”

“Kaya mo ang sarili mo?" nakangisi’t napipikong bigkas ni Blake. " I don’t get you.
You can chase a snatcher but you can be bullied by Marianne."

“Bakit Blake sa tingin mo ba pag pinatulan ko ang taong yun ay may mangyayaring
maganda?” nakangisi ring tugon ni Alex.

“I know your strong but you don’t have to be that pretentious. Ganyan din ang
ginawa mo last time nang pinagtulung-tulungan ka nina Christine. Try to defend
yourself kahit konti because what youre doing now is just a way of showing your
arrogance.”

“At bakit naman ako naging mayabang?!” medyo napipikon na ring sagot ng babae.

“I know what’s running in your head Maya.... I’m way too skilled to beat these
girls. You’re laughing inside,right?”

Hindi makapaniwala si Alex sa narinig. Unti-unting nag-init ang mga pisngi niya sa
galit. Papatulan niya na sana ang lalaki sa mga sandaling iyon ngunit bago pa man
siya makapagtaas ng boses ay lumabas si Sophia sa shop.

“Guys are you fighting again?”


Sabay na nanahimik si Alex at Blake. Nagpalitan ng matatalim na tingin ang dalawa.
Galit na tumalikod ang lalaki sa dalaga at umakbay sa girlfriend.

“Let’s go Sophia. Don’t mind that woman. She's too great and mighty para alalahanin
pa ng iba.”

------

Simula nang mangyari ang maiksing pagtatalo sa mall, hindi na nabago ang mood nina
Alex at Blake sa isa't isa. Natapos ang date ng lalaki nang hindi pa rin gaanong
nag-iimikan ang dalawa.

“Uwi na ba tayo?”pormal at tipid na tanong ni Alex pagkatapos nilang ihatid si


Sophia.

“No. May lakad pa kami nina Hayden...you can go home if you want to.”

“Hindi. Sasama ako.”

Ngumisi ng nakakaloko si Blake at tinitigan ang dalaga. “Are you sure? We’re going
to a strip club.”
Tiningnan ni Alex ang katabi at ginantihan din ito ng ngisi. “Sure. Bakit sa akala
mo ba ay tatayuan ako ng balahibo sa ganyang lugar?”

Umiling si Alex habang natatawa sa isipan. Sa dinami-dami na nang napasok at na-


raid niyang malalaswang lugar, manibago pa kaya siya sa kanilang pupuntahan.

“Okay you can join if that’s what you want. But you have to stick to your
promises.”

“Huwag kang mag-alala nakatatak na sa utak ko lahat ng kasunduan natin," sabay


hawak sa kambyo ni Alex saka pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

Pumunta sina Blake sa isang sosyal at mamahaling club. Pagpasok pa lang nila ay
nagliwanag na kaagad ang mukha ng floor manager pagkakita sa lalaki. Nahalata ni
Alex na mukhang madalas sa nasabing lugar ang magkakabarkada dahil kilala na ito ng
mga empleyado. Kumuha ang buong grupo ng isang malaking VIP Room. Habang naglalakad
papunta sa silid, natatanaw ng dalagang pulis ang mga walang saplot na mga babaeng
sumasayaw sa entablado.

Lihim namag tinitingnan ni Blake ang reaksiyon ng kasamang babae. Wala siyang
makitang kakaiba maliban na lang sa maya’t mayang paglingon nito sa paligid.
Nakakapagtaka na tila hindi man lang ito naninibago o naasiwa sa ganitong lugar.

Pagkapasok sa isang malaking kuwarto ay tahimik na naupo si Alex sa dulo ng pabilog


na sofa. Malayo sa kinauupuan ni Blake. Mayroong maliit na dance floor ang silid.
Mayroon ding nakakabit na pole at disco ball na halatang para ito sa isang private
show. Napapailing na lamang siya sa mga walang kuwentang luho ng mayayamang kasama.

Ilang saglit pa ay nagsipasok na ang mga babae. Ngiting-ngiti ang babaeng ni-
request ni Blake. Hindi maitago ang saya sa mukha nito pagkakita sa gwapong
kustomer. Halatang ito ang madalas i-table ng lalaki dahil sweetie na ang tawagan
ng mga ito sa isa’t isa. Isa-isang kinikilatis ni Alex ang mga babaeng pumapasok
lalung-lalo na ang mga lumalapit sa binabantayan.

“Maya come here. Sit beside me," tawag ni Blake.

Tahimik na sumunod si Alex at kalmadong naupo sa tabi ng lalaki.

“Sino siya Blake? Bakit may kasama kang babae?” takang tanong ng katable nito.

“Don't worry, she’s not my girl," sagot ni Blake nang may mapang-akit na boses
habang idinadampi ang kanyang mga labi sa likod ng leeg ng babae.

“Maya anong gusto mong drinks?” tanong ni Hayden.

“Just give her juice. She can’t drink alcohol. She’s driving," mabilis na sabat ni
Blake.

Palihim na sinusulyapan ni Blake ang kasamang dalaga habang nakikipaglandian siya


sa ka-table. Gusto niyang malaman kung tutupad nga ito sa pangakong hindi siya
pakikialaman anuman ang gawin niya. Sa mga oras na iyon, natural lamang ang
reaksiyon nito. Hindi ito tumitingin sa mga katabi at tila walang pakialam sa
paligid habang seryosong naglalaro sa cellphone.

Nakipaghalikan siya sa ka-table. At nang makita niyang napatingin sa kanya ang


katabing babae, mas lalo niyang itinodo ang malalim na paghalik. Subalit tiningnan
lamang sila nito nang blangkong mukha at pagkuway ibinalik nito ang mga mata sa
telepono. Nakaramdam siya ng pagkainis. Mukhang hindi na nga ito makikialam.

“Guys do you want a show?” tanong ng nakangiting si Hayden.

“Sure. Dance for us,”malanding sabi ni Blake sa ka-table.

Hindi naman nagdalawang salita pa ang mga lalaki, sumunod agad ang mga bayarang
babae. Nagsimulang tumugtog ang maharot na musika at isa-isang nagsexy-dance ang
mga babae sa dance floor. Unti-unti rin itong nagsipagtanggal ng mga saplot.

Tiningnan ulit ni Blake ang kasamang dalaga. Nanonood ito pero walang reaksiyon ang
mukha. Walang bakas na nahihiya o naasiwa ito sa nakikita. Tila nanonood lamang ito
ng mga babaeng normal na sumasayaw.

Ilang saglit pa ay isa-isa nang nagsilapitan ang mga babae para mag-lap dance.
Sinadyang landiin ni Blake ang babaeng naglalap dance sa kanya. Inilakbay niya ang
kanyang mga kamay sa katawan nito at tumingin ulit sa katabi. Wala pa rin itong
pakialam. Tahimik uli itong naglalaro sa cellphone habang sinisipsip ang ice tea.

Natapos ang kasiyahan ng magkakabarkada at lumabas ang mga ito ng club nang wala ni
isa mang narinig na reklamo si Blake mula kay Alex. Sabay na naglakad ang dalawa
patungo sa sasakyan ngunit nagtaka ang dalaga nang sa likuran pumuwesto ang kasama.

“We’re waiting for someone,” kusang paliwanag ni Blake nang makita sa salamin ang
nagtatakang mukha ng babae.
Maya-maya lamang ay lumabas ng club ang ka-table ng lalaki. Nakangiting lumapit ito
sa kanilang sasakyan. Pagkasakay na pagkasakay nito'y yumakap agad ito sa
kalampungan.

Napatingin uli sa salamin si Blake at muling nakita ang nagtatanong na mukha ng


drayber. “Bring us to a nice motel,” utos niya.

“Hindi ako pumupunta sa ganyang klaseng lugar kaya’t wala akong gaanong alam sa mga
motel."

“Well just drive then, ituturo ko sayo ang daan.”

Hindi na muling umimik pa si Alex. Tahimik siyang nagmaneho at walang reklamong


sinunod ang bawat daang itinuturo ng lalaki. Napapabuntong-hininga na lamang siya
sa tuwing makikita sa salamin ang dalawang ipinagmamaneho na tila hindi na
makapaghintay na marating ang pupuntahang lugar sa walang tigil na paghahalikan.

Nang marating nila ang isang pribadong-pribadong motel, agad na bumaba ang dalawang
sakay. Bumaba rin siya.

“Sandali," matigas na wika niya.

Natigilan si Blake at agad na napalingon sa dalaga. Napapangisi na siya sa isipan


sa pag-aakalang mangingialam na ito ngunit nagulat siya nang biglang kinapkapan
nito ang kanyang kasama niya. Kinuha niyo ang bag ng babae at binusisi ang laman.
“What are you doing Maya?”

Tiningnan siya nito ng seryoso habang kinakapkapan ang kasamang babae.

“Nilulubus-lubos ko na ang pagiging utusan ko. Pwede rin naman akong magsilbing
bodyguard di ba?.... Sige pwede na kayong pumasok sa loob.”

Kumuha si Blake ng isa sa mga pinakamahal na kuwarto. Pagdating sa loob ay


iritableng sinisipa-sipa niya ang bawat madaanang bagay. Hindi niya alam kung totoo
ngang walang pakialam ang babae o nagpapanggap lamang ito.

“Blake hindi pa ba tayo magsisimula?” mapang-akit na tanong ng kanyang kasama.

Lumapit ito sa kanya at yumakap. Marahan itong dumila sa kanyang leeg papaakyat sa
likod ng tenga. Sinimulan nitong magtanggal ng saplot.

“There’s no need for you to do that,” seryosong sabi niya habang pinagmamasdan ang
naghuhubad na kasama.

Natigilan sa ginagawa ang babae. “Anong ibig mong sabihin?”


“Walang mangyayari sa atin. I’m not here to have sex with you.”

Natawa bigla ang babae sa narinig. “Nagbibiro ka ba? Para saan ang pagpunta natin
dito?”

“I’m not doing this because of you.”

Napaisip ang babae at biglang ngumiti ng nakakaloko.“Ah so ginagawa mo ba ito dahil


sa babaeng kasama mo?”

“What do you mean?” kunot noong tanong ni Blake.

“Ginagamit mo ba ako para pagselosin ang driver mo?”

“Are you out of your mind? Bakit ko naman pagseselosin ang babaeng yun?”

“Well, sabihin na nating wala akong ibang makitang rason kung bakit mo ginagawa
to...Pumapayag naman ako eh kahit gamitin mo ako...”

Lumapit ang babae kay Blake at sinimulan ulit nitong akitin ang lalaki.

“....pero huwag nating sayangin ang pagpunta natin dito,” pabulong na dugtong nito.
“Stop it!”

Kumawala sa mga yakap ng babae si Blake at dumukot ng lilibuhing pera sa wallet.


Inilapag niya ang pera sa kama.

“Take a cab," madiing utos niya sa napapangangang kasama sabay talikod dito at
labas ng kuwarto.

Samantala, mahinahong naghihintay sa loob ng sasakyan si Alex. Inaaliw ang sarili


sa pakikinig ng mga tugtog. Hindi pa man siya nakakatapos ng tatlong kanta’y
nagulat siya nang bigla na lamang pumasok ng sasakyan si Blake at tumabi sa kanya
sa harap. Tinanggal niya ang suot na headset at nakangangang napatingin sa
iritableng mukha ng lalaki.

“Huh? Okay na? Tapos na? Ang bilis nyo naman ata.”

“Shut up and just drive! Let’s go home now.”

“Teka nasaan na yung babae? Bakit hindi mo kasama?”

“She’ll take a cab.”

“Nag-away ba kayo? May ginawa bang masama sayo ang babaeng yun? Sinaktan ka ba
niya?” natataranta at sunud-sunod na mga tanong ni Alex.

“Look at you now. You’re starting to react dahil dito pero kanina parang wala kang
pakialam sa pinaggagagawa ko!”

“Bakit dapat ba akong mangialam kanina? Akala ko ba bulag at bingi ako pag kasama
mo ako sa mga ganitong lakad?”

“Whatever! Just shut up and drive okay!” napipikong singhal ni Blake.

“Tingnan mo tong taong ito pag pinapakialaman, galit. Huwag mong pakialaman, mainit
pa rin ang ulo. Tsk, tsk, tsk....”

=================

[16] TRUE HEART

*****

Bumibili ng mineral water sa isang kiosk si Alex. Iniwan niyang nagbabasa si Blake
sa ilalim ng paborito nitong puno. Basta oras ng pag-aaral ng lalaki, lagi siyang
gumagawa ng palusot para makaiwas. Ilang saglit siyang tumambay sa tindahan at nang
matantiya niyang malapit ng matapos ang lalaki sa ginagawa, saka lamang niya
naisipan itong balikan. Bago siya umalis ng tindahan ay ibinili niya na rin ito ng
tubig.

Habang naglalakad pabalik, namataan niya si Marianne. Nagmamadali itong lumapit kay
Blake nang may seryosong-seryosong mukha. Inihahanda niya na sana ang sarili sa mga
pagtataray na maari na namang marinig mula sa babae subalit bigla siyang natigilan
nang maulinigan niya ang pag-uusap ng dalawa. Naupo siya sa likod ng isang kalapit
na puno habang panaka-nakang sumisilip.

“I’ve heard that you went to a strip club again. Is that true?” ungkat ng babae.

“It’s none of your business," sagot ni Blake habang hindi inaalis ang mga mata sa
binabasang libro.

“It is still my business Blake. What are you doing to yourself? You are not this
kind of person!” galit na sabi ni Marianne.

Tumayo si Blake at hinarap ang kausap. Ngumisi ito at tinitigan ng diretso sa mga
mata ang babae. “Why Marianne? What kind of person should I be? Do you still long
to see the guy whom you could easily cheat on?”

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Marianne at iniwas ang mga mata sa titig ng
kaharap. “H-how many times do I have to tell you na hindi kita niloko Blake.”

“Then was it my eyes who cheated me? Nagha-hallucinate lang ba ako nang makita ko
ang girlfriend ko na may kahalikang ibang lalaki?”

“I was forced Blake! I was tricked by that guy! You were unfair to me. You easily
judged and dumped me without even giving me a chance to explain.”

“Do you expect me to be fair to the person who hurt me the most?” tatawa-tawang
sagot ng lalaki.

“At ano sa palagay mo Blake? Hindi ako nasaktan? This pain is making me crazy until
now! And it’s even making me crazier because of what you are doing to yourself
now!”

“Who told you to still care for me. There’s nothing for you to worry. I’m happier
now. Thanks to you I realized that there's more to life than books, school, love
and relationships!”

“You’re happier? You are pretending Blake. If you hate me, fine hate me but stop
doing these craps to yourself!”

Napansin ng lalaki na nag-iinit na ang kanilang pag-uusap. Huminga ito ng malalim


at ikinalma ng ilang saglit ang sarili. “Let’s stop this nonsense Marianne. Let
start moving on with our lives. Matagal na tayong hiwalay. I’ve got a girlfriend
already and I love her.”

“You love her? Do you love her more than you loved me?”

Hindi sumagot si Blake.

“If you really love her then itigil mo lahat ng mga kalokohan mo Blake. Because if
you don’t, it only means one thing to me...that you are the one who can’t move on
from me.”

Lumapit pa ng ilang hakbang si Marianne at tinitigan ng malapitan ang lalaki.


“...and as long as you’re making me think this way, I won’t leave your side Blake
because it means that your heart still belongs to me.”

Tumalikod ang babae at saka naglakad papalayo sa di makapagsalitang kausap.

Galit na sinipa ni Blake ang puno nang makalayo ang babae. “AAAAH!”

Tahimik pa ring nakaupo si Alex sa kabilang puno. Pinalipas niya muna ang ilang
minuto bago tumayo. Sinilip niya si Blake bago ito lapitan. Nakatingin lamang ito
sa malayo. Nag-iisip ng malalim at seryoso ang mukha. Walang ingay na tinabihan
niya ito at iniabot ang biniling tubig.

“Thanks," tipid na sagot nito at dire-diretsong ininom ang tubig. “Kanina ka pa ba


dyan?” tanong nito habang nakatanaw pa rin sa malayo.

Hindi siya sumagot.

“Did you hear everything?”

“Bakit mo ako tinatanong? Nakalimutan mo na yatang pati sa mga ganitong bagay ay


isang bingi ang papel ko.”
Tumawa ng matamlay ang lalaki.“Now you know who Marianne is.”

Tumango si Alex. Tiningnan niya ang matamlay na mukha ng katabi. Ikinumpara niya
ang kanyang sarili dito. Bigla niyang naisip ang sarili noong siya ay nasa edad pa
lamang ni Blake. Bakit hindi niya naranasan ang ganitong mga komplikadong bagay?
Bakit ni minsan ay hindi man lang kumatok sa puso niya ang pag-ibig? Hindi ba
naging normal ang pagdadalaga niya? Masyado ba siyang nalunod sa pangarap niya kung
kaya’t lumaki siyang pagpupulis lamang ang nakikita niya?

“Bakit mo ako tinititigan? Are you starting to pity for me because of what you
heard?”

Umiling siya.“Hindi. Personal na buhay mo yan. Off-limit ako dyan di ba? May
iniisip lang ako tungkol sa sarili ko.”

“What are you thinking? Do you start to wonder why you’re very different from us?”

“Huh? Paano mo nahulaan?”

Bahagyang naaliw ang lalaki. “Because that is the thing that keeps bugging inside
my head too. Why are you like that Maya? Have you ever dated someone?”

Umiling ang dalaga.

“How could you deprive yourself of that experience? It's not too late yet. You
should know na ang edad natin ngayon ang sweetest age to start dating?” ngingiti-
ngiting wika ni Blake na noon ay unti-unti nang naglalaho ang katamlayan.

“Hindi ako nasu-sweetan sa mga date-date na yan," nakaismid na sagot ni Alex.

“Hey are you saying na uncool kaming mga nakikipagdate?”

“Hindi yan ang ibig kong sabihin. Wala akong panahon sa ganyan dahil sa ngayon
maraming bagay na ang mas nakakapagpasaya sa akin.”

“Like what? Makipagbarkada with boys instead of dating them. Makipagsuntukan?


Makipagkarera? No I guess it’s the gun shooting that pleases you the most,”
sarkastikong komento ng lalaki.

Hindi umimik si Alex. Sana ay pwede niyang sagutin ang katabi na ang pagpupulis
niya ang lahat-lahat sa kanya.

“See hindi ka makasagot! Maya, loving someone is different. It gives you another
level of happiness compare sa kaligayahang maibibigay sayo ng mga hobbies mo.”

Tumingin ng seryoso ang dalaga sa kausap at ibinalik ang sinabi nito. “Kung ganun
Blake, sino ang mas makakapagpasaya sayo? Si Marianne ba o si Sophia?”

Biglang natigilan ang lalaki sa diretsong tanong. "B-Bakit napunta dyan ang usapan
natin?”
“May sinasabi ka tungkol sa kaligayahan ng pag-ibig na yan kaya’t tinatanong kita
kung kanino ka sa tingin mo mas magiging maligaya sa dalawa.”

“Are you mocking me right now?”

“Hindi.”

Tinitigan ni Alex ang kausap. Maaring mas may karanasan ito sa pag-ibig kaysa sa
kanya pero wala pa rin itong karapatang pagsabihan siya tungkol dito. Dahil siya pa
rin ang higit na nakakatanda at siya pa rin ang higit na mas nakakaunawa. At kahit
na minsan ay hindi pa siya umibig ngunit naiintindihan niya na pagdating sa bagay
na ito ay mayroon ding mali at mayroon ding tama.

“...Bakit mahirap bang sagutin ang tanong ko Blake?”

“It’s not difficult. Ayaw ko lang sagutin ," ika ng lalaki habang iniiwas ang mga
mata sa kanya.

“Ayaw mong sagutin o dahil hindi mo alam ang sagot?” sabay inilapit niya ang bibig
sa tenga ng kausap. “Blake, huwag mong hayaang magsiksikan ang mga babae diyan sa
puso mo. Baka isang araw mamalayan mo na lang na nahihirapan ka na palang huminga,"
bulong niya at saka marahan itong tinapik sa dibdib.

"M-Maya.."
“Payong kaibigan lang. Itira mo kung sinuman ang dapat mamalagi diyan at tanggalin
mo ang dapat tanggalin.”

Hindi nakakibo si Blake sa mga payo ng babae. Hindi niya inaasahan ang ganoon
kaseryosong mga salita mula sa babae.

Nang hindi makatanggap ng anumang sagot at reaksiyon mula sa lalaki, tumayo si Alex
at nagpagpag ng damit. “Tara na malapit na ang oras ng sunod nating klase,” masigla
at nakangiti na uling wika nito.

Ilang sandali na nanatiling nakaupo ang di pa ring makapagsalitang si Blake.


Napapangangang sinundan lamang niya ng tingin ang likod ng papaalis na kasama.

“Maya wait!”

Hinabol niya ito. Hinawakan ang kamay at iniharap sa kanya.

“How can you say things like that. Have you ever fallen in love?”

“Hindi pa... Pero hindi ibig sabihin ay hindi ako kailanman iibig. Alam ko na
balang araw ay darating din ang tamang pag-ibig sa akin. At pag nangyari yun,
sisiguraduhin kong ang taong yun lang ang tanging laman ng puso ko. Siya lang ang
pwedeng magmay-ari nito at wala ng iba pa. Walang ibang pwedeng pumasok at wala
ring pwedeng umagaw....”

“...Wala man akong karanasan sa ngayon pero para sa akin...Ganito ang kahulugan ng
pag-ibig Blake. Ito ang ibig sabihin ng kaligayahang sinasabi mo, ang magmahal ng
tapat sa taong tunay na isinisigaw ng iyong damdamin.”

“Maya...” Hindi magawang ituloy ni Blake ang sasabihin. Hindi pa rin siya lubusang
makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng kausap. Totoo bang ito nga ang
paniniwala nito tungkol sa pakikipagrelasyon o gusto lang siyang tulungang
magdesisyon dahil sa dalawang babaeng kasalukuyang nagmamay-ari ng kanyang puso?

---------

Pagkatapos ng klase, inaasahan ni Alex na didiretso na sila ng bahay. Walang


nabanggit na anumang lakad sa kanya si Blake pero biglang nagsalita ang lalaki nang
tinatahak na nila ang daan pauwi.

“We’re not going home yet. We’re meeting Sophia in a restaurant sa Libis. I want to
have dinner with her.”

Nagtatakang napatingin siya sa lalaki. Ngayon lang ito nag-schedule ng biglaang


date sa girlfriend.

“Don’t give me that kind look. It’s not because of your words. I just miss her at
gusto ko siyang makita today," depensa agad nito.

“Wala akong sinasabi,” ngingiti-ngiting sagot niya at sabay baling ulit ng


atensiyon sa daan. Lihim siyang natutuwa na mukhang nagkaroon ng epekto sa lalaki
ang mga sinabi niya. Nakapagisip-isip siguro ito kahit papaano kaya't naisipang
bigyan ng dagdag na panahon si Sophia.
“By the way, how’s your arm?”

“Medyo okay na,” sagot niya habang nakatingin lamang sa daan.

“Does it still hurt?”

“Hindi na gaano.”

“Nilalagyan mo ba lagi ng gamot?”

“Yap.”

“Maya...”

“Bakit?”

“About the things you said...”

“Alin dun?”
“About you falling in love... Meron bang nanliligaw sayo ngayon?”

Natawa siya sa tanong. “Sa tingin mo ba may matutuwang manligaw sa akin samantalang
ikaw lagi ang kasama ko?”

Natahimik si Blake. Pakiramdam niya ay namula ang mga pisngi niya sa sinabi ng
babae. Lihim siyang napangiti habang ibinabaling ang mga paningin sa nadadaanang
mga billboards. Pumapalakpak ang kanyang tenga dahil para bang sinasabi ng kasama
na mas pinipili siya nitong makasama kaysa magpaligaw sa iba.

“P-pero may mga nanligaw naman sayo before?” patay-malisya uling usisa niya.

Sasagutin na sana ni Alex ang tanong ngunit bigla siyang napaisip na baka
pagtawanan o asarin na naman siya ng kausap pag sinabi niya dito ang totoo.

“Oo naman! Bakit anong akala mo sa akin pangit at walang nagkakagusto?”

“No. Did I ever say you’re not beautiful?”

Nagulat si Alex sa sagot ng lalaki. Bahagyang nawala ang konsentrasyon niya sa


daan, kinailangan niya pang kumurap ng ilang beses upang matauhan.
“I said you’re not my type but I never said you’re not pretty," dagdag pa nito.

Ramdam ni Alex ang unti-unting pag-init ng kanyang mga pisngi kung kaya’t hindi
niya nilingon ang katabi upang huwag nitong mahalata ng ang reaksiyon niya.

“Maya yung lalaking naghatid sayo sa disco last time, nanligaw din ba sayo yun?”

“Sino si Ins... Ja-james? Hindi kaibigan ko lang yun... Teka kanina ko pa


nahahalatang ginigisa mo ako ah! Akala ko ba walang pakialaman ng personal life?”
agad na paglihis niya sa nakakaasiwang usapan.

“You started it. You were the one who talked about you being in love. It’s your
fault. You awakened my curiousity about your lovelife," nang-aasar na tugon ni
Blake.

“Wala akong sinabing in love ako! Ang sabi ko PAG nainlove ako!"

“I know you’re not in love today but who knows baka bukas o sa makalawa ma-
inlove ka na. You should start preparing yourself for that.”

“Itigil na natin ang usapan na to Blake. Tumatayo ang mga balahibo ko diyan sa mga
pinagsasabi mo.”

"Don't avoid-"
"Hep-hep! Tama na sabi!" pagputol ni Alex sa sinasabi ng kausap at sabay takip ng
kanyang kamay sa bibig nito.

Nahirapan si Blake na tanggalin ang kamay sa kanyang bibig. Sadyang idiniin ng


babae ang pagkakatakip upang hindi na siya makapagsalita pa.

"Okay I'll stop!" hinihingal na sabi niya nang kusang tanggalin ng babae ang kamay
nito. "Just concentrate in driving baka mabangga pa tayo dahil diyan sa
pagkasensitive mo!"

Hindi na nag-imikan pa ang dalawa hanggang sa marating nila ang pupuntahang


restaurant. At bago sila bumaba ng sasakyan, hindi pa rin nakatiis si Blake.
Nagpahabol pa rin siya ng tanong habang nagtatanggal ng seatbelt.

“Maya nahalikan ka na ba?”

“Oo naman!” walang kagatol-gatol na sagot ng dalaga habang pinapatay ang makina
ng sasakyan.

Nabuhay ulit ang dugo ni Blake nang mapansing hindi big deal sa kausap ang tanong
niya. Nang-aasar na tinitigan niya sa mga mata ang babae.

“Then, who is your first kiss?”


Matapang na ginantihan ni Alex ang mga titig ni Blake. Ngunit ilang saglit lamang
ay natigilan siya matapos pag-isipan ang tanong nito. Sino nga ba ang first kiss
niya? Di ba....

“I-Ikaw,” natutulalang sambit niya.

Hindi nakakilos si Blake. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sagot nito? “W-what
did you just say?”

Unti-unting nagbago ang hilatsa ng mukha ni Alex. Bumalik sa isipan niya ang
birong ginawa sa kanya ng kasama. Nairita siya bigla sa naalala kaya't inis na
binatukan niya ang lalaki.

"Sabi ko ikaw, ikaw! Ikaw!"

"A-Aray! Stop hitting me! B-Bakit ako?"

“Yung ginawa mo sa disco, nakalimutan mo na ba?!Kita mo na! Dahil sa pagiging


babaero mo nasira mo ang isa sanang mahalagang moment sa buhay ng ibang tao!
Nasayang lang ang first kiss ko ng dahil sa walang kwentang biro mo!”

Nakasimangot na lumabas ng sasakyan ang dalaga at padabog na isinara ang pinto.


Panandaliang naiwang nakanganga at nakatulala si Blake sa loob. Parang nabasag ang
eardrum niya sa mga narinig. Tama bang siya ang first kiss ng mailap na babae?
=================

[17] DATE CRASHER

****

Nakaupo sa hood ng kotse si Alex habang naghihintay sa labas ng restaurant kung


saan nagdidinner sina Blake at Sophia. Nakakaramdam na rin siya ng gutom. Iginala
niya ang mga mata habang hinihimas-himas ang tiyan. Marami pang ibang mga
restaurant sa paligid. Natutukso siyang sumaglit muna sa isa sa mga ito upang
kumain ng mabilisan ngunit nag-aalala siya na baka bigla siyang hanapin ni Blake.

“MAYA COME HERE!”

Lumingon siya kay Blake na noon ay nakatayo sa pintuan ng restaurant. Sinesenyasan


siya nitong pumasok sa loob. Unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha. Walang
pagdadalawang-isip at dali-dali siyang lumapit. Subalit bago tuluyang makapasok sa
restaurant, bigla siyang napakunot ng noo. Naninibago siya sa pag-aaya ng lalaki.
Ito ang unang pagkakataong hindi siya nito paghihintayin sa labas.

“Teka...bakit mo ako niyayaya sa loob?”


“I realized that maybe you’re hungry too.”

Nagdududang tinitigan niya sa mga mata si Blake. “Pakakainin mo ako? Ililibre mo


ako?”

“Do I have a choice? Unless you have money now then you can pay your own bill.”

“Baka naman ginogoodtime mo lang ako tapos pagdating sa loob, paghihintayin mo lang
pala ako. Kilala kita. Mahilig kang mag-isip ng bagong style ng pang-aasar.”

“Ang dami mong sinasabi! Kung ayaw mong pumasok di huwag!”

Iritableng bumalik si Blake sa loob ngunit sumunod din naman sa kanya ang babae.

“Teka sasama ako gutom na rin ako! Gusto ko lang makasiguradong seryoso ka.”

Pagkapasok nila sa loob ay agad na kumaway si Sophia kay Alex.

“Hi Maya!”

“Hi!”
Naupo sa tabi ni Sophia si Blake. Samantalang kusa namang naupo sa katabing
bakanteng table si Alex.

“Maya why are you sitting there?” puna ng lalaki.

“Huh? Bakit saan ba ako uupo? Kailangan ba mas malayo pa?” sabay tayo ng dalaga
para lumipat sa medyo malayo-layo pang table.

“Just sit in our table!” Inginuso ni Blake ang bakanteng upuan sa tapat niya.

Natigilan si Alex at kunot noong tumingin sa lalaki. “Anong sabi mo? Pinauupo mo
ako sa table niyo? Huwag mo akong bibiruin Blake pag ganitong gutom ako, mabilis
akong maniwala.”

“It’s okay Maya. You can join our table," nakangiti’t malumanay na wika ni Sophia.

“Okay lang ako Sophia. Date niyo ni Blake kaya di bagay na sumama ako sa table
niyo. Huwag mo akong intindihin, ienjoy niyo na lang ang oras niyo para sa isa’t
isa.”

“If you don’t want to join our table, eh di maghintay ka na lang ulit sa labas,"
may katigasang salita ni Blake.

“Sabi ko nga! Wala namang problema kung sumama ako sa inyo! Dinner lang naman to,
aarte pa ba ako?” bawi agad ni Alex sabay upo sa harap ng magkasintahan at saka
ngumiti.
Lumapit ang waiter at binigyan sila ng tig-iisang menu.

"Blake sigurado kang ililibre mo ako ha? Walang sisihan. Ayokong maghugas ng
pinggan sa bandang huli," paninigurado ni Alex habang nagbabasa ng menu.

“Oo na! Can you just shut up?”

Kinuha ng waiter ang order ng bawat isa. Umorder si Sophia ng isang tuna vegetable
salad at isang mineral water. Isang baby back ribs at four season juice naman kay
Blake. Pagdating kay Alex...

“Gusto ko ng Angus Rib Eye, cheese fries, chicken salad, spring chicken, seafood
pasta, raspberry cheesecake at saka mango shake.”

Nanlaki ang mga mata ni Blake.

“Maya may sawa ka ba sa tiyan? How are you gonna finish all those foods? Ilang tao
ba kayong kakain?”

Ngumiti si Alex sa nalilitong waiter para ipahiwatig na hindi ito nagkakamali ng


dinig. Kiming isinauli niya dito ang menu, saka siya tumingin kay Blake “Sabi ko
sayo gutom ako. Huwag kang mag-alala kaya kung ubusin lahat yun. Kulang pa nga yun
eh, nahihiya lang akong omorder ng mas marami dahil ikaw ang magbabayad.”
“Wow! Nahihiya ka pa sa lagay na yan ha. Maya, kasalanan na yang ginagawa mo,
that’s gluttony already.”

“Huwag mo akong ikumpara sa inyo. Hindi ako katulad mo na pihikan masyado sa


pagkain at hindi rin ako katulad ni Sophia na model na kailangang alagaan ang
katawan niya. Alalay mo ako Blake. Isang hamak na utusan. Buong araw akong
kumikilos. Ah baka nakakalimutan mo rin na may four hundred sit ups at two hundred
push ups akong ginagawa araw-araw kaya kailangan ko ng energy.”

“Maya you don’t have to give a long explanation. Aminin mo ng sadyang matakaw ka
lang," ani Blake nang napapailing.

“Really? Maya ganyan kadaming sit ups and push ups ang ginagawa mo araw-araw. Wow
you’re amazing!" sabi ni Sophia nang puno ng paghanga.

“I told you she’s not a human being," mabilis na hirit ng lalaki.

Dumating ang mga pagkain. Kinabig ni Alex papalapit sa kanya lahat ng mga inorder
niya.

“There’s no need for you to do that. Walang aagaw sayo niyan. Among the three of
us, baka ikaw pa ang mang-agaw ng pagkain, ” supladong bigkas ni Blake.

“Hindi ko to ginagawa dahil takot akong maagawan. Gusto ko lang maglagay ng


boundary!" Gumuhit ng isang imaginary line si Alex sa gitna ng mesa. “Ayan hati na!
Tapos kunyari may wall dito ha... Sige mag-usap lang kayo diyan. Huwag niyo akong
pansinin.”
Nag-umpisang kumain ang dalaga. Pinanindigan nito ang tinutukoy na imaginary line
at wall. Kumakain ito na tila mag-isa lang sa mesa, walang pakundangan sa pagsubo
kahit punung-puno pa ang bibig.

Napapanganga naman si Sophia sa bilis kumain ng kaharap. Nanlalaki ang mga mata
nito na para bang noon lamang nakakita ng babaeng ganoon kalakas at kabilis kumain.

“Maya can you eat slowly," hindi nakatiis na wika ni Blake.

Itinuro ni Alex ang imaginary line. “O may wall. Walang pakialaman,” sagot niya
habang puno ng pagkain ang bibig.

Hindi na pinakialaman pa ni Blake ang babae. Sa halip ay panaka-naka niya itong


sinusulyapan habang lihim na napapangiti. Ang totoo ay natutuwa siya sa tuwing
pinagmamasdan itong kumakain. Alam niyang hindi kilos-babae ang galaw nito subalit
naaliw siya sa istilo nito nang maganang pagkain. Kung papanoorin mo kasi ito, tila
matatakam ka ring kumain.

Habang sinusulyapan ang dalaga, biglang napako ang mga mata niya sa mukha nito
nang sumagi sa isipan niya ang inamin nito sa sasakyan. Lalo siyang natigilan nang
napatingin siya sa mga labi nito.

“Maya...”

“Ano na naman?”

“Y-You have steak sauce on your mouth.”


Nag-angat ng mukha ang babae at tumingin ito sa kanya.

“Saan?”

Itinuro niya ang gilid ng sariling bibig.

"Dito ba?" inosenteng tanong nito sabay labas sa dila at dahan-dahan itong inikot
sapaligid ng mga labi.

Bahagyang uminit ang mga pisngi ni Blake sa nakita. Napapalunok na sinundan niya
ng tingin ang bawat galaw ng dila ng babae. Ramdam na ramdam niya ang panunuyo ng
lalamunan kaya't agad niyang dinukwang ang isang basong tubig at dire-diretso itong
ininom nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga labi ng kaharap.

“Meron pa ba?” tanong ulit ng babae.

“W-wala na...” sagot niya sabay pahid ng tissue paper sa noo.

Sumubo ulit si Alex at maya-maya lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Walang
pasabing sinagot niya ang tawag subalit itinuro niya muna ang imaginary line sa
dalawang kasama bago magsalita.

“Hello Alex...”

“O Ins... James, napatawag ka?”


Nagtagpo ang mga kilay ni Blake nang marinig ang pangalan ng tumatawag.

“You’re calling me with my first name. Does it mean you’re with Blake Monteverde?”

“Oo. May sasabihin ka bang importante?” kaswal na salita ni Alex.

“Wala naman. Tungkol dun sa homework na pinapagawa mo, okay na na-email ko na


sayo.”

“Ganun ba salamat ha. Sige titingnan ko na lang mamaya at....”

Natigilan sa pagsasalita si Alex nang maramdamang may sumisipa sa paa niya.


Napatingin siya sa ilalim ng mesa at nakita ang palihim na sumisipang paa ni Blake.

“Sandali lang James ha...”

Tinakpan niya ang mouthpiece ng telepono at pinandilatan si Blake. “Bakit ba?”

“We’re eating," seryosong sagot nito sa kanya.


Binalikan niya ang kausap at pabulong na nagsalita. “Sige James, next time na lang
ulit tayo mag-usap nag-iinarte na naman kasi ang spoiled brat.”

“Okay bye. Hope I can see you soon. Namimiss ko na ang energy mo dito sa
headquarters.”

“Ah ganun ba. Sana nga see you soon din. Bye,” nakangiting paalam niya.

Hindi pa man nabubura ang mga ngiti niya sa labi, pinutakte na agad siya ng sermon
ni Blake.

“Don’t you have manners Maya? We’re eating and yet kung makipag-usap ka akala mo
nasa sala ka lang!”

Kunway wala siyang narinig. Tahimik na itinuloy niya ang naantalang pagkain at
ipinako ang mga paningin sa sariling plato.

“And did I hear it right that you called me a spoiled brat?”

Biglang napaangat ng ulo si Alex. “Huh? Narinig mo pa rin yun?”

“Of course! Kaharap mo lang kami nang sinabi mo yan! And what is this na see you
soon? Did you just decide by yourself na makipagkita ka dun sa tao without asking
my permission?”
“Bakit ko naman kailangan ang permiso mo?”

“Ah so you can do that to me but I can’t do it to you? Inaalam mo lahat ng lakad ko
pero ikaw pwede kang magkaroon ng sariling lakad anytime you want.”

"Hays , hindi naman kasi kasing exciting ng lakad mo ang mga lakad ko kaya hindi na
sumasagi pa sa utak ko na ipaalam ang mga ito sayo. Tiyak na mabobore ka lang pag
sumama ka. Hindi ka mag-eenjoy promise!"

"I'm not concerned either makakasama ako o hindi. You should ask permission first
dahil papaano na lang kung may iuutos ako sayo."

“Eh di makikipagkita ako kung wala kang iuutos,” kibit-balikat na sagot ni Alex at
sabay subo ulit ng pagkain.

“No. This time I’ll get my revenge! You can’t see someone unless I said yes!”

Nahalata ni Sophia na malapit na namang mag-away ang dalawang kasama kung kaya't
naisipan niyang ilihis ang usapan. “Guys, I want to tell you na meron nga pala
akong fashion show sa UP Theater sa makalawa. It’s an event hosted by Sigma Beta
Sorority and I want you to come and watch," nakangiting at excited na balita niya.

Natigilan bigla si Blake.


“Di ba yun yung sorority nina Marianne, Blake?” taklesang tanong ni Alex.

Lihim na sinipa ulit ni Blake ang dalaga. Napatingin si Alex sa lalaki at biglang
napagtanto ang mali sa sinabi. Kaagad itong bumawi. Namimilog ang mga matang
tumingin ito kay Sophia.

“Talaga! Magpa-fashion show ka? Wow sa wakas mapapanood na rin kitang rumampa.
Siyempre siguradong pupunta kami, di ba Blake?”

“Of course we will go. I have to support my girlfriend,” may lambing na ika ni
Blake.

Ngumiti si Sophia ngunit bigla na namang humirit ng mali si Alex.

“Galingan mo Sophia ha. Kailangan sobrang maging maganda ka para maipamukha mo


diyan sa Marianne na yan kung sino ang kinakalaban niya!”

Sinipa ulit ng lalaki ang dalaga ngunit sa pagkakataong ito ay may kalakasan na.

“Aray! Bakit ba? Kanina ka pa ah!”

Inilapit ni Blake ang mukha sa kaharap at seryosong-seryosong tinitigan ito sa mga


mata. “Maya, I will never...ever....never.... never.....ever...ever commit again
the mistake of inviting you to join any of my dinner dates!”
Maamong yumuko si Alex matapos marinig ang gigil na gigil na salita ng lalaki. “Eto
na tatahimik na...”

=================

[18] MY FULL-TIME SERVANT

*****

Official holiday.

Si Alex ay walang pasok...sa klase. Ibig sabihin? Buong araw ang duty niya sa
tinutuluyang bahay. Ito ang mga panahong obligado siyang gawin ang mga tungkuling
napagkasunduan nila ni Blake na kailangan niyang gampanan.

‘Cook at least one dish a day.’

6:30 ng umaga. Kusina. Nakaupo sa harap ng isang mesa si Alex. May hawak na
kutsilyo. Namumula-mula ang mga mata. Nangingilid ang mga luha.
“Manang Cora, may nagawa ho ba akong kasalanan sayo?” tanong niya sa matandang
katulong na noon ay abala sa pagpiprito ng manok.

“Wala ineng.”

“May sama ho ba kayo ng loob sa akin?”

“Wala naman.”

“May nasabi ho ba akong hindi maganda tungkol sa inyo?”

“Wala rin ineng. Bakit ba?”

Hindi na napigilan ni Alex ang pagtulo ng kanyang mga luha.

“Eh kasi sa dinami-dami ng pwede niyong ituro sa aking lulutuin, bakit naman ang
napili niyo ay ang nangangailangan ng ganito kadaming sibuyas. Mahigit sampung
malalaking piraso na ho ang natatadtad ko hindi pa ho ba sapat ang mga ito?”

Namumula-mula na rin ang ilong niya at sisinghot-singhot habang gigil na gigil sa


pagtatadtad sa sibuyas.
May bumato sa harapan niya ng tisyu.

Natigilan siya sa ginagawa saka tumingin ng masama kay Blake na noon ay nakaupo sa
bandang dulo ng pinagtatadtaran niyang mesa habang naglalaro sa ipad. Tumingin din
ito sa kanya nang may mapang-asar na ngiti.

“What? I’m just worried baka matuluan ang ingredient na yan or else I won't eat
what you cook. Punasan mo yang luha mo and your nose too.”

Kinuha niya ang tisyu, nagpunas siya ng ilong at mga mata at iningusan ang lalaki
nang hindi na ito nakatingin. Tahimik na bumalik siya sa seryosong paghihiwa at
ilang saglit lang ay lumapit na sa kanya si Manang Cora. Tiningnan nito ang mga
nahiwang sibuyas.

“Tama na ito Maya.”

Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga! Sure kayo manang? Tapos na ang
torture?”

“Oo.”

“Maya, you know why Yaya Cora keeps her job for a very long time?” sabat ni Blake
nang hindi inaalis ang mga mata sa ipad.

“Bakit?” kunot-noong tanong ni Alex.


“Because she’s very sensible. She can easily tell if a person deserves a punishment
or not. Maybe that’s the reason why she gave you that task.”

Ngumuso si Alex sa lalaki. “Ikaw, kanina ka pa nandyan pero wala ka namang ginawa
kundi mambwisit at mang-irita! Buti sana kung tumutulong ka. Teka, bakit ba kasi
nandidito ka? Naglalaro ka lang naman diyan sa ipad mo, bakit di ka maglaro sa
kuwarto mo o sa sala? Ang laki-laki nitong bahay niyo tapos nakikipagsiksikan ka sa
amin dito sa kusina ni Manang Cora!”

“I’m guarding the food,” kalmadong sagot ng lalaki.

“At bakit kailangan mo itong bantayan?”

“I don’t trust your cooking. Remember I have to eat what you cooked. Ayokong mafood
poison.”

Magtataas na sana ulit si Alex ng boses ngunit kinalabit siya ng matandang


katulong.

“Maya ikaw na ang magtuloy nitong piniprito ko. Nakalimutan kong may tatapusin pa
nga pala ako sa hardin," sabay alis nito nang hindi man lamang hinintay ang
sasabihin niya.

Napangangang sinundan niya ng tingin ang papalayong matanda. Anong gagawin niya?
Hindi pa siya nakakapagprito ng manok sa tanang buhay niya.
“Ma-manang sandali! Ma-manang ituro mo muna sa akin to!” pahabol na sigaw niya
subalit tuluy-tuloy lamang sa paglalakad si Manang Cora. "Haist, ano bang gagawin
ko?" napapakamot sa ulong sambit niya.

Tumigil naman si Blake sa paglalaro at tumayo. Bahagya din siyang nataranta nang
makitang nagpapanic ang babae. Lalapit sana siya upang tumulong ngunit agad din
namang nagbago ang isip niya nang mapagtantong trabaho ito ng babae. Mulis siyang
umupo at pasimpleng pinagmasdan na lamang ang aligagagang kasama.

Hinawakan ni Alex ang siyansi at nag-isip kung ano ang susunod na gagawin sa
naiwang nakasalang sa kawali. Siguro naman ay wala itong pinagkaiba sa pagpiprito
ng hotdog at itlog. Dahan-dahan siyang lumapit sa kalan at binaliktad ang manok
subalit nagulat siya nang biglang nagsitalsikan ang mantika.

“Ayyyy! Bakit pumuputok?!” natatarantang tili niya.

Nagulat si Blake. Agad niyang binitawan ang ipad at nagmamadaling lumapit sa


dalaga. Hindi niya natantiya ang mga mabibilis na hakbang kung kaya't nabangga niya
ang likod ng babae na noon ay naglalakad naman papaatras. Hindi sinasadyang
napahalik siya sa ulo nito. Panandalian siyang hindi nakakilos at bigla siyang
napapikit habang sinisinghot ang mabangong buhok nito.

Natigilan din si Alex. Napalunok siya nang maramdaman ang pagkakadikit ng katawan
nila ni Blake. Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki ngunit tumaas ang kanyang isang
kilay nang makita ang nakapikit na hitsura nito.

“Anong nangyayari sayo Blake?”


Agad na nagmulat ang lalaki. Hirap magsalitang napatitig ito sa nakatutok na mukha
ng dalaga. “W-Wala lumapit lang ako just want to know k-kung bakit ka nagtititili,"
kinakabahang sagot nito.

Umirap si Alex. “Umalis ka nga diyan baka mas lalo lang akong mataranta sa pang-
iistorbo mo!”

Nagkunwaring kalmadong bumalik sa upuan si Blake at muling dinampot sa mesa ang


ipad. Ipinagpatuloy naman ni Alex ang pagbabantay sa niluluto.

“Blake...” seryosong sambit ni Alex makalipas ang ilang sandali ng katahimikan.


Nakaharap siya sa kawali habang si Blake ay tutok na tutok sa nilalaro.

“What?”

“Nakaluto ka na ba minsan ng fried chicken?”

“Not yet.”

“Pero nakakain ka na di ba?”

“Of course! Ano ba namang klaseng tanong yan Maya.”


“Natatandaan mo ba ang kulay?”

“I think so.”

“Halika nga. Tingnan mo nga ito kung luto na ang ganitong kulay.”

Lumapit ang lalaki at tumingin sa kawali. “Uhmmm... I don’t think so.”

“Sigurado ka hindi pa ito luto?” tanong ni Alex nang may seryosong mukha.

“I think so,” napapailing na sagot ni Blake.

Ibinigay ni Alex sa lalaki ang siyansi. “Hawakan mo nga ito. Ikaw muna magbantay
diyan. Nakita kong binubudburan ng harina ni Manang yung mga ipiniprito niya.
Lalagyan ko lang yung natitirang mga piprituhin.”

Walang reklamong sinunod ni Blake ang utos at matiyagang nagbantay sa harap ng


kawali. Tumungo naman ang babae sa mesa at binuhusan ng sandamakmak na harina ang
mga natitirang piprituhing hita ng manok.

“Maya I think it’s done.”

“Sure ka?”
“I think so.”

“Ilipat mo na sa plato.”

Bahagyang nakahalata ang lalaki.“Hey! Why would I do that? It’s your job!” mabilis
na reklamo nito.

“Ako na nga! Eto naman hindi man lang mapakisuyuan,” sabay agaw ng babae sa
siyansi.

"How about a thank you?" sarkastikong ika ni Blake sabay balik sa kinauupuan upang
ituloy ang paglalaro. Ngunit hindi pa man lumalapat ang puwet niya sa silya, may
utos na naman ang babae.

“Blake pahinging malaking plato.”

Inilapag niya ang ipad at mabilis na sumunod sa dalaga. Walang reklamong binigyan
niya ito ng plato pagkatapos ay bumalik siya sa upuan. Hindi lumipas ang mga
sampung segundo, may panibago na namang utos sa kanya.

“Blake iabot mo nga sa akin yung mga piprituhin pa.”


Tumigil ulit sa paglalaro si Blake at dinala ang mga hita ng manok na punung-puno
ng harina. Bago ito ibigay ay lihim niya munang pinahiran ng makapal na harina ang
kanyang dalawang daliri. Pagkuway itinabi niya ang mga daliri sa pisngi ng
nakatalikod na babae.

“Maya,” ngingiti-ngiting tawag niya.

Napalingon si Alex at kaagad na tumama sa mukha niya ang nakaabang na mga daliri ng
lalaki. Napaigtad siya sa pagkagulat at may naramdaman siyang kumapit na bagay sa
kanyang pisngi. Dali-daling hinawakan niya ang mukha.

“Blake!!!!”

Nang-aasar na dumila ang lalaki. “That’s your penalty for abusing my kindness”...

---------

‘Clean at least one portion of the house.’

9:00 ng umaga. Hallway. Tumatagaktak ang pawis sa noo ni Alex. Hawak-hawak niya ang
isang mop. Kanina pa siya pabalik-balik sa pagkuskos pero bakit hindi pa rin
magmukhang malinis ang sahig. Isinawsaw niya ulit ang mop sa baldeng may sabon at
muling pinunasan ang sahig.
Dumaan si Blake.

Huminto sa ginagawa si Alex. Naniningkit ang mga matang sinundan niya ng tingin ang
mga paa ng dumadaang lalaki. Bumabakat ang mga marka ng tsinelas nito sa basang
sahig.

Binalikan niya ang dinaanan ng lalaki, muli itong kinuskos at saka itinuloy ang
paglilinis sa ibang bahagi ng sahig hanggang sa magmukha na ring malinis ang
hallway. Napangiti siya sa magandang resulta ng kanyang paghihirap.

Dumaan si Blake.

Sinundan niya ulit ng tingin ang lalaki. May bitbit itong tsitserya. Itinataktak sa
bibig ang pagkain habang naglalakad. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga
pira-pirasong pagkaing nahuhulog sa sahig. Mabilis na pinagdadampot niya ang mga
ito.

“Tingnan mo tong taong ito. Nakita nang may naglilinis dito...” naiiritang bulong
niya.

Matapos linisin ang ikinalat ng lalaki ay sinimulan niyang i-mop ang hindi pa
nagagalaw na karugtong ng sahig. Ilang beses ulit siyang nagpabalik-pabalik sa
pagkuskos at pagpunas bago ito tuluyang nagmukhang malinis.

Dumaan si Blake.

May bitbit itong ballpen at notebook. Nagsusulat habang naglalakad. Pumunit ito ng
ilang mga pahina. Pinaggugusot at itinapon sa sahig. Nanggigigil na binitawan ni
Alex ang mop at pinagdadampot ang mga papel.

“Isa pa...Isa na lang talaga."

Binalikan niya ang mop at iritableng isinawsaw ulit ito sa balde. Pinigaan at
sinimulan ulit ang pagkukuskos. Maya-maya lang ay namataan niya ang papalapit uling
lalaki.

“SUBUKAN MO! Subukan mo lang!” hindi na nakatiis na sigaw niya.

Nagulat si Blake at bigla itong napapamaang na tumigil. “B-Bakit?”

“Sige subukan mong dumaan dito at tatamaan ka nitong hawak kong mop. Kanina ka pa
ah!”

“Why? Can’t I walk in my own house?”

“Huwag dito. Ang dami-dami mong pwedeng daanan bakit dito ka sa may naglilinis
pabalik-balik na namamasyal.”

Ngumisi lamang ang lalaki at muling humakbang. Binalewala ang mga narinig.
“Isa.”

Tumigil si Blake at tumingin sa dalaga. Pinandidilatan siya nito ngunit hindi niya
pa rin ito inintindi at muling humakbang.

“DALAWA!”

“Fine! This is unbelievable! I can’t even walk freely in this house anymore!”
naiiritang tumalikod siya at galit na binaybay ang ibang daan.

Ngingisi-ngising pinagpatuloy ni Alex ang paglilinis. “Ikaw kaya ang gumawa nito at
ako naman ang magfashion show sa harap mo, tingnan ko lang kung matuwa ka...”

-------

‘Clean the swimming pools once a week.’

1:30 ng hapon. Tirik na tirik ang araw. Ngalay na ngalay na ang leeg at mga braso
ni Alex. Natapos niya nang linisin ang isang swimming pool, nasa ikalawang mas
malaking pool na siya. Maya’t maya niyang pinupunasan ang mga tumutulong pawis.
Napatingin siya sa malaking bahay habang napapabuntong-hininga. Parang mas mahirap
pa ang mga pinagdadaanan niya sa lugar na ito kaysa sa mga drills at naging
training niya sa pagpupulis.

Napalingon siya kay Blake. Tahimik itong nakaupo sa isang beach bench habang
nagbabasa ng magazine. Simula nang naglilinis siya sa area, naroroon na ito at
nakatambay. Alam niya ang pakay nito. Gusto siya nitong bantayan kung totoong
sinusunod niya ng maayos ang kanilang usapan. Tusong matsing!

Ramdam niya na ang pagod kaya't nag-isip siya ng paraan para makagpahinga nang
hindi bubungangaan ng bantay saradong lalaki. Nagliwanag ang kanyang mukha sa
naisip. Tumingin siya kay Blake at ngumiti ng nakakaloko.

“Aaaaah! Aray! Aray ko!”

Humawak siya sa kanyang kanang braso at umarteng tila nasasaktan.

“ARAYYYY!!!!”

Narinig ni Blake ang sigaw. Kaagad niyang binitawan ang magazine at nagmadaling
tumakbo sa babae.

“What happened? Is there something wrong? Are you hurt?”

“Y-yung sugat ko sumasakit. Saka parang pinupulikat ang braso ko,” kunway
napapangiwing sagot ni Alex.

Nataranta si Blake. Marahan niyang hinahawakan ang braso ng babae. “Sabi mo


magaling na ang sugat mo! Did you lie? You should have told me earlier!”
“A-akala ko rin magaling na. Napagod lang siguro ako maghapon kaya nanakit.”

Tumingin ang dalaga sa lalaki ng may nagpapaawang mukha. Kinuha ni Blake ang
panlinis kay Alex.

“Magpahinga ka na ako na ang magtutuloy nito.”

“Salamat...” may lambing na ika ni Alex habang lihim na napapangiti.

Ipinagpatuloy ni Blake ang paglilinis. Nag inat-inat naman ng likod at leeg niya si
Alex saka nakangiting pinagmasdan ang naglilinis na prinsipe.

“Blake ayun oh may dahon pa!” turo niya.

“Blake may dumi pa!”

“Blake doon, doon pa. Kailangan pang linisin ang part na yun!”

“Eto pa Blake oh!”

“Blake ano ba ayusin mo nga!”


Napipikong tumigil si Blake sa ginagawa. Binigyan niya ng masamang tingin ang
kasamang walang tigil sa pagmamando.

“Somosobra ka na ha! Inaabuso mo na naman ang pagtulong ko sayo!”

Biglang umamo ang mukha ng dalaga at malumanay itong nagsalita.“Pasensiya ka na...


Gusto ko lang namang malinis ng mabuti ang pool.”

Tiningnang maiigi ni Blake ang babae. Unti-unti siyang nagduda sa kakaibang sigla
nito samantalang kanina lamang ay dumadaing ito sa sakit. Tumingin siya sa kanang
braso nito, naigagalaw naman ito ng maayos. Binitawan niya ang panlinis at
nakangiting lumapit sa dalaga. Inamoy-amoy niya ang leeg at buhok nito. Naasiwa
naman ang babae at bahagya itong lumayo sa kanya.

“Did you take a shower already?”

“H-hindi pa," naguguluhang sagot nito.

“Well, I guess it’s time for you to take a bath,” sabay tulak niya dito sa swimming
pool.

“EEEEE!”

Ngingisi-ngisi siyang tumalikod at naglakad papalayo.


“Blake! Blake ! Tulungan mo ako! Hindi ako marunong lumangoy!”

Tumigil siya at nilingon ang babae. Lulubog lilitaw ito habang kakaway-kaway.
Nakataas ang isang kilay na pinagmasdan niya ito. Nakakakutob siyang umaarte lamang
ito.

“B-Blake t-tulong! T-tulong!”

Unti-unti siyang kinabahan. Tila totoo ngang nalulunod ang babae.

“B-Blake!”

Unti-unti itong lumubog hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang mga


paningin.

“Maya!”

Mabilis niya tinalon ang swimming pool. Sinisid niya ang nakalubog na dalaga.
Iniangkla niya ang isang kamay sa beywang nito at kaagad itong iniangat.

“Maya! Maya wake up!” nininerbiyos na sabi niya habang tinatapik-tapik ang pisngi
ng walang malay na babae.
“Maya! Wake up!”

Biglang nagmulat ng mga mata si Alex sabay ngiti at belat. “Akala mo maiisahan mo
ako ha? Pwes, dalawa tayong maligo ngayon!”

Napanganga si Blake at pansamantalang nablangko. Hindi alam kung magagalit o


matatawa sa biro. Halos sumabog ang dibdib niya sa kaba tapos arte lang pala ang
lahat. Nang matauhan ay mahigpit na ipinulupot niya ang kamay sa beywang ng babae.
Kinabig niya ito at idinikit sa kanyang katawan pagkuway binigyan niya ito ng
mapang-akit na ngiti.

“Okay. No problem let’s take a bath...to-ge-ther.”

Tinitigan niya ng nakakaloko ang dalaga. At napalunok siya nang di inaasahang


ginantihan din siya ng mga titig nito nang hindi man lang kumukurap. Kahit
nakababad sa tubig, ramdam niya ang unti-unting pagbalot ng init sa kanyang buong
katawan. Tinitigan niya ng maigi ang mukha ng babaeng kayakap hanggang sa mapadako
ang mga mata niya sa mapupulang mga labi nito.

“M-Maya gusto mo bang bumawi ako sa first kiss mo?”

Hindi sumagot ang dalaga sa halip ay nanatili lamang itong nakatitig sa kanya.
Iniawang niya ang mga labi at dahan-dahang lumapit sa babaeng blangko ang mukha.
Wala siyang balak ituloy ang halik subalit kung hindi ito pumalag, hindi niya
matitiyak ang susunod na mangyayari dahil sa mga sandaling iyon ay nadadala na rin
siya ng sariling biro.

Kasabay ng paglapit ng mga labi ni Blake ay siya namang pagkilos ng isang kamay ni
Alex. Dahan-dahan niyang iginapang ang isang kamay paakyat sa balikat ng
lalaki....paakyat sa leeg....paakyat sa tenga...paakyat sa ulo. Hinawakan niya ng
malakas ang ulo nito at nanggigil na inilubog ang lalaki sa pool. Gigil na gigil at
walang habag na idiniin niya ang lalaki sa tubig. Hindi siya tumigil hanggang sa
kumakampay-kampay na ito at pilit nagpupumiglas sa malakas niyang pagkakahawak.
Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago ito bitawan, gusto niyang tiyaking
nahirapan nga ito. Pagkabitiw dito’y sisinghap-singhap na nag-angat agad ito ng
ulo.

“CRAZY WOMAN! Are you going to kill me!!!?”

“HULING TANONG, HULING SAGOT! Uulitin mo pa ba ang malaswang pagbibiro?” matigas na


matigas na pagkakasabi niya habang pinandidilatan ang lalaki.

“H-hindi na...” kinakapos ng hiningang sagot nito.

=================

[19] THREE IS A CROWD


*****

Araw ng fashion show ni Sophia. Nakahanda nang umalis ng bahay sina Blake at Alex
para manood. At habang binabaybay nila ang daan papuntang garahe, biglang may
naalala si Alex. Nilapitan niya si Blake at pinigilan sa paglalakad. Hinawakan niya
ito sa braso at tinitigan ng seryoso.

“Blake, kinukutuban ako."

“W-What do you mean?” taking bigkas ng lalaki.

“Pa-pakiramdam ko may masamang mangyayari sayo...”

Unti-unting kinabahan si Blake at tinitigan din niya ang babae. “W-why? What do you
think is going to happen?”

“Sa-sa tingin ko may malaking eksenang magaganap...”

Mas lalong nadagdagan ang kaba niya. “A-Anong eksena? W-what are you talking
about?”

“B-Blake sa tingin ko....magpapang-abot ngayong gabi sina Sophia at Marianne kaya


kailangan mo itong paghandaan.”
Pansamantalang hindi nakapagsalita si Blake. Hindi alam kung matatawa o masisigawan
ang babae. Gigil na tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso.

“Seriously Maya, pwede ba paminsan-minsan naman bawas-bawasan mo yang stupidity mo.


You almost gave me a heart attack just to hear that nonsense from you!”

Ipinagpatuloy niya ang mabilis na paglalakad ngunit hinabol pa rin siya ng babae.

“Anong nonsense?! Huwag mong maliitin ang instinct ko dahil kung gaano kataas ang
percentage ng tama ko sa shooting range ganun din kadalas magkatotoo ang kutob ko
kaya dapat muna tayong magplano kung paano mo ito haharapin mamaya.”

“Just shut up Maya! That’s not gonna happen, okay?” Inis na ibinato niya dito ang
susi ng kotse.

Kahit nagmamaneho na, hindi pa rin tinigilan ni Alex ang kasama. “Eh papano pag
nangyari? Anong gagawin mo?”

“It’s none of your concern. Just drive baka ma-late pa tayo.”

Pansamantalang tumahimik ang dalaga ngunit hindi pa man lumilipas ang ilang minuto,
muli itong humirit. “Hindi nga Blake. Paano pala kung mag-away sa harapan mo si
Sophia at Marianne, sino sa kanilang dalawa ang kakampihan mo?”

Binigyan ni Blake ng matatalim na tingin ang makulit na babae. “Hindi ka ba


titigil?”

Agad na itinikom ni Alex ang bibig pero ngingiti-ngiti pa ring sinusulyapan niya si
Blake hanggang sa hindi na naman siya nakatiis. “Pero Blake pag nangyari yun.
Siguraduhin mong si Sophia ang pipiliin mo ha? Kasi si Marianne naman ay halos
nandyan lang sa tabi mo at tanggap ang sitwasyon mo sa ngayon. Si Sophia kasi pag
nasaktan ng sobra yun baka iwanan ka na lang nang hindi mo pa narerealize kung sino
ba talaga ang mas mahal mo sa dalawa.”

“MAYAAA!”

“Tatahimik na...nag-aadvise lang naman.”

On-time silang dumating sa venue. Matao na ang lugar ngunit hindi pa nagsisimula
ang show. Nakababa pa ang kurtina ng entablado at bukas pa ang lahat ng ilaw sa
audience area. Magkatabi silang naupo sa ikalawang hanay mula sa stage.

“Is this your first time to watch a fashion show?” tanong ni Blake.

Tumango si Alex.

“No wonder kung bakit wala kang fashion sense."

“Ikaw lang ang maysabing pangit akong manamit dahil hindi mo type ang style ko.
Pero para sa mga lalaking mahilig sa boyish, hindi ako baduy manamit no?”
Tiningnan ni Blake mula ulo hanggang paa ang kasama. As usual, nakaitim na jacket,
puting bodyfit na t-shirt, itim na pantalong hapit at itim na leather boots.
Nagsusuot din naman ito ng mga accessories. Meron itong maliit na tumpok ng silver
na hikaw sa isang tenga samantalang tatlong magkakadikit na maliliit na hikaw naman
sa kabilang tenga. Hilig din nitong magsuot ng patong patong na wristbands.

Kung tutuusin magaling din naman magdala ng damit ang babae. Seksing boyish. Tama
si Hayden na minsan sobrang cool nitong tingnan. Hindi niya nga lang talaga type
ang mga ganitong style. Mas napapalingon pa rin siya sa mga babaeng-babae kung
manamit at medyo seductive ang dating.

“I don’t see anything attractive from what you’re wearing,"diretsong sabi niya
dito.

“I don’t care," maarte at pairap namang sagot ng dalaga.

Habang nakikipag-asaran sa kasama, biglang natigilan si Alex sa nahagip ng kanyang


mga mata. Si Marianne paparating at kasama nito si Inspector Corpuz! Nakahawak ang
babae sa braso ng binatang pulis habang naglalakad ang mga ito papalapit sa
kanilang direksiyon. Huminto ang mga ito sa tapat ng kanilang kinauupuan.
Napanganga siya habang pinagmamasdan ang dalawa at bigla rin nanahimik si Blake
habang nakatingin din ng seryoso sa mga bagong dating.

Bago maupo ay di sinasadyang napatingin si Marianne sa kanila. Walang batiang


naganap subalit nakipagpalitan ng tingin dito si Blake.

“Si Sophia ang ipinunta natin dito ha," bulong niya sa lalaki.
Hindi sila napansin ni Insp. Corpuz. Diretso itong naupo nang hindi tumitingin sa
paligid. Kakalabitin niya sana ito ngunit biglang pinigilan ni Blake ang kamay
niya.

“What are you doing?” bulong nito.

“Kaibigan ko yan," paliwanag niya.

Itinuloy niya ang pangangalabit at agad namang napalingon si Inspektor Corpuz.


Nagulat ito nang makita siya.

“Hi James!” siya na ang unang bumati dito.

Nakuha kaagad ni James ang ibig sabihin ng kaswal na tawag sa kanya ng kasamahan.
Napatingin siya sa katabi nito at nakita ang seryosong mukha ni Blake Monteverde.
Ibinalik niya ang mga mata kay Alex at masiglang ngumiti.

“Maya! Nice to see you here. Akalain mo yun dito pa tayo nagkita uli. What are you
doing here? I didn't expect na mahilig ka rin pala sa mga fashion shows.”

Biglang napatingin din si Marianne sa dalawang nag-uusap. Hindi rin ito


makapaniwalang magkakilala ang dalawa.

“Sinamahan ko lang ang barkada ko,” sabay turo ni Alex sa katabi.


Gusto pa sanang makipag-usap ni James ngunit napansin niyang masama na ang tingin
sa kanya ni Blake.

“Sige Maya ‘talk to you later. I’m really glad to see you here.”

“Ako rin. Sige later na lang," pasweet na sabi ni Alex.

Nang tumalikod si James ay kaagad na bumulong si Blake sa dalaga. “Who is that


guy?”

“Si James.”

“James? James...the one who keeps calling you?”

"Oo."

“James...the guy who gave you a ride to the bar before?”

“Yap.”
Pansamantalang natahimik si Blake at kunway napakibit ng mga balikat. “W-Well, he’s
not bad. I didn’t expect him to be that good looking. B-But why is he with
Marianne?”

“Hindi ko rin alam. Mamaya ka na mangulit Blake at magsisimula na ang show.”

Namatay ang ilaw sa audience. Nagbukas ang telon at nagliwanag ang ibat’ibang ilaw
sa buong entablado. Simula na ng palabas. Isa-isang naglabasan ang mga modelo at
nang lumabas si Sophia ay malakas na pumalakpak si Alex.

“Wow! Ang ganda talaga ni Sophia!" sinadya niyang lakasan ang boses upang marinig
ng babaeng nasa harapan nila.

Sa iba naman nakatuon ang mga mata ni Blake. Pinagmamasdan nito si James na noon ay
maya’t maya lumilingon sa likuran at lihim na tumitingin kay Alex. Napapangiti ito
sa tuwing makikitang masayang pumapalakpak ang babae.

“Blake ano ka ba? I-cheer mo naman ang girlfriend mo at hindi kung saan-saan ka
nakatingin,"puna ni Alex sabay siko sa lalaki.

Natauhan si Blake mula sa pagkakatitig kay James. Agad siyang nagkunwaring masayang
pumapalakpak para sa rumarampang girlfriend.

Unang labas ni Sophia ay nakasuot ito ng kulay asul na magarbong gown, sumunod ay
anime style na damit, nagsuot din ito ng modern filipiniana terno at nang lumabas
ito ng naka-swimwear biglang napanganga si Alex.
“Grabe Blake parang hindi na tao si Sophia. Isa siyang buhay na mannequin. Sobrang
ganda ng katawan. Paano mo nagawang ma-confuse kung may ganyan ka kagandang
girlfriend?!”

Napalakas ng boses si Alex at biglang napalingon sa kanya si Marianne. Siniko siya


ng malakas ni Blake.

“S-sorry..." nahihiyang sambit niya.

Magtatalumpung minuto na ang nakalilipas buhat nang matapos ang fashion show ngunit
hindi pa rin lumalabas ng venue sina Blake at Alex. Halos nakaalis na ang lahat ng
manonood pero nanatili pa rin sila sa kanilang upuan. Ayaw pa kasing lumabas ni
Blake kesyo ayaw nitong makipagsiksikan sa labasan. Nakaalis na rin maging sina
James at Marianne.

“Blake hindi pa ba tayo lalabas? Kakaunti na ang mga tao at hindi na naman siksikan
sa pinto," inip nang sabi ni Alex.

“Why? Are you that excited to meet James outside?”

“Excited? Anong pinagsasabi mo? Kung ayaw mong lumabas eh di sige dito na tayo
tumira! Ako pa ang hinamon mo," sabay sandal ni Alex ng maigi sa upuan, ipinatong
ang mga paa sa harapang upuan at pumikit na animo'y nakahanda ng matulog.

“Fine you can go out now! Just wait for me at the entrance at pupuntahan ko lang sa
backstage si Sophia. Huwag kang gumala ha!”
“Huwag gumala? Ako ba ang pagsabihan. Ikaw ang huwag gumala. Baka bukod sa
backstage may iba ka pang bisitahin,” may lamang sagot ng babae.

Nagmadaling lumabas si Alex. Nag-aalala siya na baka nakaalis na ang kasamahang


pulis. Totoo naman ang hinala ng kasama na kanina pa siya kating-kating makausap
ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang inspector na mag-isang nakatayo
malapit sa isang puno sa tapat ng theater. Kaagad din siya nitong nakita at
nakangiting kumaway ito sa kanya. Halatang hinintay din siya nitong makalabas.
Nakangiting lumapit siya dito at mabilis na pabirong sumaludo.

“Baka may makakita sayo," natatawang sabi ng binata.

“Kumusta Inspektor? Miss na miss ko na ang headquarters ah. Sana makabalik na ako
agad. May balita na ba?” nakapamulsang sabi ni Alex.

“Wala pa ring bagong impormasyong dumarating. Namimiss ka na rin namin sa opisina.


Malungkot din naman pala pag nababawasan ng isang makulit at matigas na ulong
kasamahan," biro ni James sabay tingin sa kasamahan mula ulo hanggang paa. “Ikaw
Inspector Valdemor, kumusta ka na rin? You look better. Mukhang hiyang ka sa misyon
na to ah."

“Dahil siguro sa pagpi-feeling teenager ko. Internalized na internalized ko na nga


masyado eh," natatawang tugon ng dalaga. "Kumusta na si Chief? Mukhang nakalimutan
na ako ah. Hindi yata ako gaanong tinatawagan lately.”

“Ayun nakakunot pa rin lagi ang noo. Ikaw lang ata ang nakakapagpangiti doon eh.”

“May mga exciting bang operations ngayon?” usisa ng babae.


“The usual cases pa rin. Drugs, clubs, prostitution...Ah by the way I might join
some raiding team very soon.”

Namilog ang mga mata ni Alex. “Talaga! Sana magkasama tayo sa operation pagbalik
ko. Gusto ko namang makita minsan kung paano ka makipagbarilan.”

Tumawa ang binata. “You want to see. Then why don’t we visit a shooting range
sometime. I want to check also if I can beat the famous sharp shooter Inspector
Alexandra Valdemor.”

Ngumiti ng matamlay ang dalaga. Yumuko ito at sinipa-sipa ang isang maliit na
bato.“Kung pwede nga lang bakit hindi. Miss na miss ko na ring gawin ang bagay na
yan kaso hindi talaga ako makahanap ng oras. Hindi ko maiwan-iwanan si Blake.
Laging naghahanap ng pagkakataon ang lalaking iyon na makapaglakwatsa nang hindi
ako kasama, mahirap na baka malusutan tayo.”

“Are you getting along with that kid already?”

Tumango ang dalaga. “Medyo bumait na rin ng konti pero mas madalas pa ring may
sumpong.”

Napatingin si Alex kay Marianne na nakatayo sa di-kalayuan. Kausap nito ang mga
barkadang babae. Saglit itong napatingin sa kanila ngunit agad din nitong ibinalik
ang atensiyon sa pakikipag-usap sa mga kaibigan.

“Inspector bakit nga pala kasama mo si Marianne? Girlfriend mo ba siya? Naku! Baka
mas lalo na naman akong susupladahan ng babaeng yan dahil nalamang magkakilala
tayo!” problemadong sabi ng dalaga.

Natawa ng malakas si James. “Girlfriend? Do you seriously think I will date a


kid....No! She’s my younger sister.”

Napanganga si Alex. “Ka-kapatid mo?!” namimilog ang matang bulalas niya.

Nakangiting tumango ang binata.“Yes. Why?”

“Alam mo bang ex-girlfriend yan ni Blake?”

“Yeah I know.”

Biglang nataranta ang dalaga.“Teka...teka. Naguguluhan ako. Hindi ba tayo mabubuko


dahil diyan. Baka malaman ni Marianne na pulis ako... baka maikuwento niya ito kay
Blake. Kakilala mo ba ng personal si Blake?”

“Relax Inspector. Huwag kang magpanic. Walang mabubuko. We’re professionals


remember,"kalmado at tatawa-tawang bigkas ni James.

“Papano? Alam ni Marianne na pulis ka. Eh papano pag nalaman niya na kasamahan mo
ako baka ikuwento niya ito kay Blake.”
“Who will tell Marianne na magkatrabaho tayo? I won’t tell her unless you tell her.
And beside she won’t tell Blake about my job. She likes Blake a lot so hinding-
hindi niya sasabihing may kapatid siyang pulis.”

“A-Alam mo ring gustung-gusto pa rin ni Marianne ngayon si Blake?”

Bumuntong-hininga muna si James bago sumagot.“Yeah I know how persistent she is


just to win that guy back... Maybe naging bitchy din siya sayo because of her
jealousy over Blake. But you know in reality my sister is a very sweet girl. She
confides a lot to me about her personal issues although I don’t really care much
about this kind of stuff. I’ve even heard about you tungkol sa pagbubuntot mo kay
Blake," sabay tawa nito ng mahina.

Tumahimik ng ilang sandali si Alex at napaisip ng malalim.

“Anong iniisip mo Inspector? I told you not to worry. Our mission will not be
jeopardized simply because of this kid’s stuff,” puna ng lalaki.

