You are on page 1of 3

Menopause Ellen L.

Sicat Kasalukuyan siyang nagwawalis ng mga lagas na dahon sa harap ng kanilang bahay nang may lumapit na lalaki. Mukhang desente. Payat. Mataas. Nakakamisadentro na puti na inililis ang manggas. Nasa katanghalian ang gulang. Di niya maaninaw ang mukha dahil sa kulimlim ang panahon at Malabo ang kanyang mata. Saan ho ba rito yong nagpatay ng baboy? Mayron ho ba? Gusto niyang matawa sa bihis ng lalaki. Pormang-porma, bibili lang pala ng karne. Yon daw hong Linda Nagpatay daw ho sila. Gusto ko kasi ng bagong katay na baboy. Iba ho kasi ang lasa, muling nagsalita ang lalaki. Ah, si Aling Linda! Naku, malayo ho rito ang bahay non. Panong pagpunta ron, tanong ng mata ng lalaki. Matagal siyang nag-isip. Eto ang problema sa kanya. Hindi niya kayang ituro ang daanalam lang niyang puntahan. Tekayo. Sasamahan ko na lang kayo. Gusto ko rin kasing bumili ng bagong katay na baboy. May dugo pa kaya sila? Gusto kong magdinuguan. Siguro ho, parang nakahinga nang maluwag na sabi ng lalaki. Sandali lang. Hintayin mo ko. Tumuloy ang lalaki sa nakabukas nilang gate. Napatingin ito sa kabilang estatwa ng Birheng Maria at ni Hesus na nasa kanilang garden. Naisipan niyang ipasok yon sa loob ng bahaybaka may kumuha habang wala siya. Alam niyang kakargahin ang rebulto nang sansalain siya ng lalaki. Akon a ho, ako na ho, anito. Hinawakan nito sa ulo ang rebulto ngunit hindi nito maiangat. Mabigat ho pala ito, anito na binitawan ang rebulto. Bayaan na lang ho nyo sa garden. Wala naman hong nanakaw nyan . Saksakan ng bigat. Walang anumang kinilik niya ang rebulto at nabasa niya ang pagkamangha ng lalaki. Sinenyasan niya ang lalaki na hintayin na lang siya sa labas. Pumasok siya sa loob ng bahay at isinara ang pinto. Naisip niyang eto na naman siya, masyadong nagtitiwala sa kapwa. Pero hindi naman mukhang masamang tao ang lalaking ito. Kinuha niya ang kanyang pitaka at ang susi ng bahay at lumabas na. Tara na, aniya. Napatingin ang lalaki sa kanya at sa kanyang suot na parang natatawa. Sabi siguro nito: ni hindi man lang siya nagsuklay o nagpulbo o nagbihis ng panlakad. Diyan lang naman sa tabi-tabi, bakit pa siya mag-aayos? Saka malapit nang dumating ang kanyang mga kasambahay, kailangang agad siyang makabalik. May nakaharang na nabanggang trak sa gate ng isang kapitbahay sa kalyeng kabisado niyang siyang likuan para makarating sa bahay ni Aling Linda. Lumiko sila sa sumunod na kanto. Nalilito na siya kung saan lulusot. May palatandaan siyang bahay sa kanto ng kalte nina Aling Linda, pero nakakailang kalye na silang nalilikuan ay di pa niya makita. Malayo pa po ba? anang lalaki nang malayo-layo na ang nalalakad nila. Malapit na, aniya. Iniisip niyang magtanong pag may nakita siyang tao. Alam ho ba nyo talaga? parang nayayamot nang tanong ng lalaki nang hindi pa rin niya matunton ang daan.

