You are on page 1of 1

Kabanata 17 ANG PERYA SA QUIAPO

Narrator: Punong-puno ang perya ng mga tao na nais maglibang. Buwan ito ng Enero at malamig ang
simoy ng hangin. Ang mga musika at ilaw ng mga parol ay nagpapasigla sa bawat isa. May mahahabang
hanay ng mga tindahan. Sa gitna ng lahat ng ito, ang mga kawani, prayle, at estudyante ay salu-salubong.
Halos magtulakan at nagkakatapakan, palibhasa’y nagkakatawanan. Maririnig ang “Tabi! Tabi!” ng mga
kutsero.

Narrator: Magkakasama sina Padre Camorra, Padre Salvi, at Ben Zayb. Habang nasa kalye, tila nakaakyat
sa langit si Padre Camorra sa pagmamasid sa mga dalaga. Nagkukunwari siyang natitisod upang masagi
ang mga dalaga. Kinikindatan at pinupungayan niya ito ng mga mata.

Narrator: Nang mapadaan si Paulita na kasama sina Isagani at Donya Victorina, naibulalas ni Padre
Camorra….

PADRE CAMORRA: Ang ganda! Anong ganda! Ang nobyo pala niya’y ang kagalit kong estudyante.
Pasalamat siya at hindi naging tagaroon sa bayan ko.

Narrator: Nakarating ang magkakasama sa tindahan ng mga nililok na tau-tauhang kahoy na smyari sa
Pilipinas. Marami sa mga ito ay kahawig ng mga prayle.

BEN ZAYB: Narito si Padre Camorra.

PADRE CAMORRA: At sino naman ang kamukha ng larawang ito, Ben Zayb? Ano, hindi ba ulol ang
nakaisip niyan?

Narrator: Napansin din nila ang isa pang nililok na kahawig naman ni Simoun. Tuloy, naging paksa ng
kanilang usapan ang mag-aalahas.

BEN ZAYB: Nasaan si Simoun, dapat bilhin niya iyon.

(MAGTATAWANAN YUNG IBA)

PADRE CAMORRA: Putris! Napakakuripot ng Amerikanong iyon. Natatakot na pagbayarin natin siya sa
pagpasok sa tanghalan ni Mr.Leeds.

BEN ZAYB: Hindi! Nangangambang baka magipit siya. Nahuhulaan na matutuklasan ang lihim ng
kanyang kababayang sinMr.Leeds, kaya’t nagmaang-maangan na.

Narrator: Habang patungo sila sa napapabantog na ulo.

BEN ZAYB: Makikilala ninyo’t pawang kadayaan lamang ng salamin sa ulong iyan na ipinagmamayabng
ni Mr.Leeds.

You might also like