Tumaas ang isang kilay ni Alex at napahawak sa baba. “Iniisip ko lang. Hindi ko na
pwedeng hayagang kampihan si Sophia dahil kapatid mo pala si Marianne,"
problemadong ika nito.

Natawa ulit ng malakas si James. “Totoo ba ang narinig ko? At kelan ka pa


nagkainteres makialam sa ganitong mga bagay Inspector Valdemor?”

Natawa rin sa sarili niya ang dalaga pulis. “Ewan ko ba. Nitong mga huling araw
parang tuwang-tuwa akong makialam sa mga babae sa buhay ni Blake. Ganito na yata
ako ka-bored kaya pati sa mga bagay na ito ay nalilibang na ako.”
Tumingin ulit sa kanila si Marianne. Ngumiti ito at kumaway kay James. Kinawayan
din ito ng binata.

“Teka ano pala ang sinasabi mong hinding-hindi sasabihin ni Marianne kay Blake na
may kapatid siyang pulis? Bakit ikinakahiya ba nito ang pagiging pulis mo?” takang
tanong ni Alex.

Umiling si James at dahan-dahang nagseryoso ng mukha."Walang tiwala si Blake sa mga


pulis. Sinisisi nito ang mga pulis sa pagkamatay ng ama niya. His father died in a
robbery sa isang bangko. Nagkaroon ng shootout at aksidenteng nabaril ang kanyang
ama. According to the investigations, ang balang tumama dito ay galing sa baril ng
isa sa mga rumespondeng pulis. Since then, lumaking galit si Blake sa mga pulis
kung kaya't Marianne wants to hide my job until maging okay na daw sila ni Blake.”

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Alex. May naramdaman siyang kaunting kirot sa


dibdib sa nalaman. Bigla siyang nalungkot nang mapagtantong balang araw pala’y
kamumuhian din siya ni Blake. Lalo na siguro pag nabuko nito ang pagpapapanggap
niya.

“Is there something wrong Inspector?” puna ni James nang mapansin ang pananamlay
niya.

“Nakakalungkot lang isipin na handa pa rin tayong mamatay kahit para sa mga taong
namumuhi sa ating trabaho,” pahayag niya nang may tipid na ngiti.

“Well, that’s our job," diretsong sagot ng lalaki.

Huminga ng malalim si Alex at agad na binura sa isip ang nalaman. Ayaw niyang
maapektuhan nito ang nagiging magandang relasyon nila ni Blake. Ituturing niya na
lang munang wala siyang narinig. Kapag dumating na ang panahon na kailangan niya ng
ilantad ang tunay niyang pagkatao, doon niya na lamang haharapin ang problema.

“Galing ba kay Marianne ang mga impormasyong nakuha mo tungkol kay Blake,
Inspektor?” balik-siglang pakikipag-usap niya kay James.

“No. Marianne doesn’t even know him that much. They were only together for a short
period of time. Sarili kong research ang mga impormasyong nakuha ko. Wala ka bang
bilib sa akin Insp. Valdemor? Do you think I will use my sister for my job?”
natatawang sabi ng binata.

“Hindi naman sa ganun. Pasensiya ka na, nagugulat lang siguro ako sa mga nalaman ko
ngayon. Alam ko naman kung gaano ka kagaling," medyo napapahiyang wika ni Alex.

“Uh-uh. Andyan na ang alaga mo," sabay nguso ni James sa may bukana ng theater.

Mag-isang lumabas ng venue si Blake at pagkatuntong sa labas ng pintuan, hinanap


agad ng mga mata niya ang kasamang dalaga. Nag-init agad ang kanyang mga tenga nang
makita kausap nito si James. Tama ang kutob niyang kaya ito nagmamadaling lumabas
dahil sa kagustuhang makipag-usap sa lalaki. Dali-dali siyang humakbang para
lapitang ang dalawang nag-uusap ngunit bila siyang natigilan nang may pumigil sa
kanyang kamay, si Marianne.

“Where do you think you’re going?” ani Marianne.

“Pupuntahan ko si Maya, hindi ba pwede?”


“Huwag mo silang istorbohin," matigas na utos ng babae.

Natawa si Blake nang may hirap makapaniwalang reaksiyon. "Look at you. You’re
bringing a date and yet hinahayaan mo itong makipag-usap sa ibang babae.”

“Why? Are you jealous?”

“And what makes you think na nagseselos ako just because Maya is talking to other
guy?” nakangising sagot niya.

“I didn’t say it because of Maya. What I mean is you’re jealous because I date
another guy.”

Natigilan bigla si Blake. Bakit nga naman biglang pumasok sa isip niya si Maya? “H-
Hindi ako nagseselos," diretsong sagot niya.

“Don’t lie. I can see jealousy in your eyes," giit ng babae.

Natahimik ulit si Blake at muling napaisip. Nagseselos nga ba siya? Ikinurap niya
ang mga mata at umiling. Imposible ang binibintang sa kanya ni Marianne.

“Wala kang dapat pagselosan. He’s not my date. That man is my older brother."

“W-what?!”
“He’s my brother. He was the one I told you before na nag-aaral sa abroad when
we’re still together.”

“So you’re brother and Maya are friends?”

“I think so and I don’t think so...”

“What do you mean?”

“I guess my brother doesn’t see her only as friend. I think he likes her.”

Muntik nang mapasigaw si Blake sa narinig. “Why?! What makes you say that?!”

Tiningnan ni Marianne ang nakatatandang kapatid habang masaya itong nakikipag-usap


kay Alex. “This is the first time I saw him talking to a girl that way. Masyadong
pihikan and aloof sa mga babae iyan. Ngayon ko lang siya nakita with that kind of
happy aura while talking to a girl. So let them talk for a longer time.”

Nairita si Blake at mas lalo niyang gustong lumapit sa dalaga dahil sa narinig.
Ngunit nang hahakbang na siya ay pinigilan ulit ni Marianne ang kanyang kamay.
“Marianne I don’t care about your brother’s feelings,okay? What I care is that I
need to talk to Maya now," iritableng sabi niya sa babae.

“B-Blake what is this?”

Sabay na napalingon ang dalawa sa nagsalita. Nanlalaki ang mga mata nito at
nangingilid ang mga luha habang nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay.

“S-Sophia.”

Sinubukang bumitaw ni Blake kay Marianne ngunit mas lalo namang hinigpitan ng babae
ang pagkakahawak nito sa kanyang palad.

“A-anong ibig sabihin nito Blake?” naluluhang tanong ni Sophia.

Nagseryoso ng mukha si Marianne at ngumisi. “Sophia now that you’re here. Let’s all
finish this once and for all...”

Biglang kinabahan si Blake sa binitawang salita ng babae. “W-What are you talking
about Marianne?”

Tinitigan ni Marianne ang lalaki. “Well Blake isa lang naman ang gusto kong gawin
mo. Tell me that you don’t love me anymore in front of your beloved girlfriend. Yun
lang then tapos na. I’ll be more than willing to let go of your hand...Just say
it.”
“Marianne...” napapalunok na wika ni Blake habang ginagantihan ang mga titig ng
kausap.

“Just say it and all this mess will be over!" galit na wika ni Marianne.

Hindi umimik si Blake.

Natatawang binitawan ni Marianne ang kamay ng binata at humarap kay Sophia.


Tiningnan niya ang mukha ng naluluhang babae.

“See Sophia. Madali naman akong kausap eh but your boyfriend couldn't just do it. I
don’t understand, bakit kaya?”

Nakangising tumalikod si Marianne at naglakad papalayo. Tuluyan namang tumulo ang


mga luha ni Sophia.

“S-sophia...” nauutal na sambit ni Blake na noon ay hindi malaman kung papaano


aamuin o magpapaliwanag sa girlfriend.

Tumakbo si Sophia habang pinupunasan ng kamay ang tumutulong mga luha.

“Sophia wait! Where are you going?” tarantang sabi ni Blake sabay habol sa
nagtatampong girlfriend.
“Leave me alone!”

Samantala, nasaksihan naman ng dalawang pulis ang mga pangyayari.

“Tsk, tsk, tsk...Eto na nga bang sinasabi ko," napapailing na wika ni Alex.

“Hayaan mo lang sila Alex. Let them resolve their own issues," sagot ni James na
noon ay tila hindi apektado kahit damay sa pangyayari ang kanyang kapatid.

“Kaya nga eh, parang ganitong-ganito ang eksena sa mga napapanood kong mga drama sa
TV," natatawang tugon ng dalaga.

Bagama't hindi gaanong sineseryoso ang nakikita, hinahabol pa rin ng tingin ni Alex
ang tumatakbong lalaki. At nang mapansin niyang tinatahak na nito ang isang madilim
na lugar, unti-unti na siyang naalarma.

“Sa palagay ko Inspektor ay kailangan ko nang makialam.”

“Sa palagay ko rin.”


"Sige tawagan na lang ulit tayo!" nagmamadaling paalam ng dalaga at sabay takbo
ngunit ilang saglit lamang ay bigla itong bumalik. “Teka, pag tinanong nga pala
kung papaano tayo nagkakilala, anong isasagot ko?”

“You’re a younger sister of one of my friends," mabilis na sagot ni James.

“Copy. Bye!"

Muling tumakbo ng mabilis si Alex. Sinundan niya sa may kadilimang sidewalk si


Blake. Nang maabutan ay agad niya itong sinunggaban sa braso.

“Tama na Blake. Hayaan mo na lang muna si Sophia. Kausapin mo na lang kapag kalmado
na siya," hinihingal na pigil niya sa lalaki.

“Huwag kang makialam!” Galit nitong inalis ang kanyang nakahawak na kamay at muli
nitong ibinaling ang mga paningin sa madilim na bahagi ng lugar. “Sophia, where are
you? Sophia!”

Tatakbo ulit sana ang lalaki subalit mahigpit niyang pinigilan ito. “Tama na yan
Blake. Masyado ng madilim sa lugar na iyan," maamong sabi niya.

“And yet pababayaan lang natin si Sophia na pumunta diyan?!”

“Mukhang hindi naman diyan nagpunta si Sophia. Baka naman nasa sasakyan niya na
ito.”
Kinuha ni Alex ang telepono at tinawagan ang nagtatampong babae. Makalipas ng ilang
ring ay sumagot ito. “Hello Sophia...”

“Bakit Maya?”umiiyak na sagot ng babae.

“Nasaan ka?” kabadong tanong ni Alex.

“I’m on my way home.”

Tinangkang agawin ni Blake ang telepono subalit mabilis na nailayo ito ni Alex.

“Let me talk to her!” sigaw ng lalaki.

Narinig ni Sophia ang boses ni Blake.

“I don’t want to talk to him Maya.”

“Okay hindi ko siya ipapakausap. Sige gusto ko lang naman malaman kung safe ka.
Bye," sabay nagmamadaling ibinaba ni Alex ang telepono.
“Why didn’t you give me the phone?!” nanggagalaiting sabi ni Blake.

“Ayaw ka niyang kausapin. Telepono ko to kaya ako ang masusunod kung ano ang gusto
kong gawin dito.”

Galit na galit na sinipa ni Blake ang katabing halaman. "AAAAAAH!!!"

“Ano ba Blake hindi nadadaan sa galit ang ganitong problema! Pag-usapan niyo ito ng
maayos, kaya lang palipasin niyo muna ang init ng ulo ninyong dalawa.”

Tumingin si Blake kay Alex nang may nakakahiwang mga titig.“It’s all your fault!”

“At ano naman ang naging kasalanan ko sa dito?!”

“Kung hindi ka nakipag-usap sa lalaking iyon, hindi sana nangyari ito! It’s all
your fault because you flirted! I HATE YOU!”

Napatanga si Alex. Tila sinampal siya sa narinig. I hate you? Ilang beses na
siyang nasabihan nito ng kausap. Sanay na rin siya sa mga pagsusungit at tantrums
nito. Ngunit sa mga sandaling iyon, ramdam niya ang katotohanan sa huling salitang
binitawan nito.Totoong galit nga ito at iba ang naging epekto nito sa kanya. Parang
may kutsilyong humihiwa sa dibdib niya habang tinitigan ang galit na mukha ng
lalaki.

Natigilan din si Blake. Bigla niyang napagtanto ang mga maling salitang binitawan.
Napapalunok na pinagmasdan niya ang natutulalang mukha ng dalaga. Ito ang unang
pagkakataong nakita niyang nasaktan ang dalaga ng dahil sa sinabi niya.
“M-Maya...” biglang hinahong tawag niya dito.

Tinalikuran siya ng babae at dahan-dahan itong naglakad papalayo. Mabilis niya


naman itong sinundan at inamo.

“M-Maya...I-I’m sorry.”

Tahimik lamang na ipinagpatuloy ni Alex ang paglalakad. Nakatingin lamang siya ng


diretso habang nag-iisip ng malalim. Iniisip niya kung bakit siya nasaktan. Dahil
ba ito sa kanyang nalaman mula kay James na galit si Blake sa mga pulis? Nasaktan
ba siya nang marinig ang salitang 'i hate you' dahil iminumulat siya nito sa
katotohanang darating nga ang araw na totoong kamumuhian siya ng lalaki? Pero bakit
siya nagpapa-apekto at nalulungkot? Trabaho niya ito, misyon ito at natural lamang
na sa bandang dulo ay lulutang ang totoong nagpapanggap lamang siyang kaibigan.

Tumigil siya sa paglalakad at kumurap ng paulit-ulit. Gusto niyang sampalin ang


sarili upang matauhan, pakiramdam niya ay pansamantala siyang nagtaksil sa kanyang
iniibig na propesyon. Ito ang unang pagkakataong nalungkot siya dahil sa pagiging
pulis niya.

“Maya...Sorry I didn’t mean to hurt you...sorry," patuloy pa ring paghingi ng tawad


ni Blake.

Matapos makapagisip-isip, tumingin si Alex sa nagmamakaawang kasama. “Blake, hindi


ka dapat sa akin humihingi ng sorry. Manghingi ka ng tawad sa dalawang babaeng
sinasaktan mo.”
“I know... but still, I don’t want you to get mad at me...”

Bumuntong-hininga ang siya at matamlay na ngumiti. “Umuwi na tayo Blake, kalimutan


na lang natin ang nangyari.”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Blake.“Huh, you smiled. Does it mean na hindi ka na
galit?.”

“Hindi na...”

Nakahinga ng maluwag si Blake sa narinig. At nang magsimula na ulit silang maglakad


ay pasimpleng umakbay siya sa dalaga. Tinaasan agad siya nito ng kilay.

“It’s not a malicious joke. Akbay kaibigan lang to. We’re Bros, remember?” may
ngiting paliwanag niya.

Iningusan siya ng babae ngunit hinayaan din naman nito ang kanyang nakaakbay na
kamay at payapa silang naglakad pabalik ng sasakyan.
=================

[20] KISSPIRIN

****

Nakahanda na si Alex pumasok. Kanina pa siya naghihintay na katukin ni Blake. Bigla


siyang nagtaka nang napagtantong simula pagkagising di niya pa nakikita ang lalaki.
Hindi na siya nakatiis kaya pinuntahan niya ito sa kuwarto at kinatok. Mahuhuli na
sila sa unang klase kapag hindi pa sila umalis.

“Blake, hindi pa ba tayo aalis? Malilate na tayo!” tawag niya.

Halos nanakit muna ang kamay niya sa pagkatok bago siya pinagbuksan ni Blake.
Bumungad sa kanya ang bagong gising lamang na lalaki. Hindi pa ito nakabihis.
Matamlay at namumutla ang mukha.

“I’m not going to school today. Just go by yourself," namamaos at walang ganang
sabi nito.

Kinuha ng lalaki ang susi ng sasakyan at ibinigay sa kanya. “You can use my car.”

Tinanggap niya ang susi at walang reklamong umalis pagkasara ng kausap sa pinto.
Subalit ilang hakbang lamang ay napipilitan siyang tumigil. Hindi siya mapalagay sa
nakitang hitsura ng lalaki. Bumalik siya at muling kumatok sa pinto nito.
“Aren’t you leaving yet?” matamlay na tanong ni Blake nang muli siyang pagbuksan.

Walang pasabing sinipat niya ang leeg ng kaharap. “Nilalagnat ka. Bakit hindi mo
sinasabi?”

“It’s nothing. Sinat lang ito. Umalis ka na baka malate ka."

Agad na nag-alala si Alex. “Sandali. Uminom ka na ba ng gamot? Hindi ka pa rin nag-


aalmusal di ba?”

“Just leave Maya," sabay sara ni Blake sa pinto.

Binalewala ni Alex ang pagtataboy sa kanya ng kausap. Sa halip ay natatarantang


bumalik siya sa kanyang kuwarto. Inilapag sa kama ang dalang gamit at nagmadaling
bumaba ng kusina. Nagpaturo siyang gumawa ng lugaw kay Manang Cora. At nang maluto
ay nagtimpla siya ng mainit na kalamansi juice. Inilagay sa tray ang mga ito at
binitbit sa kuwarto ni Blake.

“Bakit nandidito ka pa rin? You cannot afford to take absent masyado ka ng behind
sa klase," komento ng lalaki nang muli siyang pagbuksan .

Hindi sumagot si Alex at walang pag-aatubiling pumasok sa kuwarto bago pa man


makapagreklamo ang lalaki. Inilapag niya ang mga bitbit sa mesa.
“Huwag mong alalahanin ang klase ko. Klase lang yan. Mas importante pa ba yan kaysa
sa katawan ng tao? Kumain ka muna. Mas lalo kang manghihina kung magkukulong ka
dito sa kuwarto ng walang laman ang tiyan," katwiran niya.

“I have no appetite...”

Matamlay na bumalik sa higaan si Blake at nagkumot. Subalit nilapitan siya ni Alex


at hinatak nito ang kumot.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka kumakain.”

“What about your other classes?”

“Pwes hindi ako papasok!”

Nag-isip ng ilang sandali si Blake. Napilitan itong bumangon. Umupo sa mesa at


sinimulang kumain.

“Uminom ka na ba ng gamot?”

Umiling ang lalaki.


Pumasok ng banyo si Alex. Hinanap ang medicine kit at naghanap ng gamot sa lagnat.
Inilapag niya ito sa kinakainang mesa ng lalaki.

“Inumin mo yan pagkatapos mong kumain," utos niya.

Habang sumusubo ay napapatingin si Blake sa gamot at sa dalaga. Natutuwa siyang


isipin na inaasikaso siya nito. Sa kabila ng katapangan at katigasan, meron din
naman palang kaunting haplos ng pagkamaalalahanin ito paminsan-minsan.

“Bakit mo ako tinitingnan?” tanong nang nakatunghay na babae.

“W-wala," tipid na sagot niya at ngingiti-ngiting ibinalik ang mga tingin sa


pagkain.

“Pilitin mong ubusin yan. Inumin mo rin yang hot kalamansi juice. Mabilis
magpagaling ng sipon yan.”

Lumapit sa kama si Alex at inayos ang bedsheet. Pinagdadampot ang mga kalat sa
sahig. “Maglilinis na ako dito habang binabantayan ka. Counted na ito sa three
times a week na paglilinis ko dito sa kwarto mo ha?”

Ngumiti lang si Blake. Di niya na ininda ang nag-uumpisa na namang pagiging aktibo
ng bunganga ng babae. Kahit papano’y nababawasan ang pananamlay niya dahil sa pag-
iingay nito.Kinuha niya ang kanyang telepono. Sinubukan niya uling tawagan si
Sophia habang sumusubo. Buhat nung fashion show, hindi pa rin ito sumasagot sa mga
tawag niya.
“Hindi pa rin ba sumasagot sayo si Sophia?” tanong ni Alex habang nag-aayos ng mga
libro sa study table.

Umiling si Blake.

“Ganito ka ba pag nabobroken-hearted, nilalagnat?”

“Wala akong lagnat. Masama lang ang pakiramdam ko but I don’t think it’s
fever....I’m done eating.”

Tumayo ang lalaki. At mabilis namang lumapit sa mesa si Alex upang tingnan kung
nagsasabi ito ng totoo. “O yung juice at gamot hindi mo pa iniinom!”

“I hate kalamansi juice just give me water...”

“Hindi pwede. Kailangang inumin mo to!”“I said I want water.”

Kinuha ni Alex ang juice at gamot upang sapilitang ipainom sa lalaki. “Uunahan na
kita. Hindi kita pagbibigyan sa gusto mo kaya inumin mo na ito.”

Inilapit niya ang baso sa bibig ng lalaki ngunit nanatiling nakatikom ito.
“Isa.”

“There you go with your counting again. Who are you, my mother?”

“Dalawa!”

“Okay!Okay I’ll drink it!”

Binuksan ni Alex ang gamot at isinubo ito sa lalaki. Ininom naman ni Blake ang
juice habang hawak-hawak ng dalaga ang baso.

“Aaasshh ang asim!” reklamo ni Blake nang may di maipintang mukha. “You’re really
something Maya. Ikaw lang ang nakapagpa-inom sa akin ng kalamansi juice sa buong
buhay ko!”

“Quits lang tayo. Ikaw din lang naman ang inalagaan ko sa tanang buhay ko.”

Natahimik si Blake habang lihim na natutuwa sa narinig. Medyo gumaan na ang


pakiramdam niya kung kaya’t nagtungo siya sa closet at naglabas ng mga isusuot na
damit.
“You can leave my room now. I’m taking a shower.”

Nagulat si Alex sa narinig. “Ma-maliligo ka? Baka lalo kang lagnatin.”

“I feel better now. Pumasok ka na. I’ll just take a rest here at home.”

“Hindi na ako papasok,” mabilis na sabi ni Alex.

Tiningnan ng masama ni Blake ang dalaga.“Gusto mo bang pumasok ako para lang
mapapasok ka? If that’s what you want then I’ll do so.”

Kaagad na nag-ayos ng sarili si Alex. “Sabi ko nga papasok na ako.”

“Don’t even think of cutting classes. I’ll ask some of our classmates. I don’t
trust you. You’re the kind of student who has the least interest in studying.”

“Oo na!.”

Bago umalis, ibinilin ni Alex si Blake kay Manang Cora. Habang nasa campus naman ay
maya’t maya nyang tinatawagan ang lalaki upang tiyaking nasa bahay lamang ito at
nagpapahinga. Ngunit nang kinahapunan na’y hindi na ito sumasagot ng tawag. Nag-
aalala siya na baka umalis ito ng bahay. Hindi niya na nagawang tapusin pa ang
natitirang klase, nagmadali siyang umuwi.

Pagdating sa bahay ay ang kuwarto kaagad ni Blake ang pinuntahan niya. Nakaumang
ang pintuan nito. Lumabas si Manang Cora bitbit ang isang ice pack. Nagmadali
siyang lumapit sa matanda.

“Anong nangyari Manang?” nag-aalalang tanong niya.

“Masyadong mataas ang lagnat ni Blake.”

“Ho?!” Nanlalaki ang mga matang tumakbo siya papasok sa silid ng lalaki. Naabutan
niya itong tulog na tulog. Hinawakan niya ang noo nito at nagulat siya sa taas ng
lagnat nito.

“Sinabi ko naman kasi sayong huwag ka ng maligo,” bulong niya.

Pumunta siya sa sariling kuwarto at mabilis na nagpalit ng damit. Binalikan niya


kaagad si Blake na noon ay nilalagyan ulit ni Manang Cora ng ice pack sa noo.

“Ako na ang gagawa niyan Manang. Pwede na ho kayong bumaba. Ako na pong bahala sa
kanya.”

Sumunod naman ang matanda. “Teka manang, tumawag na ho ba kayo ng doktor?”


“Oo pumunta na dito ang doktor niya kanina. Binigyan na siya ng mga gamot. Ayan oh.
Nakasulat na rin diyan ang oras ng inom at mga dapat gawin ng nagbabantay.”

Paglabas ng katulong ay tiningnan ni Alex ang mga resitang gamot. Binasa niya ring
maigi ang mga habilin ng doctor. Isa-isa niyang inayos at inihanda ang mga gamot.

Nagising naman si Blake at napatingin sa babaeng nagbabasa ng resita. “Y-you’re


here already...”

Nataranta si Alex nang malamang gising na ang binabantayan. Ilang beses niyang
kinapa ang noo at leeg nito. “Ano Blake kumusta ang pakiramdamdam mo? Nahihilo ka
ba? Nilalamig ka ba? Ano nasusuka ka ba?”

Naupo ang lalaki at sumandal sa headboard.

“You’re overreacting. I’m fine. Just give me water.”

“Water? Tubig? Okay tubig!”

Nagmamadaling nagsalin sa baso si Alex. Kusa niya itong inilapit sa bibig ng


maysakit upang ngunit tumangging uminom ang lalaki. Inagaw nito sa kamay niya ang
baso.
“Stop doing that! I’m not a kid.”

“Eto naman feel na feel ko na nga ang pagiging nurse ko, kinokontra pa.”

Matiyagang binantayan ni Alex ang lalaki. Maya’t maya niya itong pinupunasan.
Ginigising kapag oras na para uminom ng gamot. At nakailang tingin na rin siya sa
thermometer upang malaman kung humuhupa ba ang lagnat nito.

Sa kuwarto na rin siya ni Blake gumawa ng mga assignments. At nang may hindi
maintindihang bagay ay naisipang buksan ang pinadalang e-mail ni James.

“Blake pahiram ng computer mo ha,” pabulong na paalam niya sa natututlog na may


sakit.

Binuksan niya ang e-mail at kunot na kunot ang noong binasa ang ipinadalang mga
sagot sa assignment ng kasamahan. Konting basa pa ay tutulo na ng dugo ang ilong
niya sa sobrang hirap intindihin ng binabasa.

“S-Sophia....Sophia...”

“Huh? Ano yun?”

Napalingon siya sa natutulog na lalaki. Nakita niyang gumagalaw ang bibig nito at
parang may sinasabi. Dahan-dahan niya itong nilapitan.
“S-Sophia...”

“Ayan sasaktan-saktan mo yung tao tapos nagkakaganito ka ngayon ng dahil sa


kanya,” iiling-iling na komento niya nang nakapamewang.

Maingat na naupo siya sa tabi nito upang muling kapain ang noo. Nang tatanggalin
niya na ang kamay ay bigla itong hinawakan ni Blake.

“D-don’t leave me Sophia...”

Tinitigan niya ang mukha ng natutulog na lalaki. Hinayaan niyang hawakan nito ang
kanyang kamay dahil sa nararamdamang awa. Siguro nga’y labis itong nasasaktan sa
tampuhan nila ni Sophia. Ngayo’y naniniwala na siyang malalim nga ang nararamdaman
nito para sa girlfriend.

“Stay with me Sophia...”

Nagulat siya nang bigla siyang hinatak ni Blake. Napahiga siya sa tabi nito. Bago
pa siya makagalaw ay mahigpit siya nitong niyakap.

“Blake...Si Maya to. Hindi to si Sophia...” bulong niya at pagkuway marahan itong
tinapik sa pisngi.

" I'm cold...." sambit nito sabay higpit pa lalo sa pagkakayakap sa kanya.
Naasiwa siya’t gusto niya agad pumalag subalit bigla na naman siyang naawa lalo
na’t nilalamig ito. Pansamantala siyang hindi kumilos at hinayaan na lamang itong
nakayakap. Hinintay niyang muling humimbing ang tulog nito saka siya umalis ng
dahan-dahan at sobrang ingat sa mga bisig nito.

Nakawala siya mga yakap subalit nang babangon na siya ay bigla na naman siyang
hinila papahiga ng lalaki at muli itong yumakap ng mahigpit. Natigilan na naman
siya. Napatingin siya sa mukha ni Blake. Napalunok siya nang mapagtantong dikit na
dikit ito sa mukha niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing dahan-dahang
lumalapit sa kanya ang nakaumang na mga labi nito. Naisip niyang umiwas ngunit huli
na. Naramdaman niya na ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.

Hindi nakakilos si Alex habang namimilog ang mga mata sa pagkagulat kung kaya’t
dahil dito’y malayang nakagalaw ang mga labi ni Blake. Siniil nito ng halik ang
natutulalang babae. Pilit pinapaganti ang nakatikom na mga labi.

Nablanko si Alex. Nalilito siya sa gagawin. Gusto niyang kumawala subalit tila may
kuryenteng biglang dumaloy sa buong katauhan niya na nagdudulot sa kanya ng
panghihina. Ayaw tumigil sa paghalik ang lalaki hanggang sa unti-unti na ring
bumubuka ng kusa ang kanyang mga labi. Napapikit siya nang maramdaman ang pagsayad
ng matamis na dila ni Blake. Hanggang sa hindi niya namamalayang gumaganti na rin
siya ng halik.

Mas lalong naging agresibo ang mga labi ni Blake. Sinasamantala ang bawat ganti ng
babae. Niyakap nito ng mas mahigpit ang dalaga. Hinahaplos-haplos ang likuran at
unti-unting ipinasok ang kamay sa loob ng suot nitong T-shirt.

Tuluyan nang hindi gumana ang utak ni Alex. Hindi niya maintindihan ang
nararamdaman. May matamis, may masarap, may masaya at may mainit. Napayakap din
siya kay Blake. Ayaw niya na ring tumigil sa paghalik. Subalit nang maramdaman niya
ang nagsisimulang maglakbay na kamay ng lalaki ay bigla siyang napamulat.

Parang may isang toneladang yelong bumagsak sa kanya. Kaagad niyang itinulak
papalayo sa sarili ang maysakit. Nakapikit pa rin ito na tila hindi alam ang mga
nangyayari. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang
nagawa. Paano niya nagawang patulan si Blake?

Nagmadali siyang bumangon. Natatarantang sinarado ang e-mail at pinatay ang


computer. Dinampot ang mga gamit at bumalik sa sariling kuwarto.

Agad siyang humiga sa kama. Sinuntok-suntok niya ang dibdib. Tinititigan ang
kisame. Binabatukan ang sarili. Anong nangyari sa kanya? Bakit niya hinayaang
mahalikan siya ng lalaki yun? At bakit niya ginantihan ang mga halik nito?

Bigla siyang nakonsensiya sa ginawa pakiramdam niya’y nakagawa siya ng isang


napakalaking krimen. Nagkasala siya kay Sophia. Pero kung tutuusin ay dahil din
naman ito sa babae kaya nangyari ang lahat. Si Sophia ang tinatawag ni Blake kung
kaya’t siguradong ito ang babaeng nasa utak nito habang nakikipaghalikan sa kanya.
Hindi ito pinagtaksilan ni Blake ng dahil sa kanya.

Nagpaikot-ikot siya sa higaan. Natatakot siyang baka maalala ni Blake ang nangyari.
Pero malamang ay hindi dahil nanatili pa rin itong tulog nang iwanan niya. Malamang
ay panaginip lang para sa lalaki ang lahat. Sana nga...sana nga.

“Aaaaa! Ano ba kasi ang nangyari sayo Alex!”

Nakatulog siya sa kaiisip. Nang magmulat siya’y maliwananag na. Napabalikwas siya
ng bangon at napatingin sa relos. Pasado alas-sais na ng umaga!

Hindi niya na nabantayan si Blake! Baka lalong lumala ang lagnat nito. Mabilis
siyang nag-ayos ng sarili at tumakbo patungo sa katabing kuwarto. Ngunit nang
kakatok na siya’y bigla niyang naalala ang nangyari. Pansamantala siyang nag-
atubili subalit kailangan niyang tibayan ang loob. Dapat siyang kumilos na tila
walang anumang nangyari upang manatiling normal ang lahat.
Tumikhim siya’t itinuloy ang pagkatok. “Blake buksan mo to!”

Nagbukas ang pintuan at nagulat siya sa bumungad sa kanya. Si Blake katatapos lang
mag-shower. Nakatapis lamang habang nakatingin sa kanya nang may masiglang mukha.

“Huh? Magaling ka na ba?”aniya.

Mabilis niyang idinampi ang kamay sa leeg ng kaharap. Wala na nga itong lagnat.

“Yap. I’m fine already. I can go to classes na.” Napakunot ito ng noo sa hitsura
niya. “Kagigising mo lang ba?”

Bago makasagot ay di sinasadyang napatitig siya sa katawan ng lalaki. Sa isang


iglap ay parang bumalik ang kuryenteng naramdaman niya kagabi. Napapalunok at
napapakurap na ibinaling niya ang mga mata sa ibang direksiyon.

“Oo... medyo napasarap ang tulog ko. Late na kasi ako nakatulog kagabi.”

“Anong ginawa mo at napuyat ka?”

Natigilan siya sa tanong. Tila umiinit ang mga pisngi niya habang naghahagilap ng
isasagot. “Nag-aral! Tama nag-aral ako! Sige na Blake mag-aayos na rin ako.”
Pagdating sa sasakyan ay panay iwas pa rin ng tingin ni Alex sa mga mata ni Blake.

“Bago ko paandarin to. Sigurado ka na bang papasok ka? Baka naman mabinat ka,” ika
ng babae.

“I told you I’m okay.”

Habang nasa daan, napansin ni Alex ang kakaibang sigla ng katabi. Maya't maya itong
napapangiti. Binuhay nito ang stereo. Nagpatugtog ng mahina at panaka-nakang
sumasabay sa kanta.

“Bakit parang ang saya mo? Ganyan ka ba pagkakatapos lagnatin?” di nakatiis na


komento niya.

“I’m happy because of Sophia.”

“Bati na ba kayo?”

“Nope.”

“Anong dapat mong ikasaya kung magkaaway pa rin pala kayo?”


“I had a wonderful dream about her last night. I dream that finally I was able to
kiss her lips deeply,” nakangiting pahayag ng lalaki nang may nagngingislap na mga
mata na tila bagang buhay na buhay pa sa isipan nito ang tinutukoy na panaginip.

Biglang napaubo si Alex sa narinig. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Kulang
na lang ay mapapreno siya ng malakas. Napahawak siya sa kanyang dibdib at makailang
ulit itong tinapik.

“What’s wrong Maya? Are you sick too? Baka nahawa ka sa akin,” nag-aalalang sabi ni
Blake.

Namula si Alex habang hindi makatingin ng diretso sa kausap “Na-nasamid lang ako.
M-may nakaalala siguro sa akin.”

Ilang ulit na huminga ng malalim ang dalaga. At nang maikalma ang sarili ay saka
ito tumingin ng diretsong sa mukha ng katabi.

“B-Blake, kapag ganyang napapanaginipan mo na si Sophia at nilalagnat ka ng dahil


sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin niyan, kailangan mo nang makipagbati sa kanya.
At kung ako saiyo kusa mo na siyang puntahan at wag mo nang hintayin kung kelan
nito sasagutin ang cellphone.”

“Yeah. That’s what I’m planning to do....”

“ Ma-mabuti naman kung ganoon.”


Bumuntong hininga si Alex at muling itinuon ang buong atensyon sa daan.

Tiningnan ni Blake ang namumulang mukha ng nagmamanehong dalaga. Napapangiting


tinitigan niya ang mga labi nito.

Naaalala niya ang lahat.

Hindi siya nanaginip.

Buhay na buhay pa sa kanyang isipan ang nangyari.

At sariwang-sariwa pa sa alaala niya kung gaano katamis ang mga labi ng babae.

“B-bakit mo ako tinititigan. M-may problema ba?” kinakabahang tanong ni Alex nang
mahuling nakatingin sa kanya ang lalaki.

“N-none. Nothing....”

Mabilis na binawi ni Blake ang mga mata. Lumingon siya sa kanan at kunway ibinaling
ang paningin sa nadadaanang tanawin. Lihim siyang napapangiti habang pasimpleng
hinihimas ng daliri ang mga labi.
=================

[21] THE CHOICE AND THE CHOICES

****

Nahihirapan si Sophia na ibuka ang bibig. Nanginginig ang kanyang mga kamay.
Nangangatal ang mga labi. Hindi niya alam kong kakayanin niya ang sakit. Tumingin
siya sa mga mata ni Blake. Tinitigan niya ito hanggang sa dahan-dahang tumulo ang
kanyang mga luha.

“Let’s break up Blake.”

Ilang sandaling nagkaroon ng katahimikan. Di agad nakasagot si Blake. Di niya


matiyak kung tama ba ang kanyang narinig.

“W-what did you just say?”


“L-let’s break up. Hindi ko na kaya. I’m too tired.”

“I told you I don’t have a relationship with that girl.”

“But you still love her don’t you?”

“It’s not important if I still love her or I don’t. What matter is that you are my
girlfriend now and I love you.”

“It matters Blake...It does. Because it’s hurting me a lot thinking your heart is
not mine alone.”

Tumahimik ulit si Blake. Nagpahid naman ng mga luha si Sophia at ngumiti ng pilit.

“I’m giving you time to make up your mind. If you wanna come back to me then make
sure akin ka na ng buong-buo because that’s the only way that we’re going to be
okay.”

Kinuha ni Sophia ang dalang handbag at tumayo “Bye Blake and thanks for
everything...”

Tumalikod ang babae at naglakad papalabas ng coffee shop. Naiwan si Blake na


nakatulala habang nag-iisip ng malalim at hirap pa ring maniwala. Sa taas ng
kumpiyansiya niya pagdating sa pagmamahal sa kanya ni Sophia, kahit kailan ay hindi
niya inaasahang ito ang unang makikipaghiwalay sa kanya.

Nasa labas si Alex at hinihintay ang pag-uusap ng magkasintahan. Napaangat siya ng


likod mula sa pagkakasandal sa pinto ng kotse nang mamataang lumalabas na si
Sophia. Nagtaka siya sa malungkot na hitsura nito. Nakayuko ito at matamlay na
naglalakad patungo sa sariling sasakyan. Hindi siya nito napansin kaya’t bago ito
makasakay ay tinawag niya ito’t kinawayan.

“Sophia!”

Lumingon ito. nang makita siya'y bigla itong tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap
siya at humagulhol ito sa kanyang balikat.

“I will miss you Maya...”

Nagtatakang niyakap niya rin ang umiiyak na babae. Tinapik-tapik niya ito sa likod
nang may naguguluhang mukha.

“Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Blake?” malumanay niyang tanong.

Tuloy lamang sa pag-iyak si Sophia at nanatiling nakasubsob sa balikat niya.


Bumalik ito sa sariling sasakyan nang walang iniwang sagot sa katanungan niya. Bago
ito sumakay ay kumaway ito sa kanya nang may malungkot na ngiti.
Huminga ng malalim si Alex. Parang alam niya na kung ano ang nangyari. Maya-maya
lang ay si Blake naman ang lumalabas ng coffee shop. Pumasok na siya ng sasakyan at
binuhay ang makina. Matamlay na sumakay sa tabi niya ang lalaki. Tulala at diretso
lamang ang mga tingin. Namamasa-masa ang mga mata at paulit-ulit na bumubuntong-
hininga.

“Saan na tayo pupunta?” tanong niya.

“Just drive.”

Hindi niya ito kinulit. Hinayaan niya lang itong mag-isip ng tahimik. Pinagpatuloy
niya ang pagmamaneho kahit walang alam na pupuntahan. Naisip niyang baybayin ang
mga daang walang gaanong traffic. Bumalik siya ng UP campus at doon naisipang
magpaikot-ikot.

“Let’s go to a bar," utos ng lalaki pagkatapos ng ilang oras ng pananahimik.

Walang pagdadalawang-isip na sumunod siya. Dinala niya ang kasama sa madalas nitong
puntahang bar. Pagdating doo'y sinabihan siya nitong maghintay lamang sa labas. At
bago ito bumaba'y tumawag muna ito sa telepono.

“Marianne, let’s meet.”

Natigilan si Alex nang marinig ang nabanggit na pangalan ngunit hindi niya nagawang
magkomento. Sa nakikitang lungkot sa mga mata ng lalaki, hindi niya ito magawang
kontrahin.
Matiyaga siyang naghintay sa labas ng bar. Pagkalipas ng mahigit tatlumpung minuto
ay dumating si Marianne sakay ng isang taxi. Nakaayos ito. Maganda. May kaseksihan
ang suot na damit. Sopistikada ang dating at halatang pinaghandaang mabuti ang
pakikipagkita sa lalaki. Kung ganda ang pag-uusapan ay hindi naman ito gaanong
nalalayo kay Sophia. Mas lamang lang ng kaunting ganda at kaseksihan ang modelo
pero siguro’y lamang naman ito sa talino kung eskwelahan ang pagpabasehan.

Nakita siya ni Marianne at kusa siya nitong binati.

“Hi Maya!”

“Hello. Nasa loob na si Blake, naghihintay.”

“I know. Sige, see you later.”

Matagal naghintay si Alex. Nakatulog na siya ng mahigit isang oras sa loob ng


sasakyan ngunit di pa rin lumalabas ang dalawa. Mag-aalas dose na ng hatinggabi.
Lalabas ulit sana siya ng kotse para magpahangin ngunit siya namang labas ng bar
nina Blake at Marianne. Parehong masigla ang mukha ng mga ito. Nakangiting nag-
uusap... At magkahawak ang mga kamay.

Sumakay ang dalawa sa likod. Pinakiramdaman niya ang mga kilos ng mga ito habang
panakaw na tumingin sa salamin. Nakita niya ang mukha ni Blake. Parang sa isang
iglap lang ay nabura lahat ng lungkot sa mukha nito. At halos hindi na maalis ang
mga mata sa malagkit na pagkakatitig sa kasama.

Nahuli siya ng lalaki na nakatingin sa salamin. Biglang nagseryoso ang mukha nito.
“Bring us there.”

Hindi niya agad nakuha ang ibig sabihin ng utos ni Blake. Kinausap siya nito sa mga
mata at saka niya lamang naintindihan ang tinutukoy nitong lugar. Tumututol ang
kanyang kalooban ngunit wala rin siyang nagawa kundi sumunod.

“May, do you want me to say hi for you to my brother?” nakangiting ika ni Marianne.

“O-Okay. Pero kahit huwag na kasi nakausap ko na rin naman siya ngayong araw na
to.”

“Really?! Are you two that close?” namimilog ang mga matang bulalas ng babae.

“Ah-eh, hindi naman gaano...”

Nagkaroon ng mahaba-habang katahimikan.

Hindi na rin gaanong nag-uusap ang dalawang sakay sa likuran subalit nanatiling
magkahawak ang mga kamay nito. Halatang nahihiya si Marianne sa sitwasyon.

Seryoso si Alex. Nag-iisip ng malalim. Tinantantiya ang sarili kung kaya niyang
sikmurain ang desisyon ni Blake. At habang nasa kalagitnaan ng daan, walang
pasabing itinabi niya ang sasakyan. Lumabas siya ng kotse at paulit-ulit na huminga
ng malalim sabay lakad papalayo.
Nagulat si Blake at kaagad din itong lumabas para sundan siya.

“Where are you going Maya?”

“Ikaw na ang magmaneho. Iwanan niyo na lang ako dito.”

“Bakit ano bang problema mo?”

“Hindi ko kayang dalhin sa sinasabi mong lugar ang kapatid ng kaibigan ko!”

Natahimik ang lalaki at ngumisi. “You are being like this because of James?”

“Oo bakit may masama? Masama bang magmalasakit ako para sa kaibigan ko? Ahhhh...
hindi mo nga pala maiintindihan yun kasi iba ka. Ikaw kasi sariling nararamdaman mo
lang ang iniisip mo. Wala kang pakialam kung may nasasaktan ka,” sarkastikong
pahayag niya.

“M-Maya why are you talking to me that way?”

“Alam mo bang bilib na bilib ako sayo Blake? Kahit ako kaya kong mambugbog ng kahit
ilang tao pero hindi ko kaya ang paraan mo ng pananakit ng tao? Nang-apak ka na nga
ng puso ng may puso tapos hindi ka pa nakuntento, gusto mo pa itong durugin at
duraan!”
Tumahimik ng ilang sandali si Blake at bumuntong-hininga. “Naiintindihan ko na kung
bakit ka nagkakaganyan. I’m sorry if you’re hurting because of Sophia... but I’m
making a choice now. I still love Marianne, Maya.”

Galit na galit na nilapitan ni Alex ang kausap.

“Hindi ko sinabing huwag kang mamili Blake. Ang sinasabi ko magkaroon ka naman ng
kahit konting respeto at kahihiyan sa taong nasasaktan mo!”

“Fine! I’ll do what you’re saying but will it make any difference? Kapag hindi ko
ba ito ginawa ngayon ay hindi ko na masasaktan si Sophia?! Masama ba if I want to
make up to the girl that I love more?!”

Tinitigan ni Alex ang lalaki. Huminga siya ng malalim at ngumisi. “Ang hirap mong
kausap Blake. Tama nga sigurong hindi kita dapat pakialaman sa ganitong bagay.”

Tumalikod siya at nagsimula uling maglakad papalayo. Sinundan ulit siya ni Blake.

“Where are you going?”

“Magpapahangin lang ako. Pumunta na kayo kung saan man kayo pupunta.”

Pinigilan ng lalaki ang braso niya.


“Go back to the car Maya.”

“Bakit Blake nakalimutan mo na ba kung paano magmaneho?"

“It’s not about that Maya.”

“Huwag kang mag-alala susunod ako sa inyo. Hindi ko lang maatim na ipagmaneho kayo.
Babantayan ka pa rin ng dakilang alalay mo.”

Muli siyang naglakad papalayo.

“Okay! Fine I’ll not do it tonight! Let's go home. Just go back to the car.”

Saka lamang huminto si Alex. Tiningnan niyang mabuti si Blake. Gusto niyang tiyakin
sa mukha nito na nagsasabi ito ng totoo.

“Let’s not fight Maya... We’re bringing Marianne home,” maamong sabi nito.

Bumalik siya sa kotse at muling ipinagmaneho ang dalawang kasama. Naguluhan naman
si Marianne sa mga nangyari.
“What’s going on Blake?”

“I’m bringing you home Marianne...”

“Why? What happened?”

Tumingin muna si Blake kay Alex sa salamin.

“I forgot that my grandpa will be arriving tonight. I have to be at home pag


dumating siya. Don’t worry we still have a lot of time to go out,” malambing na
paliwanag ni Blake sabay halik sa noo ng babae.

Hinatid nila si Marianne. Habang nagpapaalaman ang dalawang bagong magsyota sa


labas ng gate ng bahay, siya namang dating ng minamanehong kotse ni James.

“Hi Kuya!” nakangiting bati ng babae at sabay lapit sa kapatid para humalik sa
pisngi.

“Blake this is my older brother, James. Kuya this is Blake...my boyfriend,” may
halong kilig na pagpapakilala ni Marianne.

“Oh. Hi Blake! Nice to meet you,” sabay alok ni James sa kamay.


Naasiwang tinanggap ni Blake ang alok nitong pakikipagkamay. “H-Hi! Nice to meet
you..”

“By the way is Maya in the car?” lihis na tanong ni James at sabay lingon sa nag-
aantay na sasakyan.

“How do you know that Maya is with us?”diretsong tanong ni Blake.

Mabilis na nag-isip ng palusot ang binatang inspektor sa pagkakadulas. “S-She told


me that you guys are almost always together everyday so I assumed she’s with you
even now.”

“She’s in the car,” napipilitang sagot ni Blake.

Lumapit sa sasakyan si James. Marahan nitong kinatok ang bintana ng driver’seat.


Nagulat si Alex nang makita ang nakangiting kasamahan. Tuwang-tuwang lumabas siya
ng sasakyan.

“Ins.. James! Kumusta?”

“Mukhang napapadalas yata tayong magkita ngayon ah,” kunway biro ni James sapagkat
batid niyang maaring nakikinig sa kanila ang dalawa.

“Sa tingin ko mas mapapadalas na nga tayong magkita ngayon,” pabulong na dugtong ni
Alex at sabay nguso kina Marianne at Blake.

Natawa si James.“So this has been the result of all those dramas?”

Tumango ang dalaga. “Maswerte ka may instant bantay ka na para diyan sa kapatid
mo.”

Muling tumawa ang binata. “There’s no need for you to do that. Malaki na siya.
She’s smart enough to decide for herself.”

“Kumusta na pala? May balita na ba?” agad na pag-iba ni Alex sa usapan.

Medyo lumayo ang dalawang pulis nang magsimulang mag-usap tungkol sa trabaho.
Hininaan din ng mga ito ang boses. Hindi nakalusot kay Blake ang pagdistansiya ng
dalawa. Kanina niya pa pinapakiramdaman ang pakikipag-usap ni Alex sa binata. Nang
mapansing tila lalong nagiging seryoso ang pag-uusap ng mga ito, agad siyang
nagpaalam kay Marianne.

“MAYA LET’S GO HOME!” iritableng tawag niya sabay sakay sa kotse ng hindi man
lamang nag-iwan ng kahit damping halik sa pisngi sa bagong girlfriend.

Nagulat si Alex sa sigaw. “Sige inspektor alis na kami. Next time na lang ulit.”

“Bye. Ingat sa pag-drive reckless woman,”pahabol na biro ng binata.


Nakangiti siyang sumakay samantalang tanging matatalim na mga tingin ang
isinalubong sa kanya ni Blake. Walang naganap na pag-uusap habang nasa sasakyan
sila. Parehong nagpapakiramdaman at nagpapalitan ng buntong-hininga.

Pagdating sa garahe ay naunang bumaba ng sasakyan si Alex. Naglakad kaagad siya


papasok ng bahay subalit hinabol siya ni Blake. Ramdam niya ang panggigigil nito sa
pagkakahawak sa kanyang braso.

“Let’s talk first” madiin at matigas na sabi nito.

Nagtaka siya kung ano ang dapat nilang pag-usapan. Bakas niya ang panggagalaiti sa
mukha nito.

“Are you happy now?” umpisa ni Blake.

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Are you happy now that you ruined my first day being together again with
Marianne?!”

Ngumisi si Alex at binigyan din ng matatalim na titig ang kausap. “Eh ang last day
mo kay Sophia, naisip mo rin ba?”

“Don’t make Sophia as your excuse. It’s all about James isn’t it?”
Biglang naguluhan ang dalaga. “A-Ano? At bakit naman napasok si James dito?”

“You like him, don’t you? Kaya ba ganun ka na lang magmalasakit kunwari sa kapatid
nito,” lumalabas ang mga litid sa leeg na turan ng lalaki.

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Alex. Hindi siya makapaniwala sa paratang ng


kausap. “Pwede ba Blake huwag mong idamay yung nanahimik na tao. Wala siyang
kinalaman sa mga problema mo sa babae.”

“Yes, he has! Dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan. Dahil sa kanya kaya ka


nakikialam sa amin ni Marianne! That’s why you did what you did kanina!”

Nag-umpisa na ring mapikon si Alex. “Teka nga muna. Papaano ko ba sinira ang lakad
nyo ni Marianne? Sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman kayo pinakialaman.”

“You did! You walked out from us!”

“At dahil ba sa pagwawalk out ko kaya hindi kayo tumuloy?

“Lumabas ka ng kotse dahil hindi ka pumapayag di ba?!”

Inilapit ng dalaga ang nangangalit na mukha sa kausap.“Ang sabi ko hindi ko kayo


kayang ipagmaneho. Yun lang. May sinabi ba akong huwag kayong tumuloy? Ikaw ang
nagdesisyon ng bagay na yun Blake kaya huwag mong isisi sa ibang tao ang ginawa
mo!”

“No! You give me no choice but to decide that way!”

“Bakit anong ginawa ko Blake para mawalan ka ng choice?”

“You got angry! You walked out! You shouted!”

“Eh ano naman ngayon kung magalit ako! Ako ba ang tatabi sa babae mo?! Ako ba ang
magbubukas ng pinto para sa inyo?! Ako ba ang may bitbit sa mga katawan nyo?! Dala
ko ba ang kama?! Ano sayo ngayon Blake kung galit ako?!”

“I don’t want you to feel that way! It’s making me crazy kapag naiisip kong galit
ka sa akin! I don't want you to hate me! I can’t stand thinking that you’re
secretly holding bad feeling inside!”

Natigilan si Alex .Napaisip sa mga huling narinig.

Natigilan si Blake.Napaisip sa mga huling sinabi.

Biglang huminahon ang dalaga at nagkunwaring ngumiti. “Itigil na natin ang pag-
uusap na to Blake. Huwag na tayong magsisihan. Kalimutan na lang natin ang
nangyari. Bumawi ka na lang sa susunod kay Marianne.”
Nagmamaang-maangang itinuloy ni Alex ang paglalakad. Sinundan pa rin siya ni Blake.

“M-Maya. I said something, right?”

“Wala akong narinig.”

“Don’t ignore it. Tell me what you’re thinking now.”

Tumigil si Alex. Hinarap niya si Blake at tinitigan ito ng seryoso sa mga mata.
“Huwag mo akong isali sa koleksiyon ng mga babae mo Blake. Pauunahan na kita.
Magkabali-baliktad man ang mundo ay imposibleng mangyari ang iniisip mo. Itatak mo
sa utak mo na ako ang babaeng hindi pumapatol sa mga kagaya mo.”

Muling naglakad si Alex. Tumahimik naman ng ilang sandali si Blake.

“Then why did you kiss me back?”

Napahinto si Alex. Napanganga siya habang ang pakiramdam ay para siyang sinabuyan
ng malamig na tubig. Bumilis ang pintig ng kanyang dibdib. Biglang nanlambot ang
kanyang mga tuhod. Uminit ang kanyang mga pisngi at tila matutunaw siya kahihiyan.
Ilang ulit siyang napalunok. Kailangan niyang tibayan ang loob. Nag-isip muna siya
ng magandang isasagot.

Nang humarap siya kay Blake ay tila hindi siya naapektuhan sa narinig. “Bakit
Blake, sa tingin mo ba ay ikaw lang ang taong nakakayang makipaghalikan kahit sa
taong hindi niya gusto?”

“M-maya...”

“Tingnan mo nga ang sarili mo. Kaninang hapon nakipaghiwalay ka sa isang babae,
kinagabihan ay nagkaroon ka ng bagong girlfriend at pagdating ng hatinggabi ay
hindi ka pa nakuntento...nagtatapat ka naman ng nararamdaman sa isa pang babae.
Tsk, tsk,tsk...”

“I didn’t say I like you.”

“Ah, sorry mali pala ako. Mas mabuti naman kung ganoon. Mas makakatulog ako ng
mahimbing.”

Muling tumalikod ang dalaga at naglakad.

“All I’m saying is... maybe I like you more.”

Napahinto ulit si Alex. Lumingon siya kay Blake at tinitigan ito. Lumapit ang
lalaki at gumanti rin ng titig.

“Ma-Maya...”
“B-Blake...”

Dahan-dahang kinapa ni Alex ang palad ng kaharap nang may malambing na ngiti.
Hinaplos-haplos niya ng marahan ang palad... hanggang sa surpresang pinilipit ang
kamay nito sabay pinandilatan ito ng mga mata.

“Ahhhhhh! Aray! Maya what are you doing?!”

“Nagbibiro ka ba o hindi?!”

“I’m not joking Maya!”

Nilakasan lalo ni Alex ang pagkakapilit sa kamay.

"Nagbibiro ka ba o hindi!"

“I said I’m not joking!”

Itinodo niya ang lakas ng pagkakadiin sa kamay ng lalaki.

“NAGBIBIRO KA BA O HINDI!”
“Ahhhhhh...I’m joking! I’m joking!”

=================

[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN

****

Nag-iinat si Alex ng leeg at likod habang naglalakad. Katatapos niya lang maglinis
ng dalawang swimming pool at marami pa siyang mga nakapilang gagawin. Mag-iikot
muna siya sa malawak na hardin habang nagpapahinga ng ilang sandali. Simula nang
magising ay inabala niya kaagad ang sarili. Dahil sa naging takbo ng huling pag-
uusap nila ni Blake ay iniiwasan niya munang makita ang lalaki. Palilipasin niya
muna ang mga ilang oras bago ito harapin. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga
sinabi nito. Maaring naging emosyonal lang ito dahil sa mga nangyari sa pagitan ng
dalawang babaeng iniibig . Dapat niya itong intindihin. Siya ang mas nakatatanda
kaya siya ang dapat umunawa.

Natigilan siya nang may namataan na isang matandang lalaki. Sinusubukan nitong
buhatin ang isang may kabigatang istatwang diwatang gawa sa kahoy. Nakasuot ito ng
kupas na jacket at maong na pantalon, sira-sirang sombrerong gawa sa rattan at may
maliit na tuwalyang nakasabit sa leeg. Sa tantya niya ay nasa pitumpong taong
gulang na ito. Dali-dali niya itong nilapitan.

“Lolo, tulungan ko na kayo. Mabigat ho yan baka mapilayan kayo.”


Nagulat ang matanda sa biglaang pagsulpot niya.

“S-sige. Salamat iha. Hawakan mo diyan sa may paanan. Ako naman dito sa may taas.
Ilipat natin ito kasi medyo nakakaharang ng bahagya sa dinadaanan.”

“Saan ho ba natin to ililipat?”

Itinuro ng matanda ang lugar malapit sa may fountain. Mga sampung metro ang layo
nito mula sa kanilang kinatatayuan.

“Huh? Kaya niyo pa po ba? Sabihin niyo lang pag nabibigatan kayo para ako na lang
magbubuhat nito mag-isa.”

“Ikaw naman iha. Anong akala mo sa akin uugud-ugod na?”

“Hindi naman ho. Nag-aalala lang ako baka mabalian kayo ng buto sa likod.”

Tumawa ang matanda. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa si Alex. “Ang tapang mong
tumulong. Sa payat mong yan ay imposible rin namang makakayanan mo itong buhatin
mag-isa.”
“Naku lolo! Huwag niyo hong maliitin ang katawan ko. Mukhang payat lang yan pero
siksik na siksik ang muscles niyan! Kaya ho nitong buhatin kahit isang buong baka.”

Tumawa ulit ang matanda.

Binuhat ng dalawa ang istatwa. Nang mailipat ay kaagad na nilapitan ni Alex ang
kasama. Inikutan ito at inusisa ang katawan.

“Ano lolo? Hindi ho ba nanakit ang likod niyo? Ang braso niyo okay lang? Ang mga
kamay niyo hindi ho ba nangalay. Bakit naman kasi nagtatrabaho pa kayo sa edad
niyong yan?”

“Huwag kang mag-alala iha. Sanay akong magbuhat ng mabibigat.”

Tumalikod ang matanda at binalikan ang ginagawa. Dinampot nito ang panggupit at
sinimulang gupitan ang makakapal na halamanan. Nilapitan ulit ito ni Alex.

“Ngayon ko lang ho kayo nakita dito. Bago lang ho ba kayo?”

Nagulat ang matanda sa tanong. Kunot noong napatingin ito sa dalaga.

“Bago? Anong bago?”


“Bagong hardinero po.”

“Ah-eh... oo bago nga lang ako dito. Ikaw sino ka ba iha?”

“Ako po si Maya,” malambing na sagot ni Alex.

“Ano bang trabaho mo dito Maya?”

“Naku. All-around po. Hardinera, kusinera, tagalinis ng bahay, tagalinis ng pool,


drayber, personal alalay, tagasalo ng init ng ulo...Lahat ng trabaho ginagawa ko
depende sa utos ng kamahalan!” nakangusong sagot ng babae.

“Sino ba ang kamahalang tinutukoy mo?”

Lumapit sa tenga ng matanda si Alex at bumulong.

“Si Blake ho.”

“Si Blake. Yung apo ng may-ari?”


“Mismo! Mabait naman yun eh pwera na lang pag may sumpong. Kaya pag hindi kayo
iginalang ng taong yun. Sabihin niyo lang sa akin.”

“Ikaw ba yung matapang na babae na lagi daw niyang nakakasama?”

“Huh, sino hong may sabi sa inyo niyan?”

“Naririnig-rinig ko sa usapan ng mga tauhan dito. Totoo bang takot daw sayo si
Blake?”

“Naku hindi ho yun takot sa akin. Napapasunod ko lang minsan dahil alam niyang tama
ako. Pero kung ako naman ang mali, grabe din naman hong manermon.”

“Eh bakit ka ba nandirito sa bahay na ito? Wala ka bang pamilya dito sa Maynila?”

Napaisip ng ilang saglit si Alex sa isasagot. “Meron ho pero working student at


independent na ho kasi ako. Tinulungan lang ho ako ni Blake kasi wala ho akong
pansamantalang matitirhan. Pumayag siyang tumira ako dito kapalit ng pagtatrabaho
ko.”

“Ano ka ba ni Blake at bakit ka naman niya tinutulungan? Girlfriend ka ba niya?”

Humalakhak ang dalaga. “Kayo naman lolo ang advance niyo namang mag-isip.
Magkaklase lang po kami at magkabarkada. Hindi po ako mahilig sa prinsipe. Meron na
pong girlfriend yan si Blake. Maganda, matalino at artistahin din ang mukha, gaya
niya.”
Nabaling ang atensiyon ni Alex sa ginagawa ng kausap. “Nagtataka lang ho ako. Pero
bakit niyo ginugupitan ang mga halaman? Di ba kaya nga nagtatanim para palaguin? Eh
bakit niyo ho binawasan?”

Natawa ang matanda sa tanong ng makulit na babae. “Ginugupitan ko ito para mas
lalong bumilis ang paglago. Nilalagyan ko rin ng porma para mas magandang tingnan.”

“Ah ganun ho ba. Turuan niyo ako minsan lolo ha. Kasi kasama rin ang gardening sa
mga trabaho ko dito...Teka lo, nagmeryenda ka na ba baka nagugutom na kayo? Gusto
niyo ba ng kape? Gatas? Juice? Softdrink? Ano pong gusto nyo ikukuha ko kayo?”

Ngumiti ang matanda. “Tsaa na lang iha.”

“Sige po. Babalikan ko kayo. Diyan lang ho kayo ha!”

Tumalikod si Alex. Ngunit nang hahakbang na siya ay nakita niya si Blake. Palingon-
lingon ito sa paligid at halatang may hinahanap. Nataranta siya at kaagad na
naisipang magtago. Hindi pa siya handang harapin ang lalaki.

“Lolo maya-maya na yung tsaa nyo ha. At pag may naghanap sa akin, sabihin niyo
hindi niyo ako nakita!”

“S-sige iha,” naguguluhang sagot ng matanda.


Mabilis na nagtago si Alex sa makakapal na halamanan. Samantala naglakad naman
papalapit sa matanda si Blake pagkakita dito.

“Hi grandpa!” sabay mano nito.

Muntik ng mapaubo si Alex nang marinig kung papaano tinawag ni Blake ang matanda.
Buti na lamang ay natakpan niya ng kamay ang nakangangang bibig. Si Don Henry ang
kausap niya! Hindi niya ito namukhaan? Ibang-iba kasi ang ayos nito kumpara sa
litratong ipinakita sa kanya sa opisina kung saan nakabihis ito ng kagalang-galang.

“What time did you arrive? You should’ve knocked my room para naman nalaman kong
dumating na pala kayo. How was your trip in Europe?” ani Blake.

“Hindi na kita inistorbo pa iho. Naisip kong baka natutulog ka pa o nagpapahinga.”

Napansin ni Don Henry ang paglinga-linga sa paligid ng apo.

“May hinahanap ka ba Blake?”

“Lolo did you see Maya? Remember the girl I told you before. The one who will
temporarily stay with us...”
Napatingin ang matanda sa pinagtataguang halaman ng dalaga. Nakita niyang sumisilip
ang babae at sumesenyas ito na huwag siyang ituro.

“Bakit mo hinahanap ang babaeng iyon?”

“It’s time for us to study.”

Nanlaki ang mga mata ni Alex. Mas lalo pala siyang dapat magtago. Muli siyang
sumilip at nang makitang nakatingin uli ang matanda ay muli niya itong sinenyasan.

“Hindi ko siya nakita iho,” sagot ni Don Henry subalit lihim na inginunguso sa apo
ang pinagtataguang halaman ng dalaga.

Kaagad namang nakuha ni Blake ang ibig ipahiwatig ng lolo.

“Are you sure you din’t see her?” ngingiti-ngiting tanong ng lalaki.

“Sigurado ako apo. Baka naman umalis at may pinuntahan.”

“You think so? Sa tingin niyo ba matatagalan yun?”

“Hindi ko lang alam. Bakit mo naman naitanong?”


“Tamang-tama nagyayaya ng lakad ngayon si Hayden. Pwedeng-pwede pala ako umalis
mag-isa. Sige lo, magbibihis lang ako I need to leave now,” sabay kindat ni Blake
sa lolo.

“Sige ingat ka iho.”

Nagmadaling lumabas sa pinagtataguan niya si Alex. “Hep hep! Saan ka pupunta?


Schedule ng pagrereview natin di ba?”

Nagkunwaring nagulat si Blake. “O Maya, what are you doing there? Akala ko umalis
ka.”

“M-may inayos lang ako dito sa likuran ng halaman. N-Nagtanggal ako ng mga damo!
Magsisimula na ba tayong mag-aral?” kunway matapang na tugon ng dalaga.

“Yap.”

“Sige umakyat ka na. Susunod na ako.”

Nagpagpag ng damit si Alex. Muli siyang lumapit sa matanda at nahihiyang nagmano.


“Magandang araw po Don Henry.”

“Ang galing niyo po. Meron po pala kayong talent,” dagdag niya ng may nag-aalangang
ngiti.

“Anong talent iha?”

“Pwede po kayong mag secret agent. Ang galing niyo po mag-disguise hehe.”

Tumawa ng malakas ang matanda.

Tumalikod si Alex upang sundan si Blake. Ngunit bigla itong may naisip at kaagad na
binalikan si Don Henry. “Lolo dadalhin ko pa rin yung tsaa nyo ha! Tsaka baka
marami pa kayong iuutos sa akin. Pwedeng-pwede niyo po akong utusan lalong lalo na
sa mga oras na ito. Mag-isip pa ho kayo ng maraming utos! Tulungan niyo ako
allergic, po ako sa aral!”

Tumakbo ang babae papasok ng bahay. Naiwan namang tumatawang mag-isa si Don Henry
habang napapailing. Hindi niya maitago sa sarili ang pagkaaliw sa dalaga.

-----

Tahimik na pumasok ng kuwarto ni Blake si Alex. Iniwan niyang nakaawang lamang ang
pinto at walang ingay na lumapit sa lalaking nakaupo sa study table. Naupo siya sa
gilid ng kama malapit sa nasabing mesa.

Tiningnan niya si Blake. Nakasuot ito ng reading glasses. Seryoso ang mukha habang
nagsusulat at nagbabasa. Pinag-aaralan niya ang reaksiyon nito. Tinitingnan kung
apektado pa ba ito sa naging pag-uusap nila. Base sa ikinikilos nito, sa tingin
niya ay hindi na. Siguro nga ay naging emosyonal lang ito dahil sa magulong pag-
iisip.

“Uupo ka lang ba diyan at titigan ako?” tanong ni Blake habang nakatingin sa


sinusulat.

Mabilis na binawi ni Alex ang mga mata at dumampot ng libro sa mesa. Nagkunwaring
magbasa. Subalit ilang sandali lamang ay hindi nakatiis na huwag magtanong.

“B-Blake okay ka lang ba?”

“Why are you asking me that? Meron bang dahilan para hindi ako maging okay?”
ganting tanong ni Blake habang nakatutok pa rin ang atensiyon sa ginagawa.

“Nag-aalala kasi ako baka nagdamdam ka dahil sa pinag-usapan natin kagabi?”

Tumigil sa pagbabasa si Blake at tumingin sa dalaga. “Bakit kailangan bang


seryosohin ang pinag-usapan natin? As far as I remember, I told you I was joking
right?”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Alex. “Joke? Tama sabi ko na nga ba nagbibiro ka
eh. Ikaw talaga pinakaba mo ako ha! Akala ko pa naman ay pansamantala ka nang
nasiraan ng ulo! ” sagot niya ng may abot tengang ngiti.

Tinitigan ni Blake ang masayang mukha ng kausap. Nairita siya sa naging reaksiyon
nito. Sa inis ay inihagis niya ang isang makapal na libro sa tabi ng babae.
“Ano to?” ani Alex habangg dinadampot ang libro.

“Math book! Yan ang pag-aralan mo para hindi ka na bumagsak next exam. May mga
sample questions diyan. Answer them!”

Biglang tumayo si Alex naglakad papalabas ng pinto.

“Where are you going?” takang tanong ng lalaki.

“Nakalimutan ko Blake. Nanghihingi nga pala ng tsaa ang lolo mo. Hahatiran ko lang
muna.”

Nagdududang tiningnan ni Blake ang kausap. “Are you sure? Baka naman gumagawa ka
lang ng excuse.”

“Hindi ako nagsisinungaling! Sandali lang to Blake. Nakakahiya naman sa lolo mo pag
kinalimutan ko yung utos niya di ba?”

Nagmadaling lumabas ng kuwarto si Alex. Bumalik naman sa pagbabasa si Blake.


Pagkalipas ng dalawampung minuto saka lamang bumalik ang babae.

“What took you so long?” puna agad ni Blake.


“Huh matagal ba ako? Ang laki kasi nitong bahay niyo eh. Sa paglalakad pa lang ay
nakakaubos na ng oras.”

“Stop making excuses. Start reading the book!”

Naupo ulit sa gilid ng kama si Alex at nakasimangot na binuksan ang libro.

“Blake meron pala tayong dapat pag-usapan tungkol kay Marianne.”

Natigilan bigla ang lalaki at kaagad na napalingon sa dalaga.

“What about her?”

“Kailangan kong malaman ang mga katangian niya bilang girlfriend.”

“At bakit gusto mong malaman?”

“Siyempre kailangan ko ring mag-adjust. Dapat ko rin siyang pakisamahan di ba? Iba
na ang sitwasyon ngayon. Kasama mo na sa campus ang girlfriend mo. Tiyak kong mas
madalas mo itong makakasama hindi kagaya ni Sophia na paminsan-minsan mo lang
nakikita.”
Naintindihan ni Blake ang punto ng dalaga kaya agad din siyang sumakay sa kanilang
usapan. “There’s no need for a big adjustment. Marianne is as accommodating as
Sophia. She might be bitchy to you dati but that’s not her true character.”

“Alam ko sinabi na sa akin ni James yan.”

Biglang nairita si Blake. “James told you na pala then why do you still need to ask
me? Go to your sweet James at sa kanya ka magtanong!”

“Tingnan mo to, tinatanong ng maayos. Bakit ba ang init ng dugo mo kay James?
Nakatatandang kapatid yun ng girlfriend mo. Dapat nga ay pinapakisamahan mo siya ng
maayos para maging good shot ka sa kanya!”

“Maya, did you start a conversation with me to talk about James?”

“O sige na, sige na. Hindi ko na siya babanggitin. Ano pa?”

“Anong ano pa?”

“Ano pa yung mga ugali ni Marianne?”

“Maasikaso. So your job will be lessened. She likes doing errands for me. Mas gusto
niya rin na siya ang nag-aasikaso ng mga kinakain ko or kahit sa mga maliliit na
bagay na kailangan ko.”
Sumaya ang mukha ng dalaga. “Ibig mong sabihin hindi mo na ako gaanong uutusan?”

“I just said your job will be lessened. Didn’t I?”

“Eh selosa ba si Marianne?”

“Yes she is... But you don’t have to worry. She will definitely not get jealous
with you. You’re not the type of girl na pagseselosan ni Marianne.”

“Siyempre naman. Ano naman ang dapat niyang pagselosan sa akin?” tatawa-tawang wika
ng dalaga.

Tumahimik ng ilang sandali si Blake at lihim na tumingin sa mukha ng nakangiting


kausap.

“Ah and one more thing. Unlike Sophia, hindi mo gaanong mabobola si Marianne. She
has high IQ and she is definitely smarter than you.”

“Ah magkapatid nga sila ni James. Sobrang talino din kasi nun eh.”

Muling tinitigan ng masama ni Blake ang babae pagkarinig sa di kaaya-ayang


pangalan.
“Sorry... nakalimutan ko,” sabay takip ng kamay ni Alex sa kanyang bibig. “Eh
Blake, dahil madalas na kayong magkakasama ni Marianne sa campus, siguro naman siya
na ang yayain mo kapag mag-aaral ka. Alam mo magandang bonding time din ya eh, ang
mag-aaral kayo ng sabay. Ang sweet tingnan.”

“Teka speaking of studying parang kanina mo pa ako dinadala sa kwento ah. Let’s go
back to what we are doing.”

May bumungad na katulong. “Maya, tawag ka ni Don Henry. Humihingi ng juice.”

Ngumiti si Alex. “Blake narinig mo. May utos sa akin ang lolo mo. Susundin ko muna
ha!”

Nagmamadaling lumabas ng kuwarto si Alex at hindi niya na hinintay pang tumutol ang
kausap. Pagbalik niya ay kinompronta agad siya ng lalaki.

“What’s going on here Maya?”

“Anong what’s going on?”

“Bakit kailangang ikaw ang utusan ng lolo ko? Eh ang dami namang available na
maids.”
“Aba malay ko! Siguro nasi-sense ng lolo mo na magaling akong magtimpla ng juice.”

“Magaling? Kelan ka pa naging magaling sa ibang bagay maliban sa pagkabasagulera


mo?”

“Bakit ang lasa naman ng mga inumin ay depende sa taste ng iinom di ba? Baka pasok
sa lolo mo ang timpla ko!”

“Stop making ways to escape studying. I know your style. Go back to reading.”

“Eto na nga magbabasa na! Ang higpit naman nito. Buti pa ang ibang propesor kesa
sayo. Papasok lang, magchecheck ng attendance, mag-iiwan ng assignments tapos aalis
na. Ikaw nagbabasa na nga, may lecture pa, may sermon pa tapos maya-maya exam
naman! Bakit di ka mag-teacher, may talent ka.”

“Maya keep quiet!”

Tumahimik si Alex at napipilitan uling magbasa.

“Blake pahiram ng ipad mo...”

“And what are you planning to do this time?”


“May titingnan lang akong e-mail galing kay Grace...”

“Totoo ba yan?”

“Oo naman. Nanghingi kasi ako ng notes sa kanya. Sabi niya scan niya daw tapos e-
mail na lang daw niya.”

Tiningnan ni Blake sa mga mata ang dalaga. Idinilat naman lalo ni Alex ang mga mata
habang nakatingin din sa lalaki.

“Hindi ako nagsisinungaling.”

Mukhang nagsasabi nga ng totoo ang dalaga kung kaya’t napilitan si Blake na iabot
ang ipad. Pagkatanggap ni Alex ay binuksan niya nga ang kanyang e-mail. Ngunit
maya’t maya siyang tumitingin sa lalaki at nang matantiya na seryoso na ulit ito sa
pagbabasa, dahan dahan siyang lumipat ng puwesto. Pumunta siya sa may paanan ng
higaan. Naupo sa sahig at sumandal sa kama. Tinanggal niya ang sound ng ipad at
patagong naglaro.

“What’s that?”

“Temple run...Ay ano ba yan bakit ba ito ang pinipindot ko! Kanina lang ang e-mail
ko ang nakaopen dito.”

“He-he you’re not funny. Give it back.”


Kinumpiska ni Blake ang ipad at nakabusangot na bumalik sa pagbabasa si Alex.

May bumungad na katulong.

“Maya, pahingi daw ng kape si Don Henry.”

Kaagad na nagliwanang ang mukha ni Alex. Agad-agad itong tumayo at naglakad


papalabas. “Coffee coming up!”

“Hey where are you going Maya?!”

