You are on page 1of 8

Buklat: Kuwentong Pilipino

Ads

Home Mga Alamat Mga Alamat ng Gulay Ang Alamat ng Bawang

Ang Alamat ng Bawang

Jim Lloyd 2 years ago Mga Alamat, Mga Alamat ng Gulay

Mapag-aruga at mapagmahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking


mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala. Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa
bundok ang kaniyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang
pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya.

Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang mamatay ang
asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag-iisa na siya ay hindi na niya inisip mag-
asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may
ambisyon ding gustong maipakamit si Uganda sa anak. Nais niyang makapag-asawa ito ng mayaman
upang malayo sa karalitaang kanilang naranasan.

Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala. May kasabihang ang kagandahan
at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung
maganda ang isang dalaga, maaaring makapag-asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat
ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni Uganda para sa anak.

Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag-usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at
balingkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap na mga mata siya. Ang mga labi niya,
kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalo't kapag siya ay
nagtatampo na.
Sapagkat marunong makipagkapwa tao kaya siya ay kaibigan ng bata at matanda. Mahirap at mayaman
ay pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pinakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para
sa kanya, ang pagpapakatao ay isang mabuting pag-uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang
tipak na lupa, mauuwi rin daw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala.

Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap
pa rin ang ina na sana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapangasawa ng kaniyang
magandang dalaga.

May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag-ibig sa kaniya pero wala pa
siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat nang manliligaw niya ay
nagpapakiramdaman at nagpapayabangan mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang
pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na
nagpapasikatan.

Naririyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang
pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lang ay mayabang na
itong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad siyang
mabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad.

Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaylay na katawan
ng mangingibig.

Nasundan ito ng abenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na


lumusong sa ilug-ilugan na kinaroroonan ng pinakamababangis na buwayang kinatatakutan ng mga
kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus-diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang
dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa
hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bagu tuluyang namatay ang diyablo.

Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig.
Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag-aagawan ng kabinataan.
Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng mapapangasawa ng anak
niya. Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Naririyan si Anturo na anak
ni Datu Basti at naririyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayan
ni Uganda, binuo niya sa sariling matira sa matibay ang dapat na paglabanan ng dalawa. Minsang
nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay nagparunggitan sila sa isa't-isa. Nagkapikunan at nagkainisan
hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahang pinag-
aawayan, ang pakikipaglaban ay nagwagi sa pakikipagkaibigan na nauwi sa dalawang kaluluwang naging
bangkay.

Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punung-puno ng kalungkutan ang katauhan


niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud-sunod pang naglaban ang marami pang mangingibig na
handang mag-alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong
dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok.

"Bathala ng Kabundukan!" nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, "Kunin na po Ninyo ako sa
daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na po ang kalooban kong maging instrumento upang pag-awayan ng
mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na pagnanasang maangkin ako ng
mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa na po kayo!"
pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag-ibig na nakauunawa at sagrado.

Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Nagsalubungan ang
mata talim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na
napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na
bagamat wala nang buhay ay may ngiti ang mga labi sa katuwaan.

Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto ni Kulalang lisanin ang daigdig.

Maligaya si Kulala sa kinaroroonan ni Bathala. Sa tuktok ng Bundok ipinalibing ni Uganda ang bangkay ng
anak.

Lagi niya itong dinadalaw hanggang sa isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang
halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa
langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala.
"Nasa kaharian Ko na si Kulala at masayang-masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalala sa iyo sa
mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao."

Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula noon ang
mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang
Bawang.

KUWENTONG ALAMAT

Mga Alamat ng Hayop

Mga Alamat ng Prutas

Mga Alamat ng Pook o Lugar

Mga Alamat ng Halaman

Mga Alamat ng Gulay

Iba Pang Kuwentong Alamat

Lahat ng Mga Kuwentong Alamat

Share This:

ads

Mga Alamat ng Gulay

Next

Ang Alamat ng Makahiya

Previous

Ang Magulang na Daga

CommentsBLOGGER
No Comments:

Post a Comment

SOCIAL WIDGET

1.7k

Likes

1.2k

Followers

152

Followers

325

Subscribes

SEARCH THIS BLOG

FACEBOOK

MAGBASA PA!

Mga Alamat(78)

Maikling Kuwento(22)

Kuwentong May Aral(17)

Pabula(15)

Kuwentong Pambata(10)

Kuwentong Bayan(9)

Sanaysay(9)

Video Stories In Tagalog(9)

Inspirational Short Stories(7)


Tagalog Fairy Tales(4)

Kuwento Ng Pag-Ibig(2)

Bugtong(1)

Fairy Tales(1)

Katutubong Kuwento(1)

Malungkot Na Kuwento(1)

Mga Epiko(1)

Mitolohiya(1)

Talahulugan(1)

Tugma(1)

Tula(1)

POPULAR

RECENT

COMMENTS

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Lansones


Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Paniki

Ang Alamat ng Paniki

Ang Alamat ng Saging

Ang Alamat ng Saging

Ang Alamat ng Anay

Ang Alamat ng Anay

Ang Alamat ng Mangga

Ang Alamat ng Mangga

Ang Alamat ng Papaya

Ang Alamat ng Papaya

K-12 TOOLS

K-12 Templates

Periodical Test

Summative Test

BLOG ARCHIVE

POPULAR POSTS

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Lansones


Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Paniki

Ang Alamat ng Paniki

RANDOM POSTS

randomposts

MOST RECENT

recentposts

Created By SoraTemplates | Distributed By MyBloggerThemes

You might also like