You are on page 1of 4

Applied FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Subject 4 Handout 1

Batayang Kaalaman sa Pagsulat


 Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa
ispesipikong lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005).
 Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na
kumakatawan sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996).
 Ito ay masistemang proseso.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat.
 Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord o pagpreserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat (Fischer, 2001).
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).

AKADEMIKONG PAGSULAT
Sa globalisadong mundo, nakaaangat ang mga indibidwal na may kasanayan sa
akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat.

 Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip.


 Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip.
 May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga
ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at
gumawa ng sintesis.
Halimbawa ng akademikong teksto:
Abstrak Talumpati
Bionote Sintesis
Panukalang Proyekto Repleksibong Sanaysay
Posisyong Papel Katitikan ng Pulong
Photo Essay Lakbay-Sanaysay

Pagkakaiba ng Akademiko at Personal na Pagsulat

Personal na Pagsulat Akademikong Pagsulat


 impormal ang wika  pormal ang wika
 magaan ang tono at  seryoso ang tono
kumbersasyonal  hindi maligoy at direct to the
point ang paglalahad

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 1 ng 4
 madalas ay maligoy ang  literal ang pagbasa at hindi
paglalahad ginagamitan ng mabubulaklak
 nangangailangan ng hindi na pananalita
literal na pagbasa  pinahahalagahan ang
 karaniwan ay bunga ng kawastuan ng mga
imahinasyon impormasyon
 bunga ng masinop na
pananaliksik

Uri ng Akademikong Pagsulat ayon sa Layunin


1. Impormatibong Sulatin
 Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag
Halimbawa: balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag ng estadistika,
konseptong papel, sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis
2. Malikhaing Akda
 Nagbibigay rin ng impormasyon ngunit higit ang layunin nitong makapagbigay-
aliw sa mga mambabasa
Halimbawa: autobiography, diary, memoir, liham, movie review
3. Sulating Nanghihikayat
 May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig sa
isang paniniwala, opinion, o katuwiran
Halimbawa: konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong papel, manifesto,
editorial, talumpati
Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat
1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na
depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o
pinanggalingan ng salitang ito

2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang


tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula, una, ikalawa, susunod,
pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa, at iba pa.

3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari o proseso batay


sa wastong sequence. Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896
hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo.

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 2 ng 4
4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba ng mga tao
(PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz), pangyayari (Pasko, Bagong Taon), konsepto
(pagmamahal, pagseselos), at iba pa.

5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na


epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ay lagging
bumabaha sa kalakhang Maynila.

6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas


sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.

7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang


bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng mga
programang K-12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Halimbawa ng Akademikong Sulatin


ABSTRAK

Ang pananaliksik-papel na ito ay naglalayon na maipakita ang impresyon ng mga


estudyante ng unang taon ng College of Nursing ng UST sa mga taong nagpi-PDA (Public
Displays of Affection) sa loob ng paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid
sa mga mambabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao sa PDA. Sa ganitong
paraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga problema sa PDA. Upang makalap
ang mga kinakailangang impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng sarbey sa mga
estudyante sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito, nahinuha ng grupo na
hindi maganda ang tingin ng mga nasabing respondente sa mga taong nagpi-PDA. Ngunit,
karamihan sa kanila ay walang reaksyon sa pagbibigay ng parusa sa mga ito.

1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?


2. Ano ang layunin ng abstrak na ito?
3. Ano-anong bahagi ang makikita mo rito?
4. Ano ang kalakasan at kahinaan ng abstrak na ito?

Digong binati si Trump


MANILA, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay US
president-elect Donald Trump matapos manalo ito sa US presidential elections laban kay
Democratic party candidate Hillary Clinton.

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 3 ng 4
“President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Donald
Trump on his recent electoral victory as President of the United States of America. The United
States presidential elections is a testament to the enduring traditions of its democratic system
and the American way of life. The two-party system gives American voters freedom of choice
based on party platforms, not just on personalities,” pahayag ni Presidential Communications
Sec. Martin Andanar na kasama ni Pangulong Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia.
Hangad anya ni Duterte ang tagumpay ni Trump sa kanyang pamumuno sa Estados
Unidos.
Umaasa rin ito na magkaroon ng magandang relasyon ang US at Pilipinas sa ilalim ng
administrasyon ng bagong halal na Pangulo.
Magugunita na inilarawan ni Duterte si Trump sa interview niya kamakailan sa Al-Jazeera
television na isang ‘good presidential candidate’.
1. Anong uri ng akademikong sulatin ito?
2. Ano ang paksa ng sulatin?
3. Ano ang layunin nito?
4. Ano ang mga detalyeng inilahad tungkol sa paksa?

Mischelle D. Mariano
Ikalawang Semestre, 2016-2017 Pahina 4 ng 4

You might also like