Wala nang nagawa si Blake dahil dire-diretsong lumabas ng kuwarto si Alex. Hinintay
niyang makabalik ito para muling pagsabihan subalit pagpasok na pagpasok pa lang
nito sa pinto ay nakatakip na ang mga kamay nito sa dalawang tenga. Palihim siyang
natawa sa hitsura ng babae. Hindi niya na ito nagawang pagalitan subalit ilang
saglit niya itong binantayan upang masiguradong nag-aaral nga ito.

Bumalik siya sa pagrereview nang nakitang seryoso na sa pagbabasa si Alex. Matagal


silang hindi nag-usap at nagpakialaman. Tumahimik ng matagal ang buong silid.

“Maya can you bring me the dictionary,” utos niya Blake habang nagbabasa.

Walang sumagot.
“Maya bring me the dictionary.”

Wala uling sagot.

“Maya I said...”

Lumingon siya sa kinakausap. Nagulat siya ng makitang mahimbing na itong natutulog.


Kalahati ng katawan nito ay nasa kama samantalang nakalaylay naman ang mga paa sa
sahig. Natawa at napailing na lamang siya.

Lumapit siya at tahimik itong pinagmasdan. Natukso siyang humiga sa tabi nito at
dahan-dahang gumilid papaharap sa natutulog nitong mukha. Tinitigan niya itong
mabuti hanggang sa unti-unting bumalik sa kanya ang mga makahulugang salitang
nasabi sa babae.

Hindi niya rin matiyak sa sarili kong may katotohanan nga ba ang kanyang mga
binitawang salita. Hindi niya sigurado kung mayroon nga siyang umuusbong na
pagtingin para sa dalaga. Pero sa kabila ng lahat ng ito ay may isang bagay na alam
niyang sigurado siya... na masaya siya kapag kasama niya ito, na gumagaan ang lahat
sa tuwing nakikita niya ito. Sa ngayon ay wala siyang ibang hiling kundi ang
manatiling nasa tabi niya ang dalaga...kahit bilang isang kaibigan lamang.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa katabi.

Matagal niya itong tinitigan...


Hinawakan niya ng marahan ang buhok nito...

Natutukso siyang haplusin ang pisngi nito...

Hanggang sa...may bumungad uling katulong.

“Maya, nagpapatimpla ng tsaa si Don Henry.”

Napabalikwas ng upo si Blake. Mabilis siyang dumampot ng libro at nagkunwaring


nagbabasa. Namumula ang kanyang mukha sa kaba.

Naalimpungatan si Alex.

“Maya nanghihingi ng tsaa si Don Henry,” ulit ng katulong.

“O-Okay,” humihikab na sagot ng babae.

Kinusot ni Alex ang mga mata at nagtaka nang makitang nakaupo sa tabi niya si
Blake. Kaagad siyang tumayo nang mapagtantong nakatulog siya sa pag-aaral. Mabilis
niyang nilisan ang kuwarto bago pa man siya masermonan ng kasama.
Pagkalabas ng kuwarto ng dalaga ay napahiga naman sa kama si Blake. Gigil na gigil
na dinampot niya ang isang unan at itinakip ito sa mukha. Inis na inis siyang
nagpapadyak sa higaan.

“AAAAAHHH! LOLO KANINA KA PAAAA!!!”

=================

[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE

****

Magkasunod na naglalakad papalapit ng hapag kainan sina Don Henry at Blake.


Parehong bihis na bihis. Ang apo ay patungong klase at ang lolo naman ay papunta ng
opisina. Sinalubong sila ng matamis na ngiti ni Alex na noo’y nakatayo sa tabi ng
mesa at nakasuot pa ng apron.

Pagkalapit na pagkalapit ng maglolo ay sabay ang mga itong napatitig sa mga


nakahaing pagkain. Sabay na nanlaki ang mga mata at napapalunok, parehong di
makapagsalita. Papalit-palit ang mga ito ng tingin sa nakangiting dalaga at sa
pagkain.

Sunog na omelette. Sunog na hotdog. Tutong na bacon. Nangingitim na ham. Sunog na


fried rice.
“Pasensiya na kayo Don Henry pag napapaharap po ako sa kalan medyo
nagkakadiperensiya ho ang mga mata ko. Na-cocolor blind ako. Hindi ko po napapansin
na nangingitim na pala ang mga niluluto ko,” malambing na depensa ni Alex bago pa
man may marinig na di kaaya-ayang mga komento.

“Maya gusto mo ba kaming magkaroon ng colon cancer?!”singhal ni Blake.

“Huwag ka ngang mareklamo dyan Blake para namang hindi ka pa sanay sa luto ko.
Sabayan mo na lang ng tubig kung nahihirapan kang lunukin!” ingus ng babae.

“Lolo I warned you not to trust that woman! How could you request her to cook the
entire food?”

Seryosong tiningnan ni Don Henry ang apo. “Blake paano mo nagagawang pagsalitaan ng
ganyan si Maya? Hindi mo man lang ba naiisip na pinaghirapan niyang lutuin ang mga
pagkain na to? Halika na’t maupo. Huwag ka ng magreklamo kumain na lamang tayo
dahil marami pa akong dapat asikasuhin.”

Napanganga si Blake sa reaksiyon ng lolong madalang pa sa patak ng ulan kung


kontrahin siya. “Whoah! Am I getting it right Lo? Are you trying to take the side
of that girl over me now?”

“Wala akong kinakampihan. Walang kasalanan si Maya dahil ako ang nag-utos na
ipagluto niya tayo kaya umupo ka na lang diyan.”

“Huwag kayong mag-alala Don Henry ganyan lang ang hitsura ng mga pagkain pero
ginawa ko yan ng punung-puno ng pagmamahal,” nakangiting sabi ni Alex sabay
pasimpleng dumila sa nakasimangot na lalaki.

“Ganito ba ang hitsura ng pagmamahal mo? Wow it looks scary!” komento ni Blake.

“Tama na yan Blake. Halika na iha sumabay ka na sa amin at may pasok ka rin.”

“Yeah, join us in our agony eating your food.”

Hinubad ni Alex ang apron at nakangiting naupo sa mesa. Natutuwang pinanood niya
ang mga kasama sa hapag kainan habang kumakain ang mga ito. Napansin ni Blake ang
reaksiyon niya.

“What? Why are you staring us with that happy face? Natutuwa ka bang tingnan na
nahihirapan kaming lunukin ang mga pagkain na to?”

Umiling si Alex. “Wala. Naalala ko lang ang pamilya ko.”

“Bakit iha, do you miss your family already?” may pag-aalalang tanong ni Don Henry.

“Hindi naman po. Naaalala ko lang na ganyan-ganyan din ho ang reaksiyon nila nang
minsang ipinagluto ko sila ng almusal.”
Sabay na nasamid at napaubo ang mag-lolo.

“Gusto niyo po bang ipagluto ko ulit kayo bukas?” nakangiting tanong ni Alex kay
Don Henry nang may namimilog na mga mata.

Naalarma ang mukha ng matanda sa alok. “Ah-eh. Okay na to iha. It’s enough. Gusto
ko lang naman maipagluto mo ako minsan habang naririto ako sa bahay. Tama na ito
baka naman maabala ka sa pag-aaral mo,” sagot nito nang may nag-aalangang ngiti
sabay inom ng tubig.

“C’mon lolo don’t be shy. Tell her directly that her cooking sucks,” tatawa-tawang
dugtong ni Blake.

“Iho wala yan sa lasa ng luto. Nasa taong nagluluto yan. Ang mahalaga ay ang
pagkukusa at ang kagustuhan nito na ipagluto ka,” maingat na pananalita ni Don
Henry na halatang iniiwasang masaktan ang kalooban ng dalaga.

“Again you’re defending her? Umamin ka nga Maya. Nilagyan mo ng gayuma ang mga
tinimpla mong drinks kay lolo ano?”

“Huwag mong pagbintangan si Maya, Blake. Naaliw lang ako sa kanya. Alam mo namang
sabik na sabik na akong magkaroon ng apong babae dito sa bahay.”

Biglang nanahimik si Blake dahil sa huling sinabi ng lolo. Unti-unting napawi ang
mga mapang-asar niyang ngiti at biglang nagseryoso sa pagkain.

“Gusto niyong magkaroon ng apong babae?” nagtatakang tanong ni Alex.


Nakangiting tumango ang matanda.

“Huh? Papaano ho? Teka...m-may balak ho ba kayong mag-ampon?”

Natawa si Don Henry sa inosenteng tanong. “No. That’s not what I mean iha. Blake is
the one who will bring that granddaughter in this house.”

Nakangangang napatingin si Alex kay Blake nang may nanlalaking mga mata.“B-Blake m-
may tinatago ka bang anak?”

“Shut up Maya. Masyado mong pinapahalata yang level ng IQ mo!” iritableng wika ng
lalaki.

Tumahimik si Alex at nag-isip ng malalim. “Ah alam ko na! Ang babaeng mapapangasawa
ni Blake ang tinutukoy niyo!”

Tumango ang matanda.

“Naku huwag kayong mag-alala. Hindi ho malayong mangyari yan! Baka nga sa susunod
na araw ay may-”

“I said shut up Maya!” agad na putol ni Blake sabay titig ng masama sa babae.
“Lolo tinititigan ako ng masama ni Blake...”

“Blake, that’s enough. Nasa harap tayo ng pagkain. Let’s eat quietly now....And by
the way, I want to talk to you in my private office before you leave this house.”

“Opo lolo,” mahinaho’t may katamlayang sagot ni Blake habang nakatingin sa


sariling plato.

------

“Blake, iho are you still taking our agreement seriously?” diretsong tanong ni Don
Henry sa apo habang kausap ito sa kanyang private office sa mansiyon.

“I’m not forgetting anything lolo,” nakayukong sagot ni Blake.

“Alam kong mahirap para sayo ang bagay na ito. But I hope you understand your
grandfather. I’m old Blake and anytime I might leave you too. Pero hindi kita
pwedeng iwanang nag-iisa. I already prepared everything for you. Yes, you might
have everything now. But when I leave, may isang bagay na mawawala sayo.... A
family. I don’t want that to happen....”

“... Ayokong mag-isa ka. Kaya sana habang nabubuhay pa ang iyong lolo ay
mapagbigyan mo ako na makita kang magkaroon ng sariling pamilya. I know you’re
still young but you’re not a regular young man Blake. Kaisa-isa kang tagapagmana ng
isang multi-billion company. Now, I’m letting you enjoy your days...., but next is
for you to make a family.... and after that is for you to take over the business.
I’m in a rush to finish everything iho bago pa man mahuli ang lahat.”

Matamlay na ngumiti si Blake sa lolo. “Don’t worry grandpa. I’m not going to
disappoint you...”

“But are you working on it? Ang napapansin ko ay mas napapadalas ang pagliliwaliw
mo kasama ng mga barkada. Do you want me to help you? Gusto mo bang kausapin ko ang
mga magulang ni Sophia for an arrangement?”

“L-Lolo, Sophia and I broke up.”

Biglang natahimik si Don Henry.

“I know you like her very much but I’m dating a different girl now,” mahinahong
paliwanag ni Blake habang nakatingin sa mga nilalarong kuko sa kamay.

Tiningnang mabuti ni Don Henry ang di makatinging kausap. Nag-isip siya ng malalim
at napabuntong-hininga. “Okay, from now on hindi ako makikialam kung sino man ang
babaeng pipiliin mo. It will be too much kung pati yan ay panghimasukan ko pa. Ang
mahalaga ay mahal mo ang babae at mamahalin ka rin ng babae. You are the one who
will be living with her and I want you to be happy so it’s your call kung sino ang
babaeng pakakasalan mo. But you better start taking your relationship seriously,
Blake.”

Napatingin si Blake kay Don Henry.“I have still time to prepare, haven’t I? We
agreed that I’ll do it when I reach 20.”
“Yes I know. But I’m hoping that you’ll get engange on your nineteenth birthday so
that my granddaughter-in-law will still have time to get to know your family and
same thing for us before we do the marriage.”

“B-But Lolo that will be four months from now already...I hope you can give me more
time para maihanda ko ang girlfriend ko about this matter.”

“I know iho. But I’m relying on what you said...that you won’t disappoint me.”

Tumahimik ulit si Blake.

“You can leave now Blake. You will be late for your class.”

Matamlay na tumayo si Blake at nagmano sa matanda ng may pilit na ngiti.

“Bye Lolo.”

Paglabas na paglabas ni Blake sa silid ay masiglang sumalubong ang naghihintay na


si Alex.

“Alis na ba tayo?”

“Yap,” tipid na sagot ng lalaki ng may seryosong seryosong mukha.


Habang nasa sasakyan ay napansin ni Alex ang pananahimik ng kasama. Walang tigil
ito sa pagbubuntung-hininga. “Baka masinghot mo na ako sa kakahinga mo ng malalim
diyan. May problema ka ba?”

“None,” matamlay na sagot ni Blake habang nakatanaw sa malayo.

“Nagtalo ba kayo ng lolo mo?”

Umiling ang lalaki.

“Eh bakit parang ang hirap makabili ng ngiti sayo ngayon?”

“Let’s not talk Maya. I’m not in the mood now,” sabay pikit sa mga mata ng lalaki
para umidlip.

Maghapong walang gana si Blake. Tahimik at hindi gaanong nakikipag-usap. Madalas


itong mahuli ni Alex na nag-iisip ng malalim. Bago sila umuwi’y nagyaya ito
patungong bar. Nagtaka ang babae nang niyaya siya nito sa loob sa halip na
paghintayin lamang siya sa kotse.

“Bakit hindi mo ba tatawagan si Marianne?” komento niya.


“No.”

Paglabas nila ng kotse inakbayan siya ni Blake at tinapik sa balikat. “Let’s drink.
Let’s enjoy our youth,” anito sabay hingang malalim.

Omorder ang lalaki ng isang bucket ng beer. Nagbukas sila ng tig-isa at bago uminom
ay nakangiting nakipag-toast si Blake sa kanya. Takang-taka siya sa kakaibang
ikinikilos ng kasama.

“Blake nilalagnat ka ba ulit?”

“Nope.”

“Bakit bigla-bigla kang nakikipag-inuman sa akin? Hindi ka ba nag-aalala na magda-


drive ako?”

“Let’s not think about other things. Let’s just enjoy the night. Naisip ko lang na
minsan lang tayo maging bata so why not make the most out of it,” ngingiti-ngiting
katwiran ni Blake.

“May problema ka ano?” tanong ni Alex nang may kasamang mga mapanuring titig.

Hindi sumagot si Blake. Iniwas niya ang mga mata sa dalaga. Itinuon niya ang
atensyon sa kumakantang acoustic band habang umiinom ng beer. Ilang minuto minute
niyang hindi kinausap ang kasama.
“M-Maya, w-what age are you planning to get married?” atubiling tanong niya matapos
ang mahaba-habang pananahimik.

Muntik ng mailuwa ni Alex ang iniinom. “Blake ano bang klaseng tanong yan? Ba’t di
mo na lang ako tanungin kong kelan ko balak magka-apo?! Masyado ka namang advance.
Kasal agad ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend.”

“Why? Aren’t you planning to get married? Every normal girl has their ideal age
kung kelan nila gustong mag-asawa.”

“Buti naman at nilinaw mo. Sabi mo normal. Pwes huwag mo akong tanungin sa bagay na
yan dahil ikaw na rin ang nagsabi na hindi ako normal.”

“Well, you have a point,” napapahimas sa babang pagsang-ayon ni Blake.

“Teka. Bakit ba pag-aasawa na yang tinatanong mo? Nagsasawa ka na ba sa mga


pambabae mo at may balak ka nang mag-asawa?” ungkat ni Alex.

Ngumisi lamang ang lalaki. Hindi ito sumagot at diretsong ininom ang natitirang
laman ng bote. Napaisip si Alex. Naalala niya bigla ang naging biruan nila nina Don
Henry habang nag-aalmusal.

“Teka Blake seryoso ba ang lolo mo sa sinabi niya kanina?”


“About what?”

“Tungkol sa pag-aasawa mo? Na gusto ka niyang mag-asawa kaagad.” Nagmamadali at


nakamulagat na salita ng dalaga.

Hindi sumagot si Blake.

“Yan ba ang pinag-usapan niyo kanina kaya maghapon kang nag-iisip?” biglang nag-
aalalang tanong ni Alex nang unti-unting maintindihan ang pananamlay ng kasama.

Tumingin si Blake sa mga mata ng kausap at unti-unting nagseryoso ang mukha. “Maya
do you think it’s funny if I get married too soon?”

Nangalumbaba ang babae at tumingin sa kisame. “Hmmmm...kung mahirap ka oo. Hindi


lang funny kundi katangahan din kasi siguradong wala ka pang maipapakain sa
magiging pamilya mo. Kaso bilyonaryo ka eh so hindi malaking bagay kung mag-asawa
ka man ng maaga. Ang tanungin mo ay ang sarili mo kung handa ka na ba? At nakita mo
na ba ang babaeng pakakasalan mo?”

Tumahimik si Blake at nag-isip ng ilang saglit.

“Blake ipinagkasundo ka na ba ni Don Henry? Kasi kadalasan ganyan ang napapanood ko


sa mga drama tungkol sa mga mayayamang pamilya,” maingat ngunit excited na tanong
ni Alex nang may namimilog na mga mata.

Natawa ang lalaki sa nakitang reaksiyon ng kaharap. “It’s not really like that. He
just wants me to get married when I reach twenty.”
“Ah hindi naman pala arranged marriage kaya di naman masyadong malaking problema...
Pero bakit naman gusto ka na ng lolo mo na mag-asawa?”

“He said he’s old enough para maghintay pa kung kelan ko gustong mag-asawa. Sabi
niya natatakot daw siya na baka mawala na lang siya sa mundong ito at maiiwan akong
nag-iisa... without a family at all.”

Natigilan si Alex sa narinig. Bigla siyang naantig sa narinig. Kaagad niyang


naintindihan ang ibig sabihin ni Don Henry at naunawaan kung ano ang ikinatatakot
nito.Tinitigan niya si Blake. Napagtanto niya ang sitwasyon nito at bigla siyang
nakaramdamdam ng awa. Totoong pag nawala na si Don Henry ay mag-isa na lamang ang
lalaki sa buhay. Wala na itong ibang pamilya. Maaring iwanan nga ito ng kanyang
lolo ng sandamakmak na kayamanan subalit hindi pa rin nito mapapantayan ang kalinga
ng isang pamilya.

“Anong plano mo? Susundin mo ba ang lolo mo?”

“I agreed to him before... and as much as possible I don’t want to disappoint him.
I want him to be happy too..b-but I’m scared. What if I made a mistake? What if I
choose the wrong girl? What if I thought I 'm ready but in fact I’m not.... I know
that grandpa is doing it for my happiness but what if I won’t be happy at all?”

“Alam mo Blake lahat naman ng bagay walang kasiguraduhan. Ki bata ka pa o matanda


na na nag-asawa ay hindi rin naman nakakasigurado na magiging masaya ka habambuhay.
Marami rin namanng mga matured na nagpakasal pero nauwi rin sa hiwalayan. Sa
palagay ko ang importante ay ang siguraduhin mo na mahal mo ang babaeng pakakasalan
mo. Kasi kahit ano pa man ang maging problema niyo basta’t mahal mo ang asawa mo
magagawa mong ipaglaban ang relasyon niyo at hindi mo ito basta-basta na lang
hahayaang masira. At kung totoo ang nararamdaman mo para sa babaeng pakakasalan mo
ay mapaninindigan mo ang mga magiging desisyon mo...”
“....Teka ito ba ang dahilan kung bakit parang lahat na lang ng babae ay gusto
mong kamkamin? Kaya ba hindi ka basta-basta na lang nakapamili kina Marianne at
Sophia?”

Natawa ng bahagya si Blake at tumango.

“But Maya I am thinking that maybe I should not do it... Maybe I’ll concentrate
more in taking over our company? So what if I’ll be alone in the future. That will
only temporary because I will definitely get married later on. And also we’ll never
know maybe lolo will have another twenty years to live. Or if he’ll leave me early
hindi naman talaga ako totally mag-iisa. I’ve got friends. I’ve got Hayden. And I-
I’ve got you....”

Muling natigilan si Alex sa huling sinabi ng kausap. Parang may kumurot sa kanyang
dibdib sa nakitang sinseridad nito sa salitang binitawan. Bigla siyang
nakonsensiya. Tiningnan niya ang seryosong mukha ni Blake. Marahil ay itinuturing
na nga siya nitong kaibigan. Ito ang unang pagkakataon na nakipag-usap ito sa kanya
ng seryoso at naglabas ng totoong mga saloobin.

"Kaya mo bang saktan ang lolo mo? Ayaw mo ba siyang maging masaya sa mga natitirang
oras niya kasama ka?...."

Hindi sumagot si Blake.

“....Blake iba ang kaibigan...iba ang pamilya. Iba ang sayang naibibigay ng pamilya
sa naibibigay ng mga kaibigan. Ang kaibigan ay hindi habambuhay kasama mo. Hindi sa
lahat ng oras nasa tabi mo. Minsan may mga kaibigang nawawala na lang basta habang
dumadaan ang panahon. M-meron ding mabilis dumating pero mabilis din mawala...”

“...Ka-Katulad ko hindi habambuhay ay magiging magkaibigan tayo...”


Biglang napatingin si Blake sa mukha ng dalaga. Parang may sumuntok sa dibdib niya
sa narinig. “What are you talking about?” may galit na tonong sambit niya.

“B-Blake hindi mo masasabing lagi tayong ganito. Malay mo dumating ang araw na
meron kang malaman tungkol sa akin na hindi mo matanggap o kaya ako naman ay
magkaroon na ng ibang buhay at maiiba na ang mundo ko. Maraming maaring magbago sa
pagkakaibigan...”

“Bakit kailangang may magbago sa atin? We’re okay kung ano tayo ngayon di ba? Eh
ano ngayon kung may malaman ako about you that I dislike? Then we fight. We always
fight naman but still we’re together. How can you say that? I thought you wanted to
be my friend.”

Medyo naasiwa si Alex na tumingin sa mga mata ng kaharap. “E-example lang naman
Blake...” sabay inom niya ng beer.

Tumingin si Blake sa relos. Bigla siyang nawalan ng ganang uminom. “It’s getting
late Maya. Let’s go home now.”

“O-Okay.”

Nilisan nila ang bar. Tahimik silang naglakad papuntang parking lot. Ramdam ni Alex
ang epekto ng sinabi niya kay Blake kung kaya’t mas lalong bumigat ang dibdib niya
sa ginagawang pagpapanggap.

“Hey Blake!”
Huminto ang dalawa at sabay na napalingon sa tumawag. Nakita nila ang tatlong
kalalakihan. Nakangisi ang mga itong naglakad papunta sa kanila. At nang bahagyang
makalapit ay namukhaan ang mga ito ni Alex. Ito ang tatlong lalaking muntik ng
makaaway dati ni Blake sa tabi ng kalsada.

“Man give me back my motorbike,”wika ng isang lalaki.

“Wala sa akin. It’s with Hayden and why do I have to return it to you. You bet it
and you lost in our race,” matapang na sagot ni Blake.

“Nagbibiro lang ako nang ipusta ko yun!”

“Well, I was not joking.” seryosong tugon ni Blake.

Nang lumapit pa lalo ang mga lalaki ay mabilis na hinawakan ni Alex ang palad ni
Blake. Nagkatinginan ang dalawa at lihim na nag-usap ang mga mata.

“Sandali! Sandali! Bibilang ako hanggang tatlo. Kapag hindi kayo tumigil sa pangha-
harass niyo ay magsisisi kayo!” matapang na banta ni Alex.

“Whoah! And who is this girl Blake? Are you dating a gangster now?”
“Don’t you remember her?” tatawa-tawang tugon ni Blake.

Diniinan ni Alex ang palad ni Blake. Tiningnan niya ang lalaki at palihim
naumiling. Ayaw niyang maalala siya ng mga lalaki dahil baka mas lalo ang mga itong
ganahan sa panghahamon ng away.

Nagsimula siyang magbilang.

“Isa!”

“Dalawa!”

“Tatlo!”

“Takbo Blake!”

Mabilis na kumaripas ng takbo sina Blake at Alex.

“Hoy saan kayo pupunta? Come back here. We're not done talking!” sigaw ng mga
lalaki

Mabilis na tumatakbo si Alex ngunit sumasabay siya sa bilis ng pagtakbo ni Blake.


Magkahawak ang kanilang mga kamay habang walang tigil sa pagtakbo na parang mga
batang naglalaro. Maya’t maya silang nagkakatinginan at natatawa.

Hinabol sila ng mga lalaki ngunit ganadong-ganado sila pakikipaghabulan.

Sumuko ang mga kalalakihan sa paghahabol. Nalibang naman sa pagtakbo sina Alex at
Blake. Ilang sandali pa ang lumipas bago nila napansing wala na palang naghahabol
sa kanila.

Huminto si Alex. Huminto rin si Blake. At noon lamang naghiwalay ang kanilang mga
kamay.

"Wow! That was fun!" tuwang-tuwang sambit ng lalaki.

Hinabol ng dalawa ang kani-kanilang mga hininga. Parehong napahawak sa mga tuhod.
At parehong natawa ng malakas.

Nagkatinginan...nagkangitian...nagkatitigan.

“Maya, don’t ever say it again.”

“Ang alin?”

“That we’re not going to be friends forever.”...


=================

[24] ADJUSTMENT DAY

****

"That's all for today class!"

Abot tenga ang ngiti ni Alex matapos marinig ang kanyang paboritong linya ng
propesor. Masigla niyang inayos ang mga gamit. Nakita niyang papalabas na si Blake
ng classroom kung kaya't nagmadali siyang tapusin ang ginagawa. Patakbo siyang
lumabas ng pintuan.

"Blake sandali! Hintayin mo ako!"

Hindi siya pinansin ng lalaki. Sa halip ay dire-diretso lamang itong naglakad


papalapit kay Marianne na noon ay naghihintay sa may pasilyo. Kaagad na nagyakapan
ang mga ito. Halatang na-miss masyado ang bawat isa.
"How was your class?" nakangiting tanong ni Marianne.

"It's alright. How about you? Are you free already?"

"Yap. My next class is cancelled so I'm free for almost three hours."

"That's good because I've got three hour break too before my next class. Let's go."
Umakbay si Blake sa girlfriend at niyakag ito papaalis.

Tahimik na nakatingin lamang si Alex habang naglalakad papalayo ang magkasintahan.


Nakatayo lamang siya. Ni hindi man lang naalala ng dalawa na meron silang kasama.
Hinintay niya na lingunin siya ni Blake ngunit mukhang hindi ito mangyayari. Wala
siyang nagawa kundi habulin na lamang ang mga ito.

"Tingnan mo tong dalawang to! Hoy hintayin nyo ako!"

Bumuntot siya sa naglalakad na magsyota. Parang may mga sariling mundo ito.
Malalagkit ang tinginan. Kung hindi magkaakbay ay magkaholding hands naman.
Masayang nag-uusap at parehong hindi maburabura ang mga ngiti sa mukha....At wala
pa ring nakakaalala sa kanya.

--------

Canteen.
Kumuha ng tray si Alex at pumili ng pagkain. "Ate dalawa nga ho nitong baked
mac..."

Napalingon siya kina Blake at Marianne. Pumipili na rin ang dalawa ng pagkain.
Tumingin siya sa tray ng mga ito. Naroroon na ang mga pagkaing dati ay madalas
nilang bilhin ni Blake ng sabay.

"Ah, ate isang baked mac na lang ho pala...tsaka isa rin nito at isa niyan..."

Naupo siya sa hiwalay na mesa ngunit katabing mesa lamang ng dalawang kasama.
Tahimik siyang kumakain subalit naghihintay siya na may iutos sa kanya si Blake.
Madalas siyang utusan nito pag oras ng lunch break. Nagpapabili ng extrang inumin.
Nagpapakuha ng tissue paper. Nagpapabili ng dessert. Ilang beses na nagpapalit ng
kutsara't tinidor dahil sa sobrang pagkametikuloso.

Patapos na siyang kumain subalit wala pa rin siyang naririnig na utos. Sinulyapan
niya ang magkasintahan. Masayang kumakain. Panaka-nakang nagsusubuan. Pinupunasan
ng tisyu ni Marianne ang bibig ni Blake. Nakabili na rin ito ng mga inumin. Meron
na ring nakahandang mga desserts.

Itinuloy niya ang maganang pagkain. Hindi niya napansing wala na pala siyang
pakundangan sa pagsubo. Nasamid siya at naubo ng malakas.

Napalingon sa kanya si Blake.

"What's wrong Maya?"


Ito ang unang beses na kinausap siya ng lalaki simula ng dumating sila sa campus.

"Wa-wala nasamid lang ako."

Dali-dali siyang uminom ng tubig at tinapik-tapik niya ang kanyang dibdib. Tumingin
siya kay Blake. Masaya na ulit itong nakikipag-usap kay Marianne.

------

Library.

Magkakasama sa isang mahabang table sina Alex, Marianne at Blake. Magkatabi ang
magkasintahan at seryosong nagbabasa. Magkadikit na magkadikit ang mga silya nito.

Nasa isang dulong silya naman si Alex sa kabilang banda ng table. Tahimik at
nagkukunwaring nagbabasa. Naglabas na siya ng ballpen at notebook. Ito kasi ang
madalas hingin sa kanya ni Blake pag nagreresearch. Minsan,siya pa nga ang
pinagsusulat nito.

Walang utos.
Mahinang nagkukuwentuhan ang magkasintahan. Seryosong pinag-uusapan ang kanilang
mga binabasa. Ipinagnonotes na rin ni Marianne ang lalaki.

"Maya can you find me this book," biglang utos ni Blake.

Nagliwanag ang mukha ni Alex. Subalit tumayo si Marianne.

"No. Let mo do it for you babe," may lambing na sabi ng babae.

"Are you sure?"

"Of course."

"Okay."

Tumamlay ulit ang mukha ni Alex. Sinulyapan niya ang lalaki na noon ay bumalik na
sa seryosong pagababasa. Hindi man lang siya nito kausapin o kahit tingnan man
lamang. Pakiramdam niya ay malapit na siyang mapanisan ng laway.

Sa sobrang pagkabagot ay bigla siyang inantok. Isinubsob niya ang kanyang ulo sa
mesa hanggang sa hindi niya napigilang makatulog. Maya-maya lang ay may tumapik sa
kanyang balikat. Ang librarian.
"Bawal ang matulog sa library, student."

Dali-dali siyang umayos ng upo. "S-sorry po."

------

Sa ilalim ng puno.

Magkatabing nakaupo sina Marianne at Blake. Nakasandal ang ulo ng babae sa balikat
ng boyfriend. Nakaupo naman si Alex sa ilalim ng katabing puno.

Tiningnan niya si Marianne at ang puwestong kinauupuan nito. Dati ay siya ang
nakaupo dito sa tuwing nagkukulitan silang dalawa ni Blake.

Walang humpay sa paglalambingan ang dalawa. Kulang na lang ay langgamin ang mga ito
sa tamis ng kanilang mga ngitian at titigan.

Nakasimangot na nag-isip siya ng pwedeng magawa upang huwag uling mabagot.

Naglabas siya ng manga komiks. Hayagan siyang nagbasa. Dati ay iniipit niya pa ito
sa ibang libro dahil pinapagalitan siya ni Blake.
Walang sumaway sa kanya.

Itinaas niya pa lalo ang hawak na komiks... ngunit hindi pa rin siya pinansin ng
lalaki.

"Maya can you buy me water."

Dali-dali siyang tumayo.

"I have water. I already bought on my way here," wika ni Marianne at sabay labas ng
mineral water mula sa bag.

Nakasimangot na bumalik sa kinauupuan si Alex. Maya-maya lang ay tumayo siya at


lumapit sa lalaki. Gusto niyang subukan kung talagang wala na itong pakialam sa
kanya.

"Blake pahiram ng ipad"

Hindi na siya nagdalawang salita pa. Kaagad na iniabot ng lalaki ang kanyang
hinihiram. Dati-rati ay kailangan niya pa magbigay ng mahabang paliwanagan kung
bakit ipad at hindi libro ang hawak niya.

Pagkaupung-pagkaupo ay binuksan niya ang larong fruit ninja. Gigil na gigil na


pinagsasamurai ang mga prutas habang nagnanakaw ng sulyap sa dalawang
naglalambingan.
"Yaaaa!"

-----

Sa restaurant malapit sa labas ng campus.

Pinarada ni Alex ang kotse. Magdidinner sina Blake at Marianne. Lumabas ang
dalawang sakay at diretso ang mga itong naglakad papuntang restaurant. Inismiran
niya ang nakatalikod na lalaki. Ni hindi man lang siya nito nagawang tanungin kung
nagugutom ba siya.

Lumabas siya ng sasakyan at naupo sa hood. Maya-maya lang ay nakaramdam siya ng


uhaw. Pumunta siya sa isang kalapit fastfood para bumili ng inumin. Nakita niya
dito si Grace.

"Hi Maya!" bati nito sa kanya.

"Hi!"

Pagkabili niya ng inumin ay lalapitan niya sana ang kaklase upang pansamantalang
makipagkwentuhan habang naghihintay kina Blake. Ngunit biglang nagbago ang kanyang
isip nang makitang may kausap itong isang mama. Sa palagay niya ay tiyuhin o kaya
kamag-anak ito dahil may iniaabot itong allowance sa babae.
Naupo ulit siya sa hood ng kotse at tahimik na pinagmasdan mula sa glass wall ng
restaurant ang kumakaing magkasintahan. Maya't maya itong nagsusubuan at
nagpupunasan ng tisyu. Napahigop siya ng dire-diretso sa straw ng iniinom habang
nakataas ang isang kilay. Nayupi ang plastik na baso sa lakas ng kanyang
pagkakahawak. At nang maubos ang laman ay galit na ishinoot niya ito sa isang
malayong basurahan.

Pagkatapos kumain ng dalawa ay inihatid nila si Marianne sa bahay nito. Naghintay


ulit siya sa isang mahabang paalaman sa harapan ng bahay.

Masigla at nakangiting bumalik ng kotse si Blake. Naupo na ito sa harapan ngunit


hindi pa rin siya nito gaanong kinausap.

Pagdating nila sa bahay ay diretso siya sa kanyang kuwarto. Pabulagsak niyang


isinara ang pinto. Inilapag sa kama ang dalang bag at kaagad na nahiga ng nakadapa.

Paikot-ikot siya sa higaan. Ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam. Magkahalong inis


at lungkot. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Iniisip niyang baka
naninibago lang siya sa sitwasyon ni Blake. Hindi kasi siya sanay na hindi siya
nito pinapansin at pinakikialaman.

Matagal siyang nanatiling nakahiga habang nakatitig sa kisame. Nag-iisip at paulit-


ulit na humihinga ng malalim. Ni hindi niya pa nga nagawang magpalit ng damit.

Tok.Tok.Tok.

Napatingin siya sa pintuan. Nagtataka kung sino ang kumakatok.


Tok.Tok.Tok.

Matamlay siyang bumangon at walang ganang binuksan ang pinto.

Nagulat siya sa nakita.

Si Blake. May hawak itong isang tray na may nakapatong na juice, sandwich at isang
vase na may isang pulang rosas.

"Ano yan?" kunot noong tanong niya.

"I made these for you," nakangiting sabi ng lalaki.

Napaisip siya kung paniniwalaan ang nakikita. Nagdududang tiningnan niya si Blake.

“Akin ba talaga yan?” taas-noong sabi niya nang nakahalukipkip.

“Yes it’s for you. I prepared it with all my heart.”

Napangiti si Alex sa isipan habang unti-unting gumagaan ang pakiramdam. Parang may
biglang lumundag na bagay sa loob ng dibdib niya. Gusto niyang ngumiti ng hanggang
tenga ngunit pinilit niyang itago ang nararamdaman.
"Anong pumasok sa utak mo at pinaghanda mo ako ng pagkain?" kunway tanong niya ng
may nagtatampong mukha.

"I just want to lift up your mood. Kanina ka pa matamlay."

Tiningnan niya ang pagkain.... Ang pulang rosas.... At ang mukha ni Blake.

"Smile," anito

"I said smile..."

Nakasimangot pa rin siya. Nagtataka siya kung seryoso ang kaharap sa ginagawa.
Paano nito nalamang matamlay siya samantalang hindi naman siya nito pinansin
maghapon? Tinitigan niya ng may pagdududa ang lalaki. Matagal silang nagpalitan ng
mga tingin hanggang sa unti-unti rin siya nitong napangiti.

"O ayan ngumiti na! Akin na yang pagkain. Baka naman may lason to ha?" pagtataray
niya kunyari.

Kinuha niya ang tray at tumalikod. Pagkatalikod ay kaagad siyang napangiti.


"Wait where are you going?"

Humarap ulit siya sa lalaki at muling ipinormal ang kanyang mukha.

"Dito sa kuwarto ko."

"No, I want to watch you eat. Baka hindi mo naman galawin yan. I made effort doing
that."

"Huwag kang mag-alala. Gutom ako kaya't kakaiinin ko ito."

"Eat it outside your room."

Walang nagawa si Alex kundi sundin ang mapilit na lalaki. Lumabas siya ng kuwarto
at inilapag sa tabi ng daanan ang tray. Magkatabi silang naupo sa gilid ng pasilyo
at parehong sumandal sa dingding na nagdudugtong sa kanilang magkatabing kuwarto.

Sinimulang kumain ni Alex. Tahimik siyang binabantayan at pinapanood ni Blake. Sa


una ay naasiwa siya ngunit nang masarapan sa sandwich ay bigla siyang ginanahang
kumain.

"Maya..."
Tumingin siya sa katabi. "Bakit?"

"You have ketchup on your lip..."

Papahiran niya na sana ito ngunit biglang pinigilan ni Blake ang kanyang kamay.

"Let me do it..."

Humarap sa kanya si Blake. Marahang pinahiran ng daliri nito ang kanyang labi at
sersoyong tumitig sa kanyang mga mata.

"Y-you missed me today... right?" bulong nito.

Napapalunok na tinitigan niya ang lalaki. Naalala niya ang nangyari buong araw.
Hindi siya makapagsinungaling. Dahan-dahan siyang napatango. Inilapag niya sa tray
ang pagkain at parang batang mangiyak-ngiyak na sinuntok ng marahan sa dibdib si
Blake.

"Sabi mo kasi mababawasan lang ang trabaho ko... Hindi mo naman sinabing wala na
talaga akong gagawin. Pakiramdam ko tuloy wala na akong silbi."

Niyakap ni Blake ang nagdadamdam na babae. "Hindi ka mawawalan ng silbi Maya. As


long as you're beside me, you have a purpose." Hinigpitan niya pa ang akap at
marahan itong tinapik sa likod. "Just stay beside me...that's enough..."
Tumigil si Blake sa pagyakap at muling tinitigan ang dalaga. Hinawakan niya ito sa
magkabilang pisngi. "Manatili ka lang sa tabi ko, it means you've done everything
already Maya."

Natuwa si Alex sa mga narinig. Parang magandang musika sa mga tenga niya ang
binitawang mga salita ni Blake. Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. Bigla siyang
nakonsensiya sa ipinamalas na pagtatampo. “Pasensiya ka na sa inasal ko ngayon.
Promise hindi na ulit ako magtatantrums. Hindi pa lang siguro ako sanay sa inyong
dalawa ni Marianne,” mapagkumbabang sabi niya.

Napangiti rin si Blake nang makitang tunay ang sayang nararamdaman niya at bukal sa
kanyang kalooban ang paghingi ng despensa. Nagpalitan sila ng mga ngiti hanggang sa
dahan-dahan silang nagkatawanan. "In fairness, masarap kang gumawa ng sandwich,”
masiglang komento niya sabay subo ng pagkain sa lalaki.

=================

[25] THE SET-UP DATE


*****

Sa loob ng UP compound, ngingiti-ngiting tinititigan ni Marianne ang nagmamanehong


kuya. “You like her, don’t you?” bigla-biglang tanong niya dito.

“Like? Who?”kunot noong tugon ng nakatatandang kapatid.

“Maya.”

Biglang nasamid si James. “What are you talking about?”

“Come on don’t deny it. I’m your sister, I know you well. This time you’re too
obvious!”

“She’s just a friend at natutuwa lang ako sa personality niya. What makes you said
that?” natatawang pangangatwiran ni James.

“Your aura says so. And I am just wondering bakit bigla-bigla naman ata ay
hinahatid mo ako ngayon dito sa campus. You’re not doing this before. Tell me,
you’re hoping to see Maya right?” namimingwit na ika ni Marianne habang inilalapit
ang mukha sa kapatid.

“It’s not because of her. Meron akong lakad malapit dito so I thought about
dropping you off at the same time. Stop insisting about Maya, okay.”
Biglang may itinuro si Marianne sa tabing kalsada. “Oh Maya is there!” bulalas nito
ng may namimilog na mata.

Bahagyang nataranta at namula ang mukha ni James.

“I was joking! See what I mean,” humahagikhik na ika ni Marianne at pagkuway


pakanta-kantang inasar ang kapatid “You like her....You like her....You like
her...”

“Stop that Marianne I told you she’s my friend,” medyo namumulang ang mga pisnging
saway ni James.

“Paano mo siya naging friend?”

Nag-isip ng ilang saglit ang binata at tumikhim. “S-She’s a younger sister of my


friend...”

“See. Your premise doesn't help you at all. She’s your friend because she is a
younger sister of your friend. If that’s the case, how come I’m not a friend to any
of your friends? And now I’ll ask you, who is more friend to you? Your friend or
your friend’s younger sister? Bakit masyado ka naman atang close at excited
pagdating sa kapatid ng kaibigan mo?”

Napatingin si James sa kapatid. Bigla siyang nagsisi kung bakit hindi niya pinag-
isipang mabuti ang isasagot dito. Nakalimutan niyang napakahirap nga palang bilugin
ng ulo nito.
“...And one more thing, I know your personality. You’re too choosy talking to
people because of your so-called “exceptional IQ status”. You’re friends are almost
like you, people who loves talking about weird stuff. How can you have intellectual
relationship with a girl who is same age as your younger sister? You won’t enjoy
talking to people like Maya unless you’re interested to her.”

“You’re thinking too much, Marianne. And besides, what’s the big deal if I enjoy
talking to Maya? She’s fun to talk to,” napapailing na pahayag ni James.

“How can she relate talking to you?...” Inilapit ni Marianne ang bibig sa tenga ng
kapatid. “I’ve heard from Blake that she’s not that bright.”

Tumawa ng malakas si James. “That’s not true! She is just too naive about many
things but don’t underestimate her. When she put her focus on a certain matter, her
skill, instinct and determination are beyond excellent.”

“Huh? You know her that much?” dudang tanong ng babae.

Napaisip si James. Bigla siyang kinabahan sa muntikang pagkakadulas. “I-I just feel
it dahil sa mga kuwento niya. S-stop asking too many questions Marianne. Let’s
leave Maya alone,” may katigasang ika niya.

Sumimangot si Marianne at medyo nanahimik ng ilang sandali. “Hey...are you not


worried that Maya is too close to Blake?” hirit ulit nito.

“No,” diretsong sagot ni James habang nakatingin sa daan.


“Why?”

“Ano naman ang dapat kong ipag-alala?”

“That Maya might like Blake.”

Bagama’t nakukulitan na sa kapatid, hindi napigilan ni James ang malakas na


pagtawa. “That’s the most impossible thing to happen! Maya will never see Blake as
a man.”

“How can you say that?”

“I just feel it.”

Ngumuso si Marianne at humalukipkip. “There you go again with your ‘I just feel it’
answer.”

Napatingin si James sa kapatid. “Hey bakit ako ang tinatanong mo tungkol diyan? Di
ba dapat ikaw ang sumasagot sa ganyang tanong?”

Ngumiti si Marianne at humingang malalim. “They are just friends, as in like


buddies. I trust Blake. He’ll never fall to girls like Maya. And he loves me. He
chose me among other girls. And if ever he confuses himself again with other women,
I believe he’ll choose me again,” nagmamalaking tono nito.

“That’s a good way to think. I don’t want you to be uncomfortable with Maya. Just
bear in your mind that she is not the type of girl that you have to be jealous of.
Trust these words coming from your older brother.”

“I know! Don’t worry I will treat Maya well for your own sake,” nakangiting sagot
ni Marianne.

“That’s not what I meant Marianne...Don’t do it because of me-”

“Stop!” bulalas ni Marianne.

Biglang napapreno si James.

“There they are. I’m not joking this time.” Nakangiting itinuro ni Marianne ang
naglalakad sa tabing kalsada na sina Blake at Alex. “Dito na lang ako,” excited na
sabi nito.

Nakita kaagad ni Blake ang bumababa sa kotseng girlfriend. Napangiti siya ngunit
kaagad ding dumilim ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita kung sino ang naghatid
sa girlfriend. Mabilis niyang hinawi papunta sa kanyang likuran si Alex.

“Hi!” masayang bati ni Marianne.


“H-hi...” wala sa loob na sagot niya.

Pilit inihaharang ni Blake ang kanyang likod sa kasamang babae. Iniiwasan niyang
makita nito si James.

Nakahalata naman si Alex sa ikinikilos ni Blake. Tinatakpan siya nito na tila may
ayaw ipakita. Ilang beses siyang nagpumilit makadaan ngunit panay harang nito sa
sarili. Nang hindi na siya makatiis ay itinulak niya ito. Muntik ng mapasubsob ang
lalaki buti na lamang ay nahawakan ito ni Marianne.

“Ano ba Blake? Kanina ka pa ah!” singhal niya.

“Seriously Maya! Do you have to push me that hard?” reklamo ng lalaki.

“Bakit mo ba kasi ako tinatakpan? May itinatago ka ba?!”

“W-wala...” napapalunok na sagot nito.

Pagsasabihan niya pa sana ang lalaki ngunit bigla niyang natanaw si James. Agad na
naglaho ang pagkainis niya’t nabuhayan siya ng dugo. Kinawayan niya ito. Nang
lalapit na siya sa nakaparadang sasakyan, hinawakan siya ni Blake sa kamay. Hinila
siya nito at mabilis na naglakad papalayo. Nagtatakang sinundan naman sila ni
Marianne.
“Teka. Teka lang Blake. Babatiin ko lang si James!”

“There’s no time for you to do that. Mali-late na tayo sa klase!”

Nagpupumiglas siya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Blake.


Wala siyang nagawa kundi ang kawayan na lamang ang kasamahang pulis habang hinihila
siya papalayo ng kasama.

Nang bitawan ni Blake si Alex ay agad-agad itong nilapitan ni Marianne. Ang lalaki
naman ang hinatak nito papalayo. Lihim ang mga itong nag-usap kung saan hindi dinig
ni Alex.

“Anong ginagawa mo Blake? Why are you reacting that way?”nagtatakang tanong ni
Marianne.

“Didn’t you hear what I say? We have a class.” kaswal na katwiran ng lalaki.

“Yeah I know but I know your schedule today. That will be after an hour pa.”

Biglang hindi nakasagot si Blake. Napasuklay ito ng kamay sa buhok sabay iwas ng
tingin sa girlfriend.

“Teka nga muna?” Nagdududang tinitigan ni Marianne ang kausap nang napapahimas sa
baba at may naniningkit na mga mata.
“What? What are you thinking?” tensiyonadong tanong ng lalaki.

“Ipinagdadamot mo ba ang kaibigan mo sa kapatid ko?” may lambing na sumbat ng


babae.

“Bakit ko naman gagawin yun? Do I own her?” napapalunok na tugon ni Blake.

“Then bakit ayaw mong ipakausap sa kapatid ko si Maya?”

Nag-isip ng idadahilan ang lalaki. “I-I don’t want your brother to be involved to a
girl like her.”

“Why?”

“B-Because...because your brother doesn't deserve a girl like her! Maya is not that
intelligent. She’s not that attractive. She’s not that feminine...I think your
brother deserves someone better!”

“You can’t do anything about that because I think my brother really likes
Maya....”Bigla nagbago ang reaksiyon ng mukha at tono ni Marianne. Ngumiti ito ng
abot tenga at kinikilig na humawak sa braso ni Blake. “So you have no choice but to
help me set them up for a date!”

“WHAT?!!!”
Nagulat si Marianne sa sigaw ng boyfriend. “What’s with the violent reaction
Blake?”

“A-are you joking Marianne?” tanong ni Blake nang may hindi makapaniwalang mukha.

“No I’m not.”

“Then I don’t agree,” matigas na wika ng lalaki.

“Bakit hindi ka pumapayag?”

“I told you the reason why. Concern lang ako sa kapatid mo.”

“There’s no need for you to be concerned. My brother is smart enough to choose the
woman he likes.”

“Good for him then... But still I don’t agree.”

Nagseryoso si Marianne at tumingin ng diretso sa mga mata ng boyfriend. “I don’t


want to ask you this Blake... But do you like Maya?”
Ilang saglit bago nakapagsalita si Blake. Nang matauhan mula sa nakakasurpresang
tanong ng girlfriend, natatawang tinitigan niya ito.“You’re being ridiculous
Marianne. How can you think that way?”

“Then help me with Maya if you don’t want me to think that way. If you still
reject, then wala akong ibang nakikitang dahilan sa pagtanggi mo, it’s either you
like her or you’re jealous.”

Bumuntong-hininga si Blake at palihim na napakuyom ng mga kamay. “Fine...Do


whatever you want to do with Maya but don’t expect me to cooperate. I don’t do
stuff like that,” mahina’t napipilitang sagot niya.

Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Marianne. “Really?!!! There’s nothing much for
you to do Blake. I’ll do all the talking. Ang gagawin mo lang is just to bring Maya
along with you sa mga lugar na sasabihin ko.”

Malambing itong yumakap sa braso ng boyfriend. “Thank you. I know na hindi mo ako
matitiis.

Binigyan ni Blake ng pilit na ngiti si Marianne habang pinipigilan ang pangngalit


ng mga mata at pagngitngit ng mga ngipin.

------

Sa loob ng mall, pumipili si Marianne sa isang outlet ng pambabaeng damit habang


patingin-tingin sa katawan ni Alex. Bubuntot-buntot lamang si Blake sa girlfriend
samantalang nakatayo naman sa isang tabi ang dalagang pulis at pinagmamasdan ang
namimiling magkasintahan.

Nang may mapili ay tinawag ni Marianne si Alex. “Maya come here.”

Lumapit si Alex.

“Fit these dresses,” utos nito.

Naguluhan si Alex sa narinig. “Anong sabi mo isusukat ko? Ako?” napapaturo sa


sariling ika niya.

Nakangiting tumango si Marianne.

Nagtatakang tiningnan ni Alex ang dalawang kasama. Natural at maaliwalas ang mukha
ni Marianne samantalang hindi naman makatingin sa kanya ng diretso si Blake.

“At bakit ko naman isusukat to? Hindi ako nagsusuot ng ganitong mga damit,”
umiiling na tanggi niya.

Lumungkot ang mukha ni Marianne at nagpapaawa itong nagsalita. “Maya I hope you can
help me. I’m doing a research work about blind dating. I hope you can do it for me.
As much as I want to do it myself, but I think it’s going to be unfair to Blake
kung basta-basta na lang ako makipagblind date.”
Mas lalong naguluhan si Alex. Napangisi siya nang makuha ang gusting tumbukin ng
babae. “Sinasabi mo ba na magsusuot ako ng ganitong damit at...makikipagblind
date?”

Maamong tumango si Marianne.

Di sinasadyang napahalakhak si Alex. “Sorry Marianne pero hindi ko kayang gawin


yan. Bukod sa hindi ako komportable sa ganitong mga damit ay ni minsan hindi ko pa
naranasang makipag-date baka masira lang lalo ang research mo. Siguro maghanap ka
na lang ng ibang gagawa niyan para sayo,” nagpipigil ng tawang sabi niya.

Nanlumo bigla ang mukha ng kausap. “Too bad. I already set up the date tonight.
Nagback out kasi ang gagawa dapat nito para sa akin and my papers is due three days
from now. I don’t have much time left if ire-reschedule ko pa. Pero kung hindi mo
talaga kaya then I can’t do anything but to do it myself.”

Natigilan siya sa mahinang pagtawa. Unti-unting nanlambot ang kanyang kalooban


hanggang sa bigla siyang nakonsensiya. “M-Makikipagdate ka? Paano si Blake?”

Hindi sumagot ang babae. Nakayuko lamang ang malungkot na mukha nito. Tiningnan
niya si Blake. Naghihintay siya na marinig ang opinyon nito. Ngunit nanatiling
tahimik lamang ito at hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya. Nakaramdam siya
ng awa’t pag-aalala. Baka dahil dito’y mag-away ang dalawa.

“O sige na. Sige na. Gagawin ko na.”


Agad-agad na napaangat ng mukha si Marianne nang may nangingislap na mga mata.
Halos mapalundag ito sa tuwa.“Talaga?!”

“G-Gagawin ko na kesa hindi mo matapos yang paper mo...basta tuturuan mo ako ng


maayos sa mga gagawin ko ha.”

“Oo. Oo. I’ll orient you well sa mga sasabihin mo.”

Iniabot ulit ni Marianne ang mga damit kay Alex.

“Here, fit these dresses na.”

“Kailangan ba talagang ganitong klase ng damit ang isusuot?” reklamo ni Alex.

“Yap. It has to be formal. As a researcher you should really feel na you’re a girl
who’s willing to prepare for an exciting date.”

Walang nagawa si Alex kundi isukat ang mga damit. Paulit-ulit siyang lumabas sa
dressing room upang ipakita sa magkasintahan ang kanyang hitsura. May mukhang pang-
opisina, mayroong parang magbaballroom dancing, merong mukha siyang GRO, merong
mukha siyang sales agent, at meron namang para siyang abogada. Marami siyang mga
naisukat at lahat ay reject sa dalawa hanggang sa lumabas siya na ang suot niya ay
isang puting off shouldered long sleeve mini dress na gawa sa lace.

Hapit ito sa katawan niya kaya kita ang hubog ng kanyang beywang at manipis na
tiyan. May kaiiksian din ito dahilan malantad ang kanyang mga hita. Inilugay niya
na rin ang mahabang buhok upang ibagay sa babaeng-babaeng dating ng damit. “Ano
tama na ba ito? Kanina pa ako nagsusukat ha. Sana maintindihan niyo na nakakapagod
din ito,” protesta niya.

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Marianne. “Wow Maya! You’re beautiful. Who


would have thought that you have such a nice body. Why do you keep hiding it?”
namimilog ang mga matang puri nito.

“Ah-eh huwag nating pag-usapan ang katawan ko. Ang pag-usapan natin ay ang damit.
Kanina pa ako nangangalay sa kakapalit at kakamodel sa harapan niyo.”

Tiningnan ni Marianne mula ulo hanggang paa si Alex. “ Hmmm...I think it’s perfect
na! What do you think Blake?”

Hindi sumagot si Blake. Nakanganga pa rin siya sa pagkamangha sa hitsura ng dalaga.


Gaya ng unang beses niya itong nakitang nagsisit-up, hindi ulit siya makapaniwala
sa pagbabagong-anyo nito.

“Blake are you okay?” Niyugyog nito ang kanyang braso.

Natauhan siya at patay malisyang tumingin sa girlfriend.“What were you saying?”

“I’m asking you kung sa palagay mo okay na yung dress na yan?”

Sasang-ayon na sana siya ngunit bigla niyang naisip na makikita ito ni James. Tiyak
niyang mas lalo itong magugustuhan ng binata pagnagkataon.
“No! It’s not pretty!” madiing pagsalungat niya.

“What are you talking about Blake? I think it’s perfect for her,”nagtatakang wika
ni Marianne.

“Hindi bagay sa kanya!”

Lumapit si Blake sa iba pang mga pinagpipiliang damit. Dinampot niyaang mukhang
pang-opisinang kasuotan. “This one is better.”

“What’s wrong with your taste Blake? The dress that your holding is a big no!”
tutol ni Marianne.

“But the one she’s wearing now is uglier!” komento ng lalaki.

Nagsimulang magtalo ang magkasintahan.

“I say yes to that white dress,” pilit ng babae.

“I say no!”
Inilapit ni Marianne ang mukha sa boyfriend at tinitigan ito.

“Yes!”

Tinitigan din ni Blake ang girlfriend.

“No!”

“Yes!”

“No!”

Biglang nalito si Alex kung sino sa dalawa ang pakikinggan. “SANDALI! SANDALI!”

Tumigil ang dalawa sa pagtatalo at sabay na napatingin sa sumigaw.

“Pwede ba tumigil na kayo! Pwes kung hindi kayo magkasundo, ako ang magdedesisyon
tutal ako naman ang magsusuot. Napapagod na ako sa kakapalit.”

Tumahimik bigla ang dalawa at parehong nag-abang na sasabihin ni Alex. “...Itong


puting damit ang isusuot ko.”
Pumalakpak si Marianne sa tuwa. Samantalang agad-agad uling tumutol si Blake.
Nilapitan nito si Alex at pilit pa ring sinusubukang kumbinsihin.

“Maya believe me it doesn’t look good to you. You look like....”

“Like ano?” dudang tanong ng dalaga.

Pansamantalang nag-isip ng isasagot niya si Blake. “Like...like a grandmother!”

Inismiran lamang ni Alex ang lalaki. “Kilala kita Blake, mas gusto mo yung
magmumukha akong pangit. Tigilan mo na nga yang style ng pang-aasar mo akala ko pa
naman nagbago ka na.”

------

Mag-isang nakaupo si Alex sa pandalawahang mesa sa isang mamahaling restaurant.


Wala pa ang kanyang makaka-date. Maya’t maya siyang napapayuko sapagkat hiyang-hiya
siya sa kanyang hitsura. Inayusan siya ni Marianne at mineykapan. Paikot na
tinirintas nito ang gilid ng kanyang buhok at nilagyan ng magandang pin. Panay hila
niya pababa sa suot na maiksing damit. Maya’t maya niya ring hinuhubad ang suot ang
sapatos na may matataas na takong.

Nasa loob naman ng nakaparadang kotse sa harap ng restaurant sina Blake at


Marianne. Tinatanaw ang mesang kinauupuan ni Alex na nasa tabi lamang ng salaming
bintana. Maya’t mayang napapainom ng mineral water si Blake samantalang abala naman
sa kaka-text sa kanyang kapatid si Marianne.
“Where’s your brother now? Don’t you think it’s better to cancel na lang this
date?” pamimiresyur ng lalaki sa girlfriend.

“He replied kanina. Nangako siyang pupunta, may tinatapos lang daw siyang work,”
natatarantang sagot ng babae.

“But he’s very late. Kawawa naman si Maya!”

“Pwede ba Blake huwag mo naman akong masyadong ipressure. Fifteen minutes late pa
lang naman ang kapatid ko ah.”

“Call him again. If after fifteen minutes wala pa siya. Maya and I are going
home,” iritableng salita ni Blake.

“I tried calling him kanina pa but he doesn’t pick up my call....Huh there he is,”
nakangiting wika ni Marianne sabay turo sa naglalakad na kapatid papasok sa
restaurant.

Kaagad na napatingin si Blake sa itinuturo ng girlfriend. Bigla siyang kinabahan sa


narinig. Kanina pa niya inaasam-asam na sana ay huwag sumipot si James.

Napapailing ng ulo si James habang naglalakad papasok ng restaurant. Kung hindi


lamang sa kapatid ay hindi niya gagawing makipagblind date. Pagkapasok niya ay
kaagad niyang itinanong ang numero ng table na sinabi sa kanya ni Marianne. Itinuro
ito ng waiter. Nakita niya ang likuran ng isang babaeng nakasuot ng puting damit.
Lumapit siya dito. Ang unang naisip niya ay ang humingi ng despensa sa pagkakalate
niya. Nang makalapit siya sa table ay hindi kaagad siya naupo. Tumayo muna siya sa
tabi nito upang itanong sa babaeng nakayuko kung tama ang mesang kanyang nilapitan.

“Excuse me miss. Ikaw ba ang pinapunta dito ni Ms. Marianne Corpuz?”

Nanlaki bigla ang mga mata ni Alex nang marinig ang pamilyar na boses. Kaagad
siyang napaangat ng ulo.

“Inspektor a-anong ginagawa mo dito?”

Pansamantalang hindi nakakibo si James sa nakita. Katulad ng dalaga. Gulat na gulat


din ito.

“How about you? Anong ginagawa mo dito inspector?”

“P-pinapunta ako dito ng kapatid mo para sa blind date dahil daw sa research niya.”

Natawa si James nang unti-unting mapagtanto ang sitwasyon. “Ahhh...That sister of


mine is really a naughty girl. Yan din ang sinabi niya sa akin,” sabay hingang
malalim.

Naupo si James sa tapat ng dalaga. “Well, andito na rin lang naman tayo. Why not
take this opportunity para magkakwentuhan tayo ng mabuti.”
Napangiti si Alex. Mas gusto niya rin ang nangyari dahil magkakaroon sila ng
pagkakataong magbalitaan tungkol sa trabaho.

Nang unti-unting matanggal ang pagkabigla ay napatingin si James sa kaharap. Saka


niya lamang napansin ang nakakapanibagong hitsura ng dalagang pulis.

Kaagad na nabasa ni Alex ang ibig sabihin ng mga tingin ng binata. Nahihiyang
tinakpan niya ng isang kamay ang mukha at napayuko. “Huwag mo akong pagtawanan.
Kagagawan to ng kapatid mo.”

Ngumiti si James. “Bakit naman ako matatawa. I think you look great tonight,”
kaswal na puri nito.

“Huwag mo nga akong bolahin Inspector Corpuz! Kung pinagpraktisan mo man ang date
na to, huwag mo ng i-apply.”

“I’m not joking,” diretsong sabi ni James sabay tawag sa isang waiter.

“Ano bang naisip ni Marianne at biglang isinet up tayong dalawa?” tanong ni Alex.

“She is insisting that there’s something going on between us. She doubts our
friendship. Which is sa palagay ko hindi natin siya masisi sa iniisip niya unless
we tell her the whole truth,” kibit-balikat na ika ni James.

Lumapit ang isang waiter na may dalang menu. Binigyan nito ng tig-isa ang dalawang
kostumer.

“Buti na lang ikaw ang kaharap ko ngayon Inspektor Corpuz at least hindi ako
magpapakagirl kumain. Nagutom pa mandin ako dahil sa pag-aayos.”

Natawa ang binata. “I’d love to see that too. Matagal-tagal na rin kitang hindi
nakikitang nagsasalita habang punung-puno ng pagkain ang bibig... By the way, nasan
pala ang binabantayan mo?”

“Andyan sa labas. Nasa kotse kasama ang magaling mong kapatid. Mukhang tayo naman
ang minamanmanan ngayon.”

Sa loob ng sasakyan ay gigil na gigil ang pagkakakapit ni Blake sa manibela habang


tinatanaw sina James at Alex. Kanina niya pa gustong hilahin papalabas ng
restaurant ang dalaga sa tuwing nakikita niya itong nakikipagngitian sa kausap.

Si Marianne naman ay walang mapaglagyan ng kakiligan.

“Blake I think we should leave na. Hayaan na natin silang dalawa. I’m sure ihahatid
naman ng brother ko si Maya.”

“We’re not going anywhere,” madiing sagot ni Blake habang nakatingin pa rin ng
masama sa dalawang nagdidate.

“Anong gagawin natin dito? Tatanga lang ba tayo habang hinihintay silang dalawa?”
Nag-isip ng ilang sandali ang lalaki at unti-unting ngumisi. “We’re going to have a
date too.”

“Ano? Saan?” nagtatakang tanong ni Marianne.

“In that same restaurant. Let’s go inside.”

Kaagad na lumabas ng sasakyan si Blake. Wala namang nagawa si Marianne kundi


sumunod sa desididong-desididong boyfriend.

“Uh-uh the culprits are coming inside,” ani James habang hinihiwa ang steak at
nakatingin sa papasok na sina Blake at Marianne.

Napalingon sa kanyang likuran si Alex. Naglalakad papalapit sa kanilang direksiyon


ang magkasintahan. Naupo ang mga ito sa malapit na kahilerang mesa at tanging isang
bakanteng mesa ang kanilang pagitan . Ngumiti at kumaway sa kanila si Marianne
samantalang napansin niya kaagad ang masasamang titig sa kanya ni Blake.

Nginusuan niya ang lalaki kaya pala kanina pa hindi ito makatingin ng diretso sa
kanya dahil kasabwat ito sa plano. Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain at habang
sumusubo, bigla siyang may naisip na plano. Ngingisi-ngising tumingin siya kay
James.

“What’s with that naughty smile?” tanong ng binata.


“Naisip ko lang. Ginoodtime tayo ng dalawa, bakit hindi din natin sila i-playtime?”
sagot ni Alex ng may pilyang mga ngiti.

“Anong gagawin natin?” tanong ni James.

Lumapit sa tenga ng binatang pulis si Alex at bumulong. Bahagyang natawa ang binata
sa sinabi ng kausap.

Ilang saglit pa ay nagbago ang mood sa table nina Alex at James. Biglang naging
sweet ang pag-uusap ng dalawa. Walang tigil sa palitan ng mga ngiti at titigan.
Maya’t maya ring nagtatawanan.

“Alam mo James, masarap tong inorder kong pagkain. Gusto mong tikman?” may
kalakasang sabi ni Alex upang iparinig ito sa kalapit na mesa.

“Sure.”

Kumuha ng pagkain si Alex at tinangkang subuan ang binata. Nagdalawang-isip muna si


James kung tatanggapin ang alok na pagkain ngunit pinandilatan siya ng dalagang
pulis bilang senyas na sakyan niya ang ikinikilos nito. Kaagad naman siyang sumunod
at ngumiti matapos subuan.

“Hmmm...It’s good,” napapathumbs-up na tugon niya.

Nasaksihan ni Blake ang nangyaring subuan. Galit na galit na hiniwa niya ang steak.
Nanginginig ang nakahawak na mga kamay sa kutsilyo at tinidor.
“Blake stop staring at them,” saway ni Marianne.

“I’m worried baka biglang magkalat yan si Maya. Alam mo naman yan on and off ang
breeding. I don’t want your brother to be embarassed.”

Sa kabilang table naman ay biglang hinawakan ni James ang nakapatong sa mesa ng


kamay ni Alex. Nagulat ang dalaga. Naasiwa din siya sa una ngunit sumenyas din ang
mga mata ng lalaki na sakyan niya ang ginagawa nito.

“Maya, do you know how beautiful you look tonight?”

Ngumiti si Alex at iniabot pa lalo ang kamay sa binata. Umarte siyang parang
kinikilig. “Ikaw naman James. Parang sinasabi mong ngayong gabi lang ako maganda.
Akala ko ba lagi akong maganda sa mga mata mo?” malakas at malambing na wika niya.

Nakita ulit ni Blake ang nangyari at hindi na niya natiis ang sarili. Pabulagsak
niyang inilapag ang hawak na tinidor at steak knife.

“I think this is enough Marianne.”

Tumayo siya. “Maya and I are going home now. I forgot my grandfather requested us
to be home early. Hindi na kita mahahatid I guess you can go home with your
brother.”

Tumalikod siya at iniwan ang hindi makapagsalitang girlfriend. Lumapit siya sa


table ng magkadate. Hinawakan niya sa braso ang dalaga at pilit na inihiwalay ang
nakahawak nitong kamay kay James.

“Anong ginagawa mo Blake?” gulat na gulat na sabi ni Alex.

“Stand up. We’re going home now!” madiing utos ni Blake.

“Hindi mo ba nakikitang nasa kalagitnaan ako ng date?” ngingisi-ngising wika ng


dalaga na halatang inaasar pa lalo ang napipikong lalaki.

Lalong namula sa galit si Blake. “I SAID LET’S GO HOME!” sabay hatak niya papatayo
sa dalaga.

Napatayo naman si Alex at umaarteng nanlalaban sa paghila sa kanya ni Blake. Habang


kinakaladkad siya papalabas ng pinto ng lalaki ay nakangiting kinakawayan niya si
James.

“Bye James! Hihintayin ko ang tawag mo tonight! Tawagan mo ako kaagad ha ayaw
kitang ma-miss!”

“STOP FLIRTING MAYA!” nanggagalaiting singhal ni Blake.

Gumanti ng kaway at matamis na ngiti si James. “I’ll surely call you tonight!”
Nang makalabas sina Alex at Blake ay hindi napigilan ni James ang tumawa ng
malakas. Lumapit sa kanya ang seryosong si Marianne na naupo sa inalisang pwesto ni
Alex. Tulala ang mukha nito. “Why are you laughing? Anong nakakatawa sa nangyari?
Do you even realize what just happened?”

Tumigil sa pagtawa ang binata. “Yeah I know what just happened. Your childish
spoiled brat boyfriend couldn’t stand the fact that Maya was actually enjoying the
night.”

“No! Blake is jealous!” bulalas ni Marianne.

Tatawa-tawa uling sinagot ni James ang kapatid. “He is not jealous. He is pissed
off because he is a possessive guy. Naiirita siya kapag nakikita niyang may ibang
taong binibigyan ng special attention ang taong malapit sa kanya. That’s a spoiled
brat syndrome Marianne.”

“But again, I saw jealousy in his eyes! They were the same eyes that I saw the
last time na nag-usap kayo ni Maya during the fashion show!”

Biglang nagseryoso ng mukha si James. “Don’t give deeper meaning sa nangyari


Marianne. I told you not to think that way. Maya is not that kind of girl.”

“I’m not afraid of Maya....I’m afraid of Blake,” naluluhang sabi ni Marianne.

“You’re thinking too much. Let’s go home,” sabay senyas ng binata sa waiter upang
hingin na ang bill.
=================

[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD

*****

Hindi pa sumisikat ang araw ay nagjojogging na si Alex sa isang malapit na parke.


Ilang oras siyang tumakbo at tumigil lamang siya nang matantiya kailangan niya nang
umuwi upang mag-ayos para sa klase.

Masigla niyang tinunton ang daan pauwi. Nagpupunas siya ng pawis at iniuunat-unat
ang mga braso at ang leeg.

“Ay sorry po!” wika niya nang may matamaang kasalubong na mama habang nag-iinat ng
braso.

“Okay lang miss,” sagot ng lalaki sabay tango sa kanya.

“Sorry po ulit,” nahihiyang paumanhin niya ulit saka muling nagpatuloy sa


paglalakad.
Makailang dipa pa lamang ang nalalakad niya’y bigla siyang napahinto. Lumingon siya
sa likuran at muling tiningnan ang likod ng naglalakad na mama. Nakasuot ito na
polo at slacks bitbit ang isang messenger bag. Nag-isip siya ng ilang sandali.
Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi niya lamang matandaan kung saan niya
ito nakita.

Nang wala siyang maalala ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ngunit nang nasa
harapan na siya ng gate ng mansiyon nina Blake ay bigla siyang napahinto. Nagbalik
sa isipan niya kung saan niya nakita ang lalaki....Siya ang kausap ni Grace sa
fastfood.

Bigla siyang nagtaka kung ano ang ginagawa ng mama sa ganito kaeksklusibong
village. Napailing siya. Marahil ay malapit dito ang pinapasukang trabaho nito.
Ngunit kaano-ano ito ni Grace? Sa pagkakaalala niya ay may iniaabot itong pera sa
kaklase nang makita niya. Hindi niya naman ito ama dahil naikwento nito na nasa
probinsiya ang kanyang mga magulang at nagboboard lamang siya sa loob mismo ng UP
campus. Baka naman kamag-anak ito ng babae.

Itinigil niya ang malalim na pag-iisip at pumasok ng gate. Masaya siyang


nakipagbatian sa mga guwardya. Subalit makailang hakbang ulit ay muli na naman
siyang napahinto. May unti-unting umuusbong sa dibdib niya na hindi niya
maintindihan kung ano. Naisip niya ulit si Grace...Si Grace, ang babaeng maraming
alam tungkol kay Blake. Siya rin ang bukod tanging kaklase na may eksaktong-
eksaktong kahalintulad nila ni Blake ng schedule ng mga klase.

Nanlaki ang mga mata niya sa namumuong hinala. Patakbo siyang pumasok sa loob ng
bahay. Nagmadaling umakyat ng kanyang kuwarto at pagkapasok na pagkapasok dito ay
kaagad niyang hinagilap ang cellphone.

“Hello Inspector Corpuz.”


“Good morning Inspector Valdemor. Ang aga mo atang napatawag. Are you still trying
to pull off the act na namimiss mo ako?” pabirong bungad ng binata.

Natawa naman muna ng bahagya si Alex nang maalala ang mga nangyari sa date nila.
“Good morning. Pasensiya ka na kung maaga akong tumawag. Naistorbo ba kita?”

“It’s okay. I’m already preparing papuntang headquarters. Meron ka bang sasabihing
importante?”

“May iemail ako sayong pangalan at litrato ng isang babae. Isa siya sa mga kaklase
ni Blake. Sayo ko lang muna sasabihin ito dahil hindi pa ako sigurado sa kutob ko.
May nakasalubong akong isang lalaki ngayong umaga dito sa compound nina Blake na
minsan ay nakita ko ring kausap ng babaeng ito. Medyo malapit itong classmate na to
sa akin kung kaya’t madalas ko itong makakwentuhan. At isa sa mga napansin ko ay
marami itong nalalaman tungkol kay Blake.”

“Okay. I will search about her infos. Isama mo na rin sa e-mail mo yung mga
personal information na naikuwento niya sayo. And if we found some conflicts, I
think we have to investigate her more or pasusundan din natin siya.”

“Sige gagawin ko inspektor. Sa ngayon tutukan ko rin ang taong ito. Salamat. Bye.”

“Wait, inspector. I just want to tell you something,” habol ni James.

“Ano yun Inspector Corpuz?”

Bumilang ng ilang segundo bago nakapagsalita ang binata. “I-I hope you’re not
getting yourself too attach to Blake Monteverde. I assume na hindi pa rin nawawala
sa isip mo that everything about him is temporary...”

Natigilan si Alex sa narinig. “I-Inspektor anong ibig mong sabihin?”

“I don’t mean anything big. I’m just saying...you know to remind you as a friend
before someone else get hurt especially you or maybe Blake...”

“I-inspector ba-bakit ka nagsasalita ng ganyan?”

“Everything is just part of our job, Inspector Valdemor...That’s all. Bye...”

“B-Bye....”

Nakanganga at natutulalang ibinaba ni Alex ang telepono. Parang may dumapong palad
sa kanyang pisngi kasabay ng pagbuhos sa ulo ng isang baldeng tubig. Sapol ang tama
sa dibdib niya ng mga huling salita ng kasamahan. Tila nagising siya sa isang
malalim na pagkahimbing at unti-unting natauhan sa sitwasyon nila ni Blake. Batid
niyang kaya nakapagsalita ng ganoon si James dahil napansin na nito ang pagiging
malapit niya sa binabantayan. Maaring napupuna nitong unti-unti niya nang
nakakalimutan ang dahilan kung bakit nasa tabi siya ni Blake.

Nadadala na siya ng sitwasyon. Hindi niya alam pero iba ang saya at pagiging
komportable niya sa bawat sandaling kasama niya si Blake. Pakiramdamdam niya ay sa
lalaki niya nararanasan ang maraming bagay na hindi niya napagdaanan nung siya’y
teenager pa lamang. Pansamantala siyang nakalimot. Nakalimutan niyang trabaho lang
si Blake. Nakalimutan niyang dahil sa hinayaan niyang magkalapit sila ay maaring
may masasaktan isa man sa kanila sa bandang dulo.
Tok.Tok.Tok.