Kumatok siya sa mga bahay-bahay. Bawat isa ay nagturo. Humihingal na siya at naliligo na sa pawis ang lalaki. Lamputin na ang suot nitong kamisadentro. Halatang naiinis ito. May dumaang binatilyo na nakasakay sa motorsiklo. Hinabol niya ito at himala naabutan niya. Tinatanong niya ito at itoy sumesenyas na hindi nito alam. Nagulat siya nang matanawang nakasakay na sa motorsiklo ang lalaking kasama niya. Bumata ito! Nakasuot na ng jacket at mukhang masaya. Kumaway ito sa kanya at humarurot ang motorsiklo. Naiwan siyang nakatanga. Nilingon ang binatilyo. Nnakaw ang motorsiklo mo, bakit hindi mo siya habulin? Tumawa nang tumawa ang binatilyo. Itinaas nitong tila ipapako sa krus ang dalawang kamay. Pagkaraay ipinatong na magkasalikop ang mga palad sa ulo. Tumingkayad at umiikot sa damuhan ng bakanteng lote sa harap ng kinatatayuan niya. Mabilis na mabilis na ikot. Pumagitna sa sumamang umikot na ibat ibang kulay na basyong plastic na supot, tuyong dahon at alikabok. Parang naeengkantong pinanood niya ang nalikhang ipo-ipo. Nang humupa ang ipo-ipo, nakatayo na sa harap niya ang binatilyo. Ang makukulay na plastic na supot ay kumalat at sumabit sa buo nitong katawanang alikabok ay nagmarkang mga bilog na tuldok sa kanyang pisngi, mata, bibig. Mistula itong payaso. Alam mob a ang bahay nong nagkatay ng baboy? tanong niya rito na wala sa loob. Napadilat ang binatilyo. Pagkaraay tumawa na naman ito nang tumawa. Mistulang turumpong nagpagulung-gulong sa damuhan. Muling lumikha ng ipo-ipo. Nagliparan ang mga plastic, kasamang lumipad ang nawarat nitong damit, lumitaw ang balat May namamataan siyang dugong umaagos. Ngunit hindi nagbawa ang malutong na halakhak ng binatilyobagamat ngayoy may kasamang ungol. Pagkaraan, katahimikanat nakita na lang niya ang lumulundag na bola. Nasaan na ang binatilyo? May tatlong binate na nag-uunahan pang dumampot ng bola. Alam ba nyo kung saan yong nagkatay ng baboy? pahabol niya sa mga ito. Patuloy na lumayo ang kabinataan na para siyang nagtanong sa hangin. Hindi bale, matutunton din niya, sa loob-loob niya. Ang problema niya ngayon ay hindi na rin niya matunton ang daang pauwi sa kanila. Sa kakalakad niya, may nakasalubong siyang matandang lalaki. Tinanong niya ito. E, ayan sa harap mismo ang palengke. Diyan, hindi lang babooy ang mabibili mo. May baka, manok, isda. Napatanga siya sa harap ng palengke. May palengke pala rito! Bakit hindi niya it nakikita? Nasaan na kaya siya? Nasaan na ang bahay nila? Gabi na. May sindi na ang poste ng Meralco. May sindi na ang ilaw ng mga bahay. Walang dumadaang mga tao Pumasok siya sa loob ng palengke. Nakasabit ang mga kinatay na baboy at baka. Nilalapang ng mga matitipunong lalaki ang kinatay na baboy at baka na nakalatag sa mahabang lamesa. Walang kakatas-katas ang nilalapang nila at halatang hindi na bagong katay. Nag-aalangan siyang lumapit sa isang lalaki. May dugo pa ho kayo? tanong nya. Parang nagtatakang tumingin ito sa kanya. Wala, walang dugo sa palengkeng ito. Nakita mob a ibinibitin namin ang mga kinatay namin? Pinatitiktikan namin ang dugo. Yumuko siya sa sementadong sahig ng palengke. Naglalawa itongunit bakit walang dugong kasama ang tubig? Hinipo ng kanyang mata ang pinarte-parteng karne. Ayaw niyang hawakan ang mapuputlang piraso. O, bibili ba kayo? yamot na tanong ng lalaki. Kinapa niya ang kanyang bulsa. Nagulat siya nan gang makapa niya ay ang kanyang hita! Gulat siyang napatingin sa kanyang suot. Wala siyang suot na palda! Wala rin siyang damit panloob!

Hinila niyang pababa ang suot niyang T-shirtpilit na pinagtatakpan ang kanyang kahubuan. Nahihiya siyang naglalakad palabas ng palengkenag-aalalang pagtawanan siya at bastusin ng mga madadaanan niyang kalalakihan. Pero walang pumansin sa kanya. Saglit lang tumingin ang mga ito at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Nang makalabas siya ng palenge ay may nag-abot ng kanyang palda. Ni hindi niya sinino ang nag-abot. Dali-dali niyang isinuot ang palda. Mangiyak-iyak siya. Nagsisikip ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi dahil sa pagod kundi dahil sa hinanakit. Walang pumansing hubo siya.

You might also like