You are on page 1of 6

MALAZARTE. JELIENA L.

PCAS-01-101A

AKTIBITI BLG 3
Sa mga nasabing salita ng taon, ano ang tumatak sa iyong
kamalayan?

Dagdag-bawas- Sabwatan. Sabwatan ang nangyayari sa dagdag-bawas.


May badyet na malaki para sa mga opisyal ng Comelec na
makikipagkutsabahan sa mayamang politiko. Milyon ang usapan. Sa
rehistrasyon pa lamang ay pinapalamanan na ng kasangkot na opisyal
ang bilang ng botante. Inilalagay sa listahan ang mga yumao na at ang
mga wala sa gulang para bumoto. Nagbabayad ng mga flying voter at
double registrant para dumami ang bilang ng tao sa isang distrito.
Dagdag iyan. Sa araw naman ng eleksiyon, marami ang
nadidisenfranchise. Bawas iyan. Tapos, magbabayad ng mga maton para
manggulo sa araw ng bilangan na balota. Kapag nagtakbuhan ang mga
tao, pasok naman ang magdodoktor sa certificate of canvass.
Tumatak ito sa aking kamalayan dahil panahon na naman ng eleksyon at
ako ay isa na din sa rehistradong mamamayan, kaya naman dapat ay
mayroon na akong kamalayan sa mga usaping ganito dahil
responsibilidad ko bilang isang mamamayan ang pagboto ng tama para
sa kinabukasan ng ating bayan. Isa pa dahil inagamit ang wika sa mga
usaping pulitika sa pamamagitan ng pangangampanya tuwing sasapit
ang halalan o eleksyon at nagkakaroon ng kamalayan ang mga
mamamayan sa mga nagaganap at nangyayari sa pamahalaan o
gobyerno.
2. Paano pinipili ang mga salita ng
Taon sa wika?
Maaaring ituring na Salita ng Taon ang isang salita, bago man o luma, na nakapukaw sa pambansang
guniguni o nakaapekto nang malaki sa mga usaping pampolitika, panlipunan, pang-ekonomiya, at iba
pang aspekto ng buhay-Filipino sa loob ng nakaraang isa o dalawang taon. Hindi man sabihin, isang
salita ito na naging popular o karaniwan at makabuluhang ginagamit ng mga mamamayan sa iba’t
ibang antas ng pagtukoy at pag-unawa sa kanilang mga pansarili at panlipunang karanasan. Isang
mahalagang dagdag ang Salita ng Taon sa bokabularyo ng bayan at karapat-dapat na magkaroon ng
espasyo sa pambansang wika at diksiyonaryo. Sa madali’t salita, maaaring kilalaning Salita ng Taon
ang anumang salita na:

·Bagong imbento

·Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika

·Luma ngunit may bagong kahulugan

·Patay na salitang muling binuhay

PAGPILI NG SALITA NG TAON

·Maaaring magpasa ang sinumang interesado o makawika ng salitang sa tingin niya ay karapat-dapat
na kilalaning Salita ng Taon. Narito ang mga hakbang na pagdaraanan ng sinumang lalahok sa
pagpili ng Salita ng Taon:

·Pagpapasa ng isang pahinang panukala na naglalaman ng 1) etimolohiya o pinagmulan ng salita, 2)


mga tiyak na gamit ng salita, at 3) mga dahilan kung bakit dapat kilalaning Salita ng Taon ang
inilalahok na salita.

·30 Marso 2007 ang huling araw ng pagpapasa. Ipadala ang lahok sa tanggapan ng Filipinas Institute
of Translation sa Rm. 2082, Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Quezon City o sa pamamagitan ng email: filipinas.translation@gmail.com.

·Pagpapasiyahan ng Lupong Tagapagpaganap ng Filipinas Institute of Translation kung alin sa mga


panukalang salita ang karapat-dapat na piliin bilang mga nominado para sa Salita ng Taon

·Makatatanggap ng liham na nagpapabatid na natanggap ang lahok mula sa pamunuan ng Filipinas


Institute of Translation sa o bago sumapit ang 30 Abril 2007.
·Pagbuo ng papel na nagpapaliwanag kung bakit ang salitang ipinanunukala
ang dapat itampok na Salita ng Taon. Dapat na maipasa ito sa pamunuan ng
FIT sa ika-30 ng Mayo 2007.

·Babasahin ng mga editor na itatakda ng FIT ang mga binuong papel.


Magsasagawa ng rebisyon alinsunod sa mga pagpansin o panukalang gagawin
ng mga editor. Kailangang maipasa ang nirebisang papel sa 29 Hunyo 2007.

·Presentasyon ng papel sa pambansang kumperensiya na Sawikaan 2007 na


gaganapin sa 2-3 Agosto 2007 sa Pulungang Rector, Bulwagang Rizal, Kolehiyo
ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

·Huhusgahan ang mga lahok batay sa lawak ng pananaliksik, bigat ng mga


patunay, at linaw ng paglalahad at pangangatwiran.

·Pipili ng una, ikalawa, at ikatlong Salita ng Taon. Tatanggap ng gantimpalang


salapi ang mga magwawagi mula sa Blas Ople Foundation.

You might also like