Nanghihinang binuksan niya ang pinto. Tinitigan siya ni Blake mula taas hanggang
baba.

“You’re not ready yet?”

“K-kakatapos ko lang magjogging...”

Napansin ni Blake ang pananamlay niya. Napatingin din ito sa hawak niyang
cellphone. “What’s wrong with your face? Did you just receive a bad news?” nag-
aalalang sabi nito.

“W-wala. Nasobrahan lang siguro ako sa jogging.”

“Then hurry up. We’re having breakfast now.”

“Ma-mauna na kayong kumain Blake kasi maliligo pa ako. Sa-sasabay na lang ako kina
Manang Cora.”

“No. We will wait for you. Alam mo naman si Lolo, gusto niyang kasama ka lagi sa
mesa pag kumakain.”
Natigilan ulit si Alex. Pati nga rin pala kay Don Henry ay napapalapit na siya
masyado. “S-sige. B-bibilisan ko na lang...”

Paano na pag nabuking na siyang pagkukunwari lang ang lahat?

-----

Pagdating sa hapag kainan ay nanatiling tahimik si Alex ngunit pilit itinatago ang
pananamlay.

“Blake I want to invite your girlfriend tonight for a dinner,” ani Don Henry.

Natigilan sa pagsubo ang lalaki.“L-Lolo I’ll ask her first. I can’t say yes now.
I’ll call you later after I talk to her. Sana sinabi niyo ng mas maaga so she can
ready herself.”

“Bakit kailangan niya pa bang ihanda ang sarili para sa pakikipagkilala sa lolo mo.
Can’t she just act naturally. Can’t she be like Maya? Someone who’s willing to show
her real color na walang halong anumang pagkukunwari,” komento ng matanda.

Muntik ng mabilaukan si Alex sa narinig. Dali-dali siyang napainom ng tubig at


napayuko.

“That’s not what I mean grandpa. Of course you can’t blame her na kabahan siya
kapag kaharap kayo. It’s natural,” paliwanag ni Blake habang napapatingin sa
nasamid na babae.

“Bakit si Maya hindi man lang nati-tense kapag kaharap ako?”

“Eh Don Henry. Iba naman po kasi ang sitwasyon ko. Kaibigan lang po ako ni Blake,
hindi naman po ako girlfriend,” mapagkumbabang katwiran ni Alex.

“Ikaw Maya kapag makakaharap mo ba ang lolo ng boyfriend mo ay ninerbyosin ka rin?”


tanong ng matanda.

“H-hindi ko po alam. Hindi ko pa po kasi nararanasan ang ganyang bagay. Pero siguro
po kasi mag-aalala din po ako na baka hindi ako magustuhan. Natural lang naman ho
yata yun.”

“Do you personally know the girlfriend of my grandson?”

“Opo.”

“What can you say about her. Bilang malapit na kaibigan ni Blake ay mahalagang
marinig ko ang opinyon mo tungkol sa kanya.”

Nagkatinginan sina Blake at Alex. Nginitian ng dalaga ang lalaki bilang pahiwatig
na huwag itong mag-alala sa kanyang sasabihin.
“Mabait po ang girlfriend ni Blake. Hinding-hindi ho kayo madidismaya kung sakaling
siya ho ang mapiling babaeng pakakasalan ng apo niyo. Matalino, maganda, masayahin
at mahal na mahal ho nun si Blake. Tiyak kung maaalagaan ho siyang mabuti nun.”

“Blake can you marry someone who has personality like Maya?”

Nasamid uli si Alex.

“Then why don’t you ask Maya to marry me. I’m more than willing to accept her.
Habambuhay kong tatanawin sayong utang na loob yan lolo,” sabay ngisi ni Blake sa
dalaga nang di malaman kung nagbibiro o seryoso.

Nginusuan ni Alex ang lalaki.

“Oo nga naman Maya. Close na close kayo ni Blake pero bakit nga naman hindi mo
magustuhan ang apo ko? Napapangitan ka ba sa kanya?”

Nagsimulang mamula ang mga pisngi ni Alex. “Sinabi ko naman ho sa inyo dati na
hindi ako mahilig sa prinsipe,” pahayag niya sa matanda.

“Blake is not a prince forever. Sooner or later he will become a king. Ayaw mo pa
rin?”

“Mas lalong ayaw ko po.”


“Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki? Masyado ka yatang pihikan kaya hindi ka
nagkakaboyfriend?” pangungulit pa rin ni Don Henry.

“Hindi po ako pihikan. Ayaw ko pa lang ho talagang makipagrelasyon. Masaya na po


ako sa buhay ko.”

Dudugtong pa sana si Don Henry ngunit kaagad itong pinutol ng dalaga.

“Tama na po. Huwag niyo po akong pagtulungang maglolo. Ibalik po natin sa


girlfriend ni Blake ang usapan,” sabay yuko ni Alex upang itago ang namumulang mga
pisngi samantalang lihim namang nagngisian at nagkindatan ang maglolo.

------

Sa sasakyan, tahimik at seryoso pa rin ang mukha ni Alex habang nagmamaneho. Hindi
mawala-wala sa isipan niya ang narinig mula kay James. Walang pasabing idinampi ni
Blake ang kamay nito sa leeg niya.

“May sakit ka ba?” anito.

“W-wala...”

“Do you want me to drive?”


Umiling siya.

“Kanina ka pa kasi matamlay. I’m starting to miss your smile,” biro nito.

Naantala ang kanilang pag-uusap nang tumunog ang telepono ng lalaki.

“Hello Hayden.”

Patingin-tingin sa kanya si Blake habang nakikipag-usap. Sinesenyasan siyang wala


itong balak sumama sa pagyayaya ng kaibigan.

“Sorry bro, can’t go out tonight. I might have a dinner with grandpa. Bawi na lang
ako next time. Bye.”

“Napapansin ko lang. Bakit nga pala mukhang hindi ka na nagsasama lately sa


barkada?” tanong niya nang ibaba ng lalaki ang cellphone.

“I don’t want to upset someone,” sabay baling ni Blake ng tingin sa mga nadadaanang
gusali.

“Mabuti naman kung ganoon. Mukhang maganda nga ang epekto sayo ni Marianne.”
“It’s not Marianne.”

“Sino ang lolo mo?”

“No.”

“Eh sino ang ayaw mong magalit?”

Seryosong tumingin si Blake sa katabi. “You.”

Natameme si Alex. Napapalunok na ibinaling niya ang buong atensyon sa daan. Di niya
magawang tumingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

“B-bakit naman ako?” tanong niya makalipas ng ilang sandaling pananahimik.

“I can’t handle your anger,” diretsong sagot ni Blake.

Muling nanahimik si Alex. Bawat segundong dumadaan ay pabigat ng pabigat ang


nararamdaman niya. Hindi niya alam kung dahil nakokonsensiya siya o dahil
napaalalahanan siyang may hangganan ang pagiging malapit nila ni Blake sa isa’t
isa.
“B-Blake....”

“Yes?”

“Na-nasaktan ka na dati ni Marianne di ba?” tanong niya habang nakatuon pa rin ang
mga mata sa daan.

“Yes.”

“Ma-madali ka bang magpatawad?”

“It depends on the pain.”

“Pe-pero napatawad mo rin si Marianne di ba?”

“But it took a year bago ko natanggap ang nangyari and besides I found out that it
was not really her fault. Her mistake was not intentional.”

Mas lalong hindi siya makatingin kay Blake. Intentional? Eh sa kaso niya lahat ay
sinadya. Lahat ay may motibo. At lahat ay nakaplano. Kung kaya’t maaring kailanman
ay hindi siya mapapatawad ng lalaki.
“Why are you asking that weird question?”

“W-Wala naman. Gusto ko lang mapaghandaan ang magiging reaksiyon mo kung sakaling
magkaroon ako ng kasalanan sayo.”

“Lagi ka namang may kasalanan sa akin ah. But I always forgive you. What makes you
think na hindi kita mapapatawad in the future?”

“W-wala naman akong sinasabing ganyan. Na-natanong ko lang Blake.”

------

Pag-uwi sa bahay. Si Alex wala pa ring gana. Habang nagbubukas siya ng pinto ng
kuwarto ay lumapit sa kanya si Blake.

“You want sandwich? I’ll make you one.”

Umiling siya.

“Maya, may kasalanan ba ako sayo?” kulit ng lalaki.


Huminga siya ng malalim habang diretsong nakatingin sa pinto. Di niya rin
maintindihan ang sarili kumbakit hindi niya na maitago ang nararamdamang bigat ng
dibdib.

“Wala Blake.”

“You want to go outside? Gusto mo bang lumabas kasama ng barkada?”

Sumagot uli siya ng iling.

“Are you trying to act para makaiwas sa study session natin?”

“Hindi-”

“Then what do you want me to do?! Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka? Anong
gagawin ko para maging masaya ka?!” nag-aalala ngunit napipikong tanong ng lalaki.

Saka lamang tumingin si Alex ng seryoso kay Blake.“Gusto mo ba talagang maging


masaya ako?”

“Of course!”
“Pwes, simula ngayon ay matuto kang magdesisyon para sa sarili mo, hindi para sa
akin. Tanggalin mo ako sa sistema ng buong pagkatao mo. Gusto kong simula ngayon ay
tingnan mo lang ako bilang isang simpleng barkada at kaklase na maaring manatili o
mawala sa buhay mo anumang oras. Ibuhos mo ang buong atensyon mo kay Marianne at sa
lolo mo dahil sila ang mas makakasama mo ng matagal.”

Napanganga si Blake sa walang kaabog-abog na pagpapalit ng tono ng babae. “M-maya


what are you talking about?”

“Gawin mo lahat ng mga sinabi ko Blake...yan ang magpapasaya sa akin,” matigas ang
mukhang payo nito.

Hindi na hinintay ni Alex ang sasabihin ng kausap. Binuksan niya ang pinto at dire-
diretsong pumasok sa loob ng kuwarto. Isinarado niya ito nang hindi man lamang
tumingin sa natutulalang mukha ni Blake. Pinilit niyang magpakita ng katapangan
subalit pagkasara ng pintuan ay agad siyan napaupo sa kama. Napasapo siya sa mukha
hanggang sa may maramdaman siyang basang bagay na pumapatak sa kanyang mga kamay.

=================

[27] BACK TO EARTH

****

Alas dos ng madaling araw. Tumunog ang telepono ni Alex. Naalimpungatan siya mula
sa mahimbing na pagtulog. Nakapikit ang mga matang kinapa niya ang telepono mula sa
ilalim ng mga unan.
“H-Hello....”

“Inspector Valdemor.”

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ng hepe.

“Chief!”

“Pumunta ka ng headquarters ngayon din. Hihintayin kita sa meeting room.”

“Yes chief!”

Nagmadali siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang


ulit siya makakabalik ng headquarters.

Kaagad niyang nilisan ang kuwarto. At habang papaalis ay napahinto siya ng ilang
saglit sa tapat ng kuwarto ni Blake. Tinitigan niya ang pintuan. Hindi niya alam
kung bakit ngunit parang may unti-unting humahalong kaba sa excitement na
nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay papalapit na papalapit na ang oras ng
kinatatakutan niya.

Pagdating niya ng headquarters ay inulan siya ng mga bati ng bawat nakakasalubong


na mga nakangiting kasamahan.

“O Inspector Valdemor long time no see!”

Malugod niyang ginantihan ang mga ngiti at bati. Pagpasok na pagpasok pa lang niya
sa lugar ay muling nanumbalik ang pakiramdam niya bilang isang pulis. Sumigla ang
buong pagkatao niya. Nabuhay muli ang pansamantalang nakatulog niyang dugo.

Nakangiting umakyat siya ng second floor. At nang marating niya ang meeting room ay
isa-isa niyang sinaluduhan ang naghihintay na mga kasamahan. Bukod kay James at sa
hepe ay may pitong mga kasamahang pulis pa ang naroroon.

Umupo siya nang may maaliwalas na mukha. Komportableng sumandal sa silya at


ipinatong sa armchair ang magkabilaang siko. Wala siyang anumang kaide-ideya sa
kanilang pag-uusapan. Ang tanging nasa isip niya ay maaring may emergency operation
at kinakailangan ng mga ito ang tulong niya.

“Ikaw na lang ang hinihintay namin Inspector Valdemor. Kaya’t maari na nating
simulan ang pag-uusap na ito,” seryosong sabi ni Chief Martinez.

Tumayo si James. Binuhay nito ang projector at ipinakita ang mga nakaw na kuhang
litrato ni Grace. Biglang nabura ang mga ngiti sa mukha ni Alex. Pagkakita pa
lamang niya sa mga litrato ng babae ay agad niyang napagtanto kung bakit siya
naririto. Pag-uusapan nila ang kaso ni Blake.

Tinitigan niya ang mga litrato ni Grace ng may seryosong-seryosong mukha. At


pagkatapos ay tumingin siya sa nakatayong inspektor. Naghihintay siya sa anumang
sasabihin nito. At bago ito nagsalita ay tumingin din ito sa kanya na tila
tinatantiya ang maari niyang maging reaksiyon.
“Siya si Grace Rivera Capulong. 18, yrs. Old, tubong San Vicente, Ilocos Sur at
kasalukuyang nangungupahan sa loob mismo ng UP Campus, nag-aaral sa UP Diliman,
nasa ikalawang taon sa kursong business management...”

Nag-isip si Alex. Lahat ng mga sinasabi ng binatang inspektor ay siya ring mga
nalalaman niya tungkol sa babae. Kung ganoon ay hindi ito nagsisinungaling at
nagkamali siya sa kanyang hinala.

Tumingin sa kanya si James.

“Our first suspicion was wrong. She is not a member of venomus, not a spy or
neither an asset of the syndicate....”

Kaya ba siya pinatawag dahil sa maling report niya?

“But our other suspicion is correct. That she is being used by venomus...”

Napatuwid siya ng upo at naghintay ng mga susunod pang mga sasabihin ng


nagsasalitang kasamahan.

“...this girl is the current source of information ng sindikato tungkol sa mga


galaw ni Blake Monteverde sa loob ng campus...”

“Bakit naman siya magbibigay ng impormasyon kung hindi siya konektado sa


sindikato?” hindi napigilang tanong niya.

“Grace Capulong has hidden obssession towards Blake Monteverde....”

Hindi siya nakakibo sa nalaman. Si Grace? Ang inosenteng mukha ng babaeng yun ay
may tinatagong lihim tungkol kay Blake.

“Her obsession started during their freshmen year. They used to be classmates in
two subjects and since then, this girl started to stalk Blake. And on their
sophomore year she made sure na lahat ng subject na inenroll ni Blake ay ganun din
ang mga kukunin niya. That’s why she has exactly the same schedule with him.”

“Paano siya ginagamit ng venomus?” tanong niya nang may hindi makapaghintay na
mukha.

“She’s half blackmailed but at the same time it’s half voluntary on her part.
During her stalking days, nadiskubre siya kaagad ng venomus na sa mga panahong iyon
ay minamanmanan na rin si Blake. The kid was threatened to follow their orders or
else they would reveal her identity to Blake Monteverde. At first she was hesitant
until she found out that all she had to do was to stalk Blake even more. Thus, she
started to enjoy it. Para sa kanya mas lalong nagkaroon ng justification ang
ginagawa niya. She willingly followed the orders without knowing the identity of
the people na nag-uutos sa kanya at kung para saan ito. In short Inspector
Valdemor, this girl doesn’t know anything about the kidnapping scheme.”

“Paano niyo nalaman ang lahat ng mga ito? Hinuli niyo ba si Grace? Pinaamin niyo ba
ang batang iyan ng sapilitan? Tinakot ba natin ito?” nag-aalalang sabi niya.

“No. We didn’t do any harm to her. We sent professional asset to get closer to
her.”
Nagpalit ng litrato ang projector. Lumabas dito ang pinagtabing larawan nina Blake
at Grace.

“These two persons are our main gemstones to resolve the case of venomus. Sila ang
mga taong magdadala sa atin sa sindikato....”

Tumingin uli si James sa kanya nang may nag-aalinlangang mga mata.

“Now let’s proceed to the main part of this meeting, the plan for our operation.”

Nagsimulang umusbong ang kaba sa dibdib ni Alex ngunit hindi niya ito ipinahalata
sa mga kasamahan. Nanatiling seryoso at matigas ang kanyang reaksiyon.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si James. “I’d like to tell everyone


that this operation should be done as soon as possible. We have to take opportunity
of our precious time to lure the venomus into our trap...”

Muling tumingin si James kay Alex. “Now, Inspector Valdemor...this is your turn to
do your part. Dadalhin mo sa isang out of town trip si Blake Monteverde. And make
sure na makakarating ito sa sindikato through Grace. We will choose a location na
conducive to venomus na isagawa ang plano nila....”

Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha ni Alex. Hindi niya alam kung matatawa siya o
mapipikon sa narinig. Kaagad niyang pinutol ang pananalita ng kasamahan.
“Nagpapatawa ba kayo?”nakangisi’t sarkastikong tono niya.

“Do we look like we’re joking inspector?” seryosong sagot ni James.

“Huwag niyong sabihing inuutusan niyo akong bitbitin si Blake Monteverde sa


operasyon natin para isungalngal sa bunganga ng mga kriminal?” tatawa-tawang tanong
niya.

Naghintay siya ng kasagutan subalit nanatiling tahimik ang lahat ng mga kasama sa
silid. Tumingin siya sa hepe at kay James. Parehong hindi ito makatingin sa kanyang
mga mata. Dahan-dahang nangapoy ang kanyang mga pisngi’t tenga. Napatayo siya sa
kinauupuan at napapalo ng malakas sa mesa.

“Bullshit! Kelan pa tayo natutong gumawa ng ganitong klaseng plano?!”

“We have no other choice Inspector Valdemor,” mahinahong depensa ni James.

“Choice? We have no choice? Ikaw ang pinakamagaling dito di ba? Pwes, gamitin mo
ang utak mo! Mag-isip ka ng ibang paraan na hindi mo ilalagay sa panganib ang buhay
ng isang inosenteng tao!” nanggigigil na wika ni Alex habang pinandidilatan ang
kausap.

“Inspektor Valdemor ano yang pinagsasabi mo? Huminahon ka!” awat ng hepe na noo’y
nagtataka sa reaksiyon ng dalagang inspector.
“Huminahon? Papaano ako hihinahon sa ganitong sitwasyon?! Inuutusan niyo akong
ipain si Blake Monteverde! Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Kaya ba
nating sagutin ang buhay niya? MASASAGOT NIYO BA PAG MAY NANGYARING MASAMA SA
KANYA?!”

Tumayo si Chief Martinez at napapalo rin ito sa mesa. “THEN DO YOUR JOB WELL!
GAWIN MO LAHAT NG MAGAGAWA MO PARA PROTEKTAHAN SI BLAKE MONTEVERDE! PINAGDUDUDAHAN
MO NA BA ANG KAKAYAHAN MO NGAYON?!”

Panandaliang nanahimik si Alex dahil sa sigaw ng hepe. Subalit hindi pa rin naibsan
ang pagtutol niya. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim ng may nanlalabang mga
mata at nagrerebeldeng tumingin sa opisyal. “Kapag isinangga ko ba ang katawan ko
sa lalaking iyan ay nakakasigurado na tayong walang mangyayari sa kanya? Kahit ano
pang sabihin niyong pag-iingat at preparasyon, hindi natin alam ang pwedeng
mangyari hepe. Kaya’t wala tayong karapatang ilagay sa panganib ang buhay niya!”

“Inspector, lahat naman tayo ay itinataya ang buhay para dito,” mahinahong
pagkumbinsi ni James.

“Oo tayo! Wala tayong karapatang magreklamo dahil trabaho natin to Inspector
Corpuz. Pero huwag niyong isama si Blake! HUWAG SI BLAKE!”

“Inspector, wala tayong ibang pwedeng pagpilian. Kahit anong gawin natin may plano
at may plano ang sindikato kay Blake. We have to choose the one with the lesser
risk. We’re doing this for Blake’s sake also.”

“Lesser risk? Kelan pa naging lesser risk ang ganitong klase ng operasyon? Ikaw
Inspector Corpuz, papaano mo nagawang sumang-ayon sa ganitong plano? Nakakalimutan
mo na ba kung sino ang taong ipinapain natin dito? ANG BOYFRIEND NG KAPATID MO!
INIISIP MO MAN LANG BA ANG MARARAMDAMAN NG KAPATID MO PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY
BLAKE?!”
“I’m not forgetting that fact Inspector Valdemor. But what we’re talking here has
nothing to do with our personal lives. This is about our job and our responsibility
to stop crimes,” katwiran ni James.

“BUHAY NG INOSENTENG TAO ANG PINAG-UUSAPAN NATIN DITO KAYA HUWAG NIYONG SASABIHING
TRABAHO LAMANG ITO! PERSONAL NA RIN ITO PARA SA AKIN INSPEKTOR!”

Hindi na makunsinti ni Chief Martinez ang nakakagulat na paghihisterya ni Alex.


Pinandilatan nito ang dalaga at dinuro. “AT ANO ANG GUSTO MO VALDEMOR? ANG HINTAYIN
NA ATAKEHIN KAYONG DALAWA NI BLAKE MONTEVERDE NG MGA KRIMINAL NG WALANG KALABAN-
LABAN O ANG TAYO ANG UMATAKE SA KANILA? MAMILI KA SA DALAWA DAHIL SA SITWASYON
NGAYON AY YAN LANG ANG PWEDE NATING PAGPILIAN!”

Muling tumahimik si Alex.

“Kelan ka pa naging emosyonal sa ganitong uri ng operasyon Valdemor? Di ba ito ang


gusto mo? Di ba ganitong klase ng operasyon ang hinahanap-hanap mo? Naglalakad na
papalapit sa bunganga ng bitag natin ang mga taong gusto mong mahuli, ngayon ka pa
ba aatras?!” dagdag ng opisyal.

Hindi sumagot si Alex. Nanatiling matatalim ang mga tingin niya habang nag-iisip.
Oo, gusto niya ang excitement, gusto niya ng aksiyon, gusto niyang mahuli ang mga
criminal pero huwag si Blake ang kapalit.

“Nakakalimutan mo na ba kung ano ang pangunahing dahilan kung bakit mo binabantayan


ang taong yan? Para mahuli natin ang sindikato! Pangalawa ay ang mailigtas si Blake
Monteverde! Kung kaya’t hindi ko naiintindihan kung ano ang ikinatututol mo?!
Simula’t sapul pa lamang ay ito na ang plano!” pagalit ng hepe.
Napatingin uli si Alex sa opisyal ng may nagrerebeldeng mga mata. “Hindi ganito
ang plano chief. Ang misyon ko ay bantayan si Blake para magkaroon tayo ng iba pang
lead sa sindikato. Wala sa usapan natin na pagdating ng oras ay itataya natin pati
ang buhay niya.”

“Hindi natin itinataya ang buhay niya Valdemor dahil sa simula pa lamang na
nailagay ang pangalan niya sa listahan ng sindikato ay nasa panganib na ang buhay
niya!”

“Kahit anong sabihin niyo ay hindi ako pumapayag sa planong ito,” pagmamatigas
niya.

Tumalikod siya at walang paalam na lumabas ng pintuan.

“Saan ka pupunta Valdemor!” galit na tawag ni Chief Martinez.

“Hawak ko ang taong ipapain niyo. Kaya sa palagay ko ay may halaga sa team na to
ang anumang sasabihin ko,” pahabol na sabi niya bago tuluyang lumabas ng pintuan.

“Bumalik ka dito Inspector Valdemor!”

Tumigil si Alex sa mabilis na paglalakad nang nasa harap na siya ng headquarters.


Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga habang pinapaypayan ng kamay ang sarili.
Naabutan siya ni James na agad na sumunod sa kanya pagkalabas niya ng meeting room.
“Inspector go back to the meeting room. Stop being too emotional. Let’s all be
professional here,” malumanay na pakiusap nito.

Nilingon niya ang lalaki at tinitigan ito ng masama. “Kaya mo ba ako pinaalalahanan
tungkol kay Blake dahil matagal mo ng alam ang planong ito?” nang-uusig na tanong
niya.

Hindi sumagot si James at napapalunok na pansamantalang umiwas ng tingin. “Please


go back inside,Inspector Valdemor. We have to finalize this meeting as soon as
possible. Or else we will be running out of time. Baka maunahan pa tayo ng
venomus.”

“Bigyan nyo ako ng panahon para pag-isipan ang bagay na yan.”

Tuluyang nilisan ni Alex ang headquarters. Walang paalam sa kausap na pumara siya
ng taxi at sumakay. Ngunit habang nasa taxi ay nakapagisip-isip rin siya. Alam
niyang may punto ang team ngunit nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan.
Hindi niya minemenos ang kakayahan niyang protektahan si Blake sa mga kidnapper
ngunit ni kahit kaunting katiting na pagkakataon ay ayaw niyang ilagay sa panganib
ang buhay ng lalaki.

Pagdating sa bahay ay hindi pa rin tuluyang humuhupa ang naghahalo-halong galit,


takot at pag-aalala sa dibdib niya. Nang makalapit siya sa kuwarto ay bigla siyang
napahinto matapos makita ang taong nakatayo’t nakasandal sa tabi ng kanyang
pintuan. Galit at seryoso ang mukha nito.

“Saan ka galing?” madiing tanong ni Blake ng may matatapang na titig.


“M-may pinuntahan lang ako. Bakit gising ka pa?”

“The guards woke me up. You’re acting weird these days so I gave instruction to
them to look at you closely.”

“Hindi mo ako kailangang pabantayan. Huwag mo akong pag-aksayahan ng oras Blake.”

“Where did you go?”

“Di ba sinabi ko ng may pinuntahan akong importante.”

“Are you sneaking out to meet someone?”napapangising tanong ng lalaki.

“Mamaya na tayo mag-usap Blake. Matulog ka na lang ulit dahil gusto ko na ring
magpahinga.”

Napapagod na si Alex. Wala na siyang lakas para harapin pa ang galit at mga hinala
ng lalaki. Gusto niya ng mahiga at muling pag-isipan ang nangyari sa headquarters.
Ngunit nang binubuksan niya na ang kanyang pinto ay hinawakan siya ni Blake sa
braso at sapilitang iniharap. Nakita niya ang namumulang mukha nito at galit na
galit na mga mata.

“Did you just meet with a guy outside? Nakipagkita ka ba kay James?”
Gusto niyang matawa sa mga bintang ng kausap ngunit mas pinili niyang sakyan ang
mga pagdududa nito para tuluyan nang mapalayo ang loob nito sa kanya. “Oo
nakipagkita ako kay James. Kasama ko siya kanina. Bakit may masama ba?”

Nanlaki ang mga mata ni Blake sa narinig. “So you’re saying all these weird things
lately because of him? Kaya ka ba laging matamlay? Kaya ba lagi kang nagpapahiwatig
that you might leave us anytime? Was it all because of him Maya?!”

“Teka nga muna. Wala namang masama siguro kung makipagrelasyon ako kay James,
binata siya at dalaga ako. Anong masama dun Blake?”

“No! You can’t go to him!”

“Bakit ba nanggagalaiti ka na lang lagi kay James? Hindi mo pa rin ba makalimutan


ang nangyaring pagwawalk out ko. Matagal na yun Blake. Kalimutan mo na yun at
tanggalin mo na rin ang galit mo dun sa nanahimik na tao.”

“IT’S NOT ABOUT THAT MAYA!”

Nagulat si Alex sa sigaw ng kaharap. Muling nabuhay ang pansamantalang humupang


galit sa kanyang dibdib. “Ano bang problema mo Blake?! Bakit ba nagpuputok yang
butse mo?!”

“Can’t you get the whole picture here Maya o nagbubulag-bulagan ka lang?”

“Diretsahin mo na ako Blake! Pakiusap pagod na pagod na ang utak ko ngayon! Ayoko
ng mag-isip. Ayoko ng manghula!”

“I’M JEALOUS! NAGSESELOS AKO SA LALAKING IYON! I WILL NEVER ACCEPT NA MAGKAKAROON
NG IBANG LALAKI SA TABI MO OTHER THAN ME MAYA! THAT’S NOT GOING TO HAPPEN! NEVER!”

Napanganga si Alex sa narinig. Tinitigan niya ang nanlalaking mga mata ni Blake.
Punung-puno ito ng emosyon..ng galit..ng sakit. Natitigilan siya sa di-inaasahang
ipinagtapat nito pero mas higit na natutulala siya dahil sa nararamdaman niyang awa
sa lalaki. Ganito na ba? Ganito na ba katindi ang nagagawa niyang damage sa taong
ito? Ganito niya na ba kalalim na napapaniwala ang kaharap? Nanakaw na rin ba ng
pagpapanggap niya pati puso nito?

Nagmadali siyang pumasok sa kuwarto. Walang binitawang anumang salita para sa


lalaking tila nawawala sa sarili. Mas lalo bumigat ang kanyang nararamdaman dahil
sa inamin nito. Pabalik-balik siyang naglakad sa loob ng silid. Nag-isip siya ng
malalim. Kailangan niya nang putulin ito bago pa man lumala ang lahat.

Tinitigan niya ang telepono sa ibabaw ng kama. Nahihirapan siyang damputin ito
ngunit kailangan niyang magdesisyon.

Dapat niyang itama ang lahat. Ayaw niyang may masaktan at hindi niya gustong
makapanakit.

Kinuha niya ang cellphone. “Inspector Corpuz... ipadala mo ang buong detalye ng
plano ng operasyon. Gusto ko itong pag-aralang mabuti,” matapang na wika niya.

“What's with the sudden change of mind?” takang tanong ni James.


“Kilala nyo ako inspektor...hindi ako marunong umatras sa trabaho. Kailangan na
natin itong tapusin. Kung kinakailangang isangga ko ang katawan ko para kay Blake
Monteverde ay gagawin ko para lamang matapos na ang lahat ng ito.”

Ibinaba ni Alex ang telepono. Huminga siya ng malalim at ipinormal ang kanyang
mukha. Tumingin siya ng diretso at nag-isip.

Tapos na ang papel ni Maya Del Castro. Simula sa araw na ito, siya na ulit si
Inspector Alexandra Valdemor, ang taong gagawin ang lahat para sa kanyang
sinumpaang tungkulin.

=================

[28] I AM ALEX

****

Hirap na hirap si Alex na ibuka ang bibig. Hindi niya alam kung saan siya
magsisimula. Noong nasa kuwarto pa lamang siya ay tila kayang kaya niyang sabihin
ang lahat. Subalit ngayong kasama niya na sa sasakyan si Blake ay biglang
nagsisitakbuhan na ang mga daga sa kanyang dibdib.
Seryoso at tahimik naman si Blake. Hindi niya gaanong kinakausap ang dalaga.
Subalit umaasa siyang may maririnig mula dito tungkol sa ipinagtapat niyang
pagseselos kay James. Alam niyang ugali na ng babae ang pagbabalewala sa anumang
malalamang bagay na nasasabi niya. Madalas ay pinalilipas lang nito ang mga araw
hanggang sa hindi na nila ito pag-usapan. Ngunit sa pagkakataong ito ay naghihintay
siya sa sasabihin nito.

“Blake...”

Napalingon si Blake sa katabi. Bagamat tinawag nito ang kanyang pangalan ay


nakatingin pa rin ito sa daan. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Inaasam-asam
niyang sana ay magsalita na ito tungkol sa naging komprontasyon nila.

“Pasensiya ka na sa ugali ko nitong mga nagdaang araw...” ani Alex nang hindi pa
rin tumitingin sa kausap.

“It’s not really a big deal,” maiksing sagot ng lalaki na naghihintay pa rin ng
karugtong ng sasabihin ng dalaga.

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan.

“Is there anything else? May gusto ka pa bang sabihin?” hindi nakatiis na ika ni
Blake.

Ilang ulit munang napalunok si Alex. Tila may nagpupumilit bumara sa kanyang
lalamunan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “G-Gusto ko sanang bumawi sa
mga kasalanan ko sayo...”
Unti-unting napapangiti si Blake habang nakatingin sa mga nadadaanang billboards.
Sa wakas ay magsasalita na rin ang dalaga.

“Blake,g-gusto mo bang mag-out of town?”

Bigla siyang napatingin sa katabi. Nagulat siya sa tanong. Napakalayo nito sa


inaasahan niyang marinig. “Out of town? Why are you asking me about that?”

“Yayayain sana kita ngayong weekend.”

“Where?”

“S-Sa Zambales.”

“Bakit bigla-bigla ka naman atang nagyaya?”

“D-di ba sabi ko babawi ako sa mga kasalanan ko sayo.”

“Who’s coming with us? Kasama ba ang mga barkada?”

“Tayong dalawa lang. Huwag mo ring isama si Marianne.”


Natigilan si Blake. Hindi siya makapaniwalang sa bibig mismo ng babae nanggaling
ang mga naririnig. “You’re joking, right?”

“Hindi ako nagbibiro.”

“Then why can’t you look me in the eyes?”

Saka lamang napilitang tumingin si Alex sa lalaki ng may seryosong mukha. “Hindi
ako nagbibiro.”

Ibinalik niya ang mga mata sa daan subalit nanatiling nakatitig sa mukha niya si
Blake.

“What’s your reason behind this?”

“Saka ko na sasabihin.”

“I need to know before I say yes.” Muling ibinaling ni Blake ang mga paningin sa
labas ng sasakyan.

“Ah ganun ba. Sige di bale na lang. Kay James na lang siguro ako magpapasama.”
Magkasalubong ang mga kilay na napalingon kaagad ang lalaki sa kausap. “Can’t you
tell whether I’m joking or not?! Why would I refuse that kind of invitation from
you?!....Ilang araw ba tayo dun?” mabilis na bawi nito.

“Dalawang araw.”

Unti-unting napangiti si Blake ng may kapilyuhan. “Are we going to sleep in one


room?”

“Siguro.”

“How about sharing one bed?”

“Sige.”

Napakunot ng noo ang lalaki. “Kelan ka pa natutong maging wild?”

“Pag nakatabi ka ba wild na agad? Di ba pwedeng matapang lang muna ang sikmura?”
nguso ni Alex.

“Hehe...not funny.... Basta wala nang bawian ng sinabi ha?”


Lihim na sinulyapan ni Alex ang masayang kasama habang komportable itong sumasandal
sa upuan. Hindi mawala-wala sa mukha nito ang mga ngiti habang ang pakiramdam naman
niya’y may patong-patong na mga batong nakadagan sa ibabaw ng kanyang dibdib.

------

Pagdating sa campus ay niyaya kaagad ni Alex si Blake na dumiretso ng classroom.


Plano niyang agahan ang pagpasok habang wala pa ang propesor. Pagdating nila doon
ay nakita niya kaagad si Grace. Tumabi siya dito at masayang binati ang kaklase.

“Hi Grace!”

Napaangat ng ulo ang babae na sa mga oras na iyon ay seryosong nagsusulat. “Oh hi
Maya! Maaga yata kayo ngayon ni Blake.”

“Oo, nagyaya kasi ng maaga si Blake kasi gusto niyang mag-breakfast kami sa labas,”
nakangiting sagot niya.

Natigilan sa pagsusulat si Grace at binigyan siya ng pilit na ngiti. “Ah ganun ba.
Parang ang sweet niyo na lately ah. Buti hindi ka pinagseselosan ni Marianne.”

“Si Marianne? Naku hindi magseselos yun alam naman niya na close na talaga kami ni
Blake bago pa man sila magkabalikan,” masiglang salita niya.
Muling bumalik sa pagsusulat ang kausap. Sinitsitan niya si Blake at sinenyasan
itong lumapit sa kanya. Sumunod naman ang lalaki at naupo sa bakanteng silya sa
tabi niya.

“Why?”

Pinalapit niya pa lalo si Blake. Inutusan niya itong idikit ang kinauupuang silya
sa silya niya. Nang dikit na dikit na ito sa kanya, hinawakan niya ng mahigpit ang
isang palad nito at tinitigan sa mga mata. Nagulat ang lalaki at nanlaki ang mga
mata nito.

“W-what are you doing Maya?”

“Natatakot ka ba na pagtinginan nila tayo at makarating ito kay Marianne?”


nakangiti’t may lambing na sabi ni Alex.

“It’s not about that. There’s something wrong in your actions now.”

“Totoo ba ang sinabi mong nagseselos ka kay James?”

Nagulat lalo si Blake. Bagama’t dapat siyang matuwa dahil inungkat na ng dalaga ang
tungkol sa bagay na ito ngunit bigla siyang naasiwa dahil hindi niya inaasahang
kakausapin siya nito sa loob mismo ng classroom.

“Y-Yes. I mean it,” mahinang sagot niya.


“Hindi mo ba talaga matatanggap kung magkaroon ako ng ibang lalaki sa buhay?”

“M-Maya why do you have to ask that here?” nahihiyang bulong ni Blake habang
pasimpleng tinatakpan ng isang kamay ang namumulang mukha.

Sinulyapan ni Alex si Grace. Nanginginig ang kamay nito. Diin na diin ang
pagkakatusok ng ballpen sa sinusulatang notebook. Hinawakan niya pa lalo ng mas may
lambing ang palad ng lalaki.

“Tinatanong mo ako kung bakit tayo maga-out of town ngayong weekend di ba?”
malumanay at may ngiting sabi niya.

“Yeah I did.”

“Sasagutin ko na ngayon....” Tinitigan niya sa mga mata ang naguguluhang


kausap. “...dahil gusto kong pag-isipan lahat ng mga sinabi mo. Gusto ko ring
malaman kung kaya ko bang mabuhay ng ilang araw na ikaw lamang ang lalaki sa tabi
ko.”

Napanganga si Blake sa narinig. Biglang nabura lahat ng nararamdaman niyang hiya.


Pakiramdam niya ay isa-isang naglaho ang mga kasama nilang estudyante sa silid.
Tinitigan niya rin ang dalaga. Walang ibang tumatakbo sa kanyang isip kundi ang
patunayan dito na isa siyang karapat-dapat na lalaki at kaya niyang panindigan ang
mga binitawang salita.

Nakangiting binitawan ng babae ang kanyang kamay.


“Okay na Blake. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Pwede ka nang bumalik sa upuan
mo.”

Tumango siya. Bumalik siya sa sariling upuan na hindi pa rin makapagsalita habang
punum-puno ng pagtataka.

Pinapakiramdaman pa rin ni Alex ang nakayukong nagsusulat na si Grace. Ilang


sandali pa ay naglabas siya ng brochure ng isang resort. Nagkunwari siyang binabasa
ito habang pinag-aaralang mabuti. Napasulyap naman dito ang katabi at hindi nito
natiis na huwag magtanong.

“Ano yan Maya?”

Ngumiti siya ng abot tenga at excited na nagsalita. “Brochure ng resort. Tingnan mo


oh! Nakarating ka na ba dito?”

Inabot niya ang hawak sa katabi.

“H-Hindi pa.”

“Ah ganun ba. Itatanong ko sana kung maganda ba talaga diyan at tahimik. Pupunta
kasi kaming dalawa diyan ni Blake ngayong weekend.”

Ngumiti ulit ng pilit si Grace.


“K-Kayong dalawa lang?”

Nakangiting tumango siya. Nakatingin siya sa mukha ng kausap pero hindi lingid sa
kaalaman niya na nanginginig ang kamay nito sa selos habang nakahawak sa brochure.
Umayos siya ng upo at hinayaan sa kamay ng katabi ang inabot na papel. Kumuha siya
ng libro sa bag at nagkunwaring nagbabasa. Maya-maya lang ay tumayo si Grace.
Sinundan niya ito ng mga tingin.

Pumunta sa pinakamalapit na pambabaeng CR si Grace. Palingon-lingon bago buksan


ang isa sa mga cubicle. Pagkapasok ay kaagad na kinuha ang telepono at nanggigigil
sa galit na nag-dial.

“Hello, kailangan po nating magkita mamaya. Meron akong mahalagang sasabihin...”

“Nalaman kong may out of town pong lakad si Blake ngayong weekend...”

“Dalawa lang sila nang nabanggit kong babaeng kaklase namin na madalas niyang
kasama...”

“Manong, ayoko pong matuloy ang lakad nila...”

“Sige po aalamin ko pa lalo ang mga detalye bago tayo magkita. Bye.”
Pagkababa ng telepono ay nag-flush ng bowl si Grace. Huminga ng malalim at saka
lumabas ng cubicle.

Ilang minuto pagkatapos lumabas ni Grace sa CR, nagbukas ang katabing pinto ng
pinanggalingan niyang cubicle.

Lumabas dito si Alex ng may seryosong mukha at matatalim ang mga mata. Ngingisi-
ngising dinukot niya ang cellphone. “Hello inspector, tuloy ang lakad natin ngayong
weekend....”

------

Weekend. Alas nuebe ng umaga. Nakaharap sa salamin sa loob ng banyo ng kanyang


kuwarto si Alex. Seryoso ang mukha. Nakikipagtitigan sa sarili. Kinokondisyon ang
kalooban sa lahat ng maaring mangyari sa kanilang operasyon.

Nagkabit siya ng button speaker sa suot na bra. Isinuot sa kaliwang tenga ang isang
wireless headset.

“Hello Inspektor Corpuz. Malinaw ba?’

“Yes, inspektor. Handa ka na ba?”

“Nag-aayos pa ako aabisuhan kita pag paalis na kami.”


Lumabas siya ng banyo. Isinuot ang paboritong leather jacket. Kinuha ang nakatagong
baril sa cabinet. Sinuri ang nakasaksak ditong magazine. Nang makitang sapat pa ang
laman nitong mga bala ay isiniksik ang baril sa panloob na bulsa ng jacket.

Inilabas niya rin ang itinatagong maleta at kumuha ng mga ekstrang magasin.
Nagsaksak siya ng dalawa sa iba pang bulsa ng jacket saka ibinalik ang maleta sa
pagkakatago.

“Inspektor handa na ako.”

“Okay, listen carefully Inspektor Valdemor. May sampung sasakyang naghihintay sa


inyo sa intersection ng EDSA at North Ave. Limang sasakyan ang pupuwesto sa unahan
niyo at limang sasakyan naman ang bubuntot sayo. Simplehan mo kami ng salita pag
malapit ka na sa North Ave., para makapaghanda kami. Maya-maya lang ay ikokonekta
ko na sa lahat ng mga kasamahan natin sa operasyon ang radyo na ito para marinig ng
lahat ang anumang sasabihin mo.”

“Copy inspektor.”

Tok.Tok.Tok.

Humugot ng isang napakalalim na buntong-hininga si Alex. Kinuha niya ang bitbit na


bag at hinarap si Blake ng may seryosong mukha. Itinatak niya na sa isipan na
simula sa oras na ito ay lahat trabaho na lamang, wala nang anumang bahid ng
personalan.

“Are you ready?” masiglang tanong ng lalaki.


“Oo.”

Pagdating sa sasakyan ay nilagay ng dalawa ang mga bitbit na bagahe sa trunk. Bago
paandarin ni Alex ang kotse, tinitigan muna siya ni Blake.

“Maya, I am going to prove to you in this trip that I’m a man worth keeping.”

Kaagad na napahawak si Alex sa dibdib upang takpan ang nakakabit na mic.

“Wow that was one hell of a cheesy line,” biro ni James.

Namula sa hiya ang dalaga lalo na nang marinig ang tawanan ng iba pang mga
kasamahan. “Blake, pwedeng huwag muna tayong mag-usap ng mga personal na bagay
habang nasa biyahe tayo,” anito habang nakatakip pa rin ang isang kamay sa dibdib.

“Why?”

“Gusto kong mag-concentrate sa pagmamaneho.”

“Okay. Tell me if you’re tired already para ako naman ang magda-drive.”
Sinimulan ni Alex ang pagmamaneho. Binuhay naman ni Blake ang player ng kotse at
nagpatugtog ng malakas. Kaagad itong pinatay ng dalaga.

“Why? Can’t we listen to music para naman hindi maging boring ang biyahe natin?”

“Makinig ka na lang sa ipod mo. Magsuot ka ng headset.”

Sumunod si Blake. Nilabas niya ang ipod at isinuot ang headset. Komportable siyang
sumandal sa upuan habang nakikinig sa malakas na musika.

Tiningnan ni Alex ang katabi nang malapit na sila sa lugar kung saan naghihintay
ang mga kasamahan niya. Nakapikit ito at tahimik na nakikinig sa ipod.

“East Avenue na,” nagmamadaling sabi niya.

“Okay.”

Pagdating ng North Avenue ay nagmenor si Alex.

“Let the five cars be ahead of you.”


Ibinaba niya ang salamin ng kanyang bintana. Hinayaan niyang mauna sa kanya ang
limang kotse. Bawat isa sa mga sasakyan ay bumubusina bago siya lampasan. Nakababa
rin ang mga bintana nito at sinasaluduhan siya ng mga nakasakay na kasamahan.
Ginantihan niya naman ang mga ito ng simpleng pagtango habang si Blake ay walang
kamalay-malay sa mga senyasang nagaganap. Nakapikit pa rin ito at nakikinig sa
musika.

Pagkatapos malampasan ng limang sasakyan ay muling ibinalik ni Alex sa normal ang


takbo ng sasakyan.

“Chief and I are behind you inspector.”

Tumingin siya sa rearview mirror at kaagad na nakita ang minamanehong kotse ni


James. Hinanap din ng mga mata niya ang iba pang mga nakabuntot na sasakyan.

Matapos maiposisyon ang mga sasakyan ay pansamantalang nagsitahimik ang lahat. At


nang kumanan sila sa Balintawak, papasok ng North express way ay biglang may
sumingit na isang kulay asul na starex van sa pagitan ng sasakyan nina James at
Alex.

Pinagbigyan ito ni James sa ginawang paniningit. Ngunit dahil dito’y hindi niya na
gaanong makita ang kotse nina Alex dahil sa natatakpan na ito ng nasabing van.
Matiyaga siyang naghintay na lampasan nito ang minamanehong kotse ng dalaga subalit
may katagalan na nilang binabaybay ang north expressway ay hindi pa rin nagbabago
ng pwesto ang van.

Kinutuban si James. Lumipat siya ng lane at tinabihan ang van. Hindi niya makita
ang mga sakay nito sa sobrang pagka-tinted ng mga bintana.

“Inspector Valdemor, tingnan mong mabuti ang asul na van na nakasunod sayo.”
“Kanina ko pa yan napapansin,” mabilis na sagot ng dalaga.

“Change of plan! I don’t think they’re going to do it in the location!” mabilis na


pagbibigay ng alert warning ni James sa mga kasamahan.

“Confirm it Inspector Valdemor!”

“Copy.”

Tiningnan muna ni Alex ang van sa salamin saka niya nilingon si Blake. Wala pa rin
itong kaalam-alam sa mga nangyayari.

Binilisan niya ang takbo ng sasakyan. Bumilis din ang takbo ng van. Binagalan niya
ang takbo. Bumagal din ang van.

“Huwag na natin itong patagalin pa. Tapusin na natin ito dito,” determinadong sabi
niya.

“What is your plan inspector?”

“Bibilisan ko ang takbo. Sa mga nasa unahan sabayan niyo ang bilis ng takbo ko.”
“Copy inspector!”

Niyugyog ni Alex ang nakapikit na katabi. Tinanggalan niya ng headset ang isang
tenga nito.

“Blake! Sundin mo lahat ng mga sasabihin ko sayo!” malakas na bigkas niya habang
inililipat-lipat ang mga paningin sa mga kaharap na sasakyan at sa nakabuntot na
van.

Nagulat si Blake. “Why?”

Hindi sumagot si Alex sa halip ay diniinan niya ang silinyador at pinatakbo ng


mabilis ang sasakyan. Binilisan din ng van ang takbo subalit nabigo itong sabayan
ang bilis ng takbo niya.

“Nasa tahimik na parte na tayo ng highway! Do something inspector Valdemor! Sa


palagay ko ay gagawin nila ang plano sa daan.”

“Alam ko.”

“Anong sabi mo? Are you talking to someone? What’s with this speed? Nakikipagkarera
ka ba?”, sunud-sunod na tanong ng naguguluhang si Blake.

Nang makalayo na ng mga mahigit dalawandaang metro sa van si Alex ay itinabi niya
ang sasakyan sa emergency parking ng expressway. Nasa lugar sila malapit sa mga
taniman. Walang anumang mga establisyamentong nakatayo dito.

“Blake baba!”

“What?”

“BABA SABI!” sigaw ni Alex ng may matatalim na tingin.

Kaagad na naghubad ng seatbelt si Blake. Mabilis niyang sinunod ang utos ng tila
galit na kasama. Bumaba siya ng sasakyan at sumunod namang bumaba sa nilabasan
niyang pinto ang dalaga.

Tumayo ang dalawa sa tabi ng sasakyan. Nagkunwari si Alex na tinitingnan ang


gulong ng sasakyan na tila nasiraan sila.

“Blake pag sinabi kong upo. Umupo ka,” wika nito habang nakatingin pa rin sa
gulong.

“What’s going on here?”

“Huwag ka ng magtanong. Sumunod ka na lang.”


Nang makita ni Alex ang papalapit na van ay pinagpatuloy pa rin niya ang
pagkukunwaring nasiraan sila ngunit inihanda niya na ang sarili. Biglang huminto
ang asul na van sa tabi nila. Bago ito magbukas ng pinto, kaagad na hinawakan ni
Alex si Blake sa braso at hinila pababa .

“UPO!!!”

Umupo sila at nagkubli sa likod ng pinto ng kotse. Nagbukas ang pinto ng van.
Kaagad na nakita ni Alex ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng stocking sa
ulo. Mabilis siyang bumunot ng baril.

“BLAKE DAPA!!!”

Sinalubong niya ng putok ang bababa na sanang mga lalaki. At nang paputukan niya
ang mga ito ay mabilis nitong sinarado ang pinto at pinaandar ang sasakyan. Hindi
siya tumigil sa pagpapaputok. Pinilit niyang patamaan ang gulong ng sasakyan.

Matapos makarinig ng mga putok ay kaagad na nagsipagposisyon ang mga pulis na nasa
unahan nina Alex. Ibinalandra nito ang mga sasakyan upang harangan ang daan. Sabay-
sabay na nagsipaglabasan ang mga nakasibilyang awtoridad at nagsipagkublihan sa mga
sasakyan habang nakatutok ang mga baril sa paparating na van.

Nakita naman kaagad ng mga kidnapper ang mga nakaposisyong pulis. Huminto ang mga
ito.

Mabilis na nabasa ni Alex ang plano ng mga kriminal.


“Blake huwag kang aalis dito.”

Tumakbo siya ng mabilis habang pinapalitan ang magazine ng baril patungo sa


sasakyan ng mga suspects. Nakita niyang nagbukas ang pinto nito. Nagtangka ang mga
itong magsipaglabasan subalit sinalubong niya ito ng mga putok. Bumalik ang ilan sa
mga lalaki sa sasakyan at ginantihan siya ng putok. Nagkubli siya sa isang malapit
na phone boot at pinagpatuloy ang pakikipagbarilan.

Dumating ang mga sasakyan ng grupo nina James at nakipagsagutan na rin ang mga ito
ng putok sa nakikipagbarilang mga kalalakihan.

Namataan ni Alex ang isang lalaking nakalabas sa sasakyan. Tumatakbo ito papunta sa
taniman. Hinayaan niyang sina James na ang makipagbarilan sa mga nasa van at
hinabol niya ang tumatakas. Wala namang kamalay-malay ang lalaki na may naghahabol
pala sa kanya.

Tumakbo si Alex ng ubod ng bilis. At nang medyo nakalapit siya dito ay bigla siyang
huminto. Ikinasa ang baril. Ipinikit ang isang mata. Inasinta ang lalaki at ngumiti
ng nakakaloko.

“Tatakas ka pa ha.”

BANG!

Natumba ang kidnapper. Sapul ito sa hita.

Nilapitan niya ang lalaki at tinutukan ito ng baril. Kaagad na itinapon ng suspect
ang hawak nitong armas at itinaas ang kanyang mga kamay.

“Kailangan ko ng isang tao dito. May bibitbitin lang tayong isang mabigat na
animal,” radyo ni Alex habang nakangisi.

May dumating na dalawang kasamahang pulis at binitbit ng mga ito ang nabaril na
lalaki. Ilang minute pa’y natigil ang putukan. Sumuko ang napapalibutang mga
kidnappers.

Naalala bigla ni Alex si Blake.Tumakbo siya pabalik sa kanilang sasakyan. Nang


makalapit ng bahagya ay bigla siyang natauhan. Tumigil siya sa pagtakbo at dahan-
dahang naglakad. Nakita niyang tumatayo ang iniwang kasama habang tinitingnan siya
ng may nanlalaking mga mata.

Dahan-dahang tumayo si Blake. Hindi siya makapaniwala sa mga nasaksihan.


Nanginginig ang kanyang mga kalamnan, hindi dahil sa takot kundi sa matinding
pagkabigla. Tinitigan niya ang papalapit na dalaga. Magulo ang buhok, pawisan ang
mukha, may matatapang na mga mata at may bitbit na baril sa kanang kamay. Huminto
ito ng may layong mga tatlong metro mula sa kinatatayuan niya at tahimik na
nakipagtitigan sa kanya.

Ayaw niyang paniwalaan ang mga nakita. Sana ay nakatulog lang siya sa biyahe at
panaginip lang ang lahat. Gusto niyang kurutin ang sarili upang magising. Nanlalaki
ang kanyang mga mata. Namumula ang kanyang mukha. Nangangalit ang kanyang mga
panga. Lumalabas ang mga litid sa kanyang leeg. Napapakuyom siya ng mga kamay
habang tinitingnan ang isang babaeng tila noon niya lamang nakilala.

Ibang tao ang nakita niyang nakikipagbarilan kanina. Hindi ito si Maya. Hindi ito
ang masayahin at malambing na babaeng nakasama niya. Hindi magagawang bumaril ng
tao ni Maya...Ibang tao ang kaharap niya ngayon.
“W-who are you?”

Hindi sumagot si Alex. Nanatili lamang siyang nakatayo habang nakikipagtitigan sa


lalaki.

“Sino ka?!”

Hindi pa rin sumagot si Alex. Tahimik na tinatanggap niya lamang ang lahat ng galit
at panghuhusga mula sa mga titig ni Blake. Wala siyang balak magpaliwanag. Wala
siyang balak sagutin ang nagtatanong nitong mukha. Tapos na ang lahat. Balik na
ulit sa dati ang buhay niya. Nailigtas niya na ang lalaki. Tapos na ang misyon niya
at tapos na ang papel niya sa buhay nito. Sa huling pagkakataon ay gusto niya
lamang titigan ang mukha nito at baunin bilang isang mahalagang alaala ng naging
misyon niya.

“Sino ka?!”

Tinitigan niya pa lalo si Blake. Binigyan niya ito ng isang reaksiyon habang hawak-
hawak ang baril na tila nagsasabing ‘Blake ito ang totoong pagkatao ko.’

“SINO KAAAAAA?!!!!!”

Pinipigilan niyang mangilid ang mga luha habang tinitingnan ang mga litid sa leeg
ng lalaki at ang mangiyak-ngiyak sa galit nitong mukha. Binibiyak ang dibdib niya
ngunit wala siyang magawa kundi ang tanggaping may nasaktan siyang tao.

Kumawala siya sa pagkakatitig ka Blake nang may humintong sasakyan sa tapat niya.
Bumaba dito si Chief Martinez at James. Nakangiting lumapit ang mga ito sa
kanya. Hinarap niya ang dalawang papalapit na mga kasamahan. Sinaluduhan siya ng
mga ito at kinamayan.

“Good job Inspector Alexandra Valdemor. I’m truly proud of you,” nakangiting bati
ng hepe.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Blake sa narinig. Mas tumindi ang panginginig ng
kanyang mga kalamnan. Napatingin din siya kay James. Parang puputok ang ulo niya at
sasabog ang dibdib sa lahat ng mga nasasaksihan. Gusto niyang habulin ang babae
upang humingi ng paliwanag ngunit hindi niya maigalaw ang mga paa. Nilapitan siya
ng iba pang mga pulis at kinumusta ang kanyang kalagayan.

Naglakad papalayo si Alex. Hinayaan niyang ang mga kasamahang pulis na ang mag-
asikaso kay Blake. Sumakay siya sa ibang sasakyan. At simula nang kumawala mula sa
kanilang matatalim na titigan ay hindi niya na muling nilingon pa ang natutulalang
lalaki.

=================

[29] IT'S NOT OVER

****

Headquarters. Pagkatapos ng naganap na engkuwentro laban sa mga miyembro ng


venomus, dinala diretso ng mga pulis si Blake sa opisina ng hepe. Dali-daling
napasugod naman doon si Don Henry. Samantala, sinadya ni Alex na iwasan ang
maglolo. Pagkarating niya sa headquarters ay diretso kaagad siya sa interrogation
room.
Kaharap ni Alex ang isa sa mga tinuturong leader ng nahuling grupo. Nakaupo ito sa
isang silya habang nasa likuran ang nakaposas na mga kamay. Nakatayo naman sa labas
ng nasabing silid si James at pormal na pinanonood ang pagtatanong sa isang one way
mirror na bintana.

Pabalik-balik na naglalakad ng tuwid si Alex sa harap ng suspect habang


nagtatanong. Matapang ang mukha. Madiin magsalita. At may nakakahiwang mga mata.

“Anong pangalan mo?”

“Mario Librada.”

“Ilang taon ka na?”

“Bente-otso.”

“Taga-saan ka?”

“Negros occidental.”

“May asawa ka na ba?”


“Meron.”

“Anak?”

“Dalawa.”

“Ano ang pangalan ng sindikatong kinabibilangan mo?”

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin lamang ito sa sahig.

“Kelan ka pa naging miyembro ng sindikato?”

Hindi pa rin sumagot ang lalaki. Nagsimulang mangalit ang mga panga ng dalaga.

“ Ano ang pakay niyo kay Blake Monteverde?”

Ilang sandaling naghintay ng sagot si Alex ngunit nanatiling tahimik lamang ang
taong tinatanong. Unti-unti na siyang napipikon. Binigyan niya pa ito ng mga ilang
katanungan tungkol sa sindikato ngunit wala pa rin siyang nahitang sagot hanggang
sa hindi na siya nakapagpigil. Lumapit siya’t walang pag-aalinlangang sinuntok ito
sa mukha.
“PAG TINATANONG KA, SUMAGOT KA!”

Dumugo ang bibig ng lalaki sa lakas ng suntok. Dumura ito’t pagkuway nakangising
tumingin sa dalagang pulis. “Kahit pitpitin niyo ang dila ko. Wala kayong
makukuhang impormasyon sa akin.”

Sinuntok ulit ni Alex ang lalaki. Kinuwelyuhan niya ito’t itinutok ang ngingisi-
ngisi ngunit nanggigigil na mukha. “Sinong may sabing pipitpitin lang namin ang
dila mo?! Kung kinakailangang ilibing ka namin ng buhay ay gagawin namin. Walang
lugar ang awa sa amin para sa mga kagaya mong kriminal!”

Gumanti sa nanlilisik niyang mga titig ang suspect. “Huwag kayong pakakasiguro.
Hindi porke’t nahuli niyo ang ilan sa amin ay tapos na ang lahat. Marami kaming mga
galamay. At hindi pumapayag ng ganun-ganun na lang ang grupo namin na hindi
maigaganti ang mga naagrabyadong miyembro.”

Mas lalong umigting ang galit niya sa narinig. Ang kaninang umiinit niyang dugo ay
tuluyang kumulo. Pinagsisipa niya ang nagbabantang lalaki. “Agrabyado? Kayo pa ang
may ganang magsalita na naagrabyado kayo!” Bumunot siya ng baril at itinutok ito sa
kidnapper. “Huwag niyo kaming pagbabantaan! Dahil sisiguraduhin ko sayong kapag
hindi ka natutong magsalita, bago pa man magawa ng mga kasamahan mo ang sinasabi
mong ganti ay wala nang dadaang hangin dyan sa lalamunan mo.”

Pumasok si James sa interrogation room. Hindi na nito natiis na huwag awatin ang
nanggagalaiting babae. “That’s enough Inspector Valdemor. Don’t waste too much
energy. Marami pang darating na mga araw para pahirapan natin ang matitigas ang
ulong mga kriminal na yan.”

Nahimasmasan si Alex sa saway ng binata. Ibinalik niya ang baril sa jacket.


Tinalikuran niya ang kidnapper at naglakad papalabas ng silid. “Ikaw na ang bahala
sa taong yan Inspector Corpuz baka hindi pa man yan nakakatuntong ng kulungan ay
mapatay ko na yan.”
“Ah by the way Inspector Valdemor, pinapatawag ka ni Chief sa opisina niya,” ani
James.

Huminto si Alex at napatingin sa kasamahan. Bigla siyang kinabahan. Alam niyang


maaring naroroon pa sa opisina ng hepe sina Blake at Don Henry. “Ako?” sabay turo
niya sa sarili.

“Yes.”

------

Ilang beses nagdalawang isip si Alex na pihitin ang door knob ng opisina ni Chief
Martinez. Sa kabila ng nanunumbalik niyang katapangan, hindi pa rin niya maikakaila
sa sarili na natatakot siyang harapin si Blake.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at dahan-dahang binuksan ang


pinto. Tumambad sa kanya ang maglolo na nakaupo sa harapan ng mesa ng hepe.

“Oh andito na pala si Inspector Valdemor,” bungad ng hepe.

Sinalubong siya ng ngiti ni Don Henry at nahihiyang ginantihan niya rin ito ng
ngiti.

“Yes chief. Pinapatawag niyo daw po ako,” pormal na salita niya nang may
mapagkumbabang tono.

Lumapit siya sa mesa ng hepe at palihim na sinulyapan si Blake. Komportableng


nakasandal sa silya ang lalaki. Medyo pabukaka itong nakaupo habang kumukuyakoy ang
isang hita. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya na ito nakikitaan ng
anumang galit o takot sa mga nangyari. Pinaglalaruan nito ang suot na relos na tila
walang nangyari at normal lamang ang lahat. Isang bagay lang ang naiiba...hindi ito
tumitingin sa kanya.

Nagsalita si Chief Martinez. “Inspector Valdemor, I already told to Don Henry and
Blake Monteverde the whole story. Naiintindihan na nila kung bakit nagawa mong
magdisguise. They accepted everything kaya’t wala ka nang dapat ipag-alala..”

Tumango si Alex at pansamantalang tinanggal ang atensiyon kay Blake. Seryoso siyang
nakinig sa mga sasabihin ng opisyal.

“...ang kailangan mo lang gawin ngayon inspektor ay ang ipagpatuloy ang


pagbabantay kay Blake Monteverde.”

Nagulat siya sa narinig. At kahit nasa harap niya si Don Henry, hindi niya
napigilan na hindi magtanong sa hepe nang may nagrereklamong tono. “Chief, akala ko
ba tapos na ang trabaho ko?”

“Wala tayong pinag-usapang tapos na ang assignment mo. It’s not over yet inspector
until we totally shut down the venomus. As of now you still have to protect Blake.
Humihingi si Don Henry ng pansamantalang assistance mula sa atin at tinanggap ito
ng mga nasa itaas. Blake’s case helped us a lot so they deserved to be protected.
And as of now, gusto ni Don Henry at ng mga nasa itaas na ikaw pa rin ang gumawa
nito.”

Napanganga si Alex. Gusto niyang tumutol at makipagtalo sa opisyal ngunit hindi


niya magawa dahil sa presensiya ng matandang negosyante. Nahiya siyang harap-
harapang tanggihan ang hiling nito.

“I told you grandpa that I don’t need a bodyguard. I can protect myself. I’m used
to these kidnapping threats my whole life,” kaswal na sabi ni Blake nang hindi pa
rin tumitingin kay Alex.

Tumayo ito sabay dampot sa ibabaw ng mesa ng susi ng kotse. “I’m tired. I want to
go home now. Magkita na lang tayo sa bahay lolo.”

Tumalikod si Blake nang hindi man lang nagpaalam sa dalawang pulis. Naglakad ito
papalabas ng pinto nang walang iba pang sinabi. Hinabol ito ng tingin ni Alex.

“Ano pang ginagawa mo Inspector Valdemor? Sundan mo si Blake!” utos ni Chief


Martinez.

Nalito si Alex sa gagawin. Hindi pa siya pumapayag sa mga sinabi ng hepe. Kailangan
muna nila itong pag-usapan ng mabuti.

“Maya...I mean inspektor nakikiusap ako...please continue protecting Blake,”


pakiusap ni Don Henry nang may nagsusumamong mukha.

Biglang nanlambot ang kanyang kalooban. Hindi niya kayang tiisin ang nakikiusap na
hitsura ng matanda. Wala siyang nagawa kundi ang habulin ang kalalabas lamang na
lalaki. Naabutan niya itong papasakay na sa kotse.

“Blake!”
Natigilan si Blake sa narinig na pamilyar na boses. Pansamantala siyang nag-isip
kung lilingunin ba o hindi ang taong tumawag sa kanyang pangalan. Napipilitang
tumingin siya sa kanyang likuran. Nakita niya ang seryosong mukha ng babaeng pulis.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa nang may mukhang nagtatanong ng ‘sino
ka?’.

Lumapit sa kanya ang babae at inilahad ang palad nito.

“Akin na ang susi.”

Hindi siya sumagot. Blangko ang reaksiyong nakipagpalitan siya ng mga titig sa
kaharap. Kusang kinuha ng babae sa kanyang kamay ang susi. Hindi siya tumutol.
Tahimik na sumunod siya sa gusto nito at lumipat sa kabilang pinto. Pagdating sa
loob ng sasakyan ay walang nagsasalita. Batid niyang pinapakiramdaman siya ng
katabi. Ayaw niya itong tingnan kung kaya’t diretso lang ang mga mata niya sa daan.

Pagkalipas ng mahigit tatlumpong minuto ay binasag niya ang katahimikan nang hindi
inaalis ang mga mata sa kalsada.

“What’s your name?”

“Alex.”

Tumahimik ulit siya ng ilang minuto.


“How old are you?”

“Twenty-three.”

Nagkaroon ulit ng mahaba-habang katahimikan.

“Ilang taon ka nang policewoman?”

“Tatlong taon.”

Hindi na muling nagtanong pa si Blake. Binuhay niya ang pansamantalang pinatay na


cellphone. Ilang saglit lang ay nagsimula nang tumunog ang kanyang telepono.

“Hello, Hayden.”

“Bro! Are you okay? I just watched you in the news!”

“I’m fine don’t worry...”

“That’s good. Hey Bro! I saw Maya in the TV too. Is she fine too?”
Huminga siya ng malalim. “Hayden, let’s not talk about her. She’s not with me
anymore.”

“Why? May problema ba kayong dalawa?”

“Next time na lang ulit tayo mag-usap. I want to take a rest bro.”

“Okay. Bye. Take a rest! Ingat!”

“Thanks.Bye...”

Pagkatapos ng pag-uusap nilang magkaibigan ay tumunog ulit ang telepono. Tumatawag


si Marianne. Hindi niya ito sinagot. Tinanggal niya ang sound ng cellphone at hindi
pinansin ang sunod-sunod na tawag ng girlfriend.

Pagdating sa bahay ay hindi pa rin tumitingin si Blake sa kasama. Hindi rin naman
ito nagpapakita ng anumang galit sa mukha. Si Alex naman ay naghihintay sa anumang
sumbat. Nakahanda siyang tanggapin ang lahat ng mga masasakit na salitang
maririnig. Subalit nanatiling tahimik ang lalaki hanggang sa marating nila ang
pinto ng kani-kanilang kuwarto.

Lutang ang isip na isinarado ni Blake ang kanyang kuwarto. Ilang saglit siyang
tulalang nakatayo malapit sa pintuan. Unti-unting nanginig ang kanyang mga labi’t
kamay hanggang sa dahan-dahan tumalim ang kanyang mga paningin. Lumapit siya sa
isang mesa at galit na hinawi ang lahat ng mga nakapatong dito.

“AAAAA!”

Nagsimulang uminit ang kanyang mukha. Unti-unting kumakawala ang pilit na


pinipigilang paghihimagsik ng kalooban. Isa-isa niyang dinampot ang bawat makitang
gamit at buong lakas na itinatapon ito sa sahig. Pinagbabasag niya ang lahat ng
pwedeng basagin. Pinupunit lahat ng pwedeng punitin. Tinatapon lahat ng pwedeng
itapon.

“AAAAA!”

Nang wala na siyang madampot na bagay ay pinagsusuntok niya ang dingding. Tumigil
lamang siya nang maramdaman niya ang paghapdi ng kanyang mga kamao. Natutulala
siyang lumapit sa kama at nanghihinang naupo dito. Matapos maibuhos ang lahat ng
galit ay unti-unti namang nangingibabaw ang nararamdamang sakit sa dibdib. Parang
may matalim na bagay na paulit-ulit na humihiwa sa kanyang puso. Hindi siya gaanong
makahinga sa lalim ng sakit na gumuguhit sa kanyang dibdib.

Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng nalaman. Nanaginip lang siya. Hindi
totoong sa isang iglap lamang ay nawala ang isang Mayang natutunan niya ng mahalin.
Halos sumubsob na ang puso niya sa pagkakahulog sa babae para lamang malaman sa
bandang huli na isang malaking pagkukunwari lang pala ang lahat. Napasapo siya sa
kanyang mukha. Hinayaan niyang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala
hanggang sa unti-unti siyang napahagulgol. Ito na yata ang pinakamasakit na
panlolokong nagawa sa kanya.
=================

[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)

*****

Umaga, naghahanda na sa unang araw ng pagiging bodyguard niya si Alex.... bilang si


Alex. Hindi siya komportable sa sitwasyon. Ngunit may isang bagay siyang
ikinatutuwa. Hindi niya na kinakailang pumasok at magpanggap na estudyante.

Paglabas niya ng kuwarto ay nagulat siya sa nabungarang mga plastik ng basura na


nakatambak sa labas ng kuwarto ni Blake. Nakita niya si Manang Cora na inaayos ang
mga ito.

“Anong nangyari Manang?”

“Hindi ko nga rin alam. Basta’t tinawag kami ng pagkaaga-aga para maglinis dito.”

Sumilip siya sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Punong-puno ng mga kalat at basag na


bagay ang sahig. Abala ang mga katulong sa paglilinis dito. Nagtaka siya sa nakita
at tinangka niyang pumasok. Ngunit nang nasa pintuan na siya’y bumungad sa harapan
niya si Blake. Binigyan siya nito ng isang malamig na titig habang nag-aayos ng
suot na damit.
“Strangers are not allowed inside my room.”

Napaatras si Alex. Sinunod niya ang narinig. Subalit bago tuluyang tumalikod ay
napansin niya ang sugatang kamay ng lalaki habang nag-aayos ito ng kuwelyo. May
biglang kumurot sa dibdib niya. Nagawa ba nitong saktan pati ang sarili dahil sa
sama ng loob?

Mag-isa siyang nag-almusal. Nagkusa na siyang hindi sabayan ang maglolo. Habang
kumakain ay nakita niyang naglalakad na si Blake papuntang garahe. Agad-agad niyang
tinapos ang pag-aalmusal at hinabol ang lalaki.

“Hindi ka na ba magbi-breakfast?”

“I don't have appetite.”

Pagdating sa garahe ay pinasalo sa kanya ng lalaki ang susi ng kotse. Naupo ito sa
likuran at tinitigan siya ng seryoso sa salamin.

“I’m letting you fullfill your job because of grandpa. Don’t ever think of other
reason kung bakit naririto ka pa sa bahay....And also from now on, I can’t promise
that everything will be easy between you and me.”

“Wala akong inaasahang anumang bagay mula sayo Blake. Huwag kang mag-alala,
pansamantala lang itong pagbabantay ko sayo. Ginagawa ko rin ito dahil sa lolo mo
pero maghahanap din ako ng papalit sa akin. Mas maraming naghihintay at nababagay
na trabaho sa akin sa headquarters.”
Hindi sumagot si Blake. Sinenyasan niya lamang ng kamay ang babae na paandarin na
ang sasakyan.

Pagdating sa campus ay bumuntot pa rin si Alex sa paglalakad papuntang classroom.


Hinarangan siya ni Blake.

“Where are you going? You’re not a student, aren’t you?” sarkastikong wika nito.

“Pupuntahan ko lang si Grace.”

“Hihingi ka rin ba ng despensa sa isa sa mga taong napaniwala mo?”

“Hindi. Gusto ko lang siyang makausap.”

Pinadaan siya ni Blake ngunit nginisian muna siya nito. Sinilip niya sa pinto ng
classroom ang pwesto ni Grace. Wala doon ang estudyante. Naghintay siya sa labas ng
silid-aralan, iniisip niyang baka na-late lamang ito.

Kalagitnaan na ng klase ay wala pa ring Grace na dumating. Sa halip ay naabutan


siya ni Marianne habang naghihintay.

“M-Marianne?”
Lumapit ito sa kanya nang may matamlay na ngiti. Tumabi ito sa kinatatayuan niya.

“Blake is not answering my call since Saturday...” sumbong nito.

“Pagpasensiyahan mo na Marianne. Magulo lang kasi ang utak ngayon ni Blake dahil sa
mga nangyari,” maamong sambit niya habang tinatapik sa balikat ang malungkot na
babae.

“I know...” nakayukong wika ni Marianne. “I’ve heard about everything... I was


shocked,” sabay angat nito ng mukha para tumingin sa kanya. “Thank you for saving
Blake.”

Tumango siya nang may tipid na ngiti. Naantig siya sa ginawang pasasalamat ng babae
samantalang sa pagitan nila ni Blake ay hindi usapin ang bagay na ito. Sa ngayon ay
mas nangingibabaw ang sakit na idinulot ng pagpapapanggap niya.

“Wala kang dapat ipasalamat Marianne, trabaho ko yun,” aniya.

“I would like to apologize also for setting you up to my brother. I feel


embarassed now.”

“Naintindihan ko yun. Wala kang dapat ipag-alala,” natatawang wika niya.

“Also, I’d like to say sorry na nagselos ako because of you over Blake. Now, I
understand why my brother told me na imposibleng mangyari ang iniisip ko.”
Nawala ang mga ngiti sa mukha ni Alex. Bahagyang nakonsensiya siya sa narinig. Wala
siyang ibang intensiyon sa pagiging malapit kay Blake kundi ang pagbigyan ang
sarili sa pansamantalang kaligayahang nararamdaman niya pag kasama ito. Wala siyang
ibang motibo maliban sa pagiging kaibigan. Ngunit naabuso niya nga ba ang pagiging
malapit nilang dalawa? At tama lamang para pagselosan na siya ni Marianne?

“W-Wala kang dapat ikaselos Marianne. Pagkatapos ng mga pangyayari, pati nga siguro
pagkakaibigan namin ni Blake ay hindi na maibabalik... Sige iwanan na kita dito.
Malapit nang matapos ang klase. Babalik na ako sa kotse,” biglang pag-iwas niya.

Naghintay siya sa loob ng sasakyan. Natanaw niya ang papalapit na magkasintahan. Sa


una ay parang normal lamang na nag-uusap ang dalawa. Ngunit maya-maya lamang ay
mukha na itong nagtatalo hanggang sa tinalikuran ni Blake ang umiiyak na babae.

Naglakad papalapit ng sasakyan si Blake. Sumakay ulit ito sa likuran at pabulagsak


na isinarado ang pintuan.

“Let’s go to my next class.”

Gusto sana itong tanungin ni Alex sa nangyari subalit umurong ang dila niya dahil
alam niyang babarahin lamang siya nito.

