You are on page 1of 3

ANO ANG PAGSASALIN?

Ayon kay Chaim Rabin , 1958:

“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay Eugene Nida, 1959/1966

“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na


katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa
istilo.”

Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga
pahayag na berbal. (Theodore Savory, 1968)

"Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal." - Gregory Rabassa

Mga Paraan ng Pagsasalin


1. Sansalita-bawat- sansalita - maaaring gamitin ang naturang paraan sa pagsisimula ng gawaing pagsasalin,
sa prosesong tinutuklas ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal ngunit hindi dito nagtatapos ang pagsasalin.
2. Literal na salin - sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na wika tungo
sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay halaga sa gramatikal na aspekto
ng tumatanggap na wika.
3. Adaptasyon - sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal. Ginagamit lamang niya ang
orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda.
4. Malayang salin - inilalagay ng tagasalin sakanyang kamay ang ang pagpapasya kung paano isasalin ang
mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
5. Matapat na pagsasalin – ang pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang
kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika.
6. Idyomatikong salin - ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at
hanapin ang katumabas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
7. Saling semantiko - pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggap-tanggap ng salin samga
bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin at hindi
ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
8. Komunikatibong salin - hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin, ngunit maging
sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa
ginagamit na wika ay yaong karaniwan at payak.
Drilon wants gov’t expenses for 30th SEA Games scrutinized
By: Christia Marie Ramos

MANILA, Philippines — Senate Minority Leader Franklin Drilon on Monday said he would push for an
investigation on the spending of the government for the Philippine-hosting of the 30th Southeast Asian
(SEA) Games.
During the Senate deliberations on the 2020 budget of the Bases Conversion and Development Authority
(BCDA), Drilon questioned the P50-million stadium cauldron for the SEA Games, which will take place
on November 30 to December 11.

“Sa akin, masyadong extravagant ang mahiwaga at pinakamalaking kaldero sa buong mundo, sa kasaysayan
ng ating bansa,” he told reporters in an interview.
(For me, the mysterious and biggest pot in the world, in the history of the Philippines is too extravagant).
He said he would file a Senate resolution, seeking an inquiry into government expenses for the staging of
the SEA Games in the country.
“We have to support our athletes. ‘Di naman nila kasalanan itong pangaabuso na nakikita natin but
kailangan suportahan natin ang mga atleta natin para (This abuse we’re seeing is not their fault and we need
to support them so) they can compete and bring honor to the country. But it doesn’t mean that we will not
question this expenses,” he said.

After the games in December, I will file a resolution for the Senate to investigate this,” he added.
The veteran lawmaker then appealed to the Commission on Audit (COA) to conduct a special inspection
of the government’s financial records pertaining to its expenditures for the regional biennial sports
competition.
“Dapat i-audit ng husto ng COA, hindi lang po ito [tungkol sa P50-million cauldron], kung hindi ‘yung
ibang gastusin,” he said.
(COA should audit this carefully. This is not not only (about the P50-million cauldron) but also other
expenses).

“Hinihiling ko po sa COA na magkaroon ng special audit para po matignan ng husto ang ginastos dito sa
Southeast Asian Games,” he added.
(I appeal to COA to conduct a special audit so that we can thoroughly look into the expenses of the
government for the Southeast Asian Games.)

Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1191215/drilon-wants-govt-spending-for-30th-sea-games-


scrutinized#ixzz65ebCBTkK
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Drilon, gustong suriin ang mga gastos para sa ika-30 SEA Games
By: Christia Marie Ramos

MANILA, Philippines – Noong Lunes, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na itutulak niya
ang imbestigasyon sa paggastos ng pamahalaan sa paghahanda para sa ika-tatlumpung SEA Games.
Sa pag-uusap ng senado ukol sa pondo para sa 2020 Bases Conversion and Development Authority,
kinuwestyon ni Drilon ang P55 milyong halaga ng stadium ‘cauldron’ na itinayo para sa larong gaganapin
mula Nobyembre 30, hanggang Desyembre 11.
“Sa akin, masyadong extravagant ang mahiwaga at pinakamalaking kaldero sa buong mundo, sa kasaysayan
ng ating bansa,” pahayag ni Drilon sa panayam ng mga reporter nitong Lunes.

Ayon kay Drilon, maghahain siya ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang ginastos ng pamahalaan
sa pagsasagawa ng SEA Games sa bansa.

“We have to support our athletes. ‘Di naman nila kasalanan itong pangaabuso na nakikita natin but
kailangan suportahan natin ang mga atleta natin para they can compete and bring honor to the country. But
it doesn’t mean that we will not question this expenses,” ani Drilon.

“After the games in December, I will file a resolution for the Senate to investigate this,” sambit pa nito.

Nanawagan pa ito sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special investigation sa financial


record patungkol sa gastos ng gobyero sa naturang kompetisyon.

“Dapat i-audit nang husto ng COA, hindi lang po ito [tungkol sa P50-million cauldron], kung hindi ‘yung
ibang gastusin,” sabi ni Drilon.

“Hinihiling ko po sa COA na magkaroon ng special audit para po matignan nang husto ang ginastos dito sa
Southeast Asian Games,” sambit pa nito.

You might also like