You are on page 1of 2

PANALANGIN NG BAYAN

PARI: Sa mukha ng mga dukha naroon ang iba’t-


ibang larawan ng Diyos sa kasalukuyang panahon.
Manalangin tayo para sa natatanging araw na ito ng
mga dukha, maralita, at biktima ng iba’t- ibang uri
ng karahasan at pang-aabuso. Sa bawat panalangin
ang atin pong tugon:
PANGINOON NG MGA DUKHA, KAMI’Y IYONG
DINGGIN.
N: Para sa lahat ng naglilingkod sa ating simbahan,
ang kanyang kabunyian Cardinal Gaudencio Rosales
at ang kagalang-galang, Arsobispo Gilbert Garcera,
ang lahat ng mga pari, mga diyakono, seminarista,
ang mga relihiyoso at relihiyosa at lahat ng mga
layko; nawa’y maging liwanag sila ng tagumpay ni
Kristo upang maihayag ang Mabuting Balita ng
kaligtasan at pag-ibig ng Diyos sa buong
sangnilikha. Manalangin tayo sa Panginoon.

N: Para sa mga namumuno sa ating bansa, nawa’y


sa pamamagitan ng kanilang mga batas at
ordinansang ipinatutupad ay masalamin ang
kagandahang-loob ng Diyos na nagbibigay liwanag
sa hustisya at kapayapaan laban sa paghahari ng
kasalanang panlipunan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

N: Para sa lahat ng mga mahihina: matatanda,


may- karamdaman, mga dukha, inaapi o sinisiil at
biktima ng pang-aabuso, nawa’y makipamuhay tayo
sa kanila ng may pagsunod sa utos ng pag-ibig ng
Diyos at maipadama ang katotohanang kailanma’y
hindi sila pababayaan ng Diyos. Manalangin tayo sa
Panginoon.

N: Para sa lahat ng naririto ngayon, na sa mga


pagkakataong tayo’y inaalipin o napapaalipin sa
kadiliman ng kasalanan ng pagkagahaman,
pagkamakasarili, kapalaluan at kahalayan, nawa’y
sa ngalan ng Espiritu ng Mabuting Balita, piliin
nating dinggin at tanggapin ang panawagan ng
mapagligtas na pag-ibig ng Diyos. Manalangin tayo
sa Panginoon.

N: Para sa lahat ng namayapa, lalo na ang kaluluwa


ng lahat ng sumasampalataya, sa awa ng Diyos ay
mahimlay sa liwanag ng kapayapaang walang
hanggan. Manalangin tayo sa Panginoon.

PARI: O Diyos Amang makapangyarihan, sa lahat


ng pagkakataon ay hindi mo kami pinabayaan,
kami’y naninikluhod na Iyong dinggin ang
panalangin ng Iyong bayan, na sa tuwing
mahihikayat kaming gawin ang masama at talikuran
ang mabuti, mapansin nawa naming ang liwanag ng
Espiritu Santong pumapatnubay tungo sa
kaganapan ng buhay, sa pamamagitan a rin ni
Jesukristong aming Panginoon, nabubuhay at
naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like