Maghapong malamig ang pakikitungo ni Blake kay Alex. May mga pagkakataong
ipinamumukha ng lalaki na para bang wala lang itong kasama. Hangga’t maari ay hindi
rin nito tinitingnan ang kanyang bodyguard. At nang papalubog na ang araw ay
nagsabi ito ng pupuntahan.
“Let’s go to racing venue.”

“May isang klase ka pa ah,” nagtatakang komento ni Alex.

“It’s none of your business.”

Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang lalaking may mainit na ulo. Pagdating sa
karerahan ay naroroon na ang buong barkada. Masayang binati ng mga ito si Blake.

“Whoah! Look who’s here? Welcome back Bro! Ang tagal mo ring hindi pumunta ah!”
bungad ng isang kabarkada.

Masayang nakipag-apir sa kanila si Blake. Napapalibutan ulit ang buong barkada ng


mga nagseseksihang mga babae. Maya-maya lang ay may lumapit na isa kay Blake at may
bitbit itong beer.

“Long time no see babe. I miss you,” malanding sabi nito sabay abot ng beer.

Tinanggap ni Blake ang alok na alak. “I miss you too Mariel,” nanunuksong bulong
niya sa tenga ng babae. Nakangising kinabig niya ang maliit na beywang nito at
hinalikan ng malalim sa mga labi.

“Wooooooh! What a comeback by pretty boy Blake!” kantiyaw ng buong barkada.


Nakaupo si Alex sa hood ng nakaparada nilang sasakyan. Hindi na siya lumapit sa mga
lalaki. Tahimik niya na lamang na pinagmamasdan ang mga nangyayari.

Nakita niya ang ginawa ni Blake. Kung pagbibigyan ang sarili, sa oras ding yun ay
kinaladkad niya na pabalik ng sasakyan ang lalaki. Ngunit kailangan niyang
tanggapin anuman ang mga ikinikilos nito sapagkat simula nang ilantad niya ang
totoo niyang pagkatao ay tinanggalan niya na ang sarili ng karapatang makialam sa
buhay nito.

Napansin ni Hayden si Alex. “Huh! Blake di ba si Maya yun? Akala ko ba hindi mo na


siya nakakasama?” takang sabi nito.

Napalingon sa kinaroroonan ni Alex ang buong barkada. Masayang kumaway ang


grupo. “MAYAAAAA!” sabay-sabay na tawag ng mga ito.

Gumanti rin ng ngiti at kaway si Alex.

“Stop waving at her guys! She’s not Maya!” galit na utos ni Blake.

“What do you mean?” nagtatakang tanong ni Hayden.

“You want to know? Go ask her,” nakangising sagot ni Blake. “Ah and by the way, be
careful with your actions. Because that person is a policewoman!” paalala niya sa
kaibigan.
Napanganga ang buong barkada sa narinig at sabay-sabay ang mga itong napatingin sa
nakangiting dalaga. Lahat ay napapalunok. Dati na silang takot sa matapang na babae
at ngayon ay lalo lamang nadagdagan ang takot nila sa nalaman.

------

Pinatawag ni Don Henry sa opisina niya sa loob ng bahay si Alex. Pagkatapos ng


nangyaring malaking insidente, ngayon lang ulit sila nagkita at nagkausap.

“Inspector...” bungad ng matanda sa nakaupong dalaga sa harap ng kanyang mesa.

“Alex na lang po Don Henry.”

“Alex....I just want to say thank you for protecting Blake.”

“Wala po yun Don Henry trabaho ko po ito. Pasensiya na rin kung nagawa kong
magsinungaling sa inyo. Hindi ko po ito gustong gawin pero walang ibang paraan para
mailigtas namin si Blake at mahuli ang sindikato,” nahihiyang paliwanag ni Alex.

“Naiintindihan ko ang lahat.”

“Salamat po.”
“Alex, you know that you’re almost like a real grandaughter to me...”

“Ako rin po Don Henry, itinuring ko na rin po kayong parang totoong lolo ko.”

“Kung ganoon sana mahalaga para sayo ang nararamdaman ko at mga kahilingan ko.”

“Siyempre naman po. May ipapakiusap ho ba kayo sa akin kaya niyo ako pinatawag?”

Huminga ng malalim ang matanda at tumingin nang seryoso sa mukha ng dalaga.


“Alex...I’ve requested you to protect Blake because I know that you care for
him...”

“Don Henry-”

“Hindi ko siya kayang ipagkatiwala sa ibang pulis maliban sayo...” Bumuntong-


hininga ulit si Don Henry.“However, may isa pa sana akong ipapakiusap sayo at alam
kong mahirap itong gawin ngunit umaasa akong mapagbibigyan mo pa rin ako...I know
that Blake is hurting a lot now because of you. Bilang lolo ni Blake, alam ko ang
nararamdaman ng apo ko. Hindi pa man ako sigurado.... but I’m afraid that Blake has
feelings for you.”

Napaangat ng ulo si Alex sa narinig. Tiningnan niya ang kausap nang may
naguguluhang mukha.
“Yes, Alex. I think Blake likes you... a lot.”

Napalunok siya at di niya naitago ang pamumula ng mga pisngi. “Don Henry
nagkakamali po kayo. Kaibigan lang po ang tingin sa akin ng apo niyo.”

“I don’t think so Alex,”mahinahong wika ni Don Henry. “And this is the reason I
want to talk to you very seriously...Ipapakiusap ko sana na ilayo mo ang loob ni
Blake sayo.”

Nagulat si Alex. Binigyan niya ng naguguluhang tingin ang matanda.

“It’s not that I don’t like you. I like you a lot. I like you as a grandaughter. I
like you as a person but..... I don’t want you to be Blake’s woman.”

“Anong ibig niyong sabihin? Bakit kailangan niyo akong kausapin tungkol sa bagay na
yan?” nalilitong tanong ng babae.

“Alex, siguro naman ay naikuwento na sayo ni Blake ang kasunduan namin tungkol sa
pag-aasawa niya.”

“Oho.”

“The reason I had that agreement because I want him to have a family of his own
before I leave this world. I don’t want him to be left alone. I want him to have a
woman who can stay with him forever.”
Tumikhim si Alex. “H-Hindi naman po sa inaalok ko ang sarili ko, pero pwede ko ho
bang tanungin kung bakit hindi ako pwede?”

“Alex, I’m sorry to say this... Ayokong mapunta si Blake sa isang babaeng nasa
hukay ang isang paa sa lahat ng oras.”

Natigilan si Alex. Bigla siyang nasaktan sa mga sinabi ni Don Henry ngunit hindi
niya alam kung bakit. Tinamaan ba ang pride niya bilang isang pulis o dahil may
katotohanan ang mga sinabi nito kung bakit hindi siya nararapat kay Blake? Pinilit
niyang ngumiti at sinubukang itago ang sakit na sumapol sa kanyang dibdib.

“N-Naiintindihan ko po kayo Don Henry. Huwag ho kayong mag-alala dahil unang-una,


ni minsan po ay hindi pumasok ang ganyang bagay sa isip ko. K-Kaibigan lang po ang
tingin ko sa apo niyo. Kung naging malapit man ako kay Blake siguro ay bunga lamang
ito ng pagpapanggap ko....”

“...H-hayaan niyo ho ngayong alam niya na ang totoong pagkatao ko, lalagyan ko na
ho ng mga limitasyon ang aking sarili. S-simula po ngayon ang papel ko na lamang sa
apo niyo ay bilang bantay niya at s-siya rin po bilang binabantayan ko....”

“...S-Sa tingin ko ay ganun din naman ho talaga ang mangyayari dahil alam kong
kaya lang naman ako natanggap dati ni Blake dahil sa pagkatao ni Maya. H-hindi ho
ako bilang Alex. Kung totoo man po yung sinasabi niyo tungkol sa nararamdaman ni
Blake, yun ho ay para kay Maya at hindi na po nage-exist ang taong iyon kaya wala
po kayong dapat ipag-alala.”

Gumaan ang pakiramdam ni Don Henry sa mga binitawang salita ng kausap. “Salamat
Alex. Napakamaunawain mong bata...salamat.”
“A-Alam ko namang ginagawa niyo ito dahil sa pagmamahal niyo kay Blake...May
sasabihin pa po ba kayo? P-pwede na po ba akong umalis?”

“Wala na Alex...salamat.”

Tumayo si Alex at pilit inihakbang ang mabibigat na mga paa.

“Alex...I hope you won't misunderstand me. I like you and I truly see you as my own
granddaughter,” pahabol ng matanda.

“A-Alam ko po. Salamat.”

Pagkalabas ng silid ay napasandal agad sa dingding si Alex. Hinawakan niya ang


dibdib at minasahe ito habang paulit-ulit na humihinga ng malalim. Lahat ng sinabi
ni Don Henry ay tama. Lahat din ng mga isinagot niya ay tama. Subalit bakit parang
may lihim na tumututol sa kaloob-looban niya? Bakit nalulungkot pa rin siya sa
kabila ng katotohanan sa mga paliwanag ni Don Henry?

Naglakad siya pabalik ng kanyang kuwarto at habang nasa pasilyo’y namataan niya si
Blake. Kaakbay nito ang babaeng nakahalikan kelan lang sa karerahan. Makakasalubong
niya ang dalawa.

“Wow Blake your house is huge. And seriously, how many rooms do you have?”

“A lot. But you know what? I prepared the best room for you.”
Nilampasan siya ng dalawang naghaharutan na para bang walang nakita ang mga ito.
Biglang nagpanting ang kanyang mga tenga.

“Blake!”

Huminto ang dalawa. Tumingin sa kanya ang lalaki at ngumiti nang nakakaloko.

“What is it, woman?”

Gusto niyang paghiwalayin ang magkadikit nitong mga katawan. Gusto niyang batukan
ang lalaki. Gusto niyang pilipitin ang kamay nito sa pagrerebeldeng ginagawa. Gusto
niya itong sigawan! Gusto niya ulit itong pasunurin kagaya nang dati!....Ngunit
bigla niyang naalala ang katatapos lang nilang pag-uusap ni Don Henry.

“Wala,” maamong sabi niya.

Tinalikuran siya ni Blake. Hinayaan niyang maglakad papalayo ang dalawa hanggang sa
matanaw niyang pumapasok na ang mga ito sa isa sa mga kuwarto.
=================

[31] PUSH THE LIMITS

****

Tumutulo ang luha ni Marianne. Namumutla ang mukha. Hindi mailarawan ang lungkot na
nararamdaman habang naglalakad papalapit kay Alex.

“Anong nangyari sayo Marianne?” takang tanong ni Alex.

“H-help me. Please help me,” hagulhol ni Marianne sabay yakap sa dalaga.

“Bakit ano bang nangyari?”

“B-Blake just broke up with me.”

Hindi makapaniwala si Alex sa narinig. Tinanggal niya sa pagkakayakap ang babae at


hinawakan ito sa magkabilang braso. “Ano?! Bakit niya naman gagawin yun?”

Tuloy ang pag-agos ng luha ni Marianne. “H-He said I lied about my brother. He
said that maybe I have an involvement with your schemes. He lost his trust Alex.
Help me please. Explain it to him. Pleaasssee!” naghihisteryang pakiusap nito.
Niyakap ni Alex ang babae. Bigla siyang nakonsensiya sa pagkakadamay nito sa
kanyang nagawa. Tinapik-tapik niya ito sa likod at pilit pinakalma. Agad siyang
nakaramdam ng galit kay Blake dahil sa desisyon nitong ibinase lamang sa maling
hinala.

“Huwag kang mag-alala Marianne. Kakausapin ko si Blake. Ipapaliwanag ko sa kanya


ang lahat. Pasensiya ka na kung pati ikaw ay nadamay sa problema namin.”

Kumawala sa yakap niya ang babae at tiningnan siya nito sa mukha. “B-but Alex, I
really lied about my brother....”

“Mababaw na kasalanan lang yun Marianne para humantong kayo sa ganito. Gagawin ko
ang lahat para maintindihan ka niya at ipapaliwanag ko kung bakit nagawa mong
magsinungaling.”

“Please help me Alex. I love him so much. I don’t want to lose him again. Siya lang
ang kaisa-isang lalaking ipinaglaban ko sa buong buhay ko. Hindi kami pwedeng
maghiwalay ng dahil lamang dito.”

“I-ikaw din. Mahal ka rin naman ni Blake di ba? Ipinaglaban ka rin naman niya. Ikaw
ang pinili niya sa lahat ng mga naging babae sa buhay niya.”

“I-I know but this time I’m not sure anymore. All I can see from him is anger and
pain. I’m afraid so please help me Alex.”

“Mahal ka ni Blake. Magulo lamang ang utak niya kaya niya siguro nagawa ito.
Sigurado akong babalik din sa normal ang lahat sa inyong dalawa pag lumipas na ang
galit niya.”
Niyakap niya ulit ang umiiyak na babae.

“Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. At pasensiya ka na kung pati ikaw ay


nadamay dahil sa nagawa ko...”

------

Pumapasok pa lamang ng garahe ay humugot na ng isang malalim na buntong-hininga si


Alex. Buong araw siyang nag-ipon ng lakas ng loob para kausapin si Blake. Naunang
bumaba ng sasakyan ang lalaki at dire-diretso itong naglakad papasok ng bahay. Agad
niya itong sinundan.

“B-Blake pwede ba tayong mag-usap?” malumanay na sabi niya.

Tila walang narinig ang lalaki. Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Binilisan
niya ang pagbuntot dito at napilitan siyang hawakan ito sa kamay.Saka lamang
tumigil si Blake. Tumingin muna ito sa pagkakahawak niya bago tingnan ang kanyang
mukha.

“B-Blake tungkol kay Marianne...Huwag mo siyang idamay. Wala siyang nagawang


kasalanan sayo. Wala siyang kinalaman sa mga nagawa ko,” umpisa niya.

Hindi siya sinagot ng kinakausap. Tumitig lang ito at ngumisi sa kanya. Inalis nito
ang nakahawak niyang mga kamay at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
“Blake makinig ka naman please. Kawawa naman si Marianne. Huwag kang padalos-dalos
ng desisyon baka mamaya pagsisihan mo rin ito. Mahal mo si Marianne di ba?”

Huminto si Blake. Tiningnan ulit siya nito ng may nakakalokong ngiti. “Look at you.
You have the guts to explain in behalf of other people...but you don’t even bother
to explain for yourself.”

Hindi siya makapangatwiran. Hindi tungkol sa sarili kung bakit niya ito kinakausap
ngayon. “Walang kinalaman si Marianne sa trabaho ko Blake. Oo kapatid niya si James
pero hindi ito sapat na dahilan para masabi mong may kinalaman siya sa mga
nangyari. Wala siyang alam. Trabaho ito Blake at hindi kami para gumamit ng
inosenteng taong gaya niya sa ganito kaseryosong kaso.”

Napatitig ulit sa kanya si Blake. Natatawang naningkit ang mga mata nito. “Anong
sabi mo? I hope I get it right na hindi kayo gumagamit ng inosenteng tao....then
what did you do to me? You used me, right? You used me to capture the kidnappers.”

“B-Blake-”

Ngumisi si Blake. “You can’t answer me because I’m right.... Do you even realize
that what you did is unforgivable? Yes, you saved me...but you cannot hide the fact
that you used me first. You sacrificed me, right?”

Hindi makatingin si Alex sa lalaki. Hindi niya ito masisi kung mag-isip ito ng
ganito. Sana pwede niyang sabihin dito ang lahat. Gusto niyang sabihing sinubukan
niyang ipaglaban ang lalaki ngunit wala talagang ibang mas madali at mas ligtas na
paraan. Ngunit para ano pa’t kailangan niyang magpaliwanag. Hindi na maibabalik ng
mga paliwanag ang nakaraan. At hindi rin naman siya nananatili sa tabi nito para
ibalik ang dati nilang samahan.
“H-huwag nating ibahin ang usapan Blake. Nakikiusap ako na pakinggan mo si
Marianne...”

“Huwag mo kaming pakialaman dahil problema naming dalawa yun... and besides she
really lied about her brother.”

Tumalikod ulit si Blake at diretsong naglakad sa pasilyo. Natigilan ng ilang saglit


si Alex. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya niya sa nagmamatigas na kausap.
Hinabol niya ulit ito habang pilit pa ring kinakausap.

“Nagawa niya lang magsinungaling dahil natatakot siya na baka hindi mo matanggap na
may kapatid siyang pulis. Pero wala siyang balak ilihim ito nang matagal. Pakinggan
mo naman ako alang-alang kay Marianne.”

Hindi pa rin siya pinansin ng lalaki hanggang sa hindi niya na napigilang hindi
magtaas ng boses. “Bakit Blake? Ano bang masama kung pulis ang kapatid niya?!
Kasuklam-suklam ba talaga para sayo ang mga katulad namin? Gaano ba kabigat ang
nagawa naming kasalanan sayo?!”

Tumigil si Blake at hinarap siya. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Tinitigan siya
nito ng seryoso at matigas na nagbitiw ng salita. “Yes I hate your job. I hate
people like you....dahil ang mga taong kagaya niyo ang madalas maging dahilan ng
kalungkutan at pagdurusa ko. Am I wrong Alex?”

Kumawala sa mga titig ni Blake si Alex. Wala siyang maisagot dahil patama na naman
sa kanya ang binitawan nitong mga salita. Ikinalma niya ang sarili, ayaw niyang
sabayan ang init ng ulo ng kausap.

“Hindi kasalanan ni Marianne kung pulis ang kapatid niya...Itigil mo na yang


pagiging isip-bata mo Blake,” umiiwas ang mga matang pahayag niya.

Napikon si Blake sa narinig. Isinandal niya sa dingding ang babae at pinanlakihan


ito ng mga mata. “Bata? So you’re starting to speak like a real grown-up woman now.
Are you underestimating me because I’m just a kid? Is that how you see me now?!”

“H-Hindi yan ang ibig kong sabihin Blake,” asiwang paliwanag ni Alex.

Tinitigan lalo ni Blake ang babae at ngumiti ng nakakaloko. Isinandal at idiniin


niya sa dingding ang magkabilaang kamay ni Alex. “Do you want me to prove to you
that I’m not a kid anymore?” nanunuksong bulong niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang nakaawang na mga labi. Napapikit ang babae at
mabilis itong pumaling sa ibang direksiyon. Natigilan siya sa mabilis na pag-iwas
nito. Unti-unting tumaas ang kanyang kilay habang napapangisi.

“I get it. Maya can kiss me back but Alex can’t. Tama ba ako?” sabi niya nang
nakatitig at hindi inilalayo ang malapit na mukha sa babae.

Hindi sumagot si Alex. Ayaw niyang patulan ang pang-uudyok ng kausap. Ang mahalaga
sa kanya sa mga oras na iyon ay ang maayos ang problema nito kay Marianne.
Binitawan nito ang kanyang mga kamay at muli siyang tinalikuran.

“Blake huwag ka munang umalis. Pag-usapan natin ang nangyari sa inyo ni


Marianne...”

Hindi na napigil ni Blake ang sarili. “STOP MESSING WITH MY PERSONAL LIFE! IT’S
NONE OF YOUR BUSINESS! SINO KA BA PARA MAKIALAM? You’re not Maya....Si Maya lang
ang binigyan ko ng karapatang makialam sa buhay ko. AND YOU ARE NOT HER, WOMAN!”

“B-Blake.....” Hindi na nagawa pang magsalita ni Alex. Wala siyang karapatang


ipagtanggol ang sarili dahil alam niyang kagagawan niya ang lahat ng sakit na
nararamdaman ng lalaki.

------

Sa parking lot ng isang disco bar ay matiyagang naghihintay si Alex sa paglabas ni


Blake at ng mga barkada nito. Nakaupo siya sa hood ng sasakyan habang naglalaro sa
cellphone. Paulit-ulit siyang tumitingin sa oras. Ala una na ng madaling araw
ngunit hindi pa rin lumalabas ang magbabarkada. Nag-aalala siya dahil maaga pa ang
pasok ni Blake kinabukasan.

Mga tatlumpong minuto pa siyang naghintay at maya-maya lang ay lumabas na ang


grupo. May kaakbay na naman si Blake na maganda at seksing babae. Naglalandiang
lumapit ang dalawa sa sasakyan at bago sumakay sa likurang upuan ay nginisian muna
siya ni Blake.

Hindi niya pinansin ang nakakalokong ngiti ng lalaki sa halip ay pumasok na rin
siya ng kotse at kalmadong pinagmasdan sa salamin ang dalawang naghaharutang mga
sakay. Naghintay siya ng sasabihin ng lalaki. Bagama’t tila alam niya na kung saang
lugar pupunta ang mga ito ay naghintay pa rin siyang sabihin mismo ito ni Blake.

“Let’s go back to UP Compound. Ihahatid natin ang kasama ko .”

Nagtaka si Alex. Hindi ito ang inaasahan niyang lugar na sasabihin ng lalaki.
Sumunod siya at tahimik na nagmaneho habang walang humpay sa paglalampungan ang
dalawang sakay.
“Blake okay lang ba sa kasama mo ang ginagawa natin?” bulong ng babae.

“Don’t mind her. That woman is the most cold-hearted person I’ve ever met. Hindi
yan naapektuhan ng ganitong mga bagay.”

Hindi umimik si Alex. Unti-unti nang nasasanay ang mga tenga niya sa mga pasaring
ni Blake. Ilang saglit lamang ay hindi sinasadyang napatingin siya sa salamin.
Nakita niya ang dalawang sakay, sumusobra na ang ginagawang paglalampungan ng mga
ito. Walang tigil sa paghahalikan at kulang na lang ay magtalik na habang
ipinagmamaneho niya.

“Park the car,” biglang utos ni Blake nang may madaanan silang isang tahimik at
mapunong lugar. “I said park the car,” madiing ulit nito.

Sinunod ni Alex ang utos. Pinarada niya ang sasakyan sa tabi ng isang puno.

“Get out. Leave us for a while,” utos ulit ng lalaki.

Tahimik at mahinahong sumunod si Alex. Lumabas siya ng sasakyan. Lumayo siya ng mga
ilang metro mula sa kotse. Nakatayo lamang siya. Paulit-ulit na humihinga ng
malalim habang tumatama ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Sinusubukan niyang
ikalma ang sarili.... ngunit kahit ang nangangalit niyang mga ngipin ay tila
dinidiktahan na siyang sobra na.
Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay. Tumalim ang kanyang mga mata.
Nanggigigil ang kanyang mga kalamnan. Lumingon siya sa sasakyan. Lumapit siya dito
at walang kaabog-abog na binuksan ang likurang pintuan.

Natigilan ang dalawa sa paglalampungan. Gulat na napatingin sa kanya si Blake.


Bingyan niya ito ng nakakahiwang mga titig habang nangungusok sa galit ang ilong.

“What are you doing?” ani Blake habang inaayos ang butones ng polo.

“BABA!”

“Are you out of your mind?” napapangising tugon ng lalaki.

“Bababa ka ba diyan o gusto mong hilahin kita palabas?!”

Natigilan si Blake. Ngayon niya lang ulit narinig ang tono ng pananalita nito na
hindi niya kayang suwayin. Lumabas siya ng sasakyan at ngingisi-ngising inayos ang
sarili. Pinandilatan ni Alex ang kasama niyang babae. Tatawa-tawa lamang siya
habang pinapanood ang pananakot ng dalaga.

“Ikaw babae. Bumaba ka na rin at umuwi ka na!”

“Anong karapatan mong pagsabihan kami ni Blake? Sino ka ba?!”


“Bababa ka ba o kakaladkarin kitang sumakay ng taxi!”

Natakot ang babae. Dali-dali nitong dinampot ang mga gamit at kaagad itong lumabas
ng sasakyan. Magpapaalam pa sana ito kay Blake ngunit hindi na ito pinayagang
makalapit ni Alex.

Pagkaalis ng babae ay galit na galit na lumapit si Alex kay Blake. Kinuha niya ang
mga kamay ng lalaki at ikinuyom ito. “Ayan! Galit ka sige suntukin mo ako! Sanay
akong tumanggap ng suntok ng lalaki! Sige suntukin mo ako!” hamon niya.

Hindi nakakibo si Blake. Gulat na gulat siya sa hindi inaasahang kilos ng babae.
Kinuha ulit ni Alex ang kamao niya at kusa itong isinuntok sa mukha nito. Mabilis
niyang binawi ang kanyang kamay.

“Saktan mo ako! ILABAS MO LAHAT NG GALIT MO! SAKTAN MO AKO! TATANGGAPIN KO LAHAT NG
GALIT MO! ITIGIL MO LANG LAHAT NG MGA KATARANTADUHANG PINAGAGAWA MO!....Sa akin ka
galit di ba? Pwes ayan pagbibigyan kita. Ibuhos mo na ang lahat ng sama ng loob mo
sa akin!”

Nagsimula na ring magalit si Blake. “Who are you to tell me what to do?! Ano ba ang
gusto mong mangyari? Are you teaching me to hit a person now?!”

“Pinapalabas ko sayo lahat ng mga nakatago diyan sa dibdib mo! ILABAS MO SABI!!!!”

“Wala akong dapat ilabas at wala akong dapat sabihin sayo Alex. Why would I even
waste time talking about a person who doesn’t even matter to me?” madiing wika ni
Blake.
Sarkastikong tumawa si Alex. “Bakit naduduwag ka? Kaya ba sa ganitong paraan mo
dinadaan lahat dahil hindi mo kayang harapin ang katotohanan? TUMIGIL KA NA
BLAKE!!!! DAHIL KAHIT ANONG GAWIN MONG PAGREREBELDE AY HINDI NA MABABAGO ANG
NANGYARI!”

“...Tapos na ang lahat. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Tutal ako naman ang
nanakit sayo kaya AKO NA LANG ANG SAKTAN MO!!! AKO NA LANG BLAKE! SABIHIN MO NA
LAHAT NG IKINAGAGALIT MO! PAKIKINGGAN KO AT TATANGGAPIN KO LAHAT!!!”

Nanlaki ang mga mata ni Blake sa nakikitang tindi ng galit ng babae. Namumula na
rin ang kanyang mukha. Gusto na ring kumawala sa dibdib niya ng nagsisiksikan,
haloh-halo at nakaimbak na mga damdamin. Nadadala na siya sa emosyong ipinapakita
ng dalaga. Hanggang sa hindi niya namalayang bumubuka na ang kanyang nanginginig na
mga labi.

“I-I hate you,” madiin at nangingilid ang mga luhang bigkas niya sa kalagitnaan ng
pagsisigaw ng kausap.

Natigilan si Alex. Tinitigan siya nito habang naghihintay ng susunod na mga


sasabihin niya.

“Ano pa Blake?! Magsalita ka pa!”

Hindi maintindihan ni Blake kung sasabayan pa rin ba niya ang galit ng kausap o
pagbibigyan niyang pumatak ang mga luhang nagbabalak dumungaw sa kanyang mga mata.

“I hate you for lying to me....”


“I hate you for using me....”

“Ano pa?” ani Alex na pilit tinatapangan ang mukha habang nahihirapan ang loob sa
nakikitang nasasaktang hitsura ng lalaki.

“ I hate you for approaching me and for disguising as my friend...”

“Sabihin mo lahat Blake!”

Unti-unting tumulo ang luha ni Blake. “I hate you for showing kindness to me...”

“I hate you for your smiles and for the laughter you engraved in my mind...”

“B-Blake-” natitigilang sambit ng dalaga sa pag-iba ng tono ng pananalita ng


kausap.

“I hate you for giving me good memories...”

“I hate you for all the happy days I shared with you...”
Bumilis ang pag-agos ng luha ng lalaki at bahagyang gumaralgal ang boses nito.

“I hate you for making me think that you care...”

“I hate you for giving me hopes that you’ll stay with me forever...”

“I hate you for making my heart thumps harder...”

“Most of all...I hate you for making me fall in love with you..”

Nanghina si Alex. Napilitan siyang tumalikod. Napapikit siya at pilit pinigilan ang
sarili sa pag-iyak. Pinupunit ang kanyang dibdib sa mga naririnig at nasasaksihang
mga luha. Parang hindi niya na kayang pakinggan pa at malaman kung gaano kalalim
ang nagawa niyang pagkakamali at pananakit sa lalaki.

“Don’t turn your back Alex...you said you’re going to listen to everything.”

Humarap ulit siya nang may hindi na maitagong pangingilid ng mga luha.

“...And I hate you for being who you are now...”

“B-Bakit Blake? A-anong masama sa kung ano ako ngayon?”


“I hate you for who you are now because-”

“D-dahil pa rin ba sa trabaho ko?”

“....because it’s hurting me that you are the one who has to protect me when I
should be the one protecting you.”

“...because it’s hurting me that you have to risk your life for me when I should
be the one risking mine for you.”

“...because it’s hurting me whenever I think that I will never be man enough to a
woman like you.”

“And what I hate most... is that I used to think that Maya could love me back but
you, being who you are now,... I can’t see any chance that you will love me too,
Alex.”

Lumapit si Blake sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. “But I’m hoping I’m wrong
Alex. Tell me I’m wrong... Please tell me you can love me too Alex...”

“A-Ang sabi ko sayo pakikinggan lang kita ngayon...” nanginginig ang boses na sagot
ni Alex.

Hindi na naawat ang mga luha ni Alex sa pagpatak nang makulong siya sa mga bisig ni
Blake. Nanghihinang kumawala siya sa yakap nito at nagmadaling tumalikod. Palihim
niyang pinunasan ang mga mata at pinilit pa ring humarap nang nakangiti sa lalaki.
“N-Nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabihin?”

Tila batang tumango si Blake na noon ay unti-unting natutulala habang napagtatanto


ang mga salitang lumabas sa sariling bibig.

“W-Wala na bang natitira diyan sa dibdib mo?”

Umiling ang lalaki.

“N-Naubos na ba lahat ng galit mo?”

Tumango si Blake.

Naluluhang ngumiti si Alex. “T-Tara na Blake...umuwi na tayo.”

Mahinahong pumasok ng kotse si Alex. Hinintay niya ng ilang sandali na mahimasmasan


si Blake. Naiwan itong nakatayo pa rin sa labas habang tahimik na nag-iisip. Maya-
maya din lang ay sumakay na ito at pagkalipas ng mahaba-habang panahon ay muli
itong naupo sa tabi niya.
=================

[32] I SURRENDER

*****

Nagbalik sa normal ang kilos ni Blake. Simula nang maihinga ang saloobin ay mas
lalo na siyang naging bukas sa pagpapakita ng totoong nararamdaman niya para kay
Alex.

“Where are we going? Hindi ito ang daan papuntang bahay?” tanong niya sa
nagmamanehong dalaga habang papauwi sila mula UP.

“May pupuntahan tayong dinner,” sagot ni Alex habang nakatingin ito sa daan.

“Wala akong maalalang may appoinment akong dinner. Are you going to treat me?”
nagtatakang sabi niya.

Hindi sumagot si Alex at ipinagpatuloy lamang ang tahimik na pagmamaneho.

Maya’t mayang sinusulyapan ni Blake ang katabi. Sa kabila ng lahat ng mga inamin
dito, ni hindi niya man lamang ito nakitaan ng senyales na naapektuhan o naantig
man lang sa mga sinabi niya. Kung tutuusin ay tila naging malamig pa ang
pakikitungo nito sa kanya. Pero hindi ito importante. Wala siyang inaasahang
kapalit mula sa babae. Ang manatili lamang ito sa tabi niya kahit bilang bodyguard
ay sapat na para sa kanya.
Pagdating sa restaurant ay pinauna siyang bumaba ni Alex.

“Blake mauna ka nang pumasok sa loob. May tatawagan lang ako sa headquarters.”

“Sabay na tayo. I’ll wait for you until you’re done talking.”

“Hindi pwede. Confidential ang pag-uusapan namin. Pumasok ka na sa loob doon mo na


lang ako hintayin.”

Napilitang sumunod si Blake. Lumabas siya ng sasakyan at mahinahong naglakad


papasok ng restaurant. Paghawak niya sa glassdoor ay natigilan siya sa natanaw. Si
Marianne. Mag-isa itong nakaupo sa mesa at halatang may hinihintay.

Agad niyang nakuha ang sitwasyon. Bumalik siya sa sasakyan at nakitang wala namang
kausap sa telepono ang kasama.

“Ano tong ginagawa mo Alex?” salubong ng mga kilay na tanong niya.

“Makipag-ayos ka na kay Marianne,” malamig ngunit madiing bigkas nito.

Bigla siyang napikong sa narinig ngunit pinigilan niya ang damdamin. “You don’t
have to do this. Ako ang magdedesisyon tungkol sa bagay na ito.”
“Kung hindi ko to gagawin, pwede ko bang itanong kung kelan mo balak ayusin ang
problema niyo ng girlfriend mo?”

“Alex she’s not my girlfriend anymore. I broke up with her.”

“Bakit? Dahil idinamay mo siya sa galit mo sa akin di ba?” nakataas ang kilay na
sumbat ng babae.

“No. Not only that. I told you that I-”

Hindi pinatapos ni Alex ang sasabihin ng lalaki. Iniwasan niyang marinig ang mga
susunod na mga salitang lalabas sa bibig nito.

“Blake huwag mo akong gawing dahilan para magkasira kayo ni Marianne. Ayokong may
masisirang relasyon nang dahil sa akin. Huwag mong sayangin ang lahat ng mga
namagitan sa inyong dalawa. Alalahanin mong may pangako kang dapat tuparin sa lolo
mo... Si Marianne ang babaeng makakatulong sayo sa pagtupad sa pangakong yan. Mahal
ka ng girlfriend mo at alam kong mahal mo rin siya kaya huwag mong itapon ang lahat
nang ganun-ganun na lang Blake.”

Tumahimik si Blake. Nag-isip ng ilang sandali, bumuntong-hininga’t tumingin ng


seryoso sa kausap. “Is this what you want?”

Hindi sumagot si Alex.


Matagal na tinitigan ni Blake ang dalaga habang hinihintay ang sasabihin nito.
Hinahanap niya ang totoong kasagutan sa mga mata nito. “I’m asking you if this is
what you want?”

Kumawala sa mga titig ng lalaki si Alex. “Huwag mo akong tanungin kung ito ang
gusto ko. Gawin mo ito dahil ito ang tama para sayo.”

“Answer me or else I will not go inside. Pag ginawa ko ba ito ay magiging masaya ka
na?” matigas na sabi ng lalaki.

Hindi ulit sumagot si Alex. Sumandal sa upuan si Blake at huminga ng malalim.

“Let’s go home,” madiing utos ng lalaki.

Naghintay si Blake na paandarin ni Alex ang sasakyan ngunit hindi kumikilos ang
dalaga. Nanatili lang itong nakahawak ng mahigpit sa manibela habang nakatingin ng
diretso.

“Oo. Ito ang gusto ko,” biglang sabi nito.

Natigilan si Blake. Muli niyang tinitigan ng seryoso ang babae. “Say it again.”

“Oo. Ito ang gusto ko.”


“Say it again...while looking into my eyes.”

Napilitan si Alex na tumingin sa katabi. “S-Sabi ko ito ang gusto ko,” matapang ang
mukha ngunit napapalunok na sabi niya.

Ngumisi ang lalaki at binawi nito ang mga mata sa babae. “Okay, if you said so
then I’ll do it. But bear in your mind, the only reason why I’m doing this because
I’m willing to do anything that will make you happy, ” sarkastikong tono nito.

Lumabas ng sasakyan si Blake at pabalibag na isinarado ang pinto. Pagkalabas nito’y


agad na napahawak sa dibdib niya si Alex. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim.
Hirap na hirap na siya sa ginagawang pagmamatigas pero ito lang ang naisip niyang
paraan upang hindi na muling mahulog pa ang loob ni Blake sa kanya. Ayaw niya itong
umasa dahil anuman ang mangyari, alam niyang wala siyang ibang maibibigay dito
maliban sa pagtupad niya sa kanyang responsibilidad na pangalagaan ang kaligtasan
nito.

Habang naghihintay na matapos ang pag-uusap nina Blake at Marianne, hindi


maintindihan ni Alex ang unti-unting umuusbong na kakaibang pakiramdam. Hindi siya
mapakali. Kung anu-ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. May biglang tumututol sa
kanyang kaloob-looban sa ginagawang pag-uusap ng dalawa. Parang may tumutusok sa
dibdib niya habang iniisip na baka sa mga sandaling iyon ay masaya na uling
nagpapalitan ng mga ngiti ang mga ito. Kinakabahan siya na baka kagaya na ulit ang
dalawa ng dati, masayang nagkukuwentuhan habang nagsusubuan.

Paulit-ulit siyang tumitingin sa relos. Natatagalan na siya sa kanyang paghihintay.


Nawala na ba kaagad siya sa utak ni Blake kung kaya’t nakalimutan na nitong
naghihintay siya? Paulit-ulit niyang kinakagat ang mga labi sa pagkainip. Gusto
niyang pindutin ang busina... ngunit sa isang iglap ay bigla siyang natauhan.

Natawa siya sa sarili. Bakit ba siya nagkakaganito samantalang siya ang nagpasimuno
na magkaayos ang dalawa?
Ilang ulit niyang tinapik-tapik ang dibdib. Binuksan niya ang bintana upang may
makapasok na hangin sa tila naninikip niyang dibdib. At binatukan ang sarili upang
paalalahanan na wala itong karapatang maapektuhan sa ganitong bagay. Lumabas siya
ng sasakyan nang maramdamang tila hindi na siya makahinga sa loob.

Lumipas ang tatlumpong minuto ay lumabas na sina Marianne at Blake. Magkahawak ang
kamay ng dalawa. Pinipiga ang dibdib ni Alex sa nakita ngunit pinilit niyang
ngumiti. Abot tenga ang ngiti sa kanya ni Marianne. Agad-agad itong lumapit at
niyakap siya ng mahigpit.

“Thank you Alex.”

Ngumiti siya ng matamlay at tinapik sa likod ang babae. “Wag kang magpasalamat sa
akin Marianne. Nakapagisip-isip na siguro si Blake ng mabuti at narealize na ang
pagkakamali niya,” mahinang sabi niya upang iiwas ito pandinig ng lalaki.
Napasulyap siya Blake. Blangko ang mukhang nakatingin ito sa kanya.

Hinatid nila si Marianne pauwi. Maya’t mayang tumitingin si Alex sa salamin.


Nakikita niyang nilalambing ni Marianne si Blake samantalang ngingiti-ngiti lamang
ang lalaki. Masaya ang tono ng pag-uusap ng mga ito subalit walang gaanong pisikal
na paglalambingan maliban sa holding hands.

Nagseryoso ulit siya sa pagmamaneho at nang di sinasadyang mapatingin siya sa


salamin ay huling-huli niya sa aktong hahalikan ni Marianne si Blake. Bigla siyang
napapreno ng malakas. Muntik nang mapasubsob ang dalawang sakay sa likuran.

“What happened?!” gulat na salita ni Blake.


Namula si Alex at biglang nataranta sa isasagot. “M-May tumawid na pusa. M-Muntik
ko nang masagasaan. Sorry....”

“Be careful in driving,” may pag-aalalang tono ng lalaki.

“O-Oo.”

Pagkahatid kay Marianne ay muling naupo sa harap si Blake. Tahimik ang loob ng
sasakyan habang nasa biyahe. Walang naganap kahit maiksing tanungan at sagutan.
Subalit pagdating sa garahe ay binasag ni Blake ang katahimikan bago bumaba.

“Are you happy now?” seryosong sambit nito.

Hindi agad nakaimik si Alex. Hirap na hirap na inutusan niya ang sariling tumango
at ngumiti.

“Masaya ka bang nakikipagrelasyon ako sa babaeng hindi ko na mahal?”

“Mahal mo si Marianne, Blake. Nalilito ka lang ulit. Katulad din ito ng pinagdaanan
mo nang mga sandaling naguluhan ka sa pagitan niya at ni Sophia,” kunway may
ngiting pahayag ng babae.

“I’m not confused Alex.”


Nagseryoso si Alex at maamong tumingin sa lalaki. “Nakikiusap ako Blake. Huwag mo
akong isama sa mga babaeng nagsisiksikan diyan sa puso mo. Wala kang mahihita sa
akin. Wala akong maibibigay sayo maliban sa paglayo sayo sa anumang kapahamakan.
Naririto ako dahil sa trabaho ko kaya kung gusto mong manatili akong nasa tabi mo
ay itigil mo yang mga kalokohang pinagsasabi mo....”

“...Kung nahulog man ang loob mo kay Maya ay tapos na iyon. Wala na si Maya, ibang
tao na ang kaharap mo ngayon at paulit-ulit na akong humihingi ng tawad sayo sa
nagawa kong mga kasalanan. Nakikiusap ako Blake huwag mo nang lituhin ang sarili mo
dahil hindi ko na kayang makita ka pang nasasaktan nang dahil kay Maya...”

Tumapang ang mukha ni Blake at tumututol ang mga matang tumitig sa kanya. “Alex or
Maya....It is still you, isn’t it? It is the same person who carries the same heart
and soul.... I love you for who you are maging ano pa man ang pangalan mo.”

“B-Blake-”

Lumabas ng sasakyan si Blake at hindi na muling nagsalita pa. Tahimik na binaybay


nila ang pasilyo. Parehong nagpapakiramdaman hanggang sa marating ang pinto ng
kani-kanilang kuwarto.

Nanginging ang mga labing tumigil si Blake sa pagpihit ng door knob. Kanina niya pa
pinipigilang ipakita ang nagrerebeldeng damdamin. Hindi niya kayang tanggapin ang
lahat ng mga isinasagot sa kanya ni Alex. Parang mauupos ang buong katauhan niya sa
tuwing naiisip na hindi siya nito kayang mahalin.

Nanghihina naman ang mga tuhod na binubuksan ni Alex ang kanyang pintuan. Ramdam na
ramdam niya ang pagod sa maghapong pakikipagtuos sa sariling damdamin. Nasasaktan
siya sa bawat sandaling tinatanggihan niya si Blake. Nadudurog ang puso niya sa
bawat matitigas na salitang binibitawan niya para sa lalaki.
Wala sa sariling at bagsak ang mga balikat na pumasok siya sa kuwarto. Ngunit bigla
siyang napatuwid nang sumulpot sa tabi niya si Blake at walang pasabing sumabay ito
sa pagpasok sa silid. Ini-lock nito ang pinto at hinarap siya nito nang may
namumulang mukha.

“I know you can defend yourself but I don’t care. Hit me as much as you can I’ll
take all of it!”

Pansamantalang hindi nakakibo si Alex sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwalang


buong tapang na pinasok siya ni Blake kanyang kuwarto. Itinulak siya nito at
napasandal sa dingding. Nakanganga siyang napatingin sa mukha ng lalaking nilalamon
ng naghahalo-halong emosyon. Idiniin nito ang magkabilaang kamay niya sa dingding
at binigyan siya ng nakakapasong mga titig.

“Wala nang nagsisiksikang mga babae sa puso ko Alex. Pinaalis mo na lahat. Ikaw na
lang ang natitira dito! At gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako!”

“B-Blake...ano yang pinagsasabi mo? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Alam mo ba kung


ano ang ginagawa mo ngayon?” kabadong ika ng lalaki.

“Yes I know what I’m doing. I’m harassing you right now. Hindi ako nawawala sa
sarili. You can fight if you want to but you cannot stop me.”

Buong tapang na siniil ni Blake ng halik ang mga labi ng babae.

Nanlaki ang mga mata ni Alex at biglang hindi niya magawang igalaw ang buong
katawan. Parang yelong isinalang sa apoy na natunaw ang lahat na namamahay na
katapangan sa kanyang dibdib. Unti-unting nanlambt ang kanyang mga tuhod. Bigla
siyang tinakasan siya ng lakas para manlaban at umiwas.
Nakatulala lamang siya habang malayang inaabuso ni Blake ang kanyang mga labi.
Pinipilit nitong ibuka ang nakatikom niyang mga labi ngunit nanatili siyang tuod.
Nakadilat ang kanyang mga mata at walang reaksiyon habang hinahalikan.

Hindi sumuko si Blake. Bumitiw ito sa pagkakadiin sa kanyang mga kamay. Kinabig
nito ang kanyang beywang at agresibong idinikit siya sa katawan nito. Napaiktad
siya at di sinasadyang naibuka niya ang bibig. At sa pagkakataong iyon ay
naramdaman niya na ang papasok ng dila ni Blake. Ang marahas nitong paghalik ay
unti-unting naging marahan.

Pinulupot nito ang isang kamay sa kanyang beywang habang nakahawak naman ang isang
kamay sa kanyang batok. Hindi pa rin siya kumikilos. Sinusubukan niya ang kanyang
sarili. Gusto niyang malaman kung hanggang saan niya kayang tiisin at labanan ang
nakakalutang na damdamin.

Hanggang sa unti-unti niyang natanggap sa sarili ang dahilan kung bakit hinahayaan
niyang gawin ito sa kanya ni Blake. Kung bakit di siya umiiwas. Kung bakit di siya
nanlalaban...sapagkat may nararamdaman din siya para sa lalaki. Lahat ng
pagmamalasakit at pag-aalalang ginagawa niya ay bunga ng totoong nararamdaman niya
para dito. Hindi niya sinasadya... pero natutunan niyang mahalin si Blake. Mahal na
mahal niya na rin ito.

Nagsimula siyang gumanti ng halik. Isa-isang kumakawala sa dibdib niya ang


pinipigilang mga damdamin. Pumikit siya at unti-unting sinabayan ang bawat galaw ng
mga labi ni Blake. Kung gaano siya siniil nito ng halik kanina ay ganon din ang
pagsiil niya ng halik dito. Yumakap siya dito at sabik na sabik na hinaplos ang
likod nito.

Gumapang ang mga kamay ni Blake. Hinayaan niya lamang ito. Wala nang natitirang
pagtutol pa mula sa kanya.Naglakbay ang mga labi ng lalaki. Hinalikan siya nito sa
likod ng kanyang tenga pababa sa kanyang leeg. Buong puso siyang nagpaubaya.
Hanggang sa si Blake na mismo ang natauhan. Nanlalaki ang mga mata tumitig ito sa
kanya at hindi makapaniwala sa nakahandang pagpaparaya niya.

“W-What is this all about Alex?”

Hindi siya sumagot sa halip ay mahinahon niyang inayos ng sarili. Iniwasan niyang
tumingin sa mga mata ni Blake.

“Y-You’re telling me something,right?”

“N-Nadala lang ako,” mahina’t napapalunok na sagot niya nang hindi tumitingin sa
kausap. Naglakad siya patungong pintuan at binuksan ito. “Lumabas ka na Blake,”
blangko ang reaksiyong bigkas niya.

Natutulalang naglakad papalabas ng pinto si Blake. At nang isasara na ng dalaga ang


pinto ay bigla niyang hinarang ito ng kamay. Seryosong-seryosong tinitigan niya si
Alex. “You’re kiss is telling me differently... And I will hold on to what it
says.”

Parang walang narinig si Alex. Kahit naninikip ang dibdib ay pinilit niyang huwag
magpahalata. Pati paglunok ay nahihirapan siyang gawin. Naluluha siya sa
natuklasang kahinaan. Nangyayari na nga ba ang kinatatakutan ni Don Henry?

-------
Kinaumagahan ay masiglang-masiglang lumabas ng kuwarto si Blake. Hindi maikukubli
ang saya sa kanyang mukha. Punum-puno ng pag-asa ang kanyang dibdib na mamahalin
din siya ni Alex. Umpisa sa araw na ito ay wala siyang balak gawin kundi ang
patunayan sa babae na paninindigan niya ang kanyang pagmamahal para dito. Nakahanda
siyang gawin lahat ng klase ng panunuyo. Wala siyang pakialam kahit gaano man
kahirap ang pagdaanan niya. Gusto niyang magsimula ng tama kaya kakausapin niya na
si Marianne at ipagtatapat dito ang buong katotohanan.

Tumungo siya sa pinto ni Alex at kumatok upang yayain itong mag-almusal. Walang
nagbukas ng pinto. Naisip niyang baka nauna na itong bumaba sa kanya. Pagdating
niya sa baba ay kaagad na hinanap ng mga mata niya ang dalaga ngunit ang unang
nakita niya ay isang matipunong lalaking tila naghihintay sa kanya. Umayos ito ng
tayo pagkakita sa kanya.

“Who are you?” kunot noong tanong niya.

“Ako si SPO2 Rodriguez. Simula sa araw na ito, ako na ang magbabantay sa inyo Mr.
Monteverde.”

Para siyang sinabuyan ng mainit na tubig sa narinig. Agad na lumakas ang pagkabog
ng kanyang dibdib. “Where is Alex?” nanlalaki ang mga matang tanong niya.

“Nagkasundo po sila ni Chief Martinez na pansamantala muna siyang madedestino sa


ibang lugar.”

Lalong nanlaki ang mga mata niya. Parang puputok ang kanyang dibdib sa nalaman.
“No! Hindi pwedeng mangyari yan!”
Nagmadali siyang tumakbo papuntang garahe. Pupuntahan niya sa headquarters si Alex.
Sinundan siya ng pulis.

“Saan kayo pupunta, Mr. Monteverde.?”

“Where is she now?!” natatarantang tanong niya.

“Hindi ko po pwedeng sabihin. Confidential ho kasi ang transfer niya.”

“NO! THAT’S NOT GOING TO HAPPEN! I DON’T AGREE YET! THEY ARE NOT ALLOWED TO REPLACE
MY BODYGUARD UNTIL I SAY YES!”

Lumapit si Blake sa lalaki at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Paulit-ulit


niyang niyugyog ang balikat nito upang piliting magsalita.Namumula ang kanyang
mukha. Nangangatal ang kanyang mga labi sa kaba. Nangingilid ang kanyang mga luha.
Nanghihina ang kanyang mga tuhod. Para siyang mababaliw. Ayaw niyang paniwalaan na
ang babaeng nasa mga bisig niya lang kagabi ay hindi niya na makakasama
kinaumagahan.

“WHERE IS SHE? WHERE IS SHEEEE!!!”

“Sorry pero hindi talaga pwedeng sabihin.”


=================

[33] BECAUSE I LOVE YOU

****

“SUMOSOBRA KA NA ALEXANDRA!”

Nakayuko lamang si Alex habang isa-isang tinatanggap ang sermon ng pamilya. Nakaupo
siya sa mahabang sopa ng kanilang sala habang nakatayo sa harapan niya ang mga
magulang at kapatid na lalaki. Tahimik namang nakaupo sa katabing upuan ang kanyang
lolo.

“Papatayin mo ba talaga kami sa pag-aalala! Ilang buwan kang naglaho dahil sa


sinasabi mong assignment mo! Tapos ngayong kakabalik-balik mo lang ulit at hindi pa
nga natatapos ang maghapon ay susurpresahin mo na naman kami sa balitang
madidestino ka sa visayas!” panggagalaiti ng ina.
“Kelan ka ba aalis?” tanong ni Dennis.

“Bukas ng madaling araw,” mahinang sagot niya.

Mas lalong nanghina si Sylvia. Napahawak ito sa dibdib na animo’y aatakehin sa


puso. “Diyos ko! Ano ba tong nangyayari sayo Alexandra? Naghihirap ka ba? Wala ka
bang makain para isugal mo ang buhay mo sa pagtatrabaho? Nagkukulang ba kami
sayo?!...Ilabas mo yang baril mo at barilin mo na lang ako! Dahil para mo na rin
akong pinapatay diyan sa mga pinaggagawa mo!” Pagkuway ibinunton nito ang galit sa
mister. “Kasalanan mo to! Kung sinunod mo dati pa ang payo ko na ihanap mo na ng
mapapangasawa yang anak mo mula sa mga anak ng mga kaibigan nating negosyante baka
sakali pang nagbago yan! Tingnan mo ang nangyayari ngayon papalala na ng papalala
ang pagkakahumaling niyan diyan sa pagiging pulis niya!”

“What can I do Sylvia? Kung ikaw man ang nasa sitwasyon ko mag-aalangan kang
ipakilala yang anak natin. Tingnan mo nga magkikilos yan, daig pa ang lalaki. It’s
your fault too! You are her mother. It’s your job to teach her how to act like a
lady! Look at her now, sa tingin mo ba ay may matutuwa sa mga kaibigan natin na
maging daughter-in-law ang isang babaeng laging nasa panganib ang buhay?!”

Napayuko lalo si Alex sa huling sinabi ng ama. Parang inulit lang nito ang narinig
niya mula kay Don Henry.

“Mom, Dad...That’s enough. Alex is an adult already. Huwag na natin siyang


pagalitan na parang bata. But for you Alex, sana sa susunod na magdedesisyon ka
para sa sarili mo ay isipin mo rin na may pamilya ka. Paminsan-minsan naman ay
ireconsider mo ang nararamdaman ng mga taong nagmamahal sayo! Hindi yung puro
excitement at pangarap mo na lang ang iniisip mo,” ani Dennis.

Nanatiling tahimik lamang si Alex. Hindi niya masisi ang pamilya sa naging
reaksiyon ng mga ito dahil simula ng maging pulis siya ay ngayon lamang siya
mapapalayo ng dahil sa trabaho. Dati ay maluwag lamang siyang pinapayagan ng mga
magulang kung lalayo siya para sa trainings.
“Gaano ka ba katagal sa probinsiya?” tanong ulit ng kapatid.

“Hindi ko alam. May bago kasi akong assignment...”

“Assignment! Mission! Raid! Operations! Diyan ka magaling. Eh ang pagiging anak mo


kaya sa amin kailan mo pagbubutihan?!” dagdag na sermon ng nanay.Walang imik pa rin
si Alex. Pagod na siyang ipaglaban sa mga magulang ang propesyon niya. Pagkatapos
ng pakikinig sa napakahabang paglilitanya ng mga magulang at kapatid ay nagtungo
siya sa hardin para magpahangi’t mag-isip. Hindi niya namalayang sinundan siya ng
kanyang lolo. Tahimik itong tumayo sa tabi niya.

“I’ve heard about everything from Chief Martinez..”

Napayuko siya’t napakagat sa labi. Nagsimulang mangilid ng kanyang mga luha


hanggang sa hindi niya na nakayanang itago ang bigat ng nararamdaman. Napayakap
siya sa kanyang lolo at sabay humagulhol.

“Lolo...”

“It’s okay iha...It’s okay. Things like that happen...everything will be fine,”
alo nito habang tinatapik siya sa likod.

“I’m sorry lo kung hindi ko matatapos yung assignment ko...Sorry kung nadisappoint
kita...”
“Don’t think about that. Marami ka pang chances...”

Kumawala siya sa pagkakayakap niya angunit patuloy pa rin sa pagpatak ng kanyang


mga luha. Parang bata niya itong paulit-ulit na pinahid ng mga kamay.

“Why do you have to leave him?” seryosong tanong ng lolo.

“Lolo naman para namang hindi niyo alam ang sagot,” nakayukong pahayag niya habang
sinisipa-sipa ang isang nakausling bato.

“Is it because that young man is supposed to be just a job?”

Tumango siya.

“I don’t see any mistake in falling in love upon duty. Hindi ini-schedule ang pag-
ibig iha. Ang puso ay hindi natuturuan kung kelan at saan ito dapat tumibok.”

“Meron pa pong ibang mga dahilan...”

“Is it the age?”


Tumango ulit siya.

“How old is he?”

“Eighteen.”

Tumawa ng mahina si General Valdemor. “What’s wrong with his age. He’s even legal
enough to get married. Stop looking at it that way. Age is not important as long as
you love and understand each other. Tsaka bakit bata pa rin naman ang apo ko ah.”

“Hindi lang po iyon...”

“What else? Social status?”

Umiling ang dalaga.

Nag-isip ng ilang saglit si Gen. Valdemor. At huminga muna ng malalim bago


nagtanong. “I-Is it because of your job?”

Tumingin si Alex sa kanyang lolo nang may naluluhang mga mata at tumango.

“Kagaya ng katwiran ni Dad kanina na walang matutuwang pamilya sa gaya kong nasa
panganib lagi ang buhay. Hindi ko kayang ipagpalit ang trabaho ko lolo dahil laman
umiibig na ako. Lilipas din lahat to... kailangan ko lang umiwas.”

Napayakap si General Valdemor sa apo. Matinding awa ang nararamdaman niya para sa
dalaga. Naiintindihan niya kung gaano ito nahihirapan. Alam niyang ngayon lamang
ito umibig ngunit batid niya rin kung gaano kalawak ang pagmamahal nito sa trabaho.

“It’s your choice Alex. Piliin mo kung saan ka nas magiging masaya. Ayoko lang na
makitang nasasaktan ka.”

Muling humagulhol ng iyak si Alex. Madalas, tanging ang lolo niya ang kanyang
nahihingahan ng mga problema. Ito rin ang laging nakakaunawa at nandyan para sa
kanya.

-------

Headquarters. Meeting room. Seryosong nag-uusap si Alex at Chief Martinez.

“Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo Alexandra?!”

“Opo ninong.”

“Handa ka ba talagang ipagpaliban ang promotion mo?”


“Oho.”

Naglabas ng litrato, ticket ng eroplano at isang file ang hepe.

“Yan ang mga impormasyon ng taong dapat niyong mahuli. Nandyan na rin ang ticket
mo. Aalis ang buong team mamayang madaling araw at siguraduhin mong hindi na
magbabago yang isip mo.”

“Napag-isipan ko na hong mabuti ito chief. Pakiusap ko lang ho na sana wala nang
ibang makakaalam pa sa dahilan ng pagback-out ko sa kaso ni Blake Monteverde.”

“Huwag kang mag-alala. Alam mo naman kung gaano ako nagmamalasakit sayo.”

“Salamat po ninong.”

Tatayo na sana si Alex para umalis ngunit biglang may pumasok na kasamahan.

“Chief may problema tayo!”

“Anong nangyayari?”

“Yung asset nating GRO para sa operation natin mamaya, naaksidente. Nasa hospital
ngayon. Pano yan chief wala na tayong oras para maghanap at mag-orient ng iba!”
“Ano?! Di ba dapat may naka-stand by lagi na pamalit para maiwasan ang ganitong
pangyayari?! Hindi pwedeng kanselahin ang operasyon mamaya. Importanteng mahuli na
natin sa akto ang bigtime na mga ecstasy pushers na yan. Paulit-ulit na lang tayong
nalulusutan ng mga iyan.”

Napatingin ang hepe sa nakaupo at matamlay na dalaga. Tinitigan nito mula ulo
hanggang paa ang babae.

“Inspector Valdemor!”

Napatuwid ng upo niya si Alex.

“Yes chief!”

“Bago ka madestino sa ibang lugar, magpahabol ka muna ng isang operation sa amin.”

“Chief...”

“Huwag ka nang mag-isip. Magbihis ka! SPO2 ipasuot mo dyan ang damit ng asset!”

-------
Paulit-uit na tinatawagan ni Blake ang telepono ni Alex subalit hindi siya
sinasagot ng dalaga. Maghapon din siyang naghanap ng pagkakataon na malusutan ang
bagong bantay ngunit hindi maalis-alis ang mga paningin nito sa kanya habang nasa
campus. Kung kaya’t pagkauwi sa bahay ay nagpalipas lamang siya ng mga isang oras
sa kanyang kuwarto at nang makahanap ng tiyempo ay mabilis siyang tumakas papuntang
garahe. Pagkalabas na pagkalabas niya ng gate ay pinaharurot niya ang sasakyan
papuntang headquarters. Pagdating niya doon ay kaagad siyang nakilala ng pulis na
nakaupo sa may bukana.

“Huh? Di ba ikaw si Blake Monteverde? Anong ginagawa mo dito?”

Mabilis niyang nilapitan ang pulis.

“Where is Alex?!”

“Alex sinong Alex?”

“I mean... where is Inspector Valdemor?”

“May sinamahang raid.”

Nabuhayan siya ng loob sa sagot. “She’s still in this headquarters? Akala ko ba


nalipat siya?” patay malisyang sambit niya.
“Ah oo pero mamayang madaling araw pa ang alis ng team nila.”

“Where exactly is she now?”

“Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin,” biglang preno ng kausap.

Napipikon na siya. Lahat na lang ng mga kasamahan ng babae ay inililihim ang


kinaroroonan nito. “I need to talk to her now! It’s very important!” di
nakapagtimping wika niya.

“Kung gusto mo hintayin mo na lang dito Mr. Monteverde baka bumalik pa yun
pagkatapos ng operation nila.”

“No! I can’t wait for her that long! I need to see her right now!” giit niya.

“Pasensiya na pero raid yun kaya confidential. Hintayin mo na lang dito kung gusto
mo talaga siyang makausap.”

Nag-isip ng idadahilan si Blake para makumbinsi ang pulis. “Importante rin ang
sasabihin ko. Kasing importante ng operation na yan.... I-I just received a threat
from the kidnappers!”

Natigilan ang pulis sa narinig.


“...And I will only tell the details to Inspector Valdemor,” madiing sabi niya. “I
don’t care about that raid kung confidential man yan o hindi. All I care now is to
rely the message of venomus to Inspector Valdemor!”

Nag-isip ng ilang saglit ang kausap hanggang sa napilitan itong ibigay ang pangalan
ng lugar at address ng operasyon. “Hintayin mong matapos ang raid ha bago mo
puntahan si Inspector Valdemor baka mapahamak ka,” paalala nito.

“Yes, I will. Thank you!”

Patakbong bumalik ng sasakyan si Blake at kulang na lang ay paliparin niya ito sa


bilis ng pagmamaneho. Pagdating niya sa itinurong club ay nakita niyang nagkakagulo
na dito. May nagsisipagtakbuhang mga kababaihan at mga kustomer papalabas.
Nagmadali siyang bumaba ng kotse at pumasok sa club.

Inilibot niya ang mga mata. May mga nakaposas na mga lalaki habang itinutulak ang
mga ito papalabas ng mga nakasibilyang pulis. Nagpapanic at nagsisipagtilian ang
mga GRO at empleyado. May ibang mga kustomer din na nakikiusisa sa hulihang
nagaganap.

Binaybay niyang mabuti ang lugar kahit nagkakagulo. Isa-isa niyang sinilip ang mga
vip rooms. Pinuntahan niya maging mga kasuluk-sulukan ng lugar ngunit hindi niya
makita si Alex. Unti-unting umusbong ang kaba sa dibdib niya.

-------

Sa likurang bahagi ng club ay nakorner ni Alex ang isang pusher na nagbabalak


sanang tumakas. Ngingisi-ngisi ito sa kanya na halatang nakadroga rin. Bagama’t may
nakatago siyang baril sa hita ay hindi niya tinutukan ang lalaki. Mas pinili niyang
makipagbugbugan dito. Sa kabila ng seksi niyang kasuotan ay walang kiming
nakipagsabayan siya ng suntukan sa lalaki.
Gusto niyang masaktan sa mga sandaling iyon. Gusto niyang mabugbog ng bahagya. Baka
sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib kapag nanakit ang ibang
parte ng katawan niya. At dahil wala siya sa konsentrasyon, madalas siyang tamaan
ng mga sipa at suntok ng kalaban. Hanggang sa napuruhan siya nito ng sipa sa
tagiliran.

Natumba siya ng nakadapa. Pansamantala siyang hindi nakakilos sa sakit. Biglang


namanhid ang nasipang parte ng kanyang katawan. Nahirapan siyang bumangon. Nang
iginalaw niya ang kanyang mga paa ay umangat ng bahagya ang maiksi niyang kasuotan.
Lumitaw ang nakatagong baril sa kanyang hita.

Nakita ng lalaki ang baril at mabilis itong nag-isip. Lumingon ito sa paligid upang
maghanap ng armas. Nakakita ito ng isang malaking bakal na tubo. At nang dahan-
dahan nang bumabangon si Alex ay iniangat ng lalaki ang mga kamay na nakahawak sa
tubo. Kitang-kita sa pagkakaposisyon nito kung gaano kalakas nito balak paluin ang
bumabangong babae.

Nakaharap pa rin sa lupa si Alex habang nagsusumikap bumangon. Walang kamalay malay
na may tubong ihahampas sa kanya. Nagpakawala ng isang malakas na palo ang lalaki.

“NOOOO!”

Iniharang ni Blake ang sarili at tumama sa kanyang ulo ang tubo. Inulit ng kriminal
ang malakas na paghampas sa pag-aakalang pulis din ang nagsangga ng katawan sa
babae. Tinamaan ulit sa ulo si Blake . Bumagsak ito at muling nabagok ang ulo sa
semento.

Nakatalikod pa ring bumabangon si Alex ngunit sa pagkakataong yun ay nangangatal


ang kanyang mga tuhod hindi dulot ng sakit ng bugbugan kundi ng takot. Imposibleng
mangyari pero hindi siya maaring magkamaling boses ni Blake ang narinig niya. May
narinig din siyang bumagsak na katawan. Kinabahan siya sa maaring makita. Lumingon
siya at biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakitang nakahandusay na katawan.
Nakadapa ito ngunit tila katawan ni Blake ang nakikita niya.

Napaangat siya ng tingin at nakita niyang papaluin siya ng tubo ng lalaki. Mabilis
niyang binunot ang baril at nanlilisik ang mga matang pinaputukan ang kamay ng
kalaban.

“Put****** ka! Anong ginawa mo sa lalaking yan?!!!!”

Nabitawan ng lalaki ang tubo at nagtangkang tumakbo ngunit pinaputukan niya ulit
ito sa paa. Nagmadali siyang lumapit sa nakahandusay na katawan. Nanginginig ang
buong katawan niya sa nerbyos. Ayaw niyang isiping si Blake nga ang nakahiga sa
semento. Nang makalapit ng maiigi ay iniharap niya ito sa kanya. Nanlalaki ang mg
matang napanganga siya. Nanginig siya sa takot nang makita ang tumutulong dugo sa
noo nito.

“B-Blake?....B-BLAKEEE!”

Napayakap siya sa lalaki. Lumakas ang panginginig ng buong katawan niya. Tila
mababaliw siya sa kaba hanggang sa nag-umpisang umagos ang kanyang mga luha. “B-
Blake anong ginagawa mo dito? Bakit mo ito ginawa?! Nawawala ka na ba sa sarili
mo?”

Niyakap niya pa lalo ng mas mahigpit ang lalaki. At unti-unti siyang naghisterya.
“H-hindi mo dapat ito ginawa.... A-Ako dapat ang gumagawa nito sayo.... A-ako ang
may responsibilidad na magsasangga ng katawan para sayo. H-hindi ikaw...hindi ikaw
Blake. Ako ang magpapakamatay para sayo! HINDI IKAW!!!!”

Nagmulat ng mga mata si Blake at pinilit nitong magsalita. Tiningnan nito ng


mahinahon ang mukha ng umiiyak na dalaga.
“I-I...am not asking you to die for me... B-Because I’ll die for you first....A-All
I ask is for you to love me back.... I-I’m begging you to love me......Alex.”

Lumakas ang paghagulhol ni Alex. Paulit-ulit niyang hinalikan sa noo si Blake.


“Mahal din naman kita Blake eh... Mahal na mahal din kita.”

“T-Then don’t leave me...H-huwag kang umalis...”

Ilang ulit na tumango ang dalaga habang walang tigil pa rin sa pagpatak ang mga
luha. “Oo Blake. Hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan...”

Ngumiti si Blake. “Wa-Wala nang bawian yan ha....I-I will never forget what you
said today.”

“Oo Blake. Oo...”

Paulit-ulit uling tumango si Alex. Hanggang sa napansin niyang unti-unting


bumibilis ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ng lalaki. Nanlamig ang buong katawan
niya sa takot.

“Blake huwag kang pipikit ha. Huwag kang matutulog labanan mo ang antok....Huwag
kang pipikit please.”
“I-I’m...very happy right now...Alex.”

Muling ngumiti si Blake hanggang sa dahan-dahan na nitong ipinikit ang mga mata...

Lalong nangatal si Alex. Paulit-ulit niyang niyugyog ang lalaki at ilang beses
itong tinapik sa pisngi. “B-Blake di ba sabi ko huwag kang pipikit. Gumising
ka...gumising ka Blake! BLAKE! BLAKE! BLAAKEEEE!!!!”

=================

[34] CROSSROADS

****

Namumutlang sinalubong ni Alex ang kapatid na doktor papalabas ng CT-Scan room.


“Anong balita Dennis? Kumusta ang lagay ni Blake?!”

Nagmamadaling nagsalita si Dennis. “He has epidural hematoma. He needs to have an


operation as soon as possible. I have to do a surgery now!”
Mabilis na naglakad papuntang operating room si Dennis bitbit ang CT-scan result.
Sinundan ito ng dalaga.

“Gawin mo lahat ng makakaya mo. Parang awa mo na iligtas mo si Blake! Maawa ka


Dennis,” nanginginig na pakiusap ni Alex.

“I’ll do my best Alex. But I cannot guarantee you that everything will be okay.
This is a very serious head injury and he is bleeding inside for a long time now.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan Dennis! Sabihin mong maliligtas mo si Blake! Eto
ang expertise mo di ba? Magaling kang doktor di ba? Please, pleaseeee Dennis!”

“Mamaya na tayo mag-usap Alex.”

Nagmamadaling pumasok si Dennis sa operating room.

Walang kapagurang pabalik-balik sa paglalakad si Alex sa harap ng OR. Pudpud na


lahat ng mga kuko niya sa kamay sa walang tigil na pagkutkot. Maya’t mayang
nagpapahid ng di maubos-ubos na mga luha. Pasilip-silip sa pintuan. At paulit-ulit
na nagdarasal ng tahimik.

Pagkalipas ng mga tatlong oras ay lumabas si Dennis. Nagmamadaling nilapitan ito ni


Alex at hinawakan sa magkabilang braso ng may nanlalaking mga mata.

“Anong nangyari?!”
Tinitigan muna ng doktor ang kapatid. Awang-awa ito sa hitsura nito. Namumugto ang
mga mata at tila nawawala sa sariling katinuan. Nagkalat ang itim na maskara sa mga
mata. Gusot-gusot ang buhok. Nakayapak at pinatungan lamang ng jacket ang seksi at
maiksing damit. Sugatan ang gilid ng mga labi at may ilang mga pasa sa mukha.

“He is safe now.”

Muling tumulo ang mga luha ni Alex. Napayakap siya sa kapatid sa matinding
kaluwagan sa dibdib na naramdaman. “Salamat. Salamat Dennis...”

Inalis ni Dennis sa pagkakayakap ang mga kamay ng kapatid. Hinawakan niya ito sa
braso at pinaupo sa waiting area. Pumunta siya sa isang malapit na vending machine
at kumuha ng dalawang kape. Iniabot niya ang isa sa dalaga at naupo sa tabi nito.

“Look at yourself now. Don’t you think kailangan mo rin magpatingin. Ang dami mong
mga pasa. Saan ka na naman ba nakipagbugbugan?”

“W-wala to. May hinuli lang kami,” nakayukong sagot ni Alex ng may malungkot na
ngiti.

Tumahimik ng ilang sandali ang doktor. Pinakiramdaman muna nito ang kapatid bago
magsalita. “How are you related to that guy?”

“B-bodyguard niya ako...”


Hindi kumbinsido si Dennis sa sagot ng kapatid. “Siya ba ang sinasabi mong
binabantayan mo?”

“Oo...”

“Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagpapadestino sa malayong lugar?”

Hindi sumagot si Alex.

“Are you telling me now that you fall in love with a teenager?”

Nanatiling tahimik si Alex subalit tumingin siya sa mga mata ng kapatid nang may
naluluha at umaaming mga mata.

“I get it. Wow finally you’re not a real iron woman after all.... Masaya akong
malaman na normal pala ang kapatid kong babae,” pabirong wika ng doktor ngunit agad
din itong nagseryoso. “But you have to be careful Alex because I don’t want to see
you hurting.”

“Alam ko. Salamat, Dennis.”

“B-By the way Alex about the condition of the patient...”


Umayos ng upo si Alex. Biglang bumalik ang kaba sa kanyang dibdib sa maaring
marinig mula sa kapatid.

“....although he’s safe now but I cannot assure that everything will be back to
normal pag nagising siya.”

“A-anong ibig mong sabihin?” Napahawak siya ng mahigpit sa upuan.

“I did a very crucial surgery Alex. There might be some side effects because of the
huge damages that he got. Although I fixed all of it but, there’s still a small
chance na magkaroon pa rin ng epekto sa pasyente ang naging injury niya.”

Muling nanghina si Alex subalit pinilit pa rin niyang ngumiti. “Bahala na, pag
nagising na lang siya saka natin problemahin yan. Ang importante ay ang ligtas na
siya ngayon.”

Ilang oras pagkatapos mailipat si Blake sa kuwarto ay siya namang dating ni Don
Henry. Galing pa ito ng Japan. Kinansela nito lahat ng lakad at kaagad na nagpabook
ng flight pauwi ng Pilipinas matapos marinig ang nangyari sa apo.

Napaangat ng ulo si Alex mula sa pagkakasubsob sa higaan ni Blake nang marinig ang
pagbukas ng pintuan. Pansamantala siyang hindi nakakibo nang makita ang matanda.
Natatakot siya sa magiging reaksiyon nito.

“Don Henry...”
Hindi siya pinansin ng matanda. Napatayo siya at lumipat ng pwesto. Lumayo siya sa
kama at naupo malapit sa may pintuan.

Tulalang lumapit si Don Henry kay Blake. Hindi makapaniwala sa nakikitang hitsura
ng apo. Walang malay. May nakasaksak na tubo sa bibig. Nakaoxygen. Nakadextrose.
Nakabenda ang ulo. Putlang-putla ang mukha. Dahan-dahang umagos nangilid ang mga
luha sa mga mata nito.

“A-Ang apo ko...Anong nangyari sa apo ko? Anong ginawa niyo kay Blake?”

Yumakap si Don Henry sa walang malay na apo at humagulhol sa iyak. “Anong nangyari
sayo apo ko?....Bakit hindi mo iniingatan ang sarili mo?....Gusto mo bang mauna ka
pa sa lolo mo? Alam mo namang mahal na mahal ka ng lolo at hindi ko kayang makitang
nagkakaganito ka....”

Di napigilan ni Alex ang pagpatak ng kanyang mga luha. Binibiyak at dinudurog ang
kanyang puso sa nakikita. “Pa-Patawarin niyo ako Don Henry. Ka-kasalanan ko po ang
lahat...” Humahagulhol na sinapo niya ang mukha. “Hindi ko po
sinasadya....Sinubukan kong tuparin ang usapan natin pero hindi ko po alam na aabot
sa ganito ang lahat. Ka-Kasalanan ko kung bakit nangyari ito kay Blake,” yumuyugyog
ang mga balikat na sabi niya.

Hindi pinansin ng matanda ang paghingi ng tawad ni Alex. Nanatili pa rin itong
nakayakap sa walang malay na apo. Maya-maya lang ay nagpahid ito ng mga luha at
tahimik na lumapit sa umiiyak na dalaga. Naupo ito sa tabi ng babae at tinapik ito
sa balikat.

“Wala kang kasalanan Alex...Ako ang may kasalanan.”


Nag-angat ng mukha si Alex at hiyang-hiyang tumingin sa matanda. “A-anong ibig
niyong sabihin Don Henry?”

“This is all my fault. Dapat ay hindi kita kinausap.”

“Wala pong mali sa ginawa niyo. Tama ang lahat ng sinabi niyo....M-Mahal ko po si
Blake at dahil sa pagmamahal na iyon ay ako mismo ay naniniwalang hindi ako ang
babaeng nararapat sa kanya...”

