You are on page 1of 2

Mikael Osias November 25,

‘19
TFE5 INTEFIL

Repleksyon: Usaping Sosyo-ekonomiko

Patuloy na pumapaloob ang kaisipang neo-liberalismo sa paglipas ng panahon. Sa

katunayan, ayon sa isang pananaliksik papel ukol sa neo-liberalismo, maituturing ito

bilang nangingibabaw na ideolohiyang humuhubog sa ating mundo ngayon. Binuksan ng

kaisipang ito ang maraming teorya at batas, na siyang masusing pinag-aralan para sa mas

epektibong pamamahala ng mga gawaing likas sa tao. Ang mga nasabing teorya at batas

na ito ay lubos na nakaaapekto sa kapakanan ng nakararami sa lipunan. Sa kaisipang ito,

kung saan ipinapaliwanag na ang tanging layunin ng estado ay pangalagaan ang mga

indibidwal na sakop nito, binibigyang kahalagahan ang pampulitikang ekonomiya na

pinamamahalaan ng siyensiya ng kilos at pag-uugali.

Mayroong magaganda at mabubuting intensyon ang neo-liberalismo sa

ekonomiya ng isang bansa. Ang mga polisiyang nakapaloob sa kaisipang ito ay

naglalayong makamit ang isang free market. Subalit, nasasapawan ito ng mga negatibong

impliksayon. Isang negatibong epekto nito sa lipunan ay ang hindi pantay na

pamamahagi at distribusyon ng yaman. Nagmumula ito sa isang katangiang itinatampok

sa kaisipang ito—ang pagsasapribado ng ekonomiya—na siyang lalong nagpapayaman sa

talagang mayayaman na at patuloy na nagtutulak sa mga mahihirap sa ilalim ng linya ng

kahirapan. Mayroong mga pag-aaral sa ibang bansa na nagpapatunay na ang epekto ng

neo-liberalismo sa kanilang ekonomiya ay mas yumayaman ang mga mayayaman at mas


humihirap ang mga kapospalad. Pangalawa, nagdudulot ang neo-liberalismo ng imoral na

komersyalisasyon ng mga produkto. Nagiging bukas sa pananamantala at pagmamaliit

ang neo-liberalismo dahil sa kahirapan ng pag-abot sa mga pangunahing pangagailangan

gaya ng edukasyon at kalusugan. Para sa akin, kahit na may marangal na layunin ang

kaisipang ito, hindi dapat nalalagay sa kompromiso ang kapakanan ng mga mamamayan

sa lipunan. Ang kaisipang ito, sa aking palagay, ay nagdudulot lamang ng mas maraming

suliranin.

Samakatuwid, binuo ang kaisipang neo-liberalismo upang palawakin ang

pagsulong ng ekonomiya, ngunit sa paglaki nito, lalo lang yumaman ang mayayaman at

humirap ang mga mahihirap. Bumuo ito ng mas malaking puwang sa pagitan ng working

at rich class. Sa paglawak ng ekonomiya sa pamamagitan ng neo-liberalismo, mas

nahihirapan lamang ang mga nasa middle class na makamtan ang mga produkto’t

serbisyong libre nilang nakukuha noon. Dahil dito, naniniwala akong hindi ito ang

nararapat na ipatupad sa ekonomiyang mayroon tayo ngayon.

You might also like