“No iha. I’ve made a mistake. You’re kind and very understanding person that’s why
I shouldn’t have talked to you. Naging dahilan tuloy ito para unawain mo ang
sitwasyon. Ako ang nagbigay ng rason para pigilan mo ang nararamdaman mo at layuan
si Blake.”

Nagpahid ng mga luha si Alex. “Wala kayong pagkakamali Don Henry. Mahal ko si Blake
kaya handa akong magparaya sa kung ano ang mas makakabuti para sa kanya.”

-----

Lumipas ang apat na araw.

Nakatulog sa pagbabantay si Marianne sa tabi ni Blake. Simula nang malaman ang


nangyari sa boyfriend ay walang araw na hindi niya ito binibisita. Ilang saglit pa
ay may naramdaman siyang palad na nakahawak sa kamay niya. Nagmulat siya ng mga
mata at laking gulat niya nang makitang gising na si Blake at tahimik itong
nakatingin sa kanya.
“Marianne-”

Humigpit ang pagkakahawak ni Blake sa palad niya.

“W-where am I?” nagtatakang tanong nito habang inililibot ang mga paningin sa
silid.

“You’re in the hospital. Kumusta ang pakiramdam mo? May sumasakit pa ba sa katawan
mo?” alalang-alalang sabi niya.

“I feel okay. Gaano na ba ako katagal dito?”

“You’ve been sleeping for four days.”

Ngumiti si Blake.“No wonder I have this feeling that I miss you a lot.”

Nagulat si Marianne sa narinig. “B-Blake?...”

“What? Don’t you miss me too?” nagtatakang tanong ng lalaki pagkakita sa nag-
aalangang reaksiyon ng girlfriend.

“I-I miss you too Blake.”


“Then give me a hug,” lambing ni Blake.

Lumapit sa nakahigang boyfriend si Marianne at nag-aalinlangang yumakap dito.


Nabigla siya nang gumanti ng mahigpit na yakap si Blake at bumulong sa kanyang
tenga. “Thank you for taking care of me.”

Binigyan niya ng asiwang ngiti ang lalaki at marahang kumawala sa mga yakap nito.

“Where is lolo?”

“M-May inasikaso lang sandali sa opisina. Wait I’ll call him. He will be very
happy to hear the news.”

Tinawagan ni Marianne si Don Henry. Pagkababa ng telepono ay bigla niyang naisip si


Alex. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin na ba dito ang balita.

“Hey Marianne. Does it mean na nagkita na kayo ni lolo?” excited na tanong ni


Blake.

“Yes.”

“What did he say to you?”


“Wala naman gaano. He only asked me basic questions. We didn’t really talk a lot.
We were focused on worrying about your condition.”

“Do you think he likes you?”

“I-I don’t know...why are you asking questions like that?” Hindi pa rin maalis ang
pagtataka sa mukha ni Marianne.

“Of course I’m worried. Gusto ko siyempreng ma-impress siya sa girlfriend ko,”
nakangiting bigkas ng lalaki.

-----

Headquarters. Nakapangalumbaba sa kanyang mesa si Alex. Lumilipad ang isip habang


nakatitig sa dingding. Hindi natuloy ang pagsama niya sa Visayas dahil sa nangyari
kay Blake. Mas pinili niyang tuparin ang pangako sa lalaki na hindi ito iiwan.
Kahit nasa trabaho ay si Blake ang kadalasang laman ng isip niya. Hindi na siya
makapaghintay na magkamalay ang lalaki. Nag-aalala siya tungkol sa nabanggit sa
kanya ng kapatid na doktor.

Maya-maya lang ay nakatanggap siya ng text. Mula ito kay Marianne. Nanlaki ang mga
mata niya sa nabasa. Natataranta siyang tumayo at walang paalam na nilisan ang
headquarters. Pagdating sa hospital ay nagmamadali siyang pumasok ng gusali.
Maraming taong naghihintay sa elevator kung kaya’t patakbo niyang inakyat ang
hagdan. Tumakbo siya sa hallway. Tila sasabog ang dibdib niya sa excitement.
Pagdating sa tapat ng kuwarto ni Blake ay hindi na siya kumatok, kusa niya na lang
itong binuksan.
“Blake!” nakangiting wika niya habang hinahabol ang paghinga.

Naabutan niya sina Marianne at Don Henry na magkatapatang nakaupo sa magkabilaang


banda ng higaan ni Blake. Sinusubuan ni Marianne si Blake ng pagkain. Sabay-sabay
na napatingin sa kanya ang tatlo.

“Blake!” nakangiting tawag niya uli sa lalaki habang nakatayo pa rin malapit sa
pinto. Hindi maikubli sa mukha niya ang saya.

Tinitigan ni Blake ng ilang sandali ang nakatayong dalaga. Pagkatapos ay inilipat


niya ang mga paningin kina Don Henry at Marianne. “Who is that woman?”

Natahimik ang lahat at napanganga ang lahat.

Parang binagsakan ng langit at lupa si Alex sa narinig. Kaagad na nabura ang mga
ngiti niya sa mukha.

“What are you talking about Blake? Are you joking right now?” nagtatakang sabi ni
Don Henry.

“No. I’m not joking. Seriously, who is that woman? And what is she doing here?”
sagot ni Blake habang nagtatakang nakatingin kay Alex.

Lumapit si Alex kay Blake at tinitigan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Ito
na ba ang sinasabing side effect ng kapatid niya? Hinawakan niya ang palad nito at
ngumiti. Gustong-gusto niya itong yakapin ngunit pinigilan niya ang sarili.
“B-Blake ako si Inspector Valdemor. Ang...ang bagong bodyguard na kinuha ni Don
Henry para sayo,” nakangiting sabi niya habang nilalabanan ang panginginig ng
boses.

Nagulat si Don Henry at Marianne sa sinabi ng dalaga.

“Alex what are you-”

Pinutol ni Alex ang sasabihin ng matanda. At tinanguan ito upang ipahiwatig na okay
lang ang lahat. Tiningnan niya rin si Marianne at nginitian ito para sakyan siya.
Nag-aalangang ngumiti rin sa kanya ang babae.

Mabilis na binawi ni Blake ang kamay sa pagkakahawak ni Alex. Naasiwa ito sa ginawa
ng dalaga. “Grandpa you hired a new bodyguard. What happened to that policeman?
Kakasimula niya lang. Isn’t it too soon to replace him?”

“Umalis na siya kasi meron siyang bagong assignment. Wag kang mag-alala kasamahan
din ako ni SPO2 Rodriguez,” paliwanag ni Alex.

“Lolo why do you keep hiring police people? Can’t you provide me a bodyguard galing
sa security agency?”

Hindi sumagot si Don Henry at tumingin ng makahulugan sa dalaga. Nginitian lamang


ito ni Alex.
“Sige lalabas na ako. Tatawagin ko lang yung doktor mo para matingnan ka,” kunway
masiglang wika ng dalaga.

Tumingin uli si Alex kay Don Henry at tinanguan siya nito bilang pagsang-ayon sa
desisyon niyang tumawag ng doktor. Paglabas niya ng kuwarto ay agad siyang
napasandal sa dingding. Unti-unting nangilid ang kanyang mga luha hanggang sa
pumatak ang mga ito. Bagama’t naghahalo ang lungkot at saya sa kanyang dibdib ay
alam niyang mas nagingibabaw ang saya dito. Walang ibang mas mahalaga sa kanya
ngayon kundi ang makitang gising na si Blake at masigla na ulit ang mukha nito.

Pinahid niya ang mga luha at napangiti sa sarili. “Ang daya mo Blake. Sabi mo hindi
mo makakalimutan lahat ng mga sinabi ko...”

=================

[35] A LOVE TO WAIT FOR

****
Tahimik na nakatayo malapit sa pintuan ng kuwarto si Alex. Nakaupo naman si
Marianne sa tabi ni Blake at magkahawak- kamay ang dalawa. Tahimik ding nakaupo si
Don Henry sa tabi ng kama ng apo. Lahat ay nakikinig ng mabuti sa ginagawang cross
examination ni Dennis sa pasyente.

“Anong pangalan mo?”

“Blake Marlon Monteverde.”

“How old are you?”

“Eighteen.”

“Occupation?”

“Student.”

“What year?”

“Second year college. BS Economics in UP Diliman.”

“Ano ang mga naalala mong ginawa mo lately in school?”


“Well, I just took exam in philo and mathematics.”

“Can you remember the names of your professors.”

Pinangalanan isa-isa ni Blake ang mga propesor.

“Ano ang huling ginawa mo before you were hospitalized?”

Napakagat sa kuko si Alex sa tanong. Kinabahan siya sa isasagot ng lalaki.


Napatingin sa kanya si Blake at kumunot ang noo nito nang mapansin ang kakaibang
reaksiyon niya. Muling tumingin sa doktor ang lalaki at nag-isip ng ilang saglit.
Halatang hindi ito sigurado sa isasagot.

“I’m not sure but I think I was driving my car in full speed going somewhere else.”

“What are the latest emotional moments na nangyari sa buhay mo?”

Nag-isip ulit si Blake ng ilang sandali at tumingin ito kay Marianne. Hinawakan
nito ng mahigpit ang kamay ng girlfriend.

“When I broke up with Marianne last year at nang magkabalikan kami this year.”
Tinutusok ang dibdib ni Alex sa mga naririnig ngunit sinisikap niyang magkaroon ng
blangkong mukha.

“Do you have a traumatic experience lately?”

“No. The last time I feel traumatized was during the death of my father.”

“Who are the closest people to you now?”

“My grandfather, Marianne, Hayden and some friends in my car racing circle....Wait
is there something wrong with me now?”

Bago magsalita ay tumingin muna si Dennis sa kapatid. Tumango si Alex upang


ipahiwatig na okay lang na sabihin ang problema.

“Mr. Monteverde may mga nakakalimutan kang series of events that happened to you
lately at ang mga taong related dito. I guess your injury had some effects on your
memory.”

Biglang nabahala si Blake sa narinig. “Like what? Like who?!”

Maliban kay Blake, lahat ay sabay-sabay na napalingon sa kinatatayuan ni Alex.


Mabilis na umiling ang dalaga bilang pahiwatig na huwag banggitin sa lalaki ang
tungkol sa kanya.

“Bakit napapatingin kayong lahat sa bodyguard ko?”pansin ni Blake.

“Wala may iuutos lang siguro sila sa akin. Don Henry magpapakuha ba kayo ng kape?
Ikaw Marianne may ipapabili ka ba? Kayo Doc may ipapasabi ba kayo sa nurse
station?” mabilis na wika ni Alex.

Walang sumagot.

“....L-lalabas lang ako. Tatawag ako ng nurse. Malapit ng maubos yang dextrose mo.”

“Go ahead. I wonder why you have to stay in this room. This matter should be within
the family only," salubong ang mga kilay na sabi ni Blake.

“Blake don’t talk to her like that!” saway ni Don Henry.

“Why? I’m just telling the truth. Hindi siya dapat nakikinig to this examination.”

Magsasalita pa sana ang matanda ngunit inunahan na ito ni Alex. “Tama po si Blake
Don Henry. Sa labas na lang ho muna ako maghihintay.”

Pagkalabas ng kuwarto ay napabuntong-hininga si Alex. Dinaan niya na lamang sa


tipid na ngiti ang sakit na nararamdaman. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon
dahil umpisa pa lang ito ng maraming bagay na dapat niyang tiisin.

------

“Blake has a selective amnesia,” diretsong sabi ni Dennis habang kaharap si Don
Henry at Alex sa kanyang opisina.

“Ano yan?” tanong ni Alex.

“I told you na nagkaroon siya mismo ng damages sa kanyang utak and I fixed them.
Ang nagalaw na portion ng utak niya might be the part were his forgotten memories
were stored. It happened. Very seldom but still...it happens.”

“How long does it take for him to regain that memories?” tanong ni Don Henry.

Huminga ng malalim si Dennis at naaawang tumingin sa kapatid.

“Kung simpleng pagkauntog lamang or shock ang ugat ng amnesia na to then his memory
has a bigger chance to return in due time....but in Blake’s case, his brain had
been touched. I-I can’t give you an assurance na babalik pa ang mga alaalang iyon.
There’s a hope... but a little one.”

Nanlamig ang mga kamay ni Alex sa narinig. Para siyang mauupos na kandila.
Napakagat siya sa labi at napayuko upang itago ang mga luhang gustong kumawala sa
mga mata.
“Alex-“ nag-aalalang sambit ni Dennis na sa mga sandaling iyon ay gustong amuhin
ang nasasaktang kapatid.

“Wala bang ibang solusyon? I’m willing to spend kahit magkano para lang maibalik sa
normal ang apo ko.”

“There is...He needs to have another surgery but still there is no 100 percent
assurance.”

“Wala bang ibang paraan na hindi nangangailangan ng operasyon?” tanong ulit ng


matanda.

“Shock therapy... but this is a very difficult process para kay Blake.”

Napaangat ng ulo si Alex. “Don Henry huwag niyo na pong pahirapan si Blake. Hayaan
na lang ho natin siya sa kung ano siya ngayon. Wala naman hong mahalagang alaala na
nawala sa kanya.”

“Alex what are you talking about? Your brother is saying that he might not remember
you at all forever.”

Ngumiti ang dalaga. “Kaya ko pong tanggapin ang lahat huwag na lang ulit mahirapan
si Blake. Kung maalala man niya ako pagdating ng panahon ay lubos ko itong
ipagpapasalamat ngunit kung sakaling hindi na ay maluwag ko pa rin ho itong
tatanggapin. Nagkaganito si Blake dahil sa akin kung kaya’t huwag ho nating isipin
ang sitwasyon ko. Ang isipin natin ay ang mas madaling sitwasyon para sa apo niyo.”
“Alex ginigive-up mo ba si Blake?” hindi makapaniwalang tanong ni Don Henry.

“A-ayaw ko pong isuko ang nararamdaman ko para kay Blake... pe-pero kung
kinakailangan ko itong gawin ay gagawin ko ho,” nanginginig ang boses at naluluhang
sagot ng dalaga.

-------

Paglabas ng clinic ni Dennis ay seryosong nakipag-usap si Alex kay Don Henry habang
naglalakad pabalik sa kuwarto ni Blake.

“Pwede ho bang ako naman ang humiling sa inyo ngayon?”

“Ano yun iha?”

“Gusto ko po sanang ilihim na lang natin kay Blake ang tungkol sa akin. Ayoko po
kasing maguluhan siya lalo. Baka po kasi pag pinilit nating ipaalala sa kanya ang
lahat, hindi maging maganda ang epekto nito sa kanya.”

Napatingin si Don Henry sa dalaga. Hindi siya makapaniwala kung gaano kalalim ang
sakripisyong kayang gawin ng babae para sa apo.
“...Sa ngayon po kasi...si Marianne ang mahal niya. Ayoko pong lituhin ang
nararamdaman niya dahil sa palagay ko rin naman ho, hangga’t hindi kusang bumabalik
ang mga alaala niya hindi rin ho kusang babalik ang nararamdaman niya para sa akin.
At kung dumating man ang araw na si Marianne ang babaeng tutupad sa pangako ni
Blake sainyo ay maluwag ko ho itong tatanggapin....”

“...Ang pinakahihiling ko lang ho ay payagan niyo akong manatili sa tabi ni Blake.


Pabayaan niyo po akong mahalin at alagaan siya sa paraang hindi siya masasaktan.
Wala po akong hinihinging anumang kapalit....sa pagkakataong ito ako naman po ang
magmamahal sa apo niyo.”

Napayakap si Don Henry sa dalaga.

“Alex... I never imagined na ganito ka kabuting tao.”

Yumakap din si Alex sa matanda habang palihim na tumutulo ang kanyang mga luha.
Napakasakit sa dibdib ng gagawin niyang pagpaparaya ngunit mahal niya si Blake at
kahit sa ganitong paraan ay gusto niyang masuklian ang pagmamahal na ipinadama din
sa kanya ng lalaki.

Pagdating sa kuwarto, naabutan nila sina Marianne at Blake na masayang


naglalambingan. Natigilan si Marianne pagkakita kay Alex ngunit nginitian lamang
ito ng dalaga.

Naupo ulit si Alex malapit sa pintuan.

“Oo nga pala lolo. I haven’t heard yet any comments from you about my girlfriend,”
bigkas ni Blake habang hinahaplo-haplos ang palad ni Marianne.
“Why? Does it really matter?”nakangiting tugon ni Don Henry subalit tumingin muna
ito kay Alex bago sumagot.

“Of course I want to hear it. Your opinion matters.”

“Well... I think Marianne is pretty, intellegent and sweet,” napipilitang sagot ng


matanda.

Namula si Marianne sa natanggap na mga puri. Hinigpitan ni Blake ang pagkakahawak


sa kamay ng girlfriend. Masaya na sana siyang magsasalita ngunit natigilan siya
nang maalalang nasa loob din si Alex.

“Woman, we have an important thing to say to my grandpa. I hope you don’t mind
giving us some privacy.”

“No! She will stay!” matigas na tutol ni Don Henry. “Say what you want to say. It
won’t matter kahit nakikinig si Alex.”

“Okay lang ho Don Henry. Sa labas na lang ulit ako maghihintay.” Tatayo na sana si
Alex ngunit sinuway siya ng matanda.

“No just sit there!”

Napilitang manatili sa kinauupuan niya ang dalaga.


“Now what is it that you have to say?” dugtong ni Don Henry.

“Lolo are you sure it’s okay for us to talk something too personal in front of that
woman?”

“Yes.”

“Okay then.” Bagamat di sang-ayon napakibit na lamang ng mga balikat si Blake.


Muling sumigla ang mukha niya at umakbay sa katabing kasintahan.

“Lolo I want you to know that Marianne is the grandaughter that I’ll bring to our
home soon.”

Parehong nabigla si Alex at Don Henry.

“What do you mean by that Blake?” tanong ng matanda.

“I’m going to marry her and she accepted. I explained to her our agreement and she
understood everything,” diretsong sagot ni Blake.

Parang matutumba si Alex. Batid niya sa sarili na sa mga oras na iyon ay di niya
kayang itago ang sakit na nararamdaman. Lumabas siya ng kuwarto nang may
nanghihinang mga tuhod.

Nakita ni Marianne ang pagtayo ng dalaga at sinundan ito sa labas. Tumabi siya sa
kinatatayuan ni Alex nang may seryosong mukha.

“Isn’t it funny? I feel that I’m the one stealing my own boyfriend from the other
woman,” ngingisi-ngising pahayag niya. Tinaasan niya ng kilay ang kausap.

“Marianne-”

“I’m not dumb. I know everything. Blake loves you. And this whole hospital thing
happened because of you.”

Hindi nakasagot si Alex.

“Don’t worry. I’m not angry anymore because as of now Blake’s heart belongs to me.
And I will do everything to win him back. I did it before and I’m sure I can do it
again...I’ll take this chance to steal him from you. I will make him forget
everything not just the memories but also his feelings for you. I trusted you and
never in my wildest imagination that you’ll end up being a thief too.”

Sa mga sandaling iyon ay tila bumabalik sa paningin ni Alex ang isang dating
Marianne na nagbabanta sa kanya.

“Marianne...”
“I love him so much. And I’m hoping that you’re still the same Alex who understands
and helps me with Blake.”

Ngumisi si Alex at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. “Ayokong mangako


Marianne. Ayokong magsalita ng tapos dahil kagaya ngayon ni minsan ay hindi ko
naisip na hahantong sa ganito ang lahat. Ngunit ang masasabi ko lang ay wala kang
dapat ipag-alala dahil handa akong magparaya hangga’t ikaw ang nasa puso ni Blake.
Wala rin akong magagawa kung hanggang sa kadulu-duluhan ay hindi niya na ako
maalala. At kung sakali mang bumalik ang alaala niya ngunit ikaw na ang laman ng
puso niya ay nakahanda pa rin akong tanggapin ang lahat”

“...Subalit kapag dumating ang araw na magbalik ang lahat-lahat kay Blake at ako pa
rin ang mahal niya,... wala akong magagawa kundi ang bawiin at ipaglaban kung ano
ang akin. At para sa binibintang mong pang-aagaw ko, wala akong inagaw at ninakaw
sayo. Matagal na siyang akin Marianne, itinulak ko lang siya papalayo kaya
pansamantala ulit siyang naging iyo.”

=================

[36] LIKE A REPLAY

****

“ARE YOU KIDDING ME NOW?!!!”


Nanlalaki ang mga mata ni Blake sa nakikitang mga sunog na pagkaing nakahain sa
mesa. Samantala ngingiti-ngiti lang si Alex habang nakapamewang at nakatayo sa tabi
ng mesa hawak ang isang syansi.

“This is my first day ng pagbabalik ko sa klase and you want to poison me with
these food?! Kalalabas ko lang sa hospital and yet gusto mo ata akong ibalik kaagad
doon. No I won’t eat these! Yaya Cora!”

Pinandilatan ng dalaga si Blake. “Hindi na magluluto si Manang! Wala ka ng oras,


mahuhuli ka na sa klase kaya’t kumain ka na lang diyan at wag ka nang magreklamo.”

Natawa ang lalaki. Hirap itong maniwala sa inaasal ng kaharap. “Wait a minute. Am
I getting it right? Dinidiktahan ba ako ng bodyguard ko?”

“Oo!” taas noong sagot ni Alex sabay halukipkip.

Napanganga si Blake sa sagot. Hindi niya alam kung pagtatawanan niya o sisigawan
ang kausap. “Teka lang..teka lang. You’re job is to be my bodyguard and who gives
you the right para makialam sa pagluluto?!”

“Wala. Gusto ko lang,” diretsong sagot ng dalaga.

Mas lalong napikon si Blake. “NO! I WON’T EAT THESE! MAGHAIN KAYO NG IBANG
PAGKAIN!!”

Binigyan ni Alex ng matatapang na mga titig ang lalaki at saka nagbitiw ng ubod sa
diing mga salita. “Pinaghirapan kung lutuin lahat ng mga ito! Kaya’t sa ayaw at sa
gusto mo ay kakainin mo to! Naiintindihan mo ba!”

Pansamantalang di nakaimik si Blake. Napalunok siya. Hindi niya maintindihan ngunit


tila bigla siyang nakaramdam ng takot sa babae at parang may nag-uutos mismo mula
sa kanyang kaloob-looban na sundin ito. Gumanti siya sa matatapang na titig ng
kaharap nang hindi namamalayang napaupo na pala siya sa hapag kainan at napahawak
sa kutsara't tinidor. Nagbago ang hilatsa ng mukha ng dalaga. Ngumisi ito na tila
nang-aasar.

Dumating si Don Henry sa hapag kainan.

“Grandpa look at what this woman did!” agad-agad na sumbong ni Blake habang
itinuturo ang mga sunog na ulam.

“Let’s eat Blake,” mahinahong ika ng matanda sabay upo sa harap ng mesa.

“I don’t believe it! Can you eat any of these?”

“Huwag ka nang magreklamo. Kumain ka na lang Blake. Kung ano ang nakahain sa mesa
yun na yun.”

Napanganga si Blake sa sinabi ng lolo. “I don’t want to misunderstand things, but


lolo are you taking the side of this woman?”

“Wala akong kinakampihan Blake. I’m very busy today so I have no time para
magpaluto pa ng ibang pagkain....Alex put down that spatula and join us now.”
“Opo Don Henry!” sabay upo ng dalaga sa tapat ni Blake.

Mas lalong hindi makapaniwala si Blake sa nakikita. “Grandpa...A-are you allowing


this bodyguard to join us in the table?”

Si Alex na mismo ang sumagot sa lalaki. “Eh anong gusto mo? Pagkatapos nyo ako
kakain. Gusto mo bang mahuli ka sa klase!”

“Look at how this woman talk to me lolo!”

Hindi pinansin ng matanda ang sumbong ng apo. Napatingin na lamang ng masama si


Blake sa dalaga. Mas lalo pa siyang napikon ng makitang parang batang dumila ito sa
kanya. Gigil na gigil na sumubo siya ng pagkain. At dahil sa inis ay bigla siyang
nabilaukan. Nagmadali siyang uminom ng tubig at napasuntok sa dibdib. Nakita niyang
pinagtawanan siya ni Alex kung kaya’t mas lalo siyang namula sa galit.

-----

Sa sasakyan ay maya’t mayang tinititigan ni Blake ang nagmamanehong katabi.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ni Alex habang nakatingin sa daan.

“Are you sure you’re a girl?” hindi makatiis na komento ni Blake.


Natawa si Alex. “Bakit nagdududa ka ba?”

“Yeah. Because I can’t see any femininity from you, from top to bottom.”

“Ano sa hula mo?” tanong ni Alex habang pinipigilan ang sariling humalakhak.

Tinitigan ulit ni Blake ang katabi mulo ulo hanggang paa.

“Stay away from my girlfriend,” mabilis na wika ng lalaki matapos alisin ang mga
mapanuring tingin sa dalaga.

“Bakit natatakot ka bang baka mas magustuhan ako ni Marianne kaysa sayo? Kunsabagay
hindi malayong mangyari yun...” Binigyan ni Alex ng isang mapang-akit na tingin ang
kausap at inilapit ang mukha ditto. “Dahil alam mo bang napakalovable kong tao,”
sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Nanlaki ang mga mata ni Blake. “A-are you trying to confirm my doubts about your
sexual preference?”

“Wala akong sinabi,” ngingiti-ngiting sagot ng dalaga at sabay balik nito ng


atensyon sa pagmamaneho.
Pagdating sa campus ay hindi hinahayaan ni Alex na mawala sa mga paningin niya si
Blake. Inoobserbahan niya bawat kilos nito dahil sa pag-aalalang baka may iba pa
itong maramdaman sa katawan.

“Blake!”

Sabay na lumingon sina Alex at Blake sa nakangiting si Marianne habang naglalakad


sila sa hallway.

Nagliwanag ang mukha ng lalaki pagkakita sa girlfriend. Nagyakapan ang dalawa at


humalik sa labi ng isa’t isa. Mabilis na iniiwas ni Alex ang mga mata sa yakapan at
halikang nagaganap. Nang muli niyang tingnan ang mga ito ay nahuli niyang
nakatingin sa kanya si Marianne. Nakahawak ito ng mahigpit sa braso ni Blake at
binigyan siya ng ngisi habang nakataas ang isang kilay. Ginantihan niya rin ito ng
ngisi at makahulugang tingin.

Nahuli ni Blake ang tinginan ng dalawang babae. Mabilis nitong hinawakan ang mukha
ni Marianne at ipinaling sa ibang direksiyon.

“Stop staring at that woman!” nagseselos na wika nito at sabay tingin ng masama
kay Alex.

Habang magkakasama’y tahimik lagi si Alex. Walang kumakausap sa kanya sinuman sa


dalawa. Inilalayo lagi ni Marianne si Blake at iniiwas din ni Blake si Marianne sa
kanya. Napapailing na lamang siya sa kanya-kanyang eksena ng dalawang kasama.

-------
“Kumusta ang klase mo?” seryosong tanong ni Alex habang nagmamaneho pauwi.

Tumaas ang kilay ni Blake. “What do you mean?”

“Naalala mo ba lahat? Wala ka bang nakalimutang mga naituro na dati?”

“I remember everything. But of course I need to catch up sa mga lessons during the
days na nasa hospital ako. Why are you asking? Do you have to care about this
matter too?” pagsusupladong ng lalaki.

“Pinapatanong lang sa akin ng lolo mo baka daw kasi makalimutan niyang itanong sayo
pag nagkita kayo...Ang ulo mo hindi ba nanakit maghapon?”

“No. Everything is fine.”

“Sa katawan mo may nanakit ba?”

“None. Stop asking questions as if you care about me.”

Tumahimik si Alex at sabay hinga ng malalim. Tiningnan niya si Blake. Sana sa mga
sandaling iyon ay pwede niya itong yakapin.
“Why are you looking at me that way?”

Mabilis na binawi ng dalaga ang mga mata. “Wala. Ang gwapo mo kasi.”

Ngumisi si Blake. “Don’t trick me. I know you like girls.”

--------

Pagdating sa bahay ay nagtaka si Blake pagkakitang binubuksan ng dalaga ang


katabing kuwarto niya.

“What are you doing in that room?” sabay lapit niya kay Alex.

“Papasok sa kuwarto ko. Bakit?”

“That is the most beautiful guest room in this house. Who allowed you to use this
one?!”

Natawa ulit si Alex. Hindi niya maitago ang pagkaaliw kay Blake. “Ako! Bakit?!
Pinili ko to,” mayabang na sagot niya.
“Who are you to use this?! You’re not a VIP! You’re just a bodyguard! Masyado ka
naman atang spoiled ni lolo!”“Wala ka ng magagawa kahit tumutol ka pa dahil nasa
loob na lahat ng mga gamit ko.”

Bumelat si Alex. Naiiritang tinalikuran siya ni Blake. Hinabol niya ito ng tingin
habang naglalakad ito pabalik ng kuwarto. Bigla siyang may naisip at pilyang
ngumiti.

“Blake!”

Napalingon si Blake. Sinenyasan siya ng dalaga na lumapit ulit dito. Iritableng


binalikan niya ito.

“Bakit?” salubong ang mga kilay na tanong niya.

Hindi siya sinagot ni Alex sa halip ay nilapitan siya nito ng maigi at laking gulat
niya nang bigla siyang hinalikan nito ng mariin sa mga labi. Nanlaki ang kanyang
mga mata sa pagkabigla at pansamantala siyang hindi nakagalaw. Makalipas ang ilang
segundo ay bumitiw din sa paghalik ang dalaga. Tiningnan siya nito ng may
nakakalokong ngiti.

“What was that all about? Are you out of your mind? This is sexual harrasment
woman!” singhal niya nang matauhan.

“Tinatanong mo ako tungkol sa pagkababae ko di ba? Pwes, yan ang sagot ko,”
ngingiti-ngiting sabi ni Alex. “Ano nasagot ko ba ng maayos ang tanong mo?”
Paulit-ulit na tumango si Blake na noon ay biglang natakot na baka ulitin ng babae
ang ginawa. Nanghihina ang mga tuhod na naglakad siya pabalik sa kuwarto. Nang
pipihitin niya na ang pinto’y bigla siyang natigilan. Napakagat siya sa kanyang mga
labi. Palihim niya itong nilasahan. Hindi niya maitatanggi sa sarili na nanlambot
ang buong katawan niya sa ginawa ng dalaga. Maging sa mga sandaling ito ay ramdam
niya pa rin pagbilis ng pintig ng kanyang puso.

Napalingon ulit siya sa dalagang nagbubukas din ng sariling pintuan. Tila may
nanghihinayang sa kanyang kalooban sa hindi niya pagganti sa halik nito. May nag-
uudyok sa kanyang muli itong lapitan. Gusto niyang hablutin ang braso nito. Gusto
niyang iharap ito sa kanya...at siilin din ito ng mga halik.

“Alex!” tawag niya habang nakahawak pa rin sa door knob.

Lumingon ang babae. “Bakit?”

“D-Don’t ever do that again...”

Hindi sumagot si Alex sa halip ay ngumiti lamang ito nang nang-aasar at nang-aakit.
Mabilis na binawi ni Blake ang kanyang mga mata at nagmadaling pumasok ng kuwarto.
Mas lalo siyang nanghina nang makita ang mapang-akit na ngiti ng babae.
=================

[37] THE RISE OF THE RIVALS

****

Nakangiting tumabi si Alex kay Blake habang tahimik na nagbabasa ang lalaki sa
ilalim ng paborito nitong puno sa campus. Inabutan niya ito ng mineral water.

“Tubig.”

Inalis ni Blake ang mga mata sa pagkakadungaw sa libro. Tumingin siya sa dalagang
bigla na lang tumabi sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito. Nakangiti maging ang mga
mata. Napatitig siya sa mga labi nito at di sinasadyang sumagi sa utak ang ginawa
nitong paghalik sa kanya. Muling nabuhay ang irregularidad ng pagpintig ng kanyang
dibdib. Bago pa man mamula ang kanyang mga pisngi, kaagad niyang hinablot ang
inaalok nitong tubig at uminom ng dire-diretso.

Ibinalik niya ang mga mata sa pagbabasa. Maya-maya lang ay naramdaman naman niyang
masyadong malapit sa pagkakatabi ang dalaga. Magkadikit na ang kanilang mga braso.
Hindi niya maintindihan ngunit tila may kuryenteng dahan-dahangdumadaloy sa buong
katawan niya.

“You’re sitting too close to me.”

Medyo umisod siya papalayo ngunit sinasadya namang dumikit ng babae. Umisod ulit
siya papalayo subalit umisod ulit papalapit ang halatang nang-aasar na kasama.
“Are you teasing me? Can’t you see I’m studying?!” Tinaasan niya ito ng boses
ngunit agad siyang natahimik nang tinitigan siya nito. Napalunok siya’t mabilis na
nagkunwaring ibinalik ang atensiyon sa libro. Ilang saglit siyang walang tigil sa
pagbuklat ng mga pahina.

“Stop flirting. Baka makita ka ni Marianne. She won’t tolerate this. Selosa ang
girlfriend ko,” di nakatiis na komento niya.

Ngumisi si Alex. Tumingin ng ito seryoso at makahulugan kay Blake.“Huwag kang mag-
alala. Kelan pa natutong magalit sa may-ari ang nanghihiram?”

“What do you mean by that?” kunot noong tanong ng lalaki.

Napalitan ng nagbibirong reaksiyon ang seryosong hitsura ng dalaga. “Wala sabi ko


hindi magagalit si Marianne dahil alam niyang palabiro lang ako!”

May humintong sasakyan malapit sa dalawa. Bumaba dito si Marianne. Pagkakita ni


Blake sa girlfriend ay mabilis ulit itong umisod papalayo sa katabi.

Tumayo si Alex. Dumating na ang kanyang proxy. Alam niyang ito na ang uupo sa
kanyang puwesto. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata ay palihim siyang
tiningnan ng masama ni Marianne. Gagantihan niya rin sana ang masasamang tingin ng
babae subalit biglang nabaling ang atensiyon niya sa kumakaway na si James.
Nakasandal ito sa pinto ng pinaggalingang sasakyan ni Marianne. Sumigla ang kanyang
pakiramdam pagkakita sa kasamahan. Natutuwang lumapit siya dito.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Blake ang di maitagong sigla’t saya sa mukha
ni Alex nang makita nito si James.
“How is your brother related to my bodyguard?” nagtatakang tanong niya sa
girlfriend.

Nag-isip ng ilang saglit si Marianne. Nakaramdam siya ng selos dahil hindi pa man
siya nababati ng boyfriend ay nagawa na nitong magtanong tungkol kay Alex.

“She is his ex-girlfriend.”

Natigilan si Blake sa sagot at tila may kumurot sa kanyang dibdib sa nalaman. “H-
How did they know each other?”

“They worked together. They have the same job.”

“You’re brother is a policeman too?!” namimilog ang mga matang bigkas ng lalaki.

“Yeah. You knew it already.”

“I-I don’t remember...”

“Maybe because of your lost memories... But you knew it and we fought about it
already.”
“We did? What happened?”

“You broke up with me.”

“I broke up with you?! Then how come we’re still together now?” hindi
makapaniwalang tanong ni Blake.

Napatingin si Marianne sa dalagang nakikipag-usap sa kapatid. Naalala niya ang araw


na pinagbati sila ng babae.

“You realized your mistake. Masyado kang nagalit sa akin and you accused me for
being a liar but at the end you accepted my reasons sa hindi ko pagsabi kaagad sa
trabaho ng kapatid ko. You asked for my forgiveness thru a dinner date and I
forgave you.”

“Is that what happened? I can’t believe na nagawa kong magalit sayo ng sobra at
hiwalayan ka only because of that,” natatawang wika ni Blake.

“Yeah you did. You were in too much pain that time. But let’s not talk about it
anymore. That was over and I’m actually glad na isa yun sa mga nakalimutan mong
bagay.”

“I don’t understand I thought I remember all the moments na kasama kita.”

Ngumisi si Marianne.“Maybe because it involves some people na dapat mong


makalimutan.”
“Like who?”

“I don’t know,” maiksi at mataray na sagot ng babae.

Muling napalingon si Blake kina James at Alex. “You said Alex is his ex-girlfriend.
How come they still look happy talking to each other?”

“I’m not sure maybe they are starting to see each other again,” kaswal na sagot ni
Marianne na hindi man lamang mahalata sa ginagawa nitong pagsisinungaling.

Hindi na muling nagtanong pa si Blake. Hindi na rin niya gaanong kinausap ang
girlfriend ngunit maya’t maya siyang palihim na sumusulyap sa dalawang nag-uusap na
pulis.

-------

“How are you?” seryosong tanong ni James kay Alex na noon ay nakatanaw kina
Marianne at Blake. Pareho silang nakasandal sa sasakyan at nakapamulsa sa pantalon.

“Ayos lang. Para lang uli akong nagsisimulang magbantay sa isang antipatikong Blake
Monteverde,” pabirong sagot ng babae.
“What I mean is... this whole situation. Sigurado ka bang tanggap mo ang lahat?”
paglinaw ni James.

Naguguluhang tumingin si Alex sa kausap. “Inspector anong ibig mong sabihin?”

“I know everything. Upon interrogation, that pusher confessed to me the whole story
about that night...” Bumuntong hininga ang binata at tipid na ngumiti. “I guess
that kid really likes you a lot to sacrifice even his own life. I cannot blame him
because you’re really a very likable woman.”

Nanibago si Alex sa takbo ng pakikipag-usap sa kanya ng kasamahan. Seryoso at may


tono ito ng pagiging sentimental.

“How about you? He touched your heart too, didn’t he?” ungkat pa nito.

Di siya nakaimik sa halip ay pasimple siyang yumuko upang iiwas sa mga paningin ng
kausap ang nahihiya niyang reaksiyon. Natutukso siyang aminin dito ang totoong
nararamdaman ngunit sa kabilang banda ay naasiwa siya. Kung saka-sakali, ito ang
unang pagkakataong mag-uusap sila tungkol sa personal at sensitibong bagay.

“Hindi ka ba nasasaktan sa nakikita mo ngayon?” dagdag na tanong ng binata.

Unti-unti siyang nadadala sa tono ng pakikipag-usap ng kasamahan. Ramdam niyang


nasa tabi niya ito ngayon bilang isa ring kaibigan.
“M-Mahirap... pero balewala ang lahat ng ito kumpara sa ginawa niya para sa akin,”
nag-aalangang salita niya.

“Sa tingin mo ba ay tama ang desisyon mo na hindi magpakilala kung ano ka sa buhay
niya? My sister loves him so much and I know she will do everything to win him.”

Tumango si Alex. “Alam ko. Pero mas ayokong maguluhan si Blake. Kahit ipagpilitan
ko man ang sarili ko na alalahanin niya, hindi pa rin nito madidiktahan ang totoong
nararamdaman niya. Ang puso at isip niya ngayon ay iisa at lahat ng yun ay nakalaan
para kay Marianne. Ayokong sirain ang sayang nararamdaman ni Blake ngayon."

“Malalim ba ang nararamdaman mo para kay Blake?” tanong ni James.

Muling natahimik si Alex. Ilang saglit siyang nag-atubiling sumagot subalit dama
niyang handang makinig ng kausap sa anumang sasabihin niya. Sa mga panahong ito ay
kailangan niya ng mahihingahan ng lahat ng mga pinipigilang damdamin. Ibubuka niya
na sa ang bibig ngunit bigla siyang tinawag ni Blake.

“ALEX LET’S GO TO MY NEXT CLASS NOW!”

“Sige inspector, next time na lang ulit tayo mag-usap. Hayaan mo dadalawin kita
minsan sa headquarters pag may oras ako,” pahayag niya ng may matamlay na ngiti.

Humakbang siya pabalik kina Blake ngunit biglang dinaklot ni James ang kanyang
kamay.
“Alex-”

Nagulat at napalingon siya sa lalaki. Nagtatakang tiningnan niya ang madiing


pagkakahawak nito sa kanyang kamay at pagkuway kunot noong tiningnan niya ang
seryosong mukha nito.

“I like you-”

Bigla siyang nalito. Narinig niya ang sinabi ng kasamahan pero hindi niya ito
malinaw na naintindihan.

“I like you Alex... a lot.”

Unti-unting pumasok sa utak niya ang ibig ipahiwatig ng lalaking seryosong


nakatitig sa kanya. Natawa siya ng mahina. “Inspector hindi porke’t medyo matamlay
ako ngayon ay kailangan mo nang magpatawa,” sabay tanggal niya sa pagkakahawak nito
sa kanyang kamay.

Muling kinuha ni James ang binawi niyang mga palad at mas lalo itong nagseryoso sa
pagkakatitig sa kanya.

“I’m not joking Alex.”

Nanahimik siya nang mapagtantong hindi nagbibiro ang kausap. Napanganga siya
hanggang sa tila dahan-dahan siyang pinanunuyuan ng lalamunan. Bigla siyang
nakaramdam ng pagkaasiwa mula sa mga titig ng binata. Lumikot ang kanyang mga mata
habang makailang beses na napapalunok. Naghahagilap siya ng sasabihin.

“ALEX! I’M GOING TO BE LATE!!!”

Hindi napigilan ni Blake ang sarili na hindi lumapit sa babaeng kanina niya pa
tinatawag. Sumasakit na ang lalamunan niya sa kakasigaw samantalang magkahawak-
kamay na nakikipagtitigan lamang ang babae sa kausap. Tiningnan niya ng malapitan
si James, wala siyang rason kung bakit pero ramdam niya kung gaano kabigat ng loob
niya dito.

“ALEX!” tawag niya nang hindi inaalis sa lalaki ang mga paningin.

Napalingon sa kanya ang dalawa. Ginantihan din ni James ang mga titig niya. Mas
lalong tumalim ang mga tingin niya dito. Ilang sandaling tahimik na nag-usap ang
kanilang mga mata. Napipikon siya dahil kunway kalmado lamang itong nakatingin pero
ramdam niyang ipinamumukha nitong mas nakakalalaki ito kesa kanya.

Nilapitan niya si Alex at hinila ang isang kamay nito.

“I SAID LET’S GO!”

Hindi naman pinakawalan ni James ang isang kamay ni Alex. Hinigpitan pa lalo nito
ang pagkakahawak dito at hinila rin papalapit sa kanya ang dalaga.

Mas lalong nagalit si Blake.


“Bitawan mo siya! She’s my bodyguard and we have to go now!”

“She’s my friend and I’m talking to her right now,” madiing sagot ni James.

“Blake don’t talk to my brother that way,” sabat ni Marianne ngunit hindi rin ito
pinakinggan.

Naghilahan ang dalawang lalaki sa magkabilaang kamay ni Alex habang seryosong


nagpapalitan ng matatalim na titig.

Noon lamang natauhan Alex mula sa di inaasahang pagtatapat ni James. “SANDALI!


SANDALI! Nasasaktan na ako ha!” awat niya.

Galit na tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak ng mga lalaki sa magkabilaang


kamay niya. Natigilan ang dalawa nang makita ang galit niyang mukha. Tiningnan niya
ng matapang si Blake. Bumuntong-hininga siya at pagkuway naasiwang hinarap niya si
James.

“Inspektor Corpuz, saka na lang tayo ulit mag-usap.”

------
Nang pauwi na’y saka inungkat ni Blake si Alex tungkol kay James.

“How can you kiss another guy when you’re already seeing someone?! Ganyan ka ba ka-
flirt?!” iritabling wika ni Blake.

“Anong sabi mo?” naguguluhang tanong ng nagmamanehong dalaga.

“He’s you’re ex-boyfriend or shall I say still a boyfriend, isn’t he?”

“Saan mo naman nakuha ang ganyang ideya?” natatawang tugon ng babae.

“Marianne told me,” diretsong sagot ni Blake nang magkatagpo pa rin ang mga kilay.

Pansamantalang nanahimik si Alex. Hindi siya makapaniwalang gumagawa na rin ng


sariling kuwento si Marianne. Gusto niya sana itong pabulaanan ngunit naisip niyang
baka malito lang si Blake kapag sinabi niyang nagsisinungaling ang babae.

“Naniwala ka naman,” ngingiti-ngiti na lamang na pahayag niya.

“Bakit naman ako hindi maniniwala? Is there any reason for Marianne to lie about
it?”
“W-Wala naman.” Napalunok siya sabay taas ng isa niyang kilay. “Bakit ka ba
nagagalit? Ano naman ngayon kung saka-sakali ngang boyfriend ko si
inspec-...James?”

“I can’t explain but I think it annoys me because he’s taking some of your time.
You should not talk to him while you’re on duty. I hate that guy!”

Napapreno si Alex sa huling sinabi ni Blake. Ito ang madalas nitong bitawang linya
kapag nagseselos kay James. Itinabi niya bigla ang sasakyan at namimilog ang mga
matang hinarap ang lalaki.

“Bakit ka nagagalit sa kanya?”

“I don’t know. I just feel that I don’t like that man.”

“N-Nagseselos ka ba Blake?”

Natigilan bigla ang lalaki sa tanong hanggang sa unti-unti itong natawa. “Selos?
Bakit naman ako magseselos sa lalaking iyon?! Sinasabi mo bang may gusto ako sayo?”

Paulit-ulit na tumango si Alex.

“Wow are you such a thick-skinned woman?” hindi makapaniwalang tanong ni Blake
matapos makita kung gaano kadaling umamin ng kausap.
Hinawakan ni Alex ang dibdib ng lalaki. “Wala ka bang kakaibang nararamdaman
diyan?” excited na tanong niya.

Nanlambot si Blake nang lumapat ang palad ng babae sa dibdib niya. Nataranta siya
nang maramdamang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Agad-agad niyang tinanggal sa
dibdib ang kamay ng dalaga bago pa man siya nito mabisto.

“W-Why would I feel something for you? For god sake Alex, I have a girlfriend and I
love her! Hindi porke’t mabigat ang loob ko kay James doesn’t mean that it’s
because of you. Maybe I encountered problems with him before na hindi ko maalala. I
just discovered today that I have memories with him that I couldn’t recall!” kunway
iritableng paliwanag niya.

“Memories, anong memories?” nag-aalalang tanong ni Alex.

“Like him being a policeman. Marianne told me that I knew about it already.”

“Ano pang mga nalaman mo? May iba pa bang mga sinabi sayo si Marianne?”

“Wala na. But she mentioned na maybe may mga nakalimutan akong tao and events
related to his brother that’s why I forgot about his job .”

Pinaandar ulit ni Alex ang sasakyan. Hindi na siya muli pang nagsalita. Nadismaya
siyang hindi selos ang nararamdaman ni Blake para sa kasamahan. Kahit nagpaparaya
siya ng sariling damdamin ay lihim pa rin siyang umaasa na sana ay may naiiwan pa
ring puwang para sa kanya sa puso ni Blake. Alam niyang paminsan-minsan ay natatalo
ng puso ang isipan kaya kung sakali man muli siyang ibigin ng lalaki sa kabila ng
mga naburang alaala, baka sakaling ipaglaban niya pa ang nararamdaman. Subalit sa
pagkakataong ito, nakikita niya kung gaano kamahal ni Blake si Marianne kung kaya’t
kahit katiting ay alam niyang wala siyang pag-asa.

-------

Namamahinga na si Alex sa kuwarto. Nakahiga siya sa kama habang nakapatong ang


kamay sa noo at iniisip ang mga sinabi ni James. Hindi pa rin niya alam kung ano
ang magiging reaksiyon. Hirap na hirap pa rin siyang maniwala, ni minsan ay hindi
niya ito nakitaan ng anumang senyales o pahiwatig na may gusto ito sa kanya. Sana
pwede niya pa ring isiping binibiro lang siya ng binata.

Tok.Tok. Tok.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang katulog.

“Meron ho kayong bisita,” anito.

Pinatungan niya ng sweater ang suot na pajama at nagtatakang bumaba. Bisita? Sino
ang maghahanap sa kanya sa ganitong oras? Pagdating niya sa living room ay nagulat
siya sa nakitang naghihintay sa kanya. Si James. May dala-dala itong mga bulaklak
at agad itong ngumiti pagkakita sa kanya.

“A-anong ginagawa mo dito inspector?”

Ibinigay muna nito sa kanya ang mga bitbit na bulaklak. “Umaakyat ng ligaw sayo
Alex,” pahayag nito na di malaman kung seryoso ba o biro.
Nataranta siya sa narinig habang namumula ang mga pisnging tinatanggap ang
bulaklak. Tumingin siya sa paligid sa pag-aalalang baka may makakita sa kanila.
Inilapag niya sa center table ang mga bulaklak at hinila papalabas ng hardin ang
binata. “Hanggang ngayon ba ay nakikipagbiruan ka pa rin Inspector Corpuz?”
napipikong sabi niya pagkalabas ng bahay.

“I told you I’m not joking. I came here to talk to you about what I said this
afternoon” seryosong sagot ni James.

Kinapa ni Alex ang noo at leeg ng binata.“Nilalagnat ka ba? May sakit ka ba? Anong
nangyayari sayo at bigla-bigla ka na lamang nagkakaganito?”

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si James. “Hindi ito bigla-bigla Alex.


I’ve liked you since the day I first met you. To be honest you are the reason kung
bakit ako nagpalipat sa department niyo. I want to be with you Alex.”

Muling napanganga ang dalaga. “B-Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ganyang bagay
ngayon Inspector Corpuz? Akala ko ba magkaibigan tayo? Akala ko ba partner tayo?”

Tumitig ang binata sa hindi pa rin makapaniwalang hitsura ni Alex. “I was looking
for the right time para ipagtapat sayo ang lahat. I know today is the worst timing
to confess... pero ayokong mahuli ang lahat. I know I’m a little late dahil may
nakauna na sa akin but I’m still hoping I ‘m not too late yet. Am I Alex?”

“James-”
“Blake maybe owns your heart now but it doesn’t mean that I don’t have a chance. If
that kid could able to move your heart, I think kaya ko ring gawin yan Alex.”

Napalunok si Alex. Nag-iisip siya sa ng tamang isasagot. Wala siyang anumang


nararamdaman para kay James ngunit kaibigan at mabuting kasamahan pa rin ang tingin
niya ditto. Ayaw niyang masaktan ito sa kanyang sasabihin.

“J-James... pasensiya ka na pero sa tingin ko mas mabuting ihinto mo na lang ito.


Mahihirapan ka lang. Ka-kaibigan kita kaya’t ayokong makitang masasaktan o
mahihirapan ka nang dahil sa akin.”

“I’m not in a hurry Alex. I’m willing to wait for my turn. Wala akong hihingin
anuman sayo ngayon maliban sa pakiusap kong bigyan mo ako ng pagkakataong iparamdam
sayo ang pagmamahal ko.”

“James ayokong umasa ka... wala akong maibibigay sayo kundi pagkakaibigan. Itigil
mo na lang ang lahat ng ito... G-gusto ko nang matulog kung wala ka ng ibang
sasabihin ay pwede ka ng umalis,” sagot ng dalaga na di na maitago ang kagustuhang
kumawala sa nakakaasiwang pag-uusap.

Tumalikod si Alex para pumasok na sa loob ng bahay ngunit hinawakan ni James ang
kanyang braso at napaharap ulit siya sa lalaking may nagsusumamong mukha.

“I will not stop Alex. I will accept all your rejections now but it won’t make me
stop in showing how I really care for you... I’ll prove to you that I am the better
man and I will do everything with sincerity just to win your heart Alex.”

“A-alam kong mabuti kang tao James. Kaya nga ayaw kitang paasahin...ayaw kitang
masaktan.”
“Please give me a chance to love you Alex...”

Nakaramdam ng awa si Alex sa nakikiusap na binata. Hindi niya inaasahang ang


matapang at matatag ang loob na kasamahan ay nakahandang magpapakita ng ganitong
kahinaan sa harap niya. “Hi-hindi kita pipigilan James pero ngayon pa lang ay
sinasabi ko na sayong masasayang lang lahat ng pagod mo...”

Nagliwanag ang mukha ng lalaki. “What you just said is enough Alex. I’m not asking
for more...pumayag ka lang na ligawan kita ay masaya na ako.”

Asiwang tumango si Alex at ngumiti ng tipid. “K-Kung wala ka nang sasabihin ay


babalik na ako sa loob inspektor...gusto ko ng magpahinga. Magpahinga ka na rin,
alam kong pagod ka rin sa trabaho,” nagmamadaling pag-iwas niya.

“Yes I will leave now. Sorry for taking some of your time. Take a rest and
goodnight,” nakangiting paalam ng binata.

“G-goodnight ingat ka rin sa pag-uwi.”

Pumasok ng bahay si Alex nang may naguguluhang mukha. Hindi pa rin nawawala ang
matinding pagkabigla sa dibdib niya. Napahinto siya ng ilang saglit at parang unti-
unti siyang nagsisisi sa pagpayag na ligawan siya ni James. Paulit-ulit niyang
binatukan ang sarili. Habang nag-iisip ng malalim,bigla siyang natigilan nang may
maramdamang may mga matang nakatingin sa kanya ng masama.

“B-Blake?” Nakatayo ang lalaki sa tabi ng pinto. Nakahalukipkip ito at nakatitig sa


kanya ng seryoso. “A-anong ginagawa mo diyan?”
“Why? Can’t I roam in my own house?” sarkastikong tono nito.

Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa lalaki. Pakiramdam niya ay may nagawa
siyang kasalanan dito. Iniwasan niya ang mga mapanuring mata nito at nakayukong
pumasok ng bahay. Narinig niya ang mga yabag ng sumusunod sa kanya. Binilisan niya
ang lakad ngunit pagdating sa living room ay napatingin siya sa mga bulaklak. Ayaw
niyang maging bastos sa kasamahan kung kaya’t kahit nagdadalawang isip ay napilitan
siyang kunin ito para dalhin sa kanyang kuwarto.

“What was he doing here?” tanong ng nakabuntot na lalaki.

“M-May pinag-usapan lang kami tungkol sa trabaho.”

“Kasama ba ang pagbibigay ng bulaklak sa trabaho niyo?”

“Humingi lang siya ng pasensiya dahil sa nangyari kanina.”

Binilisan ni Blake ang paglalakad hanggang sa maabutan niya ang dalaga. Pinigilan
niya ito sa braso at iniharap sa kanya. “You knew that I don’t like him! Why are
you inviting that man in my house? This is my house Alex and you should ask
permission first kung sino ang papupuntahin mo dito!”

“H-hindi ko siya pinapunta. Siya ang kusang dumalaw.”


“Bakit ka niya kailangang dalawin? You just denied kanina na may relasyon ka sa
lalaking iyon. Are you lying?”

Tumingin ng seryoso si Alex sa galit na kausap.“Blake...nililigawan ako ni James,”


kusang pag-amin niya.

Natahimik si Blake sa narinig. Pansamantala itong hindi nakakibo.

“O-okay lang ba na ligawan niya ako?” tanong ng dalaga habang nakatingin sa mga
mata ng natahimik na kausap. “Okay lang ba Blake sayo na ligawan ako ni James?”
ulit nito.

“W-why are you asking me that?” biglang hinahong ika ni Blake.

“Sabi mo di ba kailangan ko munang magpaalam sayo kung may dadalaw sa akin. Kaya’t
tinatanong kita ngayon kung papayag ka bang ligawan ako ni James.”

“D-Does it matter kung papayag ako o hindi?”

“Sabihin mo lang kung ayaw mo Blake. Babawiin ko ang sinabi ko kay James na
pumapayag akong ligawan niya.”

Napalunok si Blake at pansamantalang nag-isip. Napatingin siya sa mga bulaklak.


Gustung-gusto niyang sagutin ang dalaga na tumututol siya. Sagad sa buto ang
pagtutol na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya kayang ipaliwanag sa kausap kung
bakit ito ang sagot niya.
“W-why would I disagree? All I’m saying is I don’t want to see him in my house as
much as possible. It’s your personal life so bakit naman ako makikialam sa
panliligaw niya sayo?” depensa niya.

“Kahit katiting ba ay wala kang nararamdamang pagtutol, Blake?”

“N-None,” tanggi ni Blake nang di makatingin ng diretso.

Binawi ni Alex ang mga mata sa pagkakatitig sa kausap. Matamlay na naglakad siya
papabalik ng kuwarto. Sa kalagayan ngayon ni Blake. Ano nga ba naman sa lalaki kung
may manligaw sa kanyang iba?

Muli niyang nilingon si Blake.

Namimiss niya ang nagseselos na Blake. Namimiss niya ang nanggagalaiti at


namumulang mukha nito kapag pinag-uusapan si James.Namimiss niya ang mga paraang
naiisip nitong gawin para lamang iiwas siya kay James. Sana pareho pa rin ang
dahilan kung bakit nagagalit pa rin ito ngayon pagdating sa binatang pulis... kung
sana lang.

=================
[38] CHANCE TO BET

*****

“Lolo can I come in?” bungad ni Blake habang nakahawak sa door knob ng nakaumang na
pinto ng personal office ni Don Henry.

May kausap na tauhan ang matanda subalit pagkakita sa apo ay agad nitong pinutol
ang pakikipag-usap.

“Sure, come in iho.”

Pumasok si Blake ngunit hinintay niya munang makalabas ang empleyado bago
magsalita. Naupo siya sa isa sa mga silyang nakaharap sa table ni Don Henry. “Lolo,
I’ll be turning nineteen next month and as I promised to you, I want to have my-”

Hindi pinatapos ni Don Henry ang sasabihin ng apo. Nakuha agad niya kung ano ang
patutunguhan ng pag-uusap nila. “Where’s Alex?”

Napakibit ng mga balikat si Blake.“I don’t know. Maybe she’s in her room,” Nagkata
siya sa biglaang paghahanap ng lolo sa kanyang bodyguard.

“Call her. Tell her I want her here,” madiing utos nito.
“B-But grandpa, I want to talk to you about an important matter privately,”tutol
niya.

“No. I want her here first. Call her!”

Nagtaas na ng boses ang lolo kaya wala siyang magagawa kundi sundin ito.Tinawagan
niya sa telepono si Alex.

“Come to my grandpa’s office now,” iritableng sabi niya.

Hinintay nilang maglolo ang babae. At ilang saglit lang ay bumungad na sa pinto si
Alex.

“Magandang araw po Don Henry.”

“Come inside Alex. Sit there.”

Tahimik na pumasok ng opisina si Alex at naupo sa itinurong sofa ng matanda.


Nagkatinginan sila ni Blake at agad niyang napansin ang magkasalubong na mga kilay
nito.

“Start talking Blake.”


Nagulat si Blake sa sinabi ng lolo. “But Lolo don’t you wanna finish first your
business with Alex. Kayo na muna ang mag-usap.”

“I’ll talk to her later. Now tell me what you wanna say.”

“I can’t talk to you about it if she’s listening.”

Tumayo si Alex. “Sige po Don Henry. Babalik na lang po ako mukhang may pag-uusapan
pa kayong importante.”

“No! Just sit down there. I want you to listen to everything,” matigas n autos ng
matanda.

Bumalik sa kinauupuan niya ang dalaga at mas lalong nagulat naman si Blake sa
ikinikilos ng lolo.

“But this is a private matter lolo! Hindi siya pwedeng makinig.”

“It doesn’t matter. She won’t care. I just want her here para matandaan lahat ng
pinag-usapan natin. You want to talk about your upcoming birthday am I right? Then,
I want her to help with the preparation.”

Tiningnan muna ni Blake si Alex. Kaswal ang mukhang tiningnan din siya ng babae.
Medyo naintindihan niya ang rason ng lolo, siguro nga ay pinapunta ito para sa
pagtulong sa preparasyon. Inalis niya ang mga mata sa babae at muling hinarap ang
kanyang lolo ng may seryosong mukha.
“Lo, I’m ready to fulfill what I promised to you. I am ready to formally propose to
Marianne on my 19th birthday.”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Alex. Unti-unti siyang pinagpawisan ng malamig sa
naririnig.

“....as what we’d talked about, I want my birthday party to be my engagement party
as well.”

Binigyan ni Don Henry ng makahulugang tingin ang natutulalang dalaga bago sagutin
ang apo. “Siguro ka na ba diyan Blake?”

“Yes lolo.”

“I will give you time for reconsideration. With your health condition now, pwede
nating i-extend ang pinag-usapan natin. Don’t you want to wait a little longer just
in case may unti-unti kang maalala sa mga nakakalimutan mong bagay?”

“I’m decided. I’m worried baka magbago pa ang isip ni Marianne and her parents. I
don’t want to lose this opportunity. And besides I have no doubts about my love for
my girlfriend. Wala akong ibang babaeng gustong pakasalan other than her.”

Napakagat ng madiin sa dila niya si Alex. Ito lang ang naiisip niyang paraan upang
mailihis ang sakit na nararamdaman mula sa dibdib. Nakita niyang napatingin ulit sa
kanya si Don Henry.
“I understand about your feeling for Marianne pero umaasa ako na sana makapaghintay
ka ng kahit konting panahon. Maghintay pa tayo ng kaunti malay mo biglang dumating
ang araw na bumalik lahat ng alaala mo. I don’t want you to regret this decision.”

Natawa si Blake sa huling sinabi ng lolo. “Regret? Bakit ko naman pagsisisihan ito.
This is what I want and this is what you want lolo, remember? And why are you
hoping so much for my erased memories to return? Does it matter? May magbabago ba
pag bumalik ang mga alaala ko?”

Hindi sumagot si Don Henry. Huminga ito ng malalim at muling tumingin sa tahimik na
nakikinig na dalaga. Nahuli ni Blake ang lihim na palitan ng mga tingin ng dalawang
kasama. Bigla siyang nakakutob na tila may itinatago ang mga ito sa kanya.

“Am I forgetting something important to me?” seryosong tanong niya.

Walang sumagot sinuman sa dalawa. Unti-unting uminit ang kanyang mga pisngi. Ramdam
na ramdam niyang may itinatago ang mga ito.“Am I forgetting something? Meron ba
akong nakalimutang bagay na maaring makapagpabago sa desisyon ko ngayon?!”

Ilang ulit na iniiling ni Alex ang ulo niya kay Don Henry bilang pakiusap na huwag
magsalita. Napipilitang sumunod ang matanda.

“W-wala naman iho. Umaasa lang sana akong maging normal muna ang lahat sayo bago ka
pumasok sa ganito kaseryosong bagay.”

“If you say so Lolo then why care for that memories? What matters most now is my
true feelings for Marianne!” napipikong sabi ni Blake.
“Naiintindihan ko apo. Is there anything else you want to say?”

Tatayo na sana si Blake pero bigla siyang may napagtanto. “Wait you’re not saying
yet na pumapayag kayo sa gusto kong engagement party,” wika niya sa lolo.

“I will discuss everything with Alex first.”

Hindi nagreklamo si Blake. Tumayo siya ngunit bago lumabas ng silid ay sinulyapan
niya muna ang dalaga. Nakita niya kanina maging ang palihim na pag-iling nito sa
kanyang lolo. Lumabas siya ng pinto nang may unti-unting umuusbong na mga
katanungan sa kanyang isipan.

“What can you say now Alex?” diretsong tanong ni Don Henry pagkalabas na pagkalabas
ng apo.

“Don Henry-“

“I want to hear your opinion now.”

“W-wala po akong magagawa sa desisyon ni Blake. K-Kung ito po ang nakatakdang


mangyari ay tatanggapin ko ng maluwag Don Henry. Ang maipapangako ko lang ay
mananatili ako sa tabi ni Blake hangga’t kailangan ngunit handa ho akong umalis at
magparaya kapag dumating na ang panahong hindi na nababagay na nasa tabi niya pa
rin ako,” nanginginig ang boses na pahayag ni Alex.
“I don’t want you to talk that way Alex. I let you listen to give you a chance to
change your mind.”

“Don Henry-”

“I’m giving you a last chance to fight for your feelings.Gawin mo ang anumang
paraan para muling makuha ang loob ng apo ko. Pababayaan kita ngunit hindi ibig
sabihin ay hindi ko pagbibigyan ang mga kagustuhan ni Blake ngayon. Susundin ko pa
rin anuman ang hiling niya dahil katulad mo, ayoko ring makita siyang nahihirapan o
naguguluhan. Sa pagkakataong ito ay wala na akong panghihimasukan, Alex. Inilalagay
ko sa iyong mga kamay anuman ang kahahantungan ng kapalaran ninyong dalawa ng apo
ko.”

Pansamantalang hindi nakasagot si Alex. Nahihirapan siyang kalabanin ang totoong


isinisigaw ng dibdib. Gusto niyang mahalin ulit siya ni Blake. Gusto niya ring
bawiin ang lalaki... ngunit ayaw niyang lumabas na makasarili. Walang kasalanan si
Blake. Siya ang nakakaunawa sa lahat, siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang
lalaki kaya’t wala siyang karapatang ipagpilitan ang sariling kaligayahan.

“H-hindi ko po kaya Don Henry dahil kahit ano man ang gawin ko ngayon ay wala ho
akong laban kay Marianne,” naluluhang sagot niya.

“Alex I know you don’t want to hurt Blake now. But I want to ask you...sa tingin mo
ba kung sakaling normal ang apo ko ngayon ay magiging masaya siya sa ginagawa mo?
Sa tingin mo ba ito ang gusto ni Blake? He risked his life because of his love for
you and I think it’s disappointing to see na ganun lang kadali sayo na isuko ang
pagmamahal na ibinigay sayo ng apo ko.”

“Hindi po masasaktan si Blake dahil napakaliit ho ng chance na maalala niya ulit


ako...”
“What will happen kung bumalik ang alaala niya? And it’s too late for him para
iwanan si Marianne? Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan? He might blame you for
not fighting for him Alex.”

Napayuko si Alex. Wala siyang maisagot sa kausap. Litung-lito ang kanyang isipan.
Tama ang mga sinasabi ni Don Henry ngunit pakiramdam niya ay tama din ang mga
katwiran niya.

“Everything is a gamble now. At least you should take your bet Alex. If you win
then be glad and if you lose then so be it.”

-----

“Marianne....”

Iniipit ni Blake ng mga kamay ang magkabilaang pisngi ng girlfriend. Tinititigan


niya ito ng malagkit habang dama ang maiinit nilang mga hininga. Ginantihan din
siya ng babee ng nakaktunaw na mga titig at tanging mga mata pa lamang nito ay
nakakapagpadaloy na ng kuryente’t init sa kanyang buong katawan. Dahan-dahan niyang
inilapit ang nananabik na mga labi. Nag-umpisa siya sa marahang paghalik sa mga
labi ng babae hanggang sa unti-unti siyang naging agresibo.

Walang anumang senyales ng pagtutol mula sa girlfriend sa halip ay mainit na


tinatanggap at ginantihan nito ang kanyang ginagawa. Naglakbay ang kanyang mga labi
patungo sa likod ng tenga nito.

“I don’t think I can hold myself now Marianne,” bulong niya ng may maiinit na
hininga.
“Do whatever you want Blake,” nakapikit na sagot ng babae.

Bumaba ang mga labi ni Blake sa leeg ni Marianne. Gumapang ang kanyang mga kamay
papasok sa blouse. Hinaplos niya ang tiyan nito papaakyat sa malalambot nitong mga
dibdib. Napaliyad at napayakap sa kanya ang babae nang may kasamang mahinang ungol.

“BLAKE BUKSAN MO ITONG PINTO! BLAKEEEEE!!!”

Biglang naitulak ni Blake papalayo si Marianne. Napahiga sa kama ang babae. Humawak
ito sa balakang na halatang nasaktan sa lakas ng pagkakatulak sa kanya.

“Ouch! What was that all about Blake?” nakangiwing reklamo nito.

Talo pa ni Blake ang binuhusan ng napakalamig na tubig nang marinig ang boses ni
Alex at ang malakas nitong pagkatok.

“BLAKE BUKSAN MO ITO!”

Aisssh! That woman is really making me crazy!” napapagusot sa buhok na reklamo ni


Blake sa sarili. “Hide yourself Marianne.”

“Why would I hide? I’m your fiancee and what’s wrong if I stay here?”
“Just hide and stop asking,” iritableng tugon ng lalaki.

Hindi sumunod si Marianne kung kaya’t hinila ito ni Blake papatayo sa kama at
itinago sa lukod ng pintuan.

“BLAKE BUKSAN MO SABI!!!”

Galit na binuksan ni Blake ang pinto. Sisigawan niya rin sana si Alex ngunit bigla
siyang napapalit ng tono nang bumungad sa kanya ang mga matatalim na mga titig
nito. “W-What? What is it?” nagmamaang-mangan at napapalunok na sambit niya..

Tumaas ang isang kilay ni Alex. Tipid na tipid ang pagkakaawang ng pinto halatang
may ayaw ipakita ang kaharap.

“May bisita ka raw dito sa kuwarto mo?,” nakangising tanong niya.

“W-who told you that?” Hindi malaman ni Blake sa sarili pero kinakabahan siya sa
tuwing nakikita niya ang mga mapang-usig na mga mata ng dalaga.

“Ang mga katulong.”

“S-so?”
“Nandyan ba si Marianne?”

“A-Anong pakialam mo?”

“Sagutin mo ang tanong ko.”

Bago makapagsalita si Blake ay binuksan ng maigi ni Marianne ang pinto at kusang


inilabas ang sarili.“Hi Alex,” nakangising bati niya.

“What are you doing Marianne?” tutol ni Blake.

I just want to say hello to your bodyguard,” nakahalukipkip na sagot nito ng babae.

Tinitigan ni Alex ang babae at sinuklian ito ng ngisi. Pagkuway ibinalik niya ang
mga mata kay Blake. “Pwede kang tumanggap ng babaeng bisita sa kuwarto mo pero
huwag na huwag kang magsasarado ng pinto,” madiing utos niya sabay talikod.

Hinabol ni Blake ang dalaga. “Who are you para utusan ako? I can do whatever I want
in my house and especially in my own room!”

Hinarap ni Alex ang nagrereklamong lalaki. Inilapit niya ang mga labi sa tenga nito
at dahan dahang nagbitiw ng pabulong na mga salita. “Ang sabi ko wag-kang-mag-sa-
sa-ra ng pin-to...”

Pansamantalang hindi nakakilos si Blake. May dumaloy na namang kuryente sa katawan


niya matapos maramdaman ng tenga ang mainit na hininga ng dalaga. Subalit nang
matauhan ay agad pa rin niyang ipinagpatuloy ang pagpoprotesta.

“But she’s my girlfriend Alex ,for god sake! I need some privacy with her. Who are
you to control me?!”

“Bodyguard mo,” maiksing sagot ng dalaga habang naglalakad pabalik ng kuwarto.

“Exactly! You’re just my bodyguard yet you act as if you own me!”

Natigilan si Alex. Hinarap niya uli ang lalaki at tiningnan ito sa mga
mata. “Girlfriend mo pa lang siya Blake. Hindi mo pa siya asawa. Marami pang
pwedeng mabago.”

Natawa si Blake sa narinig. “Wow are you preaching morality here? I don’t live in
pre-historic era Alex. And by the way nothing will change...because at the end of
the day I will still marry Marianne.”

Inilapit ng dalaga ang mukha sa kausap at tinitigan ito. “Hindi ka nakakasigurado


Blake. Malay mo baka bukas o sa makalawa iba na ang nararamdaman mo.”

“How can you say something like that? Bakit hawak mo ba ang puso ko?” nakangising
tanong ni Blake.
“Hindi ko alam pero ibabalik ko sayo ang tanong. Ano sa palagay mo Blake...hawak
ko ba ang puso mo?”

Nawala ang mga ngisi sa mukha ng lalaki. Ilang sandaling nagtitigan ang dalawa.
Unang kumawala titigan si Blake ngunit hindi nito nagawang sagutin ang ibinalik na
tanong ng dalaga.

“Say whatever you want to say. Do whatever you want to do. But I’ll do whatever I
want to do with my own door!”

“Subukan mo lang!”

“A-are you threatening me?”

“Oo.”

“Anong gagawin mo pag isinara ko ang pinto?”

Inilapit ulit ni Alex ang kanyang mukha sa lalaki. “Pipilipitin ko yang kamay mo!”

Napahawak sa kanyang braso si Blake na para bang kusang naramdaman ng katawan niya
ang dulot na sakit ng gagawin ng babae. Nanggagalaiti sa galit na tinalikuran niya
si Alex at parang batang padabog na naglakad pabalik ng kuwarto.
“Aaaaa! I hate you! You’re crazy!”

Ngingiti-ngiti namang pumasok ng kuwarto niya si Alex. Bago isara ang sariling
pinto ay tiningnan niya muna ang kuwarto ng lalaki. Hinayaan nga nitong nakabukas
ang pintuan. “Susunod din naman pala ang dami pang sinasabi...”

Sa kuwarto ni Blake ay naghihintay si Marianne na isarado ng lalaki ang pintuan.


Subalit lumipas na ang ilang minuto pero tila wala ngang balak ang boyfriend na
suwayin ang utos sa kanya. Hindi siya nakatiis. Napipikong lumabas siya ng kuwarto
at kinatok si Alex.

Hinarap ni Alex ang kumatok na babae ngunit bago ito kausapin ay tiningnan niya
muna ang nakaawang na pintuan ni Blake.

“Bakit?”

“Akala ko ba tanggap mo ang relasyon namin ni Blake? But what is this fuss all
about?” nakataas ang isang kilay na sumbat ni Marianne.

Bahagyang tumapang ang mukha ni Alex. “Wala akong pakialam kung makipaglandian ka
kay Blake... pero huwag sa teritoryo ko Marianne.”

“Ohh so you mean this place is your territory? But what will happen after Blake and
I get married? Am I the one to stay here or ikaw pa rin?” sarkastikong mga tanong
ni Marianne.
Napangisi si Alex sabay napabuntong-hininga. “Huwag mong sagarin ang pasensiya ko
Marianne. Kung gusto mong mangyari ang sinasabi mong kasal ay matuto kang
respetuhin ako, dahil kung hindi...baka tuluyang magbago ang isip ko. Pwedeng pwede
kong bawiin lahat ng mga sinabi ko...”Lumapit siya sa nagsusupladang babae at
binulungan ito sa tenga. “...lalong lalo na ngayon, nakita mo naman sigurong ako pa
rin ang sinusunod ni Blake. Alam mo bang sa ganitong paraan niya ako minahal?”

Kalmadong tinapik ni Alex sa balikat ang natahimik na kausap at nakangising


pinagsaraduhan ito ng pinto.

=================

[39] GUT INSTINCT

****

Lunchbreak. Nakabuntot si Alex sa magkaakbay na sina Blake at Marianne patungo sa


isa sa mga paboritong kainan ng magkasintahan. Nakatingin siya sa likod ng mga ito
habang si Blake naman ay panaka-naka siyang nililingon upang alamin kung nasa
likuran pa rin siya.

Bago dumating sa kainan ay tumunog ang kanyang telepono. Huminto siya upang
kausapin ang tumatawag. Nakita ni Blake na tumigil siya sa paglalakad at agad
siyang sinenyasan na bilisan ang pagsunod sa kanila.
“Hello, Inspector Corpuz.”

“Hi Alex! Where are you now?”

“Nasa UP. Bakit?”

“I’m near in that area. Hey, I know it’s breaktime would you mind having lunch with
me?”

“Ha...eh...alam mo namang hindi ako pwedeng lumayo kay Blake di ba?”

“No problem ako na lang ang pupunta sayo. I’ll bring food. Where are you now?”

“Papuntang canteen malapit sa main library. Sa Greenhouse.”

“I’ll go there. Wait for me. Bye!”

“Inspektor sandali...sandali!” Tatanggi pa sana si Alex subalit ibinaba na ng


kausap ang telepono. Pansamantalang nag-isip siya ng idadahilan kay Blake sapagkat
tiyak na maiirita na naman ito’t makikipagkita siya sa oras ng trabaho. Ngunit
naalala niyang pumayag din naman ito na ligawan siya ng kasamahan. Siguro naman ay
hindi nito masasamain kung sumabay sa kanya si James kumain.
“What took you so long?” tanong agad sa kanya ni Blake matapos siyang magmadaling
sundan ang mga ito sa loob ng kainan.

“M-May kausap lang ako sa headquarter.” Nagpalinga-linga agad siya upang maghanap
ng bakanteng mesa. “Blake ihahanap ko na kayo ng mauupuan ha.”

“Sandali. Aren’t you going to choose your food first?” tanong ng lalaki habang
pumipili ng pagkain.

Nakangiting nag-isip siya ng idadahilan. “Ahhh...mamaya na ako. Hindi pa naman ako


gaanong gutom.”

“Are you sure?”

Paulit-ulit siyang tumango. “S-sure.”

Paglapit nina Marianne at Blake sa inuupuan niyang mesa ay agad siyang tumayo.
Ibinigay niya ang mesa sa mga ito at naghanap ulit siya ng isa pang bakanteng mesa
na medyo may distansiya mula sa dalawa. Tahimik siyang naupo habang patingin tingin
sa relos. Panaka-naka niyang nginingitian si Blake sa tuwing nahuhuli niya itong
nakatingin sa kanya.

Mga kinse minutos pa ng paghihintay ay bumungad sa pinto ng canteen si James.


Napapalingon ang bawat babaeng nadadaanan ng guwapong inspektor. Kinawayan ito ni
Alex at nakangiting lumapit ang binata bitbit ang mga biniling pagkain sa labas.
“Sorry to keep you waiting. I bought some food that you might like. I’m not really
sure but ganitong pagkain ang madalas kong makitang kinakain mo sa tambayan nating
ihawan malapit sa headquarters.”

Umandar ang katakawan ni Alex nang makita ang dalang mga pagkain ng kasamahan.
Isaw, barbeque na balat ng baboy, kwek-kwek, chicken feet, laing at inihaw na
pusit. Ito nga ang mga paborito niyang kainin sa opisina at simula nang naging
misyon niya si Blake ay hindi na ulit siya nakatikim ng mga ganitong uri ng
pagkain. Kaagad siyang naexcite at nakalimutang meron siyang isang taong dapat
alalahanin sa mga sandaling iyon.

“Wow! Inspektor pati ba naman ang ganitong bagay ay napapansin mo rin? Salamat.
Namiss ko nga ang ganitong mga pagkain,” masayang komento niya ng may namimilog na
mga mata.

“I told you I was secretly looking at you all the time. Wait should I order more
food? Nakakahiya naman pag hindi tayo bumili dito baka magalit ang may-ari,” ani
James sabay tayo at lapit sa counter.

Nag-init ang mga tenga’t pisngi ni Blake nang masaksihan ang pagdating ni James.
Pakiramdam niya ay naisahan siya ni Alex. Nag-alala pa mandin siya na baka
nagugutom na ito yun pala ay may hinihintay lamang itong lalaki. Humigpit ang
pagkakahawak niya sa kutsara’t tinidor. Nawalan din siya ng ganang kumain nang
mapansin ang mga ngiti sa mukha ng babae habang kausap ang binatang pulis. Nang
makita niyang tumayo ang inspektor para omorder ng pagkain ay agad niyang naisipang
lapitan si Alex.

Maging si Marianne ay nagulat sa biglaang pagdating ng nakatatandang kapatid. Wala


itong alam tungkol sa panliligaw ng kuya sa dalagang pulis. Nang magtama ang
kanilang mga paningin, simpleng kaway lamang ang ibinigay nila sa isa’t isa.

Hindi sang-ayon si James sa ginagawang pagsasamantala ng nakababatang kapatid sa


sitwasyon ni Blake kung kaya’t malamig ang pagtanggap niya sa relasyon ng dalawa.
Hindi siya nakikialam ngunit hindi niya rin ito kinukunsinti. Sa simula’t sapul pa
lamang ay hindi naman talaga siya nakikialam sa personal na buhay ng kapatid. Gusto
niyang matuto itong harapin anuman ang ibubunga ng mga mali at tamang desisyon
nito. Hindi niya rin tinitingnan na pabor para sa kanya ang nangyayari dahil wala
sa intensiyon niya na labanan si Blake ng hindi patas.

“Where are you going Blake?” nagtatakang tanong ni Marianne nang tumayo ang
boyfriend.

“May iuutos ako kay Alex.”

“Tell me. Ako na lang ang gagawa,” sabay pigil ng babae sa kamay ni Blake

Tinanggal ni Blake ang pagkakahawak ni Marianne sa kanya. “No. I want my bodyguard


to do it!”iritableng sabi niya sabay kuha sa isang makapal na libro mula sa bag.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Alex ang papalapit na lalaking may masasamang
tingin. Pagdating nito’y ibinato agad nito sa mga hita niya ang bitbit na libro.

“Stand up!”

“Bakit?” nagmamaang-maangang sabi niya.

“You said hindi ka pa nagugutom di ba? Then ipa-xerox mo ang chapter ten to fifteen
ng librong iyan. I need it for my next class!”
“Blake pwedeng mamaya na lang pagkatapos nating kumain? Tutal alas dos pa naman ang
klase mo”

Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki. “So you’re not following my orders now because
you’re with that man.”

Nahulaan agad ni Alex na si James na naman ang dahilan ng pinanggalaiti ng kausap.


“Blake akala ko ba wala kang pakialam kung manligaw sa akin si James?”

“Yeah I said that. But I told you not to do it during your duty time!”

Tumahimik ng ilang sandali si Alex. Tumingin siya sa paligid at napansing


nakakaagaw na sila ng atensiyon. Tumayo siya upang amuhin ang galit na kausap.“Eh,
halos lahat naman ng oras ko ay duty time. Ayaw mo naman siyang papuntahin sa bahay
niyo. Kaya please pagbigyan mo naman ako ngayon ha. Ayokong bastusin ang kasamahan
ko. At sana maintindihan mo na paminsan-minsan ay kailangan ko rin ng makakausap na
kaparehas ko ng interes at linya ng trabaho. Please Blake. Pagbigyan mo naman ako
ngayon....sige na.” Malambing na hinawakan niya ang kamay nito.

Tinitigan ng ilang sandali ni Blake ang nakikiusap na dalaga. Bahagya namang


napalambot ang dibdib niya ng malambing nitong pakiusap. Tinaasan niya ito ng kilay
subalit hindi na siya sumagot. Sa halip ay binawi niya lang ang libro at
tinalikuran ang babae. Nang papabalik sa sariling mesa ay nakasalubong niya si
James. Pareho silang napahinto ng ilang saglit. Nagpalitan ng makahulugang mga
tingin at pagkuway tinanguan ang isa’t isa.

Pagbalik ni James sa mesa ay hindi nito inungkat ang nakitang paglapit ni


Blake.“Let’s eat,” nakangiting sambit nito habang inililipat mula sa tray ang mga
pagkain.
“Okay!” excited na sagot ng dalaga.

Walang nagawang pagbabago ang pagtatapat ni James ng nararamdaman sa dalaga.


Katulad pa rin ito ng dati magkikilos sa harap niya at ganun pa rin ito kung
kumain... walang preno sa pagsubo at pagnguya. Natatawa na lamang siya habang
palihim itong pinapanood.

“Siya nga pala, inspektor. Ano nang balita dun sa mga nahuli nating miyembro ng
venomus? May tumuga na ba sa kanila?” biglang ungkat ni Alex.

“Wala pa. But since the captures, the information keeps coming. Mas maluwag nang
naiinfiltrate ng mga spies ang sindikato. Sooner or later we will have a very big
operation para lusubin ang pinagkukutaan ng mga ito.”

Natigilan sa pagsubo si Alex. Biglang nabuhay ang dugo niya sa narinig at nangislap
ang kanyang mga mata.“Operation? Siyempre kasama ako dyan di ba?”

Hindi sumagot si James. Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang isama si Alex.
Malaki at sobrang delikado ang pinaplanong operasyon ng team. Hindi birong barilan
ang maaring maganap dito. Ngunit tumutol man siya ay alam niyang wala siyang
karapatang isatinig ang personal na motibo pagdating sa kanilang tungkulin. Pero sa
ngayon, bilang utak ng operation team ay gagawin niya ang lahat upang hindi maisama
sa listahan ng mga lulusob ang pangalan ni Alex.

“Siguro naman dapat lang na isama niyo ako diyan dahil kaso ko to inspektor. Pag
nagkataon tuloy pa rin ang promotion ko,” dagdag ni Alex nang hindi maitago ang
pananabik sa mukha.
Hindi ulit umimik si James. Sa halip ay tahimik na pinagmasdan niya ang masiglang
mukha ng babae. Tinitigan niya ito ng ilang saglit sabay kuha ng tisyu. “May dumi
ka sa bibig.” Maingat na pinahiran niya ang gilid ng mga labi nito.

Natigilan si Alex. Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa ginawa ni James.
Napatingin siya sa binata at nginitian siya nito nang mapansing naaasiwa siya. Noon
niya lamang napagtanto na ang kasamang lalaki ay hindi na nga lang pala isang
simpleng katrabaho at kaibigan lamang. Isa na rin nga pala itong manliligaw.
Tahimik na ibinalik niya ang atensyon sa pagkain. Tumigil siya sa pagdadaldal
habang nahihiyang napapasulyap sa mukha ng binata.

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Blake ang pahirang naganap. Pabulagsak na binitawan
niya ang kutsara’t tinidor at dire-diretsong uminom ng tubig. Tatayo na naman sana
siya ngunit iritableng inawat siya ni Marianne.

“Are you going there again? What’s wrong with you ba?”

“I cannot stand seeing her na nakikipaglandian sa oras ng trabaho!”

“Pabayaan mo na ang bodyguard mo. She has a life too and she’s single. Give
consideration naman na sumaya ang lovelife nya.”

Hindi nagpahalata si Blake, ngunit mas lalong nagpanting ang tenga niya sa sinabi
ng girlfriend.

Samantala, papalakas ng papalakas ang kaba sa dibdib ni Marianne. Sa mga oras na


iyon ay nakikita niya ang kaparehas na reaksiyon ng boyfriend nang minsang isinet-
up niya ng blind date ang nakatatandang kapatid at si Alex. Kinakabahan siya sa
maaring mangyari. Natatakot siyang unti-unti pa rin bang babalik ang nararamdaman
ni Blake sa dalagang pulis sa kabila ng amnesia nito?
------

“Itabi mo ang sasakyan,” utos ni Blake nang may madaanang isang mamahaling
steakhouse restaurant pauwi.

Pinarada ni Alex ang kotse sa harap ng restaurant. Unti-unti siyang nainis. Naisip
niyang makikita’t magdidinner na naman si Blake at Marianne. Halos buong araw na
nga ang mga itong magkasama pati ba naman kinagabihan ay magkikita pa rin.

“Get out,” utos ng lalaki.

“Ako?” sabay turo ni Alex sa sarili.

Lumingon sa paligid si Blake. “Bakit may iba pa ba akong kasama dito?”

“Wala na-”

“Then stop acting stupid and join me inside.”

Nagtatakang bumaba ng sasakyan si Alex at sumunod sa lalaki papasok ng restaurant.


Pagdating sa loob ay hinanap agad ng mga mata niya si Marianne ngunit hindi niya
ito nakita. Niyaya siya ni Blake sa mesa. Nagdadalawang-isip siyang naupo sa harap
nito. Tumawag ito ng waiter. Kinuha nito ang menu at iniaabot sa kanya.
“Anong gagawin ko dito?” naguguluhang tanong niya.

“Order whatever you want. You like foods di ba?!”iritableng tono nito.

Napangiti siya at napailing. Naintindihan niya na kung bakit kakaiba na naman ang
inaasta ng kasama.

“Why are you shaking your head? Ayaw mo ba sa mga pagkain dito? Mas gusto mo pa rin
ba ang street foods?”

“Blake hindi pa rin ba tapos ang pag-aalboroto mo sa pagbisita ni James kanina?”

“No. I’m over it. Curious lang ako if your heart can be won through your stomach.”

Ngumiti ng pilya si Alex. Umaapaw sa saya ang dibdib niya sa tuwing naiisip na sana
nga ay nagseselos si Blake. “Bakit ka curious? May balak ka bang makipag-agawan sa
puso ko kay James?”

Napainom ng tubig si Blake.“Anong palagay mo sa akin two-timer? I’m a loyal man


Alex. My heart only belongs to one woman,” ngingiti-ngiting sagot nito.

Nabawasan ang ngiti ni Alex ngunit hindi niya pinahalata ang pagkadismaya. “Eh
bakit ka nagkakaganito?”

“I told you I hate that guy! And you are my bodyguard so you’re loyalty should be
mine.”

“Anong kinalaman ng loyalty sa dinner na to?” pang-aasar pa lalo ng dalaga.

“Gusto kong maumay ka sa pagkain so that you’re face won’t look like a very
impressed child sa susunod na dalhan ka niya ng pagkain!”

Tumawa si Alex. Kahit anong sabihin ng lalaki ay wala siyang ibang maisip na
dahilan ng ikinagagalit nito kundi selos. Unti-unti niya nang nararamdaman na
bagama’t nakalimutan siya nito ngunit kahit papaano ay may natitira pa rin itong
kaunting pagtingin sa kanya.

“Idinidate mo ba ako ngayon?” diretsahang tanong niya habang nagbubuklat ng menu.

Natigilan sa pagsusuplado si Blake. Napatingin siya sa biglang nagseryosong mukha


ng kaharap. Kinabahan siya sa tanong nito at biglang napagtantong tila nalihis ang
utak niya sa pagbibigay ng sagot sa dalaga. “W-Well... I don’t know if we can call
it a date. M-Maybe a friendly date, I guess.”

“Ayun! Sasabihin mo lang na gusto mo akong i-date... ang dami mo pang sinasabi.
Madali naman akong kausap eh. Para date lang, pagbibigyan kita kahit anong oras.”
Lumipat ng upuan si Alex at nakangiting tumabi kay Blake. Kinuha niya ang isang
braso ng lalaki at kusang iniakbay sa sarili.
Gulat na gulat si Blake sa ginawa ng babae.“A-are you that easy to get?”

Tumitig si Alex sa lalaki. “Kung easy to get ako di sana hindi na ako nililigawan
ni James ngayon. Hindi ako ganyang klase ng babae Blake. Ang gusto ko lang ay
maging komportable ka sa akin. Lagi ka na lang kasing naiirita at madalas na
nakakunot yang noo mo pag nakikita ako. Ayokong nagagalit ka nang dahil sa akin.
Kaya nga lahat ng ikinikilos ko ay pinagpapaalam ko muna sayo dahil mahalaga sa
akin na makita kang nakangiti...”

“...Gusto ko lang malaman mo na pwede mong sabihin lahat ng gusto mong sabihin.
Kung nagagalit ka o naiinis ka ay sabihin mo lang ang dahilan. Lahat ay tatanggapin
ko at kung kinakailangang may baguhin ako sa sarili ko ay gagawin ko...ganya ako
kabait na bodyguard, Blake.”

Hindi nakapagsalita si Blake. Nanatiling nakaakbay at nakatitig lamang siya sa


dalaga. Tila may malambot na palad na humaplos sa dibdib niya matapos marinig ang
mga salita nito. Sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang gawin ay titigan at
akbayan pa ito ng mas matagal. May nagtutulak din sa kanyang ilapit ang mga labi sa
babae. Bago pa man matukso ay agad niyang tinanggal ang kamay sa balikat nito.
Ibinaling niya ang mga paningin sa menu at nagkunwaring pumili ng pagkain.

“Let’s order.”

Bakit siya nagkakaganito? Habang dumadaan ang araw ay palala ng palala ang
kakaibang nararamdaman niya para sa kanyang bodyguard. Lumalakas ang kutob niya may
malalim siyang koneksiyon dito. Muling naglaro sa isip niya ang nakitang lihim na
tinginan nito at ng lolo niya. May kinalaman ba ang mga tinginang iyon sa kakaibang
nararamdaman niya ngayon kay Alex?

-------
Pagdating sa bahay ay hindi mapakali sa higaan si Blake. Pinag-aaralan niya ang
nararamdaman. Nagdududa siya kung ang pagkairita niya buong araw ay dahil lamang ba
sa bigat ng loob niya kay James. Tila hindi niya kasi maikaila sa sarili na may
naghahalong selos sa kanyang dibdib.

Tumunog ang kanyang telepono at tinatamad na sinagot niya ito nang nakahiga. “Hello
Hayden..”

“Bro what happen to you? Since you went out from the hospital ay hindi ka na
nakikipagkita sa barkada. Are you still unwell?”

“I’m okay Bro. I’m busy catching up with my studies and besides may inaayos akong
personal matters.”

“Personal matters? Hey you’re starting to ignore your bestfriend now! How come I
don’t know anything about it?”

“Bro, alam mo na to. This is all about my agreement with grandpa. I’m turning
nineteen next month kaya kailangang ayusin ko muna ang mga bagay-bagay about
Marianne and her parents.”

Nagulat si Hayden sa narinig. “So it’s still Marianne? Buti naman kung ganoon. I’m
glad that everything is working well for both of you now. ”

Natawa si Blake sa sinabi ng kaibigan. “Bakit kelan ba naman kami hindi naging
maayos ni Marianne simula nang magkabalikan kami? Bro, I think our relationship had
really gotten stronger because of what we went through.”
“It’s good then. Tamang-tama gawin nating summer theme party yang engangement party
mo. You know bro I love when your birthday is coming up because it always remind me
na patapos na ang klase!” tumatawang biro ni Hayden.

“I hate it because it reminds me of final exams.” natatawang biro din ni Blake.

“By the way lagi pa rin ba kayong magkadikit ni Alex ngayon? Send her my regards.”

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Blake. “H-how do you know her?”

“Are you kidding me Bro?! Of course because of you! Halos lahat ng oras na lang
yata ay kadikit mo yang taong yan tapos itatanong mo sa akin kung paano ko siya
nakilala. Muntik ko na ngang isipin na mas gusto mo na yang kasama kesa sa
akin....”

Biglang nagpalit ng tono si Hayden.“Oh maybe you’re referring to her name Alex.
Don’t you remember you’re the one who told me about her real name and identity
during those times na halos sumabog ang dibdib mo sa galit sa kanya-”

Hindi pinatapos ni Blake sa pagsasalita ang kaibigan. Kusa niyang pinutol ang
pakikipag-usap dito nang hindi nagpapaalam. Natutulala siyang bumangon sa
kama.Tumingin siya ng seryoso sa dingding habang nag-iisip ng malalim.

Totoo nga ang kutob niya....


Si Alex ay isa sa mga taong nakalimutan niya...

Ngunit bakit inililihim ang bagay na ito ng mga taong nakapaligid sa kanya?

=================

[40] LIGHTS FADING OUT...

****

Dinalaw ni Blake sa bahay si Marianne. Ang girlfriend ang una niyang naisip
kausapin matapos may matuklasan mula kay Hayden.

Nagtaka si Marianne sa biglaang pagbisita ng boyfriend dahil wala naman silang


usapang magkikita sila. Napansin niyang seryosong seryoso ang mukha nito at tila
may importanteng-importanteng sasabihin. Di pa man nagtatagal ang pagkakatabi nila
sa sala, ramdam na ramdam niya nang may paparating na tensiyon.

Uminom muna si Blake ng juice na inihanda ng katulong. Pagkatapos ay humugot ito ng


napakalalim na buntong-hininga at tumingin ng seryoso sa girlfriend. “Marianne,
sino si Alex sa buhay ko?”
Biglang nanlamig ang mga kamay ni Marianne sa hindi inaasahang tanong. Unti-unting
namutla ang kanyang mukha. Ngunit bago pa man mahalata ng lalaki ang kabang
nararamdaman ay pinilit niyang ngumiti at kumilos ng normal. “B-bagong bodyguard
mo. P-pumunta ka ba dito para itanong lang ang bagay na yan? Gusto mo yatang
pagselosan ko na si Alex ah,”kunway may tampong sagot niya.

Hindi inalis ni Blake ang mga mata sa mukha ng girlfriend. Pinag-aralan niya ang
reaksiyon nito kung kaya’t hindi nakalagpas sa kanya ang pamumutla nito matapos
marinig ang kanyang tanong.“Are you hiding something from me?”

“W-Why would I do that? What’s the big deal ba with your bodyguard now?” tila
naaasar nang tanong ni Marianne.

“Alam ko na ngayon na hindi totoong bagong bodyguard si Alex. She’d been around for
a longer time, that’s why I always feel that I’m connected to her. Who is she
Marianne?” mas madiing tanong ni Blake.

Hindi komportable si Marianne sa nagiging takbo ng usapan nila. Agad niyang


hinawakan ang kamay ni Blake at hinila ito papunta sa pinakamalapit na guest room.
Inilock niya ang pinto at hinarap ang lalaki ng may seryosong mukha.

“Bakit ako ang tinatanong mo tungkol sa bagay na iyan Blake?”

“Because I’m wondering kung bakit pati ikaw ay nakikisakay sa paglilihim nito sa
akin.”

“Did you talk to Alex about this matter?”


“Not yet... I want to talk to you first. You’re the person I trust the most
Marianne and I’m eager to hear the truth from you.”

Tinalikuran ni Marianne ang kausap. Humarap ito sa bintana at tumingin sa labas


nang nakahalukipkip. Matagal itong nanahimik.

“Aren’t you going to explain ?” naiinip na wika ni Blake. “Say


something!” Napipikong nilapitan niya ang girlfriend at iniharap ito sa kanya. “Why
can’t you talk? Mahirap ba ang tanong ko? Bakit niyo inililihim sa akin si Alex?
WHO IS SHE?!”

“Dahil ito ang gusto nya! She wants to hide the truth from you Blake!”

Pansamantalang natigilan si Blake habang nanlalaki ang mga mata at naguguluhan.


“And what is that truth that she’s trying to hide? And why do you agree to it?”

Hindi ulit umimik ang babae. Nanatili lamang itong nakatitig sa kausap.

“MAGSALITA KA MARIANNE!” napipikong singhal ni Blake habang nakahawak ng mahigpit


sa braso ng girlfriend.

Unti-unting nangilid ang mga luha ni Marianne. “Because this is a favor for me...”
Mas lalong naguluhan si Blake sa narinig. “And why is that a favor for you?
CONTINUE TALKING MARIANNE!”

“YOU CHEATED ON ME BECAUSE OF HER BLAKE!” Biglang paghagulhol ni Marianne.

Napabitiw si Blake sa babae at napaatras siya nang may nanlalaking mga mata. “W-
What are you talking about? I can’t do that to you,” ngingiti-ngiting sabi niya
nang hindi makapaniwala sa narinig.

“YES YOU DID BLAKE! You almost left me because of that woman. THAT WOMAN SEDUCED
YOU! That’s why I’m desperately hoping that you won’t remember her forever!”
umiiyak na sagot ni Marianne.

“Tell me you’re lying Marianne,” napapailing na bigkas ni Blake.

“I’m not lying Blake... You hurt me because of that woman....”

Nanghihinang umupo sa kama si Blake at napasabunot sa kanyang ulo. Pinipilit niya


na may maalala ngunit wala ni isa mang larawang sumusulpot sa kanyang isipan. Ayaw
niyang paniwalaan ang mga narinig. Hinarap niya ulit ang girlfriend at tila
pinipiga ang dibdib niya habang nakikita itong umiiyak.

“I love you Marianne...and hurting you is the last thing na magagawa ko.” Yumakap
siya sa girlfriend upang amuin ito. Marahang pinagsusuntok siya nito sa dibdib
habang umiiyak.
“But you did Blake...you did. And I’m so desperate now to win you back. Tell me
you’ll choose me over her. Please tell me Blake.”

Hinawakan ni Blake ang luhaang mukha ng girlfriend. Iniangat niya ito at


tinitigan. “What are you talking about? Of course I’ll choose you.”

“B-but you were in love to that woman.”

Muling natigilan si Blake. Ayaw na naman niyang maniwala sa narinig. “Stop joking
Marianne. What I told to you is that I can feel some connection with her. I didn’t
say I love that woman. O-Or maybe I had a slight feeling for her for me to be
tempted pero hindi nito kayang pantayan ang nararamdaman ko para sayo,” paliwanag
niya sabay higpit sa pagkakayakap sa babae. “I’m sorry if I hurt you...I promise
that it’s not gonna happen again.”

Humihikbing nag-angat ng mukha si Marianne. “But you liked that woman a lot
Blake...I’m afraid na baka maagaw ka ulit niya sa akin.”

“Ssshh...stop with that nonsense Marianne. What matters most is my feeling for you
now. And my heart says that I belong to you,” sabay haplos at halik ng lalaki sa
buhok ng kayakap.

------

Matapos ang emosyonal na pakikipag-usap kay Marianne, tila walang nangyaring


bumalik ng sasakyan si Blake. Pagkauopo’y tiningnan niya ng ilang saglit ang
matiyagang naghihintay na bodyguard.
“Okay na? Uwi na ba tayo?” nakangiting tanong nito.

“Yes.”

“Wala ka na bang ibang pupuntahan?”

“Wala na...”

Wala pa siyang balak komprontahin si Alex tungkol sa nalaman. Pinapakiramdaman niya


muna ang sarili at maging ang kilos ng dalaga. Ang gusto niya ay siya mismo ang
kusang makatuklas sa intensiyon nito kung bakit mas pinili nitong ilihim ang
katotohanan.

Naisip niya ang sinabi ng girlfriend. Minahal niya nga ba ang bodyguard? Palihim
niya itong tinitigan at pasimpleng kinapa ang kanyang dibdib. Wala siya gaanong
kakaibang nararamdaman. Hindi din bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pero hindi
niya maitatangging gumagaan ang pakiramdam niya at masaya siya kapag nasa tabi niya
ito lalo na pag nakikitang maaliwalas ang mukha nito. Pero ganunpama’y hindi ito
sapat para sabihing mahal niya na si Alex.

Hindi niya kinausap ang kasama habang nasa sasakyan. Nilalabanan niya ang
kagustuhang komprontahin ito. Subalit paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipang
ang mga binitawang salita ni Marianne kaya habang tumatagal ay umiigting ang
tuksong kausapin ito. Pagdating nila sa garahe ay hindi niya na natiis ang sarili.
Pagkababa niya nang kotse ay nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ng pinto.
Hinintay niyang dumaan sa harap niya si Alex.

“Wait.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga bago siya nito malampasan. Napapatangang
tumingin sa kanya si Alex. “I want to confirm something.” Walang pasabing hinila
niya ito papalapit at niyakap ng mahigpit.

“Blake a-anong ginagawa mo?”

Ipinikit ni Blake ang kanyang mga mata. Gusto niyang alamin ang totoong
nararamdaman sa mga sandaling iyon. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim at
niyakap pa ng mas mahigpit ang dalaga. Idinikit niya sa kanyang puso ang pisngi
nito. Walang nagbago. Walang nag-iba. Hindi siya apektado....Hanggang sa unti-unti
niyang namamalayang niyayakap din siya ni Alex.

Dahan-dahang kumalampag ang kanyang dibdib nang maramdaman ang mga yakap ng babae.
Bigla siyang nagmulat. Naguguluhang tumingin siya sa mga mata ni Alex na sa mga
sandaling iyon ay nakatitig na pala sa kanya. Nadagdagan ang kabog sa dibdib niya.
Gusto niyang kumawala sa kanilang yakapan subalit tila may pumipigil mula sa
kanyang kaloob-looban.

Ilang sandali silang nagtitigan. Nag-usap ang kanilang mga mata habang parang may
magnet na humuhila sa kanya papalapit sa mukha ng babae. Dahan-dahang dumampi ang
mga labi niya sa mga labi nito at hinalikan ito ng marahan. Kusang gumanti ng halik
ang dalaga at walang pag-aatubiling siniil nila ng halik ang mga labi ng isa’t isa.
Walang gustong tumigil at malayang ipinaramdam ang damdaming punum-puno ng
pananabik. Parehong hindi malaman kung saan ihahaplos ang mga kamay.

Tumigil sa pag-andar ang utak ni Blake. Nakalimutan niya na ang lahat. Wala siyang
pakialam sa paligid at ang tanging nais niya ay halikan pa ng mas matagal si Alex.
Ilang sandali siyang nawala sa sarili.... subalit nang matauhan ay nanlalaki ang
mga matang kumawala siya sa pagkakayakap sa dalaga. Nanlalambot na napaatras siya
ng ilang hakbang at humawak sa kanyang dumadagundong na dibdib.

“S-So this is how it happens?” hindi makapaniwalang sambit niya.


“B-Blake?...”

“I really did cheat to Marianne because of you...” natatawa sa sariling wika niya

“A-anong sinasabi mo Blake?”

“Who are you to me Alex? Stop playing your game now. Alam kong matagal na tayong
magkakilala and you’re one of those people na hindi ko maalala. So now, tell me
kung sino ka sa buhay ko! A-are you my other woman?! ”

Nanlamig ang buong katawan ni Alex. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang
magpaliwanag. “Bakit Blake m-may naalala ka na ba?”

“Huwag mong saguting ng tanong ang tanong ko! I will not ask you anything kung may
naalala ako. TELL ME WHO YOU ARE?! AND WHY AM I LIKE THIS TO YOU!”

Mahinahong hinarap ni Alex ang mga sigaw ng kausap at nginitian ito. “Kung ano ang
sinasabi ng dibdib mo sayo ngayon ay yun ako sa buhay mo,”seryosong sagot niya.

“Do you like me? Do you have feelings for me?” “Are we secretly dating behind
Marianne’s back?...” “Am I about to left my girlfriend because of you?”“Did I
become this kind of man because of you?...”

“ANSWER ME ALEX!!!”
“Wala akong dapat sagutin Blake dahil kahit anuman ang sabihin ko ay hindi ito
mahalaga sa ngayon. Huwag mong piliting alalahanin ang mga bagay na nakalimutan mo
na dahil mahihirapan ka lang. Ang sundin mo ay kung ano ang nararamdaman mo at kung
ano ang makapagpapasaya sayo ngayon,” nangingilid ang mga luhang sagot ni Alex
habang iniiwas ang mga mata sa kausap.

Tumahimik si Blake. Napahawak ito sa noo at napapikit ng mata. “Stay away from me
Alex...”

Napatanga si Alex. “Blake...”

“I’m sorry but I love Marianne... that’s how I feel now. A-And I don’t want to hurt
her again...” nakatalikod na bigkas ng lalaki.

Gustong maiyak ni Alex sa narinig. Masakit makatanggap ng ganitong mga salita mula
sa taong mahal niya ngunit tinibayan niya ang dibdib. Kailangan niyang unawain ang
lalaki sapagkat hindi ito ang normal na Blake na nagmamahal sa kanya.

“I’m sorry pero hindi ako lalayo sayo Blake.”

“What do you mean by that? You just said that what matters to you is my feeling
now.”

Lumunok si Alex. Huminga muna siya ng malalim upang iwasang magsalita nang may
nanginginig na boses. “Blake malaya kang mahalin si Marianne. Gawin mo kung ano ang
makapagpapasaya sayo. Pakasalan mo siya kung siya nga ang sinisigaw ng puso
mo...pero mananatili pa rin ako sa tabi mo hangga’t kaya ko.... Da-dahil yan ang
huling pangakong binitawan ko sa Blake na nakakakilala sa akin.”

“A-Alex...”

“Huwag mo akong intindihin. Nakahanda akong igalang at tanggapin anuman ang


mangyari. Ako ang nakakaalala kaya’t ako ang handang umunawa Blake...”

“Anong pinagsasabi mo Alex?” nanghihingi ng paliwanag na ika ni Blake. Lumambot ang


nagmamatigas niyang mukha nang makita ang di maikubling sakit na nararamdaman ng
kausap. May bumabaong kirot sa dibdib niya habang nakatingin sa malungkot na mga
mata ng babae.

Ngumiti ng pilit si Alex.“P-Pagod na ako Blake gusto ko nang magpahinga. Huwag kang
mag-alala wala sa akin lahat ng mga sinabi mo...A-At kung gusto mo pwede mo ring
ituring na isa sa mga nakalimutan mong bagay ang nangyari sa atin ngayon.”

Tinalikuran ni Alex ang lalaki. Nagmadali siyang bumalik ng kuwarto. Nag-aalala


siya na baka hindi niya na makayanang pigilan ang mga luha bago pa man siya
makarating dito.

Pagkapasok na pagkapasok niya ng kuwarto ay napasandal siya sa pinto. Isa-isang


pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at
napahagulhol. Tanggap niya kahit hindi siya kilalanin ni Blake... ngunit ang hindi
niya makayanang sakit ay ang harap-harapang pag-amin nito ng pagmamahal sa ibang
babae.

Gusto niya nang sumuko...Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Nagpapahiwatig


na ba sa kanya ang kapalaran na hindi siya mananalo sa sugal na ito?
=================

[41] SHOW MUST GO ON

****

“Hello Alex.”

“Dennis napatawag ka.”

“What happened to you? Bakit hindi ka man lang dumadalaw sa bahay? You’re making
everybody worry again!”

“H-Hindi pa kasi ako makakuha ng tiyempo. Huwag kang mag-alala gagawan ko ng paraan
na makadalaw sa susunod na linggo.”

“Can’t you do it next weekend? I think lolo misses you a lot lately. Although he’s
not saying anything but I noticed that almost all the time wala siyang bukambibig
kundi ang pangalan mo.”

“H-hindi ako pwede next weekend. B-Birthday ni Blake.”


Tumahimik ng ilang sandali si Dennis. “By the way Alex, how’s the condition of that
guy now?”

M-Mabuti naman.”

Narinig ni Alex ang malalim na buntong-hininga ng kapatid.

“He still doesn’t remember you, does he?”

“H-hindi pa rin...”

“Alex, I hate to say this but I need to. Stop hoping. I told you I don’t want to
see you hurt. The old Blake that you know might not return anymore. You’re maybe
hoping for the best now but don’t forget to expect for the worst too...I’m the
doctor and I know better.”

Matagal bago nakapagsalita ang dalaga. Nang ibuka nito ang bibig ay nagsalita ito
ng may masiglang boses. “Ano bang pinagsasabi mo Dennis? Matagal ko nang tinanggap
yan. At trabaho na lang ang dahilan kung bakit nasa tabi pa rin ako ni Blake
ngayon.”

“I hope you’re telling the truth... I have to hang-up now may pasyente na ako.
Don’t forget to find time para bisitahin kahit si Lolo man lang. Bye!”

“Bye.”
Pagkababa ng telepono ay nanatiling nakatayo at nakatingin lamang si Alex sa
dingding ng kuwarto. Alam niyang walang katotohanan ang huling sinabi niya sa
kapatid ngunit pakiramdamdam niya ay hindi rin ito purong kasinungalingan.

Unti-unti na nga bang itinuturing niya na lang na trabaho si Blake?

Simula nang kinompronta siya ni Blake tungkol sa inililihim niyang nakaraan nila ay
lalong naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ginagawa nito ang lahat ng
paraan upang ipagtulakan siya papalayo. Sinusubukan niyang maging matatag. Pinilit
niyang huwag sumuko. Ngunit nitong mga huling araw ay unti-unti nang nagiging
manhid ang puso niya. Sa dami ng sakit na pinagdaanan niya ay nalilito na siya sa
totoong nararamdaman at parang nagbabago na ang pagtingin niya sa lalaki.

Hindi niya na makita dito ang pag-asa na muling babalik pa ang Blake na minahal
niya at nagmamahal sa kanya. Pakiramdam niya ay nakasanayan niya na lamang ang
magtiis dahil sa binitawan niyang pangakong hindi ito iiwan. At habang papalapit
nang papalapit ang araw na kinatatakutan niyang mapupunta na ito sa ibang babae ay
patigas naman ng patigas ang kanyang puso. Mahal niya si Blake ngunit hindi ibig
sabihin ay ipagkakait niya sa sarili na pag-aralang tanggapin ang katotohanan. Kung
sakali mang bumalik ang alaala nito subalit huli na ang lahat, alam niyang hindi
ito magdaramdam sa kanya. Dahil may ginawa siya para dito. Ipinaglaban. Minahal. At
hindi iniwanan.

Sa ngayon ay gusto niya na lang matapos ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan
niyang manatili sa tabi ni Blake.Nakahanda na ulit siyang bumalik sa totoong
mundong ginagalawan niya. Sa mundong unang minahal niya, ang mundong kapiling ng
mga baril at bala.

Tok.Tok.Tok.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Blake.

“Get ready I’m going to racing venue after an hour.”

“Okay,” kaswal na sagot niya.

“Blake what do you want to wear?”

Napatingin siya sa nagsalita. Nakita niya si Marianne. Papalabas ito ng kuwarto ng


lalaki bitbit ang isang polo. Nitong mga huling araw ay napapadalas na ang pagpunta
ng babae sa bahay. Ipinagkikibit balikat niya na rin kung paminsan-minsan ay dito
na ito natutulog. Kasama na ito sa mga bagay na tinanggap niya.

“Sige Blake mag-aayos na ako,” mahinahong sabi niya sabay sarado ng pinto ng may
blankong mukha.

-----

Habang nagmamaneho papuntang karerahan, tumunog ang cellphone ni Alex. Napatingin


muna siya sa katabi bago ito sagutin.

“Go ahead. Answer your phone,” kaswal na wika ni Blake.


Nagsuot siya ng headset at sinagot ang telepono.

“Hi Alex!”

Biglang sumigla ang boses niya nang marinig ang boses ni James.

“James! Dumating ka na ba?”

“Yap. Kadarating ko lang I’m still in the airport now.”

“Kumusta ang trip mo sa Dubai?”

“Mabuti naman. By the way I called to ask if how can I give to you lahat ng mga
ibinilin mong pasalubong.”

Ngumiti si Alex. “Nabili mo ba lahat?”

“Of course. I know how crazy you are sa mga chocolates at sweets na to. I’d exerted
a lot of effors just to find the brand you like so I think I deserve a prize,”
pabirong salita ng binata.
“Yes! Salamat James.”

“How about a dinner tomorrow night?” tanong ng binata.

“D-Dinner?” natitigilang sabi ni Alex.

“Yeah...I told you, you must give me a prize.”

Biglang nag-alangan ang mga ngiti sa mukha ni Alex. “Ahhh...Hindi ko pa alam.


Tawagan na lang kita. Sige James nagmamaneho kasi ako. Mamaya na lang tayo mag-
usap. Bye.”

“Okay. Bye!”

Pagkababa ng telepono ay diretso lamang ang tingin ni Alex sa daan. Hindi niya
nilingon ang katabi.

“You’re getting closer to him lately,” komento ni Blake.

Hindi umimik si Alex. Binigyan niya lamang ng simpleng tango ang kausap. Tama ang
sinabi nito. Nagiging malapit na nga siya sa kasamahan. Unti-unti na siyang
nagiging komportable dito. Ito lang kasi ang madalas niyang nakakausap sa bawat
sandaling tila sasabog na ang dibdib niya sa sakit. Si James lang ang gumagawa ng
paraan para mapangiti siya sa mga sandaling pinagtutulakan siya papalayo ni Blake.
Bagamat hindi niya hinihingahan ng sama ng loob si James ngunit kusang nararamdaman
nito kapag may mabigat siyang dinadamdam at ginagawa nito ang lahat ng paraan upang
mapasaya siya.

Walang namumuong espesyal na pagtingin mula sa kanya para kay James. Hindi niya pa
rin ito iniibig ngunit hindi niya maikakaila na lumalim ang pagtingin niya dito
bilang kaibigan...dahil sa mga panahong ito, ang binata lamang ang nakakapagpagaan
sa kanyang kalooban.

“Are you in a relationship with him already?” usisa ulit ni Blake.

“Magkaibigan lang kami.”

“Why not give him a chance to date you? I- I think you’re good for each other.”

Huminga ng malalim si Alex habang seryosong nakatingin sa daan. Pinagtutulakan na


naman siya ng lalaki. Minsan ay gusto niya na rin itong patulan. Napapadalas na ang
pagsagad nito sa kanyang pasensiya. Paulit-ulit niya na lang iniisip ang salitang
pang-unawa. Dahil kaunting panahon na rin lang naman ang ilalagi niya sa tabi nito.

“By the way this time, I allow him to visit you in my house.”

Nilingon ni Alex ang katabi. Pinilit niyang bigyan ito ng isang matamis na ngiti.
Sa kabila ng lahat ng sama ng loob, sakit, at bigat ng pakiramdam na nararanasan
niya ay may isang bagay siyang hindi magawa. Ang ipakita kay Blake na nasasaktan
siya. Ang nais niya ay manatili pa rin siyang masaya sa mga mata nito. Ayaw niyang
hatakin ito pababa kasama ng nabibigatan niyang dibdib. Gusto niyang patunayan na
hanggang sa kadulu-duluhan ay kaya niyang pangalagaan ang ipinangako niya sa sarili
at kay Don Henry na gagawin niya ang lahat para manatiling maligaya ang lalaki.
“Blake tutal linggo naman bukas at wala kang lakad sa gabi, pwede ba muna akong
lumabas?”

“Uhmm...I’m not sure yet baka bigla akong magkaroon ng lakad. Why? Where are you
going?”

“Magdidinner lang kami sa labas ni James,” walang pagdadalawang isip na paalam ni


Alex.

Ilang sandaling natahimik si Blake. Bumilang ang ilang segundo bago ito nakasagot.
“Okay. Hindi na lang ako tatanggap ng lakad kung magkakaroon man.”

“Salamat.”

-------

Pabalik-balik na naglalakad sa kuwarto si Blake. Hindi mapakali at maya’t mayang


tumitingin sa relos. Nakailang tawag na rin siya sa intercom para kausapin ang mga
guwardiya.

“Wala pa rin ba?!”

“Wala pa rin sir. Tatawagan ko na lang kayo agad pag nakita na naming parating na
ang sasakyan nila,” sagot ng guwardiya.

Malapit ng mag-alas dose ng hatinggabi ngunit wala pa rin si Alex. Limang oras na
itong nasa labas buhat ng sunduin ito ni James. Ang sabi nito’y magdidinner lamang.
Anong klaseng dinner ang umaabot ng limang oras? Nag-papanting na ang mga tenga
niya sa pag-aalala at galit. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan.

“Ahhhh!” galit na galit na sinipa niya ang isang upuan.

Naupo siya sa kama. Ilang beses siyang napapahilamos sa mukha at napapasabunot sa


ulo. Nahihirapan na siya sa ginagawang pagpipigil sa damdamin. Paulit-ulit niya
mang sabihin sa sariling hindi niya pwedeng mahalin si Alex subalit hindi pa rin
humuhupa ang nararamdaman niya para sa dalaga. Sa halip ay mas lalo pa itong
lumalakas habang dumadaan ang araw. Dahil dito’y mas umiigting ang pagnanais niyang
ipagtulakan ito papalayo. Pero sa mga oras na ito ay para siyang mababaliw.
Pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagpayag na makipagdate ang babae.

Ilang sandali pa ay tumunog ang intercom. Nagmamadali siyang sagutin ito. “Ano
na?!”

“Dumating na po sir.”

Patakbo siyang bumaba patungong living room na tila sasabog ang dibdib sa halo-
halong nararamdaman.

Nakangiting lumabas ng sasakyan sina Alex at James. Masayang nagpaalaman ang mga
ito sa driveway.
“Thanks for this night Alex. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. I’m really
grateful na pinagbigyan mo ako.”

“Asus! Wala ito kumpara sa mga pabor na binibigay mo sa akin. Salamat din. Nag-
enjoy din ako ngayon. Sige James medyo late na pasok na ako sa loob. Ikaw din
magpahinga ka na. Thanks ulit ha!”

Tatalikod na sana ang dalaga ngunit biglang hinatak ng binata ang isang kamay nito.
Iniharap ito at walang pasabing hinalikan ito sa mga labi.

Gulat na gulat si Alex. Hindi niya magawang igalaw ang buong katawan sa matinding
pagkagulat.

Samantalang kitang-kita ni Blake ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata niya at tila
may biglang pumitik sa ulo niya sanhi upang pansamantala siyang mawala sa sarili.
Nanggagalaiting nilapitan niya ang dalawa. Walang pasintabing pinaghiwalay niya ang
mga ito at walang takot na sinuntok si James sa mukha.

“WHAT DO YOU THINK YOU’RE DOING?!” sigaw niya sa natumbang binata.

Susugurin niya pa sana ito ngunit pinigilan siya ni Alex.

“Blake tumigil ka! Ano bang nangyayari sayo?!” natatarantang awat ng dalaga.

Tumayo si James. Ngingisi-ngising pinahiran niya ang tinamaang parte ng mukha.


Nagtitimping binigyan lamang niya ng matapang na tingin si Blake. “How about you
Blake? Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? You're being inappropriate. You’re not in
the right shoe to react this way!”

“Inappropriate? You are the one who’s being disrecpectful here. YOU CAN’T JUST KISS
ANY GIRL RANDOMLY!”

Muling ngumiti ng nakakaloko si James. “That woman isn’t just an any girl to me
Blake.”

Bago pa man lumala ang sitwasyon ay nakialam na si Alex. Hinila niya papalayo si
Blake at muling hinarap si James nang may seryosong mukha. Maging siya man ay hindi
natuwa sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

“Sige na James, umalis ka na... saka na lang tayo mag-usap.”

Pagdating sa loob ng bahay ay hindi pa rin humuhupa ang galit ni Blake. Inulan niya
ng mga tanong ang dalaga habang naglalakad ito papuntang kuwarto.

“Bakit ang tagal niyong nawala?! Pinayagan kita but don't you think you’re being
abusive? How could you be gone for more than five hours?!”

“Where did you go?!”

“Are you in a relationship with that guy already? Sinagot mo na ba siya?”


“Aside from dinner what else did you do?!”

“Did you enjoy your date?”

“Did you enjoy his kiss?”

“Bakit hindi ka nagalit ng hinalikan ka niya?!”

“ANSWER ME ALEX!!!!”

Huminto si Alex at mahinahong hinarap ang nanggagalaiting lalaki. Tiningnan niya


ang namumulang mukha nito at kalmadong nagsalita. “Kumain kami, nanood ng sine,
namasyal sa park at nagkuwentuhan. Okay na ba Blake?” Itinuloy niya ang paglalakad.

“Tell me how you feel!” “Do you like him already?”

“YOU HAVEN’T ANSWERED WELL YET ALEX!”

Muling humarap si Alex at sa pagkakataong iyon ay hindi na rin niya nagawang


kontrolin ang emosyon. “BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN BLAKE? AKALA KO BA WALA KANG
PAKIALAM! AKALA KO BA IPINAGTUTULAKAN MO AKO KAY JAMES? ANO BANG IKINAKAGALIT MO?!”

Natigilan si Blake. Bigla siyang natauhan sa lakas ng sigaw ng dalaga. Wala siyang
maisagot. Hindi niya pwedeng aminin dito ang katotohanan. Hindi siya pwedeng
magkamali ulit kay Marianne.

“Alex...”

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Alex. Sinusubukan niyang ikalma ang sarili.


Tinitigan niya sa mga mata ang hindi makapagsalitang kausap. “Blake pakiusap,
itigil mo kung ano man ang ginagawa mo ngayon. Huwag na huwag ka na uling
magpapakita ng ganitong reaksiyon.... dahil ayokong mag-isip ng ibang kahulugan
kung bakit ka nagkakaganito. Tama na Blake...sana maintindihan mong minsan ay
nakakapagod ding umasa.”

“Alex...”

Itinuloy ng dalaga ang paglalakad papuntang kuwarto at pabulagsak nitong isinara


ang pinto habang naiwang nakatayo’t hindi makakilos si Blake nang may naguguluhang
mukha at nangingilid na mga luha.

=================

[42] EDGE OF TRIALS

****
Dalawang araw bago ganapin ang pinagsabay na birthday at engagement party ni Blake.
At dahil bakasyon na, parehong abala sa pag-aasikaso sa preparasyon sina Blake at
Marianne. Gaganapin ang selebrasyon sa isang function hall sa Shangrila Hotel.
Madalas magkasama buong araw ang dalawa dahil dito. Wala nang mapaglagyan ng
kasiyahan si Marianne samantalang si Blake naman ay pilit pa ring nilalabanan at
inililihim ang naguguluhang damdamin’t isipan.

Inihanda na rin ni Alex ang sarili. At habang pinapalipas ang pagdaan ng bawat araw
ay inaabala niya ang sarili sa pakikibalita sa mga nangyayari sa headquarters.
Hindi na siya makapaghintay na makabalik. Balak niya nang magpapalit sa ibang
kasamahan sa pagbabantay kay Blake. Tatapusin niya lang ang selebrasyon ng birthday
ng lalaki saka siya magpapaalam dito.

Kasalukuyang masigla siya dahil nabalitaan niyang may nagsalita na sa mga nahuling
miyembro ng venomus. Papalapit na papalapit na ang pagtatapos ng kaso. May isang
bagay lang siyang ikinakadismaya. Hindi siya kasama sa operasyon ng pag-atake sa
lungga ng sindikato ngunit sa kabilang banda ay napabuti rin ito sapagkat kasabay
ng operasyon ang selebrasyon ng birthday ni Blake. Kahit papaano ay gusto niya ring
makasama si Blake sa kaarawan nito bago siya tuluyang magpaalam.

“Diretso na ba tayo ng hotel?” ganadong tanong niya sa magkasintahang nakaupo sa


likuran ng sasakyan bago ipagmaneho ang mga ito.

“Yes,” tipid na sagot ni Blake.

Binigyan ni Alex ng masiglang ngiti ang dalawa. Sanay na siyang makita itong
magkasama kaya manhid na ang dibdib niya.

Habang nasa daan ay pasulyap-sulyap si Marianne kay Alex sa salamin.


Pinapakiramdaman niya ang mga kasama. Nitong mga nagdaang araw ay may napapansin
ulit siyang kakaiba sa kilos ni Blake pagdating sa dalagang pulis. Bagama’t wala
siyang makitang pag-aalinlangan mula sa boyfriend para sa engagement nila ngunit
may namumuong kaba sa dibdib niya. Habang maaga dapat niyang tuldukan ang dahilan
ng ikinatatakot niya.

“B-Blake I want to tell you something. I don’t know if it’s the right time to say
it...but I think there's something wrong with my body lately,” atubiling sabi niya.

“Why? Are you sick?” nag-aalalang tanong ng lalaki.

“I don’t know...B-But I’m delayed with my period and it's been more than a week
already. It never happened to me before...I-I think I’m pregnant, Blake.”

Walang nagsalita.

Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan.

Hindi malaman ni Blake kung ano ang magiging reaksiyon. Paulit-ulit siyang
napalunok. Iniwasan niyang tumingin sa harapang salamin upang huwag makita ang
hitsura ng nagmamanehong dalaga.

Samantala, muntik ng mapapreno ng malakas si Alex sa narinig. Gusto niyang ihinto


ang sasakyan sa kalagitnaan ng kalsada. Unti-unting nanlamig ang kanyang mga kamay.
May dumudungaw na namang luha sa kanyang mga mata. Sinasaksak na naman ang kanyang
dibdib. Akala niya ay tapos na ang sakit. Ngunit bakit may humahabol pa rin?

Wala pa ring nagsasalita. Tahimik pa rin ang lahat. Hanggang sa tumunog ang
telepono ni Alex. Ilang minutong paulit-ulit na tumutunog ang cellphone. Hindi
magawang sagutin ni Alex ang tawag. Lumilipad ang isip niya. Wala siyang naririnig
maliban sa paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niyang mga salitang nagsasabing
buntis si Marianne. Natauhan lamang siya nang tapikin siya ni Blake sa balikat.

“Alex you’re phone is ringing,” malumanay na wika nito.

Nanginginig ang kamay na nagsuot siya ng headset. Tumikhim muna siya bago
magsalita.

“H-Hello....”

“Alex go to my hospital now!”

“D-Dennis? B-Bakit?”

“Lolo had a serious heart attack! We’re bringing him there now!”

Nabitawan ni Alex ang telepono. Wala sa sariling tumigil siya sa pagmamaneho sa


kalagitnaan ng kalsada. Nakanganga siya habang nangingilid ang mga luha. Di niya
magawang ikilos ang buong katawan. Binubusinahan na siya ng mga nakabuntot na
sasakyan ngunit nanatili siyang tulala.

Niyugyog ulit ni Blake ang kanyang balikat. “Alex, anong nangyayari sayo? Alex
wake up!”

Saka lamang ulit siya natauhan. Natatarantang iniliko niya ang sasakyan upang
baybayin ang daan patungo sa hospital nina Dennis.

“Alex where are we going?” naguguluhang tanong ni Blake.

Hindi sumagot si Alex. Lihim na tumutulo ang kanyang mga luha habang nagmamaneho.
Sa mga sandaling iyon ay wala nang ibang laman ang isip niya maliban sa
pinakamamahal na lolo. Binabalot siya ng matinding takot. Hindi pwedeng may
masamang mangyari dito. Hihintayin siya nito.Nakapangako siyang dadalawin ito sa
susunod na linggo at hihintayin siya nito sa bahay, hindi sa hospital. Hindi malala
ang atake nito. Mailalabas din nila ito kaagad sa hospital.

Kitang-kita ni Blake ang tahimik na pag-iyak ni Alex. Hindi niya alam ang dahilan
ng pagluha nito pero damang-dama niya ang pagkadurog ng kanyang puso sa nakikita.
Gustong-gusto niya itong yakapin at amuhin. “A-Alex what’s wrong?”

Hindi sumagot si Alex. Wala siyang naririnig. Wala siyang pakialam sa kanyang
paligid. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay ang makarating kaagad sa hospital at
makita ang lolo.

Pagdating niya sa harap ng hospital ay eksaktong sinasakay si Gen. Valdemor sa


stretcher.

“L-Lolo...” nanlalaki at naluluha ang mga matang sambit niya habang hinuhubad ang
seatbelt.
Bumilis ang pag-agos ng kanyang luha at mas lalong nanikip ang kanyang dibdib sa
nasasaksihan. Walang malay ang kanyang lolo. Kinakabitan ito ng oxygen habang
nagkakagulo ang mga doktor sa pagpump sa dibdib nito. Nagmadali siyang lumabas ng
kotse. Hinabol niya ang stretcher hanggang sa maabutan niya ito.

“Lolo...Lolo..gising! Si Alex to. Mag-usap tayo lolo! Andito na ako. Dinadalaw na


kita. Hinahanap mo ako di ba? Andito na ako lolo. Huwag nyo akong bibiruin ng
ganito lo,” tuloy sa pag-iyak na pakiusap niya sa matandang may nangingitim na
mukha.

Ramdam nina Dennis at Sylvia ang napipintong paghihisterya ni Alex. Pinigilan nila
ang dalaga sa pagsunod sa stretcher.

“Tama na yan Alex-”

“Teka lang Dennis, kinakausap ko pa si lolo. Hindi niya pa ako sinasagot...Bitawan


nyo ako Ma!” pagpupumiglas ni Alex.

“That’s enough Alex. Your grandpa won’t answer you,” naluluhang tugon ng ginang na
noon ay awang-awa din sa anak.

“Hindi Ma. Sasagot si lolo. Nagbibiro lang siya. Gumagawa lang siya ng dahilan para
puntahan ko di ba? Bitawan niyo ako.”

“Alex Lolo is going to operating room now-”


Yumakap si Alex sa kapatid at humagulhol. “K-Kasalanan ko to Dennis. D-Dapat
dinalaw ko siya kaagad. Dapat sinunod ko ang sinabi mo. B-Baka masama ang loob sa
akin ni lolo. Baka nagtatampo si lolo...kaya siya nagkaganito-”

Hinaplos ni Dennis sa likod ang walang tigil sa pag-iyak na kapatid. “It’s not your
fault Alex. Walang may gustong mangyari nito. Magdasal na lang tayo na sana ligtas
siya.”

“Walang mangyayaring masama sa kanya di ba Dennis? Hindi niya ako iiwanan ng ganun-
ganun na lang. Marami pa akong mga pangakong di natutupad para sa kanya. Marami pa
kaming pag-uusapan...”

Tumahimik ng ilang sandali si Dennis. Bilang doktor, alam niyang masama ang lagay
ng lolo. “I think he will be okay soon Alex. He only needs a slight operation. Ang
importante ay nabigyan kaagad sya ng first aid. So stop worrying. Just keep being
calm and keep thinking na walang masamang mangyayari sa lolo natin,” pampalubag
loob na pahayag niya.

Nabuhayan ng loob si Alex sa sinabi ng kapatid. Kumawala siya sa pagkakayakap dito


at mag-isang tumungo sa operating room. Naupo siya sa isa sa mga silyang nakahilera
sa pasilyo sa labas ng nasabing silid. Tahimik siyang nagdarasal habang napapasapo
sa mukha.

“A-Alex are you okay?”

Nag-angat siya ng mukha at lumingon sa pinagmulan ng boses. “B-Blake...”

Nakatayo ang lalaki sa gitna ng pasilyo malapit sa kinauupuan ni Alex. Bakas sa


mukha nito ang pag-aalala. Subalit tila nabibigatan ang mga paa nito na lumapit sa
nagdadalamhating dalaga.

Nagpahid ng mga natitirang luha niya si Alex at ipinormal ang mukha. Ayaw niyang
kaawaan siya ng lalaki. Tumuwid siya ng upo. Tumikhim at iniwas ang namumugtong mga
mata.

“Bakit nandidito ka pa? Hindi na kita maipagmamaneho papuntang hotel,” matigas na


sabi niya.

“I-it’s not about that Alex...” mahinang sagot ni Blake habang dahan-dahang
humahakbang papalapit sa kanya.

“Nag-aalala ka ba sa akin?” diretsong tanong niya.

Hindi nagsalita si Blake subalit kitang-kita sa mukha nito ang kasagutan. Natanaw
ni Alex sa di kalayuan ang nakatayo at naghihintay na si Marianne. Nagbalik sa
isipan niya ang narinig sa sasakyan mula sa babae. Ibinalik niya ang mga paningin
sa nahihirapang magsalitang lalaki at ngumisi.

“Kung nag-aalala ka o naawa ka man sa akin ngayon ay pangungunahan na kita. Hindi


ko yan kailangan. May taong mas higit na nangangailangan niyan mula sayo simula sa
araw na ito Blake.”

“Alex I want to stay by your side today-”

“Hindi kita kailangan dito. Marami pa kayong dapat gawin ni Marianne ngayong araw
kaya umalis ka na.”

“A-alex...”

“Umalis ka na Blake.”

Ilang sandaling nagdalawang-isip si Blake ngunit nang tumalim ang mga mata ni Alex
ay walang nagawa ang lalaki kundi sundin ang nagmamatigas na dalaga.

“I’m sorry for what happened to you today. I’m really sorry. I hope I can do
something to lessen your heavy feeling..." Tumalikod si Blake at mabibigat ang mga
paang humakbang. Muli niyang hinarap ang babae nang may maalala. “ Alex I’m hoping
that I can still see you on my birthday.”

Hindi sumagot si Alex at walang reaksiyong tiningnan niya lamang ang lalaki. Dahan-
dahang tumalikod si Blake at matamlay na naglakad papalayo.

“Blake!” pahabol na tawag ng dalaga.

Lumingon ang lalaki.


Ilang sandaling tinitigan ni Alex si Blake. Sa huling pagkakataon ay nais niyang
masilayan ang mukha ng lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso.

Ito na ang huli nilang pagkikita....

Hindi na siya kailanman babalik pa sa tabi nito....

Panahon na para tuluyan niya na itong bitawan...

“A-Alex-” kabadong sambit ni Blake matapos mapansin ang makahulugang titig ng


dalaga.

Binigyan siya ni Alex ng isang matipid na ngiti. “Maging masaya ka Blake. M-mahalin
mo ang babaeng mapapangasawa mo...Maging isa kang responsibleng lalaki. Alagaan at
mahalin mong mabuti ang magiging anak mo...”

Hindi nakapagsalita si Blake.Tinitigan din niya ng matagal ang dalaga. Sa mga


binitawan nitong salita, dama niya na kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Gustong
tumulo ng kanyang mga luha. Masakit tanggapin...napakasakit harapin at di niya alam
kung kakayanin niya. Ngunit ito ang katotohanan... isang napakapait na katotohanan
para sa kanilang dalawa na kailangan niyang tanggapin.

Tumango siya at pinilit ngumiti. “I-Ikaw din Alex...M-Mag-iingat ka lagi.”

Tinanguan at nginitian din siya ng dalaga.


Ilang sandali niya pang tinitigan si Alex habang tinitimbang ang dibdib.. hanggang
sa matanggap niya na kailangan niya na itong talikuran. Dahan-dahan niyang
inihakbang ang tumututol na mga paa at sinimulang maglakad papalayo. Pinilit niyang
itago ang nagdurugong puso. Nabura man ang dalaga sa kanyang isipan ngunit ang
maiksing alaalang muling ibinigay nito sa kanya ay kailanma’y hindi niya na
makakalimutan.

Hindi inalis ni Alex ang mga mata sa likod ng papalayong lalaki. Hinayaan niyang
kusa itong mawala sa kanyang mga paningin. At nang tuluyan na itong maglaho ay
inilipat niya ang mga mata sa kaharap na dingding.

Unti-unting tumalim ang kanyang mga paningin. May namumuong galit sa sarili sa
kanyang dibdib. Lintik na pag-ibig ito! Ginulo ang buhay niya. Pakiramdam niya ay
wala itong naituro sa kanya kundi ang isipin ang sarili niyang kaligayahan.
Nakalimutan niya ang ibang mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya. Dapat nga
siguro niyang ipagpasalamat na hindi ito ang inuna niya sa buhay. Nag-isip pa siya
ng malalim. At ilang sandali pa'y walang pagdadalawang-isip na tumayo siya at
nilisan ang hospital.

------

Gulat na gulat ang mga kasamahang pulis sa biglaang pagsulpot ni Alex sa


headquarters. Alam ng mga ito ang nangyari sa matandang heneral kung kaya’t
nagtataka ang mga ito kung ano ang ginagawa doon ng dalaga.

“Nasaan si chief?” seryosong tanong ni Alex sa mga kasamahan.

“Nasa meeting room kasama ang operation team ng venomus.”


Nagmadaling umakyat ng second floor si Alex at pagdating sa itinuturong silid ay
walang pasabing binuksan niya ang pinto. Pumasok siya nang may matapang na mukha at
buo ang loob. Tumambad sa harapan niya ang nagmimeeting na mga kasamahan at lahat
ng mga ito ay sabay-sabay na napatingin sa kanya na tila hindi makapaniwala sa
kanilang nakita.

“W-what are you doing here Inspector Valdemor?” tanong agad ni James na naputol
ang pagsasalita sa biglaan niyang pagpasok.

“Anong ginagawa mo dito Valdemor? Kumusta na si General?” tanong naman ng hepe.

Hindi siya sumagot sa halip ay naupo siya sa bakanteng silya at pumorma na tila
kasama siya sa meeting. “Sasama ako sa operasyon.”

Mabilis na tumutol si James. “You can’t Inspector Valdemor. This is a very


dangerous and a must well-planned operation. You can’t just show up and join
anytime you want.”

“Kasama ako sa kaso na ito kaya may karapatan akong sumama sa operasyon,” matapang
na sagot ni Alex.

“Yes you are. But you have a different duty Inspector.”

Nagdududang tumingin si Alex sa tumututol na binata. “Alam niyo ang kakayahan


ko...pero bakit sa una pa lang ay hindi niyo na ako isinama sa planong ito?”
Hindi sumagot si James. Humugot lamang siya ng isang buntong-hininga. Siya ang may
pakana ng lahat. Ngunit sa determinasyon ng babae ngayon, dama niyang mabibigo siya
sa gusto niyang mangyari.

Tumingin si Alex sa lahat ng mga kasamahang nasa meeting. “Kung ang pinag-aalala
niyo ay ang plano. Huwag kayong kabahan dahil kayang-kaya ko itong pag-aralan
magdamag..” Ngumisi ito. “At kahit salubungin ko pa ang bala ay gagawin ko.
Magtagumpay lamang tayo sa kaso na to!”

“ALEX WHAT KIND OF GARBAGE ARE YOU TALKING ABOUT!” Pansamantalang nawala sa sarili
si James. Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga kasamahan. “I-I mean Inspector
Valdemor...” biglang bawi niya nang matauhan.

Binigyan ng isang makahulugang tingin ni Alex si James na noon ay alam na ang


totoong motibo ng matinding pagtutol ng binata. “Minsan nang lumabas sa bibig mo
Inspector Corpuz na walang kinalaman sa personal na buhay natin ang lahat ng ito.
Ginagawa natin ito dahil ito ang responsibilidad at trabaho natin.”

Hindi nakaimik ang binata.

“Teka bakit ba ipinagpipilitan mong sumama sa operasyon na ito. Di ba dapat ay mas


matuwa ka dahil mas mababantayan mo si General?” sabat ng hepe.

Nagbago ang reaksiyon ni Alex. Ang kaninang matapang ay napalitan ng blankong mukha
ngunit halatang nagpipigil ng luha. “Kailangan kong sumama sa operation, chief at
dapat niyo rin akong pagbigyan. Importanteng-importante sa akin na magtagumpay tayo
sa kaso na ito. Kailangan kong ma-promote...dahil baka ito na ang huling regalong
maibibigay ko sa lolo ko.”

Walang nagsalita. Tumahimik ang lahat.


Huminga ng malalim si Chief Martinez. Tahimik itong tumayo upang lisanin ang silid.
Ngunit bago ito tuluyang lumabas ng pintuan ay nilingon nito ang binatang
inspektor.

“Inspektor Corpuz, ipaliwanang mo ang buong detalye ng plano kay Inspector


Valdemor.”

=================

[43] I WILL REMEMBER YOU

****

“Hindi na ba magbabago ang isip mo? I’m worried to death Alex,” tugon ni James
habang hinahatid pabalik ng hospital si Alex.

Ngumisi si Alex. “Akala ko ba maprinsipyo kang tao? Kelan ka pa natutong mamersonal


pagdating sa trabaho?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang kwestiyonableng
pagtanggal ni James sa pangalan niya sa listahan ng mga makakasama sa operasyon.
“I’m sorry... I did it because I thought I might die worrying about you. Especially
in this one...hindi ako makakasama dito Alex.”

“Alam ko. Engangement party yan ng kapatid mo. Natural lang na mas unahin mo ang
pamilya mo....At dati pa namang hindi ka sumasama sa operasyon ah kaya’t anong
inaalala mo? Iba ang linya mo James at iba rin ang linya ko kaya sana sa susunod
huwag mong panghimasukan ang responsibilidad ko sa trabahong ito.”

“I’m sorry Alex. I know I made a mistake...But aren’t you going to attend the
birthday party of Blake? That person is important to you, isn’t he?”

“Mas may importanteng tao para sa akin ngayon,” direkta at seryosong sagot ng
dalaga.

“Alex please change your mind. Just stick to your duty of guarding Blake
Monteverde. Don’t take a risk on this one,” kumbinsi pa rin ni James.

Tiningnan ni Alex ang kausap. “Bago ka pa man lumipat sa departamento namin ay


ganito na ang buhay ko James. Alam mong ito ang ang buhay ko bilang pulis. At kung
magkakaganyan ka sa bawat operasyong susuungin ko... ay mas mabuting itigil mo na
ang panliligaw mo,” matigas na sabi niya.

Natigilan si James at agad niyang itinabi ang sasakyan. “Please don’t


misunderstood. Natural lamang sa parte ko na mag-alala sa kaligtasan mo.”

Humugot ng isang malaim na buntong-hininga si Alex at tumingin ng diretso sa labas


ng sasakyan. “Itigil mo na ang panliligaw mo James... Mahihirapan at masasaktan ka
lang nang dahil sa akin. Ayokong nagkakaganito ka. Hindi ka ganitong uri ng pulis
at hindi ka rin ganitong uri ng kaibigan. Kapag ipinagpatuloy natin ang ganitong
sitwasyon ay pareho tayong hindi magiging komportable sa trabaho natin.”

Napayuko at napahawak sa noo si James. “A-are you rejecting me because I care for
you, Alex?”

“Oo...alam kong nasasaktan ka dahil sa pag-aalalang iyan. Kaibigan kita at mahalaga


ka sa akin. Ayokong masira ang pagsasama natin dahil sa isang bagay na hindi ko
kayang maibigay sayo. I’m sorry James...pero ang tanging tumatakbo sa isip ko
ngayon ay ang ibalik ang dating pagmamahal ko sa trabaho at wala ng iba pa... Ayoko
munang bigya ng atensyon ang anumang bagay na may kinalaman sa puso...I’m sorry.”

Hindi agad nakasagot ang binata. Mula sa pagkakayuko ay ibinaling nito ang mga
paningin sa labas ng bintana ng kotse.

“I know you’re being like this... because you’re hurting right now. I can feel it.
You can reject me as many times as you want... but that won’t stop me from loving
you Alex.”

Mas lalong pumormal ang mukha ni Alex. “Ako na mismo ang magsasabi sayo James.
Ihinto mo na lang yan habang maaga pa dahil darating din sayo ang puntong mapapagod
at magsasawa ka ring umasa.”

-------

Shangrila Hotel. Araw ng party. Bandang alas-otso ng gabi. Nagsisimula nang


magdagsaan ang mga prominenteng bisita sa selebrasyon ng kaarawan ni Blake.
Karamihan sa mga ito ay ang mga mayayamang kaibigan at kasamahan sa negosyo ng
bilyonaryong si Don Henry. Ang iba ay mga kaibigan ng magkasintahan at mga kamag-
anak ni Marianne. Lahat ay nakasuot ng pormal at magagarang mga damit.
Walang tigil sa paglingon sa paligid si Blake na sa mga sandaling iyon ay lutang na
lutang ang kagwapuhan dahil sa kasuotan nitong mamahaling suit. Halatang may
hinahanap ang mga mata nito. Namataan niya sa isang tabi ang nag-iisa at tahimik na
si James. Nakatayo ito at pinagmamasdan lamang ang paligid habang hawak ang isang
wine glass.

Pasimpleng nilapitan niya ito. Tumabi siya dito at nang may dumaang isang waiter na
may bitbit na tray ng mga wine, dumampot siya ng isang baso.

Nilingon siya ni James at itinaas nito ang hawak na baso.

“Happy Birthday,” bati nito.

“Thanks,” sagot niya at sabay taas din sa hawak na wine glass.

Ilang sandali silang magkatabi ngunit hindi nag-uusap. Si Blake ang unang bumasag
ng katahimikan.

“Where is she?”

Alam na ni James kung ano ang pakay nang paglapit sa kanya ng lalaki. “She’s not
coming. She’s on duty right now.”
Huminga ng malalim si Blake. “I’m not expecting... but I’m still hoping she can
come.”

“Stop hoping. It’s impossible for her to come. So just enjoy your night.”

“How is her grandfather?”

“Still in ICU and unconscious.”

“I hope he’ll recover soon...” mahinang wika ni Blake.

Napatingin si James sa kausap. “Isn’t it awkward that you’re talking about other
woman on your engagement night? And I think it is more awkward that you’re talking
about her to your fiancée’s brother.”

Uminom ng wine si Blake at natawa sa sarili. “Yeah, I know. But it doesn’t mean
anything now. I just want to know if she’s okay...and I approach you because I
think it’s time for us to shake off our bad feeling towards one another. Let’s move
on and be comfortable with each other now.”

Walang pag-aalinlangang iniabot ni James ang kanyang kanang kamay kay Blake. “No
problem with me. I know I wasn’t comfortable with you but I never had bad feeling
for you in the first place.”

Ngumiti ng tipid si Blake at nakipagkamay sa binata.


“Tatawagin mo na ba akong big bro ngayon?” biro ni James.

“I think so,” natatawang sagot ni Blake habang tumatango.

Sa di kalayuan ay natanaw ni Blake ang papalapit na kasintahan. Kadarating lamang


nito at kitang-kitang pinaghandaan nitong maigi ang selebrasyon. Bagay na bagay sa
babae ang suot nitong kulay pink at kumikinang na gown. Nakataas ang buhok nito at
simple lamang ang make-up na ibinagay sa batang edad nito. Sa mga oras na iyon ay
si Marianne ang pinakamagandang babae sa mga paningin niya.

“You’re sister is coming. I have to leave you by yourself now.”

Iniwan ni Blake ang kausap upang salubungin si Marianne ngunit bago pa man siya
makalayo ay muli niya itong hinarap. Humugot muna siya ng lakas ng loob bago
magbitiw ng salita.

“T-Take good care of Alex.”

“You don’t have to tell me that Blake... because I’ll always will,” seryosong
sagot ni James.

------
Sa isang kalapit probinsiya ng Metro Manila. Maghahatingabi. Nakatambay sa tabi ng
kalsada si Alex. Nakasuot siya ng itim na tights, itim na na hapit na pantaas at
jacket. Nakapony tail ang mahabang buhok at nakasuot ng itim na sombrero. Kanina pa
niya pinagmamasdan ang isang malaking mansiyon na may mataas na pader. Kung
titingnan ay aakalain mong mga pari o kaya’t madre ang nakatira dito at hindi mga
kriminal.

Katabi ng isang simbahan ang mansiyon at sa labas nito ay pawang mga dekorasyong
may kinalaman sa relihiyon ang makikita. May mga salita pa mula sa bibliyang
nakasulat sa pader nito. At sa bukana naman ng gate ay may mga imahe ng santo’t
santa. Sobrang taas ng gate at pader kaya walang ideya ang sinumang mapapadaan kung
ano ang nangyayari sa loob nito maliban sa pag-iisip na relihiyoso ang mga nakatira
dito.

“Ngayon na,” maiksing wika ni Alex habang itinatapat sa bibig ang suot na pin mic
na nakakabit sa dibdib.

Lumapit siya ng bahagya sa dulo ng pader ng bahay at ibinato papasok sa loob ng


bakuran nito ang animo’y isang maliit na bato. Pumuwesto siya sa medyo tagong
lugar. Pagkatapos ay binuksan niya ang video ng cellphone.

“Malinaw ba inspector?” tanong ng nag-ooperate ng itinapong kamera.

Pinag-aralang mabuti ni Alex ang angulo. Base sa kanyang nakikita ay maganda ang
posisyon ng pagkakalapag ng itinapong kamera.

“Paikutin mo,” utos niya.

Nakita niyang mayroong isang lalaking nakabantay sa may gate. At mayroon ding
nakatayo malapit sa pinagbagsakan ng kamera.
“Ifocus mo sa bantay sa gate at sa nakatayo malapit sa kamera.”

Sinunod agad ito ng kausap. At napuna niyang may mga nakasiksik na baril sa bewang
ng mga lalaki.

“Paikutin mo pa,” utos ulit niya.

Pinag-aralan niyang mabuti ang loob ng bakuran. Sa bahagi ng pader na kinatatayuan


niya ay tanging isa lang ang malapit na nakabantay. Nagpalipas pa siya ng ilang
minuto. Nang tumahimik na ang paligid at bihira na ang mga dumadaang tao’t
sasakyan, pumuwesto siya sa kabilang sidewalk. Humarap siya sa bahagi ng pader kung
saan tantiya niyang may kalayuan mula sa kinapupwestuhan ng bantay.

“Papasok na ako,” sambit niya.

“Mag-ingat ka inspector.”

Lumayo siya ng kaunti mula sa kinatatayuan at bumuwelo. Tumakbo siya at walang


kahirap-hirap na inakyat ang mataas na pader. Mistula itong lumilipad sa pag-akyat
sa sobrang gaan ng katawan. Pati paglapag niya sa bakuran ay hindi man lamang
lumikha ng anumang ingay.

Kinuha kaagad ni Alex ang nakatagong sumpit sa jacket at walang ingay na nagkubli
sa likuran ng mga halamanan. Naglakad siya patungo sa pinakamalapit na bantay.
Hinipan niya ang sumpit at tumama sa leeg ng nakatayong lalaki ang isang karayom na
may dalang pampatulog.
Naramdaman ng lalaki ang tumama sa kanyang leeg. Napalingon ito sa likuran ngunit
bago pa man ito makapalag ay binigyan ito ni Alex ng isang malakas na suntok sa
mukha sabay pukpok ng baril sa batok hanggang sa unti-unti itong makatulog. Binuhat
niya ang lalaki at isinandal sa pader. Inayos niya ito nang mistulang nakatulog
lamang sa pagbabantay.

“One down,” ngingiti-ngiting wika niya.

Ang susunod niyang target ay ang bantay sa gate. Subalit naririnig niyang may mga
nagkakasayahan sa loob ng bahay at kaharap mismo ng main door ang gate. Bagama’t
may pagitan itong mahigit isandaang metro ay maari pa rin siyang mabisto. Naisipan
niyang hubaran ng jacket ang pinatulog na bantay at isinuot ito. Ibinaba niya pa
ang harapan ng kanyang sombrero at kaswal na naglakad papalapit sa gate. Kumilos
siyang tila isa sa mga sindikato.

“Oh anong ginagawa mo dito?” tanong ng bantay sa gate.

Nilakihan ni Alex ang boses. “May pinapasabi sayo.”

Lumapit siya at umaktong bubulungan ang bantay.Nang inilapit ng lalaki ang tenga ay
biglang tinusok niya ito ng karayom sa leeg. Mabilis niyang binunot ang nakasukbit
na baril nito sa beywang at pasimple itong ipinalo sa leeg. Nilabas niya mula sa
jacket ang sariling baril na may silencer at pinaputukan ang mga cctv. Binaril niya
rin ang doble-dobleng mga kandado ng gate.

“Bukas na.”
“We’re ready.”

Kinabig ni Alex ang isang malapit na upuan at pinaupo doon ang nakatulog na bantay.
Walang ingay ulit na ginalugad niya ang bakuran. Pinapatulog niya ang bawat bantay
na malalapitan at binabaril ang bawat cctv na mamataan hanggang sa makapasok siya
sa loob ng mansiyon mula sa likurang pintuan.

“Pwede nyo ng akyatin pati pader. Sabay sabay na ang pagpasok. Tulog na lahat ng
mga bantay,” sabi niya sa mga kasamahan.

Sinilip niya ang mga nagkakasayahan sa loob ng malaking bahay. Nakita niyang may
mga kasama itong mga babaeng taga-aliw.

“Ingat tayo sa pag-atake may mga sibilyan sa loob,” paalala niya sa mga kasama.

Lasing ang karamihan sa mga lalaki kung kaya’t naging maluwag para sa kanya na
galugarin ang bahay. Nakaakyat siya ng hagdan nang walang nakapansin sa kanyha.
Pagdating sa itaas ay isa-isa niyang sinilip ang bawat silid.

Pagbukas niya sa isang silid na pinakamalapit sa hagdan ay may nakita siyang isang
lalaki. Mag-isa lang ito at nakaupo sa isang mahabang sopa habang may sinisinghot
sa katapat na center table. Hinintay niyang mag-angat ng mukha ang lalaki. At nang
makita ito ay agad niya itong namukhaan. Ito ang itinugang leader ng sindikato.

Hinubad niya ang suot na jacket at ang tanging itinira niyang pantaas ay ang hapit
sa katawang panloob na sleeveless. Isiniksik niya sa likuran ang baril. Nagtanggal
siya ng sumbrero. Inilugay ang kanyang buhok at iwinagayway ito ng kaunti. Buo ang
loob na pumasok siya sa silid nang may mapang-akit na hitsura’t mga ngiti.
“Sino ka?!” sabay tutok sa kanya ng baril ng lalaki.

Ngumiti si Alex at nang-aakit na tinitigan nito ang lango sa drogang lider. May
kabataan pa ito at sa tantya niya ay hindi pa lalagpas kuwarenta ang edad nito.

“Sino ka?!” ulit nitong tanong.

“Pinadala ako para sayo,” malambing na sagot niya.

Tinitigan ng lalaki mula ulo hanggang paa si Alex. Napangisi ito nang mapagtanto
kung gaano kaganda at kaseksi ang kaharap. Pagkuway dahan-dahan nitong ibinaba ang
baril.

“Mukhang espesyal nga ang regalo nila sa birthday ko ah. Halika dito sa tabi ko!”
excited na utos nito.

Ngingiti-ngiting lumapit si Alex. Pagkaupung-pagkaupo niya ay agad siyang


tinangkang halikan ng lalaki. Ngunit bago pa man dumampi ang mga labi nito sa
kanya, mabilis niyang tinuhod ang tiyan nito at pinilipit ang leeg. Nawalan kaagad
ito ng malay.

“Asa ka pa!”nakangising sabi niya sa walang ulirat na lalaki.

Samantala sa labas ng mansiyon ay isa-isa nang nagsisipagpasukan ang mga pulis. May
dumaan ng gate at ang iba ay tinalon ang pader. Sabay-sabay nitong pinalibutan ang
buong bahay. Wala pa ring kamalay-malay ang mga nagkakasiyahang miyembrong
sindikato. Hanggang sa nagsisigaw na lumabas sa isang silid ang nakatulog na
tagabantay ng cctv.

“NAKAPATAY ANG MGA KAMERA.MUKHANG NAPASOK TAYO! ALERTO! ALERTO!”

May tumunog na warning sa buong bahay. Nagkagulo ang lahat. Tumili ang mga babae at
isa-isa itong nagsipagkubli. Bawat miyembro ng sindikato ay napahawak sa kani-
kanilang mga armas.

Narinig ni Alex ang warning at nagmadali siyang lumabas ng silid. Ngunit habang
papalabas siya ay may mga tauhan namang patungo sa kuwarto ng lider. Naabutan siya
ng mga ito sa labas ng pintuan. Natigilan ang mga lalaki at nagdududa ang mga itong
tumitig sa kanya.

“Uh-uh” sambit niya sa sarili.

“Sino ka?!” tanong ng isang lalaking may matapang na mukha.

“Ahhh...ako ang pinapuntang babae para sa birthday ng boss nyo,” kalmadong sagot
niya habang pasimpleng humahakbang papalapit ng hagdan.

“Bakit hindi ka dumaan sa amin? Tingnan nyo sa loob si Boss!” sigaw ng isa at sabay
tutok ng baril sa kanya.

Pumasok sa loob ang isa sa mga tauhan at bigla itong nagsisigaw nang makita ang
walang malay nilang lider. “Si Boss! Si Boss! Harangin niyo ang babaeng yan!”
Bago pa man makaporma ang mga lalaki ay nakalapit na ng hagdan si Alex. Parang
kidlat sa bilis na binunot niya ang baril sa kanyang likuran at pahigang
nagpadausdos sa hawakan ng hagdan habang binabaril isa-isa ang mga nakahawak sa
armas na mga kamay ng kalaban. Walang sinuman sa mga ito ang nakapagputok.

Pagdating sa kalagitnaan ng mataas na hagdan ay tumalon siya at pagkalapag ng sahig


ay mabilis siyang nagpagulung-gulong. Nakasilencer ang baril niya kung kaya’t hindi
namalayan ng mga tao sa baba ang naganap na pamamaril. Kaagad siyang nagkubli sa
isang dingding.

“Asan na kayo? Nabisto na ako,” hinihingal na wika niya.

“Nakapasok na kami at napapalibutan na namin ang buong bahay.”

“Huwag muna kayong aatake. Ilalabas ko muna ang mga babae dito.”

Sumilip siya sa pinagtataguan at nakita niya ang mga nagkukubling babae sa isang
sulok ng bahay. Namataan siya ng isa sa mga babae. Sinenyasan niya ito na tumahimik
at tumungo sa likurang pintuan. Tumango ang babae sa kanya at walang pag-
aalinlangan niyaya nito papalabas ang mga kasamahang babae.

“HANAPIN NIYO ANG BABAENG IYON! NALUSUTAN TAYO! HINDI RIN SINASAGOT NG MGA BANTAY
ANG KANI-KANILANG MGA RADYO! MAGHANDA KAYO!”

Isa-isang nagsipagpuwestuhan ang mga miyembro ng sindikato sa tabi ng mga bintana.


At nang makalabas ang mga kababaihan ay mabilis na sumunod sa mga ito si
Alex.Pagkalabas na pagkalabas sa bahay ay kaagad niyang pinadapa ang mga ito.

“Ngayon na!” signal ni Alex sa mga kasamahan.

Nabuhay ang isang megaphone at may isang pulis na nagsalita.

“MGA PULIS ITO AT NAPAPALIGIRAN NAMIN KAYO. WALA NA KAYONG MAPUPUNTAHAN KUNG
KAYA’T SUMUKO AT SUMAMA KAYO SA AMIN NG MAAYOS KUNG AYAW NIYONG MAY MAPAHAMAK SA
INYO.”

Naghintay ang mga kapulisan sa kusang pagsuko ng mga kriminal subalit pagkaraan ng
ilang sandali ay imbes na magsilabasan ang mga ito ay pinaulanan nito ng mga bala
ang mga nakakubling mga pulis.

“Ilan sila sa loob inspektor?”

“Mahigit dalawampu.”

Nagsaksak ng bagong magazine si Alex. Nagpanik ang mga babae.

“Dumapa lang kayo!” sigaw niya sa mga nagtitiliang babae.


Buong tapang na muling pumasok siya sa loob ng bahay. Natatandaan niya kung saan
nakapwesto ang mga kalaban. Pagkapasok niya ay nahiga siya sa sahig at isa-isang
pinagbabaril ang mga nagtatago sa ilalim ng bintana.

“Pasukin niyo na. Marami pa ang mga nasa itaas. Nandodoon ang lider nila!” utos
niya.

Pumasok ang mga pulis sa bahay habang patuloy pa ring nakikipagbarilan sa mga
gumaganting kalaban. Wala pa ring balak sumuko ang mga kriminal.

“Ang titigas ng ulo niyo ha!” nanggigil na sambit ni Alex.

Buong tapang siyang naglakad-lakad sa loob ng bahay habang namamaril. Nagalugad


niya ito kaya’t alam niya ang mga pwedeng pagtaguan ng mga sindikato. Ilang saglit
pa ay bigla siyang natigilan, naalala niya ang binanggit na lihim na lagusan ng mga
tumugang miyembro.

“Huwag niyong kalilimutan ang secret door,” paalala niya sa mga kasamahan.

“Copy inspektor. Napapalibutan pa rin ang labas ng bahay lalo’t lalo na ang
tatagusan ng sekretong daan.”

“Alerto din kayo baka may iba pang lihim na daan.”

“Copy.”
Hinanap ni Alex ang itinurong daan patungo sa nasabing lagusan. Nakita niya ang
isang silid na may hagdan pababang underground. Tinahak niya ito at napunta siya sa
isang malawak na meeting hall sa underground. Halatang dito ginagawa ng sindikato
ang pagpaplano plano dahil sa mga nakasabit na whiteboard ng may mga pangalang ng
mga taong bibiktimahin. Malawak ang lugar at may pangilan-ngilang mga armas na
nakasabit sa dingding. Iginala niya ang mga mata at eksaktong natanaw niya
itinatakas ng dalawang lalaki ang walang malay na lider papunta sa isang pinto.

Mabilis niya itong pinagpapaputukan ngunit kaagad na nakakubli ang mga lalaki sa
isang pabilog na poste. Gumanti ang mga ito ng putok. May katagalan silang
nagbarilan at nakailang palit na rin siya ng magazine. Nang matantiya niyang
malapit na siyang maubusan ng bala, walang takot siyang tumakbo papalapit sa mga
nagkukubling lalaki. Pagdating sa kalagitnaan ng hall ay bigla siyang pamadausdos
papahiga sa madulas na sahig patungo sa harapan ng mga kalaban. Nagulat ang mga ito
sa pagsulpot niya sa kanilang harapan. Pinagbabaril niya ang mga lalaki bago pa man
magkaroon ang mga ito ng pagkakataong kalabitin ang kanilang mga baril.

Humihingal siyang tumayo nang bumulagta ang dalawang kalaban. “Andito ako sa
underground. Pumasok kayo sa ikatlong kuwarto mula sa pinto sa likuran. Nandiyan
ang daan papunta dito. Hawak ko ang lider nila.”

Dumating ang tatlong kasamahan at pinagtulung-tulangan ng mga itong buhatin ang


lider. Nilisan nila ang underground at muling bumalik sa labas ng bahay. Wala pa
rin tigil sa pakikipagbarilan ang ilang mga miyembro. Nanghiram ng ibang baril sa
kasamahan si Alex dahil wala na siyang bala.

May namataan siyang anino ng isang nagtatagong kalaban mula sa isang bintana sa
ikalawang palapag ng bahay. Naghanap siya ng mas malapit na pwesto para asintahin
ito. Tumakbo siya para tumawid sa kabilang banda ng bakuran ngunit sa kalagitnaan
ng kanyang pagtakbo ay biglang tumunog ang kampana ng katabing simbahan.

Natigilan siya sa pagtakbo. Hindi niya alam ngunit bigla niyang naalala ang
nagaganap na selebrasyon nina Blake. Naglaro sa kanyang isipan na sa mga sandaling
iyon ay maaring pormal nang nakapangako ng kasal sa ibang babae si Blake. Nakikita
niya ang masayang mukha ng lalaki habang isinusuot nito ang singsing kay Marianne.
Tumunog ulit at kampana.

BANG!

Biglang hindi siya makakilos. May naramdaman siyang mainit na tumama sa kanyang
likuran. Gusto niyang lumingon sa pinanggalingan ng putok ngunit hindi niya
maigalaw ang katawan.

“INSPEKTOR!!!!” sigaw ng isa sa mga kasamahan niya. Lumapit ito at sa mismong


harapan niya ay may binaril itong kalaban mula sa kanyang likuran.

Unti-unting may nanakit sa kanyang likuran at may tumatagos na init patungo sa


kanyang dibdib. Nahirapan siyang huminga kung kaya’t napahawak siya sa dibdib.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mga dugong kumapit sa kanyang kamay.
Dahan-dahang nanghina ang kanyang mga tuhod. May umagos na dugo mula sa kanyang
bibig. Nagmamanhid ang kanyang mga kalamnan hanggang sa naramdaman niyang
nakahandusay na siya sa lupa.

“Inspektor! Inspektor! Inspektor! Radyohan niyo ang ambulansiya!”

Walang tigil sa pagtawag sa kanyang pangalan ang mga nakapalibot na mga kasamahan.
Kumakalat sa buong katawan niya ang sakit na nagmumula sa kanyang likuran. Lumalabo
na ang kanyang mga paningin.

Nagkakagulo ang lahat...Napapaligiran siya ng ingay hanggang sa unti-unting


nagkaroon ng katahimikan. Kasabay nito’y ang tuluyang pagdilim ng buong
kapaligiran.
------

Nagpalakpakan ang lahat ng bisita. Pormal nang isinuot ni Blake ang engagement ring
kay Marianne. Itinaas ng lahat ang kanilang mga wine glass bilang tanda ng pagbati
sa bagong engage na magkasintahan. At pagkaupo ng dalawa ay tinawag naman ng host
ang mga kamag-anak upang magsalita.

Unang tumayo si James at pumunta sa harapan. Nakangiting tinanggap nito ang iniabot
na mikropono ng emcee.

“I still can’t believe na naunahan pa ako ni Marianne ma-engage,” pabirong komento


niya.

Nagtawanan ang lahat. Nang muling ibubuka ni James ang bibig ay biglang nag-ring
ang kanyang cellphone.Dinig na dinig ito sa buong paligid. “Pasensiya na kayo.
Bawal ho kasing magpatay ng telepono sa trabaho ko,” biro ulit niya.

Ni-reject niya ang tawag ngunit nang ibabalik niya na ang cellphone sa bulsa ay
biglang tumambad sa kanya ang isang text.

“Nabaril si Inspector Valdemor. Masama ang lagay.”

Nabitawan niya ang mikropono. Napatakip ng tenga ang mga bisita sa lakas ng
pagkakabagsak nito.
Namutla si James. Nanginig ang napanganga niyang bibig. Nag-uumapaw sa nerbiyos na
iniwan niya ang party habang naiwang nagtataka ang mga bisita.

Kinutuban si Blake. Unti-unti siyang kinabahan sa naging reaksiyon ni James matapos


magbasa ng telepono. Patakbo niya itong hinabol. Hinarangan niya ito bago makasakay
ng elevator.

“What’s going on?” hinihingal na tanong niya.

Napatingin sa kanya si James at hindi pa rin ito makapagsalita sa sobrang


pagkabigla. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ito sa dalagang pulis. Kay Alex
lamang ito pwedeng mag-alala ng ganito katindi.

“Is there something bad happened? I-Is it about Alex?” kinakabahang sambit niya.

“S-She got shot by a bullet,” namumutlang sabi nito.

Nagbukas ang elevator at bago pa man siya muling makapagsalita ay nagmadaling


sumakay si James. Naiwan siya sa hallway na hindi makagalaw. Nagmistulang tuod siya
sa matinding pagkabigla. Para siyang pansamantalang nabingi sa lakas ng impact sa
tenga ng balitang natanggap. Pinilit niyang ilakad ang mga naninigas na paa upang
sundan si James. Ngunit nang humakbang siya’y bigla siyang napahawak sa batok.

Hatid ng matinding pagkagulat ay tila may napigtas na ugat sa kanyang batok. May
malakas na kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya at may gumapang na sakit
patungo sa kanyang ulo. Isinandal niya ang isang kamay sa dingding habang ang isa
ay napapasabunot sa ulo.
“Ahhhhh!”

Naluluhang napapikit siya ng mga mata. Parang hindi niya kakayanin ang sakit.
Napaluhod siya sa sahig. Ano ang nangyayari sa kanya? Unti-unti siyang may
naririnig na halo halong mga ingay. Maraming boses ang pinagmumulan. Iba-iba ang
nagsasalita. Sabay-sabay ang mga itong naglalaro sa kanyang isipan.

“SINO KA!!! SINO KA!!!”

“Ano uulitin mo pa ba ang ganitong biro?!”

“Blake can you marry someone who has personality like Maya?”

"Huwag mo akong isali sa mga koleksiyon ng babae mo Blake!"

“As long as you’re beside me you have purpose.”

“Mahal din naman kita Blake eh, mahal na mahal...”

“Wala nang bawian yan ha...I will never forget what you said today.”

Nawala ang mga boses. Napalitan ito ng iba’ibang mga pangitain.

Nakita niya ang isang babaeng naghahamon ng karera...

Nakita niya ang isang babaeng nilulunod siya sa swimming pool...

Nakita niya ang maganda at nakangiting mukha ng babae habang pinapahiran niya ito
ng dumi sa gilid ng mga labi...
Napapanood niya ang isang matapang na dalaga na nakikipagbarilan sa harap niya...

Nakikita niyang hinahalikan niya ito habang nakasandal sa dingding....

Nakikita niyang sinisigawan siya nito habang may kasama siyang ibang babae....

Nakikita niyang isinasangga niya ang kanyang katawan mula sa palo ng isang
lalaki....

Nakikita niyang umiiyak ito habang yakap-yakap siya at nangangakong hindi siya
iiwanan....

“Blake anong nangyayari sayo?” gulat na gulat na tanong ni Marianne nang makita ang
nakaluhod at nakasabunot sa ulong boyfriend.

“Blake may masakit ba sayo?” tanong naman ni Don Henry na nag-alala rin sa
pansamantalang pagkawala sa loob ng function hall ng apo.

Lumapit ang dalawa sa lalaki upang alalayan ito. Ngunit biglang nagmulat si Blake
nang may nanlalaking mga mata. Nangingilid ang kanyang mga luha.

“A-Alex....Ma-Maya...Alex...M-Maya...Alex” nauutal at paulit-ulit niyang sambit.

Naalala niya ang sinabi ni James. Mababaliw siya sa nerbiyos. Hindi niya alam ang
gagawin. Kailangan niyang mailigtas si Alex.

Hindi ito pwedeng masaktan...Hindi ito pwedeng umiyak...Walang sinumang pwedeng


manakit dito. Hindi maaring may masamang mangyari sa babaeng pinakamamahal niya...
“Alex...ALEX....ALEX NOOOOOO!!!!!!”

=================

[44] RUN TO YOU

****

Paulit-ulit na tinatawagan ni Blake ang cellphone ni Alex habang nagmamaneho. Wala


siyang alam kung nasaan ang dalaga subalit kahit isa-isahin niya lahat ng hospital
sa buong Metro Manila ay gagawin niya matagpuan lamang ang kinaroroonan nito.
Nagri-ring ang telepono ngunit walang sumasagot. Hindi siya sumuko sa pagtawag
hanggang sa may sumagot ditong isang lalaki.

“This is Blake Monteverde. Is this Inspector Valdemor’s handphone?!”

“Oo.”

Ayaw pa rin niyang maniwala sa sinabi ni James. Hindi ito totoo. Nagbitiw lamang
ito ng isang hindi magandang biro.
“Where is she? I want to talk to her now!”

“Hindi mo siya pwedeng makausap ngayon.”

“Put her on the phone right now! I need to hear her voice!”

“Hindi ka niya makakausap ...”

“WHY?!!"

Walang sagot ang kausap. Natahimik din ng ilang sandali si Blake. Nakailang
buntong-hininga muna siya bago muling nakapagsalita. Pinilit niyang ikalma ang
sarili hanggang sa unti-unti niya ring natanggap ang katotohanan ng narinig na
balita.

“W-What’s t-the name of the h-hospital?” Siya na mismo ang kusang nagtanong.

“Nasa ambulansiya siya ngayon. Ililipat siya sa Asian Hospital sa Muntinlupa.”

Ibinaba niya ang telepono at agad na kinabig ang manibela. Ubod ng bilis na
pinatakbo niya ang sasakyan. Pagdating sa nasabing hospital ay wala pa ang
ambulansiya. Naabutan niya doon si James na naghihintay sa entrance. Bakas na bakas
din sa hitsura nito ang matinding takot at pag-aalala.
Gulat na gulat si James pagkakita kay Blake. “What are you doing here Blake?”

“I’m here for Alex,” diretsong sagot ng lalaki habang humahaba ang leeg sa pag-
abang ng ambulansiya.

“D-Did you leave the party for her?”

Seryosong hinarap ni Blake ang nagtatakang mukha ng kausap. “I’m willing to leave
everything for her....I’m sorry James. I know it’s a bit complicated but I’m taking
back my woman now.”

“What do you mean?”

“She’s mine James and I’m not going to hand her over to you. Never.”

Natigilan si James sa matitigas na mga salitang binitawan ni Blake. Nagtataka siya


sa magkakasalungat na mga salitang lumalabas sa bibig nito. Naglaho na ba ang
pinag-usapan nila sa party? Napansin niyang parang ibang Blake na ang kaharap niya.
Itutuloy niya sana ang kanilang pag-uusap ngunit tinalikuran na siya ng lalaki.
Muli na nitong inintindi ang matinding pag-aalala kay Alex.

Pabalik-balik na naglakad si Blake. Wala siyang mapagsidlan ng takot at nerbiyos.


Pakiramdam niya ay malapit na siyang matumba dahil sa hindi humuhupang panghihina
ng mga tuhod. Pinagpapawisan na ng malalig ang kanyang mga palad.

Dumating ang ambulansiya. Pansamantala siyang hindi makakilos si Blake. Nabibingi


siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ibiniba ang hinihigaang stretcher ni
Alex. At nagmadali ang mga doktor sa pagsalubong dito. Nanlalaki ang mga mata at
nanginginig ang mga kalamnang nilapitan niya ito. Takot na takott siya sa maaring
makita.

Tumambad sa kanyang harapan ang walang malay na dalaga. May nakatakip na oxygen sa
bibig. Namumutla ang mukha. Hanggang balikat ang puting kumot na nakatakip sa
katawan at sa bandang dibdib ay kitang-kita ang mantsa ng mga dugo.

“A-Alex....” nanginginig ang boses na sambit niya habang naluluhang tinititigan ang
kaawa-awang hitsura ng babae.

Patakbong itinulak ng mga nurse papasok ng hospital ang stretcher. Nanlalambot ang
mga paang sinabayan niya ito. Humawak siya sa gilid stretcher at nangingilid ang
mga luhang kinausap si Alex.

“Fight Alex...Please fight. You promised that you won’t leave me.”

Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ng dalaga. “You said you’ll love me...You
told me you won’t leave me again. I remember everything now Alex,” Pumatak ang
kanyang mga luha. “You can’t leave me like this. Marami pa tayong gagawin. We
haven’t even fully started loving each other. Itutuloy natin ang lahat Alex. So
please fight...pleaseee.”

“...I’m sorry if I had forgotten you. I didn’t want it to happen. Pero ako naman
ang mangangako ngayon hinding-hindi na ulit kita kakalimutan. Give us one more
chance. So please live Alex.”

Walang tigil sa pagluha si Blake at kulang na lang ay yakapin niya ang walang malay
na babae habang nagmamakaawa.
Natigilan si James sa mga narinig at nakita habang nakasunod din sa stretcher. Noon
niya lamang naintindihan ang naging pagbabago sa kilos ni Blake. Bumalik na ang
alaala nito. Sa mga sandaling iyon ay nasaksihan niya ang kalungkutan at pag-aalala
nito. Napagtanto niya na nasasaktan siya at natatakot sa nangyari kay Alex pero
hindi niya kayang pantayan ang lalim ng sakit at pagdadalamhating nararamdaman ni
Blake. Mahal na mahal nga nito ang dalaga.

Nilalabanan ni Alex ang lahat ng sakit na nararamdaman. Gusto niyang imulat ang mga
mata subalit tila kahit dulo ng darili ay hindi niya maigalaw. Nahihirapan siyang
huminga. Ang bawat hanging dumadaan ay gumuguhit ng sakit at parang patalim na
humihiwa sa kanyang lalamunan. Nagmamakaawa makahugot lamang ng isang hininga.

Gusto niya nang sumuko. Ayaw niya nang huminga.

Ngunit nauulinigan niya ang paligid. Naririnig niya ang mga ingay. At nangingibabaw
dito ang isang pamilyar na boses. Si Blake. Nasa tabi niya si Blake.

Kinakausap siya nito. Naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi nito. Sana ay hindi
lamang delusyon ang mga naririnig. Gustong pumatak ng kanyang mga luha at sana nga
ay tumulo ang mga ito upang malaman nitong nakikinig siya . Lalaban siya...lalaban
siya para sa lalaki at para sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Pinilit niya muling huminga ngunit sa pagkakataong iyon ay parang hindi niya na
makayanan ang sakit. Wala ng hanging gustong pumasok sa kanyang dibdib.

Biglang naglaho ang mga ingay. Naglaho na rin pati mga nararamdaman niyang
matitinding sakit. Pakiramdam niya ay lumulutang na siya sa buong paligid. Mula sa
madilim na kapaligiran ay nakakita siya ng isang tuldok ng liwanag. Unti-unti itong
lumalaki hanggang sa lamunin nito ang buong paligid. Bagamat maliwanag ay wala pa
rin siyang ibang makita maliban sa isang malaking blankong espasyo.
Hanggang dito na lamang ba siya? Kukunin na ba siya?

Pinilit niyang ngumiti sa isipan. Tinatanggap niya ang kanyang kapalaran at may
isang bagay siyang pinagpapasalamat. Mawawala man siya pero muli namang binuhay ang
kanyang alala sa isipan ng lalaking minahal niya ng lubusan.

------

Lumipas ang ilang araw ay nanatiling comatose si Alex. Natanggal na ang bala sa
katawan ng dalaga ngunit hangga’t hindi ito nagkakamalay ay nananatiling delikado
ang lagay nito.

Sa mga araw na iyon ay sinadyang kalimutan ni Blake ang lahat maliban kay Alex.
Hindi siya umaalis sa tabi nito. Dahil sa sitwasyon, nakilala niya ang buong
pamilya ng dalaga. Doon niya rin nalamang kapatid pala nito ang doktor na nag-opera
sa kanya sa ulo. Nasaksihan niya rin ang paulit-ulit na pag-iyak at pagkahimatay ng
ina nito. Nagkamalay na rin si Gen. Valdemor at kasalukuyan na itong nagpapagaling.

Dahil sa mga nalalaman ni Dennis at ng matandang heneral tungkol sa kanilang dalawa


ni Alex , pinayagan siya ng pamilya ng dalaga na manatili sa pagbabantay. Unti-unti
siya napalapit sa buong pamilya hanggang sa maramdaman niyang sa kabila ng kawalan
pa ng malay ni Alex ay natutunan na siyang tanggapin ng mga ito. Isang bagay na
lang ang haharapin niya pag nagising si Alex...ang paghingi ng kapatawaran dito.

Halos sa hospital na rin siya pansamantalang tumitira. Subalit nang minsang umuwi
siya ng bahay upang kumuha ng mga gamit ay nagulat siya sa nakitang bisitang
naghihintay sa kanya sa sala.
“Marianne-”

Buhat ng party, noon niya lamang muling nakita ang babae. Pansamantala itong nawala
sa kanyang isipan. Balak niyang ayusin ang lahat ngunit sa mga panahong ito ay wala
munang tumatakbo sa isipan niya maliban sa paggaling ni Alex at sa pag-aasikaso
dito.

“Can we talk Blake?” matamlay na wika ng babae.

Dinala niya si Marianne sa hardin upang doon makipag-usap ng seryoso.

“What’s going to happen now?” kinakabahang tanong ni Marriane.

“I’m sorry Marianne...” nakayukong sagot niya.

“B-But you said you love me. You chose me and you promised a marriage to me in
front of many people,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae.

“I-It’s wasn’t the real me Marianne and you knew it from the start. I’m sorry. I
know may kasalanan din ako. I should have followed my heart when I realized I feel
something for Alex. But I hope you understand na ang iniisip ko at that moment was
to do kung ano ang tama...because I thought I was right.”

“A-Are you formally breaking-up with me right after our engagement?” lumuluha nang
salita ni Marianne.
Tiningnan ni Blake ang umiiyak na kausap. Nasasaktan siya para sa babae. Hindi rin
madali para sa kanya na makita itong umiiyak dahil kahit papaano ay nagkaroon din
ito ng puwang sa puso niya. Lumapit siya dito at yumakap. Tinapik niya ito sa
likod.

“I’m sorry Marianne...I’m very very sorry. Pasensiya ka na kung nadamay ka sa


naging sitwasyon ko. It was all my fault. I’m willing to take all the blame but I
want to be honest right now. Hindi ko kayang isuko si Alex. I think I hurt her a
lot too because of my situation. Gusto kong itama ang mga nangyari bago pa man
mahuli ang lahat...”

“...And I’m even thankful that it happened as early as now. Bago ko pa man
masaktan ng napakalalim si Alex at bago din kita masaktan ng lubusan I have to stop
this and I’m willing to face all your hatred, your family’s hatred and the people’s
hatred. Kasalanan ko ang lahat..”

Lumakas pa lalo ang pag-iyak ng babae.

Natigilan naman ng ilang saglit si Blake. Bigla siyang may naalala sa sitwasyon
nila ni Marianne. Kumawala siya sa pagkakayakap, tumalikod at lumayo ng ilang mga
hakbang. “I-I don’t want to be rude Marianne...But I have to ask you this
question...” Bumilang ng ilang segundo bago niya naituloy ang sasabihin. “A-Are you
really pregnant?”

Napaangat ng mukha si Marianne. Tumigil sa pagtulo ang mga luha nito.

“Blake-”
“Tell me the truth ...I’m still willing to acknowledge your pregnancy but I want to
hear you confirm it...”

Matagal bago sumagot si Marianne. Muli itong napayuko at umiyak.

“Marianne, answer me...”

Napahagulhol ulit ito at dahan-dahan nitong iniiling ang ulo. “I’m sorry Blake... I
only said it dahil natatakot akong mawala ka sa akin...Naisip ko na tutal I might
get pregnant soon so I lied before you totally had a change of heart...I’m sorry
for lying...sorry.”

Niyakap ulit ni Blake ang babae. Nagpapasalamat siya sa pag-amin nito sa nagawang
pagkakamali. “It’s okay Marianne. I understand why you did it. And I’m sorry too
for all these pains I caused you but from now on let’s start living with
honesty...and let's put and end to all these lies.”

-----

Dahan-dahang nagmulat si Alex ng mga mata. Matagal niyang tinitigan ang puting
kisame. Nasaan siya? Buhay pa ba siya? Inikot niya ang mga mata. Nasa isang silid
siya. Maliwanag ngunit may nakikita na siyang mga bagay. Hindi lamang purong puting
espasyo. Naramdaman niyang may nakahawak sa kanyang palad. Ibinaba niya ang
paningin. Nakita niya si Blake na nakasubsob sa kama at natutulog.

Buhay nga ba siya o nanaginip lang siya?


Sinubukan niyang igalaw ang mga daliri sa kamay. Naigagalaw niya na ang mga ito.
Ganun din ang mga daliri sa paa. Tinanggal niya ang oxygen na nakatakip sa kanyang
bibig. Susubukan niyang magsalita.

“B-B-Blake...”

“B-Blake..”

“Blake.”

Naalimpungatan si Blake nang naulinigan niyang may tumatawag sa kanyang pangalan.


Iniangat niya ang ulo upang hanapin ang nagsalita. At laking gulat niya nang makita
si Alex na nakamulat at nakatingin sa kanya.

“Alex, you’re awake!”

“B-Buhay ba ako?”

“Of course you’re alive! Who said that you’ll die?! You can’t die Alex!”

Walang pagsidlan ng saya si Blake. Yumakap siya sa dalaga.

“A-Aray,” reklamo ni Alex nang mapahigpit ang yakap ng lalaki.


“Opps sorry. Wait...I’m going to call your family now!” Natataranta si Blake
habang nangingislap sa kaligayahan ang mga mata. Hindi mabura-bura ang mga ngiti
niya sa mukha.

Isa-isang nagsidatingan ang pamilya ni Alex. Unang-una na dito ang kanyang ina.
Pagpasok na pagpasok pa lamang nito sa pinto ay pumapalahaw na ito sa iyak.

“Diyos ko pong bata ka! Ano bang pakiusap ang kailangan kong gawin para itigil mo
na yang pagpupulis mo? Hanggang saan mo ako pahihirapan? Maawa ka naman sa aming
mga nagmamahal sayo! Magiging masaya ka ba kung sakaling naiwanan mo na
kami...Parang awa mo na Alex. Hindi ko kayang mawala ka! At kung mamatay ka rin
lang sabihin mo na at magpapakamatay na rin ako para hindi na ako masaktan pa!
Maawa ka naman sa mama mo Alex....”

Tahimik na tinitigan ni Alex ang ina. Batid niya kung gaano kalaki ang naging
pagkukulang niya at mga paghihirap na idinulot dito. Nang siya’y nag-aagaw buhay,
isa ito sa mga bagay na pinangako niyang itatatama kapag nabigyan pa siya ng isang
pagkakataon.Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng mga taong nagmamahal sa kanya...Ang
kanyang lolo na nakaupo sa wheelchair, ang ama, ang ina, si Dennis...at si Blake.
Dapat niya na nga bang pahalagahan ang sariling buhay para sa mga taong ito?
Naramdaman niya rin ang matinding kalungkutan sa pag-aakalang hindi niya na muling
makakasama pa ang mga mahal niya sa buhay. Ngayo’y batid niya na kung gaano niya
kamahal ang buong pamilya.

“I’m sorry Ma...I-Ipinapangako ko pong ito na ang huling beses ng pananakit ko sa


damdamin niyo.”

---------

Habang dumadaan ang araw ng pagpapagaling, unang-una napansin ni Alex ang araw-araw
na pamamalagi ni Blake sa hospital. Iniiwasan niya itong kausapin. Hindi niya rin
ito gaanong pinapansin. Alam niyang bumalik na ang alaala nito ngunit hindi niya pa
rin nakakalimutang may responsibilidad na ito sa ibang babae.

“B-Blake bakit naririto ka lagi? Baka mag-away kayo ni Marianne. Hayaan mo nang ang
mama ko ang mag-asikaso sa akin dito,” diretsong sabi niya sa lalaki habang
pinapakain siya nito.

Inilapag ni Blake sa mesa ang pagkain at tumahimik ng ilang sandali. Simula nang
magkamalay ang dalaga ay hindi pa sila nito nag-uusap ng seryoso. Hihintayin niya
pa sanang gumaling ito ng tuluyan bago kausapin ng masinsinan.

“Marianne and I already broke up,” mahinang wika niya.

Nagulat si Alex. “B-Blake, may responsibiladad ka na kay Marianne. Paano mo siya


nagawang hiwalayan?”

“S-She’s not pregnant Alex.”

Muling natigilan ang dalaga. Hinawakan ni Blake ang mga palad nito at seryosong
tinitigan sa mga mata. “I'm back and beside you now is the Blake who loves you a
lot. Nakahanda akong panindigan at ipakita sa lahat na ikaw ang mahal ko. Mawala na
ang lahat huwag lang ikaw. I’m sorry I know I caused you so much pain. Hindi biro
ang nagawa kong pananakit. Forgive me Alex...please give me one more chance.”

Umiwas si Alex sa mga titig ni Blake. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang
maramdaman. Alam niyang dapat siyang matuwa. Alam niya rin sa sarili na mahal niya
pa rin ito. Hindi niya rin nakakalimutan ang binitawang salita na muli itong
tatanggapin kung sakaling bumalik ang lahat dito at mahal pa siya nito.
Subalit natatakot na siya...

Sa lahat ng sakit na kanyang naranasan ay natatakot na ulit siyang pagbigyan ang


kahilingan ng kanyang puso. Nangako siya sa sariling hindi na muling bibigyan ng
puwang ang pag-ibig sa kanyang buhay. Natatakot ulit siyang masaktan ng sobra.

“Patawarin mo ako ...I know it won’t be that easy on your part. But I’m willing to
wait. I’m willing to pay for my mistakes. I will wait even if it takes a lifetime
sapagkat wala na akong balak magmahal pa ng iba, Alex.”

=================

[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)

****

Dalawang linggo makalipas lumabas ng hospital ni Alex.

BLAG!BLAG!BLAG!
“ALEXANDRA!BUKSAN MO TONG PINTO!”

BLAG!BLAG!BLAG!

“BUKSAN MO SABI!!!”

Pinagbuksan ni Alex ang nangangalampag na ina. “Ma, huwag niyo namang sirain itong
pinto ko.”

“Ano ba Alexandra?! Tapatin mo nga ako! Haharapin mo pa ba ang Blake na iyan o


habambuhay mo nang pagtataguan?!”

Hindi sumagot si Alex. Patay-malisyang iniwas niya ang mga mata sa nanggigigil na
ina.

“Aba! Maawa ka naman dun sa tao! Araw-araw nang bumisita dito pero ni isang beses
ay hindi mo man lang hinarap. Napapagod na ako sa kakaakyat-baba dito sa kuwarto mo
ah! At ano to gabi-gabi na lang ba ay ako ang haharap sa lalaking iyon?! Sabihin mo
lang at ako na rin ang sasagot sa kanya. Ang gwapong bata, hindi ko tatanggihan
iyon!”

“Ma, huwag na kasi kayong masyadong nakikialam. Huwag niyong i-entertain kung
napapagod kayo. Wala kasi kayong alam sa pinagdaanan ko sa taong iyan. Hayaan nyo
siyang magtiis,” ingus niya.

“Magtiis? Sa ganitong paraan?! Tuturuan kita Alexandra! Kung gusto mo talagang


mahirapan yung tao, ngayon pa lang ay sabihin mo na nang harapan na hindi mo siya
gusto! Saktan mo na ng mabilisan! Diretsuhin mo na habang maaga para humaba ang
pagdurugo ng puso niya! Ang ginagawa mo ngayon ay binibigyan mo pa ng pag-asa eh!
Teka ako na nga ang magsasabi...tutal ito naman yata ang hinihintay mong gawin ko
eh!”

Tumalikod kaagad ang ginang subalit mabilis itong pinigilan ni Alex. “Ma sandali!
Huwag na ako na! Eto na bababa na ako, haharapin na!”

Lihim na napangiti si Sylvia subalit nang humarap ulit sa anak ay nagkunwari na


naman itong galit.“Bilisan mo ha! Nauubusan na ako ng tanong sa taong yun. Nasa
hospital ka pa lamang ay iniinterview ko na ang Blake na iyan! Wala na kaming
mapag-usapan.”

“Oo na ho! Ma, bawas-bawasan niyo naman ang pagkaobvious ng pangangampi niyo sa
lalaking iyan. Ako ho ang anak niyo. Ako ang nasaktan... Ako ang nagdusa... Ako ang
nahirapan...kaya’t ako dapat ang kinakampihan niyo.”

Pinandilatan ni Sylvia ang dalaga. “Tse! Huwag mo akong daanin sa pagdadrama mo!
Bilisan mo na at ilang araw na akong awang-awa sa taong iyon!” sabay kurot niyasa
tagiliran ng anak.

“Aray! Eto na magpapalit lang ako ng damit. Nakakahiya naman sigurong humarap sa
bisita ng nakapantulog di po ba?” sabay sarado ni Alex ng pinto bago pa man
makadugtong ng salita ang ina.

-----

Mag-isang nakaupo si Blake sa sopa. Iniwan na siya ng ina ni Alex. Alam niyang
kinausap muli nito ang anak subalit sa parte niya ay hindi pa siya umaasang
haharapin na siya ng dalaga. Hindi niya hinahangad na makausap kaagad ito. Ang
gusto niya lang ay iparamdam dito na handa siyang magtiis at magtiyaga hanggang sa
handa na ulit itong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit buwan o taon
pa ang abutin ay araw-araw niya pa rin itong pupuntahan sa bahay. Tatanggapin niya
anuman ang parusang ibigay nito sa kanya.Tahimik siyang yumuko habang nag-iisip
nang iba pang paraan ng panunuyo. Minasahe niya ang noo at bumuntong-hininga.

“Ehem!”

Agad siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang tikhim mula sa kanyang likuran.
Nakatayo malapit sa kanya si Alex. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip itong
nakatingin sa kinauupuan niya. Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang
mukha.

“Alex-”

“Napapagod at nahihirapan ka na ba kaya nanghihingi ka na ng reenforcement sa nanay


ko?” mataray na sabi nito sabay upo sa tabi niya.

Ramdam niya ang paglundag ng kanyang puso. Pagkalipas ng maraming araw ngayon niya
lang ulit nakita si Alex nang malapitan.Umaasa siyang sana ang pagharap nito ay
tanda na unti-unti na siya nitong napapatawad. Napapangiti siya subalit pinilit
niyang magseryoso nang makitang seryoso at nakasimangot pa rin ang hitsura ng
dalaga.

“I didn’t ask for any help Alex. I told you I’m willing to accept all your
punishment. Hindi ako susuko at lalong-lalo hindi ako mapapagod. Inihanda ko na nga
ang sarili ko para sa mas mahihirap pang parusa...I know you’ve got some skill on
torturing people.”
Tinaasan ni Alex ng isang kilay ang lalaki at binigyan ito ng matatalim na titig.
“Anong ibig mong sabihin?”

“You’re a policewoman, it’s part of your job isn’t it?” ngingiti-ngiting sagot ni
Blake.

Pinandilatan ni Alex ang katabi. “Sa mga kriminal ko lang ginagawa yun! Pero teka
pwede ko ring gawin sayo, gusto mo?”

Agad na umiling si Blake. “I’m kidding. I don’t want to die,” kunway takot na sabi
nito pero dama nitong naggagalit-galitan lamang ang babae.

Umirap si Alex at taas-noong tumingin sa salungat na direksiyon. “Blake, huling


araw na ito ng pagdalaw-dalaw mo sa akin ng ganito. Tama na. Itigil mo na.”

Nabura bigla ang sigla sa mukha ni Blake. “W-What do you mean?” kinakabahang tanong
nito.

Humugot muna ng isang malalim na buntong-hininga si Alex. “Pasalamat ka sa nanay


ko! Binababaan ko na ang sentensiya mo kaya’t hindi mo na kailangang gawin ang mga
ganitong pagdalaw.”

Bumalik ang mga ngiti sa mukha ni Blake. “Alex, can you completely forgive me
already?”
“Umaabuso ka ba?!”

“No. I’m thinking na tutal kinausap mo na ako ngayon, sasabihin ko na ang lahat.
I’m afraid baka bukas hindi mo naman ako kausapin. Please patawarin mo na ako. I’m
dying to start a relationship with you already. Alam ko namang pareho nating mahal
ang isa’t isa.”

Tumahimik ng ilang sandali si Alex at nag-isip. Naniningkit ang mga matang


tiningnan niya siya Blake. “Hindi na ako masasaktan?”

“I can’t promise because in every couple that happens every now and then. But one
think I’ll make sure...that I will never hurt you intentionally.”

“Hindi mo na ako paiiyakin?”

“Promise.” sabay hawak sa tapat ng kanyang dibdib ni Blake.

“Hindi mo na ako ipagpapalit?”

“Kahit kaninong babae pa. You’re the rarest. I can’t find another woman better than
you. You’re the most beautiful in my eyes so that’s not going to happen.”

“Hindi mo ako kakalimutan?”


“I didn’t do it intentionally but if you want I can even sign a sworn statement so
just in case na mauntog ulit ako at makalimutan kita, you can show it to me.”

Naglaho ang mga nagdududang tingin ni Alex ngunit nanatili pa rin siyang nakatitig
sa lalaki habang nilalabanan ang sarili na ngumiti. Bago pa siya lumabas ng
hospital ay batid niya na sa sariling hindi niya pa rin kayang tiisin si Blake.
Nasaktan man siya dahil sa lalaki ngunit alam niyang mas higit siyang masasaktan
kung hahayaan niyang mawala ito sa kanya. Plano niya lang na pahirapan ito ng
kaunti.

Hinawakan ni Blake ang kanyang palad. “Am I forgiven now?” anito.

Agad niyang binawi ang kamay. “Sandali! Hindi ka pa absuwelto! May isang bagay pa
na ipinagpapanting ng mga tenga ko!”

“W-What is it?”

“Naiirita ako pag naiisip kong may nangyari sa inyo ni Marianne!” Napadekuwatro’t
napahalukipkip si Alex habang nakairap sa lalaki.

“That’s part of the past. And besides wala ako sa totoong sarili ko by that time...
To be honest, I did it with other girls also. I was a different man nang makilala
mo ako but why are you being like this only to Marianne? Let’s forget about the
past, Alex.”

“Hindi! Iba yung kay Marianne! With feelings yun eh kaya mahirap makalimutan! Ilang
beses ba nangyari yun?!” sutil na ika ni Alex.

“I-I only slept with her once,” napipilitan at napapalunok na sagot ng lalaki.

Tinitigan ulit ni Alex sa mga mata ang kausap. Tinatantiya kung nagsasabi ito ng
totoo. “Isang beses? Sigurado ka? Kilala kita Blake Monteverde. Hari ka ng
kapilyuhan! Kaya’t huwag mong sasabihing isang beses lang may nangyari sa inyo!”

“That’s the truth Alex...I started to control myself simula nang naconfuse na ako
sa feelings ko because of you. I’m being honest here. Believe me. Tsaka ang higpit
mong magbantay di ba?”

“So kasalanan ko pa dahil hindi kita gaanong nabantayan kaya nakalusot kayo. Ganun
ba yun?!”

“No. That’s not what I mean. I’m just explaining my side.”

Tumahimik si Alex ngunit pairap pa rin itong tumitingin sa lalaki.

“Is that all, Alex? May ikinakagalit ka pa ba?” mahina at napakaamong tanong ni
Blake.

“W-Wala na. Pagod na akong magkimkim ng galit kaya sige na, okay na! Tapos na ang
parusa mo!”
Nangislap ang mga mata ni Blake. Nagpipigil ng ngiti na tinitigan niya si Alex.
“Does it mean na okay na tayo?”

“Kasasabi ko lang di ba?” nagmamataray pa ring sagot ng dalaga.

“Are you accepting me already? Tayo na ba?”

“Bakit mukha ba akong nagsisinungaling? Kung gusto mo babawiin ko.”

“Don’t! I believe you. I definitely don’t doubt you!” panic ng lalaki sabay yakap
nito ng mahigpit sa dalaga. “Thank you, Alex. I promise I’ll make you a very happy
woman. I love you. I really realy love you.”

Gumanti ng yakap si Alex . Tumingin sa mga mata niya si Blake.

“Wait. How about a sweet smile from you to prove na napatawad mo na ako. Kanina mo
pa kasi ako sinisimangutan eh,” lambing nito.

Natawa muna si Alex. Tumikhim ito at bahagyang nagseryoso ngunit unti-unti ring
ngumiti mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Napangisi si Blake habang tinitingnan ang matatamis na ngiti ng babae. “How about a
token of proof for your forgiveness?” dagdag na lambing niya.

Pumikit si Alex at kusang inihain ang kanyang mga labi. “Ayan na ang token mo.”

Tinitigan muna ni Blake ang mukha ng nakapikit na dalaga. Napangiti siya ng may
mamasa-masang mga mata. Para siyang maiiyak sa kaligayahan. Sa kabila ng dami ng
pagsubok na dumaan sa kanila, hindi siya makapaniwalang pagdating sa huli ay
mapapasakanya pa rin ang babaeng pinakamamahal.

“Thank you Alex...You don’t know how happy I am today. Thank you.”

Dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi ngunit bago pa man dumampi ang kanyang
halik...

“Kayo na ba?”

Napaiktad sa kinauupuan ang bagong magkasintahan. Dali-daling kumawala ang mga ito
sa kanilang yakapan at medyo dumistansiya sa pagkakatabi sa isa’t isa.

“Ano ka ba naman Ma?! Bakit ba bigla-bigla na lang kayong sumusulpot?” napapahawak


sa dibdib na reklamo ni Alex.

“Sagutin nyo ang tanong ko. Kayo na ba?”


Nagkatinginan sina Blake at Alex. Magkasabay ang mga itong tumango.

“Oho.”

Lumapit ang ginang kay Blake at may iniabot itong isang papel.

“Ano yan Ma?” ani Alex.

Nagtatakang tinanggap ni Blake ang papel at binasang maigi ang nakasulat dito.

“Schedule yan ng araw ng punta mo dito sa loob ng isang linggo. Yan ang mga araw na
ipagluluto kita.”

“S-Sige po,” napapatangong sagot ng lalaki nang may nahihiyang ngiti.

“Okay na ba sila?”

Sabay-sabay ang tatlong napatingin sa papalapit na matandang heneral.

“Yes, Papa,” pahayag ni Sylvia na nagpipigil ipakita ang nararamdamang tuwa.


Lumapit ang matanda kay Blake at inabot nito ang isang papel. “Yan ang mga araw na
obligado kang samahan ako magtarget shooting.”

“O-Okay po,” walang reklamong tinanggap ni Blake ang papel.

“Bati na ba sila?”

Bumababa sa hagdan si Dennis. Lumapit ito sa lalaki at nag-abot din ng isang maliit
na pirasong papel.

“Yan ang schedule ng for the boys night out ko. Sana masamahan mo ako paminsan-
minsan para naman makapag-bonding tayo.”

“Thanks. No problem,” mapagkumbabang sagot ulit ni Blake.

“Sila na ba?”

“Dad pati ba naman kayo?!” piksi ni Alex pagkakita sa naglalakad papalapit na ama.

Si Blake na mismo ang kusang nag-abot ng kamay upang tanggapin ang inaasahang papel
mula sa ama ng girlfriend.
“Ito ang mga araw ng paglalaro ko ng golf. Gusto kong samahan mo ako pag may oras
ka.”

“Wala pong problema.” nakangiting sagot ni Blake.

“SANDALI!SANDALI!” biglang tutol ni Alex at sabay harang niya sa katawan kay Blake
na animo’y pinoprotektahan ito sa isang malaking giyera.

“Ano to? Hinaharass niyo ba si Blake?! Tsaka anong ibig sabihin ng mga papel at
schedules na yan? Ano yan makikihati pa kayo sa akin sa oras ng boyfriend ko?! Baka
naman sa akin na mawalan ng oras si Blake. Ako ang karelasyon niya sa bahay na ito.
Ako ang girlfriend. Ako!”

“Tumahimik ka dyan Alexandra! Pagbigyan mo kaming namnamin ang pagkakaroon mo ng


boyfriend. Gusto lang naming mapaniwala ang aming mga sarili na nangyayari na nga
ito. Tumabi ka dyan! Huwag kang mag-alala wala kaming gagawing masama sa boyfriend
mo kaya huwag mo siyang ipagdamot!” pahayag ni Sylvia.

Isa-isang binigyan ni Alex ng mapanuring tingin ang mga kaharap. Pinapakiramdaman


niya ang motibo ng mga ito. Ngunit nang sabay-sabay siya ng mga itong pinandilatan
ng mga mata ay wala siyang nagawa kundi ang alisin ang katawan mula sa
pagkakaharang kay Blake.

Lihim na napapangiti si Blake. Pumapalakpak ang kanyang mga tenga’t lumulundag sa


tuwa ang kanyang puso sa mga nangyayari lalong-lalo na nang marinig niya ang mga
katagang ‘boyfriend ko’ mula mismo sa mga labi ni Alex.

------
“Lolo we want to talk to you about something.”

Magkahawak ang mga kamay na nakaupo sa harap ni Don Henry sina Blake at Alex.
Seryoso ang mga mukha at halatang parehong kinakabahan sa magiging reaksiyon ng
matanda.

“What do you want to say? Are you going to ask for my forgiveness that you can’t
follow our agreement anymore?”diretsong tanong ng matanda.

Nagulat si Blake. “Huh? How did you know about it?”

“It’s obvious basing from the personality of Alex. I know she’s not the kind of
woman who will easily jump into a marriage.”

“Pasensiya na po kayo Don Henry. Sana maintindihan niyo ang desisyon ko. Para po
kasi sa akin pinag-iisipan hong mabuti ang bagay na iyan bago pasukin. Mahirap na
po baka kasi ikasira lamang ng relasyon namin kung pareho kaming hindi handa sa
pinasok naming sitwasyon,” nakayukong paliwanag ni Alex.

“I understand. I trust every word you say Alex. I will respect your decision but I
want to hear from you too about your plan regarding your work. I’m not concerned
about the situation of my grandson alone. I care about you too. Sa nangyari sayo,
pati ako ay halos atakehin din sa puso sa kaba.”

“Naiintindihan ko po kayo. Sa ngayon ay naka-indefinite leave po ako. Pinag-iisipan


ko pong mabuti ang sitwasyon. Naiisip ko pa ring ipagpatuloy ang pagpupulis ko pero
hindi na po ako tatanggap ng duty sa labas. Magpapalipat ho ako ng department kung
saan sa opisina na lang ho ako magtatrabaho. Nangako po akong iingatan na ang
sarili ko para sa mga taong nagmamahal sa akin.”

“But are you happy with that decision?”

Tumango ang dalaga. “Ang pagpupulis ho ang mahalaga sa akin. Kahit nasa labas o
loob lamang ako ng opisina sa palagay ko ay magagawa ko pa rin ang tungkulin ko.
Mahal ko po si Blake at maliit na sakripisyo lamang ho ito kapalit ng hindi pag-
aalala ng mga taong mahal ko.”

“I feel relieved then.”

Ibinaling ng matanda ang mga mata sa apo. “Now that our agreement has been
cancelled, what’s going to happen next, Blake?”

Nagkatinginan muna ang magkasintahan bago sumagot ang lalaki.

“I decided to fulfill my other promise to you. I will start to study the operation
of our business. I’m willing to study abroad as what we planned before. I’m
prepared to leave anytime you want me to... and Alex agreed about my decision too.”

“I’ll think about it...” maiksing sagot ng matanda na noon ay bakas din ang
pagsang-ayon sa desisyon ng apo.

Magalang na nagpaalam ang dalawa matapos sabihin kay Don Henry ang pakay.
“Blake, take care of Alex. Pag nagloko ka, ako mismo ang babatok sayo,” pahabol na
paalala ni Don Henry bago pa man makalabas ang apo sa pinto.

“Yes sir!” tatawa-tawang sagot ng lalaki.

Lumabas ang magkasintahan sa personal office ni Don Henry nang parehong nakangiti.
Magkahawak-kamay na binaybay nila ang isa sa mga pasilyo ng malaking bahay.

“Teka Blake. May hahanapin lang pala ako sa kuwarto. May nawawalang importanteng
bagay sa mga pinakuha kong gamit. Baka nandidito lang iyon.”

“Sige. Hindi ko pa rin naman pinapagalaw sa mga katulong ang mga naiwan mong gamit
because I was hoping na babalik ka pa rin.”

Umakyat ang dalawa sa kuwarto. Nang makita ng dalaga na papasok din sa loob ang
boyfriend, tiningnan niya ito ng may babala.

“What? You allowed me to enter here before, I think I’m even more allowed to do so
today,” ngingisi-ngising tugon ni Blake.

“Bahala ka na nga. Iwanan mong bukas yang pinto ha,” paalala ni Alex.

Lumapit si Alex sa damitan. Inisa-isa niya ang mga naiwang damit na naroroon.
Napangiti siya ng abot tenga nang makita ang hinahanap. Inilabas niya ang isang
kulay brown na jacket.

“Sira na iyan ah,” kunot noong komento ni Blake. Natatandaan niya ang jacket. Ito
ang suot ni Alex nang madaplisan ito ng patalim sa braso.

“Oo, pero importante kasi sa akin ito.”

“How come? Bigay ba yan ng isang mahalagang tao?”

May lambing na ngumiti si Alex sa nagtatakang kausap. “Mahalaga sa akin ang jacket
na to dahil dito ko unang naramdaman na nag-alala ka sa akin.”

Natigilan si Blake. Unti-unting umangat ang isang sulok ng kanyang bibig. Lumilipad
na naman ang mga paru-paru sa tiyan niya. Hindi nabibigo si Alex na pangitiin siya
sa tuwing nagbibitiw ito ng matamis na salita. Lagi siyang parang nagbibinatang
kinikilig kahit sa mga simpleng bagay na pagpapamalas nito ng pagmamahal.

“Alex...”

Hinawakan niya ang pisngi ng girlfriend at tinitigan ang bawat bahagi ng mukha
nito. Napadako ang mga mata niya sa mapupula at nag-aanyayang mga labi nito. Walang
pag-aatubiling hinalikan niya ito malalim. Gumanti sa mga halik niya ang dalaga.
Matamis na naglapat ang kanilang mga dila at parehong nakapikit na ninamnam ang mga
labi ng isa’t isa.
Ikinawit ni Blake ang kamay sa beywang ng babae at kinabig ito. Ipinulupot naman
nito ang mga kamay sa kanyang leeg. Inihakbang niya ang mga paa patungo sa
nakaawang na pinto nang hindi inihihiwalay ang mga labi sa dalaga. Isinarado at
ini-lock niya ito.

“A-Anong ginagawa mo Blake?”

“We need some privacy here,” sagot niya at sabay siil ulit ng halik sa girlfriend
bago pa man ito makapagreklamo.

Tututol pa sana si Alex ngunit naisip niyang nagawa na nila ito dati, ngayon pa ba
siya maasiwa kung kelan karelasyon niya na ang lalaki? Walang pag-aalinlangang
ginantihan niyang muli ang mga halik ni Blake. Para siyang lumulutang sa
naghahalong saya at nagigising na sensasyong unti-unting bumabalot sa kanyang
katawan. Ganito pala kasarap kapag malaya mong naipapadama ang tunay na isinisigaw
ng iyong damdamin.

Walang balakid.

Walang bawal.

Mahal niyo ang isa’t isa at tanggap din ng ibang mga nagmamahal sa inyo ang
pagmamahalan ninyong dalawa.

Gumapang ang mga kamay ni Blake. Pumasok ito sa loob ng suot niyang pantaas.
Hinaplos nito ang kanyang likuran, patungo sa kanyang tiyan, papaakyat sa kanyang
dibdib. Napaliyad siya ng maramdaman ang marahang himas ng lalaki sa kanyang
dibdib. Ang sensasyonng nagpapahina sa kanyang mga kalamnan ay dahan-dahang
sinasabayan ng gumagapang na init sa kanyang kabuuan.

Naglakbay muli ang mga kamay nito. Tumungo ito sa kanyang likod. Hinanap nito ang
pinagkakabitan ng kanyang suot na panloob at nang mapagtas ito’y bumalik ang mga
haplos ng lalaki sa kanyang dibdib. Napakagat siya sa labi habang hindi malaman
kung saan kakapit sa katawan ng lalaki. Bumaba ang mga labi ni Blake papunta sa
kanyang leeg. Papaakyat sa kanyang tenga.

“You’re beautiful Alex,” mainit na bulong nito at saka dahan-dahan siyang hinubaran
ng pantaas.

“B-Blake...”

“Shhh...It’s alright. I know when to stop...”

Pinabayaan niya ito. At namalayan niya na lamang na bumaba na ang mga labi nito sa
dibdib niya. Nasabunutan niya ang lalaki.

“Aaahh B-Blake...” ungol niya. Hinaplos niya ito nang may papahiwatig na sana’y
huwag itong tumigil sa paghalik.

Nag-angat ng ulo si Blake at tinitigan ang namumula niyang mukha. Nakakapaso ang
mga titig nito hanggang sa muli nitong siniil ng mga halik ang mga labi niya habang
hinahaplos ng kamay ang kanyang dibdib. Humakbang ito patungong higaan nang di
tumitigil sa malalim na paghalik. Walang pagtutol na sumunod ang mga paa niya sa
kagustuhan ng lalaki.
Naupo’t napahiga sila sa kama. Kinakabahan si Alex sa susunod na mangyayari ngunit
ayaw namang tumutol ng kanyang damdamin. Hinayaan niya si Blake na sakupin ang
kanyang buong pagkatao. Isa-isa nitong hinuhubad ang saplot niya.

“Let’s not stop Alex...Don’t be afraid. I'll take full responsibility. Kahit
paulit-ulit pa kitang pakasalan ay gagawin ko...” malumanay na bulong nito sa
kanyang tenga.

Naghubad na rin si Blake. Maingat itong pumaibabaw sa kanya at binalot sa makapal


na kumot ang kanilang mga katawan. Hinalikan muna siya ng malalim sa mga labi ng
lalaki. Hinayaan muna nitong madala siya sa mga halik at haplos nito sa maseselang
bahagi ng kanyang katawan hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong
pinapasok ang kanyang pagkababae.

Napaigtad siya sa sakit. “Aray!”

Kumawala siya sa halik ng lalaki. Napakagat siya ng sobrang diin sa labi. At hindi
niya napansing kusang gumalaw ang kanyang kanang kamay. Hinablot niya ang nakatuong
kamay ni Blake sa kama at malakas niya itong pinilipit patungo sa likuran.

“Ouch! Aray! Aray! What are you doing Alex?”

“Nanakit ka eh!” Pinandilatan niya ang lalaki.

“Stop it! Stop it Alex. You’re hurting me. STOP!”


Nang napasigaw si Blake ay saka lamang natauhan si Alex. Nahihiyang binitawan niya
ang kamay nito.

“Ouch! Alex pati ba naman dito...”

“S-Sorry.. N-Nabigla lang ako...”

“C-Can we continue now?..”

Hiyang-hiya at namumula ang mukhang tumango siya. "O-Oo.."

=================

EPILOGUE

*****
Natatarantang bumababa ng minamanehong kotse si Margareth. Tatakbo na sana siya
patungo sa loob ng headquarters subalit bigla siyang bumalik ng sasakyan nang
maalala ang mga bitbit na tinapay mula sa kanyang bakery. Nagmamadaling kinuha niya
sa likurang upuan ang isang presentableng basket na pinaglalagyan ng mga espesyal
na tinapay na isa-isang nakabalot sa magandang plastik.

“Aissh! Hanggang ba ako aalipinin ng babaeng ito!” sambit niya sa sarili

Habang naglalakad papasok sa gusali ay inaayos niya ang bitbit nang hindi
tumitingin sa nilalakaran.

“Ay ano ba?!” reklamo niya nang may bumangga sa kanyang balikat.

Nabitawan niya ang basket. Natatarantang pinagdadampot niya ang nahulog na mga
tinapay at isa-isang ibinalik ang mga ito sa lalagyan.

“Ano ka ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! Ang lawak-lawak


nitong daan kailangan ba talaga banggain mo pa ako!?” pagbubunganga niya habang
nakatingin sa mga dinadampot na tinapay.

“I’m sorry but I think you’re the one who’s not looking properly sa daan,” sagot
ng taong nakabangga.

“Aba at ako pang sinisisisi-” Natigilan siya pagka-angat ng mga mata. Napatanga
siya nang makita kung gaano kaguwapo ang taong nakatayo sa harap niya.
“Bakit ka tumigil? Aren’t you going to nag me more?” mapang-asar na tanong ni
James.

Napalunok si Margareth at agad na nagtaas ng isang kilay. “Tse!” sabay irap niya at
nagmadaling pumasok sa loob ng opisina ng kaibigan.

Samantala, pagkakita ni Alex kay Margareth ay kaagad siyang nag-ayos ng sarili.


“Ba’t ang tagal mo? Baka kanina pa naghihintay si Blake sa airport,” reklamo niya
sa kaibigan.

“Aba pasensiya na po ma’am. Inayos ko muna ang shop ko bago to iwan di ba?...Oh!”
sabay abot nito ng mga bitbit na tinapay.

“ Ano to?”

“Ibigay mo sa chief nyo. Bestseller item namin yan.”

“Ikaw talaga Margareth kahit kailan hindi pa rin mawala-wala yang kakornihan mo.
Ipagmamaneho mo lang ako at naisipan mo pa talagang magbitbit ng pasalubong.”

“Ah basta ibigay mo. Alam mo namang ayokong pumupunta sa isang lugar na walang
bitbit na kahit ano.”

“Mamaya ibibigay ko. Tara na baka ma-late pa ako.”


“Teka lang Alex! Sino yung gwapong lalaki nakatayo sa may entrance?”

Sinundan ni Alex ang nakaturong daliri ng kaibigan.

“Si Inspector Corpuz.”

“Ah pulis din pala siya.”

“Malamang nandidito sa headquarters eh. Alangan naman pagala-galang kriminal.”

“Alex, pakilala mo naman ako oh.”

“Sige.”

Lumabas ang dalawa sa gusali at nang marating ang bukana kung saan nakatayo si
James ay huminto si Alex.

“Hi! Inspektor!” bati niya.


“Hi!” Nagtaka si James nang makitang kasama ni Alex ang supladang babae.

“Kaibigan ko nga pala-”

“That woman is your friend?” napapangising tanong ng binata.

“ Oo siya si-”

Biglang nagbago ang hulma ng mukha ni Margareth. Itinaas nito ang isang kilay at
muling inirapan ang lalaki.

“Tse!” sabay lakad nito papuntang kotse nang hindi na hinintay pa ang kaibigan.

“Pasensiya ka na James. May topak eh...” paumanhin ni Alex bago tumalikod.

Napapakamot na lamang sa ulong sinundan ni James ng tingin ang sinasakyang kotse ng


dalawang babae.

“Ano na namang drama yun?” usisa ni Alex sa nagmamanehong kaibigan.

“Walang basagan ng style. Kanya-kanyang diskarte lang iyan. Grabe ang gwapo Alex!”
kinikilig na sagot ni Margareth. “May asawa o girlfriend na ba iyon?” dadag na
tanong nito nang may namimilog na mga mata.

“Wala pa. Pero paalala lang. Matalino ang taong yun kaya imposibleng madala yun sa
mga pasweet-sweet at sa mga pagdadrama mo.”

“Mahilig ba sa tinapay yun?”

“Hindi ko alam.”

“Alex okay lang ba kung dadalaw-dalawin kita sa headquarters?”

“Seryoso ka ba? Teka akala ko ba distansiya ka muna sa mga lalaki dahil na trauma
ka sa huling relasyon mo? Nakakita ka lang ng gwapo parang sinisilihan na yang
puwet mo.”

“My God Alex tatlong taon na akong walang boyfriend. Sa tingin mo ba hindi pa sapat
ang panahong ipinagpahinga ng puso ko? Tsaka teka lang masama ba kung ma-appreciate
ko ang mukha nung tao? Ikaw talaga, gusto mo lang atang ikaw lang ang magkaroon ng
gwapong boyfriend eh!”

“Kinakabahan lang ako sayo. Kilala kita. Minsan ikaw mismo ang nanliligaw sa
lalaki! Naku huwag na huwag mo gagawin yan sa headquarters ko ha kung hindi
itatakwil talaga kitang kaibigan!”

Ngumiti si Margareth at dumila sa kaibigan. “Nanligaw man ako pero I’m proud to say
na wala pang bumasted sa akin?”
“Margareth, tumigil ka! Kaibigan ko ang lalaking iyon kaya huwag na huwag kang
magkakamaling pagtripan yun. ”

“Kaibigan mo? Eh di mas matutulungan mo pala ako. It’s payback time Alex.
Maniningil na ako sa mga pang-aalipin mo sa akin,” ngingisi-ngising wika ni
Margareth.

“Tumigil ka na nga at bilis-bilisan mo ang pagmamaneho. Ayokong ma-late mahalaga


ang bawat minutong pagkikita namin ni Blake ngayon.”

“Bakit kasi pinayag-payagan mo pang mag-aral sa amerika yung tao?” ingus ni


Margareth.

“Margareth ang buhay ng magkarelasyon ay hindi lamang umiikot sa date at


paglalambingan. Paminsan-minsan kailangan niyo ring humarap sa katotohanan na may
mga kanya-kanya rin kayong responsibilidad sa labas ng inyong pagmamahalan.”

“Wow ang lalim nun ah!”

“Huwag kang komontra. Pabayaan mo akong mag-moment. Kailangan kung mag-isip ng mga
makakapagpagaan ng loob ko kung ayaw mong maglumpasay ako ng iyak sa airport.”

“Pero kakayanin mo ba ang dalawang taon?” biglang pagseseryoso ni Margareth.


“Dalawang taon lang iyon. Umabot nga ako ng bente tres anyos na walang boyfriend,
dalawang taon pa kaya.”

Naunang dumating sina Alex sa airport ngunit ilang minuto din lang ng paghihintay
ay dumating na rin si Blake.

“Sige Blake, Alex iwan ko na kayo. Ingat ka sa biyahe mo Blake. Alex, hintayin kita
sa parking,” paalam ni Margaret.

“Thanks Margareth,” sagot ng lalaki.

Pagkaalis ng kaibigan ay saka unti-unting bumalik ang bigat at lungkot sa dibdib ni


Alex. Napayakap kaagad siya sa boyfriend nang may nagingild na mga luha.

“Opps...we talked about this. Bawal ang maging malungkot. Remember we’re not
saying a forever goodbye here,” pabirong wika ni Blake na noon ay pilit ring
itinatago ang kalungkutan.

Kaagad na pinahid ni Alex ang dumudungaw pa lang na mga luha. Pinilit niyang
ngumiti at tumingin sa mukha ng kasintahan. “Pagbutihin mong mabuti ang pag-aaral
mo dun ha? Tsaka alagaan mo ang sarili mo. Huwag mong kakalimutang tawagan ako
araw-araw. Kailangan magkita mo pa rin tayo araw-araw sa web cam mahirap na baka
atakehin ka na naman ng kapilyuhan mo doon.”

“Alex, I’m a changed man now and you know it. We’ve been together for more than a
year now and within that time nagloko ba ako?”
“Hindi..”

“See. I don’t want you to worry that much. At saka ikaw din ingatan mo lalo ang
sarili mo especially now that I’ll be away. Baka mabalitaan ko na lamang na bumalik
ka na naman sa pagiging superwoman mo.”

“Hindi na mangyayari iyon. Masaya na ako sa posisyon ko sa opisina ngayon.”

Naglabas ng isang pirasong papel si Alex.

“What’s this?”

“Mga reminders mo. Idikit mo yan sa tapat ng study table mo para wala kang
makalimutan.”

Tatawa-tawang tinanggap ni Blake ang papel. “Your family really loves to hand out a
piece of paper. Don’t worry I’ll read this everyday. Kung gusto mo iparecopy ko pa
ng marami at idikit sa buong kuwarto ko.”

Kinurot ng dalaga sa tagiliran ang boyfriend. “Tumigil ka na nga sa pagbibiro mo.


Naninikip na nga ang dibdib ko sa lungkot, nagagawa mo pang magpatawa!”
Nagseryoso si Blake. Hinawakan niya sa baba ang kasintahan at tinitigan ito sa mga
mata. “Let’s not be sad here Alex. Para sa atin din ang pag-alis kong ito. This
time I want to become a man good enough for you. I’ll do my best para kahit papaano
ay maipagmalaki mo rin ako. I want you to be proud of me not because of my
grandfather’s money, not because of our business, not because of what my family has
now but because of what I’m capable of doing. I’m willing to study hard for you.
And in the future, I will still work hard for you...” Dumukot siya sa bulsa. “Wait
for me ...” Inilabas niya ang isang singsing na may maliliit na diyamante. “ And
when I come back, will you marry me Alex?”

Isinuot niya ang singsing sa daliri ng napapatangang girlfriend. Nagkatitigan sila


habang napapalunok siya sa kaba sa isasagot ng babae.

Muling sumilip ang luha sa mga mata ni Alex. Ilang sandaling nagpalipat-lipat ang
mga mata niya sa singsing at sa mukha ni Blake. Ito na yata ang pinakamasayang
paalamang naranasan niya. “H-Hihintayin kita Blake...Handa akong maghintay...A-At
nakahanda akong magpakasal sayo sa pagbabalik mo,” mangiyak-ngiyak niyang sagot.

Agad na napayakap si Blake sa dalaga sa tuwa. At tila walang tao sa paligid na


siniil niya ito ng halik sa mga labi.

“I love you Alex...”

“Mahal na mahal din kita Blake...at walang sinumang maaring umagaw ng puso ko sayo.
Malapit ka man o malayo.”

Ipinikit ni Alex ang mga mata at kusa itong muling humalik sa mga labi ng
kasintahan. Unti-unting naglaho ang lungkot sa kanyang dibdib. Ang lahat ay
napalitan ng pananabik sa bagong buhay na tatahakin nilang magkasintahan.
Pansamantala man silang magkakalayo subalit sa pagbabalik naman ng taong
pinakamamahal niya ay ang katuparan ng pinapangarap nilang pagsasama ng habambuhay.
~ THE END ~

Maraming salamat po sa pagbabasa. Your votes, comments and support really inspired
me a lot. Salamat po - Sweetmagnolia

BOOK 2: ANG SYOTA KONG ASTIG